Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos
Para Gamitin sa Buhay-IglesiaAng Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ay nagpahayag ng lahat ng katotohanan na makapagliligtas sa sangkatauhan. Ang mga katotohanang ito ay napakahalaga pagdating sa pagkakamit ng mga tao ng kaligtasan. Gayunpaman, nararamdaman ng maraming tao na napakaraming salita ang sinabi ng Diyos—hindi nila alam kung saan sisimulang basahin ang mga ito o kung aling mga katotohanan ang kailangang pasukin. Upang makalatag ng pundasyon ang mga hinirang ng Diyos sa lalong madaling panahon, at makapasok sa tamang landas sa pananampalataya sa Diyos at sa kaligtasan, binuo ng sambahayan ng Diyos ang aklat na ito, para gamitin sa buhay-iglesia at para sa pagkain at pag-inom ng mga hinirang ng Diyos sa Kanyang mga salita. Ang aklat na ito ay nahahati sa limang pangunahing bahagi. Ang unang bahagi ay ukol sa mga katotohanan tungkol sa mga pangitain, mayroong sampung paksang nakapaloob dito, kabilang na ang misteryo ng pagkakatawang-tao, ang tagong kwento ng tatlong yugto ng Kanyang gawain, ang misteryo ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at iba pa. Ang ikalawang bahagi ay ukol sa mga katotohanan na may kaugnayan sa paglutas ng iba’t ibang kuru-kurong panrelihiyon, at mayroong 22 paksang nakapaloob dito. Ang ikatlong bahagi ay ukol sa mga katotohanang may kaugnayan sa paglutas ng iba’t ibang tiwaling disposisyon, at mayroong 32 paksang nakapaloob dito. Ang ikaapat ay ukol sa mga katotohanang may kaugnayan sa pagkilatis ng mga walang pananampalataya, masasamang tao, mga huwad na lider, at mga anticristo, mayroong 12 paksang nakapaloob dito. Ang ikalimang bahagi ay ukol sa mga katotohanan na may kaugnayan sa paghahangad sa kaligtasan at sa pagkakaperpekto, at mayroong 46 paksang nakapaloob dito. Masasabing ang mga katotohanang sinasaklaw ng limang bahaging ito ay ang mga pangunahing katotohanan na dapat maunawaan ng mga mananampalataya sa Diyos. Kung madalas na kumakain, umiinom, nagbabahaginan, at nagninilay-nilay tungkol sa mga katotohanang ito ang mga hinirang ng Diyos, unti-unti nilang mauunawaan ang katotohanan, mapapasok ang realidad, at matatamo ang pagliligtas ng Diyos. Kung, sa batayang ito, ay hahangarin nilang pasukin ang lahat ng katotohanang hiningi ng Diyos, makakamit nila ang katotohanan at ang walang hanggang buhay.
Mga Aklat ng Ebanghelyo
-
A. Sampung Katotohanan Tungkol sa mga Pangitain ng Paglalatag ng Pundasyon sa Pananampalataya ng Isang Tao sa Diyos
-
1. Mga Katotohanang Nauukol sa Pagkakatawang-Tao
-
2. Mga Katotohanang Nauukol sa Tatlong Yugto ng Gawain
a. Ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan
b. Ang kabuluhan ng bawat isa sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos
c. Ang ugnayan sa pagitan ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos
d. Bakit kailangang tapusin ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain upang iligtas ang sangkatauhan
-
3. Mga Katotohanang Nauukol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw
-
4. Mga Salita Tungkol sa Ugnayan sa Pagitan ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos at ng Kanyang mga Pangalan
-
5. Mga Salitang Nauukol sa Pagkakarinig sa Tinig ng Diyos at Pagsalubong sa Panginoon ng Matatalinong Dalaga
-
6. Mga Katotohanang Nauukol sa Ugnayan ng Diyos at ng Bibliya
-
7. Mga Katotohanang Nauukol sa Pagkilatis
-
8. Mga Katotohanang Nauukol sa Pagkilatis sa Laban-sa-Diyos na Diwa ng Mundo ng Relihiyon
-
9. Mga Katotohanang Nauukol sa Pag-unawa sa Diwa at Ugat ng Kadiliman at Kasamaan sa Mundo
-
10. Mga Katotohanang Nauukol sa Pagpapasya ng Diyos sa mga Kalalabasan ng Bawat Uri ng Tao at sa Kanyang mga Pangako sa Sangkatauhan
a. Saan ibinabatay ng Diyos ang Kanyang pagpapasya tungkol sa kalalabasan ng isang tao
b. Sino ang inililigtas ng Diyos at sino ang Kanyang inaalis
d. Ano ang mga ipinapangako ng Diyos sa mga nagtamo na ng pagliligtas at sa mga nagawa nang perpekto
e. Ano ang magiging kamangha-manghang patutunguhan ng sangkatauhan
-
B. Mga Katotohanang Nauugnay sa Paglutas ng Iba't Ibang Kuru-kurong Panrelihiyon