30. Paano lutasin ang problema ng paghihimagsik at paglaban sa Diyos ng mga tao
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Sa loob ng ilang libong taon ng katiwalian, ang mga tao ay pawang naging manhid at mapurol ang isip; silang lahat ay naging masasamang demonyo na sumasalungat sa Diyos, hanggang sa punto na ang kanilang paghihimagsik laban sa Diyos ay naisulat sa mga talaan ng kasaysayan, at na maging ang mga tao mismo ay hindi kayang magbigay ng buong salaysay ng kanilang mapaghimagsik na pag-uugali—sapagkat sila ay malalim na ginawang tiwali ni Satanas, at iniligaw ni Satanas kung kaya’t hindi na nila alam kung saan babaling. Kahit ngayon, ipinagkakanulo pa rin ng mga tao ang Diyos. Kapag nakikita nila ang Diyos, ipinagkakanulo nila Siya, at kapag hindi nila nakikita ang Diyos, ipinagkakanulo rin nila Siya. Mayroon pa ngang mga taong, matapos masaksihan ang mga sumpa ng Diyos at ang Kanyang poot, nagkakanulo pa rin sa Kanya. Kaya sinasabi Ko na ang katwiran ng tao ay nawalan na ng orihinal nitong tungkulin, at na ang konsensiya ng tao ay nawalan na rin ng orihinal nitong silbi. Sa Aking mga mata, ang mga tao ay pawang mga hayop na nakadamit-tao at makamandag na mga ahas. Gaano man kakaawa-awa nila subukang magpakita sa harap ng Aking mga mata, hindi Ako kailanman magiging mahabagin sa kanila, sapagkat wala silang anumang pagkaarok sa pagkakaiba ng itim at puti, at walang sinuman sa kanila ang nakauunawa sa pagkakaiba ng katotohanan at ng hindi katotohanan. Ang kanilang katwiran ay napakamanhid, ngunit nagnanais pa rin silang magtamo ng mga pagpapala; ang kanilang pagkatao ay napakahamak, ngunit nagnanais pa rin silang mamuno bilang mga hari at humawak ng kapangyarihan. Sino ang maaari nilang pagharian, nang may gayong katwiran? Paano sila makakaupo sa mga trono nang may gayong pagkatao? Ang mga tao ay tunay na walang kahihiyan! Sila ay mga walang-kwenta na labis ang pagtingin sa sarili! Iminumungkahi Ko na kayong nagnanais na magtamo ng mga pagpapala ay humanap muna ng salamin at tingnan ninyo ang sarili ninyong pangit na repleksiyon. Mayroon ka ba ng kinakailangan para maging isang hari? Mayroon ka ba ng mga katangian ng mukha ng isang makatatanggap ng mga pagpapala? Walang kahit katiting na pagbabago sa iyong disposisyon at hindi mo naisagawa ang anumang katotohanan, ngunit nagnanais ka pa rin ng isang napakagandang bukas. Isa itong ganap na kahibangan! Ang tao, na isinilang sa gayong napakaruming lupain, ay labis nang nahawaan ng lipunan, nakondisyon na siya ng mga etikang piyudal, at natanggap niya ang edukasyon ng “mga institusyon ng mas mataas na pag-aaral.” Ang kaisipang paurong, tiwaling moralidad, mababang-uring pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, lubos na walang halagang pag-iral, at mga mababang-uring kaugalian at pang-araw-araw na buhay—lubhang nanghimasok na sa puso ng tao ang lahat ng mga bagay na ito, at lubhang pinipinsala at inaatake ang kanyang konsensiya. Bilang resulta, mas lalong lumalayo ang tao mula sa Diyos, at mas lalong nagiging laban sa Kanya. Lalong nagiging mas walang awa ang disposisyon ng tao sa bawat araw, at wala ni isang tao ang nagkukusang isuko ang anumang bagay para sa Diyos, wala ni isang tao ang nagkukusang magpasakop sa Diyos, at lalong walang ni isang taong nagkukusang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa halip, hinahangad ng tao ang kasiyahan hangga’t gusto niya sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at walang pakundangang ginagawang tiwali ang kanyang laman sa putikan. Marinig man nila ang katotohanan, walang pagnanais ang mga nananahan sa kadiliman na isagawa ito, at wala silang hilig na maghanap kahit na nakikita nilang nagpakita na ang Diyos. Paanong magkakaroon ng anumang puwang sa kaligtasan ang isang tiwaling sangkatauhang tulad nito? Paano mabubuhay sa liwanag ang isang bulok na sangkatauhang tulad nito?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Manatiling Hindi Nagbabago sa Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos
Ang ugat na dahilan ng pagsalungat at pagiging mapaghimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil sa katiwalian ni Satanas, naging manhid ang konsensiya ng tao, siya ay tiwali sa moral, bulok ang kanyang mga saloobin, at paurong ang kanyang pangkaisipang pananaw. Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, dating nagpapasakop sa Diyos ang tao at nagpapasakop sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay dating may maayos na katwiran at konsensiya, at may normal na pagkatao. Matapos gawing tiwali ni Satanas ang tao, ang dating katwiran, konsensiya, at pagkatao ng tao ay pawang naging manhid at sinira ni Satanas. Sa gayon, nawala niya ang kanyang pagpapasakop at pag-ibig sa Diyos. Naging abnormal ang katwiran ng tao, naging katulad na ng sa hayop ang kanyang disposisyon, at lalong nadaragdagan at lumulubha ang kanyang pagiging mapaghimagsik laban sa Diyos. Ngunit hindi pa rin ito batid ni nauunawaan ng tao, at walang tigil lang siyang sumasalungat at naghihimagsik. Ang mga pagbubunyag ng disposisyon ng tao ay ang mga pagpapahayag ng kanyang katwiran, kabatiran, at konsensiya. Dahil wala sa ayos ang kanyang katwiran at kabatiran, at sukdulan nang naging manhid ang kanyang konsensiya, mapaghimagsik laban sa Diyos ang kanyang disposisyon. Kung hindi mababago ang katwiran at kabatiran ng tao, imposible ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, gayundin ang umayon sa mga layunin ng Diyos. Kung hindi maayos ang katwiran ng tao, hindi niya maaaring paglingkuran ang Diyos at hindi siya angkop na gamitin ng Diyos. Tumutukoy ang “normal na katwiran” sa pagpapasakop at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging ganap tungo sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensiya tungo sa Diyos. Tumutukoy ito sa pagiging isa sa puso at isip tungo sa Diyos, at hindi pasadyang lumalaban sa Diyos. Hindi katulad nito ang pagkakaroon ng abnormal na katwiran. Mula noong ginawang tiwali ni Satanas ang tao, nakabuo na siya ng mga kuru-kuro ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan sa Diyos o paghahangad sa Kanya, at lalo na ang pagkakaroon ng konsensiya tungo sa Diyos. Sadyang sinasalungat at hinuhusgahan ng tao ang Diyos, at, bukod pa riyan, pumupukol sa Kanya ng mga pagtuligsa sa Kanyang likuran. Hinuhusgahan ng tao ang Diyos nang patalikod, lubos na alam na Siya ang Diyos; ganap na talagang walang intensiyon ang tao na magpasakop sa Diyos, pero palagi lang may mga hinihingi at pakiusap sa Kanya. Ang gayong mga tao—mga taong may abnormal na katwiran—ay walang kakayahang makilala ang sarili nilang pag-uugaling kasuklam-suklam o ang pagsisihan ang kanilang mga kilos ng paghihimagsik. Kung may kakayahan ang mga taong makilala ang mga sarili nila, bahagya nilang nabawi na ang kanilang katwiran; kapag ang mga tao ay mas mapaghimagsik laban sa Diyos pero hindi kilala ang sarili nila, mas wala sa ayos ang kanilang katwiran.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Manatiling Hindi Nagbabago sa Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos
Ang sinasabi ko na mga lumalaban sa Diyos ay tumutukoy sa mga hindi nakakakilala sa Diyos, ang mga kumikilala sa Diyos gamit ang kanilang mga labi ngunit hindi nakakakilala sa Kanya, mga sumusunod sa Diyos ngunit hindi nagpapasakop sa Kanya, at mga nagtatamasa sa biyaya ng Diyos ngunit hindi kayang manindigan sa kanilang patotoo sa Kanya. Kung walang pagkaunawa sa layunin ng gawain ng Diyos o pagkaunawa sa gawain na ginagawa ng Diyos sa tao, ang tao ay hindi magiging kaayon ng mga layunin ng Diyos, ni hindi niya magagawang manindigan sa kanyang patotoo sa Diyos. Ang dahilan kung bakit lumalaban ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa kanyang tiwaling disposisyon, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pagkaunawa sa mga prinsipyo kung paano gumagawa ang Diyos, at sa Kanyang mga layunin para sa tao. Ang dalawang aspektong ito, kung pagsasamahin, ay bumubuo sa isang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos. Ang mga baguhan sa pananalig ay lumalaban sa Diyos dahil ang ganoong paglaban ay nasa kanilang kalikasan, samantalang ang paglaban sa Diyos ng mga maraming taon nang nananalig ay mula sa kanilang kamangmangan tungkol sa Kanya, bukod pa sa kanilang tiwaling disposisyon. Noong panahon bago nagkatawang-tao ang Diyos, ang sukatan kung ang isang tao ba ay lumaban sa Diyos ay nakabatay sa kung tinupad ba niya ang mga kautusang itinakda ng Diyos sa langit. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ang sinumang hindi tumupad sa mga kautusan ni Jehova ay itinuring na lumaban sa Diyos; ang sinumang nagnakaw sa mga alay kay Jehova, o ang sinumang lumaban sa mga tinrato ni Jehova nang may pabor, ay itinuring na lumaban sa Diyos at pupukulin ng bato hanggang kamatayan; ang sinumang hindi gumalang sa kanyang ama at ina, at ang sinumang nanakit o nanumpa ng kapwa, ay itinuring na hindi tumupad sa mga kautusan. At ang lahat ng hindi tumupad sa kautusan ni Jehova ay itinuring na mga lumaban sa Kanya. Hindi na ganito sa Kapanahunan ng Biyaya, kung kailan ang sinumang lumaban kay Jesus ay itinuring na lumaban sa Diyos, at ang sinumang hindi nagpapasakop sa mga salitang binigkas ni Jesus ay itinuring na lumaban sa Diyos. Sa panahong ito, ang paraan ng pagtukoy sa paglaban sa Diyos ay naging mas tumpak at mas praktikal. Sa panahon na hindi pa nagkatawang-tao ang Diyos, ang sukatan kung lumalaban ang tao sa Diyos ay batay sa kung ang tao ay sumasamba at tumitingala sa di-nakikitang Diyos na nasa langit. Kung paano tinukoy ang paglaban sa Diyos noong panahong iyon ay hindi ganoon kapraktikal, dahil hindi kayang makita ng tao ang Diyos, ni hindi niya alam kung ano talaga ang wangis ng Diyos, o kung paano talaga Siya gumawa at magsalita. Walang anumang mga kuru-kuro ang tao sa Diyos, at malabo siyang nanampalataya sa Diyos, dahil hindi pa nagpakita ang Diyos sa tao. Samakatwid, paano man nanampalataya sa Diyos ang tao sa kanyang imahinasyon, hindi kinondena o hiningan nang labis-labis ng Diyos ang tao, sapagkat ganap na hindi kayang makita ng tao ang Diyos. Kapag nagkakatawang-tao ang Diyos at dumarating para gumawa sa gitna ng mga tao, nakikita Siya ng lahat at naririnig ang Kanyang mga salita, at nakikita ng lahat ang mga gawa ng Diyos sa katawang-tao. Sa sandaling iyon, ang lahat ng kuru-kuro ng tao ay naging mga bula. Para sa mga nakakita sa Diyos na nagpakita sa katawang-tao, hindi sila kokondenahin kung sadya silang magpapasakop sa Kanya, samantalang ang mga sadyang lumalaban sa Kanya ay ituturing na mga lumalaban sa Diyos. Ang gayong mga tao ay mga anticristo, mga kaaway na sadyang lumalaban sa Diyos. Iyong mga nagkikimkim ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos ngunit nakahanda pa rin at nagnanais na magpasakop sa Kanya ay hindi makokondena. Kinokondena ng Diyos ang tao batay sa mga intensyon at kilos ng tao, hindi kailanman dahil sa mga kaisipan at ideya nito. Kung kokondenahin Niya ang tao batay sa mga kaisipan at ideya nito, wala ni isang tao ang makatatakas mula sa mga puno ng poot na kamay ng Diyos. Iyong mga sadyang lumalaban sa Diyos na nagkatawang-tao ay paparusahan dahil sa kanilang pagsuway. Tungkol sa mga taong ito na sadyang lumalaban sa Diyos, ang kanilang paglaban ay nagmumula sa katunayan na nagkikimkim sila ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, na humahantong sa mga pagkilos nila na nakakagulo sa gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay sadyang lumalaban at sumisira sa gawain ng Diyos. Hindi lamang sila nagtataglay ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, kundi nakikibahagi rin sila sa mga aktibidad na nakakagulo sa Kanyang gawain, at dahil dito, ang ganitong klase ng mga tao ay kokondenahin. Iyong mga hindi sadyang gumugulo sa gawain ng Diyos ay hindi kokondenahin bilang mga makasalanan, dahil nagagawa nilang sadyang magpasakop at hindi makibahagi sa mga aktibidad na nagdudulot ng pagkagambala at kaguluhan. Ang mga tao na gaya nito ay hindi kokondenahin. Gayumpaman, kapag naranasan na ng mga tao ang gawain ng Diyos sa loob ng maraming taon, kung patuloy silang nagkikimkim ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos at nananatili pa ring hindi nakaaalam sa mga gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung, gaano man karaming taon na nilang nararanasan ang Kanyang gawain, patuloy pa rin silang puno ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos at hindi pa rin nila Siya kayang makilala, kahit pa hindi sila nakikibahagi sa nakakagulong mga aktibidad, ang kanilang mga puso ay puno pa rin ng maraming kuru-kuro tungkol sa Diyos, at kahit kung ang mga kuru-kurong ito ay hindi nahahayag, ang mga taong ito ay walang anumang maitutulong sa gawain ng Diyos. Hindi nila kayang ipangaral ang ebanghelyo para sa Diyos o manindigan sa kanilang patotoo sa Kanya. Ang mga taong gaya nito ay mga walang silbi at mga hangal. Dahil hindi nila nakikilala ang Diyos at higit pa rito ay ganap na walang kakayahang iwaksi ang kanilang mga kuru-kuro tungkol sa Kanya, sila ay kinokondena. Maaari itong sabihin nang ganito: Normal sa mga baguhan sa pananalig ang magkaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos o ang kawalan ng kaalaman sa Kanya, ngunit para sa taong nananampalataya na sa Diyos nang maraming taon at may sapat na karanasan sa gawain ng Diyos, hindi na normal para sa mga taong ito na ipagpatuloy ang pagkakaroon ng mga kuru-kuro, at mas lalong hindi normal para sa taong gaya nito ang kawalan ng kaalaman sa Diyos. Ito ay sapagkat hindi ito isang normal na kalagayan kaya sila ay kinokondena. Ang lahat ng mga hindi normal na taong ito ay basura; sila ang mga pinakalumalaban sa Diyos at mga nagpakasaya sa biyaya ng Diyos nang para sa wala. Lahat ng ganitong mga tao ay ititiwalag sa huli!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Lumalaban sa Diyos
Dapat ninyong malaman na kinokontra ninyo ang gawain ng Diyos, o ginagamit ninyo ang inyong sariling mga kuru-kuro upang sukatin ang gawain ngayon, dahil hindi ninyo alam ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at dahil sa inyong padalus-dalos na pagtrato sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang inyong pagkontra sa Diyos at paghadlang sa gawain ng Banal na Espiritu ay sanhi ng inyong mga kuru-kuro at likas na kayabangan. Hindi ito dahil mali ang gawain ng Diyos, kundi dahil masyado kayong likas na mapaghimagsik. Matapos masumpungan ang kanilang paniniwala sa Diyos, hindi man lamang masabi ng ilang tao nang may katiyakan kung saan nanggaling ang tao, subalit nangangahas silang magtalumpati sa publiko na sumusukat sa mga tama at mali sa gawain ng Banal na Espiritu. Sinesermunan pa nila ang mga apostol na mayroong bagong gawain ng Banal na Espiritu, na nagkokomento at nagsasalita nang wala sa lugar; napakababa ng kanilang pagkatao, at wala ni katiting na katinuan sa kanila. Hindi ba’t darating ang araw na itataboy ng gawain ng Banal na Espiritu ang gayong mga tao, at susunugin ng mga apoy ng impiyerno? Hindi nila alam ang gawain ng Diyos, kundi sa halip ay hinuhusgahan ang Kanyang gawain, at sinusubukan ding turuan ang Diyos kung paano gumawa. Paano makikilala ng gayong mga taong wala sa katwiran ang Diyos? Nakikilala ng tao ang Diyos habang naghahanap at nagdaranas; ang kaalaman sa Diyos ay hindi nakakamit sa pamamagitan ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu sa panahon ng paghusga ng tao nang pabasta-basta. Kapag mas tumpak ang kaalaman ng mga tao tungkol sa Diyos, mas hindi nila Siya kinokontra. Sa kabilang dako, kapag mas kakaunti ang alam ng tao tungkol sa Diyos, mas malamang na kontrahin nila Siya. Ang iyong mga kuru-kuro, ang dati mong likas na pagkatao, at ang iyong pagkatao, ugali at moral na pananaw ang puhunan na ipinanlalaban mo sa Diyos, at habang mas tiwali ang iyong moralidad, kasuklam-suklam ang iyong mga katangian, at mababa ang iyong pagkatao, mas kaaway ka ng Diyos. Yaong mga nagtataglay ng matitinding kuru-kuro at may mapagmagaling na disposisyon ay mas lalo pang kinapopootan ng Diyos na nagkatawang-tao; ang gayong mga tao ang mga anticristo. Kung hindi naitama ang iyong mga kuru-kuro, palaging magiging laban sa Diyos ang mga ito; hindi ka magiging kaayon ng Diyos kailanman, at lagi kang malalayo sa Kanya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas Tungo sa Pagkilala sa Diyos
Ang sinumang hindi nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos ay lumalaban sa Kanya, at ang nakaunawa sa pakay ng gawain ng Diyos ngunit hindi pa rin nagsisikap na mabigyang-kasiyahan ang Diyos ay lalo pang itinuturing na lumalaban sa Diyos. Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa malalaking simbahan at bumibigkas nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakakaayon sa mga layunin ng Diyos. Lahat sila ay mga taong walang halaga, ubod ng sama, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang “Diyos.” Sila ay mga taong nagdadala ng bandila ng Diyos ngunit sadyang lumalaban sa Diyos, na nagdadala ng bansag na nananampalataya sa Diyos habang kinakain ang laman at iniinom ang dugo ng tao. Ang lahat ng gayong tao ay masasamang diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang gumugulo sa pagtahak ng mga tao sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa paghahanap ng mga tao sa Diyos. Sila ay tila may “maayos na pangangatawan,” ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na lumaban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga buhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao? Ang mga itinataas ang kanilang sarili sa harap ng Diyos ang pinakahamak sa mga tao, samantalang ang nag-iisip sa kanilang sarili na hamak ay ang pinakamarangal. At ang mga nag-aakala na alam nila ang gawain ng Diyos at higit pa rito, ay kayang magpahayag ng gawain ng Diyos sa iba nang may pagpapasikat habang sila ay direktang nakatingin sa Kanya—sila ang mga pinakamangmang sa mga tao. Ang ganitong mga tao ay pawang walang patotoo sa Diyos, lahat sila ay mapagmataas at palalo. Ang mga naniniwala na lubhang kakaunti ang kanilang pagkakilala sa Diyos, sa kabila ng kanilang praktikal na karanasan at praktikal na pagkakilala sa Kanya, ang mga pinakamamahal Niya. Tanging ang ganitong mga tao ang tunay na may patotoo at tunay na magagawang perpekto ng Diyos. Ang mga hindi nakauunawa sa mga layunin ng Diyos ay mga lumalaban sa Diyos. Ang mga nakauunawa sa mga layunin ng Diyos ngunit hindi isinasagawa ang katotohanan ay mga lumalaban sa Diyos. Ang mga kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, ngunit lumalaban sa diwa ng mga salita ng Diyos, ay mga lumalaban sa Diyos. Ang mga may mga kuru-kuro tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, at higit pa rito ay sadyang nakikibahagi sa paghihimagsik, ay mga lumalaban sa Diyos. Ang mga naghuhusga sa Diyos ay mga lumalaban sa Diyos, at ang sinumang hindi kayang makilala ang Diyos o magpatotoo sa Kanya ay isang taong lumalaban sa Diyos. Kaya hinihimok Ko kayo: Kung tunay ngang mayroon kayong pananalig na makakaya ninyong tahakin ang landas na ito, ipagpatuloy ang pagsunod dito. Ngunit kung hindi ninyo kayang umiwas sa paglaban sa Diyos, pinakamabuting lumayo na kayo bago maging huli ang lahat. Kung hindi, ang posibilidad na makasama sa inyo ang mga bagay-bagay ay lubhang mataas, sapagkat ang inyong kalikasan ay talagang labis na tiwali. Wala kayong kahit karampot o katiting na katapatan o pagpapasakop, o pusong uhaw sa pagkamakatuwiran at katotohanan, o pag-ibig para sa Diyos. Maaaring sabihin na ang inyong kalagayan sa harap ng Diyos ay lubos na magulo. Hindi ninyo magawang sumunod sa nararapat ninyong sundin, at hindi ninyo kayang sabihin ang nararapat ninyong sabihin. Nabigo kayong isagawa ang nararapat ninyong isagawa. At ang tungkulin na nararapat ninyong gampanan, hindi ninyo nakayanang gampanan. Wala kayong katapatan, konsensiya, pagpapasakop, o kapasyahan na dapat ay mayroon kayo. Hindi pa ninyo natiis ang pagdurusa na nararapat ninyong tiisin, at wala kayo ng pananalig na nararapat ninyong taglayin. Sa madaling sabi, lubos ang kawalan ninyo ng anumang halaga: Hindi ba kayo nahihiya na patuloy na mabuhay? Hayaan ninyong kumbinsihin Ko kayo na mas mabuti pang isara ninyo ang inyong mga mata sa walang hanggang kapahingahan, upang makaiwas ang Diyos mula sa pag-aalala sa inyo at sa pagdurusa para sa inyong kapakanan. Naniniwala kayo sa Diyos ngunit hindi ninyo nalalaman ang Kanyang mga layunin, kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos ngunit hindi ninyo nagagawang sundin ang mga hinihingi ng Diyos sa tao. Nananampalataya kayo sa Diyos ngunit hindi ninyo Siya kilala, at nananatili kayong buhay na walang layuning pinagsisikapan, walang anumang mga pagpapahalaga, walang anumang kahulugan. Nabubuhay kayo bilang tao ngunit wala ni katiting na konsensiya, integridad, o kredibilidad—matatawag ninyo pa rin ba ang inyong mga sarili na tao? Nananampalataya kayo sa Diyos ngunit nililinlang ninyo Siya; bukod pa rito, kinukuha ninyo ang salapi ng Diyos at kinakain ang mga alay na para sa Kanya. Gayunman, sa huli ay bigo pa rin kayong magpakita ng kahit man lamang katiting na pagsasaalang-alang para sa damdamin ng Diyos o kaunting konsensiya tungo sa Kanya. Maging ang pinakasimpleng hinihingi ng Diyos ay hindi ninyo matugunan. Matatawag ninyo pa rin bang tao ang inyong mga sarili? Kinakain ninyo ang pagkaing ipinagkakaloob sa inyo ng Diyos, nilalanghap ang hanging ibinibigay Niya sa inyo, at tinatamasa ang Kanyang biyaya, ngunit, sa huli, wala kayo ni kaunting kaalaman tungkol sa Diyos. Bagkus, kayo ay naging mga walang silbing lumalaban sa Diyos. Hindi ba kayo nagiging hayop na mas mababa pa sa isang aso dahil dito? Sa lahat ng mga hayop, mayroon bang sinuman na mas mapaminsala kaysa sa inyo?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Lumalaban sa Diyos
Kung naniniwala ka sa Diyos sa loob ng maraming taon, subalit hindi ka kailanman nagpasakop sa Kanya, at hindi mo tinatanggap ang kabuuan ng mga salita Niya, at sa halip ay hinihingi mo sa Diyos na magpasakop Siya sa iyo at kumilos Siya ayon sa mga kuru-kuro mo, kung gayon ay ikaw ang pinakamapanghimagsik sa lahat, isa kang hindi mananampalataya. Paano makapagpapasakop ang ganitong mga tao sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao? Ang pinakamapaghimagsik sa lahat ay ang mga sadyang tumatangging sumuko sa Diyos at lumalaban sa Diyos. Sila ang mga kaaway ng Diyos, ang mga anticristo. Palagi silang nagkikimkim ng saloobin ng pagkamapanlaban sa bagong gawain ng Diyos; hindi sila kailanman nagkaroon ng ni katiting na kagustuhang magpasakop, ni hindi sila kailanman malugod na nagpasakop o nagpakumbaba. Sa harap ng iba, sila ang mga labis na mapagpahalaga sa sarili, at hindi sila kailanman nagpapasakop sa sinuman. Sa harap ng Diyos, itinuturing nila ang mga sarili nila na pinakamahusay sa pangangaral ng “mga sermon,” at ang pinakabihasa sa paggawa ng gawain sa iba. Hindi nila kailanman binibitiwan ang mga “kayamanang” nasa pag-aari nila; sa halip, itinuturing nila ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya na dapat sambahin at ipangaral sa iba, at ginagamit nila ang mga ito para sermunan ang mga hangal na umiidolo sa kanila. Tunay ngang may ilang taong tulad nito sa loob ng iglesia. Masasabing sila ay “isang dinastiya ng mga hindi matitinag na bayani,” na bawat salinlahi ay pansamantalang nananahan sa sambahayan ng Diyos. Itinuturing nilang pinakamataas na tungkulin ang pangangaral ng mga “sermon” (mga doktrina). Bawat taon, bawat salinlahi, masigasig nilang isinasagawa ang “sagrado at hindi nalalabag” na tungkulin nila. Walang nangangahas na salingin sila; wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Nagiging “mga hari” sila sa sambahayan ng Diyos, nagwawala habang sinisiil nila ang iba sa bawat kapanahunan. Naghahangad ang pangkat ng masasamang demonyong ito na magsanib-puwersa para gibain ang gawain Ko; paano Ko mapahihintulutang umiral ang mga buhay na diyablong ito sa harap ng mga mata Ko? Kahit ang mga kalahating mapagpasakop lamang ay hindi makapagpapatuloy hanggang sa katapusan, lalong hindi itong mga maniniil na wala ni katiting na pagpapasakop sa mga puso nila! Hindi madaling makakamit ng tao ang gawain ng Diyos. Kahit na ginagamit ang lahat ng lakas na mayroon sila, kaunting bahagi lamang nito ang makakamit ng mga tao, na sa huli ay magpapahintulot sa kanila na maperpekto. Ano, kung gayon, ang para sa mga anak ng arkanghel, na naghahangad na wasakin ang gawain ng Diyos? Wala ba silang mas maliit na pag-asang makamit ng Diyos? Ang layunin Ko sa paggawa ng gawain ng paglupig ay hindi lamang ang manlupig alang-alang sa paglupig, kundi manlupig upang ibunyag ang pagiging matuwid at kalikuan, upang kumuha ng patunay para sa kaparusahan ng tao, upang kondenahin ang kasamaan, at, higit pa rito, upang manlupig para sa kapakanan ng pagpeperpekto ng mga handang magpasakop. Sa huli, ibubukod-bukod ang lahat ayon sa kanilang uri, at ang mga naging perpekto ay ang mga may mga saloobin at mga ideya na puno ng pagpapasakop. Ito ang gawaing magagawa sa huli. Samantala, ang mga mapanghimagsik ang bawat kilos ay parurusahan at ipadadala upang sunugin sa mga apoy, at maging mga layon ng walang-hanggang sumpa. Kapag dumating ang oras na iyon, ang mga “dakila at hindi malulupig na mga bayani” ng mga kapanahunang nakalipas ay magiging pinakamababa at pinakanilalayuang “mahina at inutil na mga duwag.” Tanging ito lamang ang makapagbubunyag sa bawat aspekto ng pagiging matuwid ng Diyos, at ng disposisyon Niya na hindi malalabag ng tao, at tanging ito lamang ang makapagpapalubag ng pagkamuhi sa puso Ko. Hindi ba kayo sumasang-ayon na lubusang makatuwiran ito?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagpapasakop sa Diyos Nang may Taos na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos
Lahat ng mga hindi naghahangad ng pagpapasakop sa Diyos sa pananalig nila ay mga taong lumalaban sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita Niya, na kainin at inumin ang mga salita Niya, at isagawa ang mga ito, lahat ito ay upang makamit nila ang pagpapasakop sa Diyos. Kung iyon ang tunay mong intensiyon, tiyak na itataas ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagbiyaya Siya sa iyo. Ito ay hindi mapagdududahan at hindi mababago. Kung ang intensiyon mo ay hindi magpasakop sa Diyos, at mayroon kang ibang mga pakay, lahat ng sinasabi at ginagawa mo—maging ang mga panalangin mo sa harap ng Diyos, at higit pa nga rito, ang bawat kilos mo—ay magiging paglaban sa Kanya. Kahit na ang mga salita mo ay malumanay at ikaw ay banayad, kahit na ang bawat kilos at ekspresyon mo ay tila wasto para sa iba, na para bang isa kang mapagpasakop na tao, pagdating sa mga intensiyon mo at sa mga pananaw mo tungkol sa pananalig sa Diyos, ang bawat kilos mo ay paglaban sa Diyos, ito ay paggawa ng kasamaan. Ang mga taong lumilitaw bilang masunurin tulad ng mga tupa, ngunit nagkikimkim ang puso ng masasamang intensiyon, ay mga lobong nakadamit-tupa. Tuwiran silang sumasalungat sa Diyos, at hindi palalampasin ng Diyos ang kahit isa sa kanila. Ibubunyag ng Banal na Espiritu ang bawat isa sa kanila at ipapakita sa lahat na ang mga mapagpaimbabaw ay tiyak na itataboy ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Hahatulan at lilipulin ng Diyos ang bawat isa sa kanila nang sunod-sunod.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pananalig Mo sa Diyos, Dapat Kang Magpasakop sa Diyos
May mga tiwaling disposisyon ang mga tao, at kahit pa determinado silang magpasakop sa Diyos, limitado ang pagpapasakop nila; relatibo ito, at ito rin ay paminsan-minsan, panandalian, at kondisyonal. Hindi ito lubos. Kapag may tiwaling disposisyon, napakatindi ng kanilang paghihimagsik. Kinikilala nila ang Diyos ngunit hindi sila makapagpasakop sa Kanya, at handa silang makinig sa mga salita Niya ngunit hindi sila makapagpasakop sa mga ito. Alam nilang mabuti ang Diyos, at nais nilang mahalin Siya ngunit hindi nila ito magawa. Hindi nila magawang ganap na makinig sa Diyos, hindi nila magawang hayaan Siyang mamatnugot sa lahat ng bagay, at mayroon pa rin silang mga sarili nilang pagpipilian, nagkikimkim sila ng kanilang sariling mga intensiyon at mga motibo, at may sarili silang mga pakana, mga ideya, at paraan nila ng paggawa ng mga bagay-bagay. Ang pagkakaroon nila ng kanilang sariling paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, ng sarili nilang mga pamamaraan, ay nangangahulugang hindi nila magagawang magpasakop sa Diyos. Ang kaya lamang nilang gawin ay ang kumilos ayon sa sarili nilang mga ideya at maghimagsik laban sa Diyos. Ganito kamapaghimagsik ang mga tao! Kaya, ang kalikasan ng tao ay hindi lamang mga simpleng tiwaling disposisyon tulad ng mababaw na pag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, labis na pagpapahalaga sa sarili, at kayabangan, o paminsan-minsang mga pagsisinungaling at panlilinlang sa Diyos; sa halip, ang diwa na ni Satanas ang naging diwa ng tao. Paanong ipinagkanulo noon ng arkanghel ang Diyos? At paano naman ang mga tao sa kasalukuyan? Sa totoo lang, matatanggap man ninyo o hindi, ang mga tao sa kasalukuyan ay hindi lamang ganap na ipinagkakanulo ang Diyos tulad ng ginawa ni Satanas, kundi tuwiran din silang mapanlaban sa Diyos sa kanilang mga puso, sa kanilang pag-iisip, at sa kanilang mga ideolohiya. Ito ang pagtitiwali ni Satanas sa sangkatauhan upang maging diyablo sila; tunay ngang naging supling na ni Satanas ang mga tao. Sasabihin ninyo marahil: “Hindi kami mapanlaban sa Diyos. Pinakikinggan namin anuman ang sinasabi ng Diyos.” Mababaw iyan; para ka lang nakikinig sa kung anumang sinasabi ng Diyos. Ang katunayan, kapag pormal Akong nagbabahagi at nagsasalita, walang mga kuru-kuro at mabuti ang pagkilos at masunurin ang karamihan ng mga tao, ngunit kapag nagsasalita Ako at gumagawa Ako ng mga bagay sa normal na pagkatao, o namumuhay at kumikilos Ako sa normal na pagkatao, umuusbong ang mga kuru-kuro nila. Sa kabila ng pagnanais na bigyan Ako ng puwang sa kanilang mga puso, hindi nila Ako mapaunlakan, at paano man pagbahaginan ang katotohanan, hindi nila mabitiwan ang kanilang mga kuru-kuro. Ipinakikita nito na ang kaya lamang ng tao ay relatibong magpasakop sa Diyos, hindi ganap. Alam mong Siya ang Diyos, at alam mong dapat magkaroon ng normal na pagkatao ang Diyos na nagkatawang-tao, kaya bakit hindi ka lubusang makapagpasakop sa Diyos? Ang Diyos na naging tao ay si Cristo, ang Anak ng tao; kapwa Siya may pagka-Diyos at normal na pagkatao. Sa panlabas, mayroon Siyang normal na pagkatao, ngunit nabubuhay at gumagawa sa loob ng normal na pagkataong ito ang Kanyang pagka-Diyos. Ngayon, naging tao ang Diyos bilang si Cristo, nagtataglay ng pagka-Diyos at pagkatao. Ngunit nakapagpapasakop lamang ang ilang tao sa ilan sa Kanyang mga makadiyos na salita at gawain, tinatanggap lamang nila ang Kanyang mga makadiyos na salita at malalim na wika bilang mga salita ng Diyos, habang binabalewala nila ang ilan sa Kanyang mga salita at gawain sa normal na pagkatao. May mga tao pa ngang mayroong ilang ideya at kuru-kuro sa kanilang mga puso, naniniwalang ang Kanyang makadiyos na wika lamang ang salita ng Diyos at na ang Kanyang pantaong wika ay hindi. Matatanggap ba ng ganitong mga tao ang lahat ng katotohanang ipinahahayag ng Diyos? Maaari ba silang dalisayin at gawing perpekto ng Diyos? Hindi maaari, dahil nakauunawa ang mga ganitong tao sa isang katawa-tawang paraan at hindi nila makakamit ang katotohanan. Sa madaling salita, lubhang komplikado ang panloob na mundo ng tao, at lalo nang komplikado ang mga mapaghimagsik na bagay na ito—hindi na ito kailangang ipaliwanag pa.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Kapag naging mayabang ang kalikasan at diwa ng mga tao, maaari silang madalas na maghimagsik at lumaban sa Diyos, hindi makinig sa Kanyang mga salita, bumuo ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya, gumawa ng mga bagay na nagkakanulo sa Kanya, at mga bagay na nagtataas at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Sinasabi mo na hindi ka mayabang, ngunit ipagpalagay na binigyan ka ng isang iglesia at tinulutan kang pamunuan ito; ipagpalagay nang hindi kita pinungusan, at na wala ni isa sa pamilya ng Diyos ang pumuna o tumulong sa iyo: Matapos mo itong pamunuan sandali, dadalhin mo ang mga tao sa iyong paanan at pasusunurin sa iyo, maging hanggang sa puntong hinahangaan at pinipintuho ka. At bakit mo gagawin iyon? Matutukoy ito ng iyong kalikasan; ito ay walang iba kundi isang likas na pagbubunyag. Hindi mo kailangang matutunan ito mula sa iba, ni hindi nila kailangang ituro ito sa iyo. Hindi mo kailangan ang iba na turuan ka o pilitin kang gawin ito; likas na nangyayari ang ganitong klaseng sitwasyon. Ang lahat ng ginagawa mo ay naglalayong itaas ka, purihin ka, sambahin ka, sumunod sa iyo, at makinig sa iyo sa lahat ng bagay ang mga tao. Ang pagpapahintulot sa iyo na maging isang lider ay likas na nagbubunga ng sitwasyong ito, at hindi ito mababago. At paano nagkakaroon ng sitwasyong ito? Ito ay itinatakda ng mapagmataas na kalikasan ng tao. Ang pagpapamalas ng kayabangan ay paghihimagsik at paglaban sa Diyos. Kapag ang mga tao ay mapagmataas, palalo, at mapagmagaling, magtatayo sila ng kani-kanyang mga nagsasariling kaharian at gagawin nila ang mga bagay-bagay sa anumang paraang gusto nila. Aakayin din nila ang iba na magpakontrol sa kanila at magpasakop sa kanila. Para magkaroon ang mga tao ng kakayahang gawin ang gayong mga mapagmataas na bagay, pinatutunayan lang niyon na ang diwa ng kanilang mapagmataas na kalikasan ay kay Satanas; ito ay sa arkanghel. Kapag umabot ang kanilang kayabangan at kapalaluan sa isang partikular na antas, wala nang magiging puwang sa puso nila para sa Diyos, at isasantabi nila ang Diyos. Pagkatapos, nanaisin nilang maging Diyos, at pasusunurin ang mga tao sa kanila, at sila ay magiging katulad lang ng arkanghel. Kung taglay mo ang gayong satanikong mapagmataas na kalikasan, hindi magkakaroon ng puwang ang Diyos sa iyong puso. Kahit nananampalataya ka pa sa Diyos, hindi ka na kikilalanin pa ng Diyos, ituturing ka Niya bilang isang masamang tao, at ititiwalag ka.
Naipangaral na natin ang ebanghelyo nang paulit-ulit sa maraming lider sa mundo ng relihiyon, subalit paano man natin ibahagi ang katotohanan sa kanila, hindi nila tinatanggap ito. Bakit ganito? Dahil naging pangalawang kalikasan ang kanilang kayabangan, at wala nang puwang ang Diyos sa puso nila. Maaaring sabihin ng ilang tao, “Ang mga taong nasa ilalim ng pamumuno ng ilang pastor sa relihiyosong mundo ay talagang malaki ang determinasyon; parang nasa piling nila ang Diyos.” Itinuturing mo bang pagkakaroon ng determinasyon ang pagiging masigasig? Gaano man katayog pakinggan ang mga teorya ng mga pastor na iyon, kilala ba nila ang Diyos? Kung talagang may takot sila sa Diyos sa kaibuturan ng kanilang puso, hihikayatin ba nila ang mga tao na sumunod sa kanila at itaas sila? Magagawa ba nilang kontrolin ang iba? Mangangahas ba silang hadlangan ang iba na hanapin ang katotohanan at siyasatin ang tunay na daan? Kung naniniwala sila na talagang kanila ang mga tupa ng Diyos, at dapat ay makinig lahat ang mga ito sa kanila, hindi ba nila itinuturing ang kanilang sarili bilang Diyos? Mas masahol pa ang gayong mga tao kaysa sa mga Pariseo. Hindi ba’t mga tunay silang anticristo? Kaya, nakamamatay ang kanilang kayabangan, at dahil dito ay maaari silang magkanulo. Hindi ba’t nangyayari sa inyo ang ganitong mga bagay? Makasisilo ba kayo ng mga tao sa ganitong paraan? Oo, kaya lang hindi ka pa nabigyan ng pagkakataon, at walang tigil kang pupungusan, kaya hindi ka mangangahas. Ang ilang tao ay itinataas din ang kanilang mga sarili sa mga pasikot-sikot na paraan, pero nagsasalita sila nang napakatuso, kaya’t hindi ito matukoy ng mga ordinaryong tao. Ang ilang tao ay masyadong mayabang kung kaya’t sinasabi nila: “Hindi katanggap-tanggap na ibang tao ang mamuno sa iglesiang ito! Kailangang dumaan sa akin ang Diyos para makarating dito, at maaari lamang Siyang mangaral sa inyo pagkatapos kong maipaliwanag sa Kanya ang sitwasyon ng iglesiang ito. Bukod sa akin, walang ibang maaaring pumunta rito at magdilig sa inyo.” Ano ang intensyon sa likod ng pagsasabi nito? Anong uri ng disposisyon ang ibinubunyag nito? Ito ay kayabangan. Kapag kumikilos nang ganito ang mga tao, ang kanilang asal ay lumalaban at mapaghimagsik sa Diyos. Kaya’t pinagpapasyahan ng mayabang na kalikasan ng mga tao na itataas nila ang kanilang sarili, maghihimagsik at magkakanulo sila sa Diyos, sisiluhin nila ang iba, ipapahamak ang iba, at pipinsalain ang kanilang sarili. Kung mamamatay sila nang hindi nagsisisi, ititiwalag sila sa huli. Hindi ba’t delikado para sa isang tao na magkaroon ng mayabang na disposisyon? Kung mayroon siyang mayabang na disposisyon, ngunit nagagawa niyang tanggapin ang katotohanan, mayroon pa ring puwang na mailigtas siya. Dapat siyang dumaan sa paghatol at pagkastigo, at dapat niyang iwaksi ang kanyang tiwaling disposisyon, upang makamit ang tunay na kaligtasan.
Palaging sinasabi ng ilang tao: “Bakit ginagamit ng Diyos ang paghatol at pagkastigo para iligtas ang mga tao sa mga huling araw? Bakit napakatindi ng mga salita ng paghatol?” May isang kasabihang maaaring alam ninyo: “Iba-iba ang gawain ng Diyos sa bawat indibidwal; ito ay naibabagay sa mga pangyayari, at hindi Siya sumusunod sa mga patakaran.” Ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw ay pangunahing nakatuon sa mayabang na kalikasan ng mga tao. Ang kayabangan ay binubuo ng maraming bagay, ng maraming tiwaling disposisyon; ang paghatol at pagkastigo ay direktang pinupuntirya ang salitang ito, “kayabangan,” upang ganap na maalis ang mayabang na disposisyon ng mga tao. Sa huli, hindi na maghihimagsik ang mga tao laban sa Diyos o lalaban sa Kanya, kaya, hindi na sila magsisikap na magtayo ng kani-kanilang nagsasariling kaharian, ni magtataas o magpapatotoo sa kanilang sarili, ni kikilos nang ubod ng sama, ni magkakaroon ng labis na mga hinihingi sa Diyos—sa ganitong paraan, naiwaksi na nila ang kanilang mayabang na disposisyon.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Mayabang na Kalikasan ng Tao ay ang Ugat ng Kanyang Paglaban sa Diyos
Bagama’t, kung titingnan, nananampalataya ka sa Diyos at ginagawa mo ang iyong tungkulin, ang makamundo at satanikong mga kaisipan, pananaw, pamamaraan ng pakikipag-ugnayan sa mga tao, at tiwaling disposisyon sa loob mo ay hindi pa kailanman naaalis, at puno ka pa rin ng mga satanikong bagay. Namumuhay ka pa rin ayon sa mga bagay na iyon, kaya mababa pa rin ang tayog mo. Nasa panganib ka pa rin; hindi ka pa matiwasay o ligtas. Hangga’t mayroon kang satanikong disposisyon, patuloy mong lalabanan at ipagkakanulo ang Diyos. Para malutas ang problemang ito, kailangan mo munang maunawaan kung aling mga bagay ang masama at kay Satanas, paano nakapipinsala ang mga ito, bakit ginagawa ni Satanas ang mga bagay na ito, anong uri ng mga lason ang pinagdurusahan ng mga tao kapag tinatanggap nila ang mga ito, at ano ang kahahantungan ng mga taong iyon, gayundin kung anong uri ng tao ang hinihingi ng Diyos na maging ang mga tao, anong mga bagay ang may normal na pagkatao, anong mga bagay ang positibo, at anong mga bagay ang negatibo. Magkakaroon ka lamang ng landas kung mayroon kang pagkakilatis at malinaw mong nakikita ang mga bagay na ito. Bukod dito, sa positibong aspekto, kailangan mo ring maagap na gampanan ang iyong tungkulin habang iniaalay ang iyong sinseridad at debosyon. Huwag maging tuso o tamad, huwag harapin ang iyong tungkulin o ang ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos mula sa perspektiba ng mga walang pananampalataya o gamit ang mga pilosopiya ni Satanas. Kailangan mong kumain at uminom ng marami pang salita ng Diyos, hangaring maunawaan ang lahat ng aspekto ng katotohanan, at malinaw na maunawaan ang kabuluhan ng paggampan ng tungkulin, at pagkatapos ay magsagawa at pumasok sa lahat ng aspekto ng katotohanan habang ginagawa mo ang iyong tungkulin, at unti-unting makilala ang Diyos, ang Kanyang gawain, at ang Kanyang disposisyon. Sa ganitong paraan, nang hindi mo namamalayan, magbabago ang iyong panloob na kalagayan, magkakaroon ng mas maraming positibong bagay sa loob mo, at mas kaunting negatibong bagay, at ang abilidad mong makilatis ang mga bagay-bagay ay magiging mas mahusay kaysa dati. Kapag umabot sa ganito ang iyong tayog, magkakaroon ka ng pagkakilatis sa lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay sa mundong ito, at makikilatis mo ang diwa ng mga problema. Kung makakapanood ka ng pelikula ng mundong walang pananampalataya, matutukoy mo kung anong mga lason ang maaaring maranasan ng mga tao pagkatapos mo itong panoorin, gayundin kung ano ang nilalayong ikintal at itanim ni Satanas sa isipan ng mga tao sa pamamagitan ng mga kaparaanan at kalakarang ito, at kung ano ang nilalayon nitong bagbagin sa mga tao. Unti-unti mong makikilatis ang mga bagay na ito. Hindi ka na malalason pagkatapos mong panoorin ang pelikula, at magkakaroon ka ng pagkakilatis tungkol dito—saka ka tunay na magkakaroon ng tayog.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pananampalataya sa Diyos ay Dapat Magsimula sa Pagkakilatis sa Masasamang Kalakaran ng Mundo
Maraming tao ang noon pa man ay sumusunod at nananampalataya na sa ganitong paraan; maganda ang pag-uugali nila sa panahong sumusunod sila sa Diyos, ngunit hindi nito matutukoy kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ito ay dahil hindi mo kailanman alam ang matinding kahinaan ng tao, o ang mga bagay na nasa kalikasan ng tao na maaaring sumalungat sa Diyos, at bago ka nila dalhin sa kapahamakan, nananatili kang mangmang sa mga bagay na ito. Dahil ang usapin ng iyong kalikasan na sumasalungat sa Diyos ay hindi nalulutas, inihahanda ka nito sa kapahamakan, at posible na kapag natapos na ang iyong paglalakbay at natapos na ang gawain ng Diyos, gagawin mo ang pinakasumasalungat sa Diyos at magsasabi ka ng kalapastanganan laban sa Kanya, at sa gayon ay makokondena at matitiwalag ka. Sa huling sandali, sa pinakamapanganib na panahon, sinubukan ni Pedro na tumakas. Noong panahong iyon, hindi niya naunawaan ang layunin ng Diyos, at nagplano siyang manatiling buhay at gawin ang gawain ng mga simbahan. Nang maglaon, nagpakita sa kanya si Jesus at nagsabi: “Ipapapako mo ba Akong muli para sa iyo?” Naunawaan ni Pedro ang layunin ng Diyos, at mabilis siyang nagpasakop. Ipagpalagay na, sa sandaling iyon, mayroon siyang sariling mga hinihingi at sinabi, “Ayokong mamatay ngayon, natatakot ako sa sakit. Hindi ba’t ipinako Ka sa krus para sa aming kapakanan? Bakit Mo hinihiling na ako ay ipako sa krus? Puwede bang huwag akong maipako sa krus?” Kung may gayon siyang mga hiningi, nawalan ng kabuluhan ang landas na kanyang tinahak. Ngunit noon pa man, si Pedro ay isang taong nagpapasakop sa Diyos at hinahanap ang Kanyang layunin, at, sa huli, naunawaan niya ang layunin ng Diyos at lubusang nagpasakop. Kung hindi hinangad ni Pedro ang layunin ng Diyos at kumilos ayon sa kanyang sariling pag-iisip, maling landas sana ang natahak niya. Ang mga tao ay walang pakultad na direktang maunawaan ang mga layunin ng Diyos, ngunit kung hindi sila magpapasakop pagkatapos maunawaan ang katotohanan, ipinagkakanulo nila ang Diyos.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao Mula sa Diyos
Hindi mababago ng mga tao mismo ang mga disposisyon ng mga tao; kailangan silang dumaan sa paghatol at pagkastigo, at sa mga pagsubok at pagpipino, ng mga salita ng Diyos, o sa pagkakapungos at pagdidisiplina ng Kanyang mga salita. Saka lamang sila magkakamit ng pagpapasakop at katapatan sa Diyos, at hindi na magiging pabasta-basta sa Kanya. Sa ilalim ng pagpipino ng mga salita ng Diyos nagbabago ang disposisyon ng mga tao. Sa pamamagitan lamang ng pagsisiwalat, paghatol, pagdidisiplina, at pagpupungos ng Kanyang mga salita sila hindi na mangangahas na kumilos nang walang pakundangan kundi sa halip ay magiging matatag at mahinahon sila. Ang pinakamahalagang punto ay na magagawa nilang magpasakop sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, at sa Kanyang gawain. Kahit hindi ito nakaayon sa mga kuru-kuro ng tao, magagawa nilang bitiwan ang mga kuru-kurong ito at kusang magpasakop.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos
Ang tao ay nakakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, at sa pamamagitan ng pagpipino, paghatol, at pagsisiwalat ng salita ganap na nabubunyag ang lahat ng karumihan, mga kuru-kuro, mga motibo, at mga personal na inaasam sa kaibuturan ng puso ng tao. … Halimbawa, nang malaman ng mga tao na sila ay nagmula kay Moab, nagreklamo sila, hindi na nila hinangad ang buhay, at naging lubos na negatibo. Hindi ba’t ipinapakita nito na hindi pa rin nagagawang lubos na magpasakop ng tao sa kapamahalaan ng Diyos? Hindi ba’t ito ang mismong mga satanikong tiwaling disposisyon ng tao? Nang ikaw ay hindi isinailalim sa pagkastigo, itinaas mo ang iyong kamay mas mataas kaysa iba, maging kay Jesus. At ikaw ay sumigaw nang malakas: “Maging isang minamahal na anak ng Diyos! Maging isang kapalagayang-loob ng Diyos! Mas pipiliin namin ang mamatay kaysa yumuko kay Satanas! Maghimagsik laban sa matandang Satanas! Maghimagsik laban sa malaking pulang dragon! Nawa ay ang malaking pulang dragon ay tuluyan nang bumagsak mula sa kapangyarihan! Nawa ay gawin tayong ganap ng Diyos!” Sumigaw ka nang pinakamalakas sa lahat. Ngunit pagkatapos ay dumating ang panahon ng pagkastigo at, minsan pa ay nabunyag ang iyong mga tiwaling disposisyon. Tumigil ang iyong mga sigaw, at nawala ang iyong determinasyon. Ito ang katiwalian ng tao; ito ay isang bagay na mas malalim kaysa kasalanan, isang bagay na itinanim ni Satanas at malalim na nag-ugat sa loob ng tao. Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan, at wala siyang paraan para kilalanin ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim. Sa pamamagitan lamang ng paghatol ng salita ay makakamit ang ganitong resulta. Sa ganitong paraan lamang maaaring unti-unting mabago ang tao mula sa puntong ito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)
Nagsisimula ang pagbabago ng disposisyon ng tao sa kaalaman ng kanyang diwa at sa pamamagitan ng mga pagbabago sa kanyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang pinag-ugatan ng mga tiwaling disposisyon na lumilitaw sa tao ay ang panlilihis, katiwalian, at lason ni Satanas. Ang tao ay iginagapos at kinokontrol ni Satanas, at dinaranas niya ang napakalaking pinsalang idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, kabatiran, at katwiran. Sumasalungat ang tao sa Diyos at hindi matanggap ang katotohanan dahil mismo nagawa nang tiwali ni Satanas ang mga pangunahing bagay ng tao, at lubhang hindi na katulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila. Sa gayon, dapat magsimula ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao sa mga pagbabago sa kanyang pag-iisip, kabatiran, at katwiran na siyang magbabago ng kanyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Manatiling Hindi Nagbabago sa Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos
Kung nais mong maghangad ng pagbabago sa iyong disposisyon, kailangan mong malaman ang iyong kalikasan. “Hindi mababago ng isang leopardo ang mga batik nito.” Huwag ipagpalagay na maaaring mabago ang kalikasan. Kung masyadong masama ang kalikasan ng isang tao, hinding-hindi na siya magbabago kailanman, at hindi siya ililigtas ng Diyos. Ano ba ang tinutukoy ng isang pagbabago sa disposisyon? Tumutukoy ito sa kapag ang isang taong nagmamahal sa katotohanan ay tumatanggap ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos at sumasailalim sa lahat ng uri ng pagdurusa at pagpipino habang dinaranas ang gawain ng Diyos, at nalilinis ang mga satanikong lason sa loob niya, lubusang naiwawaksi ang kanyang tiwaling disposisyon, at nagagawang magpasakop sa mga salita ng Diyos at sa lahat ng mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, at hindi na kailanman naghihimagsik o lumalaban muli. Ito ay isang pagbabago sa disposisyon. Kung napakasama ng kalikasan ng isang tao, at kung isa siyang masamang tao, hindi siya ililigtas ng Diyos, at hindi gagawa sa loob niya ang Banal na Espiritu. Sa ibang salita, katulad ito ng isang doktor na nagpapagaling ng isang pasyente: Ang isang taong may pamamaga ay maaaring gamutin, pero ang isang taong nagkaroon ng kanser ay hindi na maliligtas. Ang isang pagbabago sa disposisyon ay nangangahulugan na ang isang tao, sapagkat minamahal at kaya niyang tanggapin ang katotohanan, ay nauunawaan ang kanyang kalikasan sa wakas, na mapaghimagsik sa Diyos at salungat sa Diyos. Nauunawaan niya na napakalalim ng pagkakatiwali sa tao, nauunawaan niya ang kahangalan at pagiging mapanlinlang ng sangkatauhan, ang salat at kahabag-habag na kalagayan ng sangkatauhan, at sa wakas ay nauunawaan na niya ang kalikasang diwa ng sangkatauhan. Sa pagkaalam sa lahat ng ito, nagagawa niyang ganap na tanggihan at maghimagsik laban sa kanyang sarili, makapamuhay ayon sa salita ng Diyos, at maisagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay. Ito ay isa na nakakakilala sa Diyos, ito ay isang tao na nabago na ang disposisyon.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao
Kapag ibinunyag mo ang iyong tiwaling disposisyon, kapag may mga kaisipan at ideya ka na salungat sa Diyos, kapag may mga kalagayan at pananaw ka na laban sa Diyos, kapag may mga kalagayan kung saan mali ang pagkaunawa mo sa Diyos, o nilalabanan at kinokontra mo Siya, sasawayin ka ng Diyos, hahatulan at kakastiguhin ka Niya, at kung minsan ay didisiplinahin at parurusahan ka pa Niya. Ano ang layunin ng pagdidisiplina at pagsaway sa iyo? (Upang makapagsisi kami at magbago.) Oo, ito ay upang makapagsisi ka. Ang naisasakatuparan ng pagdidisiplina at pagpuna sa iyo ay hinahayaan ka nitong baguhin ang direksyon mo. Ito ay para ipaunawa sa iyo na ang mga iniisip mo ay mga kuru-kuro ng tao, at na mali ang mga iyon; ang mga motibasyon mo ay nagmula kay Satanas, mula sa kalooban ng tao, at hindi naaayon ang mga ito sa katotohanan, hindi kaayon ng Diyos, hindi matutugunan ng mga iyon ang mga layunin ng Diyos, kasuklam-suklam at kamuhi-muhi sa Diyos ang mga iyon, nag-uudyok ang mga iyon ng Kanyang poot, at pinupukaw pa ang Kanyang pagsumpa. Pagkatapos mapagtanto ito, kailangan mong baguhin ang iyong mga motibasyon at pag-uugali. At paano nababago ang mga iyon? Una sa lahat, kailangan mong magpasakop sa paraan ng pagtrato sa iyo ng Diyos, at magpasakop sa mga kapaligiran at mga tao, mga pangyayari, at bagay na inihahanda Niya para sa iyo. Huwag kang maghanap ng butas, huwag kang magbigay ng mga obhetibong dahilan at huwag kang umiwas sa iyong mga responsabilidad. Pangalawa, hanapin mo ang katotohanang dapat isagawa at pasukin ng mga tao kapag ginagawa ng Diyos ang mga ginagawa Niya. Hinihiling ng Diyos na unawain mo ang mga bagay na ito. Nais Niyang kilalanin mo ang iyong mga tiwaling disposisyon at satanikong diwa, para magawa mong magpasakop sa mga kapaligirang isinasaayos Niya para sa iyo at, sa huli, para makapagsagawa ka alinsunod sa Kanyang mga layunin at sa Kanyang mga hinihingi sa iyo. Sa gayon ay nakapasa ka na sa pagsubok. Sa sandaling tumigil ka na sa paglaban at pagtutol sa Diyos, hindi ka na makikipagtalo sa Diyos at magagawa mong magpasakop. Kapag sinasabi ng Diyos na, “Lumagay ka sa likuran Ko, Satanas,” tumutugon ka ng, “Kung sinasabi ng Diyos na ako ay isang Satanas, ako ay isang Satanas. Kahit na hindi ko nauunawaan kung ano ang mali kong nagawa, o kung bakit sinasabi ng Diyos na ako ay isang Satanas, iniuutos Niya sa akin na pumunta sa likod Niya, kaya hindi ako dapat mag-atubili. Dapat kong hanapin ang mga pagnanais ng Diyos.” Kapag sinasabi ng Diyos na ang kalikasan ng iyong mga kilos ay sataniko, sinasabi mong, “Kinikilala ko kung anuman ang sinasabi ng Diyos, tinatanggap ko ang lahat ng iyon.” Anong saloobin ito? Ito ay pagpapasakop. Ito ba ay pagpapasakop kapag atubili mong natatanggap ang pagsasabi ng Diyos na ikaw ay isang diyablo at isang Satanas, ngunit hindi mo ito matanggap—at hindi mo kayang magpasakop—kapag sinasabi Niya na isa kang halimaw? Ang pagpapasakop ay nangangahulugan ng lubos na pagsunod at pagtanggap, hindi pakikipagtalo o hindi pagtatakda ng mga kondisyon. Nangangahulugan ito ng hindi pagsusuri ng sanhi at epekto, anuman ang mga obhetibong dahilan, at ang tanging iniisip mo lamang ay ang pagtanggap. Kapag nakamit na ng mga tao ang pagpapasakop na tulad nito, malapit na sila sa tunay na pananalig sa Diyos. Habang lalong kumikilos ang Diyos, at habang mas dumarami ang nararanasan mo, lalong nagiging totoo sa iyo ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at lalong lumalaki ang iyong tiwala sa Diyos, at mas lalo mong mararamdaman na, “Lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti, walang masama roon. Hindi ako dapat mamili, kundi dapat magpasakop. Ang aking responsabilidad, ang aking obligasyon, ang aking tungkulin—ay magpasakop. Ito ang dapat kong gawin bilang isang nilikha. Kung hindi ko man lang kayang magpasakop sa Diyos, ano ako? Isa akong halimaw, isa akong diyablo!” Hindi ba’t ipinapakita nito na mayroon ka nang tunay na pananalig ngayon? Kapag dumating ka na sa puntong ito, ikaw ay magiging walang bahid, kaya magiging madali para sa Diyos na gamitin ka, at magiging madali rin para sa iyo na magpasakop sa mga pamamatnugot ng Diyos. Kapag mayroon kang pagsang-ayon ng Diyos, magagawa mong makamit ang Kanyang mga pagpapala.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Totoong Pagpapasakop Lamang Maaaring Magkaroon ng Tunay na Pagtitiwala ang Isang Tao
Bagama’t hindi madaling baguhin ang kalikasan ng mga tao, kung matutukoy at makikilatis nila ang mga tiwaling disposisyon na kanilang ibinubunyag, at kung mahahanap nila ang katotohanan upang malutas ang mga ito, magagawa nilang unti-unting baguhin ang kanilang mga disposisyon. Sa sandaling nakamit na ng isang tao ang pagbabago sa kanyang buhay disposisyon, mababawasan nang mababawasan ang mga bagay sa loob niya na lumalaban sa Diyos. Ang layon ng paghihimay sa kalikasan ng tao ay ang baguhin ang kanyang mga disposisyon. Hindi pa ninyo naaarok ang layong ito, at iniisip na sa pamamagitan lamang ng paghihimay at pag-unawa sa inyong kalikasan ay makapagpapasakop kayo sa Diyos at maibabalik na ang inyong katwiran. Ang ginagawa lang ninyo ay pikit-matang naglalapat ng mga patakaran! Bakit hindi Ko na lang ilantad ang kayabangan at pagmamatuwid sa sarili ng mga tao? Bakit kailangan Ko ring himayin ang kanilang tiwaling kalikasan? Hindi malulutas ang problema kung ilalantad Ko lamang ang kanilang pagmamatuwid sa sarili at kayabangan. Ngunit kung hihimayin Ko ang kanilang kalikasan, ang mga aspekto na saklaw nito ay napakalawak, at kabilang dito ang lahat ng tiwaling disposisyon. Ito ay higit pa sa makitid na sakop ng pagmamatuwid sa sarili, labis na pagpapahalaga sa sarili, at kayabangan. Higit pa rito ang kabilang sa kalikasan. Kaya, makabubuti kung makikilala ng mga tao kung gaano karaming tiwaling disposisyon ang kanilang ibinubunyag sa lahat ng iba’t ibang hinihingi nila sa Diyos, ibig sabihin, sa kanilang labis na mga pagnanais. Sa sandaling maunawaan na ng mga tao ang kanilang sariling kalikasang diwa, magagawa na nilang kamuhian at itatwa ang kanilang sarili; magiging madali na para sa kanila na lutasin ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at magkakaroon na sila ng landas. Kung hindi, hindi ninyo kailanman malalantad ang pinag-ugatan, at sasabihin lamang ninyo na ito ay pagmamatuwid sa sarili, kayabangan, o pride, o hindi pagkakaroon ng anumang debosyon. Malulutas ba ng pagtalakay lang sa gayong mabababaw na bagay ang inyong problema? May pangangailangan bang talakayin ang kalikasan ng tao? Sa simula, ano ang kalikasan nina Adan at Eba? Walang sinasadyang pagtutol sa kalooban nila, lalo na ang hayagang pagkakanulo. Hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng labanan ang Diyos, lalo na kung ano ang ibig sabihin ng pagpapasakop sa Kanya. Anuman ang ipinakalat ni Satanas, tinanggap nila sa kanilang puso. Ngayon ay ginawa nang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan hanggang sa puntong kayang maghimagsik at labanan ng mga tao ang Diyos sa lahat ng bagay, at kaya nilang mag-isip ng lahat ng uri ng paraan upang salungatin Siya. Maliwanag na ang kalikasan ng tao ay katulad ng kay Satanas. Bakit Ko sinasabi na ang kalikasan ng tao ay ang kalikasan ni Satanas? Si Satanas ay yaong lumalaban sa Diyos, at dahil ang mga tao ay may satanikong kalikasan, sila ay kay Satanas. Bagama’t maaaring ang mga tao ay hindi sinasadyang gumawa ng mga bagay upang labanan ang Diyos, dahil sa kanilang satanikong kalikasan, lahat ng kanilang iniisip ay lumalaban sa Diyos. Kahit pa ang mga tao ay walang gawin, nilalabanan pa rin nila ang Diyos, dahil ang panloob na diwa ng tao ay naging isang bagay na lumalaban sa Diyos. Samakatwid, ang tao sa kasalukuyan ay iba sa taong kalilikha pa lang. Walang paglaban o pagkakanulo sa kalooban ng mga tao noon, puno sila ng buhay, at hindi pinangingibabawan ng anumang satanikong kalikasan. Kung walang pangingibabaw o panggugulo ng satanikong kalikasan sa kalooban ng mga tao, anuman ang gawin nila, hindi iyon maituturing na paglaban sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao Mula sa Diyos
Kung masyadong mababaw ang pagkakilala ng isang tao sa kanyang sarili, hindi nito malulutas ang anumang problema, at tiyak na hindi magbabago ang kanyang buhay disposisyon. Dapat mong kilalanin ang iyong sarili sa isang malalim na antas. Nangangahulugan ito ng pagkilala sa iyong kalikasan, at pag-alam kung anong mga elemento ang nilalaman nito, kung saan nagmumula ang mga bagay na ito, at kung saan nanggagaling ang mga ito. Dagdag pa rito, kaya mo ba talagang kamuhian ang mga bagay na ito? Nakita mo na ba ang sarili mong pangit na kaluluwa at ang iyong buktot na kalikasan? Kung tunay mong makikita ang katotohanan tungkol sa iyong sarili, kamumuhian mo ang iyong sarili. Kapag kinamumuhian mo ang iyong sarili at pagkatapos ay sinusubukang isagawa ang mga salita ng Diyos, magagawa mong maghimagsik laban sa laman at magkamit ng lakas para isagawa ang katotohanan, at hindi na ito magiging parang isang pakikibaka. Bakit maraming tao ang kumikilos ayon sa mga kagustuhan ng kanilang laman? Dahil itinuturing nilang napakabuti ng kanilang sarili, at pakiramdam nila na ang kanilang mga kilos ay labis na angkop at makatwiran, na walang anumang pagkakamali, at ganap na tama pa nga, kaya kumikilos sila nang may labis na tiwala sa sarili. Kapag tunay na nilang nalaman kung ano talaga ang kanilang kalikasan—kung gaano ito kapangit, kakasuklam-suklam, at kakaawa-awa—hindi na magiging masyadong mataas ang tingin nila sa sarili o hindi na sila magiging sobrang mayabang, at hindi na sila gaanong magagalak sa kanilang sarili. Iisipin nila, “Kailangan kong isagawa ang ilang salita ng Diyos nang praktikal. Kung hindi, hindi ako aabot sa pamantayan ng pagiging tao, at mahihiya akong mamuhay sa presensya ng Diyos.” Tunay nilang makikita ang kanilang sarili bilang maliit at tunay na walang-halaga. Sa puntong ito, magiging madali para sa kanila na isagawa ang katotohanan, at magmumukha silang medyo tulad ng dapat na wangis ng isang tao. Tanging kapag tunay na kinamumuhian ng isang tao ang kanyang sarili saka niya kayang maghimagsik laban sa laman. Kung hindi niya kinamumuhian ang kanyang sarili, hindi niya kayang maghimagsik laban sa laman. Ang tunay na pagkamuhi sa sarili ay hindi isang simpleng bagay. Para magawa ito, may ilang bagay na dapat taglayin ng isang tao. Una, dapat magtaglay ang isang tao ng pagkakilala tungkol sa kanyang kalikasan. Pangalawa, dapat niyang makita na siya ay dukha at kaawa-awa, na siya ay napakaliit at labis na walang-halaga, at dapat niyang makita ang kanyang kaawa-awa at maruming kaluluwa. Kapag lubusan na niyang nakita kung ano talaga siya—kapag nakamit na ang resultang ito—tunay siyang nagkakamit ng pagkakilala tungkol sa kanyang sarili, at masasabing tumpak na tumpak ang pagkakilala niya sa kanyang sarili. Tanging sa puntong ito niya magagawang kamuhian ang kanyang sarili, at susumpain pa nga ang kanyang sarili, tunay na nararamdaman na ang mga tao ay lubhang ginawang tiwali ni Satanas kaya’t wala na silang anumang wangis ng tao. Isang araw, kung tunay siyang maharap sa banta ng kamatayan, iisipin niya, “Ito ang matuwid na kaparusahan ng Diyos. Tunay ngang matuwid ang Diyos. Nararapat akong mamatay!” Sa puntong ito, hindi siya magpapahayag ng kanyang mga hinaing, lalong hindi siya magrereklamo tungkol sa Diyos—mararamdaman lamang niya na siya ay lubhang dukha, kaawa-awa, marumi, at tiwali, at na dapat siyang itiwalag at lipulin ng Diyos, at mararamdaman niya na ang isang kaluluwang tulad ng sa kanya ay hindi karapat-dapat na mamuhay sa lupa. Samakatwid, hindi siya magrereklamo o lalaban sa Diyos, lalong hindi niya ipagkakanulo ang Diyos.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Hinihimok Ko kayong magkaroon ng mas mahusay na pag-unawa sa nilalaman ng mga atas administratibo, at magsikap alamin ang disposisyon ng Diyos. Kung hindi, mahihirapan kayong panatilihing tikom ang mga labi ninyo, masyado kayong malayang dadaldal nang may magarbong pananalita, at hindi sinasadyang masasalungat ninyo ang disposisyon ng Diyos at masasadlak sa kadiliman, na mawawalan ng presensiya ng Banal na Espiritu at ng liwanag. Sapagkat wala kayong prinsipyo sa mga kilos ninyo, ginagawa at sinasabi ang hindi dapat, matatanggap mo ang retribusyong nararapat sa iyo. Dapat mong malamang kahit wala kang prinsipyo sa salita at gawa, lubhang maprinsipyo ang Diyos sa dalawang ito. Pagsalungat sa Diyos, hindi sa isang tao, ang dahilan ng pagkakatanggap mo ng ganti. Kung sa buhay mo ay marami kang nagawang pagsalungat sa disposisyon ng Diyos, nakatakda kang maging anak ng impiyerno. Para sa tao, maaaring mukhang gumawa ka lamang ng iilang gawang salungat sa katotohanan, at wala nang iba. Gayumpaman, alam mo ba na sa mga mata ng Diyos ay isa ka nang taong wala nang nauukol na handog para sa kasalanan? Sapagkat nilabag mo ang mga atas administratibo ng Diyos nang higit sa isang beses at, bukod dito, ay walang ipinakitang tanda ng pagsisisi o pagbabalik-loob, wala nang ibang pagpipilian kundi ang masadlak ka sa impiyerno, kung saan pinarurusahan ng Diyos ang tao. May maliit na bilang ng mga tao ang gumawa ng ilang gawang lumabag sa mga prinsipyo habang sumusunod sa Diyos, ngunit matapos silang mapungusan at mabigyan ng gabay, unti-unti nilang natuklasan ang sarili nilang katiwalian, at matapos nito ay pumasok sa tamang landas ng realidad, at nananatili silang may matatag na saligan hanggang ngayon. Ang ganitong mga tao ang mga mananatili hanggang sa huli. Gayumpaman, ang mga matapat ang gusto Ko; kung isa kang tapat na tao at isang taong kumikilos ayon sa prinsipyo, maaari kang maging katapatang-loob ng Diyos. Kung sa mga ikinikilos mo ay hindi mo nasasalungat ang disposisyon ng Diyos, at hinahanap mo ang mga layunin ng Diyos, at mayroon kang may-takot-sa-Diyos na puso, kung gayo’y pasok sa pamantayan ang pananalig mo. Sinumang hindi natatakot sa Diyos at walang pusong nanginginig sa kilabot ay malamang na lalabag sa mga atas administratibo ng Diyos. Maraming naglilingkod sa Diyos sa lakas ng silakbo ng damdamin nila ngunit walang pagkaunawa sa mga atas administratibo ng Diyos, at lalong walang anumang ideya tungkol sa mga ipinapahiwatig ng mga salita Niya. Kaya naman, sa kanilang mabubuting layunin, madalas silang nakagagawa ng mga bagay na gumugulo sa pamamahala ng Diyos. Sa mga malalang kaso, pinapatalsik sila mula sa sambahayan ng Diyos, pinagkakaitan ng anumang karagdagang pagkakataong sumunod sa Kanya, at itinatapon sa impiyerno, at ang lahat ng ugnayan sa sambahayan ng Diyos ay tapos na. Ginagawa ng mga taong ito ang gawain ng sambahayan ng Diyos sa lakas ng kanilang mangmang na mabubuting layunin, at nagtatapos sa pagpapagalit sa disposisyon ng Diyos. Dinadala ng mga tao sa sambahayan ng Diyos ang mga paraan nila ng paglilingkod sa mga opisyal at mga panginoon at sinusubukang gamitin ang mga ito, walang saysay na iniisip na magagamit ang mga ito rito nang napakadali. Hindi nila kailanman naipagpalagay na walang disposisyon ng tupa ang Diyos, kundi ng isang leon. Samakatuwid, ang mga nakikipag-ugnayan sa Diyos sa unang pagkakataon ay walang kakayahang makipag-usap sa Kanya, sapagkat hindi tulad ng sa tao ang puso ng Diyos. Pagkatapos mo lamang maunawaan ang maraming katotohanan saka mo patuloy na makikilala ang Diyos. Hindi binubuo ng mga salita at doktrina ang kaalamang ito ngunit magagamit bilang kayamanan na sa pamamagitan nito ay makapapasok ka sa pagiging katapatang-loob ng Diyos, at bilang katibayang nalulugod Siya sa iyo. Kung kulang ka sa realidad ng kaalaman at hindi nasasangkapan ng katotohanan, ang maalab mong paglilingkod ay magdadala lamang sa iyo ng pagkasuklam at pagkapoot ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala
Kaugnay na mga Himno
Yaong Mga Hindi Kilala ang Diyos ay Sumasalungat sa Diyos