37. Paano matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang isang tunay na nilalang ay kailangang malaman kung sino ang Lumikha, para saan nilikha ang tao, paano isagawa ang mga responsibilidad ng isang nilalang, at paano sambahin ang Panginoon ng lahat ng nilikha, kailangang maunawaan, maintindihan, malaman, at isaalang-alang ang mga layon, naisin, at hinihiling ng Lumikha, at kailangang sundin ang daan ng Lumikha—ang magkaroon ng takot sa Diyos at umiwas sa kasamaan.

Ano ang magkaroon ng takot sa Diyos? At paano maiiwasan ng isang tao ang kasamaan?

Ang “pagkatakot sa Diyos” ay hindi nangangahulugan ng di-maipaliwanag na sindak at pangamba, ni pag-iwas, ni paglayo, ni pag-iidolo, ni pamahiin. Sa halip, ito ay nangangahulugan ng paghanga, pagpipitagan, pagtitiwala, pag-arok, pagsasaalang-alang, pagpapasakop, dedikasyon, pagmamahal, at walang-kondisyon at walang-reklamong pagsamba, pagsukli, at pagpapasailalim. Kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, hindi magkakaroon ng tunay na paghanga, tunay na pagtitiwala, tunay na pag-arok, tunay na pagsasaalang-alang o pagpapasakop ang mga tao, kundi ng kilabot at pagkabalisa, tanging pagdududa, maling pagkaunawa, pag-iwas, at paglayo lamang; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang mga tao ay hindi magkakaroon ng tunay na dedikasyon at pagsukli; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, hindi magkakaroon ng tunay na pagsamba at pagpapasailalim ang mga tao, kundi bulag na pag-iidolo at pamahiin lamang; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, imposibleng makasunod ang mga tao sa daan ng Diyos, o magkaroon ng takot sa Diyos, o umiwas sa kasamaan. Sa kabaligtaran, bawat aktibidad at pag-uugali ng tao ay mapupuno ng paghihimagsik at paglaban sa Diyos, na may kasamang mga paninira at mga paghusga tungkol sa Kanya, at masasamang gawa na taliwas sa katotohanan at sa tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos.

Kapag nagkaroon na ng tunay na pagtitiwala sa Diyos ang mga tao, talagang susunod at sasandal sila sa Kanya; sa tunay na pagsandig sa Diyos lamang maaaring tunay na maunawaan at maarok Siya ng mga tao; kasama sa tunay na pag-arok sa Diyos ang tunay na pagsasaalang-alang sa Kanya; tanging sa tunay na pagsasaalang-alang para sa Diyos maaaring tunay na makapagpasakop ang mga tao; sa tunay na pagpapasakop lamang sa Diyos magkakaroon ng tunay na dedikasyon ang mga tao; sa tunay na dedikasyon lamang sa Diyos maaaring magkaroon ang mga tao ng walang-kondisyon at walang-reklamong pagsukli; sa tunay na pagsandig, tunay na pagkaarok at pagsasaalang-alang, tunay na pagpapasakop, tunay na dedikasyon at pagsukli tunay na makikilala ng mga tao ang disposisyon at diwa ng Diyos, at ang pagkakakilanlan ng Lumikha; kapag tunay na nilang nakilala ang Lumikha, saka lamang lilitaw sa loob nila ang tunay na pagsamba at pagpapasailalim; kapag may tunay na silang pagsamba at pagpapasailalim sa Lumikha, saka lamang sila tunay na makakalaya mula sa masasamang gawa—ibig sabihin, ang makaiwas sa kasamaan.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paunang Salita

Ngayon, gusto ng lahat na maging isang taong may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Kung gayon, ano ang kahulugan ng daan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan? Masasabing may kinalaman dito ang paghahangad na magpasakop sa Diyos, at pagpapasakop sa Kanya nang ganap at lubusan. May kinalaman ito sa pagiging tunay na may pangamba at takot sa Diyos, nang walang anumang elemento ng panlilinlang, paglaban, o paghihimagsik. Ito ay pagiging ganap na dalisay sa puso at lubos na tapat at mapagpasakop sa Diyos. Ang katapatan at pagpapasakop na ito ay dapat ganap, hindi relatibo lang; hindi ito nakadepende sa oras o lugar, o kung gaano katanda ang isang tao. Ito ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Sa proseso ng ganitong paghahanap, unti-unti mong makikilala ang Diyos at mararanasan ang Kanyang mga gawa; mararamdaman mo ang Kanyang pag-aalaga at proteksyon, madarama ang katotohanan ng Kanyang pag-iral, at mararamdaman ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Sa wakas, talagang mararamdaman mo na ang Diyos ay nasa lahat ng bagay, at Siya ay nasa tabi mo lamang. Magkakaroon ka ng ganitong uri ng personal na karanasan. Kung hindi mo sinusunod ang daan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, kung gayon ay hindi ka kailanman magkakamit ng kaalaman tungkol sa mga bagay na ito.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tao ang Pinakamalaking Nakikinabang sa Plano ng Pamamahala ng Diyos

Job ay siya ay perpekto, siya ay may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, at siya ay nagtataglay ng malaking kayamanan at kagalang-galang na katayuan. Para sa isang pangkaraniwang tao na nakatira sa ganitong kapaligiran at sa ilalim ng naturang mga kondisyon, ang pagkain ni Job, ang kalidad ng kanyang buhay, at ang iba’t ibang aspekto ng kanyang personal na buhay ay ang mga pagtutuunan ng pansin ng karamihan sa mga tao; dahil dito, kailangan nating ipagpatuloy ang pagbabasa ng mga kasulatan: “At ang kanyang mga anak ay nagsiyaon at nagsipagdaos ng kapistahan sa bahay ng bawat isa sa kanya-kanyang kaarawan; at sila’y nangagsugo, at ipinatawag ang kanilang tatlong kapatid na babae upang magsikain at magsiinom na kasalo nila. At nangyari, nang makaraan ang mga araw ng kanilang pagpipista, na si Job ay nagsugo, at pinapagbanal sila, at bumangong maaga sa kinaumagahan, at naghandog ng mga handog na susunugin ayon sa bilang nilang lahat: sapagkat sinabi ni Job, ‘Marahil ang aking mga anak ay nangagkasala, at itinakwil ang Diyos sa kanilang mga puso.’ Ganito ang patuloy na ginawa ni Job” (Job 1:4–5). … Kapag inilalarawan ng Bibliya ang pagpipista ng mga anak na lalaki at babae ni Job, hindi nababanggit si Job; sinasabi lamang na ang kanyang mga anak na lalaki at babae ay madalas na kumain at uminom nang magkakasama. Sa madaling salita, hindi siya nagdaraos ng mga kapistahan, at hindi rin siya sumasama sa kanyang mga anak na lalaki at babae sa pagkain nang marangya. Kahit mayaman, at nagtataglay ng maraming ari-arian at mga tagapagsilbi, ang buhay ni Job ay hindi maluho. Ang kayamanan niya ay hindi nagdulot na magpakasasa siya sa marangyang kapaligiran ng pamumuhay, o magpakasasa sa mga kasiyahan ng laman o kalimutan na mag-alay ng mga sinusunog na handog dahil sa kanyang kayamanan, at lalong hindi ito naging sanhi nang unti-unting paglayo ng kanyang puso sa Diyos. Kung gayon, maliwanag na disiplinado si Job sa kanyang uri ng pamumuhay, hindi sakim o nakatuon sa kasiyahan bilang bunga ng mga pagpapala sa kanya ng Diyos, at hindi rin nakatuon ang kanyang pansin sa kalidad ng buhay. Sa halip, siya ay mapagpakumbaba at may mababang-loob, hindi siya mahilig magpasikat, at siya ay mapagbantay at maingat sa harap ng Diyos. Madalas niyang ikinokonsidera ang mga biyaya at pagpapala ng Diyos, at patuloy na nagkimkim ng may-takot-sa-Diyos na puso. Sa kanyang araw-araw na buhay, madalas ay maagang bumabangon si Job upang mag-alay ng mga handog na susunugin para sa kanyang mga anak na lalaki at babae. Sa madaling salita, si Job ay hindi lamang may takot sa Diyos, umasa rin siya na ang kanyang mga anak ay magkakaroon din ng takot sa Diyos at hindi magkakasala laban sa Diyos. Walang lugar sa puso ni Job ang materyal na kayamanan, ni hindi nito napalitan ang posisyon na hawak ng Diyos; maging para sa kapakanan ng kanyang sarili o ng kanyang mga anak, ang lahat ng ikinikilos ni Job araw-araw ay may kinalaman sa pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Ang kanyang takot sa Diyos na si Jehova ay hindi tumigil sa kanyang bibig, kundi isinakatuparan niya ito, at ipinakita sa bawat bahagi ng kanyang araw-araw na pamumuhay. Ang aktuwal na asal na ito ni Job ay nagpapakita sa atin na siya ay matapat, at nagtaglay ng diwa na may pagmamahal sa katarungan at mga bagay na positibo. Ang madalas na pagsugo at pagpapabanal ni Job sa kanyang mga anak na lalaki at babae ay nangangahulugan na hindi niya pinahintulutan o sinang-ayunan ang asal ng kanyang mga anak; sa halip, sa kanyang puso siya ay tumututol sa kanilang pag-uugali, at kinondena sila. Napagpasyahan niya na ang pag-uugali ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay hindi kalugud-lugod sa Diyos na si Jehova, at kaya naman madalas niya silang pagsabihan na pumunta sa harap ng Diyos na si Jehova at ikumpisal ang kanilang mga kasalanan. Ipinapakita sa atin ng mga kilos ni Job ang isa pang bahagi ng kanyang pagkatao, kung saan siya ay hindi kailanman sumama sa mga taong madalas na nagkakasala at sumusuway sa Diyos, at sa halip ay nilayuan at iniwasan ang mga ito. Bagama’t ang mga taong ito ay ang kanyang mga anak na lalaki at babae, hindi niya tinalikuran ang kanyang sariling mga prinsipyo ng pag-asal dahil sa sila ay sarili niyang pamilya, at hindi niya pinagbigyan ang kanilang mga kasalanan dahil sa sarili niyang damdamin. Sa halip, hinimok niya silang mangumpisal at makamit ang kapatawaran ng Diyos na si Jehova, at binigyan niya sila ng babala na huwag talikuran ang Diyos para sa kapakanan ng kanilang mga sariling sakim na kasiyahan. Ang mga prinsipyo kung paano pinakitunguhan ni Job ang iba ay hindi maihihiwalay mula sa mga prinsipyo ng kanyang takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Minahal niya ang mga katanggap-tanggap sa Diyos, at kinasuklaman ang mga itinaboy ng Diyos; minahal niya ang mga taong may-takot-sa-Diyos sa kanilang mga puso, at kinasuklaman niya ang mga gumagawa ng kasamaan o nagkakasala laban sa Diyos. Ang ganitong pagmamahal at pagkasuklam ay makikita sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay, at ito ang tunay na pagkamatuwid ni Job na nakita ng mga mata ng Diyos. Natural lamang na ito rin ang pagpapahayag at pagsasabuhay ng tunay na pagkatao ni Job sa kanyang mga ugnayan sa iba sa kanyang araw-araw na pamumuhay na dapat nating matutuhan.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Matapos sabihin ng Diyos kay Satanas na, “Lahat niyang tinatangkilik ay nasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay,” umalis si Satanas, at matapos noon ay sumailalim na si Job sa biglaan at mababangis na pag-atake: Una, ninakaw ang kanyang mga baka at mga asno at pinatay ang ilan sa mga tagapaglingkod niya; sumunod, sinunog ang ilan sa kanyang mga tupa at mga tagapaglingkod; matapos noon, kinuha ang mga kamelyo niya at pinatay pa ang mas maraming tagapaglingkod niya; sa huli, namatay ang mga anak niyang lalaki at babae. Ang sunud-sunod na pag-atake na ito ay ang paghihirap na dinanas ni Job sa unang tukso. Ayon sa iniutos ng Diyos, ang mga ari-arian at mga anak lamang ni Job ang pinuntirya ni Satanas sa panahon ng mga pag-atake, at hindi niya sinaktan si Job. Gayunman, mula sa pagiging isang mayamang tao na nagmamay-ari ng malaking kayamanan, si Job ay biglang naging isang tao na wala kahit na anong ari-arian. Walang sinuman ang may kakayahang matagalan ang mga kagulat-gulat na biglaang pag-atake na ito o tumugon sa mga ito nang maayos, ngunit si Job ay nagpakita ng kanyang pambihirang katangian. Nagbibigay ang Kasulatan ng sumusunod na salaysay: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba.” Ito ang unang reaksyon ni Job pagkatapos niyang marinig na nawala sa kanya ang kanyang mga anak at lahat ng kanyang ari-arian. Higit sa lahat, hindi siya mukhang nagulat, o nataranta, at lalong hindi siya nagpahayag ng galit o pagkamuhi. Nakikita mo, sa gayon, na nakilala na niya sa kanyang puso na ang mga paghihirap na ito ay hindi isang aksidente, o gawa ng kamay ng tao, at lalong hindi dala ng paghihiganti o retribusyon. Sa halip, dumating sa kanya ang mga pagsubok ni Jehova; si Jehova ang nagnais na kunin ang kanyang ari-arian at mga anak. Napaka-mahinahon at malinaw ng pag-iisip ni Job noon. Ang kanyang perpekto at matuwid na pagkatao ang tumulong sa kanya upang makatwiran at natural na makagawa ng mga tumpak na paghusga at pagpapasya tungkol sa mga paghihirap na dumating sa kanya, at dahil dito, nagawa niyang kumilos nang may pambihirang kahinahunan: “Nang magkagayo’y bumangon si Job, at pinunit ang kanyang balabal, at inahitan ang kanyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba.” Ang “pinunit ang kanyang balabal” ay nangangahulugan na wala siyang suot, at walang pagmamay-ari; ang “inahitan ang kanyang ulo” ay nangangahulugang bumalik siya sa harap ng Diyos bilang isang bagong silang na sanggol; ang “nagpatirapa sa lupa at sumamba” ay nangangahulugang dumating siya sa mundo nang hubad, at wala pa ring pag-aari sa ngayon, ibinalik siya sa Diyos na tila isang bagong silang na sanggol. Ang saloobin ni Job sa lahat ng sinapit niya ay hindi maaaring makamit ng sinumang nilikha. Ang kanyang pananalig kay Jehova ay lampas pa sa saklaw ng pananampalataya; ganito ang kanyang takot sa Diyos, ang kanyang pagpapasakop sa Diyos; hindi lamang siya nagpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya, ngunit pati na rin sa pagkuha mula sa kanya. Higit pa rito, nagawa niyang ibalik sa Diyos ang lahat ng kanyang pag-aari, kasama na ang kanyang buhay.

Ang takot at pagpapasakop ni Job sa Diyos ay isang halimbawa sa sangkatauhan, at ang kanyang pagka-perpekto at ang pagkamatuwid ay ang rurok ng pagkatao na dapat taglayin ng tao. Kahit hindi niya nakita ang Diyos, nakilala niya na tunay na umiiral ang Diyos, at dahil sa pagkakilalang ito ay nagkaroon siya ng takot sa Diyos, at dahil sa takot niya sa Diyos, nagawa niyang magpasakop sa Diyos. Binigyan niya ang Diyos ng kalayaan na kunin ang lahat ng kanyang pag-aari, subalit hindi siya nagreklamo, at nagpakumbaba siya sa harap ng Diyos at sinabi sa Kanya, sa oras na ito, na kahit na kunin ng Diyos ang kanyang laman, masaya niyang hahayaan na gawin ito ng Diyos, nang walang reklamo. Ang kanyang buong asal ay dahil sa kanyang perpekto at matuwid na pagkatao. Ibig sabihin nito, bunga ng kanyang kawalang-sala, pagkamatapat, at kabaitan, mariing nanampalataya si Job sa pag-iral ng Diyos na nakilala at nadama niya. Mula sa saligang ito gumawa siya ng mga hinihingi sa kanyang sarili at gumawa ng pamantayan sa kanyang pag-iisip, pag-uugali, asal, at mga prinsipyo sa pagkilos sa harap ng Diyos na naaayon sa patnubay ng Diyos sa kanya at sa mga gawa ng Diyos na nakita niya sa lahat ng bagay. Sa paglipas ng panahon, ang kanyang mga karanasan ay nagdulot sa kanya ng tunay at totoong takot sa Diyos at nagawa niyang iwasan ang kasamaan. Ito ang pinagmulan ng integridad na mahigpit na pinanghawakan ni Job. Si Job ay may isang matapat, inosente, at mabait na pagkatao, at siya ay mayroong praktikal na karanasan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos, pagpapasakop sa Diyos, at pag-iwas sa kasamaan, pati na rin ang kaalaman na “si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis.” Dahil sa mga bagay na ito lamang niya nagawang manindigan sa kanyang patotoo sa gitna ng mga mapaminsalang pag-atake ni Satanas, at dahil sa mga ito lamang niya nagawang hindi biguin ang Diyos at magbigay ng kasiya-siyang sagot sa Diyos nang dumating ang mga pagsubok sa kanya.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Pinagdusahan ni Job ang pamiminsala ni Satanas, ngunit hindi pa rin niya itinakwil ang pangalan ng Diyos na si Jehova. Ang kanyang asawa ang unang nagpakita at umatake kay Job sa pamamagitan ng pagganap sa katauhan ni Satanas sa paraang makikita ng tao. Inilalarawan ito sa orihinal na teksto nang ganito: “Nang magkagayo’y sinabi ng kanyang asawa sa kanya, ‘Pinananatili mo pa rin ba ang iyong integridad? Itakwil mo ang diyos, at mamatay ka’” (Job 2:9). Ito ang mga salitang sinabi ni Satanas na nagbabalat-kayong tao. Ang mga ito ay isang pag-atake, at isang bintang, pati na rin pang-aakit, tukso, at paninirang-puri. Matapos mabigo sa pag-atake sa laman ni Job, direktang inatake ni Satanas ang integridad ni Job, na gustong gamitin ito upang isuko ni Job ang kanyang integridad, talikuran ang Diyos, at hindi na magpatuloy sa pamumuhay. Tulad nito, gusto ring gamitin ni Satanas ang mga salitang ito upang akitin si Job: Kung itinakwil ni Job ang pangalan ni Jehova, hindi niya kailangang pagtiisan ang ganoong paghihirap; maaari niyang mapalaya ang kanyang sarili mula sa paghihirap ng laman. Nahaharap sa payo ng kanyang asawa, pinagsabihan siya ni Job sa pagsasabing, “Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng isa sa mga hangal na babae. Ano? Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng kahirapan?” (Job 2:10). Matagal nang alam ni Job ang mga salitang ito, ngunit pinatunayan ng pagkakataong ito ang katotohanan na alam nga ni Job ang mga ito.

Noong pinayuhan siya ng kanyang asawa na sumpain ang Diyos at mamatay na, ang ibig nitong sabihin ay: “Ganito ka tratuhin ng Diyos mo, bakit hindi mo Siya isumpa? Paano mo pa nagagawang mabuhay? Hindi patas sa iyo ang iyong Diyos, ngunit sinasabi mo pa rin na ‘purihin ang pangalan ni Jehova.’ Paano Niya nagagawang magdulot ng sakuna sa iyo samantalang pinupuri mo ang Kanyang pangalan? Magmadali ka at talikuran mo ang pangalan ng Diyos, at huwag ka nang sumunod sa Kanya. Sa ganitong paraan, matatapos ang mga problema mo.” Sa mga sandaling ito, nakita ang pagpapatotoo na ninais na makita ng Diyos kay Job. Walang karaniwang tao na makapagpapatotoo nang ganito, at hindi rin natin ito nababasa sa anumang mga kuwento sa Bibliya—ngunit nakita na ng Diyos ang mga ito bago pa man sinabi ni Job ang mga naturang mga salita. Gusto lamang gamitin ng Diyos ang pagkakataong ito upang pahintulutan si Job na patunayan sa lahat na ang Diyos ay tama. Nahaharap sa payo ng kanyang asawa, hindi lamang hindi isinuko ni Job ang kanyang integridad o kaya ay tumalikod sa Diyos, kundi sinabi rin niya sa kanyang asawa: “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng kahirapan?” May bigat ba ang mga salitang ito? Dito, mayroon lamang isang katunayan na kayang magpatunay sa bigat ng mga salitang ito. Ang bigat ng mga salitang ito ay na sinang-ayunan ng Diyos ang mga ito sa Kanyang puso, ang mga ito ang ninais ng Diyos, ang mga ito ang ginustong marinig ng Diyos, at ang mga ito ang kalalabasang hinangad na makita ng Diyos; ang mga salitang ito rin ang pinakamahalagang bahagi ng patotoo ni Job. Dito, napatunayan ang pagiging perpekto, pagkamatuwid, pagkakaroon ng takot sa Diyos, at pag-iwas ni Job sa kasamaan. Ang kahalagahan ni Job ay nakasalalay sa kung paano, nang tuksuhin siya, at kahit noong puno ang kanyang buong katawan ng mga namamagang pigsa, noong pinagtiisan niya ang sukdulang paghihirap, at noong pinayuhan siya ng kanyang asawa at kamag-anak, nasabi pa rin niya ang ganoong mga salita. Sa madaling salita, sa kanyang puso, naniniwala siya na kahit ano pang tukso, o gaano man kabigat ang kapighatian o paghihirap, kahit pa dumating ang kamatayan sa kanya, hindi siya tatalikod sa Diyos o itataboy ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Samakatwid, nakikita mo na hawak ng Diyos ang pinakamahalagang lugar sa kanyang puso, at na ang Diyos lamang ang nasa kanyang puso. Dahil dito kaya mababasa natin ang mga paglalarawan sa kanya sa Kasulatan bilang: Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job sa pamamagitan ng kanyang mga labi. Siya ay hindi lamang di-nagkasala sa kanyang mga labi, kundi maging sa kanyang puso, hindi siya nagreklamo tungkol sa Diyos. Hindi siya nagsabi ng masasakit na salita tungkol sa Diyos, at hindi rin siya nagkasala laban sa Diyos. Hindi lamang pinuri ng kanyang bibig ang pangalan ng Diyos, ngunit sa kanyang puso ay pinuri rin niya ang pangalan ng Diyos; ang kanyang bibig at puso ay iisa. Ito ang tunay na Job na nakita ng Diyos, at ito ang tunay na dahilan kung bakit pinahalagahan ng Diyos si Job.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Bakit nagawa ni Job na matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan? Ano ang iniisip niya sa kanyang puso? Paano niya nagawang hindi gawin ang mga masasamang bagay na ito? Mayroon siyang may-takot-sa-Diyos na puso. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso? Nangangahulugan ito na sa kanyang puso ay natakot siya sa Diyos at kaya niyang dakilain ang Diyos, at na may lugar sa kanyang puso para sa Diyos. Iniwasan niya ang kasamaan hindi dahil natakot siyang makikita ito ng Diyos o na magagalit ang Diyos dahil dito. Sa halip, sa kanyang puso ay dinakila niya ang Diyos, na handa niyang palugurin ang Diyos, at handa niyang panghawakan ang mga salita ng Diyos. Kaya nagawa niyang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan. Masasabi na ng lahat ngayon ang katagang “natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan,” ngunit hindi nila alam kung paano ito nagawa ni Job. Sa katunayan, itinuring ni Job ang “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan” bilang pinakapangunahin at mahalagang bagay sa pananampalataya sa Diyos. Samakatwid, nagawa niyang panghawakan ang mga salitang ito, na para bang pinanghahawakan niya ang isang utos. Nakinig siya sa mga salita ng Diyos dahil sa puso niya ay dinakila niya ang Diyos. Hindi man maging kapansin-pansin ang mga salita ng Diyos sa mga mata ng tao, kahit na mga ordinaryong salita lamang ang mga ito, sa puso ni Job, ang mga salitang ito ay mula sa kataas-taasang Diyos; ang mga ito ang pinakadakila, pinakamahalagang mga salita. Kahit na ang mga ito ang mga salitang hinahamak ng mga tao, hangga’t ang mga ito ay mga salita ng Diyos, dapat sundin ng mga tao ang mga ito. Kahit pa sila ay kutyain o siraan, dapat nilang sundin ang Kanyang mga salita. Kahit pa makaranas sila ng kapighatian o sila ay usigin, dapat nilang matatag na panghawakan ang Kanyang mga salita hanggang sa huli, at hindi nila maaaring sukuan ang mga ito. Ito ang ibig sabihin ng pagkatakot sa Diyos. Dapat mong matatag na panghawakan ang bawat salitang iniaatas ng Diyos sa tao. Tungkol sa mga bagay na ipinagbabawal ng Diyos, o sa mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos, kung hindi mo alam ang mga ito, hindi bale na, ngunit sa sandaling malaman mo ang mga ito, kung gayon ay dapat na magagawa mong lubos na iwasang gawin ang mga bagay na iyon. Dapat ay kaya mong magpakatatag, kahit pa tanggihan ka ng iyong pamilya, kutyain ng mga walang pananampalataya, o tuyain at pagtawanan ng mga malapit sa iyo. Bakit kailangan mong magpakatatag? Ano ang iyong motibasyon? Ano ang iyong mga prinsipyo? Ito ay, “Dapat kong matatag na panghawakan ang mga salita ng Diyos at kumilos ayon sa Kanyang mga pagnanais. Magiging matatag ako sa paggawa ng mga bagay na gusto ng Diyos, at magiging determinado akong iwanan ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Kung hindi ko alam ang layunin ng Diyos, hindi bale na, ngunit kung alam ko at nauunawaan ko ang Kanyang layunin, kung gayon ay magiging determinado akong makinig at magpasakop sa Kanyang mga salita. Walang makakahadlang sa akin, at hindi ako matitinag, kahit hanggang sa pagtatapos ng panahon.” Ito ang ibig sabihin ng matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sa aling mga bagay ng inyong pang-araw-araw na buhay kayo mayroong may-takot-sa-Diyos na puso? At sa aling mga bagay kayo walang may-takot-sa-Diyos na puso? Nagagawa mo bang kamuhian ang isang tao kapag napapasama niya ang loob mo o naaapektuhan ang iyong mga interes? At kapag kinamumuhian mo ang isang tao, kaya mo ba siyang pahirapan at maghiganti? (Oo.) Kung gayon, lubha kang nakakatakot! Kung wala kang may-takot-sa-Diyos na puso, at nakagagawa ng masasamang bagay, kung gayon, napakalubha nitong malupit na disposisyon mo! Ang pagmamahal at pagkamuhi ay mga bagay na dapat taglayin ng normal na pagkatao, ngunit kailangan mong makita nang malinaw ang pagkakaiba sa pagitan ng iyong minamahal at ng iyong kinamumuhian. Sa puso mo, dapat mong mahalin ang Diyos, mahalin ang katotohanan, mahalin ang mga positibong bagay, at mahalin ang iyong mga kapatid, samantalang dapat mong kamuhian si Satanas at ang mga diyablo, kamuhian ang mga negatibong bagay, kamuhian ang mga anticristo, at kamuhian ang masasamang tao. Kung nagagawa mong supilin at gantihan ang iyong mga kapatid dahil sa pagkamuhi, lubhang nakakatakot iyan, at iyan ang disposisyon ng isang masamang tao. Ang ilang tao ay mayroon lamang kamuhi-muhing mga kaisipan at mga ideyang kamuhi-muhi at masama, pero wala silang ginawang anumang masama, at kaya hindi sila masasamang tao. Ito ay dahil kapag may nangyayari, nagagawa nilang hanapin ang katotohanan, at binibigyang-pansin nila ang mga prinsipyo sa kung paano sila umasal at humarap sa mga bagay-bagay. Kapag nakikipag-ugnayan sa iba, hindi sila humihingi sa mga ito ng labis sa nararapat; kung nakakasundo nila nang maayos ang isang tao, patuloy silang makikipag-ugnayan dito; kung hindi nila nakakasundo, hindi sila makikipag-ugnayan. Hindi ito nakakaapekto sa paggampan ng kanilang tungkulin o sa kanilang buhay pagpasok kahit kaunti. Ang Diyos ay nasa puso nila at mayroon silang may-takot-sa-Diyos na puso. Ayaw nilang salungatin ang Diyos, at natatakot silang gawin iyon. Bagama’t maaaring magkimkim ang mga taong ito ng ilang maling kaisipan at ideya, nagagawa nilang maghimagsik at talikuran ang mga iyon. Nakakapagpigil sila sa kanilang mga kilos, at hindi bumibigkas ng isang salita na hindi naaangkop, o sumasalungat sa Diyos. Ang isang taong nagsasalita at kumikilos sa ganitong paraan ay isang taong mayroong mga prinsipyo at nagsasagawa ng katotohanan. Ang iyong personalidad ay maaaring di-kaayon sa personalidad ng ibang tao, at maaaring ayaw mo sa kanya, ngunit kapag kasama mo siyang gumagawa, nananatili kang walang pinapanigan at hindi mo ibubulalas ang mga pagkadismaya mo sa paggawa ng iyong tungkulin, o ilalabas ang mga pagkadismaya mo sa mga interes ng pamilya ng Diyos; mapapangasiwaan mo ang mga usapin ayon sa mga prinsipyo. Ano ang ipinamamalas nito? Ito ay isang pagpapamalas ng pagkakaroon ng batayang may-takot-sa-Diyos na puso. Kung mayroon kang higit pa riyan, kapag nakita mo na may ilang kakulangan o kahinaan ang ibang tao, kahit na napasama niya ang loob mo o nagkaroon siya ng pagkiling laban sa iyo, may kakayahan ka pa ring tratuhin siya nang tama at mapagmahal siyang tulungan. Ang ibig sabihin nito ay may pagmamahal ka, na ikaw ay isang taong nagtataglay ng pagkatao, na ikaw ay isang taong mabait at kayang magsagawa ng katotohanan, na ikaw ay isang matapat na taong nagtataglay ng mga katotohanang realidad, at na ikaw ay isang taong may-takot-sa-Diyos na puso. Kung maliit pa rin ang iyong tayog ngunit mayroon kang kalooban, at handa kang magpunyagi para sa katotohanan, at magsikap gawin ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo, at nagagawa mong umasal, harapin ang mga bagay-bagay at tratuhin ang iba nang may prinsipyo, maituturing din ito na pagkakaroon ng bahagyang may-takot-sa-Diyos na puso; pinakapundamental ito.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan Para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos

Kapag ang katotohanan ay naging buhay mo na, kung makakita ka ng sinumang lumalapastangan sa Diyos, hindi natatakot sa Diyos, pabasta-basta habang ginagampanan ang tungkulin nila, o nanggagambala at nanggugulo sa gawain ng iglesia, magagawa mong harapin sila ayon sa mga katotohanang prinsipyo, kinikilatis ang mga dapat kilatisin, at inilalantad ang mga dapat ilantad. Kung hindi pa naging buhay mo ang katotohanan, at namumuhay ka pa rin sa loob ng iyong mga satanikong disposisyon, kung gayon, kapag nakakita ka ng masasamang tao at mga diyablo na nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia, magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan ka, at babalewalain mo ito, nang hindi nakakaramdam ng anumang panunumbat mula sa iyong konsensiya. Iisipin mo pa nga na sinuman ang magdulot ng mga kaguluhan sa gawain ng iglesia, wala itong kinalaman sa iyo. Gaano man kalaki ang pinsalang idinudulot sa gawain ng iglesia at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, wala kang pakialam o hindi mo itatanong ang tungkol dito, o makakaramdam ng anumang panunumbat mula sa iyong konsensiya. Sa gayong sitwasyon, isa kang taong walang konsensiya o katwiran, isang hindi mananampalataya, isang trabahador. Kinakain mo ang sa Diyos, iniinom mo ang sa Diyos, at tinatamasa mo ang lahat ng nagmumula sa Diyos, ngunit pakiramdam mo ay walang kinalaman sa iyo ang anumang pinsalang dumarating sa mga interes ng sambahayan ng Diyos—ginagawa ka nitong isang taksil na kumakampi sa mga tagalabas para sa ikakapahamak ng sarili mong mga kasama, ang uri ng bagay na kinakagat ang kamay na nagpapakain dito. Kung hindi mo pangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, tao ka pa ba? Isa kang demonyong nakalusot sa iglesia. Nagkukunwari kang nananampalataya sa Diyos, nagpapanggap na isa sa hinirang na mga tao ng Diyos, at gusto mong maging palamunin sa sambahayan ng Diyos—hindi ka kawangis ng isang tao, at malinaw na isa kang hindi mananampalataya. Iyong mga tunay na nananampalataya sa Diyos, kahit hindi pa nila nakakamit ang katotohanan at buhay, kahit papaano ay papanig sila sa Diyos sa kanilang pananalita at mga kilos; kahit papaano, hindi sila mananatiling walang ginagawa kapag nakikita nilang napipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kung susubukan nilang balewalain ito, makakaramdam ng panunumbat at hindi mapapalagay ang kanilang konsensiya, at sasabihin nila sa kanilang sarili, “Hindi ako puwedeng basta na lang umupo at walang gawin. Dapat akong tumayo at magsalita, dapat kong tuparin ang aking responsabilidad. Dapat akong humarap para ilantad at pigilan ang masamang gawang ito, para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos mula sa pinsala, at para tiyakin na hindi nagugulo ang buhay iglesia.” Kung naging buhay mo na sa iyong puso ang katotohanan, hindi ka lang magkakaroon ng ganitong lakas ng loob at determinasyon, kundi magagawa mo ring kilatisin ang usaping ito. Higit pa rito, magagawa mong tuparin ang nararapat mong bahagi ng responsabilidad para sa gawain ng Diyos at para sa mga interes ng Kanyang sambahayan, at sa ganitong paraan, matutupad ang tungkulin mo. Kung kaya mong ituring ang tungkulin mo bilang sarili mong responsabilidad at obligasyon, at bilang atas ng Diyos, at pakiramdam mo ay sa ganitong paraan mo lang natutugunan ang sarili mong konsensiya at hindi binibigo ang Diyos, hindi ba isinasabuhay mo na ang integridad at dignidad ng normal na pagkatao kung gayon? Ang iyong mga gawa at pag-uugali ay magiging ang “matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan” na sinasabi ng Diyos. Isasagawa mo ang diwa ng mga salitang ito at isasabuhay mo ang realidad ng mga ito.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Kaugnay na mga Himno

Yaong mga May Takot sa Diyos ay Pinupuri ang Diyos sa Lahat ng Bagay

Ang Kailangang Landas sa Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan

Sinundan: 36. Paano magkakamit ng pagpapasakop sa Diyos ang isang tao

Sumunod: 38. Ano ang ugnayan sa pagitan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan at pagiging naligtas

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito