f. Paano makilala ang pagkakaiba ng pagkakaroon ng gawain ng masasamang espiritu at ng pagiging nasasapian ng masasamang espiritu

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Anong gawain ang nagmumula kay Satanas? Sa gawain na nagmumula kay Satanas, ang mga pangitain sa loob ng mga tao ay malabo; ang mga tao ay walang normal na pagkatao, ang mga motibasyon sa likod ng kanilang mga pagkilos ay mali, at bagama’t nais nilang ibigin ang Diyos, palaging mayroong mga pagbibintang sa loob nila, at ang mga pagbibintang at mga saloobing ito ay nagsasanhi ng patuloy na panggugulo sa loob nila, pinipigilan ang paglago ng kanilang buhay at pinahihinto sila sa pagharap sa Diyos sa normal na kalagayan. Na ang ibig sabihin, sa sandaling ang gawain ni Satanas ay nasa loob ng mga tao, ang kanilang mga puso ay hindi kayang maging panatag sa harap ng Diyos. Hindi alam ng gayong mga tao kung ano ang gagawin sa kanilang mga sarili—kapag nakakakita sila ng mga taong sama-samang nagtitipon, nais nilang tumakbo palayo, at hindi nila nagagawang ipikit ang kanilang mga mata kapag nananalangin ang iba. Sinisira ng gawain ng masasamang espiritu ang normal na ugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos, at ginugulo ang dating mga pangitain ng mga tao o ang kanilang dating landas ng pagpasok sa buhay; sa kanilang mga puso hindi nila kailanman kayang mapalapit sa Diyos, at palaging nangyayari ang mga bagay-bagay na nagdudulot ng panggugulo sa kanila at gumagapos sa kanila. Ang kanilang mga puso ay hindi kayang makasumpong ng kapayapaan at sila’y iniiwan na walang lakas na ibigin ang Diyos at ang kanilang mga espiritu’y lumulubog. Ganoon ang mga pagpapamalas ng gawain ni Satanas. Ang mga pagpapamalas ng gawain ni Satanas ay ang mga sumusunod: hindi kayang manindigan at tumayong saksi, na nagiging sanhi upang ikaw ay maging isang tao na may mali sa harap ng Diyos at yaong walang katapatan sa Diyos. Kapag ginugulo ka ni Satanas, naiwawala mo ang pag-ibig at katapatan sa Diyos sa loob mo, ikaw ay tinatanggalan ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi mo hinahangad ang katotohanan o ang pag-unlad ng sarili mo; ikaw ay umuurong at nagiging pasibo, nagpapasasa ka, hinahayaan mo ang malayang paglaganap ng kasalanan at hindi namumuhi sa kasalanan; higit pa roon, ginagawa kang napakasama ng panghihimasok ni Satanas; nagiging sanhi ito upang ang pag-antig ng Diyos ay maglaho sa loob mo at itinutulak ka nitong magreklamo tungkol sa Diyos at kalabanin Siya, na umaakay sa iyong mag-alinlangan sa Diyos; mayroon pang panganib na tatalikuran mo ang Diyos. Ang lahat ng ito ay nagmumula kay Satanas.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas

Kapag nakikilala ng mga tao ang Diyos, masaya silang magdusa at mabuhay para sa Diyos, pero kinokontrol pa rin ni Satanas ang mga kahinaan sa loob nila, nagagawa pa rin ni Satanas na papagdusahin sila, nagagawa pa rin ng masasamang espiritu na gumawa at magdulot ng kaguluhan sa loob nila, para halinahin sila, para mahibang sila at mapahiya, at lubos na maligalig. May mga bagay sa isipan at kamalayan ng mga tao na malamang na makontrol at mamanipula ni Satanas. Kaya minsan ay may sakit ka at nababalisa, may mga pagkakataon na nararamdaman mong ang mundo ay mapanglaw, o na wala nang saysay pang mabuhay, at may mga pagkakataon pa nga na baka hangarin mo ang kamatayan at gustuhin mong magpakamatay. Ibig sabihin, ginagamit ni Satanas ang mga kapighatiang ito, at ang mga ito ang mortal na kahinaan ng tao. Ang isang bagay na ginawang tiwali at niyurakan ni Satanas ay magagamit pa rin ni Satanas; ginagamit ito ni Satanas para palalain ang mga bagay-bagay. … Kapag gumagawa ang masasamang espiritu, walang pagkakataon na hindi nila sasamantalahin. Maaari silang magsalita sa loob mo o sa iyong tainga, o maaaring guluhin nila ang iyong isip at gambalain ang iyong isipan, ginagawa kang manhid sa haplos ng Banal na Espiritu, pinipigilan kang maramdaman ito, at pagkatapos ay sisimulan ka nang pakialaman ng masasamang espiritu, para guluhin ang iyong isipan at masiraan ka ng bait, nagsasanhi pa nga ito na iwan ng iyong kaluluwa ang iyong katawan. Ito ang gawain na ginagawa ng masasamang espiritu sa mga tao, at nasa matinding panganib ang mga tao kung hindi nila matukoy kung ano talaga ito.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kabuluhan ng Pagtikim ng Diyos ng Pagdurusa sa Mundo

Sinasabi ng ilang tao na gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu sa lahat ng oras. Imposible ito. Kung sasabihin nila na palaging sumasakanila aang Banal na Espiritu, makatotohanan iyon. Kung sasabihin nila na ang kanilang pag-iisip at katinuan ay normal sa lahat ng oras, makatotohanan din iyon, at ipakikita na sumasakanila ang Banal na Espiritu. Kung sinasabi nila na palaging gumagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban nila, na nililiwanagan sila ng Diyos at inaantig ng Banal na Espiritu sa bawat sandali, at nagtatamo ng bagong kaalaman sa lahat ng oras, talagang hindi ito normal! Lubos itong higit sa karaniwan! Walang kaduda-duda, masasamang espiritu ang gayong mga tao! Kahit kapag pumapasok ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, may mga pagkakataon na kailangan Niyang kumain at kailangang magpahinga—bukod pa riyan ang mga tao. Yaong mga nasaniban ng masasamang espiritu ay parang walang kahinaan ng katawan. Nagagawa nilang talikdan at isuko ang lahat, wala silang damdamin, kaya nilang tiisin ang pagdurusa at hindi nakadarama ni katiting na pagod, na parang napangibabawan na nila ang katawan. Hindi ba ito lubos na higit sa karaniwan? Ang gawain ng masasamang espiritu ay hindi karaniwan—walang taong makakagawa ng gayong mga bagay! Yaong mga walang paghiwatig ay naiinggit kapag nakikita nila ang gayong mga tao: Sinasabi nila na napakalakas ng kanilang pananalig sa Diyos, may malaking pananampalataya, at hindi nagpapakita ni katiting na tanda ng kahinaan! Sa katunayan, lahat ng ito ay pagpapamalas ng gawain ng isang masamang espiritu. Sapagkat, ang mga normal na tao ay walang pagsalang may mga kahinaan ng tao; ito ang normal na kalagayan ng yaong mga may presensya ng Banal na Espiritu.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 4

Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng mga maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga haka-haka ng tao; halimbawa, ipinropesiya sa Lumang Tipan ang pagparito ng isang Mesiyas, at ang resulta ng propesiyang ito ay ang pagparito ni Jesus. Dahil nangyari na ito, magiging mali na muling may pumaritong isa pang Mesiyas. Pumarito nang minsan si Jesus, at magiging mali kung paparitong muli si Jesus sa pagkakataong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawat kapanahunan, at bawat pangalan ay may paglalarawan ng kapanahunang ito. Sa mga haka-haka ng tao, kailangang laging magpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, kailangang laging magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at kailangang laging maging katulad lamang ni Jesus. Subalit sa pagkakataong ito, hindi ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtaboy pa rin ng mga demonyo at nagpagaling ng mga maysakit—kung gagawin Niya ang ginawa mismo ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Sa gayon, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng Kanyang gawain, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, nag-iiba ng pamamaraan ang Diyos. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang maging malinaw sa iyo ang tungkol dito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon

May ilang sinasaniban ng masasamang espiritu at malakas na sumisigaw ng, “Ako ang Diyos!” Ngunit sa katapusan, sila ay nabubunyag dahil sila ay mali sa kanilang kinakatawan. Kinakatawan nila si Satanas, at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay isang nilalang pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. Kailanman ay hindi Ako sumisigaw ng, “Ako ang Diyos, Ako ang sinisintang Anak ng Diyos!” Ngunit ang gawaing ginagawa Ko ay gawain ng Diyos. Kailangan Ko bang sumigaw? Hindi kailangan ang pagpaparangal. Ginagawa ng Diyos Mismo ang Kanyang gawain at hindi kailangan ng tao na bigyan Siya ng isang katayuan o kagalang-galang na titulo: kinakatawan na ng Kanyang gawain ang Kanyang pagkakakilanlan at katayuan. Bago ang Kanyang bautismo, hindi ba’t si Jesus ang Diyos Mismo? Hindi ba’t Siya ang nagkatawang-taong Diyos? Tiyak na hindi maaaring sabihin na naging tanging Anak ng Diyos lamang Siya pagkatapos Niyang napatotohanan? Wala bang tao na may pangalang Jesus sa matagal na panahon bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain? Hindi mo kayang maghatid ng mga bagong landas o kumatawan sa Espiritu. Hindi mo kayang ipahayag ang gawain ng Espiritu o ang mga salita na sinasabi Niya. Hindi mo kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo o yaong sa Espiritu. Ang karunungan, pagiging kamangha-mangha, at pagiging di-maarok ng Diyos, at ang buong disposisyon sa pagkastigo ng Diyos sa tao—lahat ng ito ay higit sa iyong kakayahang magpahayag. Kaya walang saysay na angkinin mo na ikaw ang Diyos; magkakaroon ka lamang ng pangalan ngunit hindi ng diwa. Dumating na ang Diyos Mismo, ngunit walang nakakakilala sa Kanya, gayunman patuloy Siya sa Kanyang gawain at ginagawa ang gayon sa pagkatawan sa Espiritu. Tawagin mo man Siyang tao o Diyos, ang Panginoon o Cristo, o tawagin Siyang kapatid na babae, hindi ito mahalaga. Ngunit ang gawaing ginagawa Niya ay yaong sa Espiritu at kumakatawan sa gawain ng Diyos Mismo. Wala Siyang pakialam sa pangalan na itinatawag sa Kanya ng tao. Puwede bang matukoy ng pangalang iyon ang Kanyang gawain? Anuman ang itawag mo sa Kanya, sa pananaw ng Diyos, Siya ang nagkatawang-taong laman ng Espiritu ng Diyos; kinakatawan Niya ang Espiritu at sinasang-ayunan ng Espiritu. Kung hindi mo kayang gumawa ng daan para sa isang bagong kapanahunan, o dalhin ang dati sa katapusan, o maghatid ng isang bagong kapanahunan o gumawa ng bagong gawain, hindi ka maaaring tawaging Diyos!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1

Kapag walang lumilitaw na mga usapin, may ilang mga taong sadyang normal, na nagsasalita at nakikipag-usap nang sadyang normal, na tila normal, at hindi gumagawa ng anumang masamang bagay. Subalit kapag binabasa ang mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon, kapag ibinabahagi na ang katotohanan, bigla silang nagsisimulang umasal nang hindi normal. Hindi makaya ng ilan na makinig, inaantok ang ilan at nagkakasakit naman ang ilan, sinasabing masama ang kanilang pakiramdam at hindi na nila nais pang makinig. Sa gayon, ganap na wala silang kamalayan—ano ba talaga ang nangyayari rito? Sinapian sila ng masamang espiritu. Kapag sinapian sila ng masamang espiritu, bakit patuloy nilang sinasabi ang mga salitang, “Ayokong marinig ito”? Kung minsan, hindi makayang unawain ng mga tao kung ano ang nangyayari rito, subali’t malinaw na malinaw ito sa isang masamang espiritu. Ito ang espiritu na nakapaloob sa mga anticristo. Tinatanong mo sila kung bakit galit na galit sila sa katotohanan, at sinasabi nilang hindi naman, at mariin nilang tinatanggihang kilalanin ito. Ngunit sa kanilang mga puso, alam nilang hindi nila mahal ang katotohanan. Kapag hindi binabasa ang mga salita ng Diyos, tila sila normal tuwing nakikihalubilo sa iba. Hindi mo malalaman kung ano ang nasasaloob nila. Kapag sinusubukan at binabasa nila ang mga salita ng Diyos, lumalabas ang mga salitang “Ayokong marinig ito”; nalantad na ang kanilang kalikasan, at ganito sila. Ginalit ba sila ng mga salita ng Diyos, o inilantad sila, o tinamaan sila kung saan masakit? Wala isa man sa mga nabanggit. Ang nangyari ay kapag nagbabasa ang lahat ng mga salita ng Diyos, sinasabi nila na ayaw nilang marinig ito. Hindi ba’t masasama sila? Ano ang ibig sabihin ng maging masama? Ibig sabihin nito ay galit na galit ka sa isang bagay at sa mga positibong bagay nang walang malinaw na dahilan at hindi man lamang alam kung bakit. Sinasabi nila, “Sa sandaling naririnig ko ang mga salita ng Diyos, ayaw kong marinig ang mga ito; sa sandaling naririnig ko ang mga patotoo sa Diyos, nakararamdam ako ng pag-ayaw, at hindi ko man lang alam kung bakit. Kapag nakikita ko ang sinuman na hinahanap ang katotohanan, o nagmamahal sa katotohanan, gusto ko silang hamunin, ibig ko silang laging pagalitan, gawan sila ng pinsala kapag nakatalikod sila, ibig ko silang patayin.” Sa pagsasabi nito, sila ay masasama. Sa katunayan, mula pa lamang sa simula, hindi kailanman nagkaroon ng espiritu ng normal na tao ang mga anticristo at hindi kailanman nagkaroon ng normal na pagkatao—Ito ang tunay na nangyayari.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Masasama, Traydor, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)

Para ang mga kapatid ay makakilala at matuto ng praktikal na aral, ipinlano ng Diyos na mamuhay sa piling nila ang isang taong nasapian ng demonyo. Sa simula, ang paraan ng pagsasalita at paggawa ng taong ito ng mga bagay-bagay ay normal, gayundin ang kanilang pangangatwiran; hindi man lamang siya mukhang namomroblema. Ngunit pagkaraan ng isang panahon ng pakikipag-ugnayan, natuklasan ng mga kapatid na lahat ng sinabi niya ay tila lihis sa punto—walang patutunguhan. Kalaunan, nangyari ang ilang bagay na “supernatural”: Palagi niyang sinasabi sa mga kapatid na nakita niya ito o iyon, o na inihayag ng Diyos ang ganito o ganoon sa kanya. Isang araw, halimbawa, inihayag sa kanya ng Diyos na kailangan niyang gumawa ng siopao—kinailangan niyang gawin iyon—at kinabukasan pagkatapos niyon, ang nangyari, kinailangan niyang lumabas, kaya dinala niya ang mga siopao at hindi na kinailangang gumawa ng anumang iba pang pagkain. Kinabukasan, inihayag sa kanya ng Diyos sa isang panaginip na kailangan niyang pumunta sa timog; may naghihintay sa kanya anim na milya mula roon. Nagpunta siya para alamin, at naroon ang isang mananampalataya kay Jesus na naligaw ng daan; nagpatotoo siya sa mananampalatayang ito tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at tinanggap niya iyon. Lagi siyang nagtatamo ng mga paghahayag, lagi siyang nakakarinig ng isang tinig, laging nangyayari ang mga bagay-bagay na supernatural. Bawat araw, pagdating sa kung ano ang kakainin, saan pupunta, ano ang gagawin, kanino makikipag-ugnayan, hindi niya sinunod ang mga batas ng normal na buhay ng tao, ni hindi niya hinanap ang mga salita ng Diyos bilang batayan o prinsipyo, ni hindi siya naghanap ng mga taong makakabahagi. Sa halip, lagi siyang naghintay ng isang tinig, o isang paghahayag, o isang panaginip. Normal ba ang taong ito? (Hindi.) Nakilala siya ng ilang tao at sinabi nila: “Ang lalaking ito ay maaaring hindi lumilibot nang hubo’t hubad at madungis sa lansangan, ngunit nagpapakita ito ng isang masamang espiritu.” Dahan-dahan ngunit sigurado na nakilala siya ng mga kapatid, hanggang sa araw na sumabog ang kanyang isyu at lumibot nga siya sa mga lansangan nang hubo’t hubad at madungis, at nagsasalita ng mga kahibangan. Nagpakita na ang demonyo; sa wakas ay nahayag na ang mga bagay-bagay. Kaya sa panahong ito, nakilala ba siya ng mga kapatid? Nagtamo ba sila ng kabatiran kung ano ang masamang espiritu, kung ano ang gawain ng isang masamang espiritu, at kung ano ang mga pagpapakita ng gawain ng masamang espiritu sa mga tao? (Oo.) Siyempre, nagtamo ng kabatiran at kakayahang makakilala ang ilang tao. Malamang na napaniwala niya ang ilang tao, at nakita lamang nila ang tunay niyang pagkatao nang sumilakbo ang kanyang galit. Ngunit napaniwala man sila o nakilala nila siya, kung hindi naiplano ng Diyos ang sitwasyong ito, magiging malinaw kaya sa mga tao kung ano ang gawain ng isang masamang espiritu? (Hindi.) Kaya ano ba ang kabuluhan at layunin ng Diyos sa pagpaplano sa sitwasyong ito at paggawa ng mga bagay na ito? Iyon ay para tulutan ang mga tao na magkaroon ng praktikal na pagkakilala at matuto ng aral, na matukoy ang ganitong uri ng tao. Kung sinabihan lamang ang mga tao kung ano ang gawain ng isang masamang espiritu, tulad ng pagtuturo ng isang guro sa isang aralin, nang walang anumang aktuwal na paggamit o pagsasagawa, teorya at mga salita lamang ang matatamo ng mga tao. Maaari mo lamang ipaliwanag nang malinaw kung ano ang gawain ng isang masamang espiritu, at kung ano ang partikular na mga pagpapakita nito, kapag personal mo nang nasaksihan ito—nakikita ito sa sarili mong mga mata, naririnig ito sa sarili mong mga tainga. At pagkatapos, kapag nakaharap mong muli ang gayong mga tao, matutukoy mo sila at matatanggihan; maayos mong matutugunan at mapapamahalaan ang gayong mga bagay.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabinlimang Aytem: Hindi Sila Naniniwala na Mayroong Diyos, at Itinatanggi Nila ang Diwa ni Cristo (Unang Bahagi)

Sinundan: e. Paano mapag-iiba ang gawain ng banal na Espiritu sa gawain ng masasamang espiritu

Sumunod: c. Bakit sinasabi na tinatahak ng lahat ng pastor at nakatatanda sa mga relihiyon ang landas ng mga Pariseo, at ano ang diwa nila

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito