43. Bakit iyong mga tunay lang na nagmamahal sa Diyos ang magagawa Niyang perpekto
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Ang mga nagmamahal sa Diyos ay ang mga nagmamahal sa katotohanan, at habang lalo itong isinasagawa ng mga nagmamahal sa katotohanan, mas nagkakaroon sila ng marami nito; habang mas isinasagawa nila ito, mas nagkakaroon sila ng higit pang pagmamahal ng Diyos; at habang mas isinasagawa nila ito, mas pinagpapala sila ng Diyos. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, ang pag-ibig ng Diyos ay unti-unti kang bibigyang-kakayahan na makakilatis, tulad nang makilala ni Pedro ang Diyos: Sinabi ni Pedro na ang Diyos ay hindi lamang nagtataglay ng karunungang likhain ang langit at lupa at lahat ng bagay, kundi higit pa rito ay may karunungan din Siya na gawin ang praktikal na gawain sa mga tao. Sinabi ni Pedro na hindi lamang Siya karapat-dapat sa pag-ibig ng mga tao dahil sa Kanyang paglikha ng langit at lupa at lahat ng bagay, ngunit, higit pa rito, dahil sa Kanyang kakayahang likhain ang tao, iligtas ang tao, gawing perpekto ang tao, at ipagkaloob ang Kanyang pag-ibig sa tao. Kaya sinabi rin ni Pedro na maraming bagay na taglay ng Diyos ang karapat-dapat sa pag-ibig ng tao. Sinabi ni Pedro kay Jesus: “Ang paglikha ba ng langit at lupa at lahat ng bagay ang tanging dahilan upang maging karapat-dapat Ka sa pag-ibig ng mga tao? Marami Ka pang tinataglay na kaibig-ibig. Gumaganap at kumikilos Ka sa tunay na buhay, inaantig ng Iyong Espiritu ang kalooban ko, dinidisiplina Mo ako, sinasaway Mo ako—higit pang karapat-dapat ang mga bagay na ito sa pag-ibig ng mga tao.” Kung nais mong makita at maranasan ang pag-ibig ng Diyos, kung gayon ay dapat kang tumuklas at maghanap sa tunay na buhay at dapat maging handang isantabi ang iyong sariling laman. Dapat mong gawin ang kapasyahang ito. Dapat kang maging isang taong may determinasyon na magagawang magbigay-lugod sa Diyos sa lahat ng bagay, nang hindi nagiging tamad o nag-iimbot sa mga kasiyahan ng laman, nang hindi nabubuhay para sa laman kundi nabubuhay para sa Diyos. Marahil ay hindi mo nabibigyang-lugod ang Diyos sa pagkakataong ito. Iyon ay dahil sa hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos; sa susunod, mangailangan man ito ng higit pang pagsisikap, dapat mo Siyang bigyang-kaluguran at hindi dapat bigyang-kasiyahan ang laman. Kapag naranasan mo ito sa ganitong paraan, makikilala mo na ang Diyos. Makikita mo na kayang likhain ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng bagay, na Siya ay nagkatawang-tao upang tunay Siyang makita ng mga tao at tunay na makisalamuha sa Kanya; makikita mo na nagagawa Niyang lumakad sa gitna ng mga tao, na makakaya ng Kanyang Espiritu na gawing perpekto ang mga tao sa tunay na buhay, na nagtutulot sa kanila na makita ang Kanyang pagiging kaibig-ibig at danasin ang Kanyang pagdidisiplina, ang Kanyang pagtutuwid, at ang Kanyang mga biyaya. Kung lagi kang nakadaranas sa ganitong paraan, hindi ka mawawalay sa Diyos sa tunay na buhay, at kung isang araw ay naging hindi na normal ang ugnayan mo sa Diyos, magagawa mong sumailalim sa paninisi at makaramdam ng pagsisisi. Kung may normal kang relasyon sa Diyos, hindi mo na nanaisin kailanman na iwan ang Diyos, at kung dumating ang araw na sabihin ng Diyos na iiwan ka Niya, matatakot ka, at sasabihin na nanaisin mo pang mamatay kaysa iwan ng Diyos. Sa sandaling maramdaman mo ito, mararamdaman mo na hindi mo kayang lisanin ang Diyos, at sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng isang pundasyon, at tunay na matatamasa ang pag-ibig ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag
Ang dahilan kung bakit ang mga tunay na umiibig lamang sa Diyos ang may pinakamataas na halaga at kahulugan sa kanilang mga buhay, at sila lamang ang tunay na nananampalataya sa Diyos, ay dahil nagagawa ng mga taong ito na mamuhay sa liwanag ng Diyos at nagagawa nilang mamuhay para sa gawain at pamamahala ng Diyos. Ito ay dahil hindi sila namumuhay sa kadiliman, kundi namumuhay sila sa liwanag; hindi sila namumuhay nang walang-kahulugang mga buhay, bagkus ay mga buhay na pinagpala ng Diyos. Tanging ang mga nagmamahal sa Diyos ang makakapagpatotoo sa Diyos, sila lamang ang mga saksi ng Diyos, sila lamang ang pinagpala ng Diyos, at sila lamang ang makatatanggap ng mga pangako ng Diyos. Ang mga nagmamahal sa Diyos ay mga kapalagayang-loob ng Diyos; sila ang mga tao na minamahal ng Diyos, at matatamasa nila ang mga pagpapala kasama ang Diyos. Ang mga taong tulad lamang nito ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan, at sila lamang ang mabubuhay magpakailanman sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos. Ang Diyos ay para mahalin ng tao, at karapat-dapat Siya sa pagmamahal ng lahat ng tao, ngunit hindi lahat ng tao ay kayang mahalin ang Diyos, at hindi lahat ng tao ay kayang magpatotoo sa Diyos at humawak ng kapangyarihan kasama ang Diyos. Dahil nagagawa nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawain ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng langit nang walang sinumang mangangahas na labanan sila, at makakaya nilang humawak ng kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng tao ng Diyos. Nagsasama-sama ang mga taong ito mula sa iba’t ibang dako ng mundo. Sila ay mga tao mula sa buong mundo na nagsasalita ng iba’t ibang wika at may iba’t ibang kulay ng balat, ngunit ang kahalagahan ng kanilang pag-iral ay pareho; silang lahat ay may mapagmahal-sa-Diyos na puso, silang lahat ay nagtataglay ng magkakatulad na patotoo, at may magkakatulad na determinasyon, at magkakatulad na minimithi. Makapaglalakad nang malaya sa buong mundo ang mga umiibig sa Diyos, at makapaglalakbay sa buong sansinukob ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos. Minamahal ng Diyos ang mga taong ito, pinagpala sila ng Diyos, at mamumuhay sila magpakailanman sa Kanyang liwanag.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag
Gumagawa ang Diyos sa yaong mga naghahangad at nagpapahalaga sa Kanyang mga salita. Kapag mas pinahahalagahan mo ang mga salita ng Diyos, mas gagawa sa iyo ang Kanyang Espiritu. Kapag mas pinahahalagahan ng isang tao ang mga salita ng Diyos, mas marami siyang magiging pagkakataon na magawang perpekto ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos yaong mga tunay na nagmamahal sa Kanya, at pineperpekto Niya yaong mga may puso na payapa sa Kanyang harapan. Ang pahalagahan ang lahat ng gawain ng Diyos, ang pahalagahan ang kaliwanagan ng Diyos, ang pahalagahan ang presensya ng Diyos, ang pahalagahan ang malasakit at pangangalaga ng Diyos, ang pahalagahan kung paano nagiging realidad mo ang mga salita ng Diyos at natutustusan ang iyong buhay—lahat ng ito ay pinakamainam na naaayon sa mga layunin ng Diyos. Kung pinahahalagahan mo ang gawain ng Diyos, ibig sabihin, kung pinahahalagahan mo ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos sa iyo, pagpapalain ka Niya at pararamihin ang lahat ng sa iyo. Kung hindi mo pahahalagahan ang mga salita ng Diyos, hindi Siya gagawa sa iyo, kundi pagkakalooban ka lamang Niya ng katiting na biyaya para sa iyong pananalig, o pagpapalain ka ng kaunting kayamanan at ng kaunting seguridad ng iyong pamilya. Dapat mong hangaring gawing iyong realidad ang mga salita ng Diyos, at mapalugod Siya at umaayon sa Kanyang mga layunin; hindi ka lamang dapat maghangad na tamasahin ang Kanyang biyaya. Wala nang iba pang mas mahalaga para sa mga mananampalataya kaysa matanggap ang gawain ng Diyos, matamo ang pagkaperpekto, at maging mga taong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ang mithiing dapat mong hangarin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos ang mga Nakaaayon sa Kanyang mga Layunin
Kapag lalo mong pinalulugod ang Diyos, lalo kang pagpapalain ng Diyos, at lalong titindi ang pagmamahal mo sa Diyos; kaya, gayundin, magkakaroon ka ng pananalig at paninindigan, at madarama mo na walang mas mahalaga o makabuluhan kaysa sa isang buhay na ginugol sa pagmamahal sa Diyos. Masasabi na kailangan lang mahalin ng tao ang Diyos para hindi siya malulungkot. Bagama’t may mga pagkakataon na nanghihina ang iyong laman at naliligiran ka ng maraming totoong problema, kung sa mga panahong ito ay tunay kang aasa sa Diyos, kung gayon, sa kalooban ng iyong espiritu ikaw ay aaluin, makadarama ka ng kapanatagan, at magkakaroon ka ng isang bagay na maaasahan. Sa ganitong paraan, madaraig mo ang maraming sitwasyon, kaya nga hindi ka na magrereklamo tungkol sa Diyos dahil sa dalamhating dinaranas mo. Sa halip, gugustuhin mong umawit, sumayaw, at magdasal, makipagtipon at makipagbahaginan, isipin ang Diyos, at madarama mo na lahat ng tao, pangyayari, at bagay sa paligid mo na isinaayos ng Diyos ay angkop. Kung hindi mo mahal ang Diyos, lahat ng makikita mo ay makakayamot sa iyo at walang magiging kaaya-aya sa iyong mga mata; hindi ka magiging malaya sa iyong espiritu bagkus ay napipigilan, laging magrereklamo ang puso mo tungkol sa Diyos, at lagi mong madarama na napakarami mong pinagdurusahan, at na hindi iyon makatarungan. Kung hindi ka maghahangad alang-alang sa kaligayahan, kundi upang mapalugod ang Diyos at hindi maakusahan ni Satanas, ang gayong paghahangad ay magbibigay sa iyo ng matinding lakas na mahalin ang Diyos. Naisasagawa ng tao ang lahat ng sinasabi ng Diyos, at lahat ng ginagawa niya ay nagpapalugod sa Diyos—ito ang ibig sabihin ng magtaglay ng realidad. Ang paghahangad na mapalugod ang Diyos ay nangangahulugan ng paggamit ng iyong mapagmahal-sa-Diyos na puso upang maisagawa ang Kanyang mga salita; anumang oras—kahit walang lakas ang iba—sa loob mo ay mayroon pa ring isang mapagmahal-sa-Diyos na puso, at sa kaibuturan mo, nananabik at nangungulila ka sa Diyos. Ito ay tunay na tayog. Ang laki ng iyong tayog ay nakasalalay sa laki ng tinataglay mong mapagmahal-sa-Diyos na puso, kung nagagawa mong maging matatag sa oras ng pagsubok, kung nanghihina ka kapag sumasapit sa iyo ang isang partikular na sitwasyon, at kung kaya mong manindigan kapag inayawan ka ng iyong mga kapatid; ang pagdating ng mga katunayan ay magpapakita kung ano ang iyong mapagmahal-sa-Diyos na puso. Makikita sa marami sa gawain ng Diyos na talagang mahal ng Diyos ang tao, bagama’t hindi pa ganap na mulat ang mga mata ng espiritu ng tao at hindi niya malinaw na nakikita ang marami sa gawain ng Diyos at ang Kanyang mga layunin, ni ang maraming bagay na kaibig-ibig tungkol sa Diyos; napakaliit ng tunay na pagmamahal ng tao sa Diyos. Nanampalataya ka na sa Diyos sa buong panahong ito, at sa ngayon ay pinutol na ng Diyos ang lahat ng paraan ng pagtakas. Sa totoo lang, wala kang pagpipilian kundi tahakin ang tamang landas, at ang mabagsik na paghatol at sukdulang pagliligtas ng Diyos ang umaakay sa iyo papunta sa tamang landas. Pagkatapos lamang makaranas ng paghihirap at pagpipino nalalaman ng tao na ang Diyos ay kaibig-ibig. Sa pagdanas nito hanggang sa ngayon, masasabi na nalaman na ng tao ang isang bahagi ng pagiging kaibig-ibig ng Diyos, ngunit hindi pa rin ito sapat, dahil malaki ang kulang sa tao. Kailangang maranasan ng tao ang higit pa sa kamangha-manghang gawain ng Diyos, at ang higit pa sa pagpipino sa pamamagitan ng lahat ng pagdurusang inihanda ng Diyos para sa kanya. Saka lamang mababago ang buhay disposisyon ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos
Yamang nananampalataya ka sa Diyos, dapat mong isuko ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kung ihahandog at ilalatag mo ang iyong puso sa harap ng Diyos, sa panahon ng pagpipino ay magiging imposible para sa iyo na ikaila ang Diyos, o iwan ang Diyos. Sa ganitong paraan ang iyong relasyon sa Diyos ay magiging lalong mas malapit, at lalong mas normal, at ang iyong pakikipagbahaginan sa Diyos ay magiging lalong mas madalas. Kung palagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, gugugol ka ng mas maraming panahon sa liwanag ng Diyos, at ng mas maraming panahon sa ilalim ng gabay ng Kanyang mga salita. Magkakaroon din ng higit pang mas maraming pagbabago sa iyong disposisyon, at ang iyong kaalaman ay madaragdagan araw-araw. Kapag dumating ang araw na ang mga pagsubok ng Diyos ay biglang sumapit sa iyo, hindi ka lamang makapaninindigan sa panig ng Diyos, ngunit magagawa mo ring magpatotoo sa Diyos. Sa panahong iyon, ikaw ay magiging kagaya ni Job, at ni Pedro. Sa pagpapatotoo sa Diyos iibigin mo Siya nang tunay, at magiging handa kang ialay ang iyong buhay para sa Kanya; ikaw ay magiging saksi ng Diyos, at ang siyang iniibig ng Diyos. Ang pag-ibig na nakaranas na ng pagpipino ay matatag, hindi marupok. Kailan man o paano ka man isinasailalim ng Diyos sa Kanyang mga pagsubok, nagagawa mong isantabi ang iyong mga pag-aalala kung mabubuhay ka ba o mamamatay, handang isantabi ang lahat para sa Diyos, at nagagalak na tiisin ang anuman para sa Diyos—sa ganitong paraan, magiging dalisay ang pag-ibig mo, at magkakaroon ng realidad ang iyong pananalig. Sa gayon ka lamang magiging isang tunay na iniibig ng Diyos, at isang tunay na nagawang perpekto na ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig
Ang mga taong inililigtas ng Diyos ay ang mga taong nagmamahal sa katotohanan, ang mga may kakayahan at abilidad na makaarok, silang lahat ay mga taong may konsensiya at katwiran, na kayang tuparin ang mga atas ng Diyos at gawin nang maayos ang kanilang tungkulin. Sila ay mga taong kayang tanggapin ang katotohanan at iwaksi ang mga tiwali nilang disposisyon, at sila ay mga taong tunay na nagmamahal sa Diyos, nagpapasakop sa Diyos, at sumasamba sa Diyos. Bagama’t ang karamihan sa mga taong ito ay mula sa ibaba ng lipunan, mula sa mga pamilya ng mga manggagawa at magsasaka, tiyak na hindi sila mga taong magulo ang isip, hangal, o walang silbi. Sa kabaligtaran, matatalino silang tao na kayang tanggapin, isagawa ang katotohanan at magpasakop dito. Lahat sila ay mga taong makatarungan, na tatalikdan ang makamundong karangalan at mga kayamanan para sumunod sa Diyos at matamo ang katotohanan at ang buhay—sila ang pinakamatatalinong tao sa lahat. Lahat sila ay matapat na taong tunay na nananampalataya sa Diyos at tunay na iginugugol ang kanilang sarili para sa Kanya. Matatamo nila ang pagsang-ayon at mga pagpapala ng Diyos, at magagawa silang perpekto upang maging Kanyang mga tao at mga haligi ng Kanyang templo. Sila ay mga taong gawa sa ginto, pilak, at mamahaling hiyas.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Pagkaalam Tungkol sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Nangangahulugan ng Tunay na Pagkakilala sa Sarili
Kung ang saloobin ng isang tao sa Diyos ay para lamang hangaan Siya o magpakita ng paggalang sa Kanya mula sa malayo, at hindi para mahalin Siya kahit katiting, ito ang resultang naabot ng isang taong walang mapagmahal-sa-Diyos na puso, at wala sa taong iyon ang mga kalagayan para magawang perpekto. Kung hindi natamo ng napakaraming gawain ang tunay na pagmamahal ng isang tao, hindi pa nakamit ng taong iyon ang Diyos at hindi niya tunay na hinahanap ang katotohanan. Ang isang taong hindi mahal ang Diyos ay hindi mahal ang katotohanan at sa gayon ay hindi makakamit ang Diyos, lalong hindi niya matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang gayong mga tao, paano man nila nararanasan ang gawain ng Banal na Espiritu, at paano man nila nararanasan ang paghatol, ay hindi magawang magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso. Ito ay mga taong hindi mababago ang likas na pagkatao at may nakakasuklam na mga disposisyon. Lahat ng walang may-takot-sa-Diyos na puso ay ititiwalag, upang maging mga pakay ng kaparusahan, at maparusahan tulad ng mga gumagawa ng kasamaan, upang magdusa nang higit pa kaysa sa mga nakagawa ng masasamang bagay.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao
Ngayon, alam na ninyong lahat na ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng laman, ni hindi ito upang pagyamanin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng laman o panandaliang kasiyahan, kahit sa bandang huli ay umabot sa sukdulan ang pagmamahal mo sa Diyos at wala ka nang hinihiling pa, hindi pa rin puro ang pagmamahal na ito na hinahangad mo at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pagmamahal sa Diyos upang pagyamanin ang nakababagot nilang buhay at punan ang kahungkagan sa kanilang puso ay ang uri ng mga tao na nag-iimbot ng kaginhawahan, hindi sila tunay na naghahangad na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pagmamahal ay sapilitan, ito ay paghahangad ng kasiyahang pangkaisipan, at hindi ito kailangan ng Diyos. Kung gayon, anong klase ang pagmamahal mo? Para saan ang pagmamahal mo sa Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pagmamahal sa Diyos na nasa iyong kalooban ngayon? Ang pagmamahal ng karamihan sa inyo ay katulad ng nabanggit. Mapapanatili lamang ng gayong pagmamahal ang kasalukuyang estado ng mga bagay-bagay; hindi nito makakamit ang kawalan ng pagbabago, ni hindi ito mag-uugat sa tao. Ang ganitong klaseng pagmamahal ay katulad lamang ng isang bulaklak na namumukadkad at nalalanta nang hindi namumunga. Sa madaling salita, matapos mong mahaling minsan ang Diyos sa gayong paraan, kung walang sinumang aakay sa iyo sa landas sa unahan, malulugmok ka. Kung kaya mo lamang mahalin ang Diyos sa oras ng pagmamahal sa Diyos ngunit pagkatapos ay hindi pa rin nagbabago ang iyong disposisyon sa buhay, hindi ka pa rin makakatakas sa pagkabalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi ka pa rin makakalaya mula sa mga gapos ni Satanas at sa pandaraya nito. Walang sinumang tulad nito ang ganap na makakamit ng Diyos; sa huli, pag-aari pa rin ni Satanas ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan. Walang alinlangan iyan. Lahat ng hindi ganap na makakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, ibig sabihin, babalik sila kay Satanas, at bababa sa lawa ng apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong mga nakamit ng Diyos ay yaong mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kapangyarihan nito. Sila ay opisyal na kabilang sa mga tao ng kaharian. Ganito kung paano nagiging mga tao ng kaharian. Handa ka bang maging ganitong klaseng tao? Handa ka bang makamit ng Diyos? Handa ka bang tumakas mula sa kapangyarihan ni Satanas at bumalik sa Diyos? Isa ka na ba ngayong Satanas o isa ka ba sa mga tao ng kaharian? Dapat ay maliwanag na ang mga bagay na ito, at hindi na nangangailangan ng karagdagang paliwanag.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pananaw na Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya
Kung gusto mong magawang perpekto ng Diyos, hindi sapat ang magpakaabala lamang, ni sapat ang gugulin lamang ang iyong sarili para sa Diyos. Kailangan mong magtaglay ng maraming bagay upang maging isang tao na ginawang perpekto ng Diyos. Kapag nahaharap ka sa pagdurusa, kailangan mong magawang hindi intindihin ang laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Kanyang Sarili mula sa iyo, kailangan mong magkaroon ng pananalig na sundan Siya, mapanatili ang iyong dating pagmamahal nang hindi hinahayaang manlamig o maglaho ito. Anuman ang gawin ng Diyos, kailangang hayaan mo Siyang mamatnugot ayon sa Kanyang kagustuhan, at sa halip ay sumpain ang iyong sariling laman kaysa magreklamo laban sa Kanya. Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok, kailangan mong maging handang tiisin ang sakit ng pagbitiw sa mga bagay na minamahal mo, at maging handang humagulgol, upang mapalugod ang Diyos. Ito lamang ang tunay na pagmamahal at tunay na pananalig. Anuman ang aktuwal mong tayog, kailangan mo munang taglayin pareho ang determinasyong ito na magdusa at ang tunay na pananalig, at kailangan mo ring magkaroon ng determinasyong maghimagsik laban sa laman. Kahit na mangahulugan ito ng pagdurusa at pagdanas ng mga kawalan sa iyong personal na mga interes, dapat mong tugunan ang mga layunin ng Diyos. Dapat makaramdam ka rin ng pagsisisi sa puso mo: Noong araw, hindi mo nagawang mapalugod ang Diyos, at ngayon, kaya mo nang magsisi. Hindi ka dapat magkulang sa alinman sa mga aspektong ito—sa pamamagitan ng mga bagay na ito, gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo natutugunan ang mga kondisyong ito, hindi ka magagawang perpekto.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Iyong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino
Bilang mga taong naghahangad na mahalin ang Diyos, ang pagpasok sa kaharian at pagiging mga tao ng Diyos ang inyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa inyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi nananampalataya sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan. Ang grupong ito lamang ng mga tao, na pinili ng Diyos, ang nakakapagsabuhay ng isang buhay na pinakamakabuluhan: Walang sino pa man sa lupa ang magagawang isabuhay ang isang buhay na may gayong halaga at kahulugan nang gaya sa buhay mo. Sapagkat kayo ay napili na ng Diyos at itinaas ng Diyos, at, higit pa rito, dahil sa pagmamahal ng Diyos, naaarok na ninyo ang tunay na buhay, at nalalaman kung paano mamuhay sa paraan na siyang pinakamahalaga. Hindi ito dahil sa naghahangad kayo nang mabuti, kundi dahil sa biyaya ng Diyos; ang Diyos ang nagmulat sa inyong mga espirituwal na mata, at ang Espiritu ng Diyos ang umantig sa inyong mga puso, binibigyan kayo ng magandang pagkakataon na lumapit sa harap Niya. Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi kayo niliwanagan, hindi kayo magkakaroon ng kakayahang makita kung ano ang kaibig-ibig tungkol sa Diyos, ni magiging posible para sa inyo na mahalin ang Diyos. Ganap na dahil naantig ng Espiritu ng Diyos ang puso ng mga tao kaya ang kanilang puso ay bumaling sa Diyos. May mga pagkakataon, kapag tinatamasa mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong espiritu ay inaantig, at nadarama mo na hindi mo mapigilang ibigin ang Diyos, na mayroong matinding lakas sa kalooban mo, at na walang anumang bagay ang hindi mo maisasantabi. Kung ganito ang nadarama mo, ikaw ay naantig na ng Espiritu ng Diyos, at ang iyong puso ay nakabaling na nang ganap sa Diyos, at mananalangin ka sa Diyos at sasabihing: “O Diyos! Kami ay tunay na paunang itinadhana at pinili Mo. Ang Iyong kaluwalhatian ay aking maipagmamalaki, at nakaluluwalhati para sa akin na maging isa sa Iyong mga tao. Gugugulin ko ang anumang bagay at ibibigay ang anumang bagay upang sumunod sa Iyong kalooban, at ilalaan ko ang lahat ng aking mga taon, at ang habambuhay na pagsisikap, sa Iyo.” Kapag ikaw ay nananalangin sa ganitong paraan, magkakaroon ng walang-katapusang pag-ibig at tunay na pagpapasakop sa Diyos sa iyong puso. Nagkaroon ka na ba ng isang karanasang kagaya nito? Kung ang mga tao ay madalas antigin ng Espiritu ng Diyos, sila ay lalong nakahanda na ilaan ang kanilang mga sarili sa Diyos sa kanilang mga panalangin: “O Diyos! Nais kong makita ang Iyong araw ng kaluwalhatian, at nais kong mabuhay para sa Iyo—walang anuman ang higit na karapat-dapat o makahulugan kaysa sa mabuhay para sa Iyo, at wala akong taglay ni katiting na pagnanais na mabuhay para kay Satanas at sa laman. Itinataas Mo ako sa pamamagitan ng pagtutulot sa akin na mabuhay para sa Iyo sa kasalukuyan.” Kapag nanalangin ka na sa ganitong paraan, madarama mo na hindi mo mapigilang ibigay ang iyong puso sa Diyos, na dapat mong makamit ang Diyos, at kasusuklaman mong mamatay nang hindi nakakamit ang Diyos habang ikaw ay nabubuhay. Pagkasabi ng gayong panalangin, magkakaroon ng di-nauubos na lakas sa kalooban mo, at hindi mo malalaman kung saan ito nagmumula; sa iyong puso ay magkakaroon ng walang-hanggang kapangyarihan, at magkakaroon ng pakiramdam na ang Diyos ay labis na kaibig-ibig, at Siya ay nararapat ibigin. Ito ay kapag naantig ka na ng Diyos. Lahat niyaong nagkaroon na ng gayong karanasan ay naantig na ng Diyos. Para sa kanila na madalas antigin ng Diyos, ang mga pagbabago ay nangyayari sa kanilang mga buhay, nagagawa nilang gawin ang kanilang determinasyon at nakahandang ganap na kamtin ang Diyos, ang kanilang mapagmahal-sa-Diyos na puso ay higit na malakas, at ang kanilang mga puso ay ganap nang bumaling sa Diyos. Wala silang pagpapahalaga sa pamilya, sa mundo, sa mga gusot, o sa kanilang kinabukasan, at nakahanda silang maglaan ng habambuhay na pagsisikap sa Diyos. Lahat niyaong naantig na ng Espiritu ng Diyos ay mga taong naghahangad sa katotohanan, at mayroong taglay na pag-asa na gagawing perpekto ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak
Ang mga taong nagawang perpekto ay hindi lamang may normal na pagkatao, kundi nagtataglay ng mga katotohanang nakahihigit sa mga sukat ng konsensiya, na mas mataas pa sa mga pamantayan ng konsensiya. Hindi lamang nila ginagamit ang kanilang konsensiya upang masuklian ang pag-ibig ng Diyos, ngunit, higit pa rito, nakilala nila ang Diyos, at nakita nila na ang Diyos ay kaibig-ibig, at karapat-dapat ibigin ng tao, at napakaraming bagay ang kaibig-ibig tungkol sa Diyos. Hindi maiiwasan ng tao na ibigin Siya! Ang pag-ibig para sa Diyos ng mga nagawang perpekto ay upang tuparin nila ang kanilang sariling personal na determinasyon. Ang kanila ay pag-ibig na kusang-loob, isang pag-ibig na hindi humihiling ng kapalit, at hindi isang transaksyon. Iniibig nila ang Diyos dahil lamang sa kanilang pagkakilala sa Kanya at wala nang iba pa. Hindi iniisip ng mga taong ito kung pagkakalooban sila ng Diyos ng mga biyaya, sapat na sa kanila ang mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi sila nakikipagtawaran sa Diyos, o kaya ay nagsusukat ng kanilang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng konsensiya: “Nakapagbigay Ka sa akin, kaya minamahal Kita bilang kapalit. Kung hindi Ka nagbibigay sa akin, wala rin akong anumang maibibigay na kapalit sa Iyo.” Ang mga nagawang perpekto ay laging naniniwala na: “Ang Diyos ang Lumikha, at isinasakatuparan Niya ang Kanyang gawain sa atin. Dahil ako ay may ganitong pagkakataon, kondisyon, at kalipikasyon upang gawing perpekto, dapat kong hangaring isabuhay ang makabuluhang buhay, at dapat ko Siyang matugunan.” Katulad lamang ito ng naranasan ni Pedro: Noong siya ay hinang-hina, nanalangin siya sa Diyos at sinabing, “O Diyos! Alam Mo na, kahit anong panahon at saanmang dako, palagi akong nangungulila sa Iyo, at na kahit anong panahon at saanmang dako, gusto Kitang ibigin, ngunit ang aking tayog ay napakaliit, ako ay masyadong mahina at walang kapangyarihan, ang aking pag-ibig ay masyadong limitado, at ang aking sinseridad sa Iyo ay masyadong maliit. Kung ihahambing sa Iyong pagmamahal, hindi ako nararapat mabuhay. Nais ko lamang na ang aking buhay ay hindi mawalan ng kabuluhan, at hindi ko lamang masusuklian ang Iyong pag-ibig, kundi, higit pa rito, maaari kong ilaan sa Iyo ang lahat-lahat nang mayroon ako. Kung mapapalugod Kita, bilang isang nilikha, magkakaroon ako ng payapang isipan at hindi na hihiling nang higit pa. Bagama’t ako ay mahina at walang kapangyarihan ngayon, hindi ko malilimutan ang Iyong mga panghihikayat, at hindi ko malilimutan ang Iyong pag-ibig. Ngayon, wala akong ginagawa kundi ang suklian ko lamang ang Iyong pag-ibig. O Diyos, ang pakiramdam ko ay lubhang masama! Paano ko maibabalik sa Iyo ang pag-ibig sa aking puso, paano ko magagawa ang lahat ng aking makakaya, at magawang tuparin ang Iyong mga ninanais, at maialay ang lahat ng mayroon ako sa Iyo? Alam Mo ang kahinaan ng tao. Paano nga ba ako magiging karapat-dapat sa Iyong pag-ibig? O Diyos! Alam Mong ako ay mayroong mababang tayog, at kakaunti lamang ang aking pag-ibig. Paano ko magagawa ang pinakamabuting makakaya ko sa ganitong uri ng kapaligiran? Alam kong dapat kong suklian ang Iyong pag-ibig, alam kong dapat kong ibigay ang lahat ng mayroon ako sa Iyo, ngunit ngayon ay lubhang mababa ang aking tayog. Hinihiling ko na bigyan Mo ako ng lakas at pananalig, upang higit ko pang mataglay ang isang dalisay na pag-ibig na maitatalaga ko sa Iyo, at higit kong maitalaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo; hindi ko lamang magagawang suklian ang Iyong pag-ibig, kundi mas mararanasan ko ang Iyong pagkastigo, paghatol at mga pagsubok, at kahit ang mga mas matitinding sumpa. Pinayagan Mo akong mapagmasdan ang Iyong pag-ibig, at wala akong kakayahang hindi Ka ibigin, at kahit na ako ay mahina at walang lakas ngayon, paano ba Kita malilimutan? Ang Iyong pag-ibig, pagkastigo, at paghatol ay naging dahilan upang makilala Kita, ngunit ramdam ko rin na wala akong kakayahang tugunan ang Iyong pag-ibig, dahil Ikaw ay napakadakila. Paano ko ba maitatalaga ang lahat ng mayroon ako sa Lumikha?” Iyon ang kahilingan ni Pedro, bagaman ang kanyang tayog ay lubhang hindi-sapat. Sa sandaling ito, naramdaman niya na para bang iniikot-ikot ang isang kutsilyo sa kanyang puso at siya ay nasa matinding paghihirap. Hindi niya batid kung ano ang dapat gawin sa ilalim ng ganoong mga kalagayan. Gayunman ay nagpatuloy siya sa pananalangin: “O Diyos! Ang tayog ng tao ay hindi pa hinog, ang kanyang konsensiya ay mahina, at ang tanging kaya kong gawin ay suklian ang Iyong pagmamahal. Ngayon, hindi ko alam kung paano ko matutugunan ang Iyong mga layunin, at ang tanging nais ko ay magawa ang lahat ng aking makakaya, maibibigay ang lahat ng mayroon ako, at maitatalaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo. Anuman ang Iyong maging paghatol, anuman ang Iyong pagkastigo, nagkakaloob Ka man ng mga bagay sa akin, o bumabawi ng mga bagay sa akin, palayain Mo ako sa pinakamaliit na reklamo laban sa Iyo. Maraming pagkakataon, noong ako ay kinastigo at hinatulan Mo, palagi akong may mga reklamo sa loob ko, at hindi ko nakamit ang kadalisayan, o napalugod ang Iyong mga ninanais. Ang pagganti ko sa Iyong pagmamahal ay nagmula sa pamimilit, at sa sandaling ito kinamumuhian ko nang higit pa ang sarili ko.” Ang paghahanap niya ng mas dalisay na pagmamahal sa Diyos ang dahilan kung bakit nanalangin si Pedro nang ganito. Siya ay naghahanap, at nakikiusap, at, higit pa, ay sinisisi niya ang kanyang sarili, at umaamin sa kanyang mga pagkakasala sa Diyos. Pakiramdam niya ay may pagkakautang siya sa Diyos, at nakaramdam siya ng pagkamuhi sa kanyang sarili, gayunman siya ay tila nalungkot din nang bahagya at negatibo. Laging gayon ang pakiramdam niya, na parang hindi siya makaabot sa mga layunin ng Diyos, at hindi niya naibigay ang lahat ng kanyang makakaya. Sa ilalim ng ganoong kalagayan, ipinagpatuloy ni Pedro ang paghahangad na magkaroon ng pananalig na tulad ng kay Job. Nakita niya kung gaano kadakila ang naging pananalig ni Job, sapagkat nakita ni Job na ang lahat ng pag-aari niya ay ipinagkaloob ng Diyos, at likas para sa Diyos na alisin ang lahat ng kanyang mga pag-aari, at ibigay ang mga ito ng Diyos sa kahit kanino man Niya naisin—gayon ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Walang mga reklamo si Job, at mapupuri pa rin ang Diyos. Kilala rin ni Pedro ang sarili niya, at sa kanyang puso siya ay nanalangin, “Ngayon, hindi ako makokontento na suklian ang Iyong pag-ibig gamit ang aking konsensiya at kahit gaano kasidhing pag-ibig ang ibigay ko pabalik sa Iyo, dahil ang aking mga kaisipan ay lubhang tiwali, at dahil wala akong kakayahang makita Ka bilang ang Lumikha. Dahil hindi pa rin ako karapat-dapat na umibig sa Iyo, dapat kong ilaan ang lahat ng mayroon ako sa Iyo, at gawin ito nang maluwag sa kalooban, dapat kong malaman lahat ng Iyong mga nagawa, at hindi ko dapat gawin ang mga sarili kong pagpili, at dapat kong mamasdan ang Iyong pag-ibig, at makapagsalita ako ng mga papuri sa Iyo, at purihin ang Iyong banal na pangalan, upang Ikaw ay magkamit ng dakilang kaluwalhatian sa pamamagitan ko. Ako ay handang manindigan sa patotoong ito sa Iyo. O Diyos! Ang Iyong pag-ibig ay napakahalaga at napakaganda; paano ko gugustuhing mamuhay sa mga kamay ng masama? Hindi ba’t ako ay Iyong ginawa? Paano ako mabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas? Mas gugustuhin kong mamuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo kaysa mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ng masama. Handa akong ilaan ang aking katawan at puso sa Iyong paghatol at pagkastigo, hangga’t maaari akong malinis, at maiaalay ko sa Iyo ang lahat-lahat ng sa akin, sapagkat kinamumuhian ko si Satanas, at hindi ko gustong mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan nito. Sa pamamagitan ng Iyong paghatol sa akin, ipinakikita Mo ang Iyong matuwid na disposisyon; ganap akong handa, at wala akong kahit katiting na reklamo. Hangga’t kaya kong tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, handa ako na gugulin ang aking buong buhay sa ilalim ng Iyong paghatol, at sa gayon ay malaman ko ang Iyong matuwid na disposisyon, at maalis sa akin ang impluwensiya ng masama.” Lagi iyong ipinagdasal ni Pedro, laging iyon ang kanyang hinangad, at naabot niya ang isang medyo mataas na antas. Hindi lamang niya naibalik ang pag-ibig ng Diyos, kundi, mas mahalaga, natupad rin niya ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha. Hindi lamang sa hindi siya pinaratangan ng kanyang konsensiya, kundi nalampasan din niya ang mga pamantayan ng konsensiya. Patuloy na nakaabot sa harap ng Diyos ang kanyang mga panalangin, anupa’t ang kanyang mga kapasyahan ay mas lumago, at mas lalo siyang nagtataglay ng mapagmahal-sa-Diyos na puso. Bagaman nagdurusa siya ng matinding sakit, hindi pa rin niya nilimot na ibigin ang Diyos, at patuloy pang hinanap na makamtan ang kaunawaan sa mga layunin ng Diyos. Sa kanyang mga panalangin ay binigkas niya ang sumusunod na mga salita: “Natupad ko ang hindi hihigit sa pagbabalik ng kabayaran ng Iyong pag-ibig. Hindi ako nagpatotoo sa Iyo sa harap ni Satanas, hindi napalaya ang sarili ko mula sa impluwensiya ni Satanas, at nanatiling namumuhay sa gitna ng laman. Nais kong gamitin ang aking pag-ibig para madaig si Satanas, hiyain ito, at nang sa gayon ay matugunan ko ang Iyong mga layunin. Nais kong ibigay sa Iyo ang buong sarili ko, at hindi ibigay ni katiting man ng aking sarili kay Satanas, dahil si Satanas ay Iyong kaaway.” Kapag lalo siyang naghahangad sa daang ito, lalo siyang naaantig, at lalong tumataas ang kanyang kaalaman sa mga bagay na ito. Lingid sa kanyang kamalayan, nabatid niyang kailangan niyang kumawala sa impluwensiya ni Satanas, at dapat na lubusan siyang manumbalik sa Diyos. Iyon nga ang antas na kanyang nakamit. Napapanaigan niya ang impluwensiya ni Satanas, at inaalis sa kanyang sarili ang mga kasiyahan at mga pagtatamasa ng laman, at ginustong maranasan nang mas malalim kapwa ang pagkastigo at paghatol ng Diyos. Sinabi niya, “Kahit na ako ay nabubuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo, at sa gitna ng Iyong paghatol, gaano man ito kasakit, ayaw ko pa ring mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ayaw ko pa ring mamuhay ng isang buhay na naloloko ni Satanas. Itinuturing kong kaligayahan ang pamumuhay sa gitna ng Iyong mga sumpa, at itinuturing kong pasakit ang pamumuhay sa gitna ng mga pagpapala ni Satanas. Minamahal Kita habang namumuhay sa gitna ng Iyong paghatol, at napupuno nito ng labis na kagalakan ang puso ko. Ang Iyong pagkastigo at paghatol ay katuwiran at kabanalan; ito ay upang linisin ako, at higit pa rito, ito ay upang iligtas ako. Mas gugustuhin kong gugulin ang aking buong buhay sa gitna ng Iyong paghatol nang tinatanggap ang Iyong pangangalaga, kaysa mamuhay nang kahit isang saglit sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Nais kong malinis Mo ako; kahit na ako ay magdusa, ayaw kong magamit at maloko ni Satanas. Ako, ang nilikhang ito, ay dapat na magamit Mo, taglayin Mo; dapat din akong mahatulan Mo, at makastigo Mo, at masumpa Mo pa nga. Masaya ang puso ko kapag handa Kang pagpalain ako, sapagkat nakita ko ang Iyong pagmamahal. Ikaw ang Lumikha, at ako ay isang nilikha: Hindi ako dapat magkanulo sa Iyo at mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ni hindi ako dapat magamit ni Satanas. Dapat akong maging kabayo Mo, o baka Mo, sa halip na mamuhay para kay Satanas. Mas gugustuhin kong mamuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo, nang walang kasiyahan ng laman, at ito ay magbibigay-kasiyahan sa akin kahit na mawalan ako ng Iyong biyaya. Bagama’t ang Iyong biyaya ay wala sa akin, masisiyahan pa rin ako sa Iyong pagkastigo at sa Iyong paghatol. Ito ang Iyong pinakamainam na pagpapala, ang Iyong pinakadakilang biyaya. Bagaman Ikaw ay palaging maharlika at puno ng poot sa akin, hindi pa rin Kita maiiwan, at hindi pa rin Kita maiibig nang sapat. Pipiliin kong manirahan sa Iyong tahanan, pipiliin kong maisumpa, makastigo, at mapalo Mo, at hindi nais na mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ni hindi ko rin gusto na magmadali at gawing abala ang aking sarili para lamang sa laman, at lalong hindi ko gustong mamuhay para sa laman.” Ang pag-ibig ni Pedro ay isang dalisay na pag-ibig. Ito ang karanasan ng ginagawang perpekto, at ang pinakamataas na antas ng pagiging ginawang perpekto; wala nang buhay na mas makahulugan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol
Kaugnay na mga Himno
Pineperpekto ng Diyos Yaong Tunay na Nagmamahal sa Kanya
Ang mga Tao ay Magagawang Perpekto ng Diyos sa Pamamagitan Lang ng Paghahangad na Maunawaan ang Katotohanan sa Lahat ng Bagay