35. Ang ugnayan sa pagitan ng pagpapasakop sa Diyos at kaligtasan
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, inilagay Niya sila sa lupa at inakay sila magmula noon, kalaunan, sila ay iniligtas Niya at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan para sa sangkatauhan, sa katapusan, dapat pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, ganap na iligtas ang mga tao, at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawaing isinasagawa Niya mula sa simula hanggang sa huli—ang pagpapanumbalik sa sangkatauhan sa orihinal nitong imahe at wangis. Itatatag ng Diyos ang kaharian Niya at ipapanumbalik ang orihinal na wangis ng mga tao, na nangangahulugang ipapanumbalik ng Diyos ang awtoridad Niya sa lupa at sa gitna ng lahat ng nilikha. Nawala sa sangkatauhan ang may-takot-sa-Diyos nilang puso gayundin ang papel na nararapat na mayroon ang mga nilikha matapos gawing tiwali ni Satanas, kaya’t naging isang kaaway na mapaghimagsik laban sa Diyos. Namuhay pagkaraan ang sangkatauhan sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at sumailalim sa pagmamanipula ni Satanas; sa gayon, walang paraan ang Diyos upang gumawa sa gitna ng mga nilikha Niya, at lalong hindi Niya makamit ang takot ng mga ito. Ang mga tao ay nilikha ng Diyos, at dapat sumamba sa Diyos, ngunit totoong tinalikuran nila Siya at sa halip ay sumamba kay Satanas. Naging diyos-diyosan si Satanas sa kanilang mga puso. Sa gayon, nawalan ang Diyos ng katayuan sa kanilang puso, na ang ibig sabihin ay nawala ang kahulugan sa likod ng paglikha Niya sa sangkatauhan. Samakatwid, upang mapanumbalik ang kahulugan sa likod ng paglikha Niya sa sangkatauhan, dapat Niyang maipanumbalik ang orihinal nilang wangis at tanggalin sa sangkatauhan ang kanilang tiwaling disposisyon. Upang mabawi ang mga tao mula kay Satanas, dapat Niya silang iligtas mula sa kasalanan. Tanging sa ganitong paraan Niya unti-unting maipapanumbalik ang orhinal nilang wangis at tungkulin, at sa wakas, ay mapapanumbalik ang kaharian Niya. Ang ganap na pagkawasak ng yaong mga anak ng paghihimagsik sa huli ay para din sa kapakanan ng pagtutulot sa mga tao na sambahin nang mas mabuti ang Diyos at mamuhay sa lupa nang higit na maayos. Sapagkat nilikha ng Diyos ang mga tao, gagawin Niyang sambahin Siya nila; sapagkat ninanais Niyang maipanumbalik ang unang tungkulin ng sangkatauhan, ganap Niya itong ipapanumbalik, at nang walang anumang halo. Ang pagpapanumbalik ng awtoridad Niya ay nangangahulugan ng pagpapasamba at pagpapasakop sa Kanya ng mga tao; nangangahulugan ito na gagawin ng Diyos na mabuhay ang mga tao nang dahil sa Kanya at magdulot na mapahamak ang mga kaaway Niya bilang bunga ng Kanyang awtoridad. Nangangahulugan ito na sasanhiin ng Diyos na maipamalagi sa mga tao ang lahat-lahat ng tungkol sa Kanya nang walang paglaban mula kahit kanino. Ang kahariang ninanais itatag ng Diyos ay ang sarili Niyang kaharian. Ang sangkatauhang ninanais Niya ay yaong sumasamba sa Kanya, yaong ganap na nagpapasakop sa Kanya na nagtataglay ng kaluwalhatian Niya. Kung hindi ililigtas ng Diyos ang tiwaling sangkatauhan, mawawala ang kahulugan sa likod ng paglikha Niya sa sangkatauhan; mawawalan na Siya ng awtoridad sa mga tao, at hindi na magagawang umiral sa lupa ng kaharian Niya. Kung hindi wawasakin ng Diyos yaong mga kaaway na mapaghimagsik laban sa Kanya, hindi Niya magagawang matamo ang ganap Niyang luwalhati, o hindi rin Niya magagawang itatag ang kaharian Niya sa lupa. Ang mga ito ang magiging mga pananda ng pagtatapos ng gawain Niya at ng mga dakilang katuparan Niya: upang lubos na wasakin yaong mga kabilang sa sangkatauhan na mapaghimagsik laban sa Kanya, at upang dalhin sa pamamahinga yaong mga nagawa nang ganap. Kapag naipanumbalik na ang mga tao sa una nilang wangis, at kapag natutupad na nila ang kani-kanilang mga tungkulin, nananatili sa sarili nilang wastong kinalalagyan at nagpapasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos, nakamit na ng Diyos ang isang grupo ng mga tao na nasa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Ganap na likas at may katwiran para sa mga nilikha na magpasakop sa Lumikha—ito ang mismong nararapat na mangyari. Hindi kailanman magbabago ang katotohanang ito, ano man ang oras, lugar, taon, o buwan, sa anumang espasyo o heograpikal na kapaligiran. Kahit na maglaho ang mundong ito at ang sangkatauhang ito, at lahat ng bagay kasama ng mga ito, hindi kailanman magbabago ang pahayag na “Ang mga nilikha ay dapat magpasakop sa Lumikha.” Dapat nagtataglay ang katwiran mo ng katotohanang ito; ito ang unang katotohanan na dapat mong taglayin bilang isang taong nananampalataya sa Diyos. Kung may mga taong nagsasabi na hindi nila nauunawaan ang mga salitang ito, medyo kahina-hinala iyon—nagpapakita ito na kwestyonable kung mayroon ba silang espiritu ng tao at kung may taglay ba silang konsensiya at katwiran. May ilang tao na talagang nakakaunawa pero sadyang hindi nila mahal ang katotohanan at ayaw nilang tanggapin ang katotohanan. Ang implikasyon ng hindi pagnanais na tanggapin ang katotohanan ay na hindi nila kinikilala na ang Diyos ang Lumikha, ni hindi nila kinikilala na mga nilikha sila. Kung kinikilala nila ang sarili nila bilang mga nilikha, kakailanganin nilang magpasakop sa Lumikha. Pero dahil ayaw nilang magpasakop, tumatanggi silang kilalanin ito. Hindi ba’t labis na mapaghimagsik ang mga ganoong tao? Sa karaniwang termino, basura sila. Ngayon, pumarito ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Ang hinihingi Niya sa mga tao ay dapat silang magpasakop sa Kanya; sa ganitong paraan lamang makakamit ng mga tao ang kaligtasan. Kaya, ano ang unang bagay na dapat gawin ng isang taong nananampalataya sa Diyos? (Magpasakop sa Diyos.) Tama; ganap itong may katuturan at may katwiran. Sabihin mo sa Akin, kung nauunawaan ng mga tao na ang pagpapasakop sa Diyos ang pinakamataas na katotohanan, nakakatulong ba ito sa kanila sa pagsasagawa sa katotohanan, sa paglalakad sa landas ng paghahagad sa katotohanan, at pagkakaroon ng tamang saloobin sa Diyos? (Oo.) Kung nakakapagpasakop sa Diyos ang isang tao, ginagampanan nila ang tamang posisyon, at magkakaroon sila ng katwiran. … Kung hindi ka magpapasakop sa katotohanan o sa Diyos at kung sasalungat ka sa Kanya, kikilalanin ka pa rin ba ng Diyos bilang Kanyang nilikha? Ayaw ng Diyos sa isang nilikha na tulad mo. Kauri ka ni Satanas at ng ahas, at napakamapanganib nito dahil hindi inililigtas ng Diyos si Satanas, ni ang kauri ng ahas.
—Pagbabahagi ng Diyos
Kung ninanais ng mga tao na maligtas kapag naniniwala sila sa Diyos, ang pinakamahalaga ay kung mayroon ba silang may-takot-sa-Diyos na puso o wala, kung may puwang ba ang Diyos sa puso nila o wala, kung nagagawa ba nila o hindi na mamuhay sa harapan ng Diyos at mapanatili ang normal na ugnayan sa Diyos. Ang mahalaga ay kung ang mga tao ba ay nakapagsasagawa ng katotohanan at nagiging mapagpasakop sa Diyos o hindi. Ganyan ang landas at mga kondisyon para maligtas. Kung hindi nagagawa ng puso mong mamuhay sa harapan ng Diyos, kung hindi ka madalas na nananalangin sa Diyos at nakikipagbahaginan sa Diyos, at nawawalan ka ng normal na ugnayan sa Diyos, hindi ka maliligtas kailanman, dahil naharangan mo ang landas tungo sa kaligtasan. Kung wala kang anumang ugnayan sa Diyos, nasa bingit na kayo ng kapahamakan. Kung ang Diyos ay wala sa puso mo, walang saysay na sabihin na nananalig ka, na manampalataya sa Diyos sa ngalan lamang. Hindi mahalaga kung gaano karaming salita at doktrina ang nagagawa mong bigkasin, kung gaano na karami ang naging pagdurusa mo para sa pananampalataya mo sa Diyos, o kung gaano man karami ang mga kaloob mo; kung wala sa puso mo ang Diyos, at wala kang takot sa Diyos, walang halaga kung paano ka nananampalataya sa Diyos. Sasabihin ng Diyos, “Layuan mo Ako, ikaw na masamang tao.” Ikaw ay ituturing na taong gumagawa ng masama. Mawawalan ka ng ugnayan sa Diyos; hindi mo na Siya magiging Panginoon o ang iyong Diyos. Kahit na kinikilala mo na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat, at kinikilala mo na Siya ang Lumikha, hindi mo Siya sinasamba, at hindi ka nagpapasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Sinusunod mo si Satanas at mga diyablo; tanging si Satanas at mga diyablo ang mga panginoon mo. Kung nagtitiwala ka sa iyong sarili sa lahat ng bagay, at sinusunod ang sarili mong kalooban, kung nagtitiwala ka na ang kapalaran mo ay nasa sarili mong mga kamay, ang pinaniniwalaan mo kung gayon ay ang sarili mo. Kahit na sinasabi mong pinaniniwalaan at kinikilala mo ang Diyos, hindi ka kinikilala ng Diyos. Wala kang ugnayan sa Diyos, kaya sa huli ay nakatakda kang itaboy Niya, parusahan Niya, at itiwalag Niya; hindi inililigtas ng Diyos ang mga taong tulad mo. Ang mga taong tunay na nananampalataya sa Diyos ay iyong mga tumatanggap sa Kanya bilang ang Tagapagligtas, na tumatanggap na Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Nagagawa nilang taos-pusong gugulin ang sarili nila para sa Kanya at gampanan ang tungkulin ng isang nilikha; nararanasan nila ang gawain ng Diyos, isinasagawa nila ang Kanyang mga salita at ang katotohanan, at tinatahak nila ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Sila ay mga taong nagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at sumusunod sa Kanyang kalooban. Maliligtas lamang ang mga tao kapag mayroon silang ganoong pananalig sa Diyos; kung wala, sila ay kokondenahin. Katanggap-tanggap ba na umasa sa swerte ang mga tao kapag nananampalataya sila sa Diyos? Sa kanilang pananalig sa Diyos, maaari bang matamo ng mga tao ang katotohanan kapag palagi silang kumakapit sa kanilang sariling mga kuru-kuro at malabo at mahirap maunawaang mga imahinasyon? Hinding-hindi. Kapag ang mga tao ay nananampalataya sa Diyos, dapat nilang tanggapin ang katotohanan, manampalataya sa Kanya gaya ng hinihingi Niya, at magpasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos; noon lamang nila matatamo ang kaligtasan. Wala nang iba pang paraan bukod dito—anuman ang ginagawa mo, hindi ka dapat umasa sa suwerte. Ang pagbabahaginan tungkol sa paksang ito ay napakahalaga para sa mga tao, hindi ba? Isa itong panggising sa inyo.
Ngayong narinig na ninyo ang mga salitang ito, dapat nauunawaan na ninyo ang katotohanan at malinaw na sa inyo kung ano ang napapaloob sa kaligtasan. Anuman ang gusto ng mga tao, anuman ang hinahangad nila, o anuman ang pinakagusto nilang gawin, wala rito ang mahalaga. Ang pinakamahalaga ay ang pagtanggap sa katotohanan. Sa huling pagsusuri, ang matamo ang katotohanan ang pinakamahalaga, at na ang nagpapahintulot sa iyo na magkaroon ng takot sa Diyos at ang pag-iwas sa kasamaan ay ang tamang landas. Kung ilang taon ka nang naniniwala sa Diyos at palagi mong pinagtutuunan ang paghahangad ng mga bagay-bagay na walang kaugnayan sa katotohanan, kung gayon, ang pananalig mo ay walang kinalaman sa katotohanan, at walang kinalaman sa Diyos. Maaaring sinasabi mong sinasampalatayanan at pasalita mong kinikilala ang Diyos, subalit ang Diyos ay hindi ang Panginoon mo, hindi Siya ang Diyos mo; hindi mo tinatanggap ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran mo, hindi ka nagpapasakop sa lahat ng ipinamamatnugot ng Diyos para sa iyo, at hindi mo kinikilala ang katunayan na ang Diyos ang katotohanan. Sa kasong ito, ang pag-asam mo ng kaligtasan ay nawasak na. Kung hindi ka tumatahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan, tinatahak mo ang landas ng pagkawasak. Kung ang lahat ng bagay na iyong hinahangad, pinagtutuunan, ipinagdarasal, at isinasamo ay batay sa mga salita ng Diyos, at sa kung ano ang hinihingi ng Diyos, at kung may lumalago kang pakiramdam na ikaw ay nagpapasakop sa Lumikha at sumasamba sa Lumikha, at nadarama na ang Diyos ang iyong Panginoon, ang iyong Diyos, kung lalo ka pang nagagalak na magpasakop sa lahat ng ipinamamatnugot at isinasaayos ng Diyos para sa iyo, at ang ugnayan mo sa Diyos ay patuloy na nagiging mas malapit, at nagiging mas normal higit kailanman, at kung ang pagmamahal mo sa Diyos ay nagiging mas dalisay at totoo higit kailanman, kung gayon, ang iyong mga reklamo at maling pagkaunawa sa Diyos, at ang iyong magagarbong ninanasa sa Diyos, ay patuloy na magiging mas kaunti, at lubos mo nang matatamo ang takot sa Diyos at ang pag-iwas sa masama, na ang ibig sabihin ay nakapasok ka na sa landas ng kaligtasan. Bagama’t ang pagtahak sa landas ng kaligtasan ay may kasamang disiplina, pagpupungos, paghatol, at pagkastigo ng Diyos, at nagsasanhi ang mga ito na magdusa ka ng labis na pasakit, ito ang pag-ibig ng Diyos na dumarating sa iyo. Kung, sa pananampalataya mo sa Diyos, naghahangad ka lamang ng mga pagpapala, at naghahangad ka lamang ng katayuan, kasikatan at pakinabang, at hindi ka kailanman dinisiplina, o pinungusan, o hinatulan at kinastigo, kung gayon bagama’t mayroon kang madaling buhay, ang puso mo ay patuloy na lalayo sa Diyos, mawawala sa iyo ang normal na ugnayan sa Diyos, at hindi ka na rin magiging handang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos; gugustuhin mo nang maging sarili mong panginoon—lahat ng ito ay patunay na ang landas na tinatahak mo ay hindi ang tamang landas. Kung nararanasan mo na ang gawain ng Diyos nang ilang panahon at may lumalagong pakiramdam ng kung paanong ang sangkatauhan ay napakalalim na nagawang tiwali, at malamang talaga na lumaban sa Diyos, at kung natatakot ka na darating ang araw na gagawa ka ng isang bagay na lumalaban sa Diyos, at sasalungatin mo ang Diyos at aabandonahin ka Niya, kung kaya nadarama mo na wala nang mas nakakatakot pa kaysa ang labanan ang Diyos, kung gayon ay magkakaroon ka ng may-takot-sa-Diyos na puso. Madarama mo na kapag ang mga tao ay nananampalataya sa Diyos, hindi sila dapat malihis palayo sa Diyos; kung malihis sila palayo sa Diyos, kung malihis sila palayo sa pagdisiplina ng Diyos, at sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, ito ay katumbas ng pagkawala ng proteksyon at pangangalaga ng Diyos, ng pagkawala ng mga pagpapala ng Diyos, at katapusan na ito ng mga tao; maaari na lamang silang lalong maging ubod ng sama, sila ay magiging tulad ng mga tao sa mundo ng relihiyon, at malamang pa rin na lumaban sa Diyos habang naniniwala sila sa Diyos—at kung ganito, sila ay magiging mga anticristo. Kung mapagtatanto mo ito, mananalangin ka sa Diyos, “O Diyos! Pakiusap, hatulan at kastiguhin Mo po ako. Sa lahat ng bagay na ginagawa ko, nagsusumamo po ako na siyasatin Mo ako. Kung gumagawa ako ng isang bagay na lumalabag sa katotohanan at kumokontra sa Iyong mga layunin, nawa ay hatulan Mo po ako at kastiguhin nang husto—hindi maaaring wala po sa akin ang Iyong paghatol at pagkastigo.” Ito ang tamang landas na dapat tahakin ng mga tao sa kanilang pananalig sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos Makatatahak ang Isang Tao sa Landas ng Kaligtasan
Ginagawa na ngayon ng Diyos ang gawain ng pagliligtas, na nangangahulugan na kukunin Niya ang mga naglalakad na bangkay na namumuhay sa tiwaling disposisyon ni Satanas at sa tiwaling diwa nito—ang mga patay—at gagawin Niya silang mga taong buhay. Iyan ang kahalagahan ng pagiging naligtas. Naniniwala sa Diyos ang isang tao upang maligtas—ano ang ibig sabihin ng maligtas? Kapag natamo ng isang tao ang pagliligtas ng Diyos, sila ang mga patay na nagiging buhay. Minsan man silang naging kay Satanas, na nakatakdang mamatay, ngayon ay nabuhay na sila bilang mga taong nasa panig ng Diyos. Kung kaya ng mga taong magpasakop sa Diyos, makilala Siya, at yumukod sa Kanya sa pagsamba kapag nanampalataya at sumunod sila sa Diyos, kung wala na silang paglaban at paghihimagsik sa Diyos sa kanilang puso, at Siya ay hindi na nila lalabanan o tutuligsain, at kaya na nilang tunay na magpasakop sa Diyos, kung gayon, sa paningin ng Diyos, sila ay tunay na mga taong buhay. Ang isang tao ba na kumikilala lang sa Diyos sa salita ay isang taong buhay? (Hindi.) Anong uri ng tao ang isang taong buhay, kung gayon? Ano-ano ang realidad ng mga taong buhay? Ano ang dapat na taglay ng mga taong buhay? Sabihin ninyo sa Akin ang inyong mga opinyon. (Ang mga taong kayang tumanggap ng katotohanan ay mga taong buhay. Kapag ang mga ideolohikal na pananaw ng mga tao at mga pananaw ukol sa mga bagay-bagay ay nagbago at umayon sa salita ng Diyos, sila ay mga taong buhay.) (Ang mga taong buhay ay ang mga nakauunawa sa katotohanan at kayang isagawa ang katotohanan.) (Ang isang taong may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan gaya ni Job ay isang taong buhay.) (Ang mga taong nakakikilala sa Diyos, kayang mamuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos, at kayang isabuhay ang katotohanang realidad—sila ang mga taong buhay.) Kayong lahat ay nagsabi ng isang uri ng pagpapamalas. Para sa huli ay maligtas at maging isang taong buhay ang isang tao, dapat na kahit paano ay magagawa niyang pakinggan ang mga salita ng Diyos, at magsabi ng mga salita ng konsensiya at katwiran, at dapat nag-iisip siya at kumikilatis, kayang maunawaan ang katotohanan at isagawa ito, kayang magpasakop sa Diyos at sumamba sa Kanya. Ganyan ang isang tunay na taong buhay. Ano ang madalas na iniisip at ginagawa ng mga taong buhay? Kaya nilang gawin ang ilang bagay na dapat na ginagawa ng mga normal na tao. Pangunahin sa lahat, ginagampanan nila nang maayos ang mga tungkulin nila, at natatakot sila sa Diyos at umiiwas sa kasamaan sa kanilang iniisip at ibinubunyag, sa kanilang sinasabi at ginagawa sa pang-araw-araw. Iyan ang kalikasan ng madalas nilang iniisip at ginagawa. Para mas tiyak, ang sinasabi nila at ginagawa sa kabuuan ay naaayon sa katotohanan, kahit paano. Hindi ito kinondena ng Diyos o itinaboy Niya, bagkus ay kinilala at sinang-ayunan Niya. Ito ang ginagawa ng mga taong buhay, at ito ang dapat nilang gawin.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Totoong Pagpapasakop Lamang Maaaring Magkaroon ng Tunay na Pagtitiwala ang Isang Tao
Bakit ka nga ba nananampalataya sa Diyos? Karamihan ng mga tao ay magulo pa rin ang isip tungkol sa tanong na ito. Palagi silang mayroong dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, na nagpapakitang nananampalataya sila sa Diyos hindi para magpasakop sa Kanya, kundi para makatanggap ng ilang pakinabang, o para makatakas sa pagdurusa na dala ng sakuna; saka lamang sila medyo mapagpasakop. May kondisyon ang pagpapasakop nila—ang kanilang personal na kinabukasan ang paunang kondisyon ng kanilang pagpapasakop; nagpapasakop sila dahil wala silang ibang pagpipilian. Kaya, bakit ka nga ba nananampalataya sa Diyos? Kung para lamang ito sa kinabukasan at kapalaran mo, mas makabubuti pang huwag ka nang manampalataya sa Kanya. Ang ganitong pananampalataya ay panlilinlang sa sarili, pagpapanatag sa sarili, at paghanga sa sarili. Kung hindi itinayo ang pananalig mo sa pundasyon ng pagpapasakop sa Diyos, parurusahan ka sa huli dahil sa paglaban sa Kanya. Lahat ng mga hindi naghahangad ng pagpapasakop sa Diyos sa pananalig nila ay mga taong lumalaban sa Diyos. Hinihingi ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita Niya, na kainin at inumin ang mga salita Niya, at isagawa ang mga ito, lahat ito ay upang makamit nila ang pagpapasakop sa Diyos. Kung iyon ang tunay mong intensiyon, tiyak na itataas ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagbiyaya Siya sa iyo. Ito ay hindi mapagdududahan at hindi mababago. Kung ang intensiyon mo ay hindi magpasakop sa Diyos, at mayroon kang ibang mga pakay, lahat ng sinasabi at ginagawa mo—maging ang mga panalangin mo sa harap ng Diyos, at higit pa nga rito, ang bawat kilos mo—ay magiging paglaban sa Kanya. Kahit na ang mga salita mo ay malumanay at ikaw ay banayad, kahit na ang bawat kilos at ekspresyon mo ay tila wasto para sa iba, na para bang isa kang mapagpasakop na tao, pagdating sa mga intensiyon mo at sa mga pananaw mo tungkol sa pananalig sa Diyos, ang bawat kilos mo ay paglaban sa Diyos, ito ay paggawa ng kasamaan. Ang mga taong lumilitaw bilang masunurin tulad ng mga tupa, ngunit nagkikimkim ang puso ng masasamang intensiyon, ay mga lobong nakadamit-tupa. Tuwiran silang sumasalungat sa Diyos, at hindi palalampasin ng Diyos ang kahit isa sa kanila. Ibubunyag ng Banal na Espiritu ang bawat isa sa kanila at ipapakita sa lahat na ang mga mapagpaimbabaw ay tiyak na itataboy ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Hahatulan at lilipulin ng Diyos ang bawat isa sa kanila nang sunod-sunod.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pananalig Mo sa Diyos, Dapat Kang Magpasakop sa Diyos
Bago pumasok sa pamamahinga ang sangkatauhan, matutukoy kung parurusahan ba o gagantimpalaan ang bawat uri ng tao ayon sa kung hinangad ba nila ang katotohanan, kung kilala ba nila ang Diyos, at kung maaari ba silang magpasakop sa nakikitang Diyos. Hindi nagtataglay ng katotohanan yaong mga nagtatrabaho para sa nakikitang Diyos, subalit hindi Siya nakikilala o nagpapasakop sa Kanya. Mga taong gumagawa ng masama ang gayong mga tao, at walang alinlangang magiging mga pakay ng kaparusahan ang mga taong gumagawa ng masama; higit pa rito, parurusahan sila ayon sa kanilang masasamang gawa. Ang Diyos ay para sa mga tao na paniwalaan, at karapat-dapat din Siya sa kanilang pagpapasakop. Ang mga may pananalig lang sa malabo at di-nakikitang Diyos ay mga taong hindi nananampalataya sa Diyos at hindi magawang magpasakop sa Diyos. Kung hindi pa rin magagawang maniwala ng mga taong ito sa nakikitang Diyos sa oras na natapos ang gawain Niya ng panlulupig, at magpapatuloy sa paghihimagsik at paglaban sa nakikitang Diyos na nasa katawang-tao, walang alinlangan na itong “mga tagasunod ng malabong Diyos” na ito, sa huli, ay magiging mga pakay ng pagwasak. Katulad din ito ng ilan sa inyo—ang lahat ng pasalitang kumikilala sa Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi maisagawa ang katotohanan ng pagpapasakop sa Diyos na nagkatawang-tao, ay ititiwalag at lilipulin sa huli. Bukod dito, lahat ng pasalitang kumikilala sa nakikitang Diyos at kumakain at umiinom ng katotohanang ipinapahayag Niya, pero naghahangad sa malabo at di-nakikitang Diyos, ay lalong magiging mga puntirya ng pagkalipol. Wala sa mga taong ito ang magagawang manatili hanggang sa oras ng pamamahinga na darating makaraang natapos na ang gawain ng Diyos, hindi rin makakaya ng isang tao na katulad ng gayong mga tao na manatili hanggang sa oras na iyon ng pamamahinga. Ang mga tao na sa mga demonyo ay hindi nagsasagawa ng katotohanan; paglaban at paghihimagsik sa Diyos ang diwa nila, at wala silang ni katiting na intensyon na magpasakop sa Kanya. Lilipulin ang lahat ng gayong tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Nakabatay sa kanilang pag-uugali ang pamantayang ginagamit ng mga tao sa paghusga ng ibang mga tao; ang gma may mabuting pag-uugali ay matuwid, samantalang ang mga may kasuklam-suklam na pag-uugali ay masasama. Ang pamantayan ng Diyos sa paghatol sa mga tao ay batay sa kung nagpapasakop ba o sa Kanya o hindi ang kanilang diwa; matuwid na tao ang nagpapasakop sa Diyos, samantalang ang hindi nagpapasakop ay isang kaaway at isang masamang tao, mabuti man o masama ang pag-uugali ng taong ito at kung tama man o mali ang kanyang pananalita. Nais ng ilang tao na gumamit ng mabubuting gawa para magtamo ng magandang hantungan sa hinaharap, at nais ng ilang tao na gumamit ng magagandang salita upang makakuha ng magandang hantungan. Maling naniniwala ang lahat na tinutukoy ng Diyos ang kinalabasan ng mga tao batay sa kanilang pag-uugali o sa kanilang pananalita; kaya maraming tao ang nagnanais na samantalahin ito para makakuha ng panandaliang biyaya para sa kanilang sarili. Ang mga taong mananatiling buhay sa darating na panahon ng kapahingahan ay pawang nakapagtiis na sa araw ng pagdurusa at nakapagpatotoo na sa Diyos; lahat sila ay magiging mga tao na tumupad sa kanilang mga tungkulin at mga kusang nagpasakop sa Diyos. Iyong mga nais lamang gamitin ang pagkakataon ng pagseserbisyo para maiwasan ang pagsasagawa ng katotohanan ay hindi mananatili. May mga naaangkop na pamantayan ang Diyos para sa pagsasaayos ng kinalabasan ng bawat indibidwal; hindi Siya basta lang gumagawa ng mga kapasyahang ito ayon sa mga salita at asal ng isang tao, ni hindi Niya ginagawa ang mga ito batay sa kung paano kumikilos ang isang tao sa isang yugto ng panahon. Tiyak na hindi Siya magiging maluwag pagdating sa lahat ng masamang gawa ng isang tao dahil sa nakaraang paglilingkod nito sa Kanya, ni hindi Niya ililigtas ang isang tao mula sa kamatayan dahil iginugugol nito ang sarili para sa Kanya sa ilang panahon. Walang sinuman ang makaiiwas sa retribusyon para sa kanilang kasamaan, at walang sinuman ang makakapagkubli ng kanilang masasamang gawa at sa gayon ay makaiiwas sa pagdurusa ng pagkalipol. Kung tunay na kayang tuparin ng mga tao ang sarili nilang mga tungkulin, nangangahulugan ito na walang hanggang tapat sila sa Diyos at hindi sila naghahanap ng mga pabuya, tumatanggap man sila ng mga pagpapala o nagdurusa ng kaabahan. Kung tapat sa Diyos ang mga tao kapag nakakakita sila ng mga pagpapala, ngunit nawawala ang kanilang katapatan kapag hindi sila nakakakita ng anumang pagpapala, at kung ang mga taong ito—na minsang nagtrabaho nang tapat para sa Diyos—ay hindi pa rin makapagpatotoo sa Diyos o makapagpatupad sa mga tungkuling nakaatang sa kanila sa huli, kung gayon, magiging mga pakay pa rin ng pagkalipol ang gayong mga tao. Sa madaling salita, hindi mananatiling buhay magpakailanman ang masasamang tao, ni hindi sila makapapasok sa kapahingahan; tanging ang mga matuwid ang mga master ng kapahingahan. Sa sandaling nasa tamang landas na ang sangkatauhan, ang mga tao ay magkakaroon ng normal na buhay ng tao. Makakaya nilang lahat na gawin ang sarili nilang mga tungkulin at magiging ganap na tapat sa Diyos. Lubusan nilang iwawaksi ang kanilang paghihimagsik at ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at mamumuhay sila para sa Diyos at dahil sa Diyos, nang walang paghihimagsik at paglaban. Magagawa nilang lahat na ganap na magpasakop sa Diyos. Ito ang magiging buhay ng Diyos at ng sangkatauhan; ito ang magiging buhay ng kaharian, at ito ang magiging buhay ng kapahingahan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama