14. Ang ugnayan sa pagitan ng paggampan ng tungkulin at pagpapatotoo para sa Diyos

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang naranasan at nakita ninyo ay higit pa sa mga santo at propeta mula sa lahat ng kapanahunan, ngunit kaya ba ninyong magbigay ng patotoo sa Akin na higit pa sa mga salita ng mga dating santo at propetang ito? Ang ipinagkakaloob Ko sa inyo ngayon ay higit pa sa ipinagkaloob Ko kay Moises at kay David, kaya’t gayundin ay hinihingi Ko na ang inyong patotoo ay humigit pa sa kay Moises at ang inyong mga salita ay humigit pa sa kay David. Sandaang beses ang Aking ibinibigay sa inyo—kaya’t gayundin ay hinihingi Ko sa inyo na suklian Ako ng sandaang beses. Dapat ninyong malaman na Ako ang nagkakaloob ng buhay sa sangkatauhan, at kayo ang tumatanggap ng buhay mula sa Akin at dapat magpatotoo sa Akin. Ito ang inyong tungkulin na Aking ipinapadala sa inyo at nararapat ninyong gawin para sa Akin. Ipinagkaloob Ko na sa inyo ang lahat ng Aking kaluwalhatian, ipinagkaloob Ko sa inyo ang buhay na hindi kailanman natanggap ng hinirang na mga tao ng Israel. Dapat kayong magpatotoo para sa Akin at italaga ang inyong kabataan at ialay ang inyong buhay sa Akin. Ang sinumang pagkalooban Ko ng Aking kaluwalhatian ay dapat na magpatotoo at mag-alay ng kanyang buhay para sa Akin—matagal Ko na itong paunang inorden. Mapalad kayo na ipinagkakaloob Ko ang Aking kaluwalhatian sa inyo, at ang inyong tungkulin ay ang magpatotoo sa Aking kaluwalhatian. Kung mananampalataya kayo sa Akin alang-alang lamang sa mga pagpapala, walang gaanong magiging kabuluhan ang Aking gawain, at hindi ninyo magagampanan ang inyong tungkulin. … Ang natanggap ninyo ay hindi lamang ang Aking katotohanan, ang Aking daan, at ang Aking buhay, kundi mga pangitain at paghahayag na higit pa sa natanggap ni Juan. Naunawaan ninyo ang higit na maraming misteryo, at nakita na rin ang Aking tunay na mukha; higit pa ang natanggap ninyo sa Aking paghatol at higit pa ang nalalaman ninyo tungkol sa Aking matuwid na disposisyon. Kung kaya, kahit na ipinanganak kayo sa mga huling araw, nauunawaan ninyo ang mga bagay na nauna at ang mga bagay sa nakalipas, at naranasan na rin ninyo ang mga bagay sa kasalukuyan, na personal Kong ginawa. Hindi labis ang hinihingi Ko sa inyo, sapagkat napakarami Ko nang naibigay sa inyo, at napakarami na ninyong nakita sa Akin. Samakatwid, hinihingi Ko sa inyong magpatotoo para sa Akin sa mga banal ng mga nagdaang kapanahunan, at ito lamang ang nais ng Aking puso.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananalig?

Hinggil sa gawain, naniniwala ang tao na ang gawain ay pumaroo’t parito para sa Diyos, mangaral sa lahat ng dako, at gumugol para sa Kanyang kapakanan. Bagama’t ang paniniwalang ito ay tama, masyado itong nakatuon sa iisang panig; ang hinihingi ng Diyos sa tao ay hindi lamang ang magparoo’t parito para sa Diyos; higit pa rito, ang gawaing ito ay may kinalaman sa ministeryo at pagtustos sa loob ng espiritu. Maraming kapatid, kahit pagkaraan nitong lahat ng taon ng karanasan, ang hindi nakaisip na gumawa para sa Diyos, dahil ang gawaing iniisip ng tao ay hindi tumutugma sa hinihingi ng Diyos. Samakatwid, hindi interesado ang tao sa anupamang patungkol sa gawain, at ito mismo ang dahilan kung bakit may isang panig lang din ang pagpasok ng tao. Ang pagpasok ninyong lahat ay dapat magsimula sa paggawa para sa Diyos, upang mas mainam ninyong maranasan ang lahat ng aspekto ng karanasan. Ito ang dapat ninyong pasukin. Ang gawain ay tumutukoy hindi sa pagparoo’t parito para sa Diyos, kundi sa kung ang buhay ng tao at ang isinasabuhay ng tao ay nagbibigay ng kasiyahan sa Diyos. Ang gawain ay tumutukoy sa paggamit ng mga tao ng kanilang katapatan sa Diyos at ng kanilang pagkakilala sa Diyos upang magpatotoo sa Diyos, at magministeryo din sa tao. Ito ang responsabilidad ng tao at ito ang dapat maunawaan ng lahat ng tao. Maaaring sabihin na ang pagpasok ninyo ang inyong gawain, at na naghahangad kayong pumasok sa panahon ng inyong paggawa para sa Diyos. Ang pagdanas sa gawain ng Diyos ay hindi lamang nangangahulugan na marunong kayong kumain at uminom ng Kanyang salita; ang mas mahalaga, kailangan ninyong malaman kung paano magpatotoo sa Diyos at makapaglingkod sa Diyos at makapagministeryo at makapaglaan sa tao. Ito ang gawain, at ito rin ang inyong pagpasok; ito ang dapat isakatuparan ng bawat tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (2)

Napakarami mo nang naranasan sa gawain ng Diyos, nakita na ito ng sarili mong mga mata at personal mo itong naranasan; huwag mong hayaan na kapag nakaabot ka na sa pinakadulo, hindi mo na magampanan ang tungkuling nakaatas sa iyo. Sayang iyon! Sa hinaharap, kapag pinalalaganap ang ebanghelyo, dapat mong makayang magsalita tungkol sa sarili mong kaalaman, magpatotoo sa lahat ng iyong natamo sa puso mo, at gawin ang lahat. Ito ang dapat maabot ng isang nilikha. Ano ang aktuwal na kabuluhan ng yugtong ito ng gawain ng Diyos? Ano ang epekto nito? At gaano rito ang isinasakatuparan sa tao? Ano ang dapat gawin ng mga tao? Kapag nakakapagsalita kayo nang malinaw tungkol sa lahat ng gawaing nagawa ng Diyos na nagkatawang-tao mula nang pumarito sa lupa, magiging husto ang inyong patotoo. Kapag nakakapagsalita ka nang malinaw tungkol sa limang bagay na ito: ang kabuluhan ng Kanyang gawain; ang mga nilalaman nito; ang diwa nito; ang disposisyon na kinakatawan nito; at ang mga prinsipyo nito, patutunayan nito na kaya mong magpatotoo sa Diyos, na tunay kang nagtataglay ng kaalaman. Ang Aking mga hinihingi sa inyo ay hindi napakataas, at magagawa ng lahat ng naghahangad nang may tunay na puso. Kung mayroon ka ng determinasyon na maging isa sa mga saksi ng Diyos, kailangan mong maunawaan kung ano ang kinapopootan ng Diyos at kung ano ang minamahal ng Diyos. Naranasan mo na ang marami sa Kanyang gawain; sa pamamagitan ng gawaing ito, kailangan mong makilala ang Kanyang disposisyon, maunawaan ang Kanyang mga layunin at Kanyang mga kinakailangan sa sangkatauhan, at gamitin ang pagkakilalang ito upang magpatotoo sa Kanya at tuparin ang iyong tungkulin.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (7)

Ang unang prayoridad ng bawat nilikha ay ang ipangaral ang ebanghelyo, ang magpatotoo sa gawain ng Diyos at ipakalat ito sa buong mundo at hanggang sa kadulu-duluhan ng daigdig. Ito ang responsabilidad at obligasyon ng lahat ng tumatanggap sa ebanghelyo ng Diyos. Isa itong bagay na obligasyon nila. Maaaring sa kasalukuyan ay hindi mo pa ginagampanan ang tungkuling ito, o na ang tungkuling ito ay isang bagay na malayong-malayo sa iyo, o na hindi mo kailanman naisip na isa itong tungkuling dapat mong gampanan. Gayunman, dapat maging malinaw ang puso mo tungkol dito: Konektado ang tungkuling ito sa iyo. Hindi lang ito isang responsabilidad para sa iba, responsabilidad at tungkulin mo rin ito. Hindi ibig sabihin na dahil lang sa hindi ka kasalukuyang nakatalaga para gumanap ng tungkuling ito ay wala nang kinalaman sa iyo ang tungkuling ito, na hindi ikaw ang dapat gumanap ng tungkuling ito, o na hindi ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos na gampanan ang tungkuling ito. Kung makakaabot sa ganitong antas ang pagkaunawa mo, hindi ba’t nangangahulugan ito na ang perspektiba tungkol sa tungkulin ng pangangaral sa ebanghelyo na pinanghahawakan mo sa puso mo ay alinsunod sa katotohanan at sa layunin ng Diyos? Kapag umangat sa ganitong antas ang pagkaunawa mo, isang araw, kapag natapos na ninyong lahat ang lahat ng gawaing kasalukuyang tinatrabaho ninyo, ipag-uutos ng Diyos na ikalat at ipadala kayo sa iba’t ibang lugar, kahit sa ilang lugar na sa tingin ninyo ay lubhang kakaiba, lubhang hindi kaaya-aya, at napakahirap. Ano ang gagawin ninyo kung magkagayon? (Obligasyon namin na tanggapin ito.) Iyan ang sinasabi ninyo ngayon, pero pagdating ng araw, baka mapuno ng luha ang inyong mga mata. Ngayon, dapat maghanda kayo sa ganitong paraan: Dapat magkaroon ka ng ganitong kamalayan, “Ipinanganak ako sa kapanahunang ito. Mapalad ako na tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at mapalad na magkaroon ng bahagi sa gawain ng plano ng pamamahala ng Diyos. Samakatwid, ang halaga at kabuluhan ng buhay ko ay ang ilaan ang buong buhay ko sa pagpapalaganap ng gawain ng ebanghelyo ng Diyos. Wala na akong iisipin pang iba.” May ganito ba kayong determinasyon? (Mayroon.) Dapat kayong magkaroon ng ganitong determinasyon at magkaroon ng ganitong paghahanda at plano. Sa ganitong paraan lamang kayo maaaring maging isang tunay na nilikha, isang nilikha na minamahal ng Diyos at pasok sa pamantayan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pangangaral sa Ebanghelyo ay ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya

Kayong lahat ay abala ngayon sa paggampan ng inyong mga tungkulin, nagsasanay na magpalaganap at magpatotoo sa salita ng Diyos, at sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Maging paggawa man ito ng mga pelikula o pag-awit ng mga himno upang magpatotoo para sa Diyos, ang mga tungkulin bang ginagampanan ninyo ay may halaga sa tiwaling sangkatauhan? (Oo.) Nasaan ang halaga ng mga ito? Ang halaga ng mga ito ay nasa pagtulong sa mga taong makapagsimula sa tamang landas pagkatapos nilang makita ang mga salita at katotohanang ito na ipinahayag ng Diyos, at sa pagtulong sa mga tao na maunawaan na sila ay mga miyembro ng mga nilikha, at na dapat silang lumapit sa harapan ng Lumikha. Maraming tao ang hindi nakaiintindi o nakaaarok sa maraming bagay na kanilang hinaharap. Pakiramdam nila ay wala silang magawa at na ang buhay ay walang kabuluhan at hungkag, at na wala silang suportang espirituwal. Ano ang pinagmumulan ng lahat ng ito? Ang sagot sa lahat ng ito ay nasa salita ng Diyos. Sa paglipas ng mga taon ng pananampalataya ninyo sa Diyos, nabasa na ninyong lahat ang marami sa Kanyang salita at naunawaan na ninyo ang ilang katotohanan, kaya nga ang tungkuling dapat ninyong gampanan ay ang gamitin ang salita ng Diyos upang mabigyan sila ng kaliwanagan at maitama ang mga mali nilang kaisipan at pananaw, na magbibigay-kakayahan sa kanila na maunawaan ang katotohanang nasa salita ng Diyos at makilatis ang kadiliman at kasamaan ng mundo, at tutulong sa kanilang hanapin ang tunay na daan, mahanap ang Lumikha, marinig ang tinig ng Diyos, at mabasa ang Kanyang mga salita. Hahayaan sila nitong maunawaan ang ilang katotohanan at makita ang gawain ng pagliligtas na ginagawa ng Diyos, upang maaari silang bumaling sa Kanya at tanggapin ang Kanyang gawain. Iyon ang mismong tungkulin na dapat ninyong gampanan. Alam ninyong lahat sa inyong puso kung gaano karaming katotohanan ang naunawaan na ninyo at kung gaano karaming problema ang nalutas na ninyo mula nang manampalataya kayo sa Diyos. Sa kasalukuyan, maraming tao, kapwa mga relihiyosong tao at walang pananampalataya, ang naghahanap sa tunay na daan at naghahanap sa Tagapagligtas. Hindi nila alam ang mga sagot sa mga partikular na katanungan katulad ng kung bakit nabubuhay at namamatay ang mga tao, kung ano ang halaga at kabuluhan ng buhay ng isang tao, o kung saan nanggaling ang mga tao at saan sila patungo. Hinihintay nila kayong mangaral ng ebanghelyo at magpatotoo para sa Diyos, at na dalhin sila sa harapan ng Lumikha—kaya nga ang mga tungkuling ginagampanan ninyo ngayon ay napakamakabuluhan! Sa isang banda, nararanasan ninyo mismo ang gawain ng Diyos, at sa kabilang banda naman, nagpapatotoo rin kayo sa iba tungkol sa gawain ng Diyos. Habang mas nararanasan ninyo ito, mas maraming katotohanan ang kailangan ninyong maunawaan at maisangkap, at mas maraming gawain ang kailangan ninyong gawin. Ito ay isang napakagandang pagkakataon para maperpekto ng Diyos ang mga tao. Dapat kayong manalangin sa Diyos at bumaling sa Diyos anumang mga paghihirap ang makatagpo ninyo kapag ginagampanan ninyo ang inyong mga tungkulin; kapag lalo pang magkakasamang binabasa ng lahat ang salita ng Diyos at hinahanap ang katotohanan, walang suliraning hindi kayang malutas. Maraming katotohanan sa salita ng Diyos na kailangan ninyong maunawaan, kaya dapat ninyong mas madalas na pagnilayan at pagbahaginan ang mga ito, sa gayon, magkakaroon kayo ng kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu. Walang suliranin ang hindi kayang lutasin sa pamamagitan ng pagsandig sa Diyos, dapat kayong magkaroon ng pananalig dito.

Pagkatapos likhain ng Diyos itong sangkatauhan, bumuo Siya ng isang plano ng pamamahala. Sa nakalipas na ilang libong taon, ang sangkatauhang ito ay hindi nagpasan ng anumang malaking responsabilidad o atas na magpatotoo para sa Lumikha, at ang gawaing ginawa ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan ay medyo tago at simple. Gayumpaman, sa mga huling araw, ang mga bagay-bagay ay hindi na katulad ng dati. Nagsimula nang bumigkas ng mga salita ang Lumikha. Nagpahayag na Siya ng napakaraming katotohanan, at isiniwalat na Niya ang lahat ng misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos, ngunit ang tiwaling sangkatauhan ay mapurol ang utak at manhid: Nakakakita sila ngunit hindi nakakaalam, at nakakarinig ngunit hindi nakakaunawa, na para bang ang puso nila ay tumigas na. Samakatwid, kayong lahat ay may napakalaking responsabilidad! Ano ang napakalaki tungkol dito? Bukod sa pagpapalaganap sa mga salita at katotohanang ito na ipinahayag ng Diyos, mas mahalaga pa rin na magpatotoo kayo para sa Lumikha sa bawat nilikhang tao, at na dalhin din ninyo ang lahat ng nilikhang taong iyon na nakarinig na sa ebanghelyo ng Diyos sa harapan ng Lumikha, upang maunawaan nila ang kahalagahan ng paglikha ng Diyos sa sangkatauhan, at maintindihan na bilang mga nilikhang tao, dapat silang bumalik sa harapan ng Lumikha, makinig sa Kanyang mga pagbigkas, at tanggapin ang lahat ng katotohanang ipinahayag Niya. Ganito magagawa ang lahat ng tao na magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Lumikha. Posible bang makamit ang mga resultang ito sa pamamagitan lamang ng pagbabasa sa kanila ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos? O sa pamamagitan lang ng pagtuturo sa kanila na umawit ng ilang himno? O sa pamamagitan lang ng pakikipagbahaginan ng isang aspekto ng katotohanan? Hindi. Kaya nga, kung gusto ninyong maayos na magampanan ang mga tungkulin ninyo, kailangan ninyong patotohanan ang mga pagkilos ng Lumikha at ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos gamit ang iba’t ibang pamamaraan at magkakaibang kaanyuan. Sa ganitong paraan, makakapagdala kayo ng mas maraming tao sa harapan ng Lumikha para magawa nilang tumanggap at magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Hindi ba’t isa itong napakalaking responsabilidad? (Oo.) Kung ganoon, ano dapat ang inyong maging saloobin sa inyong mga tungkulin? Ayos lang bang maging magulo ang isip? Ayos lang ba na ipagsawalang-bahala ang mga bagay-bagay? Ayos lang ba na gamitin lang ang 50% ng inyong enerhiya at maging pabasta-basta? Ang magpaliban at gawin nang kaswal lang ang mga bagay-bagay? (Hindi.) Ano ang dapat ninyong gawin kung gayon? (Buong-pusong ilaan ang sarili.) Dapat ninyong buong-pusong ilaan ang inyong sarili gamit ang anumang kaliit-liitang enerhiya, karanasan, at kabatirang mayroon kayo. Hindi nauunawaan ng mga walang pananampalataya kung ano ang pinakamakabuluhang bagay na magagawa ng isang tao sa kanyang buhay, ngunit may naiintindihan kayo tungkol dito, hindi ba? (Oo.) Ang pagtanggap sa atas ng Diyos at ang pagtupad sa inyong sariling misyon—ito ang mga pinakaimportanteng bagay. Ang mga tungkuling ginagampanan ninyo ngayon ay mahalaga! Maaaring hindi mo nakikita ang mga resulta sa ngayon, at maaaring hindi ka nakatatanggap ng magagandang epekto mula sa mga ito sa ngayon, ngunit hindi magtatagal ay magbubunga ang mga ito. Sa katagalan, kapag maayos na ginawa ang gawaing ito, ang kontribusyon na magagawa nito sa sangkatauhan ay imposibleng masukat gamit ang pera. Ang ganoong mga tunay na patotoo ay mas katangi-tangi at mahalaga pa kaysa anumang bagay, at ang mga ito ay mananatili magpasawalang-hanggan. Ito ang mabubuting gawa na dapat taglayin ng mga tagasunod ng Diyos, at ang mga ito ay isang bagay na karapat-dapat tandaan. Bukod sa pananampalataya sa Diyos at paghahangad sa katotohanan, at pagtupad sa tungkulin ng isang tao bilang isang nilikha, lahat ng iba pa na ginagawa ng isang tao sa buhay ay hungkag at hindi karapat-dapat tandaan. Kahit na nakagawa ka ng isang gawaing yayanig sa mundo, na nakapaglakbay sa kalawakan at sa Buwan, walang kabuluhan ito; kahit na nakagawa ka ng mga siyentipikong pagsulong na may kaunting pakinabang o tulong sa sangkatauhan, walang kabuluhan ito. Ang lahat ng ito ay lilipas. Ano ang tanging bagay na hindi lilipas? (Ang salita ng Diyos.) Tanging ang salita ng Diyos, tanging mga patotoo sa Diyos, lahat ng patotoo at gawaing nagpapatotoo sa Lumikha, at ang mabubuting gawa ng mga tao ang hindi lilipas. Ang mga ito ay mananatili magpakailanman, at ang mga ito ay napakahalaga. Kaya, gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya rito, at sulitin ang inyong mga abilidad. Huwag magpalimita sa kung sinumang mga tao, anumang mga pangyayari, o bagay; buong-puso ninyong igugol ang inyong sarili para sa Diyos, at ibuhos ang lahat ng inyong enerhiya at dugo ng puso sa paggampan ng inyong mga tungkulin. Ito ang bagay na pinakapinagpapala ng Diyos sa lahat, at sulit ito gaano man karami ang paghihirap!

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paggampan Lamang Nang Maayos sa Tungkulin ng Isang Nilikha Mayroong Halaga ang Pamumuhay

Kung kinikilala mo na isa kang nilikha, dapat mong ihanda ang iyong sarili na magdusa at magbayad ng halaga alang-alang sa pagtupad ng iyong responsabilidad na ipangaral ang ebanghelyo at alang-alang sa maayos na pagganap sa iyong tungkulin. Maaaring ang kabayaran ay ang pagdanas ng ilang pisikal na karamdaman o paghihirap, o pagdusahan ang mga pang-uusig ng malaking pulang dragon o ang mga maling pagkaunawa ng mga taong makamundo, gayundin ang mga kapighatian na pinagdaraanan ng isang tao kapag nangangaral ng ebanghelyo: ang maipagkanulo, mabugbog at mabulyawan, makondena—ang dumugin pa nga at malagay sa panganib ang buhay. Posible, habang nangangaral sa ebanghelyo, na mamamatay ka bago matapos ang gawain ng Diyos, at na hindi ka na mabubuhay upang masilayan ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos. Dapat kayong maging handa rito. Hindi ito para takutin kayo; ito ay katotohanan. Ngayong nailinaw Ko na ito, at naunawaan na ninyo ito, kung taglay pa rin ninyo ang determinasyong ito, at nakasisiguro kayong hindi ito magbabago, at mananatili kayong tapat hanggang sa kamatayan, nagpapatunay ito na taglay ninyo ang isang tiyak na tayog. Huwag ipagpalagay na magiging ligtas sa panganib ang pangangaral ng ebanghelyo sa ibayong mga bansang ito na may mga kalayaan sa relihiyon at mga karapatang pantao at magiging maayos ang lahat ng gagawin mo, na lahat ito ay magkakaroon ng mga pagpapala ng Diyos at kalakip ang Kanyang dakilang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay mga kuru-kuro at imahinasyon lamang ng tao. Naniwala rin sa Diyos ang mga Pariseo, ngunit dinakip nila ang Diyos na nagkatawang-tao at ipinako Siya sa krus. Kaya anong masasamang bagay laban sa Diyos na nagkatawang-tao ang kayang gawin ng kasalukuyang mundo ng relihiyon? Napakarami na nilang ginawang masamang bagay—hinuhusgahan ang Diyos, kinokondena ang Diyos, nilalapastangan ang Diyos—walang masamang bagay ang hindi nila kayang gawin. Huwag kalimutan na mga mananampalataya ang dumakip sa Panginoong Jesus at nagpako sa Kanya sa krus. Sila lang ang may pagkakataong gawin ang ganitong uri ng bagay. Walang pakialam sa gayong mga bagay ang mga walang pananampalataya. Ang mga mananampalatayang ito ang nakipagsabwatan sa pamahalaan upang dakpin ang Panginoong Jesus at ipako Siya sa krus. Bukod pa rito, paano namatay ang mga disipulo ng Panginoong Jesus? Sa mga disipulo, may mga pinukol ng bato, ipinakaladkad sa kabayo, ipinakong patiwarik, pinaghiwa-hiwalay ng limang kabayo ang katawan—iba’t ibang uri ng kamatayan ang sumapit sa kanila. Ano ang dahilan ng kanilang kamatayan? Ito ba ay dahil may ginawa silang masamang gawa at pagkatapos ay pinatay ng batas? Hindi. Ipinalaganap nila ang ebanghelyo ng Panginoon, pero hindi ito tinanggap ng mga tao ng mundo, at sa halip ay kinondena, binugbog, at binatikos sila, at pinatay pa nga sila—ganyan kung paano sila minartir. Huwag nating pag-usapan ang pangwakas na kalalabasan ng mga martir na iyon, o ang pagtatakda ng Diyos sa kanilang mga gawa, bagkus ay itanong ito: Nang sumapit ang mga martir na iyon sa kawakasan, umayon ba sa mga kuru-kuro ng tao ang mga paraan ng pagtatapos ng kanilang mga buhay? (Hindi, hindi umayon ang mga ito.) Mula sa perspektiba ng mga kuru-kuro ng tao, nagbayad ang mga martir na iyon ng gayon kalaking halaga upang ipakalat ang gawain ng Diyos, pero sa huli ay labis silang pininsala ni Satanas hanggang sa mamatay sila. Hindi ito umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Gayumpaman, ang mga bagay na iyon ang mismong sumapit sa kanila—ito ang tinulutan ng Diyos. Anong katotohanan ang mahahanap dito? Ang pagpapahintulot ba ng Diyos na mamatay sila sa ganitong paraan ay sumpa at pagkondena Niya, o ito ba ay Kanyang pagsasaayos at pagpapala? Kapwa hindi. Ano ito? Nagdudulot ng pighati sa mga tao ang pag-iisip sa mga pagkamatay ng mga martir na iyon, ngunit ang mga ito ay talagang mga katunayan. Anong paliwanag ang dapat ibigay tungkol sa mga mananampalataya sa Diyos na namamatay sa ganitong paraan? Kapag binabanggit natin ang paksang ito, inilalagay ninyo ang inyong sarili sa kanilang kalagayan, kaya sa inyong puso, nakakaramdam ba kayo ng bigat ng kalooban at ng kaunting nakatagong kirot? Iniisip ninyo, “Ginawa ng mga taong ito ang kanilang tungkulin na maipakalat ang ebanghelyo ng Diyos at dapat ituring na mabubuting tao, kaya’t paano sila umabot sa gayong wakas at sa gayong kinalabasan?” Ang totoo, ganito namatay ang kanilang mga katawan at sumakabilang-buhay; ito ang paraan nila ng paglisan sa mundo ng tao, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ganoon din ang kanilang kinalabasan. Anuman ang paraan ng kanilang pagkamatay at paglisan o kung paano man ito nangyari, hindi ito ang paraan ng Diyos sa pagtakda sa pangwakas na mga kinalabasan ng mga buhay na iyon, ng mga nilikhang iyon. Ito ay isang bagay na dapat mong malinaw na makita. Sa kabaligtaran, ito mismo ang paraan ng pagkondena nila sa mundong ito at sa pagpatotoo sa mga gawa ng Diyos. Ginamit ng mga nilikhang ito ang kanilang napakahalagang buhay—ginamit nila ang huling sandali ng kanilang buhay upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos, upang magpatotoo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at upang ipahayag kay Satanas at sa mundo na tama ang mga gawa ng Diyos, na ang Panginoong Jesus ay Diyos, na Siya ang Panginoon, at ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Kahit hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay, hindi nila kailanman itinatwa ang pangalan ng Panginoong Jesus. Hindi ba ito isang anyo ng paghatol sa mundong ito? Ginamit nila ang kanilang mga buhay upang ipahayag sa mundo, upang patunayan sa mga tao na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon, na ang Panginoong Jesus ay Cristo, na Siya ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, na ang gawain ng pagtutubos sa buong sangkatauhan na ginawa Niya ay nagpapahintulot sa sangkatauhang ito na patuloy na mabuhay—hindi nagbabago ang katunayang ito magpakailanman. Hanggang sa anong antas ginagampanan ng mga naging martir sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus ang kanilang tungkulin? Hanggang sa pinakahuling punto ba? Paano naipakita ang pinakahuling punto? (Inialay nila ang kanilang buhay.) Tama iyan, buhay nila ang kanilang naging kabayaran. Pawang panlabas na mga bagay ang pamilya, kayamanan, at ang materyal na mga bagay sa buhay na ito; ang tanging bagay na may kaugnayan sa sarili ay ang buhay. Sa bawat nabubuhay na tao, ang buhay ang bagay na pinakakarapat-dapat na pakaingatan, ang pinakamahalagang bagay at, sa katunayan, nagawa ng mga taong ito na ialay ang pinakamahalagang pagmamay-ari nila bilang patunay at patotoo sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Hanggang sa kanilang kamatayan, hindi nila itinatwa ang pangalan ng Diyos, at hindi rin nila itinatwa ang gawain ng Diyos, at ginamit nila ang kanilang mga huling sandali ng buhay upang magpatotoo sa pag-iral ng katunayang ito—hindi ba ito ang pinakamataas na anyo ng patotoo? Ito ang pinakamahusay na paraan ng paggampan ng isang tao sa kanyang tungkulin; ito ang pagtupad sa kanyang responsabilidad. Nang pagbantaan at takutin sila ni Satanas, at, sa huli, kahit pa nang ipabayad sa kanila ang kanilang mga buhay, hindi nila tinalikdan ang kanilang responsabilidad. Ito ang kahulugan ng pagtupad ng isang tao sa tungkulin hanggang sa pinakasukdulang punto. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Ibig Ko bang sabihin na gamitin ninyo ang ganoon ding paraan upang magpatotoo sa Diyos at upang maipakalat ang Kanyang ebanghelyo? Sadyang hindi kinakailangang gawin mo ang ganoon, ngunit dapat mong maunawaan na ito ay iyong pananagutan, na kung kinakailangan ng Diyos na gawin mo ito, dapat mo itong tanggapin bilang iyong obligasyon. May takot at pag-aalala sa kalooban ang mga tao ngayon, ngunit anong silbi ng mga damdaming iyon? Kung hindi kailangan ng Diyos na gawin mo ito, para saan ang pag-aalala tungkol dito? Kung kailangan ng Diyos na gawin mo ito, hindi ka dapat umiwas o tumanggi sa pananagutang ito. Dapat kang maagap na makipagtulungan at tanggapin ito nang walang pag-aalala. Paano man mamatay ang isang tao, hindi siya dapat mamatay sa harap ni Satanas, at hindi mamatay sa mga kamay ni Satanas. Kung mamamatay ang isang tao, dapat siyang mamatay sa mga kamay ng Diyos. Nagmula sa Diyos ang mga tao, at sa Diyos sila magbabalik—gayon ang katwiran at saloobing dapat taglayin ng isang nilikha. Ito ang panghuling katotohanan na dapat maunawaan ng isang tao sa pangangaral sa ebanghelyo at paggampan sa kanyang tungkulin—dapat ibayad ng isang tao ang halaga ng kanyang buhay upang maipakalat at mapatotohanan ang ebanghelyo ng paggawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kanyang gawain at pagliligtas Niya sa sangkatauhan. Kung mayroon ka ng ganitong determinasyon, kung makakapagpatotoo ka sa ganitong paraan, kahanga-hanga iyon. Kung hindi ka pa rin nagtataglay ng ganitong uri ng determinasyon, kahit paano ay dapat mong maayos na tuparin ang pananagutan at tungkuling nasa harapan mo, ipinagkakatiwala na sa Diyos ang iba. Sa gayon marahil, habang lumilipas ang mga buwan at mga taon at dumarami ang iyong karanasan at ikaw ay tumatanda, at lumalalim ang iyong pagkaunawa sa katotohanan, matatanto mo na mayroon kang obligasyon at responsabilidad na ialay ang iyong buhay sa gawain ng ebanghelyo ng Diyos, maging hanggang sa huling sandali ng iyong buhay.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pangangaral sa Ebanghelyo ay ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya

Ang isang taong nananampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon nang walang anumang buhay pagpasok, hindi nakapagsasalita tungkol sa kanyang patotoong batay sa karanasan, lalong hindi nakapagpapatotoo sa Diyos, na hindi matagumpay na nakapagpapangaral ng ebanghelyo sa sinuman—hindi siya karapat-dapat na tawaging saksi ng Diyos. Kaya, ang isang taong wala pang sapat na gulang ang tayog at walang buhay pagpasok ay hinding-hindi makapagpapatotoo sa Diyos. Ang hindi binabanggit na ipinapahiwatig dito ay na ang ganitong uri ng tao ay hindi namumuhay sa presensiya ng Diyos. Kung hindi ka namumuhay sa presensiya ng Diyos, wala kang buhay pagpasok, at hindi ka isang saksi ng Diyos, kung gayon, kikilalanin ka ba Niya bilang isa sa Kanyang mga tagasunod? Hindi ka Niya kikilalanin. Binigyan ka ng Diyos ng pagkakataong gawin ang iyong tungkulin, at handa kang gawin ito, pero sa pag-uugali mo ay nakita Niyang hindi mo kayang magpatotoo sa Kanya, kahit pagkatapos manampalataya sa Kanya nang napakahabang panahon. Bukod sa wala kang tunay na kaalamang batay sa karanasan, namumuhay ka rin ayon sa iyong mga kuru-kuro at imahinasyon, wala kang katotohanang realidad, at hindi ka namumuhay sa presensiya ng Diyos. … Kung nais mong kilalanin ka ng Diyos bilang isa sa Kanyang mga tagasunod, kailangan mo munang tumuon sa buhay pagpasok. Dapat kang magsimula sa pagkilala sa sarili mo, dapat magawa mong iwaksi ang iyong tiwaling disposisyon, magkamit ng abilidad na itaguyod ang iyong tungkulin, at tuparin ang iyong tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos—ito ang una. Ang layon ng pagtuon sa buhay pagpasok ay para gampanan nang maayos ang tungkulin mo; sa pundamental, lahat ng ito ay tungkol sa paggawa ng tungkulin mo. Dapat simulan mong hangarin ang buhay pagpasok sa pamamagitan ng paggawa ng iyong tungkulin, at sa pamamagitan ng buhay pagpasok, dapat mong maunawaan at makamit ang katotohanan nang paisa-isa, hanggang sa maabot mo ang puntong mayroon ka nang tayog, kung saan unti-unting lumalago ang buhay mo at mayroon kang mga praktikal na karanasan sa katotohanan. Pagkatapos ay kailangan mong maging dalubhasa sa lahat ng uri ng prinsipyo ng pagsasagawa, upang magawa mo ang tungkulin mo nang hindi nalilimitahan o nagugulo ng sinumang tao, pangyayari, o bagay. Sa ganitong paraan, unti-unti kang mamumuhay sa presensya ng Diyos. Hindi ka magugulo ng anumang uri ng tao, pangyayari, o bagay, at magkakaroon ka ng karanasan sa katotohanan. Habang mas dumarami ang karanasan mo, mas magagawa mong magpatotoo sa Diyos, at habang mas nakapagpapatotoo ka sa Diyos, unti-unti kang magiging isang kapaki-pakinabang na tao. Kapag naging isa kang kapaki-pakinabang na tao, magagawa mo ang iyong tungkulin sa isang paraan na pasok sa pamantayan sa sambahayan ng Diyos, makatatayo ka sa lugar ng isang nilikha at makakapagpasakop sa mga pagsasaayos at pamamatnugot ng Diyos, at magagawa mong manindigan. Tanging ang ganitong uri ng tao ang pasok sa pamantayan na nilikha na taglay ang pagsang-ayon ng Diyos. Pagkatapos ay magiging karapat-dapat ka sa lahat ng ibinigay sa iyo ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Buhay Pagpasok ay Nagsisimula sa Paggampan ng Tungkulin

Bagama’t ang inyong pananampalataya ay lubhang taos-puso, walang sinuman sa inyo ang lubusang makakapagbigay ng paliwanag sa Akin, walang sinumang makakapagbigay ng buong patotoo sa lahat ng katunayang nakikita ninyo. Pag-isipan ninyo ito: Ngayon, karamihan sa inyo ay pabaya sa inyong mga tungkulin, sa halip ay hinahangad ninyo ang laman, binibigyang-kasiyahan ang laman, at nagpapakasasa sa laman. Kakaunti ang taglay ninyong katotohanan. Kung gayon, paano kayo magpapatotoo sa lahat ng nakita ninyo? Talaga bang may kumpiyansa kayo na maaari kayong maging saksi Ko? Kung dumating ang isang araw na hindi mo mapatotohanan ang lahat ng nakita mo ngayon, kung gayon mawawalan ka na ng silbi bilang nilikha, at mawawalan na ng anumang kahulugan ang iyong buhay. Hindi ka magiging karapat-dapat na maging tao. Masasabi pa na hindi ka tao! Napakarami na ng nagawa Kong gawain sa inyo, ngunit dahil wala kang natututunan sa kasalukuyan, wala kang kamalayan sa anuman, at hindi ka epektibo sa iyong mga pagsusumikap, kapag panahon na para ipalaganap ang Aking gawain, tititig ka lamang sa kawalan, walang imik at lubos na walang-silbi. Kung gayon, hindi ba’t maaalala ka sa kasaysayan bilang isang makasalanan? Pagdating ng panahong iyon, hindi mo ba madarama ang pinakamatinding pagsisisi? Hindi ka ba manlulumo? Hindi Ko ginagawa ang lahat ng Aking gawain ngayon nang dahil sa kawalang-gawain at pagkainip, kundi upang maglatag ng isang pundasyon para sa Aking gawain sa hinaharap. Hindi naman sa wala na Akong patutunguhan at kailangan Kong makabuo ng isang bagay na bago. Dapat mong maunawaan ang gawaing ginagawa Ko; hindi ito isang bagay na ginagawa ng isang batang naglalaro sa kalye, kundi isang gawaing ginagawa bilang kinatawan ng Aking Ama. Dapat ninyong malaman na hindi Ako Mismo ang gumagawa ng lahat ng ito; sa halip, kinakatawan Ko ang Aking Ama. Samantala, ang inyong papel ay ang sumunod nang mahigpit, magpasakop, magbago, at magpatotoo. Ang dapat ninyong maunawaan ay kung bakit kayo dapat maniwala sa Akin; ito ang pinakamahalagang tanong na dapat maunawaan ng bawat isa sa inyo. Ang Aking Ama, alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian, ay paunang itinadhana kayong lahat para sa Akin mula sa sandaling nilikha Niya ang mundo. Para iyon sa kapakanan ng Aking gawain, at para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian, kaya Niya kayo itinadhana. Dahil sa Aking Ama kaya kayo naniniwala sa Akin; dahil sa pagtatadhana ng Aking Ama kaya ninyo Ako sinusunod. Wala sa mga ito ang nagmula sa sarili ninyong pagpapasya. Ang mas mahalaga pa ay nauunawaan ninyo na kayo ang siyang ipinagkaloob sa Akin ng Aking Ama para sa layon ng pagpapatotoo sa Akin. Dahil ipinagkaloob Niya kayo sa Akin, dapat kayong sumunod sa mga daan na ipinagkakaloob Ko sa inyo, gayundin sa mga daan at sa mga salitang itinuturo Ko sa inyo, sapagkat tungkulin ninyong sumunod sa Aking daan. Ito ang orihinal na layunin ng inyong pananampalataya sa Akin. Samakatwid, sinasabi Ko sa inyo ito: Kayo ay mga tao lamang na ipinagkaloob ng Aking Ama sa Akin upang sumunod sa Aking mga daan. Gayunman, naniniwala lamang kayo sa Akin; hindi kayo sa Akin sapagkat hindi kayo nanggaling sa pamilyang Israelita, at sa halip ay kauri kayo ng sinaunang ahas. Ang hinihiling Ko lamang na gawin ninyo ay magpatotoo para sa Akin, ngunit ngayon ay kailangan ninyong sumunod sa Aking daan. Lahat ng ito ay para sa kapakanan ng patotoo sa hinaharap. Kung magiging mga tao lamang kayo na nakikinig sa Aking mga daan, hindi kayo magkakaroon ng halaga, at ang kabuluhan ng pagkakaloob sa inyo ng Aking Ama sa Akin ay mawawala. Ang pilit Kong sinasabi sa inyo ay ito: Dapat ninyong sumunod sa Aking daan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkakilala Mo sa Diyos?

Batid mo na ba talaga ngayon kung bakit ka nananampalataya sa Akin? Alam mo na ba talaga ang layunin at kabuluhan ng Aking gawain? Batid mo na ba talaga ang iyong tungkulin? Batid mo na ba talaga kung ano ang Aking patotoo? Kung basta ka lang nananampalataya sa Akin, ngunit walang tanda ng Aking kaluwalhatian o patotoo sa iyo, matagal na kitang itiniwalag kung gayon. Para sa mga nakakaunawa sa lahat ng bagay, sila ay lalo pang mga tinik sa Aking mata, at sa Aking sambahayan, mga hadlang lamang sila sa Aking daan, sila ay mga panirang damo na dapat ay ganap na matahip palayo sa Aking gawain, wala silang anumang silbi, walang anumang halaga, at matagal Ko na silang kinasusuklaman. Madalas bumabagsak ang Aking poot sa lahat ng walang patotoo, at hindi kailanman lumilihis sa kanila ang Aking pamalo. Matagal Ko na silang ibinigay sa mga kamay ng masama; ganap silang nawalan ng Aking mga pagpapala. Kapag dumating ang araw, ang kanilang pagkastigo ay magiging mas mabigat pa kaysa sa pagkastigo sa mga hangal, matitigas ang ulo na babae. Ngayon, ginagawa Ko lang ang gawaing tungkulin Kong gawin, pinagbubungkos-bungkos ang lahat ng trigo, kasama ng mga panirang damo. Ito ang Aking gawain ngayon. Itatahip ang lahat ng panirang damong iyon sa panahon ng Aking pagtatahip, pagkatapos, ang mga butil ng trigo ay iipunin sa kamalig, at ang mga panirang damo na natahip na ay itatapon sa apoy upang sunugin hanggang maging alabok. Ang Aking gawain ngayon ay igapos lang ang lahat ng tao sa mga bigkis, ibig sabihin, ganap na lupigin sila. Saka Ko sisimulan ang magtahip upang ibunyag ang mga kinalabasan ng lahat ng tao. Kung kaya’t dapat mong malaman kung paano mo Ako dapat palugurin ngayon, at kung paano mo dapat tahakin ang tamang landas sa iyong pananalig sa Akin. Ang nais Ko ay ang iyong katapatan at pagpapasakop ngayon, ang iyong pagmamahal at patotoo ngayon. Kahit na hindi mo pa alam sa sandaling ito kung ano ang patotoo o kung ano ang pagmamahal, dapat mong ibigay sa Akin ang iyong lahat-lahat, at ibigay sa Akin ang tanging mga kayamanan na mayroon ka: ang iyong katapatan at pagpapasakop. Dapat mong malaman na ang patotoo ng Aking paggapi kay Satanas ay nasa katapatan at pagpapasakop ng tao, gayundin ang patotoo sa Aking ganap na paglupig sa tao. Ang tungkulin ng iyong pananalig sa Akin ay ang magpatotoo sa Akin, maging tapat sa Akin lamang, at maging mapagpasakop hanggang sa huli.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananalig?

Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan

Ang Pagpapatotoo sa Diyos ay Tunay na Paggawa ng Tungkulin

Kaugnay na mga Himno

Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos

Ang Iyong Tungkulin Bilang Mananampalataya ay Magpatotoo para sa Diyos

Sinundan: 13. Ang ugnayan sa pagitan ng paggampan ng tungkulin at buhay pagpasok

Sumunod: 15. Ang paggampan nang maayos sa tungkulin ay tunay na patotoo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito