c. Bakit ang mga nagnanais lamang na makita ang mga palatandaan at kababalaghan ang mapapalayas
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Ngayon, dapat ay malinawan ninyong lahat na, sa mga huling araw, ang katotohanan una sa lahat na “ang Salita ay nagkatawang-tao” ang isinasakatuparan ng Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain sa lupa, ginagawa Niyang makilala Siya ng tao at makipag-ugnayan sa Kanya, at makita ang Kanyang aktwal na mga gawa. Ginagawa Niya na malinaw na makita ng tao na kaya Niyang magpakita ng mga tanda at kababalaghan at na mayroon ding mga pagkakataon na hindi Niya nagagawa iyon; nakadepende ito sa kapanahunan. Mula rito, makikita mo na may kakayahan ang Diyos na magpakita ng mga tanda at kababalaghan, ngunit sa halip ay binabago Niya ang Kanyang paraan ng paggawa ayon sa gawaing gagawin at ayon sa kapanahunan. Sa kasalukuyang yugto ng gawain, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan; nagpakita Siya ng ilang tanda at kababalaghan sa kapanahunan ni Jesus dahil iba ang Kanyang gawain sa kapanahunang iyon. Hindi ginagawa ng Diyos ang gawaing iyon ngayon, at naniniwala ang ilang tao na hindi Niya kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, o kaya ay iniisip nila na kung hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, hindi Siya Diyos. Hindi ba isang kamalian iyan? Kaya ng Diyos na magpakita ng mga tanda at kababalaghan, ngunit gumagawa Siya sa ibang kapanahunan, kaya nga hindi Siya gumagawa ng gayong gawain. Dahil ito ay ibang kapanahunan, at dahil ito ay ibang yugto ng gawain ng Diyos, ang mga gawang ginawang payak ng Diyos ay iba rin. Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi paniniwala sa mga tanda at kababalaghan, ni hindi paniniwala sa mga himala, kundi paniniwala sa Kanyang tunay na gawain sa bagong kapanahunan. Nakikilala ng tao ang Diyos sa pamamaraan ng paggawa ng Diyos, at ang kaalamang ito ay nagbubunga sa tao ng paniniwala sa Diyos, na ibig sabihin, paniniwala sa gawain at mga gawa ng Diyos. Sa yugtong ito ng gawain, nagsasalita lamang ang Diyos. Huwag hintaying makakita ng mga tanda at kababalaghan; wala kang makikitang anuman! Ito ay dahil hindi ka isinilang sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung isinilang ka noon, maaaring nakakita ka ng mga tanda at kababalaghan, ngunit isinilang ka sa mga huling araw, kaya nga ang nakikita mo lamang ay ang realidad at normalidad ng Diyos. Huwag mong asahang makita ang kahima-himalang Jesus sa mga huling araw. Nagagawa mo lamang makita ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao, na hindi naiiba sa sinumang normal na tao. Sa bawat kapanahunan, ginagawang payak ng Diyos ang iba’t ibang mga gawa. Sa bawat kapanahunan, ginagawa Niyang payak ang bahagi ng mga gawa ng Diyos, at ang gawain ng bawat kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos, at isang bahagi ng mga gawa ng Diyos. Ang mga gawang ginagawa Niyang payak ay iba-iba ayon sa kapanahunan kung saan Siya gumagawa, ngunit lahat ay nagbibigay sa tao ng mas malalim na kaalaman tungkol sa Diyos, isang paniniwala sa Diyos na mas totoo at praktikal. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa lahat ng gawa ng Diyos, dahil ang Diyos ay lubhang kamangha-mangha, napakadakila, dahil Siya ay makapangyarihan at hindi maarok. Kung naniniwala ka sa Diyos dahil kaya Niyang magsagawa ng mga tanda at kababalaghan at magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo, mali ang pananaw mo, at sasabihin sa iyo ng ilang tao, “Hindi ba nagagawa rin ng masasamang espiritu ang gayong mga bagay?” Hindi ba ito nililito ang larawan ng Diyos sa larawan ni Satanas? Ngayon, ang paniniwala ng tao sa Diyos ay dahil sa Kanyang maraming gawa at sa napakaraming gawaing Kanyang ginagawa at sa maraming paraan ng Kanyang pagpapahayag. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga pahayag para lupigin ang tao at gawin siyang perpekto. Naniniwala ang tao sa Diyos dahil sa Kanyang maraming gawa, hindi dahil sa nakakaya Niyang magpakita ng mga tanda at kababalaghan; nakikilala lamang ng mga tao ang Diyos sa pagsaksi sa Kanyang mga gawa. Sa pag-alam lamang sa aktwal na mga gawa ng Diyos, kung paano Siya gumagawa, anong matatalinong pamamaraan ang ginagamit Niya, paano Siya magsalita, at paano Niya ginagawang perpekto ang tao—sa pag-alam lamang sa mga aspetong ito—maaari mong maintihan ang realidad ng Diyos at maunawaan ang Kanyang disposisyon, na nababatid kung ano ang Kanyang gusto, ano ang Kanyang kinasusuklaman, at paano Siya gumagawa sa tao. Sa pag-unawa sa mga gusto at ayaw ng Diyos, maaari mong malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng positibo at negatibo, at sa pamamagitan ng iyong kaalaman tungkol sa Diyos ay may pag-unlad sa buhay mo. Sa madaling salita, kailangang magtamo ka ng isang kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos, at kailangang ituwid mo ang iyong mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon
Sa gawain sa mga huling araw, ang salita ay mas makapangyarihan kaysa pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, at nahihigitan ng awtoridad ng salita ang mga tanda at mga himala. Inilalantad ng salita ang lahat ng tiwaling disposisyon na malalim na nakabaon sa puso ng tao. Hindi mo makikilala ang mga ito sa sarili mo. Kapag ang mga ito ay naibunyag sa iyo sa pamamagitan ng salita, natural na matutuklasan mo ang mga ito; hindi mo maitatanggi ang mga ito, at lubos kang makukumbinsi. Hindi ba ito ang awtoridad ng salita? Ito ang resultang nakamit ng kasalukuyang gawain ng salita. Samakatuwid, ang tao ay hindi ganap na maililigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo, at hindi rin siya magagawang ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling ng mga sakit at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, ngunit ang laman ng tao ay pag-aari pa rin ni Satanas at ang tiwaling satanikong disposisyon ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, ang hindi pa nalilinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Makakamit ng Diyos at magiging banal ang tao pagkatapos lamang na malinis ang tao sa pamamagitan ng salita. Noong ang mga demonyo ay napalayas sa tao at siya ay natubos, ito ay nangangahulugan lamang na siya ay naagaw mula sa mga kamay ni Satanas at naibalik sa Diyos. Subalit kung hindi siya nalinis o nabago ng Diyos, siya ay nananatiling tiwaling tao. Sa loob ng tao ay umiiral pa rin ang karumihan, pagsalungat at pagiging suwail; ang tao ay nakabalik lamang sa Diyos sa pamamagitan ng pagtubos, ngunit wala siya ni katiting na pagkakakilala sa Diyos at may kakayahan pa rin siyang lumaban at magtaksil sa Kanya. Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon ng pagtiwali ni Satanas sa kanya, nasa kanyang kalooban ang matatag na kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi isang kaso ng pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang may lason na kalikasan sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4
Ang pinag-uusapan ngayon ay ang pagpasok sa realidad—hindi ang pag-akyat sa langit, o pamumuno bilang mga hari; ang lahat ng sinasabi ay ang pagtataguyod sa pagpasok sa realidad. Wala nang higit pang praktikal na pagtataguyod kaysa rito, at ang pag-usapan ang pamumuno bilang mga hari ay hindi praktikal. Taglay ng tao ang matinding pagkamausisa, at sinusukat pa rin niya ang gawain ng Diyos ngayon sa pamamagitan ng kanyang mga relihiyosong kuru-kuro. Matapos maranasan ang napakaraming paraan ng Diyos sa paggawa, hindi pa rin alam ng tao ang gawain ng Diyos, naghahanap pa rin siya ng mga tanda at mga kababalaghan, at tinitingnan pa rin kung ang mga salita ng Diyos ay natupad na. Hindi ba ito kagila-gilalas na kamangmangan? Kung hindi natupad ang mga salita ng Diyos, maniniwala ka pa rin ba na Siya ay Diyos? Sa ngayon, maraming ganoong mga tao sa iglesia ang naghihintay na makakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Sinasabi nila na kung natutupad ang mga salita ng Diyos, Siya, kung gayon, ay Diyos; kung hindi natutupad ang mga salita ng Diyos, Siya, kung gayon, ay hindi Diyos. Naniniwala ka ba, kung gayon, sa Diyos dahil sa katuparan ng mga salita Niya, o dahil Siya ang Diyos Mismo? Ang pagtingin ng tao sa paniniwala sa Diyos ay dapat maiwasto! Kapag nakikita mo na hindi natutupad ang mga salita ng Diyos, kumakaripas ka ng takbo—ito ba ay paniniwala sa Diyos? Kapag naniniwala ka sa Diyos, dapat kang magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng bagay at sundin ang lahat ng gawain ng Diyos. Ang Diyos ay nangusap ng napakaraming salita sa Lumang Tipan—alin sa mga iyon ang nakita ng sarili mong mga mata na natupad? Masasabi mo ba na si Jehova ay hindi ang tunay na Diyos dahil hindi mo iyon nakita? Bagama’t maaaring marami nang salita ang natupad, walang kakayahan ang tao na makita iyon nang malinaw dahil wala sa tao ang katotohanan at wala siyang nauunawaan. … Ngayon, ang Diyos ay naparito sa lupa upang pagkalooban ang tao ng buhay. Hindi ka Niya sinusuyo, tulad ng inilalarawan sa isip ng tao, sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at kababalaghan upang tiyakin ang isang mapayapang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Ang lahat niyaong hindi nagtutuon ng pansin sa buhay, at sa halip ay nakatuon na gawin ang Diyos na magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ay mga Pariseo! At ang mga Pariseo ang nagpapako kay Jesus sa krus. Kung sinusukat mo ang Diyos ayon sa iyong sariling pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos, naniniwala sa Diyos kung ang Kanyang mga salita ay natutupad, at kung hindi ay nag-aalinlangan at lumalapastangan pa nga sa Diyos, kung gayon, hindi mo ba Siya ipinapako sa krus? Ang mga taong tulad nito ay pabaya sa kanilang mga tungkulin, at buong kasakimang nagpapakasaya sa kaginhawahan!
Sa isang dako, ang pinakamalaking suliranin sa tao ay yaong hindi niya alam ang gawain ng Diyos. Bagama’t ang saloobin ng tao ay hindi isang pagtatatwa, ito ay isang pag-aalinlangan. Hindi nagtatatwa ang tao, subalit hindi rin siya ganap na kumikilala. Kung ang mga tao ay may masinsing kaalaman sa gawain ng Diyos, hindi sila tatakbong palayo. Ang isa pang suliranin ay na hindi alam ng tao ang realidad. Ngayon, sa salita ng Diyos nakipag-ugnayan ang bawat tao; tunay nga, sa hinaharap, hindi mo dapat isipin na makamalas ng mga tanda at mga kababalaghan. Sinasabi Ko sa iyo nang malinaw: Sa panahon ng kasalukuyang yugto, ang lahat lamang ng kaya mong makita ay ang mga salita ng Diyos, at bagama’t walang mga katunayan, ang buhay ng Diyos ay maihuhubog pa rin sa tao. Ito ang gawain na siyang pangunahing gawain ng Milenyong Kaharian, at kung hindi mo mahihiwatigan ang gawaing ito, ikaw ay magiging mahina at babagsak ka; bababa ka sa gitna ng mga pagsubok at, higit pang malungkot, mabibihag ni Satanas. Naparito ang Diyos sa lupa pangunahin upang bigkasin ang Kanyang mga salita; ang nakakaugnayan mo ay ang salita ng Diyos, ang nakikita mo ay ang salita ng Diyos, ang naririnig mo ay ang salita ng Diyos, ang sinusunod mo ay ang salita ng Diyos, ang nararanasan mo ay ang salita ng Diyos, at itong pagkakatawang-tao ng Diyos ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, at lalo nang hindi ginagawa ang gawaing ginawa ni Jesus noong nakaraan. Bagama’t Sila ay Diyos, at kapwa katawang-tao, hindi magkatulad ang Kanilang mga ministeryo. Nang dumating si Jesus, ginawa rin Niya ang bahagi ng gawain ng Diyos, at nangusap ng ilang salita—subalit ano ang pangunahing gawain na tinupad Niya? Ang pangunahing tinupad Niya ay ang gawain ng pagpapapako sa krus. Naging kawangis Siya ng makasalanang laman upang kumpletuhin ang gawain ng pagpapapako sa krus at tubusin ang buong sangkatauhan, at alang-alang sa kasalanan ng buong sangkatauhan na Siya ay nagsilbi bilang alay para sa kasalanan. Ito ang pangunahing gawain na tinupad Niya. Sa huli, inilatag Niya ang landas ng krus upang gabayan yaong mga sumunod. Nang dumating si Jesus, ito ay pangunahin para kumpletuhin ang gawain ng pagtubos. Tinubos Niya ang buong sangkatauhan, at dinala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit sa tao, at, dagdag pa, dinala Niya ang landas tungo sa kaharian ng langit. Bilang bunga, lahat yaong mga sumunod ay nagsabing, “Dapat tayong lumakad sa landas ng krus, at ialay ang ating mga sarili para sa krus.” Mangyari pa, sa pasimula, gumawa rin si Jesus ng ilang iba pang gawain at nangusap ng ilang salita upang papagsisihin ang tao at papagkumpisalin ng kanyang mga kasalanan. Subalit ang Kanyang ministeryo ay ang pagpapapako pa rin sa krus, at ang tatlo’t kalahating taon na ginugol Niya sa pangangaral ng daan ay bilang paghahanda para sa pagpapapako sa krus na sumunod. Ang maraming ulit na nanalangin si Jesus ay alang-alang din sa pagpapapako. Ang buhay ng isang normal na tao na ipinamuhay Niya at ang tatlumpu’t tatlong taon na nabuhay Siya sa lupa ay pangunahing alang-alang sa pagkukumpleto ng gawain ng pagpapapako sa krus; ang mga iyon ay upang magbigay sa Kanya ng lakas na maisagawa ang gawaing ito, kung saan ang bunga ay ang pagkakatiwala ng Diyos sa Kanya ng gawaing pagpapapako sa krus. Anong gawain ang tutuparin ngayon ng Diyos na nagkatawang-tao? Ngayon, ang Diyos ay pangunahing nagkatawang-tao upang kumpletuhin ang gawain ng “ang Salita na nagpapakita sa katawang-tao,” upang gamitin ang salita para gawing perpekto ang tao, at ipatanggap sa tao ang pakikitungo sa salita at ang pagpipino ng salita. Sa Kanyang mga salita, Siya ay nagsasanhi sa iyo na matamo ang panustos at matamo ang buhay; sa Kanyang mga salita, nakikita mo ang Kanyang gawain at mga gawa. Ginagamit ng Diyos ang salita upang kastiguhin at pinuhin ka, at sa gayon, kung daranas ka ng hirap, ito ay dahil din sa salita ng Diyos. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa na gamit ang mga katunayan, kundi mga salita. Pagkatapos na ang salita Niya ay makarating sa iyo, saka lamang makagagawa ang Banal na Espiritu sa kalooban mo at makapagsasanhi sa iyo na magdusa ng sakit o makaramdam ng katamisan. Tanging ang salita ng Diyos ang makapagdadala sa iyo tungo sa realidad, at tanging ang salita ng Diyos ang may kakayahang gawin kang perpekto. At sa gayon, dapat mo man lamang maunawaan ito: Ang gawaing ginagawa ng Diyos sa mga huling araw ay pangunahing ang paggamit ng Kanyang salita upang gawing perpekto ang bawat tao at gabayan ang tao. Ang lahat ng gawain na ginagawa Niya ay sa pamamagitan ng salita; hindi Siya gumagamit ng mga katunayan upang kastiguhin ka. May mga panahon na ang ilang tao ay lumalaban sa Diyos. Hindi nagsasanhi ang Diyos ng matinding kawalang-ginhawa para sa iyo, ang iyong laman ay hindi kinakastigo, o nagdaranas ka ng hirap—subali’t sa sandaling dumarating sa iyo ang Kanyang salita, at pinipino ka, hindi mo ito mababata. Hindi ba’t gayon nga? Sa panahon ng mga taga-serbisyo, sinabi ng Diyos na itapon ang tao sa walang-hanggang kalaliman. Tunay nga bang umabot ang tao sa walang-hanggang kalaliman? Sa pamamagitan lamang ng paggamit ng mga salita upang pinuhin ang tao, pumasok ang tao sa walang-hanggang kalaliman. At sa gayon, sa mga huling araw, sa pagkakatawang-tao ng Diyos, pangunahin Niyang ginagamit ang salita upang tuparin ang lahat at gawing malinaw ang lahat. Sa Kanyang mga salita mo lamang makikita kung ano Siya; sa Kanyang mga salita mo lamang makikita na Siya ang Diyos Mismo. Kapag ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa, wala Siyang ibang ginagawa kundi ang mangusap ng mga salita—kaya hindi na kailangan ang mga katunayan; sapat na ang mga salita. Yaon ay sapagkat pangunahing naparito Siya upang gawin ang gawaing ito, upang pahintulutan ang tao na mamasdan ang Kanyang lakas at kataas-taasang kapangyarihan sa Kanyang mga salita, upang pahintulutan ang tao na makita sa Kanyang mga salita kung paano Niya mapagkumbabang ikinukubli ang Kanyang Sarili, at upang pahintulutan ang tao na malaman ang Kanyang kabuuan sa Kanyang mga salita. Ang lahat ng mayroon Siya at ang lahat ng kung ano Siya ay nasa Kanyang mga salita. Ang Kanyang karunungan at pagiging kamangha-mangha ay nasa Kanyang mga salita. Sa ganito ipinakikita sa iyo ang maraming paraan kung paano winiwika ng Diyos ang Kanyang mga salita. Karamihan sa gawain ng Diyos sa buong panahong ito ay pagtutustos, paghahayag at pakikitungo sa tao. Hindi Niya sinusumpa ang isang tao nang babahagya, at kahit na ginagawa pa Niya, ito ay sa pamamagitan ng salita. At sa gayon, sa kapanahunang ito ng Diyos na naging tao, huwag mong subukang makita ang Diyos na muling nagpapagaling ng maysakit at nagpapalayas ng mga demonyo, at itigil mo ang palagiang paghahanap ng mga tanda—wala itong saysay! Hindi magagawang perpekto ang tao ng mga tandang iyon! Sa malinaw na pananalita: Ngayon, ang praktikal na Diyos Mismo na nagkatawang-tao ay hindi kumikilos; nangungusap lamang Siya. Ito ang katotohanan! Gumagamit Siya ng mga salita upang gawin kang perpekto, at gumagamit ng mga salita upang pakainin at diligan ka. Gumagamit din Siya ng mga salita upang gumawa, at gumagamit Siya ng mga salita sa halip na mga katunayan upang ipaalam sa iyo ang Kanyang realidad. Kung may kakayahan kang mahiwatigan ang paraang ito ng gawain ng Diyos, mahirap na sa gayong maging negatibo. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na negatibo, dapat ninyong pagtuunan ng pansin yaong mga positibo lamang—na ibig sabihin, natutupad man o hindi ang mga salita ng Diyos, o mayroon man o walang pagdating ng mga katunayan, nagsasanhi ang Diyos na matamo ng tao ang buhay mula sa Kanyang mga salita, at ito ang pinakadakila sa lahat ng tanda; at lalong higit pa, ito ay isang di-mapapasubaliang katunayan. Ito ang pinakamainam na katibayan na magagamit sa pagkilala sa Diyos, at mas dakila pang tanda kaysa mga tanda. Tanging ang mga salitang ito ang makakagawang perpekto sa tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos
Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa buong sansinukob. Dapat tanggapin ng lahat ng naniniwala sa Kanya ang Kanyang salita, at kainin at inumin ang Kanyang salita; walang sinuman ang makakamit ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakita sa mga tanda at mga kababalaghan na ipinamalas ng Diyos. Sa buong mga kapanahunan, laging ginagamit ng Diyos ang salita upang gawing perpekto ang tao. Kaya’t hindi ninyo dapat iniuukol ang lahat ng inyong pansin sa mga tanda at mga kababalaghan, bagkus ay dapat magsikap na magawang perpekto ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, nagwika ang Diyos ng ilang salita, at sa Kapanahunan ng Biyaya, nagwika din si Jesus ng maraming salita. Pagkaraang sumambit ni Jesus ng maraming salita, pinamunuan ng mga sumunod na apostol at disipulo ang mga tao sa pagsasagawa ayon sa mga kautusang ipinalabas ni Jesus at nakaranas sila ayon sa mga salita at prinsipyong winika ni Jesus. Sa mga huling araw, pangunahing gumagamit ang Diyos ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o hikayatin ang tao; hindi nito makakayang gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, kung gayon ay magiging imposible na gawing malinaw ang realidad ng Diyos, at sa gayon ay imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, bagkus ay gumagamit ng salita upang diligan at patnubayan ang tao, pagkatapos nito ay ang pagtatamo ng ganap na pagkamasunurin ng tao at pagkakilala ng tao sa Diyos. Ito ang layunin ng gawaing ginagawa Niya at ng mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit ng maraming iba’t ibang pamamaraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang pagpipino, pakikitungo, pagtatabas, o pagtutustos ng mga salita, nagsasalita ang Diyos mula sa maraming iba’t ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagiging kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay nagagawang ganap sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at himala. Kapag nakilala mo ang Diyos at nagawa mong sundin ang Diyos anuman ang gawin Niya, hindi ka na magkakaroon ng anumang mga kuru-kuro tungkol sa Kanya kapag nakakita ka ng mga tanda at kababalaghan. Sa sandaling ito, ikaw ay tiwali at walang kakayahang ganap na sumunod sa Diyos—iniisip mo ba na kwalipikado kang makakita ng mga tanda at mga kababalaghan sa ganitong kalagayan? Kapag nagpapamalas ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, iyan na ang pagpaparusa ng Diyos sa tao, at gayundin, kapag nagbabago ang kapanahunan, at, dagdag pa, kapag nagwawakas ang kapanahunan. Kapag normal na isinasakatuparan ang gawain ng Diyos, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Napakadali para sa Kanya na magpakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ngunit hindi iyan ang prinsipyo ng gawain ng Diyos, o ang layunin ng pamamahala ng Diyos sa tao. Kapag nakakita ang tao ng mga tanda at mga kababalaghan, at kung magpapakita sa tao ang espirituwal na katawan ng Diyos, hindi kaya maniniwala sa Diyos ang lahat ng tao? Dati Ko nang nasabi na natatamo mula sa Silangan ang isang pangkat ng mga mananagumpay, mga mananagumpay na nagmumula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito? Ang ibig sabihin ng mga ito ay ang mga taong ito na natamo na ay tunay lamang na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagtatabas, at lahat ng uri ng pagpipino. Hindi malabo at mahirap unawain, bagkus ay tunay ang paniniwala ng mga ganoong tao. Hindi pa sila nakakakita ng anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi sila nagsasalita ng malalabong salita at doktrina, o malalalim na kabatiran; sa halip, mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang higit na kakayahang gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos? Tunay na gawain ang gawain ng Diyos sa panahon ng mga huling araw. Noong kapanahunan ni Jesus, hindi Siya naparito upang gawing perpekto ang tao, kundi upang tubusin ang tao, at sa gayon ay nagpakita Siya ng ilang himala upang mapasunod Niya ang mga tao sa Kanya. Sapagkat pangunahing naparito Siya upang kumpletuhin ang gawain ng pagpapapako sa krus, at hindi bahagi ng gawain ng Kanyang ministeryo ang pagpapakita ng mga tanda. Ang ganoong mga tanda at mga kababalaghan ay mga gawain na ginawa upang gawing mabisa ang Kanyang gawain; ang mga iyon ay dagdag na gawain, at hindi kumakatawan sa gawain ng buong kapanahunan. Noong Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, nagpakita rin ang Diyos ng ilang tanda at mga kababalaghan—subalit tunay na gawain ang gawain ng Diyos ngayon, at tiyakang hindi Siya magpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan ngayon. Kung nagpakita Siya ng mga tanda at mga kababalaghan, mapapatapon sa kaguluhan ang tunay Niyang gawain, at hindi na Siya makakagawa pa ng anumang karagdagang gawain. Kung sinabi ng Diyos na gamitin ang salita upang gawing perpekto ang tao, ngunit nagpakita rin ng mga tanda at mga kababalaghan, magagawa bang malinaw, kung gayon, kung tunay na naniniwala o hindi ang tao sa Kanya? Kaya, hindi gumagawa ang Diyos ng ganoong mga bagay. Sadyang napakarami ng relihiyon sa loob ng tao; naparito ang Diyos sa mga huling araw upang alisin ang lahat ng relihiyosong mga kuru-kuro at mga bagay na higit-sa-karaniwan sa loob ng tao, at ipaalam sa tao ang realidad ng Diyos. Naparito Siya upang alisin ang isang larawan ng Diyos na mahirap unawain at hindi makatotohanan—sa ibang salita, isang larawan ng Diyos na hinding-hindi umiiral. At sa gayon, ang tanging bagay na mahalaga ngayon ay ang magkaroon ka ng kaalaman sa realidad! Nananaig sa lahat-lahat ang katotohanan. Gaanong katotohanan ang taglay mo ngayon? Nagpapakita ba ang lahat ng iyon ng mga tanda at mga kababalaghan ng Diyos? Makapagpapakita rin ng mga tanda at mga kababalaghan ang masasamang espiritu, ang lahat ba ng mga iyon ay Diyos? Sa kanyang paniniwala sa Diyos, ang hinahanap ng tao ay ang katotohanan, ang itinataguyod niya ay buhay, sa halip na mga tanda at mga kababalaghan. Ito ang dapat maging mithiin ng lahat niyaong naniniwala sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos
Dati Ko nang nasabi na “Tatalikdan ang lahat na nakatuon sa pagmamasid ng mga tanda at mga kababalaghan; hindi sila yaong mga magagawang perpekto.” Nakapagwika Ako ng napakaraming salita, ngunit ang tao ay wala ni bahagyang kaalaman sa gawaing ito, at, pagkaraang makarating sa puntong ito, humihingi pa rin ang tao ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang paniniwala mo ba sa Diyos ay paghahabol lamang sa mga tanda at mga kababalaghan, o ito ba ay upang makapagtamo ng buhay? Nagwika rin si Jesus ng maraming salita, at hindi pa natutupad ngayon ang ilan sa mga ito. Masasabi mo bang si Jesus ay hindi Diyos? Nagpatotoo ang Diyos na Siya ay si Cristo at ang minamahal na Anak ng Diyos. Maitatatwa mo ba ito? Ngayon, bumibigkas lamang ang Diyos ng mga salita, at kung hindi mo ito lubos na nalalaman, kung gayon ay hindi ka makapaninindigan. Naniniwala ka ba sa Kanya dahil Siya ay Diyos, o naniniwala ka ba sa Kanya batay sa kung natutupad o hindi ang Kanyang mga salita? Naniniwala ka ba sa mga tanda at mga kababalaghan, o naniniwala ka ba sa Diyos? Ngayon, hindi Siya nagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan—tunay ba Siyang Diyos? Kung hindi natutupad ang mga salita na Kanyang winiwika, Siya ba ay tunay na Diyos? Natutukoy ba ang diwa ng Diyos sa kung natutupad o hindi ang winiwika Niyang mga salita? Bakit ba may ilang tao na laging naghihintay sa katuparan ng mga Salita ng Diyos bago sila maniwala sa Kanya? Nangangahulugan ba ito na hindi nila Siya kilala? Mga taong nagtatatwa sa Diyos ang lahat ng nag-aangkin ng ganoong mga kuru-kuro. Ginagamit nila ang mga kuru-kuro upang sukatin ang Diyos; kung natutupad ang mga salita ng Diyos, naniniwala sila sa Diyos, at kung hindi, hindi sila naniniwala sa Kanya; at lagi nilang tinutugis ang mga tanda at mga kababalaghan. Hindi ba’t ang mga taong ito ang mga Pariseo ng mga makabagong panahon? Nakatitindig ka man nang matatag o hindi ay batay sa kung nakikilala mo o hindi ang praktikal na Diyos—napakahalaga nito! Mas malaki ang realidad ng salita ng Diyos sa iyo, mas malaki ang iyong kaalaman sa realidad ng Diyos, at mas nakakaya mong magpakatibay sa panahon ng mga pagsubok. Mas nakatuon kang makakita ng mga tanda at mga kababalaghan, mas hindi mo nakakayang tumindig nang matatag, at babagsak ka sa gitna ng mga pagsubok. Hindi ang mga tanda at mga kababalaghan ang pundasyon; tanging ang realidad ng Diyos ang buhay. May ilang tao na hindi alam ang mga epekto na makakamit ng gawain ng Diyos. Ginugugol nila ang kanilang mga araw sa kalituhan, hindi itinataguyod ang kaalaman sa gawain ng Diyos. Ang layunin ng kanilang pagtataguyod ay lagi lamang ipatupad sa Diyos ang kanilang mga ninanasa, at saka lamang sila magiging dibdiban sa kanilang paniniwala. Sinasabi nila na kanilang itataguyod ang buhay kung natutupad ang mga salita ng Diyos, ngunit kung hindi natutupad ang mga salita Niya, kung gayon ay walang posibilidad na kanilang itaguyod ang buhay. Iniisip ng tao na ang paniniwala sa Diyos ay ang pagtataguyod sa pagkakita ng mga tanda at mga kababalaghan at ang pagtataguyod sa pag-akyat sa langit at sa ikatlong langit. Walang sinuman sa kanila ang nagsasabi na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay ang pagtataguyod sa pagpasok sa realidad, ang pagtataguyod sa buhay, at ang pagtataguyod na makamit ng Diyos. Anong kahalagahan mayroon ang pagtataguyod na tulad nito? Yaong mga hindi nagtataguyod ng pagkakilala sa Diyos at sa kaluguran ng Diyos ay yaong mga hindi naniniwala sa Diyos; sila ang mga lumalapastangan sa Diyos!
Ngayon nauunawaan ba ninyo kung ano ang paniniwala sa Diyos? Nangangahulugan ba ang paniniwala sa Diyos ng pagkakita ng mga tanda at mga kababalaghan? Nangangahulugan ba ito ng pag-akyat sa langit? Hindi madali kahit bahagya ang paniniwala sa Diyos. Dapat maalis ang gayong mga relihiyosong pagsasagawa ng pagtataguyod sa paglunas sa mga maysakit at pagpapatalsik sa mga demonyo, ang pagtutuon sa mga tanda at kababalaghan, pagnanasa sa higit pang biyaya, kapayapaan at kagalakan ng Diyos, paghahabol ng mga pagkakataon at mga kaginhawahan ng laman—pawang relihiyosong gawi ang mga ito, at malabong uri ng paniniwala ang mga ganoong relihiyosong gawi. Ano ang tunay na paniniwala sa Diyos ngayon? Ito ay ang pagtanggap sa salita ng Diyos bilang buhay realidad mo at ang pagkilala sa Diyos mula sa Kanyang salita upang makamit ang tunay na pagmamahal sa Kanya. Upang maging malinaw: Ang paniniwala sa Diyos ay upang sumunod ka sa Diyos, mahalin ang Diyos, at gampanan ang tungkulin na dapat gampanan ng isang nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong kamtin ang isang pagkakilala sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos, sa kung gaano karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, sa kung paano, sa Kanyang mga nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang perpekto—ito ang mga pinakamahalagang dapat taglayin ng iyong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos sa pangunahin ay ang paglipat mula sa isang pamumuhay ng laman tungo sa isang buhay ng pagmamahal sa Diyos; mula sa pamumuhay na nakapaloob sa katiwalian tungo sa pamumuhay na nakapaloob sa buhay ng mga salita ng Diyos; ito ay paglabas mula sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, ito ay ang nakakayanang makamit ang pagkamasunurin sa Diyos at hindi ang pagkamasunurin sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamit ang iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto, at pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling mala-satanas na disposisyon. Pangunahin ang paniniwala sa Diyos upang ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Diyos ay mangyaring mahayag sa iyo, nang sa gayon maaari mong gawin ang kalooban ng Diyos, at tuparin ang plano ng Diyos, at magawang patotohanan ang Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala sa Diyos ay hindi dapat umikot sa pagnanais na makita ang mga tanda at mga kababalaghan, o hindi ito dapat alang-alang sa iyong personal na laman. Tungkol ito dapat sa pagtataguyod sa pagkilala sa Diyos, at kakayahang sumunod sa Diyos, at, tulad ni Pedro, sumunod sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ang mga pangunahing layunin ng paniniwala sa Diyos. Ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay upang makilala ang Diyos at upang ikalugod Niya. Ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay nagbibigay sa iyo ng higit na pagkakilala sa Diyos, at pagkaraan lamang nito makasusunod ka sa Diyos. Tanging kung may pagkakilala ka sa Diyos na magagawa mong ibigin Siya, at ito ang layuning dapat taglayin ng tao sa kanyang paniniwala sa Diyos. Kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, palagi mong sinusubukang makita ang mga tanda at mga kababalaghan, mali kung gayon ang pananaw ng ganitong paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahing pagtanggap sa mga salita ng Diyos bilang buhay realidad. Makakamit lamang ang layunin ng Diyos sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos mula sa Kanyang bibig at pagsasakatuparan ng mga iyon sa iyong sariling kalooban. Sa paniniwala sa Diyos, dapat magpunyagi ang tao na magawang perpekto ng Diyos, ang makayanang magpasakop sa Diyos, at para sa ganap na pagkamasunurin sa Diyos. Kung masusunod mo ang Diyos nang hindi dumaraing, isaisip ang mga ninanais ng Diyos, kamtin ang tayog ni Pedro, at taglayin ang pamamaraan ni Pedro na sinabi ng Diyos, diyan mo matatamo ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, at ito ang magpapahiwatig na nakamtan ka na ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos
Ang inyong katapatan ay sa salita lamang, ang inyong kaalaman ay intelektuwal at haka-haka lamang, ang inyong mga pagpapagal ay alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala ng langit, kaya nga paano kayo kailangang manampalataya? Kahit ngayon, nagbibingi-bingihan pa rin kayo sa bawat isang salita ng katotohanan. Hindi ninyo alam kung ano ang Diyos, hindi ninyo alam kung ano si Cristo, hindi ninyo alam kung paano matakot kay Jehova, hindi ninyo alam kung paano pumasok sa gawain ng Banal na Espiritu, at hindi ninyo alam kung paano makatukoy sa pagitan ng gawain ng Diyos Mismo at ng mga panlilinlang ng tao. Ang alam mo lamang ay husgahan ang anumang salita ng katotohanang ipinahayag ng Diyos na hindi naaayon sa iyong sariling mga kaisipan. Nasaan ang iyong kapakumbabaan? Nasaan ang iyong pagsunod? Nasaan ang iyong katapatan? Nasaan ang iyong hangaring hanapin ang katotohanan? Nasaan ang iyong may takot sa Diyos na puso? Sinasabi Ko sa inyo, yaong mga naniniwala sa Diyos dahil sa mga tanda ay tiyak na nasa kategorya ng mga pupuksain. Yaong mga walang kakayahang tanggapin ang mga salita ni Jesus na nagbalik sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategoryang isasailalim sa walang-hanggang pagkalipol. Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan, ito ay isang tanda ng pagsumpa. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang patapos; bukod pa riyan, huwag kayong maging kaswal at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat ninyong malaman na, kahit paano, yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat magtaglay ng mapagpakumbaba at may takot sa Diyos na puso. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minamaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang patapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang iba. Lahat kayo ay dapat maging makatwiran at maging mga taong tumatanggap sa katotohanan. Marahil, matapos marinig ang daan ng katotohanan at marinig ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lamang sa 10,000 ng mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Bibliya, sa gayon ay dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag kang masyadong tiwala sa sarili, at huwag mong masyadong itaas ang sarili. Sa munting may takot sa Diyos na pusong taglay mo, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung sinusuri mong mabuti at paulit-ulit na pinagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung katotohanan ang mga ito o hindi, at kung ang mga ito ay buhay o hindi. Marahil, dahil iilang pangungusap lamang ang nabasa, pikit-matang huhusgahan ng ilang tao ang mga salitang ito, na sinasabing, “Kaunting kaliwanagan lamang ito mula sa Banal na Espiritu,” o, “Huwad na Cristo ito na naparito upang linlangin ang mga tao.” Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Kakaunti ang nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimulang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang husgahan ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na Cristo sa mga huling araw, at huwag kayong maging isang taong lumalapastangan sa Banal na Espiritu dahil natatakot kayong malinlang. Hindi ba kaawa-awa naman iyon? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi ang katotohanan, hindi ang daan, at hindi pagpapahayag ng Diyos, sa huli ay parurusahan ka, at mawawalan ka ng mga pagpapala. Kung hindi mo matatanggap ang katotohanang iyon na sinambit nang napakaliwanag at napakalinaw, hindi ba hindi ka akma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba isa kang taong hindi sapat na pinagpalang makabalik sa harap ng luklukan ng Diyos? Pag-isipan mo ito! Huwag kang padalus-dalos at mapusok, at huwag mong ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip ka alang-alang sa iyong patutunguhan, alang-alang sa iyong mga inaasam, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang sarili mo. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa
Kaugnay na mga Himno
Ang Inyong Saloobin sa Katotohanan ay Mahalaga