b. Ang pinsala at mga kahihinatnang idinudulot ng paghawak ng kapangyarihan ng tiwaling sangkatauhan sa mga tao

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Mula nang unang magtatag ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay sinakop ng agham at kaalaman. Ang agham at kaalaman ay naging mga kagamitan para sa pangingibabaw sa sangkatauhan, iniiwan ang tao nang walang sapat na puwang para sambahin ang Diyos, at walang mas kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Kung walang puwang para sa Diyos sa kanyang puso, ang panloob na mundo ng tao ay madilim, walang pag-asa, at hungkag. Dahil dito, lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga politiko upang magpahayag ng mga teorya ng agham panlipunan, teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sumasalungat sa katotohanan na nilikha ng Diyos ang tao upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, ang mga naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay lalo pang nangaunti, at ang mga naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga mito at alamat. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, at naging walang pakialam sila sa pag-iral ng Diyos at sa doktrina na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang walang kabuluhang mundo na ang iniintindi lamang ay pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. … Iilang tao lang ang umaako sa paghahanap kung saan kumikilos ngayon ang Diyos, o naghahanap kung paanong Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat at kung paano Niya inaayos ang hantungan ng tao. At sa ganitong paraan, nang hindi namamalayan ng tao, ang sibilisasyon ng tao ay lalo pang nawawalan ng kakayahang tugunan ang mga kagustuhan ng tao, at maraming tao pa nga ang nakararamdam na, sa pamumuhay sa ganitong mundo, sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong yumao na. Maging ang mga tao ng mga dating napakaunlad na sibilisadong bayan ay nagpapahayag ng mga naturang hinaing. Sapagkat kung wala ang patnubay ng Diyos, kahit na pigain ng mga pinuno at sosyolohista ang mga utak nila para maingatan ang sibilisasyon ng tao, wala itong silbi. Walang tao ang makapupuno sa kahungkagan sa puso ng tao, dahil walang tao ang maaaring maging buhay ng tao, at walang teoryang panlipunan ang maaaring magpalaya sa tao mula sa mga problema ng kahungkagan. Ang agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, kasiyahan, at kaginhawahan ay nagdadala lamang ng pansamantalang konsuwelo sa tao. Kahit na mayroong ganitong mga bagay, hindi pa rin maiwasan ng tao na magkasala at dumaing sa pagiging hindi patas ng lipunan. Hindi mahahadlangan ng pagkakaroon ng mga bagay na ito ang pag-aasa, m at pagnanais ng tao na tumuklas. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang kanyang mga walang katuturang sakripisyo at pagtuklas ay maaari lamang magdulot ng higit na pagkabagabag sa kanya, at magdulot na ang tao ay umiral sa palagiang kalagayan ng pagkabalisa, hindi nalalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap, hanggang sa puntong ang tao ay matakot sa agham at kaalaman, at lalong matakot sa damdamin ng kahungkagan. Sa mundong ito, ikaw man ay nakatira sa isang malayang bansa o sa isang bansa na walang mga karapatang pantao, ikaw ay ganap na walang kakayahang takasan ang kapalaran ng sangkatauhan. Ikaw man ang pinuno o ang pinamumunuan, ikaw ay ganap na walang kakayahang takasan ang pagnanais na galugarin ang kapalaran, mga hiwaga, at hantungan ng sangkatauhan, lalong wala kang kakayahang takasan ang di-mailarawang damdamin ng kahungkagan. Ang gayong penomeno, na karaniwan sa buong sangkatauhan, ay tinatawag ng mga sosyologo na mga panlipunang penomeno, ngunit walang dakilang taong lumilitaw upang lutasin ang mga gayong problema. Kung tutuusin, ang tao ay tao, at ang katayuan at buhay ng Diyos ay hindi mapapalitan ng sinumang tao. Ang kailangan ng sangkatauhan ay hindi lang ang isang patas na lipunan kung saan ang lahat ng tao ay kumakain nang sapat, pantay-pantay, at malaya; ang kailangan ng sangkatauhan ay ang kaligtasan ng Diyos at ang Kanyang pagtutustos ng buhay sa kanila. Kapag natatanggap ng tao ang itinutustos na buhay ng Diyos at ang Kanyang kaligtasan, saka lamang malulutas ang kanyang mga pangangailangan, pagnanais na tumuklas, at ang kahungkagan sa puso niya. Kung ang mga tao ng isang bansa o ng isang nasyon ay hindi makatanggap ng pagliligtas at pagbabantay ng Diyos, ang gayong bansa o nasyon ay uusad patungo sa pagdalisdis, patungo sa kadiliman, at bilang resulta, lilipulin ito ng Diyos.

Marahil ang iyong bansa ay kasalukuyang umuunlad, ngunit kung tutulutan mo ang iyong mga tao na lumayo sa Diyos, unti-unting pagkakaitan ng mga pagpapala ng Diyos ang bansa mo, ang sibilisasyon ay lalong tatapak-tapakan ng tao, at hindi magtatagal, ang mga tao ay titindig laban sa Diyos at susumpain ang Langit. Sa ganitong paraan, walang kamalayan na masisira ang kapalaran ng isang bansa. Ang Diyos ay magbabangon ng mga makapangyarihang bansa upang kontrahin ang mga bansang isinumpa ng Diyos, at maaaring alisin pa nga ang mga ito sa ibabaw ng lupa. Ang susi sa pag-unlad at pagbagsak ng isang bansa o nasyon ay batay sa kung ang mga pinuno nito ay sumasamba sa Diyos, at kung inaakay nila ang kanilang mga tao na maging mas malapit sa Diyos at sambahin Siya. Pero sa huling kapanahunang ito, dahil ang mga taong sinserong naghahangad at sumasamba sa Diyos ay mas lalong dumadalang, nagbibigay ang Diyos ng natatanging pabor sa mga bansa kung saan ang Kristiyanismo ang relihiyon ng estado. Tinitipon Niya ang mga bansang iyon upang bumuo ng medyo makatarungang kampo sa mundo, habang ang mga bansang ateista at ang mga bansang hindi sumasamba sa tunay na Diyos ay nagiging kalaban ng makatarungang kampo. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay hindi lamang may isang lugar sa sangkatauhan kung saan Siya maaaring gumampan ng Kanyang gawain, kasabay nito, may mga bansa rin Siyang nakakamtan na nagpapatupad ng makatarungang awtoridad, na nagtutulot na magpataw ng mga pagbabawal at paghihigpit sa mga bansang lumalaban sa Kanya. Sa kabila nito, hindi pa rin nagagawa ng Diyos na magkamit ng mas maraming tao na sumamba sa Kanya, sapagkat ang tao ay lumihis nang napakalayo sa Kanya, at nakalimutan na ang Diyos sa loob ng napakatagal na panahon, at sa mundong ito ay may mga bansa lang na nagpapatupad ng katarungan at lumalaban sa kawalan ng katarungan. Ngunit malayo ito sa pag-abot sa mga kagustuhan ng Diyos, sapagkat walang mga pinuno ng bansa ang magtutulot sa Diyos na maghari sa kanilang mga tao, at walang partidong pampulitika ng anumang bansa ang magtitipon ng kanyang mga tao upang magbigay karangalan sa Diyos; nawala ang Diyos sa Kanyang nararapat na lugar sa puso ng bawat bansa, nasyon, namumunong partido, at maging sa puso ng bawat tao. Kahit na umiiral ang ilang makatarungang puwersa sa mundong ito, ang anumang pamunuan kung saan ang Diyos ay walang lugar sa puso ng tao ay napakarupok at ang politikal na eksena, na walang pagpapala ng Diyos, ay magulo at hindi kaya kahit ang isang dagok. Para sa sangkatauhan, ang kawalan ng pagpapala ng Diyos ay katumbas ng kawalan ng araw. Gaano man kasipag ang mga namumuno na gumawa ng mga kontribusyon sa kanilang mga tao, gaano man karami ang mga makatarungang kumperensiyang isinasagawa ng sangkatauhan nang sama-sama, wala sa mga ito ang makakapagpabalik ng agos o makakapagbago ng kapalaran ng sangkatauhan. Naniniwala ang tao na ang isang bansa kung saan ang mga tao ay pinapakain at dinaramitan, kung saan sila ay magkakasamang namumuhay nang payapa ay isang mahusay na bansa, at may mabuting pamunuan. Subalit hindi ito ang palagay ng Diyos. Naniniwala Siya na ang isang bansa kung saan walang sinuman ang sumasamba sa Kanya ay dapat Niyang lipulin. Ang mga iniisip ng tao ay palaging sobrang ibang-iba sa mga iniisip ng Diyos. Kaya, kung ang pinuno ng bansang ito ay hindi sumasamba sa Diyos, ang kapalaran ng bansang ito ay magiging isang malaking trahedya, at ang bansang ito ay mawawalan ng hantungan.

Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng tao, ngunit kinokontrol Niya ang kapalaran ng bawat bansa at nasyon, kinokontrol Niya ang mundong ito at ang buong sansinukob. Ang kapalaran ng sangkatauhan at ang plano ng Diyos ay malapit na magkaugnay, at walang tao, bansa o nasyon ang makakatakas sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang tao ay nais na malaman ang kanyang kapalaran, dapat siyang lumapit sa Diyos. Pasasaganain ng Diyos ang mga sumusunod at sumasamba sa Kanya at Siya ay magdudulot ng pagdausdos at pagkalipol sa mga lumalaban at tumatanggi sa Kanya.

Gunitain ang eksena sa Bibliya nang winasak ng Diyos ang Sodoma at isipin din kung paano naging haligi ng asin ang asawa ni Lot. Gunitain kung paano nagsisi at nagtapat ng kanilang mga kasalanan ang mga tao ng Ninive na suot ang tela ng sako at nang may abo. Gunitain kung ano ang kinalabasan ng mga Hudyo matapos nilang ipako si Jesus sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan—sila ay pinatalsik mula sa Israel at tumakas papunta sa mga bansa sa buong mundo, marami ang pinatay, at ang buong nasyon ng Hudyo ay sumailalim sa wala pang katulad na pasakit ng pagkalipol ng kanilang bansa. Ipinako nila ang Diyos sa krus—gumawa ng isang karumal-dumal na kasalanan—at ginalit ang disposisyon ng Diyos. Sila ay pinagbayad sa kanilang ginawa, ipinatiis sa kanila ang lahat ng kinahinatnan ng kanilang mga pagkilos. Kinondena nila ang Diyos, itinakwil ang Diyos, at kaya naman iisa lamang ang kanilang naging kapalaran: ang maparusahan ng Diyos. Ito ang mapait na kinahinatnan at kapahamakan na dinulot ng kanilang mga pinuno sa kanilang bayan at bansa.

Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa gitna ng mga tao upang gawin ang Kanyang gawain, at ang Kanyang unang hinintuan sa Kanyang gawain ay ang pinakatipikal na halimbawa ng mga diktadurya: ang Tsina, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong ito, tinutugis Siya ng namumunong partido ng Tsina gamit ang lahat ng paraan at sumailalim Siya sa lahat ng uri ng pagdurusa, nang walang lugar na mapagpahingahan ng Kanyang ulo, at nang walang masisilungan. Sa kabila nito, ipinagpapatuloy pa rin ng Diyos ang gawaing Kanyang nilalayon: Sinasabi at binibigkas Niya ang Kanyang mga salita at ipinapalaganap Niya ang ebanghelyo. Walang tao ang makakaarok sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos. Sa Tsina, isang bansang itinuturing ang Diyos bilang isang kaaway, ang Diyos ay hindi kailanman tumigil sa Kanyang gawain. Sa halip, mas maraming tao ang tumanggap ng Kanyang gawain at salita, dahil inililigtas ng Diyos ang bawat isang miyembro ng sangkatauhan hangga’t maaari. Naniniwala tayong lahat na walang bansa o puwersa ang makakahadlang sa nais ng Diyos na makamit, at na iyong mga sumusubok na humadlang sa gawain ng Diyos, na lumalaban sa salita ng Diyos, at na nanggugulo at sumusubok na sirain ang plano ng Diyos ay parurusahan ng Diyos sa huli. Ang sinumang taong lumalaban sa gawain ng Diyos ay ipapatapon ng Diyos sa impiyerno; anumang bansa na lumalaban sa gawain ng Diyos ay wawasakin ng Diyos; anumang nasyon na tumitindig upang tutulan ang gawain ng Diyos ay buburahin ng Diyos sa daigdig na ito at titigil sa pag-iral.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Naisara nang mahigpit ng kaalaman tungkol sa sinaunang kultura at kasaysayan na sumasaklaw sa ilang libong taon ang pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao at ang pananaw ng kanyang isipan kaya hindi tinatablan at hindi nalulusaw[1] ang mga ito. Naninirahan ang mga tao sa ikalabing-walong ikot ng impiyerno, para lamang silang naitaboy ng Diyos sa mga bartolina, kung saan maaaring hindi kailanman makita ang liwanag. Naapi na nang husto ng pyudal na pag-iisip ang tao kaya halos hindi sila makahinga at nasasakal sila. Wala sila ni katiting na lakas upang lumaban; ang ginagawa lamang nila ay magtiis at magtiis nang tahimik…. Walang sinumang nangahas kailanman na magpumiglas o ipagtanggol ang katarungan at pagiging patas; talagang namumuhay lamang ang mga tao ng isang buhay na mas masahol pa sa hayop, sa ilalim ng mga paghampas at pang-aabuso ng pyudal na etika, araw-araw, at taon-taon. Hindi nila naisip kailanman na hanapin ang Diyos upang matamasa ang kaligayahan sa mundo ng tao. Para bagang napabagsak na ang mga tao hanggang sa maging para silang mga dahong nalaglag sa taglagas, lanta, tuyot, at manilaw-nilaw na kayumanggi. Matagal nang nawala ang alaala ng mga tao; walang magawang naninirahan sila sa impiyerno na tinatawag na mundo ng tao, naghihintay sa pagdating ng huling araw upang kasama silang mamatay ng impiyernong ito, na para bang ang huling araw na pinakahihintay nila ang araw na tatamasahin ng tao ang payapang kapahingahan. Nadala na ng pyudal na etika ang buhay ng tao sa “Hades,” na lalong nagpahina sa kapangyarihan ng tao na lumaban. Lahat ng uri ng pang-aapi ang nagtutulak sa tao, nang paunti-unti, na mahulog nang mas malalim sa Hades, palayo nang palayo sa Diyos, hanggang sa siya ay maging isa nang ganap na estranghero ngayon sa Diyos at nagmamadaling iwasan Siya kapag sila ay nagkatagpo. Hindi Siya pinakikinggan ng tao at iniiwan Siyang nakatayong mag-isa sa isang tabi, na para bang hindi pa Siya nakilala ng tao kailanman, na hindi pa Siya nakita dati. … Ang kaalaman tungkol sa sinaunang kultura ay patagong ninakaw ang tao mula sa presensiya ng Diyos at ipinasa siya sa hari ng mga diyablo at sa mga inapo nito. Nadala na ng Apat na Aklat at Limang Klasiko[a] ang pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao sa isa pang kapanahunan ng paghihimagsik, na naging sanhi upang higit pa niyang sambahin ang mga sumulat ng Aklat/Klasiko ng mga Dokumento, at bilang resulta upang lalo pang palalain ang kanyang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Walang kaalam-alam ang tao, walang-awang pinalayas ng hari ng mga diyablo ang Diyos mula sa kanyang puso at pagkatapos ay tuwang-tuwang matagumpay nito mismong inokupa ang kanyang puso. Mula noon, nag-angkin na ang tao ng pangit na kaluluwa at ng mukha ng hari ng mga diyablo. Napuno ng pagkamuhi sa Diyos ang kanyang dibdib, at kumalat ang pagiging mapaminsala ng hari ng mga diyablo sa kalooban ng tao araw-araw hanggang sa lubos siyang lamunin nito. Wala na ni katiting na kalayaan ang tao at walang paraang makalaya mula sa mga bitag ng hari ng mga diyablo. Wala siyang nagawa kundi magpabihag noon mismo, sumuko at magpatirapa sa pagpapasakop sa presensiya nito. Noong araw, nang bata pa ang puso’t kaluluwa ng tao, itinanim doon ng hari ng mga diyablo ang binhi ng tumor ng ateismo, na nagtuturo sa kanya ng mga maling kaisipan gaya ng “mag-aral ng siyensya at teknolohiya; isakatuparan ang Apat na Modernisasyon; at walang Diyos sa mundo.” Hindi lamang iyan, ipinapahayag nito sa bawat pagkakataon, “Umasa tayo sa ating kasipagan para makabuo tayo ng sarili nating magandang bayan,” na hinihiling sa bawat tao na maging handa mula sa pagkabata na matapat na makapaglingkod sa kanilang bansa. Dinala ang tao, nang walang kamalay-malay, sa presensiya nito, kung saan walang pag-aatubiling kinamkam nito ang buong kredito (ibig sabihin ay ang kreditong nauukol sa Diyos sa paghawak sa buong sangkatauhan sa Kanyang mga kamay) para sa sarili nito. Hindi ito nagkaroon ng anumang kahihiyan kailanman. Bukod pa rito, hindi ito nahiyang agawin ang mga tao ng Diyos at hilahin sila pabalik sa bahay nito, kung saan tumalon ito na parang daga papunta sa ibabaw ng mesa at pinasamba ang tao rito bilang “Diyos.” Napakasalbahe nito! Iskandaloso itong sumisigaw ng mga bagay na nakakagulat, tulad ng: “Walang Diyos sa mundo. Ang hangin ay nagmumula sa mga pagbabago ayon sa mga batas ng kalikasan; ang ulan ay dumarating kapag sumisingaw ang tubig, na sumasalubong sa malalamig na temperatura, bumabagsak bilang mga patak sa lupa; ang lindol ay pagyanig ng ibabaw ng lupa dahil sa mga pagbabagong nangyayari dito; ang tagtuyot ay sanhi ng pagkatuyo sa hangin na dulot ng pagkagambala ng nucleon sa ibabaw ng araw. Ang mga ito ay mga natural lang na penomenon. Nasaan, sa lahat ng ito, ang gawain ng Diyos?” Mayroon pa ngang mga sumisigaw ng mga pahayag na gaya ng sumusunod, mga bagay na hindi dapat ipahayag: “Ang tao ay nagmula sa unggoy noong unang panahon, at ang mundo ngayon ay nagmumula sa sunud-sunod na mga sinaunang lipunan na nagsimula humigit-kumulang isang bilyong taon na ang nakakaraan. Ang pag-unlad o pagbagsak ng isang bansa ay nakasalalay sa mga kamay ng mga mamamayan nito.” Sa likod nito, ipinagagawa nito sa tao na isabit ito sa dingding o ipinapapatong ito sa mesa upang pagpitaganan at alayan iyon. Kasabay ng pagsigaw nito ng, “Walang Diyos,” itinataas nito ang sarili bilang diyos, walang habas na itinutulak ang Diyos palabas ng mga hangganan ng lupa, samantalang nakatayo sa lugar ng Diyos at kumikilos bilang ang hari ng mga diyablo. Hindi talaga makatwiran! Sagad sa buto itong kamumuhian ng sinuman. Tila mortal na magkaaway sila ng Diyos, at hindi maaaring magkasama silang dalawa. Nagbabalak itong itaboy ang Diyos palayo samantalang ito ay malayang gumagala, nang hindi nasasakop ng batas.[2] Hari nga ito ng mga diyablo! Paano matitiis ang pag-iral nito? Hindi ito magpapahinga hangga’t hindi nito nagugulo ang gawain ng Diyos at iniiwan itong ganap na magulo,[3] na para bang nais nitong labanan ang Diyos hanggang sa huli, hanggang sa matira ang matibay, na sadyang nilalabanan ang Diyos at nagpupumilit na makalapit. Matagal nang lubusang nalantad ang kasuklam-suklam nitong mukha, ngayon ay lamog at bugbog[4] na ito at nasa kakila-kilabot na kalagayan, subalit hindi pa rin maglulubag ang loob nito sa pagkamuhi sa Diyos, na para bang huhupa lamang ang pagkamuhing tinimpi sa puso nito kapag nilamon na nito nang buo ang Diyos sa isang subuan. Paano natin matitiis ito, ang kaaway na ito ng Diyos! Tanging ang pagpuksa at ganap na paglipol lamang dito matutupad ang inaasam natin sa buhay. Paanong hahayaan itong patuloy na manggulo? Nagawa nitong tiwali ang tao hanggang sa hindi na alam ng tao ang langit-araw, at naging manhid at walang pakiramdam. Nawalan na ng normal na katwiran ang tao. Bakit hindi natin ialay ang buo nating pagkatao para sirain at sunugin ito upang maalis ang lahat ng alalahanin sa hinaharap at tulutan ang gawain ng Diyos na umabot sa walang-katumbas na kaningningan sa lalong madaling panahon? Naparito sa mundo ng mga tao ang grupong ito ng mga tampalasan at ginulo ito nang husto. Nadala na nila ang buong sangkatauhan sa bingit ng isang bangin, lihim na nagpaplanong itulak ang sangkatauhan pababa para magkaluray-luray upang malamon nila ang bangkay ng mga ito pagkatapos. Walang saysay silang umaasang sirain ang plano ng Diyos at makipagkompetensiya sa Kanya, na sapalarang isinusugal ang lahat nang minsanan.[5] Hindi madaling gawin iyon! Kunsabagay ay nakahanda na ang krus para sa hari ng mga diyablo, na may kagagawan ng pinakamasasamang krimen. Hindi nabibilang ang Diyos sa krus. Itinabi na Niya ito para sa diyablo. Matagal nang nanalo ang Diyos at hindi na nakakaramdam ng kalungkutan sa mga kasalanan ng sangkatauhan, ngunit maghahatid Siya ng kaligtasan sa buong sangkatauhan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (7)

Mga Talababa:

1. Ang “hindi nalulusaw” ay nilayon bilang panunudyo dito, na ibig sabihin ay maigting ang mga tao sa kanilang kaalaman, kultura, at espirituwal na pananaw.

2. Ang “malayang gumagala, nang hindi nasasakop ng batas” ay nagpapahiwatig na nagagalit at naghuhuramentado ang diyablo.

3. Ang “ganap na magulo” ay tumutukoy sa kung paanong hindi makayanang tingnan ang marahas na pag-uugali ng diyablo.

4. Ang “lamog at bugbog” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng hari ng mga diyablo.

5. Ang ibig sabihin ng “sapalarang isinusugal ang lahat nang minsanan” ay itaya ang lahat ng pera ng isang tao sa pag-asang manalo sa huli. Ito ay isang metapora para sa masama at karumal-dumal na mga pakana ng diyablo. Ginagamit ang pahayag na ito nang patuya.

a. Ang Apat na Aklat at Limang Klasiko ay mapagkakatiwalaang tumpak na mga aklat ng Confucianism sa China.

Sa loob ng ilang libong taon ng katiwalian, ang mga tao ay pawang naging manhid at mapurol ang isip; silang lahat ay naging masasamang demonyo na sumasalungat sa Diyos, hanggang sa punto na ang kanilang paghihimagsik laban sa Diyos ay naisulat sa mga talaan ng kasaysayan, at na maging ang mga tao mismo ay hindi kayang magbigay ng buong salaysay ng kanilang mapaghimagsik na pag-uugali—sapagkat sila ay malalim na ginawang tiwali ni Satanas, at iniligaw ni Satanas kung kaya’t hindi na nila alam kung saan babaling. Kahit ngayon, ipinagkakanulo pa rin ng mga tao ang Diyos. Kapag nakikita nila ang Diyos, ipinagkakanulo nila Siya, at kapag hindi nila nakikita ang Diyos, ipinagkakanulo rin nila Siya. Mayroon pa ngang mga taong, matapos masaksihan ang mga sumpa ng Diyos at ang Kanyang poot, nagkakanulo pa rin sa Kanya. Kaya sinasabi Ko na ang katwiran ng tao ay nawalan na ng orihinal nitong tungkulin, at na ang konsensiya ng tao ay nawalan na rin ng orihinal nitong silbi. Sa Aking mga mata, ang mga tao ay pawang mga hayop na nakadamit-tao at makamandag na mga ahas. Gaano man kakaawa-awa nila subukang magpakita sa harap ng Aking mga mata, hindi Ako kailanman magiging mahabagin sa kanila, sapagkat wala silang anumang pagkaarok sa pagkakaiba ng itim at puti, at walang sinuman sa kanila ang nakauunawa sa pagkakaiba ng katotohanan at ng hindi katotohanan. Ang kanilang katwiran ay napakamanhid, ngunit nagnanais pa rin silang magtamo ng mga pagpapala; ang kanilang pagkatao ay napakahamak, ngunit nagnanais pa rin silang mamuno bilang mga hari at humawak ng kapangyarihan. Sino ang maaari nilang pagharian, nang may gayong katwiran? Paano sila makakaupo sa mga trono nang may gayong pagkatao? Ang mga tao ay tunay na walang kahihiyan! Sila ay mga walang-kwenta na labis ang pagtingin sa sarili! Iminumungkahi Ko na kayong nagnanais na magtamo ng mga pagpapala ay humanap muna ng salamin at tingnan ninyo ang sarili ninyong pangit na repleksiyon. Mayroon ka ba ng kinakailangan para maging isang hari? Mayroon ka ba ng mga katangian ng mukha ng isang makatatanggap ng mga pagpapala? Walang kahit katiting na pagbabago sa iyong disposisyon at hindi mo naisagawa ang anumang katotohanan, ngunit nagnanais ka pa rin ng isang napakagandang bukas. Isa itong ganap na kahibangan! Ang tao, na isinilang sa gayong napakaruming lupain, ay labis nang nahawaan ng lipunan, nakondisyon na siya ng mga etikang piyudal, at natanggap niya ang edukasyon ng “mga institusyon ng mas mataas na pag-aaral.” Ang kaisipang paurong, tiwaling moralidad, mababang-uring pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, lubos na walang halagang pag-iral, at mga mababang-uring kaugalian at pang-araw-araw na buhay—lubhang nanghimasok na sa puso ng tao ang lahat ng mga bagay na ito, at lubhang pinipinsala at inaatake ang kanyang konsensiya. Bilang resulta, mas lalong lumalayo ang tao mula sa Diyos, at mas lalong nagiging laban sa Kanya. Lalong nagiging mas walang awa ang disposisyon ng tao sa bawat araw, at wala ni isang tao ang nagkukusang isuko ang anumang bagay para sa Diyos, wala ni isang tao ang nagkukusang magpasakop sa Diyos, at lalong walang ni isang taong nagkukusang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa halip, hinahangad ng tao ang kasiyahan hangga’t gusto niya sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at walang pakundangang ginagawang tiwali ang kanyang laman sa putikan. Marinig man nila ang katotohanan, walang pagnanais ang mga nananahan sa kadiliman na isagawa ito, at wala silang hilig na maghanap kahit na nakikita nilang nagpakita na ang Diyos. Paanong magkakaroon ng anumang puwang sa kaligtasan ang isang tiwaling sangkatauhang tulad nito? Paano mabubuhay sa liwanag ang isang bulok na sangkatauhang tulad nito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Manatiling Hindi Nagbabago sa Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

Ang mga tao ay walang iba kundi ang Aking mga kaaway. Ang mga tao ay ang masasama na lumalaban at naghihimagsik laban sa Akin. Ang mga tao ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang mga tao ay walang iba kundi ang mga inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang mga tao ay walang iba kundi ang pamana ng masamang diyablo, diyablong itinaboy Ko noon pa man, na naging hindi mapagkakasundong kaaway Ko simula noon. Sapagkat ang kalangitan sa itaas ng buong sangkatauhan ay malabo at madilim, wala ni katiting na impresyon ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa sukdulang kadiliman, kaya ni hindi makita ng isang nabubuhay rito ang kanyang nakaunat na kamay na nasa kanyang harapan o ang araw kapag siya ay nakatingala. Ang daan na kanyang tinatapakan, na maputik at puro lubak, ay paliku-liko; nagkalat ang mga bangkay sa buong lupain. Ang madidilim na sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malalamig at madidilim na sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. At saanman sa mundo ng mga tao paroo’t parito ang mga demonyo nang sama-sama. Ang mga anak ng lahat ng klase ng mga halimaw, na natatakpan ng dumi, ay subsob sa matinding labanan, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga panahon, sa gayong mundo, sa gayong “paraiso sa lupa,” saan tutungo ang isang tao upang maghanap ng mga kagalakan sa buhay? Saan makakapunta ang isang tao upang mahanap ang kanyang hantungan sa buhay? Ang sangkatauhan, na matagal nang tinatapakan ni Satanas, sa simula pa lamang ay naging isang artistang taglay ang larawan ni Satanas—higit pa riyan, ang sangkatauhan ang pagsasakatawan ni Satanas, at nagsisilbing katibayan na nagpapatotoo kay Satanas, nang napakalinaw. Paano makakapagpatotoo sa Diyos ang gayong lahi ng tao, gayong pangkat ng masama’t kasuklam-suklam, gayong supling ng tiwaling pamilyang ito ng tao? Saan galing ang Aking kaluwalhatian? Saan maaaring magsimula ang isang tao na banggitin ang Aking patotoo? Sapagkat ang kaaway, dahil nagawa nang tiwali ang sangkatauhan, ay kinakalaban Ako, naangkin na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong unang panahon at pinuspos ng Aking kaluwalhatian at Aking pagsasabuhay—at dinungisan sila. Naagaw nito ang Aking kaluwalhatian, at ang tanging itinanim nito sa tao ay lason na lubhang nahaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Sa simula, nilikha Ko ang sangkatauhan; ibig sabihin, nilikha Ko ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Pinagkalooban siya ng anyo at wangis, nag-uumapaw sa sigla, nag-uumapaw sa lakas, at bukod pa nga riyan, kapiling siya ng Aking kaluwalhatian. Iyan ang maluwalhating araw nang likhain Ko ang tao. Pagkatapos niyan, ginawa si Eba mula sa katawan ni Adan, at siya man ay ninuno ng tao. Kaya, ang mga taong nilikha Ko ay puno ng Aking hininga at puno ng Aking kaluwalhatian. Si Adan ay orihinal na “isinilang” mula sa Aking kamay at siyang kumakatawan sa Aking wangis. Sa gayon ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay isang nilalang na Aking nilikha, puspos ng Aking masiglang lakas, puspos ng Aking kaluwalhatian, may anyo at wangis, may isang espiritu at hininga. Siya lamang ang nilikha, may angking espiritu, na may kakayahang kumatawan sa Akin at taglayin ang Aking wangis, at nakatanggap ng Aking hininga. Sa simula, si Eba ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking inorden, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang nilikha na magpapatuloy ng Aking kaluwalhatian, puno ng Aking sigla at bukod pa riyan ay pinagkalooban ng Aking kaluwalhatian. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking wangis, sapagkat siya ang ikalawang taong nilalang sa Aking wangis. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang buhay na tao, may espiritu, laman, at buto, ang ikalawang patotoo Ko at Aking ikalawang wangis sa gitna ng sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang mga mahalaga at dalisay sa mga sangkatauhan, sila ay orihinal na mga buhay na nilalang na pinagkalooban ng mga espiritu. Gayunman, tinapakan at binihag ng masama ang supling ng mga ninuno ng sangkatauhan, at isinadlak ang mundo ng tao sa ganap na kadiliman, at ginawa ito upang hindi na maniwala ang supling sa Aking pag-iral. Mas kasuklam-suklam pa ay na, habang ginagawang tiwali ng masama ang mga tao at tinatapakan sila, malupit nitong inaagaw ang Aking kaluwalhatian, ang Aking patotoo, ang siglang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang hininga at ang buhay na inihip Ko sa kanila, ang Aking buong kaluwalhatian sa mundo ng tao, at lahat ng dugo sa puso na Aking ginugol sa sangkatauhan. Wala na sa liwanag ang sangkatauhan, at naiwala na ng mga tao ang lahat ng Aking ipinagkaloob sa kanila, at itinapon na nila ang kaluwalhatiang Aking ipinagkaloob. Paano nila maaaring kilalanin na Ako ang Panginoon ng buong sangnilikha? Paano sila patuloy na maniniwala sa Aking pag-iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang mga pagpapamalas ng Aking kaluwalhatian sa ibabaw ng lupa? Paano ituturing ng mga apong lalaki at babaeng ito ang Diyos na kinatakutan ng sarili nilang mga ninuno bilang Panginoon na lumikha sa kanila? Ang kaawa-awang mga apong ito ay bukas-palad na “inilahad” sa masama ang kaluwalhatian, ang wangis, at ang patotoong ipinagkaloob Ko kina Adan at Eba, gayundin ang buhay na ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan at kung saan sila umaasa sa pag-iral; at, lubos silang hindi nag-aalala sa presensiya ng masama, at ibinibigay ang Aking buong kaluwalhatian dito. Hindi ba ito mismo ang pinagmulan ng titulong “basura”? Paano tataglayin ng gayong sangkatauhan, gayong kasasamang demonyo, gayong mga bangkay na naglalakad, gayong mga anyo ni Satanas, gayong mga kaaway Ko ang Aking kaluwalhatian? Babawiin Ko ang Aking kaluwalhatian, babawiin Ko ang Aking patotoo na umiiral sa mga tao, at lahat ng dating Akin at ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—ganap Kong lulupigin ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman na ang mga taong Aking nilikha ay mga dalisay na tao na taglay ang Aking wangis at Aking kaluwalhatian. Hindi sila nabilang kay Satanas, ni hindi sila natapakan nito, kundi purong pagpapamalas Ko lamang, malaya sa pinaka-kaunting bahid ng lason ni Satanas. Kaya nga, ipinapaalam Ko sa sangkatauhan na ang tanging nais Ko ay iyong nilikha ng Aking kamay, ang mga dalisay na Aking minamahal at hindi nabibilang sa anupamang ibang nilalang. Bukod pa riyan, malulugod Ako sa kanila at ituturing Ko silang Aking kaluwalhatian. Gayunman, ang nais Ko ay hindi ang sangkatauhang nagawang tiwali ni Satanas, na nabibilang kay Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layon Kong bawiin ang Aking kaluwalhatiang umiiral sa mundo ng tao, ganap Kong lulupigin ang natitira sa sangkatauhan, bilang katunayan ng Aking kaluwalhatian sa pagtalo kay Satanas. Ang Aking patotoo lamang ang tinatanggap Ko bilang kristalisasyon ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking layunin.

Sampu-sampung libong taon ng kasaysayan ang kinailangan upang marating ng sangkatauhan ang kinalalagyan nila ngayon, subalit ang sangkatauhang nilikha Ko sa simula ay matagal nang nabaon sa pagkabulok. Ang sangkatauhan ay hindi na ang sangkatauhang hangad Ko, at sa gayon, sa Aking paningin, ang mga tao ay matagal nang natigil na makilala bilang sangkatauhan. Sa halip, sila ang basura ng sangkatauhan na nabihag ni Satanas, ang bulok na mga bangkay na naglalakad na sinasapian ni Satanas at ginagamit nitong bihisan. Walang tiwala ang mga tao sa Aking pag-iral, ni hindi sila sumasalubong sa Aking pagdating. Ang sangkatauhan ay nag-aatubiling tumutugon lamang sa Aking mga kahilingan, pansamantalang sumasang-ayon sa mga iyon, at hindi taos-pusong nakikibahagi sa mga kagalakan at kalungkutan Ko sa buhay. Dahil ang tingin ng mga tao ay mahiwaga Ako, nag-aatubili nila Akong nginingitian, ang saloobin nila ay magpaginhawa roon sa may kapangyarihan, sapagkat walang alam ang mga tao tungkol sa Aking gawain, lalo na sa Aking mga layunin sa kasalukuyan. Magtatapat Ako sa inyo: Pagdating ng araw, ang paghihirap ng sinumang sumasamba sa Akin ay magiging mas madaling tiisin kaysa sa inyo. Ang laki ng inyong pananampalataya sa Akin, sa totoo lang, ay hindi nakahihigit kaysa kay Job—kahit ang pananampalataya ng mga Pariseong Hudyo ay nakahihigit sa inyo—kaya nga, kung dumating ang araw ng apoy, magiging mas matindi ang inyong paghihirap kaysa sa mga Pariseo nang sawayin sila ni Jesus, kaysa roon sa 250 pinunong kumontra kay Moises, at kaysa roon sa Sodoma sa ilalim ng nakakapasong apoy ng pagkawasak nito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao

Yaong sa mga diyablo ay namumuhay lahat para sa kanilang mga sarili. Ang pananaw nila sa buhay at mga salawikain ay kalimitang nagmumula sa mga kasabihan ni Satanas, tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Ang tao ay namamatay para sa kayamanan, gaya ng mga ibon para sa pagkain,” at iba pang gayong mga maling kaisipan. Ang mga salitang sinambit ng yaong mga diyablong hari, mga personalidad, at mga pilosopo ay ang naging mismong buhay ng tao. Lalo na, karamihan sa mga salita ni Confucius, na itinataas ng mga Tsino bilang isang “pantas,” ay naging buhay na ng tao. Mayroon ding mga bantog na kasabihan ng Budismo at Taoismo, at ang mga klasikong kasabihan na madalas ulitin ng iba’t ibang tanyag na tao. Lahat ng ito ay mga pagbubuod ng mga pilosopiya ni Satanas at kalikasan ni Satanas. Ang mga ito rin ang pinakamahusay na paglalarawan at paliwanag tungkol sa kalikasan ni Satanas. Ang mga lason na ito na naikintal sa puso ng tao ay pawang nagmumula kay Satanas, at wala sa mga ito ang nagmumula sa Diyos. Ang mga maladiyablong salita na iyon ay diretsahan ding kumokontra sa salita ng Diyos. Napakalinaw na ang mga realidad ng lahat ng positibong bagay ay nagmumula sa Diyos, at lahat ng negatibong bagay na lumalason sa tao ay nagmumula kay Satanas. Samakatwid, makikilatis mo ang kalikasan ng isang tao at kung kanino siya kabilang sa pamamagitan ng pagtingin sa pananaw niya sa buhay at mga pinahahalagahan. Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at pagkokondisyon ng mga pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang mga maladiyablong salita ay naging buhay at kalikasan na ng tao. “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” ay isang sikat na satanikong kasabihan na tumagos na sa lahat at naging buhay nila. May iba pang mga salita ng pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na katulad nito. Ginagamit ni Satanas ang tradisyonal na kultura ng bawat bayan para turuan, iligaw, at gawing tiwali ang mga tao, nagsasanhi sa sangkatauhan na mahulog sa isang walang-hanggang bangin ng pagkawasak, at sa huli, malipol ng Diyos dahil naglilingkod sila kay Satanas at nilalabanan nila ang Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Maliban sa paggamit ng lahat ng iba’t ibang tuklas at kongklusyon ng siyensya upang iligaw ang tao, ginagamit din ni Satanas ang siyensya bilang isang kaparaanan upang walang pakundangan na wasakin at pagsamantalahan ang tirahang kapaligirang bigay ng Diyos sa tao. Ginagawa ito ni Satanas sa ilalim ng huwad na kadahilanan na kung nagsasagawa ang tao ng siyentipikong pananaliksik, ang tirahang kapaligiran ng tao at ang kalidad ng buhay ay patuloy na aangat, at bukod pa riyan ay na ang layunin ng siyentipikong pag-unlad ay upang tugunan ang patuloy na materyal na mga pangangailangan ng tao na dumarami araw-araw at ang pangangailangan nilang patuloy na iangat ang kalidad ng kanilang buhay. Ito ang teoretikal na batayan ng pagpapaunlad ni Satanas sa siyensya. Gayunman, ano ang naidulot ng siyensya sa sangkatauhan? Ang kapaligiran bang tinitirhan natin—at ang kapaligirang tinitirhan ng buong sangkatauhan—ay hindi pa narumihan? Hindi pa ba narumihan ang hanging nilalanghap ng tao? Hindi pa ba narumihan ang tubig na iniinom natin? Organic at natural pa rin ba ang pagkaing kinakain natin? Karamihan sa mga butil at gulay ay genetically modified, napalago ang mga ito gamit ang pataba, at ang ilan ay mga variant na nilikha gamit ang siyensya. Hindi na natural ang mga gulay at prutas na kinakain natin. Kahit ang natural na mga itlog ay hindi na madaling matagpuan, at hindi na gaya ng dati ang lasa ng mga itlog, dahil naiproseso na ng tinatawag ni Satanas na siyensya. Kung titingnan ang buong sitwasyon, nawasak at narumihan na ang buong atmospera; ang mga kabundukan, lawa, kagubatan, ilog, karagatan, at lahat ng nasa ibabaw at ilalim ng lupa ay nasira nang lahat ng tinatawag na mga tagumpay ng siyensya. Sa madaling salita, ang buong likas na kapaligiran, ang tirahang kapaligirang bigay ng Diyos sa sangkatauhan, ay nawasak at nasira na ng tinatawag na siyensya. Bagama’t nakamit na ng maraming tao ang inaasam nila noon pa man pagdating sa kalidad ng buhay na hinahangad nila, na binibigyang-kasiyahan kapwa ang kanilang mga pagnanais at ang kanilang laman, ang kapaligirang tinitirhan ng tao ay talagang nawasak at nasira na ng iba’t ibang “mga tagumpay” na dulot ng siyensya. Ngayon, wala na tayong karapatang huminga ng isang hinga ng malinis na hangin. Hindi ba ito ang dalamhati ng sangkatauhan? Mayroon pa bang masasabing anumang kaligayahang natitira para sa tao, kung kailangan nilang manirahan sa ganitong uri ng espasyo? Ang espasyo at tirahang kapaligirang ito kung saan nabubuhay ang tao, simula’t sapul, ay nilikha ng Diyos para sa tao. Ang tubig na iniinom ng mga tao, ang hanging nilalanghap ng mga tao, ang iba’t ibang pagkaing kinakain ng mga tao, gayundin ang mga halaman at mga buhay na nilalang, at kahit ang mga kabundukan, lawa, at karagatan—bawat bahagi ng tirahang kapaligirang ito ay bigay ng Diyos sa tao; ito ay likas, gumagana alinsunod sa isang likas na batas na inilatag ng Diyos. Kung wala ang siyensya, susundin pa rin ng mga tao ang mga pamamaraang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos, matatamasa nila ang lahat ng malinis at natural, at magiging maligaya sila. Gayunman, lahat ng ito ay nawasak at nasira na ngayon ni Satanas; ang pangunahing tinitirhang espasyo ng tao ay hindi na orihinal. Ngunit walang sinumang nakakatukoy kung ano ang nagsanhi nito o kung paano ito nangyari, at mas marami pang tao ang lumalapit sa siyensya at inuunawa ito gamit ang mga ideyang ikinintal sa kanila ni Satanas. Hindi ba ito labis na kasuklam-suklam at kaawa-awa? Ngayong nakuha na ni Satanas ang espasyo kung saan namumuhay ang sangkatauhan, gayundin ang kanilang tirahang kapaligiran, at ginawa silang tiwali sa ganitong kalagayan, at sa patuloy na pagsulong ng sangkatauhan sa ganitong paraan, kailangan pa bang personal na wasakin ng Diyos ang mga taong ito? Kung patuloy na uunlad ang mga tao sa ganitong paraan, anong direksyon ang tatahakin ng mga ito? (Lilipulin sila.) Paano sila lilipulin? Bukod pa sa sakim na paghahanap ng mga tao sa katanyagan at pakinabang, patuloy silang nagsasagawa ng pagtuklas sa siyensya at nagsasaliksik nang husto, at pagkatapos ay walang-tigil na kumikilos sa isang paraan na nagbibigay-kasiyahan sa kanilang sariling materyal na mga pangangailangan at pagnanasa; ano kung gayon ang mga kahihinatnan ng tao? Una sa lahat, sira na ang balanse ng ekolohiya, at kapag nangyari ito, ang katawan ng mga tao, ang kanilang mga organ sa loob ng kanilang katawan, ay nabahiran at napinsala ng di-balanseng kapaligirang ito, at ang iba’t ibang nakahahawang mga sakit at salot ay lumaganap sa buong mundo. Hindi ba totoo na isang sitwasyon ito ngayon na walang kontrol ang tao? Ngayong nauunawaan na ninyo ito, kung hindi sinusunod ng sangkatauhan ang Diyos, kundi palaging sinusunod si Satanas sa ganitong paraan—na ginagamit ang kaalaman upang patuloy na payamanin ang kanilang sarili, ginagamit ang siyensya upang walang-tigil na tuklasin ang hinaharap ng buhay ng tao, ginagamit ang ganitong uri ng pamamaraan upang patuloy na mabuhay—napapansin ba ninyo kung paano ito magwawakas para sa sangkatauhan? Likas na maglalaho ang sangkatauhan: Sa paisa-isang hakbang, sumusulong ang sangkatauhan tungo sa pagkawasak, tungo sa sarili nilang pagkawasak! Hindi ba ito pagdudulot ng pagkawasak sa kanilang sarili? At hindi ba ito ang kahihinatnan ng pag-unlad ng siyensya? Ngayon ay tila baga ang siyensya ay isang uri ng mahiwagang inuming naihanda ni Satanas para sa tao, kaya kapag sinusubukan mong kilatisin ang mga bagay-bagay ay ginagawa mo ito nang may kalabuan; gaano ka man tumingin nang husto, hindi mo makikita nang malinaw ang mga bagay-bagay, at gaano mo man pagsikapan, hindi mo mauunawaan ang mga ito. Gayunman, ginagamit ni Satanas ang pangalan ng siyensya upang panabikin ka at ganap na kontrolin, sa paisa-isang hakbang, tungo sa kailaliman at kamatayan. At dahil dito, malinaw na makikita ng mga tao na ang totoo, ang pagwasak sa tao ay kagagawan ni Satanas—si Satanas ang pasimuno.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

Kaugnay na mga Himno

Kontrolado ng Diyos ang Kapalaran ng Bawat Bansa at Lahi

Dapat Parusahan ang mga Taong Ginagalit ang Diyos

Sinundan: a. Ang panlilihis at pagtiwali ni Satanas sa sangkatauhan ang ugat ng kadiliman at kasamaan sa mundo

Sumunod: c. Kung paano tinatapos ng Diyos ang madilim na kapanahunan ng pamumuno ni Satanas sa mga huling araw

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito