a. Ang panlilihis at pagtiwali ni Satanas sa sangkatauhan ang ugat ng kadiliman at kasamaan sa mundo

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Sina Adan at Eba na nilikha ng Diyos sa pasimula ay mga dalisay na tao, ibig sabihin, habang nasa Hardin ng Eden ay dalisay sila, walang bahid ng karumihan. Sila rin ay tapat kay Jehova, at wala silang alam tungkol sa pagkakanulo kay Jehova. Ito ay dahil sa wala silang panggugulo ng impluwensiya ni Satanas, walang kamandag ni Satanas, at sila ang pinakadalisay sa lahat ng sangkatauhan. Sila ay nakatira sa Hardin ng Eden, hindi nabahiran ng anumang dumi, hindi naangkin ng laman, at may takot sila kay Jehova. Sa dakong huli, nang sila ay tinukso ni Satanas, nagkaroon sila ng kamandag ng ahas, at ng pagnanais na ipagkanulo si Jehova, at namuhay sila sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas. Sa pasimula, sila ay dalisay at may takot kay Jehova; sa ganitong kalagayan lamang na sila ay tao. Kalaunan, pagkatapos silang tuksuhin ni Satanas, kinain nila ang bunga ng punongkahoy ng kaalaman ng mabuti at masama, at namuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas. Unti-unti silang nagawang tiwali ni Satanas, at naiwala ang orihinal na wangis ng tao. Sa pasimula, ang tao ay mayroong hininga ni Jehova, wala kahit katiting na pagiging mapaghimagsik, at walang kasamaan sa kanyang puso. Noong panahong iyon, ang tao ay tunay na tao. Pagkatapos gawing tiwali ni Satanas, ang tao ay naging isang hayop. Ang kanyang mga kaisipan ay napuno ng kasamaan at karumihan, walang kabutihan at kabanalan. Hindi ba’t ito si Satanas?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Mula nang unang magtatag ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay sinakop ng agham at kaalaman. Ang agham at kaalaman ay naging mga kagamitan para sa pangingibabaw sa sangkatauhan, iniiwan ang tao nang walang sapat na puwang para sambahin ang Diyos, at walang mas kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Kung walang puwang para sa Diyos sa kanyang puso, ang panloob na mundo ng tao ay madilim, walang pag-asa, at hungkag. Dahil dito, lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga politiko upang magpahayag ng mga teorya ng agham panlipunan, teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sumasalungat sa katotohanan na nilikha ng Diyos ang tao upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, ang mga naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay lalo pang nangaunti, at ang mga naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga mito at alamat. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, at naging walang pakialam sila sa pag-iral ng Diyos at sa doktrina na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang walang kabuluhang mundo na ang iniintindi lamang ay pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. … Iilang tao lang ang umaako sa paghahanap kung saan kumikilos ngayon ang Diyos, o naghahanap kung paanong Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat at kung paano Niya inaayos ang hantungan ng tao. At sa ganitong paraan, nang hindi namamalayan ng tao, ang sibilisasyon ng tao ay lalo pang nawawalan ng kakayahang tugunan ang mga kagustuhan ng tao, at maraming tao pa nga ang nakararamdam na, sa pamumuhay sa ganitong mundo, sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong yumao na. Maging ang mga tao ng mga dating napakaunlad na sibilisadong bayan ay nagpapahayag ng mga naturang hinaing. Sapagkat kung wala ang patnubay ng Diyos, kahit na pigain ng mga pinuno at sosyolohista ang mga utak nila para maingatan ang sibilisasyon ng tao, wala itong silbi. Walang tao ang makapupuno sa kahungkagan sa puso ng tao, dahil walang tao ang maaaring maging buhay ng tao, at walang teoryang panlipunan ang maaaring magpalaya sa tao mula sa mga problema ng kahungkagan. Ang agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, kasiyahan, at kaginhawahan ay nagdadala lamang ng pansamantalang konsuwelo sa tao. Kahit na mayroong ganitong mga bagay, hindi pa rin maiwasan ng tao na magkasala at dumaing sa pagiging hindi patas ng lipunan. Hindi mahahadlangan ng pagkakaroon ng mga bagay na ito ang pag-aasa, m at pagnanais ng tao na tumuklas. Sapagkat ang tao ay nilalang ng Diyos at ang kanyang mga walang katuturang sakripisyo at pagtuklas ay maaari lamang magdulot ng higit na pagkabagabag sa kanya, at magdulot na ang tao ay umiral sa palagiang kalagayan ng pagkabalisa, hindi nalalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap, hanggang sa puntong ang tao ay matakot sa agham at kaalaman, at lalong matakot sa damdamin ng kahungkagan. Sa mundong ito, ikaw man ay nakatira sa isang malayang bansa o sa isang bansa na walang mga karapatang pantao, ikaw ay ganap na walang kakayahang takasan ang kapalaran ng sangkatauhan. Ikaw man ang pinuno o ang pinamumunuan, ikaw ay ganap na walang kakayahang takasan ang pagnanais na galugarin ang kapalaran, mga hiwaga, at hantungan ng sangkatauhan, lalong wala kang kakayahang takasan ang di-mailarawang damdamin ng kahungkagan. Ang gayong penomeno, na karaniwan sa buong sangkatauhan, ay tinatawag ng mga sosyologo na mga panlipunang penomeno, ngunit walang dakilang taong lumilitaw upang lutasin ang mga gayong problema. Kung tutuusin, ang tao ay tao, at ang katayuan at buhay ng Diyos ay hindi mapapalitan ng sinumang tao. Ang kailangan ng sangkatauhan ay hindi lang ang isang patas na lipunan kung saan ang lahat ng tao ay kumakain nang sapat, pantay-pantay, at malaya; ang kailangan ng sangkatauhan ay ang kaligtasan ng Diyos at ang Kanyang pagtutustos ng buhay sa kanila. Kapag natatanggap ng tao ang itinutustos na buhay ng Diyos at ang Kanyang kaligtasan, saka lamang malulutas ang kanyang mga pangangailangan, pagnanais na tumuklas, at ang kahungkagan sa puso niya. Kung ang mga tao ng isang bansa o ng isang nasyon ay hindi makatanggap ng pagliligtas at pagbabantay ng Diyos, ang gayong bansa o nasyon ay uusad patungo sa pagdalisdis, patungo sa kadiliman, at bilang resulta, lilipulin ito ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Mula itaas hanggang ibaba at mula simula hanggang wakas, ginugulo na ni Satanas ang gawain ng Diyos at kumikilos laban sa Kanya. Lahat ng pag-uusap na ito tungkol sa “sinaunang pamanang kultura,” mahalagang “kaalaman tungkol sa sinaunang kultura,” “mga turo ng Taoism at Confucianism,” at “Confucian classics at mga seremonyang pyudal” ay dinala na ang tao sa impiyerno. Ang mas maunlad na makabagong-panahong siyensya at teknolohiya, pati na ang lubhang maunlad na industriya, agrikultura, at pagnenegosyo ay hindi makita kahit saan. Sa halip, binibigyang-diin lamang nito ang mga ritwal na pyudal na ipinalaganap ng sinaunang “mga unggoy” upang sadyang gambalain, labanan, at lansagin ang gawain ng Diyos. Hindi lamang nito patuloy na sinaktan ang tao hanggang sa araw na ito, kundi nais pa nitong lunukin[1] nang buo ang tao. Ang paghahatid ng moral at etikal na mga turo ng pyudalismo at ang pagpapasa ng kaalaman tungkol sa sinaunang kultura ay matagal nang nahawahan ang sangkatauhan, at ginawa silang mga diyablong malalaki at maliliit. Iilan lamang ang masayang tatanggap sa Diyos, at buong kagalakang sasalubong sa Kanyang pagdating. Ang mukha ng buong sangkatauhan ay puno ng intensyong pumatay, at sa lahat ng lugar, bumabalot sa paligid ang mapamatay na awra. Hangad nilang palayasin ang Diyos mula sa lupaing ito; hawak ang mga kutsilyo at espada, inaayos nila ang kanilang sarili sa pakikipaglaban upang “puksain” ang Diyos. Sa buong lupaing ito ng mga diyablo, kung saan palaging itinuturo na walang Diyos, nagkalat ang mga diyos-diyosan, at ang hangin sa itaas ay puno ng nakasusukang amoy ng sunog na papel at insenso, na masyadong makapal kaya mahirap huminga. Para iyong amoy ng putik na sumisingaw pataas sa pagpulupot ng makamandag na ahas, kaya hindi mapigilan na masuka. Bukod dito, bahagyang maririnig ang ingay ng masasamang demonyo na sabay-sabay na sinasambit ang mga kasulatan, isang ingay na tila nanggagaling sa malayong impiyerno, kaya hindi mapigilan na manginig. Sa lahat ng dako ng lupaing ito ay may nakalagay na mga diyos-diyosan na kakulay ng bahaghari, na ginagawang isang mundo ng mahahalay na kasiyahan ang lupain, samantalang patuloy na humahalakhak nang buong kasamaan ang hari ng mga diyablo, na para bang nagtagumpay na ang masamang balak nito. Samantala, nananatiling lubos na walang alam ang tao, at ni wala rin siyang kamalay-malay na nagawa na siyang tiwali ng diyablo hanggang sa punto kung saan nawalan na siya ng pakiramdam at nakayuko dahil sa pagkatalo. Nais nitong palisin, sa isang iglap, ang lahat ng tungkol sa Diyos, at muli Siyang bigyang-kahihiyan at paslangin; hangad nitong ibagsak at guluhin ang Kanyang gawain. Paano nito matutulutan ang Diyos na makapantay sa katayuan? Paano nito matitiis na “humadlang” ang Diyos sa gawain nito sa mga tao sa lupa? Paano nito matutulutan ang Diyos na ilantad ang kasuklam-suklam nitong mukha? Paano nito matutulutan ang Diyos na gambalain ang gawain nito? Paano mapapayagan ng diyablong ito, na nagpupuyos ang galit, na makontrol ng Diyos ang maharlikang hukuman nito sa lupa? Paano nito matatanggap nang maluwag ang nakahihigit na kapangyarihan Niya? Nabunyag na ang kasuklam-suklam nitong mukha kung ano talaga ito, kaya hindi alam ng tao kung tatawa o iiyak, at talagang mahirap itong masabi. Hindi ba ito ang diwa nito? Nang may pangit na kaluluwa, naniniwala pa rin ito na di-kapani-paniwala ang kagandahan nito. Ang grupong ito ng magkakasabuwat sa krimen![2] Bumababa sila sa mundo ng mga mortal upang magpakasaya at magsanhi ng kaguluhan, na ginugulo nang husto ang mga bagay-bagay kaya nagiging salawahan at pabagu-bago ang mundo at natataranta at hindi mapakali ang puso ng tao, at napaglaruan nila nang husto ang tao kaya nagmukha siyang isang malupit na hayop sa parang, napakapangit, at nawala na ang pinakahuling bakas ng orihinal na taong dalisay. Bukod pa rito, nais pa nilang kunin ang pinakamataas na kapangyarihan sa lupa. Hinahadlangan nila nang husto ang gawain ng Diyos kaya hindi ito halos makasulong, at sinasarhan nila ang tao nang kasinghigpit ng mga pader na tanso at bakal. Dahil napakaraming nagawang kasalanan at nagsanhi ng napakaraming kalamidad, may inaasahan pa ba silang iba maliban sa pagkastigo? May ilang panahon nang naghuhuramentado ang mga demonyo at masasamang espiritu sa lupa, at nasarhan na kapwa ang mga layunin at ang dugo ng puso ng Diyos kaya hindi na mapasok ang mga ito. Totoo, mortal na kasalanan ito! Paanong hindi mababalisa ang Diyos? Paanong hindi mapopoot ang Diyos? Matindi na nilang hinadlangan at kinalaban ang gawain ng Diyos: Napakamapaghimagsik!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (7)

Mga Talababa:

1. Ang “lunukin” ay tumutukoy sa marahas na pag-uugali ng hari ng mga diyablo, na sinasaklot nang buo ang mga tao.

2. Ang “magkakasabuwat sa krimen” ay kapareho ng uri ng “isang grupo ng mga butangero.”

Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at pagkokondisyon ng mga pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang mga maladiyablong salita ay naging buhay at kalikasan na ng tao. “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” ay isang sikat na satanikong kasabihan na tumagos na sa lahat at naging buhay nila. May iba pang mga salita ng pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na katulad nito. Ginagamit ni Satanas ang tradisyonal na kultura ng bawat bayan para turuan, iligaw, at gawing tiwali ang mga tao, nagsasanhi sa sangkatauhan na mahulog sa isang walang-hanggang bangin ng pagkawasak, at sa huli, malipol ng Diyos dahil naglilingkod sila kay Satanas at nilalabanan nila ang Diyos. Ang ilang tao ay naglingkod bilang mga opisyal ng gobyerno sa lipunan sa loob ng deka-dekada. Isipin na kunwari ay itinatanong mo sa kanila ang tanong na ito: “Naging napakahusay mo sa kapasidad na ito, anong mga bantog na kasabihan ang batayan mo sa buhay?” Maaaring sabihin nila, “Ang nag-iisang bagay na nauunawaan ko ay ito: ‘Hindi gagalawin ng mga opisyal ang mga sipsip sa kanila, at ang mga hindi nambobola ay walang mapapala.’” Ito ang satanikong pilosopiya na pinagbabatayan ng kanilang karera. Hindi ba kumakatawan ang mga salitang ito sa kalikasan ng gayong mga tao? Naging kalikasan na nila ang walang-pakundangang paggamit ng anumang paraan para makakuha ng katungkulan, at ang pagiging opisyal at tagumpay sa karera ang kanilang mga layon. Maraming ibang lason ni Satanas sa buhay, kilos, at sariling asal ng mga tao. Halimbawa, ang mga pilosopiya nila para sa mga makamundong pakikitungo, ang kanilang mga taktika sa paggawa ng mga bagay-bagay, at kanilang mga kasabihan ay pawang puno ng mga lason ng malaking pulang dragon, at lahat ng ito ay galing kay Satanas. Kaya, lahat ng tumatagos sa mga buto at dugo ng mga tao ay kay Satanas. Lahat ng opisyal na iyon, ang mga may hawak ng kapangyarihan, at yaong mga matagumpay ay may sarili nilang mga landas at lihim sa tagumpay. Hindi ba lubos na kumakatawan ang mga lihim na iyon sa kanilang kalikasan? May kakayahan silang magsagawa ng malalaking proyekto sa mundo, at walang sinumang nakakakilatis sa mga pakana at intrigang nasa likod ng mga iyon. Ipinapakita nito na lubhang lihim na mapanira at mapaminsala ang kanilang kalikasan. Labis nang nagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ang kamandag ni Satanas ay dumadaloy sa dugo ng bawat tao, at masasabi na ang kalikasan ng tao ay tiwali, buktot, lumalaban, at salungat sa Diyos, puno at lubos na nakalubog sa mga pilosopiya at lason ni Satanas. Ito ay naging ganap na kalikasang diwa ni Satanas. Ito ang dahilan kung bakit nilalabanan ng mga tao ang Diyos at mapanlaban sila sa Kanya.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Sa proseso ng pagkuha ng mga tao ng kaalaman, sa pamamagitan ng paggamit ng lahat ng uri ng pamamaraan, maging ito man ay pagkukuwento, simpleng pagbibigay sa kanila ng ilang kaalaman, o pagpapahintulot sa kanila na tugunan ang kanilang mga pagnanais o adhikain, anong daan ba talaga nais akayin ni Satanas ang mga tao? Iniisip ng mga tao na walang mali sa pagkatuto ng kaalaman, na ito ay ganap na likas at may katwiran. Upang ilagay ito sa paraang nakakaakit pakinggan, ang magtatag ng matatayog na adhikain o ang magkaroon ng mga ambisyon ay pagkakaroon ng mga motibasyon, at ito dapat ang tamang landas sa buhay. Kung maisasakatuparan ng isang tao ang sarili niyang mga adhikain, o makapagtatatag ng isang matagumpay na propesyon sa kanyang buhay, hindi ba’t mas maluwalhati iyon na pamumuhay? Sa ganitong paraan, hindi lamang mapararangalan ng isang tao ang sariling mga ninuno kundi magkakaroon din siya ng pagkakataon na mag-iwan ng bakas para sa darating na mga henerasyon—hindi ba’t mabuting bagay ito? Ito ay isang mabuting bagay sa mga mata ng mga taong makamundo, at sa kanila ay dapat itong maging angkop at positibo. Si Satanas ba, gayumpaman, nang may mga masasamang motibo, ay umaakay sa mga tao pababa sa gayong daan at pagkatapos ay ganoon na lamang? Siyempre hindi. Sa katunayan, gaano man kaengrande ang mga adhikain ng tao, gaano man kamakatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano man maaaring kaangkop ang mga ito, ang lahat ng gustong matamo ng tao, ang lahat ng hinahanap ng tao, ay hindi mapaghihiwalay na nauugnay sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang mahalaga sa bawat tao sa buong buhay nila, at ang mga ito ay mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Ano ang dalawang salitang ito? Ang mga ito ay “kasikatan” at “pakinabang.” Gumagamit si Satanas ng isang napakabanayad na paraan, isang paraan na lubos na naaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, at na hindi masyadong agresibo, para magdulot sa mga tao na tanggapin nila nang hindi nila namamalayan ang mga paraan at batas nito ng pananatiling buhay, makagawa ng mga layon sa buhay at direksyon sa buhay, at magtaglay ng mga adhikain sa buhay. Gaano man tila katayog pakinggan ang mga paglalarawan ng mga tao sa kanilang mga adhikain sa buhay, ang mga adhikain na ito ay palaging umiikot lamang sa kasikatan at pakinabang. Ang lahat ng hinahabol ng sinumang dakila o sikat na tao—o, sa katunayan, ng sinumang tao—sa buong buhay niya ay nauugnay lang sa dalawang salitang ito: “kasikatan” at “pakinabang.” Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng kasikatan at pakinabang, may kapital sila para magtamasa ng mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang magsaya sa buhay. Iniisip nila na sa sandaling mayroon na silang kasikatan at pakinabang, may kapital na sila para maghangad ng kasiyahan at makibahagi sa walang-pakundangang pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito na ninanais nila, ang mga tao ay masaya at di-namamalayang ibinibigay kay Satanas ang kanilang mga katawan, puso, at maging ang lahat ng mayroon sila, kasama na ang kanilang kinabukasan at kapalaran. Ginagawa nila ito nang walang reserbasyon, ni wala ni isang sandali ng pagdududa, at hindi kailanman nalalaman na bawiin ang lahat ng minsang mayroon sila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling isuko na nila ang kanilang sarili kay Satanas at maging tapat dito sa ganitong paraan? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila ay ganap at lubos na nalugmok sa putikang ito, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa kasikatan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang kung ano ang maliwanag, ang makatarungan, o ang mga bagay na iyon na maganda at mabuti. Ito ay dahil masyadong malakas ang pang-aakit sa mga tao ng kasikatan at pakinabang, at ang mga ito ay mga bagay na puwedeng hangarin ng mga tao nang walang katapusan sa buong buhay nila at maging sa magpasawalang hanggan. Hindi ba’t ito ang aktuwal na sitwasyon? Ang ilang tao ay magsasabing ang pagkatuto ng kaalaman ay hanggang sa pagbabasa lamang ng mga aklat at pagkatuto ng ilang bagay na hindi mo pa alam upang hindi mahuli sa panahon o hindi mapag-iwanan ng mundo. Ang kaalaman ay pinag-aaralan lamang upang makapaglagay ng pagkain sa iyong hapag, para sa iyong sariling kinabukasan, o para matustusan ang pangunahing mga pangangailangan. Mayroon bang kahit sinong tao ang magtitiis ng isang dekada ng puspusang pag-aaral para lamang sa pangunahing mga pangangailangan, para lamang lutasin ang usapin ng pagkain? Wala, walang mga taong ganito. Kaya bakit nagtitiis sa mga paghihirap na ito ang isang tao sa lahat ng mga taon na ito? Ito ay para sa kasikatan at pakinabang. Ang kasikatan at pakinabang ay naghihintay para sa kanila sa di-kalayuan, tumatawag sa kanila, at naniniwala sila na sa pamamagitan ng kanilang sariling sipag, mga paghihirap at pagpupunyagi saka lamang sila makakatahak sa daan na magdadala sa kanila sa kasikatan at pakinabang, sa gayon ay magkakamit ng mga bagay na ito. Ang gayong tao ay dapat magdusa ng mga paghihirap na ito para sa kanilang sariling landas sa hinaharap, para sa kanilang pagtamasa sa hinaharap at upang magkamit ng mas magandang buhay. Ano naman kaya ang kaalamang ito—maaari ba ninyong sabihin sa Akin? Hindi ba’t ito ang mga panuntunan at pilosopiya sa pamumuhay na ikinikintal ni Satanas sa tao, tulad ng “Mahalin ang Partido, mahalin ang bayan, at mahalin ang iyong relihiyon” at “Ang isang matalinong tao ay nagpapasakop sa mga sitwasyon”? Hindi ba ito ang “matatayog na adhikain” ng buhay na ikinintal sa tao ni Satanas, gaya ng mga kaisipan ng mga dakilang tao, ang integridad ng mga sikat o matatapang na espiritu ng mga bayani, o ang pagkamaginoo at kabaitan ng mga kabalyero at mga eskrimador sa mga nobela ng sining ng pakikipaglaban? Ang mga ideya at pahayag na ito ay nakakaimpluwensiya sa sali’t salinlahi; maraming tao ang tumatanggap sa mga ideyang ito, at sila ay naghahangad, nakikibaka, at handa pa ngang isakripisyo ang kanilang buhay para tuparin ang “matatayog na adhikain” na ito. Ito ang kaparaanan at metodo kung saan ginagamit ni Satanas ang kaalaman para gawing tiwali ang mga tao. Kaya matapos akayin ni Satanas ang mga tao sa landas na ito, nagagawa ba nilang magpasakop at sambahin ang Diyos? At nagagawa ba nilang tanggapin ang mga salita ng Diyos at hangarin ang katotohanan? Talagang hindi—dahil nailigaw na sila ni Satanas. Isaalang-alang natin ito ngayon: Sa loob ng kaalaman, mga ideya, at pananaw na ikinintal ni Satanas sa mga tao, naroon ba ang mga katotohanan ng pagpapasakop sa Diyos at pagsamba sa Diyos? Naroon ba ang mga katotohanan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan? Naroon ba ang anuman sa mga salita ng Diyos? Mayroon bang anuman sa mga iyon na sa katotohanan? Wala talaga—walang-wala ang mga bagay na ito. Matitiyak ba ninyo na hindi naglalaman ng katotohanan ang mga bagay na ikinintal ni Satanas sa mga tao? Hindi ka nangangahas—ngunit hindi mahalaga iyon. Hangga’t nakikilala mo na ang “kasikatan” at “pakinabang” ay ang dalawang susing salita na ginagamit ni Satanas upang akitin ang mga tao sa landas ng kabuktutan, sapat na kung gayon.

… Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang mga kaisipan ng mga tao, wala nang ibang ipinapaisip sa kanila kundi ang dalawang bagay na ito at idinudulot sa kanila na makibaka para sa kasikatan at pakinabang, magdusa ng mga paghihirap para sa kasikatan at pakinabang, magtiis ng kahihiyan at magbuhat ng mabibigat na pasanin para sa kasikatan at pakinabang, magsakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa kasikatan at pakinabang, at gumawa ng bawat paghuhusga o pagpapasya alang-alang sa kasikatan at pakinabang. Sa ganitong paraan, naglalagay si Satanas ng mga di-nakikitang kadena sa mga tao, at, sa mga kadenang ito, wala silang abilidad ni tapang na makaalpas. Nang di-namamalayan, dala-dala nila ang mga kadenang ito habang naglalakad-lakad sila nang hakbang-hakbang, nang may labis na paghihirap. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito, lumilihis ang sangkatauhan mula sa Diyos at ipinagkakanulo Siya at lalo silang nagiging buktot. Sa ganitong paraan, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng kasikatan at pakinabang ni Satanas.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

Paano ginagamit ni Satanas ang siyensya upang gawing tiwali ang mga tao? … Ang nagagawa lamang ng siyensya ay pahintulutan ang mga tao na makita ang mga bagay sa pisikal na mundo, at bigyang-kasiyahan ang pagkamausisa ng tao, ngunit hindi nito mabibigyan ng kakayahan ang tao na makita ang mga batas ng kapamahalaan ng Diyos sa lahat ng bagay. Tila nakakahanap ang tao ng mga kasagutan mula sa siyensya, ngunit ang mga kasagutang iyon ay nakalilito at nagdadala lamang ng panandaliang kasiyahan, kasiyahan na nagkukulong lamang sa puso ng tao sa pisikal na mundo. Nararamdaman ng tao na nakakuha sila ng mga kasagutan mula sa siyensya, kaya naman anumang usapin ang lumitaw, ginagamit nila ang kanilang mga siyentipikong pananaw bilang batayan para patunayan at tanggapin ang isyung iyon. Naaakit ng siyensya ang puso ng tao at ito ay naaangkin nito hanggang sa wala nang hangarin ang tao na makilala ang Diyos, sambahin ang Diyos, at paniwalaan na ang lahat ng bagay ay nanggagaling sa Diyos at dapat na sa Kanya maghanap ang tao ng mga kasagutan. Hindi ba ito totoo? Habang lalong naniniwala ang isang tao sa siyensya, mas lalo silang nagiging kakatwa, naniniwalang ang lahat ay may siyentipikong solusyon, na lahat ay kayang lutasin ng pananaliksik. Hindi nila hinahanap ang Diyos at hindi sila naniniwala na mayroong Diyos. Maraming matagal nang mananampalataya sa Diyos na gumagamit ng computer kapag naharap sa anumang problema, para maghanap at magsaliksik para sa mga sagot; naniniwala lamang sila sa siyentipikong kaalaman. Hindi sila naniniwala na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, hindi sila naniniwala na malulutas ng mga salita ng Diyos ang lahat ng problema ng sangkatauhan, hindi nila tinitingnan ang bawat problema ng sangkatauhan mula sa perspektiba ng katotohanan. Anumang problema ang kanilang nakakaharap, hindi sila nagdarasal sa Diyos kailanman o naghahanap ng solusyon sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan sa mga salita ng Diyos. Sa maraming bagay, mas gusto nilang maniwala na kaalaman ang makakalutas sa problema; para sa kanila, ang siyensya ang huling sagot. Ganap na wala ang Diyos sa puso ng gayong mga tao. Sila ay mga hindi mananampalataya, at ang kanilang mga pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos ay hindi naiiba sa maraming kilalang akademiko at siyentipiko, na laging sumusubok na suriin ang Diyos gamit ang mga pamamaraan ng siyensya. Halimbawa, maraming eksperto sa relihiyon ang nakapunta na sa bundok kung saan napadpad ang arko, at sa gayon ay napatunayan nila na mayroon ngang arko. Ngunit hindi nila nakikita na mayroong Diyos sa hitsura ng arko. Naniniwala lamang sila sa mga kuwento at sa kasaysayan; ito ang resulta ng kanilang siyentipikong pananaliksik at pag-aaral ng pisikal na mundo. Kung nagsasaliksik ka sa mga materyal na bagay, maging ito man ay mikrobiyolohiya, astronomiya, o heograpiya, hindi mo kailanman mahahanap ang isang resulta na tumutukoy na umiiral ang Diyos o na mayroon Siyang kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Kung gayon, ano ang ginagawa ng siyensya para sa tao? Hindi ba nito inilalayo ang tao mula sa Diyos? Hindi ba ito nagsasanhi sa mga tao na isailalim sa pag-aaral ang Diyos? Hindi ba nito mas pinagdududa ang mga tao sa kairalan at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at sa gayon ay itinatatwa at ipinagkakanulo ang Diyos? Ito ang kinahinatnan. Kaya kapag ginagamit ni Satanas ang siyensya upang gawing tiwali ang tao, anong pakay ang sinisikap na makamit ni Satanas? Gusto nitong gamitin ang mga konklusyong siyentipiko upang iligaw at gawing manhid ang mga tao, at gamitin ang mga malabong kasagutan upang sakupin ang puso ng mga tao para hindi na sila maghanap pa o maniwala na mayroong Diyos. Ito ang dahilan kaya Ko sinasabi na ang siyensya ay isa sa mga paraan na ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V

Ginagawang tiwali at kinokontrol ni Satanas ang tao sa pamamagitan ng mga kalakaran sa lipunan. Ang mga kalakaran sa lipunan ay sumasaklaw sa maraming aspekto, kabilang na ang iba’t ibang aspektong tulad ng pagsamba sa mga tanyag at kilalang mga tao, gayundin sa mga idolo sa pelikula at musika, pagsamba sa artista, mga online game, at iba pa—ang lahat ng ito ay bahagi ng mga kalakaran sa lipunan, at hindi na kailangang idetalye pa iyon dito. Pag-uusapan lamang natin ang mga ideyang idinudulot ng mga kalakaran sa lipunan sa mga tao, kung paano idinudulot ng mga ito na makitungo ang mga tao sa mundo, at ang mga layon at pananaw sa buhay na idinudulot ng mga ito sa mga tao. Napakahalaga ng mga ito; makokontrol at maiimpluwensiyahan ng mga ito ang isipan at mga opinyon ng mga tao. Sunud-sunod ang paglitaw ng mga kalakarang ito, at lahat ng ito ay nagdadala ng masamang impluwensiyang patuloy na nagpapasama sa sangkatauhan, na nagiging sanhi upang ang mga tao ay mawalan ng konsensiya, pagkatao at katwiran, na lalo pang nagpapahina sa kanilang moralidad at integridad, hanggang sa masasabi pa natin na karamihan sa mga tao ngayon ay walang integridad, walang pagkatao, at ni walang anumang konsensiya, at lalong walang anumang katwiran. Kaya ano ang mga kalakarang ito sa lipunan? Ito ang mga kalakarang hindi mo makikita gamit ang karaniwang mata. Kapag lumalaganap ang isang bagong kalakaran sa mundo, marahil ay maliit na bilang lamang ng mga tao ang nangunguna, na gumaganap bilang mga tagapagpauso. Nagsisimula sila sa paggawa ng isang bagay na bago, pagkatapos ay tinatanggap ang isang uri ng ideya o isang uri ng pananaw. Karamihan sa mga tao, gayunman, ay patuloy na mahahawa, maaakit, at mapapasama sa kalakarang ito nang wala silang kamalay-malay, hanggang sa tanggapin nilang lahat ito nang hindi nila alam at hindi sinasadya at malubog sila rito at makontrol nito. Sunud-sunod, ang mga kalakarang iyon ay nagiging sanhi upang ang mga tao, na hindi matino ang katawan at isipan, hindi nalalaman kung ano ang katotohanan, at hindi nakikilala ang kaibhan ng positibo sa negatibong mga bagay, masayang tanggapin ang mga ito gayundin ang mga pananaw at pagpapahalaga sa buhay na nagmumula kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang sabihin sa kanila ni Satanas kung paano harapin ang buhay at ang paraan ng pamumuhay na “ipinagkakaloob” sa kanila ni Satanas, at wala silang lakas ni abilidad, lalo pa ng kamalayan, na lumaban. …

Sa pagtingin sa mga kalakarang panlipunan na ito, masasabi ba ninyo na mayroon silang malaking impluwensiya sa mga tao? Ang mga ito ba ay may matinding nakapipinsalang epekto sa mga tao? Mayroon nga silang napakatinding nakapipinsalang epekto sa mga tao. Sa anong mga aspekto ng tao ginagawang tiwali ni Satanas ang tao gamit ang bawat isa sa mga kalakarang ito? Ginagawang tiwali ni Satanas higit sa lahat ang konsensiya ng tao, kanyang katwiran, pagkatao, moralidad, at mga pananaw sa pag-iral. At hindi ba’t unti-unting pinabababa at ginagawang lalong tiwali ng mga kalakarang panlipunang ito ang mga tao? Ginagamit ni Satanas ang mga kalakarang panlipunang ito upang hakbang-hakbang na akitin ang mga tao sa yungib ng mga diyablo, nang sa gayon ay hindi namamalayan ng mga tao na sumasamba sila sa salapi, mga materyal na pagnanais, kasamaan, at karahasan sa gitna ng mga kalakarang panlipunan. Sa sandaling sambahin ng mga tao ang mga negatibong bagay na ito, nagiging ano sila? Sila ay nagiging mga diyablo at mga Satanas! Ito ay dahil ang puso ng mga tao ay sinasakop ng anumang kanilang sinasamba; kapag sinasamba ng mga tao ang mga negatibong bagay, nagsisimula silang mahalin ang kasamaan at karahasan, at hindi na nila gusto ang kagandahan, kabutihan, at kapayapaan. Ayaw na nilang mamuhay nang simple sa normal na pagkatao, kundi sa halip ay nais na tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, magpakasaya sa laman, ginagawa ang lahat para bigyang-kasiyahan ang sarili nilang laman, nang walang mga paghihigpit o gapos—sa madaling salita, ginagawa ang anumang naisin nila. Kaya kapag nadala ka na sa ganitong uri ng mga kalakaran, matutulungan ka ba ng kaalamang natutuhan mo para palayain ang iyong sarili? Matutulungan ka ba ng mga aspekto ng tradisyonal na kultura at mga pamahiin na alam mo para makatakas mula sa kagipitang ito? Matutulungan ka ba ng mga tradisyonal na moralidad at etiketang alam mo para magpakita ng pagpipigil? Gawin nating halimbawa ang Analects at ang Tao Te Ching. Matutulungan ba ng mga ito ang mga tao na iahon ang kanilang mga paa mula sa putikan ng masasamang kalakarang ito? Talagang hindi. Samakatwid, ang mga tao ay nagiging mas lalong buktot, mayabang, labis na mapagmataas, makasarili, at mapaminsala. Wala nang anumang pagkagiliw at katapatan sa gitna ng mga tao, wala nang anumang pagmamahal sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya, wala nang anumang pagkakaunawaan sa mga magkakamag-anak at magkakaibigan; ang mga ugnayan ng tao ay puno ng karahasan. Nais mamuhay ng bawat tao kasama ng iba gamit ang mararahas na pamamaraan, masiguro ang kanilang kabuhayan gamit ang karahasan, masunggaban ang kanilang mga posisyon at matamo ang kanilang mga pakinabang gamit ang karahasan, at gamitin ang mararahas at mga buktot na paraan para gawin ang anumang gusto nila. Hindi ba’t nakakatakot ang ganitong sangkatauhan? Totoo, lubhang nakakatakot: Hindi lamang nila ipinako ang Diyos sa krus, kundi papatayin din ang lahat ng sumusunod sa Kanya—dahil napakabuktot ng tao.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

Binubuo ni Satanas ang reputasyon nito sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga tao, at madalas nitong ipinakikita ang sarili nito bilang isang tagapanguna at huwaran ng katarungan. Sa ilalim ng pagpapanggap ng pagbabantay sa katarungan, pinipinsala nito ang mga tao, nilalamon ang kanilang mga kaluluwa, at ginagamit ang lahat ng uri ng paraan upang pamanhirin, iligaw, at sulsulan ang tao. Ang layon nito ay pasang-ayunin ang tao at pasunurin sa buktot na asal nito, upang sumama rito ang tao sa paglaban sa awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Gayunman, kapag nakilatis ng isang tao ang mga pagbabalak, pakana at pangit na mukha nito at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o maparusahan at mawasak na kasama nito, binabago ni Satanas ang dating malasantong anyo nito, inaalis ang huwad na maskara nito, at ibinubunyag ang tunay nitong sarili, na buktot, malupit, pangit at mabagsik. Wala itong ibang nais kundi lipulin yaong lahat ng tumatangging sundin ito at yaong mga lumalaban sa buktot nitong mga puwersa. Sa puntong ito, hindi na makakapagpakita si Satanas ng isang mapagkakatiwalaan at maginoong anyo; sa halip, mabubunyag ang pangit at maladiyablong tunay na sarili nito sa likod ng pag-aanyong tupa. Sa sandaling malantad ang mga pakana at tunay na sarili ni Satanas, magpupuyos ito sa labis na pagkapoot at ilalantad ang kalupitan nito. Pagkatapos nito, ang pagnanais nitong pinsalain at lamunin ang mga tao ay lalo lamang titindi. Pinasisiklab ito sa galit dahil sa pagkamulat ng tao sa katotohanan; at nakabubuo ito ng isang makapangyarihang pagkamuhi at paghihiganti laban sa tao dahil sa kanilang paghahangad na magkaroon ng kalayaan at kaliwanagan, at makawala mula sa kulungan nito. Ang labis na poot nito ay naglalayong ipagtanggol at pagtibayin ang kabuktutan nito at ito rin ay isang tunay na pagbubunyag ng malupit na kalikasan nito.

Sa bawat bagay, inilalantad ng kilos ni Satanas ang buktot na kalikasan nito. Mula sa lahat ng buktot na gawa na ginawa ni Satanas sa tao—mula sa naunang mga pagsisikap nito na iligaw ang tao upang sundin ito, hanggang sa panggagamit nito sa tao, kung saan ay kinakaladkad nito ang tao tungo sa mga buktot nitong gawa, hanggang sa paghihiganti ni Satanas sa tao matapos malantad ang tunay nitong anyo; at nakilala at tinalikdan ito ng tao—wala kahit isa sa mga gawang ito ang nabigong ilantad ang buktot na diwa ni Satanas; wala kahit isa ang nabigong patunayan ang katunayan na si Satanas ay walang kaugnayan sa mga positibong bagay at na si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng buktot na bagay. Ang bawat isa sa mga kilos nito ay nangangalaga sa kabuktutan nito, nagpapanatili sa pagpapatuloy ng mga buktot na gawa nito, sumasalungat sa makatarungan at positibong mga bagay, at sumisira sa mga batas at tuntunin ng normal na pag-iral ng sangkatauhan. Ang mga gawang ito ni Satanas ay mapanlaban sa Diyos at ang mga ito ay wawasakin ng poot ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

Kaugnay na mga Himno

Ang mga Bunga ng Pagkawala ng Patnubay ng Diyos sa Sangkatauhan

Kinokontrol ni Satanas ang Kaisipan ng mga Tao Gamit ang Kasikatan at Kapakinabangan

Sinundan: h. Ang pagliligtas ng Diyos ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng pagtanggap sa Kanyang gawain sa mga huling araw at paglisan sa mundo ng relihiyon

Sumunod: b. Ang pinsala at mga kahihinatnang idinudulot ng paghawak ng kapangyarihan ng tiwaling sangkatauhan sa mga tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito