c. Paano winawakasan ng Diyos ang madilim na kapanahunan na sakop ni Satanas sa mga huling araw

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Kapag nagawa nang ganap ang lahat ng tao at naging kaharian ni Cristo ang lahat ng bansa sa daigdig, iyon na ang panahon kung kailan dadagundong ang pitong kulog. Ang kasalukuyang panahon ay isang hakbang pasulong sa yugtong iyon; nailabas na ang utos tungo sa panahong iyon. Ito ang plano ng Diyos, at magkakatotoo ito sa malapit na hinaharap. Gayunman, naisakatuparan na ng Diyos ang lahat ng Kanyang nabigkas. Sa gayon, malinaw na ang mga bansa ng daigdig ay mga kastilyong buhangin lamang, na nanginginig habang papalapit ang pagtaas ng tubig: Napipinto na ang huling araw, at babagsak ang malaking pulang dragon sa ilalim ng salita ng Diyos. Para matiyak na tagumpay na naisasagawa ang Kanyang plano, bumaba na ang mga anghel ng langit sa lupa, na ginagawa ang lahat upang palugurin ang Diyos. Nagpakalat na ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao sa larangan ng digmaan upang makidigma laban sa kaaway. Saanman nagpapakita ang pagkakatawang-tao ay nalilipol ang kaaway sa lugar na iyon. Unang pupuksain ang Tsina; wawasakin ito ng kamay ng Diyos. Hindi talaga maaawa ang Diyos doon. Makikita ang patunay ng mabilis na pagbagsak ng malaking pulang dragon sa patuloy na paggulang ng mga tao; maliwanag itong makikita ng sinuman. Ang paggulang ng mga tao ay isang tanda ng pagpanaw ng kaaway. Isang munting paliwanag ito kung ano ang kahulugan ng “makipaglaban.”

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 10

Lahat ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng Aking mga salita; walang sinumang tao ang maaaring makibahagi, at walang taong makakagawa ng gawaing Aking isasagawa. Lilinisin Ko ang hangin sa lahat ng lupain at pupuksain Ko ang lahat ng bakas ng mga demonyo sa lupa. Nagsimula na Ako, at uumpisahan Ko ang unang hakbang ng Aking gawain ng pagkastigo sa tirahan ng malaking pulang dragon. Kaya makikita na sumapit na ang Aking pagkastigo sa buong sansinukob, at na ang malaking pulang dragon at lahat ng uri ng mga karumal-dumal na espiritu ay mawawalan ng lakas na takasan ang Aking pagkastigo, sapagkat nakatingin Ako sa lahat ng lupain. Kapag natapos na ang Aking gawain sa lupa, ibig sabihin, kapag nagwakas na ang panahon ng paghatol, pormal Kong kakastiguhin ang malaking pulang dragon. Makikita ng Aking mga tao ang matuwid Kong pagkastigo sa malaking pulang dragon, siguradong magbubuhos sila ng papuri dahil sa Aking pagkamatuwid, at siguradong pupurihin nila ang Aking banal na pangalan magpakailanman dahil sa Aking pagkamatuwid. Dahil dito ay pormal ninyong gagampanan ang inyong tungkulin, at pormal ninyo Akong pupurihin sa buong lupain, magpakailan pa man!

Kapag ang panahon ng paghatol ay umabot na sa rurok nito, hindi Ko mamadaliin ang pagtapos sa Aking gawain, kundi isasama Ko rito ang katibayan ng panahon ng pagkastigo at tutulutan Kong makita ng lahat ng tao Ko ang katibayang ito; dito lalabas ang mas malaking bunga. Ang katibayang ito ang kaparaanang gagamitin Ko sa pagkastigo sa malaking pulang dragon, at hahayaan Kong mamasdan ito ng Aking mga tao sa sarili nilang mga mata upang mas malaman nila ang Aking disposisyon. Ang panahon na matatamasa Ako ng Aking mga tao ay kapag kinastigo ang malaking pulang dragon. Plano Kong gawing dahilan ito upang magbangon at maghimagsik ang mga tao ng malaking pulang dragon, at ito ang pamamaraang ginagamit Ko upang gawing perpekto ang Aking mga tao, at magandang pagkakataon ito upang lumago sa buhay ang lahat ng tao Ko. … Ngayon, sumusulong Ako na kasabay ng tao patungo sa panahon ng pagkastigo, sumusulong na kasabay siya sa Aking tabi. Ginagawa Ko ang Aking gawain, ibig sabihin, hinahampas Ko ng Aking tungkod ang tao at tumatama ito sa bahaging mapaghimagsik sa tao. Sa mga mata ng tao, tila may kakaibang mga kapangyarihan ang Aking tungkod: Sumasapit ito sa lahat ng Aking kaaway at hindi sila madaling pinatatawad nito; sa lahat ng kumokontra sa Akin, ginagampanan ng tungkod ang likas na tungkulin nito; ginagampanan ng lahat ng nasa Aking mga kamay ang kanilang tungkulin ayon sa Aking layunin, at hindi nila nasuway kailanman ang Aking mga naisin o nabago ang kanilang diwa. Dahil dito, raragasa ang mga tubig, guguho ang mga bundok, maglalaho ang malalaking ilog, magbabago palagi ang tao, lalamlam ang araw, magdidilim ang buwan, wala nang mga panahon na mamumuhay sa kapayapaan ang tao, mawawalan na ng katahimikan sa lupa, hindi na muling mananatiling panatag at tahimik ang kalangitan, at hindi na magtatagal. Mapapanibago ang lahat ng bagay at mababawi ang kanilang orihinal na anyo. Magkakawatak-watak ang lahat ng sambahayan sa lupa, at mahahati-hati ang lahat ng bansa sa mundo; mawawala na ang mga panahon na magbabalikan ang mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. Dudurugin Ko ang lahat ng dating nasa lupa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 28

Masasabi na lahat ng binigkas ngayon ay nagpopropesiya ng mga mangyayari sa hinaharap; ang mga pahayag na ito ay ang paraan ng Diyos sa pagsasaayos para sa susunod na hakbang ng Kanyang gawain. Halos tapos na ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga tao ng iglesia, at pagkatapos ay magpapakita Siya sa lahat ng tao nang may galit. Sabi nga ng Diyos, “Papangyarihin Ko na kilalanin ng mga tao sa lupa ang Aking mga ginagawa, at mapapatunayan ang Aking mga gawa sa harap ng ‘luklukan ng paghatol,’ upang ang mga iyon ay kilalanin ng mga tao sa buong daigdig, na magsisisukong lahat.” May nakita ba kayong anuman sa mga salitang ito? Narito ang buod ng susunod na bahagi ng gawain ng Diyos. Una, papangyarihin ng Diyos na lubos na makumbinsi ang lahat ng asong bantay na may-kapangyarihan sa pulitika at paaatrasin sila nang may pagkukusa mula sa yugto ng kasaysayan, upang hindi na muling makipag-agawan kailanman para sa katayuan, at hindi na muling mag-abala kailanman sa mga pakana at intriga. Ang gawaing ito ay kailangang isakatuparan sa pamamagitan ng Diyos, sa pamamagitan ng pagpapadala ng iba-ibang kalamidad sa lupa. Ngunit hindi talaga sa ganitong sitwasyon magpapakita ang Diyos. Sa panahong ito, ang bansa ng malaking pulang dragon ay magiging lupain pa rin ng karumihan, at samakatuwid ay hindi magpapakita ang Diyos, kundi lalabas lamang sa pamamagitan ng pagkastigo. Ganyan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, na hindi matatakasan ninuman. Sa panahong ito, lahat ng nananahan sa bansa ng malaking pulang dragon ay daranas ng kalamidad, na natural lamang na kasama ang kaharian sa lupa (ang iglesia). Ito ang mismong panahon kung kailan lalabas ang mga katunayan, kaya nga mararanasan ito ng lahat ng tao, at walang sinumang makakatakas. Itinalaga na ito ng Diyos. Dahil mismo sa hakbang na ito ng gawain kaya sinasabi ng Diyos, “Ngayon ang panahon upang isakatuparan ang malalaking plano.” Dahil, sa hinaharap, wala nang iglesia sa lupa, at dahil sa pagdating ng matinding kapahamakan, ang makakaya lamang isipin ng mga tao ay ang nasa harapan nila, at kaliligtaan na nila ang iba pa, at magiging mahirap para sa kanila na matamasa ang Diyos sa gitna ng matinding kapahamakan. Sa gayon, hinihiling sa mga tao na buong-puso nilang mahalin ang Diyos sa kamangha-manghang panahong ito, upang hindi sila malagpasan ng pagkakataon. Kapag lumipas na ang katunayang ito, lubusan nang natalo ng Diyos ang malaking pulang dragon, at sa gayon ay nagwakas na ang gawain ng patotoo ng mga tao ng Diyos; pagkatapos, sisimulan ng Diyos ang susunod na hakbang ng gawain, ang pagwasak sa bansa ng malaking pulang dragon, at sa kahuli-hulihan ay ipapako sa krus nang pabaligtad ang lahat ng tao sa buong sansinukob, at pagkatapos ay lilipulin Niya ang buong sangkatauhan—ito ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa hinaharap.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 42

Kapag inilalabas ng Diyos ang Kanyang matinding galit, mararanasan ng buong mundo ang lahat ng uri ng sakuna dahil dito, tulad ng pagputok ng isang bulkan. Nakatayo sa itaas sa langit, makikita na sa lupa, lahat ng uri ng kalamidad ay dumarating sa buong sangkatauhan, papalapit bawat araw. Habang nakatingin sa ibaba mula sa itaas, nagpapakita ang daigdig ng sari-saring mga tagpo na gaya noong bago dumating ang isang lindol. Hindi mapigil ang pagkalat ng likidong apoy, dumadaloy nang malaya ang kumukulong putik, nagbabago ang mga bundok, at kumikislap ang malamig na liwanag sa lahat. Nasadlak na sa apoy ang buong mundo. Ito ang tagpo ng paglalabas ng Diyos ng Kanyang galit, at ito ang panahon ng Kanyang paghatol. Lahat ng mayroong laman at dugo ay hindi makakatakas. Sa gayon, ang mga digmaan sa pagitan ng mga bansa at mga alitan sa pagitan ng mga tao ay hindi kakailanganin para wasakin ang buong mundo; sa halip, ang mundo ay “sadyang masisiyahan sa sarili nito” sa loob ng duyan ng pagkastigo ng Diyos. Walang makakatakas; bawat tao ay kailangang magdaan sa pagsubok na ito, nang isa-isa. Pagkatapos niyon, ang buong sansinukob ay muling kikislap sa banal na kaningningan at ang buong sangkatauhan ay muling magsisimula ng isang bagong buhay. At mamamahinga ang Diyos sa ibabaw ng sansinukob at pagpapalain ang buong sangkatauhan bawat araw.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 18

Ngunit hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

Habang lumalakas ang Aking tinig, pinagmamasdan Ko rin ang kalagayan ng sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, nababagong lahat ang napakaraming bagay na nilikha. Nagbabago ang langit, gayundin ang lupa. Ang sangkatauhan ay inilalantad sa orihinal na anyo nito at, dahan-dahan, bawat tao ay nakahiwalay ayon sa kanilang uri, at nahahanap ang kanilang landas nang hindi namamalayan pabalik sa sinapupunan ng kanilang pamilya. Lubha itong makalulugod sa Akin. Malaya Ako sa panggugulo at, hindi halata, naisasakatuparan ang Aking dakilang gawain, at binabagong lahat ang napakaraming bagay na nilikha. Nang likhain Ko ang mundo, ginawa Ko ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, na isinasama ang lahat ng bagay na magkakapareho ang anyo sa kauri ng mga ito. Habang nalalapit ang pagtatapos ng Aking plano ng pamamahala, ipanunumbalik Ko ang dating kalagayan ng paglikha; ipanunumbalik Ko ang lahat ng bagay sa orihinal nitong ayos, na gumagawa ng malaking pagbabago sa lahat ng bagay, upang lahat ng bagay ay mabalik sa pinagmulan ng Aking plano. Dumating na ang panahon! Ang huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad. Ah, maruming lumang mundo! Tiyak na sasailalim ka sa Aking mga salita! Tiyak na mawawalan ka ng halaga ayon sa Aking plano! Ah, ang napakaraming bagay ng paglikha! Magtatamo kayong lahat ng bagong buhay ayon sa Aking mga salita—mapapasainyo ang inyong Panginoong makapangyarihan sa lahat! Ah, dalisay at walang-bahid dungis na bagong mundo! Tiyak na muli kang mabubuhay sa loob ng Aking kaluwalhatian! Ah, Bundok ng Sion! Huwag nang manahimik—nakabalik na Ako nang matagumpay! Mula sa gitna ng paglikha, sinisiyasat Ko ang buong daigdig. Sa lupa, nagsimula na ng bagong buhay at nagkamit na ng bagong pag-asa ang sangkatauhan. Ah, Aking mga tao! Paanong hindi kayo muling mabubuhay sa loob ng Aking liwanag? Paanong hindi kayo magtatalunan sa galak sa ilalim ng Aking patnubay? Nagsisigawan sa saya ang mga lupain, namamaos sa masayang paghalakhak ang katubigan! Ah, ang nabuhay na mag-uling Israel! Paanong hindi ka magmamalaki dahil sa Aking itinakdang hantungan? Sino ang napaiyak? Sino ang napahagulgol? Ang dating Israel ay nawala na, at ang Israel sa ngayon ay nagbangon na, nang tuwid at matayog sa mundo, at nakatayo sa puso ng buong sangkatauhan. Tiyak na matatamo ng Israel ngayon ang pinagmumulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, kasuklam-suklam na Ehipto! Siguro naman ay hindi ka na laban sa Akin? Paano mo nagagawang samantalahin ang Aking awa at sinusubukang takasan ang Aking pagkastigo? Paanong hindi ka makairal sa loob ng Aking pagkastigo? Lahat ng Aking minamahal ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at lahat ng laban sa Akin ay tiyak na kakastiguhin Ko nang walang hanggan. Sapagkat Ako ay isang mapanibughuing Diyos at hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang nagawa. Babantayan Ko ang buong daigdig at, habang nagpapakita sa Silangan ng mundo nang may katuwiran, kamahalan, poot, at pagkastigo, ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26

Ang Aking gawain ay tatagal lamang ng anim-na-libong taon, at Ako ay nangako na ang pagkontrol ng masama sa buong sangkatauhan ay hindi rin tatagal nang higit sa anim-na-libong taon. At ngayon, tapos na ang oras. Hindi Ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa panahon ng mga huling araw Aking lulupigin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng kaluluwa sa lupa na kabilang sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay maaaring makawala sa dagat ng pagdurusa, at sa gayon matatapos na ang Aking buong gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na Ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi na muling gagawa pa sa lupa ang Aking Espiritu na nagkokontrol-ng-lahat. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Huhubugin Kong muli ang sangkatauhan, isang sangkatauhan na banal at siyang Aking tapat na lungsod sa lupa. Nguni’t alamin ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko yaong natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong bahaging nagmamahal sa Akin at lubusan Kong nalulupig, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng kasaganaan ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, nguni’t hindi ito ang magiging karumal-dumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi isang sangkatauhan na natipon mula sa lahat niyaong Aking mga natamo. Ang sangkatauhang iyon ay hindi mapipinsala, magagambala, o makukubkob ni Satanas, at magiging ang tanging sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong nagtagumpay laban kay Satanas. Ito ang sangkatauhan na nalulupig Ko na ngayon at nagtatamo ng Aking pangako. At sa gayon, ang sangkatauhan na nalulupig sa panahon ng mga huling araw ay siya ring sangkatauhan na maliligtas at magtatamo ng Aking walang-hanggang mga pagpapala. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging mga nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Itong mga nasamsam sa digmaan ay Aking naililigtas mula sa kapangyarihan ni Satanas, at ang tanging pagkakabuu-buo at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat bansa at denominasyon, mula sa bawat lugar at bayan, sa buong sansinukob. Sila ay galing sa iba’t ibang lahi, may iba’t ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng bansa at denominasyon sa buong mundo, at maging sa bawat sulok ng mundo. Hindi magtatagal, sila ay magsasama-sama upang buuin ang isang ganap na sangkatauhan, isang pagtitipon ng tao na hindi kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas. Yaong mga nasa gitna ng sangkatauhan na hindi Ko nailigtas at nalupig ay tahimik na lulubog sa kailaliman ng dagat, at masusunog ng Aking tumutupok na apoy nang walang-hanggan. Lilipulin Ko itong luma at sukdulan ang karumihang sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na anak at mga baka sa Ehipto, itinira lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa hamba ng kanilang mga pinto. Hindi ba’t ang mga taong Aking nalulupig at mula sa Aking pamilya ay siya ring mga taong kumakain ng laman ng Cordero na Ako at umiinom ng dugo ng Cordero na Ako, at Aking natubos at sumasamba sa Akin? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba yaong mga wala ng laman ng Cordero na Ako, ay tahimik nang nakalubog sa kailaliman ng dagat? Ngayon sumasalungat kayo sa Akin, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang niyaong mga sinabi ni Jehova sa mga lalaking-anak at mga lalaking-apo ng Israel. Nguni’t ang katigasan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay nagsasanhi ng Aking poot para maipon, nagdudulot ng higit pang pagdurusa sa inyong mga laman, higit pang paghatol sa inyong mga kasalanan, at higit pang poot sa inyong di-pagkamakatuwiran. Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin sa ngayon? Kaninong di-pagkamakatuwiran ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng pagkastigo? Kaninong mga kasalanan ang makakaiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong paglaban ang makakatakas ng Aking paghatol, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, si Jehova, ay nagsasalita sa inyo, mga inapo ng pamilyang Hentil, at ang mga salitang binibigkas Ko sa inyo ay higit sa lahat ng pagbigkas sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, nguni’t kayo ay mas matigas pa sa lahat ng tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang Ako ay mapayapang gumagawa ng Aking gawain? Paano kayo makakatakas nang walang-pinsala mula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Walang Sinumang May Katawan ang Makakatakas sa Araw ng Poot

Kaugnay na mga Video

Large-scale Gospel Choir Song “Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo”

Gospel Choral Performance “Ibabalik ng Diyos ang Dating Estado ng Paglikha”

Kaugnay na mga Himno

Ganyang Magalit ang Diyos

Bukas na mga Atas Administratibo ng Diyos sa Sansinukob

Mas Gumugulang ang mga Tao ng Diyos, mas Bumabagsak ang Malaking Pulang Dragon

Sinundan: b. Ang pinsala at mga kahihinatnang idinudulot ng paghawak ng kapangyarihan ng tiwaling sangkatauhan sa mga tao

Sumunod: d. Bakit lilipulin ng Diyos ang masasamang tao na lumalaban sa Kanya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito