34. Ano ang pagpapasakop sa Diyos

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang mga tao ay nilikha ng Diyos, at dapat sumamba sa Diyos, ngunit totoong tinalikuran nila Siya at sa halip ay sumamba kay Satanas. Naging diyos-diyosan si Satanas sa kanilang mga puso. Sa gayon, nawalan ang Diyos ng katayuan sa kanilang mga puso, na ang ibig sabihin ay nawalan Siya ng kahulugan sa likod ng paglikha Niya sa sangkatauhan. Samakatuwid, upang mapanumbalik ang kahulugan sa likod ng paglikha Niya sa sangkatauhan, dapat Niyang maipanumbalik ang una nilang wangis at tanggalan ang sangkatauhan ng kanilang tiwaling disposisyon. Upang mabawi ang mga tao mula kay Satanas, dapat Niyang iligtas sila mula sa kasalanan. Tanging sa ganitong paraan Niya unti-unting maipanunumbalik ang una nilang wangis at tungkulin, at sa wakas, ay mapanunumbalik ang kaharian Niya. Ang pangwakas na pagwasak ng yaong mga anak ng paghihimagsik ay isasakatuparan din upang tulutan ang mga tao na higit na mahusay na sambahin ang Diyos at mamuhay sa lupa nang higit na maayos. Sapagkat nilikha ng Diyos ang mga tao, gagawin Niyang sambahin Siya nila; sapagkat ninanais Niyang maipanumbalik ang unang tungkulin ng sangkatauhan, ganap Niya itong ipapanumbalik, at nang walang pagbabawas ng bisa. Ang pagpapanumbalik ng awtoridad Niya ay nangangahulugan ng pagpapasamba at pagpapasakop sa Kanya ng mga tao; nangangahulugan ito na gagawin ng Diyos na mabuhay ang mga tao nang dahil sa Kanya at magdulot na mapahamak ang mga kaaway Niya bilang bunga ng Kanyang awtoridad. Nangangahulugan ito na sasanhiin ng Diyos na maipamalagi sa mga tao ang lahat-lahat ng tungkol sa Kanya nang walang pagtutol mula kahit kanino. Ang kahariang ninanais itatag ng Diyos ay ang sarili Niyang kaharian. Ang sangkatauhang ninanais Niya ay yaong sasamba sa Kanya, yaong ganap na magpapasakop sa Kanya at magpapakita ng luwalhati Niya. Kung hindi ililigtas ng Diyos ang tiwaling sangkatauhan, mawawala ang kahulugan sa likod ng paglikha Niya sa sangkatauhan; mawawalan na Siya ng awtoridad sa mga tao, at hindi na magagawang umiral sa lupa ng kaharian Niya. Kung hindi wawasakin ng Diyos yaong mga kaaway na mapaghimagsik laban sa Kanya, hindi Niya magagawang matamo ang ganap Niyang luwalhati, o hindi rin Niya magagawang itatag ang kaharian Niya sa lupa. Ang mga ito ang magiging mga pananda ng pagtatapos ng gawain Niya at ng mga dakilang katuparan Niya: upang lubos na wasakin yaong mga kabilang sa sangkatauhan na mapaghimagsik laban sa Kanya, at upang dalhin sa pamamahinga yaong mga nagawa nang ganap. Kapag naipanumbalik na ang mga tao sa una nilang wangis, at kapag natutupad na nila ang kani-kanilang mga tungkulin, nananatili sa sarili nilang wastong kinalalagyan at nagpapasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos, natamo na ng Diyos ang isang pangkat ng mga tao na nasa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Hinihingi sa pananampalataya sa Diyos ang pagpapasakop sa Diyos—hindi ba’t napakahalaga nito? Bakit napakahalaga ng katotohanan ng pagpapasakop sa Diyos? Ito ang responsabilidad, likas na gawi, at pangunahing gawain ng isang nilikha. Kung wala ka ng likas na gawi na ito, ng konseptong ito, ng pagkaunawang ito, at hindi mo man lang naaarok ang katotohanan ng pagpapasakop sa Diyos na siyang pangunahin sa lahat ng mananampalataya sa Diyos, kung gayon, kapag sinasabi mong nauunawaan mo ang maraming katotohanan, hindi ba’t walang kabuluhang pagsasalita lang iyon? Pawang walang kabuluhang pagsasalita iyon. Kung hindi mo alam kung paano magsalita sa harap ng Diyos, paano kumilos sa paraang makakapagpalugod sa Lumikha, at hindi mo alam kung alin sa mga kilos mo ang nagpapakita ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, hindi malaking isyu ang mga ito; pero kung hindi mo nauunawaan na dapat kang magpasakop sa Diyos, hindi ba’t nawala na sa iyo ang likas na gawi ng isang tao? Pagkawala nga ito ng likas na gawi ng isang tao at ng pagpapahalaga na dapat taglayin ng isang tao. Lubos na kaawa-awa na hindi mo alam ang pinakamahalagang bagay sa buhay mo, ang pangunahing gawain mo! Nananampalataya kayong lahat sa Diyos nang hindi bababa sa tatlo hanggang limang taon, pero hindi pa rin ninyo nauunawaan kung paano kayo dapat magpasakop sa Diyos bilang mananampalataya sa Diyos—medyo mapanganib ito. Dahil dito, nagiging napakadaling lumaban sa Diyos at ipagkanulo Siya. Hindi alam nina Adan at Eba kung paano magpasakop sa Diyos. Nang sabihin ng Diyos na huwag kainin ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama, paano sila nag-isip? “Sinabi ng Diyos na huwag kainin ito, pero bakit hindi dapat? Hindi ipinaliwanag ng Diyos kung bakit. Sa tingin ko, hindi ko na lang ito kakainin.” Hindi nila ito sineryoso at itinuring nila ang mga salita ng Diyos nang may saloobin na walang paggalang, binabalewala ang mga ito. Nang ilihis sila ni Satanas, ano ang sinabi ni Satanas? (“Tunay bang sinabi ng Diyos, ‘Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?’” (Genesis 3:1). “Maaaring hindi ka talaga mamamatay: Sapagkat talastas ng Diyos na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama” (Genesis 3:4–5).) Ano ang ibig sabihin ni Satanas sa mga salitang ito? “Sinabi ng Diyos na huwag kainin ang bungang iyon, pero ano ang mangyayari kung kainin mo ito? Hindi ka naman talaga mamatay.” Kung mahigpit na kumapit sina Adan at Eba sa mga salita ng Diyos at ganap na nagpasakop sa mga ito, malilinlang kaya sila ni Satanas? (Hindi.) Pero wala silang konsepto ng pagpapasakop sa Diyos sa puso nila. Hindi nila nauunawaan na dapat magpasakop ang mga tao sa Diyos. Wala sila ng mga sumusunod na pag-unawa sa puso nila: “Sinabi ng Diyos na huwag itong kainin, kaya kahit sino pa ang magsabi sa akin na kainin ito, hindi ko ito gagawin. Dapat akong sumunod sa mga salita ng Diyos. Hindi ko alam ang eksaktong dahilan kung bakit ipinagbawal ito ng Diyos o kung talagang nakamamatay ang pagkain nito dahil hindi ko pa ito nasubukan. Pwedeng magdulot ito ng kamatayan o hindi, pero dapat kong sundin ang sinabi ng Diyos na gawin ko.” Hindi sumunod sina Adan at Eba sa mga salita ng Diyos, kaya nagpadala sila sa tukso ng ahas, ipinagkanulo nila ang Diyos, at bumagsak sila sa kasalanan. Mahalaga ba ang pagpapasakop sa Diyos? (Oo.) Para makamit ang pagpapasakop sa Diyos, hindi mo talaga kailangang maunawaan ang maraming katotohanan o magkaroon ng malalim na pagkaunawa. Hangga’t mayroon kang may-takot-sa-Diyos na puso at alam mo kung paano magpasakop sa Diyos, pwede mong makamit ang pagpapasakop sa Kanya. Kahit hindi mo lubos na maunawaan kung paano pwedeng makaapekto ang ilang ugali sa kalalabasan mo o kung hanggang saan, hindi ito mahalaga. Pero dapat mayroon kang dahilan, at dapat kang magtaglay ng puso at saloobin ng pagpapasakop. Ito ang dapat taglayin ng pagkatao mo. Sa madaling salita, dapat mong malaman kung sino ka at kung sino ang Diyos. Dapat mong malaman na isa kang nilikha, at ang Diyos ang Lumikha, at kung ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga pagkakakilanlan at mga katayuan ng dalawang ito. Dagdag pa rito, dapat mong malaman kung ano ang kailangan mong gawin at kung ano ang pangunahin mong gawain. Kung sasabihin mo, “Ang pangunahing gawain ko ay sundin ang mga salita ng Diyos; naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig, at anuman ang ipagawa sa akin ng Diyos, gagawin ko ito,” kung gayon isa itong saloobin ng pagpapasakop. Kung sasabihin mo, “Ang pangunahin kong gawain ay sundin ang mga salita ng Diyos,” pero pagkatapos marinig ang mga salita ng Diyos, magsisimula kang magmuni-muni, “Ano ang ibig sabihin ng Diyos dito? Paano ako makikinabang dito?”—at palagi mong isinasaalang-alang ang sarili mong mga interes, mali ito. Nasaan ang mali rito? (Nasa pagsisiyasat at pagdududa sa mga salita ng Diyos.) Ibig sabihin nito, hindi mo ginagampanan ang tamang posisyon mo. Ang pagsisiyasat sa mga salita ng Diyos ay nagmumula sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao at sa kawalan nila ng pagkaunawa sa katotohanan. Pero ano ang sanhi ng hindi paggampan ng tamang posisyon? (Kawalan ng pagpapasakop sa isang tao.) Kung hindi mo alam kung ano ang pagpapasakop, kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at wala kang katwiran, gagampanan mo ang maling posisyon. Napakahalaga ng pagpapasakop, at nakasalalay ito sa kung paano mo ito nakikilatis at nauunawaan. Inihayag na ng Diyos ang napakaraming katotohanan, pero dapat maunawaan ng mga tao kung ano ang pinakamataas na katotohanan, na kailangan nilang ganap na magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Lumikha bilang mga nilikha. Ganap na likas at may katwiran para sa mga nilikha na magpasakop sa Lumikha—ito ang mismong nararapat na mangyari. Hindi kailanman magbabago ang katotohanang ito, ano man ang oras, lugar, taon, o buwan, sa anumang espasyo o heograpikal na kapaligiran. Kahit na maglaho ang mundong ito at ang sangkatauhang ito, at lahat ng bagay kasama ng mga ito, hindi kailanman magbabago ang pahayag na “Ang mga nilikha ay dapat magpasakop sa Lumikha.” Dapat nagtataglay ang katwiran mo ng katotohanang ito; ito ang unang katotohanan na dapat mong taglayin bilang isang taong nananampalataya sa Diyos.

—Pagbabahagi ng Diyos

Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manampalataya sa lahat ng mga salita ng Diyos at sa lahat ng gawain Niya. Ibig sabihin, yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang magpasakop sa Kanya. Kung hindi mo kayang gawin ito, kung gayon ay hindi mahalaga kung naniniwala ka sa Diyos o hindi. Kung naniniwala ka sa Diyos sa loob ng maraming taon, subalit hindi ka kailanman nagpasakop sa Kanya, at hindi mo tinatanggap ang kabuuan ng mga salita Niya, at sa halip ay hinihingi mo sa Diyos na magpasakop Siya sa iyo at kumilos Siya ayon sa mga kuru-kuro mo, kung gayon ay ikaw ang pinakamapanghimagsik sa lahat, isa kang hindi mananampalataya. Paano makapagpapasakop ang ganitong mga tao sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao? Ang pinakamapaghimagsik sa lahat ay ang mga sadyang lumalabag at lumalaban sa Diyos. Sila ang mga kaaway ng Diyos, ang mga anticristo. Palaging may poot ang saloobin nila sa bagong gawain ng Diyos; hindi sila kailanman nagkaroon ng ni katiting na kagustuhang magpasakop, ni hindi sila kailanman nagalak na magpasakop o magpakumbaba ng sarili nila. Iniisip nilang sila ang pinakamataas sa iba at hindi kailanman nagpapasakop sa sinuman. Sa harap ng Diyos, itinuturing nila ang mga sarili nilang pinakamahusay sa pangangaral ng salita, at ang pinakabihasa sa paggawa sa iba. Hindi nila kailanman itinatapon ang mga “kayamanang” nasa pag-aari nila, kundi itinuturing ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit nila ang mga ito para magsermon sa mga hangal na umiidolo sa kanila. Tunay ngang may ilang taong tulad nito sa loob ng iglesia. Masasabing sila ay mga “hindi palulupig na mga bayani,” na bawat salinlahi ay pansamantalang nananahan sa tahanan ng Diyos. Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang pinakamataas nilang tungkulin. Bawat taon, bawat salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang “sagrado at hindi malalabag” na tungkulin nila. Walang nangangahas na salingin sila; wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Nagiging “mga hari” sila sa tahanan ng Diyos, nagwawala habang sinisiil nila ang iba sa bawat kapanahunan. Naghahangad ang pangkat ng mga demonyong ito na makipagsanib at gibain ang gawain Ko; paano Ko mapahihintulutang umiral ang mga buhay na diyablong ito sa harap ng mga mata Ko? Kahit ang mga medyo mapagpasakop lamang ay hindi makapagpapatuloy hanggang sa katapusan, lalong hindi itong mga maniniil na wala ni katiting na pagpapasakop sa mga puso nila! Hindi madaling makakamit ng tao ang gawain ng Diyos. Kahit na ginagamit ang lahat ng lakas na mayroon sila, kaunting bahagi lamang nito ang makakamit ng mga tao, na sa huli ay magpapahintulot sa kanila na maperpekto. Ano, kung gayon, ang para sa mga anak ng arkanghel, na naghahangad na wasakin ang gawain ng Diyos? Wala ba silang mas maliit na pag-asang makamit ng Diyos? Ang layunin Ko sa paggawa ng gawain ng paglupig ay hindi lamang ang manlupig alang-alang sa paglupig, kundi manlupig upang ibunyag ang pagiging matuwid at kalikuan, upang kumuha ng patunay para sa kaparusahan ng tao, upang parusahan ang kasamaan, at, higit pa rito, upang manlupig para sa kapakanan ng pagpeperpekto ng mga handang magpasakop. Sa huli, paghihiwa-hiwalayin ang lahat ayon sa uri, at ang mga naging perpekto ay ang mga may mga saloobin at mga ideya na puno ng pagpapasakop. Ito ang gawaing magagawa sa huli. Samantala, ang mga mapanghimagsik ang bawat kilos ay parurusahan at ipadadala upang sunugin sa mga apoy, mga layon ng walang-hanggang sumpa. Kapag dumating ang oras na iyon, ang mga “dakila at hindi malulupig na mga bayani” ng mga kapanahunang nakalipas ay magiging pinakamababa at pinakanilalayuang “mahina at inutil na mga duwag.” Tanging ito lamang ang makapaglalarawan sa bawat aspeto ng pagiging matuwid ng Diyos, at ng disposisyon Niya na hindi malalabag ng tao, at tanging ito lamang ang makapagpapalubag ng poot sa puso Ko. Hindi ba kayo sumasang-ayon na lubusang makatuwiran ito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Noong panahon na nasa katawang-tao ang Diyos, hindi kasama sa pagpapasakop na hinihiling Niya sa mga tao ang pagpipigil na manghusga o lumaban, na tulad ng iniisip nila; sa halip, hinihiling Niya sa mga tao na gamitin ang Kanyang mga salita bilang kanilang prinsipyong susundin sa buhay at bilang pundasyon ng kanilang pananatiling buhay, na talagang walang pasubaling isagawa nila ang diwa ng Kanyang mga salita, at lubos nilang palugurin ang Kanyang mga layunin. Ang isang aspeto ng paghiling sa mga tao na magpasakop sa Diyos na nagkatawang-tao ay tumutukoy sa pagsasagawa ng Kanyang mga salita, samantalang ang isa pang aspeto ay tumutukoy sa kakayahang magpasakop sa Kanyang pagiging normal at praktikal. Ang mga ito ay kailangang kapwa tiyak. Yaong mga makakatamo sa dalawang aspetong ito ay lahat ng yaong nagkikimkim ng tunay na mapagmahal-sa-Diyos na puso. Silang lahat ay mga taong naangkin na ng Diyos, at mahal nilang lahat ang Diyos tulad ng pagmamahal nila sa kanilang sariling buhay. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay may normal at praktikal na pagkatao sa Kanyang gawain. Sa ganitong paraan, ang Kanyang panlabas na anyo na kapwa normal at praktikal na pagkatao ay nagiging isang napakalaking pagsubok para sa mga tao; ito ang nagiging pinakamalaki nilang paghihirap. Gayunman, hindi maiiwasan ang pagiging normal at praktikal ng Diyos. Sinubukan Niya ang lahat para makahanap ng solusyon ngunit sa huli ay hindi Niya maalis sa Kanyang Sarili ang panlabas na anyo ng Kanyang normal na pagkatao. Ito ay dahil Siya, kunsabagay, ang Diyos na nagkatawang-tao, hindi ang Diyos ng Espiritu sa langit. Hindi Siya ang Diyos na hindi nakikita ng mga tao, kundi ang Diyos na nasa anyo ng isang nilikha. Sa gayon, ang pag-aalis sa Kanyang Sarili ng anyo ng Kanyang normal na pagkatao ay hindi magiging madali sa anumang paraan. Samakatuwid, anuman ang mangyari, ginagawa pa rin Niya ang gawaing nais Niyang gawin mula sa pananaw ng katawang-tao. Ang gawaing ito ang pagpapahayag ng normal at praktikal na Diyos, kaya paano magiging ayos lang sa mga tao na hindi magpasakop? Ano ba ang magagawa ng mga tao tungkol sa mga kilos ng Diyos? Ginagawa Niya ang anumang nais Niyang gawin; anuman ang nagpapasaya sa Kanya ay iyon ang masusunod. Kung hindi magpapasakop ang mga tao, ano ang iba pang magagandang planong mayroon sila? Hanggang ngayon, pagpapasakop lamang ang nakapagligtas sa mga tao; wala nang may iba pang matatalinong ideya. Kung nais ng Diyos na subukan ang mga tao, ano ang magagawa nila tungkol dito? Gayunman, hindi ang Diyos sa langit ang nakaisip ng lahat ng ito; ang Diyos na nagkatawang-tao ang nakaisip nito. Nais Niyang gawin ito, kaya walang taong makakapagbago nito. Hindi nanghihimasok ang Diyos sa langit sa ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, kaya hindi ba mas malaking dahilan ito kaya dapat magpasakop sa Kanya ang mga tao? Bagama’t Siya ay kapwa praktikal at normal, Siya ang lubos na Diyos na naging tao. Batay sa Kanyang sariling mga ideya, ginagawa Niya ang anumang nais Niya. Ipinasa na ng Diyos sa langit ang lahat ng gawain sa Kanya; kailangan kang magpasakop sa anumang Kanyang ginagawa. Bagama’t mayroon Siyang pagkatao at napakanormal, sadya na Niyang isinaayos ang lahat ng ito, kaya paano Siya napandidilatan ng mga mata ng mga tao nang may pagtutol? Nais Niyang maging normal, kaya Siya normal. Nais Niyang mamuhay sa gitna ng sangkatauhan, kaya Siya namumuhay sa gitna ng sangkatauhan. Nais Niyang mamuhay sa loob ng pagka-Diyos, kaya Siya namumuhay sa loob ng pagka-Diyos. Maaari itong tingnan ng mga tao paano man nila naisin, ngunit ang Diyos ay palaging magiging Diyos at ang mga tao ay palaging magiging mga tao. Ang Kanyang diwa ay hindi maitatanggi dahil sa ilang maliit na detalye, ni hindi Siya maitutulak palabas ng “persona” ng Diyos dahil sa isang maliit na bagay. Ang mga tao ay may kalayaan ng mga tao, at ang Diyos ay may dignidad ng Diyos; hindi nanghihimasok ang mga ito sa isa’t isa. Maaari bang hindi bigyan ng mga tao ng kaunting kalayaan ang Diyos? Hindi ba nila mapagbibigyan ang pagiging medyo kaswal ng Diyos? Huwag kayong masyadong mahigpit sa Diyos! Bawat isa ay dapat magparaya sa isa’t isa; kung gayo’y hindi ba maaaring ayusin ang lahat? Magkakaroon pa ba ng anumang pagkakahiwalay? Kung hindi makapagpaubaya ang isang tao sa gayon kaliit na bagay, paano pa niya masasabi ang anumang gaya ng “Ang puso ng isang punong ministro ay sapat na malaki upang maglayag ang isang bangka rito”? Paano sila magiging isang tunay na tao? Hindi ang Diyos ang nagpapahirap sa sangkatauhan, kundi ang sangkatauhan ang nagpapahirap sa Diyos. Pinangangasiwaan nila palagi ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagpapalaki sa maliliit na bagay. Talagang pinalalaki nila ang maliit na bagay, at talagang hindi ito kailangan! Kapag gumagawa ang Diyos sa loob ng normal at praktikal na pagkatao, ang Kanyang ginagawa ay hindi ang gawain ng sangkatauhan, kundi ang gawain ng Diyos. Gayunman, hindi nakikita ng mga tao ang diwa ng Kanyang gawain; ang palagi lamang nilang nakikita ay ang panlabas na anyo ng Kanyang pagkatao. Hindi pa sila nakakita ng gayon kadakilang gawain, subalit nagpipilit silang makita ang Kanyang karaniwan at normal na pagkatao, at hindi sila titigil. Paano ito matatawag na pagpapasakop sa harap ng Diyos? Ang Diyos sa langit ay “naging” Diyos na sa lupa ngayon, at ang Diyos sa lupa ay Diyos na sa langit. Hindi mahalaga kung magkapareho ang Kanilang panlabas na anyo, ni hindi mahalaga kung gaano magkatulad ang Kanilang paggawa. Sa huli, Siya na gumagawa ng sariling gawain ng Diyos ay ang Diyos Mismo. Kailangan kang magpasakop naisin mo man o hindi—hindi ito isang bagay na may mapagpipilian ka! Kailangang magpasakop ang mga tao sa Diyos, at kailangan talagang magpasakop ang mga tao sa Diyos nang wala ni katiting na pagkukunwari.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Talagang Nagpapasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal

Ano ang dapat na saloobin ng mga tao sa Diyos, sa Diyos na nagkatawang-tao, at sa katotohanan? (Dapat kaming makinig, tumanggap, at magpasakop.) Tama iyan. Dapat kayong makinig, tumanggap, at magpasakop. Wala nang mas sisimple pa kaysa rito. Pagkatapos makinig, dapat tanggapin ninyo ito sa inyong puso. Kung hindi ninyo kayang tanggapin ang isang bagay, dapat patuloy kayong maghanap hanggang kaya na ninyo ang ganap na pagtanggap—pagkatapos, sa sandaling matanggap na ninyo ito, dapat kayong magpasakop. Ano ang ibig sabihin ng magpasakop? Ang ibig sabihin nito ay isagawa at tuparin. Huwag isawalang-bahala ang mga bagay pagkatapos marinig ang mga ito, nangangakong gagawin ang mga ito sa panlabas, isinusulat ang mga ito, itinatala ang mga ito sa papel, pinapakinggan ang mga ito gamit ang mga tainga ninyo, pero hindi isinasapuso ang mga ito, at patuloy lang sa dati ninyong gawi at ginagawa kung ano ang gusto ninyo kapag dumating ang oras na kailangan nang kumilos, isinasantabi ang isinulat ninyo at itinuturing itong hindi mahalaga. Hindi ito pagpapasakop. Ang tunay na pagpapasakop sa mga salita ng Diyos ay nangangahulugan ng pakikinig sa mga ito at pag-arok sa mga ito nang buo ninyong puso, at tunay na pagtanggap sa mga ito—pagtanggap sa mga ito bilang hindi maiiwasang responsabilidad. Hindi lang ito bastang pagsasabi na tinatanggap ng isang tao ang mga salita ng Diyos; sa halip, pagtanggap ito sa mga salita Niya nang mula sa puso, ginagawang mga praktikal na pagkilos ang pagtanggap ninyo sa mga salita Niya at ipinapatupad ang mga salita Niya, nang walang anumang paglihis. Kung ang iniisip mo, nilalayon mo, at ang halagang ibinabayad mo ay lahat para matugunan ang mga hinihingi ng Diyos, pagpapatupad iyan sa mga salita ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng “pagpapasakop”? Pagsasagawa at pagpapatupad ang ibig sabihin nito, ginagawang realidad ang mga salita ng Diyos. Kung isusulat mo ang mga salitang sinasabi ng Diyos at ang mga hinihingi Niya sa isang kuwaderno at sa papel, pero hindi mo itinatala ang mga ito sa puso mo, at ginagawa mo ang gusto mo kapag dumating na ang oras para kumilos, at sa panlabas, parang ginawa mo lang ang hiningi ng Diyos, pero ginawa mo ito ayon sa sarili mong kalooban, kung gayon, hindi ito pakikinig, pagtanggap, at pagpapasakop sa mga salita ng Diyos, pagkamuhi ito sa katotohanan, hayagang paglabag sa mga prinsipyo, at pagbabalewala sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos. Paghihimagsik ito.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Ekskorsus

Iisa at pareho ang pagpapasakop sa Diyos at pagpapasakop sa gawain ng Diyos. Ang mga nagpapasakop lamang sa Diyos ngunit hindi sa gawain Niya ay hindi maituturing na mapagpasakop, lalong hindi ang mga hindi tunay na nagpapasakop kundi ay mga mambobola sa panlabas. Ang lahat ng mga tunay na nagpapasakop sa Diyos ay nagkakamit mula sa gawain at nagtatamo ng pagkaunawa sa disposisyon at gawain ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang tunay na nagpapasakop sa Diyos. Nagkakamit ng bagong kaalaman ang ganitong mga tao, at sumasailalim sa mga bagong pagbabago mula sa bagong gawain. Tanging ang mga taong ito lamang ang sinasang-ayunan ng Diyos; tanging ang mga taong ito lamang ang naging perpekto, at tanging ang mga ito lamang ang nagbago ang disposisyon. Ang mga sinasang-ayunan ng Diyos ay ang mga nagagalak na magpasakop sa Diyos, at sa salita at gawain Niya. Ang ganitong mga tao lamang ang nasa tama, ang ganitong mga tao lamang ang taos-pusong nagnanais sa Diyos, at taos-pusong naghahangad sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Ang susi sa pagpapasakop sa Diyos ay ang pagtanggap sa bagong liwanag, at ang magawang tanggapin ito at isagawa ito. Ito ang nag-iisang tunay na pagpapasakop. Yaong mga salat sa kaloobang maghangad sa Diyos ay walang kakayahang sadyang magpasakop sa Kanya, at maaari lamang sumalungat sa Diyos bilang kinalabasan ng kasiyahan nila sa nakasanayan na. Hindi kayang magpasakop ng tao sa Diyos dahil sinapian siya ng dumating na dati. Ang mga bagay na dumating na dati ay nagluwal ng kung ano-anong uri ng mga kuru-kuro at iba’t ibang imahinasyon tungkol sa Diyos sa mga tao, at ang mga ito ang naging larawan ng Diyos sa mga isip nila. Sa gayon, ang pinaniniwalaan nila ay ang sarili nilang mga kuru-kuro, at ang mga pamantayan ng sarili nilang guni-guni. Kung ikukumpara mo ang Diyos na gumagawa ng praktikal na gawain ngayon sa Diyos ng sarili mong guni-guni, nagmumula kay Satanas ang pananampalataya mo, at nadungisan ng mga sarili mong kagustuhan—hindi nais ng Diyos ang ganitong uri ng pananampalataya. Gaano man katayog ang mga kredensyal nila, at gaano man sila kasigasig—kahit na naglaan na sila ng habambuhay na pagsisikap sa gawain Niya, at ginawang martir ang mga sarili nila—hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang sinumang may ganitong pananampalataya. Pinagkakaloob lamang Niya sa kanila ang maliit na biyaya at hinahayaan silang tamasahin ito nang maikling panahon. Ang ganitong mga tao ay walang kakayahang isagawa ang katotohanan. Hindi gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob nila, at isa-isang ititiwalag ng Diyos ang bawat isa sa kanila. Bata man o matanda, yaong mga hindi nagpapasakop sa Diyos sa pananampalataya nila at mayroong mga maling layon ay yaong mga sumasalungat at gumagambala, at walang alinlangang ititiwalag ng Diyos ang ganitong mga tao. Yaong mga taong wala ni katiting na pagpapasakop sa Diyos, na kinikilala lamang ang pangalan Niya, at mayroong kaunting muwang sa kabutihan at pagiging kaibig-ibig ng Diyos, subalit hindi sumasabay sa mga hakbang ng Banal na Espiritu, at hindi nagpapasakop sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Banal na Espiritu—namumuhay ang ganitong mga tao sa gitna ng biyaya ng Diyos, at hindi Niya kakamtin o gagawing perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapasakop nila, sa pamamagitan ng pagkain, pag-inom, at pagtamasa nila sa mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagdurusa at pagpipino sa mga buhay nila. Tanging sa pamamagitan ng ganitong pananampalataya maaaring magbago ang mga disposisyon ng mga tao, at saka lamang nila maaaring taglayin ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Ang pagiging hindi nalulugod sa pamumuhay sa gitna ng biyaya ng Diyos, ang aktibong pananabik at paghahanap sa katotohanan, at paghahangad na makamit ng Diyos—ito ang kahulugan ng sadyang pagpapasakop sa Diyos at ito ang mismong uri ng pananampalatayang nais Niya. Ang mga taong walang ibang ginagawa kundi tamasahin ang biyaya ng Diyos ay hindi maaaring gawing perpekto o mabago, at paimbabaw lahat ang pagpapasakop, pagkamaka-Diyos, pagmamahal, at pagtitiis nila. Hindi magagawang tunay na makilala ang Diyos ng yaong mga nagtatamasa lamang ng biyaya ng Diyos, at kahit makilala nila ang Diyos, paimbabaw lamang ang kaalaman nila, at sinasabi nila ang mga bagay na tulad ng “mahal ng Diyos ang tao,” o “mahabagin ang Diyos sa tao.” Hindi nito kinakatawan ang buhay ng tao, at hindi ipinapakitang tunay na nakikilala ng mga tao ang Diyos. Kung kapag pinipino sila ng mga salita ng Diyos, o dumarating sa kanila ang mga pagsubok Niya, ay hindi nagagawang magpasakop ng mga tao sa Diyos—kung, sa halip, ay nagiging mapagduda sila, at bumabagsak—hindi sila mapagpasakop ni katiting. Sa loob nila, maraming patakaran at paghihigpit tungkol sa pananampalataya sa Diyos, mga lumang karanasang bunga ng maraming taon ng pananampalataya, o ng iba’t ibang patakarang nakabatay sa Bibliya. Kaya bang magpasakop sa Diyos ng ganitong mga tao? Puspos ang mga taong ito ng mga pantaong bagay—paano sila makapagpapasakop sa Diyos? Ang “pagpapasakop” nila ay ayon sa pansarili nilang kagustuhan—nanaisin ba ng Diyos ang pagpapasakop na tulad nito? Hindi ito pagpapasakop sa Diyos, kundi pagkapit sa mga patakaran; ito ay pagpapalugod at pagpapahinahon sa kanilang mga sarili. Kung sinasabi mong pagpapasakop ito sa Diyos, hindi ka ba lumalapastangan laban sa Kanya?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pananampalataya Mo sa Diyos, Dapat Kang Sumunod sa Diyos

Kung kayang bitawan ng mga tao ang mga relihiyosong kuru-kuro, hindi nila gagamitin ang mga isip nila para sukatin ang mga salita at gawain ng Diyos ngayon, at sa halip ay tuwirang nagpapasakop. Bagamat ang gawain ng Diyos ngayon ay maliwanag na hindi katulad ng sa nakaraan, hindi mo pa rin magawang bitawan ang mga pananaw ng nakalipas at tuwirang magpasakop sa gawain ng Diyos ngayon. Kung may kakayahan kang maunawaan na dapat mong bigyan ng kataas-taasang posisyon ang gawain ng Diyos ngayon, paano man Siya gumawa noong nakaraan, isa kang tao na nabitawan na ang mga kuru-kuro niya, na nagpapasakop sa Diyos, at na kayang magpasakop sa gawain at mga salita ng Diyos at sundan ang mga yapak Niya. Sa ganito, magiging isa kang taong tunay na nagpapasakop sa Diyos. Hindi mo sinusuri o masusing sinisiyasat ang gawain ng Diyos; ito ay para bang nakalimutan na ng Diyos ang dati Niyang gawain, at nakalimutan mo na rin ito. Ang kasalukuyan ay ang kasalukuyan, at ang nakaraan ay ang nakaraan, at yamang ngayon, isinantabi na ng Diyos ang ginawa Niya noong nakalipas, hindi ka dapat manahan dito. Tanging ang ganitong tao lamang ang taong lubos na nagpapasakop sa Diyos at tuluyang bumitiw na sa mga relihiyosong kuru-kuro niya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging Yaong mga Nakababatid Lamang ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Maaaring Paglingkuran ang Diyos

Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay nag-iiba sa bawat panahon. Kung may matindi kang pagpapasakop sa isang yugto ng gawain ng Diyos, ngunit sa susunod na yugto ang pagpapasakop mo sa gawain Niya ay salat, o wala kang kakayahang magpasakop, kung gayon ay lilisanin ka ng Diyos. Kung nakikisabay ka sa Diyos habang ginagawa Niya ang hakbang na ito, kung gayon ay dapat kang magpatuloy na sumabay kapag umakyat Siya sa susunod; doon ka lamang magiging isang taong mapagpasakop sa Banal na Espiritu. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat na manatili kang hindi nagbabago sa pagpapasakop mo. Hindi maaaring magpapasakop ka lamang kapag gusto mo at hindi magpapasakopy kapag ayaw mo. Ang ganitong uri ng pagpapasakop ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi ka makasasabay sa bagong gawaing ibinabahagi Ko, at patuloy na nakahawak sa mga dating kasabihan, paano magkakaroon ng pag-unlad sa buhay mo? Ang gawain ng Diyos ay ang tustusan ka sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kapag nagpapasakop at tinatanggap mo ang mga salita Niya, tiyak na gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Gumagawa ang Banal na Espiritu nang eksakto sa sinasabi Ko; gawin ang sinabi Ko, at ang Banal na Espiritu ay kaagad na gagawa sa iyo. Naglalabas Ako ng bagong ilaw upang mapagmasdan ninyo, na dadalhin kayo sa liwanag ng kasalukuyan, at kapag lumakad ka sa loob ng ilaw na ito, ang Banal na Espiritu ay kaagad na gagawa sa iyo. Mayroong ilang maaaring matigas ang ulo, sinasabing, “Basta hindi ko isasakatuparan ang sinasabi Mo.” Kung gayon, sinasabi Ko sa iyo na nakarating ka na ngayon sa katapusan; ikaw ay natuyo at wala nang buhay. Samakatuwid, sa pagdanas ng pagbabago ng disposisyon mo, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa ang pagsabay sa kasalukuyang ilaw. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang taong ginagamit ng Diyos, kundi, higit pa rito, sa iglesia. Maaaring gumagawa Siya sa sinuman. Maaaring gumagawa Siya sa iyo sa kasalukuyang oras, at mararanasan mo ang gawaing ito. Sa susunod na yugto, maaari Siyang gumawa sa ibang tao, kung gayon dapat kang magmadaling makasunod; kapag mas malapit mong sinusundan ang kasalukuyang ilaw, higit na lalago ang buhay mo. Kahit na ano pang uri ang isang tao, kung gumagawa sa kanya ang Banal na Espiritu, dapat kang sumunod. Gamitin mo ang mga karanasan niya sa sarili mo, at tatanggap ka ng mas higit pang mga bagay. Sa paggawa nito mas mabilis kang uunlad. Ito ang landas ng pagkaperpekto para sa tao at ang paraan kung saan lalago ang buhay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Sa pagsukat kung makakapagpasakop ba ang mga tao sa Diyos o hindi, ang susi ay kung mayroon sila o walang anumang labis-labis na pagnanais o lihim na motibo sa Kanya. Kung laging humihiling ang mga tao sa Diyos, pinatutunayan nito na hindi sila mapagpasakop sa Kanya. Anuman ang mangyari sa iyo, kung hindi mo ito tinatanggap mula sa Diyos, at hindi mo hinahanap ang katotohanan, at palagi kang nakikipagtalo para sa iyong sarili at palagi mong nadarama na ikaw lamang ang tama, at kung may kakayahan ka pa ngang pagdudahan na ang Diyos ang katotohanan at ang pagiging matuwid Niya, magkakaproblema ka. Ang mga gayong tao ang pinakamayabang at pinakasuwail sa Diyos. Ang mga taong palaging humihingi sa Diyos ay hindi tunay na nagpapasakop sa Kanya. Kung humihiling ka sa Diyos, pinatutunayan nito na sinusubukan mong makipagtawaran sa Diyos, na pinipili mo ang sarili mong kalooban, at kumikilos ka ayon dito. Dito, ipinagkakanulo mo ang Diyos, at walang pagpapasakop. Walang katwiran ang mismong paghingi sa Diyos; kung totoong naniniwala ka na Siya ang Diyos, hindi ka mangangahas na humiling sa Kanya, ni hindi mo mararamdamang karapat-dapat kang humingi sa Kanya, makatwiran man ang mga ito o hindi sa iyong palagay. Kung may totoo kang pananampalataya sa Diyos, at naniniwala na Siya ang Diyos, Siya lang ang sasambahin at sa Kanya ka lang magpapasakop, wala nang ibang pagpipilian pa. Hindi lamang gumagawa ng sarili nilang mga pagpili ang mga tao ngayon, hinihingi pa nilang kumilos ang Diyos alinsunod sa sarili nilang kagustuhan. Hindi lamang nila hindi pinipiling magpasakop sa Diyos, hinihingi pa nilang magpasakop sa kanila ang Diyos. Hindi ba’t napakawalang katwiran nito? Samakatuwid, kung walang totoong pananampalataya sa loob-loob ng isang tao, at walang malaking pananampalataya, hindi nila kailanman matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos. Kapag nagagawa na ng mga taong bawasan ang mga hinihingi nila sa Diyos, mayroon na silang mas totoong pananalig at pagpapasakop, at normal na kung ihahambing ang kanilang pangangatwiran.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao mula sa Diyos

Noong gumawa si Noe ayon sa tagubilin ng Diyos, hindi niya alam kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi niya alam kung ano ang gustong maisakatuparan ng Diyos. Binigyan lang siya ng Diyos ng kautusan at binilinan siyang gumawa ng isang bagay, at nang walang gaanong paliwanag, tumuloy si Noe at ginawa ito. Hindi niya sinubukang alamin ang mga pagnanais ng Diyos nang palihim, ni hindi siya lumaban sa Diyos o nagpakita nang kawalang-katapatan. Humayo lamang siya at ginawa ito nang may malinis at simpleng puso. Anuman ang ipinagawa ng Diyos ay ginawa niya, at ang pagpapasakop at pakikinig sa salita ng Diyos ang nagpalakas ng kanyang paniniwala sa kanyang ginawa. Ganito katapat at kasimple ang pagharap niya sa ipinagkatiwala ng Diyos. Ang kanyang diwa—ang diwa ng kanyang mga paggawa ay pagpapasakop, hindi pagdadalawang-isip, hindi paglaban, at higit pa rito, hindi pag-iisip ng mga pansarili niyang kapakanan o pakinabang at kawalan. At noon pang sinabi ng Diyos na gugunawin Niya ang mundo sa pamamagitan ng isang baha, hindi tinanong ni Noe kung kailan o kung anong mangyayari sa mga bagay-bagay, at tiyak na hindi niya tinanong ang Diyos kung paano Niya gugunawin ang mundo. Gumawa lang siya ayon sa tagubilin ng Diyos. Sa paano mang paraan nais ng Diyos na gawin ito at kung sa ano gawa ito, ginawa niya mismo ang hiningi ng Diyos at kaagad na sinimulan ang paggawa. Kumilos siya alinsunod sa mga tagubilin ng Diyos nang may saloobing nagnanais na magbigay-kasiyahan sa Diyos. Ginagawa ba niya ito upang matulungan ang sarili niya na makaiwas sa sakuna? Hindi. Tinanong ba niya ang Diyos kung gaano pa katagal bago gunawin ang mundo? Hindi. Tinanong ba niya ang Diyos o alam ba niya kung gaano katagal gawin ang arka? Hindi rin niya alam iyon. Nagpasakop lamang siya, nakinig, at ginawa ang ipinag-uutos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Kapag nais ng Diyos na pangasiwaan ang isang tao, ang pangangasiwang ito ay madalas na salungat sa mga kuru-kuro ng tao at hindi niya kayang unawain ito, gayon pa man ang mismong di-pagkakatugma at pagiging hindi maunawaan nito ang mga pagsubok at hamon ng Diyos sa tao. Samantala, si Abraham ay nagpakita ng pagpapasakop sa Diyos, na pinaka-pangunahing kondisyon ng kanyang kakayahang tugunan ang hinihingi ng Diyos. Nang nagawang magpasakop ni Abraham ang hinihingi ng Diyos, nang kanyang ialay si Isaac, saka lamang tunay na naramdaman ng Diyos ang pagkakaroon ng katiyakan at pagsang-ayon sa sangkatauhan—kay Abraham, na Kanyang hinirang. Saka lamang nakasiguro ang Diyos na ang taong ito na Kanyang hinirang ay isang kailangang-kailangang pinuno na maaaring magsagawa ng Kanyang pangako at ng Kanyang susunod na plano ng pamamahala. Kahit na ito ay isang pagsubok at pagsusulit lamang, nasiyahan ang Diyos, naramdaman Niya ang pagmamahal ng tao sa Kanya, at nadama Niya ang kalinga ng tao na hindi Niya dating nadama. Noong sandaling itinaas ni Abraham ang kanyang panaksak upang patayin si Isaac, pinigilan ba siya ng Diyos? Hindi hinayaan ng Diyos na ialay ni Abraham si Isaac, dahil walang intensyon ang Diyos na bawiin ang buhay ni Isaac. Kaya pinigilan ng Diyos si Abraham sa tamang oras. Para sa Diyos, nakapasa na sa pagsubok ang pagpapasakop ni Abraham, sapat na ang kanyang ginawa, at nakita na ng Diyos ang kinalabasan ng Kanyang binalak gawin. Kasiya-siya ba ang kinalabasang ito para sa Diyos? Maaaring sabihin na ang kinalabasan na ito ay kasiya-siya sa Diyos, na ito ang nais ng Diyos, at ito ang inasam Niyang makita. Ito ba ay totoo? Kahit na ginagamit ng Diyos ang iba’t ibang paraan ng pagsubok sa bawat tao sa iba’t ibang konteksto, nakita ng Diyos kay Abraham ang nais Niya, nakita Niyang totoo ang puso ni Abraham at walang pasubali ang kanyang pagpapasakop. Ito mismong pagiging “walang pasubali” na ito ang ninais ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Kaya ngayon, hanggang saan gumawa ang Diyos kay Pedro para mapagtanto nito na dapat isagawa ng mga tao ang pagpapasakop? Binanggit natin dati ang isang bagay na sinabi ni Pedro. Naaalala mo ba kung ano ito? (“Kung tatratuhin ako ng Diyos na parang laruan, paanong hindi ako maghahanda at papayag?”) Tama, iyan nga. Sa proseso ng pagdaranas at pagpapasailalim sa gawain o gabay ng Diyos, hindi namalayan ni Pedro na nabuo sa kanya ang ganitong damdamin: “Hindi ba’t tinatrato ng Diyos ang mga tao na parang mga laruan?” Ngunit tiyak na hindi ito ang nag-uudyok sa mga pagkilos ng Diyos. Nakadepende ang mga tao sa kanilang perspektiba bilang tao, pag-iisip, at kaalaman para tantyahin ang usaping ito at ang pakiramdam na kaswal na pinaglalaruan ng Diyos ang mga tao na parang sila ay mga laruan. Isang araw ay sinasabi ng Diyos na gawin ito, at bukas ay sinasabi Niya sa kanila na gawin iyon. Hindi mo namamalayan ay nagsisimula ka nang makaramdam, “A, napakarami na ng sinabi ang Diyos. Ano pa ba ang sinusubukan Niyang gawin?” Naguguluhan ang mga tao at nakakaramdam ng kaunting kalituhan. Hindi nila alam kung ano ang pipiliin. Ginamit ng Diyos ang pamamaraan na ito para subukin si Pedro. Ano ang resulta ng pagsubok na ito? (Naisakatuparan ni Pedro ang pagpapasakop hanggang kamatayan.) Naisakatuparan niya ang pagpapasakop. Ito ang resulta na ginusto ng Diyos, at nakita ito ng Diyos. Ano ang mga salitang binigkas ni Pedro ang nagpapakita sa atin na nakapagpasakop siya at lumago sa tayog? Ano ang sinabi ni Pedro? Paano tinanggap at tiningnan ni Pedro ang lahat ng ginawa ng Diyos at ang saloobin ng Diyos sa pagtrato sa tao bilang isang laruan? Ano ang saloobin ni Pedro? (Sinabi niya: “Paanong hindi ako maghahanda at papayag?”) Oo, iyan ang saloobin ni Pedro. Iyon mismo ang mga salita niya. Hindi kailanman sasabihin ng mga taong walang karanasan sa mga pagsubok at pagpipino ng Diyos ang mga salitang ito dahil hindi nila nauunawaan ang naratibo ng kuwento rito at hindi nila ito kailanman naranasan. Dahil hindi nila ito naranasan, tiyak na hindi malinaw sa kanila ang usaping ito. Kung hindi malinaw sa kanila ang usaping ito, paano nila ito nasasabi nang napakakaswal? Ang mga salitang ito ay isang bagay na hindi kailanman maiisip ng isang tao. Nasabi ito ni Pedro dahil naranasan niya ang napakaraming pagsubok at pagpipino. Pinagkaitan siya ng Diyos ng napakaraming bagay, ngunit kasabay nito ay binigyan din siya ng maraming bagay. Pagkatapos ibigay ng Diyos, binawi Niya itong muli. Ginawa ng Diyos na matuto si Pedro na magpasakop matapos kunin ang mga bagay sa kanya at pagkatapos ay muli siyang binigyan. Sa pananaw ng tao, marami sa mga bagay na ginagawa ng Diyos ang tila kapritsoso, na nagbibigay sa mga tao ng ilusyon na tinatrato ng Diyos ang mga tao bilang mga laruan, hindi nirerespeto, at hindi tinatrato ang mga tao bilang mga tao. Iniisip ng mga tao na nabubuhay sila nang walang dignidad, gaya ng mga laruan; iniisip nila na hindi sila binibigyan ng Diyos ng karapatan na pumili nang malaya, at na maaaring sabihin ng Diyos ang nais Niyang sabihin. Kapag may ibinibigay Siya sa iyo, sinasabi Niya, “Nararapat sa iyo ang gantimpalang ito para sa ginawa mo. Ito ang pagpapala ng Diyos.” Kapag inaalis Niya ang mga bagay, mayroon lang Siyang ibang gustong sabihin. Sa prosesong ito, ano ang dapat gawin ng mga tao? Hindi mo dapat na husgahan ang pagiging tama o mali ng Diyos, hindi mo dapat na tukuyin ang kalikasan ng mga pagkilos ng Diyos, at tiyak na hindi mo dapat na bigyan ang buhay mo ng mas dakilang dignidad sa prosesong ito. Hindi ito ang pagpili na dapat mong gawin. Hindi para sa iyo ang papel na ito. Kaya ano ang papel mo? Sa pamamagitan ng karanasan, dapat mong matutunang unawain ang mga layunin ng Diyos. Kung hindi mo kayang unawain ang mga layunin ng Diyos at hindi mo kayang tugunan ang mga hinihingi ng Diyos, ang tanging pagpipilian mo ay ang magpasakop. Sa gayong mga sitwasyon, magiging madali ba para sa iyo ang magpasakop? (Hindi.) Hindi madali ang magpasakop. Ito ay isang aral na dapat mong matutunan. Kung madali para sa iyo ang magpasakop, hindi mo kailangang matuto ng mga aral, hindi mo kailangang mapungusan, at sumailalim sa mga pagsubok at pagpipino. Dahil mahirap para sa iyo ang magpasakop sa Diyos kaya palagi ka Niyang sinusubok, sinasadyang paglaruan ka na para bang ikaw ay isang laruan. Sa araw na maging madali para sa iyo ang magpasakop sa Diyos, kapag ang pagpapasakop mo sa Diyos ay wala nang hirap o sagabal, kapag nakakapagpasakop ka na nang bukal sa kalooban at nang may galak, nang walang mga sariling pagpili, intensyon, o kagustuhan, hindi ka itatrato ng Diyos bilang isang laruan at gagawin mo ang eksaktong dapat mong gawin. Kung, isang araw, ay sasabihin mo, “Itinatrato ako ng Diyos bilang isang laruan at namumuhay ako nang walang dignidad. Hindi ako sumasang-ayon dito at hindi ako magpapasakop,” maaaring iyan ang araw kung kailan aabandonahin ka ng Diyos. Paano kung umabot ang tayog mo sa antas na kung saan ay sinasabi mo, “Bagamat ang mga layunin ng Diyos ay hindi madaling maarok at palaging nagtatago ang Diyos sa akin, ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay tama. Ano pa man ang ginagawa ng Diyos, bukal sa loob ko na magpasakop. Kahit na hindi ko kayang magpasakop, dapat ko pa ring taglayin ang saloobing ito at hindi ako dapat na magreklamo o gumawa ng sariling pagpili. Ito ay dahil isa akong nilikha. Ang tungkulin ko ay magpasakop, at ito ay isang malinaw na obligasyon na hindi ko matatakasan. Ang Diyos ang Lumikha, at anuman ang ginagawa ng Diyos ay tama. Hindi ko dapat pansinin ang kahit anong kuru-kuro o imahinasyon tungkol sa ginagawa ng Diyos. Hindi ito nararapat para sa isang nilikha. Para sa anumang ibinigay sa akin ng Diyos, nagpapasalamat ako sa Diyos. Para sa anumang hindi ibinigay sa akin ng Diyos o ibinigay sa akin at pagkatapos ay binawi, nagpapasalamat rin ako sa Diyos. Ang lahat ng pagkilos ng Diyos ay kapaki-pakinabang sa akin; hindi ko man nakikita ang pakinabang, ang bagay na dapat kong gawin ay magpasakop pa rin”? Hindi ba’t ang epekto ng mga salitang ito ay tulad ng kay Pedro nang sabihin niya, “Paanong hindi ako maghahanda at papayag”? Ang mga nagtataglay lang ng gayong tayog ang tunay na nakakaunawa sa katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga

Dapat maunawaan ng mga tao na may isang pangunahing prinsipyo sa pagtrato sa mga nilikha ang Lumikha, na siya ring pinakamataas na prinsipyo. Kung paano tratuhin ng Lumikha ang mga nilikha ay lubos na nababatay sa Kanyang plano ng pamamahala at sa Kanyang mga hinihingi sa gawain; hindi Niya kailangang sumangguni kaninuman, ni hindi Niya kailangang pasang-ayunin sa Kanya ang sinuman. Anuman ang dapat Niyang gawin at paano man Niya dapat tratuhin ang mga tao, ginagawa Niya, at, anuman ang Kanyang ginagawa o paano man Niya tinatrato ang mga tao, lahat ng ito ay naaayon sa mga katotohanang prinsipyo, at sa mga prinsipyo ng paggawa ng Lumikha. Bilang isang nilikha, ang tanging dapat gawin ay magpasakop sa Lumikha; hindi dapat gumawa ang isang tao ng sarili niyang pagpili. Ito ang katwirang dapat mayroon ang mga nilikha, at kung wala nito ang isang tao, hindi siya nararapat tawaging isang tao. Dapat maunawaan ng mga tao na ang Lumikha ay laging magiging ang Lumikha; nasa Kanya ang kapangyarihan at mga katangian upang mangasiwa at magkaroon ng kataas-taasang kapangyarihan sa sinumang nilikha ayon sa gusto Niya, at hindi kailangang magkaroon ng dahilan para gawin iyon. Ito ang Kanyang awtoridad. Wala ni isa man sa mga nilikha ang may karapatan o karapat-dapat humatol kung tama ba o mali ang ginagawa ng Lumikha, o kung paano Siya dapat kumilos. Walang nilikha ang may karapatang mamili kung tatanggapin ba niya ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Lumikha; at walang nilikha ang may karapatang masunod sa kung paano nagkakaroon ng kataas-taasang kapangyarihan at nagsasaayos ang Lumikha sa kanyang kapalaran. Ito ang pinakamataas na katotohanan. Anuman ang nagawa na ng Lumikha sa Kanyang mga nilikha, at paano man Niya nagawa na iyon, isa lamang ang dapat gawin ng mga taong Kanyang nilikha: hanapin, magpasakop, alamin, at tanggapin ang lahat ng inilagay ng Lumikha. Ang magiging resulta sa huli ay na maisasakatuparan na ng Lumikha ang Kanyang plano ng pamamahala at matatapos na ang Kanyang gawain, na naging sanhi upang sumulong ang Kanyang plano ng pamamahala nang walang anumang mga sagabal; samantala, dahil natanggap na ng mga nilikha ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Lumikha, at nagpasakop na sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos, matatamo na nila ang katotohanan, mauunawaan na ang mga layunin ng Lumikha, at malalaman na ang Kanyang disposisyon. May isa pang prinsipyo na kailangan Kong sabihin sa inyo: Anuman ang ginagawa ng Lumikha, anumang uri ng mga pagpapamalas ang ipinapakita Niya, at malaki man o maliit ang Kanyang ginagawa, Siya pa rin ang Lumikha; samantalang ang buong sangkatauhan, na Kanyang nilikha, anuman ang kanilang nagawa, at gaano man sila katalentado o katalino, ay nananatiling mga nilikha. Tungkol naman sa mga taong nilikha, gaano man karaming biyaya at gaano man karaming pagpapala ang natanggap nila mula sa Lumikha, o gaano man kalaking awa, mapagmahal na kabaitan, o kabutihan, hindi sila dapat maniwala na naiiba sila sa madla, o mag-isip na maaari silang makapantay sa Diyos at na mataas na ang kanilang katungkulan sa lahat ng nilalang. Ilang kaloob man ang naigawad sa iyo ng Diyos, o gaano kalaking biyaya ang naibigay Niya sa iyo, o gaano kabait ka man Niya natrato, o nabigyan ka man Niya ng ilang espesyal na talento, wala sa mga ito ang mga yaman mo. Ikaw ay isang nilikha, at sa gayon ay magiging isa kang nilikha magpakailanman. Huwag na huwag mong iisipin na, “Isa akong munting sinta sa mga kamay ng Diyos. Hinding-hindi ako aabandonahin ng Diyos, ang saloobin ng Diyos sa akin ay lagi nang magiging isang pagmamahal, pagmamalasakit at magigiliw na paghaplos, na may kasamang mga bulong ng aliw at payo.” Bagkus, sa mga mata ng Lumikha, katulad ka ng lahat ng iba pang nilikha; maaari kang gamitin ng Diyos kung gusto Niya, at mapangangasiwaan ka rin Niya kung gusto Niya, at maaari Niyang isaayos kung gusto Niya na gampanan mo ang anumang papel sa lahat ng uri ng tao, kaganapan, at bagay. Ito ang kaalamang dapat magkaroon ang mga tao, at ang katwirang dapat nilang taglayin. Kung mauunawaan at matatanggap ng tao ang mga salitang ito, magiging mas normal ang kaugnayan nila sa Diyos, at magtatatag sila ng napaka-makatwirang kaugnayan sa Kanya; kung mauunawaan at matatanggap ng tao ang mga salitang ito, ibabagay nila nang wasto ang kanilang katayuan, lalagay sa kanilang lugar doon, at paninindigan ang kanilang tungkulin.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pag-unawa Lamang sa Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos

Kaugnay na mga Himno

Ang Pamantayan para sa Pagpapasakop ng Tao sa Diyos

Sinundan: 33. Ang mga pagbabagong idinudulot sa mga tao ng pagkakamit sa katotohanan

Sumunod: 35. Ang ugnayan sa pagitan ng pagpapasakop sa Diyos at kaligtasan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito