Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III)

Mga Patotoong Batay sa mga Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo

Volume III

Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos, ni Cristo ng mga huling araw, ang katotohanan, isinasakatuparan Niya ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos, at tinutustusan ang mga tao ng lahat ng katotohanang kinakailangan upang sila ay madalisay at maligtas. Narinig ng mga hinirang ng Diyos ang tinig ng Diyos, sila ay dinala sa harap ng trono ng Diyos, dumalo sa piging ng Kordero, at nagsimulang mamuhay kasama ang Diyos nang kaharap Siya bilang mga tao Niya sa Kapanahunan ng Kaharian. Natanggap nila ang pagdidilig, pagpapastol, paghahayag, at paghatol ng mga salita ng Diyos, nagkaroon ng bagong pagkaunawa sa gawain ng Diyos, nakita ang katunayan ng pagtitiwali ni Satanas sa kanila, naranasan ang tunay na pagsisisi, at nagsimulang tumuon sa pagsasagawa sa katotohanan at pagbabago ng disposisyon, gumagawa ng iba’t ibang patotoo tungkol sa pagdadalisay ng katiwalian sa pamamagitan ng pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay nakagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay, na sa pamamagitan ng kanilang personal na mga karanasan, ay nagpapatotoo na ang paghatol ng malaking puting trono sa mga huling araw ay nagsimula na!

Mga Patotoong Batay sa Karanasan

I-download