31. Hindi Ko Kailangan ang Iyong Pangangasiwa

Ni Mildred, Malaysia

Hindi nagtagal matapos kong tanggapin ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nalaman iyon ni Pastor Lee. Isang araw, tinawagan niya ako at hiniling na pumunta ako sa simbahan. Naisip kong bihasa siya sa Bibliya, ilang taon nang naglilingkod sa Panginoon, at talagang sa kanyang buhay siya ay deboto. Bukod pa riyan, palagi niyang sinasabi sa amin na mapagbantay na maghintay sa pagbabalik ng Panginoon, at matagal ko nang gustong ibahagi sa kanya ang ebanghelyo, at sabihin sa kanya na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Naisip kong isa itong magandang oportunidad. Pero nang magkita kami, sa gulat ko, tiningnan niya ako nang may paninisi at nagtanong, “Mildred, bilang isang diyakono, paanong naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos? Bakit hindi ka muna kumonsulta sa akin bago mo tinanggap ito? Siniyasat ko sana iyon para sa iyo! Malinaw na kulang ka sa kaalaman sa Bibliya, at kung wala kami para magbantay, puwede kang mailigaw nang walang kahirap-hirap.” Talagang hindi ako naging komportable nang marinig kong sabihin ito ni Pastor Lee. Naisip ko, “Ang pagsisiyasat sa tunay na daan ay sarili kong personal na kalayaan—bakit ito kailangang sumailalim sa pagsang-ayon o pangangasiwa mo? Bukod doon, mahigit dalawang dekada na akong naniniwala sa Panginoon, at kahit hindi kasindami ng alam mo ang alam ko sa Bibliya, hindi ito nangangahulugan na wala akong sariling mga saloobin at opinyon! Tatlong buwan ko na itong masigasig na sinisiyasat, marami na akong nabasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nang matiyak ko lang na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang tinig ng Diyos, saka ko lang iyon tinanggap.” Kaya sumagot ako: “Pastor Lee, kailangan lang basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos para malaman kung Siya ba ang nagbalik na Panginoong Jesus o hindi.” Pagkatapos ay binuksan ko ang app ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa cell phone ko at binasa nang malakas ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa buong sansinukob ay ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang umakay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Idinudulot Ko na malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at sumuko sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan. Sino ang hindi nasasabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi sabik na naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nananabik sa Aking pagiging kaibig-ibig? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi hahanga sa kasaganaan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Kanya na dakila ang kapangyarihan? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong mundo; haharapin Ko ang mga taong Aking hinirang at sasambit Ako ng higit pang mga salita sa kanila, gaya ng isang malakas na kulog na yumayanig sa mga bundok at ilog, sinasambit Ko ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman na ng tao, at itinatangi ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikidlat mula sa Silangan patungo sa Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng tao at kasabay nito ay hindi rin niya ito maarok, kundi mas nagagalak dito. Gaya ng isang bagong silang na sanggol, natutuwa at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagparito. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao para lumapit sila upang sambahin Ako. Taglay ang kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ang mga salita sa Aking bibig, pahaharapin Ko ang lahat ng tao sa Akin at makikita nila na kumikidlat mula sa Silangan at na bumaba na rin Ako sa ‘Bundok ng mga Olibo’ sa Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa lupa, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo kundi bilang Kidlat ng Silanganan. Sapagkat matagal na Akong nabuhay na muli, at lumisan mula sa sangkatauhan, at pagkatapos ay muli Akong nagpakita nang may kaluwalhatian sa mga tao. Ako Siya na sinamba napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikuran ng mga Israelita napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon. Bukod dito, Ako ang napakamaluwalhating Makapangyarihang Diyos ng kasalukuyang panahon!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob). Ni hindi niya ako hinintay na matapos, pero sumabat siya, na naiinip na sinabing, “Hindi mo na kailangang magpatuloy. Matagal ko nang nai-download ang app na ito at nabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nagpapatotoo ang mga ito na ang mga salita Niya ay ang mga salita Diyos, pero imposible iyon! Lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya. Hindi puwedeng magkaroon ng anumang pagbikas mula sa Diyos sa labas noon. Kahit may awtoridad nga ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, hindi pa rin ako maniniwala sa Kanya!” Talagang nagulat ako na marinig siyang sabihin ito. Bilang isang pastor, paano niya nasabi na hindi siya maniniwala sa Makapangyarihang Diyos kahit may awtoridad pa ang Kanyang mga salita? Hindi ba isa siyang mananampalataya? Tumutol ako, sinasabing, “Pastor Lee, masisiguro mo ba na lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya? Ikaw mismo, madalas mong ibahagi sa amin ang Juan 21:25: ‘At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin.’ Gumawa at nangaral sa lupa ang Panginoong Jesus sa loob ng tatlo at kalahating taon. Gaano karami sa tingin mo ang sinabi Niya araw-araw? Gaano karami sa tingin mo ang sinabi Niya sa bawat sermon na ibinigay Niya? Sa loob ng tatlo at kalahating taon na iyon, malamang na ang Panginoong Jesus ay nakapagpahayag na ng napakaraming sermon, nakapagsalita ng napakaraming bagay—hindi mabibilang ang mga iyon! Ang nakatala sa Apat na Ebanghelyo ay makakapagkuwento lang ng maliit at limitadong bahagi, kapiraso lamang ng napakaraming iba pa. Kaya ang pagsasabing walang mga salita ng Diyos sa labas ng Bibliya ay hindi nakaayon sa realidad. Bukod doon, matagal nang iprinopesiya ng Panginoong Jesus: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Iprinopesiya rin sa Aklat ng Pahayag na magbabalik ang Panginoon sa mga huling araw at magbubukas ng balumbon, na magsasalita Siya sa mga iglesia. Ang lahat ng ito ay mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa mga huling araw, at imposibleng maitala ang mga iyon sa Bibliya noon. Kaya, kung walang umiiral na gawain o mga salita ng Diyos sa labas ng Bibliya, paano matutupad ang mga propesiyang iyon? Sa mga huling araw, naipahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan, at ito mismo ang balumbon na iprinopesiya ng Aklat ng Pahayag na bubuksan ng Kordero. Ito ang tinutukoy ng ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). Dapat tayong maghanap nang may bukas na puso. Ito ang tanging paraan para salubungin ang pagbalik ng Panginoon.” Nang matapos ako sa pagsasalita, nang-iinsultong sinabi ni Pastor Lee, “May sapat kang kaalaman sa paksa, at mukhang marami ka nang nabasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos! Pero hindi tayo pwedeng lumihis sa Bibliya sa pananalig natin. Kung lilihis ka, paano mo pa rin natatawag ang sarili mo na mananampalataya sa Panginoon? Kahit gaano pa kamangha-mangha ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kahit ang mga iyon pa ang katotohanan, hindi ko kailanman kikilalanin o tatanggapin ang anumang lumalagpas sa Bibliya. Hinihimok kitang bitawan ang pananalig mo sa Makapangyarihang Diyos. Kung hindi, babawiin ang permiso mo na maglingkod sa simbahan at pagsisisihan mo ito sa huli!” Kaya sinabi ko, “Pastor Lee, bilang mga mananampalataya, hindi ba hinihintay natin ang Panginoon na dumating at tanggapin tayo? Ngayong nagbalik na ang Panginoon at nagpahayag ng napakaraming katotohanan, hindi ba dapat natin itong lubos na siyasatin? Kung hindi tayo maghahanap nang may bukas na isipan at kakapit lang sa sarili nating mga haka-haka at imahinasyon, at makakalagpas ang pagkakataon nating sumalubong sa pagbabalik ng Panginoon, magiging huli na para sa mga pagsisisi!” Sa gulat ko, galit siyang sumagot, “Tama na iyan! Hindi ako maniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Bibigyan pa kita ng ilang panahon para pag-isipan ito, at kung pananatilihin mo ang paniniwala mo sa Makapangyarihang Diyos, paaalisin kita sa simbahan.” Tapos ay naglakad siya palayo at hindi na lumingon. Talagang nagulat ako nang makita kong kumilos nang ganito ang pastor. Palagi niyang sinasabi sa amin na tanging ang mga naghahanap nang may bukas na isip ang tatanggapin ng Panginoon. Hindi ko kailanman inakala na sa harap ng isang bagay na kasinghalaga ng pagdating ng Panginoon, hindi lang siya hindi maghahanap, kundi pipigilan niya kaming siyasatin iyon, at babantaan pa akong ititiwalag sa simbahan. Hindi ba’t ang pagsasabi ng isang bagay at paggawa ng iba ay pagiging isang ipokrito? Hindi iyon isang taong umaasam sa pagpapakita ng Panginoon!

Pumunta ako sa simbahan noong mag-Linggo, at hinanap ako ni Pastor Hung at sinabi, “Narinig kong sinisiyasat mo ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Labas sa Bibliya ang paraan nila ng pangangaral at nakabatay sa Kasulatan ang pananampalataya natin. Ang paglihis mula sa Bibliya ay pagkakanulo sa Panginoon. Dapat mong bitawan ang pananalig mong ito sa Makapangyarihang Diyos!” Kaya tinanong ko siya, “Nang dumating ang Panginoong Jesus para gumawa, sinunod Niya ba ang Lumang Tipan? Ipinangaral Niya ang daan ng pagsisisi, pinagaling ang maysakit, at pinalayas ang mga demonyo. Ipinako Siya sa krus bilang handog para sa kasalanan. Lahat ng bagay na ito na sinabi at ginawa ng Panginoong Jesus ay lubos na wala sa Kasulatan at wala sa Lumang Tipan. Masasabi mo bang ang Panginoong Jesus ay hindi ang tunay na Diyos, na ang gawain Niya ay hindi ang tunay na daan? Sasabihin mo ba na ang paniniwala sa Panginoong Jesus ay pagkakanulo sa Diyos na si Jehova? Mangangahas ka bang ipahayag na hindi puwedeng lumagpas sa Bibliya ang gawain at mga salita ng Diyos? Hindi ba iyon paggamit sa Bibliya para subukang limitahan at labanan ang Diyos?” Galit niyang pinutol ang pagsasalita ko: “Tama na iyan! Kung ipinipilit mong maniwala sa Makapangyarihang Diyos, huwag kang magsisisi.” Nang-iinis siyang tumawa pagkasabi noon at lumakad palayo. Nang makita ko ang hitsura ng pagmumukha niya, medyo natakot ako—hindi ko alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Sa gulat ko, matapos magsimula ang samba, nagpalabas ng ilang video si Pastor Hung na sinisiraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—nagalit ako dahil sa mga walang batayang video na ito na puno ng mga kasinungalingan. Maraming taon nang naglilingkod sa Panginoon ang mga pastor at elder na ito, at karaniwan ay mukha silang deboto talaga, pero hindi ko kailanman inakala na wala sila kahit na ang pinakabatayan na may-takot-sa-Diyos na puso. Papaano iyon naging isang taong may pananampalataya? Nagpahayag ng napakaraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos at puwedeng magamit ng publiko online, na inilaan para mahanap at masiyat ng lahat. Kaya mo mang tanggapin ang mga iyon o hindi, hindi ka dapat manira o gumawa ng mga maling pahayag kailanman, at lalo nang hindi mo dapat pigilan ang iba sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Paano naiba ang asal ng mga pastor sa mga Pariseo na lumaban sa Panginoong Jesus noon? Nang matapos ang mga video, tumayo sa pulpito si Pastor Hung at nagbasa ng isang sipi ng mga salita ni Pablo mula sa Bibliya: “Nagtataka ako kung bakit kaydali ninyong tumalikod sa Kanya na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo at kayo ay bumaling agad sa ibang ebanghelyo. Ang totoo ay wala namang iba pa; kaya nga lamang, may mga nanggugulo sa inyo at nagsisikap na baguhin ang ebanghelyo ni Cristo. Subalit kahit kami o isang anghel mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng ebanghelyo na iba sa ipinangaral namin sa inyo, parusahan nawa siya” (Galacia 1:6–8). Pagkatapos ay sinabi niya, “Mga mananampalataya na tayo sa Panginoong Jesus, at dapat tayong manatiling tapat sa pangalan ng Panginoon at sa Kanyang daan. Hindi tayo puwedeng lumabas at makinig sa basta anumang lumang bagay na ipinapangaral, at bukod pa riyan, hindi tayo puwedeng tumanggap ng anumang ibang ebanghelyo. Ngayon mismo, hindi tayo puwedeng makinig sa pagpapatotoo ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoong Jesus. Ito ay paglihis at pagsalungat sa pananalig natin. Ang sinumang malalamang tumanggap sa Makapangyarihang Diyos ay palalayasin kaagad sa simbahan! Ireport agad sa akin kung may nagbabahagi ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa inyo, kung hindi ay pinagtataksilan niyo ang Panginoon!” Pagkasabi niya ng lahat ng iyon, matalim siyang tumingin sa akin. Nang makita ko kung gaano ang pagkalugod niya sa sarili niya, naisip ko ang mga Pariseo sa templo, nililihis ang mga mananampalataya at binubuyo silang tanggihan ang Panginoong Jesus. Talagang nagalit akong makita na lahat ng naroon ay mukhang natakot sa sinabi ni Pastor Hung. Alam na alam ni Pastor Hung ang Bibliya—talaga bang hindi niya alam kung ano ang nasa likod ng pagsasabi nito ni Pablo? Ang realidad ay sinasabi ni Pablo na may isang ebanghelyo lang para sa Kapanahunan ng Biyaya, iyon ay ang ebanghelyo ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ang pakikinig sa anumang iba pang ebanghelyo sa Kapanahunan ng Biyaya ay magiging pagtataksil sana sa Panginoon. Pero nang sinabi ito ni Pablo, hindi pa nagagawa ng Diyos ang gawain Niya sa mga huling araw at walang nagbabahagi ng ebanghelyo ng kaharian. Kaya ang pagsasabi ng “ibang ebanghelyo” rito ay hindi talaga puwedeng tumukoy sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw. Hindi sinabi ni Pablo kailanman na maling ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian kapag nagbalik ang Panginoon, at bukod pa riyan, hindi siya nangahas sabihin kailanman na ang pagtanggap sa ebanghelyo ng Panginoong Jesus ay pagtataksil sa Panginoon. Walang pakundangang ginagamit ni Pastor Hung ang sinabi ni Pablo sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hindi ba ang pag-intinding iyon sa sipi nang wala sa konteksto at maling interpretasyon sa Bibliya ay para iligaw ng landas ang mga tao? Tapos ng samba, binalaan akong muli ni Pastor Hung na huwag ibahagi ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa sinuman sa mga kapatid. Naisip ko, “Lahat ng kapatid ay nabibilang sa kawan ng Diyos, at naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig. Sinasabi sa akin ni Pastor Hung na huwag kong ibahagi ang ebanghelyo sa kanila, ginagawa ang lahat sa kapangyarihan niya para pigilan sila na marinig ang tinig ng Diyos at pigilan sila na bumaling palapit sa Diyos. Hindi ba pagharang iyon sa kanilang landas sa pagpasok sa kaharian ng langit?” Dahil dito ay naisip ko ang isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus, na kinokondena ang mga Pariseo: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong mapagbabalik-loob; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:15). Nang marinig ang patotoo tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, hindi lang hindi nagsagawa ng sariling paghahanap ang mga pastor, kundi pinatigil din nila ang mga tupa ng Diyos sa pakikinig sa Kanyang tinig at pagsalubong sa Panginoon. Parehong-pareho sila ng mga Pariseo—lahat sila ay masasamang lingkod, pinipigil ang iba na makapasok sa kaharian ng langit. Hindi ako puwedeng pigilan ng mga pastor, kinailangan kong sunggaban ang anumang pagkakataong ibahagi ang ebanghelyo sa aking mga kapatid, at hindi na sila lalo pang mailigaw ng mga pastor at mapalagpas ang kanilang pagkakataong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.

Hindi nagtagal pagkatapos niyon, bigla na lang akong tinawagan ni Pastor Lee at pinadaan ako sa simbahan. Pagdating ko, may lima pang ibang tao roon, kasama siya, mga diyakono, at mga administrador. Tinanong ako ni Pastor Lee, habang nakangiti, “Napag-isipan mo na ba ito?” Masigasig akong sumagot, “Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Nakatiyak na ako na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita Niya. Ang tanging paraan para maalis ang mga kadena ng kasalanan at malinis ay ang tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Doon lang tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Lagi akong maniniwala sa Makapangyarihang Diyos anuman ang mangyari.” Halos hindi pa lumalabas ang mga salitang iyon sa bibig ko nang tumayo ang isang diyakono at nagsabi habang galit na nakaturo sa akin, “Bilang isang mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos, simula bukas, hindi ka na pinapayagang magturo sa Sunday School o mamahala sa pananalapi ng simbahan!” Bumaling si Pastor Lee sa diyakonong iyon at ikinaway sa kanya ang kamay niya, tapos ay sinabi sa akin, “Napatawad na ang mga kasalanan natin sa pamamagitan ng pananalig natin sa Panginoong Jesus. Hindi na talaga kailangang gawin ng Panginoon ang gawain ng paghatol at paglilinis ng sangkatauhan. Direkta Niya tayong dadalhin sa kaharian ng langit pagdating Niya.” Sumagot ako, “Totoong pinatawad tayo ng Panginoong Jesus sa mga kasalanan natin nang ipako Siya sa krus, pero ang pagpapatawad ba sa mga kasalanan natin ay nangangahulugang hindi na tayo nagkakasala, na nadalisay na tayo? Ang kapatawaran ng mga kasalanan ay tumutukoy sa pagtanggap sa pagtubos ng Panginoong Jesus para hindi na tayo maparusahan sa ilalim ng batas. Hindi iyon nangangahulugan na hindi na tayo nagkakasala o na karapat-dapat tayong pumasok sa kaharian ng langit. Naniniwala tayo sa Panginoon at sa kapatawaran ng mga kasalanan, pero hindi pa naaalis ang ating pagiging likas na makasalanan—ibig sabihin ay patuloy pa rin tayong nagkakasala, nangungumpisal, at nagkakasalang muli, naghahayag tayo ng mga satanikong disposisyon gaya ng kayabangan at pagkamapanlinlang, pag-aaway para sa katanyagan at kayamanan, panlilinlang para sa kapangyarihan, at pagsuway at paglaban sa Diyos. Hindi natin kayang takasan ang mga gapos ng kasalanan. Sabi sa Bibliya: ‘Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon(Mga Hebreo 12:14). Banal ang Panginoon, kaya dahil tayo ay puno ng karumihan at lubos na hindi karapat-dapat na makita ang mukha ng Panginoon, papaano tayo magiging karapat-dapat sa kaharian ng langit? Dahil dito kaya nangako sa atin ang Panginoong Jesus na magbabalik Siya sa mga huling araw, para magpahayag ng mga katotohanan at gumawa ng ibang hakbang ng gawain para hatulan at linisin ang sangkatauhan. Hindi tayo karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng Diyos maliban kung tanggapin natin ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw at malinis ang katiwalian natin.” Tapos ay mapanghamak na sinabi ni Pastor Lee, “Hinihintay natin ang Panginoong Jesus na may marka ng mga pako sa mga kamay Niya, na dumarating sa isang ulap para tanggapin tayo sa kaharian ng langit. Kahit pa katotohanan ang lahat ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, hindi ko pa rin ito tatanggapin!” Nakisabat din ang mga diyakono, na nagsasabing, “Oo, hinihintay natin ang Panginoong Jesus na bumaba sa isang ulap at dalhin tayo sa kaharian ng langit.” Pagkatapos ay nagsalita sila ng ilang bagay na nakakasira ng puri at lumalapastangan sa Makapangyarihang Diyos. Talagang nakakagalit para sa akin ang makita ko kung gaano sila kasutil at gaano katigas ang ulo nila. Sabi ko, “Mga lider kayo sa simbahan, pero kapag nakakarinig kayo ng patotoo na nagbalik ang Panginoon, hindi lang kayo tumatanggi na hanapin at siyasatin ito nang may bukas na isip, pero nangangahas kayong magkalat ng mga maling paniniwala, at nilalabanan at kinokondena ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ginagawa ninyo ang lahat ng magagawa niyo para hadlangan kami na siyasatin at tanggapin ang tunay na daan. Napag-isipan na ba ninyo ang kalikasan ng asal na ito at kung ano ang magiging bunga at kahihinatnan nito? Kumapit ang mga Pariseo sa sarili nilang mga haka-haka at imahinasyon, matinding lumaban at kumondena sa Panginoong Jesus. Ipinapako nila Siya sa krus, nilalabag ang disposisyon ng Diyos, at kaya isinumpa at pinarusahan ng Diyos. Talaga bang hindi nagsisilbing babala sa inyo ang aral na ito mula sa kabiguan ng mga Pariseo? Dapat ay makinig man lang kayo sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos bago magdesisyon!” Tapos ay binasahan ko sila ng isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo ang pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo, at ang mga hindi tumatanggap sa daan ng buhay na dinala ni Cristo ay namumuhay sa pantasya. Kaya naman sinasabi Ko na kamumuhian ng Diyos magpakailanman ang mga taong hindi tumatanggap kay Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Kung hindi sa pamamagitan ni Cristo, walang magagawang perpekto ng Diyos. Naniniwala ka sa Diyos, kaya dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at dapat kang magpasakop sa Kanyang daan. Di pwedeng isipin mo lang ang magkamit ng pagpapala pero wala kang kakayahang tanggapin ang katotohanan at tumanggap sa pagtustos ng buhay. Dumarating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay ang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ang Kanyang gawain ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip ay kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon ay nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi ka kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Bago pa ako nakatapos na magbasa, tumayo ang isa sa mga administrador at sinigawan ako, na namumula ang mukha sa galit, “Tama na iyan! Hindi ko ito tatanggapin kailanman, kahit gaano man karami ang katotohanan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos!” Sabi ko, “Talagang napakayabang ninyong lahat! Lahat ng ito ay mga salita mula sa Banal na Espiritu, mga salita mula sa bibig ng Diyos Mismo. Hindi ba ninyo makita? Talaga bang kaya ninyong makilala ang tinig ng Diyos? Mga tupa ba talaga kayo ng Diyos?” Mapanghamak na sumagot si Pastor Lee na tulad ng dati, “Wala akong pinaniniwalaan kundi ang Panginoong Jesus!” Nakita ko kung gaano kawalang-katwiran silang lahat, at ayaw ko nang magsabi sa kanila ng anumang iba pa. Habang naghahanda akong umalis, binantaan ako ni Pastor Lee: “Bibigyan kita ng isa pang buwan para mag-isip. Kung naniniwala ka pa rin sa Makapangyarihang Diyos, ititiwalag ka!” Pagalit kong sinabi sa kanya, “Hindi na kailangang maghintay ng isa pang buwan—puwede na ninyo akong patalsikin ngayon! Hindi ako natatakot na maalis sa simbahan. Ang kinakatakutan ko ay ang mabigong marinig ang tinig ng Diyos o mabigong makita ang pagpapakita ng Panginoon, hindi masalubong ang Panginoon, at mapalagpas ang mga biyaya ng pagpasok sa kaharian ng langit sa buong kawalang-hanggan. Narinig ko na ngayon ang tinig ng Diyos at nadala na sa harap ng trono ng Diyos, at dumadalo ako sa piging ng kasal ng Kordero. Kahit pa hindi ninyo ako patalsikin, hindi na rin ako pupuntang muli sa mga samba rito!” Sa gulat ko, balewalang tumawa si Pastor Lee at sinabing, “Hindi ka namin maaalis ngayon, baka sabihin ng mga kapatid na hindi ka namin tinatrato nang may pagmamahal. Kapag lumipas ang isa pang buwan, sasabihin namin sa kanila na ipinagkanulo mo na ang Panginoon at determinadong iwan ang simbahan, na sinisikap namin na payuhan ka, pero nagpumilit ka pa rin na maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Sasabihin namin na wala kaming mapagpilian kundi itiwalag ka sa simbahan.” Galit na galit ako nang marinig ko siyang sabihin ito. Napakaipokrito niya! Karaniwan ay napakamaalaga niya sa mga tagaparokya niya, pero pagpapanggap lang pala ang lahat ng iyon. Ginawa niya iyon para lang mapanatili ang sarili niyang reputasyon, para mapatibay ang posisyon niya, at makalikha ng huwad na imahe ng kanyang sarili. Ipinaalala nito sa akin ang isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus, na isinusumpa ang mga Pariseo: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwat sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumal-dumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangag-aanyong matuwid sa mga tao, datapuwat sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan(Mateo 23:27–28). Inisip ko kung paano naging mga mananampalataya ang mga kapatid sa loob ng napakaraming taon, habang naghihintay na masalubong ang pagbabalik ng Panginoon, pero inililigaw sila at nililinlang sila ng mga pastor. Naniniwala sa mga tsismis at maladiyablong salita nila, napapalagpas nila ang pagkakataon nilang salubungin ang pagdating ng Panginoon. Talagang nakapanlulumo ito. Walang sinuman ang mag-aakala na ang mga pastor na iyon na palaging nagsasabi sa atin na maging mapagbantay laban sa mga huwad na cristo at anticristo ay ang mga tunay na anticristo, at ang mga nagliligaw sa mga tao. Para silang mga magnanakaw na sumisigaw ng “Magnanakaw!”—lubos na kasuklam-suklam ito! Lumabas ako nang maisip ko ito at ayaw ko nang makipagpalitan pa ng mga salita sa kanila. Binalaan ako uli ni Pastor Lee, sinasabing, “Bahala ka kung gusto mong maniwala sa Makapangyarihang Diyos, pero hindi kita papayagan na ibahagi ang ebanghelyong ito sa ibang mga kapatid.”

Tuwing nasasalubong ko ang mga kapatid na nakasama ko sa mga pagtitipon noon, talagang malamig sila sa akin at sinubukan ng iba na iwasan ako. Talagang nakakasama iyon ng loob para sa akin, pero alam kong dahil ito sa pagliligaw sa kanila ng mga pastor, panggagalit sa kanila, at pagpukaw sa kanila. Naisip ko ang isang sipi ng salita ng Diyos na nabasa ko sa isang pagtitipon dati: “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa mga layunin ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang gumugulo sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila’y tila may ‘maayos na pangangatawan,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Naisip ko ang mga pastor at elder dahil dito. Pamilyar sila sa Bibliya, sa tingin ay mukhang deboto at mapagmahal sila, at tila para bang nananatili silang alerto, nananabik sa pagdating ng Panginoon. Pero kapag naririnig nila ang isang tao na nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoon, hindi lang sila tumatanggi na maghanap at magsiyasat, pero matigas din silang kumakapit sa mga haka-haka nilang tungkol sa relihiyon at binabaluktot ang Kasulatan. Alam na alam nila na naipahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng uri ng katotohanan, pero ayaw pa rin nila Siyang tanggapin, sa halip ay sadya nila Siyang nilalabanan at kinokondena, umaabot pa sa pagpapakalat ng lahat ng uri ng heresiya at kamalian. Ginagawa nila ang lahat ng maaari para itaas at patotohanan ang Bibliya, sinasabing nakapaloob doon ang lahat ng gawain at mga salita ng Diyos, na ang anumang iba roon ay heresiya at isang pagtataksil sa Panginoon, kaya pikit-matang sinasamba at iniidolo ng mga tao ang Bibliya. Ito ay isang pagtatangkang gamitin ang Bibliya para matibay nilang makontrol ang mga mananampalataya. Palagi nilang ipinangangalandakan ang tungkol sa pagiging responsable nila sa buhay ng mga mananampalataya habang ginagawa nila ang lahat para hadlangan sila sa paghahanap at pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ginagamit pa nila ang pagpigil sa amin sa paglilingkod at pagpapatalsik sa amin sa simbahan bilang mga kasuklam-suklam na taktika para bantaan at takutin kami, para pilitin kaming bumitaw sa tunay na daan. Mas gusto pa nilang makita ang mga tao na mapadpad sa isang kaparangan nang walang impluwensya ng Banal na Espiritu para magbigay ang mga ito sa kanila ng mga handog, matustusan sila, at masira ang pagkakataon ng mga itong salubungin ang pagbalik ng Panginoon. Hindi nila pinapayagan ang mga tao na basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, marinig ang tinig ng Diyos, o bumaling sa Diyos. Napakamalisyoso nito! Sila ang masasamang lingkod, mga anticristo, at mga Pariseo sa makabagong panahon na inilantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Mga demonyo sila na nakaharang sa daan ng pagpasok ng mga tao sa kaharian ng langit. Nakita ko ang tunay na mukha ng kaipokritohan nila at nagpasya ako: Anuman ang gawin nila para hadlangan o guluhin ako, hinding-hindi ako papipigil sa kanila, at patuloy akong mananalangin at aasa sa Diyos, at maghahanap ng bawat pagkakataong patuloy na ibahagi ang ebanghelyo sa mga kapatid na tunay na naniniwala sa Panginoon. Sa paraang iyon, ang tupa ng Diyos ay mas maagang makakarinig sa tinig Niya, makakalaya mula sa panlilihis at kontrol ng mga anticristo ng relihiyosong mundo, at makasusunod sa mga yapak ng Kordero.

Sinundan: 30. Ang Pagkamagiliw ba ay Angkop na Batayan para sa Mabuting Pagkatao?

Sumunod: 32. Manatiling Tapat sa Katotohanan, Hindi sa Damdamin

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito