72. Ang Landas Patungo sa Kaharian ng Langit
Pagdating sa pagpasok sa kaharian ng langit, maraming tao ang nag-iisip na, “Dahil may pananampalataya tayo sa Panginoon at napatawad na ang ating mga kasalanan, pagparito ng Panginoon ay dadalhin Niya tayo nang diretso sa Kanyang kaharian.” Tapos ay may mga mga naniniwala na ang mga banal lang ang makakikita sa Panginoon, iniisip nila, “Hindi pa rin natin maiwasang palaging magkasala—hindi pa natin naiwawaksi ang mga gapos ng kasalanan, kaya talaga bang makapapasok tayo sa kaharian ng langit?” Sa tanong na ito, maaaring sabihin ng ilan, “Sa kabila ng ating pagiging makasalanan, ang Panginoong Jesus ang ating walang hanggang handog para sa kasalanan, kaya patatawarin Niya tayo basta’t ipinagtatapat natin ang ating mga kasalanan sa Kanya. Hindi na Niya tayo ituturing na makasalanan kung gayon, at makakapasok tayo sa Kanyang kaharian.” Pero hindi ganito ang palagay ko, dahil sabi sa Bibliya: “Sapagkat kung sasadyain pa nating magpatuloy sa paggawa ng kasalanan pagkatapos nating malaman ang katotohanan, wala nang handog na maiaalay pa para mapatawad ang mga kasalanan natin” (Mga Hebreo 10:26). Pinatutunayan nito na may hangganan ang handog para sa kasalanan. Ang mga nakaaalam ng tunay na daan pero nagkakasala pa rin ay hindi makatatanggap ng pagliligtas ng Diyos. Kaya paano talaga tayo makapapasok sa kaharian ng langit? Hindi ko ito kailanman maintindihan—noong nabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, saka ko lang natagpuan ang landas ng pagpapadalisay at pagpasok sa kaharian ng Diyos.
Ipinanganak ako sa isang Kristiyanong pamamahay, at nagsisimba ako kasama ang aking mga magulang mula sa murang edad. Aktibo rin akong nakikilahok sa mga aktibidad sa simbahan. Bilang isang nasa hustong gulang, mas lalo kong masigasig na ginugol ang sarili ko para sa Panginoon. Minsan ay sinasamahan ko ang pastor na magdaos ng mga pulong ng panalangin sa labas ng bayan. Pero sa kabila ng lahat ng aking sigasig, hindi ako nakakukuha ng anumang kasiyahan mula sa mga misa. Palaging tungkol sa pare-parehong bagay ang mga sermon ng pastor. Walang bagong kaliwanagan. At ako naman, madalas na hindi ko nagagawang mamuhay ayon sa mga turo ng Panginoon. Palagi akong nasa siklo ng pagkakasala at pagtatapat. Halimbawa, nang makita ko na binigyan ng nanay ko ang mga kapatid ko ng mga regalo o pera pero bihira akong bigyan ng kahit ano, naging mainggitin ako at nagalit at nagreklamo tungkol sa kanya. Sa aking pagseserbisyo para sa simbahan, sa tuwing bibigyan ako ng pastor ng mga gawain, maiisip ko na marahil ay pinapaboran at sinusuportahan niya ako. Mapupuno ako ng pagmamalaki at mamaliitin pa ang ibang kapwa-manggagawa. Sinasabi sa mga Kasulatan: “Hangarin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng tao, at ang kabanalan, na kung wala ay walang sinuman ang makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Pero puno pa rin ako ng inggit, pagkamuhi, at panlalait. Hindi ko kayang makisama nang maayos sa aking pamilya, lalo na ang mahalin ang iba na gaya ng aking sarili at makasundo ang lahat ng tao. Banal ang Panginoon; talaga bang matatanggap ng isang tulad ko ang Kanyang papuri at makapapasok sa Kanyang kaharian? Naguluhan talaga ako, kaya humingi ako ng tulong sa pastor at ibang miyembro ng simbahan. Pero ang sabi lang ng pastor, “Bilang mga mananampalataya, napatawad na ang ating mga kasalanan. May bisa magpakailanman ang handog para sa kasalanan ng Panginoong Jesus. Kaya para sa lahat ng ating kasalanan na nagawa sa nakaraan at sa hinaharap, hangga’t nagdarasal at nagtatapat tayo sa Panginoon, patatawarin Niya tayo nang walang kondisyon. Pagkatapos ay ituturing tayo ng Panginoon bilang walang kasalanan at pahihintulutan tayong pumasok sa Kanyang kaharian. Dapat tayong magkaroon ng pananampalataya sa Panginoon.” Pero hindi nalutas ng pakikinig sa mga salita ng pastor ang aking pagkalito. Pinatatawad ng Panginoon ang ating mga kasalanan, pero bakit sinasabi rin sa Bibliya na, “Sapagkat kung sasadyain pa nating magpatuloy sa paggawa ng kasalanan pagkatapos nating malaman ang katotohanan, wala nang handog na maiaalay pa para mapatawad ang mga kasalanan natin” (Mga Hebreo 10:26)? Pinatutunayan nito na hindi magpakailanmang patatawarin ng Panginoon ang ating mga kasalanan nang walang kondisyon. Wala akong nakamit na anumang kalinawan, at naaliw ko lang ang aking sarili sa pag-iisip na: Ang pag-ibig ng Panginoon ay walang hanggan at walang katapusan, kaya marahil ay tama ang pastor. Hangga’t patuloy akong nagdarasal at umaamin, hindi gagamitin ng Panginoon ang mga kasalanang iyon laban sa akin, at pagparito Niya ay dadalhin Niya ako sa kaharian ng langit. Pagkatapos noon, nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng Bibliya at pagdalo sa mga samba, umaasa na makapapasok ako sa kaharian ng Panginoon pagparito Niya.
Kalaunan ay may nakilala akong dalawang sister online. Madalas kaming mag-chat, na pinapalakas ang loob at inuudyukan ang isa’t isa sa aming pananampalataya at nagbabahagi ng aming mga saloobin. Isang araw, tinanong ako ng isa sa kanila, “Ano ang pinakainaasahan mo bilang isang mananampalataya?” Nang wala ni katiting na alinlangan, sinabi ko, “Ang makapasok sa kaharian ng Diyos, siyempre!” Pagkatapos ay tinanong niya, “Kung gayon alam mo ba kung anong klase ng mga tao ang maaaring makapasok sa kaharian ng Diyos?” Nang sabihin niya iyon, naisip ko sa sarili ko, “Ito mismo ang naguguluhan ako. Sinasabi lahat ng pastor at ng mga miyembro ng simbahan na sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Diyos at pagbabautismo sa amin sa Kanyang pangalan, napatawad na ang aming mga kasalanan at maaari kaming pumasok sa kaharian ng langit. Ibig sabihin ba ng tanong niya ay may iba siyang opinyon?” Pagkatapos sinabi niya, “Iniisip ko dati na sa ating pananampalataya, hangga’t tinatanggap natin ang pangalan ng Panginoon, at nagdarasal at umaamin tayo sa Kanyang pangalan, patatawarin ng Panginoon ang ating mga kasalanan. Tapos pagparito Niya, dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit. Pero napagtanto ko kalaunan na kahit na napatawad na ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon, puwede pa rin tayong magkasala at labanan Siya. Halimbawa, hinihingi ng Panginoon na mahalin natin ang iba na gaya ng ating sarili, magsagawa ng pagtitimpi, at maging asin at ilaw para luwalhatiin Siya, pero palagi tayong nadadawit sa mga argumento tungkol sa hamak na maliliit na bagay. Sinisisi natin ang Panginoon at pinagtataksilan Siya sa harap ng mga sakuna at pagsubok. Gumagawa lang tayo at gumugugol ng ating sarili para makatanggap ng mga pagpapala at makapasok sa Kanyang kaharian. Ito ay pagsubok na makipagtransaksyon sa Panginoon. Ang pamumuhay sa ganitong paraan ay hindi naaayon ni bahagya sa layunin ng Panginoon. Malinaw na isinasaad sa mga Kasulatan: ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal’ (Levitico 11:45). ‘Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawat nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman’ (Juan 8:34–35). Ang Diyos ay banal at matuwid, at ang kaharian ng langit ay nasa ilalim ng Kanyang pamamahala. Isa itong banal na lupain. Hindi pahihintulutan ng Diyos ang marurumi na dungisan ang Kanyang banal na lupain. Iyong mga palaging nagkakasala, lumalaban, at nagrerebelde sa Panginoon ay mga alipin pa rin ng kasalanan, at hinding-hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos.” Dahil nakinig ako sa pagbabahagi ng sister, sinabi ko, “Tama ka. Sa ating pananampalataya, malimit tayong nagsisinungaling at nagkakasala at hindi mapalaya ang ating sarili mula sa kasalanan. Naranasan ko na ito nang matindi. Noon pa man ay talagang nalilito na ako rito. Talaga bang makakapasok tayo sa kaharian ng Diyos nang ganito? Hiningi ko ang payo ng aking pastor at ibang miyembro ng simbahan, pero hindi ako kailanman nakakuha ng isang kasiya-siyang sagot. Sa pamamagitan ng pagbabahagi mo, nagkakamit na ako sa wakas ng kaunting pagkaunawa. Ang mga laging nagkakasala at hindi pa nadalisay ay hindi maaaring makapasok sa kaharian ng Diyos. Pero hindi ko pa rin maunawaan, bakit ba patuloy tayong nagkakasala gayong, bilang mga mananampalataya, napatawad na tayo ng Panginoon?”
Bilang sagot sa tanong ko, nagbasa ang sister ng ilang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kahit na ang tao ay maaaring natubos at napatawad na sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaari lamang na ituring na hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag nito. Subalit, kapag ang tao na namumuhay sa katawang tao, ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, inihahayag nang walang katapusan ang kanyang satanikong disposisyon. Ito ang buhay ng tao, isang walang-katapusang pagpapaulit-ulit ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay walang hanggan ang bisa sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagkat ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. … Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; wala siyang paraan para kilalanin ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim, at kailangan niyang umasa sa paghatol ng salita upang makamit ang ganitong resulta. Sa ganitong paraan lamang maaaring unti-unting mabago ang tao mula sa puntong ito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Bagama’t pumarito si Jesus kasama ng tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya, pagkatapos napatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Nang mabasa ang salita ng Diyos, nagbahagi siya sa akin pagkatapos, “Noong Kapanahunan ng Biyaya, ginawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, hindi ang gawain ng pagpapadalisay at pagbabago ng sangkatauhan. Alam nating lahat na sa bandang dulo ng Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan, ang mga tao ay nanganganib na patayin dahil sa hindi pagsunod sa kautusan. Tapos ay personal na naging tao ang Diyos at ipinako sa krus bilang isang handog para sa kasalanan para sa sangkatauhan, tinutubos ang tao sa kanyang mga kasalanan. Basta’t umaamin at nagsisisi ang mga tao sa Panginoon, maaaring mapatawad ang kanilang mga kasalanan, at maaari nilang matamasa ang masaganang biyaya, kapayapaan at kaligayahang ipinagkaloob ng Panginoon. Ang pagpapatawad na ito ng mga kasalanan ay tumutukoy na hindi na tayo papatayin sa ilalim ng kautusan. Hindi ito nangangahulugan na malaya na ang tao sa kasalanan, lalong hindi ito nangangahulugan na ang tao ay hindi na muling magkakasala kailanman. Napatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pananampalataya, pero ang ating makasalanang kalikasan ay malalim pa ring nakaugat sa loob natin. Puno tayo ng mga satanikong disposisyon katulad ng pagmamataas, panlilinlang, at kasamaan. Halimbawa, sinasalungat pa nga natin ang sarili nating konsensya, nagsisinungaling at nanloloko, para protektahan ang ating sariling mga interes. Kapag hindi kumikilos ang mga tao sa paraang gusto natin sa kanila, nagagalit tayo at sinasaway sila. Nakikipagpaligsahan tayo para sa katayuan at naghahanap ng pakinabang, mainggitin tayo at palaaway. Hinahabol din natin ang masasamang makamundong kalakaran at nilalasap ang mga kasiyahan ng laman. At iba pa. Alam natin na ang pagkakasala ay hindi pagsunod sa layunin ng Panginoon at malimit tayong humaharap sa Panginoon para magsisi at magtapat, pero pagkatapos ay patuloy lang tayong nagkakasala. Ang lahat ng ito ay bunga ng ating satanikong kalikasan. Kung hindi natin lulutasin ang ugat ng ating makasalanang kalikasan, ang ating mga kasalanan ay magiging parang masasamang damo na pinutol sa tangkay, tumutubo uli mula sa ugat. Samakatuwid, isinasagawa ng Diyos sa mga huling araw ang gawain ng paghatol, ganap na nilulutas ang ating makasalanang kalikasan, nililinis at binabago ang ating mga tiwaling disposisyon, para hindi na tayo magkasala o lumaban sa Diyos. Ito lang ang paraan para maging karapat-dapat sa kaharian ng langit.”
Matapos makinig sa pagbabahagi ng sister, naunawaan ko na ang pagpapatawad ng mga kasalanan ay nangangahulugan lang na napatawad na ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, hindi na hindi tayo makasalanan. Hindi rin ito nangangahulugan na patatawarin ng Panginoon ang ating mga kasalanan nang walang katapusan, tulad ng sinabi ng aking pastor. Napakapraktikal ng pagbabahagi ng sister, at ganap na nakaayon sa Bibliya: “Sapagkat kung sasadyain pa nating magpatuloy sa paggawa ng kasalanan pagkatapos nating malaman ang katotohanan, wala nang handog na maiaalay pa para mapatawad ang mga kasalanan natin” (Mga Hebreo 10:26). Ang sinabi ng pastor ay iniiwan akong naguguluhan dati. Banal ang Panginoon. Dadalhin ba talaga Niya tayo sa Kanyang kaharian kahit na palagi tayong nagkakasala? Hindi ko ito maintindihan, kaya nagtiwala lang ako sa sinabi ng pastor at patuloy kong pinag-aralan ang Bibliya, nagdasal at umamin, at umaasa na pagparito ng Panginoon ay hindi Niya titingnan ang ating mga kasalanan kundi diretso tayong dadalhin sa Kanyang kaharian. Ngayong naaalala ko, isa iyong hindi kapani-paniwalang kuru-kuro. Sinabi ng sister na gagampanan ng Panginoon ang gawain ng paghatol para dalisayin ang tao sa Kanyang pagbabalik, kaya nagmadali akong tanungin siya kung paano mismo gagampanan ng Diyos ang gawaing ito. Matiyaga siyang sumagot, “Naglalaman ang Bibliya ng maraming propesiya tungkol dito. Halimbawa: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan’ (Juan 16:12–13). ‘Siya na tumatanggap sa Akin, ngunit hindi tinatanggap ang Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw’ (Juan 12:48). Ipinapakita ng mga bersikulo na ito na ipapahayag ng Diyos ang katotohanan para hatulan at dalisayin ang sangkatauhan sa mga huling araw. Nagbalik na ngayon ang Panginoong Jesus bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Ipinahahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos para malutas ang makasalanang kalikasan at mga satanikong disposisyon ng tao, at sa huli ay maligtas ang sangkatauhan mula sa impluwensiya ni Satanas.” Tapos ay ipinakita niya sa akin ang mga video ng pagbasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat magpasakop ang tao sa Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad at pinupungusan Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). “Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ng pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at maaaring madalisay ang tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).
Nagbahagi sa akin ang sister pagkatapos ng mga video: “Sa mga huling araw, ginagamit ng Makapangyarihang Diyos una sa lahat ang katotohanan para hatulan at ilantad ang satanikong kalikasan ng sangkatauhan at ang iba’t ibang satanikong disposisyon na lumalaban at nagkakasala sa Kanya. Kasabay nito, nililinaw rin Niya ang lahat ng katotohanan na dapat nating isagawa sa ating pananampalataya—halimbawa, kung paano lumikha ng isang normal na relasyon sa Diyos, kung paano isabuhay ang normal na pagkatao, kung paano mahalin at magpasakop sa Diyos, kung paano manampalataya at maglingkod sa Diyos na nakaayon sa Kanyang mga layunin, at marami pa. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, makikita natin kung gaano tayo labis na nagawang tiwali ni Satanas, at kung gaano tayo kapuspos ng mga satanikong disposisyon na tulad ng pagmamataas, panlilinlang, at kasamaan. Hindi natin isinasabuhay ang ni kaunting wangis ng pagkatao, kundi mga sagisag tayo ni Satanas at hindi karapat-dapat na mamuhay sa harap ng Diyos. Maaari din nating malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng anumang paglabag, simulang kamuhian at kasuklaman ang ating sarili at magsisi sa Diyos. Sa gayon ay unti-unting mababago ang ating mga tiwaling disposisyon, at magkakaroon tayo ng kaunting takot sa Diyos, at pagpapasakop sa Kanya.” Matapos iyon, nagpatuloy siya sa pagbabahagi ng ilan sa kanyang karanasan. Sinabi niya na sa pananampalataya niya noon sa Panginoon, naisip niya na yamang iginugol niya ang kanyang sarili, maraming isinuko, dumanas ng mga paghihirap at nagbayad ng halaga para sa Panginoon, minahal niya ang Panginoon sa lahat at mas magaling kaysa sa ibang tao. Ginagamit niya ito bilang kapital at minamaliit ang iba, iniisip na siya ang pinaka-akmang maputungan ng korona at magantimpalaan. Matapos matanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, binasa niya ang mga salita ng Diyos na hinahatulan at inilalantad ang sangkatauhan. Nakita niya ang sumusunod na sipi: “Magiging pinakamainam para sa inyo na maglaan ng higit pang pagsisikap sa katotohanan ng pagkilala sa sarili. Bakit hindi kayo nagugustuhan ng Diyos? Bakit kasuklam-suklam sa Kanya ang inyong disposisyon? Bakit pinupukaw ng inyong pananalita ang Kanyang galit? Sa sandaling magpamalas kayo ng katiting na katapatan, pinupuri ninyo ang inyong sarili, at humihingi kayo ng gantimpala para sa maliit na ambag; hinahamak ninyo ang iba kapag nakapagpakita kayo ng kaunting pagpapasakop, at nawawalan kayo ng galang sa Diyos kapag may simpleng gawain kayong naisasakatuparan. … Lubos na nababatid na naniniwala kayo sa Diyos, magkagayunman ay hindi kayo nakaayon sa Diyos. Lubos na nababatid na hindi kayo karapat-dapat, patuloy pa rin kayong nagyayabang. Hindi ba ninyo nadarama na lumala na nang kaunti ang inyong katwiran kaya wala na kayong kontrol sa sarili?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos). Nagdalamhati at nahiya siya matapos itong basahin. Napagtanto niya noon na ang ugali niya ng palaging pagtataas ng sarili at panghahamak ng iba, ang paniniwala niya na karapat-dapat siyang makoronahan, ay ganap na dahil sa kanyang mapagmataas na satanikong kalikasan. Napagtanto niya na ang kanyang paggugol ay hindi para magpasakop sa Diyos, kundi sa halip ay ginawa para makatanggap ng mga pagpapala at makipagtransaksyon sa Diyos. Naunawaan niya ang kanyang mayabang at satanikong disposisyon, at ang karumihan ng kanyang pananampalataya. Nakita niya na puno siya ng mga satanikong disposisyon pero wala pa ring kahihiyan at hindi-makatwirang umasa na mapagpala at makapasok sa kaharian ng langit. Kinamuhian at kinasuklaman niya ang kanyang sarili, at hindi na inisip na mas magaling siya kaysa sa sinuman. Hindi siya nangahas na magmalaki tungkol sa pagmamahal niya sa Diyos o hingin na gantimpalaan at koronahan Niya siya. Sa halip, alam niya na dapat niyang tanggapin nang taimtim ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, hangarin na maiwaksi ang kanyang tiwaling disposisyon, at gawin ang kanyang makakaya para matupad ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha. Matapos marinig ang pagbabahagi niya, nagkaroon ako ng mas mabuting pagkaunawa sa kung paano ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Sa tingin ko ay napakapraktikal at lubhang makatutulong ang patotoo ng kanyang karanasan para sa akin. Naisip ko kung paanong ganung-ganun ako—pinaboran ako ng pastor at pinagkatiwalaan ng mga gawain, kaya inakala kong mas magaling ako sa aking mga kapatid at minaliit ko sila. Sa bahay, noon pa man ay iniisip ko nang sa akin dapat umikot ang buhay ng lahat. Iyon ang sarili kong mapagmataas na disposisyon. Naisip kong maaari din akong madalisay at mabago sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Nagkuwentuhan kami hanggang sa gabing-gabi na, at nagkamit ako ng maraming espirituwal na panustos at kasiyahan.
Kalaunan, gumawa ako ng malawakang pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nalaman ko na hindi lang inilalantad ng mga salita ng Diyos ang katotohanan sa likod ng katiwalian ng sangkatauhan at ng mga hiwaga ng gawain ng Diyos, kundi dinedetalye rin ng mga ito kung paano aalisin ang mga tiwaling disposisyon, paano mamumuhay ng makabuluhang buhay, at marami pang ibang aspeto ng katotohanan. Napagtanto ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at ang tinig ng Diyos. Lubos akong nakasiguro na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus at pormal kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Nagbabalik-tanaw ako sa mga taong iyon ng pananampalataya sa Panginoon habang namumuhay sa kasalanan at walang lakas na alisin ang aking sarili mula sa mga kamay nito—gulong-gulo ako kung paano makapapasok sa kaharian ng langit. Ngayo’y natagpuan ko na sa wakas ang landas sa pagpapadalisay at sa kaharian ng langit! Salamat sa Makapangyarihang Diyos!