30. Ang Pagkamagiliw ba ay Angkop na Batayan para sa Mabuting Pagkatao?

Ni Frank, Pilipinas

Noong maliit pa ako, laging sinasabi ng mga tao na mabait at maganda ang ugali ko; sa madaling salita, isang mabuting bata. Bihira akong magalit sa iba at hindi kailanman nagdudulot ng anumang gulo. Pagkatapos umanib sa pananampalataya, naging magiliw rin ako sa iba pang mga kapatid. Mapagparaya ako, matiyaga at mapagmahal. Naaalala ko ang isang panahon noong tinuturuan ko ang ilang matatandang miyembro kung paano gumamit ng kompyuter. Matiyaga ko silang tinuruan nang paulit-ulit. Kahit na minsan ay mabagal silang matuto at medyo naaabala ako, sinisikap kong huwag magpakita ng kawalan ng pasensya, sa takot na baka sabihin ng iba na wala akong mapagmahal na kabaitan. Dahil dito, madalas sabihin ng mga kapatid na mayroon akong mabuting pagkatao, at pinili ako ng lider ko na magdilig ng mga baguhan, sinasabi na ang mga taong may kabaitan at pasensya lang ang makakagawa nang maayos sa tungkuling iyon. Labis akong nasiyahan sa sarili ko nang marinig iyon, at mas nakasiguro ako na ang pagiging magiliw at mabait ay tanda ng mabuting pagkatao.

Kalaunan, naging magkapareha kami ni Brother Li Ming bilang mga lider sa iglesia. Matapos magtulungan nang ilang panahon, napansin ko na gustong gawin ni Li Ming ang mga bagay-bagay sa sarili niyang paraan, at medyo mainitin ang ulo niya. Kapag hindi nasusunod ang gusto niya, madalas siyang nagagalit. Isa pa, hindi siya bukas sa kanyang gawain at madalas ay mapanlinlang siya. Hindi siya kumikilos ayon sa mga prinsipyo at hindi niya pinoprotektahan ang gawain ng iglesia. Sa loob ng ilang panahon, palagi niyang ginagamit ang kanyang telepono para makipag-ugnayan sa mga kapatid. Alam kong dahil dito ay maaari silang masubaybayan ng mga pulis at makagulo sa iglesia, at ilang beses kong naisip na pigilan siya, pero sa sandaling magsasalita na ako, pinipigilan ko. Pakiramdam ko, kung direkta kong tutukuyin ang problema niya, baka isipin niya na bagamat kumikilos akong mabait sa panlabas, wala pala akong awa sa aking mga salita at kilos, at mahirap pakisamahan. Matapos pag-isipan ito, nagpasya akong magkompromiso at tanungin lang siya kung ginagamit niya ang telepono niya upang kontakin ang mga kapatid o hindi. Nang hindi siya umaming ginagamit niya ito, alam kong nagsisinungaling siya, pero hindi ko siya inilantad at pinigilan, sa takot na magdudulot ito ng alitan sa pagitan namin at bababa ang tingin niya sa akin. Nang maglaon, napansin kong lalong lumalala ang mga problema ni Li Ming. Isang beses, sinabi sa akin ng ilang kapatid na ang asawa niya ay palaging nagsasalita ng mga salita at doktrina para magpakitang-gilas sa mga pagtitipon, hindi nilulutas ang mga aktuwal na isyu, at sinasabi sa iba kung gaano ito nagdusa at nagsakripisyo sa tungkulin nito para lang hangaan nila ito. Pagkatapos ng pagsisiyasat, natukoy na hindi ito angkop na maging lider at dapat tanggalin. Nang sabihin ko ito kay Li Ming, nairita siya nang husto, sinasabing huwad ang pagsusuri ng mga kapatid, at hindi makatarungan sa kanyang asawa. Kinuwestiyon pa nga niya kung bakit hindi namin siniyasat ang mga nag-ulat sa isyu, at siniyasat lang ang kanyang asawa. Nagulat ako—hindi ko akalain na gayon kasama ang saloobin ni Li Ming. Upang subukang ayusin ang mga bagay, sinabi ko sa kanya: “Patahimikin mo ang puso mo at hanapin ang layunin ng Diyos sa isyung ito. Subukang huwag hayaang magpadala sa mga emosyon mo.” Pero hindi man lang niya ako pinakinggan at hindi siya tumigil. Dahil sa sadyang paghadlang ni Li Ming, hindi nalutas ang problema sa asawa niya. Pagkatapos niyon, pinagalitan din ni Li Ming ang mga kapatid sa isang pagtitipon at pinaiyak pa nga ang isang sister dahil sa kanyang panenermon. Naramdaman kong nagiging masyado nang malubha ang problema ni Li Ming. Obhetibo at patas na sinuri ng iba ang asawa niya, binabanggit lang ng mga ito ang mga katunayan, pero dahil nagbabanta ito sa kanyang mga interes, nagalit siya at inatake sila. Mayroon siyang masamang pagkatao! Ginusto kong iulat ang problema niya sa lider namin, pero naisip ko: “Hindi ba’t nagiging sumbungera lang ako niyon at pinagtataksilan siya? At saka, tiyak na tatawagin siya ng lider na iyon para sa pakikipagbahaginan kung isusumbong ko siya—kapag nalaman niyang ako ang nagsumbong sa kanya, ano ang iisipin niya sa akin? Hindi ba’t sasabihin niya na sinisiraan ko siya nang lingid sa kanyang kaalaman at na mayroon akong masamang pagkatao?” Nang mapagtanto ko ito, hindi ko na siya iniulat, pero naramdaman kong napipigilan ako at nahihirapan.

Kalaunan, dahil iniulat ng ibang tao ang problema niya, sa wakas ay tinanggal na si Li Ming. Kasunod nito, inilantad ako ng nakatataas na lider, sinasabing: “Bagamat mukhang nakakasundo mo ang lahat, wala kang tunay na katapatan para sa Diyos. Bakit hindi mo inilantad at pinigilan si Li Ming nang mapansin mo ang problema niya? Paanong hind mo iniulat ang gayong napakahalagang isyu? Gusto mo bang protektahan ang gawain ng iglesia o hindi?” Pagkatapos mapungusan ay saka lang ako namulat at nagsimulang magdasal sa Diyos at magnilay-nilay. Nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “Kailangang may pamantayan para sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Hindi kasama rito ang pagtahak sa gitnang daan, hindi pagkapit sa mga prinsipyo, pagsisikap na huwag mapasama ang loob ng sinuman, pagsipsip kahit saan ka magpunta, pagiging madulas at tuso sa lahat ng iyong nakakasalamuha, at pagtitiyak na puro maganda ang sasabihin ng lahat tungkol sa iyo. Hindi ito ang pamantayan. Ano kung gayon ang pamantayan? Ito ay ang kakayahang magpasakop sa Diyos at sa katotohanan; ito ay ang pagkakaroon ng mga prinsipyo sa kung paano hinaharap ng isang tao ang kanyang tungkulin at lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay, at—sa paggampan ng tungkulin ng isang tao—ang pagiging responsable, hindi pagiging tuso o pagpapabaya, ang kakayahang pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at hindi pagpapakana para sa sariling kapakanan. Ang gayong mga pagpapamalas ay malinaw na nakikita ng lahat; malinaw sa lahat ang mga ito sa kanilang puso. Bukod doon, sinisiyasat ng Diyos ang puso ng mga tao at alam Niya ang kanilang tunay na sitwasyon, bawat isa sa kanila; kahit sino pa sila, walang makakalinlang sa Diyos. May ilang tao na palaging ipinagyayabang na nagtataglay sila ng mabuting pagkatao—hindi raw sila kailanman nagsasalita nang masama tungkol sa iba, hindi kailanman namiminsala sa mga interes ng ibang tao, at hindi kailanman nag-iimbot sa ari-arian ng ibang mga tao, mas pinipili pa ngang magdusa ng kawalan kaysa manamantala ng iba kapag mayroong alitan sa mga interes. At iniisip ng lahat ng iba na sila ay mabubuting tao. Gayumpaman, kapag gumagawa ng kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos, sila ay tuso at mapanlansi, palaging nagpapakana para sa kanilang sarili. Walang kahit isang bagay kung saan isinasaalang-alang nila ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ni anumang bagay kung saan nakikibahagi sila sa pagkaapurahan ng Diyos o iniisip nila kung ano ang iniisip ng Diyos, ni anumang bagay kung saan kaya nilang isantabi ang sarili nilang mga interes para gawin nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Hindi nila kailanman tatalikdan ang sarili nilang mga interes para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kahit na nakikita nilang gumagawa ng kasamaan ang masasamang tao, hindi nila inilalantad ang mga ito; wala silang mga prinsipyo o kung anuman. Anong uri ng pagkatao ito? Hindi ito mabuting pagkatao. Hindi mahalaga kung ano ang sinasabi ng gayong mga tao; dapat ninyong tingnan kung ano ang kanilang isinasabuhay, ang kanilang ibinubunyag, at ang kanilang saloobin kapag ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin, pati na ang kanilang kalagayang panloob at ang kanilang pinapahalagahan. Kung ang pagmamahal nila sa kanilang kasikatan at pakinabang ay nakahihigit sa kanilang katapatan sa Diyos at sa kanilang pagsasaalang-alang sa Diyos, o kung ang pagmamahal nila sa kanilang kasikatan at pakinabang ay nakahihigit sa kanilang pagsasaalang-alang para sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, nagtataglay ba ang gayong mga tao ng pagkatao? Hindi sila mga taong may pagkatao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan ng Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na hindi pwedeng husgahan ang pagkatao ng isang tao batay sa panlabas na katangian tulad ng kung mahinahon ba siya, o kung kaya ba niyang makisama nang maayos sa iba, bagkus ay batay sa kanyang saloobin sa Diyos at sa katotohanan, kung responsable siya sa kanyang tungkulin, at kung nakikiisa siya sa Diyos at kumikilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo kapag nahaharap sa mga isyu. Noon, akala ko ay may mabuti akong pagkatao. Mabait ako tingnan at may magandang personalidad, pero nang mapansin kong ginagamit ni Li Ming ang telepono niya para makipag-ugnayan sa mga kapatid, na nakakompromiso sa seguridad ng iglesia, nag-alala akong baka masira ang relasyon namin kapag pinuna ko siya, at kaya binigyan ko lang siya ng maingat at banayad na paalala. Nang hindi siya umamin sa inasal niya, hindi ko siya inilantad o pinigilan. Naisip ko: “Kung magkakaproblema man, hindi niya masasabing hindi ko siya pinaalalahanan.” Naisip ko na ang ganitong paggawa ng mga bagay ay hindi makakasira sa aking imahe at maiiwasan kong managot kapag may nangyaring mali. Iniisip ko lang ang sarili kong mga interes, katayuan at imahe, samantalang wala akong pakialam sa gawain ng iglesia o sa kaligtasan ng mga kapatid. Masyado akong makasarili at mapanlinlang! Nang makita ko kung paanong, dahil sa kanyang damdamin para sa kanyang asawa, nagalit si Li Ming sa iba dahil sa isyu sa kanyang asawa, dapat ay iniulat ko ito kaagad sa aming nakatataas na lider, pero nag-alala ako na baka isipin niyang lihim ko siyang binabatikos, kaya’t nanatili akong tahimik. Wala akong ginawa at hinayaan ko si Li Ming na maging walang pakundangan, na nagkaroon ng negatibong epekto sa gawain ng iglesia, at nagdulot ng mga pag-atake at kapahamakan sa mga kapatid. Nasaan ang pagkatao ko? Habang isinasaalang-alang ang mga kilos ko batay sa mga salita ng paghatol at paglalantad ng Diyos, sobra akong nakonsensya. Palagi kong iniisip na mayroon akong mabuting pagkatao, pero sa pamamagitan ng paghahayag ng mga salita ng Diyos at ang mailantad ng mga katunayan, ganap na nagbago ang aking pananaw sa sarili. Sa panlabas, mabait ako, pero sa likod ng kabaitang iyon ay isang kasuklam-suklam na layunin. Inisip ko lang ang mga pansarili kong interes at hindi man lang pinrotektahan ang gawain ng iglesia. Gumamit ako ng pekeng kabaitan at sinubukan kong palugurin ang lahat. Isa akong huwad na maka-Diyos at mapanlinlang na tao. Hindi na ako naglakas-loob na umaktong may mabuting pagkatao. Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang diwa sa likod ng magandang pag-uugali tulad ng pagiging madaling lapitan at magiliw ay mailalarawan sa isang salita: pagpapanggap. Ang gayong magandang pag-uugali ay hindi nagmumula sa mga salita ng Diyos, ni resulta ng pagsasagawa ng katotohanan o pagkilos ayon sa prinsipyo. Saan ito nagmumula? Nagmumula ito sa mga motibo at pakana ng mga tao, mula sa kanilang pagpapanggap, pagpepresenta ng kanilang sarili, at pagiging mapanlinlang. Kapag kumakapit ang mga tao sa mabubuting pag-uugali na ito, ano ang intensiyon at pakay nila? Ito ay para matugunan ang sarili nilang banidad at makakuha sila ng papuri mula sa ilang tao; kung hindi, hinding-hindi sila mamumuhay nang laban sa sarili nilang kalooban. Ano ang ibig sabihin ng mamuhay nang laban sa sariling kalooban? Ibig sabihin, sa kanilang puso at tunay na kalikasan, ang mga tao ay hindi kasing-amo, kasingsimple, kasingtaong-totoo, kasingbanayad, kasingbait, at kasinglinis gaya ng iniisip ng iba, pero dahil may banidad sila at gusto nilang makuha ang pagsang-ayon at papuri ng ibang tao, pakiramdam nila ay obligado silang magpanggap at magpakita ng ilang huwad na pag-uugali na salungat sa sarili nilang kalooban upang makuha ang pabor ng mga tao. Hindi ito pamumuhay ayon sa konsensiya at katwiran, ito ay pamumuhay ayon sa sariling mga ambisyon at pagnanais para matugunan ang sariling mga hinihingi. Ang totoong kalikasan ng bawat tao ay magulo ang isip. Kung wala ang mga batas at kautusang ipinagkaloob ng Diyos, wala sanang ideya ang mga tao kung ano ang kasalanan. Hindi ba’t ganito dati ang sangkatauhan? Nang magpalabas ang Diyos ng mga batas at kautusan, saka lamang nagkaroon ang mga tao ng kaunting pagkaunawa sa kasalanan. Ngunit wala pa rin silang konsepto ng tama at mali, o ng mga positibo at negatibong bagay. Sa ganitong kaso, may kamalayan ba sila sa mga tumpak na prinsipyo sa pagsasalita at pagkilos? Kaya ba nilang malaman kung aling mga paraan ng pagkilos, aling magagandang pag-uugali, ang dapat makita sa normal na pagkatao? Alam ba nila kung saan nakabatay ang pagkakabuo ng tunay na mabuting pag-uugali, at anong uri ng daan ang dapat nilang sundan para maisabuhay ang wangis ng tao? Hindi alam ng mga tao ang mga bagay na ito; alam lang nila ang mamuhay ayon sa sarili nilang kalikasan at mga instinto, at alam lang nila na umasa sa pagkukunwari para ipresenta ang kanilang sarili at pamukhaing namumuhay sila nang disente at nang may dignidad—na siyang nagpasimula ng mga panlilinlang na tulad ng pagiging may pinag-aralan at matino, malumanay at pino, magalang, ipinagpipitagan ang matatanda at inaalagaan ang mga bata, at pagiging magiliw at madaling lapitan; sa gayon ay lumitaw ang mga panlalansi at paraang ito ng panlilinlang. At sa sandaling lumitaw ang mga ito, pinipiling kumapit ng mga tao sa isa o ilan sa mga panlilinlang na ito. Ang ilan ay pinipiling maging magiliw at madaling lapitan, ang ilan ay pinipiling maging may pinag-aralan at matino, malumanay at pino, ang ilan ay pinipiling maging magalang, na ipagpitagan ang matatanda at alagaan ang mga bata, ang ilan ay pinipiling maging lahat ng bagay na ito. Subalit iisa ang tawag Ko sa mga taong may gayong magagandang pag-uugali. Anong katawagan iyon? ‘Makikinis na bato.’ Ano ang makikinis na bato? Iyon ang makikinis na bato sa mga ilog na nakiskis at napakintab ng umaagos na tubig sa loob ng maraming taon kaya wala nang anumang matatalim na gilid. At kahit maaaring hindi masakit tapakan ang mga iyon, maaaring madulas doon ang mga tao kung hindi sila mag-iingat. Sa anyo at hugis, napakagaganda ng mga batong ito, ngunit medyo walang silbi ang mga ito—ganyan ang ‘makinis na bato.’ Para sa Akin, ang mga taong may ganitong mukhang magagandang pag-uugali ay nakalulunos. Nagkukunwari silang mabuti sa panlabas, ngunit hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan, nagsasabi sila ng mga bagay na masarap pakinggan, ngunit hindi sila gumagawa ng anumang tunay. Sila ay walang iba kundi makikinis na bato. Kung magbabahagi ka sa kanila tungkol sa katotohanan at sa mga prinsipyo, kakausapin ka nila tungkol sa pagiging malumanay at pino, at magalang. Kung kakausapin mo sila tungkol sa pagkilatis sa mga anticristo, kakausapin ka nila tungkol sa pagpipitagan sa matatanda at pangangalaga sa mga bata, at pagiging may pinag-aralan at matino. Kung sasabihin mo sa kanila na kailangang mayroong mga prinsipyo sa sariling asal ng isang tao, na kailangang hanapin ng isang tao ang mga prinsipyo sa kanyang tungkulin at hindi mapagmatigas na kumilos, ano ang magiging saloobin nila? Sasabihin nila, ‘Ibang usapin ang pagkilos alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Hangga’t ako ay may pinag-aralan at matino, at ipinagpipitagan ko ang matatanda at inaalagaan ang mga bata, at sinasang-ayunan ako ng iba, sapat na iyon.’ Interesado lang sila sa mabubuting pag-uugali, hindi sila tumutuon sa pagsasagawa sa katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (3)). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang pagiging magiliw at madaling lapitan, mga asal na itinuturing na mabuti sa tradisyonal na kultura, ay sa diwa isang pagkukunwari lang. Ang mga umaakto nang ganito ay nagkukunwari lang, nagpapanggap para makuha ang paghanga ng mga tao at linlangin ang mga ito para igalang at purihin sila. Ang lahat ng ito ay pagsasabwatan at panlalansi, at nagiging manloloko sila sa pagkilos nang ganito. Napagtanto ko rin na ang dahilan kung bakit sobra pa rin akong makasarili at mapanlinlang, sa kabila ng paghahangad na magkaroon ng mabuting pag-uugali sa lahat ng taon na ito, ay dahil may masasamang layunin sa likod ng lahat ng ito. Gusto kong maging maganda ang impresyon ng mga tao sa akin para igalang at purihin nila ako. Nakondisyon at naturuan ako ng tradisyonal na kultura mula sa murang edad na pahalagahan ang mabuting asal. Inakala ko na ang pagkakaroon ng mabuting asal ay magbibigay sa akin ng papuri ng mga tao sa paligid ko. Matapos umanib sa pananampalataya, patuloy kong sinubukang maging isang magiliw at madaling lapitan na tao at panatilihin ang magandang imahe at katayuan sa mga kapatid, lalo na noong ipinareha ako kay Li Ming. Napansin kong ilang beses niyang ginamit ang telepono niya para kontakin ang mga kapatid, nilalabag ang mga prinsipyo, inilalagay sa panganib ang mga kapatid, at binabalewala ang mga interes ng iglesia, at kaya dapat ay inilantad at pinigilan ko siya, pero nag-alala ako na baka magkaroon siya ng masamang impresyon sa akin kaya’t hinayaan ko na lang ito. Malinaw kong nakita na pinoprotektahan ni Li Ming ang asawa niya at pinipigilan pa nga ang mga kapatid, at na hindi lang ito isang simpleng kaso ng katiwalian—masama ang pagkatao niya, hindi siya angkop na lider, at dapat sana ay iniulat siya kaagad. Pero sa halip ay pinili kong manahimik muli para protektahan ang aking katayuan at imahe. Para protektahan ang imahe ko, kinagat ko ang kamay na nagpakain sa akin. Hindi ko man lang naprotektahan ang mga interes ng iglesia. Lubos kong naunawaan na ang paghahangad na maging magiliw at madaling lapitan ay hindi lang walang naitulong sa pagbabago ng aking tiwaling disposisyon, bagkus ay mas lalo ako nitong ginawang makasarili at mapanlinlang. Hinangad ko ang mabuting pag-uugali sa halip na isagawa ang katotohanan, nagpapakita ng huwad na imahe para itago ang aking mga kasuklam-suklam na layunin at ipaisip sa lahat na nasa akin ang katotohanang realidad at na mapagmahal at mabait ako, niloloko sila para pagkatiwalaan ako at respetuhin at sang-ayunan ako. Nasa landas ako ng mga huwad na maka-Diyos na Pariseo at lumalaban sa Diyos. Kokondenahin at ititiwalag ako ng Diyos kung magpapatuloy ako nang ganoon.

Kalaunan, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsasabing: “At ano ang kinahihinatnan kapag laging iniisip ng mga tao ang sarili nilang interes, kapag lagi nilang sinusubukang protektahan ang kanilang sariling pride at banidad, kapag nagpapakita sila ng isang tiwaling disposisyon pero hindi naman nila hinahanap ang katotohanan para ayusin ito? Ito ay na wala silang buhay pagpasok, ito ay na wala silang mga tunay na patotoo batay sa karanasan. At delikado ito, hindi ba? Kung hindi mo kailanman isinasagawa ang katotohanan, kung wala kang mga patotoo batay sa karanasan, pagdating ng panahon ay mabubunyag at matitiwalag ka. Ano ang silbi ng mga taong walang mga patotoong batay sa karanasan sa sambahayan ng Diyos? Nakatakda silang hindi magawa nang maayos ang anumang tungkulin at hindi makayang gawin nang maayos ang anumang bagay. Hindi ba’t basura lang sila? Kung hindi kailanman isinasagawa ng mga tao ang katotohanan matapos ang maraming taon ng pananampalataya sa Diyos, sila ay mga hindi mananampalataya; sila ay masasamang tao. Kung hindi mo kailanman isinasagawa ang katotohanan, at kung lalo pang dumarami ang mga pagsalangsang mo, nakatakda na ang kalalabasan mo. Makikita nang malinaw na ang lahat ng iyong pagsalangsang, ang maling landas na tinatahak mo, at ang matigas mong pagtanggi na magsisi ay bumubuo sa maraming masamang gawa, at na ang kalalabasan mo ay na nararapat kang mapunta sa impiyerno at maparusahan. Iniisip ba ninyo na maliit na bagay lang ito? Kung hindi ka pa naparusahan, hindi mo mararamdaman kung gaano kanakapangingilabot ito. Pagdating ng araw kung saan talaga ngang naharap ka sa kapahamakan, at naharap ka sa kamatayan, magiging huli na ang lahat para magsisi. Kung, sa pananalig mo sa Diyos, hindi mo tinatanggap ang katotohanan, at kung matagal ka nang naniniwala sa Diyos pero walang nagbago sa iyo, ang kahihinatnan mo sa huli ay ititiwalag at aabandonahin ka(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Kapag kumilos at umasal ang mga tao ayon sa mga salita ng Diyos, saka lamang sila magkakaroon ng tunay na pundasyon. Kung hindi sila umaasal ayon sa mga salita ng Diyos, at tumutuon lamang sila sa pagpapanggap na kumikilos sila nang maayos, magiging mabubuting tao ba sila dahil dito? Talagang hindi. Ang magagandang doktrina at pag-uugali ay hindi mababago ang mga tiwaling disposisyon ng tao, at hindi mababago ng mga ito ang kanyang diwa. Tanging ang katotohanan at mga salita ng Diyos ang maaaring magpabago sa mga tiwaling disposisyon, kaisipan, at opinyon ng mga tao, at maaaring maging buhay nila. … Ano ba dapat ang batayan ng pananalita at mga pagkilos ng mga tao? Mga salita ng Diyos. Kung gayon, ano ang mga hinihinging pamantayan ng Diyos para sa pananalita at pagkilos ng mga tao? (Na dapat nakapagpapatibay ang mga ito sa mga tao.) Tama iyan. Ang pinakapundamental ay na dapat sabihin mo ang totoo, magsalita ka nang matapat, at maging kapaki-pakinabang sa iba. Sa pinakamababa, ang pananalita mo ay dapat nakakapagpatibay sa mga tao, at hindi niloloko, inililigaw, pinagtatawanan, tinutudyo, nililibak, tinutuya, pinipigilan sila, inilalantad ang mga kahinaan nila, o sinasaktan sila. Ito ang pagpapahayag ng normal na pagkatao. Ito ang kabutihan ng pagkatao. … Isa pa, sa ilang natatanging pagkakataon, kinakailangan na direktang ilantad ang mga kamalian ng ibang tao at pungusan sila, upang magtamo sila ng pagkaunawa sa katotohanan at isang puso ng pagsisisi. Saka lang maaaring magkamit ng mga resulta. Ang ganitong paraan ng pagsasagawa ay tunay na kapaki-pakinabang sa mga tao. Tunay na tulong ito sa kanila, at nakapagpapatibay ito sa kanila, hindi ba?(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (3)). Naalarma ako sa mga salita ng Diyos, at natakot ako. Kung pipiliin ng isang tao na itaguyod ang kanyang sariling mga interes sa bawat sitwasyon at hindi kailanman isasagawa ang katotohanan, parami nang paraming mga paglabag ang maiipon niya, at sa huli ay lubusan siyang ilalantad at ititiwalag ng Diyos. Naisip ko—nang nakita kong nanganganib ang kaligtasan ng aking mga kapatid at naaapektuhan ang gawain ng iglesia, hindi ko itinaguyod ang mga prinsipyo at pinrotektahan ang gawain ng iglesia, sa halip ay lagi kong hinahangad na maging diumano’y isang mabuting tao. Kahit na makuha ko ang respeto at pagsang-ayon ng iba, sa mga mata ng Diyos, isa akong masamang tao at sa huli ay itataboy at parurusahan Niya. Sobra akong natakot nang mapagtanto ko ang mga kahihinatnang ito at handa akong ituwid ang aking maling paghahangad. Ipinakita rin sa akin ng mga salita ng Diyos ang tamang landas ng pagsasagawa. Sa pamamagitan lang ng pagkilos at pagsasalita ayon sa mga salita ng Diyos tayo magiging kapaki-pakinabang sa iba at mapapatibay sila. Hindi mahalaga kung paano tayo magsalita, nagsasalita man tayo sa malakas o banayad na tinig, o gaano man tayo kaingat sa ating mga salita. Ang pinakamahalaga ay ang magsalita sa paraang nakapagpapatibay sa mga kapatid. Hangga’t ito ang tamang tao, isang taong kayang tanggapin ang katotohanan, dapat natin siyang tulungan nang may pagmamahal. Kung hindi niya nauunawaan ang katotohanan at nakakapinsala sa gawain, maaari tayong magbahagi sa kanya para gumabay at sumuporta. Kung wala pa rin talagang pagsulong pagkatapos ng pagbabahagi, maaari natin siyang pungusan, ilantad ang diwa ng kanyang problema. Kahit na malupit itong pakinggan o tila binabalewala ang mga damdamin nila, tunay na makikinabang at masusuportahan sila ng ganitong paraan ng pagkilos. Kung isa siyang anticristo o masamang tao na gumagambala sa gawain ng iglesia, dapat manindigan tayo upang ilantad at pigilan sila o iulat sila sa ating mga nakatataas para itaguyod ang gawain ng iglesia at protektahan ang mga kapatid na hindi magulo at malihis. Sa pamamagitan lang ng paggawa nito natin talagang maisasagawa ang katotohanan, na nagpapakita ng tunay na pagkatao at kabaitan. Itinuwid rin ng mga salita ng Diyos ang maling pananaw ko. Inakala ko na ang pag-uulat sa isang tao dahil sa paglabag sa mga prinsipyo ay pagsusumbong, palihim na pangbabatikos o pagiging taksil. Maling pananaw ito. Sa katunayan, ang paggawa nito ay nagpoprotekta sa gawain ng iglesia at isang mabuting gawa. May malubhang problema si Li Ming na nakakaapekto sa gawain ng iglesia at pumipigil at pumipinsala sa mga kapatid, at isa itong isyu ng prinsipyo na may kinalaman sa gawain ng iglesia, dapat sana ay binanggit ko ito kaagad sa nakatataas na lider o iniulat pa nga siya. Hindi sana ito naging lihim na pangbabatikos; pagpoprotekta sana ito sa gawain ng iglesia. Matapos kong mapagtanto ito, nawala ang maraming alalahanin ko at mas gumaan ang pakiramdam ko.

Isang beses, may nag-ulat na ang isang brother ay palaging nagpapakatamad at umiiwas sa anumang paghihirap habang ginagawa ang kanyang tungkulin, at matapos itong tukuyin ng iba, at pinungusan siya nang ilang beses, hindi pa rin niya ito tinatanggap. Batay sa mga prinsipyo, napagpasyahan namin na kailangan siyang matanggal, at na dapat naming malinaw na suriin ang mga isyu niya para makapagnilay-nilay siya. Noong panahong iyon, naisip ko: “Makakapagpasama ng loob sa isang tao na suriin ang mga problema niya. Siguro hahayaan ko na lang na magbahagi sa kanya ang kapareha ko at hindi na ako masasangkot dito. Kung hindi, baka maging masama ang impresyon niya sa akin.” Pero pagkatapos ay bigla kong napagtanto na sinusubukan ko na namang protektahan ang katayuan at imahe ko. Naalala ko ang mga salita ng Diyos, na nagsasabing: “Para sa lahat ng gumagampan ng tungkulin, gaano man kalalim o kababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang pinakasimpleng pagsasagawa para sa pagpasok sa katotohanang realidad ay ang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa bawat pagkakataon, binibitiwan ang kanilang mga makasariling pagnanais, mga personal na intensyon, mga motibo, pagmamalaki, at katayuan, at inuuna ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito ang pinakamababang dapat nilang gawin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling mga Tiwaling Disposisyon). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Kapag nahaharap sa mga problema, dapat nating isantabi ang ating mga hangarin at reputasyon, unahin ang mga interes ng iglesia at isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos. Ito lamang ang tuwirang paraan ng pagkilos at pupurihin ito ng Diyos. Nang maunawaan ko ang mga hinihingi ng Diyos, nakaramdam ako ng motibasyon, at kaya detalyado kong sinuri ang pag-uugali ng brother ayon sa mga salita ng Diyos. Napakagaan ng pakiramdam ko pagkatapos magsagawa nang ganito. Napagtanto ko na sa pamamagitan lang ng pagsasagawa ng katotohanan natin makakamit ang tunay na kapayapaan at kaligayahan.

Pagkatapos ng karanasang ito, napuno ako ng pasasalamat sa Diyos. Salita ng Diyos ang tumulong sa akin na makakita kung gaano kakatwa ang pagiging magiliw at madaling lapitan na itinataguyod ng tradisyonal na kultura at kung anong pinsala ang idinudulot nito sa mga tao. Nagbigay-daan din ito sa akin na maranasan ang pagpapalaya at kaginhawahan na nagmumula sa paglaya sa mga pagpipigil at gapos ng tradisyonal na kultura. Salamat sa Diyos sa Kanyang pagliligtas!

Sinundan: 29. Bakit Ako Laging Nagpapanggap?

Sumunod: 31. Hindi Ko Kailangan ang Iyong Pangangasiwa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito