85. Matatalinong Birhen Lamang ang Maaaring Sumalubong sa Panginoon
Nagsalita ang Panginoong Jesus tungkol sa dalawang klase ng tao noong ipinropesiya Niya ang pagbabalik Niya: ang matatalinong birhen at ang mga hangal na birhen. Matatalinong birhen ang lahat ng nakikinig sa tinig ng Panginoon at pagkatapos ay tumatanggap at nagpapasakop. Ang lahat ng hindi nakikinig sa tinig Niya, o nakakarinig nito pero hindi nananampalataya, o itinatatwa at kinokondena pa Siya, ay mga hangal na birhen. Ang matatalinong birhen ay matalino dahil hinahanap nila ang tinig ng Panginoon kapag narinig nila ang patotoo tungkol sa pagbabalik Niya, at narinig nila ang tinig Niya, kanilang nakikilala at sinasalubong Siya. Pero hindi nakikinig sa tinig ng Panginoon ang mga hangal na birhen. Nagtitiwala lang sila sa sinabi sa kanila ng mga pastor, mga elder at mga pari, at naniniwala sila sa kanilang mga sariling kuru-kuro. Maaaring marinig nila ang tinig ng Panginoon, pero hindi sila nangangahas na tanggapin ito, kaya’t napapalampas nila ang pagkakataon na masalubong ang Panginoon. Dito nagkakamali ang mga hangal na birhen. Katulad lang din ako dati ng isang hangal na birhen. Pikit-mata akong naniwala sa sinabi ng mga pari at obispo tungkol sa pagpapakita ng mga huwad na cristo at panlilihis sa mga tao sa mga huling araw, at inakala kong mas makabubuti sa akin na hindi makinig sa mga patotoo na nagsasabing bumalik na ang Panginoong Jesus at nagpapahayag Siya ng katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Kaya, halos naiwala ko ang pagliligtas ng Panginoon sa mga huling araw.
Sinundan ko ang pamilya ko sa Katolikong pananalig noong bata pa ako, at palagi kong naririnig ang pari na sinasabi sa Misa na, “Malapit na ang oras ng pagdating ng Panginoon. Huwag kayong makinig sa mga sermon ng iba. Sinasabi ng Bibliya: ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagkat may magsisilitaw na mga huwad na cristo, at mga huwad na propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang’ (Mateo 24:23–24). Magpapakita ang mga huwad na cristo sa mga huling araw. Maliit ang tayog ninyo at wala kayong pagkilatis, kaya madali kayong mailigaw. Magiging pagkakanulo sa Panginoon ang pananampalataya sa maling daan! Dapat tayong manatili sa daan ng Panginoon at maghintay na pumarito Siya at dalhin tayo sa kaharian Niya. Hindi tayo puwedeng makinig, magbasa, o mag-usisa sa ibang mga pagtuturo, nang walang eksepsyon, lalo na sa mga nagsasabing bumalik na ang Panginoon.” Inakala ko na may punto ang pari. Hindi pa ako hinog sa buhay at wala akong pagkilatis, at kung mailigaw ako ng isang huwad na cristo mawawalan ng saysay lahat ng maraming taon ng pananalig ko. Sumumpa ako sa sarili ko na magiging maingat ako, at na hindi ako makikinig sa sinumang nangangaral ng ibang mga pagtuturo.
Isang araw noong Abril 2012, isang taga-parokyang nagngangalang Mu Zheng ang nagsabing, “Bumalik na ang Panginoong Jesus. Siya ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao. Gumagawa Siya ng bagong gawain, ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos, gaya ng ipinropesiya sa Bibliya.” Nagulat ako nang marinig ko ito, at puno ako ng pagdududa, kaya nagtanong ako, “Paano mo malalaman na bumalik na ang Panginoon at gumagawa ng bagong gawain? Paano ka nakakasiguro?” Ang sagot ni Mu Zheng ay, “Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin’ (Juan 10:27), ‘Datapuwat pagkahating gabi ay may sumigaw, “Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya”’ (Mateo 25:6), at, ‘Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko’ (Pahayag 3:20). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na babalik Siya at kakatok Siya sa ating mga pintuan gamit ang mga salita Niya. Makikilala ng Kanyang mga tupa ang tinig Niya mula sa mga binibigkas Niyang salita. Sasalubungin nila ang pagbabalik ng Panginoon at dadalo sila sa piging sa kasal ng Kordero. Matatalino silang birhen. Isipin mo na lang noong nagpakita ang Panginoong Jesus at gawin ang Kanyang gawain. Ang mga taong gaya nina Pedro, Juan at Felipe ay nakinig sa tinig Niya at alam nilang Siya ang hinihintay na Mesiyas. Kaagad silang sumunod sa Panginoong Jesus at nakamit nila ang pagliligtas Niya. Marami na akong nabasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at napatunayan kong ang mga iyon ang katotohanan. Nagtataglay ng awtoridad ang mga iyon at ang mga iyon ay tinig ng Panginoon. Ganoon ko nasigurong ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. Kung, sa halip na makinig sa tinig ng Panginoon, ay pikit-mata tayong tumutuon sa pagiging mapagbantay laban sa mga huwad na cristo, ihihiwalay ang ating mga sarili dahil sa takot na malihis, at kung hindi natin ito uusisain kapag narinig natin ang patotoo tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kung gayon ay may posibilidad na itaboy natin ang Panginoon at mapalampas natin ang pagliligtas Niya sa mga huling araw.”
Nagbibigay-liwanag sa akin ang pagbabahagi ni Mu Zheng. Naaayon sa Bibliya at sa mga salita ng Panginoon ang pakikinig sa tinig ng Panginoon para salubungin Siya. Kung hindi ko ito sinuri o hindi ako nakinig sa tinig ng Panginoon kapag may nagsabing bumalik na ang Panginoong Jesus, paano ko Siya sasalubungin? Kailanman ay hindi ko pa narinig ang sinuman na nagbahagi nang ganoon sa mga salita ng Panginoon, at para sa akin ay nagbibigay-liwanag iyon. Gusto ko pang mas matuto, pero naalala ko na paulit-ulit kaming binalaan ng pari tungkol sa mga huwad na cristo na nanglilihis sa mga tao sa mga huling araw, at nagsasabi sa amin na sa anumang sitwasyon ay huwag kaming magtiwala sa mga pagtuturong mula sa ibang mga simbahan. Naging alerto ako kaagad, pinaalalahanan ang sarili ko laban sa kaswal na pakikinig sa ibang mga pagtuturo at na pawang mawawalan ng kabuluhan ang maraming taon ng pananalig ko kung nakuha ko ang maling pananampalataya. Kaya, binalewala ko ang sinabi ni Mu Zheng. Sinabi niya sa akin nang ilang beses pa na dapat kong basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos para malaman ko kung tinig ng Diyos ang mga iyon, pero nag-alangan ako, at palagi akong naghahanap ng paraan para tumanggi.
Ilang buwan pagkatapos, isang araw ay bumalik ang asawa ko galing sa bayan nila nang may dalang kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Sinabi niya na ito ang “sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7) at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na bumalik. Iminungkahi niyang basahin ko ito. Natakot ako na baka nalihis na siya, kaya sinabi ko sa kanya na kailangan niyang maging mas maingat sa kung anong pangangaral ang pinakikinggan niya, pero determinado siyang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Natakot ako na naipagkanulo na niya ang Panginoon, at ang kaya ko lang ay may pagluhang pag-aayuno at pananalangin para sa kanya. Pagkalipas ng ilang araw, lumapit din sa akin ang biyenan kong babae para ipangaral sa akin ang pagbabalik ng Panginoon. Sinabi niya sa akin, “Sabi ng Panginoon: ‘Ako’y madaling pumaparito’ (Pahayag 22:7). Kung pagpapasyahan nating huwad ang lahat ng balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon dahil natatakot tayong mailigaw ng mga huwad na cristo, at palagi tayong tatangging makinig, magbasa, o mag-imbestiga rito, hindi ba’t itinatatwa at kinokondena natin ang pagbabalik ng Panginoon? Hindi ba’t gaya iyon ng hindi na pagkain dahil sa takot na mabulunan? Kung tatanggihan natin ang tunay na Cristo, magiging masyado nang huli para sa mga pagsisisi. Sa paghingi sa atin na magbantay laban sa mga huwad na cristo, sinasabi sa atin ng Panginoon na darating si Cristo sa mga huling araw, at na lilitaw din ang mga huwad na cristo at magpapanggap bilang Siya para iligaw ang mga tao—nangangahulugan ito na kailangan nating matutuhang kilatisin ang tunay na Cristo mula sa mga huwad. Kung hindi natin kayang gawin iyon, at basta na lang natin tatanggihan at aayawang pakinggan ang anumang balita tungkol sa pagparito ng Panginoon, magkagayon, may posibilidad na mapalampas natin ang ating pagkakataon para masalubong ang Panginoon, at aabandonahin Niya tayo.” Naantig ako sa sinabi ng biyenan ko, at naisip ko, “Tama iyon. Araw at gabi akong naghihintay para salubungin ang Panginoon. Paano ko maririnig ang tinig ng Diyos at masasalubong ang Panginoon kung palagi kong tinatanggihang pakinggan, basahin, o imbestigahan ang mga balita tungkol sa pagbabalik Niya? Tila hindi solusyon sa problemang ito ang palagiang pagbabantay. Paano kung natanggihan ko ang Panginoon? Magiging napakahangal niyon!” Pagkaalis ng biyenan ko, nakita kong taimtim na binabasa ng asawa ko ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Hindi ko maiwasang maisip kung gaano naging mapanglaw ang iglesia sa nakalipas na ilang taon, at kung paanong naging negatibo, mahina, at walang pakialam ang lahat ng mga taga-parokya sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Ang tagal nang panahon mula noong nakita ko ang asawa ko na puno ng pananalig. Ang mga salita bang iyon ay puwedeng maging kasing-makapangyarihan at kasing-maawtoridad na gaya ng sinasabi nila? Maaari kayang tinig ng Diyos ang mga iyon? Naisip ko rin kung paanong nakapagbibigay-liwanag ang pakikinig kay Mu Zheng. Paano kung talagang bumalik na nga ang Panginoon? Nagpasya ako na dapat kong imbestigahan pa ito para siguruhing hindi ko mapalampas ang aking pagkakataong masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Kaya nanalangin ako sa Diyos na pagkalooban Niya ako ng pagkilatis para marinig ko ang tinig Niya.
Pagkatapos ng hapunan nang gabing iyon, binasa naming mag-asawa ang siping ito ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang ‘paniniwala sa Diyos’ ay nangangahulugan ng paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng konsepto patungkol sa paniniwala sa Diyos. Bukod pa riyan, ang paniniwala na mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na paniniwala sa Diyos; sa halip, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may matitinding kahulugang pangrelihiyon. Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa paniniwala na ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, inaalis ang tiwaling disposisyon ng isang tao, tinutugunan ang mga layunin ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay sa buhay ang matatawag na ‘pananampalataya sa Diyos’” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Kahanga-hanga ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nakita ko na ang pananalig ay hindi lamang pagbibigkas ng kasulatan araw-araw, at pagdalo sa mga pagtitipon at Misa nang regular. Kailangan din nating tumuon sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, alisin ang ating mga sariling tiwaling disposisyon, at magkaroon ng tunay na kaalaman sa Panginoon. Tanging ang ganoong klase lamang ng pananalig ang naaayon sa layunin ng Diyos. Habang mas lalo kong pinag-isipan ang tungkol dito, mas lalo kong nadama na talagang kahanga-hanga ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, na katotohanan ang mga iyon, at hindi isang bagay na kayang bigkasin ng tao. Tila ba malamang na mga salita iyon ng Diyos. Nang maisip ko ito, naging mas kampante ako.
Ilang araw pagkatapos niyon, dumating si Mu Zheng sa tindahan namin para kitain ako, at sinabi ko sa kanya kung ano ang pinag-iisipan ko sa nakalipas na ilang araw. Sinabi niya, “Ganyan din ang nararamdaman ko dati. Natakot akong mailigaw ng isang huwad na cristo, kaya pikit-mata akong naniwala sa pari at ayaw kong makinig sa sinumang nangangaral ng pagbabalik ng Panginoon. Pero hindi ko kailanman naisip kung naaayon ba ang mga salita ng pari sa mga salita ng Panginoon. Sinabi sa atin ng Panginoon na paparito ang mga huwad na cristo para iligaw ang mga tao sa mga huling araw, dahil gusto ng Panginoon na matutuhan natin kung paano sila kilatisin. Pero binaluktot ng pari ang mga salita ng Panginoong Jesus, at sinabihan kaming huwag mag-imbestiga, magbasa, o makinig sa anumang balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Hindi ba’t paghadlang ito sa ating pagsalubong sa pagbabalik Niya? Kung tunay na nag-aalala ang pari na mailigaw tayo, bakit hindi niya tayo tinuruan kung paano kilatisin ang tunay na Cristo mula sa mga huwad? Kung kaya nating gawin iyon, hindi tayo malilihis.” May saysay para sa akin ang paliwanag ni Mu Zheng. Kung pasibo at maingat tayo, gaya ng gusto ng pari, ganap na sasalungatin niyon ang mga salita ng Panginoon. Patagong paraan lang ito ng paglalayo sa atin sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon. Alam kong hindi ko na puwedeng basta sundin lang ang pari. Kailangan kong maging isang matalinong birhen at hanapin ang tinig ng Panginoon at salubungin Siya. Sabik kong hiniling kay Mu Zheng na ipaliwanag niya sa akin kung paano kilatisin ang tunay na Cristo mula sa mga huwad. Sinabi niya, “Ang totoo, sinabi na sa atin ng Panginoong Jesus ang mga prinsipyo sa pagkilatis sa mga iyon sa Mateo 24:24 Sinabi Niya na magpapakita ng mga dakilang tanda at kababalaghan ang mga huwad na cristo at ang mga huwad na propeta. Iyon ang pangunahing pagpapamalas ng pagliligaw sa mga tao ng isang huwad na cristo ng mga huling araw.” Pagkatapos ay nagbasa para sa akin si Mu Zheng ng isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng mga maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga haka-haka ng tao; halimbawa, ipinropesiya sa Lumang Tipan ang pagparito ng isang Mesiyas, at ang resulta ng propesiyang ito ay ang pagparito ni Jesus. Dahil nangyari na ito, magiging mali na muling may pumaritong isa pang Mesiyas. Pumarito nang minsan si Jesus, at magiging mali kung paparitong muli si Jesus sa pagkakataong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawat kapanahunan, at bawat pangalan ay may paglalarawan ng kapanahunang ito. Sa mga haka-haka ng tao, kailangang laging magpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, kailangang laging magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at kailangang laging maging katulad lamang ni Jesus. Subalit sa pagkakataong ito, hindi ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtaboy pa rin ng mga demonyo at nagpagaling ng mga maysakit—kung gagawin Niya ang ginawa mismo ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Sa gayon, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng Kanyang gawain, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, nag-iiba ng pamamaraan ang Diyos. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang maging malinaw sa iyo ang tungkol dito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sinabi ni Mu Zheng, “Ang Diyos ay bago magpakailanman. Hindi Niya dalawang beses na ginagawa ang parehong gawain. Tuwing dumarating Siya para gawin ang Kanyang gawain, sinisimulan Niya ang isang bagong kapanahunan at tinatapos ang luma, nagdadala ng isang mas bago at mas mataas na yugto ng Kanyang gawain. Noong ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, hindi Niya inulit ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan. Itinayo Niya sa ibabaw niyon ang Kanyang bagong gawain—ang gawain ng pagtutubos sa sangkatauhan. Sinimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Kung bumalik ang Panginoon sa mga huling araw para ulitin ang gawain ng pagtubos, pagpapagaling sa may-sakit, pagtataboy sa mga demonyo, at pagpapakita ng mga tanda at kababalaghan, kung gayon, hindi makakausad ang gawain ng Diyos. Dumating na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw; sinimulan Niya ang Kapanahunan ng Kaharian at tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya. Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos, sa ibabaw ng pundasyon ng gawain ng pagtubos. Ipinapahayag Niya ang katotohanan para hatulan at linisin ang mga tao, para mapalaya nila ang sarili nila mula sa mga tali at limitasyon ng kasalanan, madalisay at makamit ang kaligtasan. Pero ang mga huwad na cristo ay masasamang espiritu at mga diyablo sa kanilang diwa. Anumang mga tanda at mga kababalaghan ang ipinapakita nila, o gaano man nila tawaging Diyos ang mga sarili nila, hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan o bigkasin ang mga salita ng Diyos, at siguradong hindi nila kayang magsimula ng isang bagong kapanahunan at magtapos ng luma. Ginagaya lang ng mga huwad na cristo ang mga lumang salita at ang gawain ng Panginoon, o nagpapakita sila ng ilang simpleng tanda at kababalaghan at naglilitanya ng ilang paimbabaw na maling paniniwala at mga maling pananampalataya para iligaw ang mga naguguluhan at walang pagkilatis na mga tao. Pero hindi kailanman kayang gayahin ng mga huwad na cristo ang mga himala ng Panginoong Jesus, gaya ng pagpapakain sa limang libong katao gamit ang limang tinapay at dalawang isda, pagsaway sa hangin at dagat, at pagbuhay muli kay Lazaro.” Mas gumaan ang puso ko pagkatapos kong marinig ang pagbabahagi ni Mu Zheng. Naisip ko, “Hindi ko pa kailanman narinig ang gayong kalinaw na paliwanag tungkol sa kung paano kilatisin ang tunay na Cristo mula sa mga huwad. Katotohanan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at binibigyan ng mga ito ang mga tao ng landas na susundan. Nakikita ko na ngayon na kaya lang gayahin ng mga huwad na cristo ang gawaing ginawa ng Panginoon noon at magpakita ng ilang tanda at kababalaghan para iligaw ang mga tao. Ang Diyos lang ang makapagsisimula ng isang bagong kapanahunan at makapagtatapos ng luma, at makapagpapahayag ng katotohanan para tustusan tayo.”
Pagkatapos, nagbasa si Mu Zheng ng ilan pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi ng isang katawang-tao na kakayaning pasanin ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat ng nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, kundi sinasagot at pinagpapasyahan ito ng Diyos Mismo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, dadalhin Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspekto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Pagkatapos basahin sa akin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sinabi ni Mu Zheng, “Si Cristo ay ang Diyos na nagbihis ng katawang-tao, bilang Anak ng tao, na pumaparito para magpakita at gumawa sa gitna ng tao. Sa panlabas, mukha lang Siyang isang regular na tao, pero banal ang diwa Niya. Kaya, kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at gawin ang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Walang taong makagagawa niyon. Ang susi para makilatis ang tunay na Cristo ay ang makita kung kaya ba Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng pagliligtas. Ito ang pinakapangunahin, pinakakritikal na prinsipyo. Noong nagpakita ang Panginoong Jesus at ginawa ang Kanyang gawain, mukha lang Siyang isang regular na tao. Pero ibinunyag Niya ang mga hiwaga ng kaharian ng langit at ipinagkaloob sa sangkatauhan ang daan ng pagsisisi. Tinuruan Niya ang mga tao na mahalin ang Panginoon nang buo nilang puso, kaluluwa, at isip. Tinuruan Niya silang mahalin ang iba gaya ng sarili nila, at patawarin ang mga tao nang pitumpung ulit ng pitong beses. Ipinahayag Niya ang mapagmahal, maawaing disposisyon ng Diyos, at sa huli, ipinako Siya sa krus bilang isang walang hanggang handog para sa kasalanan, magkagayon ay tinatapos ang gawain ng pagtubos para sa sangkatauhan. Makatitiyak tayo mula sa gawain at mga salita ng Panginoong Jesus, at sa disposisyong ipinahayag Niya, na Siya ang Cristo. Siya ang mismong Diyos na nagkatawang-tao. Ngayon, dumating na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos. Ipinapahayag Niya ang lahat ng katotohanan na kayang maglinis at magligtas sa sangkatauhan. Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang mga hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, kung paano ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao, kung paano tayo inililigtas ng Diyos nang paunti-unti, ang hiwaga ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos, ang kahalagahan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kung paano Niya tinutukoy ang hantungan at kalalabasan para sa iba’t ibang klase ng tao, kung paano naisasakatuparan ang kaharian ni Cristo sa lupa, at iba pa. Hindi lamang inilalantad ng Makapangyarihang Diyos ang mga misteryo ng Bibliya, kundi isinisiwalat at hinahatulan din nito ang pinagmulan ng ating pagkakasala at paglaban sa Diyos—gaya ng satanikong kalikasan ng sangkatauhan at ang iba’t ibang satanikong disposisyon. Ibinubunyag Niya ang matuwid, banal na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot sa anumang pagkakasala, at ipinapakita sa atin ang paraan ng pagwawaksi ng kasalanan at pagpapadalisay. Sinasabi Niya sa atin kung paano tayo dapat manalig, kung paano magsisi at makapasok sa kaharian ng Diyos, kung paano tayo dapat magpasakop sa Diyos at mahalin ang Diyos, kung ano ang pagsunod sa kalooban Niya at iba pa. Nakagawa na ng isang grupo ng mga mananagumpay ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at padami nang padami ang mga taong hinirang ng Diyos na nagbibigay ng mga patotoo ng pananagumpay laban kay Satanas. Lumaganap na sa maraming bansa ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos, mula sa Silangan hanggang Kanluran, ganap na isinasakatuparan ang propesiya ng Panginoon: ‘Sapagkat gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao’ (Mateo 24:27). Ang mga katotohanang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos, ang gawain ng paghatol na ginagawa Niya, at ang bunga ng gawain Niya ay pawang nagpapatunay na Siya ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Siya ay ang Cristo ng mga huling araw. Walang makakapagtatwa nito. Gaya lang ito ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Hinahayaan Niyang ang gawain Niya ang magpatunay ng Kanyang pagkakakilanlan, at hinahayaang yaong ibinubunyag Niya na magpatunay sa Kanyang diwa. Hindi walang batayan ang diwa Niya; hindi kinamkam ng Kanyang kamay ang pagkakakilanlan Niya; matutukoy ito sa pamamagitan ng Kanyang gawain at Kanyang diwa’ (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit). Walang banal na diwa ang mga huwad na cristo at hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan. Gaano man nila igiit na Diyos sila, na sila si Cristo, pawang huwad sila at nakatadhana silang manglihis ng mga tao. Ang pagsunod sa kanila ay gaya ng pagtitiwala sa isang grupo ng mga mandaraya, at hahantong lamang ito sa kapahamakan. Gaano man sila magpanggap bilang Cristo, sandali lang nilang malilinlang ang mga tao. Tiyak na mailalantad sila ng mga katunayan at kalaunan ay mapapahamak sa pagkatalo. Si Cristo lang ang makapagpapahayag ng katotohanan at makagagawa ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Kaya ang susi sa pagkilatis sa tunay na Cristo ay ang makita kung kaya ba Niyang ipahayag ang katotohanan at ang tinig ng Diyos at kung kaya ba Niyang gawin ang gawain ng paglilinis at pagliligtas sa tao. Mahalaga iyon.”
Ganap akong nabigyang-liwanag ng pagbabahagi ni Mu Zheng. Ang susi sa pagkilatis sa tunay na Cristo ay ang makita kung kaya ba Niyang ipahayag ang katotohanan. Kung gayon, Siya si Cristo, ang bumalik na Panginoon. Para sa sinumang walang kakayahang ipahayag ang katotohanan, gaano man nila sabihing sila ang Cristo, peke pa rin sila, isang huwad na cristo at isang manlilihis. Nalaman kong parehong simple at praktikal ang pamamaraang ito ng pagkilatis. Talagang kahanga-hanga! Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos kung paano makilala ang tunay na Cristo mula sa mga huwad na cristo. Talagang katotohanan ang mga iyon! Naisip ko kung gaano ako kahangal at kamangmang dati, na pikit-matang naniwala ako sa sinabi ng pari. Dahil sa takot na mailigaw ng huwad na cristo, hindi ko inusisa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hindi ko pa sinubukang makinig sa tinig ng Panginoon, at bilang resulta halos napalampas ko ang pagkakataon kong masalubong ang Panginoon. Kung hindi dahil sa awa at pagpaparaya ng Panginoon, at sa pagkatok Niya sa pintuan ko sa pamamagitan ng mga minamahal ko at ng aking kapatid na paulit-ulit na nagbahagi sa akin ng ebanghelyo, maghihintay sana ako sa relihiyon sa buong buhay ko nang hindi naririnig ang tinig ng Diyos ni sinasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Talagang nagpapasalamat ako sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos!