24. Matapos Itaas ng Ranggo ang Lahat Maliban sa Akin

Ni Martha, Italya

Noong Enero ng 2021, malapit nang matapos ang proyektong sa akin nakatalaga. Unti-unti nang inilipat sa ibang mga tungkulin ang aking mga kapatid, hanggang sa ako at ilang katuwang na lang ang natira para tapusin ang mga bagay-bagay. Noong panahong iyon, naisip ko na bagama’t wala nang masyadong gagampanang gawain, kailangan ko itong tapusin nang maingat. Isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ko na isa sa mga katuwang ko ay itinaas ang ranggo para maging responsable sa gawain ng ebanghelyo. Nabahala ako dahil dito, at sumama ang loob ko tungkol dito. “Bakit hindi pa itinaas ang ranggo ko? Hindi ba’t puwede rin akong maging isang superbisor?” Pero naisip ko, “Siguro sa tingin ng mga lider ay mas mahusay siyang manggagawa, kaya una siyang itinaas ang ranggo. Anupaman, hindi pa rin tapos ang gawain ko rito—kapag natapos na ang gawain, malamang na magsaayos ng mga bagong tungkulin para sa amin.” Pero hindi nagtagal, ilan pang mga katuwang ang unti-unti ring itinaas ang ranggo para maging mga superbisor, at napili pa nga bilang mga lider ang ilan sa kanila. Lalo akong naasiwa nang marinig ko ang balitang ito. “Naging mga lider, manggagawa o superbisor na silang lahat, pero hindi man lang ako umuusad. Ako pa nga ang kailangang umako ng lahat ng ginagawa nila, at mukhang ako ang magiging responsable sa lahat ng ito hanggang sa huli. Pare-parehong gawain ang ginagawa naming lahat, kaya bakit itinaas ang ranggo nilang lahat sa halip na ako? Ganoon ba talaga ako kasama? Ngayon, ako ang pinakamasama sa kanilang lahat. Iniisip ba ng mga lider na hindi ako sulit na linangin? May pagtatangi ba sila laban sa akin? Ayaw ko talagang akuin ang kanilang gawain—kapag mas marami akong inaako, mas kakaunti ang magagawa kong ibang uri ng gawain. Sa oras na matapos ko ang gawaing ito, naging pamilyar na sa gawain nila ang mga katuwang ko at naging bihasa na sa ilang mga prinsipyo. Kung kalaunan ay ipadala ako para ipangaral ang ebanghelyo o diligan ang mga baguhan, at maging superbisor ko ang dating kapareha ko, talagang magiging sobrang nakakahiya ang gayon kalaking agwat!” Habang mas lalo ko itong iniisip, mas lalo akong nagdamdam. Nang hiniling ng aking mga kapatid na akuin ko ang kanilang mga gampanin, labis akong tumutol. May nakatago akong galit sa loob ko at ayaw kong gawin iyon. Sa loob ng mahigit dalawang araw, hindi ko sinubukang matutuhan kung paano gawin ang mga gampaning ipinasa nila sa akin. Hindi ko rin masyadong inintindi ang sarili kong gawain—ipinagpaliban ko ang pagsubaybay sa gawain, at hindi ko inisip ang tungkol sa mga problemang kailangang lutasin o kung paano gawin nang maayos ang mga bagay-bagay. Kaya napakabagal ng usad ng gawain. Bagama’t alam kong dapat akong magpasakop sa mga pagsasaayos ng iglesia, nawalan ako ng sigla, nalungkot, at nasira ang loob ko. Palagi akong walang gana sa paggawa sa aking tungkulin. Nalaman ko na hindi tama ang kalagayan ko, kaya lumapit ako sa Diyos para manalangin, humihingi ng Kanyang kaliwanagan at pagtanglaw, para makilala ko ang aking sarili.

Pagkatapos kong manalangin, nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunting kaalaman tungkol sa kalagayan ko. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ngayon, ginagampanan ninyong lahat ang inyong mga tungkulin nang full-time. Hindi kayo napipigilan o natatalian ng pamilya, pag-aasawa, o kayamanan. Nakaahon na kayo mula sa mga bagay na iyon. Subalit, ang mga kuru-kuro, imahinasyon, kaalaman, at mga pansariling intensyon at hangarin na laging laman ng inyong isipan ay nananatiling ganoon pa rin. Kaya, pagdating sa anumang may kinalaman sa reputasyon, katayuan, o pagkakataong mamukod-tangi—halimbawa, kapag naririnig ninyo na ang sambahayan ng Diyos ay nagpaplanong maglinang ng sari-saring uri ng mga taong may talento—lumulukso sa pag-asam ang puso ng bawat isa sa inyo, gusto palagi ng bawat isa sa inyo na maging tanyag at makakuha ng pansin. Lahat kayo ay nais na makipaglaban para sa katayuan at reputasyon. Ikinahihiya ninyo ito, pero hindi magiging maganda ang pakiramdam ninyo kung hindi ninyo ito gagawin. Nakararamdam kayo ng inggit, pagkamuhi, at nagrereklamo sa tuwing may nakikita kayong taong namumukod-tangi, at iniisip ninyo na hindi ito patas: ‘Bakit hindi ako makapamukod-tangi? Bakit palagi na lang ibang tao ang napapansin? Bakit hindi ako kahit kailan?’ At pagkatapos ninyong makaramdam ng sama ng loob, sinusubukan ninyo itong pigilin, ngunit hindi ninyo magawa. Nagdarasal kayo sa Diyos at gumaganda ang pakiramdam sandali, ngunit kapag naharap kayong muli sa ganitong sitwasyon, hindi pa rin ninyo ito madaig. Hindi ba ito nagpapakita ng isang tayog na kulang pa sa gulang? Kapag naiipit sa gayong mga kalagayan ang mga tao, hindi ba’t nahulog na sila sa patibong ni Satanas? Ito ang mga kadena ng tiwaling kalikasan ni Satanas na gumagapos sa mga tao. … habang mas nagpupumilit ka, lalong magdidilim ang puso mo, at lalo kang makadarama ng inggit at pagkamuhi, at lalo lang titindi ang hangarin mong makamit ang mga bagay na ito. Habang lalong tumitindi ang hangarin mong makamit ang mga ito, lalo mo itong hindi magagawang matamo, at habang nangyayari ito, mas nadaragdagan ang pagkamuhi mo. Habang mas namumuhi ka, lalong nagdidilim ang kalooban mo. Habang lalong nagdidilim ang iyong kalooban, lalong pumapangit ang pagganap mo sa iyong tungkulin, at habang lalong pumapangit ang pagganap mo sa iyong tungkulin, lalo kang nawawalan ng silbi sa sambahayan ng Diyos. Ito ay magkakaugnay at masamang bagay na paulit-ulit na nangyayari. Kung hindi mo magagampanan nang maayos ang iyong tungkulin kailanman, unti-unti kang ititiwalag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Inilantad ng salita ng Diyos ang kalagayan ko. Noong mga araw na iyon, napakamapanlaban ko at wala akong gana dahil hindi pa natugunan ang pagnanais ko para sa katayuan. Nang makita kong tumaas ang ranggo ng mga katuwang ko, napukaw ang puso ko. Umasa ako na itataas din ang ranggo ko, para magkamit ako ng katayuan at ng mataas na pagtingin ng mga tao. Nang malaman ko na hindi balak ng mga lider ko na itaas ang aking ranggo, at ipinaako sa akin ang gawain ng mga katuwang ko, nainggit ako, at pinaghinalaan ko na ang mga lider ay may pagtatangi laban sa akin, o minamaliit pa ako. Nang maisip ko kung gaano ako kasama sa mga mata ng mga lider ko, at na tumaas na ang ranggo bilang mga lider o superbisor ang maraming katuwang ko samantalang wala man lang akong posisyon, naging miserable ako at mapanlaban. Inilabas ko pa nga ang galit ko sa aking tungkulin. Hindi ako nagpakita ng anumang malasakit sa mga gampaning ibinigay sa akin at hindi ko ibinigay ang puso ko sa sarili kong gawain. Talagang nasuklam ang Diyos na makita akong namumuhay sa mapaghimagsik na kalagayang ito! Naalala ko kung paanong dati ay sumumpa akong gagawin nang maayos ang tungkulin ko; ngayon, pagkakita kong tumaas ang ranggo ng iba, at hindi natugunan ang pagnanais ko para sa katayuan, naging negatibo ako at nawala ang interes ko sa aking tungkulin. Napakatindi ng pagnanais ko para sa katayuan! Kinailangan kong mabilis na hanapin ang katotohanan para malutas ang kalagayan ko.

Pagkatapos niyon, binasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos tungkol sa kung paano tingnan ang promosyon at paglilinang, at binigyang-kakayahan ako ng mga iyon na baguhin ang kalagayan ko. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Kung ang tingin mo sa sarili mo ay nababagay kang maging isang lider, nagtataglay ng talento, kakayahan, at pagkatao para sa pamumuno, subalit hindi ka itinaas ng ranggo ng sambahayan ng Diyos at hindi ka inihalal ng mga kapatid, paano mo dapat harapin ang bagay na ito? May landas ng pagsasagawa rito na maaari mong sundan. Dapat lubusan mong kilalanin ang iyong sarili. Tingnan mo kung ang talagang isyu ay na may problema ka sa iyong pagkatao, o na ang pagbubunyag ng ilang aspekto ng iyong tiwaling disposisyon ay nakakasuklam sa mga tao; o kung hindi mo ba taglay ang katotohanang realidad at hindi ka kapani-paniwala sa iba, o kung hindi pasok sa pamantayan ang tungkuling ginagampanan mo. Dapat mong pagnilay-nilayan ang lahat ng bagay na ito at tingnan kung saan ka mismo nagkukulang. Matapos mong magnilay-nilay nang kaunti at mahanap kung nasaan ang problema mo, dapat mong hanapin kaagad ang katotohanan para lutasin ito, at pasukin ang katotohanang realidad, at sikaping magbago at umunlad, nang sa gayon kapag nakita ito ng mga nakapaligid sa iyo, sasabihin nila, ‘Nitong mga nagdaang araw, naging mas mahusay siya kaysa dati. Matatag siyang nagtatrabaho at sineseryoso ang kanyang propesyon, at nakatuon siyang mabuti sa mga katotohanang prinsipyo. Hindi niya ginagawa ang mga bagay-bagay nang padalos-dalos, o nang pabasta-basta, at mas maingat at responsable na siya sa kanyang gawain. Dati, mahilig siyang magyabang, at palagi siyang nagpapakitang-gilas, pero ngayon higit na siyang mas simple at hindi na hambog. Kahit nagagawa niya ang ilang bagay, hindi niya ito ipinagyayabang, at kapag may natapos siyang isang bagay, paulit-ulit niyang pinagninilayan ito, sa takot na may magawang mali. Mas maingat na siyang kumilos kaysa dati, at nang may-takot-sa-Diyos na puso—at higit sa lahat, kaya niyang magbahagi tungkol sa katotohanan para lutasin ang ilang problema. Totoo ngang umunlad na siya.’ Ang mga nasa paligid mo na nakasalamuha mo nang ilang panahon ay makikita na dumaan ka sa di-mapagkakailang pagbabago at paglago; sa iyong buhay bilang tao, sa iyong asal at pangangasiwa ng mga usapin, at sa saloobin mo sa iyong gawain, at gayundin sa pagtrato mo sa mga katotohanang prinsipyo, mas nagsisikap ka kaysa dati, at mas mabusisi sa iyong pananalita at mga pagkilos. Nakikita ng mga kapatid ang lahat ng ito at isinapuso nila ito. Kung gayon, baka sakaling magawa mong tumakbo bilang kandidato sa susunod na halalan, at magkakapag-asa kang mahalal bilang lider. Kung talagang kaya mong gawin ang ilang mahalagang tungkulin, makakamit mo ang pagpapala ng Diyos. Kung tunay kang may pasanin at may pagpapahalaga sa responsabilidad, at nais pumasan ng pananagutan, kung gayon ay magmadali ka at sanayin ang iyong sarili. Tumutok sa pagsasagawa ng katotohanan at kumilos nang may mga prinsipyo. Sa sandaling may karanasan ka na sa buhay at kaya mo nang magsulat ng mga artikulo ng patotoo, tunay ngang umunlad ka na. At kung kaya mong magpatotoo para sa Diyos, tiyak na maaari mong makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa iyo, ibig sabihin ay pinapaboran ka ng Diyos, at kapag ginagabayan ka ng Banal na Espiritu, nalalapit na ang pagdating ng oportunidad mo. Maaaring may pasanin ka ngayon, pero hindi sapat ang iyong tayog at masyadong mababaw ang karanasan mo sa buhay, kaya kahit maging lider ka pa, malamang na matutumba ka. Dapat mong hangarin ang pagpasok sa buhay, lutasin muna ang magagarbo mong pagnanais, bukal sa loob na maging tagasunod, at tunay na magpasakop sa Diyos, nang walang salita ng pagrereklamo sa kung anuman ang pinamamatnugutan o isinasaayos Niya. Kapag taglay mo ang ganitong tayog, darating ang oportunidad mo. Isang mabuting bagay na nais mong humawak ng mabigat na pananagutan, at na mayroon ka ng pasaning ito. Ipinapakita nito na mayroon kang maagap na puso na naghahangad na makausad at na gusto mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at sundin ang kalooban ng Diyos. Hindi ito isang ambisyon, kundi isang tunay na pasanin; responsabilidad ito ng mga naghahanap ng katotohanan at ang pakay ng kanilang paghahangad. Wala kang mga makasariling motibo at hindi ka naghahangad para sa sarili mong kapakanan, kundi para magpatotoo sa Diyos at mapalugod Siya—ito ang pinakapinagpapala ng Diyos, at gagawa Siya ng mga angkop na pagsasaayos para sa iyo. … Ang layunin ng Diyos ay ang magkamit pa ng mas maraming tao na maaaring magpatotoo para sa Kanya; ito ay para gawing perpekto ang lahat ng nagmamahal sa Kanya, at para bumuo ng grupo ng mga taong kaisa Niya sa puso at isip sa lalong madaling panahon. Samakatwid, sa sambahayan ng Diyos, may magagandang hinaharap ang lahat ng naghahangad sa katotohanan, at ang hinaharap ng mga taos-pusong nagmamahal sa Diyos ay walang limitasyon. Dapat maunawaan ng lahat ang layunin ng Diyos. Isang positibong bagay talaga ang magkaroon ng pasaning ito, at ito ay isang bagay na dapat taglayin ng mga may konsensiya at katwiran, pero hindi lahat ay magagawang humawak ng mabigat na pananagutan. Saan ito nagkakaiba? Anuman ang iyong mga kalakasan o kakayahan, at gaano man kataas ang iyong IQ, ang pinakamahalaga ay ang iyong paghahangad at ang landas na tinatahak mo(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 6). Nakita ko mula sa salita ng Diyos na nakadepende sa ating paghahangad at landas kung itataas ang ranggo natin at lilinangin tayo. Kung hahangarin natin ang katotohanan at tunay tayong magdadala ng pasanin, at mayroon tayong kaunting kakayahan at talento, bibigyan tayo ng iglesia ng mga pagkakataon para maitaas ang ranggo at malinang, at hahayaan tayong pangasiwaan ang ilang gawain. Pero kung hindi natin hahangarin ang katotohanan, at sa halip ay palaging hahangarin ang katanyagan at katayuan, tinatahak ang maling landas, kung gayon kahit na maging isang lider pa tayo, hindi tayo magtatagal. Ginamit ko sa sarili ko ang salita ng Diyos at napahiya ako. Nakita kong ganap akong di-makatwiran at hindi ko man lang kilala ang sarili ko. Inakala kong talagang may kakayahan at magaling ako, at na kung tumaas ang ranggo ng mga nakapareha kong kapatid, ibig sabihin niyon, nararapat ding maitaas ang ranggo ko. Hindi ko pinagnilayan ang sarili ko at hindi ko naunawaan kung ako ba ay talagang isang taong naghangad ng katotohanan, kung kuwalipikado ba ang pagkatao ko, at kung kaya ko ba talagang dalhin ang pasanin ng gawain. Sa halip, pikit-mata kong inihambing ang sarili ko sa iba at hinangad ang promosyon. Gusto ko palaging patunayan na kasinggaling ako ng iba, at magtamo ng mataas na katayuan para magpakitang-gilas sa mas maraming tao at pahangain sa akin ang iba. Palagi kong ginagampanan ang tungkulin ko nang may mga sarili kong ambisyon at pagnanais, kaya kahit na maging isang lider o manggagawa ako, magtatrabaho pa rin ako para sa kasikatan at katayuan, at magiging imposibleng gawin nang maayos ang tungkulin ko. Proteksyon para sa akin ang hindi ko pagiging isang lider. Naisip ko kung paanong ang isang taong may tapat na katwiran ay magagawang magpasakop, mapagnilayan at makilala ang kanilang sarili, at kontentong magampanan nang maayos ang tungkulin nila sa sitwasyong ito. Pagninilayan din nila ang mga kakulangan at kahinaan nila, hahanapin ang katotohanan para malutas ang kanilang mga problema, at magsisikap na sumulong at magbago. Sa pagninilay-nilay ko sa sarili ko batay sa salita ng Diyos, nakita ko na sa totoo lang ay may pangkaraniwang kakayahan ako at hindi ako isang taong naghahangad ng katotohanan. Basta masaya na akong tapusin ang mga araw-araw kong gampanin at hindi ako tumuon sa pag-unawa at paglutas ng aking mga tiwaling disposisyon. Pagkatapos ng ilang taong pananampalataya sa Diyos, mahilig pa rin akong makipagkompetensiya. Pagdating sa reputasyon at katayuan ko, palagi akong nag-aalala tungkol sa pagkamit o pagkawala ng mga iyon—nang hindi ako nakakuha ng katayuan, naglabas pa ako ng galit ko sa aking tungkulin at binalewala ko ang gawain. Sa anong paraan ba ako nagtaglay ng anumang katotohanang realidad? Sa kabila nito, gusto ko pa ring tumaas ang ranggo ko. Talagang wala ako ni katiting na pagkakilala sa sarili! Alam kong hindi ko dapat pikit-matang hangarin pa ang reputasyon at katayuan. Dapat akong maging mapagpasakop at gawin ang kasalukuyan kong tungkulin sa isang praktikal na paraan. Iyon ang pagkatao o katwirang dapat kong taglayin. Nang mapagtanto ko ito, hindi ko na nadama ang kaguluhan at mga limitasyon ng sitwasyong ito, at nagsimula akong magkaroon ng normal na pagsulong sa gawaing kinakaharap ko. Nagsimula ko ring isipin ang tungkol sa kung paano tatapusin ang gawain nang mas detalyado at mas masinsin, para matapos ako nang walang pagsisisi. Sa pagsasagawa nang ganito, sobra akong napanatag.

Paglipas ng ilang panahon, isinaayos ng iglesia na pangasiwaan ko ang gawain ng pagdidilig ng isang iglesia. Nang mabalitaan ko ang pagsasaayos na ito, halo-halo ang damdamin ko. Hiyang-hiya ako—mali ang pagkaunawa ko at pinagdudahan ko ang mga lider ko na may pagtatangi sila laban sa akin at sinadya nilang hindi itaas ang ranggo ko o linangin ako. Iyon ay ganap na bunga ng matinding pagnanais ko para sa katayuan. Sa mga sumunod na araw, nang maharap ako sa mga bagay na hindi ko naunawaan, naghanap ako ng mga kasagutan sa aking mga katuwang, at ginugol ko ang halos lahat ng oras ko sa gawain ng pagdidilig. Pero makalipas ang ilang panahon, hindi masyadong naging epektibo ang gawain. Noon ko lang nakita na marami akong kakulangan. Napagtanto ko rin na kahit na may katayuan, imposibleng gumawa nang maayos kung wala akong katotohanan. Kaya mas lalo ko pang ikinahiya ang mataas na ambisyon ko na kailangan kong maging isang lider. Noong panahong iyon, tumigil ako sa pag-iisip kung paano ko pahahangain ang iba; inisip ko lang kung paano gampanan nang maayos ang gawain ng pagdidilig. Nagkaroon ako ng mas praktikal na saloobin sa tungkulin ko. Kaya naniwala akong nagbago ako nang kaunti, at na madali kong magagawa ang tungkulin ko at makakapagpatuloy ako sa aking wastong gampanin. Pero nang dumating sa akin ang ibang kapaligiran, nalantad na naman ang pagnanais ko para sa katayuan.

Noong Hunyo ng 2021, isinaayos ng iglesia na kuhanin ko ang isa pang proyekto na may mas maraming gawain at may maikling palugit. Bagama’t naharap kami sa maraming paghihirap, dahil sa sama-sama naming pagsisikap, pagkalipas ng ilang buwan, nagsimulang maging mas epektibo ang aming gawain, at sa huli, natapos namin ang dobleng dami ng trabaho kumpara sa nakaraang taon. Labis ko itong ipinagmalaki, at nadama kong may bahagi ako sa katunayan na nakamit namin ang mga resultang ito—kung gusto ng mga lider na itaas ang ranggo ng isang tao, malamang na iisipin nila ako. Sa mga sumunod na araw, maraming beses kong narinig na pinag-uusapan ng mga lider ang pagtataas sa ranggo at paglilinang ng mga tao, at paminsan-minsan, naririnig ko ang mga pangalan ng kapatid na kilala ko. Nagsimula na namang gumulo ang isip ko, “Naging lider at manggagawa na ako dati, at kamakailan lang ay naging epektibo ako sa tungkulin ko, kaya bakit hindi isinaalang-alang ng mga lider ang pagtaas ng ranggo ko? Nakilatis ba ako ng mga lider at nagpasya sila na hindi ako isang taong naghahangad ng katotohanan? Iniisip ba nilang ako ay isang tao na makakapangasiwa lamang sa mga panlabas na bagay? Kung iyon ang iniisip nila, magkakaroon ba ako ng pagkakataong maitaas ang ranggo at malinang?” Sa pag-iisip ko nito, pinalabo nito ang hinaharap ko. Sa tingin ko, gaano man ako maghangad, lagi lang magiging ganito—wala akong kahit anong pag-asa na tumaas ang ranggo. Nagkaroon pa nga ako ng pagtatangi laban sa mga lider. Minsan, noong nakipag-usap sa akin ang mga lider, binalewala ko lang sila. Hangga’t maaari, kaunti lang ang sinabi ko, at ni ayaw ko ngang makita ang aking mga kapatid sa paligid ko. Palagi akong mukhang malungkot, ayaw kong masyadong magsalita, at gusto kong gugulin ang oras ko nang mag-isa. Hindi ko namamalayan, tumigil akong magdala ng pasanin sa tungkulin ko. Nadama kong gaano man kaayos ang trabaho ko, hindi makita ng mga lider ang pagsisikap ko at paggugol, kaya bakit ako dapat magsikap nang sobra? Sapat lang ang gagawin ko para makaraos.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Kumpara sa mga normal na tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nasa loob ng kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang kanilang panghabambuhay na mithiin. … Masasabi na sa puso ng mga anticristo, naniniwala sila na ang paghahangad ng katotohanan sa kanilang pananalig sa Diyos ay ang paghahangad ng reputasyon at katayuan; ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay ang paghahangad din sa katotohanan, at ang magkamit ng reputasyon at katayuan ay ang magkamit ng katotohanan at buhay. Kung nararamdaman nila na wala silang reputasyon, pakinabang o katayuan, na walang humahanga sa kanila, o nagpapahalaga sa kanila, o sumusunod sa kanila, sobrang bigong-bigo sila, naniniwala silang wala nang saysay pang maniwala sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at sinasabi nila sa kanilang sarili na, ‘Bigo ba ang gayong pananalig sa diyos? Wala na ba itong pag-asa?’ Madalas na tinitimbang nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso, pinag-iisipan nila kung paano sila magkakapuwesto sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng mataas na reputasyon sa iglesia, nang sa gayon ay makinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at suportahan sila kapag kumikilos sila, at sumunod sa kanila saanman sila magpunta; nang sa gayon ay sila ang may huling salita sa iglesia, at ang may kasikatan, pakinabang, at katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay sa puso nila. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao. Bakit palagi silang nag-iisip ng ganoong mga bagay? Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, matapos marinig ang mga sermon, hindi ba talaga nila nauunawaan ang lahat ng ito, hindi ba talaga nila nagagawang makilala ang lahat ng ito? Talaga bang hindi nabago ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan ang kanilang mga kuru-kuro, ideya, at opinyon? Hindi talaga iyon ang kaso. Ang problema ay nasa kanila, ito ay lubos na dahil hindi nila minamahal ang katotohanan, dahil sa puso nila, tutol sila sa katotohanan, at bilang resulta, lubos nilang hindi tinatanggap ang katotohanan—na natutukoy ng kanilang kalikasang diwa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Mula sa salita ng Diyos, nakita ko na talagang pinapahalagahan ng mga anticristo ang kasikatan at katayuan, at tinitingnan nila ang mga iyon bilang mas mahalaga kaysa iba pa. Kapag hindi sila nakakatanggap ng katayuan, nagiging nakakapagod para sa kanila ang pananampalataya sa Diyos. Wala silang katapatan sa kanilang pananampalataya sa Diyos o sa mga tungkulin, lalong hindi nila ginagawa ang mga ito para maunawaan ang katotohanan. Sa halip, ginagawa nila ang mga iyon para makamit ang kasikatan at katayuan, at para hangaan at tingalain sila ng mas maraming tao. Napakasama ng mga disposisyon ng mga anticristo. Naisip ko ang sarili ko—palagi kong hinahangad ang promosyon at paglinang, at nang hindi natugunan ang mga ambisyon at pagnanais ko, naging negatibo ako at walang gana. Hindi na makontrol ang paghahangad ko sa kasikatan at katayuan; nagpakita na ako ng kaparehong disposisyon ng isang anticristo. Naisip ko kung paanong, noong nag-aaral ako, kinuha ko ang mga satanikong lason ng “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” at “Masamang sundalo ang isang sundalong hindi nangangarap na maging isang heneral,” bilang mga kautusan ng pananatiling buhay, kaya hinangad kong makakuha ng pinakamatataas na grado. Kung hindi ko makuha ang unang puwesto, kahit papaano kailangan kong maging isang estudyanteng may mga karangalan at makuha ko ang papuri at respeto ng mga kamag-aral at guro ko. Pagkatapos kong manampalataya sa Diyos, hinangad ko ang katayuan bilang layon ko, inakala ko na kung may mataas akong katayuan, maaari akong magkaroon ng lugar sa iglesia, maipapaalam ko ang presensya ko, mapapahanga ko ang mas maraming tao, at mapaparinig ko ang aking tinig. Kaya nang agarang kinailangan ng iglesia ng mga tao at hindi itinaas ng mga lider ang ranggo ko, naging negatibo ako at miserable, wala akong ganang gampanan ang tungkulin ko, at nadama ko pa na wala akong direksyon o layon na hahangarin sa aking pananampalataya sa Diyos. Saka ko lang nakita nang malinaw na naging kalikasan ko na ang paghahangad sa kasikatan at katayuan. Kahit sa anumang grupo ako kasama, palagi kong gustong mapuri at mahangaan ng iba, at ayaw na ayaw kong mapag-iwanan. Noong pinahalagahan ako ng mga lider at itinaas ang ranggo ko para gawin ang mahalagang gawain, nalugod ako nang sobra at masigla ako sa tungkulin ko; kapag wala ang pagpapahalaga nila at promosyon, nagiging negatibo ako at mapanlaban, iniraos ko ang aking mga tungkulin, walang direksyon, at ginusto ko pang bitiwan ang lahat. Napagtanto ko bigla na nasa seryosong panganib ako kung magpapatuloy ako nang ganito!

Pagkatapos niyon, nabasa ko sa salita ng Diyos: “Gusto ng Diyos ang mga taong naghahangad ng katotohanan, at ang pinakakinapopootan Niya ay iyong mga naghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan. Talagang itinatangi ng ilang tao ang katayuan at reputasyon, masyadong mahilig sa mga iyon, hindi maatim na isuko ang mga iyon. Pakiramdam nila palagi ay walang kagalakan o pag-asa sa buhay kapag walang katayuan at reputasyon, na may pag-asa lang sa buhay na ito kapag nabubuhay sila para sa katayuan at reputasyon, at kahit may kaunti silang kabantugan patuloy silang makikipaglaban, hinding-hindi sila susuko. Kung ito ang iniisip at pananaw mo, kung puno ng gayong mga bagay ang puso mo, wala kang kakayahang mahalin at hangarin ang katotohanan, wala kang tamang direksyon at mga layon sa iyong pananampalataya sa Diyos, at wala kang kakayahang hangarin na kilalanin ang sarili mo, na iwinawaksi ang katiwalian at isinasabuhay ang wangis ng tao; hinahayaan mong magpatuloy ang mga bagay-bagay kapag ginagawa mo ang iyong tungkulin, wala kang anumang pagpapahalaga sa responsabilidad, at nasisiyahan ka lang sa hindi paggawa ng kasamaan, hindi pagsasanhi ng kaguluhan, at hindi napapaalis. Magagawa ba ng gayong mga tao ang kanilang tungkulin sa katanggap-tanggap na pamantayan? At maaari ba silang iligtas ng Diyos? Imposible. Kapag kumikilos ka alang-alang sa reputasyon at katayuan, iniisip mo pa nga na, ‘Hangga’t hindi masama ang ginagawa ko at hindi nakakagulo, kahit mali ang motibo ko, walang makakakita niyon o magkokondena sa akin.’ Hindi mo alam na sinusuring mabuti ng Diyos ang lahat. Kung hindi mo tinatanggap o isinasagawa ang katotohanan, at itinataboy ka ng Diyos, tapos na ang lahat para sa iyo. Iniisip ng lahat ng walang may-takot-sa-Diyos na puso na matalino sila; sa katunayan, ni hindi nila alam kung kailan sila sumalungat sa Kanya. Hindi nakikita nang malinaw ng ilang tao ang mga bagay na ito; iniisip nila, ‘Hinahangad ko lang ang reputasyon at katayuan upang mas marami akong magawa, para makatanggap ako ng higit pang responsabilidad. Hindi ito nanggagambala o nanggugulo sa gawain ng iglesia, at lalong hindi nito pinipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Hindi ito malaking problema. Sadyang mahal ko ang katayuan at pinoprotektahan ko ang aking katayuan, pero hindi masamang gawa iyon.’ Sa tingin, maaaring hindi mukhang masamang gawa ang gayong hangarin, pero saan humahantong iyon sa huli? Makakamit ba ng gayong mga tao ang katotohanan? Makakamtan ba nila ang kaligtasan? Talagang hindi. Samakatwid, ang paghahangad ng reputasyon at katayuan ay hindi tamang landas—kabaligtaran mismo ng paghahangad ng katotohanan ang direksyong iyon. Sa kabuuan, anuman ang direksyon o puntirya ng iyong hangarin, kung hindi ka nagninilay tungkol sa paghahangad sa katayuan at reputasyon, at kung nahihirapan kang isantabi ang mga bagay na ito, maaapektuhan nito ang iyong buhay pagpasok. Hangga’t may puwang ang katayuan sa puso mo, lubos nitong makokontrol at maiimpluwensiyahan ang direksyon ng buhay mo at ang mga mithiing pinagsusumikapan mo, kaya nga magiging napakahirap sa iyo na pumasok sa katotohanang realidad, maliban pa sa mahihirapan kang baguhin ang iyong disposisyon; makamit mo man sa bandang huli ang pagsang-ayon ng Diyos, siyempre pa, ay hindi na kailangang sabihin pa. Bukod pa riyan, kung hindi mo kailanman naisasantabi ang paghahangad mo sa katayuan, maaapektuhan nito ang kakayahan mong gawin nang sapat ang iyong tungkulin, kaya mahihirapan kang maging isang katanggap-tanggap na nilikha. Bakit Ko sinasabi ito? Wala nang higit pang kinapopootan ang Diyos kundi kapag naghahangad ang mga tao ng katayuan, dahil ang paghahangad ng katayuan ay isang satanikong disposisyon, isa itong maling landas, bunga ito ng pagtitiwali ni Satanas, isa itong bagay na kinokondena ng Diyos, at ito mismo ang bagay na hinahatulan at dinadalisay ng Diyos. Wala nang higit pang kinapopootan ang Diyos kundi kapag naghahangad ang mga tao ng katayuan, pero nagmamatigas ka pa ring nakikipagkompitensiya para sa katayuan, walang-sawa mo itong iniingatan at pinoprotektahan, at laging sinusubukang makuha ito para sa iyong sarili. At sa kalikasan, hindi ba’t ang lahat ng ito ay pagkontra sa Diyos? Hindi niloob ng Diyos ang katayuan para sa mga tao; ipinagkakaloob ng Diyos sa mga tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at sa huli ay ginagawa silang isang katanggap-tanggap na nilikha, isang maliit at hamak na nilikha—hindi isang tao na may katayuan at katanyagan at iginagalang ng libu-libong tao. Kaya, saanmang perspektiba ito tingnan, walang kahahantungan ang paghahangad ng katayuan. Gaano man kamakatwiran ang iyong pagdadahilan para hangarin ang katayuan, mali pa rin ang landas na ito, at hindi sinasang-ayunan ng Diyos. Gaano ka man magpakahirap o gaano ka man magsakripisyo, kung naghahangad ka ng katayuan, hindi ito ibibigay sa iyo ng Diyos; kung hindi ito ibinibigay ng Diyos, mabibigo ka sa pakikipaglaban para matamo ito, at kung patuloy kang makikipaglaban, isa lamang ang kahihinatnan nito: Mabubunyag at matitiwalag ka, at mauuwi sa walang kahahantungan(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, nasindak ako, at nadama kong babala ito ng Diyos sa akin. Kung pinahalagahan ko pa rin ang katayuan, at inakala kong walang kasiyahan o pag-asa ang buhay kung walang katayuan at mahahalagang papel, ang paghahangad nang ganito ay pakikipagkompetensiya para sa katayuan at pagsalungat sa Diyos, hindi pinapangasiwaan ang sarili at hindi ginagampanan ang tungkulin ko mula sa posisyon ng isang nilikha. Sa patuloy kong hindi pagsisisi sa ganitong paraan, ipapadala ako sa impiyerno at parurusahan! Takot at nanginginig, ilang beses kong binasa ang siping ito ng salita ng Diyos, at mula sa puso ko, nadama kong ang anumang pagkakasala ay hindi pahihintulutan ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Inakala ko dati na may tiwaling disposisyon ang mga tao, kaya napakanormal na hangarin ang kasikatan at katayuan—sino ba ang hindi gustong bumuti ang kondisyon nila? Kaya, hindi ko sineryoso ang mga pagpapakita ko ng katiwalian sa bagay na ito; kahit na negatibo ang pakiramdam ko paminsan-minsan, bumubuti naman ito sa loob ng ilang araw. Hindi nito masyadong maaantala ang gawain ko, at hindi ako gumawa ng anumang bagay na lihis, kaya hindi ko inisip na malaking problema ito. Ngayon lang, sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos, saka ko naunawaan ang isang bagay. Isang satanikong disposisyon ang paghahangad sa kasikatan at katayuan, salungat ito sa Diyos at ito ang landas ng paglaban sa Kanya. Wala itong patutunguhan! Naisip ko ang arkanghel, na mataas na ang katayuan sa pasimula, pero hindi pa rin nasiyahan. Ginusto nitong maging kapantay ng Diyos, at sa huli, inihagis ito ng Diyos sa himpapawid. Hindi ba’t ganito ako umakto? Ako na ang nangangasiwa sa ilang gawain sa iglesia, at hindi pa rin ako masaya. Hindi ko pinagsikapang magkamit ng pinakamagagandang resulta sa sarili kong tungkulin. Sa halip, buong puso akong nagsikap para maabot ang isang mas mataas na katayuan, upang gumawa ng mas dakilang gawain para magpakitang-gilas at pahangain ang mga tao. Kapag hindi natugunan ang pagnanais na iyon, nagiging negatibo ako, nagmamabagal sa gawain ko, at nagsisimulang iraos lang iyon Minsan gusto ko na nga ring umatras nang tuluyan. Wala talaga akong pakialam kung magdusa ng kawalan ang gawain ng iglesia. Talagang napakalakas ng mga ambisyon at pagnanais ko—nasaan na ang may-takot-sa-Diyos na puso ko? May masasabi ba akong anumang pagpapasakop ko sa Diyos? Ang palaging paghahangad sa kasikatan at katayuan, ang pagbalewala sa aking mga tungkulin, ay hindi lamang umantala sa aking sariling buhay pagpasok, kundi napinsala rin nito ang gawain ng iglesia. Tinatahak ko ang landas ng paglaban sa Diyos, kaya paanong hindi ako kasusuklaman ng Diyos? Nang inisip ko ito, natakot ako at nagsisi. Agad akong nanalangin sa Diyos para magsisi, ayaw ko nang hangarin ang kasikatan at katayuan.

Pagkatapos niyon, nakita ko sa mga salita ng Diyos ang paraan para takasan ang katanyagan at katayuan. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Bilang isang bahagi ng nilikhang sangkatauhan, kailangang panaatilihin ng isang tao ang kanyang sariling posisyon, at kumilos nang maingat. Matapat na bantayan kung ano ang ipinagkatiwala sa iyo ng Lumikha. Huwag kumilos nang wala sa lugar, o gawin ang mga bagay-bagay na labas sa saklaw ng iyong kakayahan o na kasuklam-suklam sa Diyos. Huwag subukang maging dakila, o maging superman, o mataas sa lahat, o maghangad na maging Diyos. Ito ang hindi dapat nasain ng tao. Katawa-tawa ang paghahangad na maging dakila o superman. Ang paghahangad na maging Diyos ay lalo pang mas kahiya-hiya; ito ay karima-rimarim, at kasuklam-suklam. Ang kapuri-puri, at ang dapat na panghawakan ng mga nilikha nang higit pa sa anumang mga bagay, ay ang maging tunay na nilikha; ito lamang ang tanging mithiin na dapat hangarin ng lahat ng tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). Malinaw na sinasabi ng salita ng Diyos na ang paghahangad sa katayuan, ang paghahangad na maging isang dakilang tao o isang superman, ay isang bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Ang aktuwal na paghahangad na dapat mayroon ang mga tao ay ang pagiging isang tunay na nilikha. Pagkatapos kong basahin ang salita ng Diyos, alam ko na kung ano ang dapat kong hangarin: Isa akong nilikha, at alam na alam ng Diyos kung anong tungkulin ang kaya kong gampanan at anong gawain ang kaya kong gawin. Nasa anumang posisyon ako, ang gustong makita ng Diyos ay iyong kayanin kong hangarin ang katotohanan nang wasto at gampanan ang tungkulin ng isang nilikha sa isang praktikal na paraan. Kailangan kong bitiwan ang aking mga ambisyon at pagnanais, at anumang tungkulin ang gampanan ko, dapat akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, isakatuparan nang tapat ang aking sariling mga responsabilidad, at maging epektibo sa tungkulin ko sa pamamagitan nito. Ito ang dapat kong gawin bilang isang nilikha. Pagkatapos niyon, hindi ko na inisip kung tataas ba ang ranggo ko. Sa halip, sadya kong pinagbulayan kung paano maging mas mahusay para makamit ko ang pinakamagagandang resulta sa tungkulin ko, at nanalangin ako sa Diyos at naghanap kasama ng mga kapatid para lutasin ang mga bagay-bagay kapag lumilitaw ang mga paghihirap. Pagkatapos ng isang yugto ng panahon, gumawa ako kasama ng mga kapatid ko para mapagtagumpayan ang ilang paghihirap, at nadagdagan din ang husay ng aming gawain.

Sa mga sumunod na araw, naririnig ko pa rin paminsan-minsan na tumaas na sa ranggo bilang mga superbisor ang mga dating katuwang ko. Kahit na medyo nadismaya pa rin ako, dahil sa tingin ko ay mapapatanyag ng iba ang presensiya nila kapag tumaas ang ranggo nila samantalang nananatili ako sa parehong posisyon, napagtanto ko kaagad na ito ay gawa na naman ng pagnanais ko para sa katayuan. Kaya nanalangin ako agad sa Diyos at naghimagsik laban sa sarili ko. Naisip ko ang salita ng Diyos: “Hindi niloob ng Diyos ang katayuan para sa mga tao; ipinagkakaloob ng Diyos sa mga tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at sa huli ay ginagawa silang isang katanggap-tanggap na nilikha, isang maliit at hamak na nilikha—hindi isang tao na may katayuan at katanyagan at iginagalang ng libu-libong tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Sa pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos, naging malinaw sa puso ko ang mga layon ko. Nakita ko na ang katayuan ay hindi paunang itinakda ng Diyos para sa tao. Anuman ang tungkulin natin, tinutupad natin ang ating responsabilidad. Paggamit rin ito ng sarili nating mga kalakasan at layunin sa tamang mga posisyon. Sa huli, walang mas matataas o mas mabababang posisyon, at ang pagiging isang lider o isang superbisor ay hindi nangangahulugang may katayuan ang isang tao o mas magaling siya kaysa sa iba. Ang hinihiling ng Diyos sa atin ay ang maging mga kuwalipikadong nilikha tayo, at magpasakop tayo sa mga pamamatnugot at pagsasaayos Niya. Ito lamang ang tamang mga paghahangad. Kung hindi ko kayang magpasakop sa Diyos, kung hindi ko kayang panatilihin gawin ang mga tungkulin ko, at hangarin ko lang ang pag-akyat sa posisyon at pagkamit ng katayuan, nakakahiya ito, at kasusuklaman at susumpain ako ng Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, hindi na ako negatibo, at kaya ko nang tratuhin nang tama ang bagay na ito at gampanan nang wasto ang tungkulin ko.

Pagkatapos dumaan sa mga bagay na ito, napagtanto ko ang mabubuting layunin ng Diyos. Sa hindi pagtataas ng ranggo ko, pinoprotektahan Niya ako. Kung ako, na may pagmamahal sa katayuan, ay talagang naging isang lider o manggagawa, wala sa loob na tatahakin ko ang landas ng isang anticristo, at mawawasak lang ako sa huli. Ngayon, kaya ko nang maging mapagpasakop at maging praktikal sa tungkulin ko. Ito ang epekto ng mga salita ng Diyos!

Sinundan: 23. Ang Isang Tungkulin ay Hindi Nagbubunga Kung Walang Mga Prinsipyo

Sumunod: 25. Siniil ng Aking Pamilya: Isang Karanasang Nagbibigay-aral

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito