39. Ang Transaksyon sa Likod ng Pagbabayad ng Halaga

Ni Liu Ying, Tsina

Isang araw sa katapusan ng 2019, biglang sinabi ng apo kong babae na masakit ang binti niya. Dinala ko siya sa ospital upang magpa-medical imaging, pero walang anumang nakita, kaya hindi ko ito sineryoso. Kinabukasan, sinabi niyang pumipintig pa rin ang kanyang binti sa sakit. Naiyak din ako nang makita ko siyang umiiyak sa sakit. Noong gabing iyon, mas madalas ang pagsakit ng kanyang binti, at halos hindi siya nakatulog. Habang minamasahe ko ang kanyang binti, dasal ako nang dasal sa Diyos at ipinagkatiwala ko sa Kanya ang karamdaman ng apo ko. Sa umaga ng ikatlong araw, dinala ng aking anak na lalaki at manugang na babae ang apo ko sa probinsiyal na ospital.

Pagkatapos maospital, patuloy siyang nilagnat nang mataas. Nanatili ito sa 40 degrees at hindi humupa. Sinuri siya sa surgical department at internal medicine department, ngunit walang nakita, at walang lunas ang mga doktor. Walang magawa, dinala siya ng anak ko sa isang ospital sa kapital ng probinsiya. Lumabas sa konsultasyon sa mga eksperto na lupus ang unang pagsusuri at sepsis naman sa sumunod. Nang bumalik ang mga balae ko mula sa ospital at sinabi sa akin ang sitwasyon, labis akong nag-alala. Parehong nakamamatay na sakit ang lupus at sepsis. Kahit balewalain ang pagsusuri, mayroon pa ring mataas na lagnat na 40 degrees ang apo ko, na maaaring magdulot ng malaking pinsala sa kanyang kalusugan kung masyado itong magtatagal. Hindi maganda ang kanyang sitwasyon. Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nabalisa. Pinalaki ko ang aking apo, at hindi ko makakayanang makitang may anumang mangyari sa kanya. Paulit-ulit kong sinubukang ipalagay ang loob ko, iniisip na: “Magiging maayos siya. Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat. Poprotektahan Niya ang apo ko. Hindi Niya ito hahayaang mamatay.” Kapag naiisip ko ang sakit ng aking apo, naiiyak ako lagi sa pighati. Napakabata pa niya, at kailangan na niyang magdusa nang ganito. Sana ako nalang ang tinamaan ng sakit na ito para ako ang magdusa sa halip na siya. Naisip ko rin, “Naniniwala ako sa Diyos, kaya bakit nangyayari ito sa pamilya ko?” Pero mapapaisip akong muli, “Ang totoo, tiyak na dumating ang sitwasyong ito sa akin nang may pahintulot ng Diyos. Marahil ay sinusubok ng Diyos ang pananalig ko. Hindi ko maaaring sisihin ang Diyos. Hangga’t nagpupursige ako sa paggawa sa aking tungkulin, gagaling ang sakit ng apo ko.” Pagkatapos niyon, normal kumain at uminom ng salita ng Diyos nang gaya ng nakagawian ko at nagpatuloy ako sa paggampan ng tungkulin ko. Nang mag-host ako sa mga kapatid, ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para sa kanila. Gusto akong tulungan ng mga kapatid, pero hindi ko sila hinayaang tumulong. Naisip kong hangga’t ginagampanan ko ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya, pagpapakitaan ako ng biyaya ng Diyos, at gagaling ang apo ko.

Makalipas ang halos kalahating buwan, tumawag ang anak ko para sabihin na kumpirmado nang sepsis ang karamdaman ng apo ko, patuloy na nagpabalik-balik ang kanyang mataas na lagnat, at may mga pagtubo sa kaniyang pericardium, na nakamamatay. Nang marinig ko ang balitang ito naramdaman kong parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko ito matanggap, kaya gumiit ako sa Diyos, “May sakit ang apo ko, pero ipinagpatuloy kong gampanan ang tungkulin ko, kaya dapat na pagaling na siya! Pero ngayon, hindi lang hindi gumaling ang sakit niya, lumala pa nga ito. Imposible ba talagang gamutin ang sakit niya?” Isang araw, lumapit sa akin ang asawa ko na umiiyak at sinabing, “Nag-aagaw-buhay ang apo natin. Sinabi ng ospital na hindi na siya magagamot, at sinabi ng doktor na wala na silang magagawa. Sinabi nila na iuwi na natin siya.” Labis kong ikinagulat ang mga salita ng asawa ko. Hindi ako makapaniwala na totoo ito; hindi ko ito matanggap. Napuno ang isipan ko ng mga imahe ng buhay ko kasama ang aking apo. Habang iniisip ko kung gaano siya kakyut noon, walang hinto ang pag-agos ng mga luha ko. Paulit-ulit akong tumawag sa Diyos na bantayan ang puso ko at akayin akong makapagpasakop. Pero nang makita ko ang larawan niya sa aking cellphone, ang buong mukha niya ay namamaga, at nawalan ako ng lakas na magpatuloy. Ayoko nang basahin ang salita ng Diyos at wala na akong naramdamang motibasyon para gampanan ang tungkulin ko. Ang tanging bagay na inaalala ko ay ang sakit ng aking apo. Kalaunan, dinala ng manugang kong lalaki ang mga medikal na rekord ng aking apo sa isang malaking ospital sa Shanghai parakomunsulta, ngunit sinabi rin ng mga eksperto na wala silang magagawa at pinayuhan kaming ihinto na ang paggastos ng pera sa bagay na wala nang pag-asa. Nakapagpabalisa ito sa akin nang husto, “Nanalig ako sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, hindi ako kailanman tumigil sa pagtupad ng aking mga tungkulin, at lagi kong sinisikap gawin sa abot ng aking makakaya ang anumang gawaing isinasaayos ng iglesia para sa akin. Kahit nang magkasakit ang apo ko, hindi ako sumuko sa aking tungkulin. Nagpatuloy ako sa pagho-host sa mga kapatid ko. Matapos magbayad ng ganoong halaga, bakit nakuha ng apo ko ang malalang sakit na ito?” Habang mas iniisip ko ito, mas lalo kong nararamdamang naagrabyado ako. Hindi ko mapigilang umiyak. Sa aking pagdurusa, nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, nag-aagaw-buhay ang apo ko. Ako ay miserable at mahina. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, at may mga reklamo pa rin ako laban sa Iyo. Pakiusap gabayan Mo po ako sa pag-unawa sa Iyong layunin.”

Sa aking pagdurusa, naisip ko angsalita ng Diyos:

4. Kung, pagkatapos mong gumugol para sa Akin, hindi Ko tinutugunan ang maliliit mong hinihingi, masisiraan ka ba ng loob at madidismaya sa Akin, o magiging galit na galit pa at sisigaw pa ng pang-aabuso?

5. Kung palagi ka nang naging napakatapat, nang may malaking pagmamahal sa Akin, ngunit nagdurusa ka ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa pinansiyal, at ng pang-iiwan ng iyong mga kaibigan at kamag-anak, o kung nagtitiis ka ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, magpapatuloy pa rin ba ang iyong katapatan at pagmamahal sa Akin?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 2

Nang maharap sa mga tanong ng Diyos, nakaramdam ako ng labis na kahihiyan. Ang sakit ng aking apo ay isang totoong pagsubok para makita ko kung ako ay matapat at mapagpasakop sa Diyos. Noon, lagi kong iniisip na nagsusumikap ako at ginagampanan ang tungkulin ko sa Diyos, at nangangahulugan ito na tapat ako sa Diyos. Gayunpaman, nang magkaroon ng sepsis ang aking apo, at lumala ang kanyang kondisyon, naging negatibo ako at nagreklamo, ayoko nang basahin ang salita ng Diyos, at nawalan ako ng motibasyon sa aking tungkulin. Nakita ko na hindi talaga ako mapagpasakop at tapat sa Diyos. Nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako sa pagkatuto ng mga leksiyon at pagiging tunay na mapagpasakop sa usapin ng sakit ng apo ko. Naisip ko ang salita ng Diyos: “Ang iyong hinahabol ay ang matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos, upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makatagpo ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng magandang panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay Ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga naniniwala sa Diyos? … hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tamang daan ay naibigay na sa iyo, ngunit kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahabol(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Ibinunyag ng salita ng Diyos ang aking kalagayan. Mula sa simula ng aking pananalig sa Diyos, inakala ko na hangga’t nagsisikap ako para sa Diyos at gumagampan sa aking tungkulin, pagpapalain ng Diyos ang aking pamilya ng kapayapaan at kasaganaan, at ang lahat ay magiging malaya sa sakit at sakuna. Kung gayon, simula nang manalig ako sa Diyos, lagi akong sabik na gumampan sa aking mga tungkulin. Napakabait ng Diyos sa akin. Bago ko namalayan, gumaling na ang ilan sa aking mga karamdaman, at lalo pang lumakas ang aking paghangad. Kahit na inaresto ako ng Partido Komunista, nagpatuloy ako sa pagganap ng aking tungkulin pagkatapos akong palayain. Ngunit nang magkaroon nitong nakakatakot na sakit ang aking apo, sa loob ko ay nagreklamo ako na hindi siya prinotektahan ng Diyos. Bagamat patuloy kong ginampanan ang aking tungkulin, nais ko lamang na protektahan ng Diyos ang apo ko sa pamamagitan ng pagpapagaling ng kanyang karamdaman. Nais kong ipagpalit ang aking panlabas na pagsusumikap at pagsasakripisyo para sa pagpapala ng Diyos. Nang hindi bumuti ang kondisyon ng apo ko, nalagay sa panganib ang kanyang buhay, at sumuko sa paggagamot ang ospital, tuluyan akong bumigay. Mali ang pagkaunawa ko at nagreklamo ako laban sa Diyos, inisip ko na ang Diyos ay hindi matuwid, at naging negatibo at lumaban sa Diyos. Nakita ko na naniniwala ako sa Diyos para lamang magtamo ng biyaya at mga pagpapala, na hinahangad ko ang kaginhawahan sa buhay at pisikal na kaligtasan sa halip na ang katotohanan, at na ang aking mga pagsasakripisyo at pagsusumikap ay hindi taos-pusong pagpapasakop sa Diyos, kundi puno ng labis na pagnanais at mga paghingi sa Diyos. Ito ay panlilinlang sa Diyos at pagtatangkang makipagtransaksyon sa Kanya. Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Gagawin ng Diyos ang dapat Niyang gawin, at matuwid ang Kanyang disposisyon. Ang katuwiran ay walang kinalaman sa pagiging makatarungan o makatwiran; hindi ito egalitaryanismo, o pagbibigay sa iyo ng nararapat sa iyo alinsunod sa gawaing natapos mo, o binabayaran ka para sa anumang gawaing natapos mo, o ibinibigay sa iyo ang nararapat sa iyo ayon sa kung gaano ka nagsisikap. Hindi ito pagiging matuwid, pagiging patas at makatwiran lamang ito. Kakaunting tao lamang ang may kakayahang malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ipagpalagay nang inalis ng Diyos si Job matapos siyang magpatotoo para sa Kanya: Magiging matuwid ba ito? Sa katunayan, oo. Bakit ito tinatawag na pagiging matuwid? Ano ang tingin ng mga tao sa pagiging matuwid? Kung ang isang bagay ay nakaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, napakadali para sa kanila ang sabihin na matuwid ang Diyos; gayunman, kung hindi nila nakikita na nakaayon ang bagay na iyon sa kanilang mga kuru-kuro—kung ito ay isang bagay na hindi nila kayang unawain—mahihirapan silang sabihin na matuwid ang Diyos. Kung winasak ng Diyos si Job noon, hindi masasabi ng mga tao na Siya ay matuwid. Gayunpaman, sa totoo lang, kung ang mga tao man ay nagawang tiwali o hindi, at kung lubos man silang nagawang tiwali o hindi, kailangan bang bigyang-katwiran ng Diyos ang Kanyang sarili kapag nilipol Niya sila? Kailangan ba Niyang ipaliwanag sa mga tao kung sa anong batayan Niya ginagawa ito? Kailangan bang sabihin ng Diyos sa mga tao ang mga tuntuning inordena Niya? Hindi na kinakailangan. Sa paningin ng Diyos, ang isang taong tiwali at malamang na lumaban sa Diyos ay walang anumang silbi; paano man siya pakikitunguhan ng Diyos ay magiging angkop, at ang lahat ay pagsasaayos ng Diyos. Kung hindi ka naging kalugud-lugod sa mga mata ng Diyos, at kung sabihin Niya na wala ka nang silbi sa Kanya pagkatapos ng iyong patotoo kaya winasak ka, ito rin ba ay pagiging matuwid Niya? Oo. Maaaring hindi mo pa ito makita sa ngayon mula sa mga katotohanan, ngunit dapat mong maunawaan ito sa doktrina. Ano ang sasabihin ninyo—ang pagwasak ba ng Diyos kay Satanas ay isang pagpapahayag ng Kanyang pagiging matuwid? (Oo.) Paano kung hinayaan Niyang manatili si Satanas? Hindi ka mangangahas na sabihin ito, oo? Ang pinakadiwa ng Diyos ay katuwiran. Bagama’t hindi madaling unawain ang Kanyang ginagawa, matuwid ang lahat ng Kanyang ginagawa; hindi lamang talaga ito nauunawaan ng mga tao. Nang ibigay ng Diyos si Pedro kay Satanas, paano tumugon si Pedro? ‘Hindi maarok ng sangkatauhan ang Iyong ginagawa, ngunit lahat ng Iyong ginagawa ay kinapapalooban ng Iyong mabuting kalooban; mayroong katuwiran sa lahat ng iyon. Paanong hindi ko pupurihin ang Iyong karunungan at mga gawa?’ … Lahat ng ginagawa ng Diyos ay matuwid. Bagama’t maaaring hindi maarok ng mga tao ang katuwiran ng Diyos, hindi sila dapat manghusga nang basta-basta. Kung may ginagawa Siya na mukhang hindi patas para sa mga tao, o kung mayroon silang anumang mga kuru-kuro tungkol doon, at nagiging daan iyon para sabihin nilang hindi Siya matuwid, kung gayon ay masyado silang hindi makatwiran. Nakikita mo na nakakita si Pedro ng ilang bagay na hindi maunawaan, ngunit sigurado siya na naroon ang karunungan ng Diyos at na nasa mga bagay na iyon ang kabutihang-loob ng Diyos. Hindi maaarok ng mga tao ang lahat ng bagay; may napakaraming bagay silang hindi nauunawaan. Sa gayon, hindi madaling malaman ang disposisyon ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkatapos kong pagnilayan ang salita ng Diyos, napagtanto ko na ang katuwiran ng Diyos ay hindi gaya ng inaakala ko. Inakala kong paggawa ito ng partikular na dami ng gawain at pagtanggap ng katumbas na bayad para dito, o pagsusumikap at pagtatamo ng gantimpala bilang kapalit. Ito ang sarili kong kuru-kuro at imahinasyon. Ang Diyos ang katotohanan, at ang diwa ng Diyos ay katuwiran. Anuman ang gawin ng Diyos at umaayon man ito o hindi sa mga kuru-kuro ng tao, ang ginagawa ng Diyos ay matuwid. Tinasa ko ang pagiging matuwid ng Diyos mula sa pananaw ng pakikipagtransaksyon at pakikipagkalakalan. Naniwala ako na matatanggap ko ang mga pagpapala ng Diyos kung magsusumikap ako at tatalikuran ang maraming bagay. Naisip ko kung magsisikap akong gampanan ang aking mga tungkulin, dapat protektahan ng Diyos ang aking pamilya at ilayo ang apo ko sa sakit at kapahamakan. Kaya, nang magkasakit siya nang malubha, nangatwiran ako sa Diyos, nagreklamo laban sa Diyos, at inisip na ang Diyos ay hindi matuwid. Katawa-tawa ang aking pananaw. Naging bulag ako at hindi ko talaga kilala ang Diyos. Isa akong nilikha, kaya ang paggampan sa aking tungkulin at pagsukli sa pagmamahal ng Diyos ay natural at tama, tungkulin ko ito at responsibilidad. Hindi ko dapat sinubukang makipagkasundo sa Diyos. Kung paanong ang mga anak ay dapat maging masunurin sa kanilang mga magulang, dapat akong magpasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos nang walang kondisyon, hindi alintana kung bigyan man Niya ako ng biyaya at mga pagpapala o pagdusahin ako sa mga sakuna, dahil ang Diyos ay matuwid. Kung hindi, hindi ako magiging karapat-dapat na tawaging tao. Ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos ay nakakaranas ng pagsilang, katandaan, karamdaman, kamatayan, kapahamakan, mga pagpapala at kasawian, at iyong mga naniniwala sa Diyos ay hindi ligtas sa mga ito. Hindi kailanman sinabi ng Diyos na ang mga mananampalataya ay palaging magiging ligtas at protektado. Sa halip, kahit anong sitwasyon ang dumating sa atin, hinihingi ng Diyos na magkaroon tayo ng tunay na pananampalataya at pagpapasakop, at tuparin ang tungkulin ng isang nilikha. Pero nanampalataya ako sa Diyos para lamang humingi ng mga pagpapala. Hiniling ko sa Diyos na panatilihing ligtas at malayo sa sakit at kapahamakan ang pamilya ko, ngunit hindi ko hinanap ang katotohanan at hindi ako nagpasakop sa Diyos. Ang pananalig ko ay simpleng relihiyosong paniniwala na ginamit ko upang magpakabusog hangga’t maaari. Hindi talaga kinikilala ng Diyos ang gayong paniniwala. Kung wala ang pagbubunyag ng ganitong mga katunayan, hinding-hindi ko makikilala ang aking maling pananaw ng paniniwala sa Diyos para lang humingi ng mga pagpapala. Hindi ko kailanman makakamit ang katotohanan nang nananampalataya sa ganitong paraan, kundi matitiwalag lamang ng Diyos. Pinahintulutan ng Diyos ang sitwasyon na hindi nakaayon sa aking mga kuru-kuro na sumapit sa akin bilang paraan ng pagdadalisay sa aking pagnanais sa mga pagpapala sa pananampalataya sa Diyos, upang linisin ang aking adulterasyon at katiwalian, at upang baguhin at iligtas ako. Ito ang pag-ibig ng Diyos! Habang iniisip ito, nakaramdam ako ng kaunting ginhawa.

Pagkatapos, nagpatuloy akong magnilay-nilay kung anong kalikasan ang nagdikta sa transaksyonal na paniniwala ko sa Diyos. Binasa ko ang salita ng Diyos: “Ang lahat ng tiwaling tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kanilang sariling kapakanan; kapag tinatalikdan nila ang mga bagay-bagay at ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos, ito ay para pagpalain, at kapag tapat sila sa Kanya, ito ay para pa rin magantimpalaan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa hangaring pagpalain, gantimpalaan, at makapasok sa kaharian ng langit. Sa lipunan, nagtatrabaho ang mga tao para sa kanilang pansariling pakinabang, at sa sambahayan ng Diyos, gumagawa sila ng tungkulin para pagpalain. Alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala kaya tinatalikdan ng mga tao ang lahat at nakatitiis sila ng matinding pagdurusa. Wala nang mas maganda pang katibayan ng satanikong kalikasan ng tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Hinihingi ng Diyos na ituring Siya ng mga tao bilang Diyos dahil lubha nang nagawang tiwali ang sangkatauhan, at hindi Siya itinuturing ng mga tao bilang Diyos, sa halip ay bilang isang tao. Ano ang problema sa mga taong palaging humihingi sa Diyos? At ano ang problema sa palagi nilang pagkakaroon ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos? Ano ang nakapaloob sa kalikasan ng tao? Natuklasan Kong, anuman ang mangyari sa kanila, o anuman ang kanilang pinagdaraanan, palaging pinoprotektahan ng mga tao ang kanilang sariling mga interes at inaalala ang sariling katawan, at palagi silang naghahanap ng mga katwiran o dahilang mapakikinabangan nila. Kahit kaunti ay hindi nila hinahanap o tinatanggap ang katotohanan, at lahat ng kanilang ginagawa ay upang maipagtanggol ang kanilang katawan at magpakana para sa kanilang mga hangarin. Humihingi silang lahat ng biyaya sa Diyos, nagnanais na makamit ang anumang bentaheng kaya nilang makamit. Bakit masyadong maraming hinihingi ang mga tao sa Diyos? Pinatutunayan nito na likas na sakim ang mga tao, at sa harap ng Diyos, wala man lang silang taglay na anumang katwiran. Sa lahat ng ginagawa ng mga tao—sila man ay nagdarasal o nagbabahaginan o nangangaral—ang kanilang mga paghahangad, kaisipan, at minimithi, ang lahat ng bagay na ito ay paghingi sa Diyos at pagtatangkang humingi ng mga bagay sa Kanya, ginagawa ang lahat ng ito ng mga tao sa pag-asang may makamit mula sa Diyos. Sinasabi ng ilang tao na ‘ito ang kalikasan ng tao,’ na tama naman! Dagdag pa rito, ang sobra-sobrang paghingi ng mga tao sa Diyos at pagkakaroon nila ng labis-labis na pagnanais ay nagpapatunay na talagang walang konsiyensiya at katwiran ang mga tao. Lahat sila ay nanghihingi ng mga bagay para sa sarili nilang kapakanan, o sinusubukan nilang makipagtalo at maghanap ng dahilan para sa kanilang sarili—ginagawa nila ang lahat ng ito para sa kanilang sarili. Sa maraming bagay, makikitang ang ginagawa ng mga tao ay talagang walang katwiran, na ganap na patunay na ang satanikong lohika na ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’ ay naging kalikasan na ng tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao mula sa Diyos). Pinagnilayan ko ang salita ng Diyos at napagtanto ko na naniniwala ako sa Diyos para maghanap ng mga pagpapala at mga pakinabang dahil kontrolado ako ng ng mga satanikong lason gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” at “Huwag tumulong kung walang gantimpala.” Ang pamumuhay sa mga ganitong satanikong lason ay ginawa akong makasarili at mapanlinlang. Naghanap lang ako ng mga pakinabang at sinubukang makipagkalakalan sa Diyos sa pagganap ng aking tungkulin. Bagamat labis na akong nagsumikap at nagbayad ng halaga sa maraming taon ng paniniwala ko sa Diyos, ginawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa sarili kong mga pagpapala at pakinabang. Nais kong ipagpalit ang maliit na halagang binayad ko para sa mga dakilang pagpapala ng Diyos. Hindi ako nagpapasakop sa Diyos at hindi nagiging tapat sa Kanya. Bilang resulta, nang malubhang nagkasakit ang apo ko at ang ambisyon ko para sa mga pagpapala ay nasira, pakiramdam ko ay naagrabyado ako at nagreklamo laban sa Diyos, at wala akong nadamang motibasyon na gampanan ang aking tungkulin. Ginamit ko ang kaunting pagsisikap na ginawa ko at ang halagang binayad ko bilang kapital para makipagtalo at labanan ang Diyos. Nakita ko na sa pagganap ng aking tungkulin, nililinlang ko ang Diyos, may mga hinihingi ako sa Diyos, at sinusubukang makipagkalakalan sa Diyos. Masyado akong nagawang tiwali ni Satanas, at masyado akong makasarili at mapanlinlang. Naisip ko si Pablo, na nangaral, gumawa, tumalikod, nagsumikap, nagdusa nang husto, at namatay pa nga bilang martir. Gayunpaman, hindi niya hinangad ang katotohanan o isinagawa ang mga salita ng Panginoong Jesus. Ang lahat ng kanyang pagtalikod at pagsusumikap ay ginawa niya para makakuha ng mga gantimpala at korona. Sinabi niyang nakipaglaban na siya at tapos na ang kanyang karera, at may korona ng pagiging matuwid na nakalaan para sa kanya. Ibig niyang sabihin na ang Diyos ay matuwid lamang kung binigyan siya ng Diyos ng mga gantimpala at korona, at na kung hindi siya gagantimpalaan o kokoronahan ng Diyos, ang Diyos ay hindi matuwid. Mula rito, makikita natin na ang pagdurusa at pagsusumikap ni Pablo sa kanyang paniniwala sa Diyos ay ginawa lahat para makipagtransaksyon sa Diyos. Sa huli, nilabag niya ang disposisyon ng Diyos at naparusahan ng Diyos. Ganoon din ako. Naniniwala lamang ako sa Diyos para hangarin ang biyaya at mga pagpapala, at itinuring ko ang aking pagtalikod at pagsisikap bilang isang paraan at kapital para makakuha ng mga pagpapala. Kapag hindi ko binago ang aking maling pananaw sa paghahangad, kahit na ano pang pagsisikap ko, hinding-hindi ko makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ako ay mabubunyag at matitiwalag ng Diyos, tulad lamang ni Pablo. Pagkatapos, nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Bilang isang nilikha, dapat hangaring tuparin ng tao ang tungkulin ng isang nilikha, at hangaring mahalin ang Diyos nang hindi pumipili ng iba pa, sapagkat ang Diyos ay karapat-dapat sa pagmamahal ng tao. Yaong mga naghahangad na mahalin ang Diyos ay hindi dapat maghangad ng anumang personal na mga pakinabang o hangarin yaong personal nilang inaasam; ito ang pinakatamang paraan ng paghahangad. Kung hinahangad mo ang katotohanan, kung isinasagawa mo ang katotohanan, at kung nagtatamo ka ng pagbabago sa iyong disposisyon, tama ang landas na iyong tinatahak(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Pagkatapos basahin ang salita ng Diyos, naunawaan ko na bilang isa akong nilikha na nagtatamasa ng pagkain, tubig, at kasaganahan ng buhay na ipinagkaloob ng Diyos, dapat kong hangarin ang katotohanan, gampanan nang maayos ang aking tungkulin, at hangaring magpasakop at magmahal sa Diyos. Ito ang konsiyensiya at katwiran na dapat taglayin ng isang nilikha. Naisip ko kung paano nagkatawang-tao ang Diyos nang dalawang beses upang iligtas ang sangkatauhan, paano Niya pinagdusahan ang panlilibak, paninirang-puri, at pagtanggi ng mundo, pati na rin ang pang-uusig at pagkondena ng Partido Komunista at ng relihiyosong mundo. Ngunit sa kabila nito, tahimik pa rin Niyang ipinahayag ang katotohanan para diligan at tustusan tayo. Nagsaayos din siya ng maraming sitwasyon para ibunyag ang aking katiwalian, upang dalisayin at baguhin tayo. Bagamat marami pa ring paghihimagsik at katiwalian sa loob ko, at pwedeng maging mali ang pagkaunawa ko at magreklamo ako laban sa Diyos kapag hindi nasusunod ang gusto ko, hindi sumuko ang Diyos sa pagliligtas sa akin. Ginamit ang Kanyang mga salita para hatulan, ilantad, paalalahanan, hikayatin, aluin at palakasin ang loob ko habang hinihintay Niya akong itama ang aking mga gawi. Ang pag-ibig ng Diyos ay lubos na hindi makasarili, at Siya ay kaibig-ibig! Pero naniwala ako sa Diyos para lamang magkamit ng mga pagpapala at pakinabang, at hindi ko hinangad ang pagmamahal at pagpapasakop sa Diyos. Wala talaga akong konsensya o katwiran. Nang mapagtanto ko ito, nakaramdam ako ng matinding kahihiyan at pagsisisi, at nadama ko ang labis na pagkakautang sa Diyos.

Pagkalipas ng ilang araw, nag-abisong muli ang ospital na ang apo ko ay kritikal ang karamdaman, at pinauwi na siya upang mabakante ang kanyang higaan para sa ibang mga pasyente. Nang marinig ko ang balitang ito, labis akong nalungkot, kaya nanalangin ako sa Diyos, “Diyos ko, binigyan Mo ng hininga ang apo ko. Anuman ang Iyong gawin at isaayos ay nararapat at matuwid. Kahit mamatay siya, wala na akong reklamo. Maniniwala pa rin ako sa Iyo at susundan Ka.” Pagkatapos niyon, dinala siya ng anak ko sa ibang ospital sa kapital ng probinsya para magpagamot. Binasa ng doktor ang mga medikal na rekord ng apo ko at sinabi nitong hindi niya matatanggap ang apo ko, dahil hindi magagamot ang kanyang sakit, kaya bumalik ang anak ko nang hindi ipinapaospital ang apo ko. Sa oras na ito, naisip ko, “Kung itinalaga ng Diyos na mamamatay ang apo ko, walang makapagliligtas sa kanya. Kung ayaw ng Diyos na mamatay siya, hangga’t mayroon pa siyang isang hininga, walang makakatapos ng kanyang buhay. Ang lahat ay nasa kamay ng Diyos. Ako ay magpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos.” Kapag iniisip ko ito sa ganitong paraan, hindi na kasingsama ang pakiramdam ko tulad ng dati. Pagkalipas ng ilang araw, nang pumunta ako sa apo ko, nakita kong nagdurusa siya sa sakit. Napakapayat ng mukha niya na hind na siya makikilala. Nadurog ang puso ko, at hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak. Labis pa rin akong nalulungkot kapag iniisip kong mamamatay ang apo ko, at ayokong harapin ito. Tahimik akong nanalangin sa Diyos, “Diyos ko, hindi ko po malalampasan ang sitwasyong ito nang mag-isa. Pakiusap, bantayan Mo po ang puso ko at gabayan Mo po ako sa pagpapasakop sa Iyo.” Sa sandaling ito, naisip ko ang karanasan ni Abraham sa pag-aalay kay Isaac. Hiniling ng Diyos kay Abraham na ialay ang kanyang anak bilang sinunog na alay. Noong panahong iyon, labis din ang pighati ni Abraham, pero inilagay pa rin niya si Isaac sa altar gaya ng hinihingi ng Diyos. Nang itaas niya ang kanyang kutsilyo para patayin ang kanyang anak, nakita ng Diyos ang katapatan at pagpapasakop ni Abraham at pinigilan siya. May tunay na pananampalataya at pagpapasakop si Abraham sa Diyos, at nanindigan siya sa kanyang patotoo para sa Diyos sa harap ng pagsubok, kaya natanggap niya ang pagsang-ayon at mga pagpapala ng Diyos. Nahikayat ako ng karanasan ni Abraham. Naisip ko ang sarili ko, nang makita ko ang apo ko na nag-aagaw-buhay, sinabi kong magpapasakop ako sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, pero hindi pa rin ako makabitaw. Nang nakita ko siyang nahihirapan, ayaw ko pa ring harapin ito. Umasa pa rin ako sa himala, na pagagalingin ng Diyos ang apoko at pahihintulutan siyang mamuhay nang masaya. Sa puso ko, paulit-ulit akong gumiit sa Diyos, at talagang wala akong katwiran o pagpapasakop. Naisip ko ang salita ng Diyos: “Sino sa buong sangkatauhan ang hindi inaalagaan sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi nabubuhay sa gitna ng itinalagang tadhana ng Makapangyarihan? Nangyayari ba ang buhay at kamatayan ng tao ayon sa sarili niyang pagpapasiya? Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran? Maraming taong gusto nang mamatay, subalit malayo iyon sa kanila; maraming taong nais maging yaong malalakas sa buhay at takot sa kamatayan, subalit lingid sa kanilang kaalaman, ang araw ng kanilang kamatayan ay nalalapit na, isinasadlak sila sa kailaliman ng kamatayan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 11). Oo, ang buhay at kamatayan, kapalaran at kasawian ng mga tao ay nasa kamay ng Diyos. Kung kailan ipapanganak at kung kailan mamamatay ang mga tao ay nauna nang itinakda ng Diyos. Walang pagpipilian ang mga tao sa bagay na ito. Kung mapapagaling ang sakit ng apo ko at kung gaano katagal siya mabubuhay ay nasa kamay lahat ng Diyos. Walang tao ang may anumang impluwensya rito. Iniisip ito, nanalangin ako sa Diyos. Gagaling man o hindi ang sakit ng aking apo, handa akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos.

Isang araw, sinabi sa akin ng isang sister ang tungkol sa isang lunas pantahanan. Ginawa ko ito para sa apo ko ayon sa pamamaraang inilarawan ng sister. Hindi ko alam kung mapapagaling siya nito, pero naisip ko na pwede ko itong subukan. Nagulat ako nang Nagsimulang gumaling ang sakit ng apo ko sa kada araw nang hindi inaasahan, unti-unting humupa ang lagnat, at agad siyang naalis sa panganib. Hindi nagtagal, nakahanap kami ng isa pang lunas, at pagkaraan ng sandaling panahong paggamit nito, hindi na sumakit ang binti ng apo ko! Lubos ang pasasalamat ko sa Diyos. Makalipas ang ilang buwan, nakakalakad na ng ilang hakbang ang apo ko habang may kinakapitan na suporta, at unti-unting gumaling ang kanyang karamdaman. Makalipas ang isang taon, nakakapamuhay at nakakalakad na siya nang normal, at nalunasan na ang pinsala sa puso niya. Kalaunan, nang malaman ng mga eksperto mula sa ospital sa kapital ng probinsiya na ang apo ko ay hindi lamang hindi pa patay, at sa katunayan ay lubos na gumaling, hindi sila makapaniwala na totoo ito. Napakalaki ng nagastos namin para subukang ipagamot ang kanyang karamdaman sa ospital na iyon, pero hindi nila siya napagaling. Ilang malalaking ospital ang sinintensyahan na ng kamatayan ang apo ko, pero nang bitawan ko ang pagnanais ko para sa mga pagpapala, handang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos, at ipinagkatiwala ang apo ko sa Diyos, hindi inaasahang gumaling ang kanyang karamdaman gamit ang ilang pantahanang lunas na hindi mahal. Tunay na nakita ko ang pagiging makapangyarihan sa lahat at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ngayon, wala nang problema sa apo ko maliban sa medyo iika-ika siya at medyo mabilis ang tibok ng puso niya. Sinabi ng mga taong pamilyar sa karamdaman niya na isang himalang gumaling siya nang gayon!

Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Sa kanilang pananalig sa Diyos, ang hinahanap ng mga tao ay makakuha ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang mithiin sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong hangarin at inaasam, subalit ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino. Sa alinmang mga aspeto na hindi ka nadalisay at nagpakita ka ng katiwalian, ito ang mga aspeto kung saan dapat kang mapino—ito ang pagsasaayos ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo, pinipilit kang maging pino roon nang sa gayon ay malaman mo ang iyong sariling katiwalian. Sa huli, umaabot ka sa punto kung saan mas gugustuhin mong mamatay para maisuko ang iyong mga pakana at mga ninanasa at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Samakatuwid, kung ang mga tao ay walang ilang taon ng pagpipino at kung hindi sila nagtitiis ng itinakdang dami ng pagdurusa, hindi nila maaalis sa sarili nila ang pagpipigil ng katiwalian ng laman sa kanilang mga saloobin at sa kanilang mga puso. Sa alinmang aspeto, ang mga tao ay napipigilan pa rin ng kanilang satanikong kalikasan, at sa alinmang aspeto na mayroon pa rin silang sarili nilang mga ninanasa at hinihingi, ito ang mga aspeto kung saan dapat silang magdusa. Sa pagdurusa lamang natututunan ang mga aral, ibig sabihin ay nakakamit ang katotohanan, at nauunawaan ang mga layunin ng Diyos. Sa katunayan, maraming katotohanan ang nauunawaan sa pagdanas ng masasakit na pagsubok. Walang nakakaunawa sa mga layunin ng Diyos, walang nakakakilala sa pagkamakapangyarihan at sa karunungan ng Diyos, o walang nagpapahalaga sa matuwid na disposisyon ng Diyos kapag nasa isang maginhawa at magaan na kapaligiran o kapag ang mga kaganapan ay kaaya-aya. Magiging imposible iyan!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pamamagitan ng karanasang ito, nagkamit ako ng ilang pagkaunawa sa pagnanais para sa mga pagpapala at karumihan sa sarili kong pananampalataya sa Diyos. Nagbago ang pananaw ko sa pananampalataya, at nagkaroon ako ng totoong pagkaunawa sa walang-hanggang kataas-taasang kapangyarihan at matuwid na disposisyon ng Diyos. Tunay kong nadama na isang magandang bagay na maranasan ang mga paghihirap na ito, at ito ang paglilinis at pagliligtas ng Diyos para sa akin!

Sinundan: 38. Mga Aral na Natutuhan Sa Pamamagitan ng mga Kabiguan

Sumunod: 40. Nakagapos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito