89. Ang mga Pagninilay ng Isang “Mabuting Lider”

Ni Rubylen, Pilipinas

Simula pa noong bata ako, tinuruan na ako ng mga magulang ko na maging palakaibigan sa mga tao, at maging isang taong madamayin at madaling lapitan. Kapag ang mga tao sa paligid ko ay may mga problema o pagkukulang, hindi ko sila dapat direktahang ilantad, kailangan kong isipin ang kanilang pagpapahalaga sa sarili. Dahil sa edukasyong ito, hindi ako kailanman nasangkot sa anumang alitan o di-pagkakaunawaan sa kahit sino, at inisip ng mga tao sa paligid ko na isa akong mabuting tao at gusto nila akong makasama. Akala ko rin na isa itong mabuting paraan ng pagkilos. Pagkatapos kong magsimulang manalig sa Diyos, sa ganitong paraan pa rin ako nakipag-ugnayan sa aking mga kapatid. Lalo na noong naging isa akong lider ng iglesia, naniwala ako na dapat akong maging palakaibigan sa mga kapatid at hindi basta-bastang magbintang ng mga kamalian sa iba. Sa gayong paraan, hindi ko masisira ang magandang ugnayan na mayroon ako sa kanila, at gugustuhin ng mga kapatid na makihalubilo sa akin, at pupurihin nila ako bilang isang mabait at mabuting lider.

Kalaunan, nalaman kong ang isang lider ng grupo, si Sister Joan, ay hindi nagdadala ng pasanin sa kanyang tungkulin at hindi siya gumagawa ng anumang aktuwal na gawain. Ilang beses ko siyang pinaalalahanan, “Bilang isang lider ng grupo, dapat mong alalahanin at maunawaan ang mga kalagayan ng iyong mga kapatid at kumustahin ang kanilang gawain.” Pero hindi pa rin niya ginawa ang sinabi ko, kaya kinailangan ko na naman siyang paalalahanan at tanungin kung bakit gayon. Sinabi niyang iisang oras lang ang bakante niya, pero ginagamit niya ito para mag-Facebook at manood ng mga pelikula, kaya hindi niya nakumusta ang alinman sa gawain. Matapos marinig ito, galit na galit ako, at naisip ko, “Napakatamad mo, at hindi ka talaga nagdadala ng pasanin. Ang ilang mga kapatid ay hindi dumadalo sa mga pagtitipon, at hindi ka nag-iisip ng mga pamamaraan para suportahan sila.” Ginusto ko siyang pungusan dahil sa pagraraos lang niya ng kanyang tungkulin at sa pagiging iresponsable niya, pero naisip ko na baka lumayo siya sa akin at sabihin niya na hindi ako isang mabuti at madaling lapitan na lider. Ayokong sirain ang maganda naming samahan, kaya sa halip na pungusan siya, sinubukan kong palakasin ang loob niya. Sabi ko, “Puwede mong gamitin ang bakanteng oras na ito para subukang unawain ang mga kalagayan ng iyong mga kapatid, at pagkatapos, magagawa mo na nang maayos ang tungkulin mo.” Matapos masabihan nito, naging maayos siya sa loob nang ilang araw, pero hindi nagtagal ay bumalik din siya sa dati niyang gawi. Dahil iniraraos lang niya ang kanyang tungkulin, dumami nang dumami ang mga baguhan na huminto na sa regular na pagdalo sa mga pagtitipon, at ang ilan pa ngang baguhan ay hindi na talaga nagpupunta. Galit na galit talaga ako. Napakairesponsable niya! Gusto ko na talaga siyang pungusan, pero nag-alala rin ako na lalayo siya sa akin, kaya wala akong anumang sinabi, at kinailangan ko mismong diligan at suportahan ang mga baguhang iyon. Matapos ko silang kausapin, nalaman ko na hindi sila pumupunta sa mga pagtitipon dahil nagkaroon sila ng maraming problema na hindi nalutas, pero ang sabi sa akin ni Joan dati, hindi lang sila sumasagot sa mga mensahe. Matapos makita ang pabayang saloobin ni Joan sa kanyang tungkulin, gusto ko na talaga siyang pungusan at ipaalam sa kanya na ang kanyang pagiging iresponsable sa kanyang tungkulin ay nagdulot sa gayong katitinding kahihinatnan. Pero gusto ko ring maging isang mabuting lider na mabait at madaling lapitan, kaya nagbago ang isip ko, at muli ay nagsabi lang ng ilang mga bagay na magpapalakas sa loob niya. Bilang resulta, hindi pa rin siya nagbago. Sa isang pagtitipon, nagreklamo si Joan, “Matagal na ako sa grupong ito. Bakit hindi pa ako nabigyan ng promosyon?” Matapos marinig ito, naisip ko, “Napakatamad mo, iniraraos mo lang ang tungkulin mo, at iresponsable ka. Paano ka naman mabibigyan ng promosyon?” Kahit na galit ako sa kanya, inalo ko siya, at sinabing, “Sa kahit anong tungkulin na ginagampanan natin, ginagawa natin ito dahil sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Kahit na magkakaiba ang ating mga tungkulin, nagdidilig tayong lahat sa mga baguhan.” Akala ko ay maipararamdam nito sa kanya na nauunawaan ko siya at nagmamalasakit ako sa kanya, at na isa akong mabuting lider. At gayon nga, kapag nahaharap ako sa mga problema ng mga kapatid, hinding-hindi ko sila inilalantad o pinupungusan. Sa halip, nagsasabi ako ng ilang magagandang bagay para palubagin at palakasin ang loob nila. Akala ko sa paggawa nito ay mapananatili sa puso ng bawat isa ang maganda at madaling lapitan kong imahen.

Noong isa pang beses, hindi matiwasay na nagtutulungan ang diyakono ng ebanghelyo na si Edna at ang lider ng grupo na si Anne. Galit na sinabi sa akin ni Edna, “Masyadong tamad si Anne! Nang magtanong ako sa kanya tungkol sa mga kalagayan at mga problema ng mga kapatid na nasa grupo niya, matagal bago siya sumagot. Dahil dito ay hindi ko agad naunawaan ang sitwasyon. Hindi niya ginagawa nang maayos ang tungkulin niya!” Alam kong medyo may mapagmataas na disposisyon si Edna, at nagsasalita siya sa tono na para bang nag-uutos o nag-oobliga, na para sa iba ay mahirap tanggapin. Si Anne ay medyo mataas ang pagpapahalaga sa sarili at malamang na hindi niya matiis ang tono ni Edna, kaya ayaw niyang sumagot dito. Gusto kong punahin ito kay Edna, pero ayoko ring masaktan siya o na maramdaman niya na hindi ko siya nauunawaan, kaya sinabi ko sa kanya sa magiliw na paraan, “Baka abala si Anne at hindi niya nakita ang mensahe mo.” Pagkatapos niyon, pinuntahan ko si Anne, at hindi natutuwang sinabi ni Anne, “Masyadong mapagmataas si Edna! Lagi siyang nag-oobliga sa akin, kaya ayokong sumagot sa mga mensahe niya.” Nang makita kong hindi siya tumatanggap ng payo mula sa iba, gusto ko siyang paalalahanan tungkol dito, pero nag-alala ako na baka hindi niya ito tanggapin, at na masisira nito ang pagkakasundo namin, kaya sabi ko, “Baka mali ang pagkaunawa mo kay Edna. Gusto lang niyang gawin mo nang maayos ang tungkulin mo.” Sa gayon nga, tanging mga salitang pampalubag-loob at pangaral ang sinabi ko sa kanila, at hindi ko pinuna ang kanilang mga problema. Hindi nila nauunawaan ang kanilang sarili. Wala pa ring paraan para makapangumusta si Edna sa gawain ni Anne, at naniniwala si Anne na ginawan siya nang masama hanggang sa pakiramdam niya ay hindi na niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin. Alam kong hindi ko natupad ang mga resposibilidad ko bilang isang lider, kaya hindi nila nabatid ang kanilang mga sariling problema. Ako ang nagdulot na mangyari ito. Nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyan ako ng kaliwanagan para makilala ko ang sarili ko.

Isang araw, nabasa ko sa mga salita ng Diyos: “Ang pagsasagawa ng katotohanan ay hindi tungkol sa pagsasabi ng mga walang-saysay na salita o pagsigaw ng mga islogan. Sa halip, tungkol ito sa kung paanong, anuman ang makaharap ng mga tao sa buhay, hangga’t kinabibilangan ito ng mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao, ng kanilang mga perspektiba sa mga bagay-bagay, o ang usapin ng pagganap sa kanilang mga tungkulin, kailangan nilang magpasya, at dapat nilang hanapin ang katotohanan, hanapin ang batayan at mga prinsipyo sa mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay hanapin ang isang landas sa pagsasagawa. Ang mga nakapagsasagawa sa ganitong paraan ay mga taong hinahangad ang katotohanan. Ang magawang hangarin ang katotohanan sa ganitong paraan gaano man katindi ang mga paghihirap na nararanasan ng isang tao ay ang pagtahak sa landas ni Pedro, sa landas ng paghahanap ng katotohanan. Halimbawa: Anong prinsipyo ang dapat sundin pagdating sa pakikisalamuha sa iba? Marahil ang orihinal mong pananaw ay na ‘Ang pagkakasundo-sundo ay yaman; ang pagtitiis ay karunungan,’ at na dapat mong makasundo ang lahat, iwasang mapahiya ang iba, at wala kang mapasama ng loob, sa gayong paraan ay matatamo ang magandang ugnayan sa iba. Nalilimitahan ng ganitong pananaw, nananahimik ka kapag nasasaksihan mo na gumagawa ang iba ng masasamang bagay o lumalabag sila sa mga prinsipyo. Mas gugustuhin mo nang ang iglesia ang mawalan kaysa mapasama mo ang loob ng sinuman. Hinahangad mong makasundo ang lahat, kahit sino pa sila. Iniisip mo lamang ang mga damdamin ng tao at na hindi ka mapahiya kapag ikaw ay nagsasalita, at lagi kang nagsasabi ng mga salitang magandang pakinggan para pasayahin ang iba. Kahit pa matuklasan mong may mga problema sa isang tao, pinipili mong pagtimpian siya, at pag-usapan na lamang siya kapag siya ay nakatalikod, ngunit kapag kaharap siya ay pinapangalagaan mo ang kapayapaan at pinananatili mo ang inyong ugnayan. Ano ang palagay mo sa gayong asal? Hindi ba’t iyon ay asal ng isang mapagpalugod ng mga tao? Hindi ba’t medyo mapanlinlang ito? Nilalabag nito ang mga prinsipyo ng pag-asal ng tao. Hindi ba’t kababaan ang umasal ka sa ganoong paraan? Ang mga kumikilos nang ganito ay hindi mabubuting tao, hindi ito marangal na paraan ng pag-asal. Kahit gaano ka pa nagdusa, at kahit gaano pa kalaki ang iyong pinagbayaran, kung umaasal ka nang walang prinsipyo, nabigo ka sa aspektong ito, at hindi kikilalanin, tatandaan, o tatanggapin ang iyong pag-asal sa harap ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Magampanan nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin, Dapat Magtaglay man Lang Siya ng Konsensiya at Katwiran). Matapos pagnilayan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko, na ang pagsasagawa ng katotohanan ay nangangahulugan ng pagkilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo anuman ang mangyari, at ang hindi pagkatakot na mapasama ang loob ng mga tao. Ngunit, noong nakipag-ugnayan ako sa aking mga kapatid, gusto kong laging mag-iwan sa kanila ng isang positibong impresyon at mapanatili ang pagkakasundo naming lahat. Nagsumikap ako na maging isang lider na madamayin at madaling lapitan para makuha ang kanilang papuri, pero hindi ako tumuon sa pagsasagawa ng katotohanan. Noong nakita ko si Joan na dinidiligan ang mga baguhan nang walang dinadalang pasanin at nagpapakatamad, gusto ko siyang pungusan dahil sa pagiging iresponsable niya, pero para mapanatili ang magandang ugnayan sa kanya at maipaisip sa kanya na isa akong mabuti at madaling lapitan na lider, hindi ko inilantad ang kanyang problema. Bilang resulta, dahil sa kanyang pagkairesponsable, hindi nalutas ang mga problema ng ilang mga baguhan at hindi na sila pumupunta sa mga pagtitipon. Kina Edna at Anne, nakita ko na hindi sila matiwasay na nagtutulungan at hindi nila kilala ang kanilang sarili—dapat sana ay pinuna ko ang kanilang mga problema at tinulungan silang maunawaan ang kanilang mga sarili. Naging kapaki-pakinabang sana ang gayon sa gawain at nakatulong sana sa kanilang pagpasok sa buhay, ngunit sinubukan ko lang na idaan sila sa mabuting usapan at binigyan sila ng mga salita na pampalubag-loob at pangaral. Bilang resulta, dalawa silang hindi magampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Para mapanatili ang imahen ko bilang isang mabuting lider na mabait at madaling lapitan, hindi ko naprotektahan ang mga interes ng iglesia. Mas ginusto kong magdusa ang gawain ng iglesia para lang mapanatili ang mga ugnayan ko sa mga tao. Labis akong makasarili at kasuklam-suklam. Isa akong tagapagpalugod ng tao at isang taong mapanlinlang. Ang pagkilos at pag-uugali ko ay ganap na nakabatay sa tiwali kong disposisyon. Hindi ko isinasagawa ang katotohanan. Kahit na pinupuri ako ng iba, hindi ako kailanman pupurihin ng Diyos. Hindi ko inilantad o pinuna ang mga problema ng aking mga kapatid, at hindi ako nagbahagi tungkol sa katotohanan para malutas ang mga ito. Nangangahulugan ito na hindi nila napagtanto ang kanilang mga sariling tiwaling disposisyon o naisagawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin, na nakaapekto sa gawain ng iglesia. Hindi ko tinutulungan ang mga kapatid na makilala ang kanilang sarili o umusad sa kanilang pagpasok sa buhay. Sa halip, pinrotektahan ko ang imahen na mayroon ang mga tao sa akin bilang isang mabuting lider, nang sa gayon ay purihin at tingalain nila ako, na kasuklam-suklam sa Diyos. Nang mapagtanto ko ito, nalungkot ako nang sobra, kaya nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako sa paglutas ng aking mga tiwaling disposisyon.

Kalaunan, matapos malaman ang aking kalagayan, pinadalhan ako ng isang sister ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang diwa sa likod ng magandang pag-uugali tulad ng pagiging madaling lapitan at magiliw ay mailalarawan sa isang salita: pagpapanggap. Ang gayong magandang pag-uugali ay hindi nagmumula sa mga salita ng Diyos, ni resulta ng pagsasagawa ng katotohanan o pagkilos ayon sa prinsipyo. Ano ang nagbubunga nito? Nagmumula ito sa mga motibo at pakana ng mga tao, mula sa kanilang pagpapanggap, pagkukunwari, panlilinlang. Kapag kumakapit ang mga tao sa magagandang pag-uugaling ito, ang layon ay makuha ang mga bagay na gusto nila; kung hindi, hinding-hindi nila iaagrabyado ang sarili nila sa ganitong paraan, at hinding-hindi sila mamumuhay nang salungat sa sarili nilang mga pagnanasa. Ano ang ibig sabihin ng mamuhay nang salungat sa sarili nilang mga pagnanasa? Ito ay na ang tunay nilang kalikasan ay hindi katulad ng inaakala ng mga tao na maganda ang ugali, matapat, malumanay, mabait, at mabuti. Hindi sila nabubuhay ayon sa konsensiya at katinuan; sa halip, nabubuhay sila upang makamtan ang isang partikular na layon o pangangailangan. Ano ang tunay na kalikasan ng isang tao? Ito ay pagiging lito at mangmang. Kung wala ang mga batas at kautusang ipinagkaloob ng Diyos, wala sanang ideya ang mga tao kung ano ang kasalanan. Hindi ba’t ganito dati ang sangkatauhan? Nang magpalabas ang Diyos ng mga batas at kautusan, saka lamang nagkaroon ang mga tao ng kaunting pagkaunawa sa kasalanan. Ngunit wala pa rin silang konsepto ng tama at mali, o ng mga positibo at negatibong bagay. At, kung ganito ang sitwasyon, paano nila mababatid ang mga tamang prinsipyo sa pagsasalita at pagkilos? Kaya ba nilang malaman kung aling mga paraan ng pagkilos, aling magagandang pag-uugali, ang dapat makita sa normal na pagkatao? Kaya ba nilang malaman kung ano ang nagbubunga ng tunay na magandang pag-uugali, anong uri ng paraan ang dapat nilang sundin para maisabuhay ang wangis ng isang tao? Hindi nila kaya. Dahil sa satanikong kalikasan ng mga tao, dahil sa kanilang likas na gawi, kaya lamang nilang magpanggap at magkunwari na namumuhay sila nang disente, at may dignidad—na siyang nagpasimula ng mga panlilinlang na tulad ng pagiging may pinag-aralan at matino, malumanay at pino, magalang, ipinagpipitagan ang matatanda at inaalagaan ang mga bata, at pagiging magiliw at madaling lapitan; sa gayon ay lumitaw ang mga panlalansi at paraang ito ng panlilinlang. At nang lumitaw ang mga ito, piniling kumapit ng mga tao sa isa o ilan sa mga panlilinlang na ito. Ang ilan ay piniling maging magiliw at madaling lapitan, ang ilan ay piniling maging may pinag-aralan at matino, malumanay at pino, ang ilan ay piniling maging magalang, na ipagpitagan ang matatanda at alagaan ang mga bata, ang ilan ay piniling maging lahat ng bagay na ito. Subalit iisa ang tawag Ko sa mga taong may gayong magagandang pag-uugali. Anong katawagan iyon? ‘Makikinis na bato.’ Ano ang makikinis na bato? Iyon ang makikinis na bato sa mga ilog na nakiskis at napakintab ng umaagos na tubig sa loob ng maraming taon kaya wala nang anumang matatalim na gilid. At kahit maaaring hindi masakit tapakan ang mga iyon, maaaring madulas doon ang mga tao kung hindi sila mag-iingat. Sa anyo at hugis, napakagaganda ng mga batong ito, ngunit kapag naiuwi na ninyo ang mga ito, medyo walang silbi ang mga ito. Hindi ninyo maaatim na itapon ang mga ito, ngunit wala rin namang dahilan para itago ang mga ito—at ganyan ang ‘makinis na bato.’ Para sa Akin, ang mga taong may ganitong mukhang magagandang pag-uugali ay nakalulunos. Nagkukunwari silang mabuti sa panlabas, ngunit hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan, nagsasabi sila ng mga bagay na masarap pakinggan, ngunit hindi sila gumagawa ng anumang tunay. Sila ay walang iba kundi makikinis na bato(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 3). Dati, pakiramdam ko lagi na iyong mga tao na madaling lapitan at magiliw ay mabubuting tao, hinding-hindi nag-aakala na ang mga sataniko, tiwaling disposisyon at mga personal na mithiin at intensyon ay nasa likod ng ganitong uri ng “mabuting” pag-uugali. Nagsumikap ako na maging isang taong madaling lapitan at magiliw simula noong bata pa ako, at lahat ng nasa paligid ko ay pinuri ako sa pagiging madamayin, pero sa totoo lang, ang lahat ng ginawa ko ay para tingalain at purihin ako ng iba. Ginamit ko ang tila mabubuting pag-uugali ng pagiging madaling lapitan at magiliw para bulagin at linlangin ang aking mga kapatid. Kinikilala ng Diyos ang mga taong may ganitong uri ng “mabubuting” pag-uugali bilang “makikinis na bato.” Magandang tingnan ang mga batong ito sa panlabas, at hindi masakit tapakan ang mga ito, pero napakadaling madulas at matumba dahil sa mga ito. Magandang tingnan ang mga ito, pero wala itong praktikal na gamit. Gayon ako. Mukha akong magiliw at madaling lapitan, at hinding-hindi ako makapananakit sa kahit sino, pero wala rin akong maibibigay na totoong tulong sa aking mga kapatid. Sa halip, puno ng panlilinlang at panlalansi ang puso ko. Nakakasundo ko ang lahat at wala akong sinumang napasasama ang loob. Isa lang akong “makinis na bato,” isang tagapagpalugod ng tao na laging nakikipagkompromiso, at isang tusong ipokrito. Tulad lang ito ng ibinubunyag ng salita ng Diyos: “Ang mga taong walang kinikilingan sa mga usapin ang mga pinakatusong tao sa lahat. Wala silang sinasalungat, mahusay at matatas sila, sa lahat ng sitwasyon ay magaling silang magkunwari na nakikiayon sila, at walang nakakakita sa kanilang mga pagkakamali. Para silang mga buhay na Satanas!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Maiwawaksi ng Isang Tao ang mga Gapos ng Isang Tiwaling Disposisyon). Akala ko dati na sa pagiging magiliw at madaling lapitan ay magugustuhan ako ng ibang mga tao, at na sasang-ayunan din ako ng Diyos. Ngayon, alam ko nang ang mga kilos ko ay hindi talaga naaayon sa mga katotohanang prinsipyo at sa salita ng Diyos. Ang mga ito ay paghahayag ng aking mapanlinlang na disposisyon. Ang mga taong kumikilos nang ganito ay walang dignidad o karakter, at kinamumuhian sila ng Diyos. Alam ko na kapag hindi ako nagsisi at nagbago, isang araw ay ibubunyag at ititiwalag ako ng Diyos. Hindi ko na gustong maging gayong klase ng tao. Kaya nanalangin ako sa Diyos at nagsisi. Hiniling ko sa Kanya na tulungan akong baguhin ang aking disposisyon, bigyan ako ng lakas para isagawa ang katotohanan, at maging tapat sa Kanya at sa aking mga kapatid.

Isang araw, pinadalhan ako ng isang sister ng mga salitang ito ng Diyos:

Ano ang pamantayang ginagamit para husgahan kung mabuti o masama ang mga ikinikilos at inaasal ng isang tao? Ito ay kung taglay ba niya o hindi, sa kanyang mga iniisip, ibinubunyag, at ikinikilos, ang patotoo tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsasabuhay ng katotohanang realidad. Kung wala ka ng realidad na ito o hindi mo ito isinasabuhay, walang duda, isa kang masamang tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon

Ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa:

1. Akayin ang mga tao na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at unawain ang mga ito, at pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos.

2. Maging pamilyar sa mga kalagayan ng bawat uri ng tao, at lutasin ang sari-saring mga suliranin na may kaugnayan sa pagpasok sa buhay na nasasagupa nila sa kanilang mga tunay na buhay.

3. Ibahagi ang mga katotohanang prinsipyo na dapat maunawaan upang magampanan nang maayos ang bawat tungkulin.

4. Alamin palagi ang sitwasyon ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ng mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahalagang trabaho, at agad na baguhin ang kanilang mga tungkulin o tanggalin sila kung kinakailangan, upang maiwasan o mabawasan ang mga kawalan na dulot ng paggamit sa mga taong hindi angkop, at matiyak ang kahusayan at maayos na pag-usad ng gawain.

5. Manatiling mayroong napapanahong kaalaman at pagkaunawa tungkol sa katayuan at pag-usad ng bawat aytem ng gawain, at magkaroon ng kakayahan na maagap lutasin ang mga problema, ituwid ang mga paglihis, at remedyuhan ang mga kapintasan sa gawain nang sa gayon ay maayos itong makausad.

…………

—Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 1

Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan kong ang Kanyang pamantayan sa pagsusuri sa ating pagkatao ay hindi sa kung gaano karaming “mabubuting” pag-uugali ang ipinakikita nating ginagawa natin o kung gaano karaming tao ang humahanga sa atin. Sa halip, ito ay sa kung kaya nating magpasakop sa Diyos at kung sa mga iniisip at ginagawa natin ay tinataglay natin ang patotoo sa pagsasagawa ng katotohanan. Tanging ang mga gayong uri ng tao ang mayroong mabuting pagkatao. Nakita ko si Joan na iniraraos lang ang kanyang tungkulin at nagpapakairesponsable, pati na sina Edna at Anne na namumuhay sa kanilang mga tiwaling disposisyon at pagkayamot sa isa’t isa. Ang kanilang mga ginagawa ay lubha nang nakasama sa gawain ng iglesia. Bilang isang lider ng iglesia, dapat sana ay nakipagbahaginan ako para tulungan sila, ilantad, at himayin ang kalikasan ng kanilang ginawa, pero sa halip, nagsabi lang ako ng magagandang bagay sa kanila at sinubukan kong maging isang tagapamayapa. Kahit na nakikita ko nang nagdurusa ang gawain ng iglesia, sinusubukan ko pa ring panatilihin lang ang maganda kong imahen. Hindi lang sa wala akong patotoo ng pagsasagawa ng katotohanan, nabigo rin akong tuparin ang aking mga responsibilidad bilang isang lider ng iglesia at kahit kaunti ay hindi nakatulong sa pagpasok sa buhay ng aking mga kapatid. Dati, naniniwala ako na kung kaya kong mabuhay nang matiwasay kasama ang aking mga kapatid at mapaisip sa kanila na ako ay magiliw at madaling lapitan, isa na akong mabuting lider. Sa realidad, ito ay isang maling pagkaunawa, at hindi ito naaayon sa mga hinihingi ng Diyos. Iyon ay dahil sa ang mabuting lider ay isang tao na kayang magsagawa ng katotohanan para protektahan ang mga interes ng iglesia, kayang magbahagi ng katotohanan para lutasin ang mga problema at paghihirap ng kanilang mga kapatid, at akayin sila na pumasok sa realidad ng salita ng Diyos. Subalit hindi ko inilalantad o pinupuna ang mga problema ng aking mga kapatid, o tinutulungan silang maunawaan ang katotohanan at magawa nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Sa halip, nanlinlang ako para protektahan ang sarili kong imahen at labis na pagpapahalaga sa sarili, binigyan ko sila ng mga salitang pampalubag-loob at pangaral, at hindi nilutas ang anumang aktwal na problema. Sa paggawa niyon, niloloko at nililinlang ko lang ang aking mga kapatid. Napagtanto ko noon na para tunay na maging isang mabuting lider, ang bawat kong salita at gawa ay dapat na abot sa pamantayan ng salita ng Diyos, at na kung hindi ko isasagawa ang katotohanan, tatahakin ko ang daan ng paglaban sa Diyos. Ito ay dahil sa gusto ng Diyos ang mga taong kayang kumilos ayon sa Kanyang mga salita at hinihingi at hindi mga lider na sumusunod sa mga tradisyonal na kultural na katangian, naghahangad ng papuri sa iba, at hindi nagsasagawa ng katotohanan. Sa kaisipang iyon, napagtanto ko na kailangan kong baguhin ang paraan ko ng pakikihalubilo sa mga tao. Hindi ko maaaring patuloy na sundin ang mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo habang nakikihalubilo sa aking mga kapatid o sa pagganap sa aking tungkulin. Sa halip, kailangan kong tulungang lutasin ang mga problema at mga paghihirap ng aking mga kapatid nang ayon sa salita ng Diyos, para magampanan nilang lahat ang kanilang mga tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Iyon ang responsibilidad ko. Sa salita ng Diyos, nakahanap ako ng isang landas ng pagsasagawa. Kaya nanalangin ako sa Diyos, at hiniling sa Kanya na gabayan ako sa pagsasagawa ng katotohanan para malutas ang aking katiwalian.

Kalaunan, may nabasa ako sa salita ng Diyos: “Ang dapat pagsumikapan ng mga tao na makamtan nang husto ay ang gawin nilang batayan ang mga salita ng Diyos, at gawing pamantayan ang katotohanan; saka lamang sila makakapamuhay sa liwanag at makakapagsabuhay sa wangis ng isang normal na tao. Kung nais mong mabuhay sa liwanag, dapat kang kumilos ayon sa katotohanan; dapat kang maging isang matapat na tao na nagsasabi ng matatapat na salita at gumagawa ng matatapat na bagay. Ang mahalaga ay ang magkaroon ng mga katotohanang prinsipyo sa pag-asal ng isang tao; kapag nawala sa mga tao ang mga katotohanang prinsipyo, at nagtuon lamang sila sa magandang pag-uugali, hindi maiiwasang magpasimula ito ng panloloko at pagpapanggap. Kung walang prinsipyo sa pag-asal ng mga tao, gaano man kaganda ang kanilang asal, mga mapagpaimbabaw sila; maaari nilang malihis sandali ang iba, ngunit hinding-hindi sila magiging katiwa-tiwala. Kapag kumilos at umasal ang mga tao ayon sa mga salita ng Diyos, saka lamang sila magkakaroon ng tunay na pundasyon. Kung hindi sila umaasal ayon sa mga salita ng Diyos, at tumutuon lamang sila sa pagpapanggap na kumikilos sila nang maayos, magiging mabubuting tao ba sila dahil dito? Talagang hindi. Ang magagandang doktrina at pag-uugali ay hindi mababago ang mga tiwaling diwa ng tao, at hindi mababago ng mga ito ang kanyang diwa. Tanging ang katotohanan at mga salita ng Diyos ang maaaring magpabago sa mga tiwaling disposisyon, kaisipan, at opinyon ng mga tao, at maaaring maging buhay nila. … sa ilang natatanging pagkakataon, kinakailangan na direktang ibunyag ang mga kamalian ng ibang tao at pungusan sila, upang magtamo sila ng kaalaman sa katotohanan at kagustuhang magsisi. Saka lang makakamtan ang nararapat na epekto. Ang ganitong paraan ng pagsasagawa ay tunay na kapaki-pakinabang sa mga tao. Tunay na tulong ito sa kanila, at mapakikinabangan nila ito, hindi ba?(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 3). Itinuro ng mga salita ng Diyos ang landas para baguhin ko ang aking disposisyon. Kailangan kong kumilos at umasta ayon sa mga salita ng Diyos, at gamitin ang katotohanan bilang aking pamantayan. Kailangan kong itigil ang pagbabalatkayo sa tila mabubuting pag-uugali, at kailangan kong isagawa ang katotohanan at maging isang tapat na tao. Kapag nakakikita ako ng mga nangyayari na laban sa mga katotohanang prinsipyo, o kapag nakakikita ako ng mga kapatid na gumaganap sa kanilang mga tungkulin batay sa mga tiwaling disposisyon, kailangan kong maging tapat sa kanila, at tratuhin sila ayon sa mga prinsipyo. Kapag mayroong kailangang tulungan sa pamamagitan ng pagbabahagi, dapat akong magbahagi at tumulong sa kanila; kapag mayroong kailangang punahin sa isang tao, dapat ko itong punahin; kapag may taong kailangang pungusan, dapat ko silang pungusan. Tanging sa pamamagitan ng paggawa ng mga gayong bagay mapagtatanto ng mga kapatid na mayroong mga paglihis sa kung paano nila ginagawa ang kanilang mga tungkulin at mababago ang mga bagay-bagay sa tamang oras. Iyon lang ang nag-iisang paraan para tunay silang matulungan. Kailangan kong buuin ang aking kaugnayan sa kanila sa pundasyon ng salita ng Diyos; gayon dapat ang isang normal na ugnayan sa pagitan ng mga tao. Matapos kong maunawaan ang landas ng pagsasagawa ng katotohanan, sinabi ko sa sarili ko, “Huwag kang matakot na magsalita tungkol sa mga pagkakamali ng iba, at huwag magagandang bagay lang ang sinasabi mo sa kanila sa lahat ng oras. Kinamumuhian ng Diyos iyong mga nagbabalatkayo at nanlilinlang ng iba. Ang aking mga salita at gawa ay umaayon dapat sa mga salita ng Diyos at dapat kong gawin ang mga bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo.” Kalaunan, nang makita kong nagpapakatamad na naman si Joan, kahit na nag-aalala pa rin ako na mawawalan ako ng magandang imahen sa kanyang puso kung direkta ko itong pupunahin sa kanya, binalikan ko sa isip ang mga sipi ng salita ng Diyos na nabasa ko dati at napagtanto ko na sinusunod ko pa rin ang ideya ng pagiging magiliw at madaling lapitan sa kung paano ako kumilos at umasal. Nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako sa pagsasagawa ng katotohanan. Pagkatapos niyon, pinuntahan ko si Joan at sinabi ko sa kanya, “Dahil iniraraos mo lang ang iyong tungkulin at iresponsable ka, maraming baguhan ang hindi pumupunta sa mga pagtitipon. Ang ganitong paggawa sa iyong tungkulin ay talagang umaantala sa pagpasok sa buhay ng mga baguhan at sa gawain ng iglesia.” Matapos punahin ang kanyang problema, nagbahagi rin ako ng sarili kong mga karanasan. Akala ko ay magagalit siya at hindi ako papansinin, pero nagulat ako sa nangyari. Hindi lang sa hindi siya galit, pinagnilayan din niya ang kanyang sarili at sinabi, “Pagkukulang ko ito, at kailangan ko itong baguhin.” Pagkatapos niyon, nagsimula nang masikap na gumanap sa kanyang tungkulin si Joan, at ang mga baguhan na kanyang dinidiligan ay mas regular nang dumadalo sa mga pagtitipon. Hindi nasira ang ugnayan namin, dahil binigyan ko siya ng payo at tinulungan siya, mas bumuti pa nga ito. Kalaunan, nang makita ko siyang naghahayag uli ng tila katiwalian, direkta ko lang itong sinabi sa kanya, at nagawa niyang tanggapin ang aking payo at kilalanin ang kanyang sarili. Ngayon, malaki na ang ipinagbago ng kanyang saloobin sa kanyang tungkulin, at napili siya bilang isang lider ng iglesia. Pinuna ko rin ang mga problema nina Edna at Anne. Nagkaroon ng kabatiran si Edna sa kanyang kayabangan at pagkamakasarili, at sinabi niyang kailangan niyang baguhin ang paraan niya ng pakikipag-usap sa iba. Napagtanto rin ni Anne ang kanyang sariling tiwaling disposisyon, at sinabi niyang handa siyang magbago. Lubos akong napasaya nito. Salamat sa Diyos! Tanging salita lang ng Diyos ang makapagpapabago sa tao!

Ang mga karanasang ito ay nagpakita sa akin na ang isang tunay na mabuting tao ay hindi, ayon sa paniniwala ng mga tao, iyong may tila mabubuting pag-uugali. Ito ay isang taong kumikilos at umaasta ayon sa salita ng Diyos, nagsasagawa ng katotohanan, at isang tapat na tao. Ito ang uri ng tao na mahal ng Diyos. Napagtanto ko rin na kapag nakakita ako ng mga problema sa mga kapatid, kailangan kong agad na magbahagi at tumulong sa kanila, at ilantad at pungusan sila kung kinakailangan. Ito ang nag-iisang paraan para matulungan ang mga tao na mapagtanto ang sarili nilang katiwalian at mga pagkukulang, nang sa gayon ay maaari na silang maghanap ng katotohanan para lutasin ang kanilang katiwalian at gawin ang kanilang mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo—ito ang pinakamabuting paraan para sa akin upang tumulong sa aking mga kapatid. Ngayon, hindi na ako natatakot na punahin ang kanilang mga problema. Anuman ang maging tingin nila sa akin, magsasagawa ako ng pagiging isang tapat na tao, itataguyod ang mga prinsipyo, at pangangalagaan ang gawain ng iglesia. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 88. Bakit Ako Natatakot na Mahigitan?

Sumunod: 90. Nanghihingi ng Pera ang mga Pulis

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito