26. Responsabilidad ang Susi sa Pangangaral ng Ebanghelyo Nang Mabuti

Ni Marie, Côte d’Ivoire

Dati ay hindi ko sineseryoso ang aking mga tungkulin, madalas akong nagpapakatamad, at napakapabasta-basta akong gumagawa ng mga bagay-bagay. Mag-iimbita ako ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo para makinig sa mga sermon, pero hindi ako nakahandang makipag-usap sa kanila o tanungin sila kung ano ang palagay nila sa kanilang napakinggan. Akala ko na ang pag-iimbita ng maraming tao para makinig ay nangangahulugang ginagawa ko nang mabuti ang aking tungkulin. Isa pa, mas madali ito para sa akin. Nahihirapan akong makipag-usap sa kanila; hindi lang iyon kumakain ng maraming oras, kinakailangan din ng pagsisikap ang pagsagot sa mga tanong nila, kaya ayokong makisalamuha sa kanila. Akala ko ay kakausapin sila ng mga manggagawa sa ebanghelyo at magiging sapat na iyon, na hindi mahalaga kung hindi ko alam ang sitwasyon nila. Sa isang pagtitipon, sinabi ng lider na, “Kapag nag-iimbita tayo ng mga tao para pumunta at makinig ng mga sermon, kailangan nating malaman kung ano ang nangyayari sa kanila pagkatapos, tingnan kung pumupunta sila sa mga pagtitipon, kung nauunawaan nila ang nabanggit, at kung mayroon ba silang anumang kuru-kuro. Kailangan nating gawin ang ating makakaya para tulungan sila dala ng pagmamahal, at responsabilidad din natin ito.” Pero sa tingin ko ay isa iyong abala, kaya hindi ako masyadong nagsakripisyo o nagtiis ng malaking paghihirap. Tinahak ko ang pinakamadaling landas, at hindi inisip kung nagkamit ako ng mga resulta. Minsan, sinabi ng lider na may ilang tao na nag-imbita ng maraming tagapakinig, pero kaunting-kaunti sa kanila ang tunay na naghanap o nagsiyasat. Alam kong isa ako sa mga taong ito; naging abala lang ako sa mababaw na gawain, at hindi nakakuha ng tunay na mga resulta. Pagkatapos, pumunta ang lider para suriin ang aking gawain, at sinabi na, “Kumusta na ngayon itong mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo?” Nahiya ako, at hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako nakipag-ugnayan sa marami sa kanila, at hindi ako nagbigay ng suporta sa ilang tao na hindi pumupunta para makinig sa mga sermon. Pinabayaan ko sila nang ganoon-ganoon lang.

Nagsimula akong magnilay pagkatapos makausap ang lider. Nakita ko na sinasabi ng Diyos na: “Kailangan ang mga tao upang magampanan ang lahat ng hinihingi ng Diyos sa mga tao, at ang lahat ng iba’t ibang uri ng gawain sa sambahayan ng Diyos—ang mga bagay na ito ay pawang maituturing bilang mga tungkulin ng mga tao. Kahit ano pang gawain ang gawin ng mga tao, ito ang tungkuling dapat nilang gampanan. Napakalawak ng saklaw ng mga tungkulin, at kinapapalooban ng maraming aspekto, pero kahit ano pang tungkulin ang ginagampanan mo, sa madaling sabi, ito ay obligasyon mo at isang bagay na dapat ginagawa mo. Hangga’t pinagsisikapan mong gampanan ito nang mabuti at nang may puso, sasang-ayunan ka ng Diyos, at kikilalanin ka Niya bilang isang taong tunay na nananalig sa Diyos. Kahit sino ka pa, kung lagi mo na lang sinusubukang iwasan o pagtaguan ang iyong tungkulin, may problema nga. Sa magaan na pananalita, masyado kang tamad, masyadong padaskul-daskol, batugan ka, at mahilig ka sa kalayawan at namumuhi ka sa paggawa. Sa mas seryosong pananalita, ayaw mong gampanan ang iyong tungkulin, at wala kang katapatan o pagpapasakop, walang pagsunod. Kung hindi mo man lang magugol nang pisikal ang sarili mo upang pasanin ang kaunting gawaing ito, ano ang kaya mong gawin? Ano ang kaya mong gawin nang wasto? Kung ang isang tao ay may katapatan at may pagpapahalaga sa responsabilidad sa kanyang tungkulin, kung gayon, hangga’t hinihingi ito ng Diyos, at hangga’t kailangan ito ng sambahayan ng Diyos, gagawin niya ang anumang hilingin sa kanya, nang hindi namimili ng gusto niya. Hindi ba’t isa sa mga prinsipyo ng pagganap sa isang tungkulin ay ang akuin at gawin nang mabuti ang anumang makakaya at nararapat gawin ng isang tao? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem: Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Hayagang Nilalabag ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Sambahayan ng Diyos (Ikaapat na Bahagi)). “Kung ikaw ay mapagpasakop at sinsero, kapag isinakatuparan mo ang isang gawain, hindi ka magiging pabaya, at hindi ka magiging tamad nang may paglilinlang, sa halip, ibubuhos mo ang iyong buong puso at lakas dito. Kung ang panloob na kalagayan ng isang tao ay mali, at ang negatibong damdamin ay lumitaw sa kanya, nawawala ang kanyang gana at ginugusto niyang maging pabaya; alam na alam niya sa puso niya na hindi tama ang kanyang kalagayan, ngunit hindi pa rin niya ito sinisikap na ayusin sa pamamagitan ng paghahangad sa katotohanan. Ang mga ganitong tao ay walang pagmamahal sa katotohanan at bahagya lamang na gustong gampanan ang kanilang tungkulin; hindi sila mahilig magsumikap o magdusa ng hirap at palagi nilang sinusubukang magpakatamad nang may paglilinlang. Sa katunayan, nasiyasat na ng Diyos ang lahat ng ito—kaya bakit hindi Niya pinapansin ang mga taong ito? Ang Diyos ay naghihintay lamang na ang Kanyang mga hinirang na tao ay magising, na kilatisin at ilantad ang mga taong iyon, at itiwalag ang mga iyon(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem: Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Hayagang Nilalabag ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Sambahayan ng Diyos (Ikaapat na Bahagi)). Sa mga salita ng Diyos, nalaman ko na ang mga tao na responsable sa tungkulin nila ay hindi nangangailangan ng pangangasiwa ng iba para matapos nila ang gawain; inilalagay nila ang puso nila sa tungkulin nila. Pero ang mga taong hindi seryoso sa tungkulin nila ay nagkukunwari lang at iniraraos lang ang gawain. Kahit na sa tingin ng mga tao ay marami silang nagawa, panlabas lang iyon, at hindi nagkamit ng anumang tunay na resulta. Nanlilinlang sila ng mga tao. Inilantad ng mga salita ng Diyos ang aking kalagayan. Masaya ako nang mag-imbita ako ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo para pumunta sa mga sermon dahil kapag nakita ng lahat kung gaano karaming tao ang naimbita ko, iisipin nila na isa akong responsableng tao. Pero sa totoo lang, nang kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari sa kanila pagkatapos, ayaw kong magbayad ng halaga, o gumugol ng mas maraming panahon at pagsisikap. Gusto ko lang na ipasa ang gawain sa mga manggagawa sa ebanghelyo. Hilig kong piliin ang pinakamadaling paraan. Alinmang paraan ang may mas kaunting paghihirap at pinakakomportable, iyon ang ginawa ko. Gumagamit ako ng mga mas madaling paraan kapag nagiging mahirap ang mga bagay-bagay. Gusto kong sumuko kapag may isang bagay na mukhang mahirap o kailangan kong gumugol ng maraming pagsisikap. Napakatamad ko! Hindi ako nag-aabalang alamin kung ano ang mga katanungan ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo pagkatapos nilang makinig sa mga sermon, kung patuloy silang pumupunta sa mga pagtitipon, at kung hindi, bakit wala sila roon, at iba pa. Napaka-iresponsable ko sa aking tungkulin, at hindi ko ginugol ang aking sarili, gayunpaman, gusto kong palabasin na epektibo ako sa aking tungkulin. Napakatuso at mapanlinlang ko, hindi ako karapat-dapat pagkatiwalaan. Naalala ko ang isa ko pang dating karanasan. Noong nag-aaral ako at nakakuha ako ng mabababang grado, kinailangan kong kuhanin ulit ang klaseng iyon, pero kahit noon ay hindi pa rin ako nag-aral nang mabuti. Noon pa man ay mas gusto ko ang madaling gawain sa mahirap na gawain, at naging tamad ako. Bahagi ito ng aking kalikasan. Matapos itong mapagtanto, sinimulan kong mas pag-isipan ang aking gawain, binabago ang aking ugali, at nakikipag-usap sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Nakipag-usap din ako sa mga manggagawa sa ebanghelyo at hiningi ang tulong nila. Nang gawin ko ito, naging mas epektibo ako nang kaunti.

Kalaunan, ipinasa ko sa mga tagadilig ang mga taong handa nang tumanggap sa tunay na daan, pero hindi pa rin marami ang mga taong nagpapatuloy na pumunta sa mga pagtitipon. May isang tao na masyadong abala sa trabaho para pumunta sa mga pagtitipon. Isa pa, kamamatay lang ng nanay niya. Nagdadalamhati siya, at lumalayo sa mundo. Hindi ko alam kung paano magbabahagi sa kanya bukod sa paghahanap ng ilang simpleng salita na sasabihin. At nang makaharap ang ilang tao ng mga problema, hindi ko mahanap ang mga angkop na salita ng Diyos para makapagbahagi sa kanila at malutas ang kanilang mga problema. Mahirap ito para sa akin. Mas gusto kong mag-imbita ng mga tao para makinig ng mga sermon, dahil mas madali iyon. Hindi ko talaga gustong makipag-usap sa kanila; natakot ako na magtanong sila ng mga hindi ko kayang sagutin, kaya pinili kong iwasan o pabayaan sila. Pagkalipas ng mga kalahating taon, nakita ko na anim lang sa mga inimbita ko ang tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, samantalang maraming tao ang napagbalik-loob ng ibang mga kapatid. Nahiya ako at napuno ng pagsisisi. Naging pabaya ako sa aking mga tungkulin sa anim na buwang ito. Kung maibabalik ko ang oras, hindi ako magiging pabaya. Ang katunayan na nakapagdala na ang iba ng napakaraming tao sa harapan ng Diyos ay nagpapakita na hindi mahirap ipalaganap ang ebanghelyo, na kailangan lang dito ng kaunting tiyaga, at na posibleng magkaroon ng mga resulta sa tungkuling ito. Nakita ko na sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, dapat tuparin ng mga tao ang kanilang responsabilidad at makitungo nang masigasig sa bawat potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Inililigtas ng Diyos ang tao sa abot ng makakaya, at dapat isaalang-alang ng mga tao ang mga layunin ng Diyos, hindi nila dapat lagpasan nang walang ingat ang sinumang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan. Bukod pa riyan, sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, dapat mong maunawaan ang mga prinsipyo. Sa bawat taong nagsisiyasat sa tunay na daan, dapat mong obserbahan, unawain, at intindihin ang mga bagay gaya ng kanilang pinagmulang relihiyon, kung mahusay ba ang kanilang kakayahan o hindi, at ang kalidad ng kanilang pagkatao. Kung may nakita kang tao na nauuhaw sa katotohanan, na kayang makaunawa sa mga salita ng Diyos, at kayang tanggapin ang katotohanan, ang taong iyon ay nauna nang itinalaga ng Diyos. Dapat mong gawin ang lahat ng makakaya mo para makapagbahagi sa kanya tungkol sa katotohanan at mahikayat siya. Subalit kung mahina ang kanyang pagkatao at masama ang pag-uugali niya, at nagkukunwari lamang siyang nauuhaw, at palagi siyang nakikipagtalo, at kumakapit sa kanyang mga kuru-kuro, dapat ay isantabi mo siya at sukuan siya. Ang ilang taong nagsisiyasat sa tunay na daan ay may kakayahang makaunawa at may mahusay na kakayahan, ngunit mayabang at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba. Mahigpit silang sumusunod sa mga kuru-kurong panrelihiyon, kaya dapat kang makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan nang may pagmamahal at pagpapasensya para makatulong na lutasin ito. Dapat ka lang sumuko kapag hindi nila tinatanggap ang katotohanan paano ka man magbahagi sa kanila—kung magkagayon, nagawa mo na ang lahat ng magagawa mo. Sa madaling salita, huwag basta-basta susukuan ang sinuman na kayang kumilala at tumanggap sa katotohanan. Hangga’t handa siyang siyasatin ang tunay na daan at kayang hanapin ang katotohanan, dapat mong gawin ang lahat ng iyong makakaya para mabasahan pa siya ng mga salita ng Diyos at mabahaginan pa siya ng katotohanan, at mapatotohanan ang gawain ng Diyos at malutas ang kanyang mga kuru-kuro at tanong, upang mahikayat mo siya at madala sa harapan ng Diyos. Ito ang naaayon sa mga prinsipyo ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kaya paano siya mahihikayat? Kung, sa proseso ng pakikipag-usap mo sa kanya, natitiyak mo na may mahusay na kakayahan at mabuting pagkatao ang taong ito, kailangan mong gawin ang lahat ng makakaya mo para tuparin ang iyong responsabilidad; kailangan mong magbayad ng partikular na halaga, at gumamit ng partikular na mga kaparaanan, at hindi mahalaga kung anong mga kaparaanan ang ginagamit mo hangga’t ginagamit mo ang mga ito para mahikayat siya. Sa kabuuan, upang mahikayat siya, kailangan mong tuparin ang iyong responsabilidad, at gumamit ng pagmamahal, at gawin ang lahat ng makakaya mo para matamo siya. Kailangan mong magbahagi tungkol sa lahat ng katotohanang nauunawaan mo at gawin ang lahat ng bagay na dapat mong gawin. Kahit hindi mahikayat ang taong ito, magiging malinis ang konsensiya mo. Nagawa mo na ang lahat ng makakaya mo. Kung hindi mo ibabahagi nang malinaw ang katotohanan, at patuloy pa ring kumakapit ang taong iyon sa kanyang mga kuru-kuro, at kung maubos ang iyong pasensya, at kusa mo siyang susukuan, ito ay pagpapabaya sa iyong tungkulin, at para sa iyo, magiging paglabag at mantsa ito. Sabi ng ilang tao, ‘Ang pagkakaroon ba ng mantsa na ito ay nangangahulugang kinondena na ako ng Diyos?’ Ang gayong mga bagay ay nakasalalay sa kung sinasadya o nakasanayan bang gawin ng mga tao ang mga bagay na ito. Hindi hinahatulan ng Diyos ang mga tao nang dahil sa paminsan-minsang mga paglabag; kailangan lamang nilang magsisi. Ngunit kapag sadya silang gumagawa ng mali at ayaw nilang magsisi, kinokondena sila ng Diyos. Paanong hindi sila kokondenahin ng Diyos samantalang alam na alam nila ang tunay na daan subalit sadya pa rin silang nagkakasala? Kung titingnan ayon sa mga katotohanang prinsipyo, ito ay pagiging iresponsable at pabasta-basta, at sa pinakamababa, hindi natupad ng mga taong ito ang kanilang responsabilidad; ganito hinahatulan ng Diyos ang kanilang mga pagkakamali. Kung ayaw nilang magsisi, kokondenahin sila. Kaya nga, para mabawasan o maiwasan ang gayong mga pagkakamali, dapat gawin ng mga tao ang lahat ng magagawa nila para matupad ang kanilang mga responsabilidad, na aktibong sinisikap na masagot ang lahat ng tanong ng mga taong nagsisiyasat sa tunay na daan, at talagang hindi ipinagpapaliban o inaantala ang mahahalagang katanungan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Talagang napaisip ako sa mga salita ng Diyos, at labis akong naantig. Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay responsabilidad ko at layunin ng Diyos, dapat ay ibinibigay ko ang lahat ng aking makakaya, pero hindi ako nakahandang magsakripisyo sa aking tungkulin para magdala ng mga tao sa Diyos. Napakatamad ko, at masyado akong pabasta-basta sa aking tungkulin. Hindi ko ginawa ang sinabi ng Diyos at hindi ibinigay ang masusing pansin sa lahat ng nagsisiyasat sa tunay na daan, o ginampanan ang aking mga responsabilidad. Akala ko ay sapat nang mag-imbita lang ng maraming tao para pumunta at makinig, at na ang susunod na mangyayari ay hindi ko na trabaho. Sa tingin ko, responsabilidad na sila ng mga tagadilig, at pumunta man sila sa mga pagtitipon o hindi ay hindi ko na problema o responsabilidad. Kaya nang hindi sila pumunta sa mga pagtitipon, hindi ko ginawa ang makakaya ko para makahanap ng mga salita mula sa Diyos para tulungan sila. Akala ko ay mahirap para sa akin na lutasin ang mga problema nila, kaya gusto ko silang sukuan. Pero ang totoo, hangga’t pasok sila sa mga prinsipyo sa pangangaral ng ebanghelyo, dapat ko silang bigyan ng seryosong pansin, at ako ang nag-imbita sa kanila na makinig. Sa karaniwang mga sitwasyon, kailangan kong ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa kanila pagkatapos, pero hindi ko ginawa. Ipinasa ko lang sila sa mga tagadilig at iyon na iyon. Talagang wala akong pagpapahalaga sa responsabilidad, ni pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Sa sandaling malaman ko ang aking problema, determinado na akong baguhin ang aking saloobin, pero alam ko na hindi ko iyon magagawa nang mag-isa. Kailangan kong magdasal at hingin ang tulong ng Diyos. Pagkatapos, kapag nakikipagkita ako sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, madalas akong nagdarasal sa Diyos na tulungan akong dalhin sila sa Kanya, at magkaroon ako ng gana na magsikap at gumawa ng tunay na mga sakripisyo, hindi maging pabaya sa aking tungkulin gaya ng dati. Tinanong ko rin ang aking lider kung paano mahihikayat ang mga tao na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nagbahagi siya ng ilang paraan sa akin, at nagsimula akong magnilay para makita kung ano ang hindi ko pa ginagawa. Napagtanto ko na hindi ko hinahanap ang katotohanan sa aking gawain, at hindi ako natututo mula sa aking mga kapatid. Kapag hindi pumupunta ang ilang tao sa mga pagtitipon, hindi ko gustong malaman kung bakit, at pinipili ko na lang na sukuan sila. Masyadong pabasta-basta ang saloobin ko sa aking tungkulin.

Matapos mapagtanto ang mga ito, naisip ko kung paanong sinasabi ng Diyos na: “Lubhang mahalaga kung paano mo itinuturing ang mga atas ng Diyos, at isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensya at dapat kang parusahan. Ito ay talagang natural at makatuwiran na dapat tapusin ng mga tao ang anumang atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanila mismong mga buhay. Kung hindi mo sineseryoso ang mga atas ng Diyos, nagtataksil ka sa Kanya sa pinakamalalang paraan. Sa ganito, mas kahabag-habag ka pa kaysa kay Hudas, at dapat na sumpain. Dapat matamo ng mga tao ang lubos na pagkaunawa sa kung paano tatratuhin ang ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila at, kahit papaano, dapat maunawaan nilang ang mga tagubiling ipinagkakatiwala Niya sa sangkatauhan ay mga pagpupuri at natatanging pabor mula sa Diyos, at na ang mga ito ay mga pinakamaluwalhating bagay. Ang iba pang mga bagay ay maaari nang talikdan. Kahit na kailangang isakripisyo ng isang tao ang kanyang sariling buhay, dapat pa rin niyang tuparin ang tagubilin ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nahiya ako. Bilang isa sa mga nilikha ng Diyos, dapat kong gampanan nang mabuti ang aking tungkulin. Ito ang aking misyon at ang halaga ng aking pag-iral. Kung hindi ko ito magagawa, mawawala ang silbi ko kung bakit ako nilikha, at hindi ako magiging karapat-dapat na mamuhay sa harapan ng Diyos. Sa huli ay kamumuhian at ititiwalag ako ng Diyos. Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ang pinakaagarang kahilingan ng Diyos, at nais ng Diyos na ibigay natin ang lahat ng ating makakaya para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Kanya. Hindi tayo puwedeng maging pabasta-basta sa paggawa ng mga bagay na ito. Naisip ko noong tawagin ng Diyos si Noe para gawin ang arko. Kahit na isa iyong napakahirap na gawain, hindi sumuko si Noe. Hindi niya tinanong ang Diyos kung kailan matatapos ang arko, o kung kailan darating ang baha. Sinunod lang niya ang mga tagubilin ng Diyos at ginawa ang arko. Matapos itong maunawaan, napagtanto ko na kailangan kong baguhin ang saloobin ko sa aking tungkulin, tularan ang halimbawa ni Noe, at gawin ang makakaya ko kapag ginagampanan ang aking tungkulin. Minsan sa isang pagtitipon, nagbabahagi ang iba ng mga karanasan nila sa pangangaral, at kung paano nila ginamit ang mga salita ng Diyos para lutasin ang mga problema ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Labis akong naantig matapos silang pakinggan. Ayaw ko nang maging tamad. Gusto ko nang maging responsable at ibuhos ang lahat ng aking lakas sa aking tungkulin.

Pagkatapos niyon, madalas kong inoobserbahan kung sinong mga tao ang hindi pumupunta sa mga pagtitipon, agad na nakikipag-ugnayan sa mga wala roon, at nagbabahagi sa kanila ng mga salita ng Diyos. Nang ilagay ko ang aking puso sa pag-aasikaso sa bawat tao, karamihan sa kanila ay regular nang pumupunta sa mga pagtitipon. Naalala ko na may isang taong hindi nakapunta nang ilang araw. Pinadalhan ko siya ng text, pero nang hindi siya tumugon nang ilang araw, nagsimula akong mag-alala. Tinawagan ko si Brother Derly, isang tagadilig, at nalaman kong naharap ito sa mga paghihirap sa trabaho, at nagbahagi rito si Derly ng ilan sa mga salita ng Diyos. Matapos itong marinig, pakiramdam ko ay kulang pa iyon, kaya sinabi ko kay Brother Derly na tawagan ito at magbahagi rito sa telepono. Sa gulat ko, pagkatapos magbahagi, pumayag itong dumalo sa pagtitipon sa mismong araw na iyon, at humingi ng pasensya sa hindi pagpunta noong nakaraan. Hindi nagtagal, umanib ito sa iglesia. Napakasaya ng aking puso. Labis ang pagpapasalamat ko sa Diyos! Nakita ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos na: “Kung tunay kang nagtataglay ng konsiyensiya at katuturan, kapag ginagawa mo ang mga bagay-bagay, mas pagsisikapan mo ang mga ito, at lalakipan mo ng kaunti pang kabaitan, responsabilidad, at konsiderasyon, at magagawa mong mas magsikap pa. Kapag kaya mong mas magsikap, gaganda ang mga resulta ng mga tungkuling ginagampanan mo. Gaganda ang mga resulta mo, at masisiyahan dito kapwa ang ibang mga tao at ang Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpasok sa Buhay ay Nagsisimula sa Pagganap ng Tungkulin). “Dapat kang magkamit ng pagpasok mula sa positibong panig. Kung basta ka lamang naghihintay, negatibo ka pa rin. Dapat kang maging maagap sa pakikipagtulungan sa Akin; maging masigasig at huwag kailanman maging tamad. Palaging makisalamuha sa Akin at magkamit ng mas malalim pang kaugnayan sa Akin. Kung hindi mo nauunawaan, huwag kang mainip para sa mabilisang mga resulta. Hindi naman sa hindi Ko sasabihin sa iyo; nais Ko lamang makita kung aasa ka sa Akin kapag ikaw ay nasa Aking presensya, at kung ikaw ay magtitiwala sa iyong pag-asa sa Akin. Dapat palagi kang manatiling malapit sa Akin, at ilagay ang lahat ng bagay sa Aking mga kamay. Huwag kang bumalik nang walang kabuluhan. Pagkatapos kang maging malapit sa Akin sa loob ng ilang panahon nang di-namamalayan, ang Aking mga intensyon ay ihahayag sa iyo. Kung maiintindihan mo ang mga ito, tunay na makakaharap mo Ako, at tunay mong matatagpuan ang Aking mukha. Ikaw ay magkakaroon ng lubhang kalinawan at katatagan sa loob mo, at magkakaroon ka ng isang bagay na maaasahan. At pagkatapos ay magtataglay ka rin ng kapangyarihan, gayon din ng kompiyansa, at magkakaroon ka ng isang landas pasulong. Ang lahat ay magiging madali sa iyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 9). Hinihingi ng Diyos na tayo ay maging aktibo sa pagganap ng ating mga tungkulin. Hindi tayo maaaring maging pasibo. Kapag nakatatagpo tayo ng mga problema o paghihirap, dapat tayong manalangin sa Diyos at lalo pang hanapin ang katotohanan, at tutulungan tayo ng Diyos at gagabayan tayo na maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo. Dati, pasibo ako sa aking tungkulin at wala akong kusa. Basta-basta kong pinababayaan ang mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Ipinaunawa sa akin ng patnubay mula sa mga salita ng Diyos na napakahalaga ng nasa loob ng ating puso. Kapag tinatrato natin ang mga tao nang may pagmamahal, at nagbabahagi tayo nang may sinseridad, makikita natin ang patnubay ng Diyos. Matapos itong maunawaan, nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na tulungan akong gampanan nang mabuti ang tungkulin ko, at sadyang isagawa ang Kanyang mga salita.

Pagkatapos, maagap na ako sa pakikipag-usap sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo na iyon, at patuloy kong inaalam ang kanilang sitwasyon at matiyagang ibinabahagi sa kanila ang mga salita ng Diyos hanggang sa tanggapin nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nang gawin ko ito, naramdaman ko na unti-unti akong pinapatnubayan ng Diyos, tinutulungan akong maunawaan kung paano gawin ang aking tungkulin nang maayos, at nakadama ako ng labis na kapanatagan sa puso ko. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 25. Siniil ng Aking Pamilya: Isang Karanasang Nagbibigay-aral

Sumunod: 27. Ang Nakamit Ko Mula sa Pagtanggap ng Pagpupungos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito