13. Pagharap sa Panunupil ng isang Matapat na Ulat

Ni Liliana, Germany

Habang isa akong lider ng grupo ng pagdidilig, si Marilyn ang lider ng iglesia na nangangasiwa sa gawain ko. Sa aming mga interaksyon, natuklasan ko na madalas ay puro salita lang siya at hindi naman kumikilos pagdating sa pagpapatupad ng gawain. Nagbabanggit siya ng mga salawikain sa halip na tumuon sa pagkakaroon ng mga resulta, at hindi niya nagagawang lutasin ang mga tunay na problema. Hindi niya kami pinangungunahan na ibuod at ayusin ang mga problema at paglihis sa aming mga tungkulin at hindi siya nagbabahagi ng mga salita ng Diyos at ng mga nauugnay na prinsipyo o nagtuturo ng isang landas ng pagsasagawa. Ang tanging ginagawa niya ay sermunan at pagalitan kami. Kapag nagmumungkahi sa kanya ang mga kapatid, kadalasan ay hindi niya tinatanggap ang mga iyon. Dahil sa mga pag-uugaling ito ay naramdaman kong maaaring isa siyang huwad na lider, kaya ginusto kong makipag-ugnayan sa nakatataas sa kanya na si Jessica, para pag-usapan iyon. Pero bigla kong naisip: “Madalas na nakikipagtipon si Jessica kay Marilyn, at magkasama sila sa maraming gawain. Siguradong nakikita ni Jessica ang mga nakikita kong problema kay Marilyn. Isa pa, pinamamahalaan ni Marilyn ang gawain ng ilang grupo at pinangangasiwaan niya ang mahigit isang dosenang lider ng grupo. Hindi rin ba nila nakikita ang mga problema sa kanya? Yamang wala sa kanilang nag-ulat ng kahit na ano, bakit ako magsasalita? Paano kung mali ako at sabihin ni Jessica na may pagkiling ako laban kay Marilyn at sinusubukan itong hanapan ng mali? Dapat siguro ay hindi ko ilagay sa alanganin ang sarili ko, sa ganoong paraan ay hindi ako malalagay sa anumang kapahamakan.” Pero bigla kong naisip kung paano ako napinsala ng mga huwad na lider at anticristo noon. Hindi ko rin sila iniulat agad noon, at nagulo nila ang gawain ng ilang iglesia, at naapektuhan ang buhay ng mga kapatid. Kung hindi ko agad iuulat ang mga problema ni Marilyn, hindi ko pinoprotektahan ang mga interes ng iglesia. Nang maisip ko ito, medyo nabalisa ako, at naisip ko na dapat kong kausapin ang ibang kapatid at tingnan kung ano ang sasabihin nila. Pinuntahan ko si Brother Jordan, at sinabi niyang natuklasan din niyang hindi kayang lumutas ni Marilyn ng mga aktuwal na problema, na hindi ito nangungumusta o nagtatanong tungkol sa gawain, at na pagdating sa mga propesyonal na kasanayan, hindi nito ginagabayan o tinutulungan ang mga kapatid na pumasok sa mga prinsipyo. Sinabi rin niya na mapandikta at magulo ito kapag nag-aatas ng gawain, at na hindi nito napaprayoridad ang mga gawain. Talagang nagdusa ang pagiging produktibo at epektibo ng gawain dahil dito, at malubhang naantala ang mga bagay-bagay. Nang binigyan siya ng iba ng babala tungkol dito, hindi niya ito sineryoso. Sa mga pagtitipon, madalang siyang makipagbahaginan tungkol sa kung paano siya nagnilay-nilay, nagtamo ng kaalaman sa sarili niya, at nagsagawa ng mga salita ng Diyos kapag nahaharap sa mga problema. Naglilitanya lang siya ng mga salita at doktrina, nagsasabi ng ilang bagay na masarap pakinggan, pero hindi gumagawa ng anumang aktuwal na gawain. Nang marinig kong pareho kami ni Jordan ng mga nakitang problema, lubos akong nakatiyak na si Marilyn ay isang huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain. Kung mananatili siya sa posisyon niya, magdudulot ito ng malaking pinsala sa gawain ng iglesia. Napagtanto ko na malubha ang mga problema ni Marilyn, at na kailangan kong iulat agad ang mga iyon kay Jessica. Pero bigla kong naalala na direktang pinangangasiwaan ni Marilyn ang gawain ko, kaya kung hindi siya matatanggal pagkatapos kong magsalita, at malalaman niya na ako ang nag-ulat sa kanya, baka labis niyang pahirapin ang buhay ko, o tanggalin pa nga ako. Labis akong mapapahiya kung matatanggal agad ako sa posisyon gayong katatanggap ko lang nito. Sabi nila “Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril,” kaya naisip ko na hindi dapat ako ang unang mag-ulat kay Marilyn. Napagpasyahan kong kausapin si Jordan na siya na lang ang mag-ulat, at pagkatapos ay puwede kong suportahan ang ulat niya. Sa gayong paraan ay hindi ako malalagay sa alanganin sa pagsasalita. Pero nang subukan ko siyang kausapin, hindi ko talaga masabi ang mga salita. Naisip ko na dapat siguro ay hintayin at tingnan ko na lang kung ano ang mangyayari. Pero nakikita ng Diyos ang nasa puso at isip ng mga tao, at medyo nabalisa ako sa aking pananahimik. Pakiramdam ko lang ay may pagkakamali at kasalanan ako, kaya nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyang-liwanag ako para maunawaan ko ang sarili ko sa pamamagitan ng bagay na ito.

Tapos ay nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na naglantad sa aking kalagayan. Sabi ng Diyos: “Karamihan sa mga tao ay nais hanapin at isagawa ang katotohanan, ngunit kadalasan ay may pagpapasya at hangarin lamang sila na gawin iyon; hindi nila naging buhay ang katotohanan. Dahil dito, kapag nakahaharap sila ng masasamang puwersa o ng masasamang tao na gumagawa ng masasamang gawa, o ng mga huwad na pinuno at anticristo na gumagawa ng mga bagay sa isang paraang lumalabag sa mga prinsipyo—sa gayon ay nagugulo ang gawain ng iglesia at napapahamak ang mga hinirang ng Diyos—nawawalan sila ng lakas ng loob na manindigan at magsalita. Ano ang ibig sabihin kapag wala kang lakas ng loob? Ibig bang sabihin niyan ay kimi ka o hindi makapagsalita? O hindi mo ito lubos na nauunawaan, at sa gayon ay wala kang tiwalang magsalita? Walang isa man dito; ito una sa lahat ang ibinubunga ng mapigilan ng mga tiwaling disposisyon. Ang isa sa mga tiwaling disposisyong ito na inilalantad mo ay ang mapanlinlang na disposisyon; kapag may nangyayari sa iyo, ang una mong iniisip ay ang sarili mong mga interes, ang una mong isinasaalang-alang ay ang mga ibubunga, kung ito ba ay kapaki-pakinabang sa iyo. Ito ay isang mapanlinlang na disposisyon, hindi ba? Ang isa pa ay makasarili at mababang-uri na disposisyon. Iniisip mo, ‘Ano ang kinalaman sa akin ng kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos? Hindi ako isang lider, kaya bakit ako mag-aalala? Wala itong kinalaman sa akin. Hindi ko responsabilidad ito.’ Ang gayong mga saloobin at salita ay hindi mga bagay na sadya mong iniisip, kundi inilalabas ng iyong isip nang hindi mo namamalayan—na tumutukoy sa tiwaling disposisyong nabubunyag kapag ang mga tao ay nahaharap sa isyu. Pinamamahalaan ng mga tiwaling disposisyon na tulad nito ang paraan ng iyong pag-iisip, itinatali ng mga ito ang iyong mga kamay at paa, at kinokontrol kung ano ang sinasabi mo. … Wala kang kapangyarihan sa mga sinasabi at ginagawa mo. Gustuhin mo man, hindi mo masabi ang katotohanan o masabi kung ano talaga ang iniisip mo; gustuhin mo man, hindi mo maisagawa ang katotohanan; gustuhin mo man, hindi mo matupad ang iyong mga responsabilidad. Kasinungalingan ang lahat ng sinasabi, ginagawa, at isinasabuhay mo, at pabasta-basta ka lang. Ganap kang bihag at nakokontrol ng sataniko mong disposisyon. Maaaring gusto mong tanggapin at isagawa ang katotohanan, ngunit hindi ikaw ang magpapasya nito. Kapag kinokontrol ka ng iyong mga satanikong disposisyon, sinasabi at ginagawa mo ang anumang ipagawa sa iyo ng iyong satanikong disposisyon. Isa ka lamang tau-tauhan ng tiwaling laman, naging kasangkapan ka ni Satanas. … Hindi mo hinahanap ang katotohanan kailanman, at lalong hindi mo ito isinasagawa. Palagi ka lamang nagdarasal, nagreresolusyon, nagtatakda ng mga mithiin, at nangangako sa puso mo. At ano ang kinahinatnan? Nananatili kang isang taong mapagpalugod sa iba, hindi ka nagtatapat tungkol sa mga problemang nararanasan mo, wala kang pakialam kapag nakikita mo ang masasamang tao, hindi ka tumutugon kapag may gumagawa ng masama o kaguluhan, at nananatili kang walang pakialam kapag hindi ka personal na naaapektuhan. Iniisip mo, ‘Hindi ako nagsasalita tungkol sa anumang walang kinalaman sa akin. Hangga’t hindi nito napipinsala ang aking mga interes, ang aking banidad, o ang aking imahe, binabalewala ko nang walang pagbubukod ang lahat. Kailangan kong maging napakaingat, dahil ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril. Hindi ako gagawa ng anumang katangahan!’ Lubos at di-natitinag kang kinokontrol ng iyong mga tiwaling disposisyon ng kabuktutan, pagkamapanlinlang, katigasan, at pagiging tutol sa katotohanan. Naging mas mahirap na para iyo na tiisin ang mga ito kaysa sa sumisikip na ginintuang korona na isinuot ng Haring Unggoy. Ang pamumuhay sa ilalim ng pagkontrol ng mga tiwaling disposisyon ay lubhang nakakapagod at napakasakit!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ibinunyag ng mga salita ng Diyos ang aking makasarili at mapanlinlang na tiwaling disposisyon. Nakita ko na masyadong iresponsable si Marilyn sa kanyang tungkulin. Hindi niya kayang lumutas ng mga problema, gumawa ng aktuwal na gawain, o tumanggap ng katotohanan. Mapandikta siya sa kanyang tungkulin at ang lahat ng bagay ay dapat na magawa sa paraan niya. Kinukumpirma ng lahat ng pag-uugaling ito na isa siyang huwad na lider. Kung magpapatuloy siya sa posisyon niya, malubha nitong maaapektuhan ang gawain ng iglesia at maaantala ang buhay pagpasok ng mga kapatid. Alam ko sa aking puso na kailangan itong maiulat agad, pero natakot ako na kung mapapasama ko ang loob niya ay gagantihan o tatanggalin niya ako. Para maprotektahan ang sarili kong mga interes, mas ginusto kong mapinsala ang gawain ng iglesia sa halip na iulat siya. Pinili kong maging mapanlilang at utusan ang iba na malagay sa alanganin sa pagsasalita, para makaayon ako sa karamihan pagkatapos. Sa ganoong paraan, kung may mapapahamak, hindi ako iyon, at hindi ko kakailanganing sumuong sa panganib. Namumuhay ako sa mga satanikong panuntunan na gaya ng: “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” at “Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril.” Inisip ko lang kung paano mapoprotektahan ang sarili kong mga interes, at hindi ang mga interes ng iglesia o kung paano magdurusa ang buhay ng mga kapatid. Labis akong makasarili at mapanlinlang! Noon pa man ay akala ko nang mayroon akong pagpapahalaga sa katarungan at na kaya kong itaguyod ang mga interes ng iglesia, pero ipinakita sa akin ng karanasang ito na isa akong mapanlilang at makasariling tao na umaayon sa opinyon ng nakararami. Namumuhay ako batay sa mga satanikong pilosopiya, at nabigong iulat ang isang huwad na lider. Pumapanig ako kay Satanas at pinipinsala ko ang hinirang na mga tao ng Diyos. Kasabwat ako ng isang huwad na lider. Hindi ako puwedeng patuloy na maging duwag, kailangan kong iulat ang mga problemang nakita ko.

Nang mismong mapagpasyahan ko nang iulat iyon, sinabihan kami ng isang lider na magsulat ng mga pagsusuri kay Marilyn at sa kapareha niya. Natuwa talaga ako, naisip ko na ibig sabihin nito ay nakita ng lider ang mga problema kay Marilyn, at isinulat ko nang detalyadong-detalyado ang lahat ng pag-uugali niya. Pero sa gulat ko, ang kapareha niya ang natanggal, at nakapagpatuloy si Marilyn sa pagiging lider. Makalipas ang ilang araw, biglang umiyak si Marilyn sa kanyang pakikipagbahaginan, sabi niya, “Hindi ako gumagawa ng aktuwal na gawain, isa akong huwad na lider at wala akong pagkatao. Hindi ko nilulutas ang mga problema ng mga kapatid, at sinusupil ko pa nga ang iba. Ngayon, wala nang naglalakas-loob na magbigay sa akin ng mga mungkahi. Naging iresponsable ako bilang lider ng iglesia, at nabigo ko ang Diyos. Napakarami kong nagawang masama, at wala akong pagkatao. Binigyan ako ng iglesia ng pagkakataon na ipagpatuloy ang paggawa sa tungkulin ko, kaya kailangan kong magsisi. Kung makita ng sinuman sa inyo na may problema ako, pakiusap, sabihin ninyo sa akin at masaya ko itong tatanggapin.” Napakalungkot niyang lumuluha habang nagsasalita, at mukhang sinserong-sinsero siya. Naisip ko: “Nagkamali ba ako? Hindi naman pala siya lubos na walang kakayahang tumanggap sa katotohanan. Hindi dapat sobra-sobra ang inasahan ko sa kanya. Kung handa siyang magsisi, makagagawa pa rin siya ng mahusay na gawain. Hindi bale na kung gayon, yamang hindi naman siya natanggal, dapat kong gawin ang makakaya ko para makipagtulungan sa kanya.” Kaya pinadalhan ko siya ng mensahe na nagsasabing, “Hindi namin naintindihan ang mga paghihirap mo. Magtulungan tayo at gawin natin nang maayos ang mga tungkulin natin simula ngayon.” Sumagot siya at sinabihan niya ako na ipagpatuloy ang pagbibigay sa kanya ng mga mungkahi at tulong sa hinaharap. Masayang-masaya ako, inisip ko na kung kaya niyang tanggapin ang katotohanan at baguhin ang mga bagay-bagay, puwede siyang maging isang mabuting lider.

Nagulat talaga ako nang makita kong wala siyang anumang pinagbago. Puro salita pa rin siya pero hindi niya hinaharap ang mga tunay na problema sa mga pagtitipon. Noong panahong iyon, nagkaroon ng ilang problema sa pangkalahatang gawain ng iglesia, pero tinatalakay lang niya ang ilang panlabas na usapin sa mga pagtitipon. Hindi siya nakipagbahaginan sa kung paano hahanapin ang katotohanan sa ganoong uri ng kapaligiran. Naging tensyonado ang lahat dahil sa lahat ng ito, at walang naging panatag sa paggawa ng kanilang tungkulin, na malubhang nakagambala sa buhay-iglesia. Matapos makita ang lahat ng ito, ibinahagi ko ang mga saloobin ko sa kanya. Sa gulat ko, sabi niya, “Ikaw ang may problema, kaya namang gawin ng lahat ang sinasabi ko, maliban sa iyo. Ikaw ang nakagagambala!” Naging negatibo ang pakiramdam ko nang marinig kong sabihin niya iyon. Hindi ko alam kung paano magpapatuloy sa tungkulin ko, at problemadong-problemado ako. Puwede kong balewalain si Marilyn at mapagalitan niya, o puwede kong gawin ang sinasabi niya, na magdudulot lang ng problema sa ibang kapatid. Wala talaga akong magawa—para akong hindi makahinga. Naisip kong iulat ang mga problema ni Marilyn kay Jessica, pero bigla kong naalala kung paanong sinabi ko na noon sa mga nakatataas na lider ang tungkol kay Marilyn. Hindi man lang nila siya pinangasiwaan, at sa halip ay tinanggal ang isa pang lider na gumagawa ng tunay na gawain. Kung iuulat ko uli si Marilyn, sasabihin kaya nilang nagsisimula ako ng gulo, at iisipin na ako ang may problema? Paano kung akusahan nila ako ng kung ano at tanggalin ako? Habang nasa ganoong kalagayan ako, pawang kadiliman at panlulumo ang naramdaman ko sa puso ko, at hindi ko madama ang presensiya ng Diyos.

Hindi nagtagal, isang pagsasaayos ng gawain ang inilabas ng sambahayan ng Diyos. Binanggit nito na kung madidiskubre sa iglesia ang sinumang mga huwad na lider at manggagawa na hindi gumagawa ng tunay na gawain, masamang tao, o anticristo, kailangan silang ilantad at iulat para protektahan ang mga interes ng iglesia. Responsabilidad ito ng lahat ng hinirang na mga tao ng Diyos. Kung susupilin o parurusahan ng isang lider o manggagawa ang isang kapatid dahil sa pag-uulat sa kanya, isa siyang anticristo. Kailangan ding pumirma ng bawat lider at manggagawa sa isang panunumpa na hindi niya susupilin ang sinumang mag-uulat sa kanya. Nakaramdam ako ng parehong saya at pagkakonsensiya nang makita ko ang pagsasaayos ng gawaing iyon. Masaya ako na alam ng Diyos kung gaano kababa ang tayog natin at na hinihikayat Niya tayong ilantad ang mga huwad na lider at anticristo. Nakonsensiya rin ako dahil alam kong may mga huwad na lider at manggagawa sa iglesia, pero hindi ako naglakas-loob na iulat sila dahil natatakot akong masupil o maapi, at sa halip ay mas gugustuhin ko pang hayaang magdusa ang gawain ng iglesia. Hindi ako karapat-dapat na maging isa sa hinirang na mga tao ng Diyos. Kaya, kinausap ko ang dalawa pang lider ng grupo tungkol sa mga problema kay Marilyn, at sumang-ayon sila sa akin. Sama-sama kaming nagbahaginan tungkol sa mga prinsipyo ng pagkilatis sa mga huwad na lider at manggagawa at sa huli ay natukoy namin na isa ngang huwad na lider si Marilyn, at na may problema rin sa mga nakatataas na lider, na nagpoprotekta sa kanya. Napagpasyahan namin na sumulat ng nagkakaisang ulat tungkol sa kanila. Nang maisulat ko na ang ulat, sinabi sa akin ng iba na mauna na akong magpadala niyon at huwag na silang hintayin. Nagsimula na naman akong mag-alala, na kung matutuklasan ni Marilyn ang tungkol sa ulat, baka gawin niyang mahirap ang mga bagay-bagay para sa akin. Nagdasal ako sa Diyos at hiniling sa Kanya na bigyang-liwanag at gabayan Niya ako na pagnilayan ang aking sarili. Pagkatapos niyon, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Magagawa mo bang maging matuwid para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapahihintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahahalagang sandali? Ikaw ba’y taong sumusunod sa Aking kalooban?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga tanong ng Diyos. Palagi kong sinasabi ang tungkol sa pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos at pagpoprotekta sa gawain ng iglesia, pero nang makita ko na hindi gumagawa si Marilyn ng tunay na gawain, na inililigaw niya ang mga tao gamit ang mga doktrina, kumikilos na parang isang diktador at walang pakundangan sa kanyang tungkulin, at na nagkaroon ito ng matinding epekto sa buhay-iglesia, naging sobrang maingat at urong-sulong ako. Hindi ko siya iniulat dahil gusto kong protektahan ang sarili ko, at hindi ako naglakas-loob na manindigan at lumaban sa mga puwersa ng kadiliman. Hindi ko talaga pinrotektahan ang gawain ng iglesia. Wala akong ni katiting na konsensiya o katwiran. Paano ko mahaharap ang Diyos? Ang bawat salita ng Diyos ay isang pampagising sa manhid kong puso, at nagpasya akong itigil ang pagpoprotekta sa sarili ko. Kailangan ko siyang ilantad at iulat, kahit na sa huli ay masupil ako dahil dito, kaya ipinadala ko ang ulat.

Pagkalipas ng ilang araw, sa isang pulong ng mga magkakatrabaho, umiiyak na naman si Marilyn at nagkukunwari na naman na “nagsisisi.” Sabi niya, “Umaga’t gabi akong nagtatrabaho, pero hindi ko nagawang makuha ang suporta ng kahit sino, at naiulat pa nga ako. Pagmamahal ito ng Diyos sa akin, at alam kong kailangan kong tumigil at pagnilayan ang sarili ko. Tinutulungan ako ng mga kapatid sa pamamagitan ng pag-uulat sa akin, at pumirma ako ng panunumpa na hinding-hindi ko susupilin ang sinumang magsusulat ng ulat sa akin….” Kalaunan, pinuntahan at tinanong niya ako kung mayroon akong anumang paghihirap sa gawain ko at kung kumusta ang kalagayan ko, at mukhang hindi na siya kasinggaspang ng dati—dinalhan pa nga niya ako ng kaunting pagkain. Noong una, wala akong pagkilatis, iniisip ko na baka nagsisi na talaga siya. Pero pagkatapos ay naisip ko, “Hindi ako pwedeng malinlang ng isang sandali ng kabaitan—kailangan kong maghintay at tingnan kung ano ang mangyayari. Umiyak at ‘nagsisi’ siya noong nakaraan, pero pagkatapos niyon ay walang nagbago. Baka mabait siya sa akin dahil alam niyang iniulat ko siya. Baka gusto lang niyang sabihin ko na nagbago na siya kapag inimbestigahan ng lider ang ulat ko. Nililihis niya ako, at hindi ako pwedeng mahulog sa patibong ni Satanas at malinlang niya ulit.” Nang maisip ko ito, agad akong nagdasal sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bantayan ang puso ko para hindi ako malinlang ng pag-iyak niya gaya noong nakaraan. Talagang nagulat ako nang makitang napakabilis na naman niyang ipinakita ang tunay niyang pagkatao.

Makalipas lang ang ilang araw, nagbabahaginan kami ng mga katotohanan tungkol sa pagkilatis sa mga tao at ginamit niya ang pagkakataong ito para sabihing, “Hindi tayo pwedeng basta na lang tumahimik at magkamit ng kaalaman sa ating mga sarili, kailangan nating matutuhang kilatisin ag iba. Kamakailan, hinikayat tayo ng iglesia na magsulat ng mga ulat, at ilang masamang tao ang nabunyag sa prosesong iyon. Nakahanap sila ng bagay na ipaparatang sa mga lider at manggagawa, at pagkatapos ay ginamit ito para atakihin sila. Kailangan nating ilantad ang masasamang taong iyon, at lahat ng ‘mga munting langaw’ na sumusunod sa kanila. Kailangan nating panagutin ang bawat masamang tao at anticristo.” Galit na galit ako nang marinig kong sabihin niya iyon. Nalaman ko na huwad ang lahat ng diumano’y pagkakilala niya sa sarili. Hindi talaga niya kilala ang sarili niya, at ibinabalik niya ang sisi sa mga taong nagsulat ng mga ulat tungkol sa kanya. Dahil dito, naalala ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Mas gugustuhin pa ng mga anticristo na mamatay kaysa magsisi. Wala silang kahihiyan; bukod pa riyan, malulupit sila at buktot ang kanilang disposisyon, at tutol sila sa katotohanan sa sukdulan. Kaya ba ng isang taong tutol sa katotohanan na isagawa iyon, o magsisi? Imposible iyan. Ang ibig sabihin ng ganap silang tutol sa katotohanan ay hinding-hindi sila magsisisi(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem: Sa Kanila Lamang Nila Pinasusunod ang Iba, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (Unang Bahagi)). “Sabihin mo sa Akin, tinatanggap ba ng mga anticristo ang pagpupungos? Inaamin ba nila na may tiwaling disposisyon sila? (Hindi, hindi nila ito inaamin.) Hindi nila inaamin na may tiwali silang disposisyon, pero pagkatapos silang mapungusan, nagkukunwari pa rin sila na kilala nila ang kanilang sarili. Sinasabi nila na sila ay isang diyablo at isang Satanas, walang pagkatao at mahina ang kakayahan, at na hindi nila kayang lubos na isaalang-alang ang mga bagay, hindi sila angkop sa mga gawain na isinaayos ng iglesia, at hindi nila nagawa nang maayos ang mga tungkulin nila. Pagkatapos, sa harap ng karamihan ng mga tao, inaamin nila ang mga tiwaling disposisyon nila, inaamin nila na isa silang diyablo, at sa huli, sinasabi rin nila na pagpipino at pagliligtas ito ng Diyos sa kanila, ipinakikita sa mga tao kung gaano sila kahanda na tanggapin ang pagpupungos at kung gaano sila kamapagpasakop sa katotohanan. Hindi nila binabanggit kung bakit sila pinupungusan o ang pinsala at mga kawalan na idinulot ng mga kilos nila sa gawain ng iglesia. Iniiwasan nila ang mga isyung ito at nagsasalita sila ng mga salitang walang kabuluhan, mga doktrina, mga panlilinlang, at mga paliwanag para magkamali ang mga tao ng interpretasyon na hindi karapatdapat at hindi patas ang pagpupungos na natatanggap nila mula sa sambahayan ng Diyos, na parang nagdusa sila ng malaking kawalan ng katarungan. Pagkatapos nilang mapungusan, nananatiling matigas ang puso nila, hindi kinikilala kahit kaunti ang alinman sa iba’t ibang masasamang gawa nila. Kaya, ano ba ang mga salitang ito na pinagbahaginan nila tungkol sa pag-amin sa tiwaling disposisyon nila, sa pagiging handang tanggapin ang katotohanan, at sa kakayahang magpasakop sa pagpupungos? Ang mga ito ba ang mga tunay nilang damdamin? Talagang hindi. Pawang kasinungalingan, pagpapanggap, at maladiyablong salita ang mga ito na layong ilihis at akitin ang mga tao. Ano ang pakay nila sa panlilihis sa mga tao? (Para sumamba at sumunod sa kanila ang mga tao.) Mismo, ito ay para ilihis at akitin ang mga tao na sumunod at makinig sa kanila, para isipin ng lahat na tama at mabuti sila. Sa ganitong paraan, walang nakakakilatis o sumasalungat sa kanila. Sa kabaligtaran, naniniwala ang mga tao na isa silang taong tumatanggap sa katotohanan, tumatanggap sa pagpupungos, at nagsisisi. Kaya, bakit hindi nila inaamin ang masasamang gawa nila o kinikilala ang mga kawalan na idinulot nila sa gawain ng sambahayan ng Diyos? Bakit hindi nila inilalahad ang mga usaping ito para mapagbahaginan? (Kung sasabihin nila ang mga bagay na ito, makikilatis sila ng mga tao.) Kung makikilatis sila ng mga tao, makikilala silang mabuti, at makikita ang tunay nilang pagkatao at disposisyong diwa, tatalikdan sila ng mga ito. Mahuhulog pa rin ba ang mga tao sa panlalansi nila at malilihis pa ba nila ang mga ito? Patuloy pa rin ba silang bibigyan ng mataas na pagpapahalaga ng mga ito? Patuloy pa rin ba silang pupurihin nang husto ng mga ito? Patuloy pa rin ba silang sasambahin ng mga ito? Hindi gagawin ng mga tao ang alinman dito. Nagpapanggap ang mga anticristo na kilala nila ang sarili nila, pero sa realidad, panlilinlang at pagpapaliwanag ng sarili ang lahat ng ito, lahat ay para ilihis ang mga tao at himukin ang mga tao na ipagtanggol sila, na siyang natatago nilang motibo. Iniiwasan nila ang mahahalagang usapin at kaswal nilang tinatalakay ang pagkilala nila sa sarili at pagtanggap ng pagpupungos para ilihis at akitin ang mga tao, para pahalagahan at sambahin sila ng mga tao. Hindi ba’t napakabuktot ng pamamaraang ito? Talagang nalilinlang dito ang ilang tao, at pagkatapos na mailihis ng mga anticristo, sinasabi nila, ‘Ang galing magsalita ng taong iyon—labis akong naantig. Ilang beses akong naiyak!’ Sa oras na iyon, labis silang sinasamba at pinahahalagahan ng mga taong ito, pero sa huli lumalabas na anticristo pala sila; ito ang kinahihinatnan ng panlilihis at pang-aakit ng mga anticristo sa ibang tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Ekskorsus: Pagbubuod sa Katangian ng mga Anticristo at sa Kanilang Disposisyong Diwa (Ikalawang Bahagi)). Ang mga anticristo ay likas na napakamapagmataas at labis na palalo, at hindi nila kailanman tinatanggap ang katotohanan. Tutol sila rito at kinapopootan nila ito. Gaano man karaming mapapait na pagkabigo ang kanilang maranasan, tumatanggi silang magsisi o magbago. Magaling silang manlihis ng mga tao gamit ang mga ilusyon, at labis silang madaya at mapanlilang. Sa pamamagitan ng pag-unawa rito, lumago ang pagkakilala ko kay Marilyn. Noong maiulat siya, umiyak at nagsalita siya tungkol sa pagkakilala sa kanyang sarili, sinasabi niya na pagmamahal ng Diyos ang mga ulat at na pagninilayan niya ang kanyang sarili. Sinabi niyang wala siyang pagkatao at nabigo niya ang Diyos, at nangako siyang magsisisi. Humingi pa nga siya ng mas maraming komento. Pero huwad ang lahat ng iyon, pawang mga kasinungalingan iyon na naglalayong manlinlang ng mga tao. Ginamit niya ang mga pagpapakitang-tao na ito para iligaw kami, para isipin ng lahat na kaya niyang tumanggap ng pagpupungos at na kaya niyang magpasakop sa katotohanan. Pero kailanman ay hindi niya tunay na tinalakay ang mga pag-uugaling nagpapakita na isa siyang huwad na lider, tulad ng kung paanong hindi siya gumawa ng tunay na gawain, kung paano siya naging mapandikta sa kanyang tungkulin, at kung paano niya napinsala ang gawain ng iglesia. Nagsalita lang siya nang kaunti tungkol sa kawalan niya ng pagkatao, at hindi niya kailanman sinuri ang mga paraan kung saan siya nagpakita ng kawalan ng pagkatao. Hindi siya kailanman nagbahagi ng mga detalye kung paano siya nagkaroon ng kaalaman sa sarili niyang tiwaling disposisyon, at hindi siya nagpatotoo sa pagiging matuwid ng Diyos. Kaya tumingala at nakisimpatiya sa kanya ang mga tao, iniisip na mayroon siyang tayog at na tatratuhin niya nang tama ang mga nag-ulat sa kanya. Hindi talaga tunay na pagkilala sa sarili ang pakikipagbahaginan niya, gusto lang niyang iligaw ang mga tao at panatilihin ang suporta nila para mapanatili niya ang posisyon niya. Pero hindi nagtagal ang palabas na iyon. Sa sandaling nagkaroon siya ng pagkakataon, binaligtad niya ang mga taong nag-ulat sa kanya, hinuhubad ang mapagpaimbabaw, nagsisising balatkayo niya. Pinalala niya ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng hayagang pagkokondena sa amin at paghihiganti. Lubos nitong nailantad ang tunay niyang pagkatao, ang pagkamuhi niya sa katotohanan, at ang malupit niyang kalikasan. Isa siyang masamang tao na sa kanyang kalikasang diwa ay namumuhi at tutol sa katotohanan. Hindi lang siya isang huwad na lider, taglay niya ang diwa ng isang anticristo.

Pagkatapos niyon, natuklasan ko na naghahanda si Marilyn at ang grupo niya ng mga materyal para paalisin sa iglesia si Jordan, na madalas ay nagbibigay ng mga mungkahi kay Marilyn. Nang sabihin ng isa pang lider na hindi pasok si Jordan sa pamantayan para mapaalis, sinabi nila na isang huwad na lider si Marilyn at tinanggal nila siya. Nakahanap din sila ng mga dahilan para tanggalin ang dalawa pang lider ng grupo na kasama kong nag-ulat kay Marilyn. Nakaiwas lang ako sa pagkakatanggal dahil bumoto ang mga kapatid na panatilihin ako sa puwesto. Idinaos ng iglesia ang taunang halalan nito pagkatapos na pagkatapos niyon, at, sa gulat ko, lahat ng taong naiulat ay napiling muli para maging mga lider at manggagawa. Ang malalapit sa kanila, pati na ang nakababatang kapatid ni Marilyn, ay pawang nakakuha rin ng mga posisyon ng pamumuno. Medyo naguluhan ako at hindi ko maintindihan kung paanong nagkaganoon ang mga bagay-bagay. Malinaw na nagulo nila ang gawain ng iglesia, kaya papaanong nahalal ulit sila bilang mga lider at manggagawa? Nagsimula pa nga akong maghinala na katulad lang ng sekular na mundo ang iglesia, na ang lahat ay tungkol sa mga koneksyon at kapangyarihan. Nang maisip ko ito, napuno ng kadiliman ang puso ko at nawalan na ako ng gana na gawin ang tungkulin ko. Gusto ko na lang gumapang sa isang sulok kung saan walang makakikita sa akin. Nagsimula pa nga akong magduda sa pagiging matuwid ng Diyos. Halos hindi na ako nagsasalita sa mga pagtitipon at hindi na nagbabahagi ng anumang opinyon. Naging mapagbantay ako sa kahit kanino at ginagawa ko lang nang parang robot ang tungkulin ko. Minsan ay napapaisip pa ako: “Dapat din ba akong sumipsip sa kanila? Kung hihingi ako ng tawad, sasabihin kong nagkamali ako, at makikipag-ayos, baka makalimutan na nila ang tungkol sa ulat ko. Sa ganoong paraan, kahit paano, hindi ako mapaaalis sa iglesia.”

Isang araw, narinig ko ang isang pagbasa ng mga salita ng Diyos: “Kinalulugdan Ko ang mga hindi mapaghinala sa iba, at gusto Ko ang mga tumatanggap kaagad ng katotohanan; nagpapakita Ako ng labis na pagkalinga sa dalawang uri ng mga taong ito, dahil matatapat silang mga tao sa Aking paningin. Kung mapanlinlang ka, magiging malihim at mapaghinala ka sa lahat ng tao at bagay, kaya ang pananampalataya mo sa Akin ay maitatayo sa isang pundasyon ng paghihinala. Hindi Ko kailanman maaaring kilalanin ang ganitong pananampalataya. Sa kakulangan ng tunay na pananampalataya, mas lalo kang salat sa tunay na pagmamahal. At kung malamang na pagdudahan mo ang Diyos at sinasadya mong gumawa ng haka-haka tungkol sa Kanya, kung gayon walang kaduda-dudang ikaw ang pinakamapanlinlang sa lahat ng tao. Nag-iisip-isip ka kung maaaring maging katulad ng tao ang Diyos: makasalanang di-mapapatawad, mababaw ang pagkatao, salat sa pagiging makatarungan at katwiran, walang pagkaunawa sa katarungan, mahilig sa mapanirang mga kaparaanan, taksil at tuso, nalulugod sa kasamaan at kadiliman, at iba pa. Hindi ba’t ang dahilan kaya may ganitong kaisipan ang mga tao ay sapagkat wala sila ni bahagyang kaalaman sa Diyos? Kasalanan talaga ang ganitong uri ng pananampalataya! Mayroon pa ngang ibang naniniwala na ang mga nagbibigay-lugod sa Akin ay ang mga nambobola at sumisipsip, at hindi tatanggapin sa tahanan ng Diyos at mawawalan ng lugar doon ang mga walang kasanayan sa ganoong mga bagay. Ito lamang ba ang tanging kaalamang nakuha ninyo pagkatapos ng maraming taon? Ito ba ang nakamit ninyo? At hindi tumitigil sa mga maling pagkaunawang ito ang kaalaman ninyo sa Akin; mas malala pa ay ang kalapastanganan ninyo sa Espiritu ng Diyos at pinagmumukha ninyong masama sa Langit. Ito ang dahilan kaya sinasabi Kong magdudulot lamang ng lalong paglayo ninyo sa Akin at higit pang pagsalungat sa Akin ang pananampalatayang tulad ng sa inyo. Sa loob ng maraming taon ng gawain, marami na kayong nakitang katotohanan, ngunit alam ba ninyo kung ano ang narinig ng Aking mga tainga? Ilan sa inyo ang handang tanggapin ang katotohanan? Naniniwala kayong lahat na handa kayong bayaran ang halaga ng katotohanan, ngunit ilan sa inyo ang tunay na nagdusa para sa katotohanan? Walang iba kundi pagiging hindi matuwid ang nasa mga puso ninyo, na nagpapaisip sa inyo na ang lahat, maging sino man sila, ay parehong mapanlinlang at buktot—hanggang sa puntong naniniwala pa nga kayo na ang Diyos na nagkatawang-tao, tulad ng karaniwang tao, ay maaaring walang mabuting puso o mapagmalasakit na pagmamahal. Higit pa riyan, naniniwala kayo na sa Diyos na nasa langit lamang umiiral ang isang marangal na katangian at isang mahabagin at mapagmalasakit na kalikasan. Naniniwala kayong walang santong tulad nito, na tanging kadiliman at kasamaan ang naghahari sa lupa, samantalang ang Diyos ay isang bagay na pinaglalagakan ng mga tao ng kanilang pananabik sa mabuti at maganda, isang maalamat na nilalang na gawa-gawa lamang nila. … Tinitingnan ninyo ang lahat ng gawa ni Cristo mula sa pananaw ng mga hindi matuwid at sinusuri ang lahat ng Kanyang gawain, gayundin ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa, mula sa pananaw ng masama. Nakagawa kayo ng matinding pagkakamali at nagawa ninyo ang hindi pa kailanman nagagawa ng mga nauna sa inyo. Ibig sabihin, pinaglilingkuran lamang ninyo ang dakilang Diyos na nasa langit na may korona sa Kanyang ulo, at hindi kayo kailanman nagsisilbi sa Diyos na itinuturing ninyo na napakahamak kaya hindi ninyo Siya nakikita. Hindi ba’t ito ay inyong kasalanan? Hindi ba ito isang karaniwang halimbawa ng pagkakasala ninyo laban sa disposisyon ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mababatid ang Diyos na Nasa Lupa). Nang marinig ko ang paghatol ng Diyos, labis akong nahiya. Nang mangyari ang mga bagay-bagay na hindi nakaayon sa mga kuru-kuro ko, hindi ko hinanap ang katotohanan, sa halip ay pinagdudahan ko ang pagiging matuwid ng Diyos. Naghinala ako na pinoprotektahan ng mga makapangyarihan ang isa’t isa at na naghahari ang kadiliman sa sambahayan ng Diyos. Hindi ba’t pinaghihinalaan ko na minamahal ng Diyos ang kasamaan at kadiliman, na tulad lang ng mga tao? Isa iyong katawa-tawang paraan ng pagtingin sa mga bagay-bagay! Ang Diyos ay banal at matuwid, at katotohanan at katuwiran ang naghahari sa Kanyang sambahayan. Kahit na masunod ang mga huwad na lider at anticristo sa iglesia sa loob ng ilang panahon, at maligaw at makontrol nila ang ilang tao, hinding-hindi sila magiging matatag dito—ilalantad at ititiwalag sila ng Diyos sa huli. Pinahihintulutan ng Diyos na lumitaw ang mga taong iyon sa iglesia upang magkaroon ang mga hinirang Niyang tao ng tunay na pagkakilatis at makita nila ang masamang mukha ng laban-sa-Diyos na si Satanas sa pamamagitan ng mga ito, at pagkatapos ay itakwil ang mga ito at makalaya sa panlilihis at kontrol ng mga ito. Iyon ang karunungan ng gawain ng Diyos. Pero nang makita kong nakokontrol ang iglesia ng mga huwad na lider at anticristo at kung paano nila pinarurusahan at sinusupil ang iba, naging maingat at mapagbantay ako, natatakot na susupilin din nila ako. Masyado akong natatakot na makipag-usap sa mga kapatid, takot na takot na mali ang masasabi ko at mabigyan ang mga anticristo ng magagamit laban sa akin, at pagkatapos ay matatanggal o mapatatalsik ako. Upang maprotektahan ang sarili ko, naisipan ko pa ngang gumamit ng sekular na pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo at sumipsip sa kanila. Napakaduwag ko at wala talaga akong paninindigan. Itinatanggi ko ang pagiging matuwid ng Diyos, tumatangging maniwala na si Cristo at ang katotohanan ang naghahari sa sambahayan Niya. Tumagos sa puso ko ang partikular na mga salita ng Diyos na ito: “At hindi tumitigil sa mga maling pagkaunawang ito ang kaalaman ninyo sa Akin; mas malala pa ay ang kalapastanganan ninyo sa Espiritu ng Diyos at pinagmumukha ninyong masama sa Langit. Ito ang dahilan kaya sinasabi Kong magdudulot lamang ng lalong paglayo ninyo sa Akin at higit pang pagsalungat sa Akin ang pananampalatayang tulad ng sa inyo.” Nilalapastangan at sinisiraan ko ang Diyos gamit ang mga katawa-tawa kong pananaw. Wala akong anumang tunay na pag-unawa sa Diyos sa aking pananalig. Matapos akong supilin ng mga huwad na lider at anticristo na iyon, hindi ko talaga hinanap ang katotohanan para magkaroon ako ng pagkilatis o manindigan at lumaban sa masasamang puwersa ng mga anticristo, sa halip ay pinagdudahan ko ang pagiging matuwid ng sambahayan ng Diyos. Ang sama ko naman! Makalilitaw lang ang mga huwad na lider at anticristo sa iglesia nang may pahintulot ng Diyos. Ginagamit Niya sila para magsaayos ng totoong aral para sa atin, upang mahanap natin ang katotohanan at magkamit tayo ng pagkilatis. Kinailangan kong hanapin ang katotohanan at matutuhan ang aral ko sa pamamagitan ng kapaligirang ito. Nang mapagtanto ko ito, lumuhod ako at nagdasal sa Diyos. Sabi ko, “Diyos ko, gusto kong magsisi sa Iyo. Pakiusap, bigyan Mo ako ng pananalig. Anumang uri ng sitwasyon ang haharapin ko pagkatapos nito, aasa ako sa Iyo para malagpasan iyon.” Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng panalangin ko.

Isang araw, sinabi sa akin ng nakababatang kapatid ni Marilyn na iniulat ako ng ilang kapatid, at kailangan nila akong pansamantalang suspendihin sa aking tungkulin. Hindi niya sinabi kung ano ang dahilan ng pag-uulat sa akin, sinabihan lang niya ako na pagnilayan ang sarili ko. Sinabi rin niya na kung magtatanong ang kahit sino kung bakit ako natanggal, hindi ako puwedeng magsabi ng kahit ano. Ang lahat ng ito ay nangyari nang biglaan, at masyado akong nagulumihanan. Lubos akong nabigla at nablangko ang isip ko. Umuwi ako at naupo roon nang lutang, isip nang isip. Patatalsikin ba nila ako sa iglesia? Nang paalisin nila si Jordan, ginamit muna nila ang katandaan niya bilang dahilan para patigilin siya sa paggawa ng tungkulin niya, tapos ay kinalap nila ang mga materyal na kinakailangan para paalisin siya. Wala akong ideya kung ano ang gagawin ko kung gagamitin din nila ang taktikang iyon sa akin. Takot na takot ako. Minsan ay mas positibo ang pagtingin ko rito, iniisip ko na baka mayroon nga talagang nag-ulat sa akin, at na pagkatapos ng imbestigasyon nila, baka pahintulutan nila ako na muling makipagtipon at gumawa ng tungkulin. Nagpapalipat-lipat ako sa pagitan ng pagiging positibo at negatibo. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko. Miserable ako, at napakabigat ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano malalagpasan ang sitwasyong iyon at pinagdududahan ko na naman ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Dali-dali akong nagdasal, hinihiling sa Diyos na bantayan ako para hindi mawala ang pananalig ko sa Kanya o hindi ko pagdudahan ang gawain Niya. Alam kong pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ito sa akin, at na magiging kapaki-pakinabang ito sa aking buhay. Gusto kong kumalma at tunay na hanapin ang katotohanan. Sa panahong iyon, marami akong binasa na mga salita ng Diyos tungkol sa pag-unawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at pagdaan sa mga pagsubok, at napagtanto ko na pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ang lahat ng ito. Gaano man kalupit ang isang anticristo o ang isang masamang tao, wala siyang anumang magagawa sa akin nang walang pahintulot ng Diyos. Hindi ko masabi kung ano ang gagawin ng mga huwad na lider at anticristo na iyon, pero dapat akong matutong maghintay at maghanap, at sa pinakamababa, hindi ko dapat sisihin ang Diyos o pahintulutan si Satanas na tuyain ako. Kahit pa patalsikin nga talaga nila ako, hindi ko puwedeng isuko ang pananampalataya ko, at kailangan ko pa ring gawin ang tungkulin ko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ebanghelyo. Pakiramdam ko ay hindi na ako masyadong mahina at takot nang isipin ko iyon sa ganoong paraan.

Pagkalipas ng mga dalawang linggo, sinabihan ako ng nakababatang kapatid ni Marilyn na magsulat ng pagsusuri kay Sister Jenn, na kasama kong nag-ulat kay Marilyn. Napagtanto ko na malamang ay naghahanda sila ng mga materyal para patalsikin si Sister Jenn sa iglesia, kaya kalmado akong detalyadong nagbalik-tanaw tungkol sa lahat ng nangyari, at lahat ng bagay na ginawa ni Marilyn at ng iba. Pakiramdam ko ay mas may pagkilatis na ako sa kanila. Nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Ano ang pangunahing layunin ng isang anticristo kapag binabatikos at inihihiwalay niya ang isang hindi sumasang-ayon? Hangad niyang gumawa ng sitwasyon sa iglesia kung saan walang tinig na kokontra sa kanya, kung saan ang kanyang kapangyarihan, ang kanyang pagka-lider, at ang lahat ng kanyang mga salita ang siya lamang masusunod. Dapat siyang pakinggan ng lahat, at kahit may pagkakaiba sila ng opinyon, hindi nila dapat ipahayag iyon, kundi hayaan iyong mabulok sa kanilang puso. Lahat ng nangangahas na hayagang sumalungat sa kanya ay nagiging kaaway ng anticristong iyon, at iisip siya ng anumang paraan para mapahirap niya ang mga bagay-bagay para sa kanila, at hindi siya makapaghintay na mapaalis sila. Ito ang isa sa mga paraan ng pagbatikos at paghihiwalay ng mga anticristo sa isang hindi sumasang-ayon para mapatatag ang kanilang katayuan at maprotektahan ang kanilang kapangyarihan. Iniisip nila, ‘Mabuti para sa iyo na magkaroon ng ibang mga opinyon, subalit hindi ka maaaring mag-ikut-ikot na nagsasalita tungkol sa mga ito gaya ng gusto mo, at lalong huwag mong ikompromiso ang aking kapangyarihan at katayuan. Kung mayroon kang bagay na sasabihin, maaari mo itong sabihin sa akin nang sarilinan. Kung sasabihin mo ito sa harapan ng lahat at mapahiya ako, nagmimitsa ka ng gulo, at kakailanganin kong harapin ka!’ Anong uri ng disposisyon ito? Hindi pinahihintulutan ng mga anticristo ang iba na malayang makapagsalita. Kung mayroon silang opinyon—tungkol man ito sa anticristo o sa anumang bagay—hindi nila ito pwedeng basta-basta na lang na sabihin; kailangan nilang isaalang-alang ang reputasyon ng anticristo. Kung hindi, ituturing silang kaaway ng anticristo, at babatikusin at ihihiwalay sila. Anong uri ng kalikasan ito? Ito ang kalikasan ng isang anticristo. At bakit nila ginagawa ito? Hindi nila hinahayaan ang iglesia na magkaroon ng anumang mga alternatibong opinyon, hindi nila pinapayagan ang sinumang hindi sumasang-ayon sa kanila sa loob ng iglesia, hindi nila hinahayaan ang mga taong hinirang ng Diyos na hayagang ibahagi ang katotohanan at kilatisin ang mga tao. Ang labis nilang kinatatakutan ay ang malantad at makilatis ng mga tao; palagi nilang sinisikap na patatagin ang kanilang kapangyarihan at ang katayuan nila sa puso ng mga tao, na sa pakiramdam nila ay hindi dapat mayanig. Hinding-hindi nila maaaring palampasin ang anumang nagbabanta o nakakaapekto sa kanilang pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, o katayuan at halaga bilang isang lider. Hindi ba’t pagpapamalas ito ng mapaminsalang kalikasan ng mga anticristo? Dahil hindi sila kuntento sa kapangyarihang taglay na nila, pinalalakas at pinatitibay nila ito at hinahangad nila ang walang hanggang pananakop. Hindi lamang nila gustong kontrolin ang pag-uugali ng iba, kundi maging ang puso ng mga ito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Aytem: Binabatikos at Inihihiwalay Nila ang mga Hindi Sumasang-ayon). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na upang mapatibay ang kanilang kapangyarihan at posisyon sa iglesia, susupilin at parurusahan ng mga anticristo ang sinumang hindi sumasang-ayon sa kanila o nag-uulat sa kanila. Hindi ba’t katulad na katulad ni Marilyn at ng kanyang grupo ang mga anticristo na inilarawan ng Diyos? Nang makita sila nang malinaw at iulat ng ilang kapatid, naghanap ang grupo ni Marilyn ng kung anong magagamit laban sa kanila at pinatanggal sila. Sinubaybayan nila ang lahat ng may pagkilatis sa kanila, at kinondena at pinatalsik ang sinumang lumalaban sa kanila. Isinaayos pa nga nila na tumanggap ng mga posisyon bilang mga lider at manggagawa ang mga kamag-anak at mga taong pinahahalagahan nila. Nagsama-sama na sila para bumuo ng isang paksyon. Mas masahol pa ang mga bagay-bagay kaysa noong isinulat namin ang ulat na iyon—isa silang tunay na grupo ng mga anticristo! Kung hindi ko iuulat ang masasama nilang gawa, hindi lang magdurusa ang gawain ng iglesia, kundi mapipinsala ang lahat ng kapatid sa iglesia. Pero natakot ako nang maisip kong iuulat ko na naman sila. Naisip ko, “Lahat sila ay may mga posisyon ng pamumuno, at natanggal at nasuspinde na ako sa pagdalo sa mga pagtitipon. Kung iuulat ko ulit sila, paniniwalaan ba ako ng iba? Kung mapapasakamay na naman nila ang ulat ko tulad ng dati, maliban sa wala itong mabuting ibubunga, baka patalsikin pa nga nila ako sa iglesia. Magiging katapusan ko na iyon!” Kinilabutan ako nang maisip kong mapapatalsik ako. Pero pagkatapos ay naisip ko kung paanong malubha na nilang nagambala ang gawain ng iglesia, at na walang habas pa rin nilang sinusupil at pinaparusahan ang mga kapatid. Kung masyado akong matatakot sa kanila para magsulat ng ulat, at hahayaan ko silang maging walang pakundangan, malay natin kung ilan pang kapatid ang magdurusa. Magiging isa iyong mabigat na pagsalangsang sa harap ng Diyos at tiyak na kasusuklaman at tatalikuran Niya ako. Halos hindi ako makakain o makatulog sa loob ng ilang araw na iyon. Kalaunan, tinawagan ako ni Brother Max at tinanong kung ano ang eksaktong isinulat namin sa ulat namin, at kung ano na ang palagay ko sa sitwasyon ngayon. Sabi ko, “Hintayin at tingnan na lang natin.” Tumugon siya, “Sa palagay mo ba ay talagang titigilan ka na ni Marilyn kung hindi ka maninindigan at hindi mo siya iuulat ngayon? Hindi ito isang personal na usapin, sangkot dito ang gawain ng iglesia. Pag-isipan mo ito.” Pagkababa ng telepono, hindi maalis sa isip ko ang sinabi niya. Pakiramdam ko ay hindi talaga ako makahinga at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Sa isang sandali, gusto kong lumaban at magsulat ng panibagong ulat, at sa susunod na sandali, maiisip ko ang kinabukasan at kapalaran ko, at mag-aalala na mapapatalsik ako at maaaring matapos na ang aking buhay ng pananalig. Talagang balisa ang kalagayan ko. Tapos ay nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katinding mga damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ng tao ang lason ni Satanas. Ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Nang mapag-isipan ko iyon, nakita ko na paulit-ulit kong pinrotektahan ang sarili ko at hindi ako naglakas-loob na iulat si Marilyn dahil namumuhay ako ayon sa mga satanikong lason na tulad ng: “Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril,” “Ang matitinong tao ay mahusay sa pag-iingat sa sarili, tanging hangad nila ay hindi magkamali,” “Hayaan lang ang mga bagay-bagay kung hindi naman personal na nakakaapekto ang mga ito sa iyo,” at “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.” Malalim na natanim sa aking mga buto at dugo ang mga satanikong lason na iyon; sarili ko lang ang iniisip ko sa lahat ng sinasabi at ginagawa ko, at napakamakasarili at mapanlinlang ko. Noong bago pa ako maging mananampalataya, kailanman ay hindi ko ginustong makagawa ng anumang makapagpapasama ng loob ng isang tao, sa trabaho man o sa aking personal na buhay. Kahit pagkatapos kong umanib sa iglesia, ipinagpatuloy ko ang pamumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiyang ito, pinoprotektahan ang sarili ko sa bawat pagkakataon sa halip na isagawa ang katotohanan. Alam ko nang si Marilyn at ang iba ay isang grupo ng mga anticristo at na dapat akong pumanig sa Diyos at iulat sila. Gayunman, inisip ko lang ang sarili kong kinabukasan at kapalaran, nang hindi isinasaalang-alang ang gawain ng iglesia o ang buhay ng mga kapatid. Paano iyon naging pagpapatotoo sa Diyos? Gumagawa ako ng masama!

Kalaunan, sinimulan kong pag-isipan kung bakit takot na takot ako sa kanila. Sila ba ang makapagpapasya ng kapalaran ko? Hindi ba’t lubos na nasa mga kamay ng Diyos ang aking kinabukasan at kapalaran? Hindi ba’t kahangalan na masyado akong matakot sa masasamang puwersa ng mga anticristo? Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang poot ay isang simbolo na ang lahat ng puwersa ng kabuktutan ay titigil sa pag-iral; isa itong simbolo na ang lahat ng kalabang puwersa ay wawasakin. Ito ang pagiging natatangi ng matuwid na disposisyon ng Diyos at ng Kanyang poot. Kapag hinahamon ang dangal at kabanalan ng Diyos, kapag ang mga makatarungang puwersa ay hinahadlangan at hindi nakikita ng tao, ipadadala ng Diyos ang Kanyang poot. Dahil sa diwa ng Diyos, lahat ng puwersang iyon sa mundo na kumakalaban sa Diyos, sumasalungat at nakikipagtalo sa Kanya ay buktot, tiwali at hindi makatarungan; ang mga ito ay nagmumula kay Satanas at nabibilang kay Satanas. Dahil makatarungan ang Diyos, at Siya ay liwanag at banal na walang-dungis, lahat ng bagay na buktot, tiwali at kay Satanas ay maglalaho kapag pinakawalan na ang poot ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). Ang sambahayan ng Diyos ay hindi katulad ng sekular na mundo—ito ay pinaghaharian ng Diyos. Siya ang katotohanan at Siya ay matuwid, Siya ang simbolo ng lahat ng maliwanag, mabuti at maganda. Walang madidilim at masasamang puwersa ni Satanas tulad ng mga anticristo at masasamang tao ang magiging matatag dito, silang lahat ay masusumpa at maparurusahan ng Diyos. Walang dahilan para labis akong matakot at mag-alala. Nasa mga kamay rin ng Diyos ang mga huwad na lider at anticristo. Kahit pa talagang patalsikin nila ako, isa itong bagay na kailangan kong maranasan. Alam kong hindi na ako puwedeng matakot sa kanila, kailangan kong isagawa ang katotohanan, manindigan, at iulat sila. Kaya tinawagan ko si Jenn para talakayin ang pagsulat ng ulat kasama siya, at sinabi niya sa akin na sa mismong sandaling iyon ay nangangalap si Marilyn at ang grupo nito ng mga materyal para mapatalsik ako. Alam ko na na malamang na maghahanap sila ng paraan para mapatalsik ako, pero labis na nakabibigla na aktuwal na marinig iyon kaya’t pinagpawisan ako nang malamig. Pagkatapos ng tawag na iyon, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung walang sinuman sa isang iglesia ang handang magsagawa ng katotohanan at walang sinumang nagagawang tumindig sa kanilang patotoo sa Diyos, dapat ay ihiwalay nang lubusan ang iglesiang iyon, at kailangang putulin ang mga koneksyon nito sa ibang mga iglesia. Tinatawag itong ‘paglilibing sa kamatayan’; ito ang ibig sabihin ng pagtataboy kay Satanas. Kung may ilang lokal na maton sa isang iglesia, at sinusundan sila ng ‘maliliit na langaw’ na lubos na hindi makaintindi, at kung ang mga tao sa gayong iglesia, kahit nakita na nila ang katotohanan, ay wala pa ring kakayahang tanggihan ang mga gapos at manipulasyon ng mga maton na ito, lahat ng hangal na iyon ay ititiwalag sa huli. Maaaring walang nagawang kakila-kilabot ang maliliit na langaw na ito, ngunit mas mapanlinlang pa sila, mas tuso at mahusay umiwas, at lahat ng kagaya nito ay lilipulin. Wala ni isang matitira! Yaong mga nabibilang kay Satanas ay ibabalik kay Satanas, samantalang yaong nabibilang sa Diyos ay tiyak na hahanapin ang katotohanan; ipinapasya ito ng kanilang mga likas na pagkatao. Hayaang mapahamak ang lahat ng sumusunod kay Satanas! Walang habag na ipapakita sa gayong mga tao. Hayaan yaong mga naghahanap sa katotohanan na matustusan, at nawa ay masiyahan sila sa salita ng Diyos hangga’t nais nila. Ang Diyos ay matuwid; hindi Siya magpapakita ng paboritismo kaninuman. Kung ikaw ay isang diyablo, wala kang kakayahang magsagawa ng katotohanan; kung ikaw ay isang taong naghahanap sa katotohanan, tiyak na hindi ka mabibihag ni Satanas. Walang kaduda-duda iyan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naramdaman ko talaga ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapalampas ng anumang paglabag ng tao. Hindi pahihintulutan ng Diyos na gambalain ng mga huwad na lider at anticristo ang gawain ng Diyos o pinsalain ang Kanyang hinirang na mga tao. Namumuhi ang Diyos sa mga hindi nagsasagawa ng katotohanan o nagtataguyod sa gawain ng iglesia kapag lumilitaw ang mga huwad na lider at anticristo. Kung hindi magsisisi ang mga taong iyon, tiyak na matitiwalag at maparurusahan sila. Kung mabibigo akong isagawa ang katotohanan kapag nahaharap sa grupo ni Marilyn na mga huwad na lider at anticristo, at hindi nanindigan para iulat sila, hindi ba’t ibig sabihin niyon na pumapanig ako kay Satanas at hinahayaan silang gambalain ang gawain ng iglesia? Kung ganoon ay magiging kabahagi rin ako ng kasamaan nila! Tinatamasa ko ang katotohanang ipinagkaloob ng Diyos sa atin at kinakain at iniinom ko ang tinustos Niya sa akin, pero noong ang mga anticristo ay walang habas na ginagambala ang gawain ng iglesia at sinusupil ang hinirang na mga tao ng Diyos, hindi ko pinrotektahan ang gawain ng iglesia. Pumapanig ako sa kaaway. Isa iyong matinding pagkakanulo sa Diyos, at isang bagay na kinokondena Niya. Gaya nga ng sinabi ng Diyos: “Hayaang mapahamak ang lahat ng sumusunod kay Satanas!” Noon lang ako tunay na natakot. Kung hindi ako magsisisi, kahit pa hindi ako mapatalsik, makokondena at matitiwalag ako kasama ng mga huwad na lider at anticristo. Nang mapagtanto ko ito, lumapit ako sa Diyos para magdasal. Sabi ko, “O Diyos, gusto kong magsisi sa Iyo, at itigil ang pagiging masyadong maingat at pagpoprotekta sa sarili ko. Gusto kong isagawa ang katotohanan, at hindi mapigilan ng madidilim na puwersa ni Satanas. Gusto kong manindigan at protektahan ang gawain ng iglesia. Alam kong kailangan kong iulat ang mga anticristong iyon, at isulat ang lahat ng nalalaman ko, kahit pa sa huli ay mapatalsik ako.” Pagkatapos niyon, tinulungan ako ng isa pang sister na direktang ihatid ang ulat ko sa isang nakatataas na lider. Nagsagawa ng isang imbestigasyon, at natukoy na si Marilyn at ang iba ay mga anticristo at nasuspinde sila sa kanilang mga tungkulin. Hindi sila sumuko pagkatapos niyon at lihim na nagsabwatan para gumawa ng desperadong huling pag-atake. Sinubukan nilang ilihis ang mga kapatid para pagtakpan ng mga ito ang ebidensya ng kanilang kasamaan, at minanmanan pa nga ang sister na humawak ng ulat tungkol sa kanila. Sa huli ay napatalsik ang buong grupo ng mga anticristo mula sa iglesia at ang mga kapatid na nasupil at nakondena ay muling nakapamuhay ng normal na buhay-iglesia at nagawa ang kanilang mga tungkulin.

Sa lahat ng ito, tunay kong nadama ang matuwid at hindi malalabag na disposisyon ng Diyos, at nakita ko na pinaghaharian ng katotohanan, ng Diyos, at ng pagiging matuwid ang sambahayan ng Diyos. Gaano man kalupit si Satanas o gaano man ito kamakapangyarihang tingnan, isa lang din itong kasangkapan na ginagamit ng Diyos para gawing perpekto ang Kanyang hinirang na mga tao. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Palagi nating sinasabi kung gaano kabuktot, kalupit, at kamapanira si Satanas, na tutol at namumuhi si Satanas sa katotohanan, pero nakikita mo ba ito? Nakikita mo ba kung ano ang ginagawa ni Satanas sa espirituwal na mundo? Kung paano ito nagsasalita at kumikilos, kung ano ang saloobin nito sa katotohanan at sa Diyos, kung saan nakalagak ang kabuktutan nito—hindi mo nakikita ang anuman sa mga bagay na ito. Kaya, paano man namin sabihin na buktot si Satanas, na nilalabanan nito ang Diyos, at na tutol ito sa katotohanan, sa iyong isipan, isa lamang itong pahayag. Wala itong tunay na larawan. Napakahungkag nito, at hindi ito praktikal; hindi ito maaaring magsilbing isang praktikal na sanggunian. Ngunit kapag nakaugnayan ng isang tao ang isang anticristo, nakikita niya nang medyo mas malinaw ang buktot at malupit na disposisyon ni Satanas, at ang diwa nito na tutol sa katotohanan, at ang pagkaunawa niya kay Satanas ay medyo mas matalas at praktikal. Kung wala ang mga tunay na tao at halimbawang ito na nakakasalamuha at nakikita ng mga tao, ang kanilang di-umano’y pagkaunawa sa katotohanan ay magiging malabo, hungkag, at hindi praktikal. Ngunit kapag tunay na nakakaugnayan ng mga tao ang mga anticristo at masasamang taong ito, nakikita nila kung paano gumagawa ng masama at lumalaban sa Diyos ang mga ito, at natutukoy nila ang kalikasang diwa ni Satanas. Nakikita nila na ang masasamang tao at anticristong ito ay si Satanas na nagkatawang-tao—na ang mga ito ang mga buhay na Satanas, ang mga buhay na diyablo. Maaaring magkaroon ng gayong epekto ang pakikipag-ugnayan sa mga anticristo at masasamang tao. Kapag nagkatawang-tao si Satanas bilang isang masamang tao o anticristo, napakalaki ng kakayahan ng katawang laman nito, pero kaya pa rin nitong gumawa ng napakaraming masamang bagay, at magdulot ng napakaraming problema, at maging napakabuktot at mapanira sa asal at gawa. Samakatwid, ang kasamaang ginagawa ni Satanas sa espirituwal na mundo ay tiyak na higit na mas masahol nang isang daan o isang libong beses kaysa sa kabuuan ng mga nagawa ng lahat ng masamang tao at anticristo na namumuhay sa laman. Kaya, ang mga aral na natututunan ng mga tao sa pakikisalamuha sa masasamang tao at mga anticristo ay malaking tulong sa kanila na magkaroon ng pagkilatis at malinaw na makita ang mukha ni Satanas. Dahil dito, natututo ang mga tao na kumilatis kung anong mga bagay ang positibo at kung anong mga bagay ang negatibo, kung ano ang kinasusuklaman ng Diyos at kung ano ang kaaya-aya para sa Kanya, kung ano ang katotohanan at kung ano ang maling paniniwala, kung ano ang katarungan at kung ano ang kabuktutan, kung ano mismo ang kinamumuhian ng Diyos at kung ano mismo ang minamahal Niya, kung sino ang mga taong itinatakwil at itinitiwalag ng Diyos, at kung sino ang mga sinasang-ayunan at nakakamit Niya. Walang saysay na subukang intindihin ang mga katanungang ito sa pamamagitan lamang ng mga doktrina. Dapat maranasan ng isang tao ang maraming bagay, lalo na ang panlilihis at panggugulo ng masasamang tao at mga anticristo. Kapag nagkaroon ng tunay na pagkilatis ang isang tao, saka lang siya makakaunawa sa maraming katotohanan at magkakaroon ng mas malalim at praktikal na pagkaunawa sa kung ano ang hinihingi ng Diyos at kung ano ang nais Niyang makamit. Hindi ba’t humahantong ito sa mas malalim na pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos? Dahil dito, hindi ba’t mas makatitiyak ka na ang Diyos ang katotohanan at ang Siyang pinakakaibig-ibig? (Oo.) Tinuturuan ng Diyos ang mga tao ng mga aral at ng pagkilatis habang dinaranas nila ang mga bagay-bagay, at tiyak na sinasanay rin Niya ang mga tao habang ibinubunyag ang iba’t ibang uri ng tao. Kapag nakakatagpo ng ilang tao ang isang masamang tao o isang anticristo, hindi sila naglalakas-loob na ilantad o tukuyin ito, at hindi sila naglalakas-loob na makipag-ugnayan dito. Natatakot sila, at sinusubukan na lang nilang iwasan ang taong ito, na parang nakakita sila ng makamandag na ahas. Masyadong mahina ang loob ng mga gayong tao para matuto ng mga aral, at hindi sila magkakaroon ng pagkilatis. Kapag nakakatagpo ang ilang tao ng isang masamang tao o isang anticristo, hindi nila binibigyang-pansin ang pagkatuto ng mga aral o pagkakaroon ng pagkilatis; pinapairal nila ang init ng ulo nila sa pakikitungo nila sa masamang tao o anticristo, at kapag dumating ang oras para ilantad at tukuyin ang isang anticristo, wala silang silbi at wala silang magawang anumang praktikal na bagay. Nakikita ng ilang tao na gumagawa ng malaking kasamaan ang isang anticristo, at nakakaramdam sila ng pagtutol dito sa puso nila, pero pakiramdam nila ay wala talaga silang magagawa tungkol dito, na hindi sila puwedeng makialam. Dahil dito, arbitraryo silang pinaglalaruan ng anticristo, at patuloy nila itong tinitiis at tinatanggap na lamang nila ang sitwasyon. Pinahihintulutan nila ang anticristo na kumilos nang walang ingat at guluhin ang gawain ng iglesia, at hindi nila ito inuulat o inilalantad. Nabigo sila sa responsabilidad at tungkulin nila bilang mga tao. Sa madaling salita, kapag ang masasamang tao at mga anticristo ay gumagawa ng kaguluhan at kumikilos ayon sa gusto nila, ibinubunyag nito ang iba’t ibang uri ng tao, at siyempre, nagiging pagsasanay rin ito para sa mga taong naghahangad sa katotohanan at may pagpapahalaga sa katarungan, binibigyang-kakayahan silang lumago sa pagkilatis at kabatiran, may matutunan, at maunawaan ang mga layunin ng Diyos mula rito. Aling mga layunin ng Diyos ang naunawaan na nila? Ipinakita sa kanila na hindi inililigtas ng Diyos ang mga anticristo, kundi ginagamit lamang ng Diyos ang mga anticristo para magserbisyo, at na kapag natapos na ang mga anticristo sa pagseserbisyo, ibinubunyag at itinitiwalag sila ng Diyos, at pinarurusahan sila sa huli, sapagkat sila ay masasamang tao at kay Satanas. Ang inililigtas ng Diyos ay isang grupo ng mga tao na, sa kabila ng mga tiwaling disposisyon nila, ay nagmamahal sa mga positibong bagay, at kumikilala na ang Diyos ang katotohanan, at nagpapasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos, at na, pagkatapos makagawa ng pagsalangsang ay nagagawang tunay na magsisi. Kayang tanggapin ng mga taong ito ang mapungusan, mahatulan at makastigo, at higit pa rito, nagagawa nila itong harapin nang tama kapag inilalantad sila o kapag tinutukoy ng ibang tao ang mga isyu nila. Ang mga taong kayang tumanggap nito at magpasakop dito, at matuto mula rito, paano man gumagawa ang Diyos—ito ang grupo ng mga taong tunay na sumusunod sa Diyos, dumaranas ng Kanyang gawain, at nakakamit Niya(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). Sa pamamagitan ng panunupil sa akin ng mga anticristong iyon, talagang nakita ko kung gaano sila likas na kasama at kalupit. Kokondenahin at patatalsikin nila ang sinumang may pagkilatis sa kanila, o hindi nakikinig sa kanila, nag-uulat sa kanila, o nagiging banta sa posisyon nila. Higit pa roon, wala talaga silang anumang konsensiya o katwiran. Gaano man karaming kasamaan ang gawin nila o gaano man karaming tao ang supilin nila, gaano karaming beses man silang pungusan at ilantad, wala silang ni katiting na pagkakonsensiya o pagsisisi. Nakita kong ang mga anticristo ay tutol at namumuhi sa katotohanan sa kanilang diwa. Mga kaaway sila ng Diyos, mga reinkarnasyon ng demonyo sa lupa. Personal ko ring naranasan na kung matatakot ka sa kapangyarihan nila at hindi maglalakas-loob na ilantad at iulat sila, sa huli ay masusupil, maparurusahan, at masasaktan ka lang. Kailangan mong pumanig sa Diyos at gamitin ang Kanyang mga salita at ang katotohanan para labanan sila. Kailangan mo silang iulat at itakwil at itaboy palabas ng iglesia. Iyon lang ang paraan para matakasan ang kapangyarihan at kontrol nila, at magtagumpay laban kay Satanas. Ganap na dahil sa mga salita ng Diyos kaya nakamit ko ang lahat ng ito! Salamat sa Diyos!

Sinundan: 12. Dalawang Dekada ng Paghihirap

Sumunod: 14. Mga Pagninilay sa Pagsunod sa Isang Tao Habang Nananalig sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito