55. Ang Realidad sa Likod ng mga Mahilig Magpalugod ng mga Tao

Ni Su Jie, Tsina

Noong Oktubre 2020, hinirang akong mangasiwa sa paggawa ng video kasama ni Wang Li, na nakatrabaho ko na dati. Alam kong medyo iniisip niya palagi ang kanyang reputasyon at katayuan, at na ilalaglag niya ang sinumang nagpasama ng loob niya. Pero nagkasundo naman kami, nang walang anumang malalaking gusot. Kalaunan, natuklasan ko na hindi niya nagustuhan ang isa sa mga sister sa grupo na si Xin Cheng. Nang magsimulang magkuwento sa akin si Wang Li tungkol sa kalagayan ng lahat ng tao sa grupo, pagalit niyang sinabing, “Hindi mabuti ang pagkatao ni Xin Cheng at napakayabang niya. Kapag binibigyan ko siya ng mga mungkahi, hindi lang niya tinatanggihang tanggapin ang mga ito, kundi sa halip ay nagsisimula pang banggitin ang mga problema ko. Hindi siya nakakatulong sa grupo. Nakasulat na ako sa lider tungkol sa mga problema niya at nangalap na ako ng mga ebalwasyon mula sa iba, naghahanda na kaming tanggalin siya.” Binasa ko ang mga ebalwasyon, at sinabi ng halos lahat ng kapatid na may talento si Xin Cheng sa kanyang tungkulin at may mahusay na kakayahan, pero medyo mayabang ang kanyang disposisyon. Sinabi nila na kung minsan ay kumakapit siya sa sarili niyang opinyon kapag tinatalakay nila ang gawain, pero kung magbabahagi ka sa kanya nang malinaw, matatanggap niya ito. Sa pangkalahatan, maaari pa rin siyang linangin. Iniisip ko, “Hindi makatarungan o patas ang ebalwasyon ni Wang Li sa kanya, at hindi dapat tanggalin nang basta-basta si Xin Cheng dahil dito. Pinasinungalingan ba ni Xin Cheng ang mga ideya ni Wang Li na nagpahiya rito, kaya nagkaroon ng pagkiling si Wang Li laban sa kanya at ginusto siyang tanggalin? Kung gayon, dapat pagnilayan ni Wang Li ang kanyang sarili.” Sa ideyang ito gusto kong ipaalam ang problemang ito sa kanya, pero naisip ko, “Napakahalaga sa kanya ng hindi mapahiya—aayawan niya ba ako pagkatapos kong gawin iyon? Paano kami magkakasundo kung magkakairingan kami?” Kaya maingat kong sinabi sa kanya, “Baguhan si Xin Cheng sa pananampalataya, at medyo sutil niya, pero hindi naman gayon kalubha ang mga problema niya para tanggalin siya. Tulungan natin siya sa pamamagitan ng pagbabahagi.” Nang marinig ito ni Wang Li, ganap na nagbago ang ekspresyon niya, at naiinis na sinabi niyang, “Hindi pagiging sutil ang problema ni Xin Cheng, kundi masama ang disposisyon niya. Gayon din ang iniisip ko dati, pero ngayon ay malinaw na ang pagkakilala ko sa mga bagay-bagay. Tulungan mo siya kung gusto mo. Responsibilidad mo na ang gawain niya mula ngayon.” Hindi ko talaga alam ang gagawin nang marinig ko ito. Naisip ko, “Kasasali ko pa lang sa grupo at hindi pa ako pamilyar sa mga bagay-bagay. Pero ipinasa sa akin ni Wang Li ang mga responsibilidad niya, at maaari itong makaantala sa gawain namin. Medyo iresponsableng gawin ang bagay na iyon.” Gusto ko sanang ibahagi sa kanya ang iba ko pang mga ideya, pero nang makita ko ang panlalamig niya, natakot ako na baka lalo kaming hindi magkaintindihan kapag lalo kaming nagkairingan, kaya nanahimik na lang ako.

Pagkaraan ng ilang araw, naghahanda kaming lumipat ng lugar dahil sa mga pangangailangan ng aming gawain. Biglang sinabi sa akin ni Wang Li, “Huwag nating isama si Xin Cheng sa pagkakataong ito. Dapat siyang manatili rito at magnilay-nilay.” Gulat na gulat ako. Ano ang kaibhan ng pananatili niya rito sa pagtatanggal sa kanya? Aantalahin nito ang gawain namin at hindi iyon makatarungan sa kanya. Nag-alala ako nang makita ko na kumikilos si Wang Li ayon sa kanyang tiwaling disposisyon, at gusto kong ilantad ang pang-aabuso niya sa kanyang kapangyarihan para ibukod at supilin si Xin Cheng. Pero naisip ko kung paanong talagang mapanlaban siya at masama ang pakitungo sa akin nang talakayin namin si Xin Cheng noong isang araw, kaya kung susuriin at ilalantad ko ang diwa ng kanyang mga kilos nang direkta sa kanya, baka sabihin niya na pinoprotektahan ko si Xin Cheng at pinahihirapan ko siya. Kung makasama iyon sa relasyon namin at sumama ang loob niya sa akin at ibukod ako, paano kami posibleng magkasama sa trabaho? Nag-alangan ako, at hindi ko itinuloy ang sasabihin ko. Naisip ko, “Hindi bale na lang. Hindi ko siya dapat ilantad nang deretsahan. Hahayaan ko na lang ito.” Kaya pautal kong sinabing, “Wala pang kinukumpirma ang lider na anumang pagbabago sa tungkulin niya. Tama bang iwan natin siya rito? Hindi ba dapat nating hintayin ang pagsang-ayon ng lider bago natin siya tanggalin? Isama na lang natin siya. Gagawin din nitong mas madali ang pagsubaybay sa gawain.” Hindi na nagpumilit si Wang Li matapos kong sabihin iyon. Alam ko na hindi ko pa malinaw na nalulutas ang problema niya, at na palagi niyang pupuntiryahin si Xin Cheng. Nakonsiyensiya ako tungkol doon, pero naisip ko, “Dahil magkapartner kami, patuloy ko na lang siyang babantayan nang husto at pipigilan siyang makagawa ng malalaking pagkakamali.” Tapos niyon, sadya pa rin niyang ibinukod si Xin Cheng. Minsan, nagkaroon ng isang oportunidad sa isang propesyonal na pagsasanay, at dahil mabilis matuto si Xin Cheng, ang pinakamainam na opsyon ay ipadala siya para sa pagsasanay, tapos ay paturuan sa kanya ang iba pagbalik niya. Pero ipinilit ni Wang Li na magpadala ng ibang sister na walang gaanong alam sa larangang iyon ng gawain. Nalaman ko rin mula sa iba na ilang beses na nagpahayag si Xin Cheng ng mga pananaw na salungat kay Wang Li, at pakiramdam ng lahat ay maganda ang mga ideya ni Xin Cheng, pero tumanggi si Wang Li na tanggapin ang mga iyon, at iginiit na makinig sa kanya si Xin Cheng. Matapos banggitin ni Xin Cheng ang mga problema ni Wang Li sa isang pagtitipon, nagalit si Wang Li at hindi siya pinansin. Kapag nakikita ni Wang Li na may mga problema si Xin Cheng sa tungkulin niya, ayaw nitong tulungan siya na lutasin ang mga iyon, iniiwan si Xin Cheng na walang landas na susundan sa gawain niya, at pinahihirap ang mga bagay-bagay para sa kanya. Talagang hindi ako nakampante nang malaman ko ang tungkol dito. Noon pa man ay mayroon nang pagkiling si Wang Li laban kay Xin Cheng, at ibinubukod at sinusupil niya ito. Lubos na malubhang problema ito. Nakakagambala at nakakasagabal na ito sa gawain. Alam ko na kailangan kong kausapin si Wang Li. Noong araw na iyon, naglakas-loob ako at sinabi kong, “May pagkiling ka pa rin laban kay Xin Cheng, ano? Magaling si Xin Cheng sa pag-aaral ng mga bagong pamamaraan. Sa hindi mo pagpayag na umalis siya, hindi ka nagiging patas.” Pagkasabi ko nito, dumilim ang mukha niya at pagalit na sinabing, “Kinalimutan ko na ang pag-ayaw ko sa kanya, pero ngayon ay ikaw naman ang inaayawan ko. Walang nararating ang proyektong pinananagutan ni Xin Cheng, at problema niya iyon. Matagal ko nang sinabi sa iyo na dapat natin siyang tanggalin, pero hindi ka sumang-ayon.” Nakita ko na walang pagkakilala sa sarili si Wang Li. Bilang superbisor, hindi niya pinagnilayan ang sarili niya noong hindi maayos ang takbo ng gawain, at umiwas lang siya sa responsibilidad. Medyo nagalit ako, at gusto ko talagang ilantad nang deretsahan ang mga kilos niya. Pero nang makita ko kung gaano siya lumalaban, nagpigil ako. Parang medyo napipigilan ako, at naisip ko, “Nagsabi lang ako ng ilang salita ng katotohanan sa kanya, pero may negatibong opinyon na siya tungkol sa akin. Kung talagang ipinaalam ko ang lahat ng problema niya, magagalit siya nang husto. Mas mabuti pang huwag na akong magsalita pa, at bukod doon, napaalalahanan ko na siya nang kaunti. Yamang ayaw niyang tanggapin iyon, hindi ko na lang iyon babanggitin.” Tapos niyon, dahil sa ilang pagbabago sa mga tungkulin, ako na ang pangunahing namahala sa iba pang gawain at hindi ko na gaanong nakita si Wang Li.

Ang nakakagulat, pagkaraan ng tatlong linggo, wala pa ring mga resulta ang trabaho ni Wang Li, at nanghihina at nalulungkot ang mga miyembro ng grupo. Iniulat nila na nang makita ni Wang Li na hindi nila nagagawa nang maayos ang kanilang tungkulin, kinagalitan lang sila ni Wang Li, pero hindi sila binahaginan o ginabayan. Nadama nilang lahat na pinupuwersa sila nito, at napakanegatibo nila kaya hindi nila alam kung paano gagawin ang kanilang tungkulin. Sinabi rin nila na ilang buwan na nitong hindi ginagabayan ang gawain ni Xin Cheng. May luha sa mga mata nilang lahat nang sabihin nila ito sa akin. Hindi ko na kayang kumalma. Matagal ko nang nakita ang mga problema ni Wang Li, pero hindi ko pa binanggit sa kanya ang likas na katangian ng mga isyung ito. Wala siyang pagkaunawa sa sarili niyang tiwaling disposisyon, at patuloy niyang ibinubukod ang mga tao dahil sa kanyang mga maling palagay at pagtangging makinig sa payo ng iba, hanggang sa punto na halos huminto na ang gawain. Labis akong nakonsiyensya. Pagkarating ko sa bahay, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na naglalantad sa mga anticristo: “Kung titingnan, parang napakabait, edukado, at kagalang-galang ng mga salita ng mga anticristo. Kahit sino pa ang lumabag sa prinsipyo o gumambala at gumulo sa gawain ng iglesia, hindi inilalantad o pinupuna ng mga anticristo ang mga taong ito; nagbubulag-bulagan sila, pinapaniwala ang mga tao na mapagbigay sila sa lahat ng bagay. Anumang mga katiwaliang ipinapakita ng mga tao o kasamaang ginagawa nila, maunawain at matiisin ang anticristo. Hindi sila nagagalit, o nagwawala, hindi sila maiinis at maninisi ng mga tao kapag gumagawa ang mga ito ng mali at napipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sinuman ang gumagawa ng masama at nanggugulo sa gawain ng iglesia, hindi nila pinapansin, na para bang wala itong kinalaman sa kanila, at hinding-hindi nila pasasamain ang loob ng mga tao dahil dito. Ano ba ang ipinag-aalala nang husto ng mga anticristo? Kung ilang tao ang nagpapahalaga sa kanila, at kung ilang tao ang nakakakita sa kanila kapag nagdurusa sila, at pumupuri sa kanila dahil dito. Naniniwala ang mga anticristo na ang pagdurusa ay hinding-hindi dapat walang kapalit; anumang paghihirap ang kanilang tinitiis, anumang halaga ang kanilang binabayaran, anumang mabubuting gawa ang kanilang ginagawa, gaano man sila mapagmalasakit, mapagpaubaya, at mapagmahal sa iba, dapat isagawa ang lahat ng ito sa harap ng iba para mas maraming tao ang makakita nito. At ano ang layon nila sa pagkilos nang ganito? Upang makuha ang loob ng mga tao, upang mapasang-ayon ang mas maraming tao sa kanilang mga kilos, sa kanilang asal, at sa kanilang karakter sa puso nila, inaaprubahan sila. May mga anticristo pa nga na nagsisikap magtatag ng isang imahe ng kanilang sarili bilang ‘isang mabuting tao’ sa pamamagitan ng panlabas na mabuting pag-uugaling ito, para mas maraming tao ang lumapit sa kanila para humingi ng tulong(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikasampung Bahagi)). Hindi tutulong ang mga anticristo kapag nakita nila ang mga tao na ginagambala ang gawain ng iglesia, upang maging maganda ang tingin ng iba sa kanila—talagang makasarili sila at kasuklam-suklam. Nang gunitain ko ang sarili kong pag-uugali, natanto ko na kumikilos ako na katulad lang ng isang anticristo. Isinaayos ng iglesia na makatrabaho ko si Wang Li, para mapunan namin ang mga kahinaan ng isa’t isa, mabantayan ang isa’t isa, at maprotektahan ang gawain ng iglesia nang magkasama. Pero para maprotektahan ang “maayos” kong relasyon kay Wang Li, at mapanatili ang imahe ko sa kanya bilang isang “mabuting tao,” hindi ako nangahas na ilantad ang kanyang pagbubukod at panunupil kay Xin Cheng. Nakita ko na ang pagtrato niya sa iba ay batay sa kanyang tiwaling disposisyon at nakakaapekto sa gawain, pero hindi ako nanindigan sa mga katotohanang prinsipyo at tumulong o isinumbong ko ito sa isang lider. Natakot ako na ayawan niya ako at magkagalit kami. Kahit nang magkaroon ako ng lakas ng loob na may sabihin sa kanya sa pagbabahaginan, nagpigil pa rin ako, na hindi tuwiran at malinaw na binabanggit ang diwa ng kanyang pag-uugali. Lagi ko siyang pinagbibigyan. Tumayo lang ako at pinagmasdan siyang ibukod at supilin ang mga kapatid, na nakapinsala sa kanilang pagpasok sa buhay at lubhang nakahadlang sa gawain ng iglesia, pero hindi ako kumilos para tumulong. Sa huli ay malinaw kong nakita na maaaring mukhang mabubuting tao at hindi nagpapasama ng loob ng sinuman ang mga taong mahilig magpalugod, ngunit ang totoo ay talagang mas madaya at mapanlinlang sila. Lahat ng ginagawa nila ay para protektahan ang kanilang sarili, para mapanatili ang kanilang karangalan at katayuan. Gumagamit sila ng paimbabaw na kabaitan para maakit ang puso ng mga tao at makumbinsi sila. Nagpapakita sila ng masamang disposisyon na katulad ng sa isang anticristo. Nang pagnilayan ko ang aking mga kilos at pag-uugali, talagang nakonsiyensya ako, at kinamuhian ko ang sarili ko. Paano ko naatim na maging napakatuso, napakamapanlinlang? Gumagawa ako ng napakahalagang tungkulin, pero naging iresponsable ako at hindi ako nanindigan sa mga prinsipyo nang makakita ako ng mga problema, na nakapinsala sa gawain ng iglesia at nakahadlang sa buhay ng iba. Hindi ba’t napipinsala ko ang mga interes ng iglesia sa paggawa nito? Wala talaga akong konsiyensiya! Nagdasal at nagsisi ako sa Diyos na gusto ko nang tumigil sa pagkasuwail at pananakit sa Kanya, at na gusto ko nang isagawa ang katotohanan at protektahan ang gawain ng iglesia.

Kinabukasan, nang banggitin ko na ang gawaing responsibilidad ni Xin Cheng, nagdilim kaagad ang mukha ni Wang Li at nagsimula siyang magreklamo tungkol sa pagdudulot ni Xin Cheng na maging negatibo ang iba. Nakita ko na hindi niya talaga pinagninilayan ang kanyang sarili, at na isinisisi niya ang lahat kay Xin Cheng. Naisip ko, “Halos hindi pa nga ako nagsisimula, galit na siya. Kung babanggitin ko ang lahat ng problema niya sa gawain, siguradong maiinis siya sa akin. Dapat ba akong magpatuloy sa pagsasalita?” Nag-atubili ako at nadama ko na medyo napipigilan ako, kaya tahimik akong nanalangin at inisip ko kung paano kami inuutusan ng Diyos na maging matapat at protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Nagbigay ito sa akin ng kaunting lakas ng loob. Anuman ang isipin niya, alam kong kailangan kong ibahagi ang tapat na opinyon ko. Kaya, matindi at makatarungan kong inilantad kung paano niya inaapi at pinarurusahan si Xin Cheng. Pero ayaw niyang aminin iyon. Patuloy lang siyang nakipagtalo tungkol sa kung sino ang tama at sino ang mali. Ayaw niyang tanggapin ang kahit anong katotohanan o kilalanin ang kanyang sarili. Nakita ko kung gaano kalala ang problema niya, at na hindi siya puwedeng manatili sa tungkuling iyon, kaya iniulat ko ito sa aming lider. Sinabi ng lider na tinangka niyang tulungan si Wang Li sa pamamagitan ng pagbabahagi sa kanya nang maraming beses noon, pero hindi pa rin siya nagbago. Ipinakita ng pag-uugali niya na hindi mabuti ang kanyang pagkatao at ayaw niyang tanggapin ang katotohanan, at na hindi siya karapat-dapat sa gawain. Samakatuwid ay kailangan siyang tanggalin sa lalong madaling panahon. Bukod pa riyan, gusto ng lider na ako ang gumawa noon. Kinabahan ako, at naisip ko, “Nag-iba na ang saloobin niya sa akin simula nang ilantad ko ang mga problema niya. Kung personal ko siyang tatanggalin, sasama nang husto ang loob niya. Kamumuhian kaya niya ba ako tapos iyon? Iisipin kaya niya na pinupuntirya ko siya?” Nagtalo ang damdamin ko at hindi ko alam kung paano siya haharapin. Habang nababalisa ako tungkol dito, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Karamihan sa mga tao ay nais hanapin at isagawa ang katotohanan, ngunit kadalasan ay may pagpapasya at hangarin lamang sila na gawin iyon; hindi nila naging buhay ang katotohanan. Dahil dito, kapag nakahaharap sila ng masasamang puwersa o ng masasamang tao na gumagawa ng masasamang gawa, o ng mga huwad na pinuno at anticristo na gumagawa ng mga bagay sa isang paraang lumalabag sa mga prinsipyo—sa gayon ay nagugulo ang gawain ng iglesia at napapahamak ang mga hinirang ng Diyos—nawawalan sila ng lakas ng loob na manindigan at magsalita. Ano ang ibig sabihin kapag wala kang lakas ng loob? Ibig bang sabihin niyan ay kimi ka o hindi makapagsalita? O hindi mo ito lubos na nauunawaan, at sa gayon ay wala kang tiwalang magsalita? Walang isa man dito; ito una sa lahat ang ibinubunga ng mapigilan ng mga tiwaling disposisyon. Ang isa sa mga tiwaling disposisyong ito na inilalantad mo ay ang mapanlinlang na disposisyon; kapag may nangyayari sa iyo, ang una mong iniisip ay ang sarili mong mga interes, ang una mong isinasaalang-alang ay ang mga ibubunga, kung ito ba ay kapaki-pakinabang sa iyo. Ito ay isang mapanlinlang na disposisyon, hindi ba? Ang isa pa ay makasarili at mababang-uri na disposisyon. Iniisip mo, ‘Ano ang kinalaman sa akin ng kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos? Hindi ako isang lider, kaya bakit ako mag-aalala? Wala itong kinalaman sa akin. Hindi ko responsabilidad ito.’ Ang gayong mga saloobin at salita ay hindi mga bagay na sadya mong iniisip, kundi inilalabas ng iyong isip nang hindi mo namamalayan—na tumutukoy sa tiwaling disposisyong nabubunyag kapag ang mga tao ay nahaharap sa isyu. … Wala kang kapangyarihan sa mga sinasabi at ginagawa mo. Gustuhin mo man, hindi mo masabi ang katotohanan o masabi kung ano talaga ang iniisip mo; gustuhin mo man, hindi mo maisagawa ang katotohanan; gustuhin mo man, hindi mo matupad ang iyong mga responsabilidad. Kasinungalingan ang lahat ng sinasabi, ginagawa, at isinasabuhay mo, at pabasta-basta ka lang. Ganap kang bihag at nakokontrol ng sataniko mong disposisyon. Maaaring gusto mong tanggapin at isagawa ang katotohanan, ngunit hindi ikaw ang magpapasya nito. Kapag kinokontrol ka ng iyong mga satanikong disposisyon, sinasabi at ginagawa mo ang anumang ipagawa sa iyo ng iyong satanikong disposisyon. Isa ka lamang tau-tauhan ng tiwaling laman, naging kasangkapan ka ni Satanas. Pagkatapos, nanghihinayang ka sa muli mong pagsunod sa tiwaling laman at sa kung paano ka maaaring nabigong isagawa ang katotohanan. Iniisip mo, ‘Hindi ko kayang mag-isang madaig ang laman at dapat akong manalangin sa Diyos. Hindi ako tumindig upang pigilan ang mga nanggugulo sa gawain ng iglesia, at binabagabag ako ng aking konsiyensiya. Nagpasya na ako na kapag nangyari ulit ito ay dapat akong manindigan at pungusan ang mga gumagawa ng mga kamalian sa pagganap ng mga tungkulin nila at sa mga nanggugulo sa gawain ng iglesia, upang sila ay umayos at tumigil na sa walang ingat na pagkilos.’ Pagkatapos mong makapag-ipon sa wakas ng lakas ng loob na magsalita, matatakot ka at aatras sa sandaling magalit ang kausap mo at hampasin niya ang mesa. Kaya mo bang maging lider? Ano ang silbi ng determinasyon at tibay ng loob? Parehong walang silbi ang mga ito. Nakaranas na siguro kayo ng maraming insidente tulad nito: Kapag nahirapan ka sumusuko ka, naramdaman mo na wala kang magawa at sumuko ka na na wala nang pag-asa, ipinaubaya mo ang sarili mo sa pagdadalamhati at nagpasya ka na wala nang pag-asa para sa iyo, at sa sandaling ito, ganap ka nang itiniwalag. Inaamin mong hindi mo hinahangad ang katotohanan, kaya’t bakit hindi ka nagsisisi? Naisagawa mo na ba ang katotohanan? Tiyak na mayroon ka namang naunawaan, pagkatapos mong dumalo sa mga sermon nang ilang taon. Bakit nga ba hindi mo isinasagawa ang katotohanan kahit papaano? Hindi mo hinahanap ang katotohanan kailanman, at lalong hindi mo ito isinasagawa. Palagi ka lamang nagdarasal, nagreresolusyon, nagtatakda ng mga mithiin, at nangangako sa puso mo. At ano ang kinahinatnan? Nananatili kang isang taong mapagpalugod sa iba, hindi ka nagtatapat tungkol sa mga problemang nararanasan mo, wala kang pakialam kapag nakikita mo ang masasamang tao, hindi ka tumutugon kapag may gumagawa ng masama o kaguluhan, at nananatili kang walang pakialam kapag hindi ka personal na naaapektuhan. Iniisip mo, ‘Hindi ako nagsasalita tungkol sa anumang walang kinalaman sa akin. Hangga’t hindi nito napipinsala ang aking mga interes, ang aking banidad, o ang aking imahe, binabalewala ko nang walang pagbubukod ang lahat. Kailangan kong maging napakaingat, dahil ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril. Hindi ako gagawa ng anumang katangahan!’ Lubos at di-natitinag kang kinokontrol ng iyong mga tiwaling disposisyon ng kabuktutan, pagkamapanlinlang, katigasan, at pagiging tutol sa katotohanan. Naging mas mahirap na para iyo na tiisin ang mga ito kaysa sa sumisikip na ginintuang korona na isinuot ng Haring Unggoy. Ang pamumuhay sa ilalim ng pagkontrol ng mga tiwaling disposisyon ay lubhang nakakapagod at napakasakit!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Tumimo na parang patalim sa puso ko ang mga salita ng Diyos. Pinagnilayan ko kung paano ako laging takot na mapasama ang loob ni Wang Li at hindi ako nangahas na isagawa ang katotohanan at ihayag ang mga katunayan. Nakontrol ako ng mga satanikong disposisyong ito ng pagiging masama, mapanlinlang, at pagiging tutol sa katotohanan. Tinatrato kong mga batas na dapat sundin sa buhay ang mga satanikong pilosopiya ng mga makamundong pakikitungo na tulad ng “Ang pagkakasundo-sundo ay yaman; ang pagtitiis ay karunungan,” “Kung hahampasin mo ang iba, huwag mo silang hampasin sa mukha; kung pupunahin mo ang iba, huwag mong punahin ang mga pagkukulang nila,” “Kapag alam mong may mali, mas mabuti pang tumahimik na lang,” at “Naiinis ang iba sa pagiging prangka.” Hindi ako nangahas na magsalita tungkol sa mga problemang nakita ko, o nanindigan sa mga prinsipyo, o pinrotektahan ang gawain ng iglesia. Nabuhay ako na isang duwag. Nang gustuhin ng lider na tanggalin ko si Wang Li, napakalinaw na kailangan iyong isagawa kaagad, kung hindi ay maaantala ang gawain ng iglesia. Pero hindi ko kayang ibuka ang bibig ko, sa takot na mapasama ang loob niya. Sa tingin, mukha akong mabait at ayaw saktan ang sinuman, pero ang totoo ay ipinagkakanulo ko ang mga interes ng iglesia kapalit ng pagpapanatili ng isang magandang imahe sa mga puso ng iba. Patuloy kong pinrotektahan si Wang Li, na kinukunsinti ang paggambala niya sa gawain ng iglesia. Para akong isang panangga para kay Satanas, na tinutulutan iyong lumaganap sa iglesia. Isa akong mapagpaimbabaw at mapanlinlang na tao! Ang mga satanikong pilosopiyang iyon ay mga maling palagay lang na inililigaw ng landas at sinasaktan ang mga tao! Napakadilim at napakasama ng makabagong lipunan, dahil nabubuhay ang mga tao ayon sa mga ito. Nagiging duwag sila at kasuklam-suklam, at kinamumuhian nila ang liwanag. Walang sinumang nangangahas na manindigan, magtaguyod ng pagiging makatarungan at maglantad ng katotohanan. Pero ang mga sipsip ay umaasenso at nagkakamit ng kapangyarihan. Walang katarungan o pagiging matuwid dito. Nililinlang ng lahat ang isa’t isa nang walang anumang katapatan. Iyan ang kinahihinatnan ng mga taong ginawang tiwali ni Satanas. Nakita ko na sa wakas na ang mga satanikong pilosopiyang ito ay mukhang naaayon sa mga haka-haka ng tao, pero ang totoo ay mga maladiyablong salita iyon na ginagamit ni Satanas para iligaw ng landas at gawing tiwali ang mga tao. Ang pamumuhay ayon sa mga iyon ay mas lalo lang tayong ginagawang makasarili, masama, at mapanlinlang. Isa iyong karima-rimarim, maruming paraan para mabuhay, nang walang bakas ng pagkatao.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung wala kang itatago, kung hindi ka magpapanggap, magkukunwari, o magkukubli ng mga bagay-bagay, kung magpapakatotoo ka sa mga kapatid, hindi itatago ang iyong mga kaloob-loobang ideya at saloobin, sa halip ay hahayaang makita ng iba ang tapat mong saloobin, kung magkagayon ay unti-unting mag-uugat sa iyo ang katotohanan, sisibol at mamumunga ito, magbubunga ito ng mga resulta nang paunti-unti. Kung lalong nagiging tapat ang iyong puso, at lalong nakahilig sa Diyos, at kung alam mong protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at nababagabag ang iyong konsensiya kapag nabibigo kang maprotektahan ang mga interes na ito, ito ang katunayan na nagkaroon ng bisa sa iyo ang katotohanan, at ito ang siyang naging buhay mo. Kapag naging buhay na ang katotohanan sa iyo, kapag inobserbahan mo ang isang taong lapastangan sa Diyos, walang takot sa Diyos, at pabasta-basta habang ginagampanan ang kanyang tungkulin, o ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia, tutugon ka ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at matutukoy at mailalantad mo sila ayon sa kinakailangan. … Kung isa kang taong tunay na naniniwala sa Diyos, kahit na hindi mo pa nakakamit ang katotohanan at buhay, kahit papaano’y magsasalita at kikilos ka na nasa panig ng Diyos; kahit papaano, hindi ka tatayo lang nang walang ginagawa kapag nakikita mong nakokompromiso ang mga interes ng sambahayan ng Diyos; kapag nauudyok kang magbulag-bulagan, makokonsiyensiya ka, at hindi mapapalagay, at sasabihin mo sa iyong sarili, ‘Hindi ako puwedeng maupo lang dito at walang gawin, kailangan kong tumayo at magsalita, kailangan kong umako ng responsabilidad, kailangan kong ilantad ang masamang pag-uugaling ito, kailangan kong itigil ito, upang hindi mapinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at hindi maabala ang buhay-iglesia.’ Kung naging buhay mo na ang katotohanan, hindi ka lamang magkakaroon ng ganitong tapang at pagpapasya, at magagawa mong maunawaan nang lubusan ang pangyayari, kundi matutupad mo rin ang pananagutan na dapat mong pasanin para sa gawain ng Diyos at para sa mga kapakinabangan ng Kanyang sambahayan, at ang iyong tungkulin ay matutupad(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Nang mabasa ko ito, nakonsiyensya ako at ginanahan. Pagkaraan ng lahat ng taon na iyon ng pananampalataya, na nagtatamasa ng katotohanang ibinibigay ng Diyos, hindi ko pa rin maitaguyod ang mga prinsipyo o maprotektahan ang gawain ng iglesia. Talagang wala akong konsiyensiya! Kailangan kong hubarin ang aking maskara ng pagiging mahilig magpalugod ng mga tao. Hindi ako pwedeng patuloy na mamuhay ayon sa aking masama at mapanlinlang na tiwaling disposisyon. Kailangan kong manindigan para isagawa ang katotohanan at protektahan ang gawain ng iglesia. Pagkatapos niyon, kinausap ko si Wang Li at tinanggal siya. Nagtapat din ako sa kanya sa pagbabahaginan, inilantad kong isa-isa ang kanyang mga pag-uugali na pagtangging tanggapin ang katotohanan, pang-aapi sa mga tao, at paggambala sa gawain ng iglesia. Tumigil ako sa pagsasalita ng magagandang bagay na hindi makakasakit sa kanya para linlangin siya. Talagang ginusto ko siyang tulungan at ilantad ang kanyang mga problema, upang maunawaan niya ang kanyang tiwaling disposisyon at tunay na magsisi. Galit na galit siya kaya napaiyak siya nang matapos ako, at sinabi niyang handa siyang tanggapin ang mga pagsasaayos ng iglesia, na bumalik at tunay na magnilay at matuto ng leksyon. Unti-unting nakabawi ang kalagayan ng mga kapatid tapos niyon, at dahan-dahang nagsimulang magkaroon ng mga resulta ang gawain. Tunay akong nakadama ng kapayapaan at ginhawa na nagmumula sa pagsasagawa ng katotohanan. Iyon lang ang paraan para mabuhay sa liwanag.

May ilang nalipat ng trabaho kalaunan, kaya sinimulan kong diligan ang mga baguhan kasama ng ilang iba pang sister. Nakita ko na hindi walang gaanong pasanin si Sister Chen Si sa kanyang tungkulin, at pabaya siya at iresponsable, na nakaapekto sa gawain ng pagdidilig. Nag-alala ako tungkol doon at ginusto kong banggitin ang kanyang problema para magbago siya sa lalong madaling panahon. Pero kailan lang kami nagkakilala at magkasundung-magkasundo kami, kaya napaisip ako na kung dederetsahin ko siya tungkol sa pagiging iresponsable niya sa tungkulin, maiinis ba siya sa akin? Pagkatapos ay napagtanto ko na nag-iisip na naman ako na parang isang taong mahilig magpalugod ng mga tao, kaya mabilis akong nanalangin. Tapos ay binasa ko ang salita ng Diyos: “‘At iniutos ng Diyos na si Jehova sa lalaki, na sinabi, “Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka nang may kalayaan: Datapuwat sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagkat sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.”’ … May nakikita ka bang anumang disposisyon ng Diyos sa maiikling salitang winika ng Diyos? Totoo ba ang mga salitang ito ng Diyos? Mayroon bang anumang panlilinlang? Mayroon bang anumang kabulaanan? Mayroon bang anumang pananakot? (Wala.) Matapat, makatotohanan at taos-pusong sinabi ng Diyos sa tao kung ano ang maaari niyang kainin at kung ano ang hindi niya maaaring kainin. Malinaw at payak na nagsalita ang Diyos. May natatago bang kahulugan sa mga salitang ito? Hindi ba tapat ang mga salitang ito? Kinakailangan bang maghaka-haka? Hindi na kailangang manghula. Sa isang sulyap ay litaw na litaw ang kahulugan ng mga ito. Sa pagbasa sa mga ito, lubos na malilinawan ang sinuman sa kahulugan ng mga ito. Ibig sabihin, ang nais na sabihin ng Diyos at ang nais Niyang ipahayag ay nagmumula sa Kanyang puso. Ang mga bagay na ipinahahayag ng Diyos ay malinis, tapat at malinaw. Walang mga lingid na layunin o anumang natatagong mga kahulugan. Tuwiran Siyang nagsasalita sa tao, sinasabi sa kanya kung ano ang maaari niyang kainin at kung ano ang hindi niya maaaring kainin. Na ang ibig sabihin, sa pamamagitan ng mga salitang ito ng Diyos, makikita ng tao na walang itinatago at totoo ang puso ng Diyos. Walang bahid ng kasinungalingan dito; hindi ito isang usapin ng pagsasabi sa iyo ng hindi mo maaaring kainin ang maaaring kainin, o pagsasabi sa iyong ‘Gawin ito at tingnan kung ano ang mangyayari’ sa mga bagay na hindi mo maaaring kainin. Hindi ito ang ibig sabihin ng Diyos. Anuman ang iniisip ng Diyos sa Kanyang puso ay siyang Kanyang sinasabi(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). Nakita ko na napakalinaw at prangka ng sinabi ng Diyos kina Adan at Eba. Tapat Siya sa mga tao at walang itinatagong anuman. Napakabanal ng diwa ng Diyos. Sa mga huling araw, ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan para hatulan at kastiguhin ang tao. Deretsahang inilalantad at sinusuri ng Kanyang mga salita ang kalikasang diwa ng tao, at inihahayag ang kapangitan at hindi pagiging matuwid ng ating kalooban. Napakalinaw ng Kanyang mga salita at walang itinatago. Maaaring malupit ito, pero ito ang ating kaligtasan. Ang layon nito ay linisin at baguhin tayo, para makilala natin ang ating sarili, maghimagsik laban kay Satanas, at isabuhay ang isang tunay na wangis ng tao. Kabaligtaran niyan mismo si Satanas: Nakakatakot ito at masama, at nagsasalita sa paliguy-ligoy na paraan, hindi kailanman nagsasabi nang tuwiran kung ano ang gusto nito. Nagsimula ito sa pagsasabi ng magaganda at mga maling bagay na parang totoo para akitin at iligaw ng landas sina Adan at Eba, para magkasala sila at ipagkanulo ang Diyos. Matagal na akong namumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya, nagpapakita ng isang masama at mapanlinlang na disposisyon gaya lang ni Satanas. Para protektahan ang mga relasyon ko sa iba at alagaan ang imahe ko sa mata ng ibang tao, iba ang inisip ko kaysa sa sinabi ko. Kasingbuktot ako ng isang ahas, at napakalabo at mahirap intindihin na hindi maunawaan ng iba ang eksaktong kahulugan ng mga sinasabi ko. Napakatuso ko at napakamapanlinlang. Namumuhay ako na tulad ni Satanas, hindi tulad ng isang tao. Nainis ako sa sarili ko nang matanto ko ito at ayaw ko nang maging isang taong mahilig magpalugod ng mga tao, at isang taong mapanlinlang. Gusto kong isagawa ang katotohanan at maging isang matapat na tao na pinoprotektahan ang gawain ng iglesia. Sa pagtitipon kinabukasan, nagtapat ako tungkol sa mga problemang nakita ko kay Chen Si, at nagawa niyang kilalanin ang kanyang sariling mga problema matapos naming magbahaginan nang magkasama. Nakita kong dahan-dahang nagsimulang magbago ang kalagayan niya pagkatapos niyon, at naging mas malaya ang pakiramdam ko.

Naipakita sa akin ng mga karanasang ito na hindi tayo dapat mamuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya at linlangin ang isa’t isa. Dapat tayong maging simple, tapat at sinsero sa pagtrato natin sa isa’t isa. Ito lang ang tunay na pagmamahal at lubos itong kapaki-pakinabang sa lahat. Nakita ko rin na para magkaroon ng pagkatao at makaramdam ng kapayapaan at kagalakan, dapat nating isagawa ang pagiging matapat ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Iyon lamang ang paraan upang isabuhay ang wangis ng tao. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 54. Sa Gitna ng Panganib

Sumunod: 56. Isang Sandali ng Pagpili

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito