84. Ang Paghahanap sa Iyong Lugar ang Susi

Ni Zhou Yuqi, Tsina

Gumawa ako ng pangkalahatang gawain sa iglesia. Minsan, sa isang kwentuhan, narinig kong sinabi ng isang lider ng iglesia, “Mahusay ang kakayahan ni Sister Zhen Xin, ganap niyang nauunawaan ang mga bagay-bagay, at praktikal siyang nagbabahagi ng katotohanan. Plano ko siyang linangin para gumawa ng gawain sa pagdidilig.” Nahalal bilang lider si Zhen Xin hindi nagtagal pagkatapos niyon. Nang mabalitaan ko ito, hindi ko mapigilang masiraan ng loob. Dati, pareho kaming gumagawa ng pangkalahatang gawain ni Sister Zhen Xin, pero ngayon, naging lider na siya, samantalang gumagawa pa rin ako ng pangkalahatang gawain. Bakit ba kulang na kulang ako? Talagang nalungkot ako buong umaga, at wala sa aking tungkulin ang isip ko. Kalaunan, inilipat si Sister Zhen Xin sa malayo, at tinanong ng lider kung gusto kong pangasiwaan ang dating trabaho ni Sister Zhen Xin, at kasabay niyon, maging superbisor ng pangkalahatang gawain. Noong panahong iyon, medyo nalungkot ako. Kahit na makukuha ko ang titulo ng superbisor, pangkalahatang gawain pa rin lang iyon. Gaano man kahusay ang paggawa ko roon, walang makaaalam, hindi tulad ng pagiging lider, isang tao na pinagtutuunang linangin ng iglesia at na tinitingala at sinusuportahan ng lahat ng kapatid. Pakiramdam ko ay mas mababa ang pangkalahatang gawain, kaya ayaw ko talaga iyong tanggapin. Naisip ko, “Kung tatanggapin ko ang tungkuling ito, ano ang iisipin sa akin ng aking mga kapatid? Iisipin kaya nilang ilang taon na akong sumasampalataya sa Diyos nang hindi naghahangad ng katotohanan o nagkakaroon ng pag-usad, na dahilan kung bakit noon pa man ay pangkalahatang gawain na ang ginagawa ko? Masyadong nakahihiya iyon!” Pero nang isipin ko ulit, napunta sa akin ang tungkuling ito nang may pahintulot ng Diyos. Kahit na hindi ito nakaayon sa aking mga ninanais, kailangan kong magpasakop at hindi kumilos mula sa personal na kagustuhan, kaya atubili kong sinagot ang aking lider na payag akong tanggapin ang tungkuling ito.

Pagkalipas ng ilang panahon, narinig kong sinabi ng lider, “Mahusay ang kakayahan ni Brother Shang Jin, at sa kaunting pagsisikap sa kanyang pagpasok sa buhay, malilinang siya.” Pagkarinig ko rito, lalong bumigat ang loob ko. Ako ang nangangasiwa sa gawain ni Shang Jin, at kahit siya ay isang taong gustong linangin ng lider, kaya bakit walang sinuman ang nagbabanggit sa pangalan ko? Ako ang nangangasiwa sa gawain niya, pero hindi ako napromote, hindi talaga ako umuusad. Ano ang magiging tingin sa akin ng iba? Ganoon ba talaga ako kapalpak? May kakayahan akong pangasiwaan ang gawain, alamin ang mga problema, at lutasin ang mga problema. Minsan, kapag nagtatalakay ang lider ng mga bagay-bagay, nagagawa kong magpahayag ng ilang opinyon at magbigay ng mga mungkahi. Bakit hindi makita ng lider ang aking mga kalakasan? Magiging masaya sana ako kung babanggitin ng lider ang pangalan ko at sasabihing nararapat ako sa pagtataas ng ranggo, pero kailangan ako para mangasiwa ng pangkalahatang gawain. Mapatutunayan nitong hindi ako ganoon kapalpak, at mas gagaan ang loob ko. Noong mga panahong iyon, kapag naiisip ko iyon, sumasama nang husto ang loob ko. Lubos akong nanamlay, ayaw kong makipag-usap sa aking mga kapatid, at hindi ako nagdala ng pasanin sa aking tungkulin. Kapag nag-uulat sa akin ng mga problema ang iba, hindi ko pinag-iisipan ang mga problema nang kasing-ingat na tulad ng dati.

Minsan, pinadalhan ako ng superbisor ko ng liham, ipinapaasikaso sa akin ang ilang gawain, pero hindi ko binigyang-pansin ang mga nilalaman ng liham, na nakaapekto sa gawain ko. Isang araw, inutusan ako ng lider na maghatid ng isang bagay sa isang pagtitipon ng grupo ni Zhen Xin. Nang marinig ko ito, nag-alangan akong pumunta, dala ng takot sa iisipin sa akin ni Zhen Xin. Pareho ang tungkuling ginagawa namin noon, pero ngayon, napromote na siya, pero gumagawa pa rin ako ng pangkalahatang gawain. Bababa ba ang tingin niya sa akin at iisiping wala akong pakinabang? Pero nag-alala akong makaaapekto sa gawain kung hindi ako pupunta, kaya kinailangan kong piliting harapin iyon. Pagdating ko roon, para hindi ako makilala ni Zhen Xin, tumungo ako at sumubsob sa telepono ko sa loob ng mahigit kalahating oras. Sa panahong ito, kinausap ako ng ilang kapatid, pero hindi ako nangahas na magtaas ng ulo sa takot na makilala ako ni Zhen Xin. Noong sandaling iyon, pakiramdam ko’y wala akong pakinabang. Sa sobrang sama ng loob ko ay naiiyak na ako. Hindi ko mapigilang tumakbo sa ibang kwarto, tumingin sa panggabing langit, at tahimik na umiyak. Maraming taon na akong sumasampalataya sa Diyos, pero pakiramdam ko’y hindi ako pinahahalagahan ng aking lider. Habang ang iba ay nagiging lider, ako naman ay hindi makaalis sa paggawa ng pangkalahatang gawain. Ano ang saysay na mabuhay nang ganito? Nagulat ako nang mamalayan kong ganito ang iniisip ko. Paano ko nagawang magkaroon ng gayong mga saloobin? Noong sandaling iyon, bahagya kong naalala ang mga salita ng Diyos: “Para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. … Maaari mo silang ilagay sa isang sinaunang gubat sa pusod ng kabundukan, at hindi pa rin nila bibitiwan ang paghahangad nila sa reputasyon at katayuan.” Inilarawan ng salita ng Diyos ang aking kalagayan, kaya hinanap ko ang siping ito at binasa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, anuman ang kapaligiran na tinitirhan nila, anuman ang gawain na kanilang ginagawa, anuman ang kanilang hinahangad, anuman ang kanilang mga layon, anuman ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo at ang kanilang diwa. Maaari mo silang ilagay sa isang sinaunang gubat sa pusod ng kabundukan, at hindi pa rin nila bibitiwan ang paghahangad nila sa reputasyon at katayuan. Maaari mo silang ilagay sa gitna ng anumang grupo ng mga tao, at ang pawang maiisip nila ay reputasyon at katayuan pa rin. Kahit na nananampalataya sa Diyos ang mga anticristo, itinutumbas nila ang paghahangad sa reputasyon at katayuan sa pananalig sa Diyos at tinatrato ang dalawang bagay na ito nang magkapantay. Ibig sabihin, habang tinatahak nila ang landas ng pananalig sa Diyos, hinahangad din nila ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Masasabi na sa puso ng mga anticristo, ang paghahangad sa katotohanan sa kanilang pananampalataya sa Diyos ay ang paghahangad sa reputasyon at katayuan, at ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay ang paghahangad din sa katotohanan—ang magkamit ng reputasyon at katayuan ay ang makamit ang katotohanan at buhay. Kung nararamdaman nila na hindi sila nagkamit ng kasikatan, pakinabang, o katayuan, na walang tumitingala sa kanila, nagpapahalaga sa kanila, o sumusunod sa kanila, nasisiraan sila ng loob, naniniwala silang wala nang saysay pang manampalataya sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at napapaisip sila sa loob-loob nila, ‘Nabigo ba ako sa pananampalataya sa Diyos nang ganito? Wala na ba akong pag-asa?’ Madalas na kinakalkula nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso. Kinakalkula nila kung paano sila makalilikha ng sariling puwang sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng matayog na reputasyon sa iglesia, kung paano nila mapapakinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at mapagsasabi ang mga ito ng paghanga sa kanila kapag kumikilos sila, kung paano nila mapapasunod sa kanila ang mga tao nasaan man sila, at kung paano sila magkakaroon ng maimpluwensiyang tinig sa iglesia, at ng kasikatan, pakinabang, at katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay sa puso nila. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Mula sa salita ng Diyos, nalaman ko na sa lahat ng kanilang ginagawa, unang isinasaalang-alang ng mga anticristo ang sarili nilang katanyagan at katayuan, hindi nila kailanman isinusuko ang paghahangad sa kasikatan at katayuan, at para sa kanila, kasing importante ng sarili nilang buhay ang katayuan. Pinagnilayan ko ang aking sarili: “Bakit ba kahit kailan ay ayaw kong gumawa ng pangkalahatang gawain? Bakit ba masyado kong iniisip ang pagiging lider?” Napagtanto ko na ang pangunahing dahilan ay na pakiramdam ko, may katayuan ang mga lider. Hindi lang sila hinangaan at sinang-ayunan ng mga kapatid, labis pa silang pinahalagahan ng mga nakatataas na lider, at pinagtuunan ng iglesia ang paglinang sa kanila. Pakiramdam ko ay magandang maging lider, na magawang ipakita ang sarili ko at makakuha ng pagsang-ayon ng lahat, at na maituturing lang akong matagumpay kung magiging lider ako. Pakiramdam ko rin ay paggawa ng panlabas na gawain ang paggawa ng pangkalahatang gawain, na tanging ang mga hindi naghahangad ng katotohanan ang gumawa ng gayong mga tungkulin, at na minaliit sila ng iba. Dahil sa mga maling ideyang ito, nang makita kong ipinopromote ang lahat ng nasa paligid ko maliban sa akin, labis akong nasaktan, at gusto kong banggitin ng lider ang pangalan ko. Pero nang ipinromote ng lider ang iba sa halip na ako, labis akong naging miserable kaya ayaw ko nang makita ang kahit sino, at wala na akong anumang kagustuhang gawin ang aking tungkulin. Ang saklap na araw-araw akong pinahihirapan ng katanyagan at katayuan, hanggang sa puntong pakiramdam ko ay wala nang saysay ang mabuhay. Hindi ba’t ang paghahangad sa katanyagan at katayuan nang ganito ay pagtahak sa parehong landas ng isang anticristo? Nang mapagtanto ko ito, natakot ako, kaya agad akong nagdasal sa Diyos para magsisi, “Diyos ko, masyadong matindi ang pagnanasa ko sa katanyagan at katayuan. Ayaw kong mabuhay sa mapaghimagsik na kalagayang ito. Pakiusap, patnubayan Mo ako sa pagpapalaya sa aking sarili mula sa mga gapos ng kasikatan at katayuan.”

Isang araw, habang binabasa ko ang salita ng Diyos, nagbago nang kaunti ang mga pananaw ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Gusto ba ninyo na palaging maging superyor sa iba, na ibuka ang inyong mga pakpak at lumipad, at maging isang agila sa halip na isang munting ibon? Anong disposisyon ito? Ito ba ang prinsipyo ng sariling asal? Ang inyong sariling asal ay dapat nakabatay sa mga salita ng Diyos; ang mga salita ng Diyos lamang ang katotohanan. Lubha na kayong nagawang tiwali ni Satanas, at lagi ninyong itinuturing ang tradisyonal na kultura—ang mga salita ni Satanas—bilang katotohanan, bilang layon ng inyong paghahangad, na ginagawang madali para sa inyo na tumahak sa maling landas, na tumahak sa landas ng pagsalungat sa Diyos. Ang mga kaisipan at pananaw ng tiwaling sangkatauhan, at ang mga bagay na hinahangad nila ay pawang salungat sa mga pagnanais ng Diyos, sa katotohanan, at sa batas ng pagiging kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, sa Kanyang pamamatnugot sa lahat ng bagay, at sa Kanyang pagkontrol sa kapalaran ng sangkatauhan. Kaya gaano man kawasto at kamakatwiran ang paghahangad mo ayon sa mga kaisipan at kuru-kuro ng tao, hindi positibong bagay ito sa perspektiba ng Diyos, at hindi ito naaayon sa Kanyang mga layunin. Dahil nilalabanan mo ang katunayan ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng sangkatauhan, at nais mong gumawa ng sarili mong daan, na inilalagay ang iyong kapalaran sa sarili mong mga kamay, palagi kang bumabangga sa mga pader, iniiwan ang iyong sarili na bugbog at may pasa, at hindi kailanman nagtatagumpay ang lahat para sa iyo. Bakit hindi nagtatagumpay ang lahat para sa iyo? Dahil ang batas na ito na itinatag ng Diyos ay hindi mababago ng sinumang nilikha, at ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay nangingibabaw sa lahat ng iba pa, at hindi maaaring labagin ng sinumang nilikha. Masyadong mataas ang tingin ng mga tao sa kanilang mga abilidad. Ano ba ang palaging nagpapanais sa mga tao na maging malaya sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at palaging nagpapanais sa kanilang kontrolin ang sarili nilang kapalaran at planuhin ang sarili nilang hinaharap, at nagpapanais na kontrolin ang kanilang mga kinabukasan, direksiyon, at layon sa buhay? Saan nanggagaling ang motibasyong ito? (Sa mga tiwaling satanikong disposisyon.) Ano kung gayon ang idinudulot ng mga tiwaling satanikong disposisyon sa mga tao? (Pakikipaglaban sa Diyos.) Ano ang nangyayari sa mga taong nakikipaglaban sa Diyos? (Pasakit.) Ang pasakit ay wala pa sa kalahati nito—ito ay pagkawasak. Ang nakikita mismo ng iyong mga mata ay pasakit, pagiging negatibo, at kahinaan, at ito ay paglaban at mga reklamo—ano ang idudulot na kinalabasan ng pakikipaglaban sa Diyos? Pagkalipol! Hindi ito maliit na usapin, at hindi ito biro. Hindi ito nakikita nang malinaw ng mga taong walang pusong may-takot-sa-Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Malulutas Lamang ang mga Tiwaling Disposisyon sa Pamamagitan ng Pagtanggap sa Katotohanan). Katulad ako ng inihayag ng salita ng Diyos. Ginusto kong maging isang agila, hindi isang ibon, at inakala kong naging ibon ako dahil sa pangkalahatang gawain, isang taong hindi karapat-dapat linangin at na minamaliit lang. Ang mga lider, para sa akin, ay parang mga agila. May potensyal sila, at pinahahalagahan at tinitingala ng iba. Namumuhay ako ayon sa “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” “Dapat magsikap ang mga tao na magkaroon ng dignidad,” at iba pang gayong mga satanikong lason. Inisip ko na para magkaroon ng magandang buhay, kailangan ng mga taong umangat nang umangat, at kung mas mataas ang katayuan mo ay mas mabuti, kung hindi ay namumuhay ka ng walang saysay na buhay. Sa ilalim ng kontrol ng mga maling ideyang ito, hindi ko magawa ang aking tungkulin sa isang praktikal na paraan, at palagi kong hinahangad na maging lider para tingalain ako ng mga tao. Nang makita kong napipili bilang mga lider ang mga kapatid na nasa paligid ko, naging miserable ako, hindi ko iyon matanggap, at lumaban ako. Naisip ko, “Hindi naman nalalayo ang galing ko sa kahit kanino. Bakit pwedeng maging lider ang ibang tao, pero hindi ako makaalis sa paggawa ng pangkalahatang gawain?” Nagsimula akong magreklamo laban sa Diyos at inisip kong hindi hinangad ng mga taong gumawa ng pangkalahatang gawain ang katotohanan, kaya namuhay ako sa pagiging negatibo at nagsimulang iraos lang ang bagay-bagay at naging pabaya sa aking tungkulin, na nakaapekto sa aking gawain. Nasaan ang aking katapatan at pagpapasakop sa Diyos? Napakataas ng ambisyon ko! Alam kong ang kakayahan ng bawat tao at ang mga tungkuling kanilang ginagampanan ay pauna nang itinalagang lahat ng Diyos, pati na ang tungkuling kasalukuyan kong ginagampanan, kaya dapat akong tumanggap at magpasakop. Pakiramdam ko palagi na walang nagpapahalaga sa akin sa paggawa sa pangkalahatang gawain, at naging miserable ako, pero dahil iyon sa mga mali kong pananaw sa paghahangad at sa kawalan ko ng kakayahang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at paunang pagtatalagang Diyos. Hindi ko nagawang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, negatibo ako, at nagrereklamo. Sa diwa, tumututol, lumalaban, at nagrerebelde ako sa Diyos. Kung magpapatuloy ako nang ganito, mauuwi lang ako sa impiyerno.

Pagkatapos nun, nakabasa ako ng dalawang sipi ng salita ng Diyos: “Kung may pagpapahalaga ka sa pasanin sa gawain ng iglesia, at nais makilahok doon, mabuti ito; ngunit dapat mong pagnilayan kung nauunawaan mo ba ang katotohanan, kung nagagawa mo bang magbahagi sa katotohanan para lutasin ang mga isyu, kung nagagawa mo bang tunay na magpasakop sa gawain ng Diyos, at kung nagagawa mo bang isagawa nang maayos ang gawain ng iglesia ayon sa mga pagsasaayos ng gawain. Kung nakakatugon ka sa mga pamantayang ito, maaari kang tumakbo upang maging lider o manggagawa. Ang ibig Kong sabihin sa pagsasabi nito ay na kahit papaano, dapat magtaglay ng kamalayan sa sarili ang mga tao. Tingnan muna kung nagagawa mo bang makilatis ang mga tao, kung kaya mo bang maunawaan ang katotohanan at magawa ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo. Kung natutugunan mo ang mga hinihinging ito, angkop kang maging lider o manggagawa. Kung wala kang kakayahang suriin ang sarili mo, maaari mong tanungin ang mga tao sa paligid mo na pamilyar sa iyo o malapit sa iyo. Kung sinasabi nilang lahat na hindi sapat ang kakayahan mo para maging isang lider, at na sapat na ang paggawa mo lang nang maayos sa kasalukuyan mong gawain, kung gayon ay dapat mong agad na kilalanin ang iyong sarili. Dahil mahina ang kakayahan mo, huwag gugulin ang lahat ng oras mo sa pagnanais na maging lider—gawin mo lamang ang kaya mo, gawin nang maayos ang iyong tungkulin nang praktikal, upang magkaroon ka ng kapayapaan ng isipan. Mabuti rin ito. At kung kaya mong maging lider, kung talagang taglay mo ang gayong kakayahan at talento, kung taglay mo ang kapabilidad sa gawain, at mayroong pagpapahalaga sa pasanin, ikaw ay tiyak na uri ng tao na may talento na kulang sa sambahayan ng Diyos, at siguradong maaangat at malilinang; ngunit may oras ang Diyos sa lahat ng bagay. Ang hiling na ito—ang hiling na maiangat—ay hindi ambisyon, ngunit dapat mayroon kang kakayahan, at natutugunan ang mga pamantayan, para maging lider. Kung mahina ang iyong kakayahan subalit ginugugol pa rin ang lahat ng oras mo sa kagustuhan na maging lider, o tumanggap ng ilang mahahalagang gampanin, o maging responsable sa pangkalahatang gawain, o gumawa ng isang bagay na nagtutulot sa iyo na maitangi ang iyong sarili, sinasabi Ko sa iyo: Ito ay ambisyon. Maaaring magdala ng sakuna ang ambisyon, kaya dapat kang mag-ingat dito. Lahat ng tao ay may pagnanais na umusad at handang magpunyagi tungo sa katotohanan, na hindi naman problema. Ang ilang tao ay may kakayahan, nakatutugon sa mga pamantayan ng pagiging mga lider, at nagagawang magpunyagi tungo sa katotohanan, at mabuting bagay ito. Ang iba ay walang taglay na kakayahan, kaya dapat silang tumuon sa sarili nilang tungkulin, gampanan nang maayos ang tungkuling nasa harapan nila mismo at gawin ito ayon sa prinsipyo, at ayon sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos; para sa kanila, mas mabuti iyon, mas ligtas, mas makatotohanan(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (5)). “Ang mga tao ay dapat magkaroon ng tamang pag-unawa at saloobin sa pag-aangat at paglilinang; sa mga bagay na ito, dapat nilang hanapin ang katotohanan, at hindi sila sumunod sa sarili nilang kalooban, o magkaroon ng mga ambisyon at mga pagnanais. Kung pakiramdam mo ay mahusay ang kakayahan mo ngunit hindi ka pa inangat ng sambahayan ng Diyos kahit kailan, ni walang anumang planong linangin ka, huwag kang madismaya o magsimulang magreklamo, tumuon ka lamang sa paghahangad sa katotohanan at pagpupunyaging sumulong. Kapag mayroon kang kaunting tayog at kaya mong gumawa ng tunay na gawain, natural na pipiliin kang maging lider ng hinirang na mga tao ng Diyos. At kung pakiramdam mo ay mahina ang kakayahan mo, at na wala kang tsansang maiangat o malinang, at na imposibleng makamtan ang iyong mga ambisyon, hindi ba mabuting bagay ito? Poprotektahan ka nito! Dahil mahina ang iyong kakayahan, kung makatagpo ka ng isang grupo ng mga bulag na magulo ang isip na pinili kang maging kanilang lider, hindi ba’t malalagay ka sa panganib? Hindi mo kayang gumawa ng anumang gawain at bulag ang iyong mga mata at isipan. Lahat ng ginagawa mo ay panggagambala; bawat galaw mo ay paggawa ng masama. Mas mabuti pang gawin mo nang maayos ang gawain ng kasalukuyan mong tungkulin; kahit papaano ay hindi mo maipapahiya ang iyong sarili, at mas mabuti iyon kaysa maging isang huwad na lider at maging puntirya ng kritisismo sa likod ng mga eksena. Bilang isang tao, dapat mong sukatin ang iyong sarili, dapat kang magkaroon ng kaunting kamalayan sa sarili; kung magkagayon, maiiwasan mong tumahak sa maling landas at gumawa ng malulubhang pagkakamali(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (5)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, napukaw ako. Noon pa man ay pakiramdam ko nang mas magaling ako sa mga kapatid na nasa paligid ko, at gusto kong maging isang lider, pero nararapat ba talaga akong maging isang lider? Talaga bang may kakayahan ako para maging isang lider? Ang mga lider ay dapat hinahangad ang katotohanan, may kakayahang magtrabaho, at may mabuting pagkatao. Hindi pwedeng maging lider ang kahit sino lang. Kung wala sa iyo ang mga kwalipikasyon para maging isang lider at hindi mo kayang gumawa ng totoong gawain, kahit na maging lider ka, hindi ka magtatagal bilang lider, at ang ilang tao ay nabubunyag na mga huwad na lider. Ang totoo ay nakapagsilbi na ako dati bilang lider ng iglesia, pero dahil mababa ang kakayahan ko at mahina ang abilidad ko sa trabaho, hindi ako nakagawa ng totoong gawain, at hindi ko nalutas ang mga problema at paghihirap ng iba, na nakapinsala sa kanilang pagpasok sa buhay at nakasira sa gawain ng iglesia, kaya sa huli ay natanggal ako. Pagdating sa kakayahan at abilidad sa trabaho, hindi talaga ako kwalipikadong maging lider. Kung ihahambing, magaling ako sa pangkalahatang gawain, kaya kong gumawa ng kaunting totoong gawain sa departamentong iyon, at hindi iyon masyadong nakaka-stress. Isinasaayos ng iglesia ang gawain batay sa kakayahan at kalakasan ng bawat tao. Pinahihintulutan nito ang mga taong gampanan nang normal ang kanilang tungkulin at kapaki-pakinabang ito sa gawain ng iglesia. Pero hindi ko alam ang sarili kong kwalipikasyon. Malinaw na wala akong kakayahan at mga kwalipikasyon para maging isang lider, pero pakiramdam ko pa rin ay may talento ako at nakatataas sa iba. At gusto ko palaging mapromote. Nang makita kong ipinopromote ng lider ang iba maliban sa akin, nagreklamo ako na hindi ako binibigyang-pansin ng lider, iniraos ko lang ang tungkulin ko, at mapanlaban at negatibo ako sa Diyos. Napakayabang ko, at wala talaga akong anumang katwiran! Nang mapagtanto ko ito, labis akong nakonsensya, at nagawa kong harapin nang tama ang aking kasalukuyang tungkulin, at handa na akong tumayo sa sarili kong lugar at gawin ang aking tungkulin sa isang praktikal na paraan.

Kalaunan, napakinggan ko ang isang himno ng salita ng Diyos “Isa Lamang Akong Napakaliit na Nilikha”:

1  O Diyos! May katayuan man ako o wala, nauunawaan ko na ngayon ang sarili ko. Kung mataas ang katayuan ko, iyon ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung mababa ito, iyon ay dahil sa Iyong paunang pag-orden. Ang lahat ay nasa Iyong mga kamay. Wala akong anumang pagpipilian, ni anumang reklamo. Pauna Mong inorden na maisilang ako sa bansang ito at sa piling ng taumbayang ito, at ang tanging magagawa ko ay maging ganap na mapagpasakop sa ilalim ng Iyong kapamahalaan dahil ang lahat ng bagay ay ang pauna Mong inorden.

2  Hindi ko iniisip ang katayuan; isa lamang akong nilikha. Kung ilalagay Mo ako sa walang-hanggang hukay, sa lawa ng apoy at asupre, isa lamang akong nilikha. Kung gagamitin Mo ako, isa akong nilikha. Kung gagawin Mo akong perpekto, isa pa rin akong nilikha. Kung hindi Mo ako gagawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil isa lamang akong nilikha.

3  Isa lamang akong munting nilikha ng Lumikha, isa lamang sa gitna ng lahat ng taong nilikha. Ikaw ang lumikha sa akin, at inilagay Mo ako ngayon sa Iyong mga kamay upang ipamatnugot sa akin ang kalooban Mo. Handa akong maging Iyong kasangkapan at Iyong hambingan dahil ang lahat ay ang Iyong paunang inorden. Walang sinumang makakapagbago nito. Lahat ng bagay at lahat ng pangyayari ay nasa Iyong mga kamay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?

Habang pinagninilayan ko ang mga liriko, sumaya ang aking puso. Ang aking katayuan, mataas man o mababa, ay pauna nang itinalaga ng Diyos, at may katayuan man ako o wala, isa akong nilikha. Isa akong nilikha kung mataas ang katayuan ko, at isa pa rin akong nilikha kung mababa ang katayuan ko. Hindi kailanman magbabago ang aking diwa. Isinaayos ng iglesia na gumawa ako ng pangkalahatang gawain, kaya dapat akong tumayo sa lugar ko, gamitin nang lubos ang aking mga kalakasan, at gawin ang aking makakaya para magawa nang maayos ang gawain. Ito ang aking obligasyon bilang isang nilikha. Sa isiping ito, pakiramdam ko ay napalaya ako, at tahimik akong nagdasal sa Diyos, “Diyos ko! Ayaw ko nang maging negatibo at kontrahin Ka dahil lang sa antas ng tungkulin ko. Anuman ang aking katayuan, gusto ko lang na taimtim na tuparin ang tungkulin ng isang nilikha para mapalugod Ka.” Pagkatapos nun, hindi ko na nilalabanan ang mga sitwasyong isinasaayos ng Diyos. Pinag-isipan ko kung paano gagawin nang mabuti ang kasalukuyan kong tungkulin, at ginampanan ang aking gawain sa isang praktikal na paraan. Sa pagsasagawa nang ganito, naging panatag na panatag ako.

Kalaunan, nagnilay ako at napagtanto kong may isa pang dahilan kung bakit ayaw ko ng pangkalahatang gawain, iyon ay dahil mayroon akong katawa-tawa at wala sa katwirang pananaw sa pangkalahatang gawain. Akala ko, hindi naghangad sa katotohanan ang mga taong gumawa ng pangkalahatang gawain, na mas mababa sila at walang pag-asang maligtas, at na ang mga tao lang na itinaas ang ranggo sa mahahalagang tungkulin ang naghangad ng katotohanan, at may pag-asang maligtas. Nakabasa ako ng dalawang sipi ng salita ng Diyos na tumatalakay sa maling pananaw na ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa sambahayan ng Diyos, palaging napag-uusapan ang pagtanggap sa atas ng Diyos at paggampan nang maayos sa tungkulin ng isang tao. Kaya, paano nabubuo ang tungkulin? Sa malawak na pananalita, nabubuo ito bilang bunga ng gawaing pamamahala ng Diyos na naghahatid ng kaligtasan sa sangkatauhan. Sa partikular na pananalita, habang isinasakatuparan sa gitna ng sangkatauhan ang gawain ng pamamahala ng Diyos, lumilitaw ang iba’t ibang uri ng gawain, ang lahat ng ito ay hinihingi sa mga tao na gawin ang parte nila at tapusin ang mga ito. Sa ganitong paraan, nabubuo ang mga responsabilidad at mga misyon ng mga tao, at ang mga responsabilidad at mga misyon na ito ang mga tungkuling iginagawad ng Diyos sa mga tao. Sa sambahayan ng Diyos, ang iba’t ibang uri ng gawain na nangangailangan na gawin ng mga tao ang parte nila ang mga tungkuling dapat nilang gampanan. Kaya’t may mga pagkakaiba ba sa pagitan ng mga tungkulin kung ang pag-uusapan ay kung alin ang higit na mabuti at higit na masama, mataas at mababa, malaki at maliit? Hindi umiiral ang ganoong mga pagkakaiba; hangga’t ang isang bagay ay may kinalaman sa gawain ng pamamahala ng Diyos, isang pangangailangan sa gawain ng Kanyang sambahayan, at kinakailangan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos, ito ay tungkulin ng isang tao. Ito ang pinagmulan at depinisyon ng tungkulin. … Kahit ano pa ang iyong tungkulin, ito ay isang misyon na ibinigay sa iyo ng Diyos. Minsan ay maaaring hinihingi sa iyo na bantayan o pangalagaan mo ang isang mahalagang bagay. Hindi ito isang malaking usapin—masasabi lamang na responsabilidad mo ito—subalit isa itong gampanin na ibinigay sa iyo ng Diyos, tinanggap mo ito mula sa Kanya, at ito ngayon ay tungkulin mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Paggampan ng Isang Tao sa Kanyang Tungkulin nang Pasok sa Pamantayan?). “Hindi totoo na ang mga tao ay nagiging taong nagtataglay ng katotohanang realidad sa sandaling simulan nilang gawin ang kanilang tungkulin. Ang pagsasagawa ng tungkulin ay isang pamamaraan at isang daanan lamang. Sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin, ginagamit ng mga tao ang paghahangad sa katotohanan para maranasan ang gawain ng Diyos, unti-unting maunawaan at matanggap ang katotohanan, at maisagawa ang katotohanan. Pagkatapos ay nararating nila ang isang kalagayan kung saan iwinawaksi nila ang kanilang tiwaling disposisyon, tinatanggal ang mga gapos at pagkontrol ng tiwaling disposisyon ni Satanas, at sa gayon, sila ay nagiging mga tao na may katotohanang realidad at mga taong may normal na pagkatao. Kapag mayroon kang normal na pagkatao, saka lamang makapagpapatibay sa mga tao at magpapalugod sa Diyos ang paggampan mo sa iyong tungkulin at ang iyong mga kilos. At kapag lang sinasang-ayunan ng Diyos ang mga tao sa paggampan ng kanilang tungkulin ay saka sila magiging pasok sa pamantayan bilang mga nilikha(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Makamit ang Katotohanan, Dapat Matuto ang Isang Tao ng mga Aral Mula sa mga Tao, Pangyayari, at Bagay sa Kanyang Paligid). Binaliktad ng salita ng Diyos ang nakalilinlang na pananaw ko sa aking tungkulin. Natutuhan kong ang mga tungkulin ay nagmumula sa gawain ng pamamahala ng Diyos para magligtas ng mga tao, at walang pagkakaiba sa pagitan ng mataas at mababa o malaki at maliit. Anuman ang tungkulin, obligasyon at responsabilidad natin iyon, at dapat nating gawin ang ating makakaya para matamo ito. Kung gusto nating umusad nang maayos ang gawain ng iglesia, kinakailangan nito ang pagtutulungan natin sa paggawa ng bawat tungkulin. Bawat tungkulin ay kailangang-kailangan. Noon, hindi ko nauunawaan ang katotohanan. Sinunod ko ang mga kuru-kuro ko, iniisip na ang mga pangkalahatang gawain ay mababa at na wala akong pag-asang matanggap ang pagliligtas. Iyon at lubos na maling pagkaunawa sa Diyos. Sa totoo lang, kung maliligtas ang isang tao ay walang kinalaman sa katayuan o tungkulin nito. Hindi totoo na magtataglay ka ng katotohanan at maliligtas ka sa pagiging isang lider. Kahit na maraming taon ka nang lider, kung hindi mo hinahangad ang katotohanan, hindi ka sasang-ayunan ng Diyos. Naisip ko ang mga anticristo at huwad na lider na nabunyag. Nilinang sila ng iglesia para sa mahahalagang tungkulin, pero hindi nila hinangad ang katotohanan sa kanilang mga tungkulin. Naghangad sila ng katanyagan at katayuan, gumawa ng personal na proyekto, at naging mapanlaban sa Diyos, at sa huli, itiniwalag sila. Matuwid ang Diyos, at tinutukoy Niya ang kalalabasan ng mga tao hindi batay sa kung may importante silang papel o mataas na katayuan. Ang pinakamahalaga ay kung nagbabago ang kanilang disposisyon sa buhay at kung nagkakamit sila ng katotohanan. Kung maraming taon ka nang sumasampalataya sa Diyos pero hindi mo hinahangad ang katotohanan, at hindi nagbabago ang iyong disposisyon sa buhay, anumang tungkulin ang gampanan mo, mabubunyag at matitiwalag ka sa huli. Matuwid ang Diyos, at hindi Niya tinatrato ang mga tao nang may pagkiling. Naaalala ko rito ang mga salita ng Diyos: “Ang tagumpay o kabiguan ay nakadepende sa landas na tinatahak ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Nakadepende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Ang iyong tagumpay sa pananampalataya sa Diyos ay nakasalalay sa landas na iyong tinatahak. Ang paghahangad sa katotohanan at paggawa sa tungkulin ng isang nilikha sa isang praktikal na paraan ang pinakamahalaga.

Medyo mas malinaw pang ipinakita sa akin ng karanasan ko sa panahong ito ang kalikasan ng paghahangad sa katanyagan at katayuan. Ang paghahangad sa kasikatan at katayuan ay hindi ang tamang landas, paglaban ito sa Diyos. Wala nang mas mahalaga pa kaysa sa paghahangad sa katotohanan. Bukod pa riyan, binigyan din ako nito ng kaunting pagkakilala sa sarili at ng tamang pagtingin sa aking sarili, at ang aking ambisyon na maghangad na maging lider ay hindi na ganoon katindi. Kapag nababalitaan ko ang tungkol sa mga partikular na kapatid na napipili bilang mga lider, kahit na minsan ay naaapektuhan pa rin nun ang mga emosyon ko, sa pamamagitan ng panalangin at paghihimagsik laban sa aking sarili, hindi na ako masyadong napipigilan, at kaya ko nang makipagtulungan nang normal sa aking mga kapatid sa aking tungkulin. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 83. Mga Aral na Natutunan sa Isang Kabiguan

Sumunod: 85. Matatalinong Birhen Lamang ang Maaaring Sumalubong sa Panginoon

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito