88. Bakit Ako Natatakot na Mahigitan?
Noong Hunyo 2019, tinanggap ko ang bagong gawain ng Diyos, at makalipas ang ilang panahon, sinimulan kong magdilig ng mga baguhan. Labis na nagpasalamat sa akin ang ilang baguhan matapos ko silang matulungan, kaya labis ang pagmamalaki ko sa sarili ko, at naramdaman kong angkop na angkop ako sa gawain ng pagdidilig. Kalaunan, tinanggap ko ang isa pang baguhan, at sa simula ay masipag ko siyang diniligan at sinuportahan. Natuklasan ko na nauunawaan niya nang mabuti ang mga bagay-bagay, mabilis na umuusad, at na talagang maganda ang pag-unawang batay sa karanasan na ibinabahagi niya sa mga pagtitipon. Pakiramdam ko’y mabilis niya akong mahihigitan, at na kapag nangyari iyon, hihilingin ng lider na siya na ang magdilig sa lahat ng kapatid, at hindi na ako kakailanganin pa. Nang maisip ko ito, ayaw ko na siyang diligan nang maayos, kaya ilang panlabas na usapin lang ang tinatalakay ko sa kanya. Minsan, tinanong ako ng lider tungkol sa kanya, sinasabing, “Kailangan natin ngayon ng marami pang tagadilig, sa tingin mo ba ay angkop siya para sa paglilinang?” Ayaw ko siyang malinang, dahil napakahusay ng kakayahan niya, at natatakot ako na magiging lider siya ng iglesia sa hinaharap at magkakaroon ng mas mataas na posisyon kaysa sa akin. Kaya sinabi ko sa lider, “Wala akong pagkakilala hinggil dito. Siguro ay dapat mo pa itong siyasatin.” Nang mabalitaan ko na pumunta ang lider para makipag-usap sa kanya, labis akong nainggit at natakot. Madalas kong naiisip, “Baka malilinang at maitataas ang ranggo niya, at mapapalitan pa nga ako.” Noong panahong iyon, pinaghati-hati ang iglesia, kaya nasa magkaibang iglesia kami. Pagkalipas ng ilang buwan, nalaman ko na naging lider na siya ng iglesia. Bagamat binati ko siya at sinabing masaya ako para sa kanya, sa loob-loob ko, naiinggit ako sa kanya. Naisip ko: “Paano siya naging lider nang napakabilis, habang tagadilig pa rin ako?” Lubhang sumama ang loob ko at nagsimula akong magsikap na magdilig ng mga baguhan, dahil gusto kong patunayan sa lider ko na angkop din akong maging lider ng iglesia.
Kalaunan, nahalal din ako bilang lider ng iglesia, pero naiinggit pa rin ako kapag nakikita ko na mas mahusay ang iba kaysa sa akin. Minsan, tinalakay ko sa ibang mga lider at diyakono kung paano susuportahan at tutulungan ang mga baguhan, at nagbahagi ang diyakono ng ebanghelyo ng kanyang mga saloobin tungkol sa usapin. Nagandahan ang nakatataas na lider sa mga mungkahi niya, gayundin ang mga lider ng grupo, kaya sinubukan naming suportahan at diligan ang mga baguhan ayon sa kanyang mga mungkahi. Napakaepektibo nito at talagang naging handa ang mga baguhan na pumunta sa mga pagtitipon at kumuha ng mga tungkulin. Medyo nainggit ako dahil dito, at naisip ko, “Mas magaling sa akin ang diyakono ng ebanghelyo. Kailangan kong pagbutihan at mas matuto pa.” Kalaunan, tinanong ko siya kung gaano katagal na niyang ginagawa ang kanyang tungkulin, at gulat na gulat ako nang sabihin niya sa akin na anim na buwan pa lamang. Talagang nahiya ako—dalawang taon na simula nang tanggapin ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, at ako ang pinakamatagal nang mananampalataya sa lahat ng nasa grupo, pero para pa rin akong isang baguhan na walang mga ideya. Pagkatapos niyon, lagi ko nang inihahambing ang sarili ko sa kanya. Nang makita ko na mahusay siya sa kanyang gawain, na palagi siyang may magagandang pamamaraan at landas para sa pagsasakatuparan ng iba’t ibang klase ng gawain ng iglesia at nakakukuha siya ng mga resulta, lalo pa akong nainggit sa kanya. Naisip ko, “Kung patuloy siyang makakukuha ng ganoon kagagandang resulta sa kanyang gawain, at palaging makaiisip ng magagandang ideya sa mga talakayan ng gawain, makikita ng nakatataas na lider na magaling siya at may mahusay na kakayahan, at sasanayin siya nito na maging lider ng iglesia. Hindi ba’t mangangahulugan iyon na papalitan niya ako?” Minsan, hindi siya pumunta sa isang pagtitipon dahil abala siya sa ibang gawain, at pagkatapos ay tinanong niya ako kung ano ang natutuhan namin sa pagtitipon. Ayaw ko talagang sabihin sa kanya, kaya sinabi ko na lang na nakalimutan ko na. Kalaunan, napansin ko na madalas na nakikipagbahaginan sa kanya ang nakatataas na lider, pero sa akin ay bibihira lang, at nagalit talaga ako dahil dito. Naisip ko, “Kung hindi mo ako kakausapin, hindi ko gagawin ang tungkulin ko!” Noong panahong iyon, gusto kong magpalit ng tungkulin kung saan pwede akong tingalain ng iba. Naisip ko na kung epektibo kong maipangangaral ang ebanghelyo, baka tumaas ang tingin ng mga kapatid sa akin, kaya sinimulan kong mangaral ng ebanghelyo at isinantabi ang gawain ng pagdidilig ng mga baguhan. Pinadalhan ako ng nakatataas na lider ng isang paalala na kailangan kong maunawaan at lutasin agad ang mga paghihirap ng mga baguhan, at sumagot ako, “Sige, kakausapin ko sila mamaya.” Pero ang pangangaral lang ng ebanghelyo ang inalala ko, at hindi talaga ako nakipag-ugnayan sa mga baguhan. Hindi nalutas sa oras ang mga problema ng mga baguhan, at tumigil na sila sa normal na pagdalo sa mga pagtitipon. Hindi nagtagal, pinadalhan ako ng mensahe ng nakatataas na lider para tanungin kung bakit hindi nagtitipon ang mga baguhan at kung nahaharap ba ako sa ilang suliranin, at sinabi ko sa kanya ang sitwasyon ko. Nagbahagi siya sa akin, “Ikaw ang lider ng iglesia, at responsable ka sa lahat ng gawain ng iglesia, lalo na sa pagdidilig ng mga baguhan. Napakahalaga ng gawaing ito. Hindi ka pwedeng gumawa nang wala sa loob at iraos lang ito.” Napaiyak ako matapos marinig iyon. Pakiramdam ko ay labis akong naagrabyado na hindi talaga niya napansin ang mga pagsisikap ko na mangaral ng ebanghelyo.
Kalaunan, sinimulan kong pagnilayan ang saloobing taglay ko sa aking tungkulin. Buong panahong iyon, nag-aalala ako na magiging mas mahusay ang mga baguhan kaysa sa akin, at ayaw kong mahigitan nila ako. Para mapanatili ang aking katayuan, hindi ko diniligan nang maayos ang mga baguhan—lalo na iyong mga may mahusay na kakayahan. Hindi ko rin sila hinikayat na gawin ang kanilang mga tungkulin. Hindi ko talaga tinutupad ang aking mga responsibilidad. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang ilang tao ay palaging natatakot na ang iba ay mas mahusay o mas mataas kaysa sa kanila, na ang iba ay kikilalanin habang sila ay hindi napapansin, at dahil dito ay inaatake at ibinubukod nila ang iba. Hindi ba ito isang kaso ng pagkainggit sa mga taong may talento? Hindi ba’t makasarili at kasuklam-suklam ito? Anong klaseng disposisyon ito? Ito ay pagiging malisyoso! Iyong mga iniisip lamang ang sarili nilang mga interes, binibigyang-kasiyahan lamang ang sarili nilang mga hangarin, nang hindi iniisip ang iba o isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ay may masamang disposisyon, at walang pagmamahal ang Diyos sa kanila” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). “Ngayon, ginagampanan ninyong lahat ang inyong mga tungkulin nang full-time. Hindi kayo napipigilan o natatalian ng pamilya, pag-aasawa, o kayamanan. Nakaahon na kayo mula sa mga bagay na iyon. Subalit, ang mga kuru-kuro, imahinasyon, kaalaman, at mga pansariling intensyon at hangarin na laging laman ng inyong isipan ay nananatiling ganoon pa rin. Kaya, pagdating sa anumang may kinalaman sa reputasyon, katayuan, o pagkakataong mamukod-tangi—halimbawa, kapag naririnig ninyo na ang sambahayan ng Diyos ay nagpaplanong maglinang ng sari-saring uri ng mga taong may talento—lumulukso sa pag-asam ang puso ng bawat isa sa inyo, gusto palagi ng bawat isa sa inyo na maging tanyag at makakuha ng pansin. Lahat kayo ay nais na makipaglaban para sa katayuan at reputasyon. Ikinahihiya ninyo ito, pero hindi magiging maganda ang pakiramdam ninyo kung hindi ninyo ito gagawin. Nakararamdam kayo ng inggit, pagkamuhi, at nagrereklamo sa tuwing may nakikita kayong taong namumukod-tangi, at iniisip ninyo na hindi ito patas: ‘Bakit hindi ako makapamukod-tangi? Bakit palagi na lang ibang tao ang napapansin? Bakit hindi ako kahit kailan?’ At pagkatapos ninyong makaramdam ng sama ng loob, sinusubukan ninyo itong pigilin, ngunit hindi ninyo magawa. Nagdarasal kayo sa Diyos at gumaganda ang pakiramdam sandali, ngunit kapag naharap kayong muli sa ganitong sitwasyon, hindi pa rin ninyo ito madaig. Hindi ba ito nagpapakita ng isang tayog na kulang pa sa gulang? Kapag naiipit sa gayong mga kalagayan ang mga tao, hindi ba’t nahulog na sila sa patibong ni Satanas? Ito ang mga kadena ng tiwaling kalikasan ni Satanas na gumagapos sa mga tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Tumpak na inihayag ng salita ng Diyos ang kalagayan ko. Namumuhi ako kapag mas mahusay sa akin ang iba o nahihigitan nila ako. Kapag nakatatagpo ako ng mga baguhan na nakauunawa nang mabuti sa mga bagay-bagay at may mahusay na kakayahan, natatakot ako na mahihigitan at mapapalitan nila ako, kaya ayaw ko silang diligan nang maayos, o linangin sila ng lider. Lalo na nang makatrabaho ko ang diyakono ng ebanghelyo, at makita ko na epektibo ang pangangaral niya, na palaging magaganda ang mungkahi niya, at palagi siyang pinupuntahan ng nakatataas na lider para talakayin ang gawain, nainggit ako sa kanya, palihim na inihambing ang sarili ko sa kanya, at ninais na pahalagahan ako ng nakatataas na lider sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo. Inisip ko lang ang sarili kong katayuan at ang positibong opinyon ng iba. Hindi ko talaga tinutupad ang aking mga responsibilidad bilang lider. Labis akong nahiya. Dapat ay diniligan ko nang maayos ang mga baguhang ito para mabilis silang makapaglatag ng pundasyon sa tunay na daan, pero hindi ko man lang isinaalang-alang ang mga layunin ng Diyos. Inisip ko lang ang aking sariling reputasyon at katayuan, at hindi ko masipag na diniligan at sinuportahan ang mga baguhan, na naging dahilan sa hindi na nila pagdalo nang normal sa mga pagtitipon. Gumagawa ako ng masama! Nagsimula akong magnilay kung anong mithiin ang hinahangad ko sa aking tungkulin. Ginagawa ko ba ang tungkulin ko para bigyang-lugod ang Diyos o para sa aking mga sariling interes? Kung iniisip ko ang gawain ng iglesia at sinusubukang bigyang-lugod ang Diyos, ginusto ko sanang magsanay ng mas maraming tao para gumanap ng mga tungkulin. Pero hindi ko ginawa iyon. Sa halip, kinainggitan at pinigilan ko ang mga taong may talento, umaasang hindi sila mapapansin ng lider. Napagtanto ko na ginagawa ko ang tungkulin ko alang-alang lamang sa sarili kong posisyon at mga interes. Napakamakasarili ko!
Kalaunan, matapos malaman ng isang sister ang kalagayan ko, pinadalhan niya ako ng isang sipi ng salita ng Diyos: “Ang ilang tao ay naniniwala sa Diyos ngunit hindi hinahangad ang katotohanan. Lagi silang namumuhay ayon sa laman, ninanasa ang mga kasiyahan ng laman, laging pinagpapakasasa ang kanilang mga makasariling paghahangad. Ilang taon man silang manalig sa Diyos, hindi sila kailanman makapapasok sa katotohanang realidad. Ito ang tanda ng pagdadala ng kahihiyan sa Diyos. Sinasabi mo, ‘Wala naman akong anumang ginagawa para labanan ang Diyos. Paano ako nakapagdala ng kahihiyan sa Kanya?’ Lahat ng ideya at iniisip mo ay buktot. Ang mga layunin, mithiin at motibong nasa likod ng iyong mga ginagawa, at ang mga kahihinatnan ng iyong mga pagkilos ay palaging binibigyang-kasiyahan si Satanas, ginagawa kang katatawanan nito, at hinahayaan itong may panghawakan sa iyo. Wala kang pinatotohanan na dapat ginawa ng isang Kristiyano. Nabibilang ka kay Satanas. Nagdadala ka ng kahihiyan sa pangalan ng Diyos sa lahat ng bagay at hindi ka nagtataglay ng tunay na patotoo. Maaalala ba ng Diyos ang mga nagawa mo? Sa huli, anong konklusyon ang mabubuo ng Diyos tungkol sa lahat ng iyong ikinilos, inasal at mga tungkulin na iyong ginampanan? Wala bang kinalabasan iyan, isang uri ng pahayag? Sa Bibliya, sinasabi ng Panginoong Jesus, ‘Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, “Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo ay nangagpalayas kami ng mga demonyo, at sa pangalan Mo ay nagsigawa kami ng maraming gawang kamangha-mangha?” At kung magkagayon ay ipahahayag Ko sa kanila, “Kailanman ay hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan”’ (Mateo 7:22–23). Bakit ito sinabi ng Panginoong Jesus? Bakit nagiging masasamang tao ang napakarami sa mga nangaral, nagpalayas ng mga demonyo, at nagsagawa ng maraming himala sa pangalan ng Panginoon? Ito ay dahil hindi nila tinanggap ang mga katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus, hindi nila sinunod ang Kanyang mga utos, at hindi minahal ang katotohanan sa kanilang puso. Ginusto lang nilang ipagpalit ang gawaing ginawa nila, ang mga paghihirap na tiniis nila, at ang mga sakripisyong ginawa nila para sa Panginoon para sa mga pagpapala ng kaharian ng langit. Sa ganito, sinusubukan nilang makipagtawaran sa Diyos, at sinusubukan nilang gamitin at linlangin ang Diyos, kaya kinasawaan, kinamuhian, at kinondena sila ng Panginoong Jesus bilang masasamang tao. Ngayon, tinatanggap ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, pero naghahangad pa rin ng reputasyon at katayuan ang ilan, at lagi nilang ninanais na mamukod-tangi, laging gustong maging mga lider at manggagawa at magtamo ng reputasyon at katayuan. Bagama’t sinasabi nilang lahat na nananalig at sumusunod sila sa Diyos, at tumatalikod at gumugugol sila para sa Diyos, ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin para magtamo ng katanyagan, pakinabang, at katayuan, at lagi silang may mga sarili nilang pakana. Hindi sila mapagpasakop o tapat sa Diyos, kaya nilang magwala at gumawa ng kasamaan nang hindi pinagninilayan ang kanilang sarili ni kaunti, kaya nga naging masasamang tao sila. Kinasusuklaman ng Diyos ang masasamang taong ito, at hindi sila inililigtas ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Labis akong naantig sa pagbabasa ng siping ito ng salita ng Diyos. Ang masasamang tao na tinutukoy ng Diyos ay hindi mga walang pananampalataya. Sila ay mga taong nananalig sa Diyos, na sumusunod sa Diyos, gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Diyos, na nangangaral ng ebanghelyo at gumagawa sa iba’t ibang lugar, at nagdaranas ng ilang paghihirap, pero ginagawa nila ang mga tungkulin nila alang-alang sa kanilang sariling katanyagan at katayuan, para tingalain ng iba, o para magkamit ng mga gantimpala at ng korona. Wala silang kakayahang maging tapat sa Diyos, at hindi nila kayang isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Kanya, kaya sinabi ng Panginoong Jesus: “Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:23). Naisip ko kung paanong sumampalataya ako sa Diyos sa loob ng dalawang taon, binitiwan ang pag-aaral ko para gawin ang aking tungkulin sa iglesia, at nagdusa at nagbayad ng halaga, pero ang layunin ko ay hindi kailanman para bigyang-lugod ang Diyos. Gusto ko lang maging pinakamahusay sa iglesia, at pataasin ang tingin sa akin ng mga kapatid at ng lider. Iyon ang dahilan kung bakit nagsikap ako nang husto na makilala ako. Ang lahat ng ginawa ko ay para tuparin ang sarili kong mga hangarin, at nabubuhay ako sa isang tiwaling satanikong disposisyon. Walang mabubuting gawa sa mga ginawa ko—masasamang gawa ang mga iyon. Ginagampanan ko ang tungkulin ko nang may maling layunin at motibasyon, na magbubunga lang ng pagkasuklam at galit ng Diyos. Kung magpapatuloy ako nang ganoon, itataboy lang ako ng Diyos. Nang matanto ko ito, natakot ako. Gusto kong magsisi, at hindi na mainggit sa mga kapatid ko, kaya nanalangin ako sa Diyos para hilingin ang patnubay Niya.
Isang araw, nakaipon ako ng lakas ng loob na magtapat sa lider tungkol sa katiwalian ko. Sa halip na pagalitan ako, ibinahagi niya sa akin ang sarili niyang karanasan para tulungan ako. Pinadalhan din niya ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Bilang isang lider ng iglesia, hindi mo lamang kailangang pag-aralan na gamitin ang katotohanan upang lumutas ng mga problema, kailangan mo ring matutunang tumuklas at luminang ng mga taong may talento, na talagang hindi ninyo dapat kainggitan o pigilan. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia. Kung makakapaglinang ka ng ilang naghahangad ng katotohanan upang makipagtulungan sa iyo at gawin nang maayos ang lahat ng gawain, at sa huli, lahat kayo ay may patotoong batay sa karanasan, kuwalipikado kang lider o manggagawa. Kung nagagawa mong asikasuhin ang lahat nang ayon sa mga prinsipyo, kung gayon ay iniaalay mo ang iyong katapatan. … Kung talagang kaya mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, magagawa mong tratuhin nang patas ang ibang mga tao. Kung nagrerekomenda ka ng isang mabuting tao at hinahayaan mo siyang sumailalim sa pagsasanay at gumampan ng tungkulin, at sa gayon ay nagdaragdag ka ng taong may talento sa sambahayan ng Diyos, hindi ba’t padadaliin niyon ang iyong gawain? Kung gayon, hindi ba’t magpapakita ka ng katapatan sa iyong tungkulin? Isa iyong mabuting gawa sa harap ng Diyos; ito ang pinakamababang antas ng konsensiya at katwiran na dapat taglayin ng mga naglilingkod bilang lider. Yaong mga may kakayahang isagawa ang katotohanan ay makakayang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa mga bagay na kanilang ginagawa. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, maitutuwid ang puso mo. Kung gumagawa ka lamang ng mga bagay para makita ng iba, at lagi mong nais na makuha ang papuri at paghanga ng iba, at hindi mo tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, nasa puso mo pa ba ang Diyos? Ang gayong mga tao ay walang may takot sa Diyos na puso. Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pagpapahalaga sa sarili, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at magsimula sa pagkonsidera kung mayroon ba o walang karumihan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging tapat, kung natupad ang iyong mga pananagutan, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at intindihin ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung mahina ang iyong kakayahan, kung mababaw ang iyong karanasan, o kung hindi ka bihasa sa iyong mga propesyunal na gawain, kung gayon ay maaaring may ilang pagkakamali o kakulangan sa iyong gawain, at maaaring hindi ka makakuha ng magagandang resulta—ngunit nagawa mo ang lahat ng iyong makakaya. Hindi mo binibigyang-kasiyahan ang iyong mga makasariling paghahangad o kagustuhan. Sa halip, binibigyan mo ng palagiang pagsasaalang-alang ang gawain ng iglesia at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Bagama’t maaaring hindi ka makapagkamit ng magagandang resulta sa iyong tungkulin, naituwid naman ang puso mo; kung, dagdag pa rito, kaya mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang mga problema sa iyong tungkulin, maaabot mo ang pamantayan sa pagganap mo sa iyong tungkulin, at, kasabay nito, magagawa mong pumasok sa katotohanang realidad. Ito ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng patotoo” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Malinaw na malinaw na inilalahad ng salita ng Diyos ang mga prinsipyo ng pagsasagawa. Bilang lider ng iglesia, dapat unahin ng isang tao ang gawain ng iglesia. Kapag mayroon siyang tamang saloobin, mas madali para sa kanya na gawin nang maayos ang tungkulin niya. Naunawaan ko rin na ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan na pagsasaalang-alang sa layunin ng Diyos sa lahat ng bagay, pagtanggap sa pagsisiyasat ng Diyos, at hindi pagsasaalang-alang sa iniisip ng ibang tao. Kung nais kong mabigyang-lugod ang Diyos at maging mahusay na lider, kailangan kong isuko ang aking katayuan, reputasyon at mga interes. Kailangan kong maghanap ng mga baguhang may talento na nararapat linangin, at tulungan silang gawin ang kanilang mga tungkulin at maghanda ng mabubuting gawa. Iyon lang ang tanging paraan para matupad ko ang tungkulin ko. Ang Diyos ay patas sa lahat. Hindi Niya tinitingnan ang ating kakayahan o ang ating katayuan, tinitingnan Niya kung kaya ba nating hangarin at isagawa ang katotohanan. Kung gagawin ko ang tungkulin ko ayon sa mga hinihingi ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo, at palaging isasaalang-alang kung paano gawin ang aking gawain sa paraan na mapakikinabangan ng gawain ng iglesia, kahit pa medyo mahina ang kakayahan ko, bibigyang-liwanag at gagabayan pa rin ako ng Diyos para magampanan ko nang maayos ang aking tungkulin. Matapos kong maunawaan ang layunin ng Diyos, nanalangin ako sa Diyos para magsisi at sabihin na handa akong maghimagsik laban sa laman, isagawa ang katotohanan, at tuparin ang tungkulin ko para bigyang-lugod Siya.
Pagkatapos niyon, parami nang parami ang mga baguhang tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at hiniling sa akin ng lider na magsanay ng mas maraming manggagawa ng pagdidilig. Nagsimula na naman akong mag-alala na mapapalitan ako ng mga baguhan na nilinang ko, at na hindi na ako pahahalagahan ng lider. Tapos ay napagtanto ko na hindi ko dapat laging iniisip ang aking dangal at katayuan, at na kailangan kong isaalang-alang ang gawain ng iglesia. Nanalangin ako sa Diyos at naalala ko ang ilan sa mga salita Niya: “Bilang isang lider ng iglesia, hindi mo lamang kailangang pag-aralan na gamitin ang katotohanan upang lumutas ng mga problema, kailangan mo ring matutunang tumuklas at luminang ng mga taong may talento, na talagang hindi ninyo dapat kainggitan o pigilan. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia. Kung makakapaglinang ka ng ilang naghahangad ng katotohanan upang makipagtulungan sa iyo at gawin nang maayos ang lahat ng gawain, at sa huli, lahat kayo ay may patotoong batay sa karanasan, kuwalipikado kang lider o manggagawa. Kung nagagawa mong asikasuhin ang lahat nang ayon sa mga prinsipyo, kung gayon ay iniaalay mo ang iyong katapatan” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Bilang isang lider ng iglesia, responsibilidad kong sanayin ang mga baguhan na gampanan ang kanilang mga tungkulin, at responsibilidad at obligasyon ng bawat mananampalataya na gumawa ng tungkulin. Kailangan kong maglinang ng mas maraming baguhan na maging mga tagadilig. Parami nang parami ang mga baguhang tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos, at kung wala akong lilinangin para magdilig sa kanila, hindi agad madidiligan ang mga baguhan, magdudusa ang kanilang pagpasok sa buhay, at maaapektuhan din ang gawain ng iglesia. Kaya pumili ako ng apat na baguhang nakauunawa nang mabuti sa mga bagay-bagay, sinanay sila na maging mga lider ng grupo, at hinayaan silang magsalitan sa pangangasiwa ng mga pagtitipon. Madalas ko rin silang pinaaalalahanan at tinutulungan sa pagdidilig ng ibang mga baguhan. Sa ganitong pagtutulungan, maliban sa mabilis na nadiligan ang mga baguhan, nagkaroon din ako ng mas maraming oras para tumuon sa pangkalahatang gawain ng iglesia, at unti-unting bumuti ang pagiging epektibo ng aming gawain. Masayang-masaya akong makita ang mga baguhan na unti-unting umuusad at nagsisimulang gumanap sa kanilang mga tungkulin. Napalagay ako, at nagkamit ako ng kaunti pang pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Katulad ito ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Kung nagrerekomenda ka ng isang mabuting tao at hinahayaan mo siyang sumailalim sa pagsasanay at gumampan ng tungkulin, at sa gayon ay nagdaragdag ka ng taong may talento sa sambahayan ng Diyos, hindi ba’t padadaliin niyon ang iyong gawain? Kung gayon, hindi ba’t magpapakita ka ng katapatan sa iyong tungkulin? Isa iyong mabuting gawa sa harap ng Diyos; ito ang pinakamababang antas ng konsensiya at katwiran na dapat taglayin ng mga naglilingkod bilang lider” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Ang mga salita ng Diyos ang ganap na dahilan kaya ako nagkamit ng pagkaunawang ito, at nagkaroon ng kaunting pagsasagawa at pagpasok sa aking tungkulin. Salamat sa Diyos!