Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, Volume IV

Paglalantad sa mga Anticristo

Ang Paglalantad sa mga Anticristo ang ika-apat na tomo sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ang aklat na ito ay isang espesyal na serye ng mga sermon at pagbabahagi ng Makapangyarihang Diyos, ni Cristo ng mga huling araw, sa mga iglesia. Masinsinang inilalantad ng Diyos ang bawat pagpapamalas ng mga disposisyon ng mga anticristo, ginagawa itong lubusang malinaw sa mga tao at malaki ang naitutulong sa kanila na makilatis ang kalikasang diwa ng mga anticristo. Ang mga disposisyon ng mga anticristo ay mga satanikong disposisyon, na taglay rin ng tiwaling sangkatauhan. Upang mailigtas ng Diyos, kailangang tanggapin ng isang tao ang paghatol ng mga salita ng Diyos bago sila madalisay. Ang mga katotohanang ito na naglalantad sa mga anticristo ay nagsisilbing babala, udyok, paglalantad, at paghatol, na lubos na kapaki-pakinabang sa pag-unawa sa katotohanan, pagkilala sa sarili, at pagtatamo ng kadalisayan. Sa pamamagitan lamang ng pagkilatis sa mga anticristo makakaiwas ang isang tao na malihis ng iba, tumigil sa pag-iidolo at pagsunod sa ibang tao, at sa halip ay kamtin ang resulta ng pagsunod, pagpapasakop, at pagsamba sa Diyos.

Mga Pagbigkas ng Cristo ng mga Huling Araw

I-download

Kontakin Kami Gamit ang Messnger