Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Traydor, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)
Mga Karagdagang Babasahin: Pagharap sa Insidenteng Kagagawan ng mga Anticristo sa Canada
Ano ang sitwasyon ngayon ng mga tao sa pagganap sa kanilang tungkulin sa iglesiasa Canada? Nakikilatis ba ninyo ang anticristo na si Yan? May nakikita ba kayong anumang mga problema sa paraan ng pagsasalita at pag kilos ni Yan? (Sa panahong iyon, wala akong nakitang anumang mga problema, inisip ko lang na hindi niya sinusubaybayan ang mga gawain. Wala talaga akong gaanong alam tungkol sa ibang bagay.) Puwedeng magpatuloy ang kasunod na tao. (Wala akong masyadong ugnayan kay Yan. Dumalo ako ng ilang pagtitipon kasama siya dalawang taon na ang nakalipas, pero hindi ko na siya nakakausap pagkatapos noon.) Lider ng iglesia ninyo si Yan, paanong wala sa grupo ninyo ang may komunikasyon sa kaniya? Dahil ba natuklasan na may mga problema siya ngayon at sinusubukan ninyong iwasan ang mga responsabilidad ninyo, o talagang hindi na ninyo siya nakakausap? Nabalitaan Kong may isang taong nagkaroon ng hindi tamang relasyon kay Yan—totoo ba? (Oo.) Napansin ba ninyo ito? (Hindi.) Kung gayon napakabulag ninyo. Puwedeng magpatuloy ang iba. (Maraming beses kong nakaugnayan si Yan. Noong panahong iyon, inisip ko lang na medyo mapagmataas at mapagmagaling siya, at mahilig siyang magmalaki sa sarili at magpasikat. Pero hindi ko kailanman nakilatis na may diwa siya ng isang anticristo.) Mahilig siyang mang-akit ng mga babae; alam mo ba iyon? (Hindi. Palagi siyang nagsasalita nang estrikto sa pagbabahaginan na talagang masama para sa mga lalake at babae ang papalit-palit ng kapareha, at madalas niyang ibinabahagi na kailangan naming itigil ang gayong pag-uugali. Hindi ko kailanman inakalang magiging ganoon siya kapag walang nakakikita.) Puwede nang magpatuloy ang susunod. (Nakipag-ugnayan ako kay Yan sa loob ng isang taon, pero wala akong magandang relasyon sa kaniya at wala kaming magkatugmang kooperasyon. Nakakausap ko lang siya kapag pinag-uusapan namin ang gawain at wala na akong masyadong interaksiyon sa kaniya bukod doon. Kaya wala akong masyadong gaanong pagkakilatis sa kaniya.) Hindi mo siya gaanong nakikilatis? Ito ba ay d ahil hindi mo nakita kung ano ang nangyayari o hindi mo ito nakilatis? Paanong wala kang gaanong pagkilatis sa kaniya? Paanong ganito ang kinalabasan? (Dahil mali ang landas na tinahak ko at inidolo at h ina ngaan ko ang isang taong may pambihirangtalino. Magaling magsalita si Yan, at sa bawat pagbabahaginan ay sisipiin niya ang mga salita ng Diyos at ang mga sermon at mga pagbabahaginan mula sa Itaas. Mukhang alam niya kung paano lutasin ang mga problema, at tuwing may problema sa iglesia susubukan niyang lutasin ito.) Kung alam niya kung paano lutasin ang mga problema, paanong nangyaring napakarami pa ring problema ng Film Production Team ng iglesia sa Canada na hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas? Sinasabi mona talagang alam niya kung paano lutasin ang mga problema, hindi ba kalokohan iyon? Hindi ba mapanlinlang iyon? (Oo.) Nakikinig ba kayo ng mga sermon? Linggo-linggo ba kayong dumadalo sa mga pagtitipon? (Dumadalo kami.) Kung gayon, nakikinig ba kayo sa Akin kapag ipinangangaral ko ang mga sermon tungkol sa pagkilatis sa mga anticristo? (Oo.) Pagkatapos ninyo Akong pakinggan, nagkakaroon na ba kayo ng pagkilatis kay Yan? Nakikita ba ninyo ang anumang mga problema sa paraan ng paggawa ni Yan ng mga bagay? Nakikinig kayo ng mga sermon at nagtitipon sa iisang lugar kasama ang anticristo, pero hindi ninyo nakita ang isang halatang anticristo—anong problema rito? Dalawang taon at limang buwang naging lider si Yan; sino ang pinakamadalas niyang nakasasalamuha? Sa anong grupo siya gumugol ng pinakamahabang oras? Ilang tao sa grupo na iyon ang nakakilatis sa kaniya? Ilan ang nakatuklas na may problema siya at hindi ito ipinaalam? Sino ang nakatuklas na may problema siya at lumantad para ipaalam ito? Alam ba ninyo ang mga sagot sa mga tano ng na ito? (Walang sinuman ang nakakilatis kung ano ba talaga siya.) Kung ganoon paano ninyo natuklasan kalaunan na siya ay isang anticristo? (Isang kapatid na babae na may mga kaugnayan sa kaniya ang nagsabing nasa masamang kalagayan siya, at nang subukan naming alamin ang higit pa tungkol sa sitwasyon, natuklasan namin ang problema ni Yan tungkol sa mga kaugnayan niya sa mga babae.) Inilantad ng kapatid na babaeng iyon ang problema, pero iniulat ba ito ng sinuman sa inyo? (Hindi.)
Sa paglipas ng panahong iginugol natin sa pagbabahaginan at paghihimay-himay sa iba’t ibang pagpapamalas ng mga anticristo, may natuklasan ba kayong iba pang problema kay Yan? (Sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa pagkilatis sa mga anticristo, natuklasan ko na napakahusay ni Yan sa paglikha ng mga alitan sa pagitan ng mga tao. Madalas niyang hinuhusgahan ang ilang partikular na kapatid sa harap ko at sinusubukan niyang lumikha ng hidwaan sa relasyon ko sa sister na katrabaho ko, sinasabi na ang sister na ito ay mapagpalugod lang ng mga tao na hindi nagsasagawa ng katotohanan, at iba pa. Dahil dito, nagkaroon ako ng ilang partikular na opinyon tungkol sa sister na iyon, at sa paglipas ng panahon ay hindi na ako nakapagtrabaho nang maayos kasama ito.) Sa totoo lang, lahat kayo ay may mga opinyon tungkol kay Yan, pero walang nagbanggit tungkol sa mga ito o nag-ulat tungkol sa kanya. Kayong lahat ay mga mapagpalugod ng mga tao na mas pipiliin pang makaantala sa gawain ng iglesia at huwag magmalasakit tungkol dito. Hindi niya ginawa ang gawaing isinaayos ng Itaas para sa kanya, at nang makita ninyo ito, hindi ninyo siya iniulat, bagkus ay pinagtanggol at binigyang-layaw ninyo ang anticristong ito. Bakit hindi ninyo siya iniulat? Natatakot ba kayo na mapasama ang loob niya o hindi ba ninyo lubusang naintindihan ang mga bagay-bagay? (Hindi ko lubusang naintindihan ang mga bagay-bagay. Bukod sa nakikita ko siya kapag may isyu ako paminsan-minsan, hindi ako karaniwang nakikisalamuha sa kanya. Sinabi niya na abala siya sa pagtatrabaho, pero hindi namin alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.) Hindi kailangang imbestigahan kung ano ang ginagawa niya kapag walang nakakakita; dapat ay malinaw mong nakita ang ilan sa mga ginagawa niya sa mismong harapan mo. May mga partikular na pagpapamalas kapag gumagawa ng mga bagay-bagay ang mga anticristo. Hindi lang siya gumagawa ng mga bagay-bagay nang patago; matutukoy mo ang mga pagpapamalas na iyon sa personal. Kung hindi ninyo makita ang mga pagpapamalas na iyon, hindi ba’t bulag kayo kung gayon? (Oo.) Kaya, kung magkakaroon uli ngayon ng isang taong katulad nito, makikilatis ba ninyo sila? Makakagampan ba ng aktuwal na gawain ang isang taong katulad ni Yan? Makakapagbahagi ba siya tungkol sa katotohanan at makakalutas ng mga problema? (Hindi.) Bakit ninyo sinasabing hindi? (Kung ang mga resulta ng gawain ang pag-uusapan, maraming problema ang iglesia na hindi nalutas sa loob ng mahabang panahon, napakabagal ng pag-usad ng lahat ng gawain, at ang mga pelikulang ginawa namin ay hindi tumugma sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos.) Bago pinangasiwaan si Yan, nakita ba ninyo na problema ito? (Hindi.) Kung gayon, ano ang nauunawaan ninyo pagkatapos ninyong makinig sa mga sermon? Hindi ninyo nakikita ang mga ganoon kalubhang problema, at palagi lang kayong nagpapalusot, sinasabi ninyo, “Hindi kami nakisalamuha sa kanya. Paano namin malalaman ang mga ginagawa niya nang patago? Mga ordinaryong mananampalataya lang kami, isa siyang lider. Hindi pwedeng palagi nalang namin siyang sinusundan, kaya, makatwiran lang na hindi namin siya nakilatis at na hindi namin siya iniulat.” Ito ba ang ibig ninyong sabihin? (Oo.) Ano ang kalikasan nito? (Sinusubukan naming iwasan ang aming mga responsabilidad.) Kaya, haharapin ba ninyong muli nang ganito ang usapin kung may makakatagpo kayong taong katulad nito sa hinaharap? (Hindi, hindi ko na muling haharapin nang ganito ang usapin. Kapag natuklasan ko sila, dapat ko silang iulat.) Hindi Ako masyadong sigurado na gagawin ninyo iyan. May mga tao sa maraming iglesia na nag-uulat ng mga huwad na lider at mga anticristo, pero wala ni isa sa iglesia sa Canada. Napakatagal nang aktibo ng anticristong ito at walang nag-ulat sa kanya, hindi siya iniulat ng sinuman. Kamakailan lang, nagpadala ng liham ang Film Production Team sa US na nag-uulat tungkol sa isang tao. Organisado ang pagkakasulat dito at may batayan ang mga nilalaman nito, at napakapartikular at tumpak din nito, pangunahin itong nakabatay sa mga katunayan. Ipinapakita nito na sa bawat iglesia, may ilang tao na nakakakilatis ng mga huwad na lider at anticristo—mabuting bagay ito. Gumagampan ang mga huwad na lider at anticristo minsan, at nagbubunyag sila ng mga partikular na problema. Maaaring nakikita lamang ng ilang tao na may mga problema, pero hindi nila malinaw na nauunawaan ang diwa at ang katotohanan ng mga problemang ito o kung paano lulutasin ang mga ito—ito rin ay nauukol sa kawalan ng pagkilatis. Ano ang dapat ninyong gawin sa mga gayong sitwasyon? Sa mga ganitong pagkakataon, dapat kayong humingi ng tulong sa isang taong nakakaunawa sa katotohanan na kilatisin ang mga ito. Kung may ilang tao na kayang umako ng responsabilidad, kapag ang lahat ay sama-samang naghahanap, nagbabahaginan, at nagtatalakayan tungkol sa usapin, maaari kayong magkaroon ng magkaisang opinyon at malinaw ninyong maunawaan ang diwa ng problema, at pagkatapos ay makikilatis ninyo kung sila ay mga huwad na lider at anticristo. Hindi masyadong mahirap na lutasin ang problema ng mga huwad na lider at anticristo; hindi gumagampan ng aktuwal na gawain ang mga huwad na lider at madali silang matuklasan at makita nang malinaw; ginugulo at ginagambala ng mga anticristo ang gawain ng iglesia at madali ring matuklasan at makita nang malinaw. Ang lahat ng ito ay nauugnay sa problema ng panggugulo sa paggampan ng mga hinirang ng Diyos sa kanilang mga tungkulin, at dapat ninyong iulat at ilantad ang mga gayong tao—sa pamamagitan lamang ng paggawa niyon ninyo mapipigilan ang pagkaantala ng gawain ng iglesia. Ang pag-uulat at paglalantad sa mga huwad na lider at anticristo ay napakahalagang gawain na nagtitiyak na magagampanan nang maayos ng mga hinirang ng Diyos ang kanilang mga tungkulin, at pinapasan ng lahat ng hinirang ng Diyos ang responsabilidad na ito. Hindi mahalaga kung sino ito, basta't siya ay isang huwad na lider o isang anticristo, dapat siyang ilantad at ibunyag ng mga hinirang ng Diyos, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang inyong responsabilidad. Hangga't ang iniuulat na problema ay totoo at talagang mayroong insidente ng huwad na lider o anticristo, palagi itong pangangasiwaan ng sambahayan ng Diyos nang napapanahon at nang naaayon sa mga prinsipyo. Kaya, ipinagbigay-alam ba ninyo ang problema sa anticristong si Yan? Hindi. Kayo ay nilihis at pinaglaruan ng diyablong ito sa loob ng mahabang panahon, na parang wala kayong kamalayan. Ang magkaroon ng gayon kahalatang anticristo sa tabi ninyo na kumikilos nang walang pakundangan sa loob ng mahabang panahon at para tulutan lamang ninyo ito na magpatuloy nang wala man lang kumokontra, talaga bang wala kayong kamalayan? Normal ba kayong namumuhay ng buhay-iglesia? Natatamasa ba ninyo ang gawain ng Banal na Espiritu? Nakikinabang ba kayo sa tuwing dumadalo kayo sa isang pagtitipon? Dapat ay nararamdaman ninyo ang lahat ng ito. Ang pinakamahalaga, hindi nagsagawa ng anumang aktuwal na gawain ang anticristong si Yan, nagsanhi siya ng mga pagkaantala sa paggawa ng pelikula, at labis niyang ginulo ang gawain ng iglesia. Ang sinumang may puso ay dapat na nakita ang mga bagay na ito, ngunit wala sa inyo ang naglantad o nag-ulat tungkol sa anticristong ito. Para bang gusto ninyong nakikihalubilo sa maruruming diyablo at masasamang espiritu, at na walang-wala kayong pagmamahal sa katotohanan. Maaaring ayaw ninyong aminin ito, pero ito ay totoo. Nakihalubilo kayo sa isang diyablo, pero iniisip ninyo na maganda ito. Iniisip ninyo na hindi na ninyo kailangang basahin ang mga salita ng Diyos o hangarin ang katotohanan, at maaari na lamang ninyong pabasta-bastang iraos ang mga pormalidad sa paggampan ng inyong tungkulin; iniisip ninyo na hindi na ninyo kailangang mag-abala pa sa pagkamit ng kaligtasan, pagsasagawa sa katotohanan, pagpapasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, o sa paggampan nang maayos sa inyong tungkulin. Naniniwala kayo na pwede ninyong basta lang na bigyang-layaw ang inyong laman at maging malaya kayo, tulad lamang ng mga tao sa Sodom noon, na kumakain, umiinom, nagsasaya lang, at hindi gumagawa ng nararapat na gawain, nang walang sinumang umaako ng responsabilidad, at walang naglalantad o nag-uulat sa anticristo. Dahil dito, walang gawain ng Banal na Espiritu sa iglesia sa loob ng mahabang panahon. At wala kayong pakialam, nasadlak na kayo sa imoralidad, walang pagkakaiba sa mga hindi mananampalataya at walang pananampalataya. Maraming taon na kayong nakikinig ng mga sermon, at kahit ngayon ay hindi pa rin ninyo makilatis ang mga huwad na lider at anticristo, sa halip ay handa kayong makihalubilo sa mga anticristo at kumain buong araw nang hindi seryosong pinag-iisipan ang anumang bagay. Sapat na ang gayong pag-uugali para maipakita na hindi kayo tunay na mananampalataya sa Diyos. Una, hindi ninyo minamahal ang katotohanan o tinatanggap ang katotohanan; pangalawa, wala kayong pagpapahalaga sa responsabilidad sa inyong tungkulin, lalong hindi masasabing tapat ninyo itong ginagampanan, at basta lang ninyong binabalewala ang gawain ng iglesia. Mukha kayong gumagampan sa inyong tungkulin ngunit wala kayong natatamong resulta; iniraraos lamang ninyo ang mga pormalidad. Gaano man guluhin at sirain ng mga huwad na lider at mga anticristo ang gawain ng iglesia, wala kayong kaalam-alam, at hindi man lang kayo nababahala rito. Kapag ganap nang nabunyag ang isang anticristo, saka lamang ninyo inaamin na wala kayong pagkilatis, at kapag tinatanong Ko ang tungkol sa mga detalye, sinasabi ninyo, “Hindi ko alam, hindi ako ang responsable rito!” Ganap kayong naghuhugas-kamay sa usaping ito. Sa palagay ba ninyo, kapag sinabi ninyong tapos na ang usaping ito ay makatatakas na kayo sa inyong responsabilidad? Hindi na ba ito susuriin ng sambahayan ng Diyos? Diniligan kayo ng sambahayan ng Diyos sa loob ng mahabang panahon at marami na kayong napakinggang sermon, at ano ang kinalabasan? Mayroong seryosong problema, kung saan lumitaw ang isang anticristo sa iglesia, pero hindi ninyo ito namamalayan. Ipinapakita nito na hindi man lang kayo nakausad, na kayo ay manhid at mahina ang utak, at na binibigyang-layaw ninyo ang inyong laman. Kayo ay pawang mga bangkay, walang ni isang buhay sa inyo, walang ni isang naghahangad sa katotohanan, sa pinakamainam ay may ilang trabahador lamang sa inyo. Ang makapanampalataya sa Diyos at makinig sa mga sermon sa loob ng mahabang panahon, at pagkatapos ay makihalubilo sa isang anticristo, at hindi ito ilantad o iulat—ano ang pagkakaiba mo sa isang taong hindi nananampalataya sa Diyos? Kayo ay nabibilang sa mga anticristo, kayo ay hindi mga tao ng Diyos; sumusunod kayo sa mga anticristo, sumusunod kayo kay Satanas, at hinding-hindi kayo mga tagasunod ng Diyos. Kahit na hindi ninyo ginawa ang masasamang bagay na iyon na ginawa ng anticristo, pero sumunod kayo sa kanya at pinrotektahan ninyo siya, dahil hindi ninyo siya inilantad o iniulat at sinasabi ninyo na hindi ninyo masyadong nakasalamuha ang anticristo at na hindi ninyo alam kung ano ang kanyang ginagawa. Sa paggawa nito, hindi ba’t ipinagtatanggol ninyo ang anticristo habang dilat na dilat ang inyong mga mata? Gumawa ng napakaraming kasamaan ang anticristo at pinaralisa nito ang gawain ng iglesia, ginambala ang buhay-iglesia hanggang sa lubusang magulo ito, subalit sinasabi ninyo na hindi ninyo alam kung ano ang ginagawa ng anticristo—sino ang maniniwala niyan? Nakita ng sarili niyong mga mata na ginugulo at pinipinsala ng anticristo ang gawain ng iglesia, subalit ganap kayong walang pakialam at wala man lang kayong reaksiyon. Walang naglantad o nag-ulat sa anticristo—lahat kayo ay nabigong gampanan kahit man lang ang maliit na responsabilidad na ito at lubos kayong walang konsensiya at katwiran! Ang lahat ng iglesia ay madalas na nagpapadala ng mga liham na nag-uulat ng mga huwad na lider at mga anticristo—hindi ba ninyo ito nakita kahit kailan? Tanging ang iglesia sa Canada ang tila isang lawa ng hindi dumadaloy na tubig na hindi kailanman nakipag-ugnayan sa Itaas para magbigay ng ulat tungkol sa sitwasyon nito. Kayo ay pawang mga bangkay, walang ni isang buhay sa inyo! Hindi kikilalanin ng Diyos ang gayong iglesia, at kung hindi kayo magsisisi, kayo ay ganap na matatapos at lahat kayo ay matitiwalag.
Ngayon ay ika-10 ng Hulyo, 2019. Mula ngayon, pormal na sasailalim ang Canadian Film Production Team sa panahon ng pagbubukod at pagninilay-nilay sa loob ng isang taon. Ilang tao ang nasa Film Production Team? (Diyos, may 34 tao sa Film Production Team.) At ilan ang mga lider? (Dalawa.) Sige, tumayo kayong dalawa para makita Ko kayo. Kayong mga tao sa Film Production Team, tandaan ninyo ang araw na ito, ika-10 ng Hulyo. Simula ngayon, pormal na uuriin ang Canadian Film Production Team bilang Grupo B sa loob ng isang taon. Kung magsisisi kayo maaari kayong makabalik sa ordinaryong iglesia; titingnan natin kung anong magiging ugali ninyo sa loob ng isang taon—kung patuloy ninyong magagawa ang inyong tungkulin, at magpapakita kayo ng pagsisisi, puwede ninyong muling ipagpatuloy ipamuhay ang buhay iglesia. Naiintindihan ba ninyo? (Oo.) Mananatiling pareho ang mga tungkulin ninyo sa panahong ito. Kung may ilan sa inyo na ayaw mapaalis at matiwalag, ano sa tingin ninyo ang pagpapatibay ng pamamaraang ito ng pagbubukod at pagninilay-nilay? Nasisiyahan ba kayo rito? (Oo.) Bakit isang taon ang ibinibigay Ko sa inyo? (Para bigyan kami ng pagkakataong magsisi.) Para bigyan kayo ng pagkakataong magsisi. Kung pagkatapos ng isang taon ay kahiya-hiya pa rin ang asal ninyo, ang kahusayan ninyo sa gawain ay wala pa rin sa pamantayan, napipilitan pa rin kayo sa pagganap sa inyong tungkulin at ang tungkulin ninyo ay kasinggulo pa rin ng dati, wala pa rin kayong nagagawang pag-unlad sa inyong propesyonal na gawain at buhay pagpasok, at wala pa rin kayong nakakamit na anumang resulta, kung gayon ay magpapatuloy pa rin kayong nakabukod sa loob ng isa pang taon, at sa ganitong paraan ang haba ng panahon ay palalawigin nang taon-taon. Kapag sumusulong kayo, iyon ay, kapag makasusulat na kayo ng ilang mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan, at ang inyong pag-uugali, pang-unawa, at ang mga resulta ng gawain ay talagang nasa pamantayan na, puwede na ninyong muling ipagpatuloy ipamuhay ang buhay iglesia. Ang ibang mga grupo sa iglesia ng Canada ay puwede nang magpatuloy ipamuhay ang buhay iglesia. Titingnan namin kung anong magiging saloobin ninyo sa pagganap sa inyong tungkulin sa hinaharap. Kung patuloy pa rin kayong kumikilos nang kahiya-hiya, kung gayon ay ibubukod ang lahat ng nasa iglesia ng Canada. Naiintidihan ba ninyo? (Oo.) Ano sa tingin ninyo ang kinalabasang ito ng pangangasiwa ng usapin? (Mabuti ito.) Talaga bang mabuti ito, o sinasabi lang ninyo iyon? (Talagang mabuti ito.) Sige, nasisiyahan kayo rito. Kaya ang sermong ito ngayon ang huling maririnig ninyo, at ayon sa Aking orihinal na intensiyon, kayo ay ganap na ibubukod at ititiwalag, at hindi na kayo pahihintulutang makinig ng mga sermon. Sa lahat ng taong pinakikinggan ninyo ang mga sermon ay walang saysay at wala pa kayong natututuhan, kaya bakit nakikinig pa rin kayo? Ako ay labis na nasasaktang tingnan kayo! Mukhang anhid at mapurol kayo.
Noong nakikipag-usap Ako sa isang kapatid na babae sa iglesia ng Canada, nabalitaang kong ang sitwasyon doon ay puro walang kuwentang tawanan at sobrang mahalay, napakaingay na hindi na siya makapag-type, na para bang siya ay nasa abalang lugar sa lungsod. Nagsimulang ayawan Ko ito at sinabi Kong ang mga tao sa iglesia ng Canada ay hindi mga deboto, kundi puro mahahalay, tulad ng mga hindi mananampalataya, at hindi nila hinangad ang katotohanan. Kalaunan, nakipagbahaginan Ako sa mga taong ito tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa produksiyon ng pelikula at talagang mga manhid sila. Anong ibig sabihin ng “manhid?” Noong nakikipag-usap Ako sa kanila, wala silang ipinakitang reaksiyon o kahit anong eskpresyon ng mukha, nakatitig lang sila, na para bang sinapian sila ng masasamang espiritu—wala silang reaksiyon o saloobin tungkol sa kahit ano. Hindi ba ito nakadidiri? Kung hahatulan ang mental na kalagayan at hitsura ng mga taong ito, walang maayos sa grupong ito, magugulo silang lahat, sa partikular, may nangyaring imoral sa Film Production Team, at sinasabi pa rin nilang wala silang nalalamang anuman? Tumpak ba ang sinasabi nila? Hindi ba mapanlinlang ito? Sa totoo lang, ang usaping ito kay Yan na anticristo ay pinangangasiwaan na ng mga lider at mga manggagawa, pero dahil napakaseryoso at kasuklam-suklam nito, kailangan Kong personal na makialam dito. Bakit kailangang Kong makialam? Dahil hindi nila ito pinangangasiwaan nang maayos. Nagsabi lang sila ng mabababaw na bagay, hindi nila kayang lutasin alinman sa mga problema, at hindi man lang kayang himayin ang usapin. Gaano talaga kayo kamanhid ngayon? Puwede kayong tusukin ng karayom sa mukha at hindi dudugo; talagang wala kayong mararamdamang kahit na ano. Napupungusan nang lahat ang lider at manggagawa, pero pagkatapos noon ganoon pa rin sila at hindi nagbago. Kaya kinailangan Kong makialam at baguhin ang “pagtrato” ninyo. Anong mga aral ang natututuhan ninyo sa usaping ito? Nakararamdam kayo ng kalungkutan sa puso ninyo, hindi ba? Sa tingin ba ninyo ay makatarungan na Ako ang nangangasiwa sa mga bagay na ito sa ganitong paraan? (Oo.) Paano ito naging makatarungan? Hayaan ninyong magsalita Ako nang prangka: Kung hindi mo sinusunod ang tamang landas o isinasagawa ang katotohanan, kung iwinawagayway mo ang pananampalataya mo sa Diyos pero gusto mong mamuhay na gaya lang ng mga walang pananampalataya at kumilos nang walang pakundangan, kung gayon ang pananampalataya mo sa Diyos ay walang kabuluhan. Bakit Ko sinasabing ito ay walang kabuluhan? Saan ba nakasalalay ang kabuluhan ng pananampalataya sa Diyos? Nakasalalay ito sa ganap na pagbabago ng landas na tinatahak ng mga tao, sa kanilang pananaw sa buhay, at sa direksiyon ng buhay nila at sa mga tunguhin matapos nilang manampalataya sa Diyos, sa mga bagay na ito na ganap na naiiba mula sa mga hindi nananampalataya sa Diyos, mula sa mga makamundong tao, at mula sa mga diyablo, at sa landas na tinatahak ng mga mananampalataya na ganap na salungat sa kanila. Ano itong salungat na direksiyon? Ito ay ang kagustuhan mong maging isang mabuting tao, at maging isa na nagpapasakop sa Diyos at may wangis ng tao. Kaya, paano mo ito makakamit? Dapat kang tumuon sa pagsisikap para sa katotohanan, at doon mo lamang magagawang magbago. Kung hindi mo hinahangad o isinasagawa ang katotohanan, kung gayon ang pananampalataya mo sa Diyos ay walang kabuluhan o halaga, ang pananampalataya mo ay walang laman, isang tuwirang kasinungalingan, mga salita lang na walang laman, walang kahit anong epekto. Dapat ninyong pagnilayan ang sinasabi Ko rito. Ang mga ito ang pinakasimple at pinakapangunahing katotohanan, at marahil ay hindi pa ninyo napagnilayan ang mga iyon dati. Ganito ba? Kung sinasabi mo, “Nananampalataya ako sa Diyos. Gagawin ko ang dapat kong gawin, gagawin ko ang gusto ko, at tungkol sa pagpapasakop sa Diyos, sa pagpapasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, pagiging matapat sa Diyos, at pagiging may pagkatao, ang mga iyon ay walang kinalaman sa akin,” kung walang kinalaman ang mga bagay na ito sa iyo, anong ginagawa mo na nananampalataya sa Diyos? Bakit ka nananampalataya sa Diyos? Paano mo ba gustong manampalataya sa Kaniya? Anong klaseng tao ba ang gusto mong maging sa iyong pananampalataya sa Diyos? Kung walang kinalaman ang mga bagay na ito sa iyo, kung gayon ang pananampalataya mo sa Diyos ay wala talagang kabuluhan. Kung palagi kang nananampalataya sa Diyos na umaasa sa iyong mga kuru-kuro at imahinasyon, palagi mong ginagawa ang mga bagay ayon sa iyong kagustuhan, ginagawa mo ang anumang gusto mo at binibigyang-layaw mo ang laman, kung gayon ang mga kaisipan at pananaw mo, at ang mga bagay na ginagawa mo ay walang kinalaman sa katotohanan at walang kinalaman sa mga hinihingi ng Diyos, ang pananampalataya mo sa Diyos kung gayon ay walang kabuluhan at hindi mo na kailangang magpatuloy na manampalataya. Kahit na magpatuloy ka pang manampalataya, pagsasayang lang ito ng lakas, at hindi ka ililigtas ng Diyos.
Napakabigat ng paksang ito, at lahat kayo ay nakararamdam ng pagkadismaya tungkol sa pangangasiwa sa usaping ito; medyo hindi ito inaasahan. Ano pa man, magkakaroon pa rin ng mga ganitong pangyayari sa hinaharap. Ngayong napangangasiwaan na natin ang usaping ito sa ganitong paraan sa pagkakataong ito, kung mangyayari muli ang mga ganitong bagay sa hinaharap, hindi na ito pangangasiwaan nang ganito, pero siguro ay mas estrikto na itong pangangasiwaan. Sabihin ninyo sa Akin, angkop ba ito? (Oo.)
Susunod, magbabahaginan tayo sa isang medyo mas madaling paksa. Gusto ba ninyong makinig ng mga kuwento? (Oo.) Kung gayon magkukuwento Ako sa inyo. Anong kuwento ang dapat Kong sabihin sa inyo? Anong uri ng paksa ang gusto ninyong marinig? Mas gusto ninyo bang makinig ng kuwento, o pag-usapan ang mga kasalukuyang pangyayari, politika, o marinig ang tungkol sa kasaysayan? Hindi natin pag-uusapan ang mga bagay na iyon dahil wala namang saysay na pag-usapan ang mga iyon. Magkukuwento Ako sa inyo tungkol sa pag-uugali ng mga taong nananampalataya sa Diyos, mga disposisyon ng mga tao, at ang iba’t ibang kalagayang nararanasan ng mga tao sa pang-araw-araw na buhay.
Mga Karagdagang Babasahin:
Isang Talakayan Tungkol sa Kapital:
“Gagawin Ko ang Anumang Gusto Ko!”
May limang taong nag-uusap-usap at ang isa sa kanila na nagngangalang G. Uni ay nagsabi, “Sa aking panahon sa unibersidad, ang buhay sa kampus ang pinakanami-miss ko. Ang kampus ay puno ng lahat ng klase ng halaman, at tuwing tagsibol at taglagas, napakaganda ng tanawin, napakakalma at napasasaya ako nito. Noong panahon ding iyon, bata pa ako at puno ng mga mithiin at inosente, na walang masyadong presyur. Napakagaan ng buhay sa tatlong taon ko sa unibersidad. Kung maibabalik ko ang sampu o dalawampung taon at babalik sa buhay sa kampus, sa tingin ko iyon ang pinakamasayang bagay sa buhay na ito….” Ito ang unang tao, na ang pangalan ay G. Uni. Anong ibig sabihin ng Uni? Ibig sabihin nito ay isang estudyante sa unibersidad; dito galing ang pangalang G. Uni. Ang kahanga-hangang buhay ni G. Uni ay hindi pa buong naaalala at nakapagpapasaya bago nagsalita si G. Graduate, na nagsasabi, “Maituturing bang isang kurso sa unibersidad ang tatlong-taong kurso? Isang bokasyonal na kurso iyon. Karaniwang tumatagal ng apat na taon ng bachelor’s degree sa unibersidad; iyon lamang ang maituturing na kurso sa unibersidad. Nasa unibersidad ako nang apat na taon. Sa mga taon ko sa unibersidad, nalaman kong maraming estudyante sa unibersidad na nasa talent market, at mahirap makahanap ng trabaho. Kaya, bago ako grumadweyt, pinag-isipan ko ito at nagpasya akong ipagpatuloy ang pagkuha ng graduate degree. Kakaunti lamang ang mga graduate student ng mga panahong iyon, at madaling makahahanap ng trabaho. Gaya ng inasahan, pagkagradweyt ko sa aking graduate degree, nakahanap ako ng magandang trabahong may malaking sahod, at namuhay ako nang maayos. Ito ang kinalabasan ng pagiging isang graduate student.” Anong mensahe ang makukuha ninyo sa pakikinig dito? Grumadweyt si G. Uni sa isang bokasyonal na kurso samantalang si G. Graduate ay grumadweyt sa isang graduate course at kumita nang malaki, at nagkaroon ng katayuan at respeto sa lipunan. Masayang nagkukuwento si G. Graduate, at pagkatapos ay sinabi ni G. Manager na, “Bata ka pa, iho! Wala ka pang anumang karanasan sa lipunan. Hindi mahalaga kung nag-aral ka para sa isang graduate degree o isang doctorate, walang makatatalo sa pagpili ng isang magandang major sa unibersidad. Bago ako nagsimula sa unibersidad, nagsaliksik ako sa merkado at nakita ko ang mga negosyo anuman ang laki nito ay nangangailangan ng mga taong may mga kasanayan sa pamamahala, kaya noong makapasok ako sa unibersidad pinili kong pag-aralan ang market management, at kapag nakagradweyt ako magiging isa ako sa mga top manager ng isang kompanya, na kilala rin bilang CEO. Nang grumadweyt ako, panahon ito kung kailan ang iba’t ibang negosyo, malalaki man o maliliit, ay nangailangan ng mga taong may talento gaya ko. Malaki ang merkado, at nang nagsimula akong mag-aplay sa mga trabaho, ilang kompanya ang nagkumahog na kunin ako. Sa huli, namili ako sa kanila. Pinili ko ang pinakamagandang banyagang kompanya at naging manager agad ako na may mataas na sahod. Sa loob ng limang taon nakabili ako ng sarili kong sasakyan. Magaling, hindi ba? Nakagagawa ba ako ng magagandang desiyon o ano?” Habang nagsasalita si G. Manager, nakaramdam ng bahagyang pagkontra ang dalawa sa harap niya pero wala silang sinabing anuman. Inisip nila sa kanilang puso, “Isa siyang top manager at malawak ang kaniyang pananaw. Mas malaki ang kapital niya kaysa sa amin. Kahit na nakararamdam kami ng bahagyang pagkontra, wala kaming sasabihing anuman. Tatanggapin na lang namin ang pagkatalo.” Nang natapos nang magsalita si G. Manager tuwang-tuwa siya sa sarili niya, iniisip na ang kabataang ito ay hindi kasingkaranasan niya. Habang tuwang-tuwa siya, may isang taong nagngangalang G. Official ang nagsimulang magsalita. Hindi masyadong pinansin ni G. Official ang sinabi ng tatlo. Banayad niyang hawak ang kaniyang tsaa, uminom nang kaunti, tumingin sa paligid niya, at nagsabi, “Sa mga panahong ito ang lahat ay estudyante sa unibersidad. Sino bang hindi makapapasok sa unibersidad? Hindi sapat na pumasok lang sa unibersidad, at hindi rin sapat na pumasok sa negosyo. Kahit na isa kang top manager, hindi iyon panghabambuhay na trabaho, hindi ito matatag. Ang susi ay makahanap ng isang matatag na trabaho at pagkatapos ay maayos na ang buhay mo!” Nang marinig ito ng iba, sinabi nila, “Panghabambuhay na trabaho? Sino bang nagsasalita tungkol sa ganiyang mga bagay sa mga panahon ngayon? Mga bagay na ng nakaraan iyan!” Sinabi ni G. Official, “Bagay ng nakaraan? Hmph, sinasabi ninyo lang iyan dahil lahat kayo ay makikitid ang pananaw at kulang sa pang-unawa! Kapag nakahanap kayo ng panghabambuhay na trabaho, kahit na mas maliit ang kita ninyo, tinitiyak naman nito ang matatag na buhay, at mayroon kayong awtoridad at puwede kang makialam sa iba’t ibang bagay! Hindi naunawaan ng karamihan ng tao noong kumuha ako ng pagsusulit para maging lingkod publiko at tinanong kung bakit ang isang napakabatang gaya ko ay gustong magtrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno. Pagkapasa ko sa pagsusulit para maging isang lingkod publiko, hinanap ako ng mga kaibigan at mga kamag-anak na gusto ng trabaho o iyong mga may kinasangkutang kaso. Ngayon iyon ang may maraming awtoridad, tama? Kahit na hindi kalakihan ang kita, binigyan naman ako ng pabahay at sasakyan. Mas maganda ang mga benepisyo ko kaysa sa inyo. Bukod pa rito, maaari ko ring ipabalik ang aking mga gastusin kapag kumakain ako sa labas at namimili, at maaari din akong magbiyahe nang libre sa taxi o sa eroplano. Hindi sapat ang mga trabaho ninyo; lahat kayo ay may mga trabahong hindi matatag. Mas mahusay ang nagawa ko kaysa sa inyo!” Naasiwa ang iba pagkatapos marinig ang sinabi niyang ito, at sinabi nila, “Kahit na maganda ang mga benepisyo mo, may masama kang reputasyon. Nandadaya ka at kumikilos gaya ng isang punong malupit saanman, at hindi mo pinaglilingkuran ang mga tao. Sinasaktan mo lang ang mga tao at gumagawa ng lahat ng masamang bagay.” Sumagot si G. Official, “Ano naman kung masama ang reputasyon ko? Malaki naman ang kinikita ko rito!” Pinag-usapan ng lahat ang bagay na ito, hanggang sa wakas hindi na napigilan ng huling tao ang sarili, tumayo at nagsabi, “Tingnan ninyo, galing kayo sa unibersidad, nakapag-aral ka ng isang graduate degree, isa kang top business manager, isa kang opisyal, at hindi ko pa nararanasan ang mga karanasan ninyo. Kahit na isa lamang akong hamak na tao, kailangan kong ibahagi sa inyo ang aking mga karanasan. Noong bumalik ako sa ‘mater’….” Nagulat ang iba at nagtanong, “Ano itong ‘mater’? Sa pagpasa sa pagsusulit sa pampublikong paglilingkod ay ginagawang lingkod publiko ang isang tao, sa pag-aaral para sa isang graduate degree ay ginagawang gradweyt ang isang tao, sa pagiging isang top manager ng isang kompanya ay ginagawang CEO ang isang tao, kaya ano ang ibig sabihin ng ‘mater’ na ito? Maaari mo ba itong ipaliwanag?” Sinabi ng taong ito, “Kung gayon puwede kayong pumasok sa unibersidad, mag-aral para sa graduate degree, maging isang top business manager at maging isang lingkod publiko, pero hindi ako puwedeng bumalik sa aking alma mater para tumingin-tingin?” Kita mo? Nagalit siya. Ang walang halagang taong ito ay kulang sa pinag-aralan pero wala pa ring saysay. Sinabi ng iba, “Alam naming lahat kung ano ang pakiramdam ng bumalik sa sariling alma mater. Hindi mo kailangang sabihin na bumalik ka sa ‘mater.’ Sabihin mo na lang na bumalik ka sa alma mater mo.” Pagkatapos ay itinanong ng iba sa kaniya kung ano bang antas ng edukasyon ang alma mater niya, ito ba ay isang senior high school, isang technical college, isang unibersidad, o isang graduate school. Sumagot siya na nagsasabi, “Hindi ako pumasok sa unibersidad, hindi ako nag-aral ng isang graduate degree, at hindi ako kumuha ng pagsusulit para maging isang lingkod publiko. Hindi ba okay na nagtapos lang sa elementarya? Gagawin ko ang anumang gusto ko!” Nakaramdam siya ng kahihiyan; ibinunyag niya ang pinanggalingan niya, at hindi na ito matatakpan pa. Matagal na siyang nagkukunwari. Sa pakikisalamuha sa iba, hindi niya kailanman ibinunyag sa kanila ang antas ng edukasyon niya. Ngayon ay nalantad na ang lahat, napahiya na siya, at sinunggaban niya ang pinto at lumayo. Hindi naunawaan ng iba kung bakit siya tumakbo palayo at sabay-sabay nilang sinabi, “Hindi ba grumadweyt ka lang ng elementarya? Para saan ka tumatakbo? At ipinagmamalaki mo pa ito!” Tatapusin Ko na ang kuwento rito; halos nasabi na lahat.
May limang tao sa kuwentong ito. Anong paksa ang pinag-uusapan nila? (Ang mga pinag-aralan nila.) At ano ba talaga ang kahulugan ng pinag-aralan sa mga tao? (Katayuang panlipunan nila ito.) May kinalaman ang pinag-aralan ng isang tao sa katayuang panlipunan niya—ito ay isang obhetibong katunayan. Kung gayon, bakit gustong pag-usapan ng mga tao ang katayuang panlipunan nila? Bakit gusto nilang ipakita ang katayuang panlipunan at pagkakakilanlan nila bilang paksa ng usapan? Ano ang ginagawa nila? (Nagyayabang sila.) Kung gayon, ano dapat ang pamagat ng kuwentong ito? (Paghahambing ng Mga Pinag-aralan.) Kung ang kuwento ay pinamagatang “Paghahambing ng Mga Pinag-aralan,” hindi ba masyado itong deretsahan? (Oo, deretsahan iyon. Paano kung, “Pagyayabang ng Katayuan”?) Medyo masyadong prangka iyon, hindi ito maligoy, at hindi ito sapat na malalim. Paano kung sabihin nating ang pangunahing pamagat ay “Isang Talakayan Tungkol sa sa Kapital,” at ang dagdag na pamagat ay, “Gagawin Ko ang Anumang Gusto Ko”? Medyo mapang-uyam ito, hindi ba? Ang “Isang Talakayan Tungkol sa Kapital” ay nangangahulugang tinatalakay ng lahat ang sarili nilang kapital, kasama na ang mga pinag-aralan nila at ang katayuang panlipunan. At ano naman ang ibig sabihin ng “Gagawin Ko ang Anumang Gusto Ko”? (Hindi inaamin na mas magaling pa ang iba.) Tama iyon, may isang uri ng disposisyon dito. “Ano naman kung isa kang graduate student? Ano naman kung nakapag-aral ka sa isang mas mataas na antas kaysa sa akin?” Walang umaamin na may mas magaling pa kaysa sa kanila. Ganito ang ibig sabihin ng pagtalakay ng kapital. Hindi ba madalas marinig ang ganitong klase ng usapan kapag kasama ng ibang tao? May mga taong ipinagyayabang ang yaman ng kanilang pamilya, mga taong ipinagyayabang ang prestihiyosong pinangmulan ng kanilang pamilya, mga taong ipinagmamalaki ang katunayan na may ilang emperador at sikat na tao na kaapelyido nila, at may ilang tao na pinag-uusapan ang unibersidad na pinagtapusan nila, kung gaano sila kaluwalhati, at may isa pa ngang masahistang babae sa beauty salon na nagsasabi, “Natutuhan ko ang pagmamasahe mula sa isang kilalang guro na may ekspertong pagwawasto at personal na inspeksiyon. Sa huli, naging isang primera klaseng propesyonal na masahista ako, at ang mga taon noong 2000 ang pinakamaluwalhati kong panahon….” Wala sa lugar ang “luwalhati” na ito. Kahit ang isang masahistang babae sa industriya ng serbisyo ay nagsasabi ng tungkol sa “pinakamaluwalhating taon”—ito talaga ang kaniyang paghahambog at pagyayabang. Ang pangunahing tinatalakay natin sa paksang ito ay ang ilang usapang madalas na marinig, ang mga pag-uugaling madalas makita, at ang mga disposisyong madalas mabunyag sa tunay na buhay kapag kasama ng mga tao. Bakit pinag-uusapan ng mga tao ang gayong kapital? Anong disposisyon at motibasyon ang gumagawa rito? Puwede bang maituring na maluwalhati ang mga tinatalakay na ito? Walang kinalaman ang kaluwalhatian dito. Kung gayon, nakikinabang ba ang mga tao sa pag-uusap tungkol sa mga gayong bagay? (Hindi.) At pinag-uusapan ninyo rin ba ang tungkol sa mga ito? (Oo.) Alam ninyong walang pakinabang ang mga ito, kaya bakit ninyo pinag-uusapan ang mga ito? Bakit nasisiyahan ang mga tao na pag-usapan ang ganitong mga bagay? (Ang mga bagay na ito ay ang kapital na ipinagyayabang ng mga tao.) Ano ang layon ng pagyayabang sa mga ito? (Para tingalain ng iba.) Dahil walang sinuman ang gustong maging ordinaryo, na maging pangkaraniwang tao. Kahit ang isang grumadweyt lamang mula sa paaralang elementarya ay nagsalita ng tungkol sa pagbabalik sa kaniyang “mater” para tumingin-tingin, na nais gamitin ang ganitong uri ng pang-akademikong wika para lokohin at lituhin ang iba nang sa gayon ay tingalain siya ng iba. Anong layon para tingalain ka ng iba? Iyon ay para maging mataas siya sa ibang tao, para kilalanin at respetuhin ng mga tao, labis na pagpapahanga, para magkaroon ng awtoridad ang mga sinasabi niya, para makuha ang suporta ng iba, at magkaroon ng karangalan at impluwensiya. Kung aalisin mo ang mga bagay na ito at maging isang ordinaryong tao, isang tipikal at pangkaraniwang tao, ano ang dapat mong taglayin? Una, dapat magkaroon ka ng tamang perspektiba. Paano nagkakaroon ng ganitong tamang perspektiba? Nagmumula ito sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pang-unawa sa kung anong saloobin na dapat mayroon ka patungkol sa ilang mga bagay na naaayon sa mga layunin ng Diyos at na dapat magtaglay ang mga tao ng kanilang normal na pagkatao—ito ang tamang perspektiba. Kaya, bilang isang ordinaryo, pangkaraniwan at normal na tao, ano ang pinakaangkop at tamang perspektibang dapat mayroon hinggil sa lahat ng bagay na ito, hinggil sa katayuang panlipunan, sa panlipunang kapital, o sa pinanggalingan ng pamilya at iba pa? Alam ba ninyo? Sabihin nating may isang taong maraming taon nang nananalig sa Diyos, na naniniwalang naunawaan na niya ang maraming katotohanan, na sumusunod sa daan ng Diyos, at matapat sa Diyos at sa kaniyang mga tungkulin, pero itinuturing niya ang katayuan niya sa lipunan at sa mga tao at ang kaniyang halaga bilang napakahalagang bagay at labis niyang pinahahalagahan ang mga ito, at madalas pa nga niyang ipinagyayabang ang kaniyang kapital, bilang kaniyang maluwalhating pinanggalingan, at ang halaga niya—ang gayong tao ba ay talagang nauunawaan ang katotohanan? Maliwanag na hindi. Kung gayon, ang isang tao bang hindi nauunawaan ang katotohanan ay isang taong minamahal ang katotohanan? (Hindi.) Hindi. Ano ang kaugnayan sa pagitan ng pagtatalakay sa kapital at kung nauunawaan at minamahal ba ng isang tao ang katotohanan? Bakit Ko sinasabi na ang isang taong nagpapahalaga sa kaniyang halaga at ipinagyayabang ang kapital niya ay isang taong hindi nagmamahal at hindi nakauunawa ng katotohanan? Paano dapat harapin ng isang taong tunay na nagmamahal at nakauunawa ng katotohanan ang mga bagay na ito ng katayuang panlipunan at ng personal na kapital at halaga? Anong mga bagay ang kasama sa katayuang panipunan? Ang pinanggalingan ng pamilya, edukasyon, reputasyon, mga nakamit sa lipunan, mga personal na talento, at ang etnisidad mo. Kung gayon paano mo hinaharap ang mga bagay na ito para mapatunayan na isa kang taong nakauunawa ng katotohanan? Dapat madaling sagutin ang tanong ito, tama ba? Dapat ay marami kayong nauunawaan sa teorya sa aspektong ito. Sabihin ang anumang naiisip ninyo. Huwag isipin, “Ah, hindi ko pa ito napag-iisipan nang mabuti kaya wala akong masasabi.” Kung hindi mo pa ito napag-iisipang mabuti, basta sabihin mo lang ang naiisip mo ngayon. Kung ang kaya mo lang sabihin kapag napag-isipan mo nang mabuti, ang tawag doon ay pagsusulat ng mga artikulo. Nag-uusap lang tayo ngayon; hindi ko hinihingi sa iyo na sumulat ng isang artikulo. Magsalita mula sa teoretikal na perspektiba. (Nauunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na hindi tinitingnan ng Diyos kung gaano kataas ang pinag-aralan ng isang tao o kung ano ang katayuang panlipunan niya, kundi ang pangunahing tinitingnan ng Diyos ay kung hinahangad ba niya ang katotohanan, kung isinasagawa ba niya ang katotohanan, at kung tunay ba siyang nagpapasakop sa Diyos at ginagampanan nang nasa pamantayan ang kaniyang tungkulin. Kung may mataas na katayuang panlipunan ang isang tao at mataas ang pinag-aralan pero wala naman siyang espirituwal na pagkaunawa, hindi niya tinatahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan, at wala silang takot sa Diyos o hindi umiiwas sa kasamaan, sa huli ay ititiwalag pa rin siya at hindi makapapanindigan sa sambahayan ng Diyos. Samakatuwid, hindi mahalaga ang pinag-aralan at katayuan ng isang tao. Ang mahalaga ay kung hinahangad ba ng isang tao ang katotohanan.) Mahusay, ito ang pinakapangunahing konsepto. Bakit Ko sinasabi na pinakapangunahin ito? Dahil ang mga paksang ito at ang nilalamang ito ay ang talagang karaniwang pinag-uusapan ng mga tao. Mayroon pa bang iba na may ibang pagkaunawa? May magdadagdag pa sa nasabi na. (Kung ang isang tao ay naghahangad ng katotohanan, makita niya ang paghahangad sa katanyagan, pakinabang, at katayuan ay talagang isang uri ng pagkaalipin, isang posas na isinusuot niya, at habang mas lalo niyang hinahangad ang mga bagay na ito, lalo nilang madarama ang pagiging walang kabuluhan, at mas lalo niyang pahahalagahan ang pinsala at pasakit na dulot sa mga tao ng katanyagan, pakinabang at katayuan. Kapag naunawaan niya ito at nakita niya ang isang tao na itinuturing ang mga bagay na ito bilang kapital, iisipin niyang ang gayong tao ay talagang kaawa-awa.) (Susukatin ng isang taong totoong nagmamahal at nakauunawa ng katotohanan ang katayuang panlipunan at reputasyon gamit ang mga salita ng Diyos, titingnan niya ang sinasabi at hinihingi ng Diyos, kung ano ang gusto ng Diyos na hangarin ng mga tao, kung ano ang makukuha ng mga tao sa huli sa paghahangad ng mga bagay na ito, at kung ang nakukuha ba niya ay ayon sa mga resultang inaasam na makita ng Diyos sa mga tao.) Nasabi na ninyo ang ito rito, pero may kinalaman ba sa katotohanan ang sinasabi ninyo? Kaya ba ninyong magsagawa ng pagtatasa nito? Karamihan sa tao ay may ilang pansariling pag-unawang kaalaman, at kung hihilingan Ko kayong magbigay ng sermon, ito ay magiging isang sermon ng panghihikayat. Bakit Ko sinasabing magiging isang sermon ito ng panghihikayat? Ang sermon ng panghihikayat ay isang sermon kung saan sinasabi ninyo ang mga bagay na nagbibigay ng payo at panghihikayat sa mga tao—hindi ito nakalulutas ng tunay na mga problema. Bagaman ang bawat pangungusap ay maaaring mukhang tama at makatwiran, naaayon sa katwiran at sa mga makatwirang hinihingi ng tao, may kaunti lamang itong kinalaman sa katotohanan, kundi isa lamang katiting na mababaw at pansariling pag-unawang kaalaman ng mga tao. Kung ibabahagi mo ang mga salitang ito sa iba, kaya mo bang lutasin ang mga problema at kahirapan ng mga tao sa mismong ugat nito? Hindi, hindi mo malulutas, at kaya Ko sinasabing magiging sermon ito ng panghihikayat. Kung hindi mo malulutas ang kahirapan at mga problema ng mga tao sa mismong ugat nito, kung gayon ay hindi mo nilulutas ang mga problema ng mga tao gamit ang katotohanan. Ang mga hindi nakauunawa ng katotohanan ay palaging itataguyod ang kaalaman, reputasyon, at katayuan, at hindi kayang takasan ang mga limitasyon at pagkaalipin ng mga bagay na ito.
Pag-isipan ninyo ito—paano ninyo dapat tingnan ang halaga, katayuang panlipunan, at pinanggalingang pamilya ng tao? Anong tamang saloobin ang dapat ninyong taglayin? Una sa lahat, dapat ninyong makita mula sa mga salita ng Diyos kung paano Niya tinitingnan ang usaping ito; sa paraang ito lamang ninyo mauunawaan ang katotohanan at na hindi kayo gagawa ng anumang sumasalungat sa katotohanan. Kaya, paano tinitingnan ng Diyos ang pinanggalingang pamilya ng isang tao, katayuang panlipunan, ang edukasyon niya sa hinaharap at ang yamang taglay niya sa lipunan? Kung hindi mo nakikita ang mga bagay-bagay batay sa mga salita ng Diyos at hindi mo kayang pumanig sa Diyos at tanggapin ang mga bagay-bagay mula sa Diyos, kung gayon ang paraan ng pagtingin mo sa mga bagay-bagay ay siguradong malayo sa nilalayon ng Diyos. Kung walang masyadong pagkakaiba, na may kaunting hindi pagkakaayon lang, kung gayon ay hindi iyon problema; kung ang paraan ng pagtingin mo sa mga bagay-bagay ay ganap na salungat sa nilalayon ng Diyos, kung gayon ito ay taliwas sa katotohanan. Para sa Diyos, kung ano ang ibinibigay Niya sa mga tao at kung gaano karami ang ibinibigay Niya ay nakadepende sa Kanya, at ang katayuang mayroon ang mga tao sa lipunan ay itinalaga rin ng Diyos at ganap na hindi lamang gawa-gawa ng mga tao. Kung idinudulot ng Diyos na magdusa ng sakit at kahirapan ang isang tao, ibig sabihin ba niyon ay wala siyang pag-asang maligtas? Kung mababa ang halaga niya at mababa ang katayuan sa lipunan, hindi ba siya ililigtas ng Diyos? Kung mababa ang katayuan niya sa lipunan, mababa rin ba ang katayuan niya sa mga paningin ng Diyos? Hindi ganoon. Saan ito nakadepende? Nakadepende ito sa landas na tinatahak ng taong ito, sa hinahangad niya, at sa saloobin niya sa katotohanan at sa Diyos. Kung napakababa ng katayuang panlipunan ng isang tao, napakahirap ng kanyang pamilya, at mababa ang antas ng edukasyon niya, pero nananampalataya siya sa Diyos sa isang simpleng paraan, at minamahal niya ang katotohanan at mga positibong bagay, kung gayon sa mata ng Diyos, siya ba ay may mataas o mababang halaga, mahalaga ba siya o walang kabuluhan? Mahalaga siya. Kung titingnan ito sa ganitong perspektiba, saan ba nakadepende ang halaga ng isang tao—kung mataas man o mababa, marangal man o hamak? Nakadepende ito sa kung paano ka nakikita ng Diyos. Kung nakikita ka ng Diyos na isang taong naghahangad ng katotohanan, kung gayon ikaw ay may kabuluhan at mahalaga—ikaw ay isang mahalagang sisidlan. Kung nakikita ng Diyos na hindi mo hinahangad ang katotohanan at na hindi mo tapat na ginugugol ang sarili mo para sa Kanya, kung gayon ikaw ay walang kabuluhan at hindi mahalaga—ikaw ay isang hamak na sisidlan. Gaano man kataas ang pinag-aralan mo o gaano man kataas ang katayuan mo sa lipunan, kung hindi mo hinahangad o inuunawa ang katotohanan, kung gayon kailanman hindi magiging mataas ang halaga mo; kahit na maraming taong sumusuporta sa iyo, pumupuri sa iyo, at sumasamba sa iyo, isa ka pa ring hamak na kawawa. Kaya, bakit ganito ang tingin ng Diyos sa mga tao? Bakit ang isang “marangal” na tao, na may mataas na katayuan sa lipunan, na pinupuri at hinahangaan ng maraming tao, na maging ang katanyagan niya ay napakataas, ay nakikita siya ng Diyos bilang hamak? Bakit ang paraan ng pagtingin ng Diyos sa mga tao ay ganap na salungat sa mga pananaw ng mga tao sa iba? Sinasadya bang salungatin ng Diyos ang mga tao? Hinding-hindi. Ito ay hahil ang Diyos ay katotohanan, ang Diyos ay katuwiran, samantalang ang tao ay tiwali at walang katotohanan o katuwiran, at sinusukat ng Diyos ang tao sa Kanyang sariling pamantayan, at ang pamantayan Niya sa pagsukat sa tao ay ang katotohanan. Puwedeng medyo mahirap itong unawain, kaya para mas madali itong maintindihan, ang pamantayan ng panukat ng Diyos ay batay sa saloobin ng tao sa Diyos, sa saloobin niya sa katotohanan, at sa saloobin niya sa mga positibong bagay—hindi na ito mahirap unawain. Sabihin nating may isang taong may mataas na katayuan sa lipunan, may mataas na antas ng pinag-aralan, napaka-edukado at may pinong asal, at mayroon siyang partikular na marangal at kahanga-hangang kasaysayan ng pamilya, pero may isang problema: Hindi niya minamahal ang mga positibong bagay, nakakaramdam siya ng pagkasuklam, pagkamuhi, at pagkagalit sa Diyos mula sa kaibuturan ng puso niya, at kapag may nababanggit na bagay na may kaugnayan sa Diyos, may kaugnayan sa mga paksa ukol sa Diyos o sa gawain ng Diyos, nagngingitngit siya sa galit, nag-aapoy ang mga mata niya, at gusto pa nga niyang manakit ng ibang tao. Kung may taong magbabanggit sa paksang may kaugnayan sa Diyos o sa katotohanan, nakakaramdam siya ng pagkasuklam at pagkapoot, at lumalabas ang kanyang malahayop na kalikasan. Mahalaga ba o walang kabuluhan ang gayong tao? Gaano kahalaga sa mata ng Diyos ang pinag-aralan niya, at ang sinasabi niyang katayuan at ang katanyagang panlipunan? Walang anumang halaga. Paano tinitingnan ng Diyos ang gayong mga tao? Paano natutukoy ng Diyos ang kalikasan ng gayong mga tao? Ang gayong mga tao ay mga diyablo at mga Satanas, at sila ang mga pinakawalang kabuluhan at kasuklam-suklam na nilalang. Kung titingnan ito ngayon, ano ang batayan sa pagtukoy ng halaga ng isang tao bilang marangal o hamak? (Ito ay ang kanilang saloobin sa Diyos, katotohanan, at mga positibong bagay.) Tama iyon. Una sa lahat, dapat maunawaan ng isang tao kung ano ang saloobin ng Diyos. Para maunawaan muna ang saloobin ng Diyos at maunawaan ang mga prinsipyo at mga pamantayan kung paano tinutukoy ng Diyos ang mga tao, at pagkatapos ay sukatin ang mga tao batay sa mga prinsipyo at mga pamantayan ng Diyos para sa mga tao—ito lamang ang pinakatumpak, pinakaangkop, at pinakapatas. Mayroon na tayo ngayong batayan para sa pagsukat sa mga tao, kaya paano natin ito partikular na dapat isagawa? Halimbawa, ang isang tao ay may napakataas na pinag-aralan at kilala saanman siya pumunta, mabuti ang tingin ng lahat sa kanya, at sa tingin ng iba siya ay may magagandang hinaharap—kung gayon ay tiyak bang ituturing siyang marangal sa mata ng Diyos? (Hindi ganoon.) Kaya paano natin dapat sukatin ang taong ito? Ang pagiging marangal at pagiging hamak ng isang tao ay hindi nakabatay sa katayuan niya sa lipunan, o sa kanyang pinag-aralan, lalong hindi ito nakabatay sa etnisidad niya, at siyempre hindi ito nakabatay sa nasyonalidad niya, kaya saan ito dapat ibatay? (Dapat itong ibatay sa mga salita ng Diyos at sa saloobin ng isang tao sa katotohanan at sa Diyos.) Tama iyon. Halimbawa, pumunta kayo sa U.S. galing sa mainland China, at kahit na balang araw ay maging mga mamamayang Amerikano na kayo, magbabago ba ang halaga at katayuan ninyo? (Hindi.) Hindi, hindi ito magbabago; ikaw ay ikaw pa rin. Kung nananampalataya ka sa Diyos pero hindi mo makamtan ang katotohanan, kung gayon ikaw pa rin ang uri na mapapahamak. Ang ilang mababaw na tao ay hindi totoong nananampalataya sa Diyos o naghahangad ng katotohanan, sumusunod sila sa sekular na mundo at, pagkatapos maging mga mamamayang Amerikano, sinasabi nila, “Kayong mga Tsino” at “Kayong mga taong mula sa mainland China.” Sabihin ninyo sa Akin, ang gayong mga tao ba ay marangal o hamak? (Hamak.) Napakahamak nila! Kumikilos sila na para bang sa pagiging mamamayang Amerikano ay nagiging marangal sila—hindi ba’t napakabababaw nila? Napakabababaw nila. Kung kayang harapin ng isang tao ang katanyagan at pakinabang, katayuang panlipunan, kayamanan, at mga tagumpay sa akademya nang may ordinaryong puso—siyempre, ang ordinaryong pusong ito ay hindi nangangahulugang naranasan mo na ang mga bagay na ito at naging manhid ka na, kundi sa halip ay nangangahulugan itong may pamantayan ka ng pagsukat at hindi mo itinuturing ang mga bagay na ito bilang ang pinakamahalagang bagay sa buhay mo, at ang mga pamantayan at mga prinsipyo kung paano mo sinusukat at tinitingnan ang mga bagay na ito, pati na rin ang mga pagpapahalaga mo, ay dumaan na sa isang pagbabago, at puwede mong harapin ang mga bagay na ito nang tama at tingnan ang mga ito nang may ordinaryong puso—ano ang pinatutunayan nito? Pinatutunayan nito na napalaya ka na mula sa mga panlabas na bagay gaya ng tinatawag na katayuang panlipunan, kabuluhan ng tao, at iba pa. Puwedeng hindi ninyo ito makakamit sa ngayon, pero kapag kaya ninyong totoong maunawaan ang katotohanan, magagawa ninyong makilatis ang mga bagay na ito. Bibigyan Ko kayo ng halimbawa. May isang taong nakasalamuha ang mayayamang kapatid at nakita niyang nakasuot sila ng mamahalin lang at na mukha silang mga maykaya, at hindi niya alam kung paano makikipag-usap o makikihalubilo sa kanila, kaya nagpakumbaba siya, sumipsip siya at binola ang mayayamang kapatid at umasal sa isang hindi kanais-nais na paraan—hindi ba’t pagbababa ito ng sarili niya? May isang bagay dito na nangingibabaw sa kanya. May ilang tao na tinatawag na “ate” ang nakikilala nilang mayamang babae at tinatawag na “kuya” ang isang mayamang lalake. Gusto nilang laging sumipsip sa mga taong ito at irekomenda ang mga sarili. Kapag nakakita sila ng isang taong mahirap at di-kilala, na galing sa probinsya na may mababang pinag-aralan, hinahamak nila ang mga ito at tumatangging makinig sa kanila, at nagbabago ang saloobin nila. Ang gayon bang mga pangkaraniwang gawi ay nangyayari sa iglesia? Nangyayari ang mga ito, at hindi ninyo ito maikakaila, dahil may ilan sa inyo na nagpakita ng gayong pag-uugali. Ang ilan ay tumatawag ng “kuya,” ang ilan ay tumatawag ng “ate,” at ang ilan ay tumatawag ng “tita”—seryoso ang ganitong mga gawi sa lipunan. Kung hahatulan ang pag-uugaling ng mga tao ito, hindi sila ang mga taong naghahangad ng katotohanan at hindi sila nagtataglay ni katiting na katotohanang realidad. Ang ganitong uri ng tao ang bumubuo ng karamihan sa inyo, at kung hindi sila magbabago, lahat sila ay ititiwalag sa huli. Bagaman hindi naaapektuhan ng mga maling pananaw na ito ang pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan, pwedeng makaapekto ang mga ito sa buhay pagpasok ng mga tao at sa pagganap ng kanilang mga tungkulin; kung hindi siya isang taong tumatanggap sa katotohanan, malamang na magdulot siya ng kaguluhan sa iglesia. Kung nauunawaan mo ang layunin ng Diyos, maaarok mo ang mga prinsipyo at mga pamantayan kung paano sinusukat ang mga bagay na ito. May iba pang aspekto, at iyon ay kahit ano pang uri ng katayuang panlipunan o pinag-aralan ng isang tao, o kung anong klaseng pamilya ang kanyang pinanggalingan, may isang katunayang dapat mong tanggapin: Hindi mababago ng mga pinag-aralan mo at ng pinanggalingan ng pamilya mo ang ugali mo, ni maiimpluwensiyahan ng mga ito ang disposisyon mo. Hindi ba ganoon? (Ganoon nga.) Bakit Ko sinasabi ito? Kahit ano pa man ang klase ng pamilya ang pinagsilangan ng isang tao o anumang klaseng edukasyon ang tinanggap niya, maging mataas man ang pinag-aralan niya o hindi, at kahit ano pa ang klase ng katayuan sa lipunan ang pinangmulan niya, mataas man o mababa, ang kanyang tiwaling disposisyon ay kapareho lang ng iba. Lahat ng tao ay pare-pareho—hindi ito maiiwasan. Hindi mababago ng katayuang panlipunan at ng halaga mo ang katunayang miyembro ka ng sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas, ni hindi mababago ng mga ito ang katunayang ikaw ay isang ginawang tiwaling tao na may mga tiwaling disposisyon na sumasalungat sa Diyos. Ano ang ibig Kong sabihin rito? Ang ibig Kong sabihin ay, gaano man kayaman ang pamilyang pinangsilangan mo o gaano man kataas ang pinag-aralan mo, may mga tiwaling disposisyon ka; kahit na marangal o hamak ka, mayaman o mahirap, may mataas o mababang katayuan, tiwaling tao ka pa rin. Samakatuwid, pagkatapos ninyong tanggapin ang gawain ng Diyos, kayong lahat ay pantay-pantay, at patas at makatarungan ang Diyos sa lahat. Hindi ba dapat mayroon ang mga tao ng pagkaunawang ito? (Oo.) Sino ang taong hindi ginawang tiwali ni Satanas at walang mga tiwaling disposisyon dahil may mataas siyang katayuan sa lipunan at ipinanganak sa isang pinakamarangal na lahi ng sangkatauhan? Katanggap-tanggap ba itong sabihin? Nangyari na ba ang katunayang ito sa kasaysayan ng sangkatauhan? (Hindi.) Hindi, hindi pa. Sa katunayan, kasama na sina Job, Abraham, at ang mga propeta at sinaunang mga banal, pati na rin ang mga Israelita, walang taong makakaiwas sa pamumuhay sa hindi maikakailang katunayang ito: Sa pamumuhay sa mundong ito, ang buong sangkatauhan ay ginawang tiwali ni Satanas. Sa pagtiwali ni Satanas sa tao, wala itong pakialam kung mataas ba o mababa ang pinag-aralan mo, kung ano ang kasaysayan ng pamilya mo, kung ano ang apelyido mo, o kung gaano kalaki ang angkan mo, ang huling resulta ay: Kung nabubuhay ka sa sangkatauhan, ginawa ka nang tiwali ni Satanas. Samakatuwid, ang katunayang mayroon kang satanikong mga tiwaling disposisyon at nabubuhay kang may satanikong mga tiwaling disposisyon ay hindi mababago ng halaga at pinag-aralan mo. Hindi ba dapat mayroon ang mga tao ng pagkaunawang ito? (Oo, tama.) Kapag naunawaan na ninyo ang mga bagay na ito, sa hinaharap kapag may isang taong ipinagyayabang ang mga kaloob at kapital niya, o muli ninyong natuklasang mas “superyor” ang isang taong kasama ninyo, paano ninyo siya tatratuhin? (Tatratuhin ko siya ayon sa mga salita ng Diyos.) Tama. At paano ninyo siya tatratuhin ayon sa mga salita ng Diyos? Kung wala kayong magawa, at hinahamak at kinukutya ninyo sila, na sinasabi, “Tingnan mo kung gaano kataas ang pinag-aralan mo, anong ipinagyayabang mo? Sinasabi mo na naman ang kapital mo, pero nagagampanan mo ba nang maayos ang tungkulin mo? Kahit gaano man kataas ang pinag-aralan mo, hindi ba ginawa ka pa ring tiwali ni Satanas?” kung gayon ito ba ang mabuting paraan ng pagtrato sa kanila? Hindi ito naaayon sa mga prinsipyo, at hindi ito isang bagay na dapat gawin ng isang taong may normal na pagkatao. Kung gayon, paano mo sila dapat tratuhin sa paraang naaayon sa mga prinsipyo? Hindi mo sila dapat tingalain, pero hindi rin mo sila dapat hamakin—hindi ba isang pagkompromiso ito? (Oo.) Tama bang makipagkompromiso? Hindi, hindi tama. Dapat mo silang tratuhin nang tama, at kung magagamit mo ang katotohanang nauunawaan mo para tulungan sila, kung gayon ay tulungan mo sila. Kung hindi mo sila matutulungan, pero kung isa kang lider at nakikita mong angkop sila sa isang partikular na tungkulin, ipagawa mo sa kanila ang tungkuling iyon. Huwag mo silang hamakin dahil mayroon silang mataas na antas ng pinag-aralan, na iniisip na, “Hmp, ano bang silbi ng mataas ang pinag-aralan? Nauunawaan mo ba ang katotohanan? Hindi naman mataas ang pinag-aralan ko pero lider pa rin ako. Napakahusay ng kakayahan ko, mas magaling ako kaysa sa iyo, kaya mamaliitin kita at ipapahiya kita!” Pagiging masama ito at walang pagkatao. Anong ibig sabihin ng “tratuhin sila nang tama”? Ang ibig sabihin nito ay pakitunguhan ang mga bagay nang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. At ano ang katotohanang prinsipyo rito? Ito ay ang tratuhin nang patas ang mga tao. Huwag ninyong itaas ang mga tao at tingalain sila, at huwag ninyong ibaba ang sarili ninyo sa harap nila, na pakiramdam ninyo ay nasa mas mababang antas kayo, at huwag ninyo rin silang bobolahin, huwag ninyo silang tatapakan, at huwag ninyo silang mamaliitin; maaaring hindi nila itinuturing na mataas ang kanilang halaga at hindi nila ipinagyayabang ang sarili. Tama bang palaging kang matakot na ipagyayabang ang sarili nila kaya lagi silang tinatapakan? Hindi, hindi ito tama. Pagiging masama ito at walang pagkatao—kung hindi ka lumalabis sa isang panig, lumalabis ka naman sa kabilang panig. Ang tratuhin nang tama ang mga tao, ang tratuhin nang patas ang mga tao—ito ang prinsipyo. Mukhang simple ang prinsipyong ito, pero hindi ito madaling isagawa.
Dati, may isang lider na lilipat ng tirahan. Sinabi Ko sa kanya na pwede niyang isama ang mga makabuluhang lider ng grupo at mga miyembro, dahil magiging madali para sa kanila na magkakasamang pag-usapan ang gawain. Hindi mahirap maintindihan ang sinabi Ko—mauunawaan agad ito ng isang tao kapag narinig ito. Sa huli, ang mga makabuluhang tao na isinama niya ay iyong mga may “kredensiyal”: Ang ilan ay nagdadala sa kanya ng tsaa, ang ilan ay naghuhugas ng mga paa niya at nagmamasahe ng likod niya—sila ay puro mga sipsip. Gaano nakakasuka ang lider na ito? May isang taong may nakakahawang sakit na laging sumisipsip sa kanya at binobola ang lider na ito bawat araw, na sumusunod at nagsisilbi sa kanya. Handa pa nga ang lider na ito na mahawa ng sakit para maranasan niya ang pakiramdam ng isang binobola. Sa huli, dahil ang taong ito na may nakakahawang sakit ay nagdusa ng pagbalik ng sakit niya pagkalipat nila, nabunyag din ang huwad na lider na ito. Samakatuwid, nauunawaan man ng mga tao ang katotohanan o hindi, hindi sila dapat gumawa ng masama, hindi dapat gumawa ng mga bagay na nakabatay sa kanilang mga ambisyon at pagnanais, at hindi dapat magkaroon ng kaisipang nagbabakasakali, dahil sinisiyasat ng Diyos ang puso ng tao at ang buong mundo. Ano ba ang saklaw ng “buong mundo”? Kasama rito ang kapwa materyal at di-materyal na mga bagay. Huwag subukang sukatin ang Diyos, ang awtoridad ng Diyos, o ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos gamit ang sariling isip. Ang mga tao ay mga nilalang at walang kabuluhan ang buhay nila—paano nila masusukat ang kadakilaan ng Lumikha? Paano nila masusukat ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at karunungan ng Lumikha sa paglikha Niya sa lahat ng bagay at ang pagiging may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay? Huwag na huwag kayong gagawa ng mga kamangmangan o masasamang bagay. Siguradong magdudulot ng kaparusahan ang paggawa ng masama, at kapag isang araw ay ibinunyag ka ng Diyos, higit pa sa inaasahan mo ang matatamo mo, at sa araw na iyon ay tatangis ka at magngangalit ang mga ngipin mo. Dapat kang kumilos na may pagkilala sa sarili. Sa ilang bagay, bago ka ibunyag ng Diyos, mas makakabuti na ikompara ang sarili sa mga salita ng Diyos, magnilay sa sarili at ilantad ang mga nakatagong bagay, tuklasin ang mga problema mo mismo, at pagkatapos ay hanapin ang katotohanan para malutas ang mga iyon—huwag mo nang hintaying ibunyag ka ng Diyos. Kapag ibinunyag ka ng Diyos, hindi ba parang wala kang ginagawa? Sa panahong iyon, nakagawa ka na ng pagsalangsang. Mula sa pagsisiyasat sa iyo ng Diyos hanggang sa pagbubunyag sa iyo, ang halaga mo at ang opinyon ng Diyos ukol sa iyo ay maaaring magkaroon ng isang malaking pagbabago. Ito ay dahil habang sinisiyasat ka ng Diyos, binibigyan ka Niya ng mga pagkakataon at ipinagkakatiwala sa iyo ang mga inaasam Niya, hanggang sa sandaling mabunyag ka. Mula sa pagkakatiwala ng Diyos ng mga inaasam Niya sa isang tao hanggang sa mauwi sa wala sa huli ang mga inaasam Niya, ano kaya ang nararamdaman ng Diyos? Nakakaranas ito sa matinding pagbagsak. At anong magiging kahihinatnan para sa iyo? Sa mga hindi gaanong seryosong kaso, maaaring maging pakay ka ng pagkamuhi ng Diyos, at isasantabi ka. Ano ang ibig sabihin ng “isasantabi”? Ibig sabihin nito ay pananatilihin at oobserbahan ka. At anong kahihinatnan sa mas seryosong mga kaso? Sasabihin ng Diyos, “Pasaway ang taong ito at hindi nga karapat-dapat na magserbisyo. Hinding-hindi Ko ililigtas ang taong ito!” Kapag nabuo na ng Diyos ang ideyang ito, wala ka na talagang kalalabasan, at kapag nangyari iyon, pwedeng lumuhod at magpakumbaba ka at maghirap pero wala na itong magagawa, dahil nabigyan ka na ng Diyos ng sapat na mga pagkakataon pero hindi ka kailanman nagsisi at nagmalabis ka na. Samakatuwid, anumang problema mayroon ka o anumang katiwalian ang ipinapakita mo, palagi mo dapat pagnilayan at kilalanin ang sarili mo sa liwanag ng mga salita ng Diyos o hilingin mo sa mga kapatid na ituro ang mga ito sa iyo. Ang pinakaimportante ay dapat mong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos, lumapit ka sa Diyos, at hilingin sa Kanya na liwanagan at tanglawan ka. Anumang pamamaraan ang gamitin mo, ang mas maagang pagtuklas ng mga problema at pagkatapos ay paglutas sa mga ito ay ang epektong nakakamit sa pamamagitan ng pagninilay sa sarili, at ito ang pinakamagandang bagay na magagawa mo. Huwag mo nang hintaying ibunyag ka ng Diyos at itiwalag ka bago ka magsisi, dahil magiging masyado nang huli para manghinayang! Kapag ibinunyag ng Diyos ang isang tao, labis na ba Siyang napopoot o sobra na Siyang nahahabag? Mahirap sabihin ito, walang nakakaalam, at hindi Ko ito maipapangako sa iyo—ikaw ang bahala sa landas na tinatahak mo. Alam ba ninyo ang responsabilidad Ko? Sinasabi Ko sa inyo ang lahat ng kailangan Kong sabihin, ang bawat salitang dapat Kong bigkasin, nang walang pinalalampas na kahit isang salita. Anumang pamamaraan ang ginagamit Ko, ito man ay pagsusulat, pagkukwento, o pagbubuo ng maliliit na programa, sa anumang paraan, ipinapahayag Ko ang katotohanang gusto ng Diyos na maunawaan ninyo sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan, habang sabay na ipinapaalam rin sa inyo ang mga problemang nakikita Ko. Binibigyang-babala, pinaaalalahanan, at hinihikayat Ko kayo, at binibigyan kayo ng ilang panustos, tulong, at suporta. Minsan nagsasabi rin Ako ng masasakit na salita. Responsabilidad Ko ito, at nasa iyo na kung paano mo ipagpapatuloy. Hindi mo kailangang suriin ang pananalita at mga ekspresyon ng mukha Ko, at hindi mo kailangang masusing obserbahan kung ano ang opinyon Ko sa iyo—hindi mo na kinakailangang gawin ang mga ito. Kung anong kalalabasan mo sa hinaharap ay walang kinalaman sa Akin; may kinalaman lamang ito sa kung ano mismo ang hinahangad mo. Ngayon, inihahayag Ko at prangkang nagsasalita, napakalinaw ng sinasabi Ko. Narinig ba ninyo at naunawaan ang bawat salita at bawat pangungusap na sinabi Ko, at kung ano ang dapat Kong sabihin, kung ano ang kailangan Kong sabihin, at kung ano ang nasabi Ko na noon? Walang kahit anong malabo sa sinasabi Ko, walang hindi ninyo nauunawaan; naiintindihan ninyong lahat, kaya naisakatuparan na ang responsabilidad Ko. Huwag ninyong isipin na kailangan Ko pa rin kayong bantayan pagkatapos Kong magsalita at maging responsable para sa inyo, na nasa tabi ninyo hanggang sa wakas. Lahat kayo ay nananampalataya na sa Diyos sa loob ng ilang tao, nasa hustong gulang na kayong lahat at hindi na maliliit na bata. May mga lider kayo na responsable sa inyo kapag ginagawa ninyo ang bagay-bagay, hindi Ko responsabilidad iyon. Mayroon Akong sariling saklaw ng gawain, saklaw ng mga responsabilidad Ko; hindi Ko kailangan, ni hindi rin posible para sa Akin, na sundan ang bawat isa sa inyo at palagi kayong patnubayan at udyukan—hindi Ako obligadong gawin iyon. Tungkol sa kung ano ang hinahangad ninyo, kung ano ang sinasabi at ginagawa ninyo nang pribado, at kung anong landas ang sinusundan ninyo, wala sa mga bagay na ito ang may kinalaman sa Akin. Bakit Ko sinasabing walang kinalaman ang mga iyon sa Akin? Kung kaya ninyong gampanan ang mga tungkulin ninyo sa sambahayan ng Diyos sa isang angkop at wastong paraan, magiging responsable sa inyo ang sambahayan ng Diyos hanggang sa huli. Kung handa kayong gampanan ang tungkulin ninyo, magtiis ng paghihirap, tanggapin ang katotohanan at kumilos ayon sa prinsipyo, kung gayon ay gagabayan kayo ng sambahayan ng Diyos, tutustusan kayo, at susuportahan kayo; kung hindi ninyo handang gampanan ang inyong tungkulin at gusto ninyong lumabas para magtrabaho at kumita ng pera, bukas na bukas ang mga pinto ng sambahayan ng Diyos at makakatanggap kayo ng magiliw na pamamaalam. Gayunpaman, kung nagdudulot kayo ng kaguluhan, gagawa ng masama, at bubulabugin ang sambahayan ng Diyos, kung gayon kahit sino pa ang gumagawa ng masama, ang sambahayan ng Diyos ay may administratibong kautusan at kaayusan sa gawain, at haharapin kayo ayon sa mga prinsipyong ito. Naiintindihan ba ninyo? Nananampalataya na kayong lahat sa Diyos sa maraming taon, marami na kayong nabasang mga salita ng Diyos, at nakadalo na sa mga pagtitipon at nakapakinig na ng mga sermon sa loob ng maraming taon, kaya bakit hindi pa rin kayo nagsisisi o nagbabago kahit kaunti? Maraming tao ang nakapakinig na ng mga sermon sa loob ng maraming taon, at nakaunawa na ang ilang katotohanan, pero hindi pa rin sila nagsisisi, ginagampanan pa rin nila ang mga tungkulin nila sa isang pabasta-bastang paraan, at sila ang mga nanganganib na tao. Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo ang isang tunay na bagay: Huwag ninyong asahang palagi Ko kayong babantayan, aalagaan, at tuturuan kayo habang hawak Ko ang mga kamay ninyo, para may magawa kayong praktikal at epektibong bagay. Kung hindi Ko kayo babantayan o pangangasiwaan at uudyukan, at kayo ay magiging pabaya at mabagal ang pagsulong ng gawain, kung gayon ay tapos na kayo. Ipinapakita nito na ginagampanan ninyo ang inyong tungkulin nang hindi tapat at lahat kayo ay trabahador. Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo, nagampanan Ko na ang Aking ministeryo, at hindi Ako obligadong alagaan kayo. Ito ay dahil gumagawa at sinisiyasat kayo ng Banal na Espiritu sa mga bagay na ito; ang dapat Kong gawin ay nagawa na, ang dapat Kong sabihin ay nasabi na, ginanap Ko ang Aking ministeryo, tinupad Ko ang Aking responsabilidad, at ang natitira na lang ay ang maging responsable kayo sa inyong mga kilos at pag-uugali. Kung hindi ninyo tinatanggap ang katotohanan kundi patuloy na magiging pabaya at hindi kailanman mag-iisip na magsisi, kung gayon ang pagpaparusa at pagtitiwalag sa inyo ay wala nang kinalaman sa Akin.
Ang isang aspekto ng kwentong kasasabi Ko lang ay tinatalakay ang tungkol sa kung paano ituring ng mga tao ang katayuang panlipunan, ang halaga, ang pinanggalingang pamilya at ang pinag-aralan at iba pa, at kung ano ang mga pamantayan at mga prinsipyo sa pagturing sa mga ito; ang iba pang aspekto ay kung paano harapin ang mga ito at kung paano makilatis ang diwa ng mga ito. Kapag nakilatis mo na ang diwa ng mga bagay ito, kahit na nasa puso mo pa ang mga ito, hindi ka na mapipigilan ng mga iyon at hindi na mamumuhay ayon sa mga ito. Kapag nakita mo ang isang walang pananampalataya na ipinagyayabang ang kanyang maluwalhating kasaysayan ng pagpasok sa unibersidad at pagkakaroon ng master’s o doctorate, ano ang pananaw at saloobin mo? Kung sinasabi mo na, “Walang saysay ang pag-aaral ng undergraduate sa unibersidad. Ilan taon na akong nagtapos ng aking graduate degree,” kung may ganito kang pag-iisip, magiging problema ito para sa iyo, at ipinapakita nito na hindi ka pa gaanong nagbabago sa iyong paniniwala sa Diyos. Kung tatanungin ka nila sa pinag-aralan mo, at sasabihin mo, “Hindi nga ako nakapagtapos ng elementarya at hindi makapagsulat ng sanaysay,” at nakikita ka nilang wala kang halaga at babalewalain ka na, kung gayon hindi ba perpekto iyon? Makakatipid ka ng oras para magbasa pa ng mga salita ng Diyos at mas magagampanan mo na ang tungkulin mo, at ito ang tamang gawin. Anong saysay ng pakikipagtsismisan sa mga walang pananampalataya at hindi mananampalataya? Kung sasabihin mong mababa ang antas ng pinag-aralan mo at walang katayuan sa lipunan, at may taong nangmamaliit sa iyo, anong gagawin mo? Huwag mo itong damdamin at huwag kang magpapaapekto, hayaan mo lang silang magsalita, hayaan mong sabihin nila ang gusto nila, wala itong epekto sa iyo. Hanggang hindi ito nakakaantala sa paghahangad mo sa katotohanan sa iyong pananampalataya sa Diyos, ayos lang iyon. Maliit na paksa lang talaga ito, pero sa pang-araw-araw na buhay, sa pamamagitan ng mga bagay na ipinapahayag ng mga tao, makikitang binibigyang-halaga ng mga tao ang mga bagay na ito ng kapital at palagi nila itong dala sa kanilang puso. Hindi lamang nito maaapektuhan ang pananalita at pag-uugali ng mga tao, kundi pwede rin nitong maapektuhan ang buhay pagpasok at ang pagpili nila sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos. Sige, hindi na muli Akong magsasalita tungkol sa ganitong uri ng paksa. Balikan natin ang paksang pinagbabahaginan natin noong nakaraan at magpatuloy tayo sa pagbabahagi at paghihimay sa iba’t ibang pagpapamalas ng mga anticristo.
Isang Pagsusuri Kung Gaano Kasama, Katraydor, at Kamapanlinlang ang mga Anticristo
I. Isang Pagsusuri tungkol sa Paglaban at Pagkasuklam ng mga Anticristo sa mga Positibong Bagay at sa Katotohanan
Natapos na nating himayin ang pang-anim na pagpapamalas ng mga anticristo, at ngayon ay sisimulan na nating himayin ang pampito: Kung gaano kasama, katraydor, at kamapanlinlang ang mga anticristo. Sinasabi ng ilang tao na, “Yamang hinihimay at inilalantad naman natin ang mga anticristo, hindi ba’t masyadong magaan na sabihing sila ay masama, traydor, at mapanlinlang? Sino ba ang wala ni katiting na masama o mapanlinlang na disposisyon? Lahat ng ordinaryong tao ay mayroong mga tiwaling disposisyon na ito, kaya kung ilalantad at hihimayin natin sa ganitong paraan ang mga anticristo, hindi ba’t ang ibig sabihin niyon ay anticristo ang lahat ng tao?” Mayroon ba sa inyong nag-iisip nang ganito? Kung mayroong sinuman sa inyo na talagang nag-iisip nang ganito, nagkakamali kayo. Mayroon bang pagkakaiba sa pagitan ng pagiging masama, traydor, at mapanlinlang ng mga anticristo at ng pagpapakita ng mga ordinaryong tao ng mga tiwaling disposisyong ito? Mayroon talagang pagkakaiba, dahil kung hindi, hindi natin isasama ang mga disposisyong ito sa mga pagpapamalas ng mga anticristo. Ngayon, pangunahin muna Akong magbabahagi tungkol sa pagkakaibang ito, bago Ako magsalita tungkol sa ilang totoong halimbawa at partikular na pagpapamalas ng masama, traydor, at mapanlinlang na mga disposisyon ng mga anticristo. Madaling maunawaan ang literal na kahulugan ng mga salitang “masama,” “traydor,” at “mapanlinlang.” Ang mahirap ay ang pagkilatis sa pangunahing pagkakaiba ng mga uri ng pagpapamalas na ito sa mga anticristo at sa mga ordinaryong tao, kung bakit natin tinutukoy ang isang uri ng tao na nagtataglay ng mga tiwaling disposisyon at diwang ito bilang isang anticristo, at kung ano ang pagkakaiba ng diwa ng mga anticristo at ng ordinaryong tiwaling sangkatauhan. Una, hayagang lumalaban ang mga anticristo sa katotohanan at sa Diyos; nakikipag-agawan sila sa Diyos para sa Kanyang mga hinirang na tao, sa Kanyang posisyon, at sa puso ng mga tao, at gumagawa pa nga ang mga anticristo ng iba’t ibang bagay sa paligid ng mga hinirang na tao ng Diyos para makuha ang kanilang puso, at para ilihis at paralisahin sila. Sa madaling salita, ang kalikasan ng mga kilos at pag-uugali ng mga anticristo, ito man ay lantad o sikreto, ay palaging kumakalaban sa Diyos. Bakit Ko sinasabing ito ay kumakalaban sa Diyos? Ito ay dahil alam na alam ng mga anticristo na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan at na ang Diyos ay ang Diyos, pero sinasalungat pa rin nila ang Diyos at hindi tinatanggap ang katotohanan kahit na paano man ito pagbahaginan. Halimbawa, inaakit ng ilang anticristo ang ilang tao at inililihis at kinokontrol ang mga ito. Pinapatalima at pinapasunod nila ang mga tao sa kanila, at pagkatapos ay mapandaya silang kumukuha ng lahat ng klase ng libro at materyales mula sa iglesia, at bumubuo sila ng sarili nilang mga iglesia at nagtatatag ng sarili nilang mga kaharian, nang sa gayon ay matamasa nila ang pagiging sinusunod at sinasamba ng kanilang mga tagasunod, at pagkatapos niyon ay nagsisimula silang kumita sa iglesia. Ang ganitong klase ng pag-uugali ay malinaw na pakikipag-agawan nila sa Diyos para sa Kanyang mga hinirang na tao—hindi ba’t isa itong katangian ng mga anticristo? Hindi ba makatwiran na tukuyin ang mga taong ito bilang mga anticristo batay sa kitang-kitang katangiang ito? Talagang makatwiran ito—napakatumpak ng depinisyong ito! May ilan ding anticristo na bumubuo ng mga pangkat sa loob ng iglesia at winawasak ang iglesia. Palagi silang gumagawa ng sarili nilang mga puwersa sa loob ng iglesia, at hindi nila isinasali ang mga hindi sumasang-ayon sa kanila. Pagkatapos ay pinapanatili nila sa tabi nila ang mga nakikinig at sumusunod sa kanila para bumuo ng sarili nilang mga grupo at pasunurin ang lahat sa sinasabi nila. Hindi ba’t pagtatatag nila ito ng sarili nilang mga kaharian? Anuman ang mga pagsasaayos ng gawain o ang mga hinihingi ng Itaas, tumatanggi silang isakatuparan ang mga ito at sa halip ay kumikilos sila sa paraan nila, na inaakay ang mga tagasunod nila na hayagang salungatin ang Itaas. Halimbawa, hinihingi ng sambahayan ng Diyos na palitan kaagad ang mga lider at manggagawa na walang kakayahang gampanan ang mga tunay na gawain. Gayunpaman, iisipin ng isang anticristo: “Bagama’t walang kakayahan ang ilang lider at manggagawa na gampanan ang tunay na gawain, sinusuportahan at sinasang-ayunan nila ako, at matagal ko na silang nililinang. Hindi pwedeng palitan ng Itaas ang mga taong ito, maliban na lang kung alisin muna nila ako.” Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t ang iglesiang iyon ay nasa kontrol ng anticristong ito? Ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos ay hindi nakalalampas sa anticristo at hindi maisakatuparan. Kapag matagal nang inilabas ang mga pagsasaayos ng gawain, at nag-ulat na ang lahat ng iglesia kung paano nila isinagawa ang mga iyon, halimbawa, kung sino ba ang inilipat sa ibang tungkulin o pinalitan dahil sa kung anumang sitwasyon, walang anumang iniuulat kailanman ang anticristo at hindi nito kailanman inililipat ang sinuman. May ilang tao na palaging pabaya sa kanilang mga tungkulin, na seryosong naaapektuhan ang gawain ng iglesia, pero hindi sila inililipat ng anticristo. Kahit na diretsahan pang sabihin ng Itaas sa anticristo na palitan na ang mga taong ito, lilipas ang mahabang panahon na wala itong sagot. Hindi ba’t mayroong problema rito? Kapag sinasabi sa kanya ng Itaas na ipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain o sinusubukang magtanong tungkol sa isang bagay, nahaharang na ito ng anticristo. Walang alam dito ang mga kapatid sa iglesia, wala silang natatanggap na mga mensahe, at nakahiwalay na sila sa Itaas—ganap nang nasa ilalim ng kontrol ng taong iyon ang iglesia. Ano ang kalikasan ng pagkilos ng isang anticristo nang ganito? Ito ay ang pagkontrol ng anticristo sa isang iglesia. Bumubuo ng mga pangkat sa iglesia ang mga anticristo, nagtatatag sila ng sarili nilang mga kaharian, sinasalungat nila ang sambahayan ng Diyos, at pinipinsala nila ang mga hinirang na tao ng Diyos. Naiwawala ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi nila maramdaman ang presensiya ng Diyos, walang kapayapaan o kagalakan, nawawalan sila ng pananalig sa Diyos, at hindi na nila masiglang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Nagiging negatibo at masama pa nga sila, at tumitigil na ang mga buhay nila. Ang lahat ng ito ay bunga ng panlilihis at pagkontrol ng mga anticristo sa mga tao. Ngayon, sa lahat ng pastoral na lugar sa Tsina, ilang huwad na lider at anticristo ang nalantad at pinalitan na. Ilan sa kanila ay mga huwad na lider at mga huwad na manggagawa na walang ginawang tunay na gawain. Lahat sila ay nagtataglay ng mga pagpapamalas ng mga anticristo, at lahat sila ay mayroong mga disposisyon ng mga anticristo, pero hindi pa nila naabot ang antas ng pagiging mga anticristo, kaya pinalitan lang sila. Gayunpaman, ang ilang tao ay may sarili nilang batas, sila ang nasusunod sa lahat ng bagay, ganap nilang nilabag ang mga pagsasaayos ng gawain at ganap silang kumilos sa sarili nilang paraan, kaya tinukoy sila bilang mga anticristo at pinatalsik. Ang ganitong paraan ng paglalantad at pangangasiwa sa mga huwad na lider at mga anticristo ay napakaganda! Napakasaya Ko kapag nakikita Ko ang mga ulat na ito, dahil ipinapakita nito na ang ilan sa mga hinirang ng Diyos ay naunawaan na ang kaunting katotohanan pagkatapos ng ilang taong pakikinig sa mga sermon. Bakit Ko sinasabi na naunawaan na nila ang kaunting katotohanan? Ito ay dahil pagkatapos nilang makinig sa mga sermong ito, kaya na nilang maiugnay at magamit ang mga ito sa ilang usaping nakakaharap nila sa buhay. Pagkatapos nilang makinig sa mga katotohanang ito, maaaring hindi nila talaga nauunawaan ang mga ito nang sandaling iyon, pero kalaunan nakikilatis na nila ang mga tao at pangyayari. Nagkakaroon na sila ng mga prinsipyo at pamantayan na naipangsusukat nila sa mga may sariling batas, sa mga hindi ginagampanan ang tunay na gawain, sa mga hindi kayang lutasin ang mga tunay na problema, sa mga pabaya sa kanilang mga tungkulin at hindi nagdadala ng pasanin, at sa mga hindi nakararamdam ng responsabilidad. Hindi ba’t pagsulong ito? Ito ay pagsulong. Hindi masasabing nagtataglay sila ng tayog, naunawaan lamang nila ang kaunting katotohanan. Ang mga hinirang na tao ng Diyos ay may kaunting pagkilatis sa mga huwad na lider, sa mga anticristo, at sa ilan sa mga hindi ginagampanan ang tunay na gawain at walang kakayahan sa kanilang gawain—hindi ba’t mabuting bagay ito? Mabuting bagay ito; ipinapakita nito na ang mga hinirang na tao ng Diyos ay nauunawaan ang katotohanan at may pagkilatis, at kaya nilang kumampi sa Diyos at protektahan ang gawain ng iglesia—ito ay karapat-dapat ipagdiwang. Hindi posibleng mailigaw ng mga anticristo ang mga nakakaunawa sa katotohanan. Maaari nilang mailigaw ang mga hindi nakakaunawa sa katotohanan at walang pagkilatis sa loob ng ilang panahon, pero gaano katagal? Umaasa Ako, na habang mas nauunawaan ng mga tao ang katotohanan at mas nananalig sila sa Diyos, mas iikli ang aabuting panahon para matanggihan at maiwaksi nila ang mga gapos at pagpipigil ng mga anticristo. Samakatuwid, kailangan pa rin na pagbahaginan natin ang iba’t ibang detalyadong pagpapamalas ng mga anticristo, kung hindi, kapag nailigaw at nakontrol ng mga anticristo ang mga tao, magiging napakahirap para sa mga tao na makamit ang kaligtasan.
Ipinaliwanag Ko sa mga simpleng salita lang ang mga pagpapamalas ng mga anticristo at ang mga dahilan sa pagtukoy sa mga gayong tao bilang mga anticristo. Kung gayon, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng mga pagpapamalas ng pagiging masama, traydor, at mapanlinlang ng mga anticristo at ng mga tiwaling disposisyon ng mga ordinaryong tao? Nauunawaan ba ninyo ito? May ikukwento Ako sa inyong isang istorya, at ang istoryang ito ay talagang may kaugnayan sa pagiging masama, traydor at mapanlinlang. Ang Aklat ng Job sa Bibliya ay may tala ng pag-uusap ng Diyos at ni Satanas. Tinanong ng Diyos si Satanas, “Saan ka nanggaling?” (Job 1:7). At paano sumagot si Satanas? (“Sa pagparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon” (Job 1:7).) Hanggang ngayon, hindi pa rin nauunawaan ng mga tao kung ano ang ibig sabihin ni Satanas dito—tinatawag itong isang disposisyon. Bakit hindi nauunawaan ng mga tao kung ano ang ibig sabihin ni Satanas? Ito ay dahil hindi mo pa rin nahahanap kung saan mismo galing si Satanas. Ano ang isyu sa sinabi ni Satanas? May isang klase ng disposisyon dito, at iyon ay isang buktot na disposisyon. Tapusin muna natin ngayon ang tungkol sa paksang iyon at suriin natin kung ano ang sumunod na nangyari. Lumapit si Satanas sa Diyos at, pagkatapos nitong sumagot sa tanong ng Diyos, sinabi ng Diyos kay Satanas, “Iyo bang pinansin ang Aking lingkod na si Job, sapagkat walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan?” (Job 1:8). Ano ang magiging karaniwang reaksyon ng isang normal na tao kapag narinig niya na sinabi ito ng Diyos? (Gugustuhin niyang makita kung paano kumilos si Job.) Iisipin kaagad ng mga tao, “Natakot si Job sa Diyos at umiwas sa kasamaan at siya ay isang sakdal na lalaki. Talagang hinahangaan ko siya!” Saan galing ang paghangang ito? Galing ito sa isang uri ng pag-asam, pagmamahal, at pananabik sa mga positibong bagay sa loob ng normal na pagkatao. Gayunpaman, kung hindi mo minamahal ang katotohanan, anong ipapamalas mo kapag narinig mo ang mga salitang ito? (Pangungutya.) Kukutyain mo ang mga salitang ito at babalewalain ang mga ito. Pagkatapos ay iisipin ng ilang tao na, “Matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan? Ano itong pagkatakot na ito? Ano ang ibig sabihin ng ‘umiwas sa kasamaan’? Saan ka makakakita ng isang sakdal na lalaki sa panahon ngayon?” Parang wala silang nararamdaman pagkatapos nilang marinig ang mga salitang ito, kaya may puso ba silang nag-aasam at nananabik sa mga ito? (Wala.) Ninanais ba nila ang mga ito? (Hindi.) Hinihiling ba nilang maunawaan kung ano mismo ang mga detalye sa loob nito? Mayroon ba silang ganitong hangarin? Wala, wala sila nito; sa puso nila, ayaw nilang malaman. Mayroon pang isang klase ng tao na abnormal ang reaksyon kapag narinig nila na sinabi ng Diyos na natakot si Job sa Diyos at umiwas sa kasamaan, na siya ay isang sakdal na lalaki. Sinasabi nila, “Ha? Natakot si Job sa Diyos at umiwas sa kasamaan, at siya ay isang sakdal na lalaki—may nabubuhay bang ganoong tao? Ipakita Mo sa akin kung paano siya naging sakdal—hindi ako naniniwala diyan!” Ang mga ganito bang tao, na may mga gayong ideya at pagpapamalas, ay talagang pinaniniwalaan at kinikilala ang mga salitang sinabi ng Diyos? (Hindi.) Hindi nila tunay na pinaniniwalaan o kinikilala ang mga iyon. Una, may isang punto na sigurado: Hindi nila kinikilala na totoo, mapagkakatiwalaan, at tumpak ang sinasabi ng Diyos, hindi nila itinuturing ang mga salita ng Diyos bilang ang katotohanan, bilang ang mga salita ng Lumikha, at bilang ang kataas-taasang katotohanan para sa buong sangkatauhan. Dahil hindi nila itinuturing ang mga salita ng Diyos bilang ang katotohanan, paano nila itinuturing ang Diyos? Dahil itinatatwa nila ang mga salita ng Diyos, posible kayang kilalanin nila na Diyos ang Diyos? Siguradong hindi, dahil itinatatwa nila ang mga salita ng Diyos, itinatatwa ang perspektiba ng Diyos, at itinatatwa ang mga kasabihan ng Diyos, ang ipinapahiwatig niyon ay itinatatwa nila ang pag-iral ng Diyos at itinatatwa na Siya ay ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Sigurado ito. May isa pang punto: Ano ang saloobin ng mga taong gaya nito sa mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos at sa mga positibo at negatibong bagay, at anong disposisyon ang nasa likod ng kanilang saloobin? Ano ang pananaw nila kay Job? “Hindi iyon posible! Mayroon pa bang taong kagaya niya sa mundo? Ito ay isang labi na lang ng kasaysayan. Ang taong katulad niyon ay hindi dapat nabubuhay sa mundong ito. Ang dapat lang nabubuhay ay ang mga taksil at hindi mabuti, ang mga masama, at buktot. Dapat mamatay at hindi mabuhay ang mga taong gaya ni Job!” Anong disposisyon ito? (Kabuktutan.) Ito ang kabuktutan ni Satanas. May mga tao ba ngayon sa sangkatauhan na may eksaktong katulad na buktot na disposisyon ni Satanas? Anong klaseng mga tao, na kapag narinig nila na sinabi ng Diyos na, “Natatakot si Job sa Diyos at umiiwas sa kasamaan; siya ay isang sakdal na lalaki,” ang hindi kumbinsido, tumatangging tanggapin ito, may pagkasuklam at pandidiri, at may mga pagsumpa pa ngang lumilitaw sa puso nila? Pwede ba nating sabihin na ang mga taong nagbibigay-daan na lumitaw ang mga gayong bagay ay mga kauri ni Satanas? (Oo.) Kung gayon, sumusobra na ba kung tutukuyin bilang mga anticristo ang mga taong ito? (Hindi.) Noong sabihin ng Diyos kay Satanas nang malinaw at taimtim na, “Natatakot si Job sa Diyos at umiiwas sa kasamaan; siya ay isang sakdal na lalaki,” ano ang saloobin ni Satanas? Pinagdudahan nito ang katunayang ito. Ang isang aspekto nito ay iyong pinagdudahan ni Satanas na si Job ay gayong klase ng tao at hindi nito naisip na posible iyon. Ito ay dahil buktot si Satanas at naniniwala itong buktot ang lahat ng bagay; hindi ito naniwala na pwedeng magkaroon ng isang tao sa sangkatauhan na masyadong kamangha-mangha, na talagang makikitang sakdal ng Diyos—hindi pinaniwalaan ni Satanas ang katunayang ito. Ang isa pang aspekto ay iyong noong matuklasan ng Diyos ang isang mabuting tao gaya ni Job, ano ang nadama ni Satanas sa puso nito? Una, sa pinakamababaw na antas, nakadama ito ng pagseselos, inisip nito na, “Paanong nagkaroon ng isang sakdal na lalaki? Hindi ba’t ginawa ko nang tiwali ang buong sangkatauhan? Ang lahat ng tao ay kagaya ko, pinagtaksilan Ka nilang lahat. Paanong susundin Ka nila?” Kung isasalin natin ito sa lengguwahe ng tao, ito ang mentalidad nito. Hindi naniwala si Satanas na posible ito, at may dalawang bahagi sa hindi nito paniniwalang posible ito: Ang una ay hiniling ni Satanas na hindi sana umiral si Job, habang ang ikalawa ay naisip ni Satanas, “Kahit pa nabubuhay siya, lilipulin ko siya.” Hindi ba’t ito ang kabuktutan ni Satanas? (Oo.) Ito ang kabuktutan ni Satanas. Ayaw nito na lumapit sa Diyos ang isang tunay na mabuting tao, isang taong natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, ayaw nitong mabuhay sa mundo ang isang taong kagaya ni Job, ayaw nitong mabuhay ang isang taong gaya nito, at lalo nang ayaw nitong lumitaw ang isang taong gaya nito—ito ang kabuktutan ni Satanas. Ano ang pinagmulan ng kabuktutan ni Satanas? Ang disposisyong diwa nito ay buktot. Bukod dito, si Satanas ay laban din sa lahat ng positibong bagay. Ano ang kasama sa “lahat ng positibong bagay”? Kasama rito ang mga taong natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan at mga sakdal. Sa pagiging laban kay Job, hindi ba’t si Satanas ay laban sa Diyos? (Oo.) Ganito nga talaga ang mga bagay-bagay. Habang si Satanas ay laban kay Job, kinamumuhian din nito ang Diyos. Gusto nitong walang sumamba sa Diyos—ito ang pinakamagpapasaya rito at ito ang pinakamalaking hinihiling nito. At pagkatapos, naging ganap na salungat sa inaasahan nito, sa gusto nitong makita, at sa inaasam nito, ang lahat ng katunayang ito. Ang gayong kamangha-manghang bagay ay nangyari sa harap nito mismo, pero ang kabuktutan nito, ang kabangisan nito, ay nagdulot na magkaroon pa ito ng isa pang pakikipag-usap sa Diyos, na siyang ang sumusunod na diyalogo sa pagitan nito at ng Diyos. May nakakaalam ba sa orihinal na teksto? (“Natatakot ba nang walang kabuluhan si Job sa Diyos?” (Job 1:9).) Hindi diretsahang nagsalita si Satanas, may patibong na nakatago sa mga salita nito. Sinabi nito, “Natatakot ba nang walang kabuluhan si Job sa Diyos?” para pag-isipan mo ito. Sabihin mo sa Akin, alam ba ng Diyos ang ibig sabihin ni Satanas dito? (Oo.) Alam ng Diyos. Kilalang-kilala ng Diyos si Satanas at nakikita ng Diyos ang usaping ito nang napakalinaw. Pagkasabi pa lang nito na, “Natatakot ba nang walang kabuluhan si Job sa Diyos?” alam na ng Diyos kung ano ang gagawin ni Satanas. Nang makita ng Diyos na may gustong gawin si Satanas, alam ng Diyos na dumating na ang pagkakataon, na dumating na ang oras para gamitin Niya si Satanas upang subukin si Job. Kaya, sino sa kanila ang marunong? (Ang Diyos.) Hindi ito alam ni Satanas at naisip nito, “Hindi ba’t hindi ako pinahintulutan ng Diyos na pakialaman si Job? Hindi ko kailanman inasahang papayagan ito ng Diyos ngayon.” Ihihinto natin ang istorya rito. Alam na naman ng lahat kung ano ang sumunod na nangyari.
Ngayon ay himayin natin ang mga pagpapamalas at disposisyon ni Satanas sa sinabi nito, pati na rin kung ano mismo ang motibasyon at mga intensyon nito sa pagsasabi nito. Una, hindi naniwala si Satanas sa sinabi ng Diyos, ibig sabihin, nagkimkim si Satanas ng isang nagdududang saloobin sa nilalaman at sa mga katunayan ng mga salitang binigkas ng Diyos. Kasabay ng pagdududa sa sinabi ng Diyos, ginusto nitong gumamit ng kung anong pamamaraan para itatwa ang sinabi ng Diyos, pero hindi ito direktang maitatwa ni Satanas. Nasaan ang kabuktutan ni Satanas? Ito ay nasa paggamit nito ng mas mapanlinlang pang pamamaraan, sinasabi sa puso nito na, “Hindi Kita diretsahang itatatwa. Papapayagin Kita na abusuhin ko si Job, at pagkatapos ay gagawin kong itatwa Ka niya. Ito ang pinakamagandang kalalabasan. Hindi ba’t mabibigo Ka kung ganoon?” Ito ang layon ni Satanas. Anong disposisyon ang ipinakita ni Satanas sa diyalogo nito sa Diyos at sa mga kaisipan nito? Malinaw na buktot ang disposisyon. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng kabuktutan ni Satanas at ng kabuktutan ng ordinaryong tiwaling sangkatauhan? Anong papel ang ginagampanan ni Satanas dito? Hindi nito direktang hinanap si Job para itatwa ni Job ang Diyos. Kung lumaban si Job ay mapapahiya si Satanas, kaya hindi kumilos si Satanas sa ganitong paraan. Kaya, ano ang ginawa ni Satanas? Ano ba mismo ang motibasyon ni Satanas at ang pamamaraan at mga estratehiya nito sa paggawa ng ginawa nito? (Ang umatake gamit ang iba.) Talagang minamaliit mo si Satanas; ang kabuktutan ni Satanas ay hindi maaarok ng mga tao. Ang lahat ng makatwiran at kamangha-manghang positibong bagay sa mundo ay hindi kamangha-mangha kay Satanas—gusto nitong gawing buktot at marumi ang lahat ng bagay na ito. Ano ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ni Satanas at ng mga tiwaling tao? Ang pinakamalaking pagkakaiba ay iyong alam na alam nito na ang Diyos ang katotohanan, na ang Diyos ay may karunungan at awtoridad, at na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng positibong bagay, pero hindi kinikilala ni Satanas ang mga ito, at sa halip ay kinasusuklaman, pinandidirihan, kinamumuhian, at isinusumpa pa nga nito ang lahat ng ito. Gayunman, madalas inililigaw ni Satanas ang mga tiwaling tao, at hindi nila alam kung ano ang mga positibong bagay, o kung ano ang mga matuwid, at lalo na kung ano ang katotohanan o kung ano ang hinihingi ng Diyos. Bagama’t nagpapakita sila ng ilang tiwaling disposisyon, nabubunyag ang buktot at mapanlinlang na mga tiwaling disposisyon na ito habang ang mga tao ay hangal, ignorante, manhid, bulag at naloko, at hindi nauunawaan ang katotohanan, samantalang alam na alam ni Satanas ang ginagawa nitong mali. Bakit natin ito tinatawag na Satanas? Dahil nakikita nito ang lahat ng ginagawa ng Diyos sa espirituwal na mundo at sa buong sansinukob at, habang nasasaksihan nito ang lahat ng iyon, itinatatwa pa rin nitong umiiral ang Diyos, na ang Diyos ang katotohanan, at ang katunayan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa buong sangkatauhan. Gaano man karaming tao ang sumusunod sa Diyos, gaano man kadakila ang gawaing ginagawa ng Diyos, gaano man kadakila ang hawak na awtoridad ng Diyos, o gaano man kamakapangyarihan sa lahat ang Diyos, itinatatwa pa rin ni Satanas ang lahat ng ito at walang kahihiyan o karangalan nitong pinaparalisa, binubulag, at ginagawang tiwali ang sangkatauhan, gamit ang lahat ng uri ng pamamaraan para iligaw ang sangkatauhan at pasunurin ang sangkatauhan sa kanya. Ano ang kasasabi Ko lamang na mga pangunahing pagpapamalas ng mga kabuktutan ni Satanas? Dalubhasa si Satanas sa pagsalungat sa Diyos, hindi nito kinikilala ang sinasabi ng Diyos gaano man katama ang mga salita ng Diyos, hindi nito kinikilala na mga positibong bagay at katotohanan ang mga salita ng Diyos, at binabaligtad nito ang mga bagay-bagay. Halimbawa, ipinatala ng Diyos sa mga tao ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa tao, at bukod sa mga tala ng mga katunayan ng paglikha ng Diyos sa tao, may mga bakas din ng ebidensiya na pwedeng makita. At ano ang ginawa ni Satanas? Inimbento nito ang “Darwinismo” at sinabing galing sa mga unggoy ang tao, gumuhit ito ng larawan na nagpapakita na unti-unting nag-eevolve ang mga unggoy mula sa mga nilikhang may apat na paa hanggang sa maging mga taong may dalawang paa na lumalakad nang nakatayo, na gumawa ng erehiya at panlilinlang na ito. Bilang resulta, kahit na itinatatwa ngayon ng ilang tao ang ebolusyon, marami pa ring tao ang hindi naniniwala na galing sa Diyos ang tao. Hindi ba’t kabuktutan ito ni Satanas? (Oo.) Ito ang kabuktutan ni Satanas. Gaano man kadakila ang gawain na personal nitong nasasaksihan na ginagawa ng Diyos, nilalabanan at sinasalungat pa rin nito ang Diyos hanggang sa dulo. Bawat araw na hindi winawasak ng Diyos si Satanas o nilulutas ito, patuloy itong sumasalungat sa Diyos. Nandito ang kabuktutan ni Satanas, at ang pinakaugat nito ay iyong ang diwa ni Satanas ay buktot.
Sa pag-uusap ni Satanas at ng Diyos sa Aklat ng Job, mayroon bang koneksyon sa pagitan ng mga pagpapamalas ni Satanas at ng mga pagpapamalas ng mga anticristo? (Mayroon.) Ano ang koneksyon? Bakit Ko iniuugnay ang siping ito? Ang pagiging masama, traydor, at mapanlinlang ng mga anticristo ay isang paksang madalas ninyong makatagpo, at ang mga ito ay mga aktuwal na pagpapamalas din na madalas ninyong makita, kaya bakit Ko inililista nang hiwalay ang mga pagpapamalas na ito ng mga anticristo bilang isang aytem para himayin? Katatapos lang nating pag-usapan ang kabuktutan ni Satanas at kung paano ito partikular na lumalaban sa Diyos, kaya hindi ba’t ginagawa rin ito ng mga anticristo? (Ginagawa rin nila.) Ano ang mga pagpapamalas ng mga anticristo? Pagkatapos makinig ng isang anticristo sa isang sermon, alam niyang maganda ang sermon at kaya nitong maunawaan ang mga salitang iyon. Bukod pa roon, may kaunti itong kakayahan, at kapag naunawaan na niya ang mga salitang iyon, nagsisikap itong tandaan ang mga ito, at sinusubukan nitong isapuso ang mga bagay na gusto niya at na umaayon sa sarili niyang mga kuru-kuro. Pagkatapos, batay rito, nagpoproseso at bumubuo siya ng sarili niyang sermon, na sa tingin ng ibang tao ay napakaganda kapag narinig nila ito. Gayunpaman, hindi ito ang pangunahing pagpapamalas ng kabuktutan ng isang anticristo; ano ang kanyang pangunahing pagpapamalas? Ang mga taong gaya nito ay kayang maunawaan ang katotohanan, kaya, sabihin ninyo sa Akin, kaya ba nilang makita ang pagkakaiba ng tama at mali? (Oo.) Oo, kaya nila, hindi sila estupido. Halimbawa, madalas nilang nakakaugnayan ang mga kapatid, at alam nila sa puso nila kung aling mga tao ang naghahangad sa katotohanan at alin ang hindi. Alam nila sa puso nila kung sino ang kayang maglaan ng kanilang sarili at magsuko ng mga bagay-bagay, kung sino ang kayang matapat na gampanan ang kanilang tungkulin, at kung sino ang siguradong kayang pumili na isagawa ang katotohanan at kumilos alinsunod sa mga prinsipyo kapag nahaharap sila sa mga ordinaryong usapin. Pero matatrato ba nila nang patas ang mga gayong tao? (Hindi.) Paano nila tinatrato ang mga tao sa paraan na nagpapakita ng pagpapamalas ng mga anticristo? Halimbawa, may isang taong hindi naman banta sa kanila, at iniisip nila na, “Hinahangad mo ang katotohanan at mas mahusay ang kakayahan mo kaysa sa akin, pero hindi ko itataas ang ranggo mo. Ang hindi ko pagtataas ng ranggo mo ay hindi nangangahulugang babalewalain kita. Kung sisipsip ka sa akin, pananatilihin kita sa tabi ko. Kung hindi ka kailanman sisipsip sa akin at palagi kang matuwid, kung palagi mong ginagawa ang mga bagay sa paraan na walang kinikilingan at sumusunod sa mga prinsipyo, makikilatis mo ang anumang masamang gawin ko at mahahalata mo ako, at magbabahagi ka sa akin tungkol sa katotohanan para pagsisihin ako, at masyado akong ipapahiya niyon. Kung hindi mo ako pakikialaman, ayos lang. Kung palagi kang makikialam sa akin, tatanggalin kita!” Ito ang klase ng planong mayroon sila, at nagkakalkula sila nang ganito sa puso nila. Anong disposisyon ito? Mayroon silang dalawang disposisyon: kabangisan at kabuktutan. Ganito sila mag-isip bago nila gawin ang gayong pagkilos at pahirapan ang taong ito—ito ay kabuktutan. Alam na alam nilang hinahangad ng taong ito ang katotohanan at na may pagpapahalaga ito sa katarungan, pero hindi nila itinataas ang ranggo nito, hindi sila nakikipaglapit dito, at pakiramdam nila sa puso nila ay mapagbantay sila at nasusuklam sa taong ito—ano ang disposisyong ito? Ito ay kabuktutan. Ano ang tinutukoy ng kabuktutang ito? Hindi sa hindi nauunawaan ng mga anticristo kung ano ang mga positibong bagay at kung ano ang mga negatibong bagay; alam nila kung ano ang tamang landas, hindi nga lang sila sumusunod dito, hindi nila isinasagawa ang katotohanan, wala silang pinakikinggan, at pinipili nila ang landas ng kabuktutan. Halimbawa, may ilang babae na ayaw maging mga babaeng may mabuting moralidad at mamuhay ng isang angkop at wastong buhay, sa halip ay pumupunta sila sa bahay-aliwan. Sa mga panahong ito ay wala namang nambubugaw sa kanila o pumipilit sa kanila, kaya bakit sila pumupunta sa bahay-aliwan? Ito ay dahil buktot sila at ipinanganak sila para maging ganoon. Ang mga anticristo ay ganitong klaseng basura, at hinihimay natin sila at tinutukoy sila bilang mga anticristo dahil ang kabuktutan ng mga anticristo ay hindi kailanman pwedeng maging pagkamatuwid at kabutihan ng mga normal na tao—ito ang pagkakaiba sa pagitan nila at ng mga normal na tao na may mga tiwaling disposisyon. Pungusan man sila, o gamitin ng iglesia ang mga atas administratibo para supilin sila, o bumangon man ang mga kapatid para salungatin at ilantad sila, walang makakapagbago sa orihinal na layunin at mga prinsipyo ng kanilang pagkilos—hindi ito kailanman mangyayari. Walang makakapagbago sa kanila, walang makakaaantig sa puso nila para bitiwan nila ang kanilang mga pananaw o ang mga prinsipyo ng kanilang asal; hindi mo sila mababago—mga anticristo sila. Akala mo ba ay napakabuktot ng mga anticristo na hindi na nila alam kung ano ang mabuti at kung ano ang masama? Alam nila. Kapag nag-uulat ng isyu ang anticristo o gumagawa ito ng ulat sa Itaas tungkol sa gawain, sumusulat ito ng magagandang pakinggang mga salita, at kung babasahin mo ang mga ulat na ito, iisipin mong ang taong ito ay may napakahusay na kakayahan. Gayunpaman, kapag nalaman mo na ang aktuwal na sitwasyon, matutuklasan mo na sa kanyang gawain ay palagi niyang nilalabag ang mga pagsasaayos ng gawain, inaapi niya ang mga naghahangad sa katotohanan, at ginugulo niya ang gawain ng iglesia—isa siyang anticristo. Ang ilang anticristo ay nag-iwan ng mga komento sa website ng ating iglesia, at kung hindi mo alam ang pinanggalingan o pinagmulan nila, makikita mo lang kung gaano kagaling na naipahayag ang mga komento nila, na talagang malinaw na naisulat at may magandang istilo, at iisipin mong ang taong ito ay may mahusay na kakayahan. Kapag lang nalaman mo na ang tungkol sa kanila ay saka mo malalaman na anticristo sila, na gumawa sila ng maraming kasamaan at pinatalsik na sila sa iglesia tatlong taon na ang nakakalipas. Patuloy silang naglalagay ng mga mensahe sa website ng sambahayan ng Diyos para mapansin ng Itaas, para tumaas ang ranggo nila at mabigyan sila ng pagkakataong makabawi; ganoon iyon. Sabihin ninyo sa Akin, gusto ba ng mga anticristo na pagpalain? (Oo.) Talagang gusto nila; natatakot sila sa kamatayan at natatakot silang mamatay.
Ano ang pangunahing pagpapamalas ng kabuktutan ng isang anticristo? Iyon ay iyong malinaw nilang alam kung ano ang tama at kung ano ang umaayon sa katotohanan, pero pagdating sa paggawa nila ng isang bagay, pipiliin lamang nila ang lumalabag sa mga prinsipyo at sumasalungat sa katotohanan, at ang tumutugon sa kanilang mga interes at posisyon—ito ang pangunahing pagpapamalas ng buktot na disposiyon ng isang anticristo. Gaano man karaming salita at doktrina ang nauunawaan nila, gaano man kagandang pakinggan ang lengguwaheng ginagamit nila sa mga sermon, o gaano man sila mukhang may espirituwal na pang-unawa sa tingin ng ibang tao, kapag ginagawa nila ang mga bagay-bagay, pinipili lamang nila ang isang prinsipyo at isang paraan, at iyon ay ang sumalungat sa katotohanan, ang protektahan ang kanilang mga interes, at ang labanan ang katotohanan hanggang sa huli, nang isandaang porsiyento—ito ang prinsipyo at pamamaraang pinipili nilang gawin. Bukod dito, ano mismo ang Diyos at ang katotohanan na iniisip nila sa kanilang puso? Ang saloobin nila sa katotohanan ay iyong gusto lang nilang matakakay at maipangaral ito, at ayaw nilang isagawa ito. Nagsasalita lang sila tungkol dito, dahil gusto nilang hangaan sila ng mga hinirang na tao ng Diyos at pagkatapos ay magamit nila ito upang makuha ang posisyon ng lider ng iglesia at makamit ang kanilang layon na matamo ang pagiging panginoon ng mga hinirang ng Diyos. Ginagamit nila ang pangangaral ng doktrina para makamit ang kanilang mga layon—hindi ba’t pagpapakita nila ito ng paglapastangan sa katotohanan, paglalaro sa katotohanan, at pagyurak sa katotohanan? Hindi ba’t sinasalungat nila ang disposisyon ng Diyos sa pagtrato sa katotohanan sa ganitong paraan? Ginagamit lamang nila ang katotohanan. Sa puso nila, islogan ang katotohanan, ilang matataas na salita, matataas na salita na pwede nilang gamitin para iligaw ang mga tao at maakit ang mga ito, na makakapawi ng pagkauhaw ng mga tao sa mga kamangha-manghang bagay. Iniisip nila na walang sinuman sa mundong ito ang kayang makapagsagawa sa katotohanan o maisabuhay ang katotohanan, na hindi talaga ito uubra, na imposible ito, at na ang mga kinikilala ng lahat at ang gumagana lamang ang siyang katotohanan. Kahit na pinag-uusapan nila ang katotohanan, sa puso nila ay hindi nila kinikilala na ito ay ang katotohanan. Paano natin masusubok ang bagay na ito? (Hindi nila isinasagawa ang katotohanan.) Hindi nila kailanman isinasagawa ang katotohanan; ito ay isang aspekto. At ano ang isa pang importanteng aspekto? Kapag nahaharap sila sa mga bagay sa tunay na buhay, ang doktrinang nauunawaan nila ay hindi kailanman gumagana. Mukha silang may tunay na espirituwal na pang-unawa, ipinangangaral nila ang mga doktrina, pero kapag naharap sila sa mga isyu, baluktot ang mga pamamaraan nila. Kahit na hindi nila maisagawa ang katotohanan, ang ginagawa nila ay dapat umaayon man lang sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, umaayon sa mga pamantayan at kagustuhan ng mga tao, at pumapasa man lang dapat sa panuntunan ng iba. Sa ganitong paraan, mananatiling matibay ang posisyon nila. Gayunpaman, sa tunay na buhay, ang mga ginagawa nila ay labis na baluktot, at sapat na ang isang tingin para masabing hindi nila nauunawaan ang katotohanan. Bakit hindi nila nauunawaan ang katotohanan? Sa puso nila, tutol sila sa katotohanan, hindi nila kinikilala ang katotohanan, nasisiyahan silang gawin ang mga bagay nang ayon sa mga satanikong pilosopiya, palagi nilang gustong pangasiwaan ang mga usapin gamit ang mga paraan ng tao, at kung kaya nilang makumbinsi ang iba at magkamit ng prestihiyo sa pamamagitan ng pangangasiwa nila sa mga bagay na ito, iyon ay sapat na sa kanila. Kapag naririnig ng anticristo ang isang tao na nangangaral ng hungkag na teorya kapag pumupunta sila sa isang lugar, masyado silang nasasabik, pero kapag may isang tao roon na nangangaral ng katotohanang realidad at nagdedetalye ng gaya ng iba’t ibang kalagayan ng mga tao, pakiramdam nila palagi ay pinupuna sila at pinatatamaan sila ng tagapagsalita, kaya nasusuklam sila at ayaw nilang makinig. Kapag hinilingan silang magbahagi tungkol sa kalagayan nila kamakailan, kung sumulong ba sila, at kung may nakaharap ba silang kahit anong paghihirap sa pagganap nila sa kanilang tungkulin, wala silang masabi. Kung magpapatuloy kang magbahagi sa aspektong ito ng katotohanan, nakakatulog sila; hindi sila nasisiyahang makinig dito. May ilan ding tao na lumalapit kapag nakikipagkwentuhan ka sa kanila, pero kapag narinig nila ang isang tao na nagbabahagi tungkol sa katotohanan, nagtatago sila sa sulok at natutulog—wala silang kahit anong pagmamahal sa katotohanan. Hanggang sa anong antas sila walang pagmamahal sa katotohanan? Sa di-gaanong seryosong banda, wala silang interes dito at sapat na sa kanila na maging mga trabahador; sa seryosong banda, tutol sila sa katotohanan, partikular silang nasusuklam sa katotohanan, at hindi nila ito matanggap. Kung ang ganitong uri ng tao ay isang lider, siya ay isang anticristo; kung siya naman ay isang ordinaryong tagasunod, tinatahak pa rin niya ang landas ng mga anticristo at siya ang papalit sa mga anticristo. Sa panlabas, mukha siyang matalino at may kaloob, na may magandang potensyal, pero ang kanyang kalikasang diwa ay sa isang anticristo—ganoon iyon. Saan nakabatay ang mga paghatol na ito? Nakabatay itong lahat sa saloobin ng mga tao sa katotohanan at sa kanilang saloobin sa mga positibong bagay. Ito ang aspekto tungkol sa pagharap ng mga tao sa katotohanan. Ang isa pang aspekto ay, kadalasan, hindi diretsahang hinaharap ng mga tao ang katotohanan, may ilang bagay na hindi kinasasangkutan ng katotohanan, hindi maisip ng mga tao kung anong aspekto ng katotohanan ang may kinalaman, kaya, sino ang diretsahang hinaharap ng mga tao? Ang diretsahan nilang hinaharap ay ang Diyos. At paano tinatrato ng mga taong ito ang Diyos? Sa aling mga pagpapamalas nila ipinapakita ang kanilang mga buktot na disposisyon? Nakikibahagi ba sila sa totoong pananalangin at totoong pakikipag-ugnayan sa Diyos? May tapat ba silang saloobin? May tunay ba silang pananampalataya? (Wala.) Tunay ba silang umaasa sa Diyos at tunay ba nilang ipinagkakatiwala ang mga sarili nila sa Diyos? Tunay ba silang natatakot sa Diyos? (Hindi.) Lahat ng ito ay mga praktikal na bagay at hinding-hindi mga hungkag na pagbati o nakanasayan lang. Kung hindi mo nauunawaan na praktikal ang mga salitang ito, wala kang espirituwal na pang-unawa. Hayaan ninyong bigyan Ko kayo ng isang halimbawa ng mga pagpapamalas ng mga taong ganito. May ilang tao na ikinukuyom ang kanilang kamao at nanunumpa sa mga pagtitipon, sinasabing, “Hindi ako mag-aasawa hangga’t buhay ako, iiwan ko ang trabaho ko, at isusuko ko ang lahat ng bagay at susunod ako sa Diyos hanggang sa huli!” Kapag tapos na silang magngangawa at gugugulin na nila ang kanilang sarili para sa Diyos, iniisip nila, “Paano ako makakakuha ng mas maraming pagpapala sa Diyos? May kailangan akong gawin para makita ng Diyos.” Gayunpaman, naririnig nila na sinasabi ng Diyos na hindi Niya mahal ang mga taong gaya nila, at iniisip nila, “Ano nang gagawin ko? Lalayo na lang ako sa Diyos para hindi ako makita ng Diyos.” Anong klaseng kalagayan ito? (Pagiging mapagbantay.) Iniiwasan nila ang Diyos para magbantay laban sa Kanya. At anong disposisyon ang nasa loob ng kanilang pagiging mapagbantay? Kabuktutan. Palagi silang mapagbantay laban sa Diyos kapag may ginagawa sila, natatakot silang mahahalata sila ng Diyos, at hindi nila tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos—pananalig ba ito sa Diyos? Hindi ba’t paglaban nila ito sa Diyos? Ito ay isang napakanegatibong kalagayan, hindi ito normal. Bagama’t kaya pa rin nilang makisama sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, sa sandaling marinig nila na bumibigkas ang Diyos ng mga salita para hatulan at ilantad ang mga tao, tumatakas sila, o kung hindi ay nagmamadali silang magpakitang-tao at maghanap ng kung anong paraan bilang kompromiso para itago ang sarili nila. Matindi nilang sinusubukang itago ang sarili nila, at ginagawa nila ang lahat ng posibleng bagay para umiwas at mag-ingat, habang sa kanilang puso ay patuloy silang lumalaban sa Diyos. Hindi nila hinahanap ang mga layunin ng Diyos, ni hinahanap ang katotohanan, sa mga ginagawa nila. Sa halip, lalo pa nilang gustong ipakita na kaya nilang tanggapin ang katotohanan at magpasakop sa Diyos nang walang pagrereklamo, sinusubukang makuha ang pagsang-ayon ng lahat sa pamamagitan ng pagpapanggap at kasinungalingan. Pagdating naman sa sinasabi ng Diyos, kung ano ang hinihingi niya sa mga gayong tao, at kung paano Niya tinitimbang at tinutukoy ang mga gayong tayo, hindi nila pinapansin ang mga iyon at ayaw nilang malaman. Hindi talaga malinaw sa puso nila kung sino ba mismo ang Diyos, sa halip ang lahat ay imahinasyon at paghusga. Kapag may ginawa ang Diyos na taliwas sa kanilang mga kuru-kuro, kinokondena nila ito sa kanilang puso. Bagama’t sinasabi nilang nananalig sila sa Diyos, puno ng alinlangan ang puso nila. Ito ang buktot na disposisyon ng mga tao.
Madalas tangkain ng ilang anticristo na subukin ang Diyos. Humahakbang sila, sinisiyasat ang sitwasyon, at pagkatapos ay humahakbang sila muli; sa madaling salita, masasabing may saloobin sila na “maghintay at tingnan ang mangyayari”. Ano ang ibig sabihin ng “maghintay at tingnan ang mangyayari”? Hayaan ninyong bigyan Ko kayo ng halimbawa. Halimbawa, may isang taong iniwan ang kanyang trabaho at pagkatapos ay nanalangin sa Diyos at sinabing, “O Diyos, wala na akong trabaho. Umaasa akong susuportahan Mo ako sa hinaharap. Ipinagkakatiwala ko ang lahat ng bagay sa Iyong mga kamay. Inilalaan ko ang aking buhay sa Iyo.” Kapag tapos na siyang manalangin, naghihintay siya para makita kung pagpapalain ba siya ng kahit ano ng Diyos, kung bibigyan Niya ba siya ng anumang kahima-himalang pahayag o mas malaking biyaya, kung mas marami man lang ba siyang makukuha at kung magkakaroon ba siya ng mas malaking kasiyahan kaysa noong nagtatrabaho pa siya sa mundo. Ito ang pagsubok niya sa Diyos. Ano itong panalangin at pagtatalagang ito? (Ito ay isang transaksyon.) Hindi ba’t may buktot na disposisyon sa transaksyong ito? (Mayroon.) Ang pamamaraan niya ay ang magsimula sa pamamagitan ng pag-aalok ng isang maliit na pang-akit para makakuha ng mas mahalagang kontribusyon, ng paghingi ng biyaya at mga pagpapala sa Diyos—ito ang kanyang layon. Sinasabi ng isang tao, “Napakalala ng sitwasyon sa Tsina. Palala nang palala ang sitwasyon sa pag-aresto ng malaking pulang dragon sa mga tao. Mapanganib kahit para sa dalawang tao na magtipon, mapanganib kahit para sa isang pamilya na may apat na miyembro na magtipon. Napakamapanganib na manalig sa Diyos sa ganitong sitwasyon sa Tsina. Kung mayroon talagang mangyayaring masama, maliligtas pa rin kaya tayo? Hindi kaya magiging walang saysay ang pananalig natin?” Naiisip nila, “Kailangan kong makaisip ng paraan para iwan ang bansa. Noong maayos pa ang sitwasyon dati, gusto ko ng kagaanan at kaginhawahan at ayaw kong lisanin ang Tsina. Napakagandang makipagtipon kasama ng aking pamilya, at pwede rin akong manalig sa Diyos at makatanggap ng mga pagpapala; isa itong sitwasyon na panalo ang lahat. Ngayon ay masama na ang mga bagay-bagay, dumating na ang mga sakuna, at kailangan kong magmadaling lisanin ang Tsina. Magagawa ko pa rin ang tungkulin ko kapag umalis na ako ng bansa, at sa paggawa ko ng aking tungkulin, magkakaroon ako ng pagkakataong magkamit ng mga pagpapala.” Sa huli, umaalis sila ng bansa. Ano ito? Ito ay oportunismo. Ang lahat ay maaaring maging mapagkalkula, at lahat ay may transaksyonal na mentalidad—hindi ba’t buktot ito? May mga ganito bang tao sa inyo? Sa puso nila ay sinasabi nila, “Kung aapihin ako sa mundo, kaya akong protektahan ng mga magulang at pamilya ko. Kung maaaresto ako dahil sa pananalig ko sa Diyos, iingatan ba ako ng Diyos? Mukhang mahirap matiyak iyon. Kung gayon ano ang dapat kong gawin, kung hindi ko iyon masisiguro? Siguradong hindi ako mapoprotektahan ng mga magulang ko. Kapag may isang taong naaresto dahil sa pananalig niya sa Diyos, hindi siya maililigtas ng mga ordinaryong tao, at kung hindi ko kakayanin ang malulupit na pagpapahirap at pasakit sa kamay ng malaking pulang dragon at ako ay maging isang Hudas, hindi ba’t mawawasak ang maliit kong buhay? Pinakamagandang lisanin ko ang bansa at manalig ako sa Diyos sa ibang bayan.” Mayroon bang nag-iisip nang ganito? Siguradong mayroon, tama? Kung gayon, may nagsasabi bang, “Sinisiraan Mo kami, at hindi pa namin naisip iyon”? Siguradong ang mga taong gaya nito ay hindi kakaunti, at sa tamang oras ay makikita at mauunawaan mo ito.
Ano ang mga pangunahing katangian ng kabuktutan ng mga anticristo? Ang una ay iyong hindi nila kinikilala ang mga positibong bagay, hindi nila kinikilala na mayroong bagay gaya ng katotohanan, at iniisip nila na katotohanan ang kanilang mga ereheng panlilinlang at ang kanilang mga buktot na negatibong bagay—ito ay isang pagpapamalas ng kabuktutan ng mga anticristo. Halimbawa, sinasabi ng ilang tao, “Ang kasiyahan ng isang tao ay nasa kanyang mga kamay” at “Kapag may kapangyarihan lamang na makakamit ng isang tao ang lahat ng bagay”—ito ang lohika ng mga anticristo. Naniniwala sila na kapag may kapangyarihan sila ay magkakaroon ng mga taong sisipsip at mambobola sa kanila, ng mga taong magreregalo at manunuyo sa kanila, pati na rin ng lahat ng klase ng pakinabang ng katayuan at lahat ng klase ng kasiyahan; naniniwala sila na hindi na sila kailangang utus-utusan ninuman o pamunuan ng kahit sino, at na pwede na nilang pamunuan ang iba—ito ang pinakaprayoridad nila. Ano ang tingin ninyo sa pagkakalkula nila nang ganito? Hindi ba’t buktot ito? (Oo.) Ginagamit ng mga anticristo ang satanikong lohika at mga ereheng panlilinlang nila sa halip na ang katotohanan—ito ay isang aspekto ng kanilang kabuktutan. Una sa lahat, hindi nila kinikilala ang katotohanan, hindi nila tinatanggap na may mga positibong bagay, at hindi nila kinikilala ang pagiging wasto ng mga positibong bagay. Bukod dito, kahit pa kinikilala ng ilang tao na may mga positibo at negatibong bagay sa mundong ito, paano nila tinitingnan ang mga positibong bagay at ang pag-iral ng katotohanan? Hindi pa rin nila ito minamahal, ang buhay na pinipili nila at ang landas na tinatahak nila sa kanilang pananampalataya sa Diyos ay nananatiling negatibo at taliwas sa katotohanan. Pinoprotektahan lamang nila ang mga sarili nilang interes. Positibo o negatibong bagay man ito, hangga’t mapoprotektahan nito ang mga sarili nilang interes, ayos lamang iyon, ito ang pinakamahalaga. Hindi ba’t buktot na disposisyon ito? May isa pang aspekto: Ang mga taong gaya nito na nagtataglay ng isang buktot na diwa ay likas na hinahamak ang pagpapakumbaba at pagiging tago ng Diyos, ang katapatan at kabutihan ng Diyos; likas silang mapanghamak sa mga positibong bagay na ito. Halimbawa, tingnan ninyo Ako: Hindi ba’t napakaordinaryo Ko? Ordinaryo Ako, bakit hindi kayo naglalakas-loob na sabihin ito? Kinikilala Ko mismo na ordinaryo Ako. Hindi Ko kailanman naisip mismo na ekstraordinaryo o dakila Ako. Isa lamang Akong ordinaryong tao; palagi Kong kinikilala ang katunayang ito at lakas-loob Kong hinaharap ang katunayang ito. Ayaw Kong maging isang superwoman o maging isang dakilang tao—sobrang nakakapagod iyon! Hinahamak ng ilang tao ang ordinaryong taong ito na katulad Ko at palagi silang nagkikimkim ng mga kuru-kuro tungkol sa Akin. Kapag lumalapit sa Akin ang mga tunay na nananampalataya sa Diyos, lumalapit pa rin sila nang may pagkamaka-diyos, anuman ang hitsura Ko sa panlabas. Pagkatapos ay may ilan din na, sa kabila ng napakagalang na pakikipag-usap sa Akin, ay nagkikimkim sa kanilang puso ng isang mapanghamak na saloobin sa Akin, at masasabi Ko ito mula sa tono nila at sa paraan ng paggalaw ng kanilang katawan. Bagama’t minsan ay mukhang napakagalang nila, anumang sabihin Ko sa kanila ay palagi silang sumasagot ng “Hindi,” palagi nilang kinokontra ang sinasabi Ko. Halimbawa, sinabi Kong napakainit ng panahon ngayong araw, at sasabihin nila, “Hindi, hindi naman. Kahapon ang talagang mainit.” Kinokontra nila ang sinasabi Ko, hindi ba? Anuman ang sabihin mo sa kanila, palagi nilang kinokontra ito. Hindi ba’t may mga ganitong tao sa paligid? (Mayroon.) Sinabi Ko, “Maalat ang pagkain ngayon. Napakarami bang asin nito o napakaraming toyo?” At sasabihin nila, “Hindi. Napakaraming asukal diyan.” Anuman ang sabihin Ko, kinokontra nila ito, kaya wala na Akong sinasabing iba pa, magkaiba kami ng pananaw, at magkaiba kami ng lengguwahe. Pagkatapos may ilan na, kapag narinig nila Akong nagsasalita tungkol sa pananampalataya sa Diyos, sinasabi nila, “Eksperto Ka sa pagsasalita tungkol dito, kaya makikinig ako.” Kung magsasalita Ako nang kaunti tungkol sa anumang panlabas na bagay, ayaw na nilang makinig, na para bang wala Akong anumang alam sa mga panlabas na bagay. Ayos lang naman na hindi nila Ako pansinin, gusto Kong manahimik. Hindi Ko kailangang pansinin Ako ng iba, ginagawa Ko lang ang dapat Kong gawin. May mga responsabilidad Ako, at may sarili Akong paraan ng pamumuhay. Sabihin ninyo sa Akin, ano ang ipinakita ng mga saloobing ito ng mga tao? Nakikita nilang hindi Ako mukhang isang dakila o may kakayahang tao, at na nagsasalita at kumikilos Ako gaya ng isang ordinaryong tao, kaya iniisip nila, “Paanong hindi Ka mukhang Diyos? Tingnan Mo ako. Kung ako ang Diyos, magiging talagang kamukha Niya ako.” Hindi ito usapin ng pagiging katulad o hindi katulad ng Diyos. Ikaw ang humihingi na maging katulad Ako ng Diyos, hindi Ko kailanman sinabi na katulad Niya Ako, at hindi Ko kailanman ginustong maging katulad Niya; ginagawa Ko lang ang dapat Kong gawin. Kung pumunta Ako sa kung saan at hindi Ako nakikilala ng ilang tao, mabuti iyon, dahil ligtas Ako sa gulo. Ganito kasi iyon, napakaraming sinabi at ginawa ang Panginoong Jesus sa Judea noon, at anupaman ang mga tiwaling disposisyon ng mga disipulong sumunod sa Kanya, ang saloobin nila sa Kanya ay gaya ng saloobin ng tao sa Diyos—ang relasyon nila ay isang normal na relasyon. Pero may ilan na nagsabi tungkol sa Panginoong Jesus, “Hindi ba’t anak Siya ng isang karpintero?” at maging ang ilang sumunod sa Kanya nang mahabang panahon ay patuloy na nagkimkim ng ganitong saloobin. Ito ay isang bagay na madalas na nakakaharap ng Diyos na nagkatawang-tao sa pagiging isang ordinaryo at normal na tao, at karaniwan itong nangyayari. Ang ilang tao ay masyadong masigasig kapag nakikita nila Ako sa unang pagkakataon, at pag-alis Ko ay dumadapa at tumatangis sila, pero hindi ito umuubra sa tunay na pakikipag-ugnayan, at kadalasan ay kailangan Ko itong tiisin. Bakit Ko ito kailangang tiisin? Dahil ang ilang tao ay hangal, ang ilan ay hindi maturuan, ang ilang tao ay kailangan bilang mga tagapagserbisyo, at ang ilan ay hindi nakikinig sa katwiran. Kaya kailangan Kong magtiis minsan, at minsan ay may ilang tao na hindi Ko pwedeng pahintulutang lumapit sa Akin; masyadong kasuklam-suklam ang mga taong ito at mayroon silang mapanlabang disposisyon. Gaano kamapanlaban? Halimbawa, nakakita Ako ng isang maliit na aso na labis na nakakatuwa at sinabi Kong, “Tawagin natin itong Huamao.” At ano ang saloobin ng maraming tao sa pangalang ito? Pangalan lang ito, at dahil nakita nilang Ako ang unang nakaisip nito, iyon na ang tawag sa asong ito; napakanormal lang na bagay ito. Ang ilang taong may mapanlabang disposisyon ay hindi ito tatawagin sa ganoong pangalan, at sasabihin nila, “Anong klaseng pangalan ang Huamao? Hindi ko pa kailanman narinig dati na tinawag na Huamao ang isang aso. Huwag nating tawagin ito nang ganoon, dapat bigyan natin ito ng Ingles na pangalan.” Sinasabi Ko, “Hindi Ako magaling mag-isip ng mga pangalan na Ingles, kaya tawagin na lang ninyo iyan ng kung ano ang gusto ninyo at susunod Ako sa desisyon ninyo.” Bakit Ako susunod sa desisyon nila? Ito ay isang maliit na usapin, kaya bakit kailangang makipagtalo rito? Ang ilang tao ay hindi sumusunod, sa halip ay kailangang makipagtalo tungkol sa gayong mga bagay. Dahil lang sumunod Ako, hindi ibig sabihin niyon na naniniwala Akong may nagawa Akong mali; ito ay prinsipyo lamang na sinusunod Ko sa pag-asal at pagkilos Ko. Dahil lamang sa hindi Ako nakikipagtalo sa iyo, hindi ibig sabihin na takot Ako sa iyo. Hindi Ako nakikipagtalo, pero alam Ko sa puso Ko na ikaw ay isang hindi mananampalataya, at mas gugustuhin Ko pang makitungo sa isang aso kaysa sa mga katulad mo. Bukod sa ilang taong kailangan Kong makaugnay sa loob ng saklaw ng Aking pamumuhay, ang mga taong pakikutunguhan Ko ay ang mga kapatid, ang mga tao ng sambahayan ng Diyos—ito ang Aking prinsipyo. Hindi Ako nakikipag-ugnayan sa maski isang walang pananampalataya; hindi Ko ito kailangang gawin. Gayunpaman, kung may mga hindi mananampalataya sa sambahayan ng Diyos na kaibigan ang turing sa sambahayan ng Diyos, pwede silang maging mga kaibigan ng iglesia. Tinutulungan man nila ang iglesia o nagsisikap at pinangangasiwaan ang ilang bagay para sa iglesia, pwede silang tanggapin ng iglesia, pero hindi Ako magkakaroon ng mga pakikipag-ugnayan sa kanila gaya ng pakikipag-ugnayan Ko sa mga kapatid; napakaabala Ko sa Aking gawain at wala na Akong panahon para pakitunguhan ang mga gayong bagay. Ang ilang taong ilang taon nang nananampalataya sa Diyos ay dapat magkaroon ng kaunting konsepto sa gawain ng Diyos, sa Diyos na nagkatawang-tao, at sa pagliligtas ng Diyos sa mga tao, pero wala man lang silang may-takot-sa-Diyos na puso. Katulad lang sila ng mga walang pananampalataya at hindi man lang nagbago. Sabihin ninyo sa Akin, ano ba ang mga taong ito? Sila ay mga likas na demonyo, mga kaaway ng Diyos. Kapag lumalalim ang pakikisalamuha ng isang tao sa mga satanikong maladiyablong tao, ito ay nagiging kapahamakan at kaguluhan.
Makikita ninyong lahat sa inyong pang-araw-araw na buhay na, anumang grupo ng mga tao ang salihan mo, palaging may isang taong ayaw sa iyo, at kahit na hindi mo sila iniinis o pinipikon, magsasabi sila ng masasamang bagay tungkol sa iyo, huhusgahan ka nila, at sisiraan ka. Wala kang ideya kung ano ang nangyari, pero ayaw nila sa iyo, hindi ka nila makasundo at gusto ka nilang apihin—ano ang sitwasyon dito? Wala kang ideya kung ano ang nagawa mo para mapikon sila, pero sa hindi malamang kadahilanan ay inaapi ka nila. May masasamang tao bang gaya nito? (Oo.) Sila ay mga kalaban mo at maipapaliwanag lang iyon nang ganoon. Bago ka pa nga nakipag-ugnayan sa kanila, ayaw na nila agad sa iyo at iniisip na nila kung paano ka nila sasaktan—hindi ba’t matitinding kalaban mo sila? (Oo, ganoon nga.) Makakasundo mo ba ang isang matinding kalaban? Makakalakad ka ba sa parehong landas? Siguradong hindi. Kung gayon makikipagbanggaan at makikipagtalo ka ba sa gayong mga tao? (Hindi, hindi ako makikipagtalo sa kanila.) Bakit hindi? Dahil hindi sila nakikinig sa anumang katwiran. Ang ilang tao ay likas na tutol at nasusuklam sa mga positibong bagay, sa mga tamang bagay, sa mga bagay na mabubuti sa sangkatauhan, ibig sabihin, sa mga positibong bagay na inaasam at gusto ng mga tao; ang isang malinaw na disposisyon na taglay ng mga taong gaya nito ay ang kabuktutan—sila ay mga buktot na tao. Halimbawa, may isang lalaking naghahanap ng nobya at nag-iisip na, “Pangit man siya o maganda, basta’t marangal at mabuti siya, at marunong makisama sa buhay, sapat na iyon. Lalo na pagdating sa isang babaeng may pagkatao at pananampalataya, mayaman o mahirap man ako, pangit o gwapo, o magkasakit man ako, ganap siyang magiging tapat na makasama ako.” Karaniwang may ganitong pananaw ang mga disenteng tao. Anong klaseng tao ang ayaw o hindi sumasang-ayon sa ganitong uri ng pananaw? (Mga buktot na tao.) Kung gayon sabihin ninyo sa Akin, anong pananaw mayroon ang mga buktot na tao? Paano sila tumutugon kapag narinig nila ang mga salitang ito? Kukutyain ka nila, sasabihing, “Estupido. Nasaang panahon na ba tayo? At naghahanap ka ng isang taong ganyan? Maghanap ka dapat ng isang mayaman at magandang babae!” Nagpapakasal ang mga ordinaryong kalalakihan sa mga disente at marangal na kababaihan at magkasama silang namumuhay ng angkop at maayos na buhay na may nagkakasundo at masayang pamilya; umaasal sila sa buhay nang malinis. Ganito ba mag-isip ang mga buktot na tao? (Hindi.) Sinasabi nila, “Sa mundong ito ngayon, matatawag pa rin bang lalake ang isang lalake kung hindi siya nagkaroon ng 10 o higit pang mga nobya at ilang asawa? Kung hindi siya nagkaroon niyon, isang sayang na buhay iyon!” Silang lahat ay may ganitong pananaw. Sasabihin mo sa kanila, “Humanap ka ng isang disente, marangal, at mabuting babae, lalo na iyong may pagkatao at pananampalataya,” pero katanggap-tanggap ba ito sa kanila? (Hindi.) Kukutyain ka nila at sasabihin nilang, “Napakaestupido mo! Sa mundo ngayon ay wala nang nakikialam sa mga usapin ng iba, malaya at maginhawa nang nabubuhay ang lahat. Lalo na kapag nilisan mo ang Tsina at pumunta ka sa Kanluran, mas malaya pa nga dahil walang nagmamanman sa iyo. Bakit mo masyadong pinahihirapan ang sarili mo? Napakaestupido mo!” Ito ang pananaw na mayroon sila. Kaya, anong nararamdaman nila kapag sinasabi mo sa kanila ang tungkol sa mga positibong bagay, ang tungkol sa pinakakamangha-manghang mga positibong bagay ng tao na may kinalaman sa katotohanan at sa katarungan? Nasusuklam sila at isinusumpa ka nila sa puso nila. Kapag nalaman nilang ganitong uri ka ng tao, magiging maingat na ang puso nila sa iyo, at iiwasan ka na nila. Ang mga taong hindi magkapareho ay hindi sumusunod sa parehong landas. Alam nilang nasusuklam ka sa mga taong gaya nila, at hinahamak nila sa kanilang puso ang mga taong gaya mo. Ayaw nilang makipag-usap sa iyo tungkol sa kung gaano sila nagdadamit at nakikipaglokohan sa ibang tao. Natatakot silang magbabahagi ka sa kanila tungkol sa katotohanan at susubukan mo silang kumbinsihin na sumunod sa tamang landas, at ganap silang nasusuklam; sa ibang salita, sa pinakakaibuturan ng puso nila, hinahamak nila ang lahat ng positibong bagay. Kaya, kung makakaharap mo ang gayong mga tao kapag ipinangangaral mo ang ebanghelyo, hindi mo ito maipangangaral sa kanila. Kahit pa gawin mo iyon at manampalataya sila, mga anticristo pa rin sila at hindi maliligtas. Bakit kayo nakakaupo rito at nakakapakinig sa Aking sermon? Hindi ba’t ito ay dahil mayroon kayong katiting na pusong nagmamahal sa katotohanan? Basta’t gumagawa sa iyo ang Banal na Espiritu habang nagsasalita Ako sa inyo, madarama mong naantig at nahikayat ka sa iyong puso, at hihilingin mong ialay ang sarili mo, magdusa ka, at gugulin mo ang sarili mo sa paghahangad sa katarungan, katotohanan, at kaligtasan. Sa sandaling marinig ng mga buktot ang isang tao na nagsasalita tungkol sa paggugol ng sarili para sa katarungan, para sa katotohanan, at para sa Diyos, sa tingin nila ay hungkag ang mga salitang ito, na ang mga ito ay islogan, na hindi maaarok ang mga ito, at may pagkiling sila laban sa gayong mga tao. Kaya, kapag nakatagpo ninyo ang mga buktot na taong ito, huwag kayong magbahagi sa kanila tungkol sa anuman, hindi kayo magkaparehong uri, kaya lumayo na lang kayo. Kapag nakakatagpo Ko ang gayong mga tao at nakikita Kong may ganito silang saloobin sa Akin at nagsasalita sila sa ganitong tono ng boses, dapat Ko ba silang pungusan at pangaralan? (Hindi, hindi iyon kinakailangan.) Hindi ito kinakailangan, hindi kinakailangan na pansinin sila, hindi kailangang tumugon sa kanila. Mababago mo ba sila sa pamamagitan ng pagtugon sa kanila? Hindi mo sila mababago. Isantabi mo lang sila at hayaan mo lang na ganoon; ang mga taong ganito ay hindi magtatagal sa kanilang pananampalataya sa Diyos. Una: Hindi nila minamahal ang katotohanan; ikalawa: Nasusuklam sila sa mga positibong bagay; ikatlo: Kumikiling sila laban sa Diyos, itinuturing nila ang disposisyon ng Diyos at ang lahat ng bagay na kaibig-ibig sa Diyos bilang pinakamababa at pinakahamak—tinutukoy ng mga ito na hindi sila kailanman maliligtas ng Diyos. Nasaan man ang gayong mga tao, sila man ay taos-puso o taksil, ang pagkakaroon nila ng mga pagpapamalas na ito ay tumutukoy na siguradong may ilang kabuktutan sa mga disposisyon nila.
Saanman nangingibabaw ang isang anticristo, hindi magiging maayos ang buhay iglesia at ang mga epektong nakakamit sa pagganap ng mga tungkulin ng mga hinirang ng Diyos, at mahahadlangan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, kaya kung hindi ibubukod at patatalsikin ang mga anticristo, magdurusa ng malaking kawalan ang gawain ng iglesia at marami sa mga hinirang ng Diyos ang mapipinsala! Pangunahing hindi kayang gampanan ng mga huwad na lider ang tunay na gawain, at kapag pinangangasiwaan nila ang ilang pangkalahatang gawain, mabagal ang pag-usad nila at hindi epektibo. Bukod dito, hindi nila alam kung paano linangin at gamitin ang maaayos na tao na may mahusay na kakayahan na naghahangad ng katotohanan. Paano naman ang mga anticristo? Kapag nangingibabaw ang isang anticristo, ginagawa nila ang mga bagay para lamang sa kapakanan ng kanilang katanyagan, pakinabang, at katayuan, hindi sila talaga gumagawa ng tunay na gawain, at tuwiran nilang ginagambala at ginugulo ang gawain ng iglesia—partikular na nangwawasak ang mga anticristo at hindi talaga naiiba kay Satanas. Kapag nakikita ng isang anticristo ang ilang tao na minamahal at hinahangad ang katotohanan, naaasiwa ito. Saan nanggagaling ang pagkaasiwang ito? Nanggagaling ito sa kanilang buktot na disposisyon, ibig sabihin, sa loob ng kanilang kalikasan ay may buktot na disposisyon na namumuhi sa katarungan, namumuhi sa mga positibong bagay, sa katotohanan, at sinasalungat ang Diyos. Kaya, kapag nakikita nila ang isang taong naghahangad ng katotohanan, sinasabi nila, “Hindi ka masyadong edukado at hindi ka dapat masyadong hangaan, pero hinahangad mo pa rin talaga ang katotohanan.” Ano ang ipinapakita nitong saloobin? Ito ay paghamak. Halimbawa, ang ilang kapatid ay may ilang kaloob o espesyal na kasanayan at gusto nilang gampanan ang may kaugnayang tungkulin. Sa katunayan, ito ay angkop pagdating sa iba’t iba nilang kondisyon, pero paano tinatrato ng mga anticristo ang gayong mga kapatid? Sa puso nila, iniisip nila, “Kung gusto mong gampanan ang tungkuling ito kailangan mo munang maging malapit sa akin at maging bahagi ng gang ko, at saka lamang kita papayagang gampanan ang tungkuling ito. Kung hindi, mangarap ka na lang!” Hindi ba’t ganito kumikilos ang mga anticristo? Bakit masyadong nasusuklam ang mga anticristo sa mga sinserong nananampalataya sa Diyos, na may kaunting pandama sa katarungan at may kaunting pagkatao, at mga nagsisikap para hangarin ang katotohanan? Bakit palagi silang salungat sa gayong mga tao? Kapag nakakakita sila ng mga taong naghahangad sa katotohanan at kumikilos nang maayos, ng mga taong kailanman ay hindi negatibo at mayroong mabuting mga layunin, naaasiwa sila. Kapag nakakakita ang mga anticristo ng mga taong kumikilos nang walang pagkiling, ng mga taong kayang gampanan ang kanilang tungkulin ayon sa mga prinsipyo, na kayang isagawa ang katotohanan kapag naunawaan na nila ito, talagang nagagalit sila, pinipiga nila ang mga utak nila na sinusubukang makaisip ng paraan para pahirapan ang mga taong iyon, at sinusubukan nilang gawing mahirap ang mga bagay para sa mga tao. Kapag may nakakakilatis sa kalikasang diwa ng isang anticristo, nakikilatis ang pagiging traydor at kabuktutan ng anticristo at hinihiling na ilantad at iulat sila, ano ang gagawin ng anticristo? Mag-iisip ang anticristo ng bawat paraan na kaya nito para alisin ang hadlang na ito at ang tinik na ito at susulsulan ang mga kapatid na tanggihan ang taong ito. Ang isang ordinaryong kapatid ay walang prestihiyo at katayuan sa iglesia; may kaunti lamang silang pagkakilatis sa anticristong ito at hindi naman banta sa anticristong ito. Kung gayon bakit palaging ayaw ng mga anticristo sa kanya at tinatrato ang taong ito na para bang nakakabahala at tinik sa anticristo? Ano ba ang taong ito sa daan ng anticristo? Bakit hindi matanggap ng anticristo ang gayong mga tao? Ito ay dahil sa loob ng anticristo ay may isang buktot na disposisyon. Hindi matanggap ng mga anticristo ang mga taong naghahangad sa katotohanan o sumusunod sa tamang landas. Sinasalungat nila ang sinumang gustong sumunod sa tamang landas at sinasadya ng mga anticristo na pahirapan ka, at pipigain nila ang kanilang utak na sinusubukang mag-isip ng paraan para tanggalin ka, o kung hindi ay susupilin ka nila para maging negatibo at mahina ka, o kaya ay hahanapan ka nila ng butas at ipagkakalat ito para tanggihan ka ng iba, at magiging masaya sila. Kung hindi ka makikinig sa kanila o susunod sa sinasabi nila, at ipinagpatuloy mo ang paghahangad sa katotohanan, pagsunod sa tamang landas, at maging isang mabuting tao, naliligalig sila sa puso nila, at nadidismaya at naaasiwa silang nakikita kang ginagampanan mo ang tungkulin mo. Tungkol saan ito? Ginalit mo ba sila? Hindi, hindi mo sila ginalit. Bakit ka nila tinatrato nang ganoon kahit wala ka namang ginawang anuman sa kanila o pininsala sa anumang paraan ang mga interes nila? Ipinapakita lamang nito na ang kalikasan ng mga ganitong klase—ang mga anticristo—ay buktot, at na sila ay likas na salungat sa katarungan, mga positibong bagay, at katotohanan. Kung tatanungin mo sila kung ano mismo ang nangyayari, ni hindi rin nila alam; basta sadya ka lang nilang pinahihirapan. Kung sasabihin mong gawin ang mga bagay sa isang paraan, kailangan nilang gawin ito sa ibang paraan; kung sasabihin mong si ganito at ganoon ay wala namang ibubuga, sasabihin nilang ang taong ito ay magaling; kung sasabihin mong ito ang pinakamagandang paraan para ipalaganap ang ebanghelyo, sasabihin nilang masama ito; kung sasabihin mong ang isang sister na nanamapalataya pa lang sa Diyos ng isa o dalawang tao ay naging negatibo at mahina at dapat na suportahan, sasabihin nilang, “Hindi na kailangan, mas malakas pa nga siya sa iyo.” Sa madaling salita, palagi silang salungat sa iyo at sinasadyang kumilos nang salungat sa iyo. Ano ang prinsipyo nila sa pagiging salungat sa iyo? Ito ay iyong anumang sabihin mong tama, ay sasabihin nilang mali, at anumang sasabihin mong mali, sasabihin nilang tama. May anuman bang mga katotohanang prinsipyo sa mga kilos nila? Walang kahit na ano. Gusto ka lang nilang mapahiya, ipahiya, pabagsakin, talunin para mawalan ka ng kumpiyansa, para hindi mo na hangarin pa ang katotohanan, para maging mahina ka, at huwag ka nang manampalataya, kung gayon ay nakamit nila ang mithiin nila, at nagagalak sila sa puso nila. Anong nangyayari dito? Ito ang buktot na diwa ng klase ng mga tao na mga anticristo. Kapag nakikita nila ang mga kapatid na nagpupuri sa Diyos at nagpapatotoo sa Diyos at hindi sila pinapansin, masaya ba ang mga ito? Hindi, hindi sila masaya. Anong nararamdaman nila? Nagseselos sila. Sa pangkaraniwan, kapag naririnig ng mga tao na pinupuri ng isang tao ang ibang tao, ang normal nilang reaksyon ay, “Magaling din ako; bakit hindi ninyo rin ako purihin?” Mayroon sila nitong maliit na ideya, pero kapag narinig nila ang isang tao na nagpapatotoo tungkol sa Diyos, iniisip nila, “May gayon silang karanasan at nagpapatotoo ng gayon, at sinasang-ayunan sila ng lahat. May ganito silang pagkaunawa; bakit wala akong ganitong pagkaunawa?” Kinaiinggitan at hinahangaan nila ang taong ito. Ang mga anticristo ay mayroon isang partikular na katangian: Kapag narinig nila ang isang tao na nagpapatotoo tungkol sa Diyos, na nagsasabing, “Ito ay gawain ng Diyos, ito ay disiplina ng Diyos, ito ay mga gawa ng Diyos, mga pagsasaayos ng Diyos, at handa akong magpasakop,” nalulungkot ang mga anticristo at iniisip na, “Sinasabi mong lahat ay gawain ng Diyos. Nakita mo ba kung paano pinamumunuan ng Diyos ang anumang bagay? Nadama mo ba kung paano isinasaayos ng Diyos ang anumang bagay? Paanong wala akong alam dito?” Ang isang aspekto ay dahil katulad lang sila ni Satanas sa paraan ng pagtrato nito sa pag-aproba ng Diyos kay Job. May kaparehong mentalidad ang mga anticristo kay Satanas kapag natatamo ng Diyos ang isang tao—may disposisyon sila ni Satanas. Ang isa pang aspekto ay iyong, kung may isang taong nauunawaan ang katotohanan at may pagkilatis sa mga anticristo, at hindi sila sumusunod sa mga anticristo kundi tinatanggihan ang mga ito, kung gayon ang mga anticristo ay may hibang na mentalidad, at iniisip na, “Hindi ko talaga matamo ang taong ito, kaya lilipulin ko siya!” Kaya, noong naharap si Job sa mga pagsubok, sinabi ng Diyos kay Satanas, “Siya’y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kanyang buhay.” Kung hindi ito sinabi ng Diyos, maaawa ba si Satanas? (Hindi.) Sigurado ito; siguradong hindi ito maaawa.
Ano ang saloobin ng mga anticristo sa mga kapatid na naghahangad at nagmamahal sa katotohanan, ano ang saloobin nila sa mga taong may kaunting pananampalataya at ginagampanan ang kanilang tungkulin nang may pagkamatapat? At ano ang saloobin nila sa ilang tao na nagsasalita tungkol sa mga karanasan sa buhay para magpatotoo tungkol sa Diyos at na madalas na ibinabahagi ang katotohanan sa mga kapatid? (Nagseselos at nagagalit sila.) Saan nakadepende ang saloobin nila? Nakadepende ito sa kanilang buktot na disposisyon. Kaya, kapag madalas mo silang nakikitang inaapi ang isang tao, nagagalit sa isang tao, at pinahihirapan ang ilang tao nang walang dahilan, malalaman mong walang makakapagbago sa buktot na disposisyon ng isang anticristo, at na ito ay malalim na nakaugat at ito ay likas. Mula sa puntong ito, makikita na ang mga taong ito na mga anticristo ay hindi posisbleng kamtin ang kaligtasan. Hindi nila pinapayagan ang mga kapatid na magpatotoo tungkol sa Diyos, kung gayon ay kaya ba nilang sila mismo ang magpatotoo tungkol sa Diyos? (Hindi.) Namumuhi sila kapag nagpapatotoo tungkol sa Diyos ang ibang mga tao na nagngangalit pa ang ngipin nila, kaya sabihin ninyo sa Akin, kaya ba nilang magpatotoo para sa Diyos? Ganap silang walang kakayahang magpapatotoo tungkol sa Diyos. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi tama iyon, ang ilang anticristo ay napakagaling magpatotoo tungkol sa Diyos, at tumatangis ang mga kapatid kapag naririnig ito.” Anong klaseng patotoo ito? Kailangan ninyong makinig sa ganitong uri ng “patotoo” para matukoy kung ito ba ay isang tunay na patotoo o hindi. Sabihin nating may isang taong may magandang trabaho at maayos na pamilya at, dahil naantig siya ng Diyos, binitiwan niya ang kanyang magandang trabaho, at ang pamilya niya at itinuon niya ang kanyang katawan at isip sa paggugugol para sa Diyos; kahit na nalulungkot siya sa kanyang puso, isinuko pa rin niya itong lahat. Sinasabi ng mga kapatid sa kanya, “Hindi ka ba nakakaramdam ng kahit kaunting panghihina?” Sumagot siya, “Oo, kaunti, pero para magawa kong bitiwan ang pamilya at trabaho ko, hindi ba’t gawain iyong lahat ng Diyos? Kumikita ako dati ng dalawa o tatlong libo kada araw, at libu-libo kada buwan, at marami akong pag-aari. Nang manampalataya ako sa Diyos, para magawa ko ang tungkulin ko, ipinagkatiwala ko ang mga pag-aari ko sa isang tao para tingnan ito.” Tinanong ng iba, “Hindi mo na ba napapangasiwaan ang mga pag-aari mo pagkatapos mo itong ipagkatiwala sa iba? Hindi mo na ba sila pag-aari ngayon? Paano mo nabitawan ang mga pag-aari mo?” Sumagot siya, “Ang Diyos ang gumagawa.” Hindi ba’t masyado itong malabo? (Oo.) Mga hungkag na salita lamang ito. Bukod dito, hindi ba ang pagsasabi niya kung gaano kataas ang kita niya ay pagmamayabang lang niya? Bakit nila sinasabi ito? Nagpapatotoo sila sa kung gaano ang binitawan nila. Nagpapatotoo ba sila tungkol sa Diyos? Nagpapatotoo sila tungkol sa kanilang katiting na “maluwalhating” kasaysayan, sa halagang ibinayad nila at sa iginugol nila dati, tungkol sa kung gaano ang inialay nila, at tungkol sa kanila na hindi nagrereklamo sa Diyos. Mayroon bang bahagi rito na nagpapatotoo tungkol sa Diyos? Hindi pa ninyo nakita ang ginawa ng Diyos sa lahat ng ito, hindi ba? Hindi totoong nagpapatotoo sila tungkol sa Diyos; malinaw na nagpapatotoo sila tungkol sa sarili nila, pero sinasabi nilang nagpapatotoo sila tungkol sa Diyos! Hindi ba’t panlilinlang ito? Nagpapanggap silang nagpapatotoo tungkol sa Diyos para magpatotoo tungkol sa sarili nila—hindi ba’t pagpapaimbabaw ito? Kung gayon bakit sobrang naaantig at patuloy na umiiyak ang ilang tao kapag naririnig nila ito? Maraming klase ng mga hangal sa paligid! Kapag may nagsasabi tungkol sa pagpapatotoo tungkol sa Diyos, kailangan ng mga anticristong magsalita tungkol sa ilang maliit na bagay na nagawa nila, sa maliliit na bagay na inihandog nila, at sa kaunting panahong ginamit nila sa paggugugol ng sarili nila, at sa pagdaan ng panahon, tumitigil nang magbigay pansin ang mga tao, kaya gumagawa sila ng mga bagong bagay para sabihin, at sa ganitong paraan ay nagpapatotoo sila tungkol sa kanila mismo. Kung may mas magaling sa kanila at kayang magbahagi nang mas magaling kaysa kanila, na nagdadala ng kaunting liwanag ng katotohanan, naaasiwa sila. Naaasiwa ba sila dahil ang mga pagsisikap nila sa katotohanan ay mababa kaysa iba at sabik silang maging mahusay? Hindi, hindi nila hahayaan ang sinuman na maging mas magaling kaysa kanila, hindi nila matiis na mas magaling ang iba kaysa kanila, at masaya lang sila kapag sila ang mas magaling kaysa iba. Hindi ba’t buktot ito? Kung may ibang mas magaling sa iyo at mas nauunawaan ang katotohanan kaysa sa iyo, kung gayon ay matuto ka mula sa kanya—hindi ba’t mabuti ito? Ito ay isang bagay na dapat ikagalak ng lahat. Halimbawa, nariyan si Job, ang taong iyon ay isa sa mga tagasunod ng Diyos sa kasaysayan ng tao. Ito ba ay isang maluwalhating bagay na nangyari sa anim na libong taong gawaing pamamahala ng Diyos, o isa itong kahihiyan? (Ito ay isang maluwalhating bagay.) Ito ay isang maluwalhating bagay. Anong saloobin ang dapat mayroon kayo pagdating sa bagay na ito? Anong perspektiba ang dapat mayroon kayo? Dapat maging masaya kayo para sa Diyos at ipagdiwang Siya, purihin ninyo ang kapangyarihan ng Diyos, magpuri kayo na nagkamit ng kaluwalhatian ang Diyos—isa itong mabuting bagay. Isa itong gayong mabuting bagay, pero may ilang taong nasusuklam dito at namumuhi dito. Hindi ba’t ito ay pagiging buktot nila? Sa diretsahang pagsasalita, ito ay pagiging buktot nila, at ito ay dala ng kanilang buktot na disposisyon.
Ang disposisyon ng mga anticristo ay buktot; bukod sa hindi nila tinatanggap ang katotohanan, kaya rin nilang labanan ang Diyos, magtatag ng kanilang mga kaharian, at hindi matitinag ang pagsalungat nila sa Diyos—ito ay isang buktot na disposisyon. Nauunawaan ninyo ba ang mga buktot na disposisyon? Marahil karamihan sa mga tao ay hindi alam kung paano kilatisin ang mga ito, kaya magbigay tayo ng halimbawa. Kapag ang ilang tao ay walang magawa, napakanormal nilang kumikilos, napakanormal nilang nakikipag-usap sa iba at nakikipag-ugnayan sa iba, mukha silang mga normal na tao at wala silang ginagawang anumang masama. Gayunpaman, kapag dumadalo sila sa mga pagtitipon at nagbabasa ng mga salita ng Diyos at pinagbabahaginan ang katotohanan, ang ilan sa kanila ay hindi handang makinig, ang ilan ay inaantok, ang ilan ay tutol dito at hindi ito matiis, ayaw nilang marinig ito, at ang ilan ay hindi namamalayang nakakatulog sila at nagiging ganap na walang alam—anong nangyayari dito? Bakit napakaraming napapamalas na abnormal na pangyayari kapag may isang taong nagsisimulang ibahagi ang katotohanan? Ang ilan sa mga taong ito ay nasa isang abnormal na kalagayan, pero ang ilan ay buktot. Hindi maisasantabi ang posibilidad na sila ay sinapian ng masasamang espiritu, at minsan hindi ito ganap na maarok ng mga tao o malinaw na makilatis. May masasamang espiritu sa loob ng mga anticristo. Kung tatanungin mo sila kung bakit kumakalaban sila sa katotohanan, sasabihin nilang hindi sila kumakalaban sa katotohanan at matigas nilang tinatanggihang aminin ito, pero sa katunayan ay alam nila sa puso nila na hindi nila mahal ang katotohanan. Kapag walang nagbabasa sa mga salita ng Diyos, kasundo nila ang iba na para silang mga normal na tao at hindi mo alam kung ano ang nasa loob nila. Gayunpaman, kapag may nagbabasa ng mga salita ng Diyos, ayaw nilang makinig at lumilitaw ang pagkasuklam sa puso nila. Ito ang kalikasan nila na nalalantad—sila ay masasamang espiritu; sila ay ganitong uri. Inilantad ba ng mga salita ng Diyos ang diwa ng mga taong ito o natumbok ang maselang isyu? Hindi. Kapag dumadalo sila sa mga pagtitipon, ayaw nilang makinig sa sinumang nagbabasa ng mga salita ng Diyos—hindi ba ito pagiging buktot nila? Ano ang ibig sabihin ng “pagiging buktot”? Ang ibig sabihin nito ay pagiging kumakalaban sa katotohanan, sa mga positibong bagay, at sa mga positibong tao nang walang dahilan; kahit sila mismo ay hindi alam kung ano ang dahilan, kailangan lang nilang kumilos nang ganoon. Ito ang ibig sabihin ng pagiging buktot at, sa simpleng paliwanag, ito ay pagiging masama lang. Sinasabi ng ilang anticristo, “Kailangan lamang simulan ng isang tao na basahin ang mga salita ng Diyos at ayaw ko nang makinig. Kailangan ko lang marinig ang isang tao na nagpapatotoo tungkol sa Diyos at nasusuklam na ako, at hindi ko nga rin alam kung bakit. Kapag nakikita ko ang isang tao na minamahal ang katotohanan at hinahangad ang katotohanan, hindi ko siya makasundo, gusto kong salungatin siya, gusto ko palaging sumpain siya, ang saktan siya nang patalikod at pahirapan siya hanggang mamatay.” Kahit sila ay hindi alam kung bakit ganito ang pakiramdam nila—ito ay pagiging buktot nila. Ano ang aktwal na dahilan nito? Ang mga anticristo ay talagang walang espiritu ng isang normal na tao sa loob nila, talagang wala silang normal na pagkatao—ganito lang talaga ito sa huling pagsusuri. Kung napakalinaw at napakaliwanag na naririnig ng isang normal na tao ang pagsasalita ng Diyos sa iba’t ibang aspekto ng katotohanan, iniisip ng mga ito, “Sa ganitong isang buktot at walang pakialam sa moralidad na kapanahunan, kung saan hindi matukoy ang tama at mali at nalilito sa mabuti at masama, napakahalaga at bihira na makapakinig ng napakaraming katotohanan at gayong napakahusay na mga salita!” Bakit ito mahalaga? Ginigising ng mga salita ng Diyos ang mga pagnanais at inspirasyon ng mga parehong may puso at espiritu. Anong inspirasyon? Inaasam nila ang katarungan at mga positibong bagay, nananabik sila na mamuhay sa harap ng Diyos, para magkaroon ng pagiging patas at katuwiran sa mundo, at para sa Diyos na pumarito at magkaroon ng kapangyarihan sa mundo—ito ang panawagan ng lahat ng nagmamahal sa katotohanan. Gayunpaman, inaasam ba ng mga anticristo ang mga ito? (Hindi.) Ano ang inaasam ng mga anticristo? “Kung ako ang nasa kapangyarihan, lilipulin ko ang lahat ng ayaw ko! Kapag may nagpapatotoo na si Cristo ay Diyos na nagpapakita at gumagawa, nagpapatotoo sa pagiging ang May Kataas-taasang Kapangyarihan ng Diyos sa sangkatauhan, at nagpapatotoo tungkol sa mga salita ng Diyos bilang ang katotohanan, bilang ang pinakamataas na layunin ng buhay ng sangkatauhan, at bilang ang pundasyon para sa makaligtas ang tao, nasusuklam, namumuhi, at ayaw ko itong marinig!” Ito ay isang bagay na nasa kaibuturan ng mga anticristo. Hindi ba’t may ganitong disposisyon ang mga anticristo? Basta’t may isang sumasamba sa kanila, hinahangaan sila, at sumusunod sa kanila, kung gayon ay magkaibigan sila, nasa isang koponan sila; kung may isang taong palaging ibinabahagi ang katotohanan at nagpapatotoo tungkol sa Diyos, kung gayon ay iniiwasan ito ng mga anticristo at nasusuklam dito, at inaatake, isinasantabi, at pinahihirapan pa nga ito—ito ay kabuktutan. Kapag pinag-usapan natin ang tungkol sa kabuktutan, ito ay palaging tumutukoy sa mga tusong pakana ni Satanas; ang mga ginagawa ni Satanas ay buktot, ang mga ginagawa ng malaking pulang dragon ay buktot, ang mga ginagawa ng mga anticristo ay buktot, at kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa pagiging buktot nila, ito ay pangunahing tumutukoy sa kanila na kumakalaban sa lahat ng positibong bagay at lalung-lalo sa pagsalungat sa katotohanan at sa Diyos—ito ay kabuktutan, at ito ay ang disposisyon ng mga anticristo.
Isipin inyo kung aling anticristo ang nakaharap na ninyo at natutuhan na ninyo na nagpapakita ng gayong buktot na disposisyon. Minsan ay may nakaharap akong isang mataray na babae na ang pagkatao ay masyadong malisyoso. Tuwing ipinapangaral ng sambahayan ng Diyos ang tungkol sa matitinding sakuna na malapit nang mangyari, na wala nang masyadong oras, kung paano dapat maghanda ang mga kapatid ng mabubuting gawa, kung paanong dapat silang magsikap na hangarin ang katotohanan, kung paano nila dapat gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin para matugunan ang mga layunin ng Diyos, at kung paanong hindi nila pagsisisihan ang mga sarili nila, sa tuwing ipinapangaral ng sambahayan ng Diyos ang mga ito, ang babaeng ito ay susumpa sa kanyang puso at iniisip na, “Ang pagkagunaw ng mundo? Napakasarap ng buhay. Maaaring magugunaw na ang mundo sa para iyo, pero hindi pa ito ang wakas ng mundo para sa akin! Kahit na mangyari na ang matitinding sakuna, dapat pa rin akong mabuhay. Kung lahat ay mamamatay, mamatay na kayo!” Hindi ba’t walang katwiran ang babaeng ito o ano? Sa tuwing nagbabagi ang sinuman sa aspektong ito ng katotohanan, ang babaeng ito ay nagiging walang katwiran at lumilitaw ang pagkasuklam sa puso niya, at iisipin niya, “Ayos pa rin naman ang buhay ko! Marami akong pera, may mga sasakyan ako, bahay, malaki ang sahod ko, sikat ako sa lugar namin, at walang maglalakas-loob na salungatin ako. Napakaayos ng lagay ng pamumuhay ko, kung dumating ang matitinding sakuna, magdurusa ba ako ng kawalan? Hindi pa ako handang mamatay!” Ano ang perspektiba niya sa gawain ng Diyos at sa kagustuhan ng Diyos na wasakin ang buktot na mundong ito at ang buktot na sangkatauhan? (Kinakalaban niya ang mga ito.) Anumang ginawa ng Diyos, kung sangkot dito ang mga interes niya, kung pininsala nito ang mga interes niya, kung gayon ay kamumuhian niya ito at kakalabanin ito, at hindi siya sasang-ayon dito, na iniisip na, “Mali ang ginagawa Mo!” at agad niyang itinatatwa ang mga gawa ng Diyos. Bukod dito, ang pinakabuktot sa kanya ay iyong ayaw niyang nangingibabaw ang pagiging patas at ang katuwiran; sinumang may kapangyarihan, kahit na ang Diyos ang may kapangyarihan at may pagkakapantay-pantay at katuwiran, kung napinsala nito ang mga interes niya, hindi iyon uubra—mas importante sa kanya ang mga interes niya kaysa sa Diyos. Hindi ba’t ang mga kilos niya ay sa isang makademonyong kalikasan? At kapag umiiral ang isang makademonyong kalikasan, hindi ba’t katulad na kalikasan iyon kapag sinasapian ng isang masamang espiritu ang isang tao at sinasabi nilang ayaw nilang marinig ang mga salita ng Diyos? (Oo.) Sa tuwing binabasa ng isang tao ang mga salita ng Diyos, sasabihin ng masamang espiritung iyon na ayaw nitong marinig ito. Sa tuwing may isang kapatid na nagbabahagi tungkol sa nalalapit na pagdating ng araw ng Diyos o sa nalalapit na pagdating ng matitinding sakuna, kamumuhian ito ang katarayan ng babaeng ito at susumpain ito sa kanyang puso. Bakit niya ito isinumpa? Kung pumarito ang Diyos para wasakin ang mundo, kung gayon ay mawawala niya ang lahat ng pag-aari niya—tuwing mapag-uusapan ang mga interes niya, susumpain niya ito. Kaya, ang pagsumpa niya ay kaparehong kalikasan ng sa isang masamang espiritu na nagsasabing ayaw nitong marinig ang mga salita ng Diyos. Pareho ang katangian nila, iyon ay tuwing may nagbabanggit sa katotohanan, inilalantad ang kaibuturan ng kanilang mga kaluluwa, inilalantad ang kanilang kapangitan, ang kanilang kabuktutan, at ang kanilang pagiging traydor, ang pagkamuhi, pagsalungat, at paglaban ay lumilitaw sa puso nila, at pagkatapos sila ay nagmumura at sumusumpa—ganito ang isang masamang espiritu. Mula sa labas, ang katarayan ng babaeng ito ay nagsalita at kumilos nang katulad lang ng isang normal na tao, at hindi na parang sinapian siya ng isang demonyo, pero ang kalikasakan ng kanyang mga kilos ay katulad ng sa demonyo. Kung may pagkakataon kayo, pwede ninyong tanungin ang mayayaman sa iglesia, “Kapag dumating na ang araw ng Diyos at dumating na ang matitinding sakuna, at nawala na ang pag-aari ng pamilya mo, madidismaya ka ba? Nananabik ka ba sa pagdating ng araw ng Diyos? Nananabik ka ba sa pagiging nasa kapangyarihan ang Diyos, at nangingibabaw ang pagiging patas at katuwiran? Nananabik ka ba sa paglipol ng Diyos sa buktot na sangkatauhang ito, na kahit ikaw ay lilipulin din? Handa ka bang mangyari ito?” Tingnan ninyo kung ano ang pananaw nila. Ang ilan ay handang mangyari ito, at ang ilan ay hindi. Kung kukunin ang buong mundo, ang buong sansinukob, ang lahat ng materyal na bagay na pinamamahalaan ng Diyos—hindi natin pinag-uusapan ang mga di-materyal na bagay, ang mga bagay lamang sa loob ng materyal na saklaw: ang pag-aari ng pamilya, ang mga sasakyan, ang mga bahay, ang pera, at iba pa—kung titipunin ang lahat ng ito, magiging katumbas ba ito ng isang butil ng buhangin sa kamay ng Diyos? (Hindi.) Gayunpaman, kapag nakukuha ng mga tao ang mga bagay na ito, ayaw nilang bitiwan ang mga ito at sa tingin nila ay may kapital sila para makipagtagisan sa Diyos, na nagsasabing, “Kung kukunin Mo ang pag-aari ng pamilya ko kamumuhian Kita, sasalungatin Kita, at hindi ko kikilalaning Ikaw ang Diyos!” Nakadepende ba sa pagkilala mo kung ang Diyos ay Diyos o hindi? (Hindi.) May kapital ka ba para makipagtagisan sa Diyos gamit ang katiting na pag-aari ng pamilya mo? Napakamangmang mo! Ang mga diyamante ang pinakamahalagang bagay sa Mundo. Kapag nakita ng mga ordinaryong tao ang isang may isang karat na diyamante, nanggigilalas sila at nagsasabing, “Ang laking diyamante! Siguradong 10 o 20 libong dolyar ang halaga nito!” Iniisip nila na napakahalaga ng mga diyamante. Pero noong narinig ko ang isang balita na may isang planetang hindi malayo sa Mundo ang gawa sa diyamante, may bigla Akong napagtanto: Napakakitid ng pananaw ng mga tao. Kapag nakita mong kumikinang ang isang diyamante, gustong-gusto mo ito at iniisip mong ito ay isang malaking bagay, pero kapag narinig mong may isang planetang gawa sa diyamante, ano ang perspektiba mo rito? Nagbabago ang perspektiba mo sa diyamante. Ibig sabihin, kapag narinig mo ang ibang impormasyon, biglang lumalawak ang pananaw mo, hindi mo na lamang nakikita ang maliit na espasyo sa harap mo, hindi ka na isang palakang nasa loob ng balon, dahil nadagdagan na ang dami ng impormasyong mayroon ka, at nagbago at lumaki na pagkakita mo. Sa pamumuhay sa mundong ito, habang patuloy na nakakaharap ng mga tao ang bawat bagay na nangyayari sa kanila at ang iba’t ibang kapaligiran, patuloy na nagbabago ang pananaw nila, habang patuloy ring nagbabago ang kanilang mga perspektiba. Normal ito, at ito ay ang proseso kung saan sinasanhi ng Diyos ang mga tao na unti-unting sumulong sa buhay na ito, at magkaroon ng patuloy na pag-usad sa pananaw, sa perspektiba, sa pagkaunawa sa buong mundo at sa mga gawa ng Diyos. Kaya, ngayon na narinig ninyo ang pagsasalita Ko sa bagay na ito, paano ninyo ito dapat tratuhin? Dapat ninyo bang isipin na, “O, napakamangmang ng mga tao sa Mundo, wala silang pananaw, at napakakaunti ng alam nila!”? Iyon ay ang sabihing, ang iyong mga pananaw at pang-unawa sa buong sansinukob, sa buong sangkatauhan, sa lahat ng bagay na iniuutos ng Diyos, sa lahat ng utos ng Diyos, siguro ay katulad ng pagkaunawa mo sa isang maliit na diyamante na ang halaga ay maikukumpara sa isang planeta, tama? (Tama.) Anong kongklusyon ang magagawa natin dito? Sa planetang Mundo, gaano man kalaki ang mga nagawa ng isang tao, gaano man siya kasikat, gaano man kahusay ang pagganap niya, hindi siya dapat magyabang, dahil ang mga tao ay napakaliit at walang halaga! Naghanda ang Diyos ng ilang diyamante sa mundo at nakipaglaban ang mga tao para doon. Hindi ba alam ng mga tao kung ilang planeta ang nasa kamay ng Diyos na naglalaman ng mas mahalagang bagay kaysa diyamante? Hindi ba’t nakakaawa ang mga tao? (Oo.) Ganito kaawa-awa ang mga tao; napakamangmang ng mga tao.
Hindi mapigilan ng mga anticristo na lumaban sa Diyos; likas nilang kinamumuhian ang katotohanan at ang mga positibong bagay, at hindi nila kayang tantanan ang mga taong naghahangad sa katotohanan at nagmamahal sa mga positibong bagay lang, kundi kinokondena, sinisiil, at ibinubukod nila ang gayong mga tao. Pagdating sa mga nakikipagsabwatan sa kanila, sila ay likas na malapit sa kanila, na pinoprotektahan ang isa’t isa, nag-aalagaan at nagsisipsipan. Mula rito, makikita natin na ang mga taong ito na mga anticristo ay mga reinkarnadong masasamang espiritu at maruruming demonyo, at wala silang normal na pagkatao. Gaano man nila nauunawaan ang katotohanang naririnig nila, o gaano man kalinaw nilang ipinangangaral ang mga salita at doktina, kapag oras na para magsagawa, ang pinipili lang nila ay ang sumalungat at lumaban sa Diyos, at ang protektahan ang kanilang posisyon at mga interes—ito ang kabuktutan nila. Sa anong paraan sila pinakabuktot? Ito ay iyong kinamumuhian nila ang katotohanan; kinamumuhian nila ang katotohanan nang walang paliwanag at dahilan. Kung tatanungin mo sila kung bakit nila kinamumuhian ang katotohanan, siguro ay hindi nila magagawang ipaliwanag ito, pero ang bawat kilos nila ay nagpapakita ng disposisyon at mga paraan ng mga anticristo, at ang bawat kilos nila ay nagliligaw at nagbibilanggo sa mga tao, ginugulo at ginagambala ang gawain ng sambahayan ng Diyos—ito ang resulta ng bawat kilos nila. Ikumpara ninyo at tingnan ninyo ang mga lider at manggagawa sa bawat antas o ang mga ordinaryong kapatid sa paligid ninyo, na kilala at nakakaugnay ninyo para malaman ninyo kung may sinuman sa kanilang namumuhi sa mga kapatid na naghahangad sa katotohanan at palaging gustong saktan at alisin ang mga tao nang walang dahilan. Alam nila mismo na hindi ito tama pero hindi nila ito mapigilan, nagsasabi sila ng magagandang pakinggang salita sa harap ng mga kapatid pero iba ang ginagawa nila kapag nakatalikod na, ipinapakita nila ang malademonyong katauhan nila at nagsisimulang salungatin ang mga ito. Kung hindi ito kabuktutan, ano ito? Ano ang pinakakasuklam-suklam sa mga anticristo? Madalas silang nagsasabi ng mga tamang bagay para iligaw ang mga hinirang na tao ng Diyos at ang mga nakapalibot sa kanila at para dayain at lokohin din ang Itaas, at bukod pa roon, gusto nilang dayain ang Diyos at makuha ang tiwala ng mga tao gamit ang mabubulaklak na salita, at pagkatapos ay magpakasaya, kumilos nang pabaya, at gawin ang anumang gusto nilang gawin sa sambahayan ng Diyos. Alam nila kung paano magsalita ng tama, kung paano magsalita nang mali, at alam nila kung paano dapat kumilos, kung paano sila dapat huwag kumilos, kung ano ang mga prinsipyo, kung ano ang mga hindi prinsipyo, kung ano ang sumalungat sa mga prinsipyo at kung ano ang kumilos ayon sa mga prinsipyo. Sa puso nila ay malinaw sila sa mga bagay na ito, at ang ilan ay alam din ang mga ito nang napakalinaw at napakaliwanag, pero gaano man nila ito nauunawaan at malinaw na nalalaman ang mga prinsipyo, kapag ginagawa nila ang mga bagay ay hindi man lang nila isinasagawa ang katotohanan, at walang pag-aalinlangan nilang ginagawa ang masasamang bagay na ayon sa kanilang mga pansariling kahilingan. Ito ang nagpapasya sa kanilang kalikasan bilang sataniko at bilang sa isang anticristo. Hindi lamang sila tutol sa katotohanan at namumuhi sa katotohanan, kundi madalas nilang kinamumuhian at kinokondena ang mga positibong bagay. Bakit namumuhi ang malaking pulang dragon sa katotohanan at sa Diyos? Ito ay ganap na napagpasyahan ng satanikong kalikasan nito. Ang ilang kapatid ay inuusig at sobrang tinutugis kaya hindi na nakakauwi ang mga ito sa tahanan nila, at sinasabi ng mga diyablo at Satanas na iyon, “Hindi na normal na nabubuhay ang mga taong ito; inabandona na nila ang mga pamilya nila.” Sa katunayan, hindi sila makauwi dahil inuusig sila ng malaking pulang dragon. Maraming beses nangyayari ang bagay na ito. Ano pang ibang narinig ninyo? (Sinasabi ng malaking pulang dragon na kung sobrang babasahin ng mga tao ang mga salita ng Diyos sila ay makokondisyon ang mga utak nila.) Sinasabi ng malaking pulang dragon, “Nakondisyon na ng mga salita ng Diyos ang mga utak ng mga tao; sila ay ginawang Diyos.” Ito ay pagbabaligtad sa katotohanan. Malinaw na ang malaking pulang dragon ang siyang gumagawang tiwali at nagkokondisyon sa mga utak ng mga tao, pero ito ay binabaligtad nito at sinasabing kinokondisyon ng mga salita ng Diyos ang mga utak ng mga tao—napakabuktot ng mga demonyong ito! Inaangkin ng malaking pulang dragon ang lahat ng mabubuting gawang ginawa ng iba at sinisisi ang iba para sa masasamang gawang ginawa nito. Ganoon din ang ginagawa ng mga anticristo; ang mga pamamaraan nila ay eksaktong kapareho ng mga pamamaraan ng malaking pulang dragon at ni Satanas. Talagang mga kampon sila ni Satanas!
Natapos na ba nating pagbahaginan ang pagiging masama, traydor, at mapanlinlang na pagpapamalas ng mga anticristo? Ang naibahagi Ko ba ngayon ay hindi naiiba at mas totoo pa kaysa sa literal ninyong nauunawaan? Marami nang nagawang mga video ang sambahayan ng Diyos sa mga nagdaang taon, at kabilang na ang ilang himno at pelikula at iba pa, lahat ng ito ay na-iupload na sa online. Nakita ito sa online ng isang anticristo sa mainland Tsina at nagsabing, “Ginawa ninyo ang programang ito sa ibang bansa at kaya rin namin gawin ito sa Tsina.” Kaya nagsagawa siya ng kampanya sa pagre-recruit, nakakita siya ng isang grupo ng mga tao, at nagsimula ng isang koro sa bansa ng malaking pulang dragon. Sa huli, inaresto ang mga taong ito. Bakit kailangang gawin ito ng anticristo? May layon ba siya? (Oo.) Ano ang layon niya? (Ang kontrolin ang mga tao.) Hindi ito kasing simple ng kagustuhan niyang kontrolin ang mga tao. Gusto niyang bumuo ng sarili niyang paksyon. Ang ideya niya ay, “Kayang magkaroon ng sambahayan ng Diyos ng koro, kung gayon ay kaya ko rin! Kung magtatagumpay ako, magkakaroon ako ng sarili kong paksyon. Sa isang kumpas lang ng kamay ko, maraming tao ang darating!” Sa ganitong paraan, kaya niyang agawin ang iglesia ng Diyos. Hindi ba’t ito ang layong gusto niyang makamit? Pero ang resulta ay iyong pinigilan ito ng malaking pulang dragon at nabigo ang kanyang mga ilusyon. Ginagampanan ng sambahayan ng Diyos ang gawain sa ilalim ng kondisyon ng tiyak na seguridad. May ganito bang kondisyon para sa kanya sa bansang pinamumunuan ng malaking pulang dragon? Walang ganitong kondisyon para sa kanya, pero gusto pa rin niyang magpakitang gilas. Hindi siya maayos na nakapagpakitang gilas, at sa huli ay hindi naging maganda ang mga bagay para sa kanya. Ilang taon na ang nakakalipas, isa pang grupo ng mga tao ang gumawa ng programa at inilagay ito sa online. Umawit sila ng mga lumang kanta na may kasamang sayaw at nagsuot ng mga bulaklaking damit na estilong etnikong minorya. Masyado itong karaniwan at lipas na. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t nagdulot lang ng gulo ang mga anticristong ito? (Oo.) Hindi alam ng mga walang pananampalataya at mga taong nasa relihiyon ang aktwal na sitwasyon at naniwala silang ginawa talaga ito ng iglesia. Palaging gumagawa ng mga kahangalan ang mga anticristo; hindi lamang buktot ang mga ito, kundi mga hangal din. Bakit hangal ang mga ito? Dahil ba napakabuktot nila na sila ay naging mga estupidong may kabuktutan? Hindi. Anuman ang kakayahan ng isang tao, kung nauunawaan niya ang ilang katotohanan, kahit na wala siyang paraan na makapagpatuloy kapag ginagawa niya ang bagay-bagay at hindi niya alam kung ano ang angkop o hindi angkop na gawin niya, may layon siya sa puso niya: Hindi sila kikilos nang pabaya o pikit-mata. Hindi ba’t ganito ang sitwasyon? (Oo, ganito nga.) Gayunpaman, ang mga taong hindi nauunawaan ang katotohanan at napakamapagmataas na wala nang katwiran ay kumikilos nang walang pakundangan. Ano ang ibig sabihin ng kumilos sila nang walang pakundangan? Ang mga taong gaya nito ay walang katwiran, at ang mga taong walang katwiran ay hindi makakapagsaalang-alang ng mga isyu. Ano ang ibig kong sabihin sa “makakapagsaalang-alang”? Ang ibig kong sabihin ay kung ano ang gagawin sa mga unang yugto, kung ano ang ihahanda, kung ano ang mga bagay na kailangan tuwing aaksyon, kung bakit kailangang gawin ang programang ito at, pagkatapos magawa ang programa, gaano karaming tao ba ang maaapektuhan, gaano karaming tao ba ang matuturuan, at kung may mga kahihinatnan o depekto ba ito—lahat ng ito ay kailangang timbangin. Ang proseso ng ebalwasyong ito ay tinatawag na “pagsasaalang-alang.” Kaya bang isaalang-alang ng mga hangal na taong ito ang bagay-bagay? (Hindi.) Ang mga taong hindi kayang isaalang-alang ang mga isyung ito ay walang pagkamakatwiran; may kaunti ba silang pagkaunawa sa katotohanan? Siguradong wala. Kung may isang taong totoong nauunawaan ang ilang katotohanan, ang kanilang katwiran ay magiging mas malinaw at mas maayos. Nagiging mas malinaw ang mga ito sa kung ano ang positibo, negatibo, kung ano ang tama, mali, at kung ano ang saklaw kung nasaan sa loob ang ganito at ganoong prinsipyo; ibig sabihin, anuman ang ginagawa nila, gumagawa man sila ng mabuti o masama, may pamantayan sila sa puso nila. Halimbawa, kung may magsabi sa iyong tumakbo kang nakahubad sa kalsada, gagawin mo ba iyon? (Hindi.) Gagawin mo ba iyon kung sasaktan ka ng isang tao? Gagawin mo ba iyon kung may magbibigay sa iyo ng sampung libong yuan? (Sobrang nakakahiyang gawin iyon. Hindi ko magagawa iyon.) Dahil alam mong nakakahiyang gawin ito, ito ay isang uri ng pag-iisip, isang uri ng paghatol, at isang uri ng saloobing nagmumula sa pagkamakatwiran, ibig sabihin, sa ganitong pagkamakatwiran lamang na magkakaroon ka ng gayong pag-iisip at gayong saloobin. Samakatuwid, gaano ka man akitin gamit ang pera o mabagsik na pahirapan at saktan, gaano ka man puwersahin, hindi mo pa rin ito gagawin, kung gayon ay hindi ka maaapektuhan, at maninindigan ka. Hindi nauunawaan ng mga anticristo ang katotohanan, kaya wala silang konsepto ng anumang ginagawa nila. Ano ang ibig sabihin ng “konsepto” rito? Ibig sabihin hindi nila alam kung ano ang gagawin para magpatotoo tungkol sa Diyos. Naniwala ang anticristong ito na may napakalaki siyang pusong nagmamahal, tinipon niya ang isang grupo ng mga tao para gumawa ng video ng koro at nauwi sa paggastos ng maraming pera at inilagay sa panganib ang sarili niya. Malala ang sitwasyon sa mainland Tsina kaysa sa ibang bansa, kaya paano kung may hindi magandang mangyari? Isinaalang-alang niya ba ito? Maaaring isinaalang-alang niya ang sitwasyon sa ilang antas, pero hindi niya alam kung anong mga programa ang gagawin o kung anong mga resulta ang aabutin—wala siyang naunawaan. Bakit hindi niya naunawaan? Wala siyang pagkamakatwirang ito. Paano nagkakaroon ng pagkamakatwiran? Sa pagkaunawa lamang ng katotohanan na unti-unting nagiging malinaw at maayos ang katwiran ng mga tao. Ang mga anticristo ay may kalikasang namumuhi sa katotohanan, likas nilang sinasalungat ang mga positibong bagay, at sa pinakakaibuturan ng puso nila hindi nila kailanman kayang mahalin ang katotohanan, kung gayon kaya ba nilang maunawaan ang katotohanan? (Hindi.) Kung hindi nila kayang maunawaan ang katotohanan, kaya ba nilang magkaroon ng pag-iisip ng normal na pagkatao? Hindi sila kailanman magkakaroon nito. Ang mga tao bang walang pag-iisip na normal na pagkatao ay may pagkamakatwiran? Wala, wala sila nito. Kapag may ginagawa at sinasabing anuman ang mga anticristo, ang mga perspektiba at lahat ng ginagawa nilang iyon ay walang pinagkaiba sa mga bagay na ginawa ng mga diyablo at masasamang espiritu. Bakit Ko sinasabing walang pagkakaiba? Halimbawa, may isang taong talagang gustong-gustong mangaral at magpakitang gilas, kaya palagi siyang naghahanap ng mga tao para pakinggan siya sa pangangaral ng mga sermon. Kahit na ayaw ng mga taong makinig sa kanya, nangangaral pa rin siya; kapag ang ibang tao ay nasusuklam sa kanya, hindi niya ito masabi, at hindi niya sinusubukang obserbahan sila, hindi niya nakikita kung ano ang pangangailangan ng iba, at pinalulugod lamang niya ang sarili niya. Hindi ba’t nakakahiya ito? Nakakahiya ito at wala siyang pagkamakatwiran. May kahit ano bang pagkakaiba sa pagitan ng kawalan ng pagkamakatwirang ito at sa hindi maayos at walang pakundangang pagsasalit aat kilos ng isang taong sinapian ni Satanas at masasamang espiritu? Bagama’t hindi siya mukhang may problema sa pag-iisip na hibang na nagtatatakbo sa kalsada nang nakahubad, makikita mong kumikilos siya nang walang pagkamakatwiran. Kapag sinabi sa kanyang diligan ang ilang kapatid, o ipalaganap ang ebanghelyo, o gampanan ang ilang tungkulin, siya ay ganap na walang mga prinsipyo at kumikilos lang nang walang ingat kung paano niya gusto. May ilang taong ipinalalaganap na ang ebanghelyo sa loob ng 20 taon nang walang natatamong kahit isang tao, pero gusto pa rin nilang maging mga lider. May mga gayon bang tao? Oo, mayroon. Wala silang mga prinsipyo, ginugulo nila ang lahat ng bagay na ginagawa nila, pero gusto nilang maging lider at pamunuan ang ibang tao—siguradong maraming tao ang gaya nito. Nanampalataya na sila sa Diyos sa loob ng maraming taon, marami na silang nabasa sa mga salita ng Diyos, at nakinig na sila sa maraming sermon, pero wala pa silang nauunawaang kahit anong katotohanan. Kaya, saan nauugnay ang kawalan nila ng pagkaunawa? Ano ang nagdulot sa kanilang hindi makaunawa? Dahil ba ito sa masyado silang kulang sa kakayahan at walang abilidad na makaarok, o na masama ang ugali nila at hindi nila mahal ang katotohanan? (Ito ay may kaugnayan sa diwa nila.) Bakit ito may kinalaman sa diwa nila? (Dahil buktot ang diwa nila, hindi nila matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi gumagawa ang Diyos sa mga gayong tao, kaya gaano man nila kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, hindi nila kailanman mauunawaan ang katotohanan.) Ito ay isang obhetibong kadahilanan. Ang obhetibong kadahilanan ay siyempre ay iyong hindi gumagawa ang Banal na Espiritu sa kanila kaya siguradong hindi nila mauunawaan ang anumang bagay—nangyayari ito sa lahat. Mayroon ding subhetibong kadahilanan, at ano iyon? (Ang gayong mga tao ay namumuhi sa katotohanan.) At paano itinuturing ng mga taong namumuhi sa katotohanan ang katotohanan? (Bilang kanilang pagsalungat.) Itinuturing nila ito bilang kanilang pagsalungat; iyon ay isang aspekto. Ano pa ang iba? Kaya ba nilang maarok ang praktikal na panig ng katotohanan? Hindi kailanman. Kung hindi nila maarok man lang ang antas na ito, sabihin ninyo sa Akin, magagawa ba nilang maunawaan ang katotohanan? Hindi kailanman, hindi nila mauunawaan ang katotohanan. Ang obhetibong kadahilanan ay iyong ang gayong mga tao ay walang kakayahang tanggapin ang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi sila binibigyang-liwanag ng Diyos. Ang subhetibong kadahilanan ay iyong kumakalaban sila sa Diyos, sa katotohanan, at sa mga positibong bagay, at walang positibong bagay na positibo pagdating sa kanila. Kung gayon anong mga bagay ang pinaniniwalaan nilang positibo sa puso nila? Iyon ay klase ng mga bagay na isinusulong ni Satanas—ang mga bagay na lahat ay buktot, hungkag, at malabo. Kaya, kaya bang maunawaan ng mga buktot na taong ito na namumuhi sa katotohanan ang katotohanan? Hindi nila ito kailanman mauunawaan dahil hindi nila ito tinatanggap. Ngayon, sabihin ninyo sa Akin, may dahilan pa bang ibahagi natin ang katotohanan sa gayong mga tao? Magiging handa ba silang makinig kapag binasa mo ang mga salita ng Diyos sa kanila? Lahat sila ay mga walang pananampalataya at demonyo, kaya paano sila makikinig sa mga salita ng Diyos? Hindi mapasok ng ilang tao ang usaping ito at nagsasabing, “Bakit hindi sila makaunawa kapag ibinabahagi ko ang katotohanan sa kanila? Hindi ba sila tao?” Naguguluhan ka sa kanila at hindi mo sila maunawaan. Hindi mo talagang kayang pakinggan ang mga salita ng ilang tao at ang mga ginagawa nila ay talagang kahangalan—ito ay mga walang pananampalataya, mga demonyo, at mga bingi sila sa lahat ng katwiran. Bakit ko sinasabi ang mga salitang ito, “bingi sa lahat ng katwiran”? Nananampalataya kang umiiral ang Diyos at na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay—hindi ba’t mga positibong bagay ito? (Positibo nga.) At ano ang pinaniniwalaan ng mga taong ito? “Ganito ba hinahawakan ng Diyos ang pagiging may kataas-taasang kapangyarihan Niya sa lahat ng bagay? Hindi Siya gaanong maipagmamalaki.” Hindi ba sila bingi sa lahat ng katwiran? (Bingi sila.) Walang paraan na makipag-ugnayan sa gayong mga tao; iba sila, parang mga hayop na bingi sa lahat ng katwiran. Hindi kailanman nauunawaan ng mga hayop kung ano ang mga positibong bagay o kung ano ang katotohanan, kaya walang paraan na makaugnayan ang mga ito. Ang katunayang hindi ninyo magawang makaugnayan sila ay hindi problema sa oras, o kung nagsisikap ka bang mabuti o kung gaanong pagsisikap ang ginawa mo, kundi dahil sadyang walang silang kakayahang makaunawa, kaya ano pa ang sasabihin mo sa kanila? Ano ba mismo ang nasa loob ng mga taong ito? Walang katapatan, walang pagiging matuwid, at walang kabutihan sa puso nila, kabuktutan lang, puno sila ng kabuktutan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga taong ito ay bingi sa lahat ng katwiran at hindi maliligtas.
Kapag ikukumpara ang pagiging mapanlinlang at pagiging traydor sa disposisyon ng kabuktutan, ang antas ng mga ito ay mas magaan at mababaw. Kung mababaw ang antas, bakit Ko binabanggit ang mga ito rito? Kumikilos at nagsasalita nang mapanlinlang, walang dahilan, at hindi malinaw, ang mga anticristo, na ipinararamdam sa iba na sila ay traydor at mapanlinlang, at hindi maabot ng mga ordinaryong tao ang katotohanan sa usapin. Kumikilos at nagsasalita sila nang mapanlinlang at hindi nila makasundo ang mga taong taos-puso, tapat, at naghahangad ng katotohanan. Sa halip, madalas niglang pinaglalaruan at ginagamit ang gayong mga tao. Dahil sa kanilang ganap na kamangmangan, pinaglalaruan at dinadaya ng mga anticristo ang mga taong ito, at ginagamit pa nga sila. Siyempre, ang pag-uugali at pamamaraang ito na ginagamit ng mga anticristo ay hindi masyadong nakakapinsala sa mga tao. Anong nagdudulot ng sobrang pinsala sa mga tao? Iyon ay ang buktot na disposisyon ng mga anticristo, at ito ay ang paglilihis sa mga tao, pagkontrol sa mga tao, at ang pagsupil sa mga tao na nagmumula sa buktot na disposisyong ito na mas matinding nakakapinsala. Palaging may motibasyon at layunin ang mga anticristo na hindi masabi ng mga ito sa iba pagdating sa kanilang mga kilos nila. Hindi nila kailanman iaalay o gugugulin ang anuman nang walang dahilan, ni hindi nila gagawin ang anuman para sa sinuman o sa sambahayan ng Diyos nang walang dahilan o kabayaran. Sa likod ng bawat pagkilos at salita nila ay may motibasyon, isang layunin, at sa sandaling ang layunin at motibasyon nila ay ilantad, o nasira ang kanilang mga ambisyon at pagnanais, humahanap sila ng pagkakataong umalis. Sa puso nila, iniisip nila, “Hindi masyadong nararapat na ialay o gugulin ang sarili ko nang walang dahilan, hindi ito sulit. Kailangang may makuha ang isang tao sa pagsampalataya sa Diyos. Kung gugugulin ng isang tao ang kanyang sarili para sa Diyos nang walang hinihinging gantimpala, kung gayon iyon ay kaestupiduhan.” Ang lohika nila ay: “Walang libreng bagay sa buhay.” Tinutukoy nila na ang konsensiya at katwiran, ang pag-uugali, at ang mabubuting gawa na dapat mayroon at gawin ng mga normal na tao bilang kaestupiduhan at kahangalan. Hindi ba’t buktot ito? (Oo.) Ito ay napakabuktot. Halimbawa, gumagawa ng ilang mga pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos at nagmamalasakit para sa buhay ng mga kapatid na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, pero hinahadlangan sila ng mga anticristo mula sa loob. Ano ang layunin ng isang anticristo sa paghadlang sa kanila? Kung ang mga pagsasaayos ng gawain ay mula sa anticristo, at kung ito ay alam, magkakaroon ng utang na loob ng mga kapatid sa kanila, magkagayon ay mangunguna ang anticristo. Kung hindi alam ng mga kapatid kung sino ang gumawa ng mga pagsasaayos ng gawain at iniisip na ang sambahayan ng Diyos ang gumawa sa mga iyon, at pinasalamatan nila ang Diyos, sasang-ayon ba ang anticristo rito? Siguradong hindi. Ang mga pagsasaayos ng gawain ay titigil na sa anticristo at hindi maipapatupad. Kapaki-pakinabang sa mga kapatid na maglabas ang sambahayan ng Diyos ng mga pagsasaayos na ito ng gawain, at mas maayos na lalawak ang gawain ng ebanghelyo; ito ay isang malaking bagay na may kinalaman sa gawain ng Diyos, kaya paano dapat makipagtulungan dito ang mga namumuno? Dapat nilang gawain ang lahat ng makakaya nila para makipagtulungan nang maayos at ipatupad ang gawain. Gayunpaman, hinahadlangan ito ng ilang anticristo mula sa loob at hindi ipinatutupad ang gawain sa loob ng dalawang taon. Ano ang dahilan nito? Ito ay si Satanas na nagdudulot ng mga paghadlang at kaguluhan. Ang ilang iglesia ay ginugulo at kinokontrol ng mga anticristo at masasamang tao, at hindi inaalagaan ang mga kapatid na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Pinasasaya nito ang mga anticristo, at sa puso nila ay iniisip nila, “Sapat na para sa akin na maging benepisyaryo ng gayon kamangha-manghang bagay at ng gayong malalaking pakinabang. Paanong magiging benepisyaryo ang lahat ng kapatid?” Paano naaapektuhan ang mga anticristo ng pakikinabang ng mga kapatid? Hindi sila nito maaapektuhan. Makikinabang sila, lahat ay makikinabang, at magiging maganda iyon! Isipin ninyo ang pangkalahatang sitwasyon: Hindi mo ito dapat hadlangan, ni dapat mo itong pigilan, kundi dapat ipatupad mo ito nang masaya. Hindi ba’t normal iyon? (Oo.) Ito ang tungkuling dapat gampanan ng isang tao, at responsabilidad mo ito. Ang isang aspekto ay iyong walang kang kahit anong ibinayad, habang ang isa pang aspekto ay ito: Hindi ba’t hinihiling ng lahat na lumawak ang gawain ng ebanghelyo? (Hinihiling namin.) Kapag nakikita nila ang mga kapatid na tinatamasa ang biyaya ng Diyos, nagseselos ba sila? Anong pinagseselosan nila? Hindi ba mga demonyo ang mga anticristo? Kung gayon, bakit hindi ipinapatupad ng mga anticristo ang gawain? Ito ay dahil nagseselos sila. Isinasaalang-alang ba nila na ang pagpapatupad sa gawain ay kapaki-pakinabang sa gawain ng ebanghelyo? (Hindi.) Naaapektuhan ba nito ang mga interes nila? Anong kinalaman nito sa kanila? Wala itong kinalaman sa kanila, pero hindi nila ito pinatutupad, at ito ay pagiging buktot nila. Mga buhay silang diyablo at dapat sumpain! Sa gayong bagay na tumatalakay sa gawain ng sambahayan ng Diyos at napakaraming taong ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, hindi man lang nila isinasaalang-alang ang mga kahihinatnan. Kung mayroon silang kahit kaunting mabuting layon, hindi nila magagawang gawin mismo iyon. Bakit hindi sila kumikilos nang ganito? Ito ay kasamaan, at ito ay kabuktutan. Ginagawa ninyo ba ang gayong mga bagay? Kung may kakayahan kayong gawin ang gayong mga bagay, kung gayon ay walang kayong pinagkaiba sa mga anticristo, at mga buhay na diyablo rin kayo. Hindi ninyo dapat gawin ang gayong mga bagay! May ilan ding mga antiristo na nakikitang may masasamang tao sa iglesia na madalas na ginugulo ang gawain ng iglesia, na nagwawala sa iglesia, pero binabalewala nila ito. Kapag sinabi sa kanilang asikasuhin ang gayong mga tao, nag-aatubili sila at ipinagpapaliban ang pag-aasikaso sa kanila. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga interes ng kapatid; iniisip lang nila ang sarili nilang huwag masira ang reputasyon nila, at iyon lang. Iniisip nila, “Ginawa akong lider kaya ako ang magpapasya. Ako ang may ganap na kapangyarihan at awtoridad. Kung patatalsikin ko ang sinumang sabihin mo na patalsikin, magpapakita iyon na ganap akong walang kapangyarihan. Dapat kong siguraduhin na alam ng mga kapatid na ang mga taong ito ay nasa ilalim ng pangangalaga ko at mga nasasakupan ko.” Sino ang kinakalaban nila? (Ang Diyos.) Hindi ba buktot ang paglaban sa Diyos? Ito ay kabuktutan. Alam mo ba kung anong klaseng bagay ang isang tao? Ibinigay ng Diyos ang hininga mo, at kung hindi mo alam ang gayong importanteng bagay, hindi ka ba ginagawang estupido niyon? Kayang tapusin ng Diyos ang buhay mo anumang sandali, pero desperado ka pa ring sumasalungat sa Diyos—buktot ito, at ikaw ay isang buhay na diyablo! Samakatuwid, ang isang aspekto ay iyong dapat mong hangarin ang katotohanan at hindi sumunod sa landas ng isang anticristo; bukod dito, dapat mong malaman kung paano kilatisin ang mga anticristo. Kung makaharap mo ang isang anticristo, kailangan mong oserbahan silang mabuti, at kung makita mo silang gagawa na ng masama, pigilan mo sila agad, at makipagkaisa ka sa mga kapatid para ilantad ang mga ito, himayin ang mga ito, tanggihan ang mga ito, at patalsikin sila. Kamakailan ay nabalitaan Ko ang ilang nakababatang kapatid sa iglesia na nagtipon para patalsikin ang isang huwad na lider. Sasabihin Kong ang mga kabataang ito ay sumulong na, hindi sila namumuhay sa pamamagitan ng mga satanikong pilosopiya, kaya nilang isagawa ang katotohanan at kumilos ayon sa mga prinsipyo, at mas maayos sila kaysa karamihan sa mga tao. Karamihan sa mga tao ay may mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, malubhang nalason ni Satanas, at hindi pa naalis ang impluwensiya ni Satanas. Ang magawang alisin ang isang huwad na lider ay nagpapakita na nauunawaan ng isang tao ang kaunting katotohanan at kayang protektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos—mabuting bagay ito. Ipinapakita nito na ang isang tao ay lumago sa buhay at kayang gawin nang maayos ang kanilang tungkulin.
Sa pamamagitan ng pagbabahagi at paglalantad ngayong araw sa mga aspekto ng diwa ng isang anticristo ng pagiging masama, traydor, at mpanlinlang, pati na rin ang lahat ng kanilang iba’t ibang pagpapamalas, makikita natin na ang mga anticristo ay likas na salungat sa Diyos. Sinasabi ng ilang tao, “Kahit na may disposisyon ako ng isang anticristo, wala akong kalikasang diwa ng isang anticristo, at hindi ako susulong sa pagiging isang anticristo.” Ano sa tingin mo ang saloobing ito? Kahit na walang kang diwa ng isang anticristo, pero may mga pagpapamalas at pagbubunyag kang ito ng isang anticristo, isinasabuhay mo ang isinasabuhay ng anticristo, at mayroon kang disposisyon ng isang anticristo, kaya nanganganib kang sumunod sa landas ng isang anticristo. Dahil sa katayuan, impluwensiya, at kapital, panahon lang ang magsasabi bago ka maging isang anticristo, at isang katunayan iyon. Ano ang layunin Ko sa pagsasabi nito? Sinasabi Ko ito para magbabala sa inyo at sabihin sa inyo ang isang katunayan: Kapag nagsimulang sundan ng isang tao ang landas ng isang anticristo, may dalawang posibilidad. Ang isa ay matutuklasan mo ito balang araw, magbabago ka ng direksyon, pagninilayan mo ang sarili mo, magsisi, at magagawang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Ito ang pinakamagandang posibilidad, at magkakaroon ka ng pag-asang maligtas. Gayunpaman, kung hindi mo masusundan ang landas sa paghahangad sa katotohanan, sa sandaling makagawa ka ng maraming kasamaan at tinukoy bilang isang anticristo, magkagayon ay hindi na kailangang pag-isipan pa ang mga kahihinatnan. Naiintindihan ninyo ba? (Oo.) Mabuting naiintindihan ninyo. Ano ang ibig sabihin Ko rito? Ang ibig sabihin Ko ay, kung mayroon kang mga pagpapamalas ng anticristo, may panahon ka pang makakilos at pagkakataong magsisi, pero sa sandaling maging isa ka nang anticristo, nanganganib ka na. Samakatuwid, kapag natuklasan mong may mga pagpapamalas ka ng isang anticristo, magbago ka na ng landas, hanapin mo ang katotohanan at lutasin ang problemang ito; huwag mong maliitin ito. Kung hindi, kapag nagkaroon ka ng kapangyarihan at mga pagkakataon, walang ingat kang gagawa ng masasamang gawa at magdudulot ka ng mga pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia. Hindi mo magagawang tiisin ang mga kahihinatnan, at siguradong maaapektuhan nito ang kalalabasan mo at ang hantungan mo.
Malinaw nating ipinaliwanag ngayon ang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng buktot na disposisyon ng mga anticristo at ng buktot na disposisyon ng mga ordinaryong tao. Nauunawaan na ba ninyo ngayon? Ang mga tiwaling tao ay pawang nagtataglay ng isang buktot na disposisyon, at lahat sila ay may mga pagpapakita at pagpapamalas ng isang buktot na disposisyon. Gayunman, magkaiba ang buktot na disposisyon ng mga ordinaryong tao at ang buktot na disposisyon ng mga anticristo. Bagamat may isang buktot na disposisyon ang mga ordinaryong tao, sa puso nila ay nag-aasam sila para sa katotohanan at nagmamahal sa katotohanan, at sa proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at paggampan sa kanilang mga tungkulin, nagagawa nilang tanggapin ang katotohanan. Bagamat limitado ang katotohanang kaya nilang isagawa, kaya pa rin nilang isagawa ang ilan, kaya maaaring unti-unting madalisay at totoong mabago ang mga tiwaling disposisyon nila, at sa huli ay nagagawa nilang magpasakop sa Diyos at makamit ang kaligtasan sa kabuuan. Sa kabilang banda, hindi man lang minamahal ng mga anticristo ang katotohanan, hindi nila kailanman tinatanggap ang katotohanan, at hindi nila ito kailanman isinasagawa. Dapat ninyong subukang mag-obserba at kumilatis ayon sa sinasabi Ko rito; ito man ay isang lider ng iglesia o manggagawa, o isang ordinaryong kapatid, tingnan ninyo para malaman ninyo kung kaya ba nilang isagawa ang mga katotohanan sa loob ng saklaw ng kung ano ang kaya nilang maunawaan. Halimbawa, sabihin nating nauunawaan ng isang tao ang isang katotohanang prinsipyo, pero kapag oras na ng pagsasagawa rito, ito ay hindi man lang niya naisasagawa, at ginagawa niya anumang gusto niya at kumikilos siya nang pabaya—kabuktutan ito at mahirap iligtas ang gayong tao. Ang ilang tao ay hindi talaga nauunawaan ang katotohanan, pero sa puso nila gusto nilang hanapin mismo kung ano ang gagawin na nakaayon sa mga layunin ng Diyos at naaayon sa katotohanan. Sa pinakakaibuturan ng puso nila, ayaw nilang sumalungat sa katotohanan. Dahil lamang sa hindi nila nauunawaan ang katotohanan kaya nagsasalita at kumikilos sila na labag sa mga prinsipyo, nagkakamali sila, at gumagawa pa ng mga bagay na nagdudulot ng mga pagkagambala at pagkakagulo—ano ang kalikasan nito? Ang kalikasan nito ay hindi tumutukoy sa paggawa ng masama; ito ay nangyayari dahil sa kahangalan at kamangmangan. Ginagawa nila ang mga ito dahil lamang sa hindi nauunawaan ang katotohanan, dahil hindi nila nagagawang kamtin ang mga katotohanang prinsipyo, at dahil, ayon sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, iniisip nilang tamang gawin ang gayong mga bagay, kaya kumikilos sila sa ganoong paraan, kaya itinatakda ng Diyos na maging hangal at mangmang sila, walang kakayahan; hindi dahil sa nauunawaan nila ang katotohanan at sinasadya nilang sumalungat dito. Pagdating sa mga lider at manggagawa na palaging gumagawa sa pamamagitan ng kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon at madalas na ginagambala ang gawain ng sambahayan ng Diyos dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanan, dapat ninyong isagawa ang pagpapatupad ng pangangasiwa at mga paghihigpit, at isagawa ang mas maraming pagbabahaginan sa katotohanan para lutasin ang mga problema. Kung walang-walang kakayahan ang isang tao at hindi niya maunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, panahon na para ituring siya bilang isang huwad na lider. Kung nauunawaan niya ang katotohanan pero sinasadyang sumalungat sa katotohanan, dapat siyang pungusan. Kung patuloy niyang hindi magawang tanggapin ang katotohanan at hindi nagpapakita ng pagsisisi, dapat na siyang ituring bilang isang masamang tao, at dapat siyang paalisin. Gayunpaman, mas malala ang kalikasan ng mga anticristo kaysa sa mga masamang tao o huwad na lider, dahil sinasadyang guluhin ng mga anticristo ang gawain ng iglesia. Kahit na nauunawaan nila ang katotohanan, hindi nila ito isinasagawa, wala silang pinakikinggan, at kahit na makinig nga sila, hindi nila tinatanggap ang naririnig nila. Kahit na sa labas ay mukhang tinatanggap nila ito, tinatanggihan nila ito sa pinakakaibuturan ng puso nila, at kapag oras na para kumilos, kumikilos pa rin sila ayon sa gusto nila nang walang anumang pagsasaalang-alang man lang sa mga interes ng Diyos. Kapag kasama sila ng ibang tao, nagsasalita sila ng mga salita ng tao at may kaunti silang wangis ng tao, pero kapag kumikilos sila nang hindi nakikita ng mga tao, lumilitaw ang maladiyablong kalikasan nila—ito ang mga anticristo. Kapag nagkakamit sila ng katayuan, gumagawa ang ilang tao ng lahat ng klase ng kasamaan at nagiging mga anticristo. Walang katayuan ang ilang tao, pero ang kanilang kalikasang diwa ay katulad ng sa mga anticristo—masasabi mo bang mabubuti silang tao? Sa sandaling magkamit sila ng katayuan, ginagawa nila ang lahat ng klase ng kasamaan—mga anticristo sila.
Mayroon ba sa inyo na nalaman ninyo mismo na kayo ay isang lumalaking anticristo at nararamdaman ninyong kapag nagkamit kayo ng katayuan, garantisadong siyento por siyentong kayo ay isang anticristo? Kung ganoon, kapag pinili ka ng iba na maging isang lider, huwag na huwag mo silang hahayaang piliin ka at dapat mong sabihin, “Ayaw kong sumali. Pakiusap huwag ninyo akong piliin. Kung gagawin ninyo, katapusan ko na.” Ito ay tinatawag na pagkakaroon ng pagkakakilala sa sarili. Proteksyon mo ang hindi pagkakaroon ng katayuan. Bilang isang ordinaryong tagasunod, maaaring hindi ka kailanman magkaroon ng pagkakataong makagawa ng matinding kasamaan, at wala kang tsansang maparusahan. Gayunpaman, sa sandaling magkamit ka ng katayuan, ang tsansang makagawa ka ng kasamaan ay isandaang porsiyento, na katulad din ng tsansang ikaw ay maparusahan, at magkagayon ay katapusan mo na, at labis mong masisira ang anumang pagkakataong mayroon ka sana para makamit ang kaligtasan. Kung may mga ambisyon at pagnanais ka, dapat kang magmadali at manalangin sa Diyos, hanapin ang katotohanan upang lutasin ang problema, magtiwala sa Diyos at isagawa ang pagpipigil sa sarili, at huwag kang magpakasaya sa posisyon mo, at magkagayon ay magagawa mong gampanan nang normal ang tungkulin mo. Kung pagtutuunan mo palagi ang mga opisyal na titulo at magpapakasaya sa posisyon mo, at hindi mo pinagtutuunan ang paggampan sa iyong tungkulin, isa kang mandaraya at dapat na itiwalag. Kapag tumanggap ka ng isang tungkulin, huwag mong pagtuunan ang posisyon; gampanan mo lang dapat nang maayos ang tungkulin mo—mas tunay ang pangangasiwa nang maayos sa mga bagay kaysa anupamang bagay. Kung magagampanan mo nang maayos ang tungkulin mo, hindi ba’t mapalulugod mo ang Diyos? Pagdating sa inyo, ito ang huling paraan na makakaiwas kayo sa paggawa ng masama. Mabuti o masamang bagay ba ang palagi kayong limitahan at huwag kayong pabayaang magkamit ng katayuan? (Ito ay isang mabuting bagay.) Kaya bakit masyado pa ring nagsisikap ang ilang na makipagkompetensya para sa katayuan tuwing eleksyon? Masyadong maraming ambisyon ang gayong mga tao. Hindi normal para sa mga tao na magkaroon ng masyadong maraming ambisyon—pagiging buktot nila ito. Maraming nakababatang sister, lahat ay nasa mga bente anyos, na gustong magkaroon ng opisyal na posisyon at gustung-gusto ang katayuan. Kapag hindi sila napili para maging mga lider, nagtatampo sila at hindi kumakain. Bagamat para silang mga bata, pagdating sa kanilang determinasyon, nagiging masyadong seryoso ang bagay-bagay habang tumatanda sila, at magiging mga eksperto sila, tama? May ilang babae na naririnig na noon unang panahon ay may isang babae na naging emperatris at masyado silang naiinggit, hinihiling nila na sana ay pwede silang maging ang babaeng iyon. Ayaw nilang maging ordinaryo, at sa kanilang pananampalataya sa Diyos ay ayaw nilang maging mga ordinaryong tagasunod lamang. Patuloy na nag-aalab ang pagnanais nila sa kanilang puso, at sa sandaling dumating ang tsansang makapagpakitang gilas sila, sinusunggaban nila ito agad. Hindi lang sila basta gumagawa ng bagay-bagay, gumagampan ng kanilang tungkulin, at tinutupad ang ilang responsabilidad nang praktikal, inilalagay ang kanilang puso sa paghahangad sa katotohanan. Sobrang kamangha-mangha kung ginawa nga nila! Gayunpaman, hindi sila mapalulugod ng ganitong klaseng buhay, at ayaw nilang mamuhay ng gayong nakakabagot na buhay—nakakagulo ito para sa kanila. Mayroon bang ganito sa inyo? Halimbawa may isang babae na gustong magpapalit-palit ng kapareha; gaano man kabuti ang asawa niya sa kanya o gaano man karami ang pera nito, hindi mapanatili ng lalake ang pagmamahal ng babaeng ito. May ilang babae na marami nang anak pero tinatangka pa rin nilang mang-akit ng mga lalake nang walang pag-iingat, at hindi sila mabantayan ng lalaki—ito ay pagiging buktot. Saang nagmumula ang buktot na enerhiyang ito? (Nagmumula ito sa loob ng kanilang kalikasan.) At paano lumilitaw ang kalikasan nilang ito? Mayroong mga maruruming espiritung nabubuhay sa loob nila, at sila ay mga reenkarnasyon ng mga maruruming espiritung ito. Bagamat komplikado ang mga bagay sa espirituwal na mundo, gaano man kakomplikado ang mga ito, basta’t nauunawaan ng isang tao ang katotohanan at maituturing ang mga bagay na ito ayon sa mga salita ng Diyos, pwedeng magkaroon ng pagkilatis ang isang tao, at kilala ito bilang direktang pagpasok sa espirituwal na mundo. Kapag nauunawaan mo ang katotohanan, pwede mong makita nang malinaw at tumpak ang bagay-bagay, nagiging maliksi at malinaw din ang pag-iisip mo, at umaaliwalas ang puso mo. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, magiging palaging magulo ang puso mo, hindi mo malalaman sa puso mo ang tungkol sa anumang ginagawa mo, at magiging gaya ka ng isang estupido, na takot sa anumang direksyon. Matatakot ka na nagmamalaki ka kung sumusobra ka, at matatakot ka na hindi mo tinutupad ang mga responsabilidad mo kapag hindi mo ito ginagawa; palagi kang nasa ganoong kalagayan. Ito ay dahil sa masyadong kakaunti ang pagkaunawa mo sa katotohanan. Ano ang unang pagpapamalas ng isang taong masyadong kakaunti ang pagkaunawa sa katotohanan? Namumuhay siya ng isang masama at walang kwentang buhay. Pagkatapos paglaruan, apihin, at alipustahin ng mga anticristo, sa araw na mamulat siya, napagtanto niya kung paanong nakisama siya sa mga anticristo dati, naglilingkod at gumagawa para sa kanila, pero sinasabi pa rin na minahal at tapat ang mga anticristo sa Diyos. Ngayon lang nila nakikita na ginamit nila nang mali ang lahat ng salitang ito. Hindi ba’t napakawalang-kwenta nito? (Oo.) Bakit ito walang kwenta? Dulot ito ng hindi niya pagkaunawa sa katotohanan at nararapat ito sa kanya! Kung nauunawaan mo ang katotohanan, magkakaroon ka ng pagkilatis sa mga anticristo at makikilatis mo sila, at pagkatapos ay mailalantad at mapapaalis mo sila. Patuloy ka pa rin ba nilang maililigaw at susunod sa kanila? Siguradong hindi. Bukod pa rito, nakinig ka sa napakaraming sermon, diniligan ka ng sambahayan ng Diyos at nilinang ka sa loob ng napakaraming taon, kaya kung hindi mo nauunawaan ang anumang katotohanan, kung hindi mo makilatis ang mga anticristo at hindi mo pa tinutupad ang mga responsabilidad na dapat mong tuparin, at sa huli ay nakikisama ka sa mga anticristo at nagiging kasabwat nila, hindi ba’t ginagawa ka niyong walang kwenta? Hindi ba’t nakakaawa ang mga ganitong tao? Kung sumusunod ka sa Diyos sa panlabas pero naililigaw at nahihila ka ng mga anticristo, sinusundan mo ang landas ng isang anticristo sa loob ng ilang taon, at gusto mong bumalik pero wala kang lakas ng loob para harapin ang mga kapatid, hindi ba’t iyon ay isang walang kwentang paraan ng pamumuhay? Gaano ka man kalungkot, wala itong silbi. Kaninong kasalanan na hindi mo nauunawaan ang katotohanan? Wala kang ibang pwedeng sisihin kundi ikaw.
Sa kabuuan ay pitong iba’t ibang pagpapamalas ng mga anticristo ang pinagbahaginan natin. Pagdating sa mga detalyadong pagpapamalas na sinabi natin tungkol sa bawat isang iyon, sa diwang hinimay natin, pati na rin sa iba’t ibang sitwasyong tinalakay natin, wala sa mga ito ang gawa-gawa lamang, kundi may batayan at base sa mga katunayan. Gayunman, may isang punto: Kung pagkatapos ninyong makinig sa mga ito ay hindi ninyo ito maisagawa kapag nahaharap kayo sa mga tunay na bagay, ano ang ipinapakita nito? Una sa lahat, ipinapakita nito na wala kayong espirituwal na pagkaunawa, at kahit na minsan ay mayroon kayong kaunting espirituwal na pagkaunawa, ito ay magiging bahagyang pagkaunawa lamang, hindi buong espirituwal na pagkaunawa; pangalawa, ipinapakita nito na hindi hindi mo minamahal at siniseryoso ang katotohanan; ikatlo, ipinapakita nito na masyado kang kulang sa kakayahan at ganap na walang abilidad na makaarok. Marami na Akong nasabi na naglalantad sa mga anticristo, pero wala kang naunawaang kahit ano rito. Maaaring isipin mong nauunawaan mo ito noon, pero kalaunan ito ay nagiging malabo, at ipinapakita nito ay hindi mo pa rin ito nauunawaan. Bakit hindi mo ito nauunawaan? May kinalaman ba ito sa pagkaarok? Kapag ipinaliwanag Ko ang bagay-bagay sa antas na ito at hindi mo pa rin ito naunawaan, ibig sabihin ay sobrang wala kang abilidad na makaarok at hindi ka talaga nagtataglay ng anumang abilidad na maarok ang katotohanan? Tumpak ba ang sinasabi Ko? Ganito iyon. May ilang tao sa inyo na matagal nang nakikinig sa mga sermon sa loob ng 10 o 20 taon at hindi pa rin ninyo nauunawaan ang katotohanan. Paano natin ito maipaliliwanag? May dalawa lamang posibilidad: Ang isa ay iyong wala kayong espirtuwal na pagkaunawa, walang kayong kakayahan, at walang abilidad na pang-unawa sa katotohanan; ang isa pa ay iyong, kahit na mayroon kayong espirituwal na pagkaunawa, hindi ninyo minamahal ang katotohanan at hindi kayo interesado sa katotohanan. Kung mayroon kayo ng isa sa dalawang posibilidad na ito, wala kayong kakayahang maunawaan ang katotohanan. Kung mayroon kayo ng parehong posibilidad na ito, hindi na kayo maililigtas, at wala nang pag-asa. Kung hindi pa rin ninyo angkop na maikumpara ang mga sarili ninyo kapag natapos na Akong magbahagi at hindi ninyo alam kung ano ang ibig Kong sabihin, ano ang sinasabi niyon tungkol sa abilidad ninyong makaarok? Hindi ba’t walang-walang ito? Kung mas tamad kayo, nananabik sa kagaanan, walang pagmamahal para sa katotohanan, may mga personal na gusto, at naililihis ng mga panlabas na usapin, ang mga salitang ito ay unti-unting magiging walang epekto sa inyo, at labis na mababawasan ang epekto ng mga ito—ganito iyon. Sa katunayan, napakadaling makilatis ang mga anticristo. Ang isang aspekto ay ang linawin ang mga pamamaraang ginagamit nila sa paggawa ng mga bagay, habang ang isa pang aspekto ay ang makita kung ano ang disposisyon nila, kung ano ang direksyon nila sa buhay at ang mga pananaw nila sa pag-iral, kung ano ang mga saloobin nila sa mga kapatid, sa tungkulin, sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, sa Diyos, sa katotohanan, at sa mga positibong bagay, at kung ano ang mga prinsipyo ng pagkilos nila. Sa paggamit sa mga aspektong ito magagawa ninyo iklasipika sila. Kakailanganin pa rin bang pagmasdan at pag-aralan sila nang mas matagal? Hindi. Hindi lamang papalit-palit ng kapareha ang mga anticristo, ni nang-aapi ng mga tao. Mayroon silang isang satanikong kalikasan at kaya nilang gawin ang anumang bagay. Kung, pagkatapos mong makinig sa mga sermong ito, hindi mo talaga magawang kilatisin ang isang disposisyon ng anticristo at hindi mo masabi na ang ibinubunyag nila ay isang disposisyon ng anticristo, kung ganoon ay may naunawaan ka bang kahit na ano? Natatandaan mo ang doktrina, pero hindi mo ito maisagawa sa anumang bagay, at kapag naharap ka sa mga katunayan ay mahina at walang bisa ang doktrina mo, at pinatutunayan nito na hindi ka pa nakaunawa. Kung nauunawaan mo ito noon at kalaunan ay nagdasal-nagbasa ka nang kaunti, kung madalas kang nakikipagbahaginan tungkol dito kasama ng mga kapatid, tinatandaan at pinagbubulayan mo ang mga katotohanang ito, at madalas kang nananalangin sa harap ng Diyos, mas marami kang matatamo. Gayunpaman, kung nananabik ka para sa kagaanan sa iyong tungkulin, pabaya ka, wala kang pasanin, at may mga personal kang kagustuhan, mapusok, hindi mo talaga minamahal ang katotohanan, sumusunod ka sa mga makamundong uso, at naaakit ng mga panlabas na usapin, hindi mo magagawang gampanan nang maayos ang tungkulin mo. Sa huli, ang mga katotohanang ito na pinagbahaginan natin ay mawawalan ng saysay, ang matitira lamang ay mga salita at doktrina, at mangangahulugan iyon na mawawalang saysay ang pakikinig mo. Pagkatapos ba nito ay nakikinig ba kayong muli sa mga pagbabahaging ito? (Oo.) Ilang beses ninyo kayang makinig sa mga ito? May iba’t ibang epekto ba ang mga ito sa bawat pagkakataon na nakikinig kayo sa mga ito? Pagkatapos ba ay pinagbubulay-bulayan ninyo ang mga ito? Ano ang impresyon ninyo pagkatapos ninyong pagbulayan ang mga ito? Pagdating sa iyo, pwede bang maging mga prinsipyo ng pagsasagawa at pamantayan ang mga sermong ito para makilatis mo ang mga tao at bagay sa buhay mo? (Kaya kong ikumpara sa sarili ko mismo ang ilang halatang disposisyon at pagpapamalas ng mga anticristo, ibig sabihin, ang mga bagay na sinasabi at ginagawa ko na malinaw na may pakay na mabitag ang puso ng iba, at pag-iisipan ko ang paglalantad ng mga salita ng Diyos at aalamin na ang kalikasan ng aking mga kilos ay ang mabitag ang puso ng iba at na gusto kong makamit ang ilang layon. Gayunman, kulang pa rin ako pagdating sa pagkilatis sa mga tao, at hindi ko sinasadyang ikumpara sa mga salita ng Diyos ang mga tao sa palibot ko.) Sabihin mo sa Akin, kung gusto mong makita nang malinaw ang sarili mo, gumagamit ka ba ng salamin o ng maputik na tubig? (Salamin.) Ano ang pakinabang ng pagtingin sa salamin? Kaya mong makita nang mas malinaw ang sarili mo. Samakatuwid, napakalimitado kung kaya mo lang kilatisin ang sarili mo; kailangan mo ring matutuhan na kilatisin ang iba. Ang pagkilatis sa iba ay hindi para sadyaing iklasipika sila bilang mga anticristo, kundi para magkaroon ng mga prinsipyo sa pagsukat at pagkilatis ng pananalita at mga kilos ng iba’t ibang klase ng mga tao. Kapaki-pakinabang ito sa isang tao mismo, at sa paggawa nito matatrato rin nang tama ayon sa mga prinsipyo ng isang ito ang mga tao, na kapaki-pakinabang para makamit ang matiwasay na pagtutulungan kapag ginagampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin kasama ng iba. Gayunpaman, mga limitadong resulta lang ang makakamit ng isang tao kapag umaasa lamang ito sa pagkilala sa sarili. Hindi pwedeng tumuon ka lamang sa pagkilala sa sarili mo kapag naghahangad sa katotohanan. Kailangan ka rin tumuon sa pagsasagawa sa katotohanan para makamit ang epekto ng pagpapasakop sa Diyos. Sa pagtuon lamang sa isang aspekto, hindi mo kailanman makakamit ang ganap na pagkaunawa sa katotohanan o pagpasakop sa katotohanang realidad, hindi ka rin lalago sa buhay. Katulad na katulad lang din ito ng pag-unawa lamang sa mga salita at doktrina, at hindi mo magagawang makilala ang Diyos. Ang mga talagang nauunawaan ang katotohanan ay makikilatis ang lahat ng bagay. Bukod sa hindi nila kilala ang sarili nila, kaya rin nilang makilatis ang iba, at kaya nilang makilatis ang lahat ng klase ng tao, pangyayari, at bagay. Sa ganitong paraan lamang magagampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin na ayon sa pamantayan at pwedeng gamitin ng Diyos.
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ngayon tungkol sa mga pagpapamalas ng buktot na disposisyon ng mga anticristo, anong mas malalim at mas bagong pang-unawa ang naabot ninyo pagdating sa buktot na disposisyon? Magbahagi kayo tungkol dito. (Diyos ko, ang bagay na pinakapumukaw sa akin ngayon ay ang sinasabi ng Diyos na kung aakto tayo gaya ng mga anticristo at sadyang hahadlangan at guguluhin ang gawain ng sambahayan ng Diyos, tayo ay mga buhay na diyablo. Nagsabi ang Diyos ng tungkol sa ilang tao na hindi makatiis na may ibang mas magaling kaysa kanila, at pinagnilayan ko ang aking sarili at napagtanto ko na mayroon akong matinding mapagkompetensyang espiritu, at kapag nakikita kong mas malakas kaysa akin ang isang taong kasama ko sa paggampan ko ng aking tungkulin, naaasiwa ako, at gusto ko laging higitan siya. Nararamdaman ko na ang kalagayan ko ay gaya ng sa mga buhay na diyablong inilantad ng Diyos, at nakikita ko na ang kalikasan ng bagay na ito ay mas malala pa sa inaakala ko, at natatakot ako rito. Hindi ko ito kailanman naunawaan nang napakalalim, at ngayong nakikita ko kung gaano kalala ang tiwaling disposisyon ko, talagang nalulungkot ako.) Nabatid mo na ito ngayon. Ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao ay hindi kasing-simple ng isang pansamantalang pagbubunyag; may pangunahing sanhi at mga bagay na pinahihirapan kang maiwaksi ang mga ito, palagi kang kinokontrol, nagdudulot na magbunyag ka ng sobrang katiwalian, na hindi mo magawang kontrolin ang sarili mo. Hindi maipaliwanag ng mga tao kung bakit sila ganito, at hindi nila ito makontrol—ito ang mga disposisyon ng mga tao. Para magawang malinaw na maunawaan ng isang tao ang ganitong uri ng tiwaling disposisyon ay isang aspekto ng pagsulong. Pagdating sa ganitong uri ng tiwaling disposisyon, kung kaya mong hanapin ang katotohanan at makilatis ang diwa nito, kung kaya mong tanggapin ang paghatol, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos, kung sa paggawa mo ay kaya mong makamit ang isang kalagayan kung saan naisasagawa mo ang katotohanan at talagang nagpapasakop sa Diyos, magkagayon ay pwedeng magbago ang tiwaling disposisyon na ito—ikaw ito na nagsisimulang isagawa ang katotohanan batay sa pagkaunawa sa katotohanan. Napakahirap ngayon para sa karamihan sa inyo na ensayuhing pigilan ang sarili kapag nagpapakita kayo ng inyong mga tiwaling disposisyon, at ibig sabihin nito ay hindi pa kayo nagsimulang isagawa ang katotohanan; ang kaunting ginagawa ninyo sa paggampan ng inyong tungkulin ay karamihang batay sa inyong personal na interes, kagustuhan, at maging sa pagkayamot, at wala itong katiting na kaugnayan sa pagbabago ng disposisyon, tama? (Tama.) Napakahusay, napupukaw na kayo. Sino pa ang gustong magsalita? (Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng Diyos ngayon, sobra akong napukaw. Iniisip ko noon na ang kabuktutan ay nangangahulugang nagsasalita nang mapanlinlang, hindi diretsahang nagsasalita at palaging nagkukunwari at nanlilinlang ng iba. Ang pakikinig sa Diyos ay nagbibigay ng paghihimay ngayon sa kung ano ang isang buktot na disposisyon, gayunpaman, alam ko na ngayon na ang kabuktutan ay nangangahulugang paglaban at pagsalungat sa katotohanan at sa mga positibong bagay, at kung ang isang tao ay sumasalungat at lumalaban sa katotohanan at mga positibong bagay, iyon ay ang kanyang buktot na disposisyon. Dati ay may ganoon akong mababaw na pagkaunawa sa buktot ng disposisyon, pero ngayong narinig ko na ang pagbabahagi ng Diyos, mayroon na akong bagong pagkaunawa. Bukod dito, ang sobrang yumanig sa akin ay ang pagsasabi ng Diyos na ang Canadian Film Production Team ay ikaklasipika bilang Group B sa loob ng isang taon. Talagang nagulat ako nang marinig ko ito, at mula sa pangangasiwa ng Diyos sa usaping ito nakikita ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Nakikita kong wala ni isang tao sa grupong iyon ang nagsasagawa sa katotohanan at nagdulot ito ng mga napakatinding hadlang sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at talagang ginagalit ako nito. Kamakailan lang ay nasa parehong kalagayan din ang mga tao sa grupo namin, ibig sabihin, walang pasanin para sa aming tungkulin. Nang mas gumaan ang gawain namin kaysa dati, hindi kami nagplano nang malinaw para sa tungkulin namin at naging makupad kami sa aming tungkulin, pinalilipas na lang ang mga araw. Sa pamamagitan ng pakikinig sa pagbabahagi ng Diyos ngayon, nakikita ko na kung hindi isinasagawa ng isang tao ang katotohanan o hinahangad ang pag-usad sa kanilang tungkulin, at kung hindi seryoso ang isang tao sa katotohanan, kinasusuklaman ng Diyos ang ganitong uri ng saloobin sa paggampan ng isang tao sa kanyang tungkulin. Kinikilala ko rin na kailangan nating pahalagahan ang oras at ang pagkakataong gampanan ang ating tungkulin. Kung hindi natin pinahahalagahan ang ating tungkulin, kapag hinihintay na tayo Diyos at nasayang na ang mga pagkakataong ibinibigay ng Diyos sa atin, mapopoot ang Diyos sa mga tao, at masyado nang huli para manghinayang.) Mukhang kailangan pa ninyong sumailalim sa presyur, tama? (Oo.) Mabuti. Totoong problema ito, at kapag nagtitipon kayo kailangan ninyong pagbahaginan kung paano lutasin ang problemang ito. Dapat kayong magbahaginan nang regular at makagawa ng buod at makahanap ng isang bagong plano. Bawat tao ay mayroong misyon sa buhay na ito, kasama na Ako, at kung hindi sila nabubuhay para sa kanilang misyon, walang halaga sa kanila ang pamumuhay sa buhay na ito. Kung walang halaga sa iyo ang ipamuhay ang buhay na ito, ang buhay mo ay walang kabuluhan. Bakit Ko sinasabing walang kabuluhan ito? Mamumuhay ka ng isang buhay na parang naglalakad na bangkay; hindi ka nararapat mabuhay. Kung hindi mo isasakatuparan ang mga responsabilidad mo at isasagawa ang misyon mo, hindi mo nararapat tamasahin ang lahat ng bagay na ibinibigay sa iyo ng Diyos. Ano ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na kayang alisin ng Diyos ang lahat ng bagay sa iyo anumang sandali. Kayang magbigay ng Diyos, at kaya ring mag-alis ng Diyos—ganoon iyon. Sa katunayan, ang lahat ng naririto ay may misyon, sadyang lahat kayo ay may iba’t iba gawaing gagampanan. Ang mga walang pananampalataya ay may isang misyon din Ang misyon nila ay ang guluhin ang mundong ito at guluhin ang lipunan, para mas lalong mabuhay nang mas masakit ang mga tao at mamatay sa gitna ng mga sakuna. Ang misyon ninyo ay ang makipagtulungan sa gawain ng Diyos, ipalaganap ang ebanghelyo at bagong gawain ng Diyos, habang nauunawaan rin ang katotohanan at nakakamit ang kaligtasan—ito ang pinakamasaya. Wala sa kasaysayan ng tao ang mas masaya o mas mapalad pa kaysa rito. Walang mas mahalaga kaysa rito; ito ang pinakadakilang bagay sa buhay, at ito ang pinakadakilang bagay sa kasaysayan ng tao. Kung iwawaksi mo ang misyon mo at tatanggalin ang iyong tungkulin at mga responsabilidad, ang buhay mo ay magiging walang halaga, at magiging walang kahulugan ang pamumuhay mo sa iyo. Maaaring hindi ka pa patay at maisasabuhay mo sa mundong ito ang nalalabing buhay mo, pero ang pamumuhay mo ay magiging walang kahulugan o halaga para sa iyo. Sabihin nating may isang taong hindi pa kailanman narinig ang katotohanan o ang daan ng Diyos, at may isang taong minsang nalaman ang plano ng pamamahala at naunawaan ang daan ng Diyos, pero sino sa huli ang hindi nagkamit sa katotohanan o buhay, sabihin ninyo sa Akin, sa ganitong parehong taong nabubuhay sa mundo, pareho ba ang mararamdaman nila sa pinakakaibuturan ng puso nila? (Hindi.) Hindi alam ng mga walang pananampalataya ang misyon nila; wala silang pagpapahalaga sa misyon. Alam mo kung saan galing ang misyon mo, alam mo na ang Diyos ay ang Lumikha, ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay, alam mong galing sa Diyos ang lahat ng tao at dapat na bumalik sa Kanya—dahil alam mo ang lahat ng ito, kaya mo pa rin bang mabuhay nang payapa sa mundong ito? Kaya mo pa rin bang iraos nang maalwan ang buhay? Hindi, hindi mo na kaya. Dahil ibinigay sa iyo ng Diyos ang misyong ito, dapat mong pasanin ang responsabilidad sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, magpatotoo sa iba tungkol sa Diyos, tuparin ang lahat ng responsabilidad na dapat tuparin ng tao, ilaan ang katotohanan na nauunawaan mo at ang patotoong batay sa karanasan mo para makinabang ang lahat, at pagkatapos ay mapalulugod ang Diyos. Ang kaya ng mga tao ay ang mga bagay lang na ito. Basta’t makakapagtiis ka ng kaunti, makakapagbayad ng halaga, at nananabik ng kaunti para sa kagaanan, magagawa mong makamit ang mga ito. Sa ganitong paraan, ang kalalabasan mo ay iba sa mga walang pananampalataya, at iba ang pagsukat sa iyo ng Diyos—napakabihira nito! Binibigyan ka ng Diyos ng ganitong pagpapala, at kung hindi mo alam kung paano ito pahahalagahan, masyado kang mapaghimagsik. Dahil pinili mo ang landas na ito ng pananampalataya sa Diyos, huwag ka nang magdalawang isip pa rito, kundi walang pag-aalinlangan mong patahimikin ang puso mo at gampanan mo nang maayos ang tungkulin mo. Para hindi ka na magsisi. Kahit hindi mo maabot ngayon ang tayog ni Pedro at hindi mo magampanan ang matutuwid na gawa ni Job, pagsikapan mong magampanan ang tungkulin mo ayon sa pamantayan. Ano ang ibig sabihin ng “magampanan ang tungkulin mo ayon sa pamantayan”? Ang ibig sabihin nito ay ang gampanan mo ang iyong tungkulin nang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo at mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, nang hindi makupad, nang walang nakatagong motibo, o na hindi nagbibigay ng isandaang porsiyento, kundi ginagawa ang lahat ng bagay nang makakaya mo—magkagayon ay magagampanan mo ang tungkulin mo nang ayon sa pamantayan. Walang masyadong hinihingi ang Diyos sa mga tao, tama? (Tama.) Madali ba itong makamit? Ito ay isang bagay na nasa loob ng saklaw ng pagkatao at dapat na makamit mo ito. May mga tanong pa ba? Kung wala, pwede na nating tapusin ang pagbabahaging ito rito ngayon.
Hulyo 10, 2019