Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Unang Bahagi)
Karagdagang Babasahin: Kung Ano ang Katotohanan
Ngayon, patuloy tayong magbabahaginan tungkol sa nilalaman noong nakaraan. Ano ang paksang pinagbahaginan natin noong nakaraan? (“Ang pagtulog sa kasukalan at pagdila sa apdo” ay hindi ang katotohanan.) Madalas mo bang isipin noon na ito ang katotohanan? Madalas isipin noon ng mga tao na ito ang katotohanan, o kahit papaano, na ito ay medyo positibo, nagbibigay-inspirasyon, at maaaring makahikayat sa mga tao na maging maagap at positibo ukol sa hinaharap. Sa pagtingin dito sa ganitong antas ng kahulugan, iniisip ng mga tao na ito ay medyo malapit sa katotohanan at malapit sa mga positibong bagay. Kaya naman, di-namamalayang pinaniniwalaan ng maraming tao na ang ekspresyong ito na “ang pagtulog sa kasukalan at pagdila sa apdo” ay isang medyo positibong ekspresyon o kahit papaano, na ito ay may positibong konotasyon kaysa negatibo, at may papel sa pagtulong sa buhay at asal ng mga tao. Pero pagkatapos magbahaginan tungkol dito, nakita natin na hindi ito ganoon, at na may malalaking problema rito. Higit ba kayong nakahanap ng mga ekspresyong katulad o kaugnay sa ekspresyong ito, o na may kaparehong papel, at na di-namamalayang iniisip ng mga tao na medyo positibo o medyo maganda, at na hinimay-himay ang mga ito? (Hindi.) Sabihin ninyo sa Akin, naaangkop ba rito ang ekspresyong “Pagkakaroon ng maraming kongklusyon mula sa iisang pagkakataon”? (Oo.) Hindi maitatanggi na ang ekspresyong ito ay may mga praktikal na gamit pagdating sa paghahanap at pagsasagawa ng katotohanan. Noong nakaraan, nagbahaginan tayo tungkol sa “pagtulog sa kasukalan at pagdila sa apdo.” Ano-ano pang ibang ekspresyon ang katulad nito? Ano-ano pang mga ekspresyon ang may halos parehong kahulugan, o maaaring may parehong papel? Wala namang masama sa inyong paghihimay-himay sa mga kasabihang tulad ng “pagtulog sa kasukalan at pagdila ng apdo” ayon sa Aking paraan, sa pagbabahaginan tungkol sa mga ito sa isa’t isa, at pagkakaroon ng mga bagong pagkaunawa. Kapag nakikilatis ninyo ang pagiging nakalilinlang ng mga ito, iwawaksi ninyo ang mga ganitong ekspresyon at pagkatapos ay tatahakin ninyo ang landas ng pagsasagawa at paghahangad sa katotohanan nang ganap na nakabatay sa mga salita ng Diyos.
Ipagpatuloy natin ang paksa na pinagbahaginan natin noong nakaraang dalawang beses. Ano ang paksang iyon? (Kung ano ang katotohanan.) Tama, kung ano ang katotohanan. Kung gayon, ano nga ba mismo ang katotohanan? (Ang katotohanan ang pamantayan para sa asal, mga kilos, at pagsamba ng tao sa Diyos.) Mukhang naisaulo na ninyo ang pangungusap na ito sa teorya at depinisyon. Kaya, pagkatapos ng ating nakaraang dalawang pagbabahaginan, mayroon bang pagkakaiba sa inyong depinisyon, kaalaman, at pagkaarok sa katotohanan sa kaibuturan ng inyong puso ngayon, kung ikukumpara sa dati? (Oo, mayroon.) Ano nga ba mismo ang pagkakaibang ito? Bagamat sa maikling panahon ay maaaring wala kayong kaalaman ng tunay na karanasan, kahit papaano naman ay mayroon kayong ilang kaalamang batay sa pang-unawa. Sabihin ninyo sa Akin batay sa inyong sariling karanasan, kaalaman, at pag-unawa. (Alam ko dati na dapat akong magsagawa ayon sa katotohanan ng mga salita ng Diyos sa tuwing nangyayari sa akin ang mga bagay-bagay, pero hindi ko talaga ito maisagawa. Para bang, kadalasan ay may tendensiya akong magpakita ng kapusukan, at bagamat alam ko mula sa mga salita ng Diyos na mali ang magpakita ng kapusukan, at alam ko kung ano ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao, ginagawa ko pa rin ito, at hindi ko kailanman nahanap ang ugat na dahilan. Pagkatapos lang ng pakikinig ko sa pagbabahagi ng Diyos noong nakaraan saka ko napagtanto na, kadalasan, nagpapakita ng katiwalian ang mga tao dahil kontrolado sila ng mga satanikong kaisipan, at na nagpapakita ako ng kapusukan dahil may satanikong lohika sa loob ko na “Hindi ako aatake maliban na lang kung inatake ako; kung inatake ako, siguradong gaganti ako ng atake.” Sa palagay ko ay tama ang kasabihang ito, at na kumikilos ako sa ganitong paraan bilang pagdepensa sa aking sarili. Dahil sa impluwensiya ng satanikong kaisipan at pananaw na ito, hindi ko kayang isagawa ang katotohanan. Pero sa totoo lang, bagamat mukhang tama sa panlabas ang mga satanikong bagay na ito, sa realidad, ang mga kahulugang hatid ng mga ito ay taliwas sa hinihingi ng mga salita ng Diyos, at mali ang mga ito. Tanging ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at tanging ang pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos ang ganap na tama.) Maganda iyan. Sino ang may gustong idagdag doon? (May gusto akong idagdag. Alam ko rin noon na dapat kong hanapin at isagawa ang katotohanan sa tuwing nangyayari sa akin ang mga bagay-bagay, ngunit medyo nalilito pa rin ako kung paano ito isinasagawa. Sa pakikinig sa pagbabahagi ng Diyos, nararamdaman ko na labis na makatotohanan at nauugnay sa bawat aspekto ng buhay ang katotohanan. Tingnan ang ilang halimbawa na binanggit ng Diyos. Natututunan din ng mga Intsik na uminom ng kape pagkatapos makarating sa mga Kanlurang bansa. Hindi ito isang problema sa paraan ng pagkilos ng isang tao, kundi isang problema sa mga kaisipan at pananaw ng mga tao, at may kinalaman ito sa katotohanan. Bukod dito, pagkatapos ng paghihimay-himay ng Diyos sa ilang karaniwang kasabihan at kawikaan na inaakala ng mga tao na tama, napagtanto ko na dapat kong pagnilayan ang sarili kong mga pag-uugali at kaugalian na tila tama, at ang mga layunin, kaisipan, at pananaw sa likod ng mga pag-uugaling ito, at kung ano nga ba mismo ang isinasabuhay ko sa pamamagitan ng pagdepende sa mga bagay na ito. Mayroon na ako ngayong mas kongkreto at hindi gaanong abstraktong pakiramdam tungkol sa kung paano hinahanap at isinasagawa ang katotohanan sa tuwing nangyayari sa akin ang mga bagay-bagay.) Mukhang sa pamamagitan ng dalawang pagbabahaginang ito, karamihan sa mga tao ay nakakuha ng pangunahing pagkaunawa tungkol sa kung ano ang katotohanan at kung ano ang ilang paksa na may kinalaman sa katotohanan at na, mula sa kaibuturan ng kanilang puso, nagsimula na silang magnilay-nilay kung ang kanilang asal at kilos ay nauugnay sa katotohanan, pati na rin kung alin mismo ang mga bagay na sinusunod at naririnig nila sa kanilang pananampalataya sa Diyos ang katotohanan at alin ang hindi katotohanan, at kung ang mga bagay na iniisip nilang tama ay talaga bang ang katotohanan, at kung ano ang kaugnayan ng mga bagay na ito sa katotohanan. Pagkatapos magnilay-nilay, matutukoy na ng mga tao kung ano nga ba mismo ang katotohanan, pati na rin kung alin mismong mga bagay ang katotohanan, at alin ang hindi katotohanan. Pagkatapos makinig sa mga sermon sa loob ng napakaraming taon at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos sa loob ng napakaraming taon, karamihan sa mga tao ay nakapagkamit ng ilang bagay at malinaw nilang nakikita ang isang katunayan: Ang mga salita ng Diyos ay talaga ngang ang katotohanan, ang mga hinihingi ng Diyos ay ang katotohanan, at ang lahat ng nanggagaling sa Diyos ay ang katotohanan. Buong-puso nang kinilala at tinanggap ng mga taong tunay na sumasampalataya sa Diyos ang katunayang ito, ngunit sa totoong buhay ay maaaring madalas na di-namamalayang nagsasabi sila ng mga bagay na walang kinalaman sa katotohanan o na sumasalungat sa katotohanan. Kaya pa ring ituring ng ilang tao ang mga bagay na inaakala nilang tama at mabuti bilang ang katotohanan, at sa partikular ay hindi pa nila nakilatis ang mga paimbabaw na maling paniniwala at ang mga mala-diyablong salita na nagmumula kay Satanas, na bukod sa matagal na nilang tinanggap sa kanilang puso ay itinuturing pa nga nila na mga positibong bagay. Halimbawa, maraming satanikong pilosopiya tulad ng “Ngipin sa ngipin, mata sa mata,” “Igigisa ka sa sarili mong mantika,” “Ang matitinong tao ay mahusay sa pag-iingat sa sarili, tanging hangad nila ay hindi magkamali,” at “Hindi ako aatake maliban na lang kung inatake ako,” at iba pa, ay itinuturing ng mga tao bilang ang katotohanan at kasabihan sa buhay, at lalo pa ngang nasisiyahan ang mga tao sa kanilang sarili sa pagtataguyod ng mga satanikong pilosopiyang ito, at saka lang nila napagtatanto pagkatapos mabasa ang mga salita ng Diyos na ang mga bagay na ito na mula kay Satanas ay hindi talaga ang katotohanan, kundi mga paimbabaw na maling paniniwala at kamalian na nanlilinlang sa mga tao. Saan nanggagaling ang mga bagay na ito? Ang iba ay nanggagaling sa edukasyon sa paaralan at sa mga aklat-pampaaralan, ang ilan ay nanggagaling sa turo ng pamilya, at ang iba naman ay nanggagaling sa pagkokondisyon ng lipunan. Sa madaling salita, lahat ng ito ay nanggagaling sa tradisyonal na kultura at nagmumula sa turo ni Satanas. Mayroon bang kinalaman ang mga bagay na ito sa katotohanan? Walang anumang kinalaman ang mga ito sa katotohanan. Ngunit hindi nakikilatis ng mga tao kung ano talaga ang mga bagay na ito, at itinuturing pa rin nila ang mga ito bilang ang katotohanan. Malubha na bang naging seryoso ang problemang ito? Ano ang mga kahihinatnan ng pagturing sa mga bagay na ito na mula kay Satanas bilang ang katotohanan? Maiwawaksi ba ng mga tao ang kanilang mga tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng pagsunod sa mga bagay na ito? Makapamumuhay ba nang normal na pagkatao ang mga tao sa pamamagitan ng pagsunod sa mga bagay na ito? Makapamumuhay ba ang mga tao ayon sa konsensiya at katwiran sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito? Maaabot ba nila ang mga pamantayan ng konsensiya at katwiran sa pagsunod sa mga ito? Makakamit ba ng mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos sa pagsunod sa mga ito? Hindi nila magagawa ang alinman sa mga ito. Dahil hindi nila magagawa ang alinman sa mga ito, katotohanan ba ang mga bagay na ito na sinusunod ng mga tao? Maaari bang magsilbing buhay ng isang tao ang mga ito? Ano ang mga kahihinatnan ng pagsasaalang-alang ng mga tao sa mga negatibong bagay na ito—gaya ng kung ano ang iniisip nilang tama at mabubuting pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, mga landas sa pag-iral, mga batas ng pananatiling buhay, at maging ang tradisyonal na kultura—bilang katotohanan at pagsunod sa mga ito? Libo-libong taon nang sumusunod ang sangkatauhan sa mga bagay na ito. Nagkaroon ba ng kahit katiting na pagbabago? Nagbago na ba ang kasalukuyang sitwasyon ng sangkatauhan? Hindi ba’t lalong nagiging buktot at lumalaban sa Diyos ang tiwaling sangkatauhan? Ang Diyos ay nagpapahayag ng maraming katotohanan sa tuwing ginagawa Niya ang Kanyang gawain, at nakikita ng mga tao na ang mga katotohanang ito ay may awtoridad at kapangyarihan, kaya paanong nagagawa pa rin ng mga tao na itatwa at labanan ang Diyos? Bakit hindi pa rin nila magawang tanggapin ang Diyos at magpasakop sa Kanya? Ito ay sapat na para maipakita na ang sangkatauhan ay lubos na nagawang tiwali ni Satanas, na ang tiwaling sangkatauhan ay punong-puno ng mga satanikong disposisyon, at na ang lahat ng tao ay tutol sa katotohanan, kinamumuhian ito, at ni hindi ito tinatanggap. Ang ugat ng problemang ito ay na masyado nang maraming natanggap na satanikong pilosopiya at satanikong kaalaman ang mga tao. Sa kaibuturan ng kanilang puso, ang mga tao ay puspos na ng lahat ng uri ng satanikong kaisipan at pananaw, kaya’t nagkaroon na sila ng disposisyon na tumututol at namumuhi sa katotohanan. Makikita natin mula sa napakaraming tao na nananampalataya sa Diyos na, bagamat kinikilala nila na may awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Diyos, hindi nila tinatanggap ang katotohanan. Ibig sabihin, kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos ang mga tao, bagamat kinikilala nila sa pamamagitan ng pagsasabi na “Ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, wala nang hihigit pa sa katotohanan, ang katotohanan ay nasa puso natin, at ginagawa nating layon sa pag-iral ang paghahangad sa katotohanan,” sa tunay na buhay, namumuhay pa rin sila ayon sa mga sikat na satanikong kasabihan at pilosopiya, at isinasantabi ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan, at sinusunod at isinasagawa nila ang mga bagay tulad ng teolohikong kaalaman ng tao at espirituwal na doktrina na para bang ang mga ito ang katotohanan. Ito ba ang tunay na kalagayan ng karamihan sa mga taong nananampalataya sa Diyos? (Oo.) Kung patuloy kayong susunod sa ganitong paraan at hindi ninyo hihimay-himayin at uunawain itong mga bagay na nakaugat nang malalim mula sa satanikong tradisyonal na kulturang nakabatay sa mga salita ng Diyos, at kung hindi ninyo makikilatis ang mga ito sa ugat, o kung hindi kayo magkakamit ng lubusang pagkaunawa sa mga ito, o kung aabandonahin ninyo ang mga ito, ano ang magiging resulta? Mayroong isang tiyak na resulta, at ito ay na ang mga tao ay nananampalataya sa Diyos sa loob ng maraming taon ngunit hindi nila alam kung ano ang katotohanan o kung anong landas ang tatahakin, at sa huli, lahat sila ay mayroong isang hanay ng espirituwal na doktrina at mga teolohikong teorya sa kanilang bibig, at ang lahat ng kanilang sinasabi ay maganda pakinggan at ang lahat ay doktrinang naaayon sa katotohanan. Pero sa katunayan, ang mga taong ito ay mga napakamapagpaimbabaw na Pariseo pagdating sa kung ano ang kanilang isinasagawa at isinasabuhay. Ano ang mga kahihinatnan nito? Walang duda, sila ay kinokondena at isinusumpa ng Diyos. Ang mga nananalig sa Diyos ngunit hindi tumatanggap sa katotohanan ay mga Pariseo at hindi nila kailanman makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos.
Halimbawa, sa isyu ng pangangaral sa mga anak, nakikita ng ilang ama na nagiging masuwayin at na hindi inaasikaso ng kanilang mga anak ang nararapat na mga tungkulin ng mga ito, at sinasabi nila: “Tama ang mga ninuno nang sinabi nila na, ‘Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang.’” Hindi tinatrato ng mga gayong ama ang usaping ito batay sa mga salita ng Diyos. Mga salita lang ng mga tao ang nasa puso nila, sa halip na ang mga salita ng Diyos. Kung gayon, mayroon ba silang katotohanang realidad? Wala, wala sila nito. Bagamat nananampalataya sila sa Diyos at nauunawaan nila ang ilang katotohanan, at dapat alam nila kung paano turuan ang kanilang mga anak gamit ang katotohanan para matupad ang kanilang mga responsabilidad bilang ama, hindi sila nagsasagawa sa ganitong paraan. Kapag nakikita nilang tumatahak sa maling landas ang kanilang mga anak, napapabuntong-hininga sila at sinasabi nila, “Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang.” Anong uri ng ekspresyon ito? Kaninong sikat na kasabihan ito? (Kasabihan ni Satanas.) Nakapagsabi na ba ng ganitong eskpresyon ang Diyos? (Hindi.) Kung gayon, saan nagmumula ang ekspresyong ito? (Kay Satanas.) Ito ay nagmumula kay Satanas, mula sa mundong ito. Ang mga tao ay labis na “naghahangad” sa katotohanan, “nagmamahal” sa katotohanan, at “nagtataas” sa katotohanan, kaya, bakit sila nagsasabi ng mga satanikong ekspresyong tulad nito kapag nangyayari ang mga gayong bagay sa kanila? Pakiramdam pa nga nila na isa itong makatarungan at marangal na bagay na sasabihin. Sinasabi nila, “Tingnan mo kung gaano kalaki ang aking pagpipitagan at pagpapahalaga sa katotohanan at sa Diyos. Ibinubuka ko ang aking bibig at sinasabing, ‘Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang’—napakadakilang katotohanan nito! Masasabi ko kaya ang ekspresyong ito kung hindi ako nananampalataya sa Diyos?” Hindi ba’t iyon ay pagpapalabas na parang katotohanan ito? (Oo.) Kaya, ang kasabihang ito ba ay ang katotohanan? (Hindi.) Anong uri ng ekspresyon ang “Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang”? Sa anong paraan ito mali? Ang ibig sabihin ng ekspresyong ito ay na kung masuwayin o wala pa sa hustong gulang ang mga anak, responsabilidad ito ng ama, na ibig sabihin ay hindi sila naturuan nang maayos ng kanilang mga magulang. Ngunit ito ba talaga ang lagay? (Hindi.) May ilang magulang na umaasal sa wastong paraan, sa kabila nito, ang mga anak nilang lalaki ay mga kriminal at ang mga anak nilang babae ay mga kalapating mababang lipad. Ang lalaking gumaganap sa papel bilang ama ay nagagalit nang husto at sinasabi niya: “Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang. Ini-spoil ko sila!” Tama ba ang sabihin ito o hindi? (Hindi, mali ito.) Sa anong paraan ito mali? Kung naiintindihan mo kung ano ang mali sa ekspresyong ito, pinatutunayan nito na nauunawaan mo ang katotohanan at nauunawaan mo kung ano ang mali sa problema sa loob ng ekspresyong ito. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan sa bagay na ito, hindi mo maipapaliwanag ang bagay na ito nang malinaw. Ngayong napakinggan na ninyo ang paliwanag at depinisyon ng katotohanan, maaaring mayroon kayong ilang nararamdaman tungkol sa ekspresyong ito. “Mali ang ekspresyong ito,” maaaring sabihin ninyo na, “ito ay isang makamundong ekspresyon. Kaming mga nananampalataya sa Diyos ay hindi nagsasabi ng mga ganoong bagay.” Pero ito ay pagsasalita lang nito sa ibang paraan. Hindi ibig sabihin nito na nauunawaan mo ang katotohanan—sa katunayan, hindi mo alam kung ano ang mali sa ekspresyon na “Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang.” Kapag nahaharap sa mga ganitong bagay, ano ang dapat mong sabihin na alinsunod sa katotohanan? Paano ka dapat kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo? Pag-usapan muna natin kung paano unawain at ipaliwanag nang tama ang mga ganitong bagay. Ano ang sinasabi ng Diyos tungkol dito? Mayroon bang anumang partikular na sinasabi ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga ganitong bagay? Nagpahayag ang Diyos ng napakaraming katotohanan para tanggapin ng mga tao at gawing kanilang buhay ang mga ito. Kaya kapag tinuturuan nila ang kanilang mga anak, hindi ba’t dapat gamitin ng mga tao ang mga salita ng Diyos para turuan sila? Ang mga salita ng Diyos ay sinalita sa lahat ng sangkatauhan. Ikaw man ay nasa hustong gulang na o isang anak, lalaki o babae, matanda o bata, dapat tanggapin ng lahat ang mga salita ng Diyos. Tanging ang mga salita ng Diyos ang katotohanan at maaaring maging buhay ng mga tao. Tanging ang mga salita ng Diyos ang makakaakay sa mga tao sa tamang landas sa buhay. Ang mga taong nananampalataya sa Diyos ay dapat magkaroon ng masusing pagkaunawa sa bagay na ito. Paano ninyo maipapaliwanag ang ekspresyon na “Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang”? (Ang landas na tinatahak ng isang tao ay natutukoy ng kanyang kalikasang diwa. Bukod dito, ang parusang ipapataw sa kanila o ang mga biyayang matatanggap nila sa buhay na ito ay konektado sa kanilang nakaraang buhay. Kaya, ang pahayag na “Ang mga anak ay hindi sumusunod sa tamang landas dahil hindi sila tinuruan nang maayos ng kanilang mga magulang” ay hindi tama kung sisiyasatin, at ganap nitong itinatatwa ang katunayan na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa tadhana ng sangkatauhan.) Ayon sa sinasabi mo, wala bang anumang kinalaman sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos ang hindi pagsunod ng mga anak sa tamang landas? Pinahihintulutan ng Diyos ang mga tao na gumawa ng kanilang sariling mga pasya at piliing tahakin ang tamang landas. Gayumpaman, mayroong satanikong kalikasan ang mga tao, at lahat sila ay gumagawa ng kanilang sariling mga pasya, at pumipili ng kanilang sariling nais na landas, at ayaw nilang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung naaayon sa katotohanan ang sinasabi mo, kailangan mo itong ipaliwanag nang malinaw para makumbinsi ang mga tao tungkol dito.
Sunod nating pagbabahaginan ang ekspresyon na “Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang.” Ang unang bagay na dapat linawin ay na mali ang sabihin na, “Ang pagkabigo ng mga anak na sumunod sa tamang landas ay may kinalaman sa kanilang mga magulang.” Sino man ito, kung siya ay isang partikular na uri ng tao, tatahak siya sa isang partikular na landas. Hindi ba’t natitiyak ito? (Oo.) Ang landas na tinatahak ng isang tao ay tumutukoy sa kung ano sila. Ang landas na tinatahak niya at kung magiging anong uri siya ng tao ay nakasalalay sa kanya. Ito ay mga bagay na pauna nang itinakda, likas, at may kinalaman sa kalikasan ng tao. Kaya, ano nga ba ang silbi ng mga turo ng magulang? Kaya ba nitong pamahalaan ang kalikasan ng isang tao? (Hindi.) Hindi kayang pamahalaan ng mga turo ng magulang ang kalikasan ng tao at hindi nito kayang lutasin ang problema sa kung anong landas ang tatahakin ng isang tao. Ano ang tanging maituturo ng mga magulang? Ang ilang simpleng pag-uugali sa pang-araw-araw na buhay ng kanilang mga anak, ilang medyo mababaw na kaisipan at mga tuntunin ng pag-asal—ito ang mga bagay na may kinalaman sa mga magulang. Bago umabot sa hustong gulang ang kanilang mga anak, dapat tuparin ng mga magulang ang kanilang responsabilidad, na turuan ang kanilang mga anak na sumunod sa tamang landas, mag-aral nang mabuti, at magsumikap na maging mas magaling kaysa sa iba paglaki nila, na huwag gumawa ng masasamang bagay o maging masamang tao. Kailangan ding pangasiwaan ng mga magulang ang pag-uugali ng kanilang mga anak, turuan ang mga ito na maging magalang at bumati sa mga nakatatanda sa tuwing nakikita ang mga ito, at turuan ang mga anak ng iba pang mga bagay na may kaugnayan sa pag-uugali—ito ang responsabilidad na dapat tuparin ng mga magulang. Ang pag-aalaga sa buhay ng kanilang anak at pagtuturo sa kanila ng ilang pangunahing tuntunin ng pag-asal—iyan ang saklaw ng impluwensiya ng magulang. Tungkol naman sa personalidad ng kanilang anak, hindi ito maituturo ng mga magulang. Ang ilang magulang ay mahinahon lang at ginagawa nila ang lahat nang hindi nagmamadali, samantalang ang kanilang mga anak ay lubos na walang pasensiya at hindi mapirmi sa kinaroroonan kahit sandali man lang. Lumalayo sila nang sila-sila lang para maghanap-buhay pagdating ng 14 o 15 taong gulang nila, gumagawa sila ng kanilang sariling mga desisyon sa lahat ng bagay, hindi nila kailangan ang kanilang mga magulang, at kayang-kaya nilang magsarili. Itinuturo ba ito ng kanilang mga magulang? Hindi. Kaya, ang personalidad, disposisyon, at maging ang diwa ng isang tao, pati na ang landas na kanyang pipiliin sa hinaharap, ay walang kinalaman sa kanilang mga magulang. Pinabubulaanan ito ng ilan sa pagsasabing, “Kung gayon, paanong wala itong anumang kinalaman sa kanila? May ilang taong nagmumula sa isang pamilyang may mataas na pinag-aralan o sa isang pamilyang may mga henerasyon ng kadalubhasaan sa isang partikular na bokasyon. Halimbawa, isang henerasyon ang nag-aaral ng pagpipinta, ang sumunod na henerasyon ay nag-aaral din ng pagpipinta, at ganoon din ang sumusunod na henerasyon. Kinukumpirma nito na tama ang kasabihang ‘Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang.’” Tama ba o mali na sabihin ito? (Mali.) Mali at hindi tumpak na gamitin ang halimbawang ito para ilarawan ang problemang ito, dahil magkaibang bagay ang mga ito. Ang pamilya na may henerasyon ng kadalubhasaan ay nakakaimpluwensiya lang sa mga kasanayan sa isang aspekto, at maaaring dahil sa kapaligiran ng pamilyang ito kaya natututo ang lahat ng parehong bagay. Sa panlabas nito, ganoon din ang pinipili ng anak, pero sa ugat nito, ang lahat ay pauna nang itinakda ng Diyos. Paano muling isinilang ang tao sa ganitong pamilya? Hindi ba’t isa rin iyong bagay na ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan? Responsabilidad lang ng mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak hanggang sa hustong gulang. Ang mga anak ay naiimpluwensiyahan lang ng kanilang mga magulang pagdating sa kanilang panlabas na pag-uugali at sa mga kagawian ng pamumuhay. Ngunit kapag malaki na sila, ang mga layon na hinahangad nila sa buhay at ang kanilang tadhana ay walang anumang kinalaman sa kanilang mga magulang. May mga magulang na simpleng magsasaka lang na namumuhay ayon sa kanilang katayuan, pero ang kanilang mga anak ay nagiging mga opisyal at gumagawa ng mga dakilang bagay. Mayroon ding mga anak na may mga magulang na abogado at doktor, na parehong may kakayahan, pero ang mga anak ay walang kuwenta, hindi makahanap ng trabaho kahit saan sila pumunta. Ito ba ang itinuro sa kanila ng kanilang mga magulang? Kapag ang ama ay isang abogado, malamang ba na hindi niya gaanong tinuturuan at iniimpluwensiyahan ang kanyang mga anak? Siyempre, hindi ganoon. Walang ama ang nagsasabi na, “Naging napakaunlad ko sa aking buhay, sana hindi maging ganito kaunlad ang mga anak ko sa hinaharap, masyadong nakakapagod iyon. Sapat na iyong magpastol sila ng mga baka sa hinaharap.” Tiyak na tuturuan niya ang kanyang mga anak na matuto mula sa kanya at maging katulad niya sa hinaharap. Ano ang mangyayari sa kanyang mga anak pagkatapos niya silang turuan? Ang mga anak ay magiging kung ano man ang nakatakda sa kanila, at ang mga tadhana nila ay magiging kung ano man ang nakatadhana sa kanila, at walang sinuman ang makakapagbago niyon. Anong katunayan ang nauunawaan mo rito? Ang landas na tinatahak ng isang anak ay walang anumang kinalaman sa kanilang mga magulang. Ang ilang magulang na nananampalataya sa Diyos at nagtuturo sa kanilang mga anak na manampalataya sa Diyos, ngunit anuman ang sabihin nila, hindi naniniwala ang kanilang mga anak, at walang nagagawa ang mga magulang tungkol dito. May ilang magulang ang hindi nananampalataya sa Diyos, samantalang nananampalataya naman sa Diyos ang kanilang mga anak. Kapag nagsimulang manampalataya sa Diyos ang kanilang mga anak, sumusunod ang mga ito sa Diyos, gumugugol ng kanilang sarili para sa Kanya, at nagagawang tanggapin ang katotohanan, at nakakamit ang pagsang-ayon ng Diyos, at kaya, nagbabago ang kanilang kapalaran. Ito ba ang bunga ng pagtuturo ng mga magulang? Hindi, ito ay may kinalaman sa paunang pagtatakda at pagpili ng Diyos. May problema sa ekspresyon na “Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang.” Bagaman may responsabilidad ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak, ang tadhana ng isang anak ay hindi naitatakda ng kanyang mga magulang, kundi ng kalikasan ng isang anak. Malulutas ba ng edukasyon ang problema sa kalikasan ng isang anak? Talagang hindi nito malulutas iyon. Ang landas na tinatahak ng isang tao sa buhay ay hindi naitatakda ng kanyang mga magulang, kundi ito ay pauna nang itinakda ng Diyos. Sinasabi na “Ang kapalaran ng tao ay itinakda ng Langit,” at ang kasabihang ito ay ibinuod ng karanasan ng tao. Bago umabot sa hustong gulang ang isang tao, hindi mo malalaman kung anong landas ang kanyang tatahakin. Kapag nasa hustong gulang na siya, at may sariling mga kaisipan at kakayahang magnilay-nilay sa mga problema, magpapasya siya kung ano ang gagawin sa komunidad na ito ng mga tao na kanyang tinitirhan. Sinasabi ng ilang tao na gusto nilang maging mataas na opisyal, ang iba naman ay nagsasabing gusto nilang maging abogado, at ang iba ay gustong maging manunulat. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang pasya at mga ideya. Walang sinuman ang nagsasabi ng, “Hihintayin ko na lang na turuan ako ng aking mga magulang. Anuman ang ituro nila sa akin, magiging ganoon ako.” Walang taong ganito kahangal. Kapag umabot na sila sa hustong gulang, nagsisimulang mapukaw at unti-unting lumalago ang mga ideya ng mga tao, kaya lalong mas nagiging malinaw ang landas at mga layon sa kanilang hinaharap. Sa panahong ito, unti-unting nagiging halata at malinaw kung anong klaseng tao sila at kung saang grupo sila nabibilang. Mula sa puntong ito, unti-unting malinaw na natutukoy ang katangian ng bawat tao, pati na rin ang kanilang disposisyon, ang landas na kanilang hinahangad, ang kanilang direksiyon sa buhay, at ang grupong kinabibilangan nila. Saan nakabatay ang lahat ng ito? Sa huli, ito ay pauna nang itinakda ng Diyos—wala itong kinalaman sa mga magulang ng isang tao. Malinaw na ba ito sa iyo ngayon? Kung gayon, anong mga bagay ang may kaugnayan sa mga magulang? Ang hitsura, tangkad, lahi, at ilang sakit ng pamilya ng isang tao ay may kaunting kinalaman sa mga magulang. Bakit Ko sinasabing kaunti? Dahil hindi 100% ganito ang kaso. Sa ilang pamilya, ang bawat henerasyon ay nagdurusa sa isang sakit, subalit isinilang ang isang anak na walang ganitong sakit. Paano nangyari ito? May mga nagsasabi: “Dahil mabuti ang karakter ng batang ito.” Ito ay isang opinyon ng sangkatauhan, ngunit saan nga ba talaga nanggagaling ang usaping ito? (Sa paunang pagtatakda ng Diyos.) Ganoon nga mismo. Kaya, ang ekspresyon na “Ang pagkukulang ng isang anak ay kasalanan ng magulang” ba ay talagang tama o mali? (Mali ito.) Malinaw na ito sa iyo ngayon, tama? Walang silbi kung hindi mo alam kung paano kumilatis. Kung walang katotohanan, hindi mo makikita nang malinaw ang anumang bagay.
Sa pang-araw-araw na buhay, ang bawat tao ay mayroon nitong mangilan-ngilang paimbabaw na pananaw na mula kay Satanas sa kanilang isipan. Nananatiling nakalagak at nakaimbak ang mga ito sa loob, at nabubunyag ang mga ito sa tuwing may nangyayari. Sinasabi ng ilang tao na: “Ang mabuting lalaki ay hindi nakikipag-away sa mga babae. Tingnan mo kung gaano ako kadakila. Isa akong tunay at malakas na lalaki, samantalang ikaw ay mahiyain, kaya hindi ako makikipag-away sa iyo.” Ano ang turing nila sa ekspresyong ito? (Ang katotohanan.) Itinuturing nila itong katotohanan at prinsipyo sa pagsasagawa ng katotohanan. May mga tao rin na nakakakita ng isang tao na talagang may napakagwapong pagmumukha at tila isang kagalang-galang na ginoo, pero palagi siyang nagtatago at nagpapanggap, at sadyang tuso at mapanira sa pakikitungo sa ibang tao, at marami ang hindi nakakaintindi sa kanya, kaya, sinasabi ng mga tao na: “Nananampalataya ako sa Diyos para umasal bilang isang matuwid at mabait na tao, at palakaibigan sa iba, sa halip na maging mapanlaban. Katulad ito ng kasabihan na, ‘Mas mabuti nang maging tunay na kontrabida kaysa sa isang huwad na maginoo.’ Ang ilan sa mga salita ng Diyos ay may ganito ring kahulugan.” Ano ang tingin mo sa kasabihang ito? “Mas mabuti nang maging tunay na kontrabida kaysa sa isang huwad na maginoo.” Tingnan mo, sa sandaling nangyayari sa mga tao ang isang bagay, sabay-sabay na lumilitaw at lumalabas ang lahat ng karaniwang kasabihan, sawikain, at kawikaang ito na nasa loob nila, at walang ni isang salita ng katotohanan sa alinman sa mga ito. Sa huli, sinasabi pa nga ng mga taong iyon na, “Salamat sa Diyos sa pagbibigay-liwanag sa akin.” Tama ba o mali ang kasabihang “Mas mabuti nang maging tunay na kontrabida kaysa sa isang huwad na maginoo”? (Mali ito.) Alam ninyong lahat na mali ito, pero ano ang mali rito? Ang mali sa mga huwad na maginoo ay sila ay huwad. Walang sinuman ang gustong maging isang huwad na maginoo; gusto nilang maging isang tunay na kontrabida. Ano ang mayroon sa mga tunay na kontrabida na sinasang-ayunan ng mga tao? Ito ay dahil sila ay totoong tao kaya nakuha nila ang pagsang-ayon ng lahat, kahit na sila ay mga kontrabida. Kung gayon, ano ang gusto ninyo, maging isang tunay na kontrabida o isang huwad na maginoo? (Wala sa dalawa.) Bakit hindi na lang kayo maging ganitong uri ng dalawang tao? (Wala sa mga ito ang naaayon sa katotohanan, walang sinasabi tungkol dito sa mga salita ng Diyos.) Puwede ba ninyong hanapin ang nauugnay na batayan sa pagpapahayag na hindi sinabi ng Diyos sa mga tao na maging huwad na maginoo o tunay na kontrabida? (Gusto ng Diyos na maging matapat ang mga tao.) Gusto ng Diyos na maging matapat ang mga tao. Kung gayon, ano ang pagkakaiba ng mga matapat na tao at tunay na kontrabida? Ang salitang “kontrabida” ay hindi mabuti, ngunit ito ay talagang totoo. Bakit hindi mabuti ang isang tunay na kontrabida? Maaari mo ba itong ipaliwanag nang malinaw? Ano ang batayan ng pagsasabing parehong hindi mabubuting tao ang isang tunay na kontrabida at huwad na maginoo? Ano ang isang kontrabida? Anong salita ang karaniwang iniuugnay sa isang kontrabida? (Kasuklam-suklam.) Tama. Paano inilalarawan at tinutukoy ang salitang ito na “kasuklam-suklam” sa mga salita ng Diyos? Sa mga salita ng Diyos, tinutukoy ba bilang isang mabuting salita o masamang salita ang “kasuklam-suklam”? (Isang masamang salita.) Isang masamang salita, na kinokondena ng Diyos. Ang mga taong may kasuklam-suklam na asal at mga pananaw ay mga kontrabida. Sa anong paraan pa ba matutukoy ang disposisyon at diwa ng isang kontrabida? Makasarili, hindi ba? (Oo.) Ang ganitong uri ng tao ay makasarili at kasuklam-suklam. Kahit na ang ipinapakita niya ay tunay at ang siyang totoo niyang ugali, siya ay talagang kontrabida pa rin. Ang isang huwad na maginoo ay tuso at buktot, at palagi siyang nagpapanggap at nagbibigay ng maling impresyon sa iba, ipinapakita sa iba ang kanyang kahanga-hanga at palakaibigan na ugali. Itinatago niya ang kanyang tunay na disposisyon, mga opinyon, at mga pananaw, para walang makakita o makaarok sa mga ito. Anong disposisyon mayroon ang mga ganitong tao? (Mapanlinlang at buktot.) Sila ay sadyang mga buktot na tao. Kaya, kung ang isang tao man ay huwad na maginoo o isang kontrabida, wala sa mga ganitong uri ng tao ang mabuti. Ang isang uri ay masama sa panloob at ang isa naman ay masama sa panlabas. Sa katunayan, pareho lang ang mga disposisyon nila—sila ay parehong lubhang buktot, makasarili, at mapanlinlang. Naghahangad ba na maging matapat na tao ang dalawang uri ng lubhang buktot at mapanlinlang na taong ito? (Hindi.) Kaya naman, maging alin ka man sa dalawang uri ng taong ito, hindi ikaw ang mabuti o matapat na taong hinihingi ng Diyos. Isa kang taong kinapopootan ng Diyos, at hindi ikaw ang taong hinihingi ng Diyos na maging. Kaya, sabihin mo sa Akin, ang ekspresyong “Mas mabuti nang maging tunay na kontrabida kaysa sa isang huwad na maginoo” ba ang katotohanan? (Hindi.) Kung titingnan mula sa pananaw na ito, ang ekspresyong ito ay hindi ang katotohanan. Maraming tao, na may layon na atakihin at kondenahin ang mga huwad na maginoo para magmukha silang mabubuting tao, ang nagsasabing “Mas mabuti nang maging tunay na kontrabida kaysa sa isang huwad na maginoo,” na para bang ang “pagiging kontrabida” ng mga kontrabidang ito ay ginagawa silang lalong makatarungan at tunay, na parang isang puwersa ng katarungan. Paano mo nasasabing ikaw ay makatarungan, ikaw na isang kontrabida? Ikaw ang nararapat kondenahin.
Sa isipan ng bawat isa, marami-rami ang ganitong klase ng kasabihan at mga bagay, at napakaraming tao ang may ganitong uri ng pananaw. Ito man ay tradisyonal na kultura, mga katutubong kasabihan, mga salawikain ng pamilya, mga panuntunan ng pamilya, o legal na sistema ng isang bansa, madalas ginagamit ng mga tao ang mga bagay na ito na matagal nang umiikot at laganap sa lipunan, at naiproklama at naisulong pa nga bilang mga positibong bagay sa lipunan at sa sangkatauhan sa mahabang panahon, para turuan ang sunod-sunod na henerasyon ng mga tao. Ang ilang kasabihan ay itinuturing bilang mga prinsipyo ng pagsasagawa at prinsipyo ng pag-iral ng tao sa kaibuturan ng kanilang puso. Ang ilan ay mga ekspresyong nagpapahayag ng isang pananaw na sinasang-ayunan lang ng mga tao, ngunit hindi talaga nila ninanais na ipatupad. Kung nais mo mang ipatupad ang mga ito o hindi, sa kaibuturan ng iyong puso, ang totoo ay itinuturing mo ang mga ekspresyong ito bilang mga prinsipyo ng pagsasagawa sa iyong pag-asal. Sa madaling salita, malaking hadlang ang mga bagay na ito sa pananampalataya ng mga tao sa Diyos at sa paghahangad sa katotohanan. Nakakapinsala lang ang mga ito, sa halip na nakakabuti sa mga tao. Halimbawa, ang isang paksang madalas pag-usapan ng mga modernong tao ay “Ang buhay ay mahalaga sa lahat, ngunit tunay na mas mahalaga ang pagmamahal. Kung, alang-alang sa kalayaan ay kailangan kong magbayad, isusuko ko ang dalawang bagay na ito.” Ang ekspresyong ito ay isang sikat na kasabihan na isinusulong at iginagalang ng mga tao sa Silangan at Kanluran na may matatayog na mithiin at mga naghahangad ng kalayaan at gustong alisin ang tradisyonal na sistemang piyudal. Ano ang pokus na hinahangad ng mga tao rito? Ito ba ay buhay? O pagmamahal? (Hindi, ito ay kalayaan.) Tama, ito ay kalayaan. Kung gayon, katotohanan ba ang ekspresyong ito? Ang kahulugan ng ekspresyong ito ay na para hangarin ang kalayaan, maaaring isakripisyo ang buhay, at maaari ding isuko ang pagmamahal—ibig sabihin, ang taong minamahal mo ay maaari ding abandonahin—nang sa gayon ay makamit ang magandang kalayaan na iyon. Ano ang hitsura ng kalayaang ito para sa mga makamundong tao? Paano ipapaliwanag ang bagay na ito na iniisip nilang kalayaan? Ang paglabag sa tradisyon ay isang uri ng kalayaan, ang paglabag sa mga lumang kaugalian ay isang uri ng kalayaan, at ang paglabag sa piyudal na monarkiya ay isa ring uri ng kalayaan. Ano pa? (Ang hindi maging kontrolado ng isang pampulitikang rehimen.) Ang isa pa ay ang hindi maging kontrolado ng kapangyarihan o pulitika. Ang hinahangad nila ay ganitong uri ng kalayaan. Kung gayon, ang kalayaan bang sinasabi nila ay tunay na kalayaan? (Hindi.) Mayroon ba itong pagkakatulad sa kalayaan na pinag-uusapan ng mga taong nananampalataya sa Diyos? (Wala.) Maaaring ang ilang taong nananampalataya sa Diyos ay may ganito ring pananaw sa puso nila: “Ang pananampalataya sa Diyos ay kahanga-hanga, pinalalaya at pinapakawalan ka nito. Hindi mo kailangang sumunod sa anumang kaugalian o tradisyonal na pormalidad, hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa pagsasaayos o pagdalo sa mga kasal at libing, bibitiwan mo ang lahat ng makamundong bagay. Talagang malayang-malaya ka na!” Hindi ba’t ganoon ang kaso? (Hindi.) Ano nga ba ang kalayaan? Malaya ba kayo ngayon? (Kaunti lang.) Kung gayon, paano ninyo natamo ang kaunting kalayaan na ito? Ano ang ibig sabihin ng kalayaan na ito? (Pag-unawa sa katotohanan at pagkawala sa madilim na impluwensiya ni Satanas.) Pagkatapos kumawala sa madilim na impluwensiya ni Satanas, medyo nakakaramdam ka ng kaunting ginhawa at kalayaan. Gayumpaman, kung hindi Ko ito hinimay-himay, iisipin ninyo na tunay na kayong malaya, samantalang ang totoo ay hindi pa. Ang tunay na kalayaan ay hindi ang uri ng kalayaan at pagpapalaya ng katawan sa pisikal at materyal na aspektong iniisip ng mga tao. Sa halip, sa sandaling naunawaan na ng mga tao ang katotohanan, magkakaroon sila ng mga wastong pananaw tungkol sa iba’t ibang tao, pangyayari, bagay, at mundo, at magagawa na nilang hangarin ang mga wastong layon at direksiyon sa buhay. Kapag ang mga tao ay hindi na nalilimitahan ng impluwensiya ni Satanas at ng mga satanikong ideya at pananaw, ang kanilang puso at kaluluwa ay napapalaya—ito ang tunay na kalayaan.
May isang binata, isang walang pananampalataya, na nag-aakalang gusto niya ang kalayaan, lumilipad siya na parang ibon kahit saan, at namumuhay nang walang hadlang, kaya’t kinamumuhian niya iyong mga walang kuwentang panuntunan at kasabihan sa kanyang pamilya. Madalas niyang sinasabi sa kanyang mga kaibigan: “Bagamat ipinanganak ako sa isang napakatradisyonal na pamilya, at isang napakalaking pamilya, na may napakaraming panuntunan at tradisyon, at kung saan kahit hanggang ngayon ay mayroon pa ring dambana ng mga ninuno na may mga lapida ng alaala na isinaayos para sa bawat sumusunod na henerasyon, ako mismo ay kumawala sa mga tradisyong ito at hindi ako naiimpluwensiyahan ng mga panuntunan ng pamilya, mga kombensiyon ng pamilya, at mga karaniwang kaugalian. Hindi ba ninyo nakikita na lubha akong hindi tradisyonal na tao?” Sinasabi ng kanyang mga kaibigan: “Napansin namin na lubha kang hindi tradisyonal.” Paano nila napansin iyon? Mayroon siyang butas sa dila, singsing sa ilong, apat o limang butas sa magkabilang tainga, butas sa pusod, at tattoo ng ahas sa kanyang braso. Itinuturing ng mga Intsik na malas ang mga ahas, ngunit iginiit niyang magkaroon ng isang tattoo nito sa kanyang katawan, at natatakot ang mga tao kapag nakikita ito. Ito ay hindi tradisyonal, hindi ba? (Oo.) Lubha itong hindi tradisyonal, at higit pa roon, nagsasalita rin siya na parang isang halimbawa ng makabagong tao. Lahat ng nakakakita sa kanya ay nagsasabing, “Kamangha-mangha ang taong ito! Hindi siya tradisyonal, talagang hindi!” Naniniwala siya na hindi niya basta-bastang maipapahayag sa mga ganitong paraan ang pagiging hindi tradisyonal, kundi dapat niya itong gawing mas kongkreto at gawing mas kapansin-pansin para sa mga tao ang mga palatandaan ng kanyang pagiging hindi tradisyonal. Nakikita niya na ang iba ay karaniwang mayroong mga nobyang Intsik na may dilaw na balat, at sinasadya niyang maghanap ng isang nobya na banyaga at maputi para mas lalong makumbinsi ang lahat na talagang hindi siya tradisyonal. Pagkatapos, ginagaya niya ang kanyang nobya sa bawat sitwasyon, ginagawa ang anumang sinasabi ng kanyang nobya, kung paano man nito hinihiling na gawin niya. Kapag kaarawan na niya, binibilhan siya ng kanyang nobya ng isang misteryosong regalo na nakabalot sa malaking kahon, at masayang-masaya niyang binubuksan ang regalo. Pagkatapos alisin ang lahat ng balot, nakikita niya ang isang berdeng sombrero sa loob. Alam ng lahat ng Intsik ang pahiwatig ng “mga berdeng sombrero,” hindi ba? Ito ay tiyak na isang napakatradisyonal na bagay. Sa sandaling nakikita niya ito, nagagalit siya at sinasabi niya na, “Anong klaseng regalo ito? Para kanino mo binili ang regalong ito?” Akala ng nobya niya ay matutuwa siya—bakit siya galit na galit dito? Hindi maisip ng kanyang nobya kung bakit at hindi nito maintindihan, kaya, sinasabi ng kanyang nobya: “Hindi madaling hanapin ang berdeng sombrerong ito. Sigurado akong maganda itong tingnan sa iyo.” Sabi naman niya, “Alam mo ba kung ano ang sinasagisag ng sombrerong ito?” Sabi ng nobya: “Hindi ba’t sombrero lang ito? Sadyang maganda lang tingnan ang mga berdeng sombrero.” At iginigiit ng nobya niya na isuot niya ito. Hindi niya ito isusuot kahit anong mangyari. Alam ba ng mga taga-Kanluran ang pahiwatig ng “mga berdeng sombrero”? (Hindi, hindi nila alam.) Kung gayon, hindi ba’t kailangang ipaliwanag nang malinaw at ilahad ang bagay na ito? Wala sa inyo ang makakasagot niyon—bakit hindi kayo maglakas-loob na ipaliwanag ito nang malinaw? Hindi naman ito malaking bagay, hindi ba? Katulad lang din kayo ng lalaking ito—iwinawagayway ang pagiging hindi tradisyonal, at ang pagtalikod sa tradisyon at pagwaksi sa mga kuru-kuro ng satanikong tradisyonal na kultura para hangarin ang katotohanan at kalayaan, ngunit gayon pa man, masyado kayong nababagabag sa berdeng sombrerong ito. Hinihiling ng nobya ng binatang iyon na suutin ng binata ang sombrero, pero hindi ito isusuot ng binata kahit ano ang mangyari, sa huli ay sinasabi niya na: “Iginigiit mo na isuot ko ito. Kung isusuot ko ito, kailangan kong tiisin ang panghihiya ng iba!” Ito ang pinakabuod ng isyu at kung saan nakasalalay ang problema—ito ay tradisyon. Ang tradisyon na ito ay hindi tungkol sa kung ano ang kulay ng isang bagay o kung anong uri ng bagay ito, kundi sa halip, ito ay tungkol sa simbolo at pananaw na pinupukaw ng bagay na ito sa mga tao. Ano nga ba mismo ang sinisimbolo ng bagay na ito—isang berdeng sombrero? Ano ang sinasagisag nito? Binabansagang masama ng mga tao ang mga sombrero na may ganitong kulay, kaya tinatanggihan nila ang mga sombrero ng ganitong kulay. Bakit tinatanggihan ito ng mga tao? Bakit hindi nila matanggap ang ganitong bagay? Dahil mayroong isang uri ng tradisyonal na pag-iisip sa loob nila. Ang mismong tradisyonal na pag-iisip na ito ay hindi ang katotohanan; ito ay parang isang materyal na bagay, ngunit di-nahahalatang ginawa itong isang negatibong bagay ng lipunan at ng lahing ito ng mga tao. Halimbawa, ang puti ay ginagawang simbolo ng kabanalan ng mga tao, ang itim ay simbolo ng kadiliman at kabuktutan, at ang pula ay simbolo ng kasiyahan, pagkamadugo, at silakbo ng damdamin. Sa nakaraan, nagsusuot ng pulang damit ang mga Intsik kapag ikinakasal sila, naniniwalang ito ay maligayang kulay. Kapag ikinakasal ang mga taga-Kanluran, nagsusuot sila ng puting damit na maganda at malinis, na sumisimbolo ng kabanalan. Magkaiba ang pagkaunawa ng dalawang kultura sa kasal. Sa isa, ito ay sinasagisag ng pula at sa isa naman, ito ay sinasagisag ng puti. Kapwa sumasagisag ang mga kulay na ito sa isang saloobin ng pagpapala tungkol sa pag-aasawa. Ang iba’t ibang grupong etniko at lahi ay gumagamit ng parehong bagay para sa iba’t ibang layunin, at dito nagsisimula ang kanilang mga kultural na pinanggalingan. Matapos lumitaw ang mga kultural na pinanggalingan na ito, nabubuo kasabay ng mga ito ang mga kultural na tradisyon. Sa ganitong paraan, bumubuo ng iba’t ibang kaugalian ang iba’t ibang lipunan at lahi, at ang mga kaugaliang ito ay nakakaimpluwensiya sa mga tao ng kani-kanilang lahi. Kaya, ang mga Intsik ay naiimpluwensiyahan ng pahiwatig na ito tungkol sa mga berdeng sombrero. Anong uri ng resulta ang ibinubunga mula sa pagkakatanim nito sa kanila? Ang mga lalaki ay hindi maaaring magsuot ng mga berdeng sombrero, at hindi rin nagsusuot nito ang mga babae. Nakakakita ka ba ng babaeng nagsusuot nito? Sa katunayan, ang kultural na tradisyong ito ay nakatuon lang sa mga lalaki, ibig sabihin, ang pagsusuot ng mga lalaki ng berdeng sombrero ay isang masamang palatandaan, at hindi ito nauugnay sa mga babae. Gayumpaman, kapag nabuo na ang kultural na tradisyong ito, sa anumang konteksto ito lumilitaw, nagdudulot ito ng isang uri ng diskriminasyon sa bagay na ito ng bawat tao sa lahing ito. Pagkatapos mangyari ang ganitong diskriminasyon, hindi namamalayang nagbabago ang bagay na ito mula sa isang napakainosenteng materyal na bagay tungo sa isang negatibong bagay. Sa katunayan, ito ay inosente at walang mga positibo o negatibong katangian man lang. Ito ay isang materyal na bagay lamang, isang kulay, at isang bagay na may hugis. Gayumpaman, pagkatapos mabigyang-kahulugan at maimpluwensiyahan ng tradisyonal na kultura sa ganitong paraan, ano ang magiging huling resulta? (Negatibo.) Ito ay nagiging negatibo. Pagkatapos nitong maging negatibo, hindi na ito magawang tratuhin o gamitin ng mga tao nang tama. Isipin mo—may mga sombrero na may iba’t ibang kulay sa merkado ng Tsina, tulad ng pula, rosas, dilaw, at iba pa, ngunit walang mga berdeng sombrero. Ang mga tao ay nalilimitahan at naiimpluwensiyahan ng tradisyonal na kaisipang ito. Ito ang epekto ng isang partikular na usapin ng tradisyonal na kultura sa mga tao.
Bagamat may ilang tao na pumupunta sa ibang bansa at nakakaranas ng ilan sa mga kultura, tradisyon, tuntunin, at mga materyal na bagay tulad ng mga pangunahing pangangailangan sa buhay sa Europa at iba pang mga bansa sa Asya, at nagiging pamilyar sila sa ilang batas at karaniwang kaalaman ng ibang bansa, mahirap pa ring alisin ang mga tradisyong iyon ng kanilang sariling bansa. Bagamat nilisan mo na ang iyong lupang tinubuan at tinanggap ang pang-araw-araw na aspekto ng buhay sa ibang bansa, pati na rin ang mga batas at sistema nito, hindi mo alam kung ano ang iniisip mo araw-araw, o kung paano mo hinaharap ang mga isyu kapag may nangyayari sa iyo, o kung ano ang pananaw at perspektiba na pinanghahawakan mo. Iniisip ng ilang tao na, “Nasa Kanluran ako, kaya, isa ba akong taga-Kanluran?” o “Nasa Japan ako, kaya, isa ba akong Hapon?” Ganito ba ang lagay? (Hindi.) Sabi ng mga Hapon: “Gustong-gusto naming kumain ng sushi at udon noodles. Hindi ba’t marangal kami dahil dito?” Sabi naman ng mga taga-Timog Korea: “Mahilig kaming kumain ng kanin at kimchi. Hindi ba marangal ang aming dakilang bansang Timog Korea? Sinasabi ninyong mga Intsik na ang inyong kultura ay sinauna at libo-libong taon na mas nakatatanda kaysa sa amin, pero nagpapakita ba kayo ng pagiging mabuting anak sa inyong mga nakatatanda tulad ng ginagawa namin? Tradisyonal din ba kayo tulad namin? Mayroon ba kayong maraming panuntunan tulad ng sa amin? Hindi na ninyo pinag-uusapan ang mga ganitong bagay sa panahon ngayon, napag-iiwanan na kayo; kami ang tunay na mga tradisyonal na tao, at ang kultura namin ay tunay na kultura!” Iniisip nila na nakatataas ang kanilang tradisyonal na kultura, at pagkatapos ay nakikipagkompetensiya sila para ideklara ang maraming bagay bilang World Heritage. Bakit kailangang makipagkompetensiya? Ang bawat bansa, bawat lahi, at maging ang bawat maliit na pangkat etniko ay naniniwala na ang mga bagay, panuntunan, tradisyon, kaugalian, at kombensiyong iniwan ng kanilang mga ninuno ay mabuti at positibo, at maaaring ipalaganap ng sangkatauhan. Hindi ba’t ang kanilang ideya at pananaw na ito ay nagpapahiwatig na mga katotohanan ang mga ito, na mabuti at positibong bagay ang mga ito, at na dapat maipasa ng lahing ito ng tao? Kung gayon, sumasalungat ba sa kalayaan ang mga bagay na ito na ipinapasa? Kabibigay Ko lang ng halimbawa ng isang binata na nakawala mula sa mga gapos ng kanyang pamilya, isang binatang puno ng mga hikaw at singsing at may mga tattoo sa buong katawan, at mayroon pa ngang nobya na taga-ibang bansa. Sa kanyang panlabas na anyo at laman, tila hindi siya sumusunod sa mga panuntunan ng pamilya at tila iwinaksi niya ang tradisyon. Pagdating sa mga pormalidad at sa kanyang pag-uugali, at maging sa kanyang pansariling kalooban, iwinaksi na niya ang mga gayong bagay tulad ng pamilya, tradisyon, at kaugalian. Ngunit inilalantad siya ng isang regalo sa kanyang kaarawan, pinabubulaanan at kinokondena ang kanyang paniniwala na siya ay “lubhang hindi tradisyonal.” Kung gayon, talaga bang tradisyonal ang taong ito o hindi? (Siya ay tradisyonal.) Ang pagiging tradisyonal ba ay mabuti o masama? (Masama.) Kaya naman, itinuturing mo man na tradisyonal o hindi tradisyonal ang iyong sarili, at anuman ang iyong lahi—ito man ay tinatawag na marangal na lahi o isang ordinaryong lahi—ang inyong mga panloob na kaisipan ay nakakulong. Gaano mo man hangarin at igalang ang kalayaan, gaano man katindi ang iyong determinasyon, pagnanais, at ambisyon na makalaya mula sa mga puwersa ng tradisyon at mula sa mga tradisyonal na kombensiyon ng pamilya, o gaano man kanakahihikayat at pagiging makapangyarihan ng iyong mga aktuwal na kilos, kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, magpapasikot-sikot ka lang sa gitna ng mga turo at maling paniniwala na ikinikintal ni Satanas sa iyo, nang hindi nakalalabas. Ang ilang tao ay naiimpluwensiyahan ng tradisyonal na kultura, ang ilan ay naiimpluwensiyahan ng ideolohikal na edukasyon, ang iba naman ay naiimpluwensiyahan ng posisyon at katayuan, at ang iba pa ay naiimpluwensiyahan ng isang uri ng ideolohikal na sistema. Halimbawa, ang mga taong may kinalaman sa pulitika, tulad ng mga grupo ng tao na nagsusulong ng komunismo. Nagsimula sila bilang isang grupo ng mga proletaryo, tinanggap nila ang manifesto at mga teorya ng komunismo, kumawala sila sa tradisyon, sa piyudal na monarkiya, sa ilang lumang kaugalian, at pagkatapos ay tinanggap nila ang Marxismo-Leninismo at komunismo. Pagkatapos tanggapin ang mga ito, naging malaya ba sila, o patuloy na pinaghihigpitan? (Patuloy silang pinaghihigpitan.) Inakala nila na sa pamamagitan ng paglipat mula sa isang lumang bagay patungo sa isang bagong bagay, magtatamo sila ng kalayaan. Hindi ba’t mali ang ideyang ito? (Oo, mali ito.) Mali ang ideyang ito. Maaaring magbago ang mga tao mula sa isang lumang bagay tungo sa anumang bagong bagay, ngunit hangga’t hindi ito ang katotohanan, habambuhay silang mabibitag sa lambat ni Satanas—hindi ito tunay na kalayaan. Inilalaan ng ilang tao ang kanilang sarili sa komunismo o sa isang partikular na adhikain, inilalaan naman ng iba ang kanilang sarili sa isang sinumpaan, samantalang inilalaan ng iba ang kanilang sarili sa isang teorya at dagdag pa rito, ang iba ay sumusunod sa mga kasabihan tulad ng “Haharapin ko ang panganib para sa isang kaibigan” o “Ang isang tapat na mamamayan ay hindi maaaring maglingkod sa dalawang hari,” o “Kapag may kaguluhan sa isang bansa, may responsabilidad ang bawat isa na gawin ang kanilang parte.” Nabibilang ba ang mga ito sa tradisyonal na kultura? (Oo.) Sa panlabas, maaaring tila napakapositibo, napakawasto, at talagang matayog at marangal ang mga bagay na ito sa gitna ng sangkatauhan, ngunit ang totoo, mula sa ibang perspektiba at gamit ang iba’t ibang paraan, ito ay nagbibigkis sa mga kaluluwa ng mga tao, naglilimita sa mga tao, at pumipigil sa kanila na makamit ang tunay na kalayaan. Gayunpaman, bago maunawaan ng mga tao ang katotohanan, pakiramdam lang nila ay hindi nila alam ang gagawin at kaya, tinatanggap nila ang mga bagay na ito, na itinuturing ng sangkatauhan na medyo positibo, bilang kanilang paraan ng pag-iral. Kaya, itong mga diumano’y tradisyonal na kultura—ang mga bagay na ito na sa palagay ng mga tao ay medyo maganda sa mundo—ay natural na tinatanggap ng mga tao. Pagkatapos tanggapin ang mga ito, nararamdaman ng mga tao na namumuhay sila nang may kapital, kumpiyansa, at motibasyon. Halimbawa, tinanggap ng ilang tao ang isang oryentasyon ng lipunang ito at ng sangkatauhang ito ukol sa kaalaman at mga kredensiyal. Ano ang oryentasyon na ito? (Kayang baguhin ng kaalaman ang iyong kapalaran.) (Maliliit ang ibang paghahangad, ang mga libro ang nakahihigit sa lahat ng ito.) Sa kaibuturan ng kanilang puso, sinasang-ayunan at tinatanggap din at inaaprubahan ng mga tao ang mga bagay na ito. Kasabay ng pagtanggap at pag-apruba sa mga ito, habang mas tumatagal ang pagdurusa ng mga tao ng paghihirap sa lipunang ito, mas pinahahalagahan nila ang mga bagay na ito. Bakit ganoon? Ang mga tao ay umaasa lahat sa kaalaman sa buhay. Kung walang kaalama at mga kredensiyal na ito, nararamdaman mo na hindi ka makakapagtatag ng posisyon sa lipunan. Aapihin at didiskriminahin ka ng iba, at kaya desperado mong hinahabol ang mga bagay na ito. Mas mataas ang iyong mga kredensiyal, mas mataas din ang iyong katayuan sa lipunan o sa iyong lahi o komunidad, at magiging mas malaki at mas maganda ang paghanga at pagtrato sa iyo ng mga tao, pati na ang iba’t iba pang bagay. Sa isang punto, nagagawang tukuyin ng mga kredensiyal ng isang tao ang kanyang katayuan sa lipunan.
Noong nakaraan, may isang grupo ng pito o walong propesor ng unibersidad ang pumunta sa Beijing para sa karagdagang pag-aaral. Noong mga panahong iyon, maaaring wala pang mga serbisyo ng pagsundo o pagmaneho, kaya kinailangan nilang sumakay ng bus pagkarating ng Beijing. Sa katunayan, madalas na makikita ang mga propesor na tulad nila kahit saan sa Beijing. Hindi sila itinuturing na espesyal, mga ordinaryong tao lang sila. Ngunit sila mismo ay hindi alam ito, at dito nakasalalay ang bigat ng problema—naganap ang isyung ito batay sa problemang ito. Ano nga ba ang nangyari? Hinihintay ng grupo ng mga propesor na ito ang bus sa hintuan nito. Habang naghihintay sila, parami nang parami ang mga taong nagsiksikan at habang kumakapal ang dami ng mga tao, naging balisa ang lahat. Nang dumating ang bus, silang lahat ay nagdagsaan dito nang hindi hinihintay ang mga pasahero sa loob na makababa muna. Tinutulak at sinisiko nila ang isa’t isa, gumagawa sila ng malaking komosyon. Iyon ay isang napakagulong eksena. Pinag-isipan ito ng mga propesor, at sinabi nila: “Malinaw na hindi madali ang buhay para sa ating mga kapwa mamamayan sa Beijing, araw-araw na sasakay sila ng bus pagpunta at pauwi mula sa trabaho. Bilang mga propesor sa unibersidad, dapat nating isaalang-alang ang mga sitwasyon ng mga tao. Bilang nakatataas na intelektuwal, hindi tayo pwedeng makipagkompetensiya sa ordinaryong mamamayan. Dapat nating ipakita ang walang pag-iimbot na diwa ni Lei Feng sa pamamagitan ng pagpapaubaya sa kanila na maunang sumakay sa bus na ito, kaya, huwag tayong makipagsiksikan dito.” Lahat sila ay sumang-ayon dito at nagpasya silang maghintay sa susunod na bus. Subalit ang nangyari, nang dumating ang kasunod na bus, ganoon pa rin ang dami ng tao, at muling nagdagsaan ang mga nagkakagulo na grupong ito ng mga tao. Natulala ang mga propesor. Pinanood nila na mapuno ang bus at ang pag-alis nito, at muli na naman silang hindi nakasakay rito. Nag-usap sila ulit at sinabing, “Hindi naman tayo nagmamadali. Tayo ay mga nakatataas na intelektuwal, hindi tayo pwedeng makipag-agawan sa mga ordinaryong tao para makasakay sa mga bus. Huwag tayong magmadali, baka hindi na masyadong maraming tao ang naghihintay sa susunod na bus.” Habang naghihintay sa ikatlong bus, medyo nababahala na ang mga propesor na ito. Ang ilan sa kanila ay napapakuyom ng kanilang mga kamao at nagsabing, “Kung pareho pa rin ang dami ng tao sa bus na ito, makikipagsiksikan na lang ba tayo? Kung hindi, baka hindi na tayo makasakay sa ikalimang bus, o maging sa ikaanim na bus, kaya mas mabuti pang makipagsiksikan na lang tayo!” May iba naman na nagsabing, “Puwede bang makipagsiksikan ang mga nakatataas na intelektuwal sa bus? Masisira niyon ang ating imahe! Sobrang kahiya-hiya kung isang araw ay malaman ng mga tao na tayong mga nakatataas na intelektuwal ay nakipagsiksikan sa mga bus!” Nahahati ang kanilang mga opinyon. Habang nagdidiskusyon sila, nagkukumpulan na naman ang mga taong naghihintay. Sa puntong ito, balisang-balisa na ang mga propesor at tumigil na sila sa pag-uusap. Nang dumating ang bus, pagkabukas ng mga pintuan at bago pa man makababa ang lahat, ginaya ng mga propesor ang naunang grupo ng mga nagkakagulong tao, at sumiksik sila sa loob gamit ang lahat ng kanilang lakas. Ang ilan sa kanila ay nakapasok, samantalang ang ilang pino na intelektuwal—mga pinong iskolar—ay hindi nakapasok dahil hindi sila determinado at palaban. Iwan na natin doon ang usaping ito. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t katunayan ito? (Oo.) Ang pagsisiksikan na ito sa mga bus ay labis na pangkaraniwang pangyayari, at kayang-kayang magpanggap ng mga intelektuwal na ito! Sabihin mo sa Akin, ano ang problema rito? Pag-usapan muna natin ang mga intelektuwal na ito, na nakatanggap ng mas mataas na antas ng edukasyon at naging mga propesor na nagtuturo sa mga tao, at naging mga nakatataas na intelektuwal. Ibig sabihin, ang edukasyong natanggap nila at ang kaalamang taglay nila ay mas mataas kaysa sa antas na nakamit ng karaniwang tao, at ang kanilang kaalaman ay sapat para sila ay maging mga guro at tagapagturo ng mga tao, magbigay ng edukasyon, at magbahagi ng kaalaman sa mga tao—kaya tinatawag silang mga nakatataas na intelektuwal. May mga problema ba sa mga ideya at pananaw ng mga nakatataas na intelektuwal na ito? Tiyak na may mga problema. Saan matatagpuan ang kanilang mga problema? Suriin natin ang usaping ito. Sa dami ng kaalaman at mataas na antas ng edukasyong natanggap nila, ang kanilang pag-iisip ba ay mahigpit o malaya? (Mahigpit.) Paano ninyo nalalaman na mahigpit ito? Saan matatagpuan ang kanilang mga problema? Una sa lahat, ipinahayag nila bilang mga nakatataas na intelektuwal ang kanilang sarili. May problema ba sa pahayag na ito? (Oo.) May problema sa pahayag na ito. Sumunod, sinabi nila, “Kapag tayong mga nakatataas na intelektuwal ay sumasakay ng bus, hindi tayo dapat makipag-agawan at makipagsiksikan sa ibang tao para makapasok dito.” May problema ba sa pangungusap na ito? (Oo.) Ito ang pangalawang problema. Ang pangatlong problema ay nang sinabi nila na, “Tayong mga nakatataas na intelektuwal ay maaaring maghintay sa susunod na bus”—may problema ba sa puntong ito? (Oo.) May problema sa lahat ng puntong ito. Magpatuloy at himay-himayin ang usaping ito sa pamamagitan ng tatlong puntong ito, para makita kung ano ang mga problema. Kung magkakaroon kayo ng masusing pagkaunawa sa mga problema, una, hindi na ninyo iidolohin ang mga nakatataas na intelektuwal, at pangalawa, hindi na ninyo nanaising maging isang nakatataas na intelektuwal.
Ano ang unang punto? Na ipinahayag nila ang kanilang sarili bilang mga nakatataas na intelektuwal. May problema ba sa pahayag na ito? (Oo.) Walang mali sa terminong “pagpoproklama sa sarili,” na sa kasong ito ay nangangahulugan na pagbibigay sa sarili ng titulo bilang isang nakatataas na intelektuwal. Kung gayon, may problema ba sa pariralang “bilang isang nakatataas na intelektuwal”? Ang katunayan, ang mga propesor sa unibersidad ay mga nakatataas na intelektuwal sa lipunan. Dahil ito ay isang katunayan, bakit may problema sa pariralang ito? (Inakala nila na sa pagkakaroon ng kaalaman, mas nakatataas sila kaysa sa iba.) Mas nakatataas sila kaysa sa iba—tiyak na may disposisyon sa likod nito. (Inakala nila na dahil nakakuha sila ng mas maraming kaalaman, mas nakatataas sila kaysa sa iba. Sa katunayan, hindi nababago ng mga bagay na ito ang disposisyon ng isang tao.) Sa isang parte, tama ito, pero hindi ito malinaw na naipapaliwanag. Sino ang may anumang maidadagdag? (O Diyos, hindi ba’t sila ay hambog at mapagmagaling?) Tama ito, ngunit hindi mo naipaliwanag nang malinaw ang diwa, ipaliwanag mo ito nang mas detalyado. (Kapag nakakuha na sila ng kaunting kaalaman, pakiramdam nila ay mas matayog at mas marangal sila kaysa sa iba, kaya hindi na nila magawang ituring ang kanilang sarili bilang mga ordinaryong tao. Para sa mga normal na tao na namumuhay sa lipunang ito, ang pakikipagsiksikan sa mga bus ay idinidikta ng kanilang kapaligiran sa totoong buhay at isa itong normal na bagay. Gayumpaman, sa sandaling ituring ng mga intelektuwal na ito ang kanilang sarili bilang napakataas at marangal, hindi na nila magagawang kumilos tulad ng mga normal na tao, at iisipin nila na ang mga ginagawa ng mga normal na tao ay nakasisira sa kanilang pagkakakilanlan, kaya pakiramdam ko ay hindi sila normal.) Hindi sila normal. Ang ipinapahiwatig na kahulugan sa pagpapahayag nila sa kanilang sarili bilang mga nakatataas na intelektuwal ay hindi normal. Ibig sabihin, baluktot ang kanilang pagkatao. Pakiramdam nila ay mas matayog at mas may halaga sila kaysa sa iba. Ano ang kanilang batayan para dito? Ito ay dahil nakatanggap sila ng maraming edukasyon, at busog na busog sila sa kaalaman, at kahit sino ang makasalamuha nila, hindi sila nauubusan ng sasabihin, at kaya nilang magturo ng mga bagay-bagay sa mga tao. Ano ang turing nila sa kaalaman? Itinuturing nila ito bilang isang pamantayan sa pag-asal at pagkilos ng isang tao, pati na rin sa moralidad ng isang tao. Naniniwala sila na ngayong mayroon na silang kaalaman, ang kanilang integridad, karakter, at pagkakakilanlan ay marangal, itinatangi, at may halaga, na ipinapahiwatig na ang mga nakatataas na intelektuwal ay mga santo. Hindi ba’t ganito ang sitwasyon? (Oo.) Ito ang ibig sabihin ng pagiging mataas ang antas para sa kanila, kaya kapag kailangan nilang sumiksik sa isang bus, hindi nila ito gagawin. Bakit hindi? Ano ang kumokontrol sa kanila? Sa anong mga limitasyon at paghihigpit sila napapasailalim? Pakiramdam nila ay makakasira sa kanilang pagkakakilanlan at imahe ang pakikipagsiksikan sa bus. Naniniwala sila na ang kanilang pagkakakilanlan at imahe ay ipinagkaloob sa kanila ng kaalaman, kaya’t ipinoproklama nila ang kanilang sarili bilang mga nakatataas na intelektuwal. Batay sa pagsusuring ito, hindi ba’t nakaririmarim ang kanilang sinabi? Oo, talagang nakaririmarim. Gayumpaman, palibot-libot silang nagmamayabang sa pamamagitan ng pagsasabing “kaming mga nakatataas na intelektuwal.” Sa katunayan, iniisip ng iba na sila ay mga intelektuwal lang, na may naghihikahos at metikulusong pag-uugali na minaliit pa nga ng mga tao, pero inaakala pa rin nila na sila ay talagang marangal. Hindi ba’t may problema rito? Naniniwala sila na napakamarangal nila at na matayog ang kanilang pagkakakilanlan, maging hanggang sa puntong gusto nilang bigyan ng titulo ang kanilang sarili bilang mga santo. Ang pananaw bang ito ay isang paghadlang sa kanila kahit papaano? Ano ang kanilang pananaw tungkol sa kaalaman? Ito ay na, kapag ang mga tao ay may kaalaman, mas mataas ang kanilang integridad, sila ay nagiging respetado at marangal, at dapat silang igalang. Kaya, kinamumuhian at kinokondena nila ang ilang normal na kilos na ginagawa ng mga ordinaryong tao. Halimbawa, kapag bumabahing ang mga intelektuwal, tinitingnan nila ang mga tao sa paligid nila at mabilis na humihingi ng paumanhin, samantalang kapag bumabahing ang mga ordinaryong tao, wala silang pakialam. Sa katunayan, ang pagdighay at pagbahing ay mga normal na bagay sa buhay, ngunit sa mga mata ng mga intelektuwal na ito, ang mga ito ay mga pag-uugaling kagaspangan at pagiging walang pakundangan, kaya kinamumuhian nila at tinatrato nila ang mga ito nang may paghamak, sinasabing, “Tingnan mo nga ang mga walang modo na ordinaryong tao na ito, kung paano sila bumahing, umupo, at tumayo ay napakabastos, at kapag dumarating ang mga bus, nakikipagsiksikan sila, at wala silang alam tungkol sa magalang na pagbibigay-daan!” Pagdating sa kaalaman, ang kanilang pananaw ay: Ang kaalaman ay isang simbolo ng pagkakakilanlan, at maaaring baguhin ng kaalaman ang tadhana ng mga tao, pati na ang kanilang pagkakakilanlan at halaga.
Ano ang pangalawang punto? (Na ang mga nakatataas na intelektuwal ay hindi pwedeng makipagsiksikan sa iba para makasakay ng bus.) Hindi sila pwedeng makipagsiksikan sa iba para makasakay ng bus. Ang sumiksik sa bus ay isa lang maliit na bagay na naranasan nila sa kanilang buhay. Ano ang inilalarawan ng bagay na ito? Ibig sabihin, naniwala sila na dapat ay pino ang pananalita at kilos ng mga taong may partikular na kaalaman, at dapat na naaakma sa pagkakakilanlan ng mga ito. Halimbawa, dapat dahan-dahan maglakad ang mga gayong tao, at kapag nakikipag-ugnayan sa iba, dapat nilang ipadama sa iba na mabait sila, madaling lapitan, at karapat-dapat igalang, at dapat na pino ang kanilang pananalita at kilos. Hindi sila pwedeng maging katulad ng mga ordinaryong tao, dapat nilang ipakita sa mga tao ang kaibahan nila sa mga ordinaryong tao—sa ganitong paraan lang nila maipangangalandakan na ang kanilang pagkakakilanlan ay natatangi at hindi katulad sa iba. Sa kaibuturan ng kanyang puso, naniniwala ang mga propesor na ito na ang mga bagay tulad ng pakikipagsiksikan sa mga bus ay ginagawa ng mga taong nasa mababang antas ng lipunan at ng mga hindi nakatanggap ng mataas na antas ng edukasyon, at saka, ginagawa ito ng mga taong walang mataas na kaalaman o pagkakakilanlan na tulad ng sa isang nakatataas na intelektuwal. Kung gayon, ano ang mga bagay na ginagawa ng mga nakatataas na intelektuwal na ito? Tumatayo sa pulpito nang nangangaral ng mga doktrina, nagbabahagi ng kaalaman, at lumulutas sa mga pag-aalinlangan ng mga tao—ito ang mga tungkulin nila, na kumakatawan sa kanilang pagkakakilanlan, imahe, at propesyon. Maaari lang nilang gawin ang mga bagay na ito. Ang mga pang-araw-araw na atupagin at karaniwang gawain ng mga ordinaryong tao ay dapat walang kaugnayan sa kanila, sila na isang uri ng mga tao na hiwalay sa mga “bulgar at mababa ang antas” na mga ito. Ano ang tawag nila sa mga pang-araw-araw na atupagin at karaniwang gawain ng mga ordinaryong tao, at maging sa mga kilos tulad ng pakikipagsiksikan sa mga bus? (Bulgar.) Tama, bulgar at walang modo. Ito ang depinisyon mula sa kaibuturan ng kanilang puso para sa mga karaniwan at ordinaryong tao na mas mababa sa kanila.
Pag-usapan natin ang ikatlong punto—“Tayong mga nakatataas na intelektuwal ay maaaring maghintay sa susunod na bus”—anong klaseng diwa ito? Hindi ba’t ito ang diwa ni Kong Rong na ipinamimigay ang mas malalaking peras, gaya ng isinalaysay sa tradisyonal na kultura? Ang impluwensiya ng tradisyonal na kultura sa mga intelektuwal ay napakalalim. Bukod sa tinatanggap nila ang tradisyonal na kultura, tinatanggap din nila sa kanilang puso ang maraming ideya at pananaw na mula sa tradisyonal na kultura at itinuturing na mga positibong bagay ang mga ito, kahit hanggang sa puntong itinuturing nila ang ilang sikat na kasabihan bilang mga salawikain, at sa paggawa nito, sila ay nasasadlak sa maling landas ng buhay. Ang tradisyonal na kultura ay kinakatawan ng doktrinang Confucianista. Ang doktrinang Confucianista ay mayroong kabuuang hanay ng mga ideolohikang teorya, pangunahin nitong isinusulong ang tradisyonal na kulturang moral, at ito ay iginagalang ng mga naghaharing uri ng mga dinastiya sa buong kasaysayan, na nagbigay-galang kina Confucius at Mencius bilang mga santo. Isinusulong ng doktrinang Confucianista na ang isang tao ay dapat magtaguyod sa mga prinsipyo ng kabutihan, katuwiran, kagandahang-asal, karunungan, at pagiging mapagkakatiwalaan, matuto muna na maging kalmado, mahinahon at mapagpasensiya sa tuwing nangyayari ang mga bagay-bagay, maging kalmado at pag-usapan ang mga bagay-bagay, huwag makipag-away o makipag-agawan sa mga bagay-bagay, at matutong maging magalang na nagpapaunlak, at magkamit ng respeto mula sa lahat—ito ay kagandahang-asal. Inilalagay ng mga intelektuwal na ito ang kanilang sarili sa mas mataas na posisyon kaysa sa mga karaniwang tao, at sa mga mata nila, ang lahat ng tao ay mga pakay ng kanilang pagtitiis at pagpaparaya. Ang mga “mga epekto” ng kaalaman ay napakaganda! Ang mga taong ito ay lubos na nahahawig sa mga huwad na maginoo, hindi ba? Ang mga taong nakakakuha ng napakaraming kaalaman ay nagiging mga huwad na ginoo. Kung ilalarawan sa isang parirala ang grupong ito ng mga pinong-kumilos na iskolar, ito ay tatawaging pinong kagandahan ng pagiging iskolar. Ano ang mga prinsipyo ng pakikitungo ng mga pinong iskolar na ito sa isa’t isa? Ano ang kanilang pamamaraan sa mga makamundong pakikitungo? Halimbawa, tinutukoy ng mga karaniwang tao ang mga lalaking may apelyido na Li bilang “Lao Li” o “Xiao Li.”[a] Sa ganitong paraan din ba sila tatawagin ng mga intelektuwal? (Hindi.) Paano sila tatawagin ng mga intelektuwal? (Ginoong Li.) Kung nakakita sila ng babae, tatawagin nila itong si Binibining ganito at ganoon, at lalo silang magiging magalang at matikas, katulad ng mga maginoo. Nagpapakadalubhasa sila sa pag-aaral at paggaya sa pinong tikas na ipinapakita ng mga maginoo. Sa anong tono at paraan sila nakikipag-usap at nakikipagtalakayan? Ang mga ekspresyon sa kanilang mukha ay napakabanayad, at nagsasalita sila nang magalang at may pagtitimpi. Ipinapahayag lang nila ang kanilang sariling mga pananaw at kahit na alam nila na mali ang mga pananaw ng iba, wala silang anumang sinasabi. Walang nananakit ng damdamin ng sinuman, at ang mga salita nila ay napakabanayad, na parang binalot sa bulak para hindi makasakit o makairita kaninuman, na nakakapagdulot sa isang tao na makaramdam ng pagkasuklam, pagkabalisa, o pagkagalit sa pakikinig pa lang sa mga ito. Ang totoo ay walang malinaw na pananaw ang sinuman, at walang nagpapaunlak kaninuman. Ang mga ganitong uri ng tao ay napakahusay magpanggap. Kapag nahaharap sa kahit na pinakamaliit na bagay, magpapanggap sila at pagtatakpan ang kanilang sarili, at wala sa kanila ang magbibigay ng malinaw na paliwanag. Sa harap ng mga ordinaryong tao, anong klaseng tindig ang nais nilang ipakita, at anong uri ng imahe ang nais nilang ipalabas? Ibig sabihin, para ipakita sa ordinaryong tao na sila ay mga disenteng maginoo. Ang mga maginoo ay mas angat kaysa sa iba at iginagalang sila ng mga tao. Iniisip ng mga tao na mayroon silang mas malalim na kabatiran kaysa sa mga karaniwang tao, at na mayroon silang mas mainam na pagkaunawa sa mga bagay-bagay kumpara sa mga karaniwang tao, kaya, kumokonsulta sa kanila ang lahat sa tuwing may isyu ang mga ito. Ito mismo ang kalalabasan na nais ng mga intelektuwal na ito, lahat sila ay umaasam na igalang sila bilang mga santo.
Kung titingnan mula sa tatlong puntong hinimay-himay natin, kapag natanggap ng mga propesor na ito ang titulo na “nakatataas na intelektuwal,” ang pag-iisip ba nila ay mas malaya o mas limitado? (Limitado.) Tiyak na limitado ito. Saan sila limitado? (Sa kaalaman.) Ang kaalaman ay isang bagay sa loob ng kanilang propesyon. Sa katunayan, hindi talaga sila nililimitahan ng kaalaman. Ano ang naglilimita sa kanila? Ito ay ang kanilang saloobin tungkol sa kaalaman, at ang mga impluwensiya ng kaalaman sa kanilang pag-iisip, pati na ang mga pananaw na ikinintal nito—ito ang problema. Kaya, habang mas mataas ang antas ng kaalamang nakukuha nila, mas lalo nilang nararamdaman na hindi katulad ng iba ang kanilang pagkakakilanlan at katayuan, at mas lalo nilang naramdaman na marangal at dakila sila, at kasabay nito, mas lalong nagiging limitado ang kanilang pag-iisip. Kung titingnan ito sa ganitong pananaw, nagkamit ba ng kalayaan ang mga taong nakakuha ng mas maraming kaalaman, o nawalan ng kalayaan? (Nawalan ng kalayaan.) Sa katunayan, nawalan sila ng kalayaan. Ang kaalaman ay may impluwensiya sa pag-iisip ng mga tao at sa kanilang katayuan sa lipunan, at ang impluwensiya nito sa mga tao ay hindi positibo. Hindi kailanman totoo na kapag mas marami kang nakukuhang kaalaman, mas mauunawaan mong mabuti ang mga prinsipyo, direksiyon, at layon na dapat mayroon ka tungkol sa iyong pag-asal. Sa kabaligtaran, kapag mas hinahabol mo ang kaalaman, at mas malalim ang kaalamang nakukuha mo, mas lalo kang malilihis mula sa mga kaisipan at pananaw na dapat mayroon ang mga tao na may normal na pagkatao. Katulad lang ito ng grupo ng mga intelektuwal na nakatanggap ng maraming kaalaman at edukasyon, ngunit hindi man lang nakakaintindi ng isang simpleng usapin ng sentido komun. Anong sentido komun iyon? Kapag maraming tao, kailangan mong makipagsiksikan para makasakay sa bus. Kung hindi ka makikipagsiksikan, hinding-hindi ka makakasakay ng bus—hindi nila alam ang pinakasimpleng panuntunang ito. Sabihin mo sa Akin, naging matalino ba sila o naging hangal? (Naging hangal sila.) Sa katunayan, sila ay isang grupo ng mga hangal. Hindi nakatanggap ng napakataas na kaalaman o edukasyon ang mga ordinaryong tao, at wala silang ganitong katayuan, pero naiintindihan nila ang puntong ito at sinasabing, “Kapag sumasakay ng bus at maraming tao ang nandoon, kailangan mong makipagsiksikan, at kailangan mong ibuhos ang iyong lakas, dahil kung magpapabagal-bagal ka nang kahit kaunti, at mabagal nang isang hakbang ang pagtugon ng iyong utak, maaari kang mapunta sa likuran ng maraming tao at kailangan mong hintayin ang susunod na bus.” Ito ay isang simpleng usapin ng sentido komun sa buhay, na pamilyar sa mga ordinaryong tao, pero hindi ito naiintindihan ng mga intelektuwal na ito, kaya naghintay sila ng bus nang paulit-ulit. Ano ang pumipigil sa kanila? Sila ay mahigpit na nakagapos sa pahayag na “tayo ay mga nakatataas na intelektuwal.” Ganoon iyon. Ni hindi nila alam kung paano harapin o pangasiwaan ang ganito kasimpleng problema sa tunay na buhay. Sila ay isang grupo ng mga hangal! Ano ang idinulot ng kaalaman sa kanila? Ang idinulot nito sa kanila ay na inihiwalay sila nito sa ibang tao, hindi nila alam kung paano mamuhay, at hindi nila alam kung paano pangasiwaan ang mga bagay na nangyayari sa tunay na buhay. Gumamit sila ng isang matayog na teorya para tugunan ang isa sa mga pinakakaraniwang problema na nararanasan ng mga ordinaryong tao sa tunay na buhay, at hindi nila alam kung ano ang magiging kahihinatnan matapos nila itong pangasiwaan sa ganitong paraan—marahil ay hindi pa rin nila ito nauunawaan hanggang ngayon. Marahil ay mapag-iisipan lang nila nang mabuti ang usaping ito kapag matanda na sila. Sa panahong iyon, hindi na magiging katulad ng dati ang kanilang pagiging kilala, at magsasawa na sila sa pagtatamasa ng marangal na reputasyon ng isang nakatataas na intelektuwal sa buong buhay nila. Isang araw, maaring maaalala nila ang hindi kaaya-ayang paggawi nila noon sa pakikipag-unahan sa bus, at bigla nilang mapagtatanto na hindi na sila ganun gaanong marangal at nakatataas, at bigla nilang mapagtatanto, “Mapapakain ba ako nitong delikadesa ng isang iskolar? Hindi ba’t kailangan ko pa ring kumain nang tatlong beses sa isang araw tulad ng mga ordinaryong tao? Hindi naman ako naiiba sa kanila. Sa katandaan ko, hindi ba’t naglalakad din ako nang nakayukod? At hindi ba’t nanginginig din ako sa takot at nangangamba sa tuwing nahaharap ako sa panganib? At kapag nahaharap sa kamatayan ng isang minamahal sa buhay o sa isang masayang pangyayari, hindi ba’t malungkot o masaya rin ako gaya ng nararapat? Hindi ba’t namumuhay lang ako katulad ng mga ordinaryong tao? Hindi ako naiiba sa kanila!” Sa oras na iyon, masyado nang huli para sa kanila ang kaalamang ito. Ito ang iba’t ibang uri ng kapangitan na ipinapakita ng mga tao na tumatanggap ng ilang diumano’y positibong kasabihan at pananaw samantalang hindi naman nila nauunawaan ang katotohanan. Kapag hindi alam ng mga tao kung wasto o mali ang mga pananaw na ito, madalas nilang itinuturing ang mga pananaw at kasabihang ito bilang mga katotohanang dapat sundin at gamitin, at kapag ginamit nga nila ito, karaniwan silang nakakaranas ng iba’t ibang uri ng kahihinatnan, at lahat ng uri ng mga nakakaasiwa ay nangyayari. Ano ang mga kahihinatnan nito sa mga tao? Habang patuloy na naghahangad ang mga tao ng kalayaan, patuloy rin silang napapadpad sa sunod-sunod na panganib, at sunod-sunod na pagkakagapos. Hindi ba’t ganito ang nangyayari? Kaya, kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanan—ang pinanghahawakan mo man ay isang pananaw, isang tradisyonal na kultura, o isang uri ng panuntunan, sistema, o teorya, at kung ang mga bagay na ito ay medyo luma na sa lipunan, o medyo bago at nasa uso—hindi kailanman mapapalitan ng mga bagay na ito ang katotohanan, dahil hindi ang mga ito ang katotohanan. Gaano ka man kagaling sa pagsunod o paggamit sa mga ito, sa huli ay ililihis ka lang ng mga ito sa katotohanan, sa halip na makamit mo ang katotohanan. Habang mas lalo mong sinusunod ang mga bagay na ito, mas lalo ka lang malalayo mula sa katotohanan at mas lalo kang malilihis mula sa daan ng Diyos at sa daan ng katotohanan. Sa kabilang banda, kung magagawa mong aktibong bumitiw sa mga diumano’y positibong bagay, teorya, at huwad na mga katotohanang ito, kung gayon, mabilis kang makakapasok sa katotohanan. Sa ganitong paraan, hindi gagamitin ng mga tao ang mga diumano’y tradisyonal na kultura at mga huwad na katotohanang ito bilang mga prinsipyo ng pagsasagawa sa kanilang pang-araw-araw na buhay, kapalit ng katotohanan at mga salita ng Diyos, at unti-unting maiibsan at malulutas ang nakakaasiwang sitwasyon na ito.
Iniisip ng ilang tao na natamo na nila ang katotohanan sa pamamagitan ng pagwaksi sa tradisyonal na kultura ng isang pamilya at isang bansa, at sa pagtanggap ng isang banyagang tradisyonal na kultura mula sa ibang bansa; iniisip ng ilang tao na natamo na nila ang katotohanan sa pamamagitan ng pagwaksi sa isang lumang, tradisyonal na kultura at mga lumang ideya at pananaw, at sa pagtanggap sa mga medyo mas maunlad at mas modernong ideya. Kung titingnan ito ngayon, tama ba o mali ang mga taong ito? (Mali.) Mali silang lahat. Inaakala ng mga tao na sa pamamagitan lang ng pagwawaksi sa mga lumang bagay, makakamtan na nila ang kalayaan. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkakamit ng kalayaan? Nangangahulugan ito na natamo na ng isang tao ang katotohanan at ang tunay na paraan ng pamumuhay na dapat taglayin ng isang tao. Inaakala ng mga tao na natatamo sa ganitong paraan ang tunay na daan. Totoo ba talaga ito? Tama ba ito? Hindi. Anumang moderno at maunlad na kultura ang tinatanggap ng sangkatauhan, sa huli, ito ay tradisyonal na kultura pa rin, at hindi nagbabago ang diwa nito. Ang tradisyonal na kultura ay mananatiling tradisyonal na kultura hanggang kailanman. Hindi mahalaga kung makayanan man nito ang pagsubok ng panahon o ang pagsubok ng mga katunayan, o kung ito man ay iginagalang ng sangkatauhan, sa huli ito ay tradisyonal na kultura pa rin. Bakit ang mga tradisyonal na kulturang ito ay hindi ang katotohanan? Ang lahat ng ito ay dahil ang mga bagay na ito ay mga ideya na lumitaw pagkatapos gawing tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ang mga ito ay hindi nagmumula sa Diyos. Ang mga ito ay nadungisan ng ilang imahinasyon at kuru-kuro ng mga tao, at higit pa rito, ang mga ito ang mga kinahinatnan ng paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan. Sinasamantala ni Satanas ang mga ideya, pananaw, at lahat ng uri ng kasabihan at argumento ng tiwaling sangkatauhan para igapos at gawing tiwali ang pag-iisip ng mga tao. Kung gagamitin ni Satanas ang ilang bagay na halatang kakatwa, kalokohan, at mali para linlangin ang mga tao, magkakaroon ng pagkilatis ang mga tao, at magagamit nila ang kanilang abilidad para matukoy ang katotohanan mula sa mga kasinungalingan, ang itim mula sa puti, at ang tama mula sa mali para itatwa at kondenahin ang mga bagay na iyon. Kaya, ang ganitong pagtuturo ay napapatunayang mali. Gayunpaman, kapag si Satanas, para makondisyon, maimpluwensiyahan at maitanim sa isipan ng mga tao, ay gumagamit ng ilang ideya at teorya na umaayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, at na sa tingin ng mga tao ay mapatutunayang tama kapag binigkas nang malakas, madaling nalilinlang ang sangkatauhan, at madali ring tinatanggap at ipinalalaganap ng mga tao ang mga kasabihang ito, at kaya nananatili ang mga kasabihang ito sa sunod-sunod na henerasyon, hanggang sa kasalukuyan. Halimbawa, tingnan ang ilang kuwento tungkol sa mga bayani ng Tsina, tulad ng mga makabayang kuwento tungkol kay Yue Fei, sa mga heneral ng pamilya Yang, at kay Wen Tianxiang. Paanong naipasa ang mga ideyang ito hanggang sa kasalukuyan? Kung titingnan natin ito mula sa aspekto ng mga tao, sa bawat panahon ay may isang uri ng tao o isang uri ng pinuno na patuloy na gumagamit sa mga halimbawang ito at gumagamit sa mga ideya at espiritu ng mga katauhang ito para turuan ang sunod-sunod na henerasyon ng mga tao, para masunurin at maamong tanggapin ng sunod-sunod na henerasyon ng mga tao ang kanilang pamumuno, at para madali nilang mapamahalaan ang sunod-sunod na henerasyon ng mga tao, at gawing mas matatag ang kanilang pamumuno. Sa pamamagitan ng pagtatalakay tungkol sa hangal na debosyon kay Yue Fei at sa mga heneral ng pamilya Yang, pati na rin sa makabayang espiritu nina Wen Tianxiang at Qu Yuan, tinuturuan nila ang kanilang mga nasasakupan at ipinaaalam sa kanila ang isang panuntunan, na ang isang tao ay dapat umasal nang may katapatan—ito ang dapat taglayin ng isang tao na may marangal na moralidad. Hanggang saan na katapatan? Hanggang sa saklaw na “Kapag iniuutos ng emperador sa mga opisyal niya na sila ay mamatay, wala silang magagawa kundi ang mamatay,” at “Ang isang tapat na mamamayan ay hindi maaaring maglingkod sa dalawang hari”—ito ay isa pang kasabihan na iginagalang nila. Iginagalang din nila ang mga nagmamahal sa kanilang bansa. Ang pagmamahal sa sariling bansa ay nangangahulugang pagmamahal sa ano, o kanino? Pagmamahal sa lupa? Pagmamahal sa mga tao rito? At ano ang isang bansa? (Ang mga namumuno.) Ang mga namumuno ang tagapagsalita ng bansa. Kung sasabihin mo na, “Sa totoo lang, ang pagmamahal ko sa aking bansa ay pagmamahal sa aking bayan at sa aking mga magulang. Hindi ko kayo mahal, kayong mga namumuno!” Pagkatapos ay magagalit sila. Kung sasabihin mo na, “Ang pagmamahal ko sa aking bansa ay pagmamahal para sa mga namumuno, mula sa kaibuturan ng aking puso,” tatanggapin nila ito at sasang-ayunan ang gayong pagmamahal; kung ipapaunawa mo sa kanila at lilinawin na hindi sila ang minamahal mo, kung gayon ay hindi sila sasang-ayon. Sino ang kinakatawan ng mga namumuno sa paglipas ng panahon? (Si Satanas.) Sila ay kumakatawan kay Satanas, sila ay mga kasapi ng grupo ni Satanas, at sila ay mga diyablo. Hindi nila maaaring turuan ang mga tao na sambahin ang Diyos, na sambahin ang Lumikha. Hindi nila maaaring gawin ito. Sa halip, sinasabi nila sa mga tao na ang namumuno ay ang anak ng Langit. Ano ang ibig sabihin ng “anak ng Langit”? Nangangahulugan ito na pinagkakalooban ng Langit ng kapangyarihan ang isang tao, at ang taong ito ay tinatawag na “anak ng Langit” at may kapangyarihang maghari sa lahat ng tao sa ilalim ng langit. Ito ba ay isang ideya na itinatanim sa mga tao ng mga namumuno? (Oo.) Kapag ang isang tao ay naging anak ng Langit, ito ay itinakda ng Langit, at ang kalooban ng Langit ay nasa kanya, kaya dapat tanggapin ng mga tao ang pamumuno ng taong iyon nang walang kondisyon, anumang uri ng pamumuno ito. Ang itinatanim nila sa mga tao ay ang ideyang ito, na nagbubunsod sa iyo na kilalanin na mayroong Langit, at kasabay nito ay hinihikayat kang tanggapin ang taong iyon bilang anak ng Langit. Ano ang layon ng paghihikayat sa iyo na tanggapin ang taong iyon bilang anak ng Langit? Hindi ito para kilalanin mo na mayroong Langit, o na mayroong Diyos, o na mayroong Lumikha, kundi para magawa mong tanggapin ang mismong katunayan na ang taong ito ang anak ng Langit, at dahil sa siya ang anak ng Langit, na dulot ng kalooban ng Langit, dapat tanggapin ng mga tao ang kanyang pamumuno—ito ang mga uri ng ideyang itinatanim ng mga namumuno. Sa likod ng lahat ng ideyang ito na nabuo mula sa simula ng sangkatauhan hanggang sa kasalukuyan—atin mang himay-himayin ang bawat parirala o idyomang naglalaman ng mga alusyon, o ang bawat katutubong salawikain o karaniwang kasabihan na walang alusyon—ay naroroon ang mga gapos at panlilinlang ni Satanas sa sangkatauhan, pati na ang nakalilinlang na depinisyon ng tiwaling sangkatauhan tungkol sa mga ideyang ito mismo. Ano ang impluwensiya nitong nakalilinlang na depinisyon sa sangkatauhan sa mga huling panahon? Ito ba ay mabuti, positibo o negatibo? (Negatibo.) Ito ay likas na negatibo. Halimbawa, ang mga kasabihang “pagtulog sa kasukalan at pagdila sa apdo,” at “itago ang liwanag at mag-ipon ng lakas sa dilim,” at “tiisin ang kahihiyan at pasanin ang mabigat na suliranin,” at “huwag sumuko,” pati na ang “magkunwaring gumagawa ng isang bagay habang iba ang ginagawa”—ano ang impluwensiya ng mga kasabihang ito sa sangkatauhan sa mga darating na panahon? Ibig sabihin, kapag tinanggap ng mga tao ang mga ideyang ito mula sa tradisyonal na kultura, ang bawat sunod-sunod na henerasyon ng mga tao ay palayo nang palayo sa Diyos, at sa gawain ng Diyos ng paglikha at pagliligtas sa mga tao, at sa Kanyang plano ng pamamahala. Kapag tinanggap ng mga tao ang mga maling pananaw na ito mula sa tradisyonal na kultura, lalo nilang nararamdaman na dapat nasa kanilang sariling mga kamay ang tadhana ng tao, at na dapat likhain ng kanilang sariling mga kamay ang kaligayahan, at na ang mga oportunidad ay nakalaan para sa mga taong handa, na nagiging sanhi na lalong itatwa ng sangkatauhan ang Diyos, itatwa ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Kung ihahambing mo kung ano ang gustong pag-usapan ng mga tao sa makabagong panahon at kung ano ang gustong pag-usapan ng mga tao sa nakalipas na dalawang libong taon, ang kahulugan ng kaisipan sa likod ng mga bagay na ito ay talagang pareho. Ang kaibahan lang ay mas partikular na napag-uusapan ng mga tao sa panahon ngayon ang mga bagay na iyon at mas hayagan na silang magsalita tungkol dito. Bukod sa itinatatwa nila ang pag-iral at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, lubha rin nilang nilalabanan at kinokondena ang Diyos.
Halimbawa, sinabi ng mga tao sa sinaunang panahon na “Kapag may kaguluhan sa isang bansa, may responsabilidad ang bawat isa na gawin ang kanilang parte,” isang kasabihang ipinasa hanggang sa kasalukuyan. Pinahahalagahan ng mga tao ang kasabihang ito, lalo na ng mga makabayan, na itinuturing ito na kanilang kasabihan sa buhay. Ngayong nakarating kayo sa ibang bansa, kung sasabihin ng ibang tao na may isang insidenteng nangyari sa Tsina, may kinalaman ba ito sa inyo? (Wala.) Bakit ninyo sinasabing wala itong kinalaman sa inyo? May ilan na nagsasabing, “Kinamumuhian ko ang bansang iyon. Ang mga Komunista ang nasa kapangyarihan ngayon, ang masamang partidong politikal na iyon. Ang Partido Komunista ay ang diyablong si Satanas, ito ay isang totalitaryong rehimen, at wala itong kinalaman sa akin. Inuusig kami nito at hinahadlangan kami sa pananampalataya sa Diyos. Kinamumuhian ko ito.” Ipagpalagay na isang araw, ang bansang iyon ay malapit nang mawasak—maaaring wala kang anumang nararamdaman sa puso mo, ngunit kapag nabalitaan mo na ang lalawigan na dati mong pinagmulan ay sinalakay at sinakop ng mga dayuhang grupo, mararamdaman mo na parang naging isa kang refugee, isang palaboy na walang bahay na mauuwian, at malulungkot ka at mararamdaman mong hindi ka na makakabalik sa iyong pinanggalingan tulad ng mga dahong nalagas. Ang pagbabalik sa pinanggalingan tulad ng mga dahong nalagas—ito ay isa pang tradisyonal na ideya. At ipagpalagay na, isang araw pagkatapos niyon, bigla mong nabalitaan na ang iyong bayan—ang lupain kung saan ka isinilang at pinalaki—ay sinalakay at sinakop ng mga dayuhang grupo, ang daang tinatahak mo papuntang paaralan araw-araw ay sinakop ng mga dayuhang grupo, at ang bahay mo at ang lupa ng iyong pamilya ay inangkin ng mga dayuhang grupo. Ang dati mong pag-aari ay wala na—ang maliit na piraso ng lupang iyon na malalim na nakaukit sa iyong isipan, ang piraso ng lupang pinakamalapit sa loob mo ay wala na, at ang lahat ng iyong kamag-anak doon ay wala na. Sa oras na iyon, maiisip mo na, “Paano ako magkakaroon ng tahanan kung wala akong bansa? Ngayon, naging isang refugee na talaga ako, wala na talaga akong tirahan, isa na akong palaboy. Mukhang ang kasabihang ‘Kapag may kaguluhan sa isang bansa, may responsabilidad ang bawat isa na gawin ang kanilang parte’ ay tama!” Kapag dumating ang oras na iyon, magbabago ka. Kaya bakit hindi mo naiisip ngayon na tama ang kasabihang ito? May pinagmumulan at batayan ito, dahil ang bansang iyon ay inuusig ka at nagdudulot sa iyo ng labis na dalamhati, at hindi ka tinatanggap nito, at kinamumuhian mo ito. Ang totoo, hindi naman talaga ang lupang iyon ang kinamumuhian mo. Ang kinamumuhian mo ay ang satanikong rehimen na umuusig sa iyo. Hindi mo ito kinikilala bilang iyong bansa, kaya sa mga oras na ito, sa tuwing sinasabi ng iba na, “Kapag may kaguluhan sa isang bansa, may responsabilidad ang bawat isa na gawin ang kanilang parte,” sinasabi mo, “Wala itong kinalaman sa akin.” Pero kapag isang araw, ang lupain kung saan ka isinilang at pinalaki ay hindi na sa iyo, at wala ka nang bayan, mararamdaman mo na isa kang palaboy at isang taong walang nasyonalidad, at na talagang nawalan ka na ng bansa. Sa oras na iyon, makakaramdam ka ng kirot sa iyong puso. Para saan ang kirot na ito? Maaaring hindi mo pa ito masyadong nararamdaman sa ngayon, pero darating ang araw na mararamdaman mo ito nang lubusan. Sa anong mga sitwasyon mo ito mararamdaman nang lubusan? Hindi nakakatakot kung mawawasak ang iyong bansa at magiging miyembro ka ng isang nalupig na bansa. Ano ang nakakatakot? Kapag ikaw ay naging isang miyembro ng isang nalupig na bansa at ikaw ay inaapi, nilalait, dinidiskrimina, niyuyurakan, at walang lugar na matitirhan nang mapayapa, sa oras na iyon ay maiisip mo na, “Ang pagkakaroon ng isang bansa ay napakahalaga. Kung walang bansa, walang tunay na tahanan ang mga tao. Ang mga tao ay mayroong pamilya batay sa pagkakaroon ng bansa, kaya tama ang kasabihang—‘Kapag may kaguluhan sa isang bansa, may responsabilidad ang bawat isa na gawin ang kanilang parte.’” Sa pariralang “bawat isa ay may responsabilidad na gawin ang kanilang parte,” para saan ba ang “responsabilidad” na ito? Para sa kapayapaan ng iyong sariling tahanan, para maprotektahan mo ang iyong tahanan. Kapag iniisip mo ang tungkol dito, kapag dinidiskrimina ka ng mga dayuhang grupo o nasa isang banyagang lupa, kapag kailangan mo ng isang lugar na kabibilangan, at kapag kailangan mo ng isang bansa na susuporta sa iyong dignidad, dangal, pagkakakilanlan, at katayuan, ano ang mararamdaman mo? Maiisip mo na, “Kapag ang isang tao ay nasa isang banyagang bansa, nasa likod niya ang malakas na suporta ng kanyang dakilang inang bayan!” Kung gayon, mag-iiba ba ang estado ng iyong isipan kumpara sa ngayon? (Oo.) Ngayon, ikaw ay nasa isang bugso lang ng galit, kaya sinasabi mo na anuman ang mangyari sa iyong bansa ay wala kang pakialam. Kung masasabi mo pa rin ang mga ganitong bagay kapag dumating ang panahong iyon, anong uri ng tayog ang dapat mong taglayin? May isang katunayan sa mundong ito na maaaring alam ng lahat, na kung wala kang suporta ng isang malakas na inang bayan, tiyak na ikaw ay didiskriminahin at aapihin sa mga banyagang bansa. Kapag dumating ang oras na talagang maranasan mo iyon, ano ang unang-una mong hihilingin sa lahat? Sasabihin ng ilan na: “Maganda sana kung naging Hudyo o Hapon na lang ako. Walang mangangahas na apihin ako. Lubos akong igagalang ng mga tao sa kahit anong bansang pupuntahan ko. Bakit ba ipinanganak ako sa Tsina? Walang kakayahan ang bansa at inaapi ang mga Intsik kahit saan sila magpunta.” Ano ang una ninyong iisipin kapag nangyari ang ganitong bagay? (May pananalig kami sa Diyos at nagpapasakop kami sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos.) Tama iyan. Ngunit gaano ba karaming katotohanan ang dapat maunawaan ng isang tao, anong karanasan ang kailangang napagdaanan niya, at gaano kalalim ang pagkaunawang batay sa karanasan ang dapat niyang taglayin para magawang sabihin ang gayong bagay at gawin itong sarili niyang tayog? Kapag nangyari ang ganitong bagay, anong uri ng mga ideya, pagkaunawa at tunay na karanasan ang dapat mayroon ka upang hindi maging mahina, at hindi makaramdam ng sama ng loob, kahit pa may dumura sa iyo at tawagin kang miyembro ng isang nalupig na bansa? Anong uri ng tayog ang dapat mayroon ka upang hindi makaramdam ng sama ng loob at hindi dumanas ng mga pagpipigil na ito? May ganito ba kayong tayog ngayon? (Wala.) Wala pa kayo nito ngayon, pero baka magkaroon kayo nito balang araw? Anong mga katotohanan ang dapat isangkap sa inyo? Anong mga katotohanan ang dapat ninyong maunawaan? Sa panahon ngayon, sa sandaling marinig ng ilang tao na ang kanilang mga kapamilya sa mainland ng Tsina ay naaresto dahil sa pananampalataya sa Diyos, ang nauunawaan nila sa kanilang puso—na ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos—ay nagiging doktrina sa kanila, at napipigilan sila ng katunayan na naaresto ang kanilang mga kapamilya, at nawawalan sila ng gana na gampanan ang kanilang mga tungkulin. Kapag nabalitaan nila na namatay ang isang kamag-anak, baka mahimatay sila agad-agad. Ano ang mararamdaman ninyo kung ang lupaing iyon ay nawasak at lahat ng tao roon ay namatay? Gaano kahalaga ang mga tradisyonal na bagay sa kaibuturan ng puso ninyo, tulad ng bansa, pamilya, bayan, at inang bayan, pati na rin ang ilang tradisyonal na ideya at kultura na kaugnay ng mga salitang ito? Sa buhay mo, pinangingibabawan pa rin ba ng mga ito ang lahat ng iyong kilos, at lahat ng iyong kaisipan at pag-uugali? Kung okupado pa rin ang puso mo ng lahat ng tradisyonal na bagay na ito na may kaugnayan sa iyo, tulad ng bansa, lahi, nasyon, pamilya, bayan, lupain, at iba pa—ibig sabihin, ang mga bagay na ito ay mayroon pa ring partikular na kulay ng tradisyonal na kultura sa iyong puso—at ang mga sermon na pinakikinggan mo at ang mga katotohanang nauunawaan mo ay pawang mga doktrina sa iyo. Kung napakaraming sermon na ang napakinggan mo, ngunit hindi mo pa rin mabitiwan ang kahit na ang pinakapangunahing mga bagay na kailangang bitiwan at layuan ng mga tao, at hindi mo magawang tratuhin nang tama ang mga ito, ano mismong mga problema ang nilulutas ng mga katotohanang iyon na nauunawaan mo?
Pagkatapos dumating sa Kanluran ang maraming Tsino, nais nilang ikintal sa mga taga-Kanluran ang kanilang tradisyonal na kultura at ang mga bagay na sa tingin nila ay tama at mabuti. Gayundin, hindi magpapatalo ang mga taga-Kanluran at naniniwala sila na ang kanilang mga tradisyonal na kultura ay napakatagal na rin. Halimbawa, ang sinaunang Roma, sinaunang Ehipto, at sinaunang Gresya ay lahat mayroong salitang “sinauna” sa mga ito, at mahigit sa tatlong libong taon na ang kanilang mga kultura. Kung titingnan ito batay sa numerong ito, mayroon ngang partikular na pamanang kultural dito, at ang mga bagay na nilikha ng pamanang kultural na ito ay itinuturing ng sangkatauhan bilang ang pinakadiwa ng lahat ng buhay ng tao, at ang kabuuan ng pinakadiwa ng mga bagay na nagmula sa buhay, pag-iral, at asal ng sangkatauhan. Ano ang tawag sa mga pinakadiwang bagay na ipinamana ng sangkatauhan? Tradisyonal na kultura. Sunod-sunod na henerasyon ng mga tao ang nagpasa ng tradisyonal na kulturang ito, at iniisip ng lahat sa kanilang puso na ito ang pinakamagandang bagay. Hindi mahalaga kung kaya itong sundin ng mga tao o hindi, sa pangkalahatan, ang mga tao sa lahat ng lahi ay itinuturing ito bilang isang bagay na nakahihigit sa lahat at itinuturing ito bilang katotohanan. Samakatwid, ang bawat lahi ng tao ay may ilang tradisyonal na bagay na napapatunayang tama at may partikular na malalim na impluwensiya sa kanila, at ginagamit nila ang mga bagay na ito upang makipagtunggali at makipaghambingan sa isa’t isa, at sinusubukan pa nga nilang lamangan ang isa’t isa. Halimbawa, sinasabi ng mga Intsik: “Masarap ang aming alak na baijiu, talagang mataas ang alcohol nito!” Sinasabi ng mga taga-Kanluran: “Ano ba ang maganda sa alak ninyo? Napakataas ng alcohol kaya nalalasing ka agad pagkatapos uminom, at dagdag pa rito, talagang masama ito sa atay. Ang red wine na iniinom naming mga taga-Kanluran ay mababa lang ang alcohol, hindi ito gaaanong nakakasama sa atay at nakakapagpaganda rin ito ng sirkulasyon ng dugo.” Sinasabi ng mga Intsik: “Ang baijiu namin ay nakakapagpaganda rin ng sirkulasyon ng dugo, at epektibong-epektibo ito. Kapag ininom mo ito, agad itong aakyat sa iyong ulo at magliliwanag ang iyong mukha. Hindi ganoon katapang ang red wine ninyo, hindi kayo nalalasing kahit gaano pa karami ang inumin ninyo. Alam mo, mayroon kaming kultura sa pag-inom ng alak, at kultura sa pag-inom ng tsaa.” Sinasabi ng mga taga-Kanluran: “Mayroon din kaming kultura sa pag-inom ng tsaa, kultura sa pag-inom ng kape, kultura sa pag-inom ng alak, at sa panahon ngayon, mayroon pa nga kaming kultura ng fast-food.” Sa kanilang paghahambing sa isa’t isa, walang nagpapatalo at walang tumatanggap ng kahit ano mula sa iba. Iniisip nilang lahat na ang sarili nilang mga bagay ang katotohanan, pero ang totoo, wala sa mga ito ang katotohanan. Maliban sa mga walang pananampalataya, ang pinakamalungkot na bagay ay na wala man lang sa mga nananampalataya sa Diyos—at mas malala pa, iyong mga tumanggap sa yugtong ito ng gawain sa loob ng 20 o 30 taon—ang nakapagtatanto na hindi talaga katotohanan ang mga bagay na ito. May ilan na nagsasabing, “Ayos lang ba na sabihing may kaugnayan ito sa katotohanan?” Ni hindi nga ayos na sabihing may kaugnayan ito. Hindi ito ang katotohanan, wala itong anumang kaugnayan o koneksiyon sa katotohanan, hindi magkatulad at hindi magkapareho ang mga ito. Tulad ng tansong nananatiling tanso kahit gaano pa kahusay ang pagkakabalot ng ginto o pagpapakintab dito, samantalang ang ginto na hindi pinakintab, makinang, o makislap ay nananatiling ginto—hindi magkapareho ang mga ito.
May ilan na nagtatanong: “Madali ba para sa mga taong nakatanggap ng medyo magandang tradisyonal at kultural na edukasyon at pagkokondisyon na tanggapin ang katotohanan?” Hindi, dalawang magkaibang usapin ang mga ito. Medyo naiiba lang ang kanilang pamumuhay, ngunit pareho ang mga saloobin ng mga tao sa pagtanggap ng katotohanan, ang kanilang iba’t ibang kaisipan at pananaw, at ang lawak ng katiwalian ng buong lahi ng tao. Nang nagsimulang magsalita ang Diyos sa yugtong ito ng Kanyang gawain, na sa mga huling araw, nagsasalita Siya sa konteksto ng mga Intsik, at ipinapaabot Niya ang Kanyang mga salita sa kanila. Lumipas ang tatlumpung taon, at nang kumalat ang mga salitang ito sa iba’t ibang lahi sa ibang parte ng Asya, at sa mga lugar tulad ng Europa at Amerika, at iba pa, pagkatapos basahin ng mga tao ang mga salitang ito, hindi mahalaga kung ang mga tao ay itim, puti, kayumanggi o dilaw, sinasabi nilang lahat na, “Ang mga salitang ito ay tungkol sa atin.” Inilalantad ng mga salita ng Diyos ang mga tiwaling disposisyon ng lahat ng tao. Ilang tao ang nagsasabi na, “Lahat ng mga salitang ito ay para sa inyong mga Intsik. Sinasalita ng mga ito ang tungkol sa mga tiwaling disposisyon ninyong mga Intsik, na wala sa amin.” Napakaliit na bilang lang ng mga tao, iyong mga walang espirituwal na pagkaunawa, ang magsasabi ng gayong mga bagay. Noon, may ganito ring maling pagkaunawa ang mga taga-Timog Korea. Naniniwala sila na ang mga taga-Timog Korea ay namumuhay sa ilalim ng isang demokratiko at malayang sistemang panlipunan at naimpluwensiyahan ng kulturang Kristiyano, pati na ng libo-libong taon ng kulturang Koreano, kaya’t mas kilala at mas marangal ang kanilang lahi kaysa sa mga Intsik. Bakit nila naisip iyon? Dahil pagkatapos makarating sa South Korea ang maraming Intsik, ginawa nilang marumi at mas maingay ang mga lugar na pinuntahan nila, tumaas ang bilang ng pagnanakaw at krimen, at nagsanhi ito ng ilang masamang epekto sa klimang panlipunan. Samakatwid, naniniwala ang mga kapatid sa Timog Korea na “ang mga Intsik ay mga anak ng malaking pulang dragon at mga inapo ni Moab. Kaming mga taga-Timog Korea ay hindi nagawang tiwali ng malaking pulang dragon.” Ano ang ipinapahiwatig nila sa pagsasabi nito? Ito ay na “hindi kami nagawang tiwali ng malaking pulang dragon, kaya hindi kami kasingtiwali ng mga Intsik. Ang mga Intsik ay mas tiwali kaysa sa amin. Mas mabuti kami kaysa sa mga Intsik.” Ano ang ibig nilang sabihin sa “mas mabuti”? (May mas mabuting pag-uugali.) Sa isang banda, ito ay tungkol sa pag-uugali. Sa kabilang banda, naniniwala sila mula sa kaibuturan ng kanilang puso na ang tradisyonal na kultura na nilikha at tinanggap ng bansang Timog Korea mula pa sa simula ng kasaysayan ay marangal, higit pa sa kultura at mga tradisyon ng bansang Tsina, at ang mga tao at lahing kinondisyon ng ganitong uri ng tradisyonal na kultura ay mas marangal kaysa sa mga kinondisyon ng tradisyonal na kultura ng Tsina. Samakatwid, kapag nagbabasa sila ng mga salita ng Diyos at nakikita nilang sinasabi ng Diyos na, “Kayong mga walang kuwenta,” iniisip nila na ang tinutukoy ng Diyos ay ang mga Intsik. Sinasabi ng mga kapatid na Intsik na: “Ang ‘kayo’ na binabanggit ng Diyos ay tumutukoy sa sangkatauhan.” Sinasabi naman ng mga taga-Timog Korea, “Hindi iyan tama, ‘kayo’ ang tinutukoy ng Diyos, hindi kami. Hindi kasali ang mga taga-Timog Korea sa ipinahihiwatig ng Diyos.” Ganoon ang iniisip nila. Ibig sabihin, kahit saan mang aspekto nila tingnan ang mga bagay-bagay, ang kanilang mga pananaw at perspektiba ay hindi nagmumula sa perspektiba ng katotohanan, lalo na sa isang obhetibo at patas na perspektiba. Sa halip, tinitingnan nila ang mga bagay-bagay mula sa konteksto ng isang lahi at isang tradisyonal na kultura. Kaya, kahit paano man nila tingnan ang mga bagay-bagay, ang mga kasunod na resulta ay salungat sa katotohanan. Dahil kahit paano man nila tingnan ang mga bagay-bagay, ang kanilang panimulang punto ay palaging, “Lahat ng tungkol sa aming dakilang bansang Timog Korea ay tama, lahat ng tungkol dito ay ang pamantayan, at ang lahat ng tungkol dito ay tama.” Tinitingnan at sinusukat nila ang lahat mula sa maling perspektiba at panimulang punto, kung gayon, tama ba ang mga resultang nakikita nila o mali? (Mali.) Tiyak na mali ang mga ito. Kung gayon, ano ang dapat na pamantayan sa pagsukat ng lahat ng bagay? (Ang katotohanan.) Ang katotohanan dapat—ito ang pamantayan. Ang kanilang pamantayan mismo ay mali. Sinusukat nila ang lahat ng bagay at lahat ng pangyayari mula sa maling perspektiba at pananaw, kaya ang mga sinukat na resulta ay tiyak na mali, hindi patas, hindi tama, at lalo namang hindi obhetibo. Kaya, mahirap para sa kanila na tanggapin ang ilang banyagang bagay, at bukod pa rito, ang kanilang pag-iisip ay labis-labis, sarado, makitid, at madaling uminit ang ulo. Saan nanggagaling ang kanilang pagkamainitin ng ulo? Ito ay kahit na anong sabihin nila, kailangan nilang banggitin ang “aming dakilang bansang Timog Korea,” at iginigiit nilang idagdag ang salitang “dakila.” Ano ang ibig sabihin ng “dakila”? Hindi ba’t ang salitang “dakila” ay kumakatawan sa kayabangan? Kung maglalakbay ka sa buong mundo o titingin sa isang atlas, gaano kalaki ang Timog Korea? Kung talagang mas malaki ito kaysa sa ibang mga bansa at talagang maaari itong tawaging dakila, kung gayon, sige, tawagin itong “dakila.” Subalit kung ikukumpara sa ibang mga bansa sa mundo, hindi kalakihan ang Timog Korea, kung gayon bakit nila iginigiit na tawagin itong “dakila”? Dagdag pa rito, hindi mahalaga kung malaki o maliit ang isang bansa, ang mga panuntunan at tradisyonal na kulturang idinudulot nito ay hindi nagmumula sa Diyos, at tiyak na hindi nagmumula sa katotohanan. Ito ay dahil bago pa man tanggapin ng isang tao ang katotohanan at ang pagliligtas ng Diyos, lahat ng ideya na kanilang tinatanggap ay nagmumula kay Satanas. Ano ang idinudulot sa mga tao ng lahat ng ideya, pananaw, at tradisyonal na kulturang binuo ni Satanas? Ang idinudulot nila ay panlilinlang, katiwalian, pagkakagapos, at mga pagpipigil, na nagreresulta sa pagkakaroon ng tiwaling sangkatauhan ng makitid at labis-labis na pag-iisip, at mga pananaw sa mga bagay na may pinapanigan at may kinikilingan, maging hanggang sa punto ng pagiging katawa-tawa at walang kabuluhan—ito ang mga kahihinatnan ng pagtitiwali ni Satanas sa sangkatauhan. Kaya, kapag naririnig ng mga tao sa maraming bansa at maging ng ilang lahi ang mga salitang “Nagkatawang-tao ang Diyos sa Tsina,” ano ang kanilang unang reaksiyon? Isang salita—imposible! Saan nila iniisip na maaaring naganap iyon? (Israel.) Tama, Israel. Gustong-gusto ng mga tao na sumunod sa mga regulasyon at mga kuru-kuro. Iniisip nila na ang Israel ang lugar kung saan gumawa ng gawain ang Diyos, at na dapat magpakita ang Diyos sa Israel, o sa isang makapangyarihang imperyo na kanilang iginagalang, o, sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, iniisip nila na dapat magpakita ang Diyos sa isang bansa na minsang naging isang sinaunang kabihasnan. Ang Tsina ay tiyak na hindi ganoong bansa, kaya mahirap para sa kanila na tanggapin ang patotoo na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Tsina, at ito lang ay sapat na para mawala sa kanila ang pagkakataong ito na maligtas. Sino ang nagsanhi nito? (Sila mismo.) Dahil nagkikimkim sila ng ganoong kuru-kuro, at sila ay naging mapaghimagsik, at hindi man lang nila hinahanap ang katotohanan para malutas ang problema, nakagawa sila ng kakila-kilabot na pinsala sa kanilang sarili at sinira nila itong kaisa-isa at natatanging pagkakataon na makamit ang kaligtasan.
Marami sa mga imahinasyon at kuru-kuro na mayroon ang mga tao kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan, at maging ang ilang bagay na sinasamba ng mga tao, ang sobrang katawa-tawa at walang kabuluhan. Isang babaeng taga-Timog Korea, na nasa Estados Unidos at gusto ang bansang iyon, ang nakipag-ugnayan sa mga Amerikano at tinanong siya ng isa sa mga ito: “Malapit na ang Spring Festival. Ano ang kinakain ng mga Intsik kapag Spring Festival?” Sagot ng babae: “Hindi ako Intsik, taga-Timog Korea ako.” Sumagot ang Amerikano, “Kung gayon, hindi ba’t nagdiriwang din ng Spring Festival ang mga taga-Timog Korea?” Sumagot ang babae, “Kaming mga taga-Timog Korea ay hindi nagdiriwang ng Spring Festival.” Ang sabi ng Amerikano: “Akala ko kasi nagdiriwang din ng Spring Festival ang mga taga-Timog Korea gaya ng mga Intsik.” Sumagot siya sa napakabiglaang tono: “Hindi kami pareho ng mga Intsik! Tama bang isipin mo na nagdiriwang kami ng Spring Festival? Malubha nitong iniinsulto ang dignidad naming mga taga-Timog Korea!” Talaga bang hindi nagdiriwang ng Spring Festival ang mga taga-Timog Korea? (Nagdiriwang sila.) Sa katunayan, nagdiriwang din ng Spring Festival ang mga taga-Timog Korea. Kung gayon, bakit niya sinabi na hindi ito ipinagdiriwang ng mga taga-Timog Korea? Talakayin natin ang usaping ito. Tama bang ipagdiwang ang Spring Festival o hindi? Maaari ba ninyong ipaliwanag nang malinaw ang bagay na ito? Para sa mga dayuhan, ang pagdiriwang ng Spring Festival ay hindi isang kahiya-hiyang bagay mismo. Ito ay isang espesyal na ritwal na gumugunita sa isang mahalagang araw sa buhay ng mga tao. Para sa mga tao na namumuhay sa mundong ito ng tradisyonal na kultura, ang pagdiriwang ng Spring Festival ay hindi isang mali o kahiya-hiyang bagay, kung gayon, bakit hindi naglalakas-loob ang babae na amining nagdiriwang siya ng Spring Festival? Dahil kapag inamin niyang nagdiriwang siya ng Spring Festival, hindi na siya maituturing na taga-Kanluran, at mababansagan siya bilang isang napakatradisyonal na taga-Silangang Asya, at ayaw niyang isipin ng mga tao na siya ay isang tradisyonal na babaeng taga-Silangang Asya. Gusto niyang isipin ng mga tao na wala siyang mga tradisyon ng Silangang Asya, at na hindi niya naiintindihan ang mga tradisyon ng Silangang Asya, o na wala man lang siyang nalalaman tungkol sa mga ito. Gusto rin niyang malaman ng iba na magaling siyang magsalita ng Ingles, nagkukulay ng olandes sa kanyang buhok, nagsusuot ng asul na contact lenses, nananamit na gaya ng isang taga-Kanluranin, at kasingtapang at hindi napipigilan, malaya, nakakapagsarili, at kasingtalino tulad ng mga taga-Kanlurang babae—ganoon ang gusto niyang pagturing sa kanya ng mga tao. Kaya, sa ilalim ng impluwensiya ng ganitong pag-iisip, tuwing may nangyayari sa kanya, umaayon ang kanyang pagkilos sa ganitong pag-iisip. Sa tuwing may nagtatanong sa kanya kung nagdiriwang ba ng Spring Festival ang mga taga-Timog Korea, sinasabi niya, “Kaming mga taga-Timog Korea ay hindi nagdiriwang ng Spring Festival.” Kung sasabihin ng mga malalapit sa kanya na, “Malinaw naman na nagdiriwang tayo ng Spring Festival, bakit mo sinasabing hindi tayo nagdiriwang nito?” ano ang kanyang isasagot? “Hangal ka. Kung sasabihin ko na nagdiriwang tayo ng Spring Festival, hindi ba’t malalaman nila na isa akong tradisyonal na taga-Timog Korea?” Gusto niyang isipin ng mga tao na ipinanganak at pinalaki siya sa Estados Unidos. Kung tatanungin mo siya, “Dito ka ipinanganak, pero ilang henerasyon nang naririto ang pamilya mo?” Sasabihin niya: “Dito lumaki ang mga ninuno namin.” Iniisip niya na ito ay simbolo ng pagkakakilanlan at katayuan, kaya labis siyang nagsisinungaling tungkol dito, at hindi siya natatakot na mahuli ng iba. Anong klase ng pag-iisip ito? Karapat-dapat bang magsinungaling tungkol sa bagay na ito? Sulit bang mapahamak para dito? Hindi, hindi sulit. Kahit ang gayong kaliit na bagay ay maaaring maglantad sa mga kaisipan at pananaw ng isang tao. Anong uri ng mga kaisipan at pananaw ang nalalantad? Ang ilang Intsik na babae ay talagang maganda, pero kailangan pa nilang kulayan ng olandes ang kanilang buhok, kulutin ito, magsuot ng iba’t ibang kulay ng contact lenses na nagpapabago sa kulay ng kanilang mata, at pagmukhain ang kanilang sarili bilang mga dayuhan—talagang nakakaasiwang tingnan. Bakit kailangan nilang umasal nang ganoon? Nagbago ba ang kanilang lahi pagkatapos nilang magbihis nang ganoon? Kahit na magbago ang kanilang lahi, at sa kanilang susunod na buhay ay muli silang isinilang bilang puti, o isang tao na may lahing hinahangaan nila—ano naman kung gayon? Nakikita ba ninyo nang malinaw ang usaping ito? Kung iginigiit ng isang tao na umasal sa isang partikular na istilo at pag-uugali, at pinalalabas ang kanilang sarili bilang isang miyembro ng bansa o lahi na kanilang iginagalang, bakit ganito? Mayroon bang kaisipan sa likod nito na kumokontrol dito? Ano ang kaisipang kumokontrol dito? Katulad ito ng babaeng taga-Timog Korea; kapag tinatanong siya ng mga Amerikano kung marunong siyang maglaro ng table tennis, sinasabi niya, “Ano iyang table tennis? Mga Intsik lang ang naglalaro niyan. Naglalaro kami ng tennis at golf.” Anong klaseng tao ang may kakayahang umasal at magsalita nang ganito? Hindi ba’t medyo huwad ito? Kapag ang lahat ay huwad, nagiging masyadong nakakapagod ang buhay! Aasal ba kayo nang ganito? May ilang Intsik na naninirahan sa Kanluran sa loob ng mga dekada ang hindi na marunong magsalita ng Intsik pagbalik nila sa kanilang mga bayan. Masama ba ito? (Oo.) Sinasabi ng ilan: “Hindi natin dapat kalimutan ang ating pinanggalingan. Sinasabi rin ng Diyos na hindi dapat kalimutan ng mga tao ang kanilang pinanggalingan. Ang Diyos ang pinanggalingan ng mga tao. Ang mga tao ay nilikha ng Diyos, at ang lahat tungkol sa mga tao ay nagmumula sa Diyos, kaya bilang mga nilikha, dapat sambahin ng mga tao ang Diyos—ito ang ibig sabihin ng hindi pagkalimot sa pinanggalingan ng isang tao.” Hindi ba’t totoo ito? May katotohanan na dapat hanapin sa bawat sitwasyon, pero hindi hinahanap ng mga tao ang katotohanan, at lubos silang sumusunod sa tradisyonal na kultura. Bakit ganoon? May mga nagsasabi: “Hindi namin kailanman nakakalimutan ang aming pinanggalingan. Kahit saan kami magpunta, inaamin namin na kami ay Intsik, at inaamin namin na mahirap at paurong ang aming bansa. Hinding-hindi namin kailanman makakalimutan ang aming pinanggalingan.” Tama ba ito? Ang lahat ng problemang ito, sa isang aspekto, ay dulot ng napakalalim na impluwensiya at edukasyon nitong mga diumano’y tradisyonal na kultura sa sangkatauhan. Ang isa pang aspekto ay na kahit nakapakinig ang mga tao ng mga sermon sa loob ng napakaraming taon, hindi nila maingat na pinagninilay-nilayan at hinahanap kung ano ang katotohanan. Sa halip, madalas nilang ginagamit ang tradisyonal na kultura at mga napakababang bagay na mayroon na sila, na kanila nang natutunan at matibay na nakabaon, at itinuturing nila ang mga ito bilang mga katotohanan. Ito ang pangalawang aspekto. Pangatlo, pagkatapos makinig sa mga sermon, hindi hinahanap ng mga tao ang katotohanan sa mga salita ng Diyos. Sa halip, gumagamit sila ng mga tradisyonal na perspektiba at ng kaalaman at mga natutunan sa mga kuru-kuro ng tao na dati na nilang alam para sukatin ang mga salita ng Diyos. Kaya hanggang ngayon, bagama’t nakapakinig ang mga tao sa maraming sermon, ang mga diumano’y prinsipyo ng pag-asal at paggampan sa tungkulin at paglilingkod sa Diyos na ipinapasa ng mga tao sa pamamagitan ng pagsasalita ay kadalasang nakabatay rin sa ilang kaalaman, salawikain, at karaniwang kasabihan na itinuturing nilang tama. Halimbawa, kung may ginawang mali ang ilang tao at pinungusan sila ng mga lider ng iglesia o ng mga kapatid, iisipin nila na: “Humph, ‘Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo’ at ‘Huwag pagbuhatan ng kamay ang isang nakangiting mukha.’ Pagdating sa pagkakapungos ng pagkukulang kong ito, matiyaga ko itong tinanggap nang may ngiti—bakit patuloy mo akong inilalantad?” Sa panlabas, masunurin silang nakikinig at nagpapasakop, pero sa katunayan, sa kaibuturan ng kanilang puso ay gumagamit sila ng mga tradisyonal na kuru-kuro para kontrahin at suwayin ang mga lider ng iglesia o ang mga kapatid. Ano ang dahilan ng kanilang pagsuway? Ito ay dahil inaakala nila na ang mga kasabihang “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo” at “Huwag pagbuhatan ng kamay ang isang nakangiting mukha” ay mga tiyak na katotohanan at tama, at na mali para sa sinuman na patuloy na pungusan at ilantad sila nang walang kahit katiting na bahid ng damdamin, at iyon ay hindi ang katotohanan.
Nagkamit na ba kayo ng mas malalim na pagkaunawa sa katotohanan mula sa nilalaman na pinagbahaginan natin? (Oo.) Maaaring sinasabi ng ilan na: “Ngayon na sinabi Mo sa amin ito, hindi namin alam kung ano ang mga prinsipyong dapat naming sundin sa pagsasagawa. Kung wala ang mga tradisyonal na kultura at mga kuru-kuro at kaalaman na ito, paano kami dapat mamuhay? Paano kami dapat kumilos? Kung wala ang mga bagay na ito para pamahalaan kami, paano namin maibubuka ang aming mga bibig at maipapangaral ang mga salita ng Diyos? Kung wala ang mga bagay na ito, hindi ba’t mawawala ang batayan namin para ipangaral ang mga salita ng Diyos? Kung gayon, ano pa ang matitira sa amin?” Ang sinasabi Ko sa kanila ay na, kung talagang wala ka ng mga bagay na ito, mas magiging madaling hanapin ang katotohanan, at mas magiging madaling tanggapin ang katotohanan at bumalik sa Diyos. Dati, kapag binuksan mo ang iyong bibig, lahat ng lumalabas ay mga satanikong pilosopiya at kultural na kaalaman tulad ng “Ang matalinong tao ay nagpapasakop sa mga sitwasyon,” “Huwag pagbuhatan ng kamay ang isang nakangiting mukha,” “Wala nang silbi ang pagpupugot ng mga ulo,” at iba pa. Ngayon, nag-iisip at nagninilay-nilay ka na, “Hindi ko pwedeng sabihin iyan, mali lahat ang mga kasabihang ito, itinakwil at kinondena na ang mga ito, kaya ano pa ang dapat kong sabihin? Magpatuloy sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos nang may kababaang-loob at nang maayos, at hanapin ang batayan mula sa mga salita ng Diyos.” Ginagawa ng mga tao ang kanilang tungkulin at sumusunod sila sa Diyos, ngunit sa tuwing ibinubuka nila ang kanilang mga bibig, ang lahat ng lumalabas ay itong mga salawikain, kasabihan, at ilang bagay at pananaw na nakukuha nila mula sa tradisyonal na kultura. Walang sinuman, sa tuwing may nangyayari sa kanila, ang lubos na nakakapagbigay-puri o nakakapagpatotoo sa Diyos, at magsasabi na, “Sinasabi ito ng Diyos” o “Sinasabi iyan ng Diyos.” Walang sinuman ang nagsasalita nang ganoon, walang sinuman ang nagbubuka ng kanilang bibig at tuloy-tuloy na nakakapagbigkas ng mga salita ng Diyos. Hindi mo kayang tuloy-tuloy na bigkasin ang mga salita ng Diyos, ngunit kaya mong tuloy-tuloy na bigkasin ang mga karaniwang kasabihang iyon, kung gayon, ano ba talaga mismo ang nilalaman ng puso mo? Ang lahat ng bagay na iyon na nagmumula kay Satanas. Ang ilang tao, kapag sinusuri ng lider ng kanilang grupo ang kanilang gawain, ay nagsasabing: “Ano ang tinitingnan mo? Huwag pagdudahan ang mga taong kinukuha mo o huwag kumuha ng mga taong pinagdududahan mo. Kung palagi mo akong pinagdududahan, bakit mo ako ginagamit? Humanap ka na lang ng iba na gagawa nito.” Iniisip nila na ito ang tamang paraan ng pagkilos, hindi nila pinapayagan ang iba na mangasiwa at magbatikos. Mayroon ding mga tao na labis na nagdusa sa paggawa sa kanilang mga tungkulin, ngunit dahil hindi nila hinanap ang mga prinsipyo at nagdulot sila ng pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia, sila ay pinalitan sa huli, at pinungusan din. Pagkatapos makinig sa ilang mapagkondenang komento, sumusuway sila at iniisip nila na, “May kasabihan na, ‘Maaaring hindi ako nakakuha ng anumang papuri, ngunit nagsikap at nagpakapagod pa rin ako.’ Nagawa ko lang ang maliit na pagkakamaling ito, ano ang problema roon?” Dahil una nilang natutunan ang karaniwang kasabihang ito at kaya matatag itong nakaugat sa kanila, namamahala at nag-iimpluwensiya sa kanilang pag-iisip, inuudyukan silang gamitin ang kasabihang ito—sa ganitong kapaligiran at pagkatapos mangyari ang sitwasyong ito—bilang batayan sa pagsuway at hindi pagpapasakop sa pakikitungo sa kanila ng sambahayan ng Diyos. Sa gayong sitwasyon, kaya pa ba nilang magpasakop? Madali pa rin ba para sa kanila na tanggapin ang katotohanan? Kahit na sa panlabas ay nagpapasakop sila, ito ay dahil wala silang ibang pagpipilian at ito na lang ang huling paraan. Kahit na sa panlabas ay hindi sila lumalaban, mayroon pa ring pagtutol sa puso nila. Ito ba ay tunay na pagpapasakop? (Hindi.) Ito ay wala sa loob na paggawa, hindi ito tunay na pagpapasakop. Walang pagpapasakop dito, tanging pagbibigay-katwiran, pagiging negatibo, at pagkontra. Paano lumitaw ang pagbibigay-katwiran, pagiging negatibo, at pagkontra na ito? Ang mga ito ay nagmula sa kasabihang “Maaaring hindi ako nakakuha ng anumang papuri, ngunit nagsikap at nagpakapagod pa rin ako.” Anong uri ng disposisyon ang pinukaw ng kasabihang ito sa mga taong ito? Pagsuway, pagmamatigas, pagkontra, at pagbibigay-katwiran. Nagkamit na ba kayo ng karagdagang pagkaunawa sa katotohanan mula sa pagbabahaginang ito? Kapag nahimay-himay at nakilatis na ninyo ang mga negatibong bagay na ito at naalis na ito mula sa puso ninyo, magagawa na ninyong hanapin at isagawa ang katotohanan sa tuwing may mangyayari sa inyo, dahil tinalikuran na ang mga lumang bagay, at hindi ka na mahihimok na umasa sa mga ito sa paggawa ng iyong mga tungkulin, sa paglilingkod sa Diyos, at sa pagsunod sa Diyos. Ang mga bagay na iyon ay hindi na ang mga prinsipyo ng iyong pag-asal, hindi na ang mga ito ang mga prinsipyo na dapat mong sundin sa paggawa ng iyong mga tungkulin, at ang mga iyon ay binatikos at kinondena na. Kung kukunin at gagamitin mong muli ang mga ito, ano ang mangyayari sa kaibuturan ng puso mo? Masisiyahan ka pa kaya ng ganoon? Makatitiyak ka pa rin ba na nasa tama ka? Malinaw naman na walang katiyakan iyon. Kung talagang aalisin ang mga bagay na ito sa loob mo, kung gayon ay dapat mong hanapin sa mga salita ng Diyos kung ano mismo ang mga tunay na prinsipyo at ano mismo ang mga hinihingi ng Diyos. Madalas sabihin ng ilang tao na, “Gawin kung ano ang utos ng iyong amo, kung hindi ay wala kang makakamit na kahit ano mula sa kahit na pinakamasigasig na pagsisikap” Tama ba o mali ang kasabihang ito? Tiyak na mali ito. Paanong mali ito? Sino ang tinutukoy na “amo” sa pariralang “Gawin kung ano ang utos ng iyong amo”? Ang iyong tagapag-empleyo, ang iyong boss, ang iyong nakatataas. Ang salitang “amo” mismo ay mali. Ang Diyos ay hindi ang iyong tagapag-empleyo, hindi ang iyong boss, at hindi ang iyong manager. Ang Diyos ay ang Diyos mo. Ang mga manager, boss, at nakatataas ay lahat parehong uri at nasa parehong antas ng mga tao. Sa diwa, sila ay magkatulad; mga tiwaling tao sila lahat. Nakikinig ka sa kanila, tumatanggap ng sahod mula sa kanila, at ginagawa mo ang anumang iniuutos nila sa iyo. Binabayaran ka nila para sa anumang dami ng trabaho na ginagawa mo, at wala nang iba pa. Ano ang ibig sabihin ng “makakamit” sa pariralang “kung hindi ay wala kang makakamit na kahit ano mula sa kahit na pinakamasigasig na pagsisikap”? (Kredito.) Kredito at bayad. Ang motibasyon ng iyong mga kilos ay ang mabayaran. Hindi ito nangangailangan ng katapatan o pagsunod, at hindi rin ito nangangailangan ng paghahanap sa katotohanan at ng pagsamba—walang ganito, ito ay transaksiyon lamang. Ito ay tiyak na isang bagay na binabatikos at kinokondena sa iyong pananampalataya sa Diyos, paggawa sa iyong tungkulin, at paghahangad sa katotohanan. Kung itinuturing mong bilang isang katotohanan ang kasabihang “Gawin kung ano ang utos ng iyong amo, kung hindi ay wala kang makakamit na kahit ano mula sa kahit na pinakamasigasig na pagsisikap,” kung gayon, ito ay isang malubhang pagkakamali. Kapag sinusubukan mong ipaunawa sa ilang tao ang katotohanan, magiging mabagal at matamlay ang kanilang reaksiyon, at kahit gaano man sila karami kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, hindi nila mauunawaan ang kahit isa o dalawang katotohanan, hindi rin nila maaalala ang kahit isa o dalawang parirala ng mga salita ng Diyos. Ngunit pagdating sa mga patok na salita, salawikain, at mga karaniwang kasabihan na madalas na ipinapakalat sa mga tao, at itong mga bagay na madalas na sinasabi ng mga ordinaryong tao, tinatanggap nila ito nang sobrang bilis. Kahit gaano pa kahangal ang isang tao, kahit siya ay tinatanggap nang sobrang bilis ang mga bagay na ito. Paano nangyari ito? Anuman ang iyong lahi o kulay, sa huling pagsusuri, kayong lahat ay mga tao at iisang uri lang kayo lahat. Tanging ang Diyos ang naiibang uri sa mga tao. Ang mga tao ay magpakailanman na iisang uri kagaya ng ibang mga tao. Kaya, sa tuwing may gagawin ang Diyos, hindi madali para sa buong sangkatauhan na tanggapin ito, samantalang, sa tuwing may ginagawa ang sinuman sa sangkatauhan, kahit sino pa man o gaano man kababa ang taong gumagawa nito, kung tumutugma ito sa mga kuru-kuro ng lahat, mabilis itong tatanggapin ng lahat, dahil ang mga ideya, pananaw, paraan ng pag-iisip, at antas at landas ng pang-unawa ng mga tao, ay pare-pareho lang sa pangkalahatan, nagkakaiba lamang sa maliliit na antas. Kaya, sa sandaling may nagsabi ng isang bagay na may katangian ng kuru-kuro at hindi tugma sa katotohanan, may ilang tao na mabilis itong tatanggapin, at ganoon lang talaga iyon.
Medyo naunawaan mo na ba kung ano ang katotohanan, at kung ano ang mga bagay na hindi katotohanan ngunit nagpapahiwatig na ito ang katotohanan? Ano pang mga gayong bagay ang nasa isipan ninyo? Hindi pa ninyo masasabi ang mga ito sa ngayon, nang agaran, dahil hindi maituturing na kaalaman ang mga ito, hindi katulad ng isang bagay sa libro ang mga ito na pwede ninyong balik-balikan sa pamamagitan ng paglipat-lipat sa mga pahina. Sa halip, ito ay mga bagay na hindi ninyo mapigilang sabihin nang malakas sa tuwing may nangyayari, sa napakanatural na paraan na hindi ninyo makontrol. Pinatutunayan nito na ang mga bagay na iyon ay naging buhay ninyo at nagkaugat na nang malalim sa inyong mga buto. Hindi ninyo maaalala ang mga iyon kapag hiniling sa inyo na alalahanin ang mga iyon, pero hindi rin ninyo mapigilang sabihin ang mga iyon kapag hiniling sa inyo na huwag sabihin ang mga iyon. Sa tuwing may nangyayari, lumalabas ang mga baluktot na pananaw na iyon—ito ay isang katunayan. Maglaan ka ng oras upang maranasan. Simula ngayon, kailangan ninyong bigyang-pansin ang mga bagay na iyon na madalas sabihin ng mga tao at na iniisip nilang tama. Nabanggit na natin dati ang ilan sa mga lason ng malaking pulang dragon at mga pilosopiya ni Satanas para sa makamundong pakikitungo. Maaaring madaling makilatis ang mga bagay na iyon mula sa perspektiba ng literal na kahulugan ng mga iyon, ibig sabihin, madaling malalaman ng mga tao na tiyak na hindi katotohanan ang mga iyon, at malinaw nilang masasabi na ang mga iyon ay ang lason ng malaking pulang dragon, at na mayroong mga tusong pakana sa likod ng mga iyon. Madaling makilatis ang mga bagay na iyon, at sa palagay Ko ay medyo kaya ninyong matukoy ang mga iyon kapag ipinahimay-himay sa inyo. Naiwaksi na ninyo ang mga bagay na iyon na malinaw na mala-satanas, pero marami pa ring kasabihan sa puso ninyo tulad ng “tiisin ang kahihiyan at pasanin ang mabigat na suliranin,” at “pagtulog sa kasukalan at pagdila ng apdo,” at “Huwag pagbuhatan ng kamay ang isang nakangiting mukha,” at “Ang makatarungang layunin ay nakakakuha ng maraming suporta samantalang ang hindi makatarungan ay nakakakuha lamang ng kakaunti,” at “Ang isang maginoo ay hindi tumatanggap ng mapang-insultong limos.” Sa kaibuturan ng inyong puso, maaaring nilalagyan pa rin ninyo ng tsek ang mga kasabihang ito at iniisip na, “Ang mga ito ay mahalaga. Ang lahat ng disenteng bagay tungkol sa kung paano ako dapat umasal sa buhay na ito ay nasa mga kasabihang ito,” at ang mga bagay na ito ay hindi pa natuklasan. Kapag lubusan na itong natuklasan at nagkaroon na kayo ng pagkilatis dito, sa hinaharap, kapag lumabas ang mga tradisyonal na kultural na bagay na ito, ito man ay isang natural na reaksiyon o isang pagsasalamin ng mga obhetibong kondisyon, agad mong mapagtatanto na ang mga bagay na ito ay mali at tiyak na hindi ang katotohanan. Sa panahong iyon, ang iyong antas ng katalusan at pagkilala sa katotohanan ay magiging mas mataas kaysa sa ngayon. Ano ang ibig Kong sabihin sa “mas mataas kaysa sa ngayon”? Ang ibig Kong sabihin ay maaabot mo ang isang partikular na tayog, mas gagaling ang iyong kakayahan na kumilatis, ang iyong karanasan at pag-unawa sa katotohanan ay magiging mas malalim kaysa sa ngayon, at mararamdaman mo kung ano talaga ang katotohanan. Ngayon, maaaring iniisip mo na, “Ang lahat ng tradisyonal na kultura na nagmumula kay Satanas at na nabuo mula sa kultural na pinanggalingan ng lahat ng etnikong grupo sa mundong ito ay mali.” Ito ay isang pangkalahatang paraan ng pagsasabi tungkol dito, ngunit maaaring hindi mo pa alam kung alin sa mga ito ang mali at kung paano naging mali ang mga ito. Kaya, kailangan mong himay-himayin at unawain ang bawat isa nang sunud-sunod, at pagkatapos ay umabot sa punto kung saan magagawang bitiwan ito, kondenahin, ganap na ihiwalay ang iyong sarili mula rito, at mamuhay nang hindi ayon dito kundi ayon sa mga salita ng Diyos. Sa ngayon, maaaring alam mo lang ayon sa iyong sariling kagustuhan na ang mga salawikaing iyon, mga karaniwang kasabihan, mga sikat na kawikaan, at mga salitang iyon na madalas na nababanggit ay walang anumang kaugnayan sa mga salita ng Diyos at hindi ang katotohanan, ngunit sa tuwing may nangyayari, hindi namamalayang ginagamit mo pa rin ang mga salitang ito bilang batayan sa pagkondena sa iba, pagpigil sa iyong sarili, at paggabay sa iyong pag-uugali. Nililimitahan at minamanipula ng mga ito ang iyong mga kaisipan at pananaw, na maaaring magdulot ng problema, at makakaapekto sa iyong pagpasok sa katotohanan. Bagaman, isang araw, maaari pa ring lumitaw sa puso mo ang mga bagay na ito na mula kay Satanas, kung magagawa mong kilatisin ang mga ito, mamuhay nang hindi umaasa sa mga ito, at magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, talagang magkakaroon ka ng tayog. Mayroon ka ba ng tayog na ito ngayon? Wala pa. Kung may isang kasabihan na kinikilala ninyong lahat bilang tama, at kung may mga parehong pahayag na marahil ay matatagpuan sa mga salita ng Diyos—bagamat hindi ganap na ipinapahayag ang mga ito sa parehong paraan—maaaring mali mong paniniwalaan na ang kasabihang ito ay ang katotohanan din, at na ito ay kapareho ng mga salita ng Diyos. Kung hindi mo pa rin malinaw na nakikita ang mga bagay na ito, at kung kumakapit ka pa rin sa mga salita ng tao at hindi ka handang bitiwan ang mga ito, kung gayon, maaapektuhan ng kasabihang ito ang iyong pagpasok sa katotohanan, dahil hindi ito mga salita ng Diyos at hindi nito kayang palitan ang katotohanan.
Sa panahon ngayon, patuloy Akong nagbabahagi tungkol sa kung ano ang katotohanan. Ibig sabihin, seryoso Ako sa inyo. Upang maunawaan ninyo ang katotohanan, kinakailangan nating suriin ang iba’t ibang ideya at pananaw ng mga tao, ang kanilang mabubuting gawa at mabubuting intensiyon, at ilang tamang kasabihan at karaniwang kaugalian na inaasahan ng mga tao para mabuhay, pati na ang ilang ideya at pananaw mula sa tradisyonal na kultura, at himay-himayin at kilatisin ang lahat ng ito upang makita kung talagang naaayon ang mga ito sa katotohanan, at kung talagang may kinalaman ang mga ito sa katotohanan. Kung naniniwala ka na ang mga ito ang katotohanan, ano ang batayan mo sa paninindigang ito? Kung natutukoy mong katotohanan ang mga ito batay sa mga satanikong teorya at turo, kung gayon ay nabibilang ka kay Satanas. Kung hindi naaayon sa katotohanan ang mga bagay na ito, kung gayon ay nagmumula ang mga ito kay Satanas, kaya kailangan mong himay-himayin kung ano mismo ang diwa ng mga ito. Sa partikular, kailangang magkaroon ng tamang pagkaunawa at tamang saloobin ang isang tao tungkol sa maraming kasabihan at pananaw sa tradisyonal na kultura na naipasa sa pamamagitan ng usap-usapan mula sa isang henerasyon papunta sa susunod. Sa ganitong paraan lamang tunay na mauunawaan at malalaman ng mga tao kung ano talaga ang katotohanan, at tumpak na makakaunawa kung ano ang hinihingi ng Diyos sa mga tao, at kung ano talaga ang ibig sabihin ng pariralang “Ang lahat ng sinasabi ng Diyos ay katotohanan.” Kasabay nito, nagbibigay-daan din ito sa mga tao na malaman kung bakit—dahil may mga ganitong pananaw at kasabihan ang mga tao na sinasabing naaayon sa mga etikang moral, pagkatao, at mga sekular na kaugalian ng ugnayan ng tao, at dahil may mga ideya, pananaw, at kasabihan silang ganito na inaasahan para mamuhay—nagpapahayag pa rin ang Diyos ng mga katotohanan upang iligtas ang mga tao, at higit pa rito, kung bakit sinasabi ng Diyos na tanging ang katotohanan ang makapagliligtas sa mga tao at makapagpapabago sa kanila. Malinaw na may mga katotohanang matatagpuan dito. Kahit papaano, ang isang punto ay na ang mga ideya, pananaw, at kasabihan na inaasahan ng mga tao sa buhay ay nagmumula sa tiwaling sangkatauhan, ibinubuod ng tiwaling sangkatauhan, at mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, at walang anumang kinalaman ang mga ito sa katotohanan. Higit pa rito, ang mga bagay na ito ay pangunahing salungat at mapanlaban sa katotohanan. Hindi kayang palitan ng mga ito ang katotohanan, tiyak na hindi katotohanan ang mga ito, at ni hindi kailanman magiging ang katotohanan ang mga ito. Mula sa perspektiba ng Diyos, ang mga bagay na ito ay tinutukoy na mali at kinokondena at ang mga ito ay hindi ang katotohanan. Ang mga kilos ng Diyos at ang katotohanang ipinapahayag ng Diyos ay walang kinalaman sa mga bagay na ito. Ibig sabihin, ang katotohanang ipinapahayag ng Diyos ay walang kinalaman kahit katiting sa mga tiwaling sangkatauhan sa sekular na kaugalian ng ugnayan ng tao, o sa tradisyonal na kultura ng mga tao, sa kanilang mga ideya, pananaw, at mabubuting gawa, o sa kanilang depinisyon ng moralidad, dignidad, at mga positibong bagay. Sa Kanyang pagpapahayag ng katotohanan, ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon at diwa; ang Kanyang pagpapahayag ng katotohanan ay hindi nababatay sa iba’t ibang positibong bagay at pahayag na pinaniniwalaan ng mga tao na ibinuod ng tao. Ang mga salita ng Diyos ay mga salita ng Diyos; ang mga salita ng Diyos ay katotohanan. Ang mga ito ang tanging pundasyon at batas kung saan umiiral ang sangkatauhan, at lahat ng tinaguriang doktrinang nagmumula sa tao ay mali, kakatwa, at kinokondena ng Diyos. Hindi nakakamit ng mga ito ang Kanyang pagsang-ayon, at lalo nang hindi ang mga ito ang pinagmulan o batayan ng Kanyang mga pagbigkas. Ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang diwa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Lahat ng salitang inilabas ng pagpapahayag ng Diyos ay katotohanan, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at Siya ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Paano man itinuturing o binibigyang-depinisyon ng tiwaling sangkatauhan ang mga salita ng Diyos, o paano man nila tinitingnan o inuunawa ang mga ito, ang mga salita ng Diyos ay walang hanggang katotohanan, at ito ay isang katunayan na hindi kailanman nagbabago. Ilang salita man ng Diyos ang nasambit na, at gaano man kinokondena at tinatanggihan nitong tiwali at buktot na sangkatauhan ang mga ito, nananatili ang isang katunayan na hindi nagbabago magpakailanman: ang mga salita ng Diyos ay palaging ang katotohanan, at hindi ito mababago ng tao kailanman. Sa huli, dapat aminin ng tao na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, at na ang iginagalang na tradisyonal na kultura at kaalamang siyentipiko ng sangkatauhan ay hinding-hindi maaaring maging mga positibong bagay, at hinding-hindi maaaring maging katotohanan. Tiyak iyan. Ang tradisyonal na kultura at mga pamamaraan ng pananatiling buhay ng sangkatauhan ay hindi magiging katotohanan dahil sa mga pagbabago o paglipas ng panahon, at hindi rin magiging mga salita ng tao ang mga salita ng Diyos dahil sa pagkondena o pagiging malilimutin ng sangkatauhan. Ang katotohanan ay palaging katotohanan; hindi magbabago ang diwang ito kailanman. Anong katunayan ang umiiral dito? Ito ay na ang mga karaniwang kasabihang ito na naibuod ng sangkatauhan ay nanggagaling kay Satanas, at mga imahinasyon at kuru-kuro ng tao, o nagmumula ang mga ito sa pagiging mainitin ng ulo ng tao at sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at wala talaga itong kinalaman sa mga positibong bagay. Ang mga salita ng Diyos, sa kabilang banda, ay mga pagpapahayag ng diwa at pagkakakilanlan ng Diyos. Para sa anong dahilan ang Kanyang pagpapahayag ng mga salitang ito? Bakit Ko sinasabing katotohanan ang mga ito? Ito ay dahil ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng batas, panuntunan, ugat, diwa, aktwal na pangyayari, at hiwaga ng lahat ng bagay. Hawak ng kamay Niya ang mga ito. Samakatwid, ang Diyos lamang ang nakakaalam ng mga tuntunin, mga aktwal na pangyayari, mga totoong impormasyon, at mga hiwaga ng lahat ng bagay. Alam ng Diyos ang pinagmulan ng lahat ng bagay, at alam ng Diyos kung ano mismo ang pinag-ugatan ng lahat ng bagay. Tanging ang mga depinisyon sa lahat ng bagay na ipinipresenta sa mga salita ng Diyos ang pinakatumpak, at tanging ang mga salita ng Diyos ang mga pamantayan at prinsipyo para sa buhay ng mga tao at ang mga katotohanan at pamantayan ng mga tao para mabuhay, samantalang ang mga satanikong batas at teorya na inaasahan ng tao para mabuhay mula nang gawing tiwali ni Satanas ay kapanabay na taliwas sa katunayan na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at sa katunayan na Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng batas at panuntunan ng isang bagay. Ang lahat ng satanikong teorya ng tao ay nagmumula sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, at ang mga ito ay mula kay Satanas. Anong uri ng papel ang ginagampanan ni Satanas? Una, ipinipresenta nito ang sarili bilang ang katotohanan; pagkatapos, ginugulo, sinisira, at niyuyurakan nito ang lahat ng batas at panuntunan ng lahat ng bagay na nilikha ng Diyos. Kaya, ang anumang nagmumula kay Satanas ay lubos na tumutugma sa diwa ni Satanas, at puno ito ng buktot na layon ni Satanas, ng mga pekeng bagay at pagkukunwari, at ng hindi kailanman nagbabagong ambisyon ni Satanas. Hindi mahalaga kung kayang kilatisin ng mga tiwaling tao ang mga pilosopiya at teoryang ito na mula kay Satanas, at kahit gaano karaming tao ang nagtataguyod, nagsusulong, at sumusunod sa mga bagay na ito, at kahit ilang taon at panahon man hinangaan, sinamba, at ipinangaral ng tiwaling sangkatauhan ang mga ito, hindi magiging katotohanan ang mga ito. Dahil ang diwa, pinagmulan, at ugat ng mga ito ay si Satanas, na mapanlaban sa Diyos at sa katotohanan, kaya ang mga bagay na ito ay hindi kailanman magiging katotohanan—ang mga ito ay palaging magiging mga negatibong bagay. Kapag walang katotohanan na maihahambing, maaaring maituring na mabuti at positibong bagay ang mga ito, ngunit kapag ginamit ang katotohanan para ilantad at himayin ang mga ito, ang mga ito ay hindi perpekto, napapatunayang mali, at mga bagay na mabilis kondenahin at tanggihan. Ang katotohanang ipinapahayag ng Diyos ay tumpak na tumutugma sa mga pangangailangan ng normal na pagkatao ng sangkatauhang nilikha ng Diyos, samantalang ang mga bagay na ikinikintal ni Satanas sa mga tao ay tumpak na salungat sa mga pangangailangan ng normal na pagkatao ng sangkatauhan. Ginagawa ng mga ito na hindi normal, at maging labis-labis, makitid ang isip, mayabang, mangmang, buktot, mapagmatigas, malupit, at maging masyadong mapagmataas pa nga ang isang normal na tao. May isang punto kung saan nagiging masyadong malubha na nagiging baliw ang mga tao at ni hindi na nila alam kung sino sila. Ayaw nilang maging normal o ordinaryong tao, at sa halip ay iginigiit nilang maging superhuman, mga tao na may espesyal na kapangyarihan, o mga tao na nasa mataas na antas—ang mga bagay na ito ang bumaluktot sa pagkatao at sa likas na gawi ng mga tao. Ang katotohanan ay nagpapahintulot sa mga tao na mamuhay nang mas likas ayon sa mga panuntunan at batas ng normal na pagkatao at sa lahat ng panuntunang ito na itinatag ng Diyos, samantalang ang mga di umano’y karaniwang kasabihan at mga mapanlihis na kasabihan ay tumpak na humihimok sa mga tao na talikuran ang kanilang likas na gawi at iwasan ang mga batas na itinakda at binuo ng Diyos, maging hanggang sa punto na hinihimok nila ang mga tao na lumihis mula sa landas ng normal na pagkatao at gumawa ng ilang labis-labis na bagay na hindi dapat ginagawa o iniisip ng mga normal na tao. Ang mga satanikong batas na ito ay hindi lamang bumabaluktot sa pagkatao ng mga tao, kundi nagsasanhi rin ang mga ito na mawalan ng kanilang normal na pagkatao at normal na likas na gawi ang mga tao. Halimbawa, sinasabi ng mga satanikong batas na, “Ang tadhana ninuman ay nasa kanyang sariling kamay,” at “Ang kaligayahan ay nililikha ng sariling mga kamay.” Ito ay salungat sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at salungat sa likas na gawi ng tao. Kapag umabot na sa limitasyon ang katawan at ang likas na gawi ng mga tao, o kapag ang kanilang tadhana ay nasa kritikal na yugto, ang mga taong umaasa sa mga batas na ito mula kay Satanas ay hindi na makakapagtiis. Nararamdaman ng karamihan na ang ang presyur ay lumampas na sa kanilang limitasyon at sa kung ano ang makakaya ng kanilang isipan, at sa huli, nagiging schizophrenic ang ilang tao. Ang mga taong kumukuha ng pagsusulit sa pagpasok sa kolehiyo sa kasalukuyan ay nakakaranas ng matinding presyur mula sa mga pagsusulit na iyon. Iba-iba ang pisikal na kondisyon at mga katangiang pangkaisipan ng mga tao; may ilan na kayang umangkop sa gayong rehimen, samantalang ang iba ay hindi. Sa huli, ang ibang tao ay nalulugmok sa depresyon, habang ang iba ay nagiging schizophrenic, at tumatalon pa nga sa mga gusali at nagpapakamatay—iba’t ibang uri ng bagay ang nangyayari. Ano ang nagsasanhi ng mga kahihinatnang ito? Ang sanhi ay na nililihis ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng panghihikayat sa kanila na hangarin ang kasikatan at pakinabang, na siyang nakakapinsala sa tao. Kung magagawa ng mga tao na mamuhay nang natural ayon sa mga panuntunang itinakda ng Diyos, at mamuhay ayon sa paraang inorden ng Diyos para sa mga tao, at magbasa ng mga salita ng Diyos, at mamuhay sa harap ng Diyos, masisiraan ba sila ng bait? Kakayanin kaya nila ang sobrang presyur? Talagang hindi nila kakayanin. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain para maunawaan ng mga tao ang katotohanan, maiwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at makapagpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay maaaring mamuhay sa harap ng Diyos, nang walang presyur, at magkakaroon lamang sila ng kalayaan at kaginhawahan. Ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos, at tanging ang Diyos ang nakakaalam sa likas na gawi ng tao at sa lahat ng tungkol sa mga tao. Ginagamit ng Diyos ang mga panuntunang binuo Niya para gabayan ang mga tao at tustusan ang kanilang mga pangangailangan, samantalang tiyak na hindi ginagawa ni Satanas iyon. Itinutulak nito ang mga tao na lumabag sa lahat ng panuntunang ito, at pinipilit ang mga tao na maging mga superhuman at sikat. Hindi ba’t ito ay isang panlalansi sa mga tao? Ang totoo, ang mga tao ay normal at ordinaryong tao—paano sila magiging superhuman o mga taong may espesyal na kapangyarihan? Hindi ba’t ito ay pagsira sa mga tao? Kahit gaano ka pa magpunyagi, kahit gaano pa kalaki ang iyong mga ambisyon at pagnanais, hindi ka maaaring maging superhuman o isang taong may espesyal na kapangyarihan. Kahit na sirain mo ang iyong sarili hanggang sa puntong mawalan ka na ng wangis ng pagiging tao, hindi ka maaaring maging superhuman o isang tao na may espesyal na kapangyarihan. Anumang propesyon ang dapat mayroon ang isang tao sa buhay ay pauna nang itinakda ng Diyos. Kung hindi ka mamumuhay ayon sa mga batas at panuntunan na binuo ng Diyos, bagkus ay pipiliin ang mga mapanlihis at maladiyablong salita ni Satanas at hahangarin na maging isang superhuman o isang taong may mga espesyal na kapangyarihan, kakailanganin mong magdusa at mamatay. Ibig sabihin, kung pipiliin mong tanggapin na sirain, yurakan, at gawing tiwali ka ni Satanas, kung gayon, ang lahat ng iyong pagtitiis ay ang kahihinatnan ng iyong sariling mga kilos, ito ang nararapat sa iyo, at ito ay ayon sa sarili mong kagustuhan. May mga tao na kumukuha ng pagsusulit sa pagpasok sa kolehiyo, bumagsak sila rito nang dalawa o tatlong beses, at sa huli ay humantong sila sa pagkabaliw dahil hindi nila kailanman naipasa ito. Ito ba ay isang bagay na sila mismo ang nagdulot sa kanilang sarili? Bakit ba gusto mong kumuha ng pagsusulit sa pagpasok sa kolehiyo? Hindi ba’t ito ay para lamang umangat ka kaysa sa iba at magdala ng karangalan sa iyong pamilya? Kung tatalikuran mo ang dalawang layong ito na umangat ka kaysa sa iba at magbigay karangalan sa iyong mga ninuno? Kung aabandonahin mo ang dalawang layuning ito na umangat kaysa sa iba at magdala ng karangalan sa iyong mga ninuno, at hindi maghahabol sa mga bagay na ito, kundi sa halip ay lumipat sa isang wastong layon, hindi ba’t mawawala ang presyur? Kung tatanggapin mo ang paggawang tiwali ni Satanas, at kung tatanggapin mo ang lahat ng ideya at pananaw na ito mula sa kanya, kung gayon, kakailanganing tiisin ng iyong katawan ang lahat ng uri ng pasakit, at magiging nararapat lamang ito sa iyo! Ang kahihinatnang ito ay sarili mong kapasyahan at kagagawan. Hindi ito paunang itinakda ng Diyos. Hindi nilalayon ng Diyos na mamuhay ka nang ganoon. Lubos nang nilinaw ng mga salita ng Diyos ang mga bagay na ito, at ikaw ang hindi nagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos. May hangganan sa kayang tiisin ng katawan, katatagan ng loob, at katangian ng pag-iisip ng isang tao, ngunit hindi iyon napagtatanto ng mga tao mismo at iba ang iniisip nila, at sinasabi pa nga nila na ang kanilang tadhana ay nasa sarili nilang mga kamay, subalit sa huli ay hindi naman nila makontrol ang kanilang tadhana, at sa halip ay namamatay sila nang miserable at kalunos-lunos. Paanong masasabi na ito ay paghawak sa sariling tadhana? Ganito ginagamit ni Satanas ang lahat ng uri ng nakapanlilinlang na ideya at maling pananampalataya para gawing tiwali ang mga tao. Hindi ito alam ng mga tao mismo, at pakiramdam pa nga nila ay ayos lang ang mga ito, iniisip na, “Patuloy na umuusad ang lipunan, dapat tayong makisabay sa panahon at tanggapin natin ang lahat ng positibong enerhiya.” Ang mga ito ay ganap na mga maladiyablong salita. Paanong magkakaroon ng positibong enerhiya sa isang malademonyong mundo ng mga walang pananampalataya? Lahat ito ay negatibong enerhiya, lahat ito ay kanser, at lahat ito ay isang inorasang bomba. Kung tatanggapin mo ang mga bagay na ito, kakailanganin mong tiisin ang mga kahihinatnan nito, at kakailanganin mong mapahirapan at mawasak ni Satanas. Ito ang nangyayari kung hindi mo hinahangad ang katotohanan. Anong mabuting wakas ang maaaring mangyari kung susunod ka kay Satanas? Gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito para lasunin ka at magkintal ng lason sa iyo. Inililigtas ka ng Diyos; pinipinsala ka ni Satanas. Pinagagaling ng Diyos ang iyong mga sakit; nilalason ka ni Satanas para magkasakit ka. Kapag mas maraming lason ang natatanggap mo mula kay Satanas, mas magiging mahirap para sa iyo na tanggapin ang katotohanan. Ganoon talaga iyon. Dito na nagtatapos ang ating pagbabahaginan tungkol sa kung ano ang katotohanan. Sa susunod, pagbabahaginan natin ang isa pang paksa.
Isang Pagsusuri tungkol sa mga Anticristo na Ginagawa ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon, na Hindi Kailanman Iniisip ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian
I. Kung Ano ang mga Interes ng Diyos at Kung Ano ang mga Interes ng mga Tao
Sa pagkakataong ito, magbabahaginan tayo tungkol sa ikasiyam na aytem ng iba’t ibang pagpapamalas ng mga anticristo—ginagawa nila ang kanilang tungkulin para lamang maging tanyag sila at maisakatuparan ang kanilang sariling mga interes at ambisyon, na hindi kailanman iniisip ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at ipinagpapalit pa ang mga interes na iyon para sa personal na kaluwalhatian nila. Sa ating pang-araw-araw na buhay, madalas nating binibigyang-diin ang mga interes ng Diyos at ng sambahayan ng Diyos. Gayumpaman, madalas na hindi isinasaalang-alang ng ilang tao ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, sa halip ay inuuna at isinisentro nila ang sariling mga interes sa lahat ng bagay. Talagang makasarili ang mga taong ito. Higit pa rito, sa pangangasiwa nila sa mga gawain, madalas nilang pinangangalagaan ang sarili nilang mga interes na nakapipinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, hanggang sa punto na gagawa pa nga sila ng hindi direktang kahilingan sa sambahayan ng Diyos para matugunan ang sarili nilang mga pagnanais. Ano ang pinakamahalagang salita rito? Ano ang pangunahing tinutukoy rito? (Interes.) Ano ang ibig sabihin ng “interes”? Ano ang kasama sa terminong ito? Ano ang itinuturing ng iba bilang mga interes ng mga tao? Ano ang saklaw ng mga interes ng mga tao? Katayuan, reputasyon, at mga bagay na may kinalaman sa mga materyal na interes. Halimbawa, kapag inililihis ng isang tao ang iba para hangaan at sambahin siya, hinahangad lang niya ang sariling sikolohikong mga interes; mayroon ding mga materyal na interes, na hinahangad ng mga tao sa pamamagitan ng pagsasamantala sa iba, pagkuha ng mga benepisyo para sa sarili nila, o pagnanakaw ng ari-arian ng sambahayan ng Diyos, bilang ilang halimbawa. Palaging naghahanap ng pakinabang ang mga anticristo. Naghahangad man sila ng sikolohiko o materyal na interes, sakim at walang kabusugan ang mga anticristo, at susubukan nilang kunin ang mga bagay na ito lahat para sa sarili nila. Ang mga bagay na may kinalaman sa mga interes ng isang tao ang pinakanagbubunyag sa kanila. Ang mga interes ay malalim na nauugnay sa buhay ng bawat tao, at ang lahat ng bagay na nakakasalamuha ng isang tao sa bawat araw ay may kinalaman sa mga interes nila. Halimbawa, kapag may sinasabi ka o nag-uusap tungkol sa isang bagay, anong mga interes ang kasama? Kapag nag-uusap ang dalawang tao tungkol sa isang isyu, isang usapin ito ng kung sino ang mahusay magsalita at sino ang hindi, sino ang hinahangaan ng ibang tao at sino ang minamaliit ng ibang tao, at isa rin itong usapin ng magkakaibang kahihinatnan ng magkaibang paraan nila ng pagsasalita. Hindi ba’t isa itong usapin ng mga interes? Kaya, ano ang ginagawa ng mga tao kapag nangyayari sa kanila ang ganitong mga uri ng isyu? Ginagawa ng mga tao ang makakaya nila para magpasikat, nagpapakahirap mag-isip para ayusin ang mga salita nila upang malinaw na maipaliwanag ang paksa, at upang mas eleganteng maipahayag ang mga salita, at mas kasang-a-sang-ayong pakinggan, at upang magkaroon din ng maayos na estruktura, at mag-iiwan ng pangmatagalang impresyon sa mga tao. Gamit ang ganitong pamamaraan, gamit ang kahusayang magsalita, utak, at kaalaman ng isang tao para makuha ang pabor ng mga tao at mag-iwan ng malalim na impresyon sa kanila—ito ay isang uri ng interes. Anong iba pang mga aspekto ang kasama sa mga interes na hinahangad ng mga tao? Kapag abala sila sa gawain nila, palaging tinitimbang ng mga tao ang bagay-bagay, nagkakalkula, at nagninilay-nilay sa isipan nila, nagpapakahirap mag-isip kung anong mga aksiyon ang makakabuti sa interes nila, anong mga aksiyon ang hindi makakabuti sa interes nila, anong mga aksiyon ang makakapagpalago ng interes nila, anong mga aksiyon ang kahit papaano ay hindi makasasama sa mga interes nila, at anong mga aksiyon ang makapagbibigay sa kanila ng pinakamalaking kaluwalhatian at pinakamaraming materyal na pakinabang, at na gagawin silang pinakamalaking benepisyado. Ito ang dalawang interes na ipinaglalaban ng mga tao sa tuwing may mga isyung nangyayari sa kanila. Nakatuon sa dalawang aspektong ito ang mga interes na hinahangad ng mga tao at wala nang iba: sa isang banda, ang pagtamo ng mga materyal na benepisyo, o kahit paano ay hindi mawalan, at mapagsamantalahan ng iba; sa kabilang banda, sa sikolohikong antas, ang mahikayat ang mga tao na tingalain at hangaan sila, at makuha ang loob ng mga tao. Minsan, upang makamit ang kapangyarihan at katayuan, kaya pa ngang talikuran ng mga tao ang mga materyal na interes—ibig sabihin, magkakaroon sila ng kaunting kawalan para pagkatapos ay magkamit ng mas malaking pakinabang kaysa sa iba. Sa madaling salita, ang mga bagay na ito na nauugnay sa reputasyon, katayuan, kaluwalhatian at mga materyal na bagay ng mga tao ay saklaw lahat sa kategorya ng mga interes ng mga tao, at ang lahat ng ito ay mga interes na hinahangad ng mga tao.
Ano ang kalikasan ng paghahangad ng mga tao sa mga interes na ito? Bakit hinahangad ng mga tao ang mga bagay na ito? Marapat bang hangarin ang mga ito? Makatwiran ba ito? Naaayon ba ito sa mga hinihingi ng Diyos sa mga tao? Ito ba ang pamantayang hinihingi ng Diyos sa mga nilikha? Sa mga salita ng Diyos, binanggit ba Niya na “dapat ninyong hangarin at palawakin ang sarili ninyong mga interes. Huwag ninyong isakripisyo ang mga interes ninyo dahil lang sa nananampalataya kayo sa Diyos at tumutupad ng isang tungkulin. Dapat ninyong pahalagahan ang katayuan, reputasyon, at kapangyarihan ninyo, at protektahan ang mga bagay na ito sa lahat ng paraan. Kung binibigyan ka ng Diyos ng katayuan, dapat mong pahalagahan ito at gawin itong kaluwalhatian mo sa halip na kahihiyan mo. Atas ito ng Diyos sa iyo”—minsan na ba itong nasabi ng Diyos? (Hindi.) Dahil walang ganito sa mga salita ng Diyos, ano kung gayon ang hinihingi ng Diyos sa mga nilikha sa Kanyang puso? Paano hinihingi ng Diyos na isaalang-alang ng mga tao ang mga interes? Sa isang banda, nais ng Diyos na talikuran ng mga tao ang kanilang mga interes—ito ay sa pangkalahatang termino; bukod pa rito, binibigyan ng Diyos ang mga tao ng mga angkop na landas ng pagsasagawa sa mas marami pang aspekto, sinasabi sa mga tao kung paano umasal upang makasunod sila sa landas na dapat nilang tahakin, kung paano magsagawa gaya nang dapat gawin ng isang nilikha, anong mga pananaw at saloobin ang dapat mayroon ang mga tao patungkol sa mga materyal na bagay, kasikatan at pakinabang, at kung paano sila dapat pumili. Hindi na kailangang sabihin pa na bagamat ang mga salita ng Diyos ay hindi direktang nagsasabi sa mga tao kung paano ituring ang mga interes, ipinahihiwatig na ipinapahayag din ng Kanyang mga salita kung ano ang mga pananaw ng Diyos tungkol sa mga interes ng tiwaling sangkatauhan, at ipinaliliwanag nang napakalinaw na dapat isantabi ng mga tao ang kanilang sariling mga pananaw, kumilos alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, umasal ayon sa posisyon nila bilang nilikha, at manatili sa kanilang puwesto. Sa puso ng Diyos, sadya ba Niyang pinagkakaitan ang mga tao ng kanilang mga interes sa pamamagitan ng paghingi na kumilos sila sa ganitong paraan? Talagang hindi. Sinasabi ng ilang tao na, “Sa iglesia, palaging pinag-uusapan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang mga interes ng iglesia, pero bakit walang nag-uusap tungkol sa mga interes nating mga tao? Sino ang nangangalaga sa ating mga interes? Hindi ba’t dapat mayroon din tayong mga karapatang pantao? Dapat din tayong bigyan ng mga kaunting pakinabang. Bakit hindi man lang tayo binibigyan ng maliit na bagay? Bakit lahat ng interes ay nasa Diyos? Hindi ba’t makasarili rin ang Diyos?” Ang pagsasabi nito ay labis na mapaghimagsik at taksil. Malinaw na maling sabihin ang bagay na ito. Ang isang taong may pagkatao ay tiyak na hindi kayang magsabi nito, mga diyablo lang ang nangangahas na magsabi ng iba’t ibang mapaghimagsik na bagay. May iba namang nagsasabi na: “Palaging sinasabi ng Diyos sa mga tao na huwag isipin ang kanilang pansariling mga interes. Palagi Niyang sinasabi na huwag magpakana para sa sariling kapakanan. Gusto ng mga tao na mamukod-tangi sa pamamagitan ng paggawa o pagtamo ng isang bagay na naghihikayat sa lahat ng tao na sambahin sila. Sinasabi ng Diyos na isa itong ambisyon. Gusto ng mga tao na ipaglaban ang pansariling mga interes, kumain ng masasarap na pagkain, magpakasaya sa buhay, naisin ang kaginhawahan ng laman, at mamuhay nang marangal sa gitna ng sangkatauhan. Sinasabi ng Diyos na pinagbibigyan lamang ng mga tao ang sarili nilang mga interes sa ganitong paraan, at dapat nilang isantabi ang mga ito. Kung isasantabi natin ang lahat ng interes na ito, paano tayo makapamumuhay nang mas maganda?” Kung hindi naiintindihan ng mga tao ang mga layunin ng Diyos, palagi silang may salungatan sa mga kahingian ng Diyos, at palagi silang makikipag-alitan sa Diyos tungkol sa mga bagay na ito. Katulad ito ng ilang magulang na nagtatrabaho nang husto sa kalahati ng buhay nila para palakihin ang kanilang mga anak at pagod na pagod na kaya nagkaroon na sila ng iba’t ibang karamdaman. Nag-aalala ang mga magulang na baka bumigay na ang katawan nila at wala nang susuporta sa kanilang mga anak, kaya bumibili sila ng ilang produktong pangkalusugan. Ang mga anak naman ay walang kaalam-alam at nang makita nila ang mga produktong ito, sinasabi nila: “Ni hindi nga ako nakakabili ng bagong mga damit sa loob ng ilang taon, paanong nakakabili ka pa rin ng mga produktong pangkalusugan? Dapat iniipon mo ang perang iyan para sa pagkokolehiyo ko.” Nakakasakit ba sa damdamin ng mga magulang ang pahayag na ito? Ginagawa ng mga magulang ang lahat ng ito hindi para sa kanilang sariling mga interes, at hindi dahil gusto nilang tamasahin ang kaginhawahan ng laman, o dahil gusto nilang mabuhay nang mas matagal at mas komportable at makibahagi sa magandang kapalaran ng mga anak nila sa hinaharap. Hindi ito para sa mga dahilang ito. Para saan nila ito ginagawa? Ginagawa nila ito alang-alang sa kanilang mga anak. Hindi ito naiintindihan ng mga anak at sinisisi pa nga nila ang kanilang mga magulang—hindi ba’t ito ay pagtataksil? (Oo.) Kung hindi naiintindihan ng mga anak ang mga layunin ng mga magulang nila, maaaring hindi sila magkasundo, hanggang sa punto ng pagkakaroon ng pagtatalo, at masaktan ang damdamin ng mga magulang nila. Kaya naman, nauunawaan ba ninyo ang puso ng Diyos? Ito ay isang usapin ng pag-unawa sa katotohanan. Bakit kinokondena ng Diyos ang mga kaugalian ng mga tao ng pagtugon sa sarili nilang mga interes at ambisyon? Dahil ba makasarili ang Diyos? Dahil ba sinasabi ba ng Diyos sa mga tao na huwag maghangad ng mga pansariling interes para lang gawin silang dukha at kahabag-habag? (Hindi.) Tiyak na hindi ganoon. Nais ng Diyos na maging mabuti ang mga tao, at pumaparito ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa mga tao upang magkaloob ng mga pagpapala sa sangkatauhan at dalhin ang mga tao sa isang magandang hantungan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para makamit ng mga tao ang katotohanan at makamit ang buhay, upang maging karapat-dapat silang tumanggap ng pangako at mga pagpapala ng Diyos. Gayumpaman, lubos na ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao at mayroon silang mga tiwaling disposisyon, at dapat nilang magdusa nang labis para makamit ang katotohanan at buhay. Kung hinahangad ng lahat ang mga pansariling interes at gustong mamuhay ng maginhawang buhay para matugunan ang labis na mga pagnanasa ng laman, ngunit hindi naman nagsusumikap na hangarin ang katotohanan, ano ang mga kahihinatnan? Hindi nila matatamo ang katotohanan, at hindi sila madadalisay at maliligtas. Ano ang mga kahihinatnan ng hindi nila pagkaligtas? Silang lahat ay dapat mamatay sa mga sakuna. Ito ba ang panahon para magpakasasa sa kasiyahan ng laman? Hindi. Ang sinumang hindi nakakapagkamit ng katotohanan ay dapat mamatay. Kaya, hinihingi ng Diyos sa mga tao na talikuran ang makalamang mga interes nila at hangarin ang katotohanan. Ito ay para sa kapakanan ng mga tao, para sa kapakanan ng buhay nila, at para sa kapakanan ng kaligtasan nila. Kapag nakamit na ng mga tao ang katotohanan at naligtas na, darating anumang oras ang pangako at mga pagpapala ng Diyos. Walang nakakaalam kung ilang daan o libong beses na mas malaki kaysa sa mga kasiyahan ng laman na iniisip ng mga tao ang mga pagpapalang ipinagkakaloob ng Diyos sa mga tao. Paanong hindi nakikita ng mga tao ang mga ito? Bulag ba silang lahat sa mga ito? Bakit, kung gayon, palaging hinihingi ng Diyos sa mga tao na isantabi ang kanilang sariling mga interes at ipagtanggol ang mga interes ng Diyos at mga interes ng sambahayan ng Diyos? Sino ang makakapagpaliwanag ng bagay na ito? (Hinihingi ng Diyos sa mga tao na talikuran ang mga pansariling interes dahil ang mga tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at ang mga interes nila ay hindi naaayon sa katotohanan. Sa pag-uutos sa mga tao na ipagtanggol ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, tinuturuan ng Diyos ang mga tao kung paano sila kumilos at mamuhay nang tama. Ito ay dahil din ang lahat ng gawaing ginagawa ng Diyos ay para iligtas ang mga tao, at kung may isang taong hindi alam kung paano ipagtanggol ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, hindi siya karapat-dapat na tawaging tao.) May ilang praktikal na punto sa sinasabi mo. (May isang bagay akong gustong idagdag. Nahumaling ako sa kasikatan, pakinabang, at katayuan. Pakiramdam ko ay mayroon akong ilang kaloob at na dapat itaas ang aking ranggo bilang superbisor. Gayumpaman, sa tuwing eleksiyon, natatalo ako, at sinisisi ko ang Diyos sa puso ko—bakit hindi ipinagkakaloob sa akin ng Diyos ang munting hiling na ito? Sa kalaunan, matapos dumanas ng ilang kabiguan, binasa ko ang mga salita ng Diyos at pinagnilayan ang sarili ko, at napagtanto ko na madalas akong naiinggit at nakikipag-away dahil sa paghahangad ko ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at hindi ako nakikipagtulungan nang maayos sa mga kapatid ko. Hindi lamang sa wala akong nagawang anumang pag-usad sa buhay ko, kundi nagdulot din ako ng ilang kawalan sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Napagtanto kong ang paghahangad ng kasikatan, pakinabang, at mga pansariling interes ay hindi isang tamang pananaw sa buhay o tamang layon na dapat hangarin; isa itong maling pananaw na ikinikintal ni Satanas sa mga tao upang malihis sila, at napakamapanganib ng gayong paghahangad. Sinasabi ng Diyos sa mga tao na huwag maghangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan hindi dahil gusto Niyang bigyan sila ng problema, hindi rin dahil gusto Niyang pahirapan sila, kundi dahil isa itong napakamapanganib na landas, at ang gayong mga paghahangad ay magdudulot lamang sa sa huli ng pagwawakas nang walang napapala.) Sa pagsasabing “walang napapala” at “napakamapanganib,” ano sa tingin ninyo ang panganib na tinutukoy Niya? Usapin lang ba talaga ito ng pagwawakas nang walang napapala at wala nang iba? Anong klaseng landas ito? (Ang landas tungo sa pagkawasak.) Ang ganitong paghahangad ay isang landas ng paglaban sa Diyos. Hindi ito paghahangad ng katotohanan, kundi paghahangad ng katayuan at katanyagan. Paglakad ito sa landas ng mga anticristo. Kahit gaano pa kamarapat sa tingin mo ang mga kahilingan at adhikain mo, hindi ito ang nais ng Diyos, hindi ang ganitong uri ng paghahangad. Hindi nais ng Diyos na maghangad ka sa ganitong paraan. Kung ipipilit mong manatili sa sarili mong landas, kung gayon, ang huling kahihinatnan mo ay hindi lamang magwawakas ka nang walang napapala, kundi tatahak ka rin sa isang landas ng paglaban sa Diyos. Ano ang panganib dito? Lalabanan mo ang Diyos, magagalit sa Diyos at kokontra sa Kanya, at maninindigan laban sa Kanya, at ang kalalabasan ay pagkawasak. Mayroon pa bang idadagdag? (Diyos, may gusto akong idagdag. Ngayon lang ay itinanong ng Diyos, bakit ayaw ng Diyos na ipagtanggol ng mga tao ang sarili nilang mga interes, bagkus ay ipagtanggol ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Sa pagkakaintindi ko, nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at ang lahat ng bagay ay nagmumula sa Diyos. Ang bawat bagay na nilikha ng Diyos ay para sa mga tao. Anuman ang ginagawa ng Diyos—kabilang na ang dalawang beses na pagkakatawang-tao Niya para gawin ang lahat ng gawaing ito, at kasama na rin ng lahat ng gawaing ito ngayon ang pagtatatag ng iglesia—sa katunayan, lahat ito ay alang-alang sa pagliligtas sa mga tao. Kapag nananampalataya na ang mga tao sa Diyos, nagsisimulang mamuhay ng buhay-iglesia, at nakakagawa ng mga tungkulin nila, mayroon na silang landas ng kaligtasan. Samakatuwid, ang paghiling ng Diyos sa atin na isantabi ang ating mga pansariling interes ay hindi pagkakait, sapagkat tayo rin mismo ang makikinabang sa huli sa pagtatanggol sa mga interes ng Diyos at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos.) Mabuti talaga. Ang pangkalahatang kahulugan ng pinagbabahaginan ninyo ay tama kung tutuusin. May mga taong nag-uusap tungkol sa personal nilang mga karanasan, at may iba namang nag-uusap tungkol dito mula sa teoretikal na perspektiba. Sa pangkalahatan, ang nauunawaan ninyo ay katulad na ideya na ang mga interes ng Diyos ay marapat at ang mga interes ng mga tao ay hindi marapat. Ang mga interes lamang ng Diyos ang maaaring tawaging mga interes, samantalang ang mga interes ng mga tao ay hindi dapat umiral. Lalo na ang “mga interes ng mga tao”—ang pariralang ito, ang ekspresyong ito, ang katunayang ito—ay hindi isang bagay na dapat tamasahin ng mga tao. Ang mga interes ng Diyos ay nauuna sa lahat at dapat na ipagtanggol. Ito ang pinakasimpleng nauunawaan ninyo. Ibig sabihin, dapat magkaroon ng responsabilidad ang mga tao na ipagtanggol ang mga interes ng Diyos at dapat nilang tingnan nang tama ang mga interes ng Diyos, samantalang ang mga interes ng mga tao ay dapat tingnan nang may paghamak at alisin, sapagkat hindi gaanong maluwalhati ang mga interes ng mga tao. Mula sa pananaw ng tao—dahil sa ugat ay may mga tiwaling disposisyon ang mga tao, at sa loob-loob ay nadudungisan sila ng mga tiwaling disposisyon—lahat ng interes ng mga tao, sa kahit saang anggulo ninyo tingnan ang mga ito, at kung nahahalata man ang mga ito o hindi nahahalata, ay nabibilang sa kategorya ng hindi marapat. Kaya, kung maisasantabi man ng mga tao ang mga ito o hindi, napagtanto na nila na dapat isantabi ang mga interes ng mga tao, at na ang mga interes ng Diyos ang dapat ipaglaban at ipagtanggol. May pinagkasunduan sa puntong ito. Ngayong mayroon na tayong pinagkasunduan, magbahaginan tayo kung ano talaga ang mga interes ng Diyos.
Ano nga ba talaga ang mga interes ng Diyos? Maaari bang gawing pantay-pantay ang mga interes ng Diyos, mga interes ng sambahayan ng Diyos, at ang mga interes ng iglesia? Maaaring sabihin na ang “Diyos” ay isang titulo, at kasingkahulugan din ito ng diwa ng Diyos. Paano naman ang “sambahayan ng Diyos” at ang “iglesia”? Ang sambahayan ng Diyos ay may malawak na saklaw, samantalang ang iglesia ay mas partikular. Maaari bang gawing pantay-pantay ang mga interes ng Diyos, mga interes ng sambahayan ng Diyos, at ang mga interes ng iglesia? (Hindi, hindi maaari.) May ilang tao na nagsasabing hindi maaari, pero sa totoo lang, maaari nga ba? Parehong bagay ba ang mga atas administratibo ng sambahayan ng Diyos, mga atas administratibo ng iglesia, at mga atas administratibo na ipinahayag ng Diyos? (Oo.) Pare-pareho lang ang mga ito. Mula sa perspektibang ito, maaaring ituring na pantay-pantay ang mga interes ng tatlong ito. Umiiral lamang ang sambahayan ng Diyos kasama ang Diyos at ang Kanyang hinirang na mga tao, at umiiral lamang ang iglesia kasama ang hinirang na mga tao na ito ng sambahayan ng Diyos. Ang iglesia ay isang mas partikular na “nasasakupang yunit” ng sambahayan ng Diyos. Ang sambahayan ng Diyos ay isang mas malawak na termino, samantalang ang iglesia ay mas partikular. Maaari bang gawing pantay-pantay ang mga interes ng Diyos, mga interes ng sambahayan ng Diyos, at ang mga interes ng iglesia? Sa palagay ba ninyo ay dapat pantay-pantay ang mga ito? Hindi ninyo alam? Kung gayon, subukan muna nating pagpantay-pantayin ang mga ito para masuri. Halimbawa, ang kaluwalhatian ng Diyos ay interes ng Diyos. Ayos lang bang sabihin na ito ang kaluwalhatian ng sambahayan ng Diyos? (Hindi.) Hindi ayos iyon. Ang sambahayan ng Diyos ay isang pangalan, hindi ito kumakatawan sa diwa ng Diyos. Ayos lang bang sabihin na ang kaluwalhatian ng Diyos ay ang kaluwalhatian ng iglesia? (Hindi.) Malinaw na hindi rin ayos iyon. Ang kaluwalhatian ng iglesia ay ang kaluwalhatian ng lahat ng kapatid. Ang pagpapantay nito sa kaluwalhatian ng Diyos ay labis na kapangahasan. Hindi kayang pasanin ng mga tao ang kaluwalhatiang ito, at gayundin ang sambahayan ng Diyos o ang iglesia. Mula sa perspektibang ito, maaari bang gawing pantay-pantay ang mga interes ng Diyos, mga interes ng sambahayan ng Diyos, at ang interes ng iglesia? (Hindi, hindi maaari.) Hindi, hindi maaari. Mula sa ibang perspektiba, maaari bang gawing pantay-pantay ang parte ng gawain na ginagawa ng Diyos, ang parte ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at ang parte ng gawain ng iglesia? Halimbawa, sinasabi ng Diyos sa mga tao na ipangaral ang ebanghelyo at ipalaganap ang mga salita ng Diyos. Ito ay layunin ng Diyos, at ito rin ang iniaatas ng Diyos sa mga tao. Kapag ang atas na ito ay itinalaga sa sambahayan ng Diyos, maaari bang ipantay ang gawaing ito sa gawaing pinaplanong gawin ng Diyos? Kung ano ang iniaatas ng Diyos ay parte rin ng Kanyang gawain, at ang partikular na parteng ito ay maaaring ipantay sa gawaing pinaplanong gawin ng Diyos. Kapag itinalaga sa iglesia ang atas na ito, maaari ba itong ipantay sa gawain ng Diyos? (Oo.) Oo, maaari. Isa sa dalawang halimbawang ito ay may kinalaman sa diwa ng Diyos, kung saan ang Diyos, ang sambahayan ng Diyos, at ang iglesia ay hindi maaaring gawing pantay-pantay. Ang isa pang halimbawa ay may kinalaman sa gawaing ginagawa ng Diyos, sa atas ng Diyos, at sa mas partikular, sa mga hinihingi ng Diyos para sa lahat—maaaring gawing pantay-pantay ang mga bagay na ito. Pagdating sa bagay-bagay na may kinalaman sa kaluwalhatian ng Diyos, pagkakakilanlan ng Diyos, diwa ng Diyos, at patotoo ng Diyos, maaari bang gawing pantay-pantay ang Diyos, ang sambahayan ng Diyos, at ang iglesia? (Hindi.) Ang sambahayan ng Diyos at ang iglesia ay hindi maaaring magtaglay ng patotoo at kaluwalhatiang ito, at hindi maaaring ipantay sa Diyos, ngunit kapag tungkol ito sa isang partikular na gawain o atas, maaaring pantay-pantay ang mga ito. Nagbahaginan na tayo noong nakaraan tungkol sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at ng iglesia, at marami tayong napag-usapan tungkol dito. Ngayon, pagtutuonan natin ang pagbabahaginan tungkol sa kung ano nga ba ang mga interes ng Diyos, at kung ano nga ba ang mga bagay na hindi alam ng mga tao, na hindi kailanman naisip ng mga tao, at na malapit na nauugnay sa Diyos at itinuturing na mga interes ng Diyos. Kung ito man ay isang pangngalan, isang kasabihan, o isang bagay na nauugnay sa diwa at pagkakakilanlan ng Diyos, aling mga bagay ang mga interes ng Diyos? (Ang kaluwalhatian ng Diyos.) Ang kaluwalhatian ng Diyos ay tiyak na, ang patotoo na natatamo ng Diyos mula sa mga tao. Ano-ano pa ang kabilang? Ang gawain ng Diyos, ang plano ng pamamahala ng Diyos, ang pangalan ng Diyos, ang patotoo ng Diyos, ang pagkakakilanlan ng Diyos, at ang katayuan ng Diyos—lahat ng ito ay mga interes Niya. Para sa Diyos, ano ang pinakamahalagang bagay na nais Niyang protektahan? Ito ba ang pangalan ng Diyos, ang kaluwalhatian ng Diyos, ang patotoo ng Diyos, o ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos? Ano nga ba mismo? Ang plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan ay ang pinakamahalagang bagay na nais protektahan ng Diyos. Ang 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos ay ang lahat ng gawain na pinaplanong gawin ng Diyos sa loob ng 6,000-taong panahon. Para sa Diyos, ito ang pinakamahalagang bagay. Maaaring sabihin na dapat ito ang interes ng Diyos na makikita sa mga mata ng mga nilikhang tao. Ang maaaring nauunawaan ng mga tao tungkol sa mga interes ng Diyos, at kung ano ang dapat maunawaan ng mga tao, ay maaaring hanggang doon na lang. Kasunod, pag-usapan natin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Pagdating sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, bukod sa pagtatanggol sa pangalan ng Diyos, kaluwalhatian ng Diyos, at patotoo ng Diyos, ano pang iniatas ng Diyos sa sangkatauhan na dapat ipagtanggol ng mga tao? (Ang plano ng pamamahala ng Diyos.) Tama, ang pinakamalaking atas ng Diyos sa sangkatauhan ay ang pinakamalaking interes ng sambahayan ng Diyos. Kung gayon, ano ang interes na ito? Ito ay para sa 6,000 taong plano ng pamamahala ng Diyos na isasakatuparan sa sangkatauhan, at siyempre kasama rito ang lahat ng uri ng aspekto. Kung gayon, ano-ano ang kasama rito? Kasama rito ang pagtatatag at pagbuo ng iglesia, at ang paghubog sa mga lider at manggagawa sa lahat ng antas ng iglesia, upang makapagpatuloy nang walang hadlang ang iba’t ibang gampanin ng iglesia at ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo—lahat ng ito ay may kinalaman sa mga interes ng iglesia. Ang mga ito ang pinakamahalagang bagay sa mga interes ng Diyos, sambahayan ng Diyos, at sa iglesia, na madalas nating pinag-uusapan. Para maipalaganap ang gawain ng Diyos, para maipagpatuloy nang walang sagabal ang plano ng pamamahala ng Diyos, para maisakatuparan nang walang sagabal ang layunin ng Diyos at kalooban ng Diyos sa sangkatauhan, at para maipalaganap ang mga salita ng Diyos, maipakalat, at maiproklama nang mas malawakan sa ng mga tao, upang mas maraming tao ang lumapit sa Diyos—ito ang mga layon at ang pinakapuso ng lahat ng gawain ng Diyos. Tulad nito, anumang may kaugnayan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at sa mga interes ng iglesia ay tiyak na kaugnay sa kalooban ng Diyos at sa plano ng pamamahala ng Diyos. Sa partikular, ito ay isang usapin ng kung, sa bawat panahon at bawat yugto, nakakapagpatuloy ba ang gawain ng Diyos nang walang sagabal at kung naipapalaganap ba ito, at kung naisasakatuparan at umuusad ba ito nang maayos sa sangkatauhan. Kung ang lahat ng ito ay normal na nakakapagpatuloy, kung gayon, mapoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang iglesia, at mapoprotektahan din ang kaluwalhatian ng Diyos at ang patotoo ng Diyos. Kung nahahadlangan ang gawain ng Diyos sa sambahayan ng Diyos at sa iglesia, at hindi makapagpapatuloy nang walang sagabal, at nahahadlangan ang layunin ng Diyos at ang gawaing pinaplanong gawin ng Diyos, kung gayon, tiyak na lubos na mapipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ng iglesia—konektado ang mga bagay na ito. Ibig sabihin, kapag lubos na napipinsala o nahahadlangan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ng iglesia, tiyak na lubhang mapipigilan ang plano ng pamamahala ng Diyos, at lubos ding mapipinsala ang mga interes ng Diyos.
Pagkatapos magbahaginan tungkol sa kung ano ang mga interes ng Diyos, susunod nating pag-usapan kung ano ang mga interes ng mga tao. Bahagya lang nating napag-usapan ang tungkol sa mga interes ng mga tao, ngayon, pag-usapan natin ang kalikasan ng mga interes ng mga tao batay sa depinisyon ng mga ito, at tukuyin ang kalikasan ng mga ito. Bakit hinihiling ng Diyos na isantabi ng mga tao ang mga interes nila? Wala bang ganitong karapatan ang mga tao? Hindi ba binibigyan ng Diyos ng karapatang ito ang mga tao? Hindi ba nararapat para sa mga tao ang mga karapatang ito? Hindi ba ganoon? Kung titingnan ito mula sa ilang aspektong iyon ng mga interes ng mga tao na pinag-usapan natin kanina, para saan naghahangad ng mga interes ang mga tao? (Para sa sarili nila.) Ang “para sa sarili nila” ay isang pangkalahatang pahayag. Sino ang sarili nila? (Si Satanas.) Kung nauunawaan ng mga tao ang katotohanan at kaya nilang mamuhay ayon sa katotohanan, at nagtatamo sila ng pagbabago sa disposisyon at naliligtas, at hinahangad nila kung ano ang gusto nila, hindi ba’t magiging kaayon ng Diyos ang paghahangad na ito? Ngunit bago pa ang pagbababago at pagliligtas, ang mga bagay na tanging hinahangad ng mga tao ay kasikatan at pakinabang, ang napakaraming aspektong nauugnay sa laman; lubos na mapanlaban at kontra sa katotohanan ang mga ito, isang napakalaking paglabag sa katotohanan, ang mga ito ang mismong kabaligtaran ng katotohanan. Kung sabihin ng isang tao na mahal niya ang katotohanan at hinahanap niya ang katotohanan, subalit sa diwa, ang mithiing hinahangad niya ay gawing tanyag ang sarili, magpakitang-gilas, gawing mataas ang tingin ng mga tao sa kanya, makamit ang kanyang sariling mga interes, at ang pagganap ng kanyang tungkulin ay hindi upang magpasakop o bigyang-kaluguran ang Diyos, at sa halip ay upang magtamo ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, kung gayon ay hindi lehitimo ang kanyang paghahangad. At kung ganoon ang kaso, pagdating sa gawain ng iglesia, balakid ba ang kanilang mga kilos, o nakakatulong ba ang mga ito upang maisulong iyon? Malinaw na balakid ang mga ito; hindi napapasulong ng mga ito ang gawain ng iglesia. Ang ilang tao ay nagkukunwaring gumagawa ng gawain ng iglesia subalit naghahangad naman ng sarili nilang kasikatan, pakinabang, at katayuan, nagpapatakbo ng sarili nilang operasyon, bumubuo ng sarili nilang maliit na grupo, ng sarili nilang munting kaharian—ginagawa ba ng ganitong uri ng tao ang kanyang tungkulin? Lahat ng gawaing ginagawa nila, sa esensya, ay nakakagambala, nakakagulo, at nakakapinsala sa gawain ng iglesia. Ano ang kahihinatnan ng paghahangad nila ng kasikatan, pakinabang, at katayuan? Una, naaapektuhan nito kung paano kinakain at iniinom ng mga taong hinirang ng Diyos ang salita ng Diyos nang normal at paano nila nauunawaan ang katotohanan, hinahadlangan nito ang pagpasok nila sa buhay, pinipigilan silang pumasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, at inaakay sila patungo sa maling landas—na nakakapinsala sa mga taong hinirang, at dinadala sila sa kapahamakan. At ano ang ginagawa nito sa gawain ng iglesia sa huli? Ito ay panggugulo, pamiminsala, at pagbuwag. Ito ang kahihinatnang idinudulot ng paghahangad ng mga tao sa kasikatan, pakinabang, at katayuan. Kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin sa ganitong paraan, hindi ba ito masasabing pagtahak sa landas ng isang anticristo? Kapag hinihingi ng Diyos na isantabi ng mga tao ang kasikatan, pakinabang, at katayuan, hindi naman sa pinagkakaitan Niya ang mga tao ng karapatang mamili; bagkus, ito ay dahil habang hinahangad ang kasikatan, pakinabang, at katayuan, nagagambala at nagugulo ng mga tao ang gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos, at maaari pa ngang makaimpluwensiya sa pagkain at pag-inom ng maraming tao ng mga salita ng Diyos, sa pag-unawa nila sa katotohanan, at sa pagkamit nila ng kaligtasan ng Diyos. Ito ay isang katunayang hindi mapag-aalinlanganan. Kapag hinahangad ng mga tao ang sarili nilang kasikatan, pakinabang, at katayuan, siguradong hindi nila hahangarin ang katotohanan at hindi nila matapat na tutuparin ang kanilang tungkulin. Magsasalita at kikilos lamang sila alang-alang sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, at lahat ng gawaing ginagawa nila, nang wala ni katiting na eksepsyon, ay alang-alang sa mga bagay na iyon. Ang umasal at kumilos sa gayong paraan ay walang pagdududang pagtahak sa landas ng mga anticristo; ito ay isang paggambala at panggugulo sa gawain ng Diyos, at lahat ng iba’t ibang kahihinatnan nito ay nakakahadlang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian at sa pagsasakatuparan sa kalooban ng Diyos sa loob ng iglesia. Kaya, maaaring sabihin ng isang tao nang may katiyakan na ang landas na tinatahak ng mga naghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan ay ang landas ng paglaban sa Diyos. Ito ay sadyang paglaban sa Kanya, pagkontra sa Kanya—ito ay ang makipagtulungan kay Satanas sa paglaban sa Diyos at pagsalungat sa Kanya. Ito ang kalikasan ng paghahangad ng mga tao sa kasikatan, pakinabang, at katayuan. Ang problema sa mga taong naghahangad ng pansarili nilang mga interes ay ang hinahangad nila ang mga mithiin ni Satanas—ang mga ito ay mga mithiin na masasama at hindi makatarungan. Kapag hinahangad ng mga tao ang mga personal na interes gaya ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, hindi nila namamalayang nagiging kasangkapan na pala sila ni Satanas, nagiging kasangkapan na sila ni Satanas, at, higit pa rito, nagiging kinatawan sila ni Satanas. Isang negatibong papel ang ginagampanan nila sa iglesia; sa gawain ng iglesia, at sa normal na buhay-iglesia at normal na paghahangad ng mga taong hinirang ng Diyos, ang epekto nila ay mang-abala at maminsala; mayroon silang masama at negatibong epekto. Kapag hinahangad ng isang tao ang katotohanan, nagagawa niyang isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at ang pasanin ng Diyos. Kapag ginagawa niya ang kanyang tungkulin, itinataguyod niya ang gawain ng iglesia sa lahat ng aspekto. Nagagawa niyang dakilain ang Diyos at magpatotoo sa Diyos, pakinabang ang dulot niya sa mga kapatid, at sinusuportahan at tinutustusan niya ang mga ito, at nakakamit ng Diyos ang kaluwalhatian at patotoo, na nagdadala ng kahihiyan kay Satanas. Bilang resulta ng kanyang paghahangad, nagkakamit ang Diyos ng isang nilikha na tunay ngang may kakayahang matakot sa Diyos at tumalikod sa kasamaan, na nagagawang sambahin ang Diyos. Bilang resulta rin ng kanyang paghahangad, naisasakatuparan ang kalooban ng Diyos, at ang gawain ng Diyos ay umuunlad. Sa mga mata ng Diyos, positibo ang gayong paghahangad, ito ay matapat. Ang gayong paghahangad ay napakalaking pakinabang para sa mga hinirang ng Diyos, at lubos ding kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia, nakakatulong ito upang mapausad ang mga bagay-bagay, at sinasang-ayunan ito ng Diyos.
Ang susunod nating pagbabahaginan ay tungkol sa mga interes ng Diyos, sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, at sa mga interes ng iglesia. Huwag muna nating pag-usapan sa ngayon kung may pagkakapareho ba sa pagitan ng tatlong interes na ito, ibig sabihin, kapag pinag-uusapan ang tungkol sa isang interes, kung maitutumbas ba ito sa iba. Pag-usapan muna natin ang mga interes ng Diyos. Kababanggit Ko lang na kasama sa mga interes ng Diyos ang kaluwalhatian ng Diyos, patotoo ng Diyos, pangalan ng Diyos, at ang pinakamahalaga sa lahat, ang plano ng pamamahala ng Diyos at pagpapalaganap ng gawain ng Diyos, na pinakamalalaki at pinakamahahalagang bagay para sa Diyos. Sa ngayon, huwag nating banggitin ang kaluwalhatian ng Diyos, pangalan ng Diyos, at patotoo ng Diyos, na medyo mahirap maintindihan ng mga tao. Pag-usapan muna natin ang tungkol sa gawain ng Diyos. Anong gawain ang aktuwal na ginagawa ng Diyos? Ano ang nilalaman ng gawain ng Diyos? Ano ang kalikasan ng gawain ng Diyos? Ano ang idinudulot ng gawain ng Diyos sa sangkatauhan? Ano mismo ang epekto nito sa sangkatauhan? Pag-usapan muna natin ang mga bagay na ito. Kung gayon, ano nga ba mismo ang gawain ng Diyos? (Pagliligtas sa sangkatauhan.) Hindi maaaring magbago ang paksang ito, hindi maaaring magbago ang layon ng gawain, iyan ay, para iligtas ang sangkatauhan, na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at lubos na ginawang tiwali ni Satanas. Ang gawaing ito ay para iligtas ang isang grupo ng mga tao na ginawang tiwali ni Satanas hanggang sa puntong ganap silang walang wangis ng tao, isang grupo ng mga tao na puno ng mga tiwaling disposisyon ni Satanas, at puno ng mga disposisyong lumalaban sa Diyos, para mahikayat silang magbago nang sa gayon ay magkaroon sila ng wangis ng tao, at para maunawaan nila ang katotohanan, at maunawaan at maarok kung ano ang makatarungan at ano ang hindi makatarungan, at kung ano ang mga positibong bagay at ano ang mga negatibong bagay, at kung paano dapat mamuhay ang mga tao upang maisabuhay ang wangis ng mga tunay na tao, at kung anong posisyon ang dapat nilang panghawakan upang nasa posisyon sila na paunang itinakda ng Diyos para sa mga tao. Pangunahing nilalaman ito ng gawain ng Diyos, at alam ninyong lahat ang mga ito sa teoretikal na antas. Kung tunay ninyong nauunawaan ang layunin ng Diyos, dapat alam ninyo kung hinahatulan ba ng Diyos ang mga tao para kondenahin at lipulin sila, o para dalisayin at gawin silang perpekto, at kung hinahatulan at kinakastigo ba ng Diyos ang mga tao para itulak sila sa hukay ng apoy, o para iligtas sila at dalhin sila sa liwanag. Nakikita nating lahat na nagpapahayag ang Diyos ng napakaraming katotohanan, naglalantad ng iba’t ibang tiwaling kalagayan ng mga tao, nagtutuwid ng mga paglihis ng mga tao sa pananalig at mga kuru-kuro nila tungkol sa pananalig, at inaakay ang mga tao na maunawaan ang katotohanan at mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, at isabuhay ang wangis ng tunay na tao, at na may ilan nang natamong resulta sa mga hinirang ng Diyos. Inilalantad ng Diyos ang mayayabang na disposisyon ng mga tao at pinipigilan silang maging superhuman o mga dakilang tao, nagbibigay-daan sa kanila na maging mga tunay na nilikha at mga tao na may konsensiya at katwiran; inilalantad ng Diyos ang mapagpaimbabaw na diwa ng mga Pariseo, tinutulutan ang mga tao na makita ang mga mapagpaimbabaw na mukha ng mga Pariseo, at dinadala ang mga tao sa katotohanang realidad ng mga salita ng Diyos; inilalantad ng Diyos ang kawalang-kabuluhan ng tradisyonal na kultura at ang mga gapos na inilalagay nito sa mga tao at ang pinsalang idinudulot nito sa kanila, nang sa gayon ay makalaya ang mga tao sa mga gapos ng tradisyonal na kultura at matanggap ang katotohanan at mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos…. Maaaring ibuod ang lahat ng ito nang ganito: Ang gawain ng Diyos sa pagliligtas ng mga tao ay para dalhin ang mga tao mula sa kalakaran ng buktot na mundo pabalik sa sambahayan ng Diyos, at pagkatapos ay matiyaga silang turuan at pagkalooban ng katotohanan at buhay, para maunawaan nila at malaman kung ano ang mga tunay na prinsipyo ng pag-asal at kung paano dapat umasal ang mga tao, upang makatakas sa pinsalang ginagawa ng mga buktot na kalakaran ni Satanas at ng iba’t ibang satanikong pilosopiya at satanikong lason sa mga tao. Mula sa simula hanggang sa kasalukuyan, nagsagawa ang Diyos ng lahat ng uri ng gawain, mula sa gawain Niya sa Kapanahunan ng Kautusan, hanggang sa gawain Niya sa Kapanahunan ng Biyaya, hanggang sa gawain ng paghatol na ginagawa Niya ngayon sa mga huling araw. Ngayong malinaw na sa inyo ang tatlong yugtong ito ng gawain ng Diyos, ano nga ba talaga ang kalikasan ng gawain ng Diyos sa Kanyang 6,000-taong plano ng pamamahala? Paano ito dapat ipaliwanag? (Ito ang pinakamakatarungang layunin sa sangkatauhan.) Tama. Ang gawain ng Diyos ng pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan ay nagpapatuloy na sa loob ng 6,000 taon, at sa loob ng 6,000 taon na ito, walang kapagurang nagtitiis, naghihintay, at nagsasalita ang Diyos, inaakay ang sangkatauhan hanggang ngayon. Hindi sumusuko ang Diyos, at ang gawaing ito na ginagawa ng Diyos ay ang pinakamakatarungang layunin sa sangkatauhan. Kung titingnan ito mula sa kalikasan ng gawain ng Diyos, pinakamakatarungan ba at pinakamarapat ang mga interes ng Diyos? (Oo.) Kung mapapangalagaan ang mga interes ng Diyos, ano ang mangyayari sa sangkatauhan? Makakapagpatuloy na mamuhay nang maayos ang sangkatauhan, maisasabuhay nila ang wangis ng mga tao, makakapamuhay sa loob ng mga batas ng lahat ng bagay na itinakda ng Diyos, at makakatamasa ng lahat ng ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan, at sa gayon ay magiging tunay na mga panginoon ang mga tao sa lahat ng bagay. Dapat ninyong makita na, sa huli, ang gawain ng pamamahala ng Diyos ay para sa lubos na ikabubuti ng interes ng mga tao. Kung gayon, hindi ba’t ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan ang pinakamakatarungang layunin sa sangkatauhan? Hindi ito maikakaila at walang duda—ito ang pinakamakatarungang layunin. Samakatuwid, kung ang isang tao, para sa interes niya, ay aabot sa puntong makakapinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at hahadlang sa pagpapalaganap ng gawain ng Diyos, anong klaseng tao ito? Malinaw na isa itong buktot na tampalasan at isang diyablo. Ang Diyos ay nagtutustos lamang sa sangkatauhan, nang hindi humihingi ng anumang kapalit. Habang ginagawa ng Diyos ang gawaing may pinakamalaking pakinabang sa sangkatauhan at isinasagawa ang pinakamakatarungang layunin, bukod sa hindi pinahahalagahan o pinasasalamatan ng mga tao ang Diyos at hindi iniisip na suklian ang Diyos, bagkus ay ginagambala, ginugulo, at pinipinsala ang gawain ng Diyos at hinahangad ang personal nilang mga interes. Walang anumang konsensiya o katwiran ang ganitong mga tao. Karapat-dapat pa ba silang tawaging mga tao? Talagang mga diyablo at Satanas sila! Kahit na, sa kabila ng lahat ng ito, hindi maantig ng Diyos ang mga tao, mayroon pa ba silang puso? Wala, wala silang puso. Nangangahulugang kawalan ng konsensiya ang kawalan ng puso. Walang konsensiya ang mga ganitong tao. Kapag ang pagkatao ng isang tao ay walang konsensiya, hindi na siya tao, kundi isang hayop, isang diyablo, at Satanas. Napakalinaw nito. Para mailigtas ang mga tao, determinado ang Diyos na magbayad ng kahit anong halaga at gumagawa nang walang kapaguran. Gaano man magkamali ng pagkaunawa o magduda ang mga tao, palaging nagtitiyaga ang Diyos at patuloy na nagtutustos para sa mga tao, paulit-ulit na sinasabi sa kanila ang iba’t ibang aspekto ng katotohanan, pinapaunawa sa kanila nang paunti-unti, hinihikayat silang magnilay-nilay at magsuri, at ipinapaunawa at ipinapaarok sa kanila ang puso ng Diyos. At kapag naririnig ng mga tao ang mga salitang ito ng Diyos, naaantig at napapaluha sila. Ngunit pagtalikod nila, hindi lamang sila walang pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, kundi hinahangad pa rin nila ang kanilang sariling mga interes at ang mga pagpapala. Sabihin mo sa Akin, wala bang konsensiya at katwiran ang ganitong mga tao? Ano ang pinakamalaking kulang sa mga ganitong tao? Ang pinakamalaking kulang sa kanila ay konsensiya at katwiran, pinakakulang sila sa pagkatao. Tinitiis ng Diyos ang lahat ng uri ng pasakit nang may labis na pagtitiyaga para gumawa at iligtas ang mga tao, ngunit nagkakamali pa rin ng pag-unawa ang mga tao sa Diyos, palagi Siyang nilalabanan, palaging pinoprotektahan ang kanilang sariling mga interes nang walang malasakit para sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, at palaging nagnanais na mamuhay nang marangya, ngunit ayaw mag-ambag sa kaluwalhatian ng Diyos—sa lahat ng ito, may natitira pa bang anumang pagkatao? Bagamat malakas na nagpapahayag ng patotoo sa Diyos ang mga tao, sinasabi nila sa kaibuturan ng kanilang puso na: “Ito ang gawaing natapos ko, na nagtamo ng mga resulta. Nagsumikap din ako, nagbayad din ako ng halaga. Bakit hindi sa akin magpatotoo?” Palagi nilang gustong makibahagi sa kaluwalhatian at patotoo ng Diyos. Karapat-dapat ba ang mga tao sa mga bagay na ito? Ang salitang “kaluwalhatian” ay hindi nabibilang sa mga tao. Para lamang ito sa Diyos, sa Lumikha, at walang kinalaman sa mga nilikhang tao. Kahit magsumikap at makipagtulungan ang mga tao, nasa ilalim pa rin sila ng pamumuno ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung walang gawain ng Banal na Espiritu, ano ang magagawa ng mga tao? Ang salitang “patotoo” ay hindi rin nabibilang sa mga tao. Maging ang pangngalang “patotoo” o ang pandiwang “magpatotoo,” ang mga salitang ito ay parehong walang kinalaman sa mga nilikhang tao. Tanging ang Lumikha ang karapat-dapat na patotohanan at karapat-dapat sa patotoo ng mga tao. Itinakda ito ng pagkakakilanlan, katayuan, at diwa ng Diyos, at ito rin ay dahil ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay nagmumula sa mga pagsisikap ng Diyos, at karapat-dapat na magkaroon nito ang Diyos. Talagang limitado ang magagawa ng mga tao, at bunga ng kaliwanagan, pamumuno, at patnubay ng Banal na Espiritu ang lahat ng ito. Tungkol sa kalikasan ng tao, nagiging mayabang ang mga tao kapag nakakaunawa na sila ng ilang katotohanan at nakakagawa ng kaunting gawain. Kung wala sa kanila ang paghatol at pagkastigo mula sa Diyos, walang sinumang makakapagtamo ng pagpapasakop sa Diyos at makakapagpatotoo sa Kanya. Bilang resulta sa paunang pagtatakda ng Diyos, pwedeng mayroong ilang kaloob o espesyal na talento ang mga tao, natuto ng isang propesyon o ilang kasanayan, o mayroong kaunting katalinuhan, at kaya nagiging sobrang yabang nila, at palaging nagnanais na magbahagi ang Diyos ng Kanyang kaluwalhatian at patotoo sa kanila. Hindi ba’t hindi ito makatwiran? Ito ay labis-labis na hindi makatwiran. Ipinapakita nito na nakatayo sila sa maling posisyon. Itinuturing nila ang sarili nila hindi bilang mga tao, kundi bilang isang natatanging uri, bilang mga superhuman. Walang kamalayan sa sarili ang mga tao na hindi alam ang sarili nilang pagkakakilanlan, diwa, at kung saang posisyon sila dapat lumugar. Hindi nagmumula sa pagpapakababa ang pagpapakumbaba ng mga tao—mababa at hamak na ang mga tao sa simula pa lang. Nagmumula sa pagpapakababa ang pagpapakumbaba ng Diyos. Pagtataas sa kanila ang pagsasabing ang mga tao ay mapagpakumbaba—sa katunayan, sila ay hamak. Palaging gustong makipagkompetensya ng mga tao para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, at makipagkompetensya sa Diyos para sa mga hinirang Niya. Sa ganitong paraan, ginagampanan nila ang papel ni Satanas, at kalikasan ito ni Satanas. Tunay silang mga inapo ni Satanas, na walang katiting na bahid ng pagkakaiba. Ipagpalagay na binibigyan ng Diyos ang mga tao ng kaunting awtoridad at kapangyarihan, at ipagpalagay na kaya nilang magpakita ng mga tanda at kababalaghan at gumawa ng ilang pambihirang bagay, at ipagpalagay natin na ginagawa nila ang lahat ayon sa mga hinihingi ng Diyos at ginagawa ito ayon sa bawat detalye. Ngunit kaya ba nilang higitan ang Diyos? Hindi, kailanman ay hindi. Hindi ba’t mas higit kaysa sa mga tao ang mga abilidad ni Satanas, ang arkanghel? Palagi nitong gustong higitan ang Diyos, ngunit ano ang huling resulta? Sa huli, kailangan nitong bumaba sa walang hanggang hukay. Magiging sagisag ng katarungan magpakailanman ang Diyos, samantalang magiging sagisag ng kabuktutan si Satanas, ang diyablo, at ang arkanghel, at ang kinatawan ng mga pwersa ng kabuktutan. Magiging makatarungan ang Diyos magpakailanman, at hindi mababago ang katunayang ito. Ito ang katangi-tangi at kamangha-manghang katangian ng Diyos. Kahit na makamit ng mga tao ang lahat ng katotohanan ng Diyos mula sa Kanya, sila ay mga munting nilikha lamang at hindi nila mahihigitan ang Diyos. Ito ang kaibahan sa pagitan ng sangkatauhan at ng Diyos. Maaari lang umiral ang mga tao nang maayos sa loob ng lahat ng panuntunan at batas na itinakda ng Diyos, at maaari lang nilang pamahalaan ang lahat ng nilikha ng Diyos sa loob ng mga panuntunan at batas na ito. Hindi kaya ng mga tao na lumikha ng anumang buhay na bagay, at hindi rin nila kayang baguhin ang kapalaran ng sangkatauhan—ito ay isang katunayan. Ano ang ipinapahiwatig ng katunayang ito? Ipinapahiwatig nito na gaano man kalaki ang awtoridad at abilidad na ibinibigay ng Diyos sa sangkatauhan, sa huli ay walang sinuman ang makahihigit sa awtoridad ng Diyos. Gaano man karaming taon o henerasyon, o gaano man karaming tao, maaari lamang mamuhay ang mga tao sa ilalim ng awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Isa itong katunayang hindi nababago kailanman, isang katunayang hinding-hindi magbabago magpakailanman!
Ano ang nararamdaman ninyo pagkatapos marinig ang mga bagay na ito? Sinasabi ng ilang tao: “Iniisip ko noon ang mga bagay na ito sa kamalayan ko, pero hindi ko namalayan na parang lumalago na ang aking mga abilidad. Habang tumatanda ako, umaabot din sa hustong gulang ang kaisipan ko, at naiisip ko ang maraming isyu nang mas komprehensibo, at habang nakikinig ako ng mas maraming salita ng Diyos, nauunawaan ko ang ilan sa mga layunin Niya, kaya naramdaman ko na malakas ako at hindi ko na kailangan pa ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Hindi namamalayan, naramdaman kong kaya ko na at natamo ko na ang Diyos.” Mabuting pakiramdam ba ito? (Hindi.) Bakit hindi ito mabuti? Hindi ito isang mabuting tanda. Kung gayon, ano ang isang mabuting tanda? Habang tumatagal ang buhay ng mga tao, lalo nilang nararamdaman na, “Ang mga tao ay parang alabok, at mas mababa pa sila kaysa sa mga langgam. Gaano man kalakas o kagalang-galang ang mga tao, o gaano man karaming doktrina ang nauunawaan nila, o gaano man masasabing nasa hustong gulang na ang kaisipan nila, hindi nila kayang lampasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos.” Habang tumatagal ang buhay ng mga tao, lalo nilang nararamdaman ang kadakilaan ng awtoridad ng Diyos at ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng awtoridad ng Diyos. Habang tumatagal ang buhay ng mga tao, lalo nilang nararamdaman ang kawalang-kabuluhan ng mga tao. Habang tumatagal ang buhay nila, lalo nilang nararamdaman ang pagiging hindi-maarok ng Diyos. Normal lang ang gayong kalagayan ng pag-iisip. May ganito ka bang kalagayan ngayon? Wala pa, tama? Madalas pa rin kayong nasa gitna ng pakikibaka, nag-aalangan tungkol sa mga interes, at minsan ay nagpapakita pa nga ng maliliit na senyales, na nagsasabing, “Bakit hindi ibinabahagi ng Diyos sa akin ang kaunti sa Kanyang mga interes? Bakit hindi ako pinupuri ng Diyos? Bakit hindi gumagawa ng paraan ang Diyos para pahalagahan ako ng mga tao sa paligid ko, at para patotohanan nila ako? Nagbayad ako ng halaga at nagbigay ng mga ambag. Paano ako gagantimpalaan ng Diyos?” Madalas pa rin kayong nagugumon sa kahambugan, sa pagkakaroon ng mentalidad ng isang taong nasisiyahan sa sarili. Madalas ninyong hindi kilala kung sino kayo, at madalas ninyong nararamdaman na kayo ay may kakayahan. Hindi normal ang sitwasyong ito. Hindi ito pag-usad sa buhay. Ano ang tawag dito? Mga tiwaling disposisyon na muli na namang tumitindi. Medyo mapagpakumbaba at tahimik lang ang ilang tao kapag wala pa silang anumang naiambag. Kapag gumawa sila ng mahalagang bagay at nagbigay sila ng ilang ambag, at nararamdaman nilang may kapital na sila, kapag nakita nila ang mga tao sa paligid nila, napapaisip sila: “Bakit ba hindi ninyo ibinabalita ang mga naiambag ko? Nagpapatotoo kayong lahat sa pangalan at diwa ng Diyos, kaya, bakit hindi kayo magbigay ng pagpapakilala tungkol sa akin? Kahit na hindi na ninyo ako patotohanan, pwede naman kayong magbigay na lang ng pagpapakilala tungkol sa akin. Ako, si Sister ganito-at-ganyan, ay nananampalataya sa Diyos sa loob ng 25 taon. Ako ay 45 taong gulang na ngayon, hindi pa kasal at walang asawa, at taos-puso at masigasig akong naghangad hanggang sa araw na ito. Dahil isa akong haligi ng iglesia, maraming beses akong naisama sa listahan ng mga pinaghahanap ng Komunistang pamahalaan ng Tsina, tinugis at nagtago ako sa iba’t ibang lugar, nagpalipat-lipat sa mahigit sampung probinsiya bago lumipat sa ibang bansa. Pagkatapos ng lahat ng iyon, patuloy akong naglingkod bilang tagapangasiwa ng mahahalagang gawain ng sambahayan ng Diyos, kung saan nagbigay ako ng maraming makabuluhang suhestiyon, ideya, at konsepto para sa ilang partikular na trabaho ng sambahayan ng Diyos, na nagbigay ng hindi matatawarang kontribusyon sa pagsulong ng gawain ng iglesia at sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Bakit hindi ninyo ako ipakilala nang ganoon? Bakit hindi ako binibigyan ng Diyos ng ilang sitwasyon at okasyon para maipakita ang mga talento ko, nang sa gayon ay malaman at makilala ako ng lahat? Bakit palagi tayong pinipigilan ng Diyos? Hindi tayo gaanong malaya sa sambahayan ng Diyos, hindi rin tayo gaanong panatag, malaya, o masaya!” Gusto pa nga niyang maging panatag, malaya, at masaya. Paano ka namin mapapapanatag, mapapalaya, at mapapasaya? Sa pamamagitan ba ng paglalagay sa iyo sa pinakamataas na ranggo? Pagkatapos kang ilagay sa pinakamataas, sa pamamagitan ng pagpapakilala sa iyo: Sa mundo sa labas, isang kilalang doktor ang taong ito, na nanalo ng unang gantimpala para sa mga kilalang doktor ng bansa, at pagkaraan ay isinama ang pangalan niya sa “Encyclopedia ng mga Kilalang Doktor sa Mundo.” Marami siyang natapos na pananaliksik, at pagkapasok sa sambahayan ng Diyos, nagpatuloy siyang maging isang haligi at isang taong may talento, at ngayon, siya ay naging isang nakatataas na lider. Hindi ba siya magiging masaya kung gayon? Iisipin niya, “Isa akong taong may talento. Dati akong sikat, at pagkapasok ko sa sambahayan ng Diyos, sikat pa rin ako. Para akong gintong kumikinang kahit saan mo ilagay, at walang makakapigil sa kinang nito. Naririyan lang ang mga abilidad kong ito para makita ng lahat! Bagamat hindi nagpapatotoo ang Diyos, ang mga katunayang ito ay naghahatid ng matunog na patotoo sa akin.” Ano ang tingin mo sa opinyong ito? Kung hindi mo kayang bitiwan ang paghahangad mo sa kasikatan at pakinabang kahit isang araw, kung gayon ay nakagapos ka pa rin sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, at hindi ka tunay na magiging panatag at masaya. Hangga’t nakatali, nahihigpitan at nakagapos ka sa mga kadena ng kasikatan at pakinabang, hindi ka makakausad sa paghahangad mo ng katotohanan, bagkus ay mananatili ka lamang sa kung nasaan ka. Maaaring tinatanong ng ilang tao na: “Babalik ba ako sa dati?” Ang totoo, hangga’t hindi ka umuusad, nananatili kang nakapako sa isang lugar o bumabalik sa dating lagay. Ipinapakita nito na ang kalikasang diwa mo ay ganito, at kahit gaano pa katagal kang mananampalataya sa Diyos, hindi ka kailanman makakausad, at kahit hanggang sa huli, maaaring makagawa ka pa rin ng malaking kasamaan. Masasabi nang may buong katiyakan na mabubunyag ka. Sa sandaling magkaroon ng tamang kapaligiran ang gayong tao, sa sandaling magkamit siya ng katayuan, ang ambisyon niya ay malalantad. Sa katunayan, kung wala ang kapaligiran at katayuang ito, wala ba silang ambisyon? Magkakaroon pa rin sila nito. Ganito lang talaga sila at ganito lang ang diwa nila, at hindi mapipigilan ang ambisyon nila. Sa sandaling magkaroon sila ng tamang kapaligiran, bigla na lamang silang “sasabog,” at walang makakapigil sa kanila, at magsisimula silang gumawa ng kasamaan, at lubusang malalantad ang kanilang pangit na mukha ng isang diyablo. Ito ay isang kaso ng pagkakabunyag. Dapat mong maunawaan ang salitang “ibunyag” sa ganitong paraan: Hindi nilayon ng Diyos na ibunyag ka, nilayon Niyang bigyan ka ng pagkakataon na magsagawa. Pero hindi mo nakikilala ang isang magandang pagkakataon kapag nakita mo ito, at ipinakita mo pa nga ang iyong tunay na anyo. Hindi ba’t tama lang na ibunyag ka? Sarili mo itong desisyon. Hindi sa sinasadya kang ibunyag at itiwalag ng Diyos. Mga motibo at ambisyon mo ang nagbunyag sa iyo. Sino pa ba ang pwede mong sisihin?
Sa mga usapin ng mga interes ng mga tao at mga interes ng Diyos, sapat na ba ang napagbahaginan natin tungkol sa katotohanan sa aspektong ito? Ano ang mga personal na interes ng mga tao? Ito ay ang mga bagay na hinahangad ng mga tao, kabilang na ang kasikatan, pakinabang, at katayuan, ang ambisyon at pagnanais na makatanggap ng mga pagpapala, pati na rin ang banidad ng mga tao at pagpapahalaga sa sarili, pamilya, mga kamag-anak, mga materyal na interes, at iba pa. Ang diwa ng mga interes ng mga tao ay makasarili at kasuklam-suklam, ito ay buktot at sataniko, salungat ito sa katotohanan, at ginagambala, ginugulo, at sinisira nito ang gawain ng sambahayan ng Diyos, samantalang ang mga interes ng Diyos ay ang pinakamakatarungang layunin ng pagliligtas sa sangkatauhan, at kinakatawan nito ang pagmamahal ng Diyos, gawain ng Diyos, at ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos. Samakatuwid, makatwiran ang Diyos sa pagtatanggol ng Kanyang mga interes. Ipinagtatanggol Niya ang isang makatarungang layunin. Hindi ito dahil makasarili Siya at nais na ipagtanggol ang sarili Niyang dignidad. Ito ay makatarungan at marapat, at isa itong di-masukat na pakinabang para sa sangkatauhan na inililigtas ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng pagtatanggol ng Diyos sa Kanyang mga interes maaaring maligtas ang sangkatauhan bilang resulta, at makakapagtamo ng mas malalaking pakinabang, makakapagkamit ng katotohanan, ng daan, at ng buhay, at saka lamang maaaring maging tunay na mga nilikha ang mga tao, at makapamumuhay ayon sa lahat ng batas at panuntunan na itinatag ng Diyos, at makapaninirahan kasama ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos para sa kanila, at saka lamang makakapagtamo ng kagalakan at isang tunay na magandang buhay ang sangkatauhan. Makatarungang layunin ba ang lahat ng ito na ginagawa ng Diyos? Lubos itong makatarungan! Ang gawain at ang pamamahalang ito ng Diyos, pati na ang lahat ng gawain sa iglesia na may kinalaman sa pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan—tulad ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, paggawa ng mga pelikula, pagsusulat ng mga artikulo ng patotoo, paggawa ng mga video, pagsasalin ng mga salita ng Diyos, at pagpapanatili ng normal na kaayusan ng buhay-iglesia—mahalaga ang mga gawaing ito at dapat na matiyak. Mayroon ding aspekto ng pagtitiyak sa buhay ng lahat ng hinirang ng Diyos na gumagawa ng mga tungkulin nila. Bagamat isa itong pinakasimpleng gawain, kagaya ng mga pansuportang serbisyo, at tila walang masyadong kinalaman sa pangunahing gawain ng sambahayan ng Diyos, napakahalaga rin nito, at kinakailangang banggitin ito rito. Mga normal na bagay tulad ng pagkain, damit, tirahan, at transportasyon—ito ang ibinibigay ng Diyos para sa mga tao, at ang mga ito rin ang pinakamarapat na pisikal na pangangailangan na dapat taglayin ng mga taong may normal na pagkatao. Hindi ipagkakait ng Diyos sa mga tao ang mga pangangailangang ito, bagkus ay tutugunan Niya ang mga ito. Kung palagi mong guguluhin, gagambalain, at sisirain ang mga bagay na gustong ipagtanggol ng Diyos, kung palagi mong hahamakin ang mga bagay na ito, at palagi kang may mga kuru-kuro at opinyon tungkol sa mga ito, kung gayon ay tinututulan mo ang Diyos at kinokontra mo Siya. Kung hindi mo itinuturing na mahalaga ang gawain ng sambahayan ng Diyos at ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at palagi mong gustong sirain ang mga ito, at palagi mong gustong magsanhi ng pagkawasak, o palaging gustong makinabang mula sa mga ito, manloko, o mangupit, magagalit ba ang Diyos sa iyo? (Oo.) Ano ang mga kahihinatnan ng galit ng Diyos? (Parurusahan kami.) Tiyak iyan. Hindi ka patatawarin ng Diyos, talagang hindi! Dahil ang ginagawa mo ay gumigiba at sumisira sa gawain ng iglesia, at ito ay salungat sa gawain at mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ito ay isang malaking kasamaan, ito ay pakikipagtunggali sa Diyos, at ito ay isang bagay na direktang sumasalungat sa disposisyon ng Diyos. Paanong hindi magagalit ang Diyos sa iyo? Kung ang ilang tao, dahil sa mahina ang kakayahan nila, ay hindi mahusay sa gawain nila at hindi sinasadyang nakakagawa ng mga bagay na nagsasanhi ng pagkagambala at kaguluhan, maaari itong mapatawad. Gayumpaman, kung dahil sa sarili mong mga personal na interes ay nasasangkot ka sa inggit at alitan at sadya kang gumagawa ng mga bagay na gumagambala, gumugulo, at sumisira sa gawain ng sambahayan ng Diyos, itinuturing itong kusang paglabag, at isang bagay ito ng pagsalungat sa disposisyon ng Diyos. Patatawarin ka ba ng Diyos? Ginagawa ng Diyos ang Kanyang 6,000-taong plano ng pamamahala, at inilalaan dito ang lahat ng puspusang pagsisikap Niya. Kung may isang taong kumokontra sa Diyos, sadyang pumipinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, at sadyang naghahangad ng mga personal niyang interes at personal niyang katanyagan at katayuan kapalit ang pamiminsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, at hindi nag-aalinlangang sirain ang gawain ng iglesia, na nagsasanhi ng pagkahadlang at pagkasira ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at na gumagawa pa nga ng napakalaking materyal at pinansiyal na pinsala sa sambahayan ng Diyos, sa palagay ba ninyo ay dapat patawarin ang ganitong mga tao? (Hindi, hindi dapat.) Sinasabi ninyong lahat na hindi siya maaaring patawarin, kung gayon, galit ba ang Diyos sa ganitong tao? Tiyak na galit Siya. Napakahusay ng ginawa ng Diyos na pagpapahayag ng katotohanan at pagliligtas sa mga tao, at ibinuhos Niya ang lahat ng Kanyang puspusang pagsisikap dito. Labis na sineseryoso ng Diyos ang pinakamakatarungang layuning ito; ang lahat ng Kanyang puspusang pagsisikap ay iginugol para sa mga taong ito na nais Niyang iligtas, ang lahat ng Kanyang mga ekspektasyon ay itinuon din sa mga taong ito, at ang mga huling resulta at kaluwalhatiang nais Niyang makamit mula sa Kanyang 6,000-taong plano ng pamamahala ay maisasakatuparan lahat para sa mga taong ito. Kung may isang tao na nakikipagtunggali laban sa Diyos, kumokontra, gumugulo, o sumisira sa resulta ng layuning ito, patatawarin ba siya ng Diyos? (Hindi.) Sumasalungat ba ito sa disposisyon ng Diyos? Kung palagi mong sinasabing sumusunod ka sa Diyos, naghahangad ng kaligtasan, tumatanggap sa pagsisiyasat at patnubay ng Diyos, at tumatanggap at nagpapasakop sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, ngunit habang sinasabi mo ang mga salitang ito, ginagambala, ginugulo, at sinisira mo ang iba’t ibang gawain ng iglesia, at dahil sa iyong panggugulo, paggambala, at pagsira mo, dahil sa iyong kapabayaan o pagpapabaya sa tungkulin, o dahil sa iyong mga makasariling pagnanais at alang-alang sa paghahangad sa sarili mong mga interes, ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang mga interes ng iglesia, at ang marami pang ibang aspekto ay napinsala, hanggang sa puntong lubhang nagulo at nasira ang gawain ng sambahayan ng Diyos, paano, kung gayon, dapat timbangin ng Diyos ang iyong kalalabasan sa iyong aklat ng buhay? Ano ang dapat na ibansag sa iyo? Sa totoo lang, dapat kang parusahan. Tinatawag itong pagtamo ng nararapat sa iyo. Ano ang nauunawaan ninyo ngayon? Ano ang mga interes ng mga tao? (Buktot ang mga ito.) Sa totoo lang, ang mga interes ng mga tao ay ang lahat ng kanilang maluhong pagnanais. Sa tuwirang salita, ang lahat ng ito ay mga tukso, ang mga ito ay kasinungalingan lahat, at ang mga ito ay mga pain lahat na ginagamit ni Satanas para tuksuhin ang mga tao. Ang paghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at paghahangad ng sariling mga interes—pakikipagtulungan ito kay Satanas sa paggawa ng kasamaan, at pagkontra ito sa Diyos. Para hadlangan ang gawain ng Diyos, naglalagay si Satanas ng iba’t ibang sitwasyon para tuksuhin, guluhin, at ilihis ang mga tao, at para pigilan ang mga tao na sumunod sa Diyos, at pigilan silang magpasakop sa Diyos. Sa halip, nakikipagtulungan sila kay Satanas at sinusunod ito, sadyang tumitindig para guluhin at sirain ang gawain ng Diyos. Gaano man magbahagi ang Diyos tungkol sa katotohanan, hindi pa rin sila natatauhan. Gaano man sila pungusan ng sambahayan ng Diyos, hindi pa rin nila tinatanggap ang katotohanan. Hindi talaga sila nagpapasakop sa Diyos, sa halip ay iginigiit nilang masunod ang kagustuhan nila at gawin ang mga bagay ayon sa nais nila. Bilang resulta, ginugulo at sinisira nila ang gawain ng iglesia, lubha silang nakakaapekto sa pag-usad ng iba’t ibang gawain ng iglesia, at nagdudulot ng napakalaking pinsala sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos. Napakalaki ng kasalanang ito, at tiyak na parurusahan ng Diyos ang mga gayong tao.
Sa ngayon, sa isipan ninyo, aling mga trabaho sa iglesia ang pinakamahalaga at kasama sa pagpapalawig ng plano ng pamamahala ng Diyos? (Pagpapalaganap ng ebanghelyo.) Isang pangunahing trabaho ang gawain ng ebanghelyo. Ang gawain ng Diyos ay gawain ayon sa nakikita ng Diyos, ngunit para sa mga tao, tungkulin nila ito. Bukod sa gawain ng ebanghelyo, may mga gawain din ng produksiyon ng video, pagsasalin, himno at iba’t ibang gawaing may kaugnayan sa teksto. Sa panahon ngayon, karamihan sa mga taong gumagawa ng tungkulin nila nang full-time ay nakikibahagi sa mga aktibidad na nauugnay sa mga trabahong ito. Sabihin ninyo sa Akin, alin sa mga trabahong ito ang maaaring alisin? Sinasabi ng ilang tao, “Tungkol lang sa ilang nota ang musika, na sa tingin ko ay hindi mahalaga. Maipoproklama at maipapalaganap pa rin naman ang mga salita ng Diyos kahit wala ang lahat ng himig na iyon, at madadala pa rin ang mga tao sa harap ng Diyos.” Tama bang sabihin iyon? (Hindi, mali ito.) Bakit mali ito? Magiging maayos ba ang iba’t ibang uri ng produksiyon ng video kung walang musika? (Hindi.) Bukod pa sa kailangan ito para sa pag-awit ng mga himno sa loob ng iglesia, ang lahat ng pelikula, music video, koro, at dula sa entablado, pati na ang mga video ng pagbasa ng mga salita ng Diyos at iba pa, ay nangangailangan din ng musika. Bagamat sa unang tingin, talagang tungkol sa mga nota lamang ang musika, sa sandaling marinig ng mga tao ang musikang ito, nagiging mas epektibo ito sa pagpoproklama ng mga salita ng Diyos, at maaari itong gumampan ng papel sa pagsusulong ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, kaya, hindi maaaring wala ito. Kahit na kaswal ka lang na nagsasalita rito at may musikang pansaliw, magiging iba ang epekto, hindi ba? Kaya napakahalaga ng tungkuling ito. May ilang tao na nagsasabing: “Kung gayon, mahalaga ba ang gawain natin sa produksiyon ng video?” Sabihin ninyo sa Akin, mahalaga ba ang gawain sa produksiyon ng video? (Oo.) Halimbawa, ang malaking parte ng mga imaheng ginawa gamit ang teknolohiya ng mga special effect ay hindi maaaring maging kapalit ng anumang hindi pa napoprosesong kuha ng video, at hindi rin ito maaaring makunan ng video—ito ay modernong sining. May mga nagsasabi na: “Kahit ang sambahayan ng Diyos ay nagsasalita tungkol sa modernong sining. Hindi ba pagsabay ito sa uso?” Paano ito matatawag na pagsabay sa uso? Tinatawag itong pagsasamantala kay Satanas para magserbisyo. Siyempre, hindi ito pagsasamantala sa mga kapatid para magserbisyo. Ang ibig Kong sabihin, kung matututo ka ng ilang teknikal at masining na propesyon at gagamitin mo ang propesyonal na kaalamang ito sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpoproklama ng mga salita ng Diyos, kung gayon, kapaki-pakinabang ang natutunan mo. Kung matututunan mo ito, ito ay biyaya ng Diyos, at pagkatapos ay magagawa mo na ang kaugnay na tungkulin, at ikaw ay pagpapalain. Hindi ba’t isa itong pagpapala para sa iyo? (Oo.) Kaya, hindi mahalaga kung ano ang natutunan mo, ang mahalaga ay kung gagamitin mo ito para sa tungkulin mo. May ibang tao na nagsasabing: “Gumagawa kami ng mga gawaing may kaugnayan sa teksto, ngunit walang nakakakilala sa amin kahit kailan, walang nagbabanggit sa amin, at maraming tao ang hindi man lang nakakakita sa amin. Kami ay kapalit-palit naman.” Hindi ito malinaw na pagtingin sa usapin. Hindi ka nakikita ng mga tao, ngunit nakikita ka ng Diyos, sinisiyasat ka ng Diyos, ginagabayan ka ng Diyos, pinagpapala ka ng Diyos, bakit hindi mo ito nararamdaman? Mahalaga ba kung nakikita ka o binabanggit kayo o hindi ng mga tao? Aling katotohanan ang hindi ibinigay sa inyo? Aling mga sermon at pagbabahagi ang hindi ninyo nasalihan? Sa totoo lang, ang teknikal na nilalaman ng mga gawaing may kaugnayan sa teksto ay hindi masyadong mataas, at hindi kailangang palakasin nang husto ang mga propesyonal na aspekto. Gayumpaman, may isang bagay na hindi maaaring mawala. Dapat ninyong maunawaan ang katotohanan. Kung hindi ninyo nauunawaan ang katotohanan, wala kayong maisusulat na kahit ano. May kaalaman ka sa pagsulat, kaya maaari mong iayon sa pamantayan ng wika, ayusin ang wika, at maaari kang magtakda ng isang estruktura at ng mga ideya sa isang sulatin. Gayumpaman, ang estruktura mismo ay hindi ang artikulo. Kailangang mapuno ito ng nilalaman. Ano mismo ang dapat isulat bilang nilalaman, at paano mismo ito dapat isulat para makamit ang resulta ng pagpapatotoo sa Diyos—ito ang dapat ninyong pasukin. Kung mananatili lang kayo sa pundasyong ito, iyong pagpapatotoo sa mga salita ng Diyos at pagpoproklama ng yugtong ito ng gawain ng Diyos, kung gayon ay hindi kailanman lalago ang inyong tayog. Kung, bukod sa pagpapatotoo sa bagong gawain ng Diyos, pagkontra sa mga kuru-kuro ng mga tao, at pagbabahagi tungkol sa ilang katotohanan ng mga pangitain, maaari din kayong magbahagi tungkol sa ilang katotohanan tungkol sa buhay pagpasok, at gumamit ng ilang katunayan, kuwento, at ilang maayos na inilarawang detalye para ipahayag ang lahat ng iba’t ibang kalagayan sa kaibuturan ng puso ng mga tao, nang sa gayon ay makilala ng mga tao ang katiwalian nila, at maunawaan nila kung ano ang mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan at kung ano ang mga layunin ng Diyos, at upang higit pang makilala ang mga pinakakritikal na isyu—kung ano talaga ang katotohanan, kung ano ang landas na dapat tahakin ng mga tao, kung saan naroroon ang pagkakamali sa mga maling landas na tinatahak ng mga tao ngayon, kung anong uri ng mga tao ang hinihingi ng Diyos sa kanila, at kung ano ang landas na hinihingi ng Diyos na tahakin ng mga tao—kung makakausad kayo nang dahan-dahan patungo rito, magiging lubos na kapaki-pakinabang ang tungkuling ginagawa ninyo. Ngunit ito ang mahirap na parte, ito ang pinakamahirap na bagay. Ang pagpasok ng mga tao sa buhay ay hindi nangyayari sa loob ng isa o dalawang araw. Maraming bagay ang tumatagal ng isa o dalawang taon mula sa umpisa bago magkaroon ng kamalayan ang isang tao. Tumatagal ng dalawa hanggang tatlong taon, o tatlo hanggang limang taon pa nga mula sa pagkakaroon ng malabong kamalayan tungo sa pagkakaroon ng malinaw na kamalayan, tumatagal ng dalawa o tatlong taon mula sa pagiging malinaw ng kamalayan ng isang tao tungo sa pagkilala sa kalikasan ng bagay na ito, at pagkatapos ay tumatagal ng dalawa o tatlong taon pa para malaman ang kalubhaan ng problemang ito. Hanggang dito lamang ang mararating ng mga taong manhid at may mahinang kakayahan. Alam ng mga taong may mas mahusay na kakayahan at matalas na espiritu kung paano aktibong hanapin ang katotohanan, na tumatagal pa ng dalawa o tatlong taon…. Bago pa nila mamalayan, lumipas na ang buong buhay nila. Ganito kabagal ang buhay pagpasok! Higit na mabilis ang pag-unawa at paggunita ng mga tao sa katotohanan kaysa sa pagdanas at pag-arok dito. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Ang ibig Kong sabihin, palaging mabagal ang pagdanas at pag-arok, dahil ito ay buhay, samantalang ang pag-unawa at paggunita ay nangangailangan lamang ng isipan. Ang mga tao na may matalas na memorya, mahusay na abilidad sa pag-unawa, may ilang kakayahan at kaunting pundasyon sa edukasyon ay mabilis na makakatamo ng mga bagay na ito. Ngunit pagkatapos makaunawa, nagkakaroon ba ng kaalaman ang isang tao? Hindi. Pagkatapos makaunawa, humihinto lang ang isang tao sa pag-alam kung tungkol saan ang bagay na ito, at wala nang iba pa, ngunit hindi pa rin sapat iyon kapag gumagawa ng aksiyon. Bakit hindi sapat? Kadalasan, ang doktrinang nauunawaan mo ay hindi magagamit o maiuugnay sa mga bagay na nangyayari sa iyo. Bilang resulta, pagkatapos mabigo nang maraming beses, magdusa ng maraming kawalan, lumihis ng daan nang maraming beses, at makatanggap ng maraming paghatol, pagkastigo, at pagpupungos, saka mo lang mauunawaan sa wakas ang katotohanan, at makapagsasagawa at mararanasan ang mga salita ng Diyos sa lahat ng iba’t-ibang bagay na nangyayari sa iyo. Sa oras na iyon, napakaraming taon na ang lumipas na ang mukha mo ay maaaring puno na ng kulubot—hindi ba’t napakabagal nito? Napakabagal ng pag-usad ng buhay ng mga tao, dahil ang katotohanang nauunawaan ng mga tao ay may kinalaman sa kalikasang diwa ng mga tao, sa pag-iral ng mga tao, at sa mga bagay na ipinamumuhay ng mga tao, at kasama na rito ang pagbabago ng disposisyon ng isang tao pati na rin ang mga pagbabago sa kanyang buhay. Paanong napakadaling magbago ang iyong buhay tungo sa ibang buhay? Sa isang aspekto, kinakailangan nito ang gawain ng Diyos, at kasabay nito, kinakailangan din nito na aktibong makipagtulungan ang mga tao; dagdag pa roon, nariyan din ang mga pagsubok sa panlabas na kapaligiran, pati na ang iyong personal na paghahangad; dagdag pa rito, dapat mayroon kang sapat na kakayahan at abilidad na umunawa, at pagkatapos ay bibigyan ka ng Diyos ng karagdagang kaliwanagan at patnubay; higit pa roon, magpapataw ang Diyos ng ilang pagkastigo, paghatol, at pagpupungos sa iyo, at pupunahin ka ng iyong mga kapatid, at kailangan mo pa ring maagap na maghangad, upang maalis ang mga bagay na iyon na nabibilang kay Satanas—at saka lamang unti-unting makapapasok ang mga positibong bagay na nabibilang sa katotohanan. Sinasabi ng ilang tao na, “Kapag nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, nagbabago ang buhay nila.” Tama ba o mali na sabihin ito? (Mali ito.) Bakit mali ito? Hindi katumbas ng pagkakaroon ng katotohanan ang pag-unawa sa katotohanan, at kapag naunawaan mo na ito, hindi pa rin ito ang buhay mo. Kapag narinig mo na ang katotohanan, naarok ito, at naunawaan kung ano ang naririnig mo, gaano katagal itong mananatili sa puso mo? Maaaring pagkatapos ng isang buwan, ang mga salitang iyon na inakala mong pinakamahalaga noong panahong iyon ay ganap nang nawala, at kapag narinig mo ulit ang mga ito, pakiramdam mo ay parang hindi mo pa kailanman narinig ang mga ito. Gayumpaman, kung nagtataglay ka ng gayong tayog na buhay, hindi mo na kailangang paulit-ulit na pakinggan ang mga ito. Kung wala ka nito, dapat patuloy kang makinig, at kung hindi ka makikinig, unti-unting mababawasan at mawawala ang pag-unawa mo hanggang sa ikaw ay maging katulad ng mga walang pananampalataya. Samakatwid, ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan ay dapat na palaging pinakikinggan at binabasa. Hindi magiging sapat kung masyadong kaunti ang pagbasa o pakikinig sa mga ito. Lahat kayo ay may malalim na pagkatanto rito, tama? (Oo.) Minsan, pagkatapos ng hindi pagkanta ng mga himno o pagdasal sa Diyos nang dalawa o tatlong araw, nakakaramdam ka ng kahungkagan sa puso mo at hindi mo maramdaman ang Diyos, kaya napapaisip ka kung saan ka pupunta para maglakad at magpaalwan. Bilang resulta, habang lalo kang nagpapaalwan, lalo kang nagiging hindi disiplinado, at kapag pumupunta ka sa iglesia para makipagbahaginan sa mga kapatid mo tungkol sa katotohanan, pakiramdam mo ay hindi ka sanay rito, at kapag nabanggit ang gawain ng iglesia, medyo hindi ka komportable. Sa loob lamang ng dalawa o tatlong araw, nagbago ka na at naging parang ibang tao ka, kaya pakiramdam mo ay hindi mo na kilala ang sarili mo. Paano nangyari ito? Huwag mong isipin na dahil marami ka nang napakinggang sermon, naging buhay mo na ang katotohanan, at natamo mo na ang katotohanan. Malayo ka pa roon! Huwag mong isipin na dahil lang sa nakapagsulat ka ng isang artikulo ng patotoo o nagkaroon ng gayong karanasan, ikaw ay ligtas na. Wala ka pa roon! Isa lang iyong maliit na piraso sa iyong mahabang karanasan sa buhay. Ang pirasong ito ay maaaring isang panandaliang lagay ng loob lamang, isang panandaliang damdamin, isang panandaliang kahilingan o ambisyon, at wala nang iba pa. Isang araw, kapag ikaw ay mahina at nagbalik-tanaw ka at nakinig sa mga patotoong minsan mong ibinahagi, sa mga panunumpang minsan mong sinambit, at sa mga pagkaunawang minsan mong nakuha, magiging hindi pamilyar ang mga ito sa iyo, at sasabihin mo na, “Ako ba iyon? Ganoon ba kataas ang naging tayog ko? Bakit hindi ko alam? Siguradong hindi ako iyon, hindi ba?” Sa puntong ito, mapagtatanto mo na hindi pa rin nagbago ang iyong buhay. Ano ang ipinahihiwatig nito kung hindi pa nagbago ang iyong buhay? Ibig sabihin nito ay hindi pa rin nagbago ang iyong disposisyon. Ano ang mararamdaman mo kapag natuklasan mo na—sa kabila ng pagbigay mo ng mga patotoo at sa kabila ng inakala mo noon na mayroon ka nang malaking tayog—maaari ka pa ring maging negatibo tulad ngayon? Hindi ba’t iisipin mo na masyadong mahirap baguhin ang sariling disposisyon? Ang katotohanan ay hindi isang bagay na maaaring agad-agad na taglayin ng mga tao. Kung talagang makakamit ng mga tao ang katotohanan bilang kanilang buhay, sila ay pagpapalain, at magbabago ang buhay nila. Hindi na sila magiging katulad ng kung ano sila ngayon, na madalas na nagpapakita ng mga tiwaling disposisyon, bagkus ay magagawa nilang magpasakop nang lubos sa Diyos at magawa nang tapat ang kanilang tungkulin, at sila ay ganap na magbabago.
Dahil masyadong tiwali ang sangkatauhan, ang pagtanggap sa katotohanan ay hindi madali, at dahil napakahalaga ng katotohanan, mas lalong mahirap para sa Diyos na gawin ang katotohanan sa mga tao. Napakahalaga at makabuluhan para sa mga tao ang halaga at kahulugan ng katotohanan at lahat ng iba’t ibang aspekto ng katotohanan. Ngunit dahil lubhang nagawang tiwali ni Satanas ang mga tao at napakaraming bagay sa loob nila ang pagmamay-ari ni Satanas, hindi ganoon kadaling itanim ang katotohanan sa mga tao upang maging buhay nila ito. Ibig bang sabihin nito ay hindi maitatanim ang katotohanan sa mga tao? Hindi, hindi ganoon. Maitatanim ito sa kanila, ngunit dapat magkaroon ang mga tao ng tamang saloobin at pananaw, at dapat sumunod sila sa tamang landas. Ang pagiging mahirap gawin ay hindi nangangahulugang hindi ito magagawa, gaya na lang ng unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, noong hindi pa ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagperpekto, hindi rin Niya inihahayag ang mga katotohanang ito o sinasabi ang mga salitang ito, ngunit nagawang perpekto ang ilang tao, at nakilala pa rin ng ilan ang Diyos. Kung titingnan ang katunayang ito, maaaring makamit at hindi imposibleng maitanim ang katotohanan sa mga tao, nakasalalay lamang ito sa kung hinahangad ng mga tao ang katotohanan. Kaya, paano dapat maghangad ang isang tao? Ang pinakasimpleng paraan ay ang basahin ang mga salita ng Diyos araw-araw, sauluhin ang mahahalagang salita ng Diyos, pagnilayan ang isang sipi ng mga salita ng Diyos araw-araw, at magdasal-magbasa at magbahagi tungkol sa mga salitang iyon nang paulit-ulit. Kapag nagawa mo nang magdasal-magbasa ng mga pananaw at kasabihang ito—pati na sa mga saloobin ukol sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay—na nilalayong ituro sa iyo ng mga salita ng Diyos, para maunawaan mo ang mga ito at pumasok ang mga ito sa puso mo, kung gayon, bago mo pa ito mamalayan, ang mga positibong kaisipan at pananaw, at ang mga prinsipyo ng pagsasagawa ay maisasabuhay sa tuwing sumasapit sa iyo ang iba’t ibang bagay. Hindi pa ninyo naabot ang antas na ito. Nabasa mo ba kung ano ang ginawa ni Job? Ano ang ginagawa ni Job habang nagsasaya ang mga anak niya? Lumapit siya sa Diyos para magdasal at mag-alay ng mga sakripisyo para sa mga anak niya. Hindi siya kailanman lumayo mula sa Diyos. Ibig sabihin, iwasan mo ang anumang bagay na maaaring magdulot ng paglayo ng puso mo mula sa Diyos; huwag magsabi ng anumang bagay na maaaring magdulot ng paglayo ng puso mo mula sa Diyos; iwasang tumingin sa mga bagay na maaaring magdulot sa iyo na lumayo ka mula sa Diyos o bumuo ng mga kuru-kuro o duda tungkol sa Kanya; huwag makipag-ugnayan sa mga taong maaaring magtulak sa iyo na maging negatibo, mababang-uri, at mapagpalayaw sa sarili, o na maaaring magtulak sa iyo na magduda, sumuway, o lumayo mula sa Diyos, sa halip, layuan mo ang gayong mga tao; manatiling malapit sa sinumang maaari mong pagkunan ng magandang aral, tulong, at panustos; at huwag gumawa ng mga bagay na maaaring magtulak sa iyo na itaboy, ayawan, o kasuklaman ang katotohanan. Dapat mayroon kang ideya tungkol sa mga bagay na ito sa isipan mo. Huwag iniraraos lang ang buhay, iniisip na, “Wala akong pakialam kung gaano ako katagal mabubuhay, o kung ano ang patutunguhan ng buhay ko, hahayaan ko na lang ang lahat sa kalikasan at sa mga pamamatnugot ng Diyos.” Nagsaayos ang Diyos ng kapaligiran para sa iyo at binigyan ka Niya ng malayang kalooban na pumili, ngunit kung hindi ka makikipagtulungan, at palagi kang kusang makikipag-ugnayan sa mga taong mahilig sa mga makamundong bagay, at laging nagpapakasasa sa laman, at hindi tapat sa mga tungkulin nila, at hindi responsable, at kung patuloy kang nakikihalubilo sa mga taong iyon, ano ang magiging resulta at kalalabasan? Kapag walang magawa ang mga taong iyon, nag-uusap sila tungkol sa kainan, inuman, at kasayahan, at madalas nagkukuwentuhan at nagtsitsismisan. Kung mahaharap ka sa mga gayong tukso at hindi ka iiwas sa mga ito at mahuhumaling ka pa nga sa mga bagay na ito at sadyang makikisama sa mga gayong tao, kung gayon, nanganganib ka, sapagkat napapaligiran ka ng tukso! Kapag nakikita ng matatalinong tao ang gayong tukso, lumalayo sila. Malinaw sa puso nila na, “Wala akong ganitong tayog, hindi ako makikinig, at ayaw ko ring bigyan sila ng pansin. Hindi naghahangad sa katotohanan o nagmamahal sa katotohanan ang mga taong ito. Iiwas ako at maghahanap ako ng tahimik na lugar para basahin ang mga salita ng Diyos nang mag-isa, payapain ang puso ko at magninilay-nilay sandali, at lalapit ako sa Diyos.” Ang lahat ng prinsipyo at layong ito ay: Una, huwag lumayo mula sa mga salita ng Diyos; at ikalawa, huwag lumayo mula sa Diyos sa puso mo. Sa ganitong paraan, maaari kang palaging mamuhay sa harap ng Diyos batay sa pagkaunawa sa kung ano ang katotohanan. Sa isang banda, poprotektahan ka ng Diyos mula sa pagkakalugmok sa tukso. Sa ibang banda, pagpapalain ka ng Diyos nang sagana, bibigyan ka ng kakayahang maunawaan kung ano ang dapat mong gawin para maisagawa ang katotohanan, at magbibigay-daan para matanglawan at maliwanagan ka tungkol sa lahat ng iba’t ibang katotohanan. Pagdating sa tungkulin mo, gagabayan ka ng Diyos na subukang hindi ka magkamali, na palaging magawa mo nang tama ang mga bagay-bagay, at para malaman ang mga prinsipyo. Sa ganitong paraan, hindi ba’t mapoprotektahan ka? Siyempre, hindi ito ang pinakamalaki at panghuling layon. Kung gayon, ano ang panghuling layon? Ito ay na matuto ka ng mga aral mula sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, maunawaan ang mga layunin ng Diyos, malaman ang gawain ng Diyos, at magsagawa ayon sa mga prinsipyong hinihingi ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang buhay at tayog ay makakapagpatuloy na umusad sa halip na huminto. Kung palagi kang abala sa pag-aasikaso ng mga bagay-bagay at hindi ka nakatuon sa pagsasagawa ng katotohanan sa pagtupad ng mga tungkulin mo at paglutas sa mga suliranin ng buhay pagpasok, hindi ka uusad sa buhay mo. Nakakamit ang buhay pagpasok sa pamamagitan ng paggampan ng tungkulin. Kung hihiwalay ang isang tao sa paggampan ng tungkulin at sa mga salita ng Diyos, hindi magkakaroon ng pag-usad sa buhay. Nakikita ng ilang tao ang iba na walang kabuluhang nag-uusap at kaya nakikisali sila at nakikialam, palaging nanghihimasok at mahilig sa tsismis—ayaw ng Diyos sa mga gayong tao. Anong klaseng mga tao ang gusto ng Diyos? Mga taong kayang payapain ang puso nila. Payapain ang sarili nila para gawin ang ano? Para maging isang papet na walang iniisip? Hindi, kundi para payapang manalangin sa harap ng Diyos, hangarin ang mga layunin ng Diyos, hilingin sa Diyos na protektahan ka, at bigyan ka ng kaliwanagan. Gayundin, para hangarin na mabigyan ng kaliwanagan at tanglaw tungkol sa ilang aspekto ng katotohanan na hindi mo nauunawaan nang sa gayon ay magkamit ng pagkaunawa at kalinawan sa aspektong ito ng katotohanan, o para hangarin na malutas ang alinmang aspekto ng gawain mo na puno ng mga problema, at matamo ang patnubay ng Diyos. Napakaraming gampanin na kailangang isagawa at mga bagay na kailangang gawin kapag ang isang tao ay payapa sa harap ng Diyos. Hindi ito isang kaso na lalapit sa Diyos nang basta-basta kapag wala kang ginagawa at sasabihing, “O Diyos, nandito po ako, nasa puso Kita, samahan Mo ako, huwag Mo akong hayaang mahulog sa tukso!” Kung wala sa loob mo ang iyong ginagawa gaya nito at kaswal ka lang sa Diyos, hindi ka isang tunay na mananampalataya, at hindi ipagkakaloob ng Diyos ang katotohanan sa ganitong mga tao. Ano ang dapat unang taglayin ng mga tao upang ipagkaloob sa kanila ng Diyos ang katotohanan? Dapat mayroon silang pusong nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, isang sinsero na puso. Ano ang kinakatawan nito kung ang puso mo ay sinsero? Kumakatawan ito na talagang mahal mo ang katotohanan. Kung palagi kang kaswal lang sa Diyos at hindi ka talaga sinsero, at palaging gustong gumawa ng sarili mong mga desisyon sa lahat ng bagay, at palagi mong gustong lumapit sa Diyos nang basta-basta, bumati, at pagkatapos ay kontrolin at gawin ang mga bagay-bagay nang mag-isa, kung gayon, kahit na iniatas sa iyo ng Diyos ang gawain Niya, hahantong kang walang kinalaman sa Diyos o sa katotohanan. Ano ang tawag dito? Tinatawag itong paglaban sa Diyos at pag-aasikaso sa sarili mong gawain. Liliwanagan ka ba ng Diyos sa ganitong paraan? Hindi. Naiintindihan na ba ninyong lahat ang paraan para mahangad at maunawaan ang katotohanan? Dapat kang lumapit sa Diyos nang madalas, payapain ang puso mo para hanapin ang katotohanan at manalangin sa Diyos, at dapat matutong payapain ang sarili mo. Ang pagpapayapa sa sarili mo ay hindi nangangahulugang walang laman ang isipan mo, kundi ito ay pagkakaroon ng mga kahilingan, kaisipan, at pasanin sa puso mo, paglapit sa Diyos nang may sinsero at nananabik na puso, may pananabik sa katotohanan at sa mga layunin ng Diyos, at pagdadala ng pasanin para sa tungkuling ginagampanan mo at para sa gawaing ginagawa mo—ito ang dapat mong taglayin kapag lumalapit ka sa Diyos at pinapayapa ang sarili.
Katatapos Ko lang ibahagi kanina na ang lahat ng gawain ng iglesia ay direktang nauugnay sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Lalo na, ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at ang lahat ng trabaho na may kaugnayan sa mga propesyon ay may mahalaga at hindi mapaghihiwalay na koneksiyon sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kaya, ang anumang may kinalaman sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ay may kinalaman sa mga interes ng Diyos at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kung tama ang pagkaunawa ng mga tao sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, dapat tama ang pagharap nila sa mga tungkuling ginagawa nila at sa mga tungkuling ginagawa ng iba. Paano ang tamang pagharap dito? Gawin ang makakaya mo at gawin ito ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Sa pinakasimple, huwag makilahok sa mga kagawian at kaugalian na sadyang nagdudulot ng pinsala o kaguluhan, at huwag sadyang gumawa ng mga bagay na alam mong mali. Kung iginigiit ng isang tao na gawin ang isang bagay kahit na alam niyang nakakagambala at nakakagulo ito sa gawain ng iglesia, at walang makakapigil sa kanya rito, kung gayon, gumagawa siya ng kasamaan, naghahanap ng kamatayan, at nagpapakita ng tunay niyang kulay bilang isang diyablo. Bilisan at ipakilatis mo ang taong ito sa mga kapatid kung ano talaga siya, at pagkatapos ay alisin ang masamang taong ito sa iglesia. Kung ang isang taong gumagawa ng masama ay nasa sandali ng kahangalan at hindi sadyang gumagawa ng kasamaan, paano dapat tratuhin ang ganoong sitwasyon? Dapat bang turuan at tulungan ang tao? Paano naman kung tinuruan siya at hindi pa rin nakikinig? Nagsasama-sama ang mga kapatid para punahin siya. Paano kung ang tao ay may kakayahan sa trabaho niya pero hindi niya ginagawa ang lahat ng makakaya niya para gawin ito, pero sa kasalukuyan ay walang ibang pwedeng pumalit sa kanya, at gusto pa rin ng lahat na siya ang gumawa nito? Nagsasama-sama ang lahat para pungusan ang tao at balaan siya, “Itinaas ka ng Diyos at hiniling Niya sa iyo na gawin ang tungkuling ito. Kung hindi mo gagawin ang lahat ng iyong makakaya, at patuloy kang magsasanhi ng kaguluhan, at patuloy na bibitiw, kung gayon ay malinaw na wala kang konsensiya at hindi ka angkop na gumawa ng tungkulin mo.” Maganda ba ang ganitong paraan o hindi? Kung may taong pwedeng pumalit sa kanya, hayaan siyang umalis. Maglalakas-loob ba kayong gawin iyon? Karamihan sa mga tao ay hindi maglalakas-loob. Pagdating sa pagtatanggol sa gawain ng iglesia, maraming tao ang hindi naglalakas-loob na tumayo at magtaguyod sa katarungan. Hindi ba’t isa itong kaso ng hindi paglalakas-loob na sumunod sa katotohanan? Sadyang binabalewala ng ilang tao ang mga problema at wala silang pakialam kapag nakikita nila na nagagambala o nagugulo ang gawain ng iglesia, na para bang wala itong kinalaman sa kanila, at ang magbulag-bulagan ang saloobin nila dito. Ngunit kung may isang tao na bumabatikos sa kanila sa pamamagitan ng pagsasabing hindi sila dapat maging ganito, o namumuhi sa kanila o nangmamaliit sila, naiirita sila at iniisip nila: “Sino ka ba sa inaakala mo? Sino ka para batikusin ako? Sino ka para maliitin ako? Kailangang pag-usapan natin ang bagay na ito.” Masyado nilang dinidibdib at siniseryoso ang usaping ito, at hindi nila magawang hindi magsalita at ipahayag ang paninindigan nila. Wala silang naramdaman noong nahadlangan, nagulo, at nasira ang gawain ng iglesia, bagkus ay nagbulag-bulagan sila rito. Anong klaseng mga tao ito? (Makasarili at kasuklam-suklam na mga tao.) Pagiging makasarili ba ito at kasuklam-suklam lang? Napakaseryoso ng problemang ito na hindi ito maibubuod sa isang pangungusap lang. Maaari lamang sabihin na ang mga gayong tao ay walang pagkatao at talagang hindi mabubuting tao. Sa katunayan, ito ang ginagawa ng mga anticristo, at siyempre, kasama rito ang mga huwad na lider. Walang ideya ang mga anticristo kung ano ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kapag nahahadlangan ang gawain ng iglesia, hindi nila ito nakikita. Nagdudulot ang ilang tao ng malubhang kaguluhan sa pamamagitan ng panggugulo sa gawain ng iglesia, ngunit kapag nakita ito ng mga anticristo, hindi nila ito sineseryoso. Minamaliit nila ito at bahagyang pinagagalitan ang maysala gamit ang ilang simpleng komento, saglit itong pinaaalalahanan at wala nang iba pa, nang walang kahit katiting na galit. May pagkaunawa ba sa katarungan ang mga taong ito? Anong klaseng mga tao ito? Ang mga ganitong tao ay kumakagat sa kamay na nagpapakain sa kanila, sila ay mga traydor! Sila ay mga basura!
Katatapos Ko lang magbigay ng pangkalahatang ideya sa kung ano ang mga interes ng mga tao, ano ang diwa ng mga interes ng mga tao, bakit hinahangad ng mga tao ang mga pansariling interes, ano ang kalikasan ng paghahangad ng mga tao sa mga pansariling interes, at kung ano rin ang kalikasan ng mga interes ng Diyos, at kung paano natutukoy ang mga ito. Pinakamakatarungang layunin ang mga interes ng Diyos at dapat na ituring na ganoon. Talagang lubos na hindi makasarili para sa Diyos na ipagtanggol ang mga interes Niya, at hindi rin ito para lang ipagtanggol ang dignidad at kaluwalhatian Niya. Sa halip, nais Niyang ipagtanggol ang pagsulong at mga resulta ng gawain Niya, at ipagtanggol ang isang makatarungang layunin. Isa itong napakamakatarungan at napakamarapat na pag-uugali at paraan ng pagkilos, at isa itong gawa ng Diyos. Hindi dapat magkimkim ang mga nilikhang tao ng anumang mga kuru-kuro tungkol sa gawang ito ng Diyos, lalo na ang magkimkim ng anumang mga akusasyon o panghuhusga. Masasabi ba natin na ang mga interes ng Diyos ay nakahihigit sa lahat? (Oo.) Makasarili bang sabihin ito? (Hindi.) Nauunawaan ng mga tao ang aspektong ito ng katotohanan, at sa batayang ito, may katotohanan ang pahayag na ito. Hindi ito sadyang may kinikilingan, walang pinapanigan at marapat ito. “Hindi nila isinaalang-alang kailanman ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at nagkakanulo pa nga sa mga interes na iyon, ipinagpapalit ang mga ito para sa personal na kaluwalhatian”—ito ang diwa ng mga anticristo. Ganito ang kalikasan ng saloobin at pagharap nila sa mga interes, at hindi kailanman nila isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng “hindi kailanman”? Ibig sabihin, hindi nila iniisip ang tungkol sa mga interes ng Diyos kahit kaunti, wala rin silang ganoong konsepto, isinasaalang-alang lamang nila ang pansariling mga interes—iyon ang ibig sabihin nito. Gaano ba ito kaseryoso? Ipinagkakanulo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ipinagpapalit ang mga ito para sa personal na kaluwalhatian at mga pansariling interes. Ang kanilang mga interes ay pinakamahalaga at maaaring pumalit sa mga interes ng Diyos. Lalaban sila para sa mga interes nila gaano pa man ito kabuktot, hindi marapat, o negatibo, at para makuha at maipaglaban ang mga interes nila handa silang isakripisyo ang sinuman, anuman ang halagang kapalit. Anong uri ng pag-uugali ito? (Pag-uugali ng mga anticristo.) Ang pag-uugali ng mga anticristo—ito ang ginagawa ni Satanas. Nangingibabaw si Satanas sa sangkatauhang ito, nangingibabaw sa isang bansa, nangingibabaw sa isang lahi, at handang magsakripisyo ng gaano man karaming buhay kapalit ng katatagan ng kapamahalaan nito. Ano ang mga interes nito? Kapangyarihan at isang posisyon ng pangingibabaw. Kung gayon, paano ito nagkakamit ng isang posisyon ng pangingibabaw at paano nito pinatatatag ang pangingibabaw na ito? (Sa anumang halaga.) Sa anumang halaga. Ibig sabihin, wala itong pakialam kung ang mga kaugalian at pamamaraan nito ay mukhang marapat o hindi marapat sa publiko, at ginagamit nito ang lahat mula sa pagpatay at panunupil, hanggang sa malambot at matigas na mga taktika, pamimilit at pang-aakit, at aabot pa nga sa pagsasakripisyo ng buhay ng sinuman o ng gaano man karaming buhay kapalit ng katatagan ng posisyon nito at ng kapangyarihan sa mga kamay nito—ito ang pag-uugali ni Satanas. Ginagawa ng mga anticristo ang mga bagay-bagay sa ganito ring paraan.
Naaayon ba sa panlasa ninyo ang mga salitang ito sa pagbabahaginan natin ngayong araw? (Marami akong natutuhan pagkatapos makinig ngayon, at lalo na, labis na nakapagpaantig sa akin ang paghihimay-himay ng kaalaman at mga intelektuwal. Noon, hindi ako masyadong sang-ayon sa ideya na ang mga intelektuwal ay walang espirituwal na pagkaunawa, ngunit sa panahong ito, sa pamamagitan ng paghihimay-himay ng Diyos sa kaalaman, unti-unti kong naikukumpara at nakikita na, sa maraming pagkakataon, ako mismo ay hindi makaarok ng mga salita ng Diyos, hindi ko nauunawaan ang mga ito kapag naririnig ko, at kapag tinitingnan ko ang mga tao at pangyayari, tinitingnan at sinusuri ko sila mula sa intelektuwal na pananaw, na humahantong sa baluktot na pagkaunawa—kawalan ito ng espirituwal na pagkaunawa. Ngayon, mas malinaw ko nang nakikita ang diwa ng mga intelektuwal.) Sa pakikipag-usap tungkol sa mga intelektuwal ngayon, talagang wala Akong pinupuntirya na sinumang tao, pero kung maihahambing ninyo ang inyong sarili sa Aking mga salita, mabuting bagay iyon, at may pag-asa na maaari kayong magbago at pumasok. Dapat masigasig kayong maghangad, mula sa punto ng hindi pagkaunawa o pagkaarok ng katotohanan, hanggang sa unti-unting umabot sa punto kung saan nauunawaan ninyo ang ilang simple, hiwalay, at hindi gaanong malalim na katotohanan nang sunod-sunod, nang sa gayon ay katotohanan ang nauunawaan ninyo sa halip na mga salita at doktrina. Sa ganitong paraan, unti-unti, magkakaroon ka ng espirituwal na pagkaunawa. Kung naiintindihan mo na ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagtuon sa katotohanan at realidad, unti-unti mong mauunawaan ang katotohanan; kung palagi mong susuriin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagtuon sa doktrina, paggamit ng lohika at ng iyong isipan, kung gayon, doktrina o teorya lang ang mauunawaan mo, na hindi kailanman magiging katotohanan, at hindi ka kailanman lalampas sa pundasyon ng doktrina. Hindi ba’t totoo ito? (Oo.) Sinasabi ng ilang tao, “Bakit hindi ko maintindihan ang ilan sa mga salita ng Diyos na binabasa ko? Bakit hindi ganoon kadali para sa mga tao na maintindihan at tanggapin ang mga ito kapag sinusukat gamit ang gramatika at batay sa estruktura ng sanaysay?” Paano ninyo maipapaliwanag ang problemang ito? Naiintindihan ba ninyo ito ngayon? Ipapaliwanag Ko sa inyo. Nagsasalita ang Diyos sa mga tao mula pa nang umiral ang sangkatauhan, at ang bawat salita at talatang sinasabi Niya ay isang wika lamang, sa halip na mga sanaysay. Habang nagsasalita Ako rito ngayon, naglalahad ba Ako ng isang sanaysay, nagbibigay ng ulat, o nakikipag-usap lamang? (Nakikipag-usap.) Nakikipag-usap Ako sa inyo, nagsasabi ng katotohanan, at nagsasalita tungkol sa mga paksang kailangan ninyo. Nagsasalita Ako, hindi naghahatid ng isang sanaysay. Kaya, kailangang maunawaan ninyo kung ano ang isang sanaysay at kung ano ang pagsasalita—may mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawa. Ang ilang elementong hinihingi ng sanaysay ay mga aspekto ng kaalaman na nagmumula sa sangkatauhan, at hindi kailangang sumunod ng Diyos sa kaalamang ito kapag nagsasalita. Kailangan lamang na simple at malinaw Siyang magsalita ng mga katotohanan na nais Niyang sabihin, at hanggang nauunawaan ng mga tao ang mga katotohanang naririnig nila, sapat na iyon, at hindi na kailangang gumamit pa ng mga bantas. Inimbento ng sangkatauhan ang mga bantas at sanaysay, at pati na ang gramatika at mga elementong hinihingi ng mga sanaysay. Nakapaloob lahat ang mga bagay na ito sa kategorya ng kaalaman, at hindi kailangan sumunod ng Diyos sa mga ito. Bukod pa rito, ang wika ay mula sa Diyos, at isa itong positibong bagay. Samakatuwid, kahit ano pa ang sabihin ng Diyos, tama ito. Hindi mo na kailangang busisiin ang mga isyu nito sa gramatika, o ikumpara o himayin ang mga isyung gramatika. Kailangan mo lang makaunawa sa isang partikular na parte, sa isang talata, at sa isang pangungusap, kung ano ang layunin ng Diyos, kung ano ang katotohanan, kung ano ang mga katotohanang prinsipyo na hinihingi ng Diyos sa mga tao, at kung ano ang landas ng pagsasagawa na sinasabi ng Diyos sa mga tao, at sapat na iyon. Ito ang katwiran na dapat taglayin ng mga nilikha, ng mga tao. Hindi kailangang sumunod ang mga salita at kilos ng Diyos sa lahat ng kaugalian at balangkas na ito na binuo ng mga tao, at gayundin sa mga regulasyong ito at mga purong intelektuwal na bagay na likas sa kaalaman, na hindi kinakailangang sundin. Nagsabi ang Diyos ng maraming bagay, at kahit ano pa ang sabihin Niya, katotohanan ito. Habang mas nagbabasa ng mga salita ng Diyos ang mga taong may espirituwal na pagkaunawa at mga taong may karanasan, mas lalo nilang nararamdaman na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan. Kung ano ang katotohanang nakapaloob sa mga salitang ito ay isang bagay na kailangang alamin, hanapin, at danasin ng mga tao. Nagsasalita ang Diyos sa sangkatauhan—tandaan, ang ginagawa ng Diyos ay magsalita, at ang “pagsasalita” ay kilala sa kolokyal na termino bilang pakikipag-kuwentuhan, o pag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay. Anong diwa ang gustong sabihin ng Diyos dito? Mga layunin ito ng Diyos, ang katotohanan, at ang mga hinihingi ng Diyos sa mga tao—ito ang nilalaman. Ang kalikasan ng pagsasalita ay ang magsalita nang simple at malinaw sa paraang nagkukuwentuhan, puso sa puso, at harap-harapan, gumagamit minsan ng kolokyal na wika at diyalekto, at kung minsan ay ilang salitang pampanitikan. Para magsulat ng sanaysay, kailangan mong magkaroon ng pambungad sa unang talata, palawakin at ipaliwanag ang isyu sa gitna, at pagkatapos ay humantong sa sukdulan at wakas. Dapat itong isulat nang tumpak ayon sa pormat na ito upang maituring na isang sanaysay, at kapag naisumite mo na ito, saka lang ito mababasa at mabibigyan ng guro ng grado bilang katamtaman, magaling, o napakahusay. Maaari mo bang bigyan ng grado ang mga salita ng Diyos sa ganitong paraan? Ipagpalagay na sinabi mong, “Maganda ang gawang ito, may mahusay na gramatika, sinasalita sa banal na wika, at lubos na umaayon sa estruktura ng isang sanaysay; hindi gaanong mahusay ang gawang iyon, medyo magulo, at hindi gaanong maayos ang estruktura. Hindi gaanong wasto ang gramatika ng ilan sa mga salita, at may ilang salitang pa nga na tila hindi tama ang pagkakaayos.” Tama bang basahin ang mga salita ng Diyos sa ganitong paraan? (Hindi.) Magiging baluktot kung babasahin ang mga ito sa ganitong paraan, at hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan. Dapat kang matutong umarok sa nakatagong kahulugan ng mga salita ng Diyos upang makita kung ano ang hinihingi sa iyo ng Diyos at kung ano ang katotohanang nakapaloob sa mga salitang ito—iyon ang matalinong bagay na gagawin. Ni hindi mo nga alam kung paano tingnan ang mga bagay na ito, at patuloy mong sinasabi buong araw na: “Bakit hindi man lang maituturing na mga sanaysay ang mga salita ng Diyos? Dapat maging katulad ng mga talumpati ang mga salita ng Diyos, at dapat magsalita ang Diyos sa sopistikadong wika.” Hindi Ko ginagawa iyon. Magiging masyado itong nakakapagod, at mapapagod kayo sa pakikinig, at mapapagod din ang taong nagsasalita. Isipin ninyo ang Diyos na nagsasalita sa langit, nagsasalita kay Job, kay Pedro, kay Moises at kay Jonas—hindi ba’t simple at malinaw ang mga salita ng Diyos? Talagang hindi mo makikita kung gaano kakamangha-mangha, kahirap unawain, o kadakila ang mga ito, o kung gaano kahigpit ang pagkakaayos ng mga salita. Tingnan ninyo noong tinukso ni Satanas si Job, sinabi ng Diyos kay Satanas, “Iyo bang pinansin ang Aking lingkod na si Job, sapagkat walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalaki, na natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan?” (Job 1:8), at “Narito, siya’y nasa iyong kamay; ingatan mo lamang ang kanyang buhay” (Job 2:6). Simple lang at maikli subalit malaman ang mga salita ng Diyos, at napakalinaw naipaliwanag ang bagay na ito. Ito ang disposisyon at diwa ng Diyos. Hindi sadyang gumagamit ang Diyos ng nakalilitong mga pahiwatig, at ang kadakilaan Niya, pagiging ekstraordinaryo, pagiging marangal, awtoridad, at kapangyarihan ay hindi peke. Bakit Ko sinasabing hindi peke ang mga ito? Kapag kinakausap Niya ang isang tao, hindi Siya nagpapanggap, hindi nagbabalatkayo na may isang matayog na imahe, o nagsasabi ng mga bagay na hindi kayang unawain ng mga tao—si Satanas ang gumagawa niyon, hindi gumagawa ang Diyos ng ganoong bagay—at dahil sinasabi ito ng Diyos, ipapaunawa Niya ito sa iyo. Kung isa kang bata, kakausapin ka Niya sa mga salitang naiintindihan ng mga bata. Kung may edad ka na, kakausapin ka Niya sa wika ng may edad na tao. Kung ikaw ay isang lalaki, kakausapin ka Niya sa wikang karaniwang ginagamit ng kalalakihan. Kung isa kang tiwaling tao, kakausapin ka Niya sa isang paraan at estruktura ng Kanyang wika na naiintindihan ng mga tiwaling tao. Nagsasalita ang Diyos sa maraming paraan. Minsan, nagbibiro Siya, minsan naman ay nagsasalita ng kabalintunaan, minsan ay sarkastiko Siya, minsan ay naghihimay-himay, minsan ay mas maghigpit Siya, minsan ay mas malumanay, minsan ay inaantig ka Niya, at minsan naman ay pinapagaan Niya ang loob mo matapos ka Niyang pungusan… Ang lahat ng gawaing ito na ginagawa ng Diyos at ang mga katotohanang ipinapahayag Niya ay hindi permanente, ang mga ito ay pabago-bago. Ang Diyos ay ang bukal ng buhay na tubig, at ang pinagmumulan ng katotohanan ay ang Diyos. Anuman ang sinasabi ng Diyos ay tama, may katotohanan dito, at hindi mahalaga kung sa anong paraan Niya ito sinasabi. Kung palaging may kuro-kuro ang isang tao tungkol sa mga paraan ng pagsasalita ng Diyos, sa estruktura ng Kanyang wika, at iba pa, at palaging sinisiyasat at pinagdududahan ang mga ito, at palaging nababahala sa mga bagay na ito at nag-iisip, “Ang diyos na sinasampalatayanan ko ay parang hindi talaga diyos, bakit siya ganoon? Kaya, ayaw ko siyang tanggapin, magiging masyadong nakakahiya kung tatanggapin ko siya, mas mabuti pa kung mananampalataya ako kay Ganito-at-ganyan,” anong klaseng tao ito? (Isang hindi mananampalataya.) Isa itong hindi mananampalataya. Anong uri ng mga tao ang karamihan sa mga hindi mananampalataya? Mga taong walang espirituwal na pagkaunawa. Kapag binabasa ng mga taong walang espirituwal na pagkaunawa ang mga salita ng Diyos, sinisiyasat nila ang mga ito nang masinsinan, at ang resulta ay hindi pa rin nila lubos na maunawaan ang mga ito, kaya napapaisip sila, “Sapagkat ito ang tunay na daan, posible ba talagang magkamit ng mga pagpapala sa pamamagitan ng pananampalataya sa ganitong paraan? Napakaraming taong nananampalataya. Kung hindi ako mananampalataya, hindi ba’t mapupunta ako sa impiyerno?” Nagkikimkim pa nga sila ng maliliit na pakana. Hindi sila nagtataka, “Sinasabi nila na may katotohanan sa mga salita ng Diyos, kung gayon, ano ang katotohanan? Bakit hindi ko pa ito nakikita? Dapat akong magbasa at makinig!” Isang araw, sa wakas ay “nauunawaan nila ang naririnig nila” at iniisip nila, “Ang mga ibinubunyag ng mga salitang ito ay ang totoong sitwasyon, ito ang katotohanan. Ngunit ang wika ay masyadong ordinaryo at pangkaraniwan, masyadong hindi kapansin-pansin, at maaaring hamakin at diskriminahin ng mga intelektuwal, at ituring bilang ang pinakaordinaryong usapan, at pangkaraniwan pa nga pagdating sa ilang salita, at ang ilang salita na ayaw gamitin ng mga nakatataas na intelektuwal sa industriya ng kaalaman ay sa katunayan, sinasalita mula sa bibig ng diyos—hindi talaga kapani-paniwala ito at hindi ito dapat ganoon, hindi ba?” Ano ang mga kahihinatnan ng palaging pagsisiyasat? Mararamdaman mo na mas mahusay ka kaysa sa Diyos, at na dapat maniwala sa iyo ang Diyos at itaas ka. Hindi ba’t problema ito? Ang mga ito ay mga taong walang espirituwal na pagkaunawa. Ang saloobin nila ukol sa Diyos ay ang laging pagkontra sa Diyos at pagsiyasat sa Kanya. Kasabay ng pagsisiyasat sa Diyos, sinusuway nila Siya, at kasabay ng pagsuway nila sa Kanya, iniisip nila, “Mas mabuti nang hindi ka diyos, dahil masyado kang hamak, hindi ka katulad ng diyos. Kung ikaw ang diyos, hindi ako mapapanatag. Kung kamumuhian at sisiyasatin kita, susuriin ka hanggang sa puntong hindi ka na diyos, at wala nang mananampalataya sa iyo, magiging masaya ako, at kung maghahanap ako ng isang dakilang diyos na sasampalatayanan, mapapanatag ako.” Hindi mananampalataya ang ganitong mga tao. Walang espirituwal na pagkaunawa ang karamihan sa mga hindi mananampalataya. Hindi nila kailanman mauunawaan o makakamit ang katotohanan mula sa mga napakaordinaryong pagbigkas na ito ng Diyos. Paulit-ulit lang nilang sinisiyasat ang mga ito, bukod sa nabibigo silang makamit ang katotohanan, sinisira din nila ang mahalagang bagay ng sarili nilang kaligtasan, at ibinubunyag din at itinitiwalag nila ang sarili nila. Tapusin na natin dito ang pagbabahaginan ngayong araw. (Salamat sa Diyos!) Paalam!
Enero 17, 2020
Mga talababa:
a. Ang “Lao” at “Xiao” ay mga unlaping idinaragdag bago ang mga apelyido sa wikang Tsino bilang isang katawagan na nagpapahayag ng pagiging malapit o pagiging kaswal ng isang nagsasalita at ng isang nakikinig.