Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Traydor, at Mapanlinlang (Ikatlong Bahagi)

Karagdagang Babasahin: Mga Kaloob

Bago Ako pumunta sa pangunahing paksa ng pagbabahaginang ito, hayaan ninyo Akong magkwento. Anong klase ng kwento ang dapat Kong isalaysay? Kung wala itong epekto sa mga tao, o kung hindi ito nagbibigay ng aral o kapakinabangan sa mga nananalig sa Diyos pagdating sa buhay pagpasok at pagkilala sa Diyos, walang dahilan para ikwento ito. Kung magkukwento Ako, dapat makapagbigay-aral kahit papaano ang kwentong iyon—kailangan may halaga at kahulugan ito. Kaya pakinggan ninyo ang kwentong ito ngayon at tingnan ninyo kung makakapagbigay-aral at makakatulong ba ito sa inyo. May mga kwentong totoo, habang ang iba ay mga kathang-isip na batay sa mga tunay na pangyayari; hindi totoo ang mga ito, pero madalas nakikita ang mga ito sa totoong buhay, kaya hindi nalalayo sa realidad ang mga ito. Kathang-isip man ang mga ito, o nangyari talaga, malaki ang kaugnayan ng mga ito sa buhay ng mga tao. Kaya bakit Ko ibabahagi sa inyo ang mga ganitong kwento? (Para maunawaan namin ang katotohanan.) Tama: Para maunawaan ninyo ang katotohanan mula sa mga ito—ilang katotohanang mahirap para sa mga tao na malaman sa tunay na buhay. Gamitin natin ang pagkukwento para ilapit sa realidad ang kaalaman ng mga tao tungkol sa katotohanan at sa Diyos at para mas madali nilang maunawaan ang katotohanan at ang Diyos.

Kapag nakikisalamuha Ako sa mga tao sa loob ng mahabang panahon, hindi maiiwasan ang mga kakaiba at nakakatuwang insidente. Nangyari ito sa tagsibol ng taong ito. Dahil lumipas na ang taglamig at papalapit na ang tagsibol, nagiging katamtaman na ang klima, at nagsimula nang umusbong ang lahat ng klase ng halaman, lumalago ang mga ito araw-araw sa ilalim ng sikat ng araw at ng ulan. Ilan sa mga halamang ito ay ligaw, at ilan sa mga ito ay sinadyang patubuin; mayroong nakalaan para kainin ng hayop, may ilang nakalaan para kainin ng mga tao, at mayroon ding para kainin ng mga hayop at tao. Ito ay isang eksena ng tagsibol: isang luntian at masiglang tanawin. At dito nagsisimula ang kwento. Isang araw, nagulat Ako nang makatanggap Ako ng isang espesyal na regalo. Anong klaseng regalo? Isang supot ng gulay na ligaw. Sabi ng taong nagbigay nito sa Akin, “Ito ay pitaka ng pastol—maaari itong kainin at mabuti ito para sa kalusugan Mo. Maaari Mo itong ihalo sa binating itlog.” Tama naman iyon. Pagkatapos, ikinumpara Ko ito sa pitaka ng pastol na binili Ko dati, at pagkatapos Kong gawin ito, agad Kong nakitang may problema. Mahuhulaan ba ninyo kung ano? May nakita Akong “misteryo.” Anong misteryo? Iba ang hitsura ng pitaka ng pastol na galing sa ibang bansa kumpara sa pitaka ng pastol na galing sa Tsina. May mali ba rito? (Oo, mayroon.) Kung magkaparehong halaman iyon, dapat magkamukha ang mga iyon, kaya ano ang unang bagay na papasok sa isip mo pagkatapos mong matuklasan na iba ang hitsura nito? Pitaka ba talaga ito ng pastol, o hindi? Hindi Ako makasiguro. Hindi ba’t kailangan Kong tanungin ang taong iyon kung ano ang nangyayari? Kaya kalaunan, pinuntahan Ko siya at tinanong, “Sigurado ka bang pitaka ito ng pastol?” Pinag-isipan niya ito at sumagot, “Ah, hindi ako sigurado kung pitaka ito ng pastol o hindi.” Kung hindi siya sigurado, bakit niya ito ibinigay sa Akin? Bakit siya nangahas na ibigay ito sa Akin? Mabuti na lang at hindi Ko ito basta kinain. Pagkalipas ng dalawang araw, naging sigurado Akong hindi talaga ito pitaka ng pastol. Ano ang sinabi ng taong iyon? Sabi niya, “Paano Mo nalamang hindi iyon pitaka ng pastol? Hindi ako sigurado, pero hayaan Mo na: Huwag Mo nang kainin iyon.” Maaari pa bang kainin ang ganoong bagay? (Hindi na.) Hindi na ito maaaring kainin. Kung sasabihin Kong, “Hindi ka sigurado, pero magbabakasakali Ako at kakainin Ko ito, dahil napakabait mo,” tama ba iyon? (Hindi.) Ano ang kalikasan ng pagkilos nang ganoon? Magiging kahangalan ba iyon? (Ganoon na nga.) Oo, kahangalan ito. Sa kabutihang palad, hindi Ko ito kinain, at hindi Ko na rin pinatagal pa ang isyu, kaya natapos na ang usapan.

Paglipas ng panahon, nagsimulang tumubo ang lahat ng klase ng mga ligaw na halaman sa mga taniman: may matataas at mabababa, namumulaklak at hindi namumulaklak, at mga halaman na may lahat ng uri ng kulay at anyo. Dumami ang mga ito, mas kumakapal at mas nagkakahugis. Isang araw, nakatanggap Ako ng isa na namang supot ng regalo, pero hindi na ito supot ng pitaka ng pastol. Sa halip, naglalaman ito ng Tsinong damong maria, galing sa parehong tao. Napakabait niya na nagpadala siya ng isa pang supot, at kalakip nito ay mga tagubilin, “Subukan Mo ito. Ito ay Tsinong damong maria: Nagagamot nito ang sipon, at maaari Mo rin itong ihalo sa binating itlog.” Tiningnan Ko ito: Hindi ba’t taunang damong maria ito? Matatagpuan sa maraming parte ng Tsina ang Tsinong damong maria, at may espesyal na bango ang mga dahon niyon, pero hindi iyon ang ipinadala ng lalaki—paano iyon papasang Tsinong damong maria? Medyo magkamukha ang mga dahon, pero pareho ba, o hindi? Tinanong Ko ang lalaking nagbigay nito sa Akin, pero sabi niya hindi niya alam—wala siyang alam at ganap niyang ibinaling sa iba ang sisi. Tinanong pa niya, “Bakit hindi Mo pa ito kinakain? Kahit na hindi ako sigurado kung ano ito, dapat kumain Ka kahit kaunti. Kumain ako ng kaunti, at malasa talaga ito.” Hindi siya sigurado, pero hinihimok niya Akong kainin ito. Ano sa tingin ninyo ang dapat Kong ginawa? Dapat ba pinilit Ko ang sarili Kong kainin ito? (Hindi.) Tiyak na hindi dapat ito kainin, dahil hindi man lang alam ng taong nagpadala nito kung ano ito. Kung sumugal Ako at kinain iyon para sumubok ng bago, maaaring walang mangyari, dahil ang sabi ng taong kumain nito ay ayos naman ito. Pero paano naman ang pagkilos gaya ng pag-iisip na ayos ito at pagkain nito nang walang kamalay-malay? Hindi ba’t pikit-matang paggawa iyon ng mga bagay? Anong klase ng tao ang pikit-matang gumagawa ng mga ganoong bagay? Isang taong magaspang at walang ingat lang ang gagawa nito—isang taong iniisip na, “Hindi na mahalaga kung may mangyari o wala; ayos lang iyon.” Sa tingin ninyo ba dapat Kong gawin ito? (Hindi.) Bakit hindi? Maraming bagay na maaaring kainin; bakit kailangan mangahas na kumain ng di-kilalang halaman? Sa panahon ng taggutom, kapag talagang wala nang natitirang pagkain, maaari kang humukay ng iba’t ibang klase ng ligaw na gulay para subukang kainin, at maaari kang makipagsapalaran. Sa mga ganitong sitwasyon, maaari kang kumain ng di-kilalang halaman. Pero ngayon ba ay isa ito sa mga ganoong sitwasyon? (Hindi.) Napakaraming bagay ang maaari mong kainin, kaya bakit ka maghuhukay para sa mga ligaw na gulay? Kinakailangan bang makipagsapalaran para lang sa isang kakarampot na benepisyo na hindi nakikita, hindi nahahawakan, at pawang imahinasyon lang? (Hindi.) Kaya nagpasya Akong hindi ito kainin. Hindi Ko ito kinain, sa kabutihang palad, at hindi Ko na rin ito sinuri pa nang lubusan, at natapos na rin ang usaping iyon.

Pagkalipas ng ilang panahon, binigyan Ako ng lalaking iyon ng isa pang regalo; pangatlong beses na ito. Ang regalo sa pagkakataong ito ay napakaespesyal: Hindi ito tumubo galing sa lupa, ni ibinunga ng puno. Ano ito? Dalawang itlog ng ibon, maayos na nakabalot sa isang papel na supot kung saan nakasulat ang mga salitang “Mga Itlog ng Ibon Para sa Diyos.” Nakakatawa, hindi ba? Nang buksan ko ang papel na supot, nakita kong kinulayan nang maganda ang mga balat ng dalawang itlog. Hindi pa Ako nakakita ng katulad ng mga ito noon, kaya hindi Ko masabi kung anong uri ng ibon ang nangitlog ng mga ito; naisip Kong humanap ng impormasyon sa internet, pero wala Akong makitang anumang sagot, dahil maraming itlog ang may parehong disenyo at kulay, kaya walang paraan para matukoy ito batay sa sukat at kulay. May sinuman ba sa inyo na nag-iisip na kapaki-pakinabang na tanungin Ko ang lalaking iyon kung anong uri ng mga itlog ng ibon ang mga ito? (Wala.) Bakit wala? (Hindi niya rin ito alam.) Tama ang hula ninyo; hindi niya rin ito alam. Kaya hindi Ko siya tinanong. Kung tinanong Ko siya, masasaktan Ko lang ang damdamin niya, at iisipin niya, “Mabuti ang intensyon ko at nagmamalasakit ako, pero pinagdududahan Mo pa rin ako. Bakit kinailangan Mo pang hanapin ang mga ito sa internet? Dahil ibinibigay ko ang mga ito sa Iyo para kainin, kainin Mo na lang!” Sa tingin ninyo, dapat bang kinain Ko ang mga itlog, o hindi? (Dapat hindi.) Kung ibinigay niya ang mga ito sa inyo, kakainin ba ninyo ang mga ito? (Hindi.) Ganoon din Ako. Ang mga itlog na ito ay para pisain at magparami ng mga ibon. Hindi ba’t kalupitan ang pagkain sa mga ito? (Ganyan nga.) Hindi Ko iyon kayang gawin, kaya ang usapin tungkol sa mga itlog ng ibon ay natapos, pero patuloy pa ring nangyari ang mga ganitong bagay.

Isang araw, may nakita Akong ilang taunang damong maria—na kamukha ng Tsinong damong maria—na pinatutuyo sa rehas sa isang lugar, kaya tinanong Ko ang isang kapatid na babae kung para saan ito. “Hindi ba’t ito ay parehong uri ng Tsinong damong maria na ibinigay sa Iyo dati noong lalaki?” ang sagot niya. “Nakakaalis ng halumigmig at sipon ang Tsinong damong maria. Hindi ba’t sensitibo ka sa lamig? Sinabi noong lalaki na, sa sandaling matuyo ito, itatabi niya ito para magamit Mo sa paglublob ng paa sa mainit na tubig, para matanggal ang sipon.” Ano sa tingin ninyong lahat ang naging reaksyon Ko, nang marinig Ko iyan? Dalawang salita. (Hindi makapagsalita.) Tama iyan, hindi Ako makapagsalita. Sa mga pagkakataong gaya nito, hindi ba’t dapat pinagnilayan Ko kung gaano nagmamalasakit ang taong ito, at kung paanong nag-abala talaga siya? Bakit Ako hindi makapagsalita? Ito ay dahil ang taong ito ay ilang beses nang naging hindi mapang-unawa noon sa mga usaping ito at pagkatapos ay nagbago ng pamamaraan, na tila nagsasabi, “Nagbigay ako ng mga gulay at itlog sa Iyo, pero hindi Mo kinain ang mga iyon, kaya nagpatuyo ako ng ilang Tsinong damong maria para sa mainit na tubig na paglulubluban Mo ng paa, para hindi masayang ang mga ginawa ko.” Sa palabas na ito, talagang hindi Ako makapagsalita. Kalaunan, sinasabi Ko sa isa pang tao na marami nang botika ngayon ang nag-iimbak ng mga Tsinong damong maria. Maaari ka nang bumili gaano man karami ang gusto mo: May iba’t ibang pagkakabalot ito, ginagawa na ito ng iba’t ibang bansa, at malinis ang pagproseso sa mga ito. Ito ay talagang mas mainam kumpara sa ipinadala ng lalaking iyon sa Akin, kaya hindi ba’t sayang lang na pitasin ito sa tabi ng daan at pagkatapos ay ilagay sa mga rehas para matuyo sa araw? Kung pinatuyo niya ito at ibinigay sa Akin, sa tingin mo ba gusto Ko ito? (Hindi Mo ito gusto.) Hindi Ko ito gusto. Nang maglaon, wala nang anumang damong maria sa mga rehas, dahil nakarating na sa kanya ang sinabi Ko, at tumigil na siyang magpadala. Kalaunan, noong mas marami nang mga ligaw na gulay sa taniman, hindi na siguro itinuring na bihira ang mga ito, kaya wala nang nagpadala sa Akin ng mga ligaw na gulay. At hula Ko na malamang napisa na ang mga itlog ng ibon sa kasalukuyan at hindi na maaaring kolektahin ang mga ito, kaya hanggang ngayon, hindi na Ako nakatanggap ng mga itlog ng ibon o mga ligaw na gulay. At iyan ang kwento Ko.

Sa kabuuan, mayroong apat na insidente sa kwento, na lahat tungkol sa mga bagay na ipinapadala sa Akin: Ang dalawa ay tungkol sa pagpapadala ng mga di-kilalang ligaw na gulay, ang isa ay tungkol sa pagpapadala ng mga di-kilalang itlog ng ibon, at ang isa pa ay tungkol sa mga pinatuyong “tradisyonal na gamot ng mga Tsino.” Maaaring medyo nakakatawang pag-usapan ang mga bagay na ito, pero pagdating sa mismong mga insidente, ano ang mga impresyon ninyo, kung mayroon man, nang marinig ninyo ang mga ito? Mayroon bang anumang bagay na dapat ninyong maunawaan o makuha mula sa mga ito, mga aral na dapat ninyong matutunan? Ano ang iniisip ninyong lahat noong nakikinig kayo? Nakatuon ba sa isang partikular na tao ang mga bagay na inilahad Ko? Tiyak na hindi. Pero kung gayon, kung hindi nakadirekta ang mga ito sa sinumang partikular na tao, bakit Ako nagsasalita tungkol sa mga ito? May kabuluhan ba ito? O walang saysay na usapin lang ba ito? (Hindi.) Dahil hindi ninyo ito itinuturing na walang saysay na usapin, alam ba ninyo kung bakit Ako nagsasalita tungkol dito? Bakit ginawa ng lalaking ito ang mga ganitong bagay? Ano ang kalikasan ng kanyang pag-uugali? Ano ang kanyang motibo? Ano ang mga problema rito? Kailangan bang ilagay ang mga ito sa konteksto? Mauunawaan ninyo ang katotohanan kung nakikita ninyo nang malinaw ang mga tao at ang kalikasan ng mga mismong insidente sa konteksto. Sa tingin ninyo, ang lalaking gumawa ng mga bagay na ito ay may mabubuti bang intensyon o masasamang intensyon? (Mabubuting intensyon.) Una sa lahat, isang bagay ang tiyak: Mabuti ang intensyon niya. Ano ang mali sa mabubuti niyang intensyon? Ang paggawa ba ng mga bagay-bagay nang may mabubuting intensyon ay nangangahulugang nagmamalasakit ka? (Hindi lagi.) Kung ang mabubuting intensyon ang motibo ng isang tao sa paggawa ng isang bagay, tiyak bang walang karumihan ng tiwaling disposisyon? Hindi. Kung gayon, tinatanong Ko kayong lahat, kung magalang at masunurin ka sa mga magulang mo, bakit hindi mo sila padadalhan ng mga ganitong bagay para kainin? O kung gusto mo at pinagmamalasakitan mo ang mga amo at lider mo, bakit hindi mo sila bibigyan ng mga bagay na gaya nito para kainin? Bakit hindi ka mangangahas na gawin ito? Ito ay dahil takot kang may mangyaring masama. Takot kang mapinsala mo ang mga magulang mo, mga lider mo, at mga amo mo, kung gayon, hindi ka ba takot na mapinsala ang Diyos? Ano ang mga layunin mo? Ano ang kalakip ng kabaitan mo? Sinusubukan mo bang linlangin ang Diyos? Sinusubukan mo bang paglaruan Siya? Mangangahas ka bang gawan ng mga ganitong bagay ang Diyos bilang isang espirituwal na nilikha? Magkakaroon ka ba ng mapagmahal-sa-Diyos na puso kung nakita mo na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay normal na pagkatao, at sa halip na katakutan mo Siya, mangangahas kang gumawa ng mga ganyang bagay? Kung wala kang mapagmahal-sa-Diyos na puso, tunay ka bang nagmamalasakit kung gagawa ka ng mga ganitong bagay? Hindi iyan pagmamalasakit: Iyan ay panlilinlang at paglalaro sa Diyos, at sukdulang kapangahasan mo iyan! Kung talagang responsable kang indibidwal, bakit hindi ikaw mismo ang unang kumain at tumikim ng isang bagay, para siguruhing walang mali bago ito dalhin sa Diyos? Kung dadalhin mo ito nang direkta sa Diyos nang hindi mo ito mismo nakakain at natitikman, hindi ba’t pinaglalaruan mo ang Diyos? Hindi mo ba nadaramang nasasalungat mo ang disposisyon ng Diyos sa paggawa nito? Ito ba ay isang bagay na malilimutan ng Diyos? Kahit na malimutan mo ito, hindi ito malilimutan ng Diyos. Kapag may ginagawa kang ganitong bagay, ano ang tumatakbo sa isip mo? Hindi mo ito tinikman, at wala kang siyentipikong ebidensya, pero nangahas kang ibigay ito sa Diyos. Responsable bang pag-uugali ito? Kung mapipinsala mo ang Diyos, ano ang responsabilidad na papasanin mo? Kahit na hindi ka harapin ng batas, parurusahan ka ng Diyos magpakailanman. Ni hindi mo maiisip na mabuting ibigay ang basurang ito sa mga lider at opisyal na walang pananampalataya, at iisipin mong wala itong dignidad, kaya anong uri ng mga layunin ang mayroon ka para ibigay ito sa Diyos? Ganoon ba kababa ang halaga Ko? Kung bibigyan mo ang amo mo ng isang supot ng ligaw na gulay, ano ang iisipin niya? “Iyan lang ba ang halaga ko? Binibigyan ako ng mga tao ng pera at mga bagay na may tatak, pero bibigyan mo ako ng isang dakot na damong ligaw?” Magagawa mo ba ito? Tiyak na hindi. Pero kung gagawin mo nga ito, ano ang ikababahala mo? Ang unang bagay na kailangan mong pag-isipan ay, “Ano ba ang gusto ng amo ko? Kailangan ba niya ang bagay na ito? Kung hindi niya ito kailangan, at ibibigay ko pa rin ito sa kanya, pahihirapan ba niya ako? Aapihin niya ba ako at pahihirapan sa trabaho? Kung maging seryoso ang mga bagay, paaalisin ba niya ako sa pamamagitan ng paghahanap ng dahilan at paghuli sa akin?” Naiisip mo ba ang alinman dito? (Oo.) Kung gusto mong pasiyahin ang amo mo, ano ang unang bagay na dapat mong ibigay sa kanya? (Isang bagay na gusto niya.) Hindi sapat ang pagbibigay lang ng bagay na gusto niya. Kung kailangan niya ng baso ngayon, halimbawa, pwede ka bang gumastos ng 80-160 piso para bilhan siya ng isa at ibigay sa kanya? (Hindi.) Kailangang bigyan mo siya ng isang bagay na ginto, isang bagay na pilak, isang bagay na presentable. Bakit mo siya bibigyan ng isang bagay na mag-aalangan kang bilhin para sa sarili mo? (Para magbigay-lugod sa kanya.) Ano ang layunin ng pagbibigay-lugod sa kanya? Una sa lahat, sa pinakamababa, maaari ka niyang tulungan, at sa kapangyarihang taglay niya, maaari ka niyang ipagtanggol at gawing matatag at ligtas ang trabaho at sweldo mo. Kahit papaano man lang, hindi ka niya pahihirapan. Kaya, hindi mo siya kailanman bibigyan ng isang bungkos ng di-kilalang ligaw na gulay. Hindi ba’t ganoon iyon? (Ganoon nga.) Ni hindi mo kayang gawin iyan sa amo mo, kaya bakit ginawa iyan sa Akin ng lalaking nagbigay sa Akin ng damong ligaw? Naisip ba niya ang mga kahihinatnan? Tiyak na hindi niya naisip. At bakit hindi? May ilang magsasabi, “Dahil hindi Mo kami pahihirapan.” Ganoon ba iyon kasimple? Dahil hindi Ko siya pahihirapan, ganoon ba? Paanong nangahas siya na magbigay sa Akin ng mga bagay tulad nito? (Inisip niyang mabuti ang mga layunin niya.) Tama iyan—pinagtakpan niya ang lahat ng kapangitan at kasamaan niya gamit ang mabubuting layunin, ibig sabihin, “Mabubuti ang layunin ko para sa Iyo, pero hindi ang iba! Tingnan Mo ang lahat ng ligaw na gulay na ito. Sino ba ang humukay sa mga ito para sa Iyo? Hindi ba’t ako?” Anong uri ng saloobin ito? Anong uri ng pag-iisip ito? Naaayon ba ang mabubuting layuning ito sa pagkatao? Kung ni hindi naaayon ang mga ito sa pagkatao, maaari ba itong umayon sa katotohanan? (Hindi maaari.) Wala nang ilalayo pa ang mga ito sa katotohanan! Ano ang mabubuting layuning ito? Talaga bang mabubuting layunin ang mga ito? (Hindi.) Kung gayon anong uri ng saloobin ang kalakip ng mga ito? Anong uri ng mga karumihan at diwa ang nilalaman ng mga ito? Kahit kayong mga kabataan na kakaunti pa lang ang nakita sa mundo ay nakakaunawa na hindi ka pwedeng basta magbigay ng mga regalo sa amo mo sa kung paanong paraan lang; kailangan mong isipin ang mga kahihinatnan. Kung ang isang lalaking marami nang pinagdaanan at nasa mga apatnapu o limampung taong gulang na ang magbibigay sa Akin ng mga ganitong bagay, sa pananaw ninyo, ano ang kalikasan nito? Karapat-dapat bang talakayin natin ito rito? (Oo.) Kaya kapag nasabi at nagawa na ang lahat, ano ang kalikasan nito? Binigyan Ako ng lalaking iyon ng ilang ligaw na gulay, hiniling na kainin Ko ang mga iyon kahit siya mismo ay hindi alam kung ano ba ang mga iyon. Nang sabihin Kong hindi kamukha ng mga iyon ang ganoong uri ng ligaw na gulay, agad niyang sinabi sa Akin na huwag kainin ang mga iyon—at hindi riyan nagtatapos. Nagpadala siya sa Akin ng isa pang uri ng mga ligaw na gulay para kainin. Hindi Ko kinain ang mga iyon, at sinabi niya, “Kumain Ka ng kaunti, masarap ang mga iyon. Nasubukan ko na iyon.” Anong klaseng saloobin iyan? (Pagiging walang galang at iresponsable.) Tama iyan. Nadarama ba ninyong lahat ang saloobing ito? (Nadarama namin.) Mabuti ba ang layunin nito? Walang anumang mabuting layunin dito! Kumuha siya ng kung ano lang nang libre at pagkatapos ay inilagay niya ito sa isang plastik na supot at ibinigay sa Akin, hinihiling na kainin Ko. Kahit na pipitas ka ng ilang ligaw na gulay para pakainin ang mga tupa at kuneho, kailangan mo pa ring pag-isipan, “Maaari bang malason ang mga hayop kung kakainin nila ito?” Hindi ba’t iyan ay isang bagay na dapat mong isaalang-alang? Kung hindi ka handang makipagsapalaran kapag nagpapakain ng mga hayop, paanong kukuha ka na lang ng anumang bungkos ng ligaw na gulay at ibibigay mo sa Akin para kainin? Anong uri ng disposisyon iyan? Ano ang kalikasan ng problema? Nauunawaan ba ninyo? Kung ganito Ako tratuhin ng ganitong tao, sa tingin ninyo, paano niya tatratuhin ang mga nakabababa sa kanya o ang isang taong itinuturing niyang karaniwang tao lang? Ito ay kaswal na paglalaro lamang. Anong disposisyon iyon? Iyon ay masama at malupit. Maituturing ba siyang mabuting tao? (Hindi, hindi maaari.) Siya ay hindi maituturing na mabuting tao. Ang hindi pagseseryoso sa mga katawan at buhay ng mga tao, ang pagsasapalaran sa mga iyon at hindi pagkadama ng anuman pagkatapos, at ang kawalan ng anumang pagkakonsensiya, kundi kaya pang gawin ang bagay na iyon nang paulit-ulit: ito ay talagang kakaiba.

Sa simula ng kwento, nagbanggit Ako ng ilang salitang maaaring hindi ninyo gaanong binigyan ng atensyon. Sinabi Ko na ilan sa mga ligaw na gulay na iyon ay para sa pagkain ng tao, ang ilan ay para sa pagkain ng mga hayop, at ang ilan ay para sa pagkain ng kapwa tao at hayop. Ito ay isang “kilalang kasabihan,” at may pinagmulan ito. Alam ba ninyo kung saan ito nanggaling? Ito ay pahiwatig sa isang kwento. Galing ito sa lalaking nagbigay ng ilang regalong ito sa kwentong iyon. Ang lalaking ito ang namamahala sa pagtatanim, at mayroon siyang tatlong uri ng tanim na mais. Ano ang tatlong uri? Ang uri na kinakain ng mga tao, ang uri na kinakain ng mga hayop, at ang uri na parehong kinakain ng mga tao at hayop: ang tatlong iyon. Ang tatlong uring ito ng mais ay talagang kawili-wili. Narinig na ba ninyo ang mga ito dati? Hindi pa, at ito rin ang unang pagkakataong narinig Ko ito—dahil pambihira ang mga ito. Sa huli, dahil ang mga taong nagtanim sa mga ito ay napakairesponsable, napaghalo-halo ang tatlong uri ng mais: ang mga mais na para sa pagkain ng mga hayop ay pinakain sa mga tao, habang ang mga mais na para sa pagkain ng tao ay pinakain sa mga hayop. Pagkatapos kainin ang mga ito, nagreklamo ang lahat na hindi maganda ang lasa ng mais, na hindi ito lasang butil, at medyo lasang damo ito. Ano ang ginawa ng mga taong nagtanim ng mais? Dahil iresponsable sila sa pagganap ng kanilang tungkulin, napaghalo nila ang mga mais na para sa pagkain ng tao at mais na para sa pagkain ng mga hayop, hanggang sa wala nang makapagbukod sa dalawa, at kinailangan nilang bumili ng mas marami pang buto at itanim uli ang mga ito. Sa tingin ninyong lahat, paano nila ginawa ang trabaho nila? Wala bang prinsipyo ang mga ganitong uri ng tao sa mga kilos nila? (Wala.) Sa kanilang mga kilos, hinahanap ba nila ang katotohanan? (Hindi.) Sa ganitong uri ng saloobin sa paraan nila ng pagkilos, na walang respeto at iresponsable tungo sa lahat ng tao, ano ang iniisip ng mga ganitong tao tungkol sa pananalig sa Diyos? Ano ang kanilang pamamaraan sa katotohanan? Sa puso nila, gaano kabigat ang katotohanan? Gaano kahalaga ang pagkakakilanlan ng Diyos? Alam ba nila? (Hindi nila alam.) Hindi ba’t dapat alam nila ang mga ganitong mahahalagang usapin? Kung gayon bakit hindi nila alam? Ito ay may kinalaman sa kanilang disposisyon. Ano ang disposisyong iyon? (Iyon ay kabuktutan.) Iyon ay kabuktutan, at iyon ay pagiging salungat sa katotohanan. Wala silang malay tungkol sa kalikasan ng ginagawa nila, at hindi nila kailanman sinubukang magnilay o maghanap, at hindi rin nila sinisiyasat ang mga sarili nila pagkatapos nilang gumawa ng mga bagay-bagay. Sa halip, ginagawa lang nila kung ano ang nais nila, iniisip nila na, hangga’t mayroon silang mabubuti at tamang layunin, hindi nila kailangan ang sinuman para pamahalaan o punahin sila; iniisip nila na natupad nila ang mga responsabilidad at obligasyon nila. Ganoon nga ba? May ilang taong nagsasabi, “Nauunawaan namin ang kwentong ibinahagi Mo sa amin, pero hindi pa rin namin maunawaan ang parteng pinakainaalala namin, at iyon ay: Ano ang saloobin Mo sa pangyayari ng ganitong uri ng bagay? Ano ang saloobin Mo sa taong gumagawa ng mga ganitong bagay? Iyon ba ay galit, pagtaboy, at pagkamuhi? O gusto Mo ba ang ganitong uri ng tao?” (Iyon ay pagkasuklam.) Hindi ba’t dapat kasuklaman ang ganitong uri ng bagay? (Dapat nga.) Ano ang iisipin ninyo kung mangyari ang ganitong uri ng bagay sa inyo? Sabihin na nating may isang mabait na taong nagbigay sa iyo ng ilang di-kilalang bagay nang paulit-ulit, talagang sinisikap niyang hikayatin ka, “Kainin mo ang mga ito, mabuti ang mga ito sa kalusugan mo; kainin mo ang mga ito, mananatiling mabuti ang kondisyon mo; kainin mo ang mga ito, mas gaganda at mas sisigla ka. Walang masama kung makikinig ka sa akin!” Ano ang iisipin mo kung napatunayan na walang halaga ang mga bagay na iyon? (Kung ako iyan, malamang hindi na ako mag-aabala pa sa ganitong uri ng tao; maiinis ako sa kanya at wala akong masasabi—mga ganyang uri ng damdamin.) Dapat masuklam at masulasok ang isang tao sa mga ganitong tao. Ano pa? Dapat bang magalit, malungkot, o masaktan ang isang tao? (Wala nang saysay iyon.) Wala nang saysay iyon, hindi ba? Hindi ba’t may mga taong nagsasabing, “Malamang ginawa ito ng taong ito dahil hindi niya nauunawaan ang katotohanan”? Karamihan sa mga tao ay hindi nakakaunawa sa katotohanan, pero ilan sa kanila ang may kakayahang gumawa ng mga ganoong bagay? Hindi ba’t magkakaiba ang mga tao? (Magkakaiba nga.) Magkakaiba ang mga tao. Ito ay gaya na lang ng kapag nakikipagtransaksyon ang mga tao sa isa’t isa: Kapag may palitan ng mga materyal na bagay, may mga taong naghahanap ng pagiging patas at makatwiran. Kahit pa hinahayaan ng mga taong ito ang kabilang panig na samantalahin sila nang kaunti, hindi ito mahalaga sa kanila—sa ganitong paraan, tumatagal ang kanilang relasyon; nagtataglay sila ng pagkatao at nadarama nilang hindi malaking hirap para sa kanila na malugi nang kaunti. Ang iba naman ay walang pagkatao at lagi nilang gustong samantalahin ang iba: Ang mga pakikipagtransaksyon nila sa iba ay purong para manamantala at makinabang sa kapinsalaan ng iba. Kung may makukuha silang ilang benepisyo mula sa iyo, pasasayahin ka nila at pananatilihin nila ang relasyon nila sa iyo, pero kung wala, papaalisin ka nila. Wala silang ipapakitang anumang sinseridad sa iyo; ang mga ganitong tao ay walang pagkatao.

Ano ang tingin ninyo sa uri ng tao na nagbibigay ng mga regalo gaya ng nasa kwentong ibinahagi ngayon? Bakit nagreregalo ng mga bagay ang mga ganitong tao? Nagkataon lang ba ito? Kung isang beses lang nangyari ito sa loob ng maraming taon, maaaring nagkataon lang ito, pero maaari pa rin ba itong ituring na nagkataon lang kung nangyari ang parehong bagay nang apat na beses sa loob ng isang kapanahunan? (Hindi maaari.) Ang asal niyang ito ay hindi aksidente, ni hindi rin matatawag ang ganyang disposisyon na panandaliang pagpapakita at pagpapahayag ng katiwalian. Kung gayon ano ang kalikasan ng asal niyang ito? Gaya ng una nating sinabi, ang asal niya ay hindi magalang, iresponsable, walang ingat, padalos-dalos, at pabigla-bigla, at mula sa di-sibilisadong disposisyon. Kaya bakit niya ito ginawa? Bakit wala siyang ibang binigyan ng mga bagay na iyon, maliban sa Akin? Naging kuwalipikado Akong tumanggap ng mga regalong ito dahil sa naiiba Kong pagkakakilanlan at katayuan. Hindi ba’t halata roon ang layunin ng lalaking nagbigay ng mga regalo at ang kalikasan ng ginawa niya? Ano ang kanyang layunin? (Ang makakuha siya ng pabor.) Tama. Ano ang pinakaakmang salitang naglalarawan sa pagkuha niya ng pabor? Ito ay mababang uri ng panlilinlang: ang pagkuha ng pabor at oportunismo. Ito ay tusong paraan para makakuha siya sa iyo ng pabor, ineengganyo ka niya sa libingang hinukay niya nang hindi mo namamalayan, at pinapagaan niya ang loob mo sa kanya, samantalang sa totoo lang ay hindi siya tapat ni katiting—nais niyang maabot ang sarili niyang mga layunin nang walang binabayarang halaga. Ginawa niya ito nang walang detalyadong konsiderasyon ng mga kahihinatnan at binigyan ka lang niya ng isang bagay na libre niyang nakuha, ipinaparamdam niya sa iyong nagmamalasakit siya, at dinadala ka niya sa kalagayan ng kaligayahan. Ano ba talaga ang ibig sabihin nito? Ibig nitong sabihin na, kahit wala siyang ginastos ni isang kusing, naiparamdam niya sa iyo na lubos kang nakinabang dahil sa kanya, na halatang hangal ang tingin niya sa iyo. Hindi ba’t iyan ang ibig sabihin nito? Iniisip niya, “Wala akong ginagastos ni isang kusing, at hindi ako nag-aabala; wala akong sinseridad para sa Iyo. Magbibigay lang ako sa Iyo ng isang bagay na magpapaalala sa Iyo tungkol sa akin, para maisip Mong mabait, mapagmalasakit, at tapat ako, at may pagmamahal ako para sa Iyo sa puso ko.” Mababang uri ng panlilinlang ang maling pagpapaniwala sa iyo na ganoon siya, at ito rin ay oportunismo. Ang paggamit ng diumano’y kabaitan para sa malaking benepisyo at malaking pakinabang nang walang ibinabayad na halaga o walang anumang sinseridad ay isang mababang uri ng panlilinlang. Gagawin ba ito ng sinuman sa inyo? Lahat ng tao ay gumagawa nito—hindi lang ninyo ginawa ang parehong bagay na ginawa niya, pero gagawin ninyo ito kung may pagkakataon kayo. Iyan ang unang bagay na napagpalagay Ko pagdating sa ganitong mga uri ng tao, na napakagaling nila sa mabababang uri ng panlilinlang. Hindi ang Diyos ang pinapaniwalaan nila; ang sinusunod nila ay ang taong iniisip nilang mapapakinabangan nila, pagpapalain sila, at karapat-dapat sundan. Ang isang insidenteng ito ay ganap na inilantad ang pananampalataya ng ganitong uri ng tao at ang katotohanan kung ano talaga sila. Ang pagkakaunawa ng mga ganitong tao sa pag-ibig, katapatan, at pagpapasakop sa Diyos ay napakasimple, at nais nilang gamitin ang pamamaraan ng mababang uri ng panlilinlang para makamit ang pagsang-ayon ng Diyos at tumanggap ng mga pagpapala. Sinsero ba sila sa Diyos? Sila ba ay may takot sa Diyos sa anumang paraan? (Wala.) Kung gayon lalo nang imposible ang iba pang mga bagay. Iyan ang unang bagay na napagpalagay Ko. Sa pananaw ninyo, tama ba Ako? (Tama Ka.) Hindi ba patas ang pagbansag Ko sa kanya? Pinapalaki Ko lang ba ang bagay na ito? Talagang hindi. Kung pagbabatayan natin ang diwa niya, mas seryoso ito kaysa riyan. Sa pinakamababa, nililinlang at nilalaro niya ang Diyos.

Ang pangalawang bagay na naging konklusyon Ko ay kung ano ang nakikita sa mga ganitong tao. Ang puso ng tao ay nakakakilabot! Sabihin ninyo sa Akin, ano ang katatakutang ito? Bakit Ko sinasabing nakakakilabot ang puso ng tao? (Ang taong ito ay nanunuyo sa Diyos para matugunan ang layunin at pagnanais niyang magkamit ng mga pagpapala, at pagkatapos ay hindi siya responsable at hindi niya isinasaalang-alang kung ano ang mangyayari sa katawan ng Diyos pagkatapos kainin ng Diyos ang mga bagay na ito o kung ano ba ang mga kahihinatnan. Lagi niyang isasaalang-alang ang mga kahihinatnan ng anumang ipinapakain niya sa sarili niyang pamilya, pero kapag nagbibigay siya ng isang bagay sa Diyos, hindi niya man lang iniisip ang mga kahihinatnan. Ganap niyang ginagawa ito para makamit ang mga gusto niyang makamit sa pamamagitan ng panunuyo sa Diyos sa patas man o masamang paraan; makikita na siya ay talagang makasarili at nakakasuklam, na wala siyang puwang sa puso niya para sa Diyos, at na hindi niya tinatratong Diyos ang Diyos.) Ang implikasyon, hindi ba’t ibig sabihin niyan na hindi niya Ako tinatrato bilang tao? Masasabi bang ganoon iyon? (Oo.) Kakila-kilabot ang mga layunin! (Oo, hindi niya malilinlang ang Diyos, kahit pa tratuhin niya ang Diyos na parang sarili niyang kamag-anak.) Talagang kakila-kilabot iyan. Kung kaibigan mo ang isang tao, tatratuhin ka ba niya nang ganyan? Hindi niya gagawin iyan. Sasabihin niya sa iyo kung ano ang mabuting kainin, at kung may masasamang epekto ang pagkain ng isang bagay, mahigpit ka niyang pipigilan na kainin ito; iyan ay isang bagay na kahit ang mga kaibigan ay kayang gawin. Pero kaya ba iyan gawin ng taong ito? Hindi. Dahil ginawa niya sa Akin ang ganitong bagay, tiyak na gagawin niya rin ito sa inyo. Ano pang ibang mga bagay tungkol sa kanya ang nakakatakot? (Malalim ang pagkatuso niya. Tinatago niya ito sa panlabas na kabutihan ng puso, pero sa loob, siya ay nagpapakana, sinusubukan niyang makuha ang pinakamalaking benepisyo na maaaring makuha mula sa pinakamurang bagay, at nakakakilabot ito.) Mabuting makita ito sa ganoong paraan. Ang tinukoy ninyo kanina ay ang makasarili niyang panig, habang ito ay tumutukoy sa kanyang pagpapakana. Kung pagbabatayan lang ang sinabi ninyong lahat, saan nanggagaling ang mga bagay na ito na nasa kaibuturan ng isang tao, ang mga bagay na ito na nabubunyag mula sa pagkatao niya, ang mga bagay na kaya o hindi niya kayang mahipo, at ang mga bagay na kayang makita o hindi kayang makita o mabigyang-kahulugan ng iba? Naituro ba ng kanyang mga magulang ang mga ito? Naituro ba ang mga ito sa eskwela? O nilinang ba ng lipunan ang mga ito? Paano nabuo ang mga ito? Isang bagay ang tiyak: Likas ang mga ito. Bakit Ko sinasabi iyan? Saan nauugnay ang mga likas na bagay? Nauugnay ang mga ito sa kalikasang diwa ng isang tao. Kaya, para mag-isip siya nang ganito, pinag-isipan ba ito nang matagal, o biglaan lang ba ito? Siya ba ay napukaw ng isang bagay na nakita niyang ginawa ng ibang tao, o kinailangan ba niyang gawin ito dahil sa ilang mga pangyayari? O mayroon ba Akong anumang mungkahi sa kanya? Wala sa mga ito. Kahit mukhang ordinaryo sa panlabas ang maliliit na bagay na ito, hindi pangkaraniwan ang nakatagong kalikasan ng bawat isa sa mga bagay na ito. Napagtanto ba ng taong gumawa ng mga ito ang mga kahihinatnan ng paggawa ng mga ito? Hindi. Bakit hindi? Sabihin nating bumili ka ng isang murang bagay sa isang tindahan sa daan para ibigay sa amo mo. Bago mo ito ibigay, hindi ba’t kailangang suriin mo ang mga bagay-bagay at tanungin mo ang sarili mo, “Matatagpuan ba ng amo ko ang gamit na ito sa tindahan sa daan? Pwede ba siyang mag-online at hanapin kung magkano ito? May tao bang makapagbubunyag sa kanya kung magkano ito? Ano ang iisipin niya tungkol sa akin sa sandaling makita niya ito?” Hindi ba’t kailangan mong suriin ang mga bagay na ito? Susuriin mo muna ito at bibilhin mo pagkatapos. Kung, pagkatapos mong suriin ito, nadama mong ang pagreregalo ng bagay na ito ay magdadala ng mga hindi kanais-nais na kahihinatnan, ibibigay mo pa rin ba ito? Tiyak na hindi na. Kung naisip mo na hindi mahal ibigay ang bagay na ito sa amo mo, at mapapasaya nito ang amo mo, tiyak na ibibigay mo ito. Pero hindi sinuri ng lalaki sa kwento ang alinman sa mga bagay na ito, kung gayon ano ang iniisip niya? Ang tanging iniisip niya ay ito lang ang paraan para makamit ang kanyang mga layunin. Ngayon sa pagsusuri nito, lumilitaw ang kalikasan ng usaping ito. Ano ang makikita sa kalikasan ng usaping ito? Ang pangalawang resultang nakikita sa mga tao sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa kanila ay na kakila-kilabot ang mga puso nila. May makukuha bang konklusyon tungkol sa tiwaling disposisyon na ipinapakita ng mga ganitong tao, intensyonal man ito o hindi sinasadya? Ano ang mga sanhi ng pagiging kakila-kilabot ng puso ng tao? Ito ba ay dahil masyado itong hindi sensitibo? Ang isang hindi sensitibong tao ay walang pang-unawa. Akma bang ilarawan siya bilang hindi sensitibo? (Hindi.) Kung gayon, ito ba ay dahil sa kamangmangan? (Hindi.) Kung gayon, sa anong sanhi ito maiuugnay sa huli? Dapat itong iugnay sa masasamang disposisyon ng mga tao. Kailangan Kong sabihin sa inyo kung saan naroroon ang nakakatakot tungkol sa mga tao: Ito ay nasa katunayang nananahan ang mga demonyo sa puso ng mga tao. Ano ang nadarama ninyong lahat tungkol diyan? Bakit Ko sinasabing nananahan ang mga demonyo sa puso ng mga tao? Ano ang inyong pagkaunawa? Hindi ba ninyo iniisip na kakila-kilabot ang pahayag na ito? Hindi ba kayo natatakot kapag naririnig ninyo ito? Hindi ninyo naisip noon na nananahan ang mga demonyo sa mga puso ninyo; naisip lang ninyo na mayroon kayong tiwaling disposisyon pero hindi ninyo alam na nananahan ang mga demonyo sa inyo. Ngayon alam na ninyo. Hindi ba’t seryosong problema ito? Iniisip ba ninyong tama ang sinabi Ko? (Oo.) Hindi ba’t natutunton nito ang ugat ng problema? (Ganyan nga.) Pag-isipan ninyo kung bakit Ko sinabi na nananahan ang mga demonyo sa puso ng mga tao. Pag-isipan ninyo ito: Lilinlangin ba ng isang taong may konsensiya at katwiran ang Diyos sa ganitong paraan? Pagpapasakop ba ito sa Diyos? Ito ay paglaban sa Diyos nang mulat ang mga mata at sadyang hindi pagtrato sa Kanya bilang Diyos. Ngayong pumarito na ang Diyos sa lupa para iligtas ang sangkatauhan, ano ang relasyon ng Diyos at tao? Ito ba ay bilang isang nakatataas at isang nakabababa? Pagkakaibigan? Pagiging magkamag-anak? Anong uri ng relasyon talaga ito? Paano mo tatratuhin at haharapin ang relasyong ito? Anong uri ng pag-iisip ang dapat taglay mo kapag nakikitungo at nakikisama ka sa Diyos? Ano ang dapat mong panatilihin sa puso mo para makasundo ang Diyos? (Takot.) Ang takot ay parang hindi makatotohanan para sa lahat ng tao. (Pangamba.) Hindi makakamit ang pangamba. Kung tatratuhin mo Ako bilang ordinaryong tao—bilang kakilala lang, hindi nauunawaan ang isa’t isa nang mabuti at hindi pa sapat para maging magkaibigan—kung gayon paano magiging payapa at may pagkakaibigan ang relasyon natin? Dapat alam ng taong nakadarama ng konsensiya kung paano gawin nang naaangkop ang mga bagay na ito. (Dapat mayroong respeto.) Ito ang pinakamababang hinihinging dapat mayroon ka. Ipagpalagay na may dalawang taong nagkita: Hindi pa sila pamilyar sa isa’t isa at hindi nila alam ang pangalan ng isa’t isa. Kung nakita ng isa sa kanila na taos-puso iyong isa pa at nais niya itong paglaruan, hindi ba’t ito ay pang-aapi? Kung wala ni katiting na respeto, may anumang pagkatao bang natitira? Para magkasundo ang mga tao, anuman ang mga pagtatalo o alitang maaaring lumitaw, dapat kahit papaano ay respetuhin nila ang isa’t isa. Ang respeto ang pinakamababang sentido komun ng kung ano ang ibig sabihin ng pagiging tao, at mayroong kaunting respeto sa pagitan ng lahat ng tao. Kung gayon, umiiral ba ang respetong ito kapag nakikipag-ugnayan sa Diyos ang mga tao? Kung hindi ka man lang makaabot sa puntong ito, sa isip mo, ano ba talaga ang relasyon sa pagitan mo at ng Diyos? Walang anumang relasyon, kung gayon—kahit na bilang tagalabas. Samakatuwid, kinaya ng taong nagbigay ng mga regalo na tratuhin ang Diyos nang ganito: Hindi lamang niya hindi nirespeto ang Diyos, ginusto pa Niyang linlangin ang Diyos. Sa puso niya, hindi niya naramdamang dapat respetuhin ang Diyos o dapat bigyan ng maingat at metikulosong konsiderasyon ang kalusugan ng Diyos at ang mga kahihinatnan ng pagkain ng Diyos sa mga regalong ito—hindi kasama ang mga ito sa mga konsiderasyon niya. Sapat na para sa kanya na gumamit na lang ng mga panlilinlang para lokohin ang Diyos na paboran siya; ang pinakamainam na bagay para sa kanya ay ang magawang linlangin ang Diyos. Iyan ang puso niya. Hindi ba’t kahindik-hindik na magtaglay ng ganyang puso ang tao? Kakila-kilabot ito!

Ang ilang tao ay nananalig sa Diyos, at sa panlabas, mukhang sumusunod sila sa Kanya. Pero sa kaibuturan ng mga puso nila, kailanman ba ay napagnilayan na nila ang landas na tinahak nila at ang halagang ibinayad nila? Nasiyasat na ba nila at pinagsikapang makita kung nagampanan ba nila ang mga tungkuling ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos? Ano ba mismo ang saloobin ng mga tao sa kanilang pakikitungo sa Diyos? Kung huhusgahan mula sa iba’t ibang bagay na ipinakita at inihayag ng mga tao at kahit ang pinakatatago nilang pagpapakana, pati na rin ang lahat ng disposisyong nabunyag sa mga bagay na ito na ginagawa nila sa pagtrato nila sa Diyos, ano ba ang nagawa ng mga tao para sa Diyos? Maliban sa pagbabayad ng halaga at lubusang pagsasaalang-alang ng mga bagay na may benepisyo sa mga sarili nila, ano ang mga saloobin ng mga tao sa Diyos, at ano ang inihahandog nila sa Kanya? Walang iba kundi saloobing nagpapakana, nagkakalkula, nagbabantay, at nanghahamak. Ang panghahamak ay isang saloobin at ano ang pag-uugaling umuusbong sa saloobing ito, kung ipapahayag bilang pandiwa? “Ang mangutya.” Narinig na ba ninyo ang salitang ito? (Narinig na namin.) Ang “mangutya” ay medyo pormal na termino. Ano ang sinasabi natin sa kolokyal na pananalita? Sinasabi nating “manukso,” “manloko ng isang tao,” “makipagbiruan sa isang tao.” Mukha kang hindi mapagpanggap sa kanila, mukha kang taos-puso; sa mga mata nila ay wala kang halaga at nangangahas silang lantaran kang kutyain—anong uri ng disposisyon ito? Para sa isang taong may disposisyong gaya nito, anghel ba ang nananahan sa puso niya, o demonyo? (Isang demonyo.) Demonyo ito. Kung kaya niyang tratuhin ang Diyos nang ganito, ano ba talaga siya kung gayon? Kaya ba niyang isagawa ang mga salita ng Diyos? Kaya ba niyang magpasakop sa mga salita ng Diyos? Ang isang taong gaya ng lalaking nagpadala sa Akin ng mga regalo, halimbawa—hindi niya hinahanap ang katotohanan, ni nauunawaan ang mga layunin ng Diyos. Wala siya ni katiting na ideya kung ano ang hinihingi ng Diyos sa tao, kung ano ang gustong makita ng Diyos, o kung ano ang gustong makamit ng Diyos mula sa tao. Siya ay tulad lang ng isang taong nakikipag-usap sa amo niya, pinagtutuunan kung paano ito bobolahin at lilinlangin, tinatrato ito sa anumang paraan na magbibigay-daan para makamit niya ang mga minimithi niya—ano ba talaga ang ipinamumuhay ng ganitong tao? Namumuhay siya sa pambobola, iniraraos ang kasuklam-suklam na buhay sa pamamagitan ng pambobola sa mga lider niya. Bakit siya naghandog sa Akin ng ganitong “pagmamalasakit” at “kabaitan”? Hindi niya mapigilan ang sarili niya, hindi ba? Nahulaan kaya niya kung ano ang mararamdaman Ko tungkol dito? (Hindi.) Tama iyan; hindi niya naunawaan. Talagang wala siyang normal na isip ng tao. Hindi niya alam at wala siyang pakialam kung paano Ko titingnan, tutukuyin, o sisiyasatin ang kanyang pag-uugali at disposisyon. Sa anong bagay siya may pakialam? May pakialam siya sa kung paano niya Ako bobolahin para makamit ang mga mithiin niya at pagkatapos ay bibigyan ng mabuting impresyon tungkol sa kanya. Iyan ang layunin niya tuwing may ginagawa siyang mga bagay-bagay. Anong uri ng pagkatao ito? Ito ba ang gagawin ng isang taong may tunay na konsensiya at katwiran? Maraming taon ka nang nabubuhay, kaya dapat mong maunawaan: Una, hindi Ko kailangan ang pambobola mo. Pangalawa, hindi Ko kailangan na handugan mo Ako ng anumang bagay. Pangatlo, at ang pinakamahalaga, dapat mong maunawaan na anuman ang ginagawa mo, anuman ang mga layunin at mithiin mo, at anuman ang kalikasan ng ginagawa mo, may tinutukoy at may nagiging konklusyon Ako sa lahat ng ito. Hindi ito paggawa mo lang ng isang bagay at pagkatapos noon ay tapos na; sa kabaligtaran, kailangang malinaw Kong makita kung ano ang mga layunin at motibo mo. Tinitingnan Ko lang ang disposisyon mo. Malamang sasabihin ng ilang tao, “Napakalupit Mo sa mga tao!” Ganoon ba Ako? Hindi talaga ganyan ang iniisip Ko. Dahil talagang hindi Ako malupit kung kaya’t sinusubukan ng ilang tao na samantalahin ang sitwasyon. Hindi ba’t ganoon? Sa sandaling makasalamuha Ako ng ilang tao, iniisip nila, “Nakikita Kita bilang regular na tao lang. Hindi Ka kailangang masyadong pansinin. Ikaw ay halos katulad ko lang: Kumakain Ka rin nang tatlong beses sa isang araw, at hindi ko nakikitang may anumang awtoridad o kapangyarihan Ka. Wala Kang masasabi paano man Kita tratuhin. Ano ba ang magagawa Mo sa akin?” Anong paraan ng pag-iisip ito? Saan ito nanggagaling? Galing ito sa disposisyon ng isang tao. Bakit may ganitong disposisyon ang mga tao? Ito ay dahil may mga demonyong nananahan sa mga puso nila. Dahil may mga demonyong nananahan sa mga puso nila, gaano man kadakila ang tingin nila sa Diyos, gaano man kadakila ang tingin nila sa katayuan ng Diyos, gaano man sila naniniwala na nagpapahayag ng katotohanan ang Diyos para iligtas ang mga tao, gaano man nila ipinapahayag sa mga salita nila ang kanilang pagpapasalamat, at gaano man nila ipinapakita ang kahandaan nilang magdusa at magbayad ng halaga, pagdating ng panahon para gampanan ang tungkulin nila, ang mga demonyo ang mangunguna sa mga puso nila, at ang mga demonyo ang magtatrabaho. Anong uri ng tao, sa pananaw ninyo, ang mangangahas na linlangin at kutyain kahit ang Diyos? (Isang demonyo.) Ito ay isang demonyo; ito ay tiyak.

Sa ating naunang pagbabahaginan, mula sa aling diyalogo sa pagitan ni Satanas at ng Diyos natin makikita ang disposisyon ni Satanas? Sinabi ng Diyos, “Satanas, saan ka nanggaling?” Ano ang isinagot ni Satanas? (“Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon” (Job 1:7).) Anong uri ng pananalita iyan? (Pananalita ng demonyo.) Ito ay pananalita ng demonyo! Kung tinrato ni Satanas ang Diyos bilang Diyos, sasabihin nito, “Tinanong ako ng Diyos, kaya sasabihin ko kung saan ako nanggaling sa isang maayos na paraan.” Hindi ba’t maayos na pananalita iyan? (Oo.) Ito ay isang pangungusap na naaayon sa normal na pag-iisip ng tao: isang kompletong pangungusap, tama ang gramatika at madaling maunawaan. Iyan ba ang sinabi ni Satanas? (Hindi.) Ano ang sinabi nito? “Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon.” Nauunawaan ba ninyo ang pangungusap na ito? (Hindi.) Hanggang ngayon, walang nakakaunawa kung ano ang ibig sabihin nito. Kung gayon saan nanggaling si Satanas? Saan siya namanhik manaog? Saan siya nanggaling, at sa aling daan siya papunta? Mayroon bang anumang tiyak na sagot sa mga katanungang ito? Hanggang sa araw na ito, hindi pa rin nauunawaan ng mga nagpapakahulugan sa Bibliya kung saan talaga nanggaling si Satanas, o kung gaano katagal bago ito dumating sa harap ng Diyos at nakipag-usap sa Kanya; wala sa mga bagay na ito ang nalalaman. Kung gayon paano nasagot ni Satanas ang pagtatanong dito ng Diyos nang may ganitong tono at ganitong pananalita? Tinanong ba ito ng Diyos nang seryoso? (Oo.) Kung gayon sumagot ba ito sa parehong paraan? (Hindi.) Ano ang saloobing mayroon ito nang sumagot sa Diyos? Isang may pangungutya. Ito ay tulad ng pagtatanong mo sa isang tao, “Saan ka nanggaling?” at sumagot siya, “Hulaan mo.” “Hindi ko kayang hulaan.” Alam niyang hindi mo mahuhulaan, pero pinapahula niya pa rin sa iyo. Nakikipaglokohan lang siya sa iyo. Ganito ang saloobing tinutukoy na panloloko sa isang tao o pangungutya sa kanya. Hindi siya sinsero, at hindi niya gustong malaman mo; gusto lang niyang lokohin ka at makipaglokohan sa iyo. Ganyan na ganyan ang disposisyon ni Satanas. Sinabi Kong may ilang taong may mga demonyong nananahan sa mga puso nila; hindi ba’t ito ang paraan nila ng pagtrato sa Diyos? Kung titingnan ang panlabas nilang anyo ng pagpunta kung saan-saan, paggawa ng mga bagay, at paminsan-minsang pagtitiis ng ilang paghihirap at pagbabayad ng maliit na halaga, hindi sila magmumukhang gaya ng mga taong ito; mukhang nasa puso nila ang Diyos. Pero mula sa mga saloobin nila sa paraan nila ng pagtrato sa Diyos at sa katotohanan, nakikita mo na ang nananahan sa mga puso nila ay isang demonyo, at iyon lang ang naroon. Ni hindi nila kayang direktang sagutin ang mga tanong ng Diyos—sila ang uri ng mga tao na paikot-ikot lang gaya ng mga ahas, hanggang sa hindi mo na makita ang sagot at hindi mo na maintindihan kung ano ba ang sinasabi nila. Anong uri ba sila ng mga tao? Maaari ba silang maging sinsero sa kanilang pakikitungo sa Diyos? Dahil may saloobin sila ng panghahamak at pagkasuklam sa pagtrato nila sa Diyos, maisasagawa ba ng mga ganitong tao ang mga salita ng Diyos bilang katotohanan? (Hindi.) Bakit hindi? Dahil nananahan ang mga demonyo sa mga puso nila. Hindi ba’t ganyan iyan? (Oo; hindi talaga nila tinatrato ang Diyos bilang Diyos.) Iyan ang kabuktutan ng mga ganitong tao. Ang kanilang kabuktutan ay nasa pag-iisip na ang integridad, pagpapakumbaba, normalidad, at praktikalidad ng Diyos na nakikita nila ay hindi ang dahilan kung bakit kaibig-ibig ang Diyos—pero ano ang mga ito kung gayon? Iniisip nila na ang mga ito ay mga pagkukulang ng Diyos; na ang mga ito ay mga bahaging madalas na pinanggagalingan ng mga kuru-kuro; na ang mga ito ang pinakamatitinding kapintasan ng Diyos na sinasampalatayaan nila; na ang mga ito ay mga kakulangan, mga problema, at mga kamalian. Paano dapat tingnan ang mga ganitong tao? Ito ang paraan at ang saloobing ginagamit nila para tratuhin ang Diyos; ito ay kahiya-hiya para sa Diyos, pero paano naman sa mga sarili nila? May nakukuha ba silang anumang benepisyo mula rito? Ito ay insulto rin sa mga sarili nila. Bakit Ko sinasabi iyan? Bilang ordinaryong tao, kung may taong kaswal na nagbigay sa iyo ng isang bagay para kainin, at kinuha mo ito at kinain na parang isa kang hangal, nang walang pakialam sa mga katunayan ng usaping ito at nang hindi man lang nagtatanong kung tungkol saan ito, hindi ba’t iminumungkahi niyan na may kulang sa iyong pagkatao? Ang tao bang may kulang sa kanyang pagkatao ay normal na tao? Hindi. Kung ang nagkatawang-taong Cristo ay hindi man lang nagtaglay ng normal na pagkataong tulad nito, Siya ba ay karapat-dapat pa rin sa pananalig ng sinuman? Hindi na. Ano ang mga tanda ng pagkatao ng nagkatawang-taong Diyos? Ang pagkamakatwiran, pag-iisip, at konsensiya Niya ang pinakanormal. Nagtataglay ba Siya ng kakayahang humatol? (Oo.) Kung wala Ako niyan, kung magulo lang ang pag-iisip Ko na walang sentido komun o kabatiran, hindi kayang mag-isip kapag may mga nangyayari sa Akin, maituturing pa rin ba Akong normal na tao? Iyan ay magiging depektibong pagkatao, hindi normal na pagkatao. Matatawag ba ang ganitong tao na Cristo? Noong nagkatawang-tao ang Diyos, pipiliin ba Niya ang ganoong laman? (Hindi.) Tiyak na hindi. Kung walang-ingat Kong ginawa iyon, karapat-dapat bang sundin ang ganoong Diyos, ang Siya na kilala bilang ang nagkatawang-taong Diyos? Hindi, at mapupunta kayo sa maling landas. Ito ay isang aspekto, mula sa perspektiba Ko. Sa kabilang banda, mula sa perspektiba ninyo, kung ituturing mo Siya bilang Diyos, bilang ang sinusundan mo, at bilang tagasunod Niya ay tatratuhin mo Siya sa ganitong paraan—kung gayon saan mo inilulugar ang sarili mo? Hindi ba’t kahiya-hiya iyan sa iyo? (Ganyan nga.) Kung sa tingin mo, ang Diyos na sinasampalatayaan mo ay talagang hindi karapat-dapat na irespeto mo, pero nananalig ka pa rin sa Kanya, ano ang sinasabi nito tungkol sa iyo? Magulo ba ang isip mo? Lito ka bang tagasunod? Hindi ba’t ipapahiya mo ang sarili mo? (Oo.) Pero kung iniisip mo na nagtataglay Siya ng lahat ng aspektong ito ng normal na pagkatao, na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, pero ganoon pa rin ang ginagawa mo, hindi ba’t ipinapahiya mo ang Diyos? Parehong may basehan ang dalawang perspektibang iyon. Makikita mo ang problema tumingin ka man mula sa perspektiba ng Diyos o ng sa tao—at ang problema rito ay seryoso! Hindi ba? (Oo.) Mula sa perspektiba ng tao, kung itinuturing mo Siya bilang Diyos at tinatrato mo Siya nang ganito, lantaran mong ipinapahiya ang Diyos. Kung iniisip mo na Siya ay hindi Diyos bagkus isang tao, pero sinusunod mo pa rin Siya, hindi ba’t pagsasalungatan iyan? Hindi ba’t ipinapahiya mo ang sarili mo? Pagnilayan mo ang dalawang aspektong ito; tama ba Ako? Hindi ba’t ganoon nga? Bakit hindi maisip ng mga tao ang mga bagay na ito? Bakit gusto pa rin nilang kumilos sa ganitong paraan? Ito ba ay dahil lang hindi nila nauunawaan ang katotohanan? Huwag na natin itong masyadong tingnan nang malalim; sa pagtingin lang dito mula sa perspektiba ng kakayahan, sila ay mga hangal na walang-isip. Bakit Ko sinasabing wala silang isip? Anong isip ang tinutukoy Ko? Ito ay tungkol sa pag-iisip. Ang paggawa ng isang bagay nang hindi nag-iisip, nang hindi alam kung paano timbangin ang mga positibo at negatibo, nang hindi alam kung paano ituring ang kalikasan ng ginagawa mo o kung dapat mo bang gawin ito o hindi, ay pagiging walang-isip. Anong uri ng bagay ang walang isip? Walang isip ang mga hayop at halimaw, pero isasaalang-alang ng mga tao ang mga bagay na ito. Maaaring gumawa ng mga hangal na bagay ang mga tao sa sandaling may bugso ng damdamin, pero kung paulit-ulit nilang ginagawa ang mga parehong hangal na bagay, maaari silang ituring na walang isip. Ang isang taong walang isip ay taong may napinsalang katwiran o, sa kolokyal, isang taong maluwag ang turnilyo. Pero halata ang kanyang pagiging makasarili, at ang mga tuso niyang panlilinlang ay hindi talaga nagkukulang, kaya sinasabi Ko na nananahan ang mga demonyo sa mga puso ng mga tao.

Iniisip ba ninyong lahat na pagpapalaki lang ng isyu ang pagbabahaginan tungkol sa pagbibigay ng regalo? Kung hindi Ako nakipagbahaginan tungkol dito at kaswal Ko lang na binanggit ito, magkakaroon ba ito ng ganitong epekto sa inyo, matapos ninyo itong mapakinggan? (Hindi.) Ang sukdulan nang mangyayari, pagkatapos ninyong makinig, pagninilayan ninyo, “Paano nagawa ng lalaking ito ang ganoong bagay? Hindi ako gumagawa ng mga bagay na tulad niyan; talagang iba’t iba ang uri ng mga tao!” Sukdulan nang iyan ang maiisip ninyo. Maaaring pag-usapan ninyo ito nang kaunti, at iyon na iyon—pero magkakaroon ba kayo ng ganito kalalim na pagkaunawa tungkol dito? (Hindi.) Hindi kayo magkakaroon ng ganito kalalim na pagkaunawa rito. Kung gayon, ano ang mga benepisyong dala ng Aking mga salita sa inyo? Anong katotohanan ang nakamit ninyo? Una sa lahat, kailangan Ko kayong paalalahanan: Sa pagitan ng tao at ng Diyos, ano ang pinakamabuting uri ng relasyong dapat itatag? Kapag may taong lumalapit sa Diyos, paano niya dapat makasundo ang Diyos kapag malapit niya Siyang nakakaugnayan? Hindi ba’t kinakailangang hanapin ang mga prinsipyo para dito? (Oo.) Higit pa rito, sa maraming taong pananalig sa Diyos, ano ang mga insidenteng nangyari sa mga pang-araw-araw na buhay ng mga tao na kapareho ng kalikasan ng lalaki sa kwento? Hindi ba’t karapat-dapat pagnilayan ang mga tanong na ito? Maaari bang matuto ang isang tao ng aral at sabihing, “Hindi pinapahintulutan ng Diyos kahit ang maliliit na pagkakamali, kaya lubhang seryoso ito. Mas mabuti pang hindi tayo lumapit sa Kanya, malapit na makipag-ugnayan sa Kanya, o humarap sa Kanya—hindi Siya dapat balewalain! Kapag nagkamali ka, lubos Niyang palalakihin ang isyu at mapupunta ka sa seryosong panganib. Tiyak na hindi Ko siya bibigyan ng anumang bagay!”? Katanggap-tanggap bang mag-isip nang ganito? (Hindi.) Sa totoo lang, hindi ninyo kailangang mag-alala: Hindi tayo nagkakaroon ng maraming oportunidad para magkalapit, at lalo nang mas kaunti lang ang sandali natin para makisalamuha sa isa’t isa, kaya hindi ito usaping kailangan ninyong alalahanin. Kung makikisalamuha Ako sa inyo balang araw, huwag kayong mag-alala; may lihim Akong sasabihin sa iyo. Makasundo mo man Ako o pribado kang manalangin at maghangad, ano ang numero unong lihim? Anuman ang gawin mo, huwag kang makipagpaligsahan ng talino sa Akin; kung mahilig kang makipaglaban, lumayo ka sa Akin. May ilang taong nagsasalita nang matindi ang katusuhan, gumagawa ng ilang pakana sa isang kurap ng mata, at bawat pangungusap na binabanggit nila ay may karumihan; kung magsasalita pa sila, hindi mo malalaman kung aling mga salita ang totoo at alin ang hindi. Ang mga ganitong tao ay dapat hindi kailanman lumapit sa Akin. Kapag nakipag-ugnayan ka sa Diyos at nakisalamuha ka sa Kanya, ano ang numero unong importanteng bagay na dapat mong gawin at ang numero unong importanteng prinsipyong dapat mong sundin? Magtaglay ka ng tapat na puso sa pagtrato mo sa Diyos. Matuto ka ring magpitagan. Ang pagpipitagan ay hindi pagiging magalang; hindi ito pambobola o paghingi ng pabor, hindi rin ito pagpapalakas ng sarili o pagiging sipsip. Kung gayon, ano ba talaga ito? (Ito ay pagtrato sa Diyos bilang Diyos.) Ang pagtrato sa Diyos bilang Diyos ay isang pangunahing prinsipyo. Paano naman ang mga detalye? (Matuto kang makinig sa Diyos.) Iyon ay isang aspekto ng pagsasagawa. May ilang taong nakikipag-ugnayan sa Akin, at nagsisimula silang magsalita habang nagsasalita pa Ako, kaya hinahayaan Ko silang matapos bago ako magpatuloy. At paano nila Ako tinatrato kapag nagsasalita Ako? Nakikinig sila nang nakapikit ang mga mata. Ano ang ipinapahiwatig nito? Tila sinasabi nito, “Walang saysay ang sinasabi Mo. Ano ba ang alam Mo?” Iyan ang saloobin nila. Maaaring hindi Ko alam ang lahat, pero may mga prinsipyo Ako, at sinasabi Ko sa iyo ang natutunan, nakita, at naunawaan Ko, pati na rin ang mga prinsipyong alam Ko, at marami-rami kang makakamit mula rito. Pero kung lagi kang titingin sa Akin, mag-iisip na wala Akong anumang alam, at hindi ka maingat na makikinig sa Akin, wala kang anumang makakamit—kakailanganin mo na lang alamin ang mga bagay-bagay para sa sarili mo. Hindi ba’t ganyan? Kaya, dapat kayong matutong makinig sa mga salita ng Diyos. Kapag nakikinig kayo, nililimitahan Ko ba kayo sa paghahayag ng mga pananaw ninyo? Hindi. Sa sandaling matapos Akong magsalita, tinatanong Ko kayong lahat kung mayroon kayong anumang katanungan, at kung may tanong ang sinuman, agad Kong sasagutin ito at sasabihin Ko sa inyo ang mga prinsipyong may kinalaman sa mga tanong na iyon. Paminsan-minsan, hindi Ko lang sinasabi sa inyo ang mga prinsipyo, kundi direkta Ko pang sinasabi sa inyo ang dapat ninyong gawin, dinedetalye ang bawat aspekto. Kahit na may ilang larangang hindi Ko nauunawaan, may mga sarili Akong prinsipyo, at may mga sarili Akong pananaw at pamamaraan ng pagharap sa mga ganitong usapin, kaya tinuturuan Ko kayo base sa kung ano ang sa tingin Ko ay mga tamang pananaw at prinsipyo. Bakit kaya Ko kayong turuan? Ito ay dahil hindi ninyo man lang nauunawaan ang mga bagay na ito. Sa sandaling masagot ang mga katanungang ito, tatanungin Ko uli kung mayroon pang ibang mga tanong; kung mayroon pa, sasagutin Kong muli ang mga ito nang walang pag-antala. Hindi Ko lang gustong makinig ka sa Akin; binibigyan Kita ng pagkakataong magsalita, pero dapat makatwiran ang sinasabi mo—walang kalokohan, at walang pagsasayang ng panahon. Paminsan-minsan, ginagambala Ko ang ilang tao dahil sa kawalan Ko ng pasensya. Sa anong mga pagkakataon? Ito ay kapag pasikot-sikot silang magsalita, gumagamit ng sampung pangungusap para sa maaaring sabihin sa lima. Sa katunayan, nauunawaan Ko sa sandaling marinig Ko sila; alam Ko na ang susunod, kaya wala na silang dapat pang sabihin. Magsalita ka nang maikli at diretsahan; huwag mong sayangin ang oras ng ibang tao. Sa sandaling tapos ka nang magsalita, bibigyan Kita ng sagot, at sasabihin Ko sa iyo kung ano ang dapat mong gawin at ang mga prinsipyo na dapat mong sundin sa paggawa nito. Diyan na dapat matapos ang usapin, hindi ba? Pero hindi ito maintindihan ng ilang tao, at sinasabi nila, “Hindi, dapat respetuhin Mo ako; dapat nirerespeto natin ang isa’t isa. Natapos Ka nang magsalita, pero hindi pa ako tapos magpahayag ng perspektiba ko. Ang perspektiba ko ay ito—kailangan ko uling magsimula sa umpisa.” Lagi nilang gustong magpahayag ng mga pananaw nila, sa paniniwala na hindi Ko batid ang mga ito, samantalang sa katunayan, sa sandaling magsimula silang magsalita, alam Ko na kung ano ang mga pananaw nila—kaya kailangan pa ba nilang magpatuloy? Hindi na kailangan. May mga taong napakababa ng talino kaya gumagamit sila ng sampung pangungusap para sa isang usapin na maaari namang sabihin sa dalawa lang, at kung hindi Ko sila pahihintuin, patuloy lang silang magsasalita. Naunawaan na ng lahat; hindi Ko pa rin ba nauunawaan? Gayunpaman, gusto pa rin nilang ipahayag ang mga sarili nila, kaya hindi lang ang talino nila ang mababa—mahina rin ang pangangatwiran nila! May mga nakasalamuha na ba kayong ganitong tao? (Oo.) Iniisip nilang matalino sila kahit na mahina ang pangangatwiran nila at mababa ang katalinuhan nila. Hindi ba’t nakapandidiri iyon? Nakakasuka at nakapandidiri iyon. Kapag nakipag-ugnayan ang mga tao sa Diyos, ang pangunahing bagay ay ang tratuhin Siya nang may tapat na puso; ang pangalawa ay dapat matuto ang mga tao ng pagpipitagan; at ang pangatlo at pinakamahalagang bagay ay ang matutong hanapin ang katotohanan. Hindi ba’t iyan ang pinakamahalaga? (Iyan nga.) Para saan pa ang pananalig sa Diyos kung hindi mo hinahanap ang katotohanan? Ano ang halaga ng pananalig sa Kanya? Nasaan ang saysay nito? Dito sa puntong ito maaaring magkulang ang karamihan ng tao, kaya bakit ito kailangang pag-usapan? Ito ay paghahanda para sa hinaharap; kailangan ninyong matutunang magsagawa sa ganitong paraan kapag nangyari sa inyo ang mga ganitong bagay sa hinaharap.

Sa iglesia, marami Akong nakaugnayang tao, at ang ilan sa kanila ay inatasan Kong gumawa ng ilang bagay. Pagkatapos ng ilang araw, binigyan nila Ako ng tugon, ipinakita nila sa Akin na isinulat nila ang lahat ng inatas Ko, at na ngayon ay isinasakatuparan na nila ang bawat isa sa mga ito. Nang makatagpo nila Ako, nag-ulat sila sa Akin tungkol sa progreso ng implementasyon, kung anong mga isyu ang nangangailangan ng paghahanap, at kung alin ang naghihintay pa ng mga resulta, binigyan nila Ako ng kompletong ulat. Napakalinaw ng pagpapaliwanag nila sa mga detalye, at kahit na minsan ay medyo nakatuon sila sa maliliit na detalye, makikita sa mga saloobin nila na seryoso at responsable sila sa kanilang pagtrato sa mga salita ng Diyos, at na alam nila kung ano ang kanilang mga responsabilidad, tungkulin, at obligasyon. Naiiba naman ang ilang tao: inatasan Ko sila ng dalawang gawain, at isinulat nila ang mga ito sa mga kwaderno nila, pero pagkatapos ng isang linggo, nang hindi pa rin nila naisasagawa ang anumang bagay, naalala lang nila nang tanungin Ko sila tungkol dito—at pagkatapos ay isinulat na naman nila ang lahat sa mga kwaderno nila. Pagkatapos ng isa pang linggo, noong tanungin Ko sila kung bakit hindi pa rin natatapos ang usaping iyon, nagdahilan sila, sinabi ang ganito at ganyang hirap, bago masigasig na isinulat na naman ang lahat sa mga kwaderno nila. Saan nila isinulat ang lahat? (Sa mga kwaderno nila.) Pero wala silang tinandaan sa mga isip nila. Hindi ba’t ito ay pag-aatas ng isang bagay sa maling tao? Hindi tao ang mga taong ito. Ang anumang ipinagkatiwala Ko sa kanila ay pumapasok sa isang tainga at lumalabas sa kabila—hindi talaga nila sineseryoso ito. Lahat ng gawaing may kinalaman sa isang partikular na propesyon o sa mga pangkalahatang usapin—pati ang ilang usaping may kaugnayan sa gawain ng iglesia—na inaatas Ko sa mga tao ay nasa saklaw ng kaya nilang makamit; wala sa mga ito ang naglalayong gawing mahirap para sa kanila ang mga bagay-bagay. Gayunpaman, madalas kapag ipinagkakatiwala Ko sa mga lider at manggagawa na gawin ang mga bagay-bagay, ang karamihan sa kanila ay hindi nag-uulat sa Akin pagkatapos nilang tanggapin ang atas, at wala Akong naririnig sa kanila tungkol sa estado ng gawain. Kung ito ba ay isinaayos, kung paano ito ginawa, kung ano ang mga maling nangyari, kung ano ang mga kasalukuyang resulta—hindi sila kailanman nag-uulat tungkol sa alinman sa mga ito o nakikibahagi sa paghahanap. Isinasantabi lang nila ang mga inatas sa kanila, at wala man lang Akong naririnig tungkol sa anumang kinahinatnan. May mga taong may mas seryoso pang problema, na bukod sa bigo silang isagawa ang mga iniatas Ko sa kanila, nagawa pa nila Akong bolahin at linlangin, sabihin sa Akin kung saan sila pumunta at kung ano ang ginawa nila kahapon, kung ano ang ginawa nila noong makalawa, at kung ano ang ginagawa nila ngayon. Tingnan ninyo kung gaano sila kagaling sa pagkukunwari at panlilinlang—wala silang ginawa sa mga bagay na partikular Kong iniatas sa kanila, sa halip pinagkaabalahan nila ang mga walang saysay na gawain habang lubos na magulo ang kritikal na gawain. Anong uri ng pag-uugali ito? Ganap nilang pinabayaan ang mga tamang gawain, at puno sila ng kasinungalingan at panlilinlang!

May isang lalaking nangangasiwa sa pagtatanim. Tinanong Ko siya, “May ilang gulay na mukhang mabuti ngayong taon. Nagtabi ka ba ng mga buto?” “Oo, nagtabi ako,” ang sagot niya. Sabi ko, “Narinig Ko na matagal na nilang inani ang lahat ng gulay at hindi sila nagtabi ng anumang buto.” Sabi niya, “Hindi pa sila tapos sa pag-aani. May mga natira pa!” Pagkatapos sabi Ko, “Nasaan ang mga natirang gulay? Patingin.” Sinabi niya, “O? Sige … titingnan ko muna.” Talaga bang nagtabi siya ng anumang buto, o hindi? Hindi. Sa ilang salitang ito na sinabi niya, kasinungalingan ba ang una niyang pahayag na “Nagtabi ako”? (Oo.) At ang pangalawa niyang pahayag, hindi ba’t kasinungalingan ang “Hindi pa sila tapos sa pag-aani. May mga natira pa!” Hindi niya alam kung nagtabi ba sila ng anumang buto, at sinabi niya, “Titingnan ko muna.” Kaya ang pangatlong pahayag ay isa pang kasinungalingan. Mas naging seryoso ang mga kasinungalingan sa bawat pahayag; pinagpapatong-patong niya ang mga kasinungalingan, mas lumalalim ang mga ito—isang bibig na puno ng kasinungalingan! Gugustuhin ba ninyong lahat na makipag-usap sa isang taong may bibig na puno ng kasinungalingan? (Hindi.) Ano ang mararamdaman mo kapag nakikipag-usap ka at nagtatrabaho kasama ang mga taong puno ng kasinungalingan? Nagagalit ka ba? May lakas siya ng loob na manloko ng kahit sino; nagkamali siya kung inisip niya na hindi Ko alam! Karapat-dapat bang manlinlang sa usaping ito? Ano ba ang makakamit niya sa pagiging napakamapanlinlang? Kung nakita mo ang ganitong saloobin sa pagkilos niya, kung tinrato ka niya sa ganitong paraan, ano ang madarama mo? Kung 99 porsyento ng mga sinasabi ng isang tao ay kasinungalingan, nakikipagtsismisan man siya o nakikipag-usap tungkol sa trabaho o sa mga seryosong usapin, o nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, wala nang pag-asa ang taong ito. Kaya niyang linlangin ang sinuman; ano siya kung gayon? Gaano katagal na siyang nananalig sa Diyos? Laging sinasabi ng ilang walang pananampalataya na, “Sa abot ng nalalaman ko,” o “Nagsasalita ako mula sa puso,” at sa pamamagitan ng panimulang iyan, nagsasabi sila ng isang totoong bagay. Ang lalaking iyon ay napakaraming taon nang nananalig sa Diyos, at nakapakinig na siya ng napakaraming sermon, pero ni hindi siya makapagsabi ni isang totoong salita; lahat ng sinabi niya ay kasinungalingan. Anong klase ng nilalang siya, kung gayon? Hindi ba’t nakakapandidiri at nakakasuklam ito? Marami bang taong gaya nito? Ganito ba kayo? Kapag nakikipag-usap kayo sa Akin, sa anong mga kalagayan kayo magsisinungaling sa Akin? Kung nagdulot kayo ng kung anong kapahamakan, at alam ninyong seryoso ang mga kinahinatnan at maaari kayong mapatalsik, sa sandaling banggitin ito ng iba, magsisinungaling kayo para pagtakpan ito. Maaaring magsinungaling ang sinuman sa ganyang uri ng bagay. Ano pa ang maaaring pagsinungalingan ng mga tao? Ang pagsisinungaling para pagandahin ang kanilang imahe at pataasin ang tingin ng mga tao sa kanila. At saka mayroon ding mga taong alam na hindi sila magaling sa mga gawain nila, pero hindi nila hayagang sinasabi sa Itaas, dahil sa takot na paalisin sila kung gagawin nila ito. Kapag nag-uulat sila ng gawain nila sa Itaas, nagkukunwari silang naghahanap sila ng mga paraan para lutasin ang problema, na nagbibigay sa iba ng huwad na impresyon. Lahat ng sinasabi nila ay kasinungalingan, at sila ay pundamental na walang kakayahang gumawa ng gawain. Kung hindi sila magtatanong ng ilang katanungan, natatakot sila na makikita ng Itaas ang mga pagkukulang at papalitan sila, kaya nagmamadali silang magkunwari. Ganito ang kaisipan ng mga huwad na lider at anticristo.

Pagnilayan ninyo ang tatlong prinsipyo ng pakikitungo sa Diyos na katatapos Ko lang ibinahagi. Alin ang hindi ninyo kayang gawin, at alin ang madali para sa inyong makamit? Ang katunayan, hindi madali na tunay na isagawa ang alinman sa mga ito, dahil nananahan ang mga demonyo sa puso ng mga tao. Hindi mo makakamit ang mga ito bago mo maiwaksi ang demonyo palabas sa puso mo. Kailangan mong labanan ang demonyo sa puso mo, at kung mapagtatagumpayan mo ito sa bawat pagkakataon, makakamit mo ang mga ito. Kung sa bawat pagkakataon ay mabibigo ka at mabibihag ka nito, hindi mo makakayang tuparin ang mga ito; hindi mo maisasagawa ang alinman sa mga prinsipyo. Kung kaya ninyong tuparin ang lahat ng tatlo, hindi lang kapag nakikisama o nakikipag-usap kayo sa Akin, kundi pati na rin sa mga regular ninyong pakikisalamuha sa mga kapatid, sa pagsunod sa mga prinsipyong ito, hindi ba’t makikinabang kayong lahat mula rito? (Oo.) Ngayong tapos na ang kwento, pumunta na tayo sa pangunahing paksa.

Isang Paghihimay Kung Gaano Kabuktot, Katraydor, at Kamapanlinlang ang mga Anticristo

Noong nakaraan ay pinagbahaginan natin ang ikapitong pagpapamalas ng mga anticristo—sila ay buktot, traydor, at mapanlinlang. Dalawang beses nang napagbahaginan ang aytem na ito. Ang unang pagtalakay ay tungkol sa buktot na kalikasan ng mga anticristo—ano ang pinagtuunan ng diskusyon na iyon? (Ang pagkamapanlaban at pagkamuhi sa katotohanan.) Nanlalaban at namumuhi sa katotohanan ang mga anticristo, kinamumuhian nila ang lahat ng positibong bagay na umaayon sa katotohanan at sa Diyos, na siyang una at pangunahing pagpapamalas ng kabuktutan ng mga anticristo. Ang unang diskusyon ay tungkol sa kung ano ang kinasusuklaman ng mga anticristo. Kinasusuklaman ng mga ordinaryong tao ang mga negatibong bagay at buktot na puwersa; kinasusuklaman nila ang mga bagay na marumi, madilim, at buktot. Gayunman, sa kabaligtaran nito, ang pinakamatibay na ebidensiya ng unang pagpapamalas ng buktot na kalikasan ng isang anticristo, ay na hindi nito kinasusuklaman ang mga negatibong bagay kundi kinasusuklaman nito ang lahat ng positibong bagay na may kinalaman sa katotohanan at sa Diyos, na siyang unang matibay na ebidensiya ng kabuktutan nito. Ang ikalawang diskusyon natin ay tungkol sa ikalawang matibay na ebidensiya ng mga pagpapamalas ng kabuktutan ng isang anticristo. Kung kinasusuklaman nito ang mga positibong bagay, ano ang minamahal nito? (Ang mga negatibong bagay.) Ano ang minamahal ng mga taong may normal na pagkatao? Minamahal nila ang katarungan, kabaitan, at kagandahan, kasama na rin ang pag-ibig, pasensiya, at pagpaparaya na may kinalaman sa pagkatao, pati na rin ang sentido komun at kaalaman na positibo at kapaki-pakinabang sa mga tao, at lahat ng positibong bagay mula sa Diyos, kasama na ang mga kautusan at panuntunang itinatag ng Diyos para sa lahat ng bagay, ang mga kautusan at atas administratibo ng Diyos, at lahat ng katotohanan at paraan ng pamumuhay na ipinahayag ng Diyos, pati na rin ang ibang bagay na may kinalaman sa Diyos. Salungat dito ang buktot na kalikasan ng isang anticristo; ayaw niya ng mga ito—anong gusto niya? (Mga kasinungalingan at panlalansi.) Tama, gusto nito ang mga kasinungalingan at panlalansi, pati na rin ang mga pagsasabwatan, at mga pagpapakana, iba’t ibang pamamaraan para sa mga makamundong pakikitungo, pambobola sa mga tao, pagiging sipsip, pati na rin ang alitan, katayuan, at awtoridad. Minamahal niya ang lahat ng negatibong bagay na ito na sumasalungat sa katotohanan at sa mga positibong bagay, na mismong nagpapakita ng buktot na kalikasan ng mga anticristo. Hindi ba’t kapani-paniwala ang mga ebidensiyang ito? (Oo.) Kahit na pawang kapani-paniwala ang mga ebidensiyang ito, may dalawang bahagi lamang na hindi pa maituturing na kumpleto. Ngayon itutuloy nating talakayin ang ikatlong bahagi ng kung gaano kabuktot, katraydor, at kamapanlinlang ang mga anticristo. Siguradong iba ang ikatlong bahaging ito sa una at ikalawang bahagi, pero may kaugnayan ito sa mga iyon. Ano ang kaugnayan nito? Ang tatlong bahagi ay lahat tumatalakay sa diwang ito—ang buktot na kalikasan ng anticristo. Paano ito naiiba? Sa bahaging ito, ang mga minamahal at kinakailangan ng buktot na kalikasan nito, pati na rin ang mga kinamumuhian nito, ay iba mula sa dalawang bahaging natalakay na—iba ang nilalaman. Ang pagkakaibang ito ay hindi para sabihing gusto rin ng isang anticristo ang ilang positibong bagay o na kinamumuhian din nito ang ilang negatibong bagay; sa halip, binubuo ito ng isa pang bahagi, na hindi lamang tungkol sa kung ano ang minamahal o kailangan nito, kundi umangat ito sa iginagalang ng buktot na puwersang ito ng mga anticristo—sa ibang salita, kung ano ang sinasamba o hinahangaan nila. Maaaring sabihin ng ilang tao na, “Ang mga salitang gaya ng ‘iginagalang,’ ‘sinasamba,’ at ‘hinahangaan’ ay dapat gamitin sa mga pagpapakahulugan sa mga positibong bagay, kaya paano magagamit ang mga iyon sa mga anticristo? Angkop ba ang mga salitang ito?” Ang mga salitang ito ay hindi pumupuri ni nanlalait—walang kinikilingan ang mga ito. Samakatuwid, ang gamitin ang mga ito rito ay hindi paglabag sa anumang prinsipyo at ito ay pinahihintulutan.

III. Isang Paghihimay tungkol sa mga Bagay na Sinasamba at Hinahangaan ng mga Anticristo

Ano ang sinasamba at hinahangaan ng mga anticristo? Una sa lahat, siguradong hindi nila sinasamba ang katotohanan, ang Diyos, o ang anumang maganda o mabuting bagay na may kinalaman sa Diyos. Kung gayon, ano mismo ang sinasamba nila? May naiisip ba kayong kahit na ano? Hayaan ninyong bigyan Ko kayo ng palatandaan. Ang mga taong nasa relihiyon na nananalig sa Panginoon, paano sila nalubog sa Kristiyanismo? Bakit sila itinuturing na ngayon na isang relihiyon, isang sekta, at hindi na ang iglesia ng Diyos, ang sambahayan ng Diyos, o ang pakay ng gawain ng Diyos? May mga pagtuturo sila ng relihiyon; pinagsasama-sama nila sa isang aklat, sa mga materyales na panturo, ang gawaing minsang ginawa ng Diyos at ang mga salitang minsang binigkas ng Diyos, at pagkatapos ay nagbubukas sila ng mga paaralan, at kumukuha at nagsasanay sila ng iba’t ibang teologo. Ano ang pinag-aaralan ng mga teologong ito? Ang katotohanan ba? (Hindi.) Kung gayon ano ang pinag-aaralan nila? (Ang teolohikal na kaalaman.) Pinag-aaralan nila ang teolohikal na kaalaman at mga teorya, na wala namang kinalaman sa gawain ng Diyos o sa katotohanang sinabi ng Diyos. Pinapalitan nila ng mga teolohikal na kaalaman ang mga salita ng Diyos at ang gawain ng Banal na Espiritu, at sa ganoong paraan sila nalulubog sa Kristiyanismo o Katolisismo. Ano ang pinahahalagahan sa relihiyon? Kung pupunta ka sa isang simbahan, at may magtatanong sa iyo kung gaano katagal ka nang nananalig sa Diyos, at sasabihin mong kasisimula mo pa lamang manalig, hindi ka nila papansinin. Pero kung pupunta ka na may dalang Bibliya at sasabihin mong, “Katatapos ko lamang sa ganito at ganyang teolohikal na seminaryo,” aanyayahan ka nilang maupo sa marangal na puwesto. Kung karaniwang mananampalataya ka, hindi ka nila pag-aaksayahan ng oras, maliban na lamang kung may prominenteng katayuan ka sa lipunan. Ganito ang Kristiyanismo, at ganoon ang mundo ng relihiyon. Ang mga nasa simbahan na nangangaral at may katayuan, posisyon, at prestihiyo ay isang grupo ng mga taong sinanay sa mga teolohikal na seminaryo para magkaroon ng teolohikal na kaalaman at mga teorya, at sila ang pangunahing nagtataguyod sa Kristiyanismo. Sinasanay ng Kristiyanismo ang mga gayong tao na tumayo sa entablado at mangaral, na magpalaganap ng ebanghelyo at gumawa ng gawain kung saan man. Naniniwala silang masisiguro ang pag-iral ng Kristiyanismo hanggang sa kasalukuyan sa pamamagitan ng mga talentong tulad ng mga estudyante ng teolohiya, nangangaral na pastor, at teologo na ito, at ang mga taong ito ang nagiging halaga at kapital sa pag-iral ng Kristiyanismo. Kung ang pastor ng isang simbahan ay nagtapos sa isang teolohikal na seminaryo, maayos na natatalakay ang Bibliya, nakabasa na ng ilang espirituwal na aklat, at may kaunting kaalaman at galing magsalita, dadami ang dumadalo sa simbahang iyon at magiging mas sikat ito kaysa sa ibang simbahan. Ano ang pinahahalagahan ng mga taong ito na nasa Kristiyanismo? Ang kaalaman, ang teolohikal na kaalaman. Saan nanggagaling ang kaalamang ito? Hindi ba’t ipinamana ito mula pa sa sinaunang panahon? May mga kasulatan na noon pang sinaunang panahon, na ipinamana ng bawat naunang henerasyon sa susunod, at sa ganitong paraan nababasa at natututunan ng lahat ang mga iyon hanggang ngayon. Hinahati ng mga tao ang Bibliya sa iba’t ibang seksyon, nagtitipon sila ng iba’t ibang bersyon, at hinihikayat nila ang pag-aaral at pagkatuto, pero ang pag-aaral nila sa Bibliya ay hindi para maunawaan ang katotohanan upang makilala ang Diyos, ni para maunawaan ang mga layunin ng Diyos upang matakot sila sa Diyos at umiwas sa kasamaan; sa halip ito ay para pag-aralan ang kaalaman at ang mga hiwaga ng Bibliya, para malaman kung aling mga pangyayari sa kung anong panahon ang tumupad sa kung anong propesiya sa Pahayag, at kung kailan mangyayari ang matitinding kalamidad at ang milenyo—pinag-aaralan nila ang mga ito. May kinalaman ba sa katotohanan ang pag-aaral nila? (Wala, wala itong kinalaman.) Bakit nila pinag-aaralan ang mga bagay na wala namang kinalaman sa katotohanan? Ito ay dahil habang mas nag-aaral sila, mas nadarama nilang nakakaunawa sila, at habang mas nasasangkapan sila ng mga salita at doktrina, nagiging mas kwalipikado sila. Mas kwalipikado sila, mas nadarama nilang mas maabilidad sila, at mas lalo silang naniniwala na sa wakas ay pagpapalain sila sa kanilang pananampalataya, na pupunta sila sa langit pagkamatay nila, o na dadalhin sa himpapawid ang mga buhay para salubungin ang Panginoon. Ito ang kanilang mga kuru-kuro sa relihiyon, na pawang hindi naaayon sa mga salita ng Diyos.

Ang mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon ay pawang mga taong pinag-aaralan ang biblikal na kaalaman at teolohiya; sila ay mga mapagpaimbabaw na Pariseo na lumalaban sa Diyos. Kung gayon paano sila naiiba sa mga anticristong nakakubli sa iglesia? Kasunod nito, pag-usapan natin ang koneksyon ng dalawang ito. Ang mga nasa Kristiyanismo at Katolisismo ba na pinag-aaralan ang Bibliya, teolohiya, at maging ang kasaysayan ng gawain ng Diyos ay mga tunay na mananampalataya? Naiiba ba sila sa mga mananampalataya at tagasunod ng Diyos na tinutukoy ng Diyos? Sa mga mata ng Diyos, mga mananampalataya ba sila? Hindi, pinag-aaralan nila ang teolohiya, pinag-aaralan nila ang Diyos, pero hindi sila sumusunod sa Diyos o nagpapatotoo sa Kanya. Ang pag-aaral nila sa Diyos ay kapareho ng sa mga nag-aaral ng kasaysayan, pilosopiya, batas, biyolohiya, o astronomiya. Hindi nga lang nila gusto ang siyensya o ang iba pang paksang-aralin—partikular nilang gustong pag-aralan ang teolohiya. Ano ang kinalalabasan ng paghahanap nila sa mga bahagi ng gawain ng Diyos para pag-aralan ang Diyos? Matutuklasan ba nila ang pag-iral ng Diyos? Hindi, hindi kailanman. Mauunawaan ba nila ang mga layunin ng Diyos? (Hindi.) Bakit? Dahil nabubuhay sila sa mga salita, sa kaalaman, sa pilosopiya, sa isip ng tao at sa mga kaisipan ng tao; hindi nila kailanman makikita ang Diyos o matatamo ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Paano sila inuuri ng Diyos? Bilang mga hindi mananampalataya, bilang mga walang pananampalataya. Ang mga walang pananampalataya at hindi mananampalatayang ito ay nakikihalubilo sa diumano ay komunidad ng mga Kristiyano, kumikilos bilang mga mananampalataya sa Diyos, bilang mga Kristiyano, pero sa realidad, may tunay ba silang pagsamba sa Diyos? May tunay ba silang pagpapasakop? (Wala.) Bakit ganoon? Isa lang ang sigurado: Marami sa kanila ay hindi naniniwala sa puso nila na umiiral ang Diyos; hindi sila naniniwalang nilikha ng Diyos ang mundo at Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at lalo nang hindi sila naniniwalang pwedeng maging tao ang Diyos. Ano ang ibig sabihin ng di-paniniwalang ito? Nangangahulugan itong magduda at magkaila. Nagkakaroon pa nga sila ng isang saloobing hindi umaasang matutupad o mangyayari ang mga propesiyang binigkas ng Diyos, lalo na iyong tungkol sa mga kalamidad. Ito ang saloobin nila sa pananampalataya sa Diyos, at ito ang diwa at totoong mukha ng kanilang diumano ay pananampalataya. Pinag-aaralan ng mga taong ito ang Diyos dahil partikular silang interesado sa paksang-aralin at sa kaalaman sa teolohiya, at sa mga katunayan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos; sila ay talagang isang grupo ng mga intelektwal na pinag-aaralan ang teolohiya. Hindi naniniwala ang mga intelektwal na ito sa pag-iral ng Diyos, kaya paano sila tumutugon kapag gumagawa na ang Diyos, kapag natutupad na ang mga salita ng Diyos? Ano ang una nilang reaksyon kapag narinig nilang ang Diyos ay naging tao at nagsimula na ng isang bagong gawain? “Imposible!” Ang sinumang ipinangangaral ang bagong pangalan ng Diyos at ang bagong gawain ng Diyos ay kinokondena nila, at gusto pa nga nilang patayin o paslangin ito. Anong klase ng pagpapamalas ito? Hindi ba’t pagpapamalas ito ng isang tipikal na anticristo? Anong pagkakaiba nila sa mga sinaunang Pariseo, punong pari, at mga eskriba? Mapanlaban sila sa gawain ng Diyos, sa paghatol ng Diyos sa mga huling araw, sa pagiging tao ng Diyos, at bukod pa roon, mapanlaban sila sa pagsasakatuparan ng mga propesiya ng Diyos. Naniniwala silang, “Kung hindi Ka naging tao, kung nasa anyo Ka ng isang espirituwal na katawan, Ikaw ay Diyos; kung nagkatawang-tao Ka at Ikaw ay naging isang tao, ibig sabihin ay hindi Ka Diyos, at hindi Ka namin kinikilala.” Ano ang ipinahihiwatig nito? Ibig sabihin nito ay hangga’t narito sila, hindi nila hahayaang maging tao ang Diyos. Hindi ba’t ganito ang isang tipikal na anticristo? Isa itong tunay na anticristo. Nakikibahagi ba sa ganitong klaseng argumento ang mundo ng relihiyon? Maingay at lubhang malakas ang tinig ng argumentong ito, na nagsasabing, “Mali at imposible na nagiging tao ang Diyos! Kung nagkatawang-tao Siya, ibig sabihin ay huwad Siya!” May mga tao ring nagsasabing, “Malinaw na nananalig sila sa isang tao; mga nailigaw lang sila!” Kung nasasabi nila ito, kung naroroon sila noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus dalawang libong taon na ang nakakaraan ay hindi sila mananampalataya sa Panginoong Jesus. Nananalig sila ngayon sa Panginoong Jesus, pero sa katunayan, nananalig lamang sila sa pangalan ng Panginoong Jesus, sa dalawang salitang, “Panginoong Jesus,” at nananalig sila sa isang malabong Diyos na nasa langit. Samakatuwid, hindi sila mga mananampalataya sa Diyos, sila ay mga hindi mananampalataya. Hindi sila naniniwala sa pag-iral ng Diyos, sa pagkakatawang-tao ng Diyos, sa gawain ng paglikha ng Diyos, at lalong hindi sa gawain ng pagtubos ng Diyos para sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakapako sa krus. Ang teolohiyang pinag-aaralan nila ay isang uri ng teorya o tesis ng relihiyon, na walang iba kundi mga tila makatwirang panlilinlang na inililigaw ang mga tao. Ano ang hindi maiiwasang koneksyon ng mga diumano ay teolohikal na intelektwal na ito ng Kristiyanismo sa mga anticristong nasa ating iglesia? Ano ang koneksyon ng kanilang iba’t ibang pag-uugali sa kalikasang diwa ng mga anticristo na tinatalakay natin? Bakit kailangan silang pag-usapan? Huwag muna nating pag-usapan sa ngayon ang mga tao sa Kristiyanismo; sa halip, tingnan natin kung paano tinatrato ng mga naklasipikang anticristo ang katotohanan, at mula sa saloobin nila sa katotohanan, tingnan natin kung ano ba talaga ang pinahahalagahan nila. Una sa lahat, pagkatapos nilang maarok ang ilang katotohanan, paano nila nauunawaan ang mga katotohanang ito? Paano nila tinatrato ang mga katotohanang ito? Ano ang saloobin nila sa pagtanggap sa mga katotohanang ito? Tinatanggap ba nila ang mga salitang ito bilang kanilang landas ng pagsasagawa, o ginagamit ba nila ang mga ito bilang isang uri ng teorya, at pagkatapos ay humahayo sila at ipinangangaral ang mga iyon sa iba? (Tinatrato nila ang mga iyon bilang isang klase ng teorya para ipangaral.) Tinatrato nila ang mga iyon bilang isang klase ng teoryang dapat matutuhan, suriin, at pag-aralan, at pagkatapos pag-aralan, natututuhan nila ang mga iyon sa isip nila at sa kanilang mga kaisipan; natatandaan nila ang mga iyon, kaya nilang talakayin ang mga iyon, at mahusay nilang nasasabi ang mga iyon, at pagkatapos ay ipinagmamalaki nila ang mga iyon kung saan-saan. Gaano man sila kahabang magsalita, may isang bagay na hindi mo kayang makita, na gaano man karaming doktrina ang sabihin nila, gaano man sila kahusay magsalita, gaano man karaming tao ang kausapin nila, gaano man kahusay, gaano man karaming nilalaman, o kung alinsunod ba ito sa katotohanan, hindi mo makikita ang anumang resulta sa mga iyon—hindi mo makikita ang kanilang pagsasagawa. Ano ang ipinahihiwatig nito? Hindi nila tinatanggap ang katotohanan. Anong ginawa nila sa katotohanan? Ginawa nila itong kasangkapan para magpakitang-gilas. Halimbawa, sinasabi ng Diyos sa mga tao na maging matapat at ipinaliliwanag Niya sa kanila kung ano ang mga pagpapamalas ng isang matapat na tao, kung paano dapat magsalita, kumilos, at gumawa ng tungkulin nito ang isang matapat na tao. Pagkatapos makinig dito, ano ang reaksyon nila? Anong epekto ng mga salitang ito sa kanila? Una, hindi nila kailanman tinatanggap ang mga salitang ito. Ano ang saloobin nila? “Naiintindihan ko na: Hindi nagsisinungaling ang matatapat na tao, sinasabi ng matatapat na tao ang katotohanan sa iba at kaya nilang ipagtapat ang nasa puso nila, ang matatapat na tao ay ginagawa ang kanilang mga tungkulin nang matapat, hindi nang pabasta-basta.” Isinasapuso nila ang mga salitang ito bilang teorya. Kaya ba silang baguhin ng ganitong klaseng teorya, kapag nagkaugat na ito sa mga puso nila? (Hindi.) Kung gayon bakit pa rin nila tinatandaan ito? Gusto nila ang pagiging tama ng mga salitang ito, at ginagamit nila ang mga tamang teoryang ito para balutin ang sarili nila, kaya tumataas ang tingin sa kanila ng iba. Ano ba ang tinitingala ng mga tao? Iyon ay ang kakayahan nilang mahusay at mahabang magsalita ng mga tamang salita—iyon ang gusto ng mga taong ito. Pagkatapos nilang marinig ang mga salitang ito, seryoso ba nilang tinanggap ang mga ito? (Hindi, hindi pa.) Bakit hindi? Paano ninyo nasabi? (Hindi nila isinasagawa ang mga iyon.) Bakit nila hindi isinasagawa ang mga iyon? Sa puso nila, iniisip nila, “Ito ba ang mga salita ng Diyos? Simple lang, natatandaan ko ang mga iyon pagkarinig ko sa mga iyon nang minsan. Kaya kong sabihin kung paano dapat kumilos ang isang matapat na tao matapos kong minsang marinig ito; kailangan pa ninyong lahat na magsulat at pagbulayan ito, pero ako, hindi na!” Itinuturing nila ang mga salita ng Diyos na isang uri ng teorya o kaalaman; hindi nila pinagbubulayan sa puso nila kung paano maging isang matapat na tao, hindi nila ikinukumpara ang sarili nila rito, hindi nila sinusuri ang kanilang mga kilos para makita nila kung gaano sila kalayo sa pagiging isang matapat na tao o kung anong mga kilos ang ginagawa nila na sumasalungat sa mga prinsipyo ng pagiging isang matapat na tao, at hindi nila kailanman iniisip na, “Mga salita ito ng Diyos, kaya katotohanan ang mga ito: dapat maging matapat ang mga tao, kaya paano dapat kumilos ang isang tao upang maging isang matapat na tao? Paano ako kikilos sa paraang mapapalugod ang Diyos? Ano ba ang nagawa ko na hindi matapat? Aling mga pag-uugali ang hindi sa matatapat na tao?” Ganito ba sila mag-isip? (Hindi, hindi ganito.) Kung gayon ano ang iniisip nila? Iniisip nila, “Ganito pala ang isang matapat na tao? Ito ba ang katotohanan? Hindi ba’t teorya lamang ito, isang islogan? Kailangan lang magmukhang may mataas na moralidad, hindi na ito kailangang isagawa.” Bakit hindi nila ito isinasagawa? Pakiramdam nila, “Kung sasabihin ko sa iba ang nasa puso ko, hindi ba’t ilalantad ko ang sarili ko? Kung ilalantad ko ang sarili ko at makikilatis ako ng iba, titingalain pa rin ba nila ako? Kung magsasalita ako, makikinig pa rin ba ang iba sa akin? Ang ibig sabihin ng mga salita ng Diyos ay na hindi pwedeng magsinungaling ang isang taong matapat; kung hindi magsisinungaling, hindi ba’t wala nang matitirang pagkapribado sa puso ng mga tao? Hindi ba’t pagpapahintulot iyon na makilatis ka ng iba? Hindi ba’t ang pamumuhay nang gayon ay kahangalan?” Ito ang pananaw nila. Nangangahulugan iyon na kapag tinanggap nila ang isang teoryang itinuturing nilang tama, nagkakaroon sila ng mga ideya sa puso nila. Ano ang mga ideyang ito? Bakit Ko sinasabing buktot sila? Sinusuri muna nila ang mga epekto ng mga salitang ito sa kanila, ang mga pakinabang at kawalan na madadala nito sa kanila. Kapag nasuri na nila ang mga salita at nalaman nilang walang pakinabang sa kanila ang mga iyon, iniisip nila, “Hindi ako pwedeng magsagawa nang ganito, hindi ko ito gagawin, hindi ako ganoon kahangal, hindi ako magiging kasinghangal at kasingsimple ninyo! Kahit kailan, kailangan ko palaging manatili sa sarili kong mga ideya at panatilihin ang mga pananaw ko. Maaaring libu-libo ang mga plano mo, pero may isang tuntunin ako; hindi ko pwedeng ilantad ang pakanang nasa puso ko—ang pagiging isang taong matapat ay para sa mga hangal!” Sa isang banda, ikinakaila nila na katotohanan ang mga salita ng Diyos; sa kabilang banda, tinatandaan nila ang ilang mahahalagang parirala para balutin ang sarili nila, para ipakita sa mga tao na mukha silang tunay na mananampalataya sa Diyos, na mukha silang espirituwal na tao. Ito ang pinag-iisipan nila sa puso nila.

Mula sa reaksyong mayroon ang mga anticristo sa katotohanan pagkatapos nila itong marinig, halatang wala silang interes sa katotohanan at hindi nila ito minamahal. Anong minamahal nila? Minamahal nila ang tama, bago, at medyo mas pinong teoretikal na kaalaman na makakapagbalot sa kanila nang mas perpekto, mas kagalang-galang, na mas may dignidad, at mag-uudyok sa mga taong mas sambahin sila. Hindi ba’t buktot ito? (Oo.) Ano ang buktot dito? Anumang aspekto ng katotohanan ang ibahagi ng isang anticristo, kaya niya palaging gumawa ng mga tila kapani-paniwalang teorya o tamang salita para iligaw ang mga tao at pasunurin ang mga ito sa kanya, na kasingbuktot lang ni Satanas. Ang kabuktutan ng isang anticristo ay naipapamalas sa kanyang mga buktot na pakana, mga balak, at isang kumpletong grupo ng mga plano, gustong magpakita ng suporta sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos para makahanap ng isang teoretikal na batayan para isagawa ang kanyang kabuktutan; ito ang kabuktutan ng anticristo. Sinisipi nila ang mga salita ng Diyos nang wala sa konteksto para lamang iligaw ang mga tao at magpakitang-gilas. Kapag nakikinig sila sa mga pagbabahagi at mga sermon at nakakarinig sila ng bagong salita na pwede nilang magamit, isinusulat nila ito agad. Nakikita ng mga hangal na tao ang gayong pag-uugali at inaakala nilang, “Gaano sila kagutom at kauhaw sa pagiging matuwid, nagsusulat sila tuwing nakikinig sila sa sermon, at siguradong marami silang espirituwal na pang-unawa, dahil isinusulat nila ang bawat mahalagang punto!” Ang paraan ba nila ng pagsusulat ay katulad ng sa ibang tao? Hindi. Nagsusulat ang ilang tao dahil iniisip nila, “Magandang pahayag ito. Hindi ko ito nauunawaan, kaya kailangan ko itong isulat at gamitin kalaunan sa pagsasagawa, para may landas at mga prinsipyo ako sa aking pagsasagawa.” Ganito ba mag-isip ang anticristo? Ano ang pananaw nila? Iniisip nila, “Isinulat ko ang isang aytem ng katotohanan ngayon na hindi ninyo pa naririnig, at hindi ko ito sasabihin kaninuman o ibabahagi sa iba—naunawaan ko ito, at isang araw ay sasabihin ko sa inyong lahat ang tungkol dito at ipapakita ko ang mga talento ko para ipaalam sa inyo na talagang nauunawaan ko ang katotohanan, at ipapakita ng lahat ang pagsang-ayon nila.” Maaaring isipin mong nagmamahal at nauuhaw ang mga anticristo sa katotohanan dahil nagsusulat sila nang ganito at tumpak ang mga isinulat nila, pero anong nangyayari pagkatapos nilang magsulat? Isinasara nila ang kanilang kuwaderno, at iyon na iyon. Kapag isang araw ay naging mangangaral na sila at hindi nila alam kung ano ang ipangangaral, mabilis nilang titingnan ang kuwaderno nila, aayusin ang laman ng sermon nila, babasahin ito, mememoryahin ito, at isusulat ito mula sa memorya nila hanggang sa maging malinaw na itong lahat sa isip nila. Saka lamang sila makadarama ng “kumpiyansa sa sarili nila,” inaakalang sa wakas ay taglay na nila ang “katotohanan” at pwede na silang mangaral ng mga hungkag na salita saanman sila pumunta. Ang isang katangian ng sinasabi ng mga taong ito ay na pawang hungkag na doktrina, argumento, at patakaran ito. Kapag may mga partikular kang paghihirap o nakakatuklas ka ng mga isyu at naghahanap ka ng mga solusyon mula sa kanila, bibigyan ka pa rin nila ng isang tambak lang na doktrina, habang nagsasalita nang malinaw at lohikal. Kung tatanungin mo sila kung paano ito isasagawa, wala silang masabi. Kung hindi nila ito masabi, ibig sabihin ay may seryosong problema, at pinatutunayan nito na hindi nila nauunawaan ang katotohanan. Ang mga taong hindi nauunawaan ang katotohanan at hindi minamahal ang katotohanan ay madalas na tinatrato ito na isang klase lang ng kasabihan o teorya. At anong nangyayari sa huli? Pagkatapos ng maraming taong pananampalataya sa Diyos, kapag may nangyayari sa kanila, hindi nila ito nakikilatis, hindi nila kayang magpasakop, at hindi nila alam kung paano hanapin ang katotohanan. Kapag may nakikipagbahaginan sa kanila, mayroon silang “sikat na kasabihan” na ipinangsasagot nila: “Huwag ka nang magsabi sa akin ng kahit na ano, nauunawaan ko ang lahat. Noong nangangaral pa ako, ni hindi mo pa nga natututuhang maglakad!” Ito ang kanilang “sikat na kasabihan.” Sinasabi nilang nauunawaan nila ang lahat, pero bakit sila nahihirapan tuwing may mga lumilitaw na isyu? Bilang isang taong nakakaunawa, bakit hindi ka makaaksyon? Bakit ka nahahadlangan at nalilito nito? Nauunawaan mo ba ang katotohanan o hindi? Kung nauunawaan mo ito, bakit hindi mo ito matanggap? Kung nauunawaan mo ito, bakit hindi ka makapagpasakop? Ano ang unang bagay na dapat gawin ng mga tao kapag naunawaan na nila ang katotohanan? Dapat silang magpasakop; wala nang iba. Sinasabi ng ilang tao, “Nauunawaan ko ang lahat ng bagay—huwag ka nang makipagbahaginan sa akin, hindi ko kailangan ang tulong ng iba.” Wala namang problema kung hindi nila kailangang tulungan sila ng ibang tao, pero ang nakakahinayang ay na kapag mahina sila, ang mga doktrinang nauunawaan nila ay walang anumang silbi. Ni ayaw nga nilang gawin ang mga tungkulin nila, at umuusbong din sa kanila ang masamang pagnanais na abandonahin ang pananampalataya nila. Pagkatapos ng napakaraming taon ng pangangaral ng mga teolohikal na teorya, bigla na lang silang titigil sa pananampalataya, at bigla na lang silang aalis—may anumang tayog ba sila? (Wala, wala silang tayog.) Kung walang tayog, wala ring buhay. Kung may buhay ka, bakit hindi mo mapagtagumpayan ang gayon kaliit na usapin? Hindi ba’t magaling kang magsalita? Kung gayon, kumbinsihin mo na ang sarili mo. Kung hindi mo nga makumbinsi ang sarili mo, ano ba mismo ang nauunawaan mo? Ang katotohanan ba? Kayang lutasin ng katotohanan ang aktwal na mga paghihirap ng mga tao, at kaya rin nitong lutasin ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Bakit ang “mga katotohanang” nauunawaan mo ay hindi kayang lutasin maging ang sarili mong mga problema? Ano ba mismo ang nauunawaan mo? Mga doktrina lamang iyon.

Tungkol naman sa ikapitong pagpapamalas ng mga anticristo—na sila ay buktot, traydor, at mapanlinlang—katatalakay Ko lang sa ikatlong bahagi ng pagpapamalas na ito: Pinahahalagahan nila ang kaalaman at pag-aaral. Pinahahalagahan ng mga anticristo ang kaalaman at pag-aaral—ano rito ang makakapagpakita ng kanilang buktot na disposisyon? Bakit sinasabing ang pagpapahalaga nila sa kaalaman at pag-aaral ay nangangahulugang may buktot silang diwa? Siguradong kailangan nating pag-usapan ang mga katunayan dito, dahil kapag tinalakay lamang natin ang mga hungkag na salita o teorya, baka magkaroon ang mga tao ng hindi balanse at hindi ganap na pagkaunawa rito. Una, simulan natin sa mas matagal nang nangyari sa kasaysayan. Habang nagsasalita Ako, ikumpara ninyo ang mga salita Ko sa mga kilos at pag-uugali ng mga anticristo, at ikumpara ninyo ang mga ito sa mga pagpapamalas at diwa ng mga anticristo. Pag-usapan muna natin ang mga Pariseo dalawang libong taon na ang nakalilipas. Noong panahong iyon, mga mapagpaimbabaw na tao ang mga Pariseo. Noong ipinakita ng nagkatawang-taong Diyos ang sarili Niya at gumawa Siya sa unang pagkakataon, bukod sa hindi tinanggap ng mga Pariseo ang kahit katiting na katotohanan, masigasig pa nilang kinondena at nilabanan ang Panginoong Jesus, kaya isinumpa sila ng Diyos. Kaya nitong patunayan na ang mga Pariseo ay klasikong kinatawan ng mga anticristo. Ang “mga anticristo” ang naging isa pang pangalan ng mga Pariseo, at sa diwa, ang mga Pariseo ay kaparehong klase ng mga tao gaya ng mga anticristo. Samakatuwid, ang simulan sa mga Pariseo ang paghihimay ng buktot na kalikasan ng mga anticristo ay pagpapabilis ng proseso. Kaya, ano ang ginawa ng mga Pariseo na nagpakita sa mga tao na nagtataglay ang mga ito ng buktot na kalikasan ng anticristo? Kababanggit Ko lang ngayon na pinahahalagahan ng mga anticristo ang kaalaman at pag-aaral; sa aling mga tao may malapit na kaugnayan ang kaalaman at pag-aaral? Sino ang mga pagsasakatawan ng mga ito? Tumutukoy ba ito sa mga masteral at doktoral na estudyante? Hindi, masyado nang malayo iyon—tumutukoy ang mga ito sa mga Pariseo. Ang dahilan kung bakit mapagpaimbabaw ang mga Pariseo, ang dahilan kung bakit sila buktot, ay dahil tutol sila sa katotohanan pero minamahal nila ang kaalaman, kaya pinag-aaralan lamang nila ang Kasulatan at hinahangad ang kaalaman sa kasulatan pero hindi kailanman tinatanggap ang katotohanan o ang mga salita ng Diyos. Hindi sila nananalangin sa Diyos kapag nagbabasa sila ng Kanyang mga salita, ni hinahanap o pinagbabahaginan nila ang katotohanan. Sa halip, pinag-aaralan nila ang mga salita ng Diyos, pinag-aaralan kung ano ang sinabi at ginawa ng Diyos, at sa gayon ay ginagawa nilang teorya ang mga salita ng Diyos, isang paksang-araling ituturo sa iba, na tinatawag na akademikong pag-aaral. Bakit sila gumagawa ng akademikong pag-aaral? Ano ang pinag-aaralan nila? Sa mga mata nila, hindi ito mga salita ng Diyos o pagpapahayag ng Diyos, at lalong hindi ito ang katotohanan. Sa halip, isa itong klase ng pag-aaral, o maaari pa ngang sabihin na ito ay isang teolohikal na kaalaman. Sa pananaw nila, ang ipalaganap ang kaalamang ito, ang pag-aaral na ito, ay ang ipalaganap ang daan ng Diyos, ang ipalaganap ang ebanghelyo—ito ang tinatawag nilang pangangaral, pero ang ipinangangaral nila ay pawang teolohikal na kaalaman.

Paano naipapamalas ang mga buktot na bahagi ng mga Pariseo? Una, simulan natin ang talakayan sa kung paano tinrato ng mga Pariseo ang nagkatawang-taong Diyos, at baka mas maunawaan ninyo ito nang kaunti pa. Tungkol naman sa nagkatawang-taong Diyos, dapat muna nating pag-usapan kung sa anong uri ng pamilya at pinanggalingan isinilang ang nagkatawang-taong Diyos dalawang libong taon na ang nakalilipas. Una sa lahat, hindi man lang ipinanganak sa isang mayamang pamilya ang Panginoong Jesus—hindi masyadong kilala ang Kanyang angkan. Ang ama-amahan Niya, na si Jose, ay isang karpintero, at ang Kanyang ina, na si Maria, ay isang ordinaryong mananampalataya. Ang pagkakakilanlan at ang katayuan sa lipunan ng Kanyang mga magulang ay kumakatawan sa pinanggalingang pamilya kung saan ipinanganak ang Panginoong Jesus, at malinaw na ipinanganak Siya sa isang pangkaraniwang pamilya. Ano ang ibig sabihin ng “pangkaraniwan”? Tumutukoy ito sa ordinaryong masa, sa isang pangkaraniwang sambahayan na nasa mababang antas ng lipunan, na walang kinalaman sa mararangyang pamilya, na walang anumang kaugnayan sa prominenteng katayuan, at lalong hindi aristokratiko. Dahil ipinanganak Siya sa isang ordinaryong pamilya, na may mga ordinaryong magulang, na walang tanyag na katayuan sa lipunan o kilalang pinanggalingan ng pamilya, malinaw na ang pinanggalingan at ang pamilya kung saan ipinanganak ang Panginoong Jesus ay karaniwan lamang. Itinala ba sa Bibliya na nakatanggap ng anumang espesyal na edukasyon ang Panginoong Jesus? Nag-aral ba Siya sa isang seminaryo? Sinanay ba Siya ng isang mataas na pari? Nakabasa ba Siya ng maraming aklat kagaya ni Pablo? May malapit ba siyang ugnayan o pakikitungo sa matataas sa lipunan o sa matataas na pari ng Judaismo? Wala, wala Siyang ugnayan. Kung titingnan ang katayuan sa lipunan ng pamilyang sinilangan ng Panginoong Jesus, malinaw na hindi Niya makakasalamuha ang matataas na antas ng mga eskriba at Pariseong Hudyo; limitado Siya sa pamumuhay kasama ng mga ordinaryong Hudyo. Paminsan-minsan, pumupunta Siya sa sinagoga, at ang mga taong nakakaharap Niya ay pangkaraniwang lahat. Ano ang ipinakikita nito? Habang lumalaki ang Panginoong Jesus, bago Niya pormal na sinimulan ang Kanyang gawain, hindi pa rin nagbago ang kinalakhan Niyang pinanggalingan. Kahit tumuntong na Siya sa edad na labindalawa, hindi nagsimulang sumagana ang pamilya Niya at hindi Siya yumaman, lalo pa ang magkaroon ng pagkakataong makasalamuha ang mga taong nasa matataas na antas ng lipunan o ng relihiyon, at hindi rin Siya nagkaroon ng pagkakataong makatanggap ng mas mataas na edukasyon noong lumalaki Siya. Anong mensahe ang ibinibigay nito sa mga sumunod na henerasyon? Ang ordinaryo at normal na taong ito, na siyang ang nagkatawang-taong Diyos, ay walang pagkakataon ni mga kondisyon para makatanggap ng mas mataas na edukasyon. Katulad Siya ng mga ordinaryong tao, namuhay Siya sa isang pangkaraniwang kapaligiran ng lipunan, sa isang ordinaryong pamilya, at walang espesyal sa Kanya. Dahil mismo rito, matapos mabalitaan ang mga sermon at kilos ng Panginoong Jesus, ang mga eskriba at Pariseong iyon ay naglakas-loob na tumayo at lantaran Siyang husgahan, lapastanganin, at kondenahin. Ano ang batayan nila sa kanilang pagkondena? Walang duda, batay ito sa mga kautusan at patakaran ng Lumang Tipan. Una, pinangunahan ng Panginoong Jesus ang Kanyang mga disipulo na huwag sundin ang Sabbath—gumawa pa rin Siya noong Sabbath. Bukod pa rito, hindi Niya sinunod ang mga kautusan at patakaran at hindi Siya pumunta sa templo, at nang makaharap Niya ang mga makasalanan, tinanong Siya ng ilang tao kung paano harapin ang mga ito, pero hindi Niya hinarap ang mga ito ayon sa kautusan, sa halip nagpakita Siya sa kanila ng awa. Wala sa mga aspektong ito ng mga pagkilos ng Panginoong Jesus ang naaayon sa mga kuru-kuro ng relihiyon ng mga Pariseo. Dahil hindi nila minamahal ang katotohanan at sa gayon ay kinamumuhian nila ang Panginoong Jesus, ginamit nilang dahilan ang paglabag ng Panginoong Jesus sa kautusan para masigasig nila Siyang kondenahin, at nagpasya sila na kailangan Siyang patayin. Kung isinilang ang Panginoong Jesus sa isang prominente at kilalang pamilya, kung mataas ang pinag-aralan Niya, at kung malapit ang ugnayan Niya sa mga eskriba at Pariseong ito, hindi sana nangyari sa Kanya nang panahong iyon ang gaya nang nangyari sa kalaunan—maaaring nagbago ang mga iyon. Dahil mismo sa pagiging ordinaryo Niya, sa pagiging normal Niya, at sa pinanggalingan Niyang pamilya kung kaya’t kinondena Siya ng mga Pariseo. Ano ba ang batayan nila sa pagkondena sa Panginoong Jesus? Iyon ay ang mga patakaran at kautusan na pinanghawakan nila, na pinaniwalaan nilang hindi magbabago magpasawalang-hanggan. Pinanghawakan ng mga Pariseo ang mga teolohikal na teorya na naarok nila bilang kaalaman at bilang kasangkapan para timbangin at kondenahin ang mga tao, ginamit pa nga nila ito sa Panginoong Jesus. Ganito kinondena ang Panginoong Jesus. Ang paraan ng pagtimbang o pagtrato nila sa isang tao ay hindi kailanman nakabatay sa diwa ng tao, ni sa kung ang ipinangaral ba ng isang tao ay ang katotohanan, at lalong hindi sa pinagmulan ng mga salitang sinabi ng taong iyon—ang paraan ng pagtimbang o pagkondena ng mga Pariseo sa isang tao ay nakabatay lamang sa mga regulasyon, salita, at doktrinang naarok nila sa Lumang Tipan ng Bibliya. Kahit alam ng mga Pariseo sa puso nila na ang sinabi at ginawa ng Panginoong Jesus ay hindi isang kasalanan o paglabag sa kautusan, kinondena pa rin nila ang Panginoong Jesus, dahil ang mga katotohanang ipinahayag Niya at ang mga tanda at kababalaghang ginawa Niya ay nag-udyok sa mga tao na sumunod sa Kanya at purihin Siya. Unti-unting namuhi ang mga Pariseo sa Kanya, at gusto pa nga Siyang alisin sa eksena. Hindi nila kinilala na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas na darating, ni kinilala nila na taglay ng mga salita Niya ang katotohanan, lalo na na alinsunod sa katotohanan ang gawain Niya. Hinusgahan nila ang Panginoong Jesus bilang nagsasalita ng mga mapangahas na salita at nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, na prinsipe ng mga demonyo. Dahil isinisisi nila ang mga kasalanang ito sa Panginoong Jesus, ito ay nagpapakita kung gaano sila namumuhi sa Kanya. Kaya, masigasig silang gumawa para itatwa na isinugo ng Diyos ang Panginoong Jesus, at na Siya ang Anak ng Diyos, at na Siya ang Mesiyas. Ang ibig nilang sabihin ay, “Gagawin ba ng Diyos ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan? Kung nagkatawang-tao ang Diyos, ipinanganak sana Siya sa isang pamilyang may makapangyarihang katayuan. At kakailanganin Niyang tanggapin ang pagtuturo ng mga eskriba at Pariseo. Kailangan Niyang sistematikong pag-aralan ang mga Kasulatan, magkaroon ng pagkaarok sa kaalaman sa kasulatan, at masangkapan ng lahat ng kaalaman sa Kasulatan bagong Niya makuha ang pangalang ‘nagkatawang-taong Diyos.’” Pero hindi nasangkapan ang Panginoong Jesus ng ganitong kaalaman, kaya kinondena nila ang Panginoong Jesus, nagsasabing, “Unang-una, hindi Ka kwalipikado, kaya hindi pwedeng Ikaw ang Diyos; ikalawa, kung wala Ka ng kaalamang ito sa kasulatan, hindi Mo magagawa ang gawain ng Diyos, lalo na ang maging Diyos Ka; ikatlo, hindi Ka dapat gumawa sa labas ng templo—hindi Ka ngayon gumagawa sa loob ng templo, kundi kasama Mo palagi ang mga makasalanan, kaya ang gawaing ginagawa Mo ay lagpas na sa saklaw ng Kasulatan, kaya lalong hindi posibleng Ikaw ang Diyos.” Saan galing ang batayan nila ng pagkondena? Mula sa Kasulatan, mula sa isip ng tao, at mula sa teolohikal na edukasyong natanggap nila. Dahil punung-puno ng mga kuru-kuro, imahinasyon, at kaalaman ang mga Pariseo, naniwala silang tama ang kaalamang ito, na ito ang katotohanan, na makatwiran ang batayang ito, at hindi kailanman masasalungat ng Diyos ang mga ito. Hinanap ba nila ang katotohanan? Hindi. Ano ang hinanap nila? Ang isang kahima-himalang Diyos na nagpakita sa anyo ng isang espirituwal na katawan. Kaya, tinukoy na nila ang mga kondisyon ng gawain ng Diyos, itinatwa ang Kanyang gawain, at hinusgahan kung tama ba o mali ang Diyos ayon sa mga kuru-kuro, imahinasyon, at kaalaman ng tao. At ano ang naging pangwakas na resulta nito? Hindi lamang nila kinondena ang gawain ng Diyos, ipinako pa nila sa krus ang nagkatawang-taong Diyos. Ito ang nangyari sa paggamit nila ng kanilang mga kuru-kuro, imahinasyon, at kaalaman para suriin ang Diyos, at ito ang kung ano ang buktot sa kanila.

Kung huhusgahan batay sa pagpapahalaga ng mga Pariseo sa kaalaman at pag-aaral, nasaan ba ang kabuktutan nila? Paano ito naipapamalas? Paano natin masusuri at mahihimay ang buktot na kalikasan ng mga gayong tao? Kilala ang paggalang ng mga Pariseo sa kaalaman at pag-aaral, at hindi na kailangang idetalye pa ito. Kaya, ano ba mismo ang buktot na kalikasang nabubunyag dito? Paano natin mahihimay at makikilatis ang buktot na kalikasan ng mga gayong tao? Magsalita nga ang sinuman sa inyo. (Ginagamit nila ang teoretikal na kaalaman para salungatin ang diwa ng Diyos; isa ito sa mga pagpapamalas nila ng kabuktutan.) Ang pagsalungat ay isang pagkilos, kung gayon bakit sila sumasalungat? Ang pagsalungat ay may kaunting mabagsik na disposisyon, pero hindi pa natin napag-uusapan ang kabuktutan. Bakit sila sumalungat? Dahil ba ito sa gusto o ayaw nila sa Kanya? Ayaw nila sa ganitong klaseng Diyos, dahil naniniwala silang, “Ang Diyos ay dapat nasa langit, nasa ikatlong langit, hinahangaan ng lahat, hindi maaabot ng mga tao, hindi maaarok ng mga ito, ang Siya na dapat tingalain ng buong sangkatauhan, ng lahat ng nilikha, at maging ng lahat ng may buhay sa sansinukob—ganoon ang Diyos! Ngayon pumarito na ang Diyos, pero isinilang Ka sa sambahayan ng isang karpintero, mga ordinaryong tao lamang ang mga magulang Mo, at isinilang Ka pa nga sa sabsaban. Ang kondisyon ng kapanganakan Mo ay hindi lang ordinaryo, mas mababa pa ito sa ordinaryo at mas mababa pa sa pangkaraniwan—paano ito matatanggap ng mga tao? Kung paparito talaga ang Diyos, hindi Siya pwedeng pumarito nang ganito!” Hindi ba’t ganito maglatag ng mga panuntunan ang mga tao? Lahat ng tao ay naglalatag ng mga panuntunan sa ganitong paraan. Sa katunayan, sa kaibuturan nila ay malabo rin nilang nadaramang hindi isang ordinaryong tao ang Panginoong Jesus, na tama ang sinabi ng Panginoong Jesus, at na ang ilang kasalanang inakusa ng mga tao sa Kanya ay hindi talaga tumugma sa mga katunayan. Kayang pagalingin ng Panginoong Jesus ang mga may sakit at palayasin ang mga demonyo, at hindi sila makakita ng anumang kamalian ni makakuha ng anumang kapintasan sa mga salita at sermong sinabi at binigkas Niya, pero hindi pa rin nila ito matanggap, at nagduda pa rin sila sa puso nila: “Ganito ba talaga ang Diyos? Napakadakila ng Diyos na nasa langit, kaya kung naging tao Siya at bumaba sa lupa, dapat ay mas dakila pa Siya, hinahangaan ng lahat ng tao, nakikisalamuha sa mararangal na pamilya, mahusay magsalita, at hindi nagpapakita ng kahit isang pantaong kamalian o kahinaan. Bukod pa rito, dapat muna Niyang gamitin ang kaalaman Niya, ang pinag-aralan Niya, at ang mga kasanayan Niya para supilin ang mga opisyal ng relihiyon sa templo. Dapat ay kumbinsinhin Niya muna ang mga taong ito; iyon ang magiging layunin ng Diyos.” Tungkol naman sa ginawa ng Panginoong Jesus, hindi nila ito pinaniwalaan, ni ginusto nilang tanggapin o kilalanin ang katunayang ito. Hindi malaking isyu ang pag-ayaw nilang kilalanin ang katunayang ito; sa kaibuturan nila, mayroon pa silang taglay na mas nakamamatay: Kung ang gayong tao ay Diyos, ibig sabihin lahat ng opisyal sa relihiyon ay pwedeng maging Diyos, lahat sila ay mas katulad pa ng Diyos kaysa sa Diyos Mismo, at mas kwalipikado ang lahat na maging Cristo kaysa sa Panginoong Jesus. Hindi ba’t nakakagulo ito? (Oo.) Habang kinokondena nila ang Panginoong Jesus, sinasalungat at nilalait din nila ang bawat aspekto ng kondisyon na may kinalaman sa kung saan piniling magkatawang-tao nang panahong iyon ng nagkatawang-taong Diyos. Hindi pa natin natatalakay kung nasaan ba ang kabuktutan ng mga Pariseo—ituloy natin ang ating pagbabahaginan.

Nagiging tao ang Diyos bilang isang ordinaryong tao, na ibig sabihin ay nagpapakumbaba ang Diyos mula sa isang mataas na imahe, pagkakakilanlan, at posisyon sa ibabaw ng lahat ng bagay para maging isang lubos na ordinaryong tao. Kapag Siya ay nagiging isang ordinaryong tao, hindi Niya pinipiling ipanganak sa isang kilala at mayamang pamilya; ang kondisyon ng kapanganakan Niya ay napakapangkaraniwan, hamak pa nga. Kung titingnan natin ang usaping ito mula sa perspektiba ng isang ordinaryong tao, ng isang taong may konsensiya, pagkamakatwiran, at pagkatao, ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat sa paggalang at pagmamahal ng mga tao. Paano ito dapat tratuhin ng mga tao? (Nang may paggalang.) Dapat purihin ng isang ordinaryo at normal na taong sumusunod sa Diyos ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos dahil sa katunayan na nagpapakumbaba ang Diyos mula sa isang mataas na katayuan patungo sa isang napakakaraniwang tao—ang pagpapakumbaba at pagiging tago ng Diyos ay sobrang kaibig-ibig! Ito ay isang bagay na hindi makakamit ng sinumang tiwaling tao ni ng mga diyablo at Satanas. Positibo o negatibong bagay ba ito? (Positibong bagay.) Ano ang eksaktong inilalarawan ng positibong bagay na ito, ng pangyayaring ito, at ng katunayang ito? Ang pagpapakumbaba at pagiging tago ng Diyos, ang pagiging kaibig-ibig at kamahal-mahal ng Diyos. Ang isa pang katunayan ay iyong minamahal ng Diyos ang mga tao; tunay ang pagmamahal ng Diyos, hindi ito huwad. Ang pagmamahal ng Diyos ay hindi isang hungkag na pananalita, hindi lamang isang islogan, ni isang ilusyon, kundi ito ay tunay at totoo. Ang Diyos Mismo ay nagiging tao at nagtitiis ng mga maling pagkaunawa ng mga tao, pati na rin ng panunuya, paninirang-puri, at panlalapastangan nila. Siya ay nagpapakumbaba at nagiging isang ordinaryong tao, hindi mukhang maharlika, walang espesyal na talento at siguradong walang malalim na kaalaman o pinag-aralan—para sa anong layunin? Ito ay para lapitan ang mga taong Kanyang hinirang at nilalayong iligtas nang may ganitong pagkakakilanlan at anyo ng isang tao na pinakamadaling malalapitan nila. Hindi ba’t ang lahat ng ito na ginawa ng Diyos ay bumubuo sa halagang ibinayad Niya? (Oo.) May iba pa bang makakagawa nito? Walang sinumang makakagawa nito. Halimbawa, ang ilang babaeng gustong-gusto ang kagandahan ay palaging naglalagay ng makeup at hindi lumalabas kung wala nito. Kung sasabihin mo sa gayong babae na lumabas nang walang makeup o tumayo sa entablado nang hindi nagme-makeup, magagawa niya ba ito? Hindi niya kaya. Hindi pa nga siya nahamak sa ganitong kaso; ang lumabas lang nang walang makeup ay imposible na sa kanya, hindi niya nga kayang isuko ang kahit katiting na banidad na iyon, iyong kahit katiting na pakinabang ng laman. Kung gayon paano naman ang Diyos? Kapag nagpapakumbaba ang Diyos para ipanganak sa pinakamababa sa lipunan bilang isang napakaordinaryong tao, ano ang isinusuko Niya? Isinusuko Niya ang Kanyang dignidad. Bakit nagagawa ng Diyos na isuko ang dignidad Niya? (Para mahalin at iligtas ang mga tao.) Ito ay para mahalin at iligtas ang mga tao, na nagbubunyag ng disposisyon ng Diyos. Kung gayon, paano nasasangkot dito ang pagkawala ng dignidad? Paano dapat tingnan ang usaping ito? Sinasabi ng ilang tao, “Anong dignidad ang nawawala sa Diyos? Hindi ba’t taglay Mo pa rin ang pagkakakilanlan ng Diyos kahit na naging tao Ka? Hindi ba’t may mga tao pa ring sumusunod at nakikinig sa pangangaral Mo? Hindi ba’t ginagawa mo pa rin ang mismong gawain ng Diyos—anong dignidad ang nawala sa Iyo?” Itong “pagkawala ng dignidad” ay kinasasangkutan ng ilang aspekto. Sa isang banda, ang motibasyon ng Diyos sa paggawa ng lahat ng ito ay alang-alang sa mga tao, pero mauunawaan ba ito ng mga tao? Maski ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi ito kayang maunawaan. Ano ang nilalaman ng kawalang ito ng pagkaunawa? Mayroong maling pagkakaunawa, maling pagpapakahulugan, at kakaibang tingin o mga nanghahamak na tingin mula sa ilang tao. Ang Diyos ay nasa espirituwal na mundo, nasa gitna ng lahat ng bagay, at ang buong sangkatauhan ay nasa paanan ng Diyos, pero ngayong naging tao ang Diyos, katumbas ito ng pamumuhay Niya sa parehong kapaligiran kasama ng mga tao bilang kapantay nila. Kailangan Niyang harapin ang panunuya, paninirang-puri, maling pagkaunawa, at panlalait ng sangkatauhan, pati na rin ang mga kuru-kuro, poot, at panghuhusga nila—ito ang mga kailangan Niyang harapin. Habang kinakaharap Niya ang mga ito, sa tingin ba ninyo ay may dignidad Siya? Ayon sa pagkakakilanlan ng Diyos, hindi Niya dapat pagdusahan ang mga ito, hindi dapat tratuhin ng mga tao ang Diyos nang ganito, at hindi Niya dapat tiisin ang mga ito; ito ay hindi mga bagay na dapat tiisin ng Diyos, pero kapag nagiging tao ang Diyos kailangan Niyang tanggapin ang mga ito, kailangan Niyang tiisin ang lahat ng ito, at wala Siyang tatanggihan. Ang tiwaling sangkatauhan ay kayang magsabi ng maraming magagandang pakinggang bagay sa Diyos na nasa langit, pero wala silang pagsasaalang-alang sa nagkatawang-taong Diyos. Iniisip nila, “Ang Diyos ay naging tao? Napakaordinaryo at normal Mo, walang kahit anong espesyal; para bang wala Kang magagawang kahit ano para sa akin!” Ang lakas ng loob nilang magsabi ng kahit ano! Pagdating sa mapapakinabangan nila mismo o sa kanilang reputasyon, naglalakas-loob silang magsabi ng kahit anong panghuhusga o pagkondena. Kaya, kapag nagiging tao ang Diyos, kahit na nakikisalamuha Siya sa mga tao at namumuhay kasama ng tiwaling sangkatauhan, mayroon Siyang ganitong katayuan at tinatamasa Niya ang ganitong pagkakakilanlan, sa katunayan, kasabay nito ay kailangan Niyang tiisin ang lahat ng uri ng panghahamak na hatid sa Kanya ng Kanyang pagkakakilanlan. Ganap Siyang nawawalan ng dignidad—ito ang unang bagay na kailangang tiisin ng Diyos, ang pagharap sa lahat ng kalituhan, maling pagkaunawa, pagdududa, pagsubok, pagrerebelde, panghuhusga, pandaraya, atbp, na ikinikilos sa Kanya ng tiwaling sangkatauhan. Kailangan Niyang pagtiisan ang lahat ng ito—iyon ang pagkawala ng dignidad Niya. Ano pa? Wala talagang pagkakaiba ang pagkakatawang tao at ang Espiritu—tama ba ito? (Oo.) Wala talagang pagkakaiba, pero may isang aspekto: Hindi kailanman mapapalitan ng katawang-tao ang Espiritu. Ibig sabihin, ang pisikal na katawan ay nalilimitahan sa maraming paggalaw nito. Halimbawa, kayang maglakbay ng Espiritu sa espasyo, hindi ito naaapektuhan ng oras, ng klima, o ng iba’t ibang kapaligiran, at ito ay nasa lahat ng dako, samantalang ang pisikal na katawan ay nasa ilalim ng mga limitasyong ito. Anong kawalan ang nangyari sa dignidad ng Diyos? Ano ang mahirap sa usaping ito? Ang Diyos Mismo ay may ganitong abilidad, pero dahil nalilimitahan Siya ng katawang-tao, sa panahon ng Kanyang gawain, kailangan Niyang gawin ang gawain ng katawang-tao nang may konsensiya, nang tahimik at masunurin hanggang sa matapos ang gawain. Sa panahon ng gawain ng katawang-tao, ang Diyos na nakikita ng mga tao at kaya nilang maunawaan sa kanilang mga kuru-kuro ay ang katawang-taong nakikita ng mga mata nila. Sa mga imahinasyon at kuru-kuro nila, may partikular bang limitasyon sa kadakilaan ng Diyos, sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos, sa karunungan ng Diyos, at maging sa awtoridad ng Diyos? (Oo, mayroon.) Sa malaking antas, may partikular na limitasyon ang mga iyon. Ano ang nagdudulot ng limitasyong ito? (Ang pagkakatawang-tao.) Dulot ito ng pagkakatawang-tao. Masasabing iyon ay isang uri ng kaguluhang dala ng katawang-tao sa Diyos Mismo. Siyempre, ang salitang “kaguluhan” ay medyo hindi saktong gamitin dito, pero angkop namang sabihin ito sa ganitong paraan—sa ganitong paraan lang ito pwedeng sabihin. Ang kaguluhan bang ito ay may partikular na epekto sa pagkaunawa ng mga tao sa Diyos at sa tunay na pakikiugnay at pakikisalamuha ng mga tao sa Diyos para mahalin ang Diyos at magpasakop sa Kanya? (Mayroon.) Mayroon talaga itong partikular na epekto. Basta’t nakita ng isang tao ang katawang-tao ng Diyos, basta’t may mga pakikitungo sila sa katawang-tao ng Diyos, basta’t narinig nila na nagsalita ang katawang-tao ng Diyos, posible na sa buhay nila, ang wangis ng Diyos, ang karunungan ng Diyos, ang diwa ng Diyos at ang disposisyon ng Diyos ay mananatili magpakailanman sa kung ano ang nakikilala, nakikita, at nauunawaan nila sa katawang-taong ito. Hindi ito patas sa Diyos. Hindi ba’t ganito ang kaso? (Oo, ganito nga.) Hindi ito patas sa Diyos. Kung gayon, bakit ito ginagawa pa rin ng Diyos? Dahil sa pamamagitan lamang ng pagiging tao ng Diyos na makakamit ang pinakamagagandang resulta ng pagdadalisay at pagliligtas ng Diyos sa mga tao—pinipili ng Diyos ang landas na ito. Nagiging tao ang Diyos at namumuhay Siya nang harapan kasama ng mga tao, hinahayaan ang mga taong marinig ang mga salita Niya, makita ang bawat galaw Niya, at makita ang disposisyon Niya, maging ang personalidad Niya, at ang mga kasiyahan at kalungkutan Niya. Kahit na ang disposisyong ito at ang mga kasiyahan at kalungkutang ito ay makabubuo ng mga kuru-kuro kapag nasaksikhan ito ng mga tao, na nakakaapekto sa pagkaunawa ng mga tao sa diwa ng Diyos, at nakalilimita sa pagkaunawa ng mga tao, mas gugustuhin ng Diyos na mali Siyang maunawaan ng mga tao at pipiliin pa rin Niya ang pamamaraang ito para makamit ang pinakamagagandang resulta sa pagliligtas sa mga tao. Samakatuwid, mula sa pananaw ng pagkaunawa ng mga tao sa orihinal na mukha ng Diyos, at sa tunay na pagkakakilanlan, katayuan, at diwa ng Diyos, isinakripisyo Niya ang Kanyang dignidad. Hindi ba’t pwedeng sabihin ito? Iyon ay mula sa pananaw na ito. Pagbulayan ninyo itong mabuti: Sa iba’t ibang aspekto ng ibinayad at ginawa ng Diyos, ayon sa pagkaunawa ng mga tao, mayroon bang kahit na anong katumbas ng mga teorya at islogan ng mga Pariseo at anticristo? Wala. Halimbawa, noong sinabi ng mga Pariseo na, “Kagalang-galang ang Diyos,” paano nila nauunawaan ang pagiging kagalang-galang na ito? Para sa kanila, paano dapat maisakatuparan ang pagiging kagalang-galang na ito ng Diyos? Iyon ay na mataas lamang Siya. Hindi ba’t doktrina na “kagalang-galang ang Diyos, sobrang kagalang-galang ang Diyos”? (Oo.) Ano ang pinaniniwalaan nilang ang pagiging kagalang-galang ng Diyos? Ito ay iyong kapag pumunta ang Diyos sa mundo, magkakaroon Siya ng prominenteng posisyon, pinakamahusay na kaalaman at talento, pinakamahusay na abilidad, napakahusay na pananalita, at primera klase at napakagandang anyo. Ano ang pagiging kagalang-galang na pinaniniwalaan nila? Iyon ay kung ano ang nakikita ng mga tao. Hindi ba’t ang ganitong uri ng pagiging kagalang-galang ay isang bagay na ginagawa ni Satanas? (Oo.) Hindi iyon ginagawa ng Diyos! Tingnan ninyo kung anong uri ng mga tao ang pinili ng Diyos para sa mga hinirang na taong ito ng Diyos, at tingnan ninyo kung anong uri ng mga tao ang nangingibabaw sa mundo ni Satanas. Sa pagkukumpara sa mga iyon sa ganitong paraan, malalaman mo kung anong klaseng tao ang inililigtas ng Diyos at kung anong klaseng tao ang hindi maliligtas. Ang mga labis na mapagmataas, nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba, may angking talino at may talento ang pinakamalamang na hindi tatanggap sa katotohanan. Ang pananalita nila ay puno ng kaalaman, sobrang mahusay, at nakakapag-udyok sa mga taong sambahin at hangaan sila, pero ang kahinaan nila ay ang hindi pagtanggap sa katotohanan, at tutol sila sa katotohanan at kinamumuhian nila ito, na nagsasabing tatahakin nila ang landas ng pagkalipol. Pero, wala sa mga hinirang na tao ng Diyos ang may kahit anong mga espesyal na kaloob o talento, pero kaya nilang tanggapin ang katotohanan, magpasakop sa Diyos, talikuran ang kanilang katanyagan, kapakinabangan, at katayuan para sumunod sa Diyos, at handa silang gawin ang kanilang tungkulin. Ito ang mga klase ng taong inililigtas ng Diyos. Sino ang sinasamba ng mga walang pananampalataya? Sinasamba nilang lahat ang mga intelektwal na matataas ang antas at ang mga taong may prominenteng katayuan ang pamilya. Pagdating naman sa mga kaloob, espesyalidad, at katayuan ng pamilya, wala tayong kahit ano sa mga ito—pare-pareho tayo. Ano ang tingin ninyo rito? Hindi ginagawa ng Diyos ang mga gayong bagay—ganoon ba iyon kasimple? Bakit hindi ito ang isinaayos ng Diyos? Ang layunin ng Diyos ay narito. Pawang napakadali para sa Diyos na isaayos kung sa anong pamilya isisilang ang isang tao, at kung anong kaalaman ang matututuhan nito. Kaya bang kumilos ng Diyos sa ganitong paraan? (Oo.) Talagang kaya Niya! Kung gayon bakit hindi isaayos ng Diyos na ipanganak tayo sa mayayaman at prominenteng pamilya? Ito ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, ito ang pagbubunyag ng diwa ng Diyos, at ang mga nakakaunawa lamang sa katotohanan ang makakakilatis sa bagay na ito. Pagkatapos maging tao ng Diyos, gaano man karami ang mga kuru-kuro ng mga tao, gaano man katindi ang mga hirap na nakakaharap ng Diyos sa Kanyang gawain, gaano man kalaking mga hadlang ang kinakaharap Niya, gaano man katindi ang panunuya at paninirang-puri na natatanggap Niya, at gaano man sa Kanyang dignidad ang mawala pagkatapos Niyang maging tao sa ganitong paraan, nag-aalala ba Siya? Wala Siyang pakialam. Kung gayon, ano ang inaalala Niya? Kung mauunawaan ninyo ang puntong ito, ibig sabihin ay talagang alam ninyo na ang Diyos ay kaibig-ibig. Ano ang inaalala ng Diyos? Ano ang masinsinang layunin ng Diyos sa pagbabayad ng ganitong halaga at pagsasagawa ng gayon katinding pagsisikap? Para saan Niya ito mismo ginawa? (Para ang grupong ito na hinirang ng Diyos ay mas mabuting maunawaan ang Diyos, magkaroon ng mas maayos na ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, at pagkatapos ay magkaroon ng totoong pagkaunawa sa Diyos.) Magkaroon ng pagkaunawa sa Diyos—kung gayon, kapaki-pakinabang pa rin ba ito sa Diyos? Nagbayad ba ng malaking halaga ang Diyos para sa nag-iisang layong ito? Oo o hindi? Masinsinan bang gumawa ang Diyos sa loob ng 6,000 taon para lang maunawaan ng mga tao ang Diyos? Sabihin ninyo sa Akin, pagkatapos likhain ng Diyos ang mga tao, pagkatapos lumayo ng sangkatauhan sa Diyos at sumunod kay Satanas, at nagsimulang gugulin ng bawat tao ang buhay niya gaya ng isang buhay na demonyo—sino ba ang pinakamasaya? (Si Satanas.) Sino ang biktima? (Ang mga tao.) Sino naman ang pinakamalungkot? (Ang Diyos.) Kayo ba ang pinakamalungkot? (Hindi.) Sa realidad, walang nakakakilatis sa mga ito. Walang nakakaalam mismo sa mga bagay na ito: Tinatanggap nila ang anumang mangyayari sa buhay nila. Kapag sinabi mo sa kanilang isagawa ang katotohanan, hindi nila iniisip na makakabuti ito. Patuloy silang namumuhay ayon sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, at noon pa man ay palagi na silang naghihimagsik laban sa Diyos. Sa katunayan, ang pinakamalungkot at ang pinakasugatan ang puso ay ang Diyos. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan; sa tingin ba ninyo ay inaalala ng Diyos ang agarang lagay ng pag-iral ng tao, o kung maayos ba o hindi ang buhay nila? (Nagmamalasakit Siya.) Ang Diyos ang pinakanag-aalala, at siguro hindi ito nararamdaman ng mga taong sangkot, at sa katunayan ay hindi nila ito mismo nauunawaan. Sa pamumuhay sa mundong ito, ganito na ang sangkatauhan isandaan taong na ang nakalilipas, at ngayon ganoon pa rin ito, dumarami bawat henerasyon, at namumuhay nang ganito sa bawat henerasyon, ang ilang tao ay maayos, ang ilan ay mahirap—maalon ang buhay. Sa bawat henerasyon ay dumarating ang mga tao, nagsusuot ng iba’t ibang pananamit, kumakain ng parehong pagkain, pero ang estruktura at sistema ng lipunan ay nagbabago nang paunti-unti; hindi namamalayan ng mga tao na nakarating na sila sa kasalukuyan—hindi ba nila alam? Hindi nila alam. Kung gayon, sino ang pinakanakakaalam? (Ang Diyos.) Ang Diyos ang Siyang pinakanag-aalala sa usaping it. Ang isa sa mga bagay na hindi kinakalimutan ng Diyos ay kung paano nabubuhay ang mga taong nilikha Niya, kung ano ang kasalukuyang kalagayan ng mga buhay ng mga tao, kung maayos ba silang nabubuhay, kung ano ang kinakain at isinusuot ng mga tao, kung ano ang magiging kinabukasan nila, at kung ano ang iniisip ng mga tao sa puso nila. Kung ang tanging iniisip ng mga tao araw-araw ay kasamaan, tungkol lang sa kung paano magbago at sumalungat sa mga batas ng kalikasan, kung paano lumaban sa Langit, kung paano sumunod sa buktot na agos ng mundo, tinitingnan ba ito ng Diyos at natutuwa rito? (Hindi, hindi Siya natutuwa.) Kung gayon, hindi natutuwa ang Diyos at ganoon na lang ba iyon? Wala ba Siyang gagawin doon? (Oo, mayroon Siyang gagawin.) Kailangan Niyang humanap ng paraan para mabuhay nang maayos ang mga taong ito, para ipaunawa sa kanila ang mga prinsipyo ng pag-asal ng sarili, para ipaalam sa kanilang sambahin ang Diyos, na magpasakop sa lahat ng batas ng kalikasan, sa pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, para magawang mamuhay ng mga tao nang may wangis ng tao, at gumaan ang pakiramdam ng Diyos. Kahit na iwan pa ng Diyos ang mga taong ito, makakapamuhay pa rin sila nang normal sa gayong kapaligiran, nang walang kahit anong pinagdurusahan mula kay Satanas—ito ang layunin ng Diyos. Kapag nakikita ni Satanas na kaya ng mga tao na magpasakop sa Diyos at magsabuhay ng wangis ng tao, ganap itong napapahiya at nabibigo, kaya lubusan nitong inaabandona ang mga taong ito at hindi na sila kailanman muling papansinin pa. Sino naman ang inaalala ni Satanas? Iniisip lamang nito ang mga nananampalataya sa Diyos pero hindi naghahangad ng katotohanan, ang mga hindi nagbabasa ng mga salita ng Diyos at hindi nananalangin sa Diyos, ang mga hindi buong pusong ginagawa ang kanilang tungkulin, at ang mga gusto laging makahanap ng mapapangasawa at magsimula ng pamilya at ng propesyon. Gustong akitin ni Satanas ang mga taong ito, para iligaw ang mga ito hanggang sa lumayo sila sa Diyos, hindi gawin ang kanilang tungkulin, at ipagkanulo ang Diyos, hanggang sa sila ay itiwalag Niya—kapag nagkagayon ay labis na matutuwa si Satanas. Habang mas lalo mong hindi hinahangad ang katotohanan, mas sumasaya ito, habang mas hinahangad mo ang katanyagan, pakinabang, at katayuan, at mas pabaya ka sa paggawa ng iyong tungkulin, mas sumasaya si Satanas. Kung lalayuan at ipagkakanulo mo ang Diyos, mas lalo pang sumasaya si Satanas—hindi ba’t ganito ang mentalidad ni Satanas? Hindi ba’t ganito ang mentalidad ng mga anticristo? Ang mga kauri ni Satanas ay pawang may ganitong mentalidad. Gusto nilang akitin ang sinumang nakikita nilang hindi masigasig na nananalig sa Diyos, ang sinumang nagbibigay-pansin sa pagkatuto ng kaalaman at paghahangad ng katanyagan, pakinabang, at katayuan, at ang sinumang hindi nag-aasikaso sa nauukol niyang gampanin kapag gumagawa siya ng kanyang tungkulin. Kapag nakakatagpo sila ng ganitong tao, kapareho nila ito ng lengguwahe, marami silang naibabahagi kapag magkakasama sila, at malaya nilang nasasabi ang nasa mga isip nila, nang walang pag-aalinlangan. Ano ang nararamdaman ng Diyos kapag nakikita Niya ang mga taong ito na hindi hinahangad ang katotohanan? Nababalisa Siya! Samakatuwid, ano ang nagdulot sa Diyos na magbayad ng lahat ng halagang ito? Ito ay dahil sa Kanyang pagmamalasakit, pag-aalaga, at pag-aalala para sa sangkatauhan. Dinadala ng Diyos sa Kanyang puso ang mga pagmamalasakit, pag-aalaga, at pag-aalala sa mga tao, at dahil taglay ng Diyos ang gayong saloobin sa tao, ang gawain Niya ay naibubunga nang dahan-dahan. Mapagpakumbaba at tago man ang tingin ng mga tao sa Diyos, kung talagang minamahal ba Niya ang mga tao, kung mapagkakatiwalaan ba Siya, o kung Siya ba ay dakila, naniniwala ang Diyos na sulit ang lahat ng halagang ito at pwedeng magantimpalaan. Ano ang ibig sabihin ng gantimpalang ito? Ibig sabihin nito ay iyong mga bagay na inaalala Niya sa Kanyang puso ay hindi na muling mangyayari, at ang mga taong pinagmamalasakitan Niya sa Kanyang puso ay makapamumuhay na ayon sa Kanyang mga layunin, ayon sa Kanyang daan at direksyong itinuro at iginabay Niya sa mga tao, at ang mga taong ito ay hindi na magagawang tiwali ni Satanas—hindi na sila mamumuhay sa pagdurusa, at maglalaho na ang mga pag-aalala ng Diyos at gagaan na ang pakiramdam ng Diyos. Kaya, pagdating sa lahat ng ginawa ng Diyos—anuman ang pangunahing motibasyon Niya, gaano man kalaki o kaliit ang plano Niya—hindi ba’t positibong bagay ang lahat ng ito? (Oo, positibong bagay nga.) Ang mga ito ay positibong bagay lahat. Kapansin-pansin man o hindi sa mga tao ang paraan ng paggawa ng Diyos, kabanggit-banggit man ito o hindi, paano man husgahan ng mga tao ang paraan ng paggawa ng Diyos para hatulan at iligtas ang mga tao, kung huhusgahan mula sa lahat ng bagay na ginawa ng Diyos at sa halagang ibinayad Niya, hindi ba’t karapat-dapat ang Diyos sa papuri? (Oo, karapat-dapat Siya.) Kung gayon, dakila ba o maliit ang Diyos? (Siya ay dakila.) Napakadakila! Walang sinuman sa sangkatauhan ang makakapagbayad ng ganoong halaga. Sinasabi ng ilang tao na “Ang pagmamahal ng isang ina ang pinakadakila sa sangkatauhan.” Ang pagmamahal ba ng isang ina ay kasingdakila nito? Sa pangkalahatan, pagkatapos mamuhay ng mga anak nang sila lang, hindi na sila pinagkakaabalahan ng mga nanay nila hangga’t nakakaraos sila. Sa katunayan, hindi pwedeng pagkaabalahan ng mga ina ang mga anak nila kahit gustuhin man nila. Kung gayon paano tinatrato ng Diyos ang sangkatauhang ito? Ilang libong taon na ba Niyang tinitiis ito? Tiniis na ito ng Diyos sa loob ng anim na libong taon at hindi pa Siya sumusuko hanggang ngayon. Dahil lang sa katiting na pag-aalala at pagmamalasakit, nagbayad ang Diyos ng gayon kalaking halaga. Ano ba ang tingin ng mga Pariseo at mga anticristo sa gayon kalaking halaga? Kinondena nila ito, hinusgahan nila ito, nilapastangan pa nga nila ito. Mula sa pananaw na ito, hindi ba’t buktot ang kalikasan ng mga anticristong iyon? (Oo, ganoon sila.) Gumawa na ang Diyos ng mga napakakapuri-puring bagay, at ang diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay labis na karapat-dapat sa papuri ng mga tao. Bukod sa hindi nila sinamba ang Diyos, gumamit pa sila ng iba’t ibang pagdadahilan at teorya para kondenahin at husgahan Siya, at tinanggihan pa nga nilang kilalaning Siya ang Cristo. Hindi ba’t kamuhi-muhi ang mga taong ito? (Oo, kamuhi-muhi sila.) Hindi ba’t buktot sila? Kung huhusgahan ang buktot na pag-uugali nila, hindi ba’t sinasamba nila ang kaalaman at pag-aaral? Hindi ba’t sinasamba nila ang kapangyarihan at katayuan? (Oo, sinasamba nila.) Habang mas positibo ang mga bagay, habang mas karapat-dapat sa papuri, pag-alaala, at pagpapalaganap ng mga tao ang mga ito, mas lalong kokondenahin ng mga anticristo ang mga ito. Ito ay isang pagbubunyag sa buktot na kalikasan ng mga anticristo. Kailangang sabihin na ang antas ng kabuktutan ng mga anticristo ay lagpas pa sa maraming tao na may mga tiwaling disposisyon.

Magpatuloy tayo sa pagtalakay tungkol kay Pablo. Sa anong klaseng pamilya isinilang si Pablo? Isinilang siya sa isang intelektwal na pamilya, isang pamilyang may kaalaman. Isinilang siya sa gayong pamilya, at maituturing na mabuti ang kondisyon ng kanyang kapanganakan. Mataas ang pinag-aralan niya. Ayon sa mga kasalukuyang pamantayan, maaaring siya ang klase ng tao na pag-aaralan ang teolohiya o mag-aaral sa unibersidad. Kung ganoon, ang kaalaman at pinag-aralan ba niya ay mas mataas kaysa sa maraming tao? (Oo.) Kung huhusgahan ang kaalaman at pinag-aralan ni Pablo, magiging madali ba sa kanya na makilala na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo? (Oo.) Napakadali lang niyon. Pero bakit hindi niya kinilala ang Panginoong Jesus bilang ang Cristo? (Sinamba niya ang kaalaman at nadama niyang ang Panginoong Jesus ay hindi niya kasingtalino, kaya hindi niya kinilala ang Panginoong Jesus.) Napakasimple lang na sabihin ito. Kung hindi niya kasingtalino ang Panginoong Jesus, hindi niya Siya makikilala. Kung talagang may kaalaman ang Panginoong Jesus, baka makilala Siya ni Pablo. Ito ay bahagyang lohikal na pagpapalagay. Ngayon, sinasabi lang natin na sinasamba ng mga anticristo ang kaalaman; na ibig sabihin, kapag nakikinig sila sa mga tao at hinaharap nila ang mga tao at usapin, mayroon silang pananaw na nagagawa ang iba na makitang sinasamba nila ang kaalaman at pinag-aralan. Halimbawa, kung ang mga salita mo ay napakalohikal, mataas ang antas, matalino, di-maarok, at abstrak, ito mismo ang gusto niya. Ang abstrak at naaayon sa lohika, pilosopiya, at maging sa isang partikular na pinag-aralan—ito mismo ang gusto niya. Ang Panginoong Jesus ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang lahat ng sinasabi Niya ay mga salita ng Diyos at mga katotohanan. Kaya, kapag tiningnan ng mga taong may kaalaman at pinag-aralan ang mga salita at katotohanang ito, ano ang tingin nila rito? “Masyadong karaniwan at mababaw ang mga salitang sinasabi Mo. Lahat ng iyon ay walang kwentang bagay tungkol sa pananalig sa Diyos. Hindi malalalim ni di-maarok ang mga iyon. Walang mga hiwaga. Pero sinasabi Mong mga katotohanan iyon. Ano ba ang napakataas sa katotohanan? Kaya ko ring sabihin ang mga ito!” Hindi ba’t ito ang pinaniniwalaan ng mga anticristo? (Oo.) Tinitimbang nila ito nang ganito, iniisip nilang, “Tingnan natin kung ang mga bagay na sinasabi Mo ay mas mataas ba o mas mababa sa kaalaman ko.” Pagkarinig nila sa mga iyon, hinahamon nila ang mga iyon, sinasabing, “Para Kang estudyante sa elementarya. Nasa kolehiyo na ako, kaya hindi Kita kasinggaling!” Pagkatapos ay humahanap sila ng kamalian sa mga salita ng Diyos, sinasabing, “Parang hindi Mo naiintindihan ang gramatika, at minsan ang mga salitang ginagamit Mo habang nagsasalita Ka ay hindi wasto. Parang hindi Ka Diyos.” Tinitingnan nila ang anyo Niya para makita kung Siya ba ang Diyos o hindi; hindi sila nakikinig sa nilalaman ng mga salita Niya, hindi sila nakikinig kung katotohanan ba ang ipinapahayag Niya, o kung ang mga salita ba ay galing sa Diyos. Hindi ba’t kawalan ito ng espirituwal na pang-unawa? (Oo, kawalan ito.) Kaya, may isa pang katangian ang mga anticristo: Wala silang espirituwal na pang-unawa. Dahil pinahahalagahan nila ang kaalaman at pinag-aralan, hindi nila nauunawaan ang katotohanan. Hindi nila kailanman mauunawaan ang katotohanan. Ang mga taong ito ay nakatakdang maging ang mga klase ng taong walang espirituwal na pang-unawa. Ginagamit nila ang kaalaman nila para timbangin ang bawat pangungusap na binibigkas ng Diyos. Kaya ba nilang maunawaan ang katotohanan? Kaya ba nilang malaman na ito ang katotohanan? Sa huli ba ay kaya nilang magtakda ng depinisyon at masabing ang lahat ng salitang sinabi ng Diyos ay ang katotohanan? Kaya ba nilang marinig ang mga iyon? Hindi nila kayang marinig ang mga iyon. Kung gayon, sa mga mata nila, paano nila nakikita ang nagkatawang-taong Diyos? Iniisip nila, “Paano ko man ito tingnan, Siya ay isang tao. Paano ko man ito tingnan, hindi ko makita ang kalidad ng Diyos. Paano man ako makinig, hindi ko masabi kung alin sa mga salita Niya ang naaayon sa katotohanan at kung alin sa mga iyon ang katotohanan.” Kaya, sa kaibuturan ng puso nila, iniisip nila: “Kung mayroon Kang isang bagay na bago at sariwa, at makapagkakamit ako ng ilang teorya at makakakuha ako ng kaunting kapital mula sa Iyo, susundan Kita sa ngayon at tingnan natin kung ano ang magiging resulta.” Pero matatanggap ba nila ang Panginoong Jesus mula sa kaibuturan ng puso nila? (Hindi, hindi nila kaya.) Siguradong hindi nila Siya matatangap. Bakit hindi nila Siya tinatanggap? Ano ang dahilan nito? Iyon ay dahil masyado nilang gusto ang kaalaman. Ang gusto nila at ang kaalamang naisangkap at natutuhan nila ay binulag ang mga mata at kaisipan nila, na humahadlang sa kanilang makita ang lahat ng ginawa ng Diyos. Kahit na kitang-kita namang katotohanan ang sinasabi ng Diyos, kahit na malinaw na ipinapahayag ng gawaing nagawa ng Diyos ang pagkakakilanlan at diwa ng Diyos, hindi nila ito makita. Bakit hindi nila ito makita? Dahil ang kaalaman at natutuhan nila ay pinupuno sila ng mga kuru-kuro, imahinasyon, at paghusga sa Diyos. Sa huli, gaano man sila makinig sa mga sermon o makipag-ugnayan sa Diyos, hindi nila maunawaan ang sinasabi ng Diyos, lalo na ang matanggap na kayang baguhin ng sinabi ng taong ito ang mga tao o na ito ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ito ay isang bagay na kailanman ay hindi nila matatanggap. Hindi nila ito kailanman matatanggap, na nagtatakda sa kanilang hindi maligtas, gaya ni Pablo. Inamin ba ni Pablo na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo? Hindi niya ito inamin hanggang sa huli. Sinasabi ng ilang tao: “Hindi ba’t tumawag siya sa Panginoon nang pinabagsak siya sa daan papuntang Damasco? Siguro ay umamin siya. Paano masasabing hindi siya umamin?” May isang katunayang nagpapatibay na hindi kailanman kinilala ni Pablo ang Panginoong Jesucristo bilang ang kanyang Tagapagligtas. Iyon ay, kahit na pinabagsak siya, hinangad pa rin niyang subukang maging Cristo. Ang mga tao ba ay pwedeng maging Cristo na lang basta-basta? Si Cristo ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Siya ay Diyos at walang sinuman ang pwedeng maging Siya dahil gusto lang nila. Sino ba ang ayaw maging Cristo, pero iyon ba ay isang bagay na pwedeng gawin ng mga tao? Hindi ito usapin ng kagustuhan ng mga taong gawin ito. Ginusto pa nga ni Pablo na maging Cristo. Kung titingnan ang paghahangad ni Pablo, kaya ba niyang makilala na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo at ang Panginoon? (Hindi, hindi niya kaya.) Kung gayon, saan niya ipinosisyon ang pagkakakilanlan at katayuan ng Panginoong Jesus? Bilang ang Anak ng Diyos. Ano ang Anak ng Diyos? Iyon ay, “Hindi Ka Diyos, Ikaw ang Anak ng Diyos, mas mababa Ka kaysa sa Diyos, katulad Mo kami; kami ay mga anak ng Diyos, at Ikaw rin ay Anak ng Diyos, pero binigyan Ka ng Diyos ng ibang atas at gumawa Ka ng ibang gawain. Kung ibibigay sa akin ng Diyos ang trabahong ito, kaya ko rin itong gawin at pasanin.” Hindi ba’t ang ibig sabihin nito ay hindi kinikilala ni Pablo ang katunayan na ang Panginoong Jesucristo ay ang Diyos? (Oo, ganoon nga.) Naniwala siya na ang Diyos ng kanyang pananampalataya ay nasa langit, na ang Cristong ito ay hindi ang Diyos, at na ang pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos ay walang kinalaman sa Cristong ito. Paano nabuo ang pagkaunawa at saloobin niya sa Panginoong Jesus? Nahinuha iyon mula sa kaalaman at mga imahinasyon niya. Paano niya nahinuha ang mga iyon? Saang pangungusap niya nakita ang mga iyon? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang Ama Ko ay ganito at ganyan,” at “Ginagawa Ko ang ganito at ganyan sa pamamagitan ng Aking Ama na nasa Langit,” at narinig niya ito at naisip na, “Tinatawag Mo ring Diyos ang Diyos? Tinatawag Mo ring Ama ang Diyos na nasa langit? Kung ganoon, Ikaw ang Anak ng Diyos?” Hindi ba’t imahinasyon ito ng utak ng tao? Ito ay kongklusyong binuo ng mga taong may kaalaman: “Kung tinatawag Mong Ama ang Diyos na nasa langit, at tinatawag din namin Siyang Ama, ibig sabihin magkakapatid tayo. Ikaw ang panganay na Anak, kami ang ikalawang mga anak, at ang Diyos na nasa langit ang Diyos nating lahat. Kaya, hindi Ikaw ang Diyos, at magkakapantay tayong lahat. Samakatuwid, hindi ang Panginoong Jesus ang huling nagpapasya kung sino ang gagantimpalaan, kung sino ang parurusahan, at kung ano ang kalalabasan nila—hindi ang Panginoong Jesuscristo, kundi ang Diyos na nasa langit.” Ang mga kongklusyon at kakatwang pananaw na ito ni Pablo ay lahat natamo sa paggamit ng isip niya para humusga at sumuri pagkatapos pag-aralan ang teolohiya at kaalaman. Ito ang resulta.

Itinuring ni Pablo na panagip lubid ang kaalaman, bilang kanyang kapital, at lalo pa bilang layon ng paghahangad niya. Kung hindi sana sinamba ni Pablo ang kaalaman, kundi binitawan ang kaalamang natutuhan niya dati, kung itinuring sana niya ang Panginoong Jesus bilang ang Panginoon, bilang ang Isa na maaaring sundan, ang Isa na makakapagpahayag ng katotohanan, at kung itinuring sana Niya ang mga salita ng Panginoong Jesus bilang ang katotohanan para sundin at isagawa—mag-iiba sana ang resulta. Sa isang banda, nagawang itatwa ni Pedro nang tatlong beses ang Panginoon dahil takot siya, at sa kabilang banda, nakita niyang isang ordinaryong tao ang Panginoong Jesus na inaresto at nagdusa. May kahinaan sa puso si Pedro—hindi iyon ang nakamamatay na kapintasan. Ni hindi rin isang nakamamatay na kapintasan na naitatwa niya nang sandali ang Panginoong Jesus. Hindi ito isang ebidensiya na tutukoy ng kalalabasan ng isang tao sa huli. Ano ba ang pinakatutukoy sa kalalabasan niya? Ito ay kung tinatrato mo ba ang mga salita ng Diyos bilang mga salita ng Diyos, kung kaya mo bang tanggapin, sundin, at isagawa ang mga salita ng Diyos bilang ang katotohanan. Sina Pablo at Pedro ay dalawang ganap na magkaibang halimbawa. Minsang naging mahina si Pedro, minsan niyang itinatwa ang Panginoon, at minsang pinagdudahan ang Panginoon, pero ang huling resulta ay iyong naging perpekto si Pedro. Si Pablo ay gumawa para sa Panginoon at nagdusa sa loob ng maraming tao. Pwedeng makatwirang sabihin na nagawa sana niyang makatanggap ng korona, pero bakit nauwi siya sa pagtanggap ng parusa ng Diyos? Bakit magkaiba ang kinalabasan niya at ni Pedro? Nakadepende ito sa kalikasang diwa ng tao at sa landas na hinahangad nila. Ano ang kalikasang diwa ni Pablo? Sa pinakakaunti ay mayroong aytem ng kabuktutan. Humaling na humaling siyang naghangad ng kaalaman at katayuan, hinangad niya ang mga gantimpala at korona, at nagpakaabala, gumawa, at nagbayad siya ng halaga para sa koronang iyon, nang hindi man lamang hinahangad ang katotohanan. Higit pa rito, sa kanyang paggawa, hindi siya kailanman nagpatotoo tungkol sa mga salita ng Panginoon Jesus, ni nagpatotoo na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, ang Diyos, o ang nagkatawang-taong Diyos, na ikinakatawan ng Panginoong Jesus ang Diyos, at ang lahat ng salitang sinasabi Niya ay mga salitang sinabi ng Diyos. Hindi maunawaan ni Pablo ang mga ito. Kaya, ano ang landas na tinahak ni Pablo? May pagkasutil niyang hinangad ang kaalaman at teolohiya, sinuway ang katotohanan, tumangging tanggapin ang katotohanan, at ginamit ang mga talento at kaalamang gawin ang gawain para pamahalaan, panatilihin, at patatagin ang katayuan niya. Ano ang huling kinalabasan niya? Siguro ay hindi mo makita mula sa labas kung anong kaparusahan ang tinanggap niya bago siya mamatay, o kung mayroon ba siyang abnormal na pagpapamalas, pero ang huling kinalabasan niya ay naiiba kay Pedro. Saan nakadepende ang “pagkakaibang ito”? Ang isa ay sa kalikasang diwa ng isang tao, at ang isa pa ay ang landas na tinatahak nila. Tungkol sa saloobin ni Pablo at pananaw sa Panginoong Jesus, paano naiiba ang paglaban niya sa paglaban ng mga normal na tao? Gayundin, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pagtatatwa at pagtanggi ni Pablo sa Panginoon, at pagtatwa ng tatlong beses ni Pedro sa pangalan ng Diyos at pagkabigong kilalanin ang Panginoon dahil sa kahinaan at takot? Ginamit ni Pablo ang kaalaman, pagkatuto, at ang mga talento niya para gawin ang gawain nito? Hindi niya man lang isinagawa ang katotohanan, ni sinundan ang daan ng Diyos. Samakatuwid, habang nagpapakaabala at gumagawa siya, makikita mo ba ang kahinaan niya sa mga sulat niya? Hindi mo nakita, hindi ba? Paulit-ulit niyang tinuruan ang mga tao kung ano ang gagawin at hinikayat ang mga tao na hangarin ang pagkamit sa mga gantimpala, korona, at magandang destinasyon. Wala siyang karanasan, pagkaunawa, o pagpapahalaga sa pagsasagawa sa katotohanan. Gayunpaman, napakatahimik lang ng mga kilos ni Pedro. Wala siyang mga gayong malalalim na teorya o sulat na masyadong sikat. Nagtaglay siya ng ilang tunay na pagkaunawa at pagsasagawa sa katotohanan. Bagama’t naranasan niya ang kahinaan at katiwalian sa buhay niya, pagkatapos ng maraming pagsubok, ang relasyong nabuo niya sa Diyos ay relasyon sa pagitan ng tao at Diyos, na ibang-iba kay Pablo. Bagama’t gumawa si Pablo, walang kahit ano sa ginawa niya ang may kinalaman sa Diyos. Hindi siya nagpatotoo tungkol sa mga salita ng Diyos, Kanyang gawain, pag-ibig, o Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at lalong hindi tungkol sa kalooban ng Diyos sa mga tao o sa mga hinihingi Niya. Sinabi pa nga ni Pablo sa mga tao na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng Diyos, na naghatid sa tao na tingnan ang Diyos bilang isang Trinidad. Ang salitang “Trinidad” ay galing kay Pablo. Kung walang gayong bagay tungkol sa “Ama at Anak,” magkakaroon ba ng “Trinidad”? Hindi pwede. Napaka “lawak” lang ng mga imahinasyon ng tao. Kung hindi mo maunawaan ang pagkakatawang-tao ng Diyos, huwag kang basta humusga o gumawa ng mga basta-bastang husga. Makinig ka lang sa mga salita ng Panginoong Jesus at tratuhin Siya bilang Diyos, bilang Diyos na nagpapakita sa katawang-tao at nagiging isang tao. Mas obhetibo na tratuhin ito nang ganito.

Noong ipinahayag ang patotoong ito sa yugtong ito ng pagkakatawang-tao ng Diyos bilang babae, hindi ito matanggap ng maraming tao at natigil na lang dito. Nadama nila na “Ang mga salitang sinasabi ay pawang katotohanan, ang gawaing ginagawa ay ang paghatol sa pamamagitan ng mga salita—ang mga ito ay tila gawain ng Diyos, at masasabi kong ang taong ito ay ang nagkatawang-taong Diyos—hindi nga lang ganoong kadaling tanggapin ang kasarian nito.” Pero dahil ang mga salitang ito ay pawang ang katotohanan, atubili pa rin nilang tinanggap Siya, at iniisip nila sa puso nila na, “Susunod muna ako sa ngayon at tingnan natin kung Siya talaga ang Diyos”—maraming taong sumusunod nang ganito. Ang paglikha ng Diyos sa sangkatauhan ay sa dalawang kasarian ng lalake at babae, at hindi eksepsyon ang pagkakatawang-tao ng Diyos, pwedeng lalake ito o babae ito. Isang araw biglang may nagtanong sa Akin, “Paanong mauunawaan na sa pagkakataong ito ay babae ang pagkakatawang-tao?” Sumagot ako, “O sige, paano mo ito tinitingnan? Hindi kumikilos ang Diyos na umaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao: Kung sigurado kang ginagawa ito ng Diyos, hindi na dapat imbestigahan ng mga tao ang ginagawa ng Diyos, at kung hindi mo ito nauunawaan, maghintay ka dapat. Kung naghahanap ka at wala ka pa ring nakukuhang mga resulta, tingnan mo na lang kung kaya mo bang magpasakop. Kung kaya mong magpasakop, may katwiran ka, pero kung naipit ka lang dahil dito at itinatatwa ang lahat ng ginawa ng Diyos, kung gayon hindi ka makatwiran, hindi ka totoong mananampalataya sa Diyos. Sampung bagay ang ginagawa ng Diyos na sa pananaw mo ay tama at naaayon sa iyong mga kuru-kuro, pero kapag ang isang bagay ay hindi naaayon sa iyong mga kuru-kuro, binabalewala mo ang lahat ng sampung bagay—anong klaseng kasamaan ito? Hindi ba’t ito ay isang diyablo?” Nang nagbahagi ako nang ganito, sinabi nila, “Oo, kung gayon dapat ko itong tanggapin ngayon.” Pagkatapos kong tapusin ang pagbabahagi Ko, naunawaan at tinanggap nila ito agad—hindi ba’t maayos ang kakayahan nila? Sabihin na nating ganoon. Nagpatuloy sila sa pagsasabing, “Nilikha ng Diyos ang lalake at babae, at noong unang naging tao ang Diyos Siya ay isang lalake, ang Anak na Lalake ng Diyos. Sa pagkakataong ito ay naging tao Siya bilang isang babae—hindi ba’t Anak na Babae dapat iyon ng Diyos? Sabihin ninyo sa Akin kung ang pagkakaintindi ko ay tama. Kapag nagkakaanak ang mga tao hinihiling nila na magkaroon sila ng isang anak na lalake at babae—gusto rin ba ng Diyos na magkaroon ng pareho nito?” Paano Ko sila dapat sinagot at ipinaliwanag ang usaping ito? Hindi ba’t dapat na seryosohin ang usaping ito? Hindi ba’t dapat itong iwasto? May problema ba sa sinasabi nila? May problema roon. Sinabi nilang, “May Anak na Lalake ang Diyos, ang Panginoong Jesus, at sa pagkakataong ito ang pagkakatawang-tao ay babae, kung gayon ito ay ang Kanyang Anak na Babae. Kaya, may Anak na Lalake at Babae ang Diyos, pareho Siyang mayroon nito, kaya hindi na kailangan pa ang Banal na Espiritu. May Banal na Ama, Banal na Anak, at ang Banal na Anak na Babae, ang Trinidad na ito—sobrang akma at marangal ito! Kung walang Anak na Babae, hindi ito makukumpleto.” Ano ang pakiramdam mo pagkatapos mong marinig iyon? Hindi mo alam kung matatawa o maiiyak ka? Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t katatawanan ito? (Oo, ganoon nga.) May pagkakaiba ba sa pagkaunawa nila sa pagkakatawang-tao at iyong kay Pablo? (Wala.) Walang pagkakaiba. Kung palaging umaasa ang mga tao sa kanilang katalinuhan, mga imahinasyon, at kuru-kuro para gumawa ng hinuha at deduksyon tungkol sa mga usapin ng pagkaunawa sa Diyos, lalo na sa pagharap sa mga usapin ng pagkakakilanlan at diwa ng Diyos, at gagamitin nila ang mga iyon sa ilang pananaw, magiging magulo ito, at makakagawa sila ng mga kamalian at mahaharap sa mga isyu. Kaya, ano ang pinakaangkop na paraan para harapin ang usaping ito? Ang ilang bagay ay mas malalim at abstrak, hindi madaling maunawaan ng mga tao ang mga iyon, at hindi madaling makilatis ang diwa at ugat ng sanhi ng problemang ito; kung ang mga bagay na ito ay hindi kinasasangkutan ng katotohanan, o hindi naaapektuhan ang iyong paghahangad sa katotohanan, anong gagawin mo? Bitiwan mo muna ito. Anong silbi ng pag-iimbestiga sa mga ito. Ang usaping ito ay hindi para imbestigahan mo. Ang kailangan mo lang gawin ay ang tumuon sa buhay pagpasok at maayos na gawin ang tungkulin mo. Isang araw natural mong mauunawaan ang usaping ito. Sinasabi ng ilang tao na hindi nila kayang bitiwan ito at gusto itong imbestigahan, na magulo naman. Hindi mo dapat ito imbestigahan. Hindi dapat harapin ng mga tao nang may saloobin ng pag-iimbestiga ang mga usaping kinasasangkutan ng pagkakakilanlan ng Diyos, ng diwa ng Diyos, at ng katayuan ng Diyos. Kung magpapatuloy kayong mag-imbestiga, magsasanhi ito ng mga seryosong kahihinatnan. Sa mga seryosong kaso, lalapastanganin mo ang Diyos. Paano dapat harapin ng mga tao ang mga usaping kinasasangkutan ng pagkakakilanlan at diwa ng Diyos? Maging simple, at kahit na hindi ka malinaw tungkol sa usaping ito, isa lang ang sigurado: Kaya Niyang ikatawan ang Diyos, Siya ang pagpapakita ng Diyos, ang ipinapahayag Niya ay ang katotohanan, ang dapat tanggapin ng mga tao ay ang katotohanan, at sapat na na matamo ang katotohanan.

Kung titingnan ang kalikasang diwa ng mga anticristo, ano ang pinakasinasamba nila? Ang matataas, hungkag, abstrak na diumanong teolohikal na teorya. Para sa kanila, napakahalaga ng mga teoryang ito. Masyado nilang pinahahalagahan at minamahal ang mga bagay na ito, at nag-iisip sila ng lahat ng klaseng paraan para makuha ang mga ito, para maging angat sa maraming tao. Isinasapuso nila ang mga ito at tinitingnan ang mga iyon bilang kapital, bilang mga pamamaraan para matupad ang mga pansariling layon nila sa buhay, na hindi namamalayang natural na hindi katotohanan ang mga ito. Pero gusto nilang sangkapan ang mga sarili nila ng mga teolohikal na teoryang ito, na nagiging matibay kalaunan, at itinuturing nila ang mga iyon na katotohanan. Ginagamit nila ang teolohikal na kaalamang ito para pag-aralan ang mga salita ng Diyos at ang mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos. Kapag nakikita nilang ang mga salita ng Diyos at ang mga katotohanang ipinapahayag ng Diyos ay hindi umaayon sa mga teolohikal na teoryang isinusulong nila, hindi nila mapigilan ang sarili nilang husgahan at kondenahin ang mga salita ng Diyos. Wala silang takot sa puso nila, dahil naniniwala silang may biblikal silang batayan sa paggawa niyon. Kinokondena pa nga ng ilan sa kanila ang mga salita ng Diyos, na nagsasabing, “Masyadong mahirap ang mga salita ng Diyos. Ang ilan sa mga iyon ay hindi lohikal, ang ilan ay hindi tama sa gramatika, at maging ang mga bokabolaryong ginagamit Niya ay hindi gaanong akma.” Nasa mga utak at kaisipan lang nila ang mga iyon, na ginagamit ang kaalaman at iskolarsyip na taglay nila para suriin at pag-aralan ang mga salita ng Diyos. Marami sa kanila ay ginagamit pa ang mga imahinasyon at paghusga nila para makakita, sa mga salita ng Diyos, kung paano binibigyang-kahulugan ng Diyos ang ilang tao o kung anong destinasyon ang ipinapasya Niya para sa ilang tao, at pagkatapos ay sinusuri at kinokondena ang mga iyon ayon sa kung ano ang sinasabi ng Bibliya, dahil doon ay sinisimulan nilang itatwa ang mga salita ng Diyos. Habang sinusuri at kinokondena nila ang mga salita ng Diyos, may isang teribleng bagay ang nangyayari. Alam ninyo ba kung ano iyon? Kapag sinusuri at pinag-aaralan ng mga tao ang Diyos, at kapag lumilitaw sa mga tao ang isang pag-iisip ng kondenasyon, itinataboy ng Banal na Espiritu ang mga taong ito at hindi gumagawa sa kanila. Hindi ba’t teribleng bagay ito? At alam ninyo kung ano ang ipinahihiwatig nito kapag hindi gumagawa ang Banal na Espiritu. Kapag hindi gumagawa ang Banal na Espiritu, iniiwasan Niya ang mga taong ito, na katumbas ng pag-abandona sa kanila. Sa ibang salita, hindi sila ililigtas ng Diyos. Kaya nating suriin ang dahilan. Saan galing ang mga teolohikal na teoryang ito na pinagtibay nila nang kalahati ng buong buhay nila? Sino ang ikinakatawan ng mga iyon? Hindi sila malinaw sa puso nila tungkol dito. Sa katunayan, ang mga ito ay hindi mula sa Diyos, ni mga purong pagkaunawa ng mga tao. Ang mga iyon ay mga nakalilinlang na paliwanag ng mga tao, at bilang gayon, pwedeng sabihin ng isang taong galing ang mga iyon kay Satanas at lubusang ikinakatawan si Satanas. Ano pa ang kasama sa teolohikal na kaalamang ito? Bukod sa mga nakalilinlang na pagpapaliwanag sa Bibliya, kasama rin dito ang lohika at pangangatwiran ng mga tao, ang mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, pati na rin ang mga karanasan, etika, moralidad, at pilosopikal na ideya. Kapag ginagamit nila ang mga ito para timbangin ang sinasabi ng Diyos at ang gawain Niya, halatang kakampi sila ni Satanas sa pagtrato nila sa Diyos. Samakatuwid, tinatalikuran sila ng Diyos, at inaabandona sila ng Banal na Espiritu. Naranasan ninyo na ba ito? Dati, tinatalakay ng ilang tao ang mga karanasan nila tungkol dito, na nagsasabing, “Noong magsimula akong manampalataya sa Diyos, masigasig akong pag-aralan ang Diyos; pinag-aralan ko kung ano ang sinasabi Niya, ang paggamit Niya ng salita, kung paano Niya tinatrato ang Diyos, kung kanino Siya mabuti, at kung anong uri ng tao ang gusto Niya o ayaw Niya. Bilang resulta ng lahat ng pag-aaral na ito, naging madilim ang puso ko, hindi ko maramdaman ang Diyos sa mga pananalangin ko, nawala na sa puso ko ang kalagayan ng kalayaan at kagaanan, at hindi ko na nadarama ang kapayapaan o kagalakan. Para bang may mabigat na batong nakadagan sa puso ko.” Nakaranas na ba kayo ng ganoon? (Oo.) Ang mga taong palaging pinag-aaralan ang Diyos ay walang nakakamit na kaliwanagan o pagtanglaw mula sa Banal na Espiritu. Kahit ang pagbabasa sa mga salita ng Diyos ay hindi nagdadala ng anumang liwanag. Bihasa ang mga anticristo sa pag-aaral sa Diyos, pero hindi naman nila tinatanggap ang katotohanan. Sa iglesia ay wala silang kahit anong relasyon sa ibang tao, palagi nilang ipinoposisyon ang mga sarili nila na mas mataas sa iba para pangaralan ang mga ito. Madalas nilang ipinagyayabang ang kaalaman nila at minamaliit ang mga ordinaryong kapatid. Kapag nakisalamuha sa iyo ang isang anticristo at nalamang hindi ka nakapag-aral, hindi ka nila iintindihin. Kahit na maabot mo ang pamantayan para maging isang lider ng iglesia o lider ng grupo, hindi ka nila gagamitin. Anong klaseng mga tao ang ginagamit nila? Hinahanap nila ang mga taong may katayuan sa lipunan, kapangyarihan, kaalaman, at mga talento na kayang magsalita nang mahusay—itinutuon nila ang titig nila sa gayong tao, at kumikilos para gamitin ang mga ito. Kung nakadepende sa kanila ang pagpili sa mga tao at ang paggamit sa mga tao, pipiliin lang nila ang mga taong mahusay magsalita, mataas ang pinag-aralan, matalino, at may katayuan sa lipunan. Kahit na hindi hinahangad ng mga gayong tao ang katotohanan o hindi makagawa ng kahit anong gawain, gusto pa rin nila ang mga iyon. Ano ang ipinahihiwatig nito? Pare-pareho silang nabibilang sa iisang kategorya. Sa katunayan, nagsasama-sama ang magkakapareho. Nauunawaan ng ilang anticristo ang ilang salita at doktrina at pagkatapos ay nag-iisip sila ng kung aling paraan nila mapapraktis ang pangangaral ng mga sermon. Hanggang sa anong antas sila nagpapraktis? Hanggang sa antas na kaya na nilang magsalita nang malinaw at malawak, na makakaakyat na sila sa entablado nang walang dalang tala at makakapagsalita na sila nang ilang oras. Inaakala nilang ito ang paggawa sa gawain, ito ang pinakamaluwalhating sandali nila, ang pinakamagandang oras kung kailan makakapagpakitang-gilas sila. Kinukuha nila ang mga ganoong pagkakataon at hindi kailanman pinalalagpas ang mga iyon. Gayunpaman, tungkol sa mga paksang madalas na ibinabahagi ng Diyos, mga bagay na may kinalaman sa normal na pagkatao, sa konsensiya at katwiran ng mga tao, at sa mga bagay na pinakanauugnay sa pagkatao sa mga tunay na buhay ng mga normal na tao—bagama’t tila ba maliit at walang halagang mga detalye ang mga ito sa mga tao, sa realidad, malapit ang kaugnayan nito sa pagpasok sa katotohanang realidad. Paano itinuturing ng mga anticristo ang mga ito? Mula sa puso nila ay hinahamak nila ang mga ito, hindi nila siniseryoso ang mga salitang ito, at kinokondena nila ang mga ito sa kanilang puso, dahil sa tingin nila ay walang kabuluhan ang mga ito. Gaano mo man ibahagi ang katotohanang realidad, tulad ng pagiging isang matapat na tao, isang tapat na tao, o isang praktikal at may pagpapahalaga sa tungkulin na tao, gaano mo man ibahagi ang mga ito, mananatiling hindi nagbabago ang pananaw nila. Gusto nilang maging isang taong mahusay magsalita, na mukhang punong-puno ng talento at mga espesyal na abilidad, o magkaroon ng mga kahima-himalang abilidad, tulad ng pagsasalita ng mga wika, makabasa nang may ekstraordinaryong bilis, magkaroon ng photographic memory, at kung anu-ano pa. Kung taglay rin nila ang mga abilidad na ito, magiging puno ng kasiyahan ang puso nila. Sa kaibuturan ng puso nila, hinahangad at pinahahalagahan nila ang mga ito. Halimbawa, katatapos ko lang sabihin ang isang bagay, at ilang sandali lang, nakakalimutan ko na ito. Kapag tinanong ko ang lahat, wala ring sinumang nakakaalala. Tingnan mo, pare-parehong lahat ang mga memorya natin, hindi ba? (Oo.) Pero kapag nakita ito ng mga anticristo, sinasabi nila, “Hindi rin maayos ang memorya mo! Tingnan mo ang espirituwal na taong si ganito at ganyan; kaya niyang magbasa nang mabilis at mayroon siyang photographic memory. Ikaw ang Cristo—ilang linya ang kaya Mong basahin sa isang tingin lang?” Sinasabi Ko, “Wala Akong ganoong kahima-himalang abilidad. Minsan hindi Ko naaalala ang isang pangungusap pagkatapos Ko itong mabasa, at kailangan Ko ulit itong basahin.” Sinasabi nila, “Hindi ba’t dapat ay makapangyarihan ang Diyos?” Ganito sila nagsisimulang bumuo ng mga kuru-kuro. Sa kaibuturan ng puso nila, paano nila nakikita ang nagkatawang-taong Diyos? “Ang nagkatawang-taong Diyos ay isa lamang ganap na ordinaryo at lubusang normal na tao. Hindi mahusay ang memorya Niya, ang pagkakabuo Niya ay hindi gaanong kadakila; tila hindi Siya mukhang Diyos sa anumang panig.” Kaya, kapag narinig nilang ipinangangaral ng isang tao ang tungkol sa pagmamahal sa Diyos, iniisip nila, “Kung ang espirituwal na taong iyon na si ganito at ganyan o ang sikat na taong si ganito at ganyan ay Diyos, matatanggap at mamahalin ko siya. Pero kung Diyos ang kasalukuyang Cristo na ito, hindi ko Siya kayang mahalin dahil hindi naman Siya mukhang Diyos.” Sa mga puso nila, para maging Diyos ay kailangan maging mukhang Diyos ang isang tao; dapat Siyang magsalita, kumilos, at magmukhang Diyos, para kapag nakita Siya ng mga tao, wala silang anumang kuru-kuro—ito ang iniisip nila. Bakit? Iniisip nila, “Una, wala Kang mga kahima-himalang abilidad. Ikalawa, wala Kang mga espesyal na talento. Ikatlo, wala Kang mga talento kagaya ng sa mga tao sa mundo na may mga isinasakatuparang dakilang bagay. Hindi ka eksepsyonal sa anumang paraan, kaya bakit ako makikinig sa sinasabi Mo? Bakit Kita kailangan irespeto? Bakit ko kailangang magpasakop sa Iyo? Hindi ko ito kayang gawin.” Anong problema ito? Anong klaseng disposisyon ito? Kahit na hindi nila nauunawaan ang katotohanan, dapat pa rin silang magkaroon ng konsensiya at katwiran ng isang normal na tao. May mga kuru-kuro ang mga tao, at hindi sila kinokondena ng Diyos dahil doon, pero kapag nagkakaroon ang mga tao ng mga kuru-kuro at pagkatapos ay sadyang lumalaban at kinokondena ang Diyos, madali niyong nasasalungat ang disposisyon ng Diyos. Dahil sa buktot na kalikasan ng mga anticristo kaya malaya nilang kinokondena at nilalabanan ang Diyos. Pagkatapos magkamit ng kaalaman, mayroon silang mas mayaman, mas malawak, at mas komprehensibong mga imahinasyon tungkol Diyos at sa Kanyang kataasan, diwa, awtoridad, at pagkamakapangyarihan-sa-lahat. Pagkatapos, sinusubukan nilang pagtugmain ang mga imahinasyong ito sa Diyos na kaya nilang makita at makasalamuha. Kaya ba nilang pagtugmain ang mga iyon? Hindi nila kailanman mapagtutugma ang mga iyon. Habang mas lalo nilang pinag-aaralan ang Diyos, lalo nilang itinatwa ang Diyos sa puso nila. Kaya nilang kondenahin at labanan ang Diyos; hindi ito maiiwasan.

Mula sa nakita ninyo sa Bibliya at sa lahat ng mga kasalukuyang pagbigkas ng Diyos, sinusulong ba ng Diyos ang mga talento, pagkatuto, at kaalaman? (Hindi.) Sa kabaligtaran, hinihimay ng Diyos ang kaalaman at pagkatuto ng tao. Paano binibigyang-kahulugan ng Diyos ang mga talento? Paano Niya binibigyang-kahulugan ang mga kahima-himalang abilidad at espesyal na talento? Dapat ninyong maunawaan na ang mga talento, ang mga kahima-himalang abilidad, at espesyal na talento ay hindi talaga kumakatawan sa buhay. Ano ang ibig sabihin ng hindi ikinakatawan ng mga ito ang buhay? Nangangahulugan ito na ang mga bagay na ito ay hindi resulta ng pagkamit ng mga tao sa katotohanan. Saan ba talaga galing ang mga bagay na ito? Galing ba ang mga ito sa Diyos? Hindi, hindi nagkakaloob ang Diyos ng kaalaman o pagkatuto sa mga tao, at siguradong hindi Siya nagbibigay ng mas maraming talento sa mga tao para hangarin nila ang katotohanan. Hindi kumikilos ang Diyos sa ganitong paraan. Nauunawaan na ninyo ngayon kung bakit ganito Ko ito sinasabi, hindi ba? Kaya, saan naipapamalas ang kabuktutan ng mga anticristo? Paano nila tinitingnan ang mga talento, pagkatuto, at kaalaman? Pinahahalagahan, sinusundan, at ninanais pa nga nila ang mga ito, lalo na ang mga talento at kahima-himalang abilidad. Kung sasabihin mo sa isang anticristo, “Kung mayroon kang mga kahima-himalang abilidad, maeenganyo mo ang masasamang espiritu,” sasabihin niya, “Hindi ako natatakot!” Sasagot ka na, “Kung ganoon wala kang pag-asang maligtas sa hinaharap, ihahagis ka sa ikalabing-walong lebel ng impiyerno, sa lawa ng apoy at asupre,” at pagkatapos ay sasabihin nito na, “Hindi ako natatakot!” Kung mapagsasalita mo sila sa sampung iba’t ibang lengguwahe at mapagpapakitang gilas para tingalain ng iba, sasang-ayon at handa sila. Masyadong ordinaryong magsalita ang Diyos at napakapraktikal na gumagawa sa loob ng normal na pagkatao, at hindi nila tinatanggap ang pamamaraan, uri, at nilalaman ng gawaing ito—hinahamak nila ito. Paano dapat kilatisin ng mga tao ang mga usaping ito? Halimbawa, kaya ng ilang taong magsalita ng iba’t ibang wika. Kaya mo bang tanggapin ang katunayang ito? Sa tingin mo ba ito ay normal o kakaiba? (Kakaiba.) Samakatuwid, sa loob ng makatwirang saklaw ng normal na pagkatao, hindi ito katanggap-tanggap. Ang isang taong naaalala ang lahat ng bagay, gaya ng mga kulay, hugis, hitsura, at pangalan, at kayang matandaan ang daan-daang pahina ng isang aklat pagkatapos itong mabasa, na ikinukwento ito mula sa simula hanggang sa wakas—pagkatapos na makisalamuha sa gayong tao, hindi ba’t nararamdaman mong nakaharap mo ang isang hindi normal na tao? (Oo.) Pero gusto ito ng mga anticristo. Sabihin mo sa Akin, kapag nakasalamuha mo ang mga nasa komunidad ng relihiyon, ang mga diumanong ebanghelista, mangangaral, at pastor, na pawang tinatawag na mga Pariseo, sa tingin mo ba ang lahat ng taong ito ay ang kailangan ng puso mo, o ang praktikal na Diyos ay ang kailangan ng puso mo? (Ang pakikiugnay sa Diyos ang kailangan ng puso namin.) Ang normal at praktikal na Diyos ang mas malapit sa mga panloob na pangangailangan mo, hindi ba? Kaya, sabihin ninyo kung ano ang pakiramdam ninyo kapag nakikisalamuha kayo sa mga Pariseo, kung ano ang mga positibo at negatibo, at kung may dala ba itong mga kapakinabangan. (Kung nakikisalamuha ako sa mga Pariseo, pakiramdam ko ito ay peke at malayo. Ang mga bagay na sinasabi nila ay napakahungkag at huwad; kapag masyado kang nakinig dito nakakasuka na, at ayaw ko nang makisalamuha pa sa kanila.) Tama ba o kakatwa ang mga pananaw na ipinapahayag ng mga Pariseo? (Kakatwa.) Ang kalikasan ng mga pananaw nila ay kakatwa. At saka, ang mga bagay ba na sinasabi nila ay karaniwang praktikal o hungkag? (Hungkag.) Kinamumuhian ba o kinagigiliwan ng karamihan sa tao ang pakikinig sa mga kakatwa at hungkag na bagay, pati na rin sa mga imahinasyon at kuru-kuro, na sinasabi nila? (Kimumuhian ng karamihan sa mga tao ang pakikinig sa mga ito.) Karamihan sa tao ay ayaw ang mga iyon at hindi handang makinig. Pagkatapos marinig ang kanilang mga pananaw at salita, at obserbahan ang mga disposisyon nila at ang kanilang huwad at paimbabaw na pag-uugali, anong nararamdaman ninyo sa puso ninyo? Handa ka pa bang makinig? Handa ka bang mas mapalapit pa sa kanila, magkaroon ng malalimang pakikisalamuha sa kanila, at mas maunawaan pa sila? (Hindi.) Hindi ka handang makisalamuha sa kanila. Ang pinaka-isyu rito ay iyong mga salita nila ay masyadong hungkag, puno ng mga teorya at islogan; pagkatapos mong makinig nang napakatagal sa kanila wala ka pa ring maintindihan sa sinasabi nila. Bukod dito, peke at mapagkunwari ang disposisyon nila; nagkukunwari sila na mapagkumbaba, mapagtiis, at mapagmahal, na may asal ng isang bihasang mananampataya, na talagang “deboto” sila. Kapag kalaunan ay nakita mo ang totoong sila, masusuklam ka. Wala pa kayong malalim na pakikisalamuha sa Akin; ano sa tingin ninyo ang mga sermong ibinigay Ko? May pagkakaiba ba sa sinasabi Ko at sa mga sinasabi ng mga Pariseo? (Oo.) Anong pagkakaiba? (Praktikal ang mga sermon ng Diyos.) Iyon ang pangunahing punto. Bukod pa rito, ang sinasabi Ko ay may kinalaman sa pagsasagawa, mga karanasan ninyo, at sa iba’t ibang aspekto ng mga usaping nakakaharap ninyo sa proseso ng paggawa ninyo sa mga tungkulin ninyo at sa tunay na buhay. Hindi ito di-praktikal at malabo. At saka, ang bawat katotohanan bang tinatalakay Ko o ang pananaw na mayroon Ako sa mga usapin ay praktikal o hungkag? (Praktikal.) Bakit ninyo sinasabing praktikal? Dahil hindi ito lumilihis sa tunay na buhay, hindi ito tungkol sa paglilitanya ng mga hungkag na mga teorya na hiwalay sa tunay na buhay. Ito ay pawang may kinalaman sa pagkilatis, pag-unawa, at pagsasagawa sa tunay na buhay, at ang mga kalagayang lumilitaw sa kanila kapag nahaharap sila sa iba’t ibang isyu habang ginagawa ang kanilang tungkulin. Sa madaling salita, kinasasangkutan ito ng mga paksang may kinalaman sa kung paano isinasagawa ng mga tao ang kanilang pananampalataya sa Diyos, sa kanilang buhay ng pananampalataya sa Diyos, at sa kanilang iba’t ibang kalagayan habang ginagawa nila ang kanilang tungkulin. Hindi namin basta binubuksan ang Bibliya para ipaliwanag nang hungkag ang Genesis o Isaias, ni isinasalita namin nang walang laman ang tungkol sa Pahayag. Pinakaayaw Kong basahin ang Pahayag at ayaw kong magsalita tungkol dito. Anong silbi ng pagsasalita tungkol dito? Kung sasabihin Ko sa inyo kung anong salot ang nangyari na, ano naman ang kinalaman niyon sa iyo? Gawain iyon ng Diyos. Kahit na matupad pa ang gawain ng Diyos, paano ka maaapektuhan niyon? Hindi ba’t hindi ka naman magbabago? Kung sinabi Ko sa iyo kung aling salot ang nangyari na, magagawa mong bang iwaksi ang tiwaling disposisyon mo? Hindi ba’t mahimala iyon? Hindi. Kaya, kapag sumunod ang mga tao hanggang sa wakas, pagbubukurin sila ayon sa uri nila. Makakapanindigan ang mga kayang tanggapin ang katotohanan, ang mga nasisiyahan sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at kayang isagawa ang katotohanan. Ang mga hindi handang basahin ang mga salita ng Diyos o makinig sa mga sermon, na pursigidong tanggihan ang katotohanan at hindi handang gawin ang mga tungkulin nila, ay ibubunyag at palalayasin kalaunan. Bagama’t dumadalo sila sa mga pagtitipon at nakikinig sa mga sermon, hindi nila kailanman isinasagawa ang katotohanan, hindi pa rin sila nagbabago, at tutol sila sa pakikinig sa mga sermon—hindi sila handang makinig sa mga iyon. Kaya, kahit na ginagawa nila ang kanilang tungkulin, pabasta-basta naman ito, hindi nagbabago kailanman. Ang mga taong ito ay walang pananampalataya. Kung ang mga taong tapat na nananampalataya sa Diyos ay madalas na nakikihalubilo at namumuhay kasama ng mga walang pananampalataya, ano ang madarama nila? Bukod sa hindi sila makikinabang o mapapalakas, makakaramdam din sila ng unti-unting pagkasuklam sa puso nila laban sa mga ito. Kung makakaugnay mo ang mga Pariseo at maririnig silang magsalita, malalaman mong malinaw at lohikal silang nagsasalita, at ipinapaliwanag nila ang lahat ng iba’t ibang panuntunan at patakaran sa mauunawaang paraan. Maaaring parang naglalaman ng malalalim na teorya ang mga salita nila, pero sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri, wala sa mga ito ang katotohanang realidad; lahat ng iyon ay isang hungkag na teorya. Halimbawa, tinatalakay nila ang teorya sa Trinidad, teolohiya, mga teorya tungkol sa Diyos, kung ano ang Diyos sa langit kasama ang mga anghel, ang sitwasyon sa pagkakatawang-tao ng Diyos at ng Panginoong Jesus—anong pakiramdam mo pagkarinig sa lahat ng ito? Ang resulta ay katulad ng pakikinig sa mga mitolohikal na kwento. Bakit nasisiyahan ang mga anticristo sa pakikinig at pagtatalakay sa mga bagay na ito, at bakit handa silang makiugnay sa mga taong ito? Hindi ba’t ito ang kabuktutan nila? (Oo.) Anong maoobserbahan sa kanilang kabuktutan? Sa kaibuturan nila, may partikular silang pangangailangan, na nagdudulot sa kanilang sambahin ang kaalaman at pagkatuto, at sambahin ang mga ito na mayroon ang mga Pariseo. Kung gayon, ano ang pangangailangan nila? (Ang maituring na mataas ng iba.) Hindi lamang nila kailangan ang iba na tingalain sila, pero sa kaibuturan ng puso nila, gusto nilang palaging maging mga superman, na maging mas mataas na tao o matatalinong artista—ayaw lang talaga nilang maging ordinaryong tao. Ano ang ipinahihiwatig ng pagnanais nilang maging superman? Sa mga kolokyal na pananalita, ibig sabihin nito ay hindi sila konektado sa realidad. Halimbawa, karamihan sa mga tao ay maaaring humiling na, pinakamataas na, “Kung makakalipad lang sana ako sa himpapawid sakay ng eroplano.” Maaaring may ganoon silang hiling, hindi ba? Pero ano ang hiling ng mga anticristo? “Isang araw, gusto kong tubuan ng mga pakpak at lumipad sa malayong lugar!” May ganoon silang aspirasyon—ikaw ba? (Wala.) Bakit wala? Dahil hindi ito makatotohanan. Kahit na kabitan ka pa ng dalawang pakpak, makakalipad ka ba? Hindi ka ganoong klaseng nilikha, tama? (Tama.) Ang mga taong tulad ng mga anticristo ay palaging umaasa sa kanilang imahinasyon, palaging hinahangad ang mga pagnanais nila. Maliligtas ba sila? (Hindi.) Hindi ito ang mga klase ng taong inililigtas ng Diyos. Inililigtas ng Diyos ang mga nagmamahal sa katotohanan, tumutuon sa realidad, at hinahangad ang katotohanan sa isang praktikal na paraan. Ang mga palaging nagnanais na maging mga superman o nakatataas sa iba ay may sira ang ulo, hindi sila normal, at hindi sila ililigtas ng Diyos.

Kapag nakipag-ugnayan ang mga anticristo sa nagkatawang-taong Diyos, may tendensiya silang magtanong ng mga kakaibang tanong. Dahil kaya nilang magtanong ng mga ganito ay kumakatawan sa kanilang malalim na pangangailangan at kung ano ang sinasamba nila sa kanilang puso. Sa simula, sa pagpapatotoo sa nagkatawang-taong Diyos, palaging itinatanong ng mga tao na, “Nagbabasa ba ng Bibliya sa bahay ang Diyos? Hindi dahil sa nagtatanong ako para sa akin, sa totoo lang hindi ako interesado sa usaping ito; nagtatanong lang ako para sa mga kapatid. Marami sa kanila ay may ganito ring iniisip. Pinagninilayan nila sa puso nila na kung talagang madalas na binabasa ng Diyos ang Bibliya, ibig sabihin ang magawang sabihin ang tungkol sa Bibliya at ipahayag ang katotohanan ay talagang normal. Gayunpaman, kung hindi binabasa ng Diyos ang Bibliya at kaya pa rin itong ipaliwanag, magiging mahimala iyon, talagang sa Diyos!” Siyempre, hindi ganito mismo ang sinabi nila; direkta nilang tinatanong na, “Nagbabasa ba ng Bibliya sa bahay ang Diyos?” Ano sa tingin ninyo? Dapat Ko bang basahin ito o hindi? Binabasa ninyo ba ito? Kung hindi pa kayo kailanman nanampalataya kay Jesus, magiging normal na hindi ito basahin. Ang mga taong nanampalataya na ba ay binabasa ito? (Oo, binabasa nila ito.) Siguradong ginagawa ito ng mga iyon. Nagsimula na akong sumampalataya kay Jesus, paanong hindi ko babasahin ang Bibliya? Ano naman kung hindi ko ito nabasa? (Normal lang din iyon.) Ang pagbabasa sa Bibliya ay normal, siyempre ang hindi pagbabasa rito ay normal din. Ano ang tinutukoy ng pagbabasa rito o hindi pagbabasa rito? Kung wala Ako sa posisyong ito, may pakialam ba ang sinuman kung binabasa ko ang Bibliya o hindi? (Wala.) Wala namang magtatanong kung ano ang nabasa Ko. Dahil nasa espesyal na posisyon Ako, pinag-aaralan ng ilang tao ang usaping ito. Palagi nilang pinakikialaman ito, na nagtatanong na, “Nabasa na ba Niya ang Bibliya noong bata pa Siya?” Ano ba mismo ang gusto nilang malaman? May dalawang posibleng paliwanag, depende kung nabasa Ko ba ito o hindi. Kung nabasa Ko na ito, sa tingin nila na ang maipaliwanag Ko ang Bibliya ay hindi malaking bagay. Gayunpaman, kung hindi Ko pa nabasa ang Bibliya, at kaya ko pa rin itong ipaliwanag, iyon ay parang katulad ng diyos. Ito ang resultang ninanais nila. Gusto nilang alamin ang pinakapunto nito; iniisip nila, “Kung hindi Mo pa nabasa ang Bibliya, at kaya Mo pa ring talakayin ito sa gayong kabatang edad, kung gayon dapat itong imbestigahan. Ito ang Diyos!” Iyon ang pananaw nila, at pinag-aaralan nila ang Diyos sa ganitong paraan. Ngayon, isaalang-alang ninyo ang mga Pariseong iyon na bihasa sa Kasulatan. Talaga bang naiintindihan nila ang mga salita sa Kasulatan? Natuklasan ba nila ang katotohanan sa Kasulatan? (Hindi.) Ngayon, pinag-isipan ba ito ng sinumang nagtanong sa Akin kung nabasa Ko na ba ang Bibliya? Kung naisaalang-alang nila ito, hindi nila palaging titingnan ang tungkol sa usaping ito, hindi nila gagawin ang isang napakahangal na bagay. Ang mga taong hindi naaarok ang katotohanan o walang espirituwal na pagkaunawa, at hindi maarok ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos ay umaasa sa gayong pamamaraan para lutasin ito sa huli. Malulutas ba ng pamamaraang ito ang isyung ito? Hindi, hindi nito malulutas. Malulutas lamang nito ang maliit na isyu. Sa katunayan, binabasa Ko rin ang Bibliya. Sino sa mga mananampalataya ang hindi nagbabasa ng Bibliya? Ginagawa ko ang basic na pagbabasa rito. Kahit papaano, binabasa ko ang Apat na Ebanghelyo ng Bagong Tipan, mabilisang binabasa ang Pahayag at Genesis, at sinisilip ang Isaias. Ano sa tingin ninyo ang paborito Kong basahin? (Ang Aklat ng Job.) Mismo. Kompleto at partikular ang kwento sa Job, madaling maunawaan ang mga salita, at bukod doon, mahalaga at pwedeng makatulong at nakakapagpatibay ng mga tao sa ngayon ang kwentong ito. Ipinapakita ng mga katunayan ngayon na talagang may malaking epekto ang kasaysayan ni Job sa mga sumunod na henerasyon. Marami silang naarok na katotohanan sa pamamagitan ni Job—mula sa saloobin niya sa Diyos, pati na rin ang saloobin ng Diyos at pakahulugan kay Job, naarok nila ang kalooban ng Diyos at kung anong klaseng landas ang dapat nilang tahakin pagkatapos manampalataya sa Diyos. Ginagamit ko ang Aklat ng Job bilang konteksto para ibahagi ang tungkol sa ilang paraan kung saan natatakot ang mga tao sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, pati na rin ang ilang partikular na paraan ng pagsunod sa Diyos—talagang mahalaga ang kwentong ito. Ito ay dapat basahin ng isang tao kapag may libre siyang oras. Kapag nakikita ng ilang tao ang Diyos na naging tao at nasaksihan ang pagiging praktikal at normal ng Diyos, maaaring hindi nila lubos maisip kung Siya ba ay totoong Diyos o kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Gayunpaman, pagkatapos maunawaan ang ilang katotohanan, binibitiwan nila ang mga katanungang ito. Tumitigil sila sa pag-iimbestiga o pag-aalala sa mga usaping ito at tumutuon na nang maayos sa paggawa sa kanilang mga tungkulin, lumalakad na nang wasto sa landas na dapat nilang tahakin, at ginagawa na ang gawaing dapat nilang gawin nang maayos. Pero sa ilang tao, hindi nila bibitiwan ang mga ito; ipipilit nila ang pag-aaral sa mga ito. Ano sa tingin ninyo; dapat ko bang pagkaabalahan ang usaping ito? Dapat ko bang isipin ito? Hindi kailangan bigyang-pansin ito. Ang mga tumatanggap sa katotohanan ay natural na humihinto sa pagsasaliksik dito, samantalang ang mga hindi tumatanggap sa katotohanan ay patuloy itong ginagawa. Ano ang ipinahihiwatig ng pagsasaliksik na ito? Ang pananaliksik ay isang uri ng paglaban. Sa mga salita ng Diyos, may isang kasabihan. Ano ang resulta ng paglaban? (Kamatayan.) Ang paglaban ay humahantong sa kamatayan.

Bagamat tinanggap ng ilang anticristo ang yugtong ito ng gawain, madalas silang nag-iisip kung ang mga salita bang binigkas at ang gawain bang ginawa ng nagkatawang-taong Diyos ay may kahit anong pambihirang elemento, kung may mga elemento bang lampas sa normal na saklaw ng pagkatao, at kung may mga elemento ba na pwedeng makuha para patunayan ang pagkakakilalan Niya bilang Diyos. Madalas nilang iniimbestigahan ang usaping ito, walang kapagurang pinag-aaralan kung paano Ako nagsasalita, ang paraan at hitsura Ko habang nagsasalita Ko, pati na rin ang mga prinsipyo ng mga kilos Ko. Saan nila ginagamit ang pagsasaliksik na ito? Sinusukat at pinag-aaralan nito ito laban sa imahe o pamantayan ng mga kilala at dakilang tao na naarok nila. Tinatanong pa ng ilan, “Dahil Ikaw ang nagkatawang-taong Diyos, ang pagkakakilanlan at diwa Mo ay siguradong iba sa mga ordinaryong tao. Kung gayon, saan Ka magaling? Anong mga espesyal na abilidad ang mayroon Ka na sapat para sumunod at sundin Ka namin, at para tanggapin Ka namin bilang aming Diyos?” Talagang pinahirapan Ako ng tanong na ito. Sa totoo lang, hindi Ako magaling sa kahit ano. Wala Akong mata na nakakakita sa lahat ng direksyon o mga tenga na makakarinig sa lahat ng panig. Pagdating sa pagbabasa ng mga teksto, hindi Ko kayang mabasa ang sampung linya sa isang tingin lang, at pagkatapos pagbasa nang ilang sandali, nakakalimutan Ko na ang binasa Ko. May alam Akong kaunti sa musika, pero hindi Ako makabasa ng sheet music. Kung may ibang tao na kakanta ng isang awit nang dalawang beses, kaya Kong sumabay kumanta, pero kasama na ba iyon sa pagiging magaling? May espesyal ba Akong talento, gaya ng pagiging bihasa sa Ingles o pagsasalita ng wika? Wala Akong kayang gawin sa mga ito. Kung gayon, saan ba Ako magaling? May kaunti Akong alam sa musika, sining biswal, sayaw, literatura, pelikula, at disenyo. Mayroon Akong mabababaw na pagkaunawa sa mga larangang ito. Kapag nakikipagtalakayan ng mga teorya sa mga eksperto, pawang walang kabuluhang salita ito sa Akin, pero kaya Ko itong maunawaan kapag nakita Ko ito. Halimbawa, sa disensyong arkitektura, kung kinasasangkutan ito ng propesyonal at teknikal na datus, hindi Ko ito nauunawaan. Gayunpaman, kung tungkol ito sa tingkad ng kulay at sa armonya ng istilo, may kaunti Akong alam at ilang pagkaunawa. Pero kung makakapag-aral ba Ako para maging isang eksperto o may talento sa larangang ito, mahirap masabi iyon dahil hindi Ko pa ito napag-aaralan. Kung titingnan ang mga pwedeng ma-access ng mga tao ngayon, tulad ng musika, literatura, sayaw, at pelikula, ang mga bagay na nasa saklaw ng mga proyekto ng ating iglesia, ang matutuhan nang kaunti ang mga ito ay pwedeng magbigay ng pangunahing pagkaunawa. Maaaring sabihin ng ilang tao, “Ngayon alam Ko na ang pinanggalingan Mo; mayroon Ka lang pangunahing pagkaunawa.” Hindi Ako nagsasalita nang huwad; totoo, basic lang ang nauunawaan Ko. Gayunpaman, may isang bagay na maaaring hindi ninyo nauunawaan, at iyon ay maaaring maging Aking kasanayan. Anong kasanayan iyon? Nauunawaan Ko kung paano nangyayari ang mga proyektong may kinalaman sa mga larangang ito, kung paano naipapahayag ang sining, at kung anong saklaw at mga prinsipyong sangkot dito. Pagkatapos maging bihasa sa mga ito, alam ko na kung paano gamitin ang mga kagamit-gamit na bagay na ito sa gawain ng iglesia, mapagseserbisyo ang mga iyon sa gawain ng ebanghelyo, at makamit ang pagiging epektibo ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Ito ba ay pagiging bihasa? (Oo.) Tungkol sa mga kakulangan ng sangkatauhan sa ngayon, kung magagamit ng isang tao ang mga tamang pamamaraan at masasabi ang mga may kinalamang katotohanan, tinutulutan ang mga taong makita at matanggap ito, ito ang pinakaepektibo. Kung gagamitin mo ang pamamaraan na matatanggap ng mga tao at maipapayahag ang katotohanan at malinaw na maipapaliwanag ang gawain ng Diyos, na pawang sa paraan na matatanggap at makakayanan ng normal na pag-iisip ng tao—labis itong kapaki-pakinabang sa mga tao. Kung gagamitin natin ang mababaw na kaalamang mayroon tayo at gagamitin ang lahat ng kagamit-gamit na bagay na ito, magiging sapat na ito para matamo ang ganitong uri ng kasanayan. Mahusay Ako sa isang bagay, naisip ninyo na ba iyon? (Mahusay ang Diyos sa pagbabahagi sa katotohanan.) Maituturing bang kasanayan ang pagbabahagi sa katotohanan? Hindi ba’t kasayanan iyon? Kung gayon, saan Ako magaling? Mahusay Ako sa pagtuklas sa tiwaling diwa na nasa loob ninyong lahat. Kung hindi Ako magaling dito, sabihin ninyo sa Akin, paano Ako makakagawa tuwing may mga lumilitaw na problema sa inyo at hindi Ko alam kung anong tiwaling disposisyon o kalikasang diwa ang ipinapakita nila? Imposible iyon. Ligtas bang sabihin na ang pagtuklas sa inyong tiwaling diwa ay kung saan Ako pinakamahusay? (Oo.) Dapat itong maging ang pinakamahusay Kong gawin. Pinakamahusay Ako sa pagkilala ng tiwaling disposisyon ng mga tao at ng kanilang kalikasang diwa. Mahusay Ako sa pagkilatis ng landas ng tinatahak ng isang tao at ng kanilang saloobin sa Diyos batay sa kanilang kalikasang diwa. Pagkatapos sa pamamagitan ng kanilang mga pagpapamalas, pag-uugali, at diwa ibinabahagi Ko ang katotohanan sa kanila, tinutugunan ang mga partikular na isyu at tinutulungan silang lutasin ang kanilang mga problema at makalabas sa mga iyon. Sa realidad, hindi ito isang kasanayan; ministeryo Ko ito, gawain itong nasa saklaw ng Aking responsabilidad. May kasanayan ba kayo rito? (Hindi, hindi kami magaling.) Kung gayon, saan kayo magaling? (Sa pagpapakita ng katiwalian.) Hindi tumpak na magaling kayo sa pagpapakita ng katiwalian. Magaling kayo sa kaswal na pagbabalewala sa katotohanan pagkarinig ninyo rito, itinuturing ito nang mababaw, at bihasa sa pagkilos nang pabasta-basta habang ginagawa ang inyong tungkulin nang hindi ito siniseryoso. Hindi ba’t ganoon? (Oo.) Lantaran Kong sinasabi sa inyo ang mga ito; kaya ba ng mga Pariseo at anticristong magsalita sa inyo nang ganito? (Hindi, hindi nila kaya.) Siguradong hindi sila nagsasalita nang ganito. Bakit hindi? Itinuturing nila ito na kahiya-hiya, isang kakulangan sa pagkatao, isang bagay na pribado at sa pinanggalingan ng isang tao. Sinasabi nila, “Paano ko hahayaan ang iba na malaman ang pinanggalingan ko? Kung mangyayari iyon, anong mukha pa ang maihaharap ko, hindi ba’t maiwawala ko ang aking dignidad at katayuan? Paano ako aasal?” Ayon sa kanila, mas mabuti pang huwag na silang mabuhay! Kaya, pagkatapos Kong lantarang ibahagi sa inyo ang sitwasyon ko, naaapektuhan ba nito ang pananampalataya ninyo sa Diyos? (Hindi, hindi ito nakakapekto.) Kahit na mayroon pa kayong ilang ideya tungkol dito, hindi Ako natatakot. Bakit Ako hindi natatakot? Ang pagkakaroon ng ilang ideya ay normal; pansamantala ito. Maaaring makaranas paminsan-minsan ng mga ilusyon sa biswal at pandinig ang mga tao. Palaging mayroon posibilidad na magkaroon ng pansamantala, baluktot na pagkaunawa o isang panandaliang maling pagkaunawa. Ibig sabihin ba nito ay mag-aalsa balutan na ang mga tao dahil dito o magiging negatibo at mahina na? Pero kung tunay mong hinahangad ang katotohanan, maitatatwa mo ba ang Diyos o iiwan ang Diyos dahil sa mga panandaliang kuru-kuro? Hindi, hindi mo kayang umalis? Ang mga taong tunay na hinahangad ang katotohanan ay kayang harapin at unawain nang tama ang mga usaping ito, kaya nilang tanggapin nang normal ang mga katunayang ito nang hindi nila namamalayan, at unti-unting ginagawa ang mga iyon na isang tunay na kaalaman sa Diyos, isang obhetibo at tumpak na kaalaman—ito ang tunay na pagkaunawa sa katotohanan. Isang araw, maaaring sabihin ng isang tao, “Sobrang nakakaawa ang nagkatawang-taong Diyos; wala Siyang ibang magawa maliban sa sabihin ang katotohanan.” Anong klaseng tono ito? Tono ito ng isang anticristo. Sumasang-ayon ba kayo sa kanila? (Hindi ako sumasang-ayon.) Bakit hindi ka sumasang-ayon? (Ang sinasabi nila ay hindi totoo.) Ang sinasabi nila ay totoo. Ang nagkatawang-taong Diyos, bukod sa nagagawa Niyang ipahayag ang katotohanan sa Kanyang pananalita, ay wala nang ibang alam gawing iba; wala Siyang partikular na kasanayan. Nakakaawa ba ito? Ganoon ba sa tingin ninyo? (Hindi.) Kung gayon ano sa tingin ninyo? Sinasabi ng ilang tao, “Dahil mismo ito sa ordinaryo at normal ang Diyos, na gumagawa ng praktikal na gawain, na tayo bilang isang tiwaling sangkatauhan, ay may pagkakataong makamit ang kaligtasan. Kung hindi, lahat tayo ay hahantong sa impiyerno. Mayroon tayong malaking kalamangan ngayon, kaya tamasahin natin ito nang palihim!” May ganito ba kayong pakiramdam? (Oo.) Pero iba ang ilang tao. Sa tingin nila, “Nagsasalita lang ang Diyos; walang ekstraordinaryo sa Kanya. Anong napapala ko? May mga sarili akong kuru-kuro at ideya tungkol sa Diyos, at hinuhusgahan ko ang Diyos nang patalikod, pero hindi Ako dinisiplina ng Diyos. Hindi pa ako nagdusa o naparusahan.” Unti-unti, lumalaki ang kapalaluan nila, at naglalakas-loob silang magsalita ng kahit ano. Sinasabi ng ilang tao, “Ganito mo dapat makilala ang nagkatawang-taong Diyos: Kapag nagsalita, gumawa, at ipinahayag Niya ang katotohanan, ang Espiritu ng Diyos ang gumagawa sa loob, at ang katawang-tao ay balat lang, isang kasangkapan. Ang tunay na diwa ay ang Espiritu ng Diyos; ang Espiritu ng Diyos ang nagsasalita. Kung hindi dahil sa Espiritu ng Diyos, masasabi ba ng katawang-tao ang mga salitan iyon?” Parang tama ang mga salitang ito kapag pinakinggan mo ang mga ito, pero anong dala ng mga iyon? (Kalapastanganan.) Tama, kalapastanganan ang mga iyon—isang masamang disposisyon! Ano ang sinusubukan nilang sabihin? “Isa Kang karaniwang tao. Wala Kang marangal na anyo, hindi Ka kahanga-hanga. Ang pananalita mo ay hindi mahusay o teoretikal na sopistikado—kailangan mong pag-isipan ito bago magsalita ng kahit ano. Paanong Ikaw ang nagkatawang-taong Diyos? Bakit Ka sobrang pinagpala at masuwerte? Bakit ako ay hindi?” Sa huli, sinasabi nila, “Ito ay pawang gawain at pagsasalita ng Espiritu ng Diyos; ang katawang-tao ay daanan lamang ng Espiritu, isa itong kasangkapan.” Napapanatag sila sa pagsasabi nito. Ito ay pagseselos, na humahantong sa pagkamuhi. Ang implikasyon ay, “Paanong Ikaw ang nagkatawang-taong Diyos? Bakit napakapalad Mo? Paano Mo natamo ang kalamangang ito? Bakit hindi ko ito nakuha? Sa tingin ko ay hindi Ka mas magaling kaysa akin. Hindi Ka ganoon kagaling magsalita, hindi napakataas ng pinag-aralan Mo, hindi Ka ganoong kagandang lalake gaya ko, at hindi Kita kasingtangkad. Paano Ka naging mas lamang sa akin? Paano Ka naging ang nagkatawang-taong Diyos? Bakit hindi ako? Kung Ikaw Siya, ibig sabihin ganoon din ang maraming tao. Kailangan ko ring labanan ito. Sinasabi ng lahat na Ikaw ang Diyos, pero hindi ko mapigilan ito—huhusgahan Kita sa ganitong paraan, ang pagsasalita nang ganito ay nakakabawas sa galit ko!” Hindi ba’t mabangis ito? (Oo.) Naglalakas-loob silang magsabi ng kahit ano para mag-agawan sa posisyon—hindi ba’t paghahanap ito sa kamatayan? Kung ayaw mong tanggapin na Siya ay Diyos, sino ba ang pumipilit sa iyo? Pinilit ba kita? Hindi kita pinilit, hindi ba? Una, hindi Ako nakiusap sa iyo na tanggapin ito. Ikalawa, hindi Ako gumamit ng matitinding paraan para puwersahin kang tumanggap. Ikatlo, hindi nakialam ang Espiritu ng Diyos, na sinasabi sa iyong dapat kang tumanggap, o kung hindi ay parurusahan ka. Ginawa ba ito ng Diyos? Hindi. May karapatan kang pumili nang malaya; pwede mong piliing huwag tumanggap. Kaya, kung ayaw mong tumanggap, bakit sa huli ay tumatanggap ka pa rin? Baka pagpapala lang ang hinahanap mo? Nagnanais sila ng pagpapala pero hindi kayang tumanggap o sumunod, o palagi pa ring masama ang loob nila, kaya ano ang ginagawa nila? Sinasabi nila ang masasamang salitang iyon. Narinig ko na nang isa o dalawang beses ang mga iyon sa ilang tao. Iniisip ng ilang tao, “Sama-sama tayong nanampalataya sa Diyos. Nang panahong iyon, bata Ka pa, na madalas na isinusulat ang mga salita ng Diyos. Kalaunan, nagsimula Kang mangaral. Isa Ka lamang ordinaryong tao; alam namin ang pinanggalingan Mo.” Anong klaseng pinanggalingan ba mayroon Ako? Isang lamang Akong ordinaryong tao; iyon ang katotohanan tungkol sa Akin. Dahil lamang ba na Ako ay ordinaryo at normal, at napakaraming taong sumusunod sa Akin ngayon, kaya ba masama ang loob ninyo? Kung masama ang loob ninyo, kung gayon ay huwag kayong manalig. Ito ang gawain ng Diyos; hindi Ko pwedeng iwasan ng responsabilidad Ko, wala Akong kadahilanan, at wala Akong ginawang nakakasakit o nakakapinsala. Kaya, bakit ninyo Ako hinaharap nang may ganitong pananaw? Kung masama ng loob mo, huwag kang manalig. Manalig ka kung kanino ka kontentong manalig; huwag kang sumunod sa Akin. Hindi kita pinilit. Bakit ka sumusunod sa Akin? Pumunta pa nga ang ilan sa bahay Ko para mag-imbestiga, ano ba ang iniimbestigahan nila? Tinanong nila Ako, “Umuuwi Ka ba? Kumusta naman ang kabuhayan ninyo sa bahay ngayon? Anong ginagawa ng miyembro ng pamilya Mo? Nasaan sila? Kumusta naman ang pamumuhay nila?” Sinusuri pa nga ng ilang tao ang dagdag na sapin o kumot sa bahay Ko. Hindi talaga kontento ang mga taong ito sa pananalig sa Diyos! Bakit hindi sila kontento? Dahil iniisip nila, “Hindi dapat ganito ang Diyos. Hindi dapat sobrang liit ng Diyos, sobrang normal at praktikal, at napakakaraniwan at ordinaryo. Napakapangkaraniwan Niya, pangkaraniwan hanggang sa punto na hindi na namin Siya nakikilala bilang Diyos.” Kaya bang makilala ng mga mata mong walang espirituwal na pagkaunawa ang Diyos? Kahit pa bumaba ang Diyos mula sa langit para sabihin sa iyo ito, hindi mo pa rin Siya makikilala. Karapat-dapat ka bang makita ang tunay na persona ng Diyos? Kahit pa malinaw na sabihin sa iyo ng Diyos na Siya ay Diyos, hindi mo ito tatanggapin. Makikilala mo ba Siya? Anong klaseng mga tao ito? Ano ang kalikasan nila? (Kabuktutan.) Ang mga taong ito ay talagang “pinalalawak ang pananaw Ko.”

Simula nang gawin Ko ang gawain ng Diyos, habang isinasakatuparan Ko ang Aking gawain na may pagkakakilanlan at posisyong ito, nakasalamuha Ko ang ilang tao. Dahil naharap Ako sa ganitong iba’t ibang klase ng mga “talento,” nalaman Kong dalawang salita ang hindi maihihiwalay sa tiwaling disposisyon ng mga tao: ang “kasamaan” at “kabuktutan”—pareho itong nakapaloob dito. Bakit nila Ako pinag-aaralan araw-araw? Bakit hindi sila handang tanggapin ang pagkakakilanlan Ko? Hindi ba’t dahil masyado Akong ordinaryo at normal na tao? Kung nasa anyo sana Ako ng isang espirituwal na katawan, maglalakas-loob ba silang pag-aralan Ako? Hindi sila maglalakas-loob na pag-aralan Ako nang ganito. Kung mayroon Akong katayuan sa lipunan, samahan pa ng mga espesyal na abilidad, ng imahe at anyo ng isang dakilang tao, at isang medyo masama, mapang-api, at walang awang disposisyon, maglalakas-loob ba ang mga taong ito na pumunta sa bahay Ko para imbestigahan at pag-aralan Ako? Siguradong hindi sila maglalakas-loob; iiwasan nila Ako, magtatago sila kapag nakita nilang parating Ako, at siguradong hindi sila maglalakas-loob na pag-aralan Ako, hindi ba? Kung gayon bakit nila nagagawang pag-aralan Ako nang ganito? Ang tingin nila sa Akin ay madaling target. Ano ang ibig sabihin ng madaling target? Ibig sabihin niyon ay masyado Akong ordinaryo. Ano ang ipinahihiwatig ng “ordinaryo.” “Tao Ka lang; paanong Ikaw ang Diyos? Lubos Kang walang kaalaman, pagkatuto, mga kakayahan, talento, at abilidad na dapat mayroon ang Diyos. Paanong kagaya Ka ng Diyos? Hindi Ka Niya katulad! Kaya, mahirap para sa akin na tanggaping Diyos Ka, na sumunod sa Iyo, makinig sa Iyong mga salita, at magpasakop sa Iyo. Kailangang kong mag-imbestigang mabuti: kailangan Kitang bantayan, tingnang mabuti, at huwag Kang hayaang gumawa ng anumang hindi tama.” Ano ang sinusubukan nilang gawain? Kung may katayuan Ako sa lipunan at ilang katanyagan, halimbawa, kung mahusay Akong mang-aawit, at isang araw ay nagpatotoo na Diyos Ako, ang Cristo, hindi ba’t kahit papaano may ilang taong makukumbinsi? Mas kaunti ang bilang ng mga taong pag-aaralan Ako. Ang katunayan lang na ordinaryo, normal, praktikal, at masyadong karaniwan Ako, iyon ang nagbubunyag sa maraming tao. Ano ang ibinubunyag ng mga iyon sa kanila? Binubunyag nito ang kabuktutan nila? Hanggang saan umaabot ang kabuktutang ito? Umaabot ito sa puntong kapag nadaanan Ko sila, pag-aaralan nila Ako nang matagal, na naghahanap ng wangis ng Diyos sa anino Ko, sinusuri kung may mga himalang kasama sa pananalita Ko. Madalas silang naghahaka-haka sa puso nila na, “Saan galing ang mga salitang ito? Mga salita ng karunungan ba ang mga iyon? Parang hindi naman ganoon: Mukhang wala naman Siyang oras mag-aral. Malaki na ang pinagbago Niya nitong mga nakaraang taon; mukhang hindi ito isang bagay na may natutuhan. Kung gayon, saan galing ang mga salitang ito? Mahirap itong maarok; kailangan kong maging maingat,” kaya patuloy silang nag-aral. Ang mga patuloy na nag-aaral ay hindi nakikibahagi, nakikisalamuha, o nakikipag-usap sa Akin nang harapan; lagi silang nagmumuni-muni sa likod Ko, na palaging gustong makakita ng mga kamalian sa mga salita Ko, at makakuha ng kalamangan. Kaya nilang pag-aralan nang ilang araw ang isang pangungusap na hindi naaayon sa mga kuru-kuro nila, at ang bahagyang mahigpit na pananalita ay maaaring bumuo ng kuru-kuro sa kanila. Saan galing ang mga ito? Galing iyon sa mga isip at kaalaman ng mga tao. Anong klaseng mga tao ang mga kayang pag-aralan ang Diyos, na kayang patuloy na gamitin ang mga pag-iisip nila upang maghaka-haka sa Diyos? Pwede bang iuri sila bilang mga taong may buktot na disposisyon? Mismo! Dahil may oras at lakas ka, napakahusay kung kaya mong pagbulayan ang katotohanan! Aling katotohanan ang hindi uubos ng oras para pagbahaginan at pagbulayan? Napakaraming katotohanan na maaaring hindi mo magawang pagbulayan ang lahat ng iyon sa buhay na ito. Napakaraming katotohanan na kailangang maunawaan ng tao. Wala silang anumang pagnanais tungkol sa usaping ito, pero hindi nila kailanman nakakalimutan ang mga panlabas at mababaw na usapin at palaging pinag-aaralan ang mga iyon. Kapag nagsalita na Ako, kumukurap-kurap ang mga mata nila, na tinitingnaan ang hitsura Ko, sinisiyasat ang mga kilos at ekspresyon Ko, at naghahaka-haka sa puso nila na, “Mukha ba Siyang Diyos sa puntong ito? Ang pananalita Niya ay hindi mukhang Diyos, hindi tumutugma ang hitsura Niya. Paano ko Siya maaarok? Paano ko makikita kung ano ang iniisip Niya tungkol sa akin sa kaibutran ng puso Niya? Ano ang iniisip Niya tungkol sa usaping ito at sa usaping iyon? Paano Niya ako binibigyang-kahulugan?” Palagi silang nagkikimkim ng mga kaisipang ito. Hindi ba’t buktot ito? (Oo.) Hindi na ito maliligtas—napakabuktot nito!

Ang isang tunay na tao ay minamahal at hinahangad ang mga bagay na naaayon sa pagkatao, konsensiya, sa normal na pag-iisip ng tao, at sa tunay na buhay, na normal at praktikal na walang pagkabaluktot o hindi kakaiba, hindi abstrak, hindi hungkag, at hindi nangingibabaw. Tungkol sa mga bagay na ito, ang isang normal na tao ay magagawang pahalagahan, wastong pangasiwaan, at tanggapin ang mga bagay na ito nang pangkaraniwan, na tinatrato ang mga iyon bilang positibong bagay. Sa kabaligtaran, ang ilang tao, kapag nakompronta ang mga katotohanang ito na malapit na may kinalaman sa iba’t ibang aspekto ng tunay na buhay tulad ng pagkain, pananamit, tirahan, transportasyon, pag-uugali, at personal na pag-asal, ay minamaliit, binabalewala, at winawalang-bahala ang mga iyon. Anong isyu rito? Problema ito sa mga gusto nila at sa kalikasang diwa. Mas positibo ang isang bagay, mas lalong minamahal ito ng Diyos, isang bagay na gusto Niya, at isang bagay na ginagawa Niya, at mas lalo itong tumutugma sa kalooban ng Diyos na inaasahan Niyang makakamit at tatanggapin ng mga tao, mas lalo itong kinukwestyon, pinag-aaralan, sinasalungat, at kinokondena—hindi ba’t buktot ito? Napakabuktot nito! Ang mga anticristo ay popular sa mga hindi mananampalataya. Kung kasama Ako ng mga hindi mananampalataya, sa pagitan ng mga anticristo at nagkatawang-taong Diyos, alin ang mas handang tanggapin ng mga hindi mananampalataya? (Ang mga anticristo.) Bakit? Ano ang gusto ng mga hindi mananampalataya ang matuwid na tao o ang buktot na tao? (Ang mga buktot na tao.) Gusto ba nila ang mga nambobola at nang-uuto, o ang mga tapat? (Ang mga nambobola at nang-uuto.) Mismo, pinapaboran nila ang mga gayong tao. Kung hindi mo alam kung paano gamitin ang mga taktika para pamahalaan ang iba’t ibang interpersonal na ugnayan sa isang grupo, at hindi mo alam kung paano manipulahin o kontrolin ang iba’t ibang tao sa pamamagitan ng mga estratehiya, matatanggap ka ba ng grupong ito? Kung masyado kang matuwid, palaging nagsasabi ng katotohanan, kayang mong makilatis ang diwa ng maraming isyu, at pagkatapos ay masasabi mo ang mga katotohanang nakikilatis at nauunawaan mo, matatanggap ba ito ng sinuman? Hindi, walang sinuman sa mundong ito ang makakatanggap dito. Sa mundong ito, huwag kang umasang magsalita ng katotohanan—ang paggawa nito ay maghahatid ng gulo o magdudulot ng sakuna. Huwag kang umasang maging isang tapat na tao; walang kinabukasan sa pagiging ganoon. Paano naman ang mga anticristo? Mahusay sila sa pagsasabi ng mga kasinungalingan, bihasang nagpapanggap at pinagaganda ang kanilang sarili, pinagmumukhang maganda, marangal, at may kabutihan, na pinasasamba ang mga tao sa kanila. Mahusay sila sa mga ganitong bagay, at ang tinatamasa nila ay pareho—nasisiyahan sila sa pagtatalakay ng hungkag na kaalaman at pagkatuto, pati na rin ang paghahambing ng mga kaloob at estratehiya. Halimbawa, sa isang kompanya o grupo ng mga tao, ang pagkakaroon ng pinakamataas na kaalaman at pagkatuto ay hindi ang pangunahing bagay, ni ito ang pangunahing bagay sa pagtukoy ng posisyon ng isang tao sa kompanyang iyon. Ano ang pangunahing bagay? (Ang mga estratehiya at talento.) Mismo, ito ay ang mga estratehiya at talento. Kung wala ang mga ito, ang pagtataglay ng malawak na kaalaman ay walang silbi. Halimbawa, ipagpalagay na bumalik ka mula sa ibayong-dagat, at talagang wala kang alam sa mga patakaran sa grupong ito dito. Kung gagamitin mo ang mga panuntunan, patakaran, at prinsipyo para sa pag-asal ng mga kompanya sa ibayong-dagat, hindi ka makakapagpatuloy. Hindi ba’t ganoon iyon? (Oo.) Ganoon iyon. Dapat magkaroon ka ng mga estratehiya, at kailangan mong maging masama at buktot para umangat sa mas mataas na posisyon. Katulad ito ng ilang babae: Kahit na may asawa silang susustento sa kanila, hindi sila kontento. Para maging angat sa iba at magtamo ng katanyagan, pakinabang, at katayuan, umaasa sila sa anumang paraang kinakailangan. Nakikisali pa sila sa pambobola, at kung kinakailangan, nagbibigay ng serbisyo ng escort, na pawang walang bakas ng kahihiyan kalaunan o pagkakonsensiya o pagkakautang sa kanilang mga asawa o pamilya. Kaya mo bang gawin iyon? Kamuhi-muhi iyon sa iyo, at hindi mo iyon magawa. Kaya, paano ka aangat sa mas mataas na posisyon sa kanila? Walang paraan. Ang lahat ng iyon ay magagawa sa pagbebenta ng kaluluwa at paggamit ng iba’t ibang buktot na pamamaraan. Gusto mo ang paraang iyon ng paggawa sa bagay-bagay? (Hindi.) Ngayon ay sinasabi mong ayaw mo ito, pero isang araw kapag nagipit ka na, magugustuhan mo na ito. Kung buong araw kang inaapi at pinahihirapan ka ng mga tao, ginugulo ka, hinahanapan ka ng mali, at gusto kang paalisin, maaaring kailangan mong ibenta ang katawan mo para hindi ka matanggal sa trabaho. Kakailanganin mong matutuhan anumang buktot na panlalansing ginagamit nila, at sa huli, magiging katulad ka lang din nila. Ngayon, mariin mong ipinapahayag na, “Hindi ko gusto ang ganitong uri ng mga taktika. Ayaw kong maging ganoong klaseng tao. Hindi ako ganoong kabuktot. Ayaw kong ipagbili ang katawan ko. Ayaw ko ng pera; sapat na ang may makain at masuot.” Anong klaseng tao ka? Wala kang kwenta. Kung ano ka ay kung paano ka ang ginawang tiwali ni Satanas. Sa tingin mo ba ay kaya mong maging ang panginoon mo mismo. Nagbabago ang mga tao dahil sa kapaligiran, may tiwali silang disposisyon, at hindi mo talaga mapagtagumpayan ang katanyagan, pakinabang, katayuan, pera, at lahat ng klase ng tukso. Kung nasa ganoong kang kapaligiran, hindi mo rin magagawang kontrolin ang sarili mo. Ang entablado ay parang gilingan ngayon para sa mga hindi mananampalataya. Kapag nagiling na ang isang tao, walang paraan para makaligtas. Ngayon, sa pamamagitan ng paggawa mo sa tungkulin mo sa sambahayan ng Diyos, sa pagpoprotekta ng Diyos, at nang walang sinumang nang-aapi sa iyo, kaya mong mapayapang mamuhay sa presensiya ng Diyos. Lubos kang pinagpala, kaya tahimik mo itong tamasahin! Kung hindi mo gagawin nang wasto ang tungkulin mo at maharap ka sa ang kaunting pagpupungos, hindi mo dapat madamang naagrabyado ka. Nakapagtamo ka ng malaking pagpapala; alam mo ba iyon? (Oo.) Sabihin mo sa Akin, para sa mga hindi mananampalataya ano kaya ang pakiramdam na nasa “pang-giling”. Mas mabuti pang mamatay na sila. Ang kaunting pagdurusang tinitiis mo sa sambahayan ng Diyos ay ang dapat tiisin ng mga tao; hindi naman ito pawang napakasakit. Gayunpaman, hindi kontento ang mga tao, at hindi sila handang magsisi gaano man sila pungusan. Pero kapag pinauwi ka, hindi ka handang bumalik sa mga hindi mananampalataya dahil sa tingin mo ay napakasama at napakamali nila. Kapag totoong naharap sila sa kamatayan, ayaw ng mga taong mamatay; pinahahalagahan ng lahat ang buhay at sinusundan ang prinsipyo ng “ang isang masamang buhay ay mas mainam kaysa isang mabuting kamatayan.” Kapag nakita na nila ang kanilang kabaong, umiiyak sila. Alam na ng mga tao ngayon na hindi madaling mabuhay kasama ng mga hindi mananampalataya. Kung gusto mong mabuhay nang may dignidad at kumita batay sa mga abilidad mo, walang ibang paraan para magawa ito. Hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng mga abilidad; kailangan mo ring maging buktot, masama, at mapanira para magtagumpay. Anong mayroon ka? Sinasabi ng ilang tao, “May taglay akong kaunting kabuktutan ngayon, pero hindi ganoon kasapat na kasamaan.” Madali lang iyon. Ilagay mo ang sarili mo sa “gilingan,” at wala pang isang buwan, magiging masama ka na. Kung mabuting tao ka, gusto nilang patayin ka; pinatatawad mo sila, pero hindi ka nila patatawarin, kaya kailangan mo silang labanan para mabuhay. Kapag naging masama ka na, wala nang atrasan, at magiging diyablo ka na rin. Ganito nabubuo ang kabuktutan. Ang mundo ng mga hindi mananampalataya ay napakadilim at buktot. Paano makakalaya sa satanikong impluwensiya ng kadiliman at kabuktutan ang mga tao? Kailangan nilang maunawaan ang katotohanan para makamit ang kaligtasan. Ngayong nananampalataya ka sa Diyos, kung gusto mong maligtas at mapalaya sa impluwensiya ni Satanas, hindi ito simpleng bagay. Dapat mong matutuhang magpasakop sa Diyos, magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso, makilatis ang maraming bagay, and bukod pa roon ang mga prinsipyo mo ng pag-asal ay dapat na sa isang banda ay may karunungan at sa kabilang banda ay hindi sinasalungat ang Diyos. Gayundin, huwag kang palaging nagsisikap para sa katanyagan at pakinabang, o palaging naghahanap na matamasa ang mga kapakinabangan ng katayuan. Ang makakain lang nang sapat at hindi mamatay sa gutom ay sapat na. Kailangan mong magdasal sa Diyos, na hinihingi na ipagkaloob ang biyaya sa ganitong paraan, para mapagkalooban ng proteksyon. Kung palagi kang nagkikimkim ng magagarbong pagnanais, hindi iyon makatwiran, at hindi diringgin ng Diyos ang mga panalangin mo.

Tungkol sa buktot na kalikasan ng mga anticristo, pangunahin nating pinagbabahaginan ngayon ang ikatlong pagpapamalas, na siyang ang sinasamba ng mga anticristo. Ano ang sinasamba ng mga anticristo? (Ang kaalaman at pagkatuto.) Ang kaalaman at pagkatuto, at isa pang bagay rin—ang mga talento. Ano ang kasama sa kaalaman at pagkatuto? Kasama sa mga iyon ang makikita sa mga aklat na pinag-aaralan sa mundo, ang mga karanasang nakamit sa mga kaalamang may kinalaman sa mga industriya, pati na rin ang iba’t ibang paglilimita, panuntunan, at patakarang ipinangangaral sa lipunan tungkol sa moralidad, pagkatao, pag-uugali, at iba pa. Dagdag pa rito, kasama rin sa mga iyon ang kaalaman mula sa iba’t ibang larangan ng siyensiya. Halimbawa, hindi naniniwala ang ilang tao sa reenkarnasyong sinabi sa mga salita ng Diyos. Pero kung isang araw ay natuklasan sa siyentipikong pananaliksik na may kaluluwa ang mga tao dahil, pagkamatay nila, ay may umaalis sa katawan nila, at bumababa nang ilang sukat ang timbang ng isang tao, na posibleng timbang ng kaluluwa, maaaring na silang maniwala rito. Gaano man magsalita ang Diyos, hindi sila naniniwala, pero kapag sinukat ng mga siyentipiko ang isang bagay batay sa timbang, naniniwala sila rito. Nagtitiwala lamang sila sa siyensiya. Naniniwala lamang ang ilang tao sa bansa, gobyerno, at mga paliwanag na may kinalaman sa impormasyon, teorya, at mga kilalang tao. Ang mga ito lamang ang pinagkakatiwalaan nila. Hindi nila siniseryoso ang mga salita, pagtuturo, paggabay, o mga pagbikas ng Diyos. Pero sa sandaling marinig nilang nagsasalita ang isang sikat na tao, tinatanggap nila agad ang mga iyon at sinasamba pa nga nila at ipinapalaganap ang kanilang mga salita. Halimbawa, sinabi ng Diyos na ang manna na Kanyang ipinadala sa mga tao araw-araw ay hindi pwedeng itago at kainin kinabukasan dahil hindi na ito sariwa, pero hindi sila naniwala sa mga salita ng Diyos. Inakala nila, “Paano kung hindi na magpadala ng manna ang Diyos, at magutom tayo?” Kaya, humanap sila ng paraan para mangolekta at itago ito. Kinabukasan ay nagpadala ng manna ang Diyos, at nagpatuloy silang kolektahin ito. Nang ikatlong araw ay ipinadala ng Diyos ang manna, at nangolekta pa rin sila. Pare-parehong mga salita ang sinabi ng Diyos bawat araw, at patuloy silang kumilos sa paraang salungat sa itinagubilin sa kanila ng Diyos. Hindi sila kailanman naniwala o nakinig sa mga salita ng Diyos. Isang araw, may isang siyentipikong nagsaliksik at nagsabing, “Kung hindi kakainin ang manna sa araw ring iyon at itatabi para sa kinabukasan, kahit na mukhang bago ito sa labas, may mga mikrobyo ito na pwedeng magdulot ng sakit sa tiyan kapag kinain.” Magmula noon, tumigil na sila sa pangongolekta. Para sa kanila, mas matimbang ang isang pahayag mula sa isang siyentipiko kaysa sampung pahayag na mula sa Diyos. Hindi ba’t buktot ito? (Oo, buktot ito.) Sa salita lang nila kinikilala ang mga salita ng Diyos, at kinikilala nila ang Diyos, sumusunod sa Diyos, at hinihiling na makatanggap ng mga pagpapala mula sa Diyos. Kasabay nito, tinamasa nila ang biyaya at mga pagpapalang ibinigay ng Diyos, na nilalasap ang pag-aalaga at proteksyon ng Diyos, pero hiwalay roon, hindi sila nakinig sa kahit isang pangungusap na sinabi ng Diyos, sa itinagubilin, iniutos, o iniatas Niya sa kanilang gawin nila. Kapag ang isang marunong at maalam na tao na may awtoridad at posisyon ang nagsabi ng isang bagay o nagbigkas ng isang panlilinlang, tinatanggap nila ito agad, tama man ito o mali. Anong nangyayari rito? Buktot ito, nakapabuktot! Halimbawa, sinabi Ko sa ilang tao na huwag kumain ng kamote kasabay ng mga itlog, dahil pwede itong magdulot ng pagkalason sa pagkain. Saan nakabatay ang pahayag Ko? Hindi Ko ito gagawa lamang; may ilang mga kaso ng pagkalason sa pagkain dahil sa pinagsabay itong kainin. Pagkatapos itong marinig, anong magiging reaksyon ng isang normal na tao? Iisipin niya, “Sa hinaharap, hindi na ako kakain ng mga itlog kapag may mga kamote ako, hindi magkasabay sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras.” Seseryosohin nila ito at babaguhin ang nakasanayan nilang pagkain. Gayunpaman, hindi ito paniniwalaan ng mga tao. Sasabihin nilang, “Nalason dahil magkasabay kinain ang itlog at kamote? Imposible iyon. Kakainin ko nang sabay ang mga iyon, at tingnan Mo kung malalason ako o hindi!” Anong klaseng tao ito? (Buktot ito.) Sa tingin Ko ay ubod ng sama ang taong ito! Sinasabi Ko ang bagay na ito, pero iginigiit nilang kainin ang mga iyon nang sabay; hindi ba’t ubod ng sama ito? Partikular nilang sinasalungat, kinokontra, at nilalabanan ang kung ano ang tama, wasto, at positibo—buktot ito. Pinahahalagahan ng tiwaling sangkatauhan ang kabuktutan at kapangyarihan. Anumang ilabas na panlilinlang ng mga diyablo at Satanas, walang pag-aatubili itong tatanggapin ng mga tao, samantalang nagpapahayag ng maraming katotohanan ang Diyos, pero ayaw ng mga taong tanggapin ang mga iyon at gumagawa pa nga sila ng maraming kuru-kuro. Narito pa ang isang halimbawa. Sa maraming liblib na lugar sa Estados Unidos, may mga primitibong kagubatan kung saan madalas gumagala ang mga mababangis na hayop. Ipinapayo na magkaroon ng kasama kapag lalabas, at pinakamabuting huwag nang lumabas sa gabi maliban na lang kung kinakailangan. Kung kailangan mong lumabas, kailangan mong mag-ingat, lumabas kang may kasama, o magdala ng sandatang pamprotekta sa sarili—mas mabuti nang ligtas kaysa magsisi. Sinasabi ng ilang tao, “Walang mangyayari; poprotektahan ako ng Diyos.” Hindi ba’t panunukso ito sa Diyos? Ang pag-iingat ang dapat gawin ng mga tao. May ulo, puso, at espiritu ka, kung gayon bakit mo iginigiit ang pagpoprotekta ng Diyos? Huwag mong tuksuhin ang Diyos. Gawin mo ang dapat mong gawin. Kung nagkataong may nakaharap kang mabangis na hayop na hindi kayang harapin maski ng isang grupo ng apat o limang katao pa, pwedeng makaligtas ka pa rin—pagpoprotekta iyon ng Diyos. May ilang tao nang talagang nakakita ng mga asong-lobo at narinig nang umatungal ang mga asong-lobo at oso, na nagpapatunay na may mga ganitong nabubuhay na mababangis na hayop. Kaya, kapag sinabi Kong huwag nang lumabas sa gabi dahil madali lang may makakaharap na mga mababangis na hayop, gagawa Ko lang ba ang mga ito? (Hindi.) Hindi Ko sinusubukang takutin ang mga tao. Pagkatapos itong marinig ng ilang tao, sinasabi nilang, “Dapat akong mas mag-ingat. Hahanap ako ng makakasama kapag lalabas, o magdadala ako ng sandatang pananggalang, kung sakaling may makaharap akong mababangis na hayop.” Pagkarinig dito ng ilang tao, siniseryoso nila ito, naniniwala at tinatanggap nila ito, at isinasagawa nila ang sinabi ko. Ito ay isang simpleng pagtanggap; wala nang mas dadali pa rito. Gayunpaman, mayroon isang klase ng taong tumatangging makinig. Sinasabi niya, “Bakit hindi pa ako nakakita ng isang mabangis na hayop? Nasaan ang mga iyon? Hayaan mong lumabas kahit isa; haharapin ko ito at tingnan natin kung sino ang mas mabangis. Anong nakakatakot sa mababangis na hayop? Mga kimi kayong may maliliit na pananampalataya. Tingnan ninyo ang pananampalataya ko; hindi ako takot sa mga oso!” Sinasadya nilang lumabas nang sila lang, palakad-lakad nang walang dahilan. Pagkatapos kumain, kailangan nilang lumakad sa labas at iginigiit na lumabas mag-isa. Kapag iminungkahi ng iba na humanap ng makakasama nila, isinasagot nila na, “Hindi na, bakit ko kailangan ng kasama? Pagmumukhain akong walang saysay ng kasama ko! Ako na lang mag-isa ang lalabas!” Kailangan nilang subukan ito. Anong klaseng tao ito? Huwag na nating pag-usapan kung may makakaharap ba silang mababangis na hayop o wala; hindi ba’t may problema sa kanilang saloobin pagdating sa mga usaping ito? (Oo, mayroon.) Anong problema? (Buktot ang disposisyon ng gayong tao.) Subukan mong makipag-usap sa kanila tungkol sa mga seryosong usapin, at tatratuhin nila itong katatawanan. May dahilan pa ba na makipag-usap sa ganitong tao? Mas malala pa sa mga hayop ang ganitong mga tao; hindi na kailangang pag-aksayahan pa sila ng panahon.

Katatalakay natin ngayon lang ng tungkol sa katunayan na ang mga taong may buktot na disposisyon ng mga anticristo ay masyadong sensitibo sa kaalaman, pagkatuto, mga kahusayan, at ilang espesyal na talento; partikular nilang hinahangaan at pinahahalagahan ang mga may espesyal na talento; at talagang hangang-hanga at sumusunod sila sa sinasabi ng mga gayong tao. Ano ang saloobin nila sa karaniwang kaalaman, kabatiran, at tunay na pagkatuto na kapaki-pakinabang sa mga tao at na mga kailangang taglayin ng mga may normal na pagkatao, o ang mga praktikal at positibong bagay na naaarok ng normal na kaisipan ng tao? Hinahamak nila ang mga iyon, hindi binibigyang-pansin. Tuwing pinagbabahaginan sa mga pagtitipon ang mga salita at katotohanang ito, anong ginagawa nila? Nagkakamot sila ng ulo, nakapikit ang mata, mukhang manhid at mapupurol ang utak, at ang iba ay mukhang blangko ang utak. Habang mas lalong tinatalakay ng sambahayan ng Diyos ang mga seryosong usapin, lalo silang hindi nagiging interesado. Habang mas lalo itong nagbabahagi tungkol sa katotohanan, mas lalo silang inaantok at nakakatulog. Kitang-kitang na wala man lang interes ang mga taong ito sa katotohanan. Hindi ba’t hindi na matutubos ang mga walang pananampalatayang ito? Gustong-gusto ng ilang tao sa relihiyon na makinig sa iba na nagsasalita sa mga wika o nakakasaksi ng mga kakaibang bagay, at sumisigla agad ang espiritu nila kapag nakakakita sila ng mga kamangha-manghang bagay. Kapag nakikita Ako ng ilang tao, gustong-gusto nilang sabihin na, “Nagtapos ako ng bachelor’s degree at nag-major sa pilosopiya. Anong pinag-aralan Mo?” Sinasabi Ko na, “Wala Akong pinag-aralang kahit anong partikular na paksang-aralin; kaya Ko lang maunawaan ang ilang karakter at magbasa ng mga aklat.” Sinasabi nila, “Kung ganoon, hindi Ka nakaabot sa pamantayan.” Sumasagot Ako na, “Walang silbi ang paghahambing rito, pero magbahaginan tayo nang saglit—may mga pinagdadaanan ka ba ngayon?” Paano sila sumasagot? “Hmmp, anong pinagdadaanan ko? Wala akong pinagdadaanan. Napakaayos kong nagagawa ang mga tungkulin ko!” Kapag ibinabahagi Ko sa kanila ang tungkol sa katotohanan, nawawalan sila ng interes, humihikab at naluluha sila, na parang sinasapian ng multo. Kung magpapatuloy Ako para ilantad ang kanilang tiwaling disposisyon, nagmamadali sila at basta na lang umaalis, ayaw nilang makinig. Habang mas sinusubukan Kong makipagsabayan at makipag-usap sa kanila, mas hinahamak nila Ako. Hindi ba’t kabiguan itong pahalagahan ang kabutihang-loob? May isang taong marunong magmaneho. Tinanong Ko siya, “Ilan taon ka nang nagmamaneho?” Sinabi niya, “Bumili ako ng kotse pagkatapos kong magtrabaho sa loob ng dalawang taon pagkatapos sa kolehiyo.” Sinaabi Ko, “Kung ganoon, ilan taon ka na ring nagmamaneho. Hindi Ko pa rin alam kung paano magmaneho.” Hindi ba’t pakikitungo ito nang pantay? Hindi ba’t pag-uusap ito ng mga taong may normal na pagkatao? (Oo, ganoon nga.) Pagkarinig dito, sinabi niya, “Ha? Hindi Ka pa rin marunong magmaneho? Kung ganoon anong kaya Mong gawin?” Sinabi Ko, “Wala Akong masyadong kayang gawin. Ang pagsakay lang sa kotse ang alam Ko.” Tinanong Ko siya, “Anong tungkuling ginagawa mo ngayon?” Sinabi niyang, “Nagtatrabaho ako sa finance at accounting. Puno ng numero ang utak ko. Noong nasa kolehiyo ako, napakahusay ko sa matematika at pinakamagaling sa mga siyensiya. Pwede akong makapasok sa Unibersidad ng Tsinghua o Peking.” Sinabi Ko, “Mapurol Ako sa matematika. Sumasakit ang ulo Ko sa numero. Mas gusto Kong pag-aralan ang mga salita, matuto ng mga bokabolaryo, mga katulad niyon.” Sinabi niya, “Walang saysay na matutuhan iyan. Ang mga taong pinag-aaralan ang liberal arts sa pangkalahatan ay mga walang kinabukasan.” Tingnan ninyo ang sinabi niya. May normal na katwiran ba ng tao rito? (Wala.) Nang makipag-usap at makisalamuha ako sa kanya sa mahinahon at magiliw na paraan, nabigo siyang gawin nang tama ang bagay na ito. Sa halip, hinamak at minaliit niya Ako. Kung may nakaharap siyang isang taong may katayuan o kaalaman, maaaring mag-iba ito. Pagkatapos magkasamang mag-usap nang kaunting panahon, mararamdaman na niyang, “Naging pamilyar na ako sa Diyos, nakakwentuhan ko Siya, at nakipagkasundo ako sa Kanya.” Aakalain niyang may kaunting kapital na siya ngayon. Kasunod nito, magbabago na ang tono niya. Kapag tinanong Ko siya, “Narinig Kong may isang ayaw nang gawin ang mga tungkulin niya at gusto nang umuwi. Umuwi na bang ang taong iyon?” Sumagot siya na, “Ah, ang taong iyon? Hindi niya binalak na umuwi!” Anong klaseng tono ito? Nagbago na ba ito? Noong una Ko siyang makilala, nadama niyang hindi niya Ako matimbang: magalang at umaasal siya nang maayos, na nagpapakumbaba. Ngayong mas pamilyar na siya, may kumpiyansa na siya. Anong klaseng tono ito? Sa kanyang pakikipag-usap sa Akin, mayroon na siyang kaunting pagtanggi, kawalan ng paggalang, pagbalewala, at saloobin ng pangmamaliit at pagmamataas. Anong klaseng disposisyon ito? Kabuktutan ito. Isa ba itong may normal na pagkatao? (Wala.) Kaya ng isang ordinaryo, normal na taong makipag-usap at makipagkwentuhan sa iyo nang normal—ito ang pinakanormal na bagay. Kung aapihin ka nila, sisiilin ka, o mamaliitin ka, anong pakiramdam mo? Ang pagtrato ba sa iyo nang ganito ay nagpapakita ng anumang normal na pagkatao sa kanila? Sabihin ninyo sa Akin, kung ang isang taong gaya nito ay nakaharap ang isang taong kilala sa mundo, isang taong may katayuan at reputasyon, o ang kanilang amo o superyor, maglalakas-loob ba silang harapin sila nang ganito? Hindi sila maglalakas-loob. Masigasig silang yuyuko, dahil tinuturing nilang mas mababa sila, mababa ang ranggo, isang lingkod, mapagkumbabang tao, karaniwan, o plebeyo sila at nakikipag-usap sila sa mga taong ito. Sa mga hindi mananampalataya, ang matataas na opisyal ay sinusupil ang mga tao, at dahil hindi ka kilala, sinong makikipag-usap sa iyo nang mahinahon at magiliw? Kahit na makipag-usap sila sa iyo paminsan-minsan kapag masaya sila; wala silang pagpapahalaga sa iyo; itinuturing ka nilang mas mababa sa tao, binabalewala ka nang walang dahilan. Kapag nagsalita at nakipagkwentuhan Ako sa taong ito sa isang mahinahon at magiliw na paraan, bukod sa hindi Ako nakakatanggap ng positibong tugon, hinahamak, minamaliit, minamata, at kinukutya rin Ako. Dahil ba may mali sa paraan ng pakikisalamuha Ko sa taong iyon o may problema sa disposisyon niya? (Ito ay dahil sa ang disposisyon ng taong ito ay masyadong mapagmataas.) Tama, matagal Ko nang iniisip iyon. Pareho ang trato Ko sa lahat, kaya bakit tumutugon ang iba nang tama, samantalang ang iba ay hindi? Sa pangkalahatan pwedeng hatiin ang mga tao sa dalawang kategorya: Ang mga may pagkatao na alam kung paano respetuhin ang iba, maunawaan ang kanilang relasyon sa Diyos, at alam kung sino sila, at ang mga buktot at mapagmataas, na walang kamalayan sa sarili. Sabihin ninyo sa Akin, anong tawag sa isang bagay na nakasuot ng balat ng tao pero hindi naman alam kung sino siya? Iyon ay isang hayop na walang pagkamakatwiran. May ibang pagkakataong tinanong Ko siya, “Anong nangyari sa isang bagay na ibinilin Kong asikasuhin mo ilang araw na ang nakakalipas? Inasikaso mo ang mga iyon?” Sumagot siya na, “Anong sinasabi Mo?” Sinabi Ko, “Iyong ilang bagay, inasikaso mo ba ang mga iyon? Naasikaso ba ang mga iyon?” Dalawang beses Ko siyang pinaalalahanan, at sa wakas ay naalala niya, “Ah, ang mga iyon ba ang sinasabi Mo? Matagal nang naasikaso ang mga iyon.” Anong klaseng tono ang ipinababatid ng unang salitang ito na, “Ah”? Muli tono ito ng pagkasuklam, lumalabas na naman ang kanyang maladiyablong kalikasan. Hindi pa rin nagbabago ang kalikasan niya; miserable pa rin siya. Patuloy Ko siyang tinanong kung paano niya ito inasikaso, at sumagot siya na, “May ilang tao na tiningnan ito at inasikaso ito nang ganoon,” nang wala nang higit pang detalye. Kung sinubukan Kong magtanong pa ng detalye, kahit na abalahin Ko pa sila, wala Akong mapapala. Inutusan Ko siyang asikasuhin ang isang gawain; wala ba Akong karapatang makaalam ng detalye? (Tama.) Kung gayon, ano ang responsabilidad niya? Pagkatapos tanggapin ang tungkulin mula sa Akin, hindi ba niya kailangang mag-ulat kung paano niya ito inasikaso? (Kailangan.) Pero hindi siya nag-ulat, at wala akong nakukuhang balita sa simula hanggang sa wakas. Makakapagpadala lang ako ng isang tao parang magtanong kung paano inasikaso ang bagay na ito, pero ganoon pa rin, wala pa ring tugon. Sa puso Ko, inisip Ko, “Sige, tatandaan kita. Hindi ka mapagkakatiwalaan. Hindi Ko maipagkakatiwala ang kahit na ano sa iyo. Masyado kang walang kredibilidad!” Anong klaseng diyablo ito? Ano ang disposisyon ng gayong tao? Kabuktutan. Kung tatratuhin mo siya bilang kapantay, mahinahong tatalakayin ang bagay-bagay sa kanya, at susubukang maging palakaibigan, paano niya ito tinitingnan? Nakikita niya ito bilang kawalang kakayahan at kahinaan mo, bilang pagiging sunud-sunuran mo. Hindi ba’t kabuktutan ito? (Oo, ganoon nga.) Ito ay lubos na kabuktutan. Bagama’t hindi laganap ang ganitong buktot na tao, umiiral sila sa bawat iglesia. Pinatigas na ang puso nila, mapagmataas, tutol sa katotohanan, at mabagsik ang mga disposisyon nila. Ang mga mismong disposisyon at pag-uugaling ito ang nagpapatunay na buktot ang mga taong ito. Bukod sa ayaw nila ang mga positibong aspekto ng normal na pagkatao, gaya ng kabutihan, pagpaparaya, pasensiya, at pag-ibig, sa kabaligtaran ay nagkikimkim sila ng diskriminasyon at pang-aalipusta sa puso nila. Ano ang nasa kaibuturan ng puso ng mga gayong tao? Kabuktutan. Labis silang buktot. Ito ang isa pang pagpapamalas ng kabuktutan ng mga anticristo.

Ngayon, ang nilalaman ng ating pagbabahagi tungkol sa mga buktot na pagpapamalas ng mga anticristo ay medyo naiiba mula sa naunang dalawang pagbabahagi, at binibigyang-diin ng bawat isa ang isang aspekto. Sabihin ninyo sa Akin, sa kaibuturan ng puso ng mga anticristo, pinapahalagahan nila ang kaalaman, pagkatuto, mga kakayahan, at espesyal na talento—may malalim silang pagpapahalaga sa mga bagay na ito—kaya, may tunay ba silang pananampalataya sa Diyos? (Hindi, wala.) Maaaring sabihin ng ilan na paglipas ng panahon maaaring magbago sila. Magbabago ba sila? Hindi, hindi sila magbabago, hindi nila kaya. Nasa kalikasan nila ang hamakin ang pagpapakumbaba at pagiging tago ng Diyos, ang Kanyang tunay na pagmamahal, ang Kanyang katapatan, at Kanyang awa at malasakit para sa sangkatauhan. Ano pa? Hinahamak nila ang pagiging normal at praktikal ng pamumuhay ng Diyos kasama ng mga tao at, bukod pa rito, kinukutya nila ang lahat ng katotohanang walang kinalaman sa kaalaman, pagkatuto, siyensiya, at mga kahusayan. Pwede bang maligtas ang mga gayong tao? (Hindi, hindi pwede.) Bakit hindi sila pwedeng maligtas? Dahil hindi ito panandaliang pagpapakita ng kanilang ilang tiwaling disposisyon; pagpapakita ito ng kanilang kalikasang diwa. Gaano man sila payuhan ng iba o gaano mang katotohanan ang ibahagi sa kanila, wala sa mga ito ang makakapagbago sa kanila. Hindi ito isang pansamantalang libangan, kundi isang malalim na pangangailangan sa loob nila para sa mga ito. Dahil mismo sa kailangan nila ng kaalaman, pagkatuto, mga kahusayan, at espesyal na talento, tinutulutan sila nitong pahalagahan ang mga ito. Anong ibig sabihin ng pagpapahalaga? Nangangahulugan itong handang sumunod at kamtin ang mga ito anuman ang kabayaran, iyon ang ipinahihiwatig ng pagpapahalaga. Alang-alang sa pagkamit sa mga ito, handang silang magtiis ng pagdurusa at magbayad ng anumang halaga upang kamtin ang mga iyon, dahil ito ang mga pinahahalagahan nila. Sinasabi pa nga ng ilan, “Anumang ipagawa sa akin ng Diyos ay ayos lang. Kaya kong mapalugod ang Diyos, basta’t hindi Niya hinihinging hangarin ko ang katotohanan.” Umaasa sila rito. Hindi kailanman tatanggapin ng mga taong ito ang mga salita ng Diyos bilang ang katotohanan; kahit na mahinahon silang makinig doon sa mga sermon at magbasa ng mga salita ng Diyos, ang nakakamit nila sa mga ito ay hindi ang katotohanan. Ito ay dahil palagi nilang ikinukumpara ang mga salita ng Diyos sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao, pinag-aaralan ang mga salita ng Diyos gamit ang mga teolohikal na kaalaman, kaya nagiging imposibleng matamo nila ang katotohanan. Umaasa silang magkamit ng kaalaman, pagkatuto, at ilang uri ng impormasyon o hiwaga mula sa mga salita ng Diyos—isang klase ng kaalamang inaasam at hinahanap nila, na hindi alam ng mga tao. Pagkatapos matamo ang kaalamang ito na hindi alam ng mga tao, nagpapakitang-gilas sila, walang saysay silang umaasa na mapalakas at mapaganda ang sarili nila gamit ang pagkatuto at kaalamang ito at gawin ang kanilang mga sariling mabuhay nang mas kagalang-galang, kasiya-siyang buhay, para magkaroon ng higit pang prestihiyo, katayuan, at kredibilidad sa mga tao, para mas sambahin pa sila ng mga tao. Kaya, walang kapaguran nilang ipinagmamalaki ang tungkol sa isang makabuluhang bagay na kanilang nagawa, ang tungkol sa mga bagay na itinuturing nilang maluwalhati, pati na rin ang mga bagay na sa paniwala nila ay kahanga-hanga, na maipagyayabang nila at magagamit para maipakitang-gilas ang kanilang kakayahan mismo at pagiging natatangi. Saanman sila pumunta, ipinangangaral nila ang mga pare-parehong teorya. Gaano man magbasa ng mga salita ng Diyos o dumalo sa mga pagtitipon at makinig sa mga sermon ang mga taong ito, hindi nila mauunawaan ang katotohanan. Kahit na makaarok pa sila ng kaunting katotohanan, siguradong hindi nila ito isasagawa. Ito ang diwa ng mga gayong tao, at ito ay isang bagay na hindi kayang baguhin ninuman. Ito ay dahil likas na pinagkalooban sila ng isang bagay na wala sa iba, at ang minamahal nila ay may kinalaman sa kanilang likas na buktot na diwa—ito ang kanilang nakakamatay na kahinaan. Nakatakda silang huwag tanggapin ang katotohanan, nakatakda silang sumunod sa landas ni Pablo, at nakatakdang salungatin ang katotohanan at ang Diyos hanggang sa wakas. Bakit ganoon? Dahil hindi nila minamahal ang katotohanan; hindi nila ito kailanman tatanggapin.

Naranasan ninyo na ba ang kabuktutan ng mga anticristo? May ganitong bang mga tao na nakapaligid sa inyo? Nakaugnayan ninyo na ba ang mga gayong tao? Bakit tayo gumugol ng oras sa ilang pagtitipon na tinatalakay ang paksang ito? Karaniwan, kapag pinag-uusapan ng mga tao ang pagkilala sa kanilang sarili, madalas Kong naririnig na binabanggit nila ang mga disposisyon ng pagmamataas, pagmamagaling, at panlilinlang. Gayunpaman, madalang na marinig ang mga taong pinag-uusapan ang kabuktutan. Ngayon, habang pinagbabahaginan natin ang buktot na disposisyon, madalas kong marinig na sinasabi ng mga tao na ang disposisyon ng isang tao ay buktot. Para bang may kaunti na kayong nauunawaan. Dati, kapag pinag-usapan ng mga tao ang tungkol sa pagkilala sa sarili, palagi nilang sinasabi ang pagmamataas. Kung titingnan ito ngayon, aling disposisyon ang mas matindi, pagmamataas o kabuktutan? (Ang kabuktutan.) Tama. Dati, hindi nababatid ng mga tao ang tindi ng problema sa kabuktutan. Sa katunayan, ang disposisyon at diwa ng kabuktutan ay mas matindi kaysa pagmamataas. Kung ang disposisyon at diwa ng isang tao ay lubhang masama, sasabihin Ko sa iyo, kailangan mong iwasang makipag-ugnayan sa kanya—lumayo ka sa kanya. Hindi tatahakin ng mga gayong tao ang tamang landas. Anong mga pakinabang ang makakamit mo sa pakikihalubilo at pagpapanatili ng ugnayan sa mga taong buktot? Kung walang mga pakinabang, pero may “antibodies” ka para labanan ang kabuktutan nila, maaari kang makisalamuha sa kanila. Nakakasigurado ka ba rito? (Hindi.) Bakit mo kailangang iwasang makisalamuha sa mga gayong tao kung hindi ka nakakasiguro? Dahil sa likod ng kabuktutan, may dalawa pang ibang bagay—ang katusuhan at panlilinlang. Karamihan sa mga taong walang pagkaunawa sa katotohanan at walang karanasan at kabatiran ay madaling mailigaw. Magagapi ka lang nila, at sa huli, nagiging bihag ka nila. Pwedeng mangyari ang pagbihag nila sa dalawang paraan: Pwedeng hindi mo sila matalo, at hindi ka kumbinsido sa puso mo, pero dahil sa pangangailangan, kailangan mong magpasailalim sa kanila sa salita; o, may isa pang paraan kung saan ikaw ay ganap nilang nagapi. Ito ay dahil sa may isang bagay na hindi alam ng mga tao sa buktot na kalikasan ng mga anticristo: Kaya ng mga anticristo na gumamit ng iba’t ibang pamamaraan, pananalita, kaparaanan, estratehiya, paraan, at panlilinlang para kumbinsihin kang makinig sa kanila, para paniwalain kang tama, wasto, at positibo sila, at kahit na gumagawa sila ng kasamaan, at nilalabag ang mga katotohanang prinsipyo, at sa huli ay nagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon, iibahin nila ang bagay-bagay at papaniwalain ang mga taong tama sila. May ganito silang abilidad. Ano itong abilidad na ito? Ito ay ang labis na mapanlihis. Ito ang kabuktutan nila, masyado silang mapanlinlang. Sa puso nila, ang mga bagay na gusto nila, ayaw nila, tutol sila, at pinapahalagahan at sinasamba ay nabubuo dahil sa mga baluktot na pananaw. May mga teorya sa mga pananaw na ito, na lahat ay mapanlilang na pagkukunwari na mahirap pabulaanan ng mga ordinaryong tao dahil hindi nila tinatanggap man lang ang katotohanan at pwede pang maglahad ng mga kumplikadong argumento para sa mga kamalian nila mismo. Kung walang katotohanang realidad, hindi mo sila makukumbinsi sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katotohanan sa kanila. Ang pinakaresulta nito ay gagamitin nila ang kanilang mga hungkag na teorya para pabulaanan ka, na wala kang maisagot, hanggang sa unti-unti kang susuko sa kanila. Ang kabuktutan ng gayong mga tao ay matatagpuan sa katunayang masyado silang mapanlinlang. Malinaw na, wala silang saysay at ginugulo ang lahat ng tungkuling ginagawa nila; pero, sa huli, kaya pa rin nilang mailigaw ang ilang tao na sambahin sila, na “yumuyuko” sa kanilang mga paa, at pasunurin ang mga tao sa kanila. Ang ganitong klaseng tao ay kayang gawing tama ang mali, na maging puti ang itim. Kaya nilang baligtarin ang katotohanan at kasinungalingan, isisi sa iba ang mga pagkakamaling ginawa nila, at kunin ang papuri para sa mabubuting gawa ng iba na parang sila ang gumawa. Sa paglipas ng panahon, nalilito ka na, hindi mo alam kung sino ba talaga sila. Kung huhusgahan sa kanilang mga salita, kilos, at anyo, maaaring isipin mo, “Ekstraordinaryo ang taong ito; hindi tayo maikukumpara sa kanila!” Hindi ba ito nakakalihis? Ang araw na malilinlang ka ay ang araw na manganganib ka. Hindi ba’t masyadong buktot talaga ang ganitong klase ng tao na inililigaw ang iba? Sinumang nakikinig sa mga salita nila ay pwedeng mailigaw at guluhin, na mahihirapang makabangon muli ng ilang panahon. Kaya silang kilatisin ng ilang kapatid at makitang mga nagliligaw ang mga taong ito, kaya nilang ilantad ang tanggihan ang mga ito, pero ang mga nailigaw na ay maaaring ipagtanggol pa sila, na sinasabing, “Hindi, hindi patas ang Diyos sa kanya; dapat akong manindigan para sa taong ito.” Anong problema rito? Malinaw na nailigaw na sila, pero ipinagtatanggol at binibigyang-katwiran nila ang nagligaw sa kanila. Hindi ba’t ang mga taong ito na nananalig sa Diyos ay sumusunod lang sa mga tao? Sinasabi nilang nananalig sila sa Diyos, pero bakit nila sinasamba ang taong ito at ipinagtatanggol nila? Kung hindi nila matukoy ang gayong halatang bagay, hindi ba’t nailigaw na sila sa ilang antas? Nailigaw na ng anticristo ang mga tao hanggang sa punto na hindi na sila mukhang tao o may kaisipang sumusunod sa Diyos; sa halip, sinasamba at sumusunod sila sa anticristo. Hindi ba’t ipinagkakanulo ng mga taong ito ang Diyos? Kung nananalig ka sa Diyos, pero hindi ka pa Niya natatamo, at nakamit na ng anticristo ang puso mo, at buong puso kang sumusunod sa kanila, pinatutunayan nitong naagaw ka na nila mula sa sambahayan ng Diyos. Sa sandaling lumayo ka mula sa pangangalaga at proteksyon ng Diyos, mula sa sambahayan ng Diyos, kaya kang manipulahin ng anticristo at paglaruan ka ayon sa gusto nila. Pagkatapos ka nilang paglaruan, ayaw na nila sa iyo, at magpapatuloy silang iligaw ang iba. Kung patuloy kang makikinig sa mga salita nila at may halaga pa ring silang mapapakinabangan, maaaring hayaan ka pa nilang sumunod nang kaunti pa. Gayunpaman, kung wala na silang nakikitang mapapakinabangan sa iyo, hindi ka na nila pahahalagahan, pagkatapos ay itatapon ka na nila. Makakabalik ka pa rin ba sa pananalig sa Diyos? (Hindi.) Bakit hindi ka na pwedeng manalig pa? Dahil wala na ang naunang pananampalataya mo; naglaho na ito. Ganito inililigaw at pinipinsala ng mga anticristo ang mga tao. Ginagamit nila ang kaalaman at pagkatuto na sinasamba ng mga tao, kasama ng kanilang mga kahusayan, para iligaw at kontrolin ang mga tao, gaya ni Satanas na iniligaw sina Adan at Eba. Anuman ang kalikasang diwa ng anticristo, anuman ang gusto, kinamumuhian, at pinapahalagahan nila sa kanilang kalikasang diwa, iisa lang ang sigurado: Ang gusto nila at ang ginagamit nila para iligaw ang mga tao ay salungat sa katotohanan, walang kinalaman sa katotohanan, at kontra sa Diyos—ito ang sigurado. Tandaan ninyo ito: Hindi kailanman aayon ang mga anticristo sa Diyos.

Sabihin ninyo sa Akin, aling mga tao ang nagpapakita ng mga tanda at marka ng kabuktutan ng mga anticristo? (Ang mga taong may mga kaloob.) Sino pa? (Ang mga gustong magpakitang-gilas.) Ang mga gustong magpakitang-gilas, hindi pa iyon ganoon kabuktot. Kahit na maaaring gusto nilang magpakitang-gilas, wala silang pagnanais na kontrolin ang iba, hindi pa siya ganoong kalala—ito ay isang tiwaling disposisyon. Isaalang-alang ninyo ito nang detalyado: Aling mga tao ang nagpapakita ng mga tanda at marka na nagbibigay daan sa iyong matuklasan nang maaga mula sa iba’t ibang pag-uugali at pahiwatig sa kanila na ang masamang ito ay isang anticristo? (Ang mga mapagmataas na tao na gusto ang katayuan.) Ang pagmamataas at kagustuhan para sa katayuan ay may kaugnayan, pero hindi pa rin ito sapat. Hayaan ninyong may talakayin Akong isang bagay at pakinggan at tingnan ninyo kung mahalaga ba o hindi ang puntong ito. Ang ilang tao ay palaging inilalahad ang mga pananaw nila na naiiba mula sa katotohanan at sa mga positibong bagay. Sa panlabas para bang mukhang gusto nilang palaging magpasikat at mamukod-tangi mula sa iba, pero hindi naman talaga ganoon. Maaari ring ang mga pananaw nila ay nagpapalabas sa gayong mga pag-uugali. Sa katunayan, kung talagang tinataguyod nila ang mga pananaw na iyon, magkakaroon ng seryosong problema. Halimbawa, kapag nagbabahaginan ang lahat, sinasabi nilang, “Dapat nating tanggapin ang bagay na ito mula sa Diyos. Kung hindi natin nauunawaan, magpasakop muna tayo dapat,” at sumasang-ayon ang lahat dito, tama ba ang pananaw na ito? (Oo, tama ito.) Lihis ba ang pagsasagawang ito? (Hindi.) Kung gayon, anong klaseng mga salita ang sinasabi ng mga tao na nagpapakita ng tanda at marka ng tiwaling disposisyon ng isang anticristo? “Ang pagpapasakop ay isang bagay, pero hindi ba’t kailangan mong maunawaan kung anong nangyayari? Hindi ba’t kailangan mong seryosohin ang lahat ng bagay? Hindi ka pwedeng magpasakop nang may magulong pag-iisip; hindi hinihingi ng Diyos na magpasakop tayo nang kaswal.” Hindi ba’t isang klase ito ng argumento? (Oo, ganoon nga.) Sinasabi ng ilang tao, “Kung may isang bagay tayong hindi nauunawaan, pwede tayong maghintay nang may pasensiya, na naghahanap ng pakikipagbahaginan sa isang nakakaunawa. Ngayon ay wala sa atin ang nakakaunawa, at wala tayong makitang sinuman na nakakaunawa na pwedeng makipagbahaginan. Kaya, magpasakop muna tao.” Ano ang pananaw ng mga anticristo? “Mga mahihinang tao, na nagpapasakop sa lahat ng bagay at pinakikinggan ang Diyos sa lahat ng bagay. Makinig kayo sa akin! Bakit walang sinumang nagbanggit sa akin? Hayaan mong ilahad ko sa iyo ang isang malalim na opinyon!” Gusto nilang ibahagi ang matataas nilang pananaw. Salungat sila sa mga taong nagsasagawa ng katotohanan, salungat sa kanilang pagsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Palagi nilang gustong magmataas, magsimula ng away, gumamit ng masasamang panloloko, ibahagi ang kanilang matataas na pananaw, at gawing iba ang tingin sa kanila ng mga tao. Hindi ba’t isa itong tanda ng buktot na disposisyon ng mga anticristo? Hindi ba’t ito ang marka nila? Bakit mali na magpasakop ang lahat ng tao? Kahit na magpasakop sila nang may kahangalan—mali ba ito? Kokondenahin ba ito ng Diyos? (Hindi, hindi Niya ito kokondenahin.) Hindi ito kokondenahin ng Diyos. Anong karapatan nilang manggulo at magpasimuno ng kaguluhan? Kapag nakikita nilang nagpapasakop ang mga tao sa Diyos, nakakaramdam ba sila ng galit sa puso nila? Kapag nasasaksihan nilang nagpapasakop ang mga tao sa Diyos, masyadong sumasama ang loob nila, nadidismaya sila dahil wala silang anumang napapakinabangan, dahil hindi sumusunod ang mga tao sa kanila, hindi nakikinig sa kanila, hindi hinahanap ang payo nila, kaya nalulungkot sila—sa puso nila ay lumalaban sila, iniisip na, “Kanino ka nagpapasakop? Nagpapasakop ka ba sa katotohanan? Ayos lang ang magpasakop sa katotohanan, pero kailangan natin itong pag-aralan. Kung gayon, ano ang katotohanan? Nagpapasakop ka ba agad? Hindi ba’t dapat kahit papaano ay nauunawaan mo muna ang pasikot-sikot nito?” Hindi ba’t ganito ang argumento nila? Anong sinusubukan nilang gawin? Gusto nilang manggulo, para iligaw ang mga tao. Ang ilan ay manhid, mapurol ang utak at hangal na tao, pagkarinig nila rito, naliligaw na sila, samantalang ang mga may pagkilatis ay pinabubulaanan sila, na sinasabing, “Anong ginagawa mo? Nagseselos at naiingit ka ba dahil nagpapasakop ako sa Diyos? Malungkot ka kapag nagpapasakop ako sa Diyos, pero natutuwa ka kapag sumusunod ako sa iyo? Tama lang ba na sumusunod ang lahat sa iyo, nakikinig sa iyo, at ginagawa ang anumang sinasabi mo? Naaayon ba sa katotohanan ang sinasabi mo?” Dahil nakikita nila ito, iniisip nila, “May pagkilatis ang ilang tao—sa ngayon ay maghihintay muna ako.” Sa madaling salita, kapag nagsasagawa ang lahat ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi sila makapaghintay na magpapansin. Habang mas lalong sumusunod ang lahat sa Diyos, nagpapasakop sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, nagsasagawa nang ayon sa mga salita ng Diyos, pinangangasiwaan ang mga bagay ayon sa mga pagsasaayos ng gawain at mga prinsipyo, mas lalo silang naaasiwa, naiinis at naliligalig. Isa itong tanda ng buktot na diwa ng mga anticristo. Basta’t nakikinig ang lahat ng tao sa mga salita ng Diyos, nagsasagawa ng katotohanan, at ipinangangasiwaan ang mga bagay nang ayon sa mga prinsipyo, naaasiwa sila at hindi mapakali. Hindi ba’t problema ito? (Oo, problema ito.) Kung walang sinumang nagbabasa ng mga salita ng Diyos, o kung nagbabasa sila at hindi pinagbabahaginan ang mga iyon, kung sa mga anticristo lang sila makikinig, kung gayon ay matutuwa sila. Anong isyu ang inilalarawan nito? Hindi nila pinagbabahaginan ang mga salita ng Diyos. Basta’t mahinahong pinagbabahaginan ng lahat ang mga salita ng Diyos, at nakikita ng mga anticristo na walang sinumang pumapansin sa kanila, na hindi sila nakikinig sa mga ito, na hindi nila makuha ang pagsamba ng mga tao, nanganganib ang katayuan nila, at delikado sila—doon sila manggugulo, nagmumungkahi sila ng mga maling paniniwala o panlilinlang para iligaw at guluhin ka, sinasanhi kang mag-alinlangan kung tama ba o mali ang katatalakay mo lang. Sa sandaling naunawaan na sa wakas ng lahat ang isang bagay sa pamamagitan pagbabahagi, saka sila magsasalita ng ilang maladiyablong salita para manggulo. Hindi ba’t ito ang buktot na disposisyon ng mga anticristo? Sa alin tumutugma ang pagpapamalas na ito ng buktot na disposisyon? (Sa pagsalungat sa katotohanan.) Mismo. Mas lalong nauunawaan ng lahat ng tao ang katotohanan, mas lalong naiinis ang mga ito. Hindi ba’t pagsalungat ito sa katotohanan? Hindi ba’t magkatugma ito? (Oo, magkatugma ito.) May nakasalamuha na ba kayong ganitong mga tao? Habang ang lahat ay may pinagbabahaginang isang bagay, matagal silang nananahimik. Sa huli, kapag may kalinawan sa pagbabahaginan, lumalabas sila, at pagkalabas nila ay naglalahad sila ng mapanghamong tanong para pahirapan ang mga taong ito. Ang layunin nila ay ang sabihing, “Hayaan ninyong ipaliwanag ko sa inyo, ipapakita ko sa inyo ang kaya kong gawin! Pinagbabahaginan ninyo ang katotohanan, pero hindi kayo nakikinig sa akin, binabalewala ninyo ako, wala kayong pakialam sa akin, at hindi ninyo ako pinapansin, kaya magbibigay ako ng isang mahirap na katanungan sa inyo para pagbahaginan ninyo at malito kayo!” Hindi ba’t isang diyablo ito? (Oo, isa itong diyablo.) Isa itong diyablo, isang tunay na anticristo.

Tuwing naririnig ng ilang tao na negatibo at mahina ang isang tao, natutuwa sila. Lalo na kapag nakikita nila ang isang tao na ginugulo ang buhay iglesia, na may gumagawa ng masasamang bagay para magdala ng gulo sa gawain ng iglesia, o may nasasaksihan silang isang taong pikit-matang nanggugulo—masayang-masaya sila, gustong-gusto nilang magpalipad ng paputok at magdiwang. Anong problema sa mga ganoong tao? Bakit masyado silang tuwang-tuwa sa kasawiang-palad ng iba? Bakit, sa mahalagang sandaling ito, ay hindi nila kayang kumampi sa Diyos, na ipinagtatanggol ang mga interes ng sambahayan ng Diyos? Hindi ba’t walang pananampalataya ang mga gayong tao? Hindi ba’t mga alipin sila ni Satanas? Dapat ay pagnilayan ninyong lahat kung nagpapakita ba kayo ng mga gayong pag-uugali at tingnan din ninyo kung may mga ganito rin tao sa paligid ninyo at makita ninyo kung paano makilatis ang mga gayong tao, lalo na kapag nakikita ninyo ang masasamang tao na gumagawa ng masasamang gawain—ano ang saloobin ninyo? Mga istambay lang ba kayo na nasisiyahan sa napapanood ninyo, o magagawa ninyo ring tahakin ang daang ito? Ganoon ba kayong tao? Hindi pagninilayan ng ilang tao ang kanilang sarili sa ganitong paraan. Ayaw nilang makita ang kabutihan sa mga tao; mas gusto nila kapag mas masama kaysa kanila ang lahat ng tao—doon sila masaya. Halimbawa, kapag nakita nilang pinupungusan ang isang tao na ginugugol ang sarili niya para sa Diyos, at sumasalangsang ang isang tao na tunay na nananalig sa Diyos, palihim silang nagsasaya at nagsasabing, “Hmph, dumating na rin ang araw mo. Ginugol mo ang sarili mo para sa Diyos—kumusta naman ang kalagayan mo ngayon? Hindi ba’t naagrabyado ka? Hindi ba’t nagdusa ka ng kawalan? Anong saysay ng paggugugol mo ng sarili mo? Palaging totoo ang sinasabi mo, at ngayon ay pinupungusan ka, hindi ba? Mabuti nga sa iyo!” Bakit sila masayang-masaya? Hindi ba’t natutuwa sila sa kasawiang-palad ng iba? Hindi ba’t nasa maling posisyon ang puso ng mga gayong tao? Kapag nakita nila ang isang taong nagdudulot ng mga kaguluhan sa gawain ng sambahayan ng Diyos, masaya sila. Kapag nakikita nilang nagdurusa ng kawalan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, masaya sila. Ano ang nagpapasaya sa kanila? Iniisip nila, “Sa wakas, may isang tao na, gaya ko, ay hindi minamahal ang katotohanan, na nagdulot ng kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, at hindi man lang sila nakakaramdam ng pagsisisi.” Iyon ang nagpapasaya sa kanila. Hindi ba’t buktot ito? (Oo.) Napakabuktot nito! May mga ganito bang tao sa inyo? May ilang tao na kadalasan ay ayaw umawit nang tahimik, pero kapag nakakita sila ng isang taong nagkakamali, kumakanta sila agad, na isinasayaw ang kanilang katawan, na mukhang tuwang-tuwa, at iniisip na, “Ngayon, sa wakas ay may maganda na akong balita. Ang saya ko, kakain ako ng marami!” Anong klaseng disposisyon ito? Kabuktutan. Ni hindi sila luluha o malulungkot nang kahit isang segundo dahil nagdusa ng kawalan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Hindi sila nakakaramdam ng pagsisisi, walang kalungkutan o pasakit. Sa halip, natutuwa at kontento sila dahil nauwi sa kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos ang kamalian ng isang tao at nagdala ng kahihiyan sa pangalan ng Diyos. Hindi ba’t kabuktutan ito? Hindi ba’t isa itong tanda ng pagtataglay ng buktot na kalikasan ng mga anticristo? Isa rin itong tanda.

Sinasabi na ang ilan sa nasa mga gospel team ay bihasang magsalita. Ilan taon na silang nakapakinig ng mga sermon at nakapagbuod na ng mga doktrina, saan man sila pumunta ay makakapagmalaki sila, hindi sila nauubusan ng sasabihin kapag nangangaral sila, na ganap na nagpapakita ng kanilang mga kaloob at galing sa pagsasalita. Ang ilang tao ay nakikita ang mga gayong tao bilang mga may kakayahan at nagpapasyang sumunod sa kanila. Anong sinasabi nila sa huli? “Makinig tayo sa pagbabahagi ng taong iyon, para hindi na natin kailangang makinig sa mga sermon mula sa Itaas; hindi na rin natin kailangang makinig sa mga salita ng Diyos. Ang pagbabahagi ng taong iyon ang kapalit ng mga iyon.” Hindi ba’t nasa panganib ang mga taong ito? (Oo.) Nasa matinding panganib ang mga taong ito. Gusto nila ang mga kilos at pag-uugali ng mga anticristo, pati na ang kawalang-hiyaan, kawalang-katwiran, at kabuktutan ng mga ito. Gusto nila ang gusto ng mga anticristo at tutol sa kung ano ang tinututulan ng mga anticristo. Gusto nila ang kaalaman, pinag-aralan, mga doktrina, at iba’t ibang teolohikal na teorya, maling paniniwala, at mga panlilinlang na ipinangangaral ng mga anticristo. Sinasamba nila ang mga ito. Hanggang saang antas nila sinasamba ang mga ito? Kahit sa panaginip nila, sinasabi nila ang mga salitang ito. Seryoso ba ito? Kapag umabot na ang pagsamba nila sa antas na ito, kaya pa rin bang sumunod ng mga taong ito sa Diyos? Maaaring sabihin ng ilan, “Hindi, nasa iglesia pa rin sila, nananalig pa rin sila sa Diyos.” Wala pa silang pagkakataon. Kapag nakita na sila ng tao o bagay na gusto nilang sambahin, kaya nilang iwan ang Diyos anumang oras. Hindi ba’t tanda ito ng pagtataglay ng buktot na diwa ng mga anticristo? (Oo.) Kaya ninyo bang kilatisin ang mga gayong tao kapag nakita ninyo sila? (Oo, kaya namin.) Dati, maaaring hindi ninyo pa nalalaman ang matinding kalikasan ng mga bagay na iyon. Ngayon, kapag nakakaharap na ninyo muli ang mga gayong tao, magkakaroon pa rin kaya kayo ng mga katanungan tungkol sa kanila? Babalewalain ninyo ba sila? (Hindi.) Kung gayon, nagkamit na ba kayo ng kaunting pagkilatis sa mga gayong tao? (Oo, mayroon na ako.) Ito ang ilang tanda at impormasyong ibinubunyag nila. Iyon ay, kapag may oportunidad o katayuan na ang mga taong ito, o inililigaw sila ng isang tao, kaya nilang ipagkanulo ang Diyos anumang oras, kahit saan. Kaya bang makita ng mga tao ang kanilang mga pagbubunyag at ang kanilang buktot na diwa? May ilan bang bakas na kayang makita ng mga tao? (Oo, mayroon.) Mayroon dapat. Kung hindi Ko ito nabanggit, maaaring isipin ninyo, “Sino ang nagpapakita ng ganitong mga marka? Sino ang nagbubunyag ang mga tandang ito? Walang sinuman, wala pa akong nakitang sinuman.” Dahil sa pagtatalakay Ko ng mga tandang ito, hindi ba’t natuklasan ninyo na may mga gayong tao? Ang ilan sa kanila ay mga tagasunod, at ang ilan ay mga lider at manggagawa. Ito ang ikatlong tanda ng pagtataglay ng buktot na diwa ng mga anticristo.

Ang mga taong nagtataglay ng buktot na diwa ng mga anticristo ay may isa pang natatanging tanda, isang bagay na mayroon silang lahat. Ang mga taong ito, sa ilalim ng pagkukunwari ng pagmamahal sa katotohanan at pag-aasam sa totoong daan, ay dumadalo sa mga sermon, natututo ng iba’t ibang kaalaman at nilalamang may kaugnayan sa katotohanan, at nagsasangkap ng mga teolohikal na teorya at kaalaman, pagkatapos ay ginagamit ang mga teorya at kaalamang ito para makilahok sa pakikipagtalo sa mga lider at manggagawa, ginagamit ang mga iyon para kondenhin ang ilang tao, para iligaw at kumbinsihin ang iba, at para magbigay ng diumanong panustos, tulong, at pagdidilig sa ilang tao. Gayunpaman, may isang punto ang nagbibigay linaw na hindi sila mangingibig ng katotohanan. Ano ang puntong iyon? Iyon ay kahit na gaano man sangkapan ng mga taong ito ang sarili nila at mangaral, nagsasalita at nagbibigkas lamang sila, sinasangkapan lang ang sarili nila, pero hindi nila kailanman pinangangasiwaan ang bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ano ang ibig sabihin ng “hindi kailanman”? Nangangahulugan itong hindi nila kayang magsalita ng kahit isang totoong salita, hindi kailanman naging tapat, at hindi kailanman nagbayad ng halaga para bitiwan ang mga kapakinabangan ng katayuan. Anuman ang okasyon, habang nagsasalita at gumagawa sila palagi silang nagsisikap ayon sa makakaya nila alang-alang sa pansariling katanyagan, pakinabang, at katayuan nila. Sa kabila ng kung anuman ang panlabas na nakikita sa kanila na pagbabayad ng halaga at pagmamahal sa katotohanan, hindi pa rin nagbabago ang tiwaling diwa nila. Anong isyu rito? Sa isang banda, hindi kailanman hinahanap ng mga taong ito sa kanilang mga kilos ang mga katotohanang prinsipyo. Sa kabilang banda, kahit na alam pa nila ang mga katotohanang prinsipyo at ang landas ng pagsasagawa, hindi nila isinasagawa ang mga iyon. Ito ay isang tanda na nagtataglay sila ng buktot na diwa ng mga anticristo. May katayuan man sila o wala, at ginagawa man nila ang kanilang tungkulin ng pagpapalaganap sa ebanghelyo o mga lider at manggagawa sila, ano ang katangian nila? Kaya lang nilang bigkasin ang mga tamang doktrina, pero hindi nila kailanman ginagawa ang mga tamang bagay. Iyon ang katangian nila. Nasasabi nila nang mas malinaw ang mga doktrina kaysa iba, pero mas masama nilang ginagawa ang mga bagay kaysa iba—hindi ba’t buktot ito? Ito ang ikaapat na tanda ng pagtataglay ng buktot na diwa ng mga anticristo. Tingnan ninyo mismo ito, at suriin ninyo kung maraming bang taong nakapalibot sa inyo ang may buktot na diwa ng mga anticristo. Pagkatapos kong ilista ang mga ito, maaari ninyong timbangin kung mayroon ba o walang ganoong karaming taong nakapalibot sa inyo. Ilang porsiyento sila? Mas marami bang lider o mga ordinaryong mananampalataya? Hindi ba’t inisip ng ilan sa inyo dati na mga lider lang ang may pagkakataong maging mga anticristo? (Ganoon dati.) Kung gayon, nagbago na ba ngayon ang pananaw na ito? Ang mga anticristo ay hindi nagiging mga anticristo dahil may katayuan sila; ganito na sila kamiserable kahit na wala silang katayuan. Dahil lang sa suwerte, kaya napabilang sila sa posisyon ng pagkalider, at mabilis na nalalantad ang kanilang mga totoong katangian bilang mga anticristo, gaya ng fungus na, dahil sa tamang temperatura at lupa, ay mabilis na nag-pe-ferment, kaya nabubunyag ang totoong hitsura nito. Kung walang angkop na kapaligiran, maaaring mas tumagal pa nang kaunti bago mabunyag ang kalikasang diwa nila, pero ang mabagal na pagbubunyag na ito ay hindi nangangahulugang wala silang ganoong kalikasan. Dahil sa ganoong kalikasan, hindi maiiwasang kikilos ang mga tao at ibubunyag ang bagay-bagay, at ang mga nabunyag na pag-uugaling ito ay mga tanda at marka ng buktot na diwa ng mga anticristo. Kapag may mga tanda at marka na sila, maaari na silang maklasipika bilang mga anticristo.

Sabihin ninyo sa Akin, ang pagsasagawa ba ng katotohanan at pangangasiwa sa bagay-bagay ayon sa mga katotohanang prinsipyo ay humihingi ng iba’t ibang dahilan at pangangatwiran? (Hindi, hindi ito humihingi.) Basta’t ang isang tao ay may matapat na puso, kaya nilang isagawa ang katotohanan. Ang mga tao bang hindi nagsasagawa ng katotohanan ay bumubuo ng iba’t ibang maidadahilan? Halimbawa, kapag may ginagawa silang mali, sumasalungat sa mga prinsipyo, at iwinawasto sila ng iba, kaya ba nilang makinig? Hindi sila nakikinig. Ang katunayan bang hindi sila nakikinig ay iyon na iyon? Paano sila naging buktot? (Nag-iisip sila ng maidadahilan para kumbinsihin ka, pininiwala kang tama sila.) Hahanap sila ng pagpapakahulugan na naaayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon mo, pagkatapos ay gagamit sila ng mga esprituwal na teorya na kaya mong kilalanin at tanggapin at na naaayon sa katotohanan para kumbinsihin ka, pinasusunod ka sa kanila, at gawin kang tapat na naniniwalang tama sila, lahat ay para makamit ang layon nilang iligaw at kontrolin ang mga tao. Hindi ba’t kabuktutan ito? (Oo.) Kabuktutan talaga ito. Malinaw na, may ginawa silang mali, sumalungat sila sa mga prinsipyo at katotohanan sa kanilang mga kilos, at nabigong isagawa ang katotohanan, pero nakakabuo sila ng isang set ng mga teoretikal na pagmamatuwid. Talagang buktot ito. Parang asong-lobo ito na kinakain ang isang tupa; nasa orihinal na kalikasan ng isang asong-lobo na kainin ang tupa, at nilikha ng Diyos ang ganitong uri ng hayop para kumain ng tupa—tupa ang pagkain nito. Pero pagkatapos itong kainin, naghahanap pa rin ng iba’t ibang maidadahilan ang asong-lobong ito. May mga naiisip ba kayo rito? Iniisip inyo, “Kinain mo ang tupa ko, at ngayon ay gusto mong isipin ko na dapat mo itong kainin, na makatwiran at naaangkop na kainin mo ito, at dapat pa kitang pasalamatan.” Hindi ba’t nakakainis? (Oo, naiinis ako.) Habang naiinis ka, anong naiisip mo? Iniisip mo na, “Masyadong buktot ang taong ito! Kung gusto mo itong kainin, sige gawin mo, ganoon ka naman; isang bagay ang kainin ang tupa ko, pero gumagawa ka ng maraming pangangatwiran at pagdadahilan, at hinihingi mong maging mapagpasalamat ako sa iyo bilang kapalit. Hindi ba’t paggugulo ito sa tama at mali?” Ito ang kabuktutan. Kung gustong kainin ng isang asong-lobo ang tupa, anong pagdadahilan ang iniisip nito? Sasabihin ng asong-lobo, “Maliit na kordero, ngayon ay dapat kitang kainin dahil gusto kong maghiganti sa iyo sa pang-iinsulto sa akin noong nakaraang taon.” Ang kordero, na naagrabyado, ay sasabihing, “Hindi pa nga ako ipinanganak noong nakaraang taon.” Nang nabatid ng asong-lobo na nagkamali ito sa pagsasalita at pagbibilang sa edad ng kordero, sasabihin nitong, “Kung gayon hindi ko na bibilangin iyon, pero kailangan pa rin kitang kainin dahil noong uminom ako sa ilog na ito, dinumihan mo ang tubig, kaya gagantihan kita.” Sinabi ng kordero, “Nasa bandang ibaba ako ng ilog, at ikaw ang nasa itaas. Paano ko dudumihan ang tubig sa itaas? Kung gusto mo akong kainin, sige kainin mo ako. Huwag ka nang magdahilan pa ng kung ano-ano.” Iyon ang kalikasan ng asong-lobo. Hindi ba’t kabuktutan ito? (Oo.) Ang kabuktutan ba ng asong-lobo ay kapareho ng sa malaking pulang dragon? (Oo.) Ang paglalarawang ito ay ang pinakaangkop sa malaking pulang dragon. Gustong arestuhin ng malaking pulang dragon ang mga taong nananalig sa Diyos; gusto nitong kasuhan ng krimen ang mga taong ito. Kaya, lumilikha muna ito ng mga pagkukunwari, gumagawa ng mga tsismis, at pagkatapos ay ipinapaalam sa mundo para patayuin ang buong mundo at kondenahin ka. Nagbibigay ito ng maraming akusasyon sa mga nananalig sa Diyos, gaya na “panggugulo sa katahimikan ng lipunan,” “paglalabas sa mga lihim ng estado,” at “pinababagsak ang kapangyarihan ng estado.” Ipinagkakalat din nito ang tsismis na nakagawa ka na ng iba’t ibang krimen at inaakusahan ka. Ayos lang ba na tumanggi kang aminin ang mga iyon? Ito ba ay usapin ng pag-amin mo sa kanila o hindi? Hindi, hindi ganito. Kapag nagpasya itong arestuhin ka, katulad ng isang asong-lobo na nagpasyang kainin ang isang tupa, naghahanap ito ang iba’t ibang maidadahilan. Lumilikha ng iba’t ibang pagkukunwari ang malaking pulang dragon, na sinasabing nakagawa tayo ng masama, na sa katunayan naman, ibang tao ang gumawa nito. Inililipat nila ang sisi at pinagbibintangan ang iglesia. Kaya mo bang makipagtalo rito? (Hindi.) Bakit hindi mo kayang makipagtalo rito? Pwede bang magkaroon ka ng malinaw na argumento rito? Sa tingin mo ba na sa pakikipag-argumento rito at pagpapaliwanag sa sitwasyon, ay hindi ka na aarestuhin? Pag-isipan mo itong mabuti. Bago ka pa makatapos magsalita, sasabunutan ka na nito, iuuntog ang ulo mo sa pader, at pagkatapos ay tatanungin ka na, “Kilala mo ba kung sino ako? Isa akong diyablo!” Kasunod niyon, may matitinding panghahampas, pati ilang araw at gabi ng halinhinang interogasyon at pagpapahirap, at pagkatapos ay magsisimula ka nang kumilos nang tama. Sa puntong ito, matatanto mo, “Walang lugar para sa pangangatwiran dito; isa itong patibong!” Hindi nakikipagtalo ang malaking pulang dragon sa iyo—akala mo ba ay hindi nito sinasadyang lumikha ng pagkukunwari, na nagkataon lang? May pagsasabwatan sa likod nito, at planado na ang susunod nitong pagkilos. Simula pa lang ito ng mga pagkilos nito. Maaaring isipin pa rin ng ilang tao, “Hindi nila nauunawaan ang mga usaping may kinalaman sa pananalig sa Diyos; kung ipapaliwanag ko ito sa kanila, magiging maayos ang lahat.” Kaya mo bang ipalinawanag ito nang malinaw? Pinagbibintangan ka nila sa isang bagay na hindi mo ginawa—kaya mo pa rin bang ipaliwanag ito nang malinaw? Noong pagbintangan ka nito, hindi ba nito alam na hindi ikaw ang gumawa nito? Wala ba itong alam kung sino ang gumawa nito? Alam na alam nito! Pero bakit ikaw ang sinisisi? Ikaw ang gustong bihagin nito. Sa tingin mo ba kapag isinisi niya ito sa iyo ay hindi nito alam na hindi ka nito matuwid na tinatrato? Gusto nitong tratuhin ka nang hindi makatwiran at arestuhin at usigin ka. Iyon ang kabuktutan.

Sinumang may buktot na diwa ng mga anticristo ay tutol at namumuhi sa katotohanan sa diwa nila. Sa puso nila, ni katiting man ay hindi nila tinatanggap ang katotohanan at wala silang layuning isagawa ito. Kung sa tingin mo ay wala silang pagkaunawa sa katotohanan at magtatangka kang ibahagi ito sa kanila, anong magiging resulta? Mapipigilan ka—dahil nakaharap mo ang maling tao. Hindi sila ang klase ng taong tumatanggap sa katotohanan, at hindi ka dapat makipagbahaginan sa kanila; sa halip, dapat mong pangaralan sila at maging mahigpit sa kanila, na nagsasabing, “Gaano mo na katagal ginagawa ang tungkulin mo? Paano mo naituturing na walang halaga ang tungkulin mo? Gawain mo ba ito? Sino ang hinahamon mo? Hindi ako, hinahamon mo ang Diyos at ang katotohanan!” Hindi ba’t kailangan mo siyang pangaralan? Kapaki-pakinabang ba na ibahagi ang katotohanan sa kanila? Hindi. Bakit hindi ito kapaki-pakinabang? Mga asong-lobo sila, at hindi mga nawawala o naliligaw na tupa. Kaya bang isagawa ng asong-lobo ang katotohanan? Hindi. Ano ang kalikasan ng isang asong-lobo? (Kabuktutan.) Kapag nakakita ito ng tupa, naglalaway na ito, puno na ng mga imahe ng masarap na pagkain ang paningin nito, at nakatakda na ang tupa na maging pagkain nito. Iyon ang kalikasan nito; iyon ay kabuktutan. Kung sasabihan mo ito na, “Ang tupa ay sobrang nakakaawa at maamo; pakiusap huwag mo itong kainin. Pumili ka na lang ng ibang mabangis na hayop para kainin, ayos lang ba?” Makakaintindi ba ito? Hindi. Iyon ang kalikasan nito. Ang ilang tao ay hindi nagsasagawa ng katotohanan at humahanap ng iba’t ibang maidadahilan—iyon ang kalikasan nila. Ano ang kalikasang ito? Iyon ay kabuktutan. Gaano man ito kasama, kamapaghimagsik, o lantarang laban sa mga prinsipyo ang mga pagkilos nila, ayaw pa rin nilang mapahiya; kahit na sumasalungat sila sa katotohanan, gusto nilang gawin ito nang engrande, sa marangal na paraan. Hindi ba’t kabuktutan ito? Ang paglabag ba sa katotohanan ay isang positibo or negatibong bagay? (Negatibo.) Paanong ang isang negatibong bagay ay magagawa sa isang engrande, marangal at kagalang-galang na paraan? Hindi ba’t medyo magulo na subukan at pagsamahin ang dalawang aspektong ito? Ito ay kabuktutan: Ito ang pag-uugali at pagpapamalas ng mga may buktot na diwa ng mga anticristo. Parang mukhang magkasalungat ito, pero ganoon lang talaga ang pagkilos nito, iyon ang disposisyon nila at ang ibinubunyag nila. Nagkikimkim sila ng galit sa katotohanan, hindi kailanman ito tinatanggap—iyon ang mga anticristo, iyon ang buktot na kalikasang diwa ng mga anticristo. Gaano karami ang aytem na nasa buktot na diwa ng mga anticristo? (Apat na aytem.) Apat sa kabuuan. Hindi ba sapat ang apat na tandang ito para makakilatis kayo? Ang kabuktutan ay likas na nagtataglay ng mga mapandaya at mapanlinlang na elemento, at kapag naabot ng mga mapandaya at mapanlinlang na elementong ito ang kasukdulan nito, maikaklasipika ito bilang isang buktot na disposisyon. Naisasakatawan ng mga anticristong ito ang ganitong uri ng buktot na disposisyon.

Setyembre 3, 2019

Sinundan: Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Traydor, at Mapanlinlang (Ikatlong Bahagi)

Sumunod: Ikawalong Aytem: Sa Kanila Lamang Nila Pinasusunod ang Iba, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (Unang Bahagi)

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito