Tanong 1: Nagpapatotoo kayo sa katunayan na ang Panginoong Jesus ay nagbalik at nagkatawang-tao na para gawin ang Kanyang gawain. Hindi ko ito maintindihan. Alam nating lahat na ang Panginoong Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Nang makumpleto ang Kanyang gawain, Siya ay ipinako sa krus at pagkatapos ay nabuhay muli, nagpapakita sa lahat ng Kanyang mga disipulo at Siya ay umakyat sa langit sa Kanyang maluwalhating espirituwal na katawan. Gaya ng nakasaad sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Kaya nga, pinagtitibay ng Biblia na sa muling pagdating ng Panginoon, ang Kanyang muling nabuhay na espirituwal na katawan ang magpapakita sa atin. Sa mga huling araw, bakit nagkakatawang-tao ang Diyos sa laman ng Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol? Ano ang pagkakaiba ng muling nabuhay na espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus at ng Kanyang pagkakatawang-tao bilang Anak ng tao?

Sagot: Karamihan sa matatapat ay naniniwala na ang nagbalik na Panginoon ay magpapakita sa kanila sa Kanyang espirituwal na katawan, ibig sabihin, ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus kung saan Siya nagpakita sa tao sa loob ng apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Malinaw ito sa ating mga mananampalataya. Sa ibabaw, ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus pagkatapos Siyang mabuhay na muli ay nagpapakita sa gayunding imahe ng Kanyang laman na nagkatawang-tao, ngunit ang espirituwal na katawan ay hindi nililimitahan ng materyal na daigdig, espasyo, at lugar. Maaari itong magpakita at maglaho kung gugustuhin nito, naiiwang nagugulat at namamangha ang tao. Nakatala ang mga kuwentong ito sa Biblia. Bago ipinako sa krus ang Panginoong Jesus, Siya ay nagsasalita at gumagawa sa normal na pagkatao sa katawan. Siya man ay nagpapahayag ng katotohanan, nakikisalamuha sa mga tao, o gumagawa ng mga himala, nadama ng mga tao na Siya ay normal sa lahat ng paraan. Ang nakita ng mga tao ay ang katawang-tao na ito at tunay na gumagawa at tunay at talagang dumaranas ng pahirap at binabayaran ang halaga. Sa huli, ang katawang-tao na ito ang ipinako sa krus bilang alay para sa kasalanan ng tao, sa gayo’y nakukumpleto ang gawain ng pagtubos ng Diyos. Alam ito ng lahat. Isipin sandali: Kung ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ang gumagawa ng gawain, magagawa ba Niyang makisalamuha at makikipag-usap nang normal sa mga tao? Talaga bang daranas Siya ng mga pahirap at babayaran ang halaga? Maipapako ba Siya sa krus? Hindi Niya magagawa ang alin man sa mga ito. Kung ang Kanyang espirituwal na katawan ang kumikilos, madali ba Siyang makakasalamuha ng mga tao? Pagtataksilan ba natin ang ating tiwaling mga disposisyon? Bubuo ba tayo ng mga pagkaintindi tungkol sa Kanya? Mangangahas ba tayong magrebelde at kusang-loob na hahatulan ang Diyos? Imposible iyan! Ang mga tao ay puspos ng normal na pagkatao, silang lahat ay nakapailalim sa mga pagpipigil ng materyal na daigdig, espasyo, at lugar. Ang proseso ng pag-iisip ng tao ay normal din. Kung mararanasan ng tao ang gawain ng espirituwal na katawan, sila’y magugulat at matataranta. Ang kanilang kaisipan ay magiging magulo at mababaliw. Kapag naharap sa ganitong situwasyon, mahihirapan ang Diyos na magtagumpay sa Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatuhan. Kaya, ang epektong nakakamit sa paggawa nang ayon sa kayang normal na pagkatao ay higit kaysa sa makakaya ng espirituwal na katawan. Sa paglipas ng panahon, ang mga piling tao ng Diyos ay di kailanman naranasan ang gawain ng espirituwal na katawan ng Diyos. Tiyak na hindi magiging angkop sa espirituwal na katawan na direktang ipahayag ang katotohanan, makisalamuha sa mga tao at gabayan ang mga iglesia. Ang gawain ng paghatol na isinasagawa ng Diyos sa ikalawang pagdating sa mga huling araw ay ginagamit ang pagpapahayag ng salita upang dalisayin, iligtas, at gawing perpekto ang tao, layon din nitong ilantad at alisin ang mga tao, siyasatin ang tao, bawat isa ayon sa kanyang uri, at ginagantimpalaan ng mabuti habang pinarurusahan ang masasama. Kung ang Diyos ay magpapakita sa tao sa anyo ng Kanyang espirituwal na katawan, lahat ng tao, mabuti o masama, ay magpapatirapa sa Kanyang harapan, kaya paano Niyang ihihiwalay ang mabuti sa masama? At, kung magpapakita ang Diyos sa Kanyang espirituwal na katawan, ang tao ay matataranta, at magkakagulo sa buong mundo. Kung gayon ang sitwasyon, paano normal na isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Paano rin maisasakatuparan ng Diyos ang Kanyang plano na pagkumpleto sa isang grupo ng mga tao na ayon sa kalooban ng Diyos bago dumating ang mga kalamidad? Kaya, sa mga huling araw, kailangan pa ring magkatawang-tao ang Diyos bilang Anak ng tao na may normal na pagkatao. Sa ganitong paraan lamang Siya makagagawa at makapamumuhay sa daigdig ng tao, at tanging sa paraang ito Niya maipapahayag ang katotohanan at mahahatulan, madadalisay ang tao sa praktikal na paraan upang ang tao ay maagaw mula sa mga impluwensya ni Satanas, mailigtas ng Diyos, at maging mga tao ng Diyos. Ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao ay kumilos sa normal na pagkatao para makamit ang pagtubos ng sangkatauhan. Ang nabuhay na muling espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ay nagpakita sa tao para patunayan lamang na ang Panginoong Jesus ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ginawa ito para palakasin ang pananampalataya ng tao. Kaya’t ang espirituwal na katawan ng Diyos ay dumating para magpakita lamang sa tao, hindi para gawin ang gawain. Ang katawang-tao ng Diyos ay kailangang mayroong normal na pagkatao para makagawa sa gitna ng tao at makamit ang pagtubos at kaligtasan ng sangkatauhan. Kaya, kung gustong lubusang iligtas ng Diyos ang sangkatauhan sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, kailangan Siyang magkatawang-tao at gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao upang makamit ang pinakamagandang epekto. Tiyak na hindi Siya magpapakita sa tao bilang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ito ang bagay na kailangang maging malinaw sa ating mananampalataya.

Para magkaroon ng mas malawak na pagkaunawa sa kahulugan ng pagkakatawang-tao, magbasa tayo mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Siya ay nagkakatawang-tao dahil ang katawang-tao ay maaari ding magtaglay ng awtoridad, at Siya ay may kakayahang magsakatuparan ng gawain sa gitna ng sangkatauhan sa isang praktikal na paraan, sa paraang nakikita at nahahawakan ng tao. Ang gayong gawain ay mas makatotohanan kaysa sa gawain na direktang ginawa ng Espiritu ng Diyos na nagtataglay ng lahat ng awtoridad, at ang mga resulta nito ay maliwanag din. Ito ay dahil ang nagkatawang-taong laman ng Diyos ay nakakapagsalita at nakakagawa sa isang praktikal na paraan. Ang panlabas na anyo ng Kanyang katawang-tao ay walang awtoridad at maaaring lapitan ng tao, samantalang ang Kanyang diwa ay nagtataglay ng awtoridad, ngunit walang nakakakita sa Kanyang awtoridad. Kapag Siya ay nagsasalita at gumagawa, hindi napapansin ng tao ang pag-iral ng Kanyang awtoridad; ito ay nakakatulong sa Kanyang paggawa ng praktikal na gawain. … Kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, Siya ay mananatiling ang Espiritu na parehong hindi nakikita at hindi nahahawakan ng tao. Dahil ang tao ay isang nilalang na gawa sa laman, ang tao at ang Diyos ay nabibilang sa dalawang magkaibang mundo at may magkaibang kalikasan. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi kaayon ng tao, na gawa sa laman, at sadyang walang paraan para magtatag ng mga relasyon sa pagitan nila; higit pa rito, ang tao ay hindi maaaring maging isang espiritu. Dahil dito, ang Espiritu ng Diyos ay dapat na maging isang nilalang upang magawa ang Kanyang orihinal na gawain. Ang Diyos ay parehong kaya na umakyat sa pinakamataas na lugar at ipagpakumbaba ang Kanyang sarili para maging isang taong nilikha, na gumagawa ng gawain at namumuhay na kasama ng tao, ngunit ang tao ay hindi kayang umakyat sa pinakamataas na lugar at maging isang espiritu at lalong hindi siya makakababa sa pinakamababang lugar. Ito ang dahilan kung bakit ang Diyos ay dapat magkatawang-tao upang isakatuparan ang Kanyang gawain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Ang ilang bagay tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao ay iba sa iniisip ng mga tao; iniisip nila na ang mga bagay na ito ay di-makita, di-mahawakan; mahiwaga, at nalalaman Niya ang ilang bagay nang di nahahadlangan ng lugar o heograpiya. Kung gayon, hindi iyan katawang-tao kundi espirituwal na katawan. Matapos ipako sa krus at mabuhay na mag-uli si Jesus, maaari Siyang tumagos sa pintuan, ngunit iyan si Jesus na nabuhay na mag-uli. Si Jesus bago nabuhay na mag-uli ay hindi maaaring nakatagos sa pader. Nalimitahan Siya ng lugar, heograpiya, at oras. Iyan ang normal na aspeto ng katawang-tao(“Paano Maunawaan ang Kaugnayan sa Pagitan ng Katawang-tao at ng Espiritu ng Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Sapagkat ang tao ang siyang hinahatulan, ang tao ng laman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang tuwirang hinahatulan, ang gawain ng paghatol, kung gayon, ay hindi tinutupad sa espirituwal na daigdig, kundi sa gitna ng tao. Walang sinumang higit na angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. Kung ang paghatol ay tuwirang isinagawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon, hindi ito sasaklaw sa lahat. Bukod dito, magiging mahirap para sa tao na tanggapin ang gayong gawain, sapagkat hindi magagawa ng Espiritu na lumapit nang harap-harapan sa tao, at dahil dito, hindi magiging agaran ang mga bisa, hindi makikita ng tao nang lalong malinaw ang di-naaagrabyadong na disposisyon ng Diyos. Lubusang magagapi lamang si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. … Kung ginawa ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito, kung gayon ay hindi ito mangangahulugan ng tagumpay laban kay Satanas. Likas na higit na mabunyi ang Espiritu kaysa mga mortal na nilalang, at likas na banal ang Espiritu ng Diyos, at napagtatagumpayan ang laman. Kung tuwirang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng pagsuway ng tao at hindi makakayang ibunyag ang lahat ng di-pagkamatuwid ng tao. Sapagka’t natutupad din ang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng mga kuru-kuro ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga kuru-kuro sa Espiritu, at sa gayon ay hindi kaya ng Espiritu ang higit na mainam na paghahayag sa di-pagkamatuwid ng tao, lalong hindi kaya ang ganap na paghahayag ng gayong di-pagkamatuwid. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang kaaway ng lahat ng tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga kuru-kuro ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Higit na malinaw ang mga bisa ng Kanyang gawain sa katawang-tao kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, hindi tuwirang natutupad ng Espiritu ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan, bagkus ay ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao).

Tanging sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao na personal na maihahatid ng Diyos ang Kanyang mga salita sa mga tainga ng lahat ng tao upang ang lahat ng may mga tainga ay marinig ang Kanyang mga salita at makatanggap ng Kanyang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng salita. Lamang, ang resultang ito ay nakamit ng Kanyang salita, sa halip ng pagpapamalas ng Espiritu upang takutin ang tao para magpasakop. Sa pamamagitan lamang ng gayong praktikal at higit sa karaniwang gawain maaaring lubusang maibunyag ang lumang disposisyon ng tao, na malalim na naitago sa loob ng maraming taon, upang makilala ito ng tao at mabago ito. Lahat ng ito ang praktikal na gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, kung saan nakakamit Niya ang mga resulta ng paghatol sa tao ng salita sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsasagawa ng paghatol sa isang praktikal na paraan. Ito ang awtoridad ng Diyos na nagkatawang-tao at ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay malinaw na nagpapaliwanag sa pagkakaiba ng gawain ng Diyos sa espirituwal na katawan at sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Lubusan din nitong ibinubunyag ang ibig sabihin ng gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakatawang-tao. Kahit na totoong ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ay maaaring magpakita sa tao at makipagharapan sa kanila, ang espirituwal na katawan ay tila mahiwaga at di pa rin maarok at di maunawaan ng tao. Pinupukaw niya ang takot at pag-aalala sa kanilang mga puso at nagiging sanhi para lumayo sila. Dahil ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ay hindi kayang makisalamuha nang normal sa tao at hindi makagagawa at makapagsasalita nang normal sa mga tao, ibig sabihin hindi Niya kayang iligtas ang sangkatauhan. Gayunman, ang Diyos na nagkatawang-tao ay kaiba. Kaya Niyang makasalamuha ang tao sa praktikal at tunay na paraan. Kaya Niyang diligan at tustusan ang tao tulad ng Panginoong Jesus, na namuhay na kasama ang mga tao, na nagawang ipahayag ang katotohanan upang matustusan ang tao, anumang oras at saan man. Madalas ay kasama Niyang nakaupo ang Kanyang mga alagad, nakikinig sa Kanyang mga turo at dibdibang nakikipagtalakayan sa Kanya. Direkta nilang natanggap ang Kanyang pagdidilig at pagpapastol. Anuman ang makaharap nilang mga problema o hirap, tinulungan sila ng Panginoong Jesus na malutas ito. Pinagkalooban sila ng napakaraming panustos ng buhay. Nalaman nilang ang Diyos ay palakaibigan at kaibig-ibig. Dahil dito, nagawa nilang tunay na mahalin at sundin ang Diyos. Tanging kapag dumating ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mundo ng tao tayo magkakaroon ng pagkakataong makasalamuha, maranasan at makilala ang Diyos. Noon lamang mismong makikita ng ating mga mata ang pagiging kahanga-hanga at ang karunungan ng Diyos at ang praktikal na pagliligtas sa sangkatauhan. Ito ay isang aspeto ng kahalagahan at praktikal na halaga ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi basta makakamit ng espirituwal na katawan ang epektong ito.

Ginawang napakalinaw sa atin ng pagbabahagi na ito ang isang katotohanan. Tanging sa pagkakatawang-tao bilang ang Anak ng tao at paggawa sa sakop ng normal na pagkatao magagawa ng Diyos na praktikal na hatulan, lupigin at dalisayin ang tao. Hindi makakamit ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus ang ganitong epekto sa Kanyang gawain. Sa una, kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga tao, ang magiging pakikitungo nating mga tao sa Diyos ay tulad sa karaniwang tao dahil kailangan pa nating makilala ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa kung sino Siya talaga. Bubuo pa tayo ng mga paniwala tungkol sa salita at gawain ng Diyos, tatratuhin natin si Cristo nang walang galang at tatangging sumunod sa Kanya. Magsasalita tayo ng mga kamalian para lokohin Siya, hahatulan at kakalabanin at ikokondena pa natin Siya. Ang pagmamataas, pagrerebelde, at pagkalaban nating mga tao ay mahahalata nang lubusan sa harapan ni Cristo. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang pagkasuwail at paglaban ay nalalantad kapag nakikita niya si Cristo, at ang pagkasuwail at paglaban na nalantad sa sandaling ito ay mas ganap at lubusang nalantad kaysa sa anumang iba pa. Ito ay dahil si Cristo ang Anak ng tao—isang Anak ng tao na nagtataglay ng normal na pagkatao—kaya hindi Siya pinararangalan ni iginagalang ng tao. Ito ay dahil ang Diyos ay nananahan sa katawang-tao kaya ang pagkasuwail ng tao ay nadadala sa liwanag nang lubusan at sa napakalinaw na detalye. Kaya sinasabi Ko na nahukay ng pagparito ni Cristo ang lahat ng pagkasuwail ng sangkatauhan at nabigyan ng malinaw na kaginhawahan ang likas na pagkatao ng sangkatauhan. Ito ay tinatawag na ‘pag-akit sa tigre na bumaba ng bundok’ at ‘pag-akit sa lobo na lumabas ng yungib nito’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos). Ang Diyos ay humahatol, naglalantad, nagpupungos at nakikitungo sa tao ayon sa tunay na realidad ng kanilang rebelyon at paglaban. Ang gawain ng Diyos ay tunay na praktikal at talagang nagbubunyag sa kung sino ang mga tao. Kapag nahaharap sa gayong tunay na ebidensya, ang mga tao na nagagawang tanggapin ang katotohanan ay lubusang makukumbinsi at aaminin ang kanilang sariling rebelyon at paglaban. Mababatid din nila ang banal, matwid at hindi nasasaktang disposisyon ng Diyos at magagawang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos nang may pagpapakumbaba, upang sila ay malupig at mailigtas ng praktikal na gawain ng Diyos. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang kaaway ng lahat ng tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga kuru-kuro ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Higit na malinaw ang mga bisa ng Kanyang gawain sa katawang-tao kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, hindi tuwirang natutupad ng Espiritu ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan, bagkus ay ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao. Makakayang makita at mahawakan ng tao ang Diyos sa katawang-tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay makakayang ganap na lupigin ang tao. Sa kanyang kaugnayan sa Diyos sa katawang-tao, umuusad ang tao mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, mula sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa kuru-kuro patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pagmamahal—ito ang mga bisa ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya ang tao sa panahon ng pagsalungat nito sa Kanya, at tumatanggap siya ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao). Kaya, ang tao ay lubusan lamang madadalisay at maliligtas kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ang gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw.

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong

Sinundan: Tanong 4: Nabasa namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita na may ilang mga bagay na napakabagsik. Ito ang paghatol ng sangkatauhan, at pagkondena at sumpa. Sa palagay ko, kung hinahatulan at isinusumpa ng Diyos ang mga tao, hindi ba sila huhusgahan at parurusahan? Paanong masasabi na ang uring ito ng paghatol ay upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan?

Sumunod: Tanong 2: Dahil napakinggan ko ang inyong pagbabahagi at patotoo sa mga araw na ito, malinaw na sa akin na ang ikalawang pagdating ng Panginoon sa mga huling araw ay ang pagkakatawang-tao dito para gawin ang gawain ng paghatol. Ngunit hindi natin nauunawaan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao at madaling malinlang ng mga usap-usapan at mga kamalian ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng relihiyosong daigdig. Bilang resulta, tatratuhin natin ang Diyos na nagkatawang-tao bilang isang tao lamang at kakalabanin at lalapastanganin pa Siya. Kaya, nais kong magtanong sa inyo tungkol sa katotohanan ng pagkakatawang-tao. Ano ang pagkakatawang-tao? Ano ang pagkakaiba ng nagkatawang-taong Cristo at ng mga propeta at mga apostol na ginamit ng Diyos?

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 2: Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?

Sagot: Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger