Tanong 2: Pero madalas ipangaral ng mga pastor ang kasulatan sa mga tao, ipagdasal ang mga kapatid, at hinihiling sa mga taong panghawakan ang Biblia. Pag sinasabi natin na mga ipokritong Fariseo sila, hindi ’yon maiintindihan o matutukoy ng karamihan. Kaya, pakidetalye naman ’yon sa ’min.
Sagot: Madalas ipaliwanag ng mga Fariseo noon ang Kasulatan, at ipagdasal ang mga nananalig sa mga sinagoga. Di ba’t nagmukha rin silang makadiyos sa mga tao? Kung gano’n, ba’t sila sinumpa at inilantad ng Panginoong Jesus, at sinabing sa aba ng mga ipokritong Fariseo? May nagawa kayang mali ang Panginoong Jesus sa kanila? Hindi ba naniniwala ang mga taong ang salita ng Panginoong Jesus ang katotohanan? Nagsususpetsa pa rin ba ang mga tao na mali ang ginawa ng Panginoong Jesus? ’Di matutukoy kung ang mga pastor at elder ay mga ipokritong Fariseo at anticristo o hindi sa pagtingin lang sa pagtrato nila sa mga tao. Ang mahalaga ay tingnan kung papa’no nila tinatrato ang Panginoon at ang katotohanan. Sa panlabas, mukha silang mapagmahal sa mga nananalig, pero mahal ba nila ang Panginoon? Kung mapagmahal sila sa mga tao pero nababagot at galit sila sa Panginoon at sa katotohanan, at tinutuligsa nila ang Makapangyarihang Diyos, di ba mga ipokritong Fariseo sila? ’Di ba mga antikristo sila? Mukhang nangangaral at nagpapakahirap nga sila, pero kung para lang sila maputunganat magantimpalaan, ibig bang sabihin sumusunod at tapat sila sa Panginoon? Para makilala kung ipokrito ang tao, kailangan lang alamin ang laman ng puso nila, at ang mga intensyon nila. Yan ang pinakamahalagang bagay sa pagkilala. Sinusuri ng Diyos ang puso ng tao. Kaya para malaman kung talagang iniibig ng tao ang Panginoon, dapat tingnan kung isinasabuhay at sinusunod nila ang Kanyang salita, at umaayon sa mga utos Niya. Alamin din kung pinupuri at pinatototohanan nila ang Panginoong Jesus, at kung sinusunod nila ang kalooban ng Diyos. Nakikita nating madalas ipaliwanag ng mga Fariseo ang mga Kasulatan sa mga tao sa mga sinagoga, nanangan sila sa mga panuntunan ng Biblia para sa lahat, at mapagmahal din sila sa mga tao. Pero ang totoo, lahat ng ginawa nila ay hindi pagsunod sa salita ng Diyos o pag-ayon sa mga utos ng Diyos, o puro pakitang-tao lang. Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus nang ilantad Niya sila: “Ngunit ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa para makita ng mga tao: sapagka’t pinapalapad nila ang lalagyan ng talata sa kanilang noo’t braso, at hinahabaan ang mga laylayan ng kanilang mga damit” (Mateo 23:5). Sadya pa silang tumayo sa mga sinagoga para umusal ng mahahabang panalangin. Sa oras ng pag-aayuno sadya nilang pinalungkot ang kanilang mukha, para masabi ng mga tao’ng nag-aayuno sila. Bukod do’n, sadya rin silang gumawa ng mabuti sa mga lansangan para makita ’yon ng lahat. Patuloy din silang naniwala sa mga sinaunang tradisyon at ritwal ng relihiyon tulad ng “huwag kumain nang ’di naghuhugas ng kamay.” Para linlangin ang tao sa pagsuporta at pagsamba sa kanila, pinalalaki ng mga Fariseo ang maliliit na bagay para pagtakpan ang sarili nila, at hinikayat lang nila ang mga tao na sumali sa mga pagsamba, pag-awit, at pagpupuri o ituloy ang ilang tradisyon ng mga ninuno, pero hindi nila hinikayat ang mga tao na isabuhay ang salita ng Diyos, at umayon sa mga utos ng Diyos. ’Di nila hinihikayat ang mga tao’ng ipamuhay ang katotohanan at sundin ang Diyos. Ang ginawa lang nila ay gumawa ng panlabas na bagay para lituhin at linlangin ang mga nananalig. Nang pumarito ang Panginoong Jesus para mangaral, para protektahan ang katayuan at kabuhayan nila, ang mga Fariseo’ng nagkunwaring maka-Diyos, ay tumalikod sa utos ng Diyos, sa balatkayo ng “pagtatanggol ang Biblia.” Nag-imbento sila ng mga tsismis, nagsinungaling, at galit na tinuligsa ang Panginoong Jesus, hinadlangan nila ang mga nananalig sa Kanya. Nakipagsabwatan pa sila sa mga may kapangyarihan para ipako ang Panginoong Jesus sa krus. Ayon dito, lubos na nalantad ang likas na pagkaipokrito at pagkamuhi ng mga Fariseo sa katotohanan. Sa gayo’y lubos na nabunyag ang kanilang pagiging anticristo. Ipinapakita lang niyan na ang mga Fariseo ay ipokrito, traidor, mapanlinlang, at masama ang hangarin. Mga huwad silang pastol na tumalikod sa daan ng Diyos at nanlinlang sa mga tao. Ikinulong nila ang mga nananalig, kinokontrol ang mga relihiyon para kontrahin ang Diyos, tinatanggihan, tinutuligsa at kinamumuhian ang Cristong nagkatawang-tao. Puuweba ’yan na mga anticristo silang gustong magtayo ng sariling kaharian.
Ngayon, malinaw nating nakikita ang pagiging ipokrito ng mga Fariseo, pag ikinukumpara natin sila sa mga pastor ngayon, di ba natin matutuklasang katulad lang sila ng mga Fariseo mga taong hindi ipinamumuhay ang salita ng Panginoon? ’Di rin nila Siya pinupuri at pinatototohanan. Mga tao lang silang pikit-matang nananalig, sumasamba, at nagpupuri sa Biblia. Patuloy lang silang naniniwala sa mga ritwal, gaya ng pagsamba, pagkain ng tinapay, pangongomunyon, at iba pa. Kinakausap lang nila ang mga tao tungkol sa pagiging matiisin, maka-Diyos, at mapagmahal, pero ’di nila taos na minamahal ang Diyos, at bukod diyan, hindi nila sinusunod ang Diyos at ni hindi sila natatakot sa Kanya. Nakatuon lang ang gawain nila at pangangaral sa pagpapaliwanag ng kaalaman nila sa Biblia. Pero yung pagsasabuhay sa salita ng Panginoon, pa’no umayon sa mga utos Niya, at patotohanan ang mga salita Niya, pa’no dapat sundin ang kalooban ng Ama sa langit, pa’no tunay na mahalin, sundin, at sambahin ang Diyos, at lahat ng iba’t ibang bagay na hinihingi ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan, di nila hinahanap, sinisiyasat, at inuunawa ang mga intensyon ng Panginoon, at di nila hinihikayat ang mga tao na sumunod. Kaya sila lumilibot at nangangaral ng tungkol sa Biblia at teolohiya ay para magpasikat, magpalakas, tingalain at sambahin ng mga tao. Kaya nga nang dumating ang Makapangyarihang Diyos para isagawa ang paghatol Niya, para manatiling makapangyarihan sa mga relihiyoso ang mga pastor at elder, at sa ambisyon nilang lumikha ng sarili nilang kaharian, nilabag nila’ng salita ng Panginoong Jesus! Nag-iimbento sila ng mga tsismis, inaatake at nilalapastangan ang Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila’ng lahat para hadlangan ang mga naghahanap sa tunay na daan. Halimbawa, tinuruan ng Panginoong Jesus ang tao’ng maging matalinong birhen: Pag naririnig ng tao ang “Narito, ang kasintahang lalake,” dapat niya Siyang salubungin. Pero nang mabalitaan ng mga pastor ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, hinarangan nila’ng iglesia at pinigil ang mga naghahanap sa tunay na daan! Sinabi Niyang, “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.” Pero binuyo nila’ng mga nananalig para siraan ang mga nagpapatotoo sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Inutos ng Panginoong Jesus na huwag magsinungaling, huwag magparatang, pero nag-imbento pa rin ang mga pastor ng mga paninira sa Makapangyarihang Diyos, at nakipagsabwatan pa sa demonyong CCP para kalabanin at tuligsain ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Mula rito, makikita natin na anumang sinabi at ginawa ng mga pastor at elder ay labag sa mga turo ng Panginoon. Katulad lang sila ng mga ipokritong Fariseo. Lahat sila, bulag na nanghihikayat, kumakalaban sa Diyos at nanlilinlang! Hayaan niyong basahin ko ang isang sipi. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung ang layon mo ay hindi sumunod sa Diyos, at mayroon kang ibang mga pakay, lahat ng sinasabi at ginagawa mo—ang panalangin mo sa harap ng Diyos, at maging ang bawat kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Kanya. Maaaring ikaw ay malumanay magsalita at may banayad na asal, maaaring mukhang wasto ang bawat kilos at pagpapahayag mo, at maaaring mukha kang isang taong sumusunod, ngunit pagdating sa mga layon mo at sa mga pananaw mo tungkol sa pananampalataya sa Diyos, pagsalungat sa Diyos ang lahat ng ginagawa mo; kasamaan ang lahat ng ginagawa mo. Ang mga taong lumilitaw bilang masusunurin tulad ng mga tupa, ngunit nagkikimkim ang mga puso ng masasamang pakay, ay mga lobong nakadamit ng pang-tupa. Tuwiran silang nagkakasala sa Diyos, at hindi ititira ng Diyos ang kahit isa sa kanila. Ibubunyag ng Banal na Espiritu ang bawat isa sa kanila at ipapakita sa lahat na yaong mga mapagkunwari ay tiyak na kamumuhian at tatanggihan ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Pakikitunguhan at itatapon ng Diyos ang bawat isa sa kanila nang sunud-sunod” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pananampalataya Mo sa Diyos, Dapat Kang Sumunod sa Diyos). Mukhang mapagkumbaba, mapagpasensya at mapagmahal ang mga pastor at elder na ’to, pero puno ng kataksilan, panlilinlang at kasamaan ang puso nila. Sa pagkukunwaring “ipagtanggol ang tunay na daan, protektahan ang kawan,” kinakalaban nila’ng Makapangyarihang Diyos at pinaplanong kontrolin ang mga nananalig para makamit ang mithiin nilang manatiling makapangyarihan sa iba’t ibang relihiyon at magtayo ng sariling kaharian. Ang ipokritong mga Fariseong ito na galit sa katotohanan at sa Diyos ang mismong grupo ng matitigas ang ulong anticristo na kumokontra sa Diyos na inilantad ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Lahat ng tunay na nananalig sa Diyos, dapat matuto kung pa’no matutukoy ang kanilang pagkaipokrito, likas na pagkademonyo at anticristo. Wag na kayong magpalinlang, magpalito, magpakulong at magpakontrol sa kanila. Hanapin niyo’ng tunay na daan at tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, at magbalik sa harap ng luklukan ng Diyos.
mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag