Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.
Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at pagtataka sa harap ng di-pangkaraniwang kapangyarihan, at yon ay pamahiin. Walang katotohanan ang argumentong ito, at walang batayan. Ang relihiyosong paniniwala at ang sinasabi mong pyudal na pamahiin ay dalawang magkaibang bagay. Kinukondena n’yong mga Komunista at binabawalan ang relihiyosong paniniwala sa pamamagitan ng pagkukunwaring pagtutol sa pyudal na pamahiin. Isa itong napakalaking kabaliwan. Sa mga relihiyon sa buong mundo, ang Hudaismo, Katolisismo, ang Simbahang Ortodokso ng Silangan, ang Kristiyanismo ay naniniwala sa Diyos at sa Panginoong Jesus. Ito lamang ang tunay at totoong relihiyosong paniniwala. Tatlong libong taon na ang nagdaan, ang gawain ng Diyos nung Kapanahunan ng Kautusan ang bumuhay sa Hudaismo. Nung unang panahon, narinig ng mga Israelita ang tinig ng Diyos, at alam nila ang pangalan ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos na si Jehova, sinunod nila ang mga panuntunan at kautusan na sinabi ni Jehova. Sinamba nilang lahat ang Diyos na si Jehova. Kung ganon nasisiguro nating nabuhay ang Hudaismo dahil sa gawain ng Diyos nung Kapanahunan ng Kautusan. Nung dumating ang Kapanahunan ng Biyaya, nagkatawang-tao ang Diyos bilang ang Panginoong Hesus, at nagsimulang kumilos. Natamo Niya ang pagbabalik-loob ng sangkatauhan nung ipinako Siya sa krus. Lalong dumami ang naghayag ng paniniwala sa Panginoong Jesus at nabuo ang iglesia ng Panginoong Jesus. Sa paglipas ng daan-daang taon, lumitaw ang Kristiyanismo, Katolisismo at ang Simbahang Ortodokso ng Silangan. Sila ang pinakamalalaking relihiyon sa buong mundo. Nabuo silang lahat dahil sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Ipinakita ng Makapagyarihang Diyos ng mga huling araw ang katotohanan at ginawa ang gawain ng paghatol, at iniligtas ang mga tao ng iba’t ibang sekta at samahan. Narinig ng mga taong tunay na naniniwala sa Diyos ang tinig Niya, at nag-alay ng katapatan sa luklukan ng Diyos. Kaya nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipinapakita ng katotohanang ito na ang relihiyosong paniniwala ay nabuo mula sa pagpapakita at gawain ng Diyos. Pinatunayan ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga karanasan sa buhay ng napakaraming Kristiyano. Walang pwersa ang, makapagpapabagsak at makapagbabawal sa iglesia ng Diyos o sa mga taong hinirang Niya. Ito ang katotohanan. Mula sa umpisa ng kasaysayan ng sangkatauhan, patuloy sa paggawa ang Diyos para gabayan ang mga tao, para matubos ang tao at mailigtas ang sangkatauhan. Ang pagpapakita at gawain ng Diyos, ang nagpatatag sa mga tao para maging maunlad. Hindi maitatanggi ng sinuman ang mga katotohanang ito. Dalubhasa kayo sa pagsasaliksik sa relihiyosong paniniwala. Dapat naiintindihan n’yo ang mga bagay na ito. Bakit iniiba n’yo, ang naganap sa kasaysayan, sa pagsasabing bunga ng mga ignorante at napag-iwanang tao ang relihiyosong paniniwala? Hindi ba’t, kabaliwan ang mga pinagsasasabi ninyo?
Ilang taon n’yong pinag-aralan ang relihiyosong paniniwala. Ni hindi n’yo kayang sabihin ang pagkakaiba ng pyudal na pamahiin at relihiyosong paniniwala. Pinatutunayan lang nito na hindi n’yo naiintindihan ang relihiyosong paniniwala. Sa ngayon marami ng tao ang naniniwala sa Diyos. Lampas na sa isang-katlo ng populasyon ang naniniwala. Marami sa mga magagaling na siyentipiko ang naging Kristiyano, Gaya nina, Newton, Galileo, Copernicus, at iba pa. Masasabi n’yo bang mapamahiin sila, at hindi naniwala sa siyensya? Makapagbibigay ang siyensya ng mga resulta sa pagsasaliksik sa materyal na mundo, pero hindi nito kayang siyasatin, at pag-aralan ang espiritwal na mundo. Hindi base sa siyensya ang paniniwala namin sa Diyos. Kung hindi base sa mga salita at gawain Niya. Saksi ang Banal na Biblia sa gawain ng Diyos, at yun ang makasaysayang tala ng karanasan ng sangkatauhan sa gawain ng Diyos. Nahulaan ng mga propeta sa Biblia ilang libong taon na ang nagdaan kung anong mangyayari sa mga huling araw. Nagkatotoo ang lahat ng mga propesiyang iyon, na siyang nagpapatunay na totoo ang pagpapakita at gawain ng Diyos, na tanging, ang Diyos ang namumuno sa mga tao, at naghahari sa buong daigdig. Hindi maitatanggi ng sinuman ang mga katotohanang ito.
Sabi n’yo dahil hindi nakikita ng tao ang Diyos, hindi umiiral ang Diyos. Kung ganon bakit kayo nagsusunog ng pekeng pera at yumuyuko sa lapida ng namayapang ninuno, nakikita n’yo ba ang kaluluwa ng namatay na tao? Sa pagtawag sa masasamang espiritu at pagpapahula, nakikita n’yo ba ang mundo ng mga yumaong espiritu? Kung hindi, bakit kayo nagsusunog ng pekeng pera, yumuyuko, nanghuhula at nagsasabi ng mga kapalaran? Paulit-ulit n’yong sinasabing hindi umiiral ang Diyos, at malawakang itinuturo ang ateismo, pero palihim kayong naniniwala sa mga pekeng diyos at sumasamba sa mga masasamang espiritu. Hindi ba’t kasinungalingan at panloloko ng tao ang mga ginagawa n’yong panlilinlang? Nakikita n’yong ang mga salita at gawain ng tunay na Diyos ang katotohanan, at ang mga yon ang nagdadala sa sangkatauhan ng liwanag at kaligtasan, pero tahasan n’yong itinatanggi, iniiwasan at kinakalaban ang paniniwala ng mga tao sa tunay na Diyos sa ngalan ng ateismo, pinipigilan n’yo ang relihiyosong paniniwala, at walang-awang pinahihirapan ang mga Kristiyano. Napakatindi ng problemang ito hindi po ba? Ang Diyos ay isang espiritu, Kahit nakikita ng tao ang espiritwal Niyang katawan, naririnig naman nila mga salita ng Diyos, at nakikita ang gawain ng Diyos. Ito ang katotohanang hindi maitatanggi ng lahat. Sa ilang taong nagdaan, nagsasalita ang Diyos, ginagabayan ang mga tao, inililigtas ang sangkatauhan, at pinamumunuan ang tadhana ng tao. Marami na ring ipinakitang gawa ang Diyos. Ang karanasan ng tao at praktikal na karunungan sa mga bagay na ito ang bumuhay sa maraming kawikaan, gaya ng “Magtiwala sa kaloob ng Langit,” “Ang tao ang nagmumungkahi, Diyos ang nagbibigay,” “Maaaring ipunla ng tao ang buto, ngunit nakadepende sa Langit ang ani,” “Palaging may paraan ang Langit,” “Pinapalitan ng mga plano ng Langit ang sa atin,” “Ang kapalaran ng tao ay nakasulat sa mga bituin” at iba pa. Pinatutunayan ng lahat ng ito na may Tagapamahalang namumuno at nag-aayos sa mundo ng tao, nangunguna, nagbabasbas at nag-aaruga sa sangkatauhan. May mga kasabihan ding malimit marinig, “May isang espiritung nagbabantay sa iyo,” “Sa pagkilos ng tao, nagmamasid ang Langit,” at “Ang ginawa mo sa kapwa ay bumabalik din sa iyo.” Ipinakikita ng mga ito na, ang Diyos ang Panginoon ng paglikha, at ang Diyos ang naghahari sa lahat ng bagay. Ang espiritu ng Diyos ang nagbabantay sa lahat. Ang Diyos ang nagpaparusa batay sa mga kilos ng tao, at nagpapasya ng kapalaran ng sangkatauhan.
Sabi mo dahil walang nakakakita sa Diyos, hindi Siya umiiral. Masasabi kong mali ang pananaw mo! Hinangad mo na ba ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Nabasa mo na ba Ang Banal na Biblia at Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao? Sabi sa Biblia, “Nang pasimula Siya ang Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos, at ang Salita ay Diyos” (Juan 1:1). Kahit hindi nakita ng mga tao ang Espiritu ng Diyos, naririnig naman nila ang tinig Niya, nakikita ang mga salitang winika ng Diyos, at nararanasan ang mga gawain ng Diyos sa sarili nila. Sa ilang libong taon, tatlong yugto na ng gawain ang nagawa ng Diyos. Sa Israel, ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, inihayag ang Kanyang mga batas at kautusan sa mga tao ng Israel. Sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa ng Diyos ang gawain ng pagtubos. Pinatawad ang mga kasalanan ng di-mabilang na tao sa pamamagitan ng paniniwala nila sa Panginoong Jesus. Nabuhay sila sa presensya ng Diyos, at tinamasa ang kapayapaan at kaligayahang ibinigay ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Kaharian, muling nagkatawang-tao ang Diyos at inihayag ang katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol, na nagdadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan. Gumawa ang Diyos ng napakaraming bagay. Bakit hindi yon nakikita ng mga tao? Bakit panay pa rin ang pagpuna nila at sinasabi pa nilang hindi umiiral ang Diyos? Hindi lang sa nakikita nakadepende ang paniniwala namin sa Diyos. Ang pagpapakita at gawain Niya ang pinakabasehan namin. Maraming sinabing salita ang Diyos na nagkatawang-tao. Ang mga salita Niya ay ibang-iba sa salita ng mga tao. Walang makapagsasabi ng mga ganung salita. May awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Diyos. Araw-araw yung nagkakatotoo at natutupad. Nagliligtas ng maraming tao ang bawat yugto ng gawain ng Diyos at dinadala sila sa harapan Niya, yun ang nagpapakita sa kanila na umiiral ang Diyos at nagtuturo sa disposisyon Niya. Ito ang mga dahilan kaya dumarami ang tumatalima sa Diyos. Anong dahilan at hindi mo nakikita ang katotohanang ito? Gusto kong ibahagi ang ilang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Kapag narinig n’yo na ang mga salita Niya, maiintindihan n’yo nang mabuti ang mga katotohanan tungkol sa malawakang paglikha at paghahari ng Diyos sa lahat ng bagay.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa kalakhan ng sansinukob at ng kalangitan, di-mabilang na mga nilikha ang naninirahan at nagpaparami, sumusunod sa batas ng siklo ng buhay, at sumusunod sa isang tuntuning hindi nagbabago. Yaong mga namamatay ay tinatangay ang mga kuwento ng mga buhay, at yaong mga buhay ay inuulit ang parehong kalunus-lunos na kasaysayan ng mga pumanaw na. Kaya nga, hindi maiwasan ng sangkatauhan na tanungin ang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang nag-uutos sa mundong ito? At sino ang lumikha sa sangkatauhang ito? Tunay bang nilikha ng Inang Kalikasan ang sangkatauhan? Tunay bang nasa kontrol ng sangkatauhan ang kanyang sariling kapalaran? … Hindi lamang alam ng sangkatauhan kung sino ang Pinakamakapangyarihan sa sansinukob at sa lahat ng bagay, lalo na ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang tao ay nabubuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang makakatakas dito at walang makakapagpabago rito, sapagkat sa lahat ng bagay at sa kalangitan ay Iisa lamang ang nagmumula sa walang hanggan hanggang walang hanggan na nagtataglay ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat. Siya Yaong hindi pa nakikita ng tao kailanman, Yaong hindi pa nakikilala ng sangkatauhan kailanman, na kung kaninong pag-iral ay hindi pa napaniwalaan ng sangkatauhan kailanman—gayunma’y Siya ang nagbuga ng hininga sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya Yaong nagtutustos at nangangalaga sa sangkatauhan, na nagpapahintulot na siya ay umiral; at Siya Yaong nakagabay sa sangkatauhan hanggang ngayon. Bukod pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa kaligtasan. Siya ang nagtataglay ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay at namumuno sa lahat ng nabubuhay sa sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, nagyelong hamog, niyebe, at ulan. Siya ang nagdadala ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasimula sa gabi. Siya ang naglatag ng kalangitan at lupa, na nagbibigay sa tao ng mga kabundukan, lawa, at ilog at lahat ng nabubuhay roon. Ang Kanyang mga gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Bawat isa sa mga batas at tuntunin na ito ay sagisag ng Kanyang mga gawa, at bawat isa ay naghahayag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang hindi magpapasaklaw ng kanilang sarili sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan? At sino ang hindi magpapasakop ng kanilang sarili sa Kanyang mga plano? Lahat ng bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at bukod pa rito, lahat ng bagay ay nabubuhay sa ilalim ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Ang Kanyang mga gawa at Kanyang kapangyarihan ay nag-iiwan sa sangkatauhan na walang pagpipilian kundi kilalanin ang katunayan na Siya ay totoong umiiral at nagtataglay ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos).
“Mula nang umiral ang tao, iyon na ang ginagawa ng Diyos, pinamamahalaan ang sansinukob, pinangangasiwaan ang mga panuntunan ng pagbabago para sa lahat ng bagay at kung paano gagalaw ang mga ito. Tulad ng lahat ng bagay, tahimik at hindi alam ng tao na pinalulusog siya ng tamis at ulan at hamog mula sa Diyos; tulad ng lahat ng bagay, hindi alam ng tao na nabubuhay siya sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao).
“Bagama’t hindi tinatanggap ng sangkatauhan na mayroong Diyos, o ang katunayan na ang Lumikha ang gumawa at may kapamahalaan sa lahat ng bagay, at bukod pa rito ay hindi kinikilala ang pag-iral ng awtoridad ng Lumikha, patuloy na higit pang natutuklasan ng mga siyentipiko, astronomo, at pisiko na ang pag-iral ng lahat ng bagay sa sansinukob, at ang mga prinsipyo at mga disenyo na nagtatakda ng kanilang mga pagkilos, ay pinamamahalaan at kinokontrol na lahat ng isang malawak at di-nakikitang madilim na enerhiya. Ang katotohanang ito ang pumipilit sa tao na harapin at kilalanin na may Isang Makapangyarihan sa gitna ng mga disenyong ito ng pagkilos, na nagsasaayos sa lahat ng bagay. Hindi pangkaraniwan ang Kanyang kapangyarihan, at bagama’t walang sinuman ang nakakakita sa Kanyang tunay na mukha, Siya ang namamahala at kumukontrol sa lahat ng bagay sa bawat saglit. Walang tao o lakas ang may kakayahang lumampas sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Dahil nahaharap sa ganitong katotohanan, dapat kilalanin ng tao na ang mga batas na namamahala sa pag-iral ng lahat ng bagay ay hindi makakayang kontrolin ng mga tao, hindi makakayang baguhin ninuman; dapat din niyang tanggapin na hindi makakayang ganap na unawain ng mga nilikhang tao ang mga batas na ito; at ang mga ito ay hindi likas na nangyayari, bagkus ay ipinag-uutos ng isang Kataas-taasang Kapangyarihan” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III).
mula sa iskrip ng pelikulang Ang Paglalantand ng Komunismo