586 Mawalan ng Pagkakataon at Pagsisisihan Mo Iyon Magpakailanman
I
Kumain at uminom ng mga salita ng Diyos,
isagawang manalangin,
tanggapin pasanin ng Diyos
at lahat ng Kanyang ipinagkakatiwala.
Ang lahat ng mga bagay na ito’y
para sa landas sa iyong harapan.
Kapag mas pinapasan ang atas ng Diyos,
mas higit kang magiging perpekto.
Ang ilan ay maa’ring
ayaw maglingkod sa Diyos kapag tinawag.
Ito’y mga tamad na tao
na mahilig lamang sa ginhawa.
Ngayon na’ng panahon
upang maperpekto ng Diyos.
Kung ‘di kukunin pagkakataong ‘to,
palagi mo itong pagsisisihan,
tulad ni Moises na ‘di nakapasok
sa lupain ng Canaan,
puno ng pagsisisi
hanggang sa araw ng kanyang kamatayan.
II
Kapag ika’y mas hinilingang maglingkod,
mas maraming karanasan ang iyong makukuha.
Kung mas malaki ang ‘yong pasanin,
higit kang magiging perpekto.
Kung naglilingkod ka ng taos-puso,
aalalahanin mo ang pasanin ng Diyos,
ika’y magkakaroon ng mas maraming
pagkakataon na maging perpekto.
Mas higit kang inaantig ng Banal na Espiritu,
lalo mong aalalahanin ang pasanin ng Diyos,
lalo kang magiging perpekto
at makakamit ng Diyos.
Sa huli, magagawa mong maging
isang taong magagamit Niya.
Ngayon na’ng panahon
upang maperpekto ng Diyos.
Kung ‘di kukunin pagkakataong ‘to,
palagi mo itong pagsisisihan,
tulad ni Moises na ‘di nakapasok
sa lupain ng Canaan,
puno ng pagsisisi
hanggang sa araw ng kanyang kamatayan.
III
Dapat niyo ngayong alalahanin
ang pasanin ng Diyos.
Huwag hintayin hanggang Kanyang
pagiging matuwid ay maihayag sa lahat ng tao.
Pagkatapos ay huli na ang lahat,
mapupuno ka ng panghihinayang.
Kahit ‘di ka kinakastigo ng Diyos,
gagawin mo ito sa ‘yong sarili.
Kung ‘di mo taimtim na hinahangad
na maperpekto ng Diyos,
kapag natapos na ang ginagawa ng Diyos,
magiging huli na ang lahat.
Gaano man kalakas ang ‘yong kalooban,
gaano man kalaki ang ‘yong pagsisikap,
kung ‘di na gumagawa ang Diyos,
hinding-hindi ka magiging perpekto.
Ngayon na’ng panahon
upang maperpekto ng Diyos.
Kung ‘di kukunin pagkakataong ‘to,
palagi mo itong pagsisisihan,
tulad ni Moises na ‘di nakapasok
sa lupain ng Canaan,
puno ng pagsisisi
hanggang sa araw ng kanyang kamatayan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isaisip ang Kalooban ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto