585 Magdala ng Mas Maraming Pasanin para Mas Madaling Maperpekto ng Diyos
Ⅰ
‘Pag mas inisip mo ang kalooban ng Diyos,
mas bibigat pasanin mo.
‘Pag dumami pa ang pasanin mo,
mas sasagana karanasan mo.
‘Pag kalooban ng Diyos inisip mo,
pasaning ‘to’y ibibigay sa’yo.
Liliwanagan Niya mga bagay
na ‘pinagkatiwala Niya sa ‘yo.
Matapos Niyang ibigay itong pasanin,
kaugnay na katotohana’y pagtutuunan mo
habang salita Niya’y kinakai’t iniinom mo.
Kaugnay na katotohana’y pagtutuunan mo.
Kung pasanin mo’y may kaugnayan
sa buhay ng mga kapatid,
ito’y ‘pinagkatiwala ng Diyos.
Ipapanalangin mo ‘to sa araw-araw.
Pagkai’t pag-inom ng salita ng Diyos,
pagtanggap sa pasanin, at pagdarasal,
pagtanggap sa ‘pinagkakatiwala Niya sa ‘yo
ay upang magkaro’n ng landas sa harap mo.
‘Pag pasanin mo’y mas lalo pang para sa tagubilin Niya,
mas madali kang mapeperpekto.
Ⅱ
Ginagawa ng Diyos ‘pinagkatiwala sa ‘yo,
at nais mong gawin ang nais Niya.
Kaya pasanin ng Diyos nagiging iyo.
Ito’y pagbuhat ng pasanin Niya.
‘Pag kumakai’t umiinom ng salita ng Diyos
habang may pasanin ka,
diwa ng salita Niya’y nauunawaan,
landas mo’y makikita, kalooban Niya’y isaisip.
Kaya nga, sa Diyos manalangin ka
na dumami mga pasanin mo,
na ‘pagkatiwala Niya sa ‘yo mas dakilang mga bagay,
para pagsasagawa mo’y maging dakila,
mas makikinabang ka sa pagkain ng Kanyang salita,
diwa ng Kanyang salita’y mauunawaan,
at mas matatanggap mong
antigin ka ng Banal na Espiritu.
Pagkai’t pag-inom ng salita ng Diyos,
pagtanggap sa pasanin, at pagdarasal,
pagtanggap sa ‘pinagkakatiwala Niya sa ‘yo
ay upang magkaro’n ng landas sa harap mo.
‘Pag pasanin mo’y mas lalo pang para sa tagubilin Niya,
mas madali kang mapeperpekto.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isaisip ang Kalooban ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto