281 Panahon
I
Isang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,
sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,
masipag na nagsisikap,
naghahangad ng isang pangarap.
‘Di nito alam kung saan nagmumula o pumupunta,
isinilang sa luha’t naglalaho sa pighati.
Bagama’t natapakan, kinakaya pa rin nito.
Pagdating Mo’y nagwawakas
sa buhay na mahirap.
Nakikita ko’ng pag-asa’t
sinasalubong ang liwanag ng bukang-liwayway.
Tumitingin ako sa malabong distansya,
nasisilip ko’ng bahagya’ng Iyong hugis.
Iyon ang ningning, ningning ng Iyong mukha.
II
Kahapon, napadpad sa banyagang lupa,
ngunit ngayon natagpuan ko’ng daan pabalik.
Tadtad ng mga sugat, ‘di tulad ng sa tao,
itinatangis kong ang buhay ay isang panaginip.
Pagdating Mo’y nagwawakas sa buhay na mahirap.
‘Di na ako naliligaw, ‘di na pagala-gala.
Nasa tahanan na ako.
Nakikita ko na’ng Iyong puting damit.
Nakikita ko ang ningning ng Iyong mukha.
Maraming siklo ng muling pagsilang,
kayraming taon ng paghihintay;
naparito na’ng Makapangyarihan sa lahat.
Daa’y nasumpungan na ng kaluluwang malumbay,
at ‘di na ito malungkot.
Isang pangarap ng libu-libong taon.