587 Mapalad Yaong Tunay na Gumugugol para sa Diyos

Ngayon, mahal ng Diyos sinumang

makagagawa ng kalooban Niya,

sinumang kayang magmalasakit

sa Kanyang mga pasanin,

at sinumang kayang magbigay ng lahat-lahat

sa Kanya nang taos-puso at tapat.

Lagi silang liliwanagan ng Diyos,

‘di hahayaang malayo sa Kanya.

“Sa mga yaong gumugugol para sa Akin

at tapat na ginagawa ‘tong dakilang bagay,

tiyak na pagpapalain Ko kayong lubos,”

mga salitang malimit sabihin ng Diyos.


Alam mo ba kung ano’ng tinutukoy ng salitang “pagpalain”?

Kaugnay ng gawain ng Banal na Espiritu,

ang kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu,

pinapahiwatig ang mga pasaning bigay ng Diyos sa’yo.

“Sa mga yaong gumugugol para sa Akin

at tapat na ginagawa ‘tong dakilang bagay,

tiyak na pagpapalain Ko kayong lubos,”

mga salitang malimit sabihin ng Diyos.


Lahat ng kayang magdala ng pasanin para sa iglesia,

silang tapat na alay ang sarili sa Diyos,

kanilang pasanin at tapat na puso’y biyaya ng Diyos,

Kanyang pahayag sa kanila’y biyaya rin.

“Sa mga yaong gumugugol para sa Akin

at tapat na ginagawa ‘tong dakilang bagay,

tiyak na pagpapalain Ko kayong lubos,”

mga salitang malimit sabihin ng Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 82

Sinundan: 586 Mawalan ng Pagkakataon at Pagsisisihan Mo Iyon Magpakailanman

Sumunod: 588 Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger