101 Ang Layon ng Gawain ng Pamamahala ng Diyos

I

May anim-na-libong-taong

plano ng pamamahala ang Diyos,

nahahati sa tatlong yugto,

tinatawag na kapanahunan.

Panahon ng Kautusan ang una, tapos Biyaya,

at Panahon ng Kaharian ang huling yugto.

Magkakaiba man ang gawain ng Diyos sa bawat isa,

ito’y angkop sa mga pangangailangan ng tao,

o para mas malinaw,

ito’y naaayon sa panlilinlang

ni Satanas habang dinidigma ito ng Diyos.


Ang layon ng gawain ng Diyos

ay talunin si Satanas,

upang mahayag ang karununga’t

walang hanggang kapangyarihan ng Diyos,

at ilantad lahat ng panlilinlang ni Satanas,

sa gayon maililigtas ang tao sa sakop nito,

sa gayon maililigtas ang tao sa sakop nito.


II

Ito’y upang mahayag ang karununga’t

walang hanggang kapangyarihan ng Diyos,

at ilantad ang pangit na kabuktutan ni Satanas,

turuan mga nilalang sa pagkilatis

ng mabuti’t masama,

at malamang ang Diyos Mismo

ang Namumuno sa lahat,

malinaw na makitang

si Satanas ay kalaban ng tao,

ito’ng siyang masama, isang kasumpa-sumpa,

sa gayon makikilatis ang mabuti

sa masama, katotohanan sa kabulaanan,

kabanalan sa karumihan, dakila sa hamak.


Ang layon ng gawain ng Diyos

ay talunin si Satanas,

upang mahayag ang karununga’t

walang hanggang kapangyarihan ng Diyos,

at ilantad lahat ng panlilinlang ni Satanas,

sa gayon maililigtas ang tao sa sakop nito,

sa gayon maililigtas ang tao sa sakop nito.


Gawing patotoo sa Kanya

ang mangmang na mga tao:

‘Di Diyos ang nagdala sa tao ng katiwalian

at Diyos lamang Mismo, Panginoon ng paglikha,

ang makapagbibigay ng mga bagay

na ikatutuwa’t ikaliligtas ng tao.

Ito’y upang maunawaan nilang

ang Diyos ang Namumuno sa lahat,

na si Satanas ay nilikha Niya lamang,

na kalauna’y kumalaban sa Kanya.


III

Anim-na-libong-taong plano ng Diyos

ay nahahati sa tatlong yugto,

upang makamit ang mga sumusunod:

pahintulutang maging saksi Niya

ang mga nilikha Niya,

malaman kalooban Niya,

at makitang katotohana’y Siya.


Ang layon ng gawain ng Diyos

ay talunin si Satanas,

upang mahayag ang karununga’t

walang hanggang kapangyarihan ng Diyos,

at ilantad lahat ng panlilinlang ni Satanas,

sa gayon maililigtas ang tao sa sakop nito,

sa gayon maililigtas ang tao sa sakop nito.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kwento sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

Sinundan: Paunang Salita

Sumunod: 102 Ang Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ay Ganap na Nagligtas sa Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

85 Kasama Ka Hanggang Wakas

ⅠNagpapaanod ako’t nilalakbay ang mundo,pakiramdam ay wala sa sarili at sa loob ay walang-kakayanan.Ginising ng Iyong mga malalambing na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito