901 Basta’t Hindi Mo Iniiwan ang Diyos
Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
Ⅰ
Kung nararamdaman man ng tao
ang kalooban Niya o hindi,
Siya ay walang-humpay na nagpapatuloy sa gawain
na kailangan Niyang gawin
kung naiintindihan man ng tao
ang pamamahala Niya o hindi,
ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong
at tustos na maaaring madama ng lahat.
Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
Ⅱ
Marahil ay ‘di mo nararamdaman
ngayon ang pagmamahal
at ang buhay na ibinibigay ng Diyos,
ngunit hangga’t hindi mo iniiwan ang Kanyang panig,
ni tinalikdan ang iyong kalooban
upang humanap ng katotohanan,
isang araw, tiyak, makikita mo ang ngiti ng Diyos.
Ⅲ
Dahil sa ang layunin ng gawaing
Pamamahala ng Diyos
ay upang agawin ang sangkatauhan
mula sa sakop ni Satanas,
at huwag talikuran ang mga taong natiwali ni Satanas,
at tutulan ang Kanyang kalooban.
Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos