400 Ang Paghahangad na Dapat Sundin ng mga Mananampalataya
1 Ano ang dapat mong hangarin ngayon? Kaya mo mang magpatotoo para sa gawain ng Diyos o hindi, nagagawa mo mang maging isang patotoo at isang pagpapakita ng Diyos o hindi, at angkop ka mang kasangkapanin Niya o hindi—ito ang mga bagay na dapat mong hangarin. Gaano karaming gawain ba ang talagang nagawa sa iyo ng Diyos? Gaano karami ba ang iyong nakita, gaano karami ang iyong nahawakan? Gaano karami ang iyong naranasan, at natikman? Nasubok ka man, napakitunguhan, o nadisiplina ng Diyos, ang Kanyang gawain ay naisagawa sa iyo. Ngunit bilang isang mananampalataya sa Diyos at bilang isang taong handang hangarin na magawa Niyang perpekto, nagagawa mo bang magpatotoo para sa gawain ng Diyos batay sa iyong praktikal na karanasan? Nagagawa mo bang maglaan para sa iba sa pamamagitan ng iyong sariling praktikal na karanasan, at gugulin ang iyong buong buhay sa pagpapatotoo sa gawain ng Diyos? Para makapagpatotoo sa gawain ng Diyos, kailangan mong umasa sa iyong karanasan, kaalaman, at sakripisyong nagawa; dapat mong hayaan ang mga tao na malaman ang gawain ng Diyos at makita ang Kanyang mga kilos. Kung tunay mong hinahangad ang lahat ng ito, gagawin kang perpekto ng Diyos.
2 Kung ang tanging hangad mo ay magawang perpekto ng Diyos at mapagpala sa pinakahuli, hindi dalisay ang pananaw ng iyong pananampalataya sa Diyos. Dapat mong hangarin kung paano makita ang mga gawa ng Diyos sa tunay na buhay, kung paano Siya mapapalugod kapag ibinubunyag Niya sa iyo ang Kanyang kalooban, at hangarin kung paano ka dapat magpatotoo tungkol sa Kanyang pagiging kamangha-mangha at karunungan, at kung paano magpatotoo kung paano ka Niya dinidisiplina at pinakikitunguhan. Lahat ng ito ay mga bagay na dapat mong pinagninilayan ngayon. Kung ang pagmamahal mo sa Diyos ay para lamang makabahagi ka sa kaluwalhatian ng Diyos matapos ka Niyang gawing perpekto, hindi pa rin ito makakatugon sa mga kinakailangan ng Diyos. Kailangan mong magawang magpatotoo tungkol sa gawain ng Diyos, mabigyang-kasiyahan ang Kanyang mga hinihiling, at maranasan ang gawaing Kanyang nagawa sa mga tao sa praktikal na paraan. Pasakit man, mga luha, o kalungkutan, kailangan mong maranasan ang lahat ng ito sa iyong pagsasagawa. Layon nitong gawin kang perpekto bilang isang taong nagpapatotoo para sa Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino