41 Gumuguho ang Mundo, Nagkakahugis ang Kaharian
Ⅰ
Salita Ko’y hinihintay n’yo na gumaan, mali kayo!
Salita Ko’y depende sa kaharap Ko.
Sa ‘King mahal, laging mahinahon ang tono Ko.
Pero sa inyo, ito ay malupit, pagkastigo at galit.
Araw-araw mundo’y gumuguho.
At pumapanaw ang tao.
Nahuhubog kaharian Ko.
Lumalago ang Aking mga tao.
Tumitindi galit Ko, pati na pagkastigo Ko.
Mas lumulupit araw-araw ang salita Ko.
Ⅱ
Sitwasyon mas malala
sa mundo, sa bawat bansa.
Araw-araw pagguho at kaguluhan.
Mga pinuno ng bansa gusto ng kapangyarihan,
di alam pagkastigo Ko’y dumarating sa kanila.
Kapangyarihan Ko, di nila kayang agawin!
Araw-araw mundo’y gumuguho.
At pumapanaw ang tao.
Nahuhubog kaharian Ko.
Lumalago ang Aking mga tao.
Tumitindi galit Ko, pati na pagkastigo Ko.
Mas lumulupit araw-araw ang salita Ko.
Ⅲ
Ako lamang ang nararapat mamuno,
lahat nakasalalay sa Akin.
Papatayin Ko ang nanunuri sa Akin,
dahil gawain Ko’y abot na rito.
Araw-araw may paghahayag at liwanag na bago.
Lahat ay lalong nagiging perpekto.
Huling araw ni Satanas malapit na
mas malapit at malinaw kaysa rati.
Araw-araw mundo’y gumuguho.
At pumapanaw ang tao.
Nahuhubog kaharian Ko.
Lumalago ang Aking mga tao.
Tumitindi galit Ko, pati na pagkastigo Ko.
Mas lumulupit araw-araw ang salita Ko.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 82