760 Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis
I
Ang pag-ibig ay dalisay na damdamin,
walang dungis.
Gamitin mo’ng puso mo
upang magmahal at magmalasakit.
‘Di ito nagtatakda ng kundisyon
o hadlang o distansya.
Gamitin mo’ng puso mo
upang magmahal at magmalasakit.
Kung nagmamahal ka, ‘di ka nanlilinlang,
nagrereklamo, tumatalikod,
nanghihingi ng anumang kapalit.
Magsasakripisyo ka, titiisin ang hirap,
at makakasundo mo ang Diyos.
II
Sa pag-ibig walang hinala, tuso o mapanlinlang.
Gamitin mo’ng puso mo
upang magmahal at magmalasakit.
Sa pag-ibig, walang transaksyon
at walang ‘di dalisay.
Gamitin mo’ng puso mo
upang magmahal at magmalasakit.
Kung nagmamahal ka, ‘di ka nanlilinlang,
nagrereklamo, tumatalikod,
nanghihingi ng anumang kapalit.
Magsasakripisyo ka, titiisin ang hirap,
at makakasundo mo ang Diyos.
III
Isusuko mo sa Diyos ang ‘yong pamilya,
kabataan at kinabukasan,
pati pag-aasawa mo;
ibibigay mo’ng iyong lahat para sa Kanya.
Kung ‘di, pag-ibig mo’y ‘di tunay,
bagkus panlilinlang, pagtataksil sa Diyos.
Kung nagmamahal ka, ‘di ka nanlilinlang,
nagrereklamo, tumatalikod,
nanghihingi ng anumang kapalit.
Magsasakripisyo ka, titiisin ang hirap,
at makakasundo mo ang Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Marami ang Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang Nahirang