297 Isang Panaghoy para sa Kalunos-lunos na Mundo
I
Nagpapaanod sa panahon, lumilipas na buhay.
Mga taon ay parang panaginip.
Nagmamadali para sa yaman at katanyagan.
Ginugol ang buhay sa mga bagay ng laman.
Walang ‘binigay sa katotohanan.
Pinalipas na nila’ng kabataan nang ganito.
Walang iniisip tungkol sa paghihirap ng Diyos
o ang Kanyang pagiging kaibig-ibig.
Pinalilipas lang ang mga hungkag na araw.
Walang araw na ipinamumuhay para sa Diyos.
‘Di pinapangiti ang Diyos.
Hungkag at walang halaga.
Sino’ng nakaunawa sa puso ng Diyos
at kayang mabuhay o mamatay kasama ng Diyos?
Sino na’ng nagpahalaga sa mga salita Niya’t
naglaan ng lahat nila sa Diyos?
Kailan huhumpay ang tagsibol na bulaklak
sa pamumukadkad?
Narito sa mundo’ng tunay na pag-ibig.
Saya’t lungkot, pagtaas at pagbaba.
Ikot ng mga panahon, tuloy-tuloy.
Diyos ay tinatalikuran taon-taon.
Kalunos-lunos na mundo!
II
May tahanan ang tao, isang maginhawang lugar.
Ngunit ang Diyos
ay walang mapagpahingahan ng ulo Niya.
Ilan ang nag-aalay ng sarili?
Puno na Siya sa kalamigan nila,
tiniis ang paghihirap ng buong mundo.
Ngunit walang nagpakita ng simpatiya nila.
Nag-aalala sa tao, abala’ng Diyos sa kanila
at gumagawa nang walang kapaguran.
Sino’ng nag-iisip para sa Diyos?
Kahit dumadaan ang panahon,
‘binibigay Niya’ng lahat sa tao,
sino na’ng humingi ng kaginhawahan Niya?
Sobra makahingi ang tao sa Diyos!
‘Di kailanman iniisip ang kalooban Niya.
Tinatamasa ang masayang buhay pamilya,
ngunit ba’t Siya pinaiiyak nila?
Kailan huhumpay ang tagsibol na bulaklak
sa pamumukadkad?
Narito sa mundo’ng tunay na pag-ibig.
Saya’t lungkot, pagtaas at pagbaba.
Ikot ng mga panahon, tuloy-tuloy.
Diyos ay tinatalikuran taon-taon.
Kalunos-lunos na mundo!