86 Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita
I
Sa mga huling araw
ng pagkakatawang-tao ng Diyos,
unang-una Niyang ginagamit ang salita
upang ibunyag at tuparin lahat.
‘Di na kailangan ng katunayan,
sapat na’ng mga salita.
Walang ibang ginagawa’ng
nagkatawang-taong Diyos
kundi ang mangusap ng mga salita.
Sa mga salita Niya lamang mo makikita
kung ano Siya, Siya ang Diyos Mismo.
Diyos ay naparito sa mga huling araw
upang gampanan ang ministeryo ng salita,
upang tao’y makilala Siya,
makita kung ano Siya,
Kanyang karunungan
at mga kamangha-manghang gawa
mula sa Kanyang salita.
II
Sa hinaharap, salita Niya’y darating
sa bawat relihiyon at grupo,
bawat bansa at denominasyon.
Gamit ng Diyos ang salita upang manlupig
at makita ng lahat
ang kapangyariha’t awtoridad nito.
Kaya ngayon, salita lang Niya’ng kaharap n’yo.
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
unang-unang ginagamit ng Diyos
ang salita upang lupigin lahat ng tao.
Diyos ay naparito sa mga huling araw
upang gampanan ang ministeryo ng salita,
upang tao’y makilala Siya,
makita kung ano Siya,
Kanyang karunungan
at mga kamangha-manghang gawa
mula sa Kanyang salita.
III
Sa araw ng kaluwalhatian ng Diyos,
salita Niya’y magpapakita ng awtoridad.
Mula pa noon hanggang ngayon,
lahat ng salita Niya’y magaganap.
Sa paraang ito, kaluwalhatian
ay mapapasa-Diyos sa lupa.
Samakatwid, mga salita Niya’y maghahari
sa lupa magpakailanman.
Sa Kapanahunan ng Kaharian,
unang-unang ginagamit ng Diyos
ang salita upang lupigin lahat ng tao.
Diyos ay naparito sa mga huling araw
upang gampanan ang ministeryo ng salita,
upang tao’y makilala Siya,
makita kung ano Siya,
Kanyang karunungan
at mga kamangha-manghang gawa
mula sa Kanyang salita.
IV
Lahat ng buktot ay kakastiguhin
ng Kanyang mga salita,
lahat ng matuwid ay pagpapalain.
Lahat ay matatatag,
gagawing ganap ng mga salita Niya,
nang ‘di kailangan ng mga tanda’t kababalaghan.
Lahat tutuparin ng mga salita Niya,
magbubunga ito ng mga katunayan.
Diyos ay naparito sa mga huling araw
upang gampanan ang ministeryo ng salita,
upang tao’y makilala Siya,
makita kung ano Siya,
Kanyang karunungan
at mga kamangha-manghang gawa
mula sa Kanyang salita.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos