179 Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao

1 Tanging kapag nagpakababa ang Diyos Mismo hanggang sa isang punto, na ibig sabihin, tanging kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao, na ang tao ay maaaring maging malapit sa Kanya at katiwalang-loob Niya. Ang Diyos ay Espiritu: Paano magiging karapat-dapat ang tao na maging malapit sa Espiritung ito, na napakataas at di-maarok? Tanging kapag bumaba ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at nagiging isang nilalang na may parehong panlabas na anyo ng tao, na maaaring maunawaan ng tao ang Kanyang kalooban at talagang matamo Niya.

2 Nagsasalita at gumagawa Siya sa katawang-tao, nakikibahagi sa mga kaligayahan, kalungkutan at kapighatian ng sangkatauhan, namumuhay sa kaparehong daigdig ng sangkatauhan, pinangangalagaan ang sangkatauhan, ginagabayan sila, at sa pamamagitan nito nililinis Niya ang mga tao, at hinahayaang matamo ng mga ito ang Kanyang pagliligtas at Kanyang pagpapala. Matapos matamo ang mga bagay na ito, tunay na nauunawaan ng mga tao ang kalooban ng Diyos, at saka lamang maaari silang maging malapit sa Diyos. Ito lamang ang praktikal. Kung ang Diyos ay di-nakikita at di-nahahawakan ng mga tao, paano sila magiging malapit sa Kanya? Hindi ba ito isang doktrinang walang laman?

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos

Sinundan: 178 Ginagawa ng Diyos na Nagkatawang-tao ang Pinakamahalagang Gawain ng Pagliligtas sa Tao

Sumunod: 180 Nagpapakita ang Praktikal na Diyos sa Gitna ng Sangkatauhan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito