42 Ang Panahong Nawala ay Hindi na Kailanman Darating Muli
Ⅰ
Gumising, mga kapatid! Gumising, mga kapatid!
Ang araw ng Diyos ay ‘di maaantala.
Ang oras ay buhay, ang pagsunggab sa oras
ay nagliligtas ng buhay.
Hindi malayo ang oras!
Kung kayo’y kumukuha ng eksamen
nguni’t hindi nakapasa,
maaari kayong muling sumubok
at mag-aral nang mabuti.
Nguni’t dapat ninyong malaman na
ang araw ng Diyos ay hindi maaantala.
Maniwala sa Diyos, na inyong Tagapagligtas!
Siya ang inyong Makapangyarihan!
Manatiling nagbabantay!
Ang panahong nawala ay ‘di na magbabalik.
Walang lunas sa panghihinayang.
Pa’no ito sasabihin sa inyo ng Diyos?
Ang Kanyang salita ba ay ‘di marapat
sa inyong konsiderasyon at sa inyong pagninilay?
Ⅱ
Tandaan, hinihikayat kayo ng Diyos,
binibigkas ang mabubuting salitang ito.
Ang wakas ay nagaganap sa inyong harapan,
nalalapit ang mga kalamidad.
Mahalaga ba ang inyong buhay
o ang inyong kinakain at isinusuot?
Ngayon, dumating na ang oras
para pagnilayan ninyo ang mga bagay na ito.
Maniwala sa Diyos, na inyong Tagapagligtas!
Siya ang inyong Makapangyarihan!
Manatiling nagbabantay!
Ang panahong nawala ay ‘di na magbabalik.
Walang lunas sa panghihinayang.
Pa’no ito sasabihin sa inyo ng Diyos?
Ang Kanyang salita ba ay ‘di marapat
sa inyong konsiderasyon at sa inyong pagninilay?
Ⅲ
Nakakaawa, napakahirap,
bulag at malupit ang landas ng sangkatauhan!
Sa pagtalikod sa salita ng Diyos,
nagsasalita ba Siya sa inyo nang walang-saysay?
Kung gayon, bakit pabaya pa rin kayo?
Hindi ba ninyo naisip noon?
Sa palagay ninyo, para kanino
sinasabi ng Diyos ang mga bagay na ito?
Maniwala sa Diyos, na inyong Tagapagligtas!
Siya ang inyong Makapangyarihan!
Manatiling nagbabantay!
Ang panahong nawala ay ‘di na magbabalik.
Walang lunas sa panghihinayang.
Pa’no ito sasabihin sa inyo ng Diyos?
Ang Kanyang salita ba ay ‘di marapat
sa inyong konsiderasyon at sa inyong pagninilay?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 30