40 Bumabagsak ang Mundo! Paralisado ang Babilonia!
1 Ipinagdiriwang ng mga tao sa buong sansinukob ang pagdating ng Aking araw, at lumalakad ang mga anghel sa piling ng lahat ng tao Ko. Kapag nagsasanhi ng kaguluhan si Satanas, ang mga anghel, dahil sa kanilang paglilingkod sa langit, ay laging tumutulong sa Aking mga tao. Hindi sila nalilinlang ng diyablo dahil sa kahinaan ng tao ngunit, dahil sa mabangis na pagsalakay ng mga puwersa ng kadiliman, lalo silang nagsisikap na maranasan ang buhay ng tao sa kabila ng hamog. Nagpapasakop ang lahat ng Aking tao sa ilalim ng Aking pangalan, at walang sinumang nag-aaklas upang lantaran Akong kalabanin. Dahil sa pagpapagal ng mga anghel, tinatanggap ng tao ang Aking pangalan, at lahat ay nasa gitna ng daloy ng Aking gawain.
2 Bumabagsak ang sanlibutan! Paralisado ang Babilonia! Ah, ang relihiyosong mundo! Paanong hindi ito mawawasak ng Aking awtoridad sa lupa? Sino ang nangangahas pa ring sumuway at kumalaban sa Akin? Ang mga eskriba? Lahat ng opisyal ng mga relihiyon? Ang mga pinuno at awtoridad sa lupa? Ang mga anghel? Sino ang hindi nagdiriwang sa pagkaperpekto at kapuspusan ng Aking katawan? Sa lahat ng tao, sino ang hindi umaawit ng mga papuri sa Akin nang walang tigil, sino ang walang maliw ang kaligayahan?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 22