470 Ang mga Salita ng Diyos: ang Tanging Prinsipyo para sa Kaligtasan ng Tao

1 Sa Kanyang pagpapahayag ng katotohanan, ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon at diwa; ang Kanyang pagpapahayag ng katotohanan ay hindi nababatay sa mga buod ng sangkatauhan sa iba’t-ibang positibong bagay at mga pananalita na kinikilala ng sangkatauhan. Ang mga salita ng Diyos ay mga salita ng Diyos; ang mga salita ng Diyos ay katotohanan. Ang mga ito ang pundasyon at ang batas kung saan dapat umiral ang sangkatauhan, at yaong diumano’y mga doktrinang nagmumula sa sangkatauhan ay kinokondena ng Diyos. Hindi nakakamit ng mga ito ang Kanyang pagsang-ayon, at lalo nang hindi ang mga ito ang pinagmulan o batayan ng Kanyang mga pagbigkas. Lahat ng salitang inilabas ng pagpapahayag ng Diyos ay katotohanan, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at Siya ang realidad ng lahat ng positibong bagay.

2 Ang tradisyonal na kultura at paraan ng pag-iral ng sangkatauhan ay hindi magiging katotohanan dahil sa mga pagbabago o paglipas ng panahon, at hindi rin magiging mga salita ng tao ang mga salita ng Diyos dahil sa pagkondena o pagiging malilimutin ng sangkatauhan. Hindi magbabago ang diwang ito kailanman; ang katotohanan ay palaging katotohanan. Ang katotohanan ang umiiral dito: Lahat ng kasabihang iyon na ibinuod ng sangkatauhan ay nagmumula kay Satanas—iyon ay mga imahinasyon at kuru-kuro ng tao, na nagmumula pa nga sa pagiging mainitin ng dugo ng tao, at ni wala man lang kinalaman sa mga positibong bagay. Ang mga salita ng Diyos, sa kabilang dako, ay mga pagpapahayag ng diwa at katayuan ng Diyos.

3 Para sa anong dahilan ang Kanyang pagpapahayag ng mga salitang ito? Bakit Ko sinasabing katotohanan ang mga ito? Ito ay dahil namumuno ang Diyos sa lahat ng batas, prinsipyo, ugat, diwa, aktwalidad, at hiwaga ng lahat ng bagay, at hawak ng kamay Niya ang mga ito, at ang Diyos lamang ang nakakaalam ng pinagmulan ng mga ito at kung ano talaga ang mga pinag-ugatan nito. Samakatuwid, ang mga pakahulugan lamang ng lahat ng bagay na binanggit sa mga salita ng Diyos ang pinakatumpak, at ang mga kinakailangang gawin ng sangkatauhan na napapaloob sa mga salita ng Diyos ang tanging pamantayan para sa sangkatauhan—ang tanging sukatan na dapat pagbatayan ng pag-iral ng sangkatauhan.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)

Sinundan: 469 Ang Kahalagahan ng mga Salita ng Diyos

Sumunod: 471 Mga Salita ng Diyos ang Katotohanang Kailanma’y Di-nagbabago

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito