299 Naghihintay sa Mabuting Balita ng Diyos
I
Nang may pananabik, agad Kang tumatawag.
Pagharap sa malupit na mga tao,
sinasabi Mo’ng nasa puso Mo.
Para sa inaasam, mga mali’y Iyong tinitiis,
ibinubuhos pag-asa’t dugo ng ‘Yong puso.
‘Di Ka umaasa nang sobra, lahat binibigay Mo,
‘di na bago sa sakit at pag-uusig.
O Banal, sinong maihahambing
sa kagandahan Mo?
Dakilang gawain Mo’y
pararangalan magpakailanman.
Papa’no Kita maiiwan
para lang maghanap ng kalayaan?
Mas nais kong magdusa
upang maghilom ang puso Mo.
Papa’no Kita maiiwan
para lang maghanap ng kalayaan?
Pag namumulaklak muli,
makikinig ako sa ‘Yong mabuting balita.
II
Nahulog ako sa kasalanan
ngunit bumabangon sa liwanag.
Lubos na nagpapasalamat sa pagtataas Mo.
Nagkatawang-taong Diyos ay nagdurusa,
ako pa kaya?
Kung sumuko ako sa dilim,
pa’no ko makikita ang Diyos?
Papa’no Kita maiiwan
para lang maghanap ng kalayaan?
Mas nais kong magdusa
upang maghilom ang puso Mo.
Papa’no Kita maiiwan
para lang maghanap ng kalayaan?
Pag namumulaklak muli,
makikinig ako sa ‘Yong mabuting balita.
III
‘Pag iniisip mga salita Mo,
mas lalo Kitang inaasam.
Tuwing nakikita ko’ng Iyong mukha,
nakokonsensyang nagpupugay ako sa Iyo.
Papa’no Kita maiiwan
para lang maghanap ng kalayaan?
Mas nais kong magdusa
upang maghilom ang puso Mo.
Papa’no Kita maiiwan
para lang maghanap ng kalayaan?
Pag namumulaklak muli,
makikinig ako sa ‘Yong mabuting balita.