469 Ang Kahalagahan ng mga Salita ng Diyos
Ⅰ
Nananalig sa Diyos dapat magpakabuti.
Ang mahalaga’y mapasa’yo Kanyang salita.
Kahit ano pa man, sa salita Niya’y ‘wag tatalikod.
Makilala’t malugod ang Diyos sa Kanyang salita.
Mga denominasyon, sektor at bansa
sa hinaharap lulupigin sa salita.
Sa tao ang Diyos ay mangungusap,
at panghahawakan nila ang Kanyang salita.
Dito, tao’y mapeperpekto, at lalaganap salita ng Diyos.
Tao’y isinasagawa Kanyang salita,
habang salita Niya’y nasa kalooban nila.
Lahat ng gamit ng Diyos kayang ipamuhay Kanyang salita.
Kung di mo ‘to kaya para Diyos ay patotohanan,
Banal na Espiritu’y di pa gumana sa’yo,
hindi ka pa rin perpekto.
Ito ang kahalagahan ng salita ng Diyos,
kahalagahan ng salita ng Diyos.
Ⅱ
Ang mga taong babad sa salita Niya
sa loob at sa labas ay naperpekto.
Yaong nagpapatotoo at tumutupad sa kalooban Niya,
taglay Kanyang salita bilang realidad.
Pagpasok sa Panahon ng Salita,
panahon ng Milenyong Kaharian,
ang gawaing kinukumpleto ngayon.
Ibahagi kung ano’ng sinasabi ng Diyos.
Sa pagkain at pagdanas lang
ng Kanyang salita, maisasabuhay mo ito.
Kung walang praktikal na karanasan,
kung di isabuhay realidad ng salita Niya,
walang makukumbinsi.
Lahat ng gamit ng Diyos
kayang ipamuhay Kanyang salita.
Kung di mo ‘to kaya para Diyos ay patotohanan,
Banal na Espiritu’y di pa gumana sa’yo,
hindi ka pa rin perpekto.
Ito ang kahalagahan ng salita ng Diyos,
kahalagahan ng salita ng Diyos.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita