471 Mga Salita ng Diyos ang Katotohanang Kailanma’y Di-nagbabago
Mga salita ng Diyos ay ang katotohanan,
kailanma’y ‘di magbabago.
Diyos ang tagapagtustos ng buhay,
at tanging gabay ng tao.
I
Halaga’t kahulugan ng Kanyang mga salita’y
natutukoy sa pamamagitan ng diwa nito,
‘di kung tinatanggap o kinikilala ‘to ng tao.
Kahit na walang tao sa lupa’ng
tumatanggap ng mga salita Niya,
‘di nasusukat ang halaga at tulong nito sa tao.
Mga salita ng Diyos ay ang katotohanan,
kailanma’y ‘di magbabago.
Diyos ang tagapagtustos ng buhay,
at tanging gabay ng tao.
II
Sa mga nagrerebelde, nagpapabulaan
at ‘di gumagalang sa Kanyang mga salita,
ang tanging tugon ng Diyos sa kanila ay ito:
Hayaang maging saksi Niya
ang panahon at katunayan,
mapakita ang mga salita Niya’y
ang katotohanan, daan at buhay;
mapakita ang lahat ng sinabi Niya ay tama,
ito’ng dapat taglayin at tanggapin ng tao.
Mga salita ng Diyos ay ang katotohanan,
kailanma’y ‘di magbabago.
Diyos ang tagapagtustos ng buhay,
at tanging gabay ng tao.
III
Sa lahat ng sumusunod sa Kanya,
ipapaalam sa kanila ng Diyos
ang katotohanang ito:
Sa mga ‘di makatanggap sa Kanyang mga salita
o maisagawa’ng mga ito sa mga pagkilos nila,
at sa mga ‘di makatuklas ng isang layunin
o ‘di makahanap ng kaligtasan
sa mga salita Niya,
lahat sila’y nakondena ng mga salita ng Diyos.
Nawala sa kanila ang kaligtasan ng Diyos.
‘Di kailanman malilihis
ang kaparusahan ng Diyos sa kanila.
Mga salita ng Diyos ay ang katotohanan,
kailanma’y ‘di magbabago.
Diyos ang tagapagtustos ng buhay,
at tanging gabay ng tao.
Mga salita ng Diyos ay ang katotohanan,
kailanma’y ‘di magbabago.
Diyos ang tagapagtustos ng buhay,
at tanging gabay ng tao.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa